You are on page 1of 2

PANGALAN: CALAMBA, MELODY A.

KURSO: BA.FILIPINO 3A

1. ANO ANG KAHULUGAN NG LEKSIKOGRAPIYA?

- Ang leksikograpiya ay proseso ng paglikha o pag-eedit ng


diksyunaryo at mga simulain at praktika ng paggawa ng
diksyunaryo.
"Ang leksikograpiya ay tumutukoy sa sangay ng linggwistika na
nakatuon sa proseso , teorya at praktika ng pagtitipon ng mga
salita upang makabuo ng mga sangguniang leksikograpikal
katulad ng diksyunaryo."

2. ANO-ANO ANG MGA PANGUNAHING TUNGKULIN NG LEKSIKOGRAPIYA?

Ang dibisyon ng Komisyon ng Wikang Filipino sa leksikograpiya ay may dalawang


tungkulin. Ito ay ang mga sumusunod:
MGA PANGUNAHING TUNGKULIN
1. Pagpaplano, pagbabalangkas, paghahanda at paglalahatla at
pagsasapanahon ng mga diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya, o iba pang
katulad na mga kagamitang pangwika alinsunod sa pinakahuling kaganapan sa
leksikograpiya; at
2. Pagtitipon at pagsasapanahon ng mga
disyunaryong monolinggwal o bilinggwal, mga bokabularyong
siyentipiko at espesyalisado, at mga terminolohiyang teknikal.
Paunawa: Ang impormasyon sa itaas ay "uncopyrightable" at maituturing na
"public domain" pagkat ito ay likha ng kawani ng Pamahalaan ng Pilipinas at
mula sa kaban ng bayan ang ginamit na salapi sa pagkakagawa nito.

3. ANO-ANO ANG MGA BALANGKAS NG LEKSIKOGRAPIYA?

Leksikograpiya

Dictionary of Lexicography (Hartmann, 2002)


Ang leksikograpiya ay tumutukoy sa propesyunal na Gawain at
akademikong larangan na nakatuon sa mga diksyunaryo at iba pang
katulad na sanggunian.
Dibisyon:
Lexicographic practice - pagbuo ng diksyunaryo; iniuugnay sa
industriya ng paglilimbag ng aklat.

Lexicographic theory - pananaliksik ukol sa mga teorya sa pagbuo ng


disksyunaryo; iniuugnay sa akademikong pananaliksik sa mga
larangang gaya ng linggwistika.

Words, Meaning and Vocabulary (Jackson at Amvela, 2007)


- Ang lexicographic theory ay tumutukoy sa mga pamamaraan
(technique) at simulain (principles) na kaugnay ng proseso ng
pagbuo at pag-eedit ng mga diksyunaryo.

Corelli, 2006
- Ang leksikograpiya ay isang mahalagang sangay ng linggwistika na sumasaklaw

teorya at praktika ng pagbubuo ng mga diksyunaryo .

You might also like