You are on page 1of 2

1.

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

Ito ang klase nang pag susulat gumagamit nang mayamang imahinasyon ng manunulat na
maaring totoo at maaring hindi totoong nangyari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat
tulad ng pag sulat ng mga tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang masining na
katha.

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

Ito ang klase nang pag susulat na nakatuon sa isang particular na asignatura o ideya, na
nangangailangan ng direksyon, panuto o isang explanasyon. Kung ang isang akda ay
naglalaman ng teknikal na impormasyon, maaari natin itong ikonsidera na kabilang sa
teknikal na pagsulat. Isang halimbawa ng teknikal na pag sulat ay ang manuals, modules,
at mga training modules.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

Ang propesyonal na pagsulat ay pag sasagawa ng mga sulatin na may relasyon sa isang
propesyon. Ito ay maaring pangakademiko, pang military, batas, relihiyon at iba pa.
Gumagamit ito ng termino at istilong angkop sa pag sulat upang higit na munawaan ng
mga propesyonal.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

Ang dyornalistik na pagsulat ay estilo ng pagsulat kung saan naglalaman ito ng mga


importante at detalyadong impormasyon tungkol sa mga iba't ibang pangyayari sa loob at
labas ng isang bansa. Halimbawa ng dyornalistik na pagsulat ay balita, editorial, kulomn,
at iba pang karaniwang nakikita na pahayag sa isang magasin o dyaryo.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag o nagbibigay ng impormasyon o pagsusuri.


Naglalayon din itong mag rekomenda ng mga source o sanggunian tungkol sa isang
paksa. Halimbawa ay teksbuk, panahonang papel, disertasyon o kaya ay thesis.

6. Akademikong Pagsulat

Ang Akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng


kasanayan.Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa
kultura,karanasan reaksyon at opinyon base sa manunulat,gayundin ito ay tinatawag din
na intelektwal na pagsusulat. Halibawa ay pagawa ng abstrak, aklat, akademikong
sanaysa, sipnosis, pagsasaling wika, tesis, artikulo, antolohiya.

You might also like