You are on page 1of 261

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) by Blacklily

I-rerepost ko po ito kasi napapagod na akong magreply sa nagtatanong kung sana nila
mababasa ito. Per Chapter po ang pagpopost ko kasi lalagyan ko na din ng quotation
marks at sana hindi maprivate. Please lang. Please...

Prologue

Wanted: Babymaker Male, 26-29 years old Must have a pleasing personality At least
5’9” Submit your resume at PO Box1231 Or send it through email at
wantedbabymaker@yahoo.com

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 1

Chapter 1.
Chapter 1. The Search

“Are you sure, you wanted to do this?” Marideth, my friend asked me for a million
times. I rolled my eyes at her.

“Yes, I am sure. There is nothing wrong in wanting to have a child.” I checked the
layout of the ad I am asking her to post in her website.

“Oo nga wala ngang mali sa gusto mong magkaanak. Every woman wanted to be
a mother, but are you sure you wanted to advertise it? I mean, you can have a
child without announcing it to the whole world. Many men are willing, you just
have to ask them.” Here we go again, ever since I told her about what I wanted she is
so against it.

“Mari, I already told you the reason why I can’t just pick any of my boyfriends to
father me a child. They won’t agree to my conditions. And besides I don’t want
any of their genes mixing our genes. Can you change the font to Arial black, the
font size should be 24 and it should be red.” Iniba ko na ang usapan kasi ayoko
nang mag explain ng mag explain. Ayokong nag eexplain ako.

“Red?”

“Yes, red. It should be in bold red, so it can easily capture attentions, it should be
arial for it to look formal and not a scam and it has to be big so that they would
think that it is serious enough for me to spend that much for this ad.” I saw Mari
write the changes that I wanted for the ad. She looked at me with a resigned
expression. She knew that I am serious about this thing and nothing could stop me
whenever I set my mind into doing something.

You may think that I’m weird, frustrated, crazy, insane or whatever adjective you may
call me. Sino ba naman ang gugustuhing anakan lang ng ibang tao at iwan na lang ng
ganun ganun na lang? Yung ibang babae nga naghahabol pa kung mabuntis sila ng
kanilang boyfriend para lang pakasalan sila to save themselves from the shame and the
ridicule of the society. But I am not like them. Hindi ako ibang babae.

You may also wonder kung sino ba talaga ako. Okay, I am Joanne Phoebe Zamora. 26
years old. Independent, Free spirited and hard headed. I live alone in my own condo,
have my own car, my own business, have 3 dogs and 4 cats for a pet, and 3
boyfriends for nothing. I am not rich pero hindi ako naghihirap. I am contented with my
life or so I thought. I hangout from time to time but not often. Nakakagala ako kung saan
ko gustong gumala. Masasabing complete na ang buhay ko parang centrum. . Totally
independent, care-free. I am totally happy with my life until one day. The day that
change everything. The day that I felt incomplete. The day that I saw a mother and her
baby at the mall. I felt an overwhelming jealousy towards that woman. An emptiness
that only a child could suffice. In that moment, I made a decision. I need to have a
baby. ASAP.

3rd day.
Nandito kami ngayon ni Marideth sa office niya looking through the applications of the
aspiring babymakers. Ang dami! Hindi pa kasama doon ang mga e-mails that I am
personally checking. Kunsabagay sino ba namang lalaki ang ayaw sa ganun? Walang
matinong lalaking tatanggi sa opportunity na makipagsex sa isang babae at babayaran
pa!

In 3 days time, 100 men send their resume through snail mail c/o Mari.
“You have to check kung sino sa kanila ang papasa sa taste mo. How about the
email?”

“They’re flooding it. I can barely keep up.” What with having 50 emails of resume per
day?

“So what do you think?” Looking more excited than I am. Sa dami ng nakita niyang
papable sa nag aapply na excite na din ang bruha.

“I will screen the applications and I will inform you kung sino ang tatawagan for
an initial interview.” Then I left her and bring with me the applications.

5th day
Andito na ulit ako sa office ni Mari and I can see that she is watching the video of her
interview with an aspiring babymaker. She keeps on rewinding the interview of a single
guy. I emailed to her 20 names for an initial interview after checking 250 applicants and
she already interviewed all of them.

Pinanood namin ang interview niya with the 20 aspirants.

“Ayaw ko sa kanya, masyadong maitim.” She raised her eyebrow.


“Don’t you think he is too loud?”

“Look at those hands, they’re everywhere. Ayokong malahian ng bakla.”

“How can he father me a child if he can’t even look at you in the eyes?”

And so on and so forth. Hanggang dumating kami sa part ng lalaking kanina pa niya
nirerewind ang interview.

“He is good.” Mari said after the interview. I raised my eyebrow.

“I don’t want him.”

“Why? He is good, handsome….”She seemed so shock na hindi ko gugustuhin ang


nagustuhan niya.

“Can’t you see that he stammers when you asked him some questions? He is not
articulate.” She looked at me sharply offended that I didn’t want the guy that she thinks
is the best among the interviewees.

“I don’t want him.” I throw the resume of the stammering guy at the garbage can.

“Ano ba talaga ang gusto mo? Babymaker or speaker of the house?”She said
agitated.

I just smiled at Mari.

6th day

Maaga akong pumunta sa office ni Marideth to check on the new aspirants. Naka more
than 50 aspirants na ako when I noticed an envelope that is a little bulky compared to
the other envelopes. I took it and opened it pero there is another envelope inside it.
When I opened the second envelope I was shocked sa nakita ko.

There is a condom inside na hindi pa nabubuksan. But what made me smile wider is the
caption outside the label.

‘TRY ME! I FIT.’

Napangiti ako.
Indeed, Let us see if you really fit.

At napahagikgik ang malanding kunsensiya ko.

A/N: Ito na muna. Tinamad na akong maglagay ng quotation marks sa Chapter 2,


Bukas naman ulit. Pero araw araw ang update nito. Kung hindi ko magawa araw araw,
sabunutan niyo na ako.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 2

Sa sobrang tuwa ko sa condom kinuha ko ito at dinala sa may bandang Espana Blvd
para ipaframe.. Nagulat naman si Manong nung binigay ko sa kanya ang isang pirasong
condom na may sulat sa label. Parang ayaw pa niyang tanggapin ang condom pero
wala siyang magagawa kasi customer ako at trabaho niya ang mag frame ng mga
pinapaframe.kahit condom pa yun Nagbabayad ako ng maayos. Sa huli pumayag din
siyang I frame ang condom. Pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga ginawa yung
mga nakasulat sa taas. Hahahahaha. Wala akong guts as in G-U-T-S. As in haller! Pero
totoong inuwi ko sa bahay yung condom. Hindi ko nga lang pinaframe ang condom kasi
baka magamit ko in the near future ang condom.
I emailed Marideth the names of the aspirants to be interviewed at nagulat pa siya kasi
5 lang ang binigay ko. Before I left her office I photocopied the resume ni “condom guy”
coz I know you wanted to see a glimpse of him. Hehehe. Seriously, his application really
caught my attention and like you, he awakens my curiosity. So ito na:
R E S U M E : see external Link

Yan! Yan ang application ng mokong! Naiintindihan niyo ba? Nung una hindi ko
maintindihan pero dahil sa likas na smart ako, nadecipher ko. Akala siguro ng mokong
maiisahan niya ako. Well..... isa lang ang masasabi ko sa kanya!

ASA!

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 3

Chapter 3. Stumbling, Falling for you.


R E S U M E

Name: Juan Carlos “Oca” Cariño


Date of Birth: September 3, 1982
Place of Birth: Metro, Manila
Nickname: “Oca” nga. Ang kulit.
Address: Makati. Metro Manila
Contact#: 0919-*******
Age: 28
Nationality: Filipino
Civil Status: Single
gENDER: Diba lalaki hinahanap mo? Magaapply ba ako kung babae ako?
Educational Attainment:
Putang Ina, Kailangan pa ba to? Ako nag aral ang sperm ko hindi!
Why did you apply for this job?
Just can’t resist the offer.
Yan ang nakalagay sa linsyak na resume na yun. Di ba? Walang originality, ginamitan
lang ng wingdings na font. Akala niya siguro maiisahan niya ako. Di ba niya alam na
tuwing makikipagchat ako sa isa kong officemate dito sa office ay wingdings na font ang
ginagamit namin? Hahahaha. Hahahahaha. LoL. LoL. Lol.
Anya: Oi abot dito ang ngiti mo.

Wingdings ang font yan kaso di pwede dito sa CC kaya I translated it for you. Si Anya
pala ang kachikahan ko dito sa office. Siya palagi ang kachat ko sa YM. Akala niyo
siguro ang paghahanap lang ng babymaker ang pinagkakaabalahan ko ano? May
trabaho din ako. I’m a busy person. Naks!
Joanne: Echusera ka!

Anya: Eh bakit ka nga nakangiti?

Joanne: Bakit masama na ngayon ngumiti?

Anya: Echusera ka talaga ever. Dahil na naman siguro yan kay Mr. condom guy ano?
Speaking of him… Nasaan na ang condom ko? Ako ang unang nakasagot sa
echuserang trivia mo ah.

Joanne: Andito na Kunin mo mamaya. Bakit gagamitin mo na ba? As in now na at


ganyan ka ka atat?

Anya: Gagah!

Anya has signed out.


I LOL at Enya. After a while, mga 2 minutes after kinuha nga niya ang premyo niya na
condom sa akin. Atat nga! Hahahaha.

3 hours later.
Andito ako ngayon sa office ni Marideth siyempre para panoorin ang initial interview sa
second batch of applicants at for you information kasama si Mr. Try Me, I Fit Condom
Guy sa interview na to. As usual natapos na yung apat na wala pa rin akong
nagugustuhan.

Tapos pumasok ang isang lalaki na nakashades sa office ni Mari. I heard her gasp!
Okay pasado naman ang lalaki sa qualification kasi pleasing naman ang personality
niya.

“Ahem! Good Morning.”

“Ahhhmmmm… go ooood morning. You a a are?” Mari stammers. Sa interview


kasi di nakikita ang mukha ni Mari kasi nakafocus lang ang camera sa iniinterview.
Boses lang ang naririnig ko and by the sound of it mukhang mas nenenerbiyos si Mari
keysa sa iinterviewhin niya

“I am Juan Carlos Cariño. Call me Oca.” Shit ang landi niya.

“Okay Oca.” Giggles. At nilalandi din siya ni Mari. “Your application really caught
our attention and I must admit now that I’ve meet you, I must say that you’re
really an eye catcher. If there’s such a word.” Giggles.

Siniko ko si Mari na nasa tabi ko lang kasi nakatulala pa siya sa TV while watching her
very own interview.
“Ang landi mo din ano? Parang di ka professional kung makainterview ah.” Sita
ko sa kanya.

“Sorry naman friend di ko mapigilan ang kilig.” Giggles. Jusko ano ang ginawa ng
lalaking yun sa kaibigan ko? So we watched further sa interview nila which turned out
okay. Magaling sumagot si Oca. Medyo brusko nga lang pero prangka. Hindi
namumulitika at lalong lalong hindi nambobola. Straight to the point. Pero nagulat ako
sa huling sinabi ni Mari.

“Okay, you may stripped off your clothes now.” Mari

“What?”

“I mean, that’s all for today. We’ll call you if you have passed and we will
schedule your final interview.”

“Okay. Thanks for your time.”. Kakaiba talaga pag nagtagpo ang dalawang malandi
ano?

Tumingin ako kay Mari ng nakataas ang kilay after we’ve watched the interview.

“Alam mo siya na ang hinahanap mo. A face that could rip a thousand panties, a
body to die for, and those luscious lips…. Oh my God……….I just cant imagine if
he is kissing me, I’m going to die.” She said hyperventillating.

“Okay. I’ll met him tomorrow.”

“The next day.”

Walang pasok. Ang saya. Walang pasok kasi umabsent ako sa office. Today is my
scheduled interview with Oca. At medyo nenenerbiyos ako kasi imemeet ko siya. Erase
that. Hindi ako ninenerbiyos. Okay.

I am supposed to met him at 10AM however, subalit, datapwa’t 9:00AM na andito pa


ako as condo kasi alas otso ako nagising and it took me an hour para mag ayos.
Natraffic pa ako kaya 10:30 na ako nakarating sa office ni Mari. I didn’t bother to knock.
Binuksan ko na lang ang pinto.

“Mari, I’m sorry I’m late. Grabe ang traffic. Nakarating na ba ang interviewee?
Ahhhhhhhhhhh……” at natapilok ako sa bagay na nakakalat sa office ni Mari.
Nabitawan ko ang purse na dala dala ko. I tried to control my balance pero masyadong
malakas ang pull ng gravity. Before I knew it, napasubsob ako at mabuti na lang at sa
malambot na bagay tumama ang precious and beautiful face ko. Pero nonetheless
mukhang tumabingi ang ilong ko. Teka malambot na bagay? I looked at it. Color Blue,
must be the sofa. Denim? It’s not Mari’s sofa. Mari’s sofa is white leather.

“So…..Ikaw ang aanakan ko?” A husky, smooth, and laughing voice above me said.
Must be Saint Peter. Then reality hit me like a bullet train. I return to my senses only to
find out na nakasubsob ako sa gitna ng mga legs ng lalaking nakashades. Nakasubsob
ako sa part just below his… his…. his…you already know what it is and he is looking
and blissfully smirking at me. Goodness, can the earth swallow me now?

“It’s seems that you’re ready. So, let’s get it on?” I wasn’t able to say any words. All
I did was look up, open my mouth and gape at him.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 4

Chapter 4. Define Sex Appeal.

“It seems that you’re ready, So… let’s get it on?”


Napatulala ako hindi dahil sa kagwapohan ng lalaking nasa harapan ko kundi dahil sa
sinabi niya. It took me almost 10 seconds to digest and understand kung ano ang sinabi
niya and when it dawned on me, an instinct told me what to do and not long after…

“ShiT! Awwww awwww awwww awww.. My God, Why did you punch my… my….
future? Damn, pag may nangyaring masama sa puhunan ko magbabayad kang
bakla kaaaaaaaaaaa!!!!!” And he jumped and jumped while clutching his so called
puhunan sabay bitaw ng lahat ng profanities a man had invented.

Umupo ako sa sofa while fixing my disheveled hair and at the same time looking at the
jumping ape while he is clutching his “investment”. Nasa ganun kaming kalagayan nung
biglang pumasok si Marideth sa office niya.

“O.M.G! You already did it? You didn’t even have the decency to look for a place
to do the did? You did it in my office! O-M-G.” Marideth looked so mad she’s turning
purple and becoming hilarious. “You didn’t even respect this place, my office!”

I throw her the throw pillow but sadly I missed.

“Ano yun?” Sabi niya nung dumaan ang pillo sa harap niya.

“Hoy Marideth! Anong pinagsasabi mo dyan? Anong we did it? Wag ka ngang
exaggerated dyan. We did not do what you think we did.”

“Eh,… bakit yung buhok mo parang hinangin and why is Oca holding his…
his….”

“Puhunan.” He added
“Puhunan?” Nagtatakang tanong ni Marideth

“Eh kasi ganito yun...” At yun kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Lahat lahat pati
ang pagsuntok ko sa “puhunan” ni Oca. And she went ballistic.

“Okay! Okay.” She said afterwards still hiccupping! “So, iinterviewhin mo na ba siya
Joanne?”

“No way! After niya akong binastos?” She raised her eyebrows. “And tinawag pa
niya akong bakla! The nerve!”

Napatingin si Mari sa akin na natatawa. At nakatingin din si Oca sa akin na nagtataka.

“Akala niya bakla ka?” And Marideth started her laughing fit again.

“Hindi ka bakla?” Nagtatakang tanong naman ni Oca.

Ayun at nagkasabay pa sila. Buhay nga naman. But wait! He really thinks I’m gay? How
dare he. And Marideth is again laughing her heart out.

“Si Joanne? You think she’s a gay? Sa ganda niyang yan? Si Joanne Phoebe
Zamora? Bakla?” At muntik na siyang magpagulong gulong sa kakatawa.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung kaibigan ko talaga itong si Marideth. Sarap sapakin
eh. Ni hindi man lang ako pinagtanggol sa Oca na ito.

“Joanne Phoebe Zamora?” Oca mumbled as if speaking to himself na parang


nakakita ng sampung anghel sa langit upon hearing my name. “Ikaw si Joanne
Phoebe Zamora? For real? You’re not a gay na naghahanap ng lalaking
mabibiktima?” Napatingin kaming dalawa ni Mari kay Oca na nakataas ang kilay.
Nang iinsulto ba siya? SI Joanne mukhang naaamuse sa kanyang nasasaksiihan, Ako
mukhang papatay. Papatay ng lalaking makalaglag panty. Damn! Tatlong beses na
akong tinawag na bakla ng demonyo na to. Isa pa at tatamaan na to. “You mean
seryoso yung paghahanap mo ng babymaker!!”

“Of course seryoso yun.”

“Pero bakit? Ikaw si Joanne Phoebe Zamora naghahanap ng lalaking aanakan


ka?” Hindi makapaniwalang sabi niya.

“Teka nga! Teka nga! Kilala mo ba si Joanne?” Napatingin ako kay Mari at kay Oca.

“OO matagal na!” Kilala niya ako? Matagal na? How come?

“Kilala mo siya? Matagal na? How come?”

Gagah! Inulit lang ni Mari ang nasa isip ko.

“Schoolmates ko siya! Sa STU!” OMG! He really knows me.

“OMG! You really know her.”

“How come I don’t recognize you?” Oo nga bakit di ko man lang namumukhaan?

“Uh-huh! Maybe during that time you’re too young to recognized the meaning of
sex appeal. “ Buong kumpyansang sabi pa niya.

Napanganga kami ni Mari sa sagot ni Oca. So ano ngayon ang ibig sabihin niyang
sabihin? Na siya ang meaning ng sex appeal? Oh c’mon!

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 5


Chapter 5: Tug of War

He then winked at us na parang proud na proud sa kanyang sinabi. Mari and I can’t
quite believe that in front of us is a guy full of ego. Egotistic is the right term for Oca.
Ego + Autistic=Egotistic= Oca.

Well anyway, enough! I have decided not to hire him at all. I don’t want my child to
inherit any of his airiness.

“So, your going to interview him?”

“I am not hiring him.” I said lifting my chin in an effort to appear dignified. Hahaha.

“What?” Ayun nagchorus silang dalawa.

“Bakit hindi mo siya ihahire? He is the most qualified applicant for the job. You
must be nuts for not hiring him. Don’t lose the opportunity of having a good
looking, witty, intelligent child. You must be losing your mind Joanne.”

“Marideth it’s not good looking, It’s drop dead gorgeous.” Goodness gracious he is
striking again.

“Drop dead gorgeous then.” And she giggles.

“That’s the reason why I don’t want to hire him. Napakayabang niya.”

“Kelan pa naging masama ang pagsasabi ng katotohanan? Kahit itanong mo pa


sa liga ng katotohanan na saksi o tahanan ng katotohanan na 24 oras masasabi
nila na hindi ako nagsisinungaling.”

“Tama naman siya Joanne. He is right. Pogi naman siya at…..”


“Alam mo Mari,” I said to her exasperated. “Kung gustong gusto mo siya, bakit di
na lang ikaw ang anakan niya?”

Nanlaki ang mata ni Mari. Napanganga si Oca. They both looked at me. Hah! Akala
niyo ha. Yan magkampihan kayo. And then they looked at each other. And they
grinned. What? They are grinning at each other na parang nag uusap ang mga mata
nila. Then they both looked at me smiling. Smiling?

“You know what Joanne, that’s a good idea. Totally splendid. Shining shimmering
splendid idea. Kung ayaw mong anakan ka ni Oca, ako na lang ang anakan
niya.” What!!!!!!!!!????What the hell is she saying?

“Tama!” Bulalas ni Oca and I swear I could see a light bulb on top of his head.

“But you don’t want to have a child yet.” I said to Mari. I am sure she is kidding me.
Hahaha. She must be bloody kidding me.

“Well, I change my mind. C’mon Oca let’s talk about our deal.” And she took Oca’s
hand and led him to her table. Before I could stop myself I already grab his other arm
and yanked him towards me. I don’t know what got into me para gawin yun.

“Well, I change my mind too. I will hire him.” And I tugged at his arm harder para
mabitawan siya ni Mari.

“But you don’t want him.” And she tugged him towards her.

“I changed my mind. I am hiring him. I realized that I don’t have time to look for
another applicant. And babae ako, It’s acceptable if I changed my mind
often.” And I tugged him towards me.
“Wala nang bawian. Touch move. He is mine! All mine!” She said salivating. And
she tugged him and I tugged him. As if we’re both fighting over a doll. We’re playing tug
of war over a guy. Not to mention an egotistic guy. I just can’t believe that we’re doing it
nor I can give up now. No way! And I tugged him again a little bit harder.

“Wait, wait! Girls. Calm down. Okay! Wag niyo akong pag agawan.” And kinindatan
niya kaming dalawa. Napatulala ako. Nabitawan ko siya. “You can both have me.
Pwede ko kayong anakan dalawa.” Why do I feel like vomiting? Damn it!
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mari. “But first, since si Joanne ang may urgent
need sa akin and sa kanya talaga ako nag aapply, then Mari I am sad to say na
ang offer niya muna ang tatanggapin ko.” He really looked sad upon saying those
words while looking at Mari. As if he is a great bargain no one could resist and the sales
lady said that it’s sold out. Damn it!

“But don’t be sad after our deal’s done, we can talk about your offer.”And he
patted Mari’s shoulder. I feel like hitting him in the head but I don’t want to spoil it. I am
winning isn’t it? Ako ang pinili niya di ba? Di ba? Pero di ba ako dapat ang namimili?
Damn it!

“So Joanne, where’s that contract that you want to talk about?” And he led me
towards Mari’s table. At ako naman sumunod sa kanya. I feel something is wrong with
everything pero I just can’t let go of this opportunity right? Nauna na akong naglakad
sa kanya papunta sa table ni Mari. Lumingon ako to check kung sumusunod ba siya
and I saw Mari winked at me. She winked at me? But then nakatingin din si Oca kay
Mari. Kanino nagwink si Mari? Kay Oca o sa akin? Bakit siya magwiwink sa akin?
Because I hired Oca? She’s happy that I hired him?

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 6

Chapter 6. Fucking Contract.


“So, this is your copy of the contract.” I handed him the copy of our contract. Andito
kami ngayon sa office pa din ni Marideth. This is such a long day. Naiistress na ako. At
imagine 3 chapters are dedicated para lang sa araw na to. Unbelievable! Iniwan pala
kami ni Marideth na mag usap dito. Lumabas siya kasi she wanted to grieve daw on her
loss. Tsk tsk. He took the contract at tiningnan ito. I give him 3 minutes to scan the
contents of the contract.

After 3 minutes…

“As you have read in that contract, I will pay you 50,000 pesos if you succeed na
mabuntis ako.” He nodded. “I will give it to you once my OB gyne confirmed of my
pregnancy.”

“Uh-huh. How about the duration of this contract? Kelan ito magtatapos? Hindi
nakalagay dito.” Aba hindinpa nga nagsisimula gusto na agad niyang matapos?

“Kasi, the contract will not end hanggat di mo ako nabubuntis.” Obvious ba?

“What!? Di ba ako lugi sa 50,000 pesos kung 2 years bago kita mabuntis?”

“Eh di buntisin mo ako agad!” That simple.

“Uhum…Paano kung baog ka? Eh di matatali ako sayo habangbuhay?”Ako baog?


Ang kapal talaga ng mukha ng Oca na to.

“I can assure you na hindi ako baog. But if you want to confirm, we can both
undergo a test to check our sterility. Para na din di ako magsayang ng oras sayo
once na malaman ko na baog ka. And by the way, you also have to subject
yourself to a test para malaman kung malinis ka o hindi.”

“Malinis ako at lalong hindi ako baog.” He protested.


“Naniniguro lang ako.” I raise my eyebrow at him. “If you have any questions you
can ask me now.”

“Ano to?” He then read the article,


‘Article 4. Sex is only during the fertile period of the employer. Beyond that date, the
employee could not demand for sex.’

“Paano ko malalaman kung fertile ka o hindi?”

“I will explain to you kung kelan ako fertile.” Alam kong mahabang habang
paliwanagan pero kailangan niyang malaman ang mga bagay na iyan.

“Bakit hindi na lang natin araw arawin para sure na walang mintis? Paniguradong
within a month mabubuntis ka na.” Tapos he winked at me. I feel like hitting him. Ang
manyak talaga.

“Ayokong maging losyang.” Okay. Joanne. Be patient. This is just an employee-


employer conversation. You have to be patient. I keep on reminding myself.

“Okay.” He again scanned the contract.

“Ano to?” Biglang tumaas ang boses niya while pointing sa isang provision sa
contract.
‘Article 8: The employee cannot enter into a relationship with other girls on the duration
of the contract. Doing so, will result to the dissolution of this agreement and the
employer have the option of not paying the employee or paying him in partial based on
her generosity.’

“Anong problema mo dyan?” I said as boring as I can na kulang na lang ay humikab


ako. Ang dami kasing tanong, ang daming reklamo. Nakakainis.

“Hindi pwede to.” He protested.

“At bakit? That sounds fair enough. That’s clearly a breach of contract. And tama
lang na partial ang ibabayad ko sa’yo kasi hindi naman fulfilled ang contract.”

“Fair for you, unfair for me.” Lalong tumaas ang boses niya. Anong unfair ang
pinagsasabi nito? Pasalamat nga siya mababayaran pa siya kahit papano.

“At paano naman naging unfair sayo? Aber?” Tumaas na din ang boses ko.

“This is a violation of my human rights. Ilan araw lang ba sa isang buwan fertile
ang isang babae? Tatlo hanggang lima? Ano ang gagawin ko sa natitirang 25
days? Sabihin mo nga! Tutunganga lang ako? That provision in
nonsense.” Pagalit na sabi niya.

“Aba! Wala na akong pakialam kung ano ang gagawin mo sa natitirang 25 days.
You can rest or sleep or whatever it is that you want to do but you cannot have a
girlfriend or have sex with any girls hanggat hindi ako nabubuntis.”

“You didn’t get it do you? You just cant put that provision sa contract na yan.”

“Bakit nga hindi? Dahil may iba kang gf? Break up with her or with them!
Ayokong mahawaan ng sakit I wanted to be safe.”

“I am always safe. I use condom all the time. I am not talking of safe sex here.
Damn it! Scrap that provision!” High blood na siya sa lagay na yan?

“You will not be using condom with me! Bakit ka gagamit ng condom kung
bubuntisin mo nga ako? Teka wait, you’re referring to….”
Oh my God! He is not concerned about the payment or the condom or the girlfriends.
He is talking about sex or lack thereof if I will hire him. And how the hell did he know
about the fertile days of women? Napatunganga ako ulit sa kanya.

“If you want me to abide by provision 8 then scrap the provision 4.Take it or leave
it.” Ang kapaaaal!

“Fine. Scrap #4.”

He then smiled at me and signed the contract. After that he motioned me to sign it too. I
signed it page to page. It has 3 pages. However, after signing it I noticed the correction
he’d made at provision 4. And I almost gasped at what I read:

‘Article 4. Sex is not only during the fertile period of the employer. Beyond that date, the
employee could demand for a sex anytime.’

I looked at him bewildered and unable to move. He then snatched the contract from me.
“Got to go.” He then winked at me. And waved the contract at me.

“Where the hell are you going?” I shouted at him pagkatapos kong makarecover.

“I’ll have this contract notarized.” He winked at me once again and went out of the
room.

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 7

Chapter 7. Pulubing Snatcher.


“Oi Joanne! Magkwento ka naman?” Tinaasan ko ng kilay si Anya na nakaupo sa
harap ng table ko. Bakit ba andito ito ngayon dito? Office hours pa naman ah.

“Bakit ka andito ngayon? Di pa naman breaktime ah. Killing time?”

“Hindi ah! Napadaan lang.” Napadaan daw pero mukhang hindi naman.

“Manghihingi ka ba ulit ng condom sa akin? Mukha ba akong factory ng


condom?”

“Hindi ah! Sobra ka naman! May natira pa kaya sa binigay mo!” She said pouting.
At nahiya pa siya!

“Eh bakit ka andito?” Sinasabi ko sa inyo, hindi yan pupunta dito kung wala siyang
kailangan.

“Magkwento ka kasi.”

“Ng ano naman?”

“About doon sa babymaker mo! Hehehe.” At kinilig ang bruha. It has been 3 days
after naming magkita ni Oca. “Ano ang itsura niya? Pogi ba? Magaling ba? Pwede
kong rentahan pagkatapos ng contract niyo?”See? Nakikita niyo kong gaano
kalandi itong si Anya?

“Hindi siya pogi.” Nanlaki ang mga mata ni Anya. “He is drop dead gorgeous.” Then
I rolled my eyes.

“Oh My God! I need to have him for myself! But on second thought, hihintayin ko
muna ang bagong boss natin. Baka mas papable siya kaysa sa babymaker
mo!” She said beaming.

“Anong bagong boss?”

“Di mo alam?”

“Ang ano? Ano ang hindi ko alam?”

“Magreresign na si Sir Kevin. At dapat lang talaga magresign na siya kasi 70


years old na siya. At papalitan na siya ng bagong boss natin. Oh di ba? Ang
galing!”

“Aalis na si Sir Kevin?” Nalungkot ako sa narinig ko. Close ko pa naman ang
matandang yun. Kahit siya ang big boss dito pero mabait siya. Feeling ko nga tatay ko
na siya. Nakakalungkot naman. And because of that news I was all gloomy hanggang
mag uwian. Sino ba ang may gustong magresign ang boss nila? Oo alam ko madami sa
inyo ang may gusto ng ganun. Pero ako hindi. Mahal ko ang boss namin. Swear!
Promise! Please.. maniwala na kayo.

After office hours dumiretso na ako sa sakayan ng jeep. Oo nag-d-jeep ako ngayon.
Coding ang kotse ko. Bwisit! Ang masama pa masikip ang jeep. Hindi naman ako
pwedeng magtaxi kasi nagtitipid ako para pambayad sa drop dead gorgeous kong
babymaker. Naramdaman niyo na ba ang feeling na galing sa malamig na lugar tapos
paglabas mo sumakay ka sa mainit, masikip at mabahong jeep? Hindi naman sa nag
iinarte ako, nagsasabi lang ako ng totoo.

Nagmumuni muni na ako sa jeep at nagpupunas ng pawis sa mukha nung biglang


nagring ang cp ko. So ako naman kinakapa ang cp ko para I cancel ang call kasi nga
ang ingay. Ayoko ngang ilabas ang cp ko sa jeep. Baka mamaya ma snatch pa.

I am about to cancel the call when I saw who’s calling..


Oca is calling…
“Pag tumatawag ako sagutin mo agad kasi ibig sabihin noon urgent!”

Naririnig ko na naman ang sinabi niya sa akin nung una siyang tumawag at hindi ko
agad nasagot. Sinabon niya ako ng sobra sobra.Kawawa talaga ako.

“Ano?”

“Wow! Wala man lang hello. Ganyan ka ba bumati sa mga tumatawag sa’yo?” Kita
niyo na kung gaano siya makapamintas.

“Eh di hello!” Medyo ata napalakas ang boses ko kasi napatingin ang mga tao sa akin.
“Bakit ka napatawag?” I asked him murmuring.

“Ano!?”

“Sabi ko bakit ka napatawag? Ang bingi mo!”

“Hindi ako bingi! Wag mo kasing ibulong!” Sigaw din niya sa kabilang line.

“OO na! OO na! Bakit ka nga napatawag?” Oh my God just talking to him like this is
a torture. Naiistress ako.

“Saan ka ngayon?”

“You called me just to ask me kung nasaan ako?” Okay! This hot weather is adding
to my already boiling temper na lalong pinapakulo ni Oca.

“OO. Bakit masama na ngayon magtanong?”


“OO. kasi you are disturbing me.”

“Bakit hindi mo na lang kasi sagutin ang tanong ko?” Demanding. tsk tsk!

“Okay! Nasa jeep ako ngayon. Pauwi na! May tanong ka pa?”Nakakahighblood siya
ha.

“Nasa jeep ka? Ang pulubi mo naman. Ang pupulubi talaga ng mga nakatira sa
bansa NIYO. Nagdjeep lang and ang init init pa ng bansa NIYO. Ano klaseng
bansa ba meron kayo?” Aba gago tong Oca na to ah! Kung makapanlait akala mo
hindi Pilipino. Ang lakas ng tama! Ang lakas mantrip

“Hoy akala mo kung sino ka.” Napatingin ulit sa akin ang mga pasahero na nginitian
ko lang. Baka akalain nila napakaiskandalosa ko.

Sino ako? Ako sino?

“OO sino ka ba para magsalita ng ganyan?”

“Ako si Oca, the drop dead gorgeous……”

EEEEEnnnnkkkkk......Waaaaaa....

Aaaahhhhhhh...

Aaayyyyyy!!!

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Oca kasi nga biglang nagpreno ang driver.
Napasigaw ang iba, ako napasubsob sa katabi ko. Shucks! Nawawalan ako ng poise
dito.
“Lintik tong driver na to ah. Pwede namang mag-overtake sabay pa ng
sabay!” Napamura ang driver ng jeep na sinasakyan ko. Dumidikit at sumasabay kasi
ang itim na fortuner sa jeep namin. Sakto namang red ang light kaya tumigil ang jeep at
tumabi pa din sa amin ang itim na fortuner. And busina pa ng busina. Bastos talaga!

“Boss! Ano ang problema mo?” Sabi nung driver sa driver ng kotse nung buksan nito
ang bintana sa may passenger seat. Patay magkakaroon pa ata ng away.

“Wala naman boss. Pasensiya na kung naiistorbo kayo. Nag aalala lang naman
kasi ako.” Sagot ng driver ng fortuner which sounds awfully familiar.

“Bakit boss ano ang problema?” Nagtataka na ang driver at lahat ng pasahero ng
jeep nakikiusi na din pati ang sa kabilang jeep.

“May pasahero ka kasing snatcher dyan! Baka kako may mabiktima siya.
Pababain mo na bago may mabiktima.” May snatcher? Lahat ng pasahero
nagbubulung bulungan na. Buti na lang concerned citizen ang driver ng fortuner.

“Salamat boss. Sino dito ang snatcher? Takteng snatcher bibiktimahin pa ang
mga pasahero ko.”

“Yung nakapulang damit at slacks na itim. Siya yung snatcher.”Nagtinginan lahat


ng pasahero. Pati ako tiningnan kung sino ang nakapula at nakaitim na slacks.
Hanggang sa mapako sa akin ang tingin ng lahat ng mga pasahero. Ako ang nakasuot
ng pulang damit at itim na slacks! Damn it! Pero bakit ako ang naging snatcher?

“Miss bumaba ka na! Bago ka kuyugin ng mga pasahero.” Sabi ng driver sa akin.
Mukhang galit nga ang mga pasahero. May narinig pa nga ako na ang mga snatcher
daw ngayon ay nagsusuot talaga ng mga magagandang damit na pang office para hindi
mahalata.
“Pero manong, hindi po ako snatcher! Nagsisinungaling ang taong yan.” Kung
sino ka mang bwisit ka makikita mo!

“Sino ba ang aamin na snatcher siya?” OO nga naman. Tama siya. Pero....Ay
bwisit! “Sige miss bumaba ka na!” Tapos nagchorus na ang mga pasahero.
Nakakahiya. Pawis na pawis na nga ako, wala na nga akong poise, napagbintangan pa
akong snatcher! Bwisit! Wala na akong nagawa kundi ang bumaba sa jeep. Hiyang hiya
ako sa nangyari sa akin.

Papunta na ako sa may gilid ng daan para mag abang ng isang jeep. May sasakay pa
kayang jeep sa akin? Gago kasi ang driver ng fortuner na yun eh. Speaking of the car,
pinagtitinginan pa din ako ng mga pasahero at andun pa din ang fortuner. Pupulbusin
ko na ba? Sarap batuhin.

“Oi pulubing snatcher! Sumakay ka na dito.” Napatingin ako sa sumigaw. At parang


umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko nung makita ko si Oca na sakay ng itim na
fortuner at nakangisi sa akin. Siya ang nagsabing snatcher ako.

Gusto ko nang pumatay ng tao. Now na!

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 8

Chapter 8. Fortune.

Lumapit ako sa itim na fortuner at sa demonyong tawa ng tawa. “Why did you do
that?” I said through gritted teeth.

“Oi sumakay ka na! Green light na.” I don’t have any choice kundi ang sumakay sa
kotse niya. Bumubusina na ang mga nakasunod na sasakyan and I don’t want to create
another scene. Pagkasakay ko pinaandar na niya ang kotse. Ang laki ng ngisi ng
demonyo. Nakaka… aaaaaahhhhhh! God knows kung ano ang pagpipigil na ginagawa
ko ngayon para lang hindi masakal ang demonyong to. Ikaw ba naman gawan ng
ganun sa harap ng madlang people!

“You should have seen your face!”I looked at him sharply. I feel like hitting him pero
baka mabangga kami. Ayoko pang mamatay. Paano kaya ako makakaganti sa kanya?
Bwisit talaga ang Oca na to. Laging sinisira ang araw ko. Bakit ba kasi nakilala ko siya?

“ kang mag-alala di ka naman na nila matatandaan.” At natutuwa pa siya sa


kahihiyan ng kapwa niya. The nerve!! Hindi ko nga pinansin. Dedeadmahin ko siya.
Hindi ko siya kakausapin ever.

“Di bali. Isasama naman kita ng dinner eh. Wala kasi akong ka dinner ngayon.
Ikaw kasi eh, pinagbawalan mo akong magkaroon ng gf. Yan tuloy walang akong
kasabay magdinner.” Pakialam ko? I kept a straight face and hindi ko siya pinansin.
Sabi nila magandang revenge ang pangdedeadma. Yan ang gagawin dedeadmahin ko
ang bwisit na to.

“Saan mo gusto magdinner? Ahhhh sa Terinoma na lang mas malapit. Gutom na


ako eh. Di pa ako nagmeryenda kanina. Grabe! Saan ba mas masarap ang
chicken? Jollibee, Mcdo or KFC? Di ba sila yung may mga value meal na di aabot
ng 100?” Di pa ba siya nakakahalata na dinedeadma ko siya? Ang kapal talaga at ang
manhid! Jusko naman!

“Wag kang mag-alala KKB naman eh. Di ako magpapalibre sa’yo.Swerte mo nga
eh! Pero pwede ring ikaw muna ang magbayad tapos ibabawas mo na lang sa
talent fee ko. So, kung oorder ako ngayon ng 100 pesos na pagkain at ang 50,000
pesos magiging 50,100.00 ang ibabayad mo sa akin.” Muntik ko na siyang mamura
sa sinabi niyang yun. Ang kapal talaga! Hah! Grabe! Di pa nga siya nakakapagtrabaho
mangungutang na. Bakit kaya di na lang niya isangla ang fortuner na to? Ang tanong,
sa kanya ba talaga to? And take note, hindi niya binawas ang kinain niya. Dinagdag
niya. Nagbobo-bobohan ba to or bobo lang talaga? Kabwisit talaga. Juice ko kumukulo
ang dugo ko sa demonyong to. At siya lang ang may mukhang mag alok ng KKB sa
akin. Lahat ng bf ko nililibre ako tapos siya KKB, tapos uutangin pa sa akin ang kakainin
niya? So parang pinahiya niya ako kanina para lang may mautangan siya. The nerve.
Ang kapal kapal kapal ng mukha! Saan ka nakakakita ng ganyang lalaki? Wala nang
hiya na natira sa katawan.

Dahil sa kakadaldal niya na dinedeadma ko naman di ko napansin na nakapark na kami


sa may trinoma.

“Pero sa tingin ko kukulangin ang 1 piece chicken with rice ko. Mag 2-piece
chicken na lang ako tapos, 2 extra rice, large coke at extra large fries tapos
sundae ano? What do you think?” Leche ka! Mamatay ka na sana! Mamatay ka na!
Bwisit!

“Oi pipi ka ba? Bat di ka nagsasalita?” Ha! Sa wakas napansin niya! Manigas ka.

“Joanne, pautangin mo muna ako ha. Gagasolinahan ko pa kasi ang kotse na to


eh. Hiniram lang kasi nakakahiya naman kung di ko man lang papagas. Pautang
na din ng 500 para sa gas!” What! Grabe talaga sa kakapalan! Kung di lang siya drop
dead gorgeous nunca na siya ang pipiliin ko na maging ama ng anak ko. Buti na lang at
ang ugali ay pwedeng ituro sa anak kasi kung namamana ito naku never kong pipiliin si
Oca. Sa kapal pa lang ng mukha talo na ang ceiling ng Trinoma sa kakapalan.

“Oi Joanne sabi ko pautang!” Utang your face!

“Bakit di ka nagsasalita?” Tapos humarap siya sa akin at hinawakan ang mga balikat
ko. At niyugyog niya ako. Gusto kong siyang itulak kasi nandidiri ako sa kanya pero I
wanted to maintain ang deadma look ko. Manigas ka but I would never talk to you.
Bahala ka sa buhay mo. At hindi kita ililibre. Mamamtay ka man sa gutom. Pagkatapos
ng lahat ng kahihiyan na dinanas ko sa’yo? Asa ka pa Oca. I feel like smiling kasi
feeling ko nakakaganti na ako kahit papano pero hindi dapat ako mag smile. Baka ma
misinterpret pa niya.

“Hindi ka magsasalita?” Hindi ako magsasalita.

“Sige. Siguro galit ka lang dahil sa ginawa ko kanina. Sorry na!” Nag puppy look
pa siya. Siguro kung puppy siya. Makocutan ako at matutuwa pero hindi eh. Hindi siya
puppy!

“Oi sorry na nga! Magsalita ka na! Naman oh! Pag ako di mo pinahiram ng pang
gas at nawalan ako ng gasoline sa gitna ng daan, kasalanan mo!” Aba at ako pa
ang may kasalanan!

After mga 5 minutes na katahimikan…

“Humingi naman na ako ng sorry ah! Hindi pa ba enough yun?” He said na


mukhang naiirita na talaga. Hindi enough yun kasi ang laking kahihiyan ang dinanas ko
and your sorry is not enough.

“Oi Joanne kausapin mo naman ako.” Never! Manigas ka dyan. I really feel like
smirking at him but I control myself. Dapat hindi ako magpapakita ng kahit na anong
feeling.

“Pag ikaw di nagsalita! Makikita mo!” At nanakot pa? Akala niya naman matatakot
ako! Asa!

“Ano? Hindi ka pa rin magsasalita?” Aba nakakatakot! “Bibilang ako hanggang


lima Joanne! Pag ikaw di nagsalita..”

“Isa. Ayaw mo talaga magsalita?”


“Dalawa.” Ang tagal naman mag lima.

“Tatlo.” I still keep a straight face.

But I was shocked nung bigla niyang hinawakan ang mukha ko and kissed me. Di ba
dapat hanggang lima? Bakit hanggang tatlo lang? Di ba siya marunong magbilang? It
may be instinct but I closed my eyes nung magdikit ang lips namin. Kahit pala makapal
ang mukha niya malambot pa din ang lips niya. Hindi ko ito first kiss. Lahat ng bf ko
nahalikan ko na pero bakit iba ang halik ni Oca? Hindi ko maexplain pero kakaiba eh.
Parang nawala ang memories ng lahat ng kiss na naranasan ko when his lips touched
mine. It’s electrifying and parang ayaw kong matapos ang halik. It’s as if something its
urging me to feel more, to taste more, to discover more. It’s sweet and warm and
comforting at the same time. It’s as if ito ang first kiss ko and I wanted to explore, to go
deeper.

Deeper? I gasped at what I thought. And because I gasped, Oca was able to deepen
the kiss. And I wanted it! Yes I wanted it. In fact I love it. I never wanted it to end. I
wanted it to go on forever and ever. And before I knew it my hands are on his shoulders
and I am kissing him back and urging him. Why can’t I stopped? Why can’t I pushed
him?

Then he pushed a button para magrecline and passenger seat. We then catch our
breath and continue kissing each other as if we can’t get enough of each other. I was
beyond apprehension and was really enjoying our kisses and I really don’t care kung
saan man napupunta ang mga kamay ni Oca. I am really into it. I don’t wanna be a
hypocrite!

“Do you want our baby to be named Fortune?” He said teasingly while biting my
lower lip!
“Shit!” Napamura ako! Naitulak ko siya and I must say na medyo napalakas ang tulak
ko kasi muntik na siya mauntog sa dashboard.

“Shit! How dare you!” I can’t believe this! Muntik na naming ginawa. And worst dito sa
kotse. My God!

“Walanghiya ka! You took advantage...”Akma ko siyang sasampalin when he caught


my hand.

“Ops.. ops… wag mo akong sampalin. I didn’t took advantage of you. You liked it
too. In fact, you wanted it the same way as I do. You kissed me back. Don’t be a
hypocrite Joanne. And besides, you are fertile, it’s understandable.” And he
winked at me.

Earth, swallow me now!

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 9

Chapter 9

Naiilang ako! Nakakailang ang nangyari kanina. Nahihiya ako. Pero itong kasama ko
parang wala lang. Ngingisi ngisi pa habang naglalakad kami papuntang KFC. Sa KFC
daw kami kakain kasi nga sabi ni Zhane mas masarap daw ang chicken sa KFC. At
dahil sa likas na kaladkarin itong si Oca, kaya sa KFC daw kami.

“You know what Joanne, that was an amazing kiss…”

“Shut up! Don’t say any word about what just happened.” Ayokong marinig pa ulit.
Grrr!!

“Bakit ayaw mong marinig? Gagawin at gagawin din natin yun…”


“Just shut up okay? Just shut up!”

“Okay! Okay! Sinabi mo eh.” He then hurriedly walked towards KFC. Wala talagang
pagkagentleman sa katawan ang lalaking ito. Nauuna pang maglakad. Kabwisit!
Nakakahighblood na siya!

“CARLOS!” Napalingon ako sa sumigaw. Grabe naman kung makasigaw yun parang
siya lang ang tao at parang sa bahay lang. Tsk. Tsk.

“CARLOS! Hoy!” And I saw a very pregnant woman running towards us. She looked
like a bouncing watermelon. Hindi kaya siya makunan? Akala ko lalagpasan kami ng
nagsisigaw na buntis pero tumigil siya sa harapan namin at biglang hinampas si Oca.

“Hoy! Carlos! Kumusta ka na? Long time no see!” At naglambitin ang buntis kay
Carlos. Don’t tell me isa to sa mga inanakan niya!

“Nica? Ikaw yan?”

“Of course. It’s me. The one and only beautiful me.” Natawa si Oca sa sinabi nung
Nica. Pero infairness maganda naman itong si Nica kahit ang laki laki ng tiyan.
“Well…you look like a melon to me.” And he laughed. Walang modo talaga. Kitang
buntis sinabihan pa niyang melon.

“Ang baaad mo...”


“Ano ka ba naman Nica!” Nagulat ako nung biglang nagsalita ang malaking poging
lalaki na bigla na lang sumulpot sa tabi ni Nica. “Kung makatakbo ka parang di ka
buntis!”

“Honey, don’t worry walang mangyayari sa akin. I know myself.” And she kissed
the guy sa cheeks. Gosh! Ang pogi naman ng lalaking ito.
“Tatay ng anak mo?” So hindi pala si Oca ang tatay ng pinagbubuntis ng Nica.

“Oo. Asawa ko. Si Ron. Remember him Hon? Si Carlos Cariño.” She said smiling.
Tumango naman ang asawa niya.

“Schoolmate ba natin siya dati Nics?” Oca asked habang tinitingnan ang lalaki.
Mukhang kinikilala pa niya.

“Heller Carlos! Si Ron, di mo kilala? Kabarkada namin siya. Isa pang bestfriend ni
Era. Hello! Earth to Oca.” Nica said half shouting. Ganyan talaga siguro pag buntis
ang babae. Palaging hyper. I have to take note of that attitude. I should modulate my
voice pag buntis na ako.

“Si Ron? Yung bakla? Asawa mo?” Nica giggled sa sinabi ni Oca. Namula naman
itong si Ron.

“Not anymore. He’s converted now. Look at this oh!” And she pointed at her
stomach. And she giggled again.

“Wow! Paano mo nagawa yun Nica? Nilandi mo ano? Kung alam ko lang na
magiging ganyan ka kapogi di sana pinatulan na lang kita dati pare!”

“Gusto mo suntukan na lang tayo pare?” Napaurong si Oca sa sinabi nung Ron. At
muntik na akong humalakhak. Hah! Buti nga kay Oca. Takot naman pala sa malalaking
tao itong si Oca eh. I smiled at the thought. I don’t know why but knowing na hindi lahat
ay mabubully ni Oca made me happy. Buti nga sa kanya.

“Babe easy ka lang. Alam mo naman itong si Carlos na mapagbiro di ba? And
stop sulking. I promise I won’t run again!”
“Sinabi mo na rin yan kahapon. Pero tumakbo ka pa rin ngayon.” Ron said at
mukhang upset na upset talaga kay Nica.

“Sssshhh. Wag mo akong awayin. Nakakasama sa baby. At ikaw Carlos, kung


makapagsalita ka. Baka isipin nitong gf mo ay bading ka. Hi! It seems that Carlos
have forgotten his manner. I’m Nica and this handsome guy here beside me is my
husband Ron. You are?”

Salamat naman at napansin nila ako. Nagsimula na akong mag-isip na di nila ako
nakikita eh. “Hi! I’m Joanne and….”

“Hindi ko siya gf Nica.” I was about to say that naunahan lang ako ni Oca.

“Ohhhhh…. I am sorry. Akala ko gf mo siya Carlos, mukha kasi kayong may LQ


eh. Ang sweet di ba honey? Kung hindi mo siya girlfriend ano mo siya?”

“Ahmmm. She’s my .. my… secretary. Yes, secretary.” Ano? Ako secretary niya?
Sapakin ko kaya to?

“Wow! Sosyal ka na ngayon Carlos, may secretary ka na. And you’re dating your
secretary ha. You never changed Carlos. Matinik ka pa din. Kaya kung ako sa’yo
Joanne, wag kang magpapaniwala dyan kay Carlos. Bolero yan. Hahaha.”

“Nica, I am not dating her. Wala lang kasi akong kasama sa lunch kaya siya na
lang sinama ko. At hindi ako papatol sa secretarya ha.” Ang yabang, ang kapal.
Walanghiya!Tangna mukha ba akong sekretarya? Kung hindi lang kahiya hiya binugbog
ko na ang lalaking ito.

“Whatever Carlos.” And she rolled her eyes na parang sinasabi na hindi siya
naniniwala kay Oca. “Anyway, di ba sabi mo maglulunch kayo? Sabay na lang
kaya tayo? Don’t worry. Our treat. Alam ko namang kuripot ka Carlos.” Hindi na
ako nagsalita. Si Oca tuwang tuwa naman at libre daw. Kapal talaga ng mukha niya. So
anyway kumain kami sa isang Chinese restaurant. At si Oca kung makaorder akala mo
siya ang magbabayad. Tahimik lang ako habang nag uusap sila. Sekretarya nga di ba?
Tss… Pero minsan tinatanong ako nung Ron kung kamusta daw bang Boss si Oca.
Siempre sabi ko okay lang. Ang mga sekretarya hindi dapat nagsasabi ng masasamang
bagay tungkol sa boss nila sa harap ng boss nila.

“John? Is that you?” Biglang lumapit ang seksi at magandang babae sa table namin.
Napatingin kaming lahat sa babae. Tapos kay Oca.

“Cheska!!!” Tapos tumayo si OCa ang hinug si Cheska daw.

“John I missed you so much.” And She kissed him. Sa lips. Gross! PDA. “Oh my
God, you are so handsome.” Nagkatinginan kami nina Nica at Ron. Nagkibit balikat si
Ron at ngumisi si Nica.

“Cheska dear.” Oca subtlely get rid of Cheska’s hand on his waist. Napagtitinginan na
kasi sila. Ang babae naman kung makayakap akala mo wala ng bukas. Hay Jusko po!

“Oh! Hi there. Nakalimutan kong may kasama pala itong si John.” John his ass.
Napansin niyo ba na iba iba ang tawag nila kay Oca. Nalilito na nga ako eh. “I’m
Cheska, John’s ex-girlfriend slash forever admirer slash lover if he want
whatever-he may-call-me..” And she giggled. She again hug him. Kung hindi ba
naman malandi. Kaya pala lumalaki ang ulo ng Oca na to eh.

“Chee, these are my college friends, Nica and Ron and my secretary Joanne.”

“Hi!” Tapos kinamayan niya si Nica and Ron and ignored me. Bastos! Tapos nag-usap
na sila ni Oca na parang sila lang dalawa.
“Ahhmmm.. Cheska do you want to join us? We….”Nica asked raising her
eyebrows. For sure ayaw din niyang kasama itong si Cheska na to but dahil sa
kagandahang asal ay niyaya niya ito.

“Sure. I would love to” She said cutting off Nica. Bastos talaga. Tapos ayun nag order
na din siya and again nakalimutan nila kaming tatlo. Sila lang ang nag uusap at
sinusubuan pa niya si OCa. Ito namang si Oca hindi na nahiya sa mag asawa na
nanlibre ng pagkain niya. Kaya Ron, Nica and I ended up talking at hinayaan namin ang
dalawa sa sarili nilang mundo.

“Anne?” I looked up because the voice sound so familiar. And it is indeed a small
world. Standing in front of me is Vincent. One of my boyfriends.

“Vince?” Oh Sh!t!

“What are you doing here? And why didn’t you tell me na lalabas ka pala?” Patay!
Okay. I’m not really serious with Vince but he is my longest boyfriend. 1 month na kami!
Sayang ang investment ko na time sa kanya if I lose him now.

“Hi Vince. Just chilling out with my bos…”

“She’s having a date with me, her boyfriend and with my friends.” Oca butt in. But
wait! Did he just say boyfriend? I looked at him. Nakatingin din sa kanya si Nica, si Ron,
Si Cheska and si Vincent. What is he talking about?

Boyfriend?Sabay sabay na sabi nilang apat. Oca just smiled.

“Di ba hon sabi niya Secretary niya si Joanne?” Nica asked ROn.

“Just shhh..”
“But John you said she’s your secretary.” Cheska whined.

“She’s my girlfriend, how come that she’s your girlfriend too?” Vince butt in. Ito
talagang si Oca kahit kailan pahamak. Okay na yung secretary eh. Bwisit talaga!

“Baby wag muna magulo sa tummy ni Mommy. Mommy is having a good time
pa.” Nica said while rubbing her tummy.

“John…”

“Okay she’s my secretary slash girlfriend.” Napanganga si Cheska and Nica and
Ron nodded. Damn ano ang gagawin ko?

“So that explains it.” Nica and Ron both nodded.

“ Anne..this can’t be…I am your boyfriend. We’re so good together. Bakit mo


nagawa to?” Patay! Patay na talaga ako. I can feel it. I can almost feel that I am losing
Vince.

“Pare, wag ka nang umangal dyan. Wag mong pahirapan ang girlfriend KO.
Ganito lang yan kasimple. Ayaw na niya sa’yo kaya pinagpalit ka niya at ako ang
pinili niya. Kasi hindi naman niya ako sasagutin kung mahal ka pa niya. May
kasabihan nga na “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi
hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una." Gets?He
said proudly as if he knows everything in the world.

Nakayuko lang ako. Nag iisip. Nahihiya. Then from my peripheral vision I saw Vince
walked out followed by Cheska. What the hell happened? Ano ang pinagsasabi ni
Oca?

May point ba siya?


Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 10

Chapter 10 Subtlety

Pagka walk out na pagka walk out nila Cheska at Vince nag order pa ng dessert si Nica
kaya medyo nagtagal pa kami. After that naghiwalay na din kami kasi napapagod na
daw ang baby niya. Information overload daw. Hahaha. Ang pinagtataka ko lang kasi
eversince the walk out hindi na rin ako pinapansin ni Oca. Hindi ko alam kong bakit.
Baka nasobrahan ng kain at di na makapagsalita.

Kaya ito ako ngayon sunod ng sunod kung saan siya pupunta. Lakad siya ng lakad ako
naman sunod ng sunod. Kanina pa kami ganito. Sumasakit na ang paa ko. Teka! Bakit
ba ako sunod ng sunod sa mokong na to. Saan ba kami pupunta?

“Oca, kanina pa tayo lakad ng lakad. Saan ba tayo pupunta?” Hindi niya ako
pinansin. I am sure na narinig niya ako kasi malapit na malapit lang kami. Nasa likod
lang niya ako. Impossibling di niya ako narinig.

“Hoy Oca, Saan tayo pupunta? Napapagod na ako kasusunod


sayo.”Nagrereklamo na ang paa ko kaya. Huhuhu.

Bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Muntik pa akong masubsob sa kanya. Aish!
“Sino ba ang nagsabi sayo na susunod ka ha?” Bulyaw niya sa akin. Nagulat ako sa
sinabi niya. Tinaasan niya ako ng boses? Anong kasalanan ko? Dapat pala hindi na ako
sumusunod sa kanya? Pero di ba magkasama kami?

“Ganun? So dapat pala hindi ako sumusunod sa’yo!? Sorry ha!” I said with as
much sarcasm as I can manage. Tapos tumalikod na ako at iniwan siya. Ayaw niya
akong sumusunod sa kanya? Di wag! Marunong akong umuwing mag isa! Sino ba
siya? Akala mo kung sinong pogi. Oo pogi siya pero di pa rin yun rason para maging
super mean siya sa akin. Kung ayaw niya pala akong kasama di dapat sinabi niya
kanina pa! Ang kapal ng mukha. Bastos! Bwisit!

Ouch naman! Tangnang araw to. Disgrasya lang ba ang aabutin ko ngayon? Dahil kasi
sa pag ngingitngit ko kay OCa hindi ako tumitingin sa nilalakaran ko at may
nakabangga ako.

“Miss I’m sorry.” Sabi nung binangga ko. Ang galing noh, ako ang nakabangga siya
pa ang nagsosorry. Dapat ganyan ang mga lalaki. Gentleman sila dapat, hindi katulad
ni Oca. Hindi dapat tinutularan ang mga katulad ni Oca. Kasi BI siya.

“Itchoki!” Sabay ngiti at pacute sa lalaking di kagwapohan na nakabangga sa akin.


Kahit di siya gwapo mabait naman.

“Sa susunod kasi tingnan mo ang nilalakaran mo!” Ayan na naman. Kilala niyo
naman siguro kung sino ang epal sa kwento na to di ba? Hindi ko nga alam kung bakit
ang epal epal niya eh. May mga tao ba talagang pinanganak na epal?

“Pare, nagsorry naman ako sa gf mo, at ok lang naman raw.” Pag e-explain ng
lalaki kay Oca.

“Hay naku po, hindi ko siya bf at at hindi ko siya kilala. Wag niyo na lang
pansinin.”

“Pare, hindi naman ikaw ang kinakausap ko kaya pwede wag kang epal?” Huh?
Sino daw ang epal? “Umalis ka na nga hindi naman ikaw ang sinabihan kong tanga
eh.” Ay sus hindi naman pala yung lalaking ang sinabihan niyang tanga eh. Kung hindi
tanga yung lalaki eh sino ang sinabihan niyang tanga? Then I realized na ako pala.
Umismid na lang ako. Ayoko na siyang murahin sa utak ko. Nahahighblood lang ako.
Sayang ang energy. HE IS NOT WORTH IT.

Naglakad na ako palayo sa mahangin, makapal, at epal na si Oca. Care ko ba sa


kanya?

“Oi Joanne saan ka pupunta?” He called after me.

“Eh di uuwi na.” Teka, saan nga ba ang sakayan dito? Naglakad pa ako nang
naglakad. Wala na, nawala na ako. Nakakahiya, nawala ako sa mall. Nung may
makasalubong akong guard tinanong ko kung saan ang sakayan. Nalagpasan ko na
pala kaya nag about face ako. Nagulat ako nung nakita ko si Oca sa likod ko.

“Sinusundan mo ba ako?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Oo. Baka kasi mawala ka eh.”

“Thank you na lang! Pero marunong ako umuwi.”

“Ah kaya pala nagtanong ka sa guard kung saan ang sakayan ano? Tara na hatid
na kita.”

“Wag na, kaya kong umuwing mag isa.”

“Wag ka nang pakipot.


Ihatid na kita.” At hinatak niya ang kamay ko. So parang magkaholding hands na kami
niyan. Dapat ba akong kiligin? Bakit naman ako kikiligin? Oh c’mon. Naglakad kami
papuntang parking lot habang hawak niya ang kamay ko. HHWW. Ayyyiieee. Damn!
Hindi ako kinikilig. Bakit ako kikiligin? Hindi kami nag uusap habang naglalakad,
HHWW lang. Ayyyiieee. Hindi ako kinikilig okay!? Bakit ako kikiligin?

“Tamad ka.” Bigla niyang sinabi.


“Ano?” Ano na naman ang pinagsasabi nito?

“Tamad ka.” Aba!

“Hindi ako tamad.”

“Tamad ka. Hindi ka nagtatrabaho. Ang lambot ng kamay mo.”

“Psshh!” I hissed. Tumawa siya ng kunti sa ginawa ko. Wala namang nakakatawa.
Weird. Weird siya.

“Oi showing na pala ito ngayon.” Tumingin ako sa tinitingnan niya. “The Twilight
Saga: Eclipse” What the Heck. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Eh ano ngayon kung showing na yan? Matagal na kaya.”

“Nood tayo.” Sabay hatak sa akin papuntang bilihan ng ticket!

“What!? Are you kidding me? Anong oras na?” Sa totoo lang gusto ko ding
mapanood ang movie na yan. Wala nga lang akong time. Die-hard fan ako ng twilight
pero haller, ayokong pahalata na gusto ko din manood. Baka sabihin niya kaladkarin
ako.

“May last full show pa. Tara na! Miss, 2 twilight.” Sabay bigay ng one thousand
peso bill sa cashier. Weee? Siya nagbayad? May pera siya? At 1,000? Akala ko wala
siyang pera? Nakatulala ako sa kanya.

“Ano pa tinatanga tanga mo dyan? Tara na.” At hinatak niya ulit ako. Pagkapasok
namin sa loob kunti na lang ang tao. Dahil siguro sa gabi na at 3 weeks nang showing
ang Eclipse. Pagpasok namin hindi pa nagsisimula ang movie kaya niyaya pa niya
akong lumabas para bumili ng popcorn at drinks namin.

Napapansin ko na kanina pa niya ako hinahatak at kanina pa niya hindi binibitiwan ang
kamay ko. Simula nung nabunggo ako.

“Oi Oca, yung kamay ko…”

“Sshhhh.. magsisimula na. Wag kang maingay.” Tapos nanood na siya. Weee? Fan
siya ng twilight? I wonder kung sino ang gusto niya sa mga character. Baka si Jacob.

“Wag mong ubusin ang popcorn. Mamigay ka!” Muntik na akong mapasigaw kasi
bigla ba naman bumulong sa tenga ko. ANg init ng hininga niya at ang bago pa. Shit!
Nanayo ang balahibo ko doon ah.

“Oh ito na ang popcorn mo!” Sabay bigay sa kanya ng popcorn. Bibili na lang kasi
iisa pa ang binili. Isang large na popcorn at isang large na drinks.

Kinuha naman niya ang popcorn at inabot sa akin ang drinks. “Ayan baka nauuhaw ka
na.” Tiningnan ko lang ang hawak niya. Ininuman niya kanina yan eh. Ano siya? Mags-
share kami ng straw?

“Wala akong virus. Kanina nga…” Tiningnan ko siya ng masama at kinuha ang
drinks. Ayoko nang marining ang susunod niyang sasabihin. Kailangan ba talagang i-
remind yun?

Nasa kalagitnaan na kami ng movie nung nagstretch siya and nagland ang kamay niya
sa braso ko. In short inakbayan niya ako. I ignore it. Malamig eh. Hehehe. Okay, I have
to admit na masarap ang feeling ng may mabangong lalaking nakaakbay sa’yo. At
kinikilig ako. Onti. Ahehehehe. Ang landi ko. Haha

After a while sinusubuan na niya ako ng popcorn. Hindi ko akalain na may ganitong side
si Oca. Pag madilim pala nagtatransform siya. May ka sweetan din pala sa katawan ang
lalaking ito. I smiled at the thought. First time kong masubuan ng popcorn sa sinehan.
Hahaha. Tae ang cheesy. Mas cheesy pa sa popcorn na kinakain namin ngayon.
Hahaha.

Naubos na ang pagkain namin at natapos na ang movie pero nakaakbay pa din siya sa
akin.

“Paunahin na natin sila.” He motioned yung mga ibang nanood. He then sighed.

“Joanne, ilang boyfriend mo pa ang kailangan ko dispatsahin?” I was shocked sa


tanong niya.

“Alam mo, you don’t have to do it.”

“Gagawin mo rin naman yun di ba? Eventually you are going to get rid of them.
So I’m going to do it for you. Sabihin mo lang kung ilan pa.”

“Oca, I can handle them…”

“No, I wanted to do it. Ayoko ng may iba ka pang boyfriend. Gusto ko, ako lang.”

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 11

11.

Joanne!! Sagutin mo ang phone! Daliiii!

Joanne!! Sagutin mo ang phone! Daliiii!


Joanne!! Sagutin mo ang phone! Daliiii!

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa phone ko. What the heck! Ang aga aga nang
iistorbo. Psshhh! For all that is holy it’s only 4:00AM. Goodness gracious. Kinuha ko
ang phone ko and answered it.

“What!?” Pasigaw kong sagot. Alam ko naman kong sino ang tumatawag. Pinalitan
niya kasi ang ringtone at message tone ng phone ko after kaming manood ng movie 3
days ago para daw boses niya ang marinig ko incase tumawag or magtext siya.
Pssshhh! Epal kasi.

“Wow! I never knew that hello is now equilvalent to what?”

“What do you want Oca?Bakit ang aga aga nang iistorbo ka? Anong oras pa
lang? Sabado ngayon, ito ang araw na gumigisaing ako ng tanghali, bakit
kailangan mong sirain yun?”

“Nagger!” And I heard him laugh.

“I am not a nagger damnit! Now tell me what you want at patulugin mo ako
pwede?” Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

“Uh-oh. Now you are mad.”

“Just tell me what the hell do you want!” Don’t tell me tumawag lang siya ng
ganitong oras para asarin ako! Malilintikan siya sa akin.

“Okay. Calm down. I want you to get up your bed and open your door because
nasa labas ako. Kanina pa ako doorbell ng doorbell dito.”

“Ano ang ginagawa mo dyan?”


“Mamaya na ako mag eexplain. Just open your door.”

“Fine!” And I marched out of my room papunta sa living room para buksan ang door.
Muntik pa akong matumba kasi natapilok ako sa rug. Nakapikit pa kasi ang mata ko.
“Bakit andito ka?” Sita ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Tumingin lang siya sa akin na parang natutulala. Tapos tiningnan niya ako mula ulo
hanggang paa.

“Whoah! Nice!” He said grinning. I looked at myself only to realized na hindi man lang
ako nagbathrobe. I’m only wearing a bra and a very short short called boxers. Damn!

“Shit!” Tapos tumakbo na ako pabalik sa room ko, leaving Oca sa may pinto. Wala na
akong pakialam kung isipin man niyang wala akong manners. Besides hindi naman sa
bisita. Ilang beses na siyang nakapunta dito.

“Maligo ka na din! May mga morning glory ka pa at mukhang binagyo ang buhok
mo!” Pahabol pa niya bago ako makapasok sa room. After a while I found myself taking
a bath. Gusto kong mawala ang kahihiyan ko kanina. I wanted to stay longer sa
shower.

“Oi Joanne! Bilisan mo nga. Maligo lang ang tagal tagal pa!” Then I heard the
closing of my bedroom door. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis ng t-shirt at short.
Lumabas ako ng living room and I found himsitting on my couch,watching on my tv,
eating my bread, drinking my coffee using my favorite cup.

“At home na at home ah!” I hope he could sense the sarcasm.

But I failed. He smiled at me instead. “May coffee na dun sa dining table and I
toasted some bread. You can have some.” I looked at him at umiling. Wala talaga
siyang hiya. Imagine he is inviting me to eat in my own home na parang ako ang bisita
at siya ang may ari. The nerve talaga.

“Why are you here?” I said crossing my arms in front of him.

“Sinusundo kita. Kaya you better have your coffee and your bread and then you
can pack some of your clothes and some stuffs.” Anong pinagsasabi nito?

“Sinusundo? Bakit may usapan ba tayo na aalis tayo?” I couldn’t remember na nag
usap kami na may pupuntahan kami.

“Kaya nga sinusundo kita. Kung may usapan tayo eh di hindi na kita sinundo.
Aishhh! Alam mo bilisan mo na kaya just wear sneakers. Matatraffic tayo dahil sa
kabagalan mo.”

“Saan ka ba pupunta at kailangan pa akong isama? Istorbo ka talaga eh noh?”

“Magjojogging tayo. Ang taba mo na kasi kaya naisipan kong I exercise ka. Para
maganda ang performance mo.” He said and sipped his coffee. Napaisip ako sa
sinabi niya. Hmmm.. Hindi naman ako mataba ah. At anong performance ang
pinagsasabi nito?Pero kunsabagay medyo matagal na rin akong hindi nag exercise.
Hindi naman masama kung magexercise di ba? Minsan may pakinabang din itong si
Oca.

“Okay! Magandang idea yan. Sana sinabihan mo ako kahapon at hindi yung
nanggugulat ka. Wait I’ll just change…”

“No need. Okay na yan. Just wear sneakers and bring a shade.”

“Okay!” Then pumunta na ako sa room ko at naglagay ng powder, towel, shade at


kung ano ano pang pangkikay sa maliit na knapsack ko. Pagkalabas ko ininom ko lang
ang coffee na hinanda niya at kinain ang toasted bread. After that lumabas na kami at
sumakay sa kotse nyang pahiram DAW sa kanya.

“Saan tayo magjojogging?” I asked him while I munched some M&Ms na nakalagay
sa dashboard ng kotse niya.

“Dyan dyan lang. AT wag mong ubusin ang chocolate ko. Ang takaw mo talaga.”

“Hmp! Ang damot! Makatulog na nga lang. Gisingin mo na lang ako pag
nakarating na tayo.”

“Ganun? Gagawin mo akong driver?”

“Sino ba ang gumising sa akin ng madaling araw?”

“Oo na, ako na. Matulog ka na lang. Nagger!”

“I am not a nagger…”

“Pssshhhh… wag maingay may natutulog.” Inirapan ko lang siya at pinikit ko na ang
mga mata ko.

3 years later….

Joke! Nagulat kasi ako dahil may maingay.

“Pare ang tagal niyo naman!”


“Pwede wag kayong maingay? Kitang may natutulog eh!” I heard na may nag
sshhhh… sssshhhh…Teka, dumating na ba kami? Bakit ang daming tao ata? Binuksan
ko unti unti ang mata ko.

“Kita niyo na? Nagising tuloy!”

“Sorry po!”

“Sorry po!” I heard murmurs at the backseat. Lumingon ako kung sino ang mga
lalaking nasa backseat. And I saw 3 equally handsome guys smiling at me.

“Hi! Pasensiya na maingay kami.” He said smiling at me.

“Okay lang. Sama kayo sa pagjojogging?” Nagcacarpool pala si Oca.

“Jogging?” Sabay sabay silang tatlong nagulat.

“Oo di ba magjojogging tayo? Saan ba tayo magjojogging?” Tapos bigla silang


tumawang tatlo.

“Saan nga ba tayo magjojogging pare?” Tanong nung lalaking may dimples kay
Oca.

“Dyan dyan nga lang.” At tumawa na naman silang tatlo. Anong nakakatawa. I looked
at all of them. Yung tatlo tumatawa at nagbabatukan. Si Oca nakangiti. At bakit nasa
NLEX KAMI? Tangna!

“Tangna Oca! Saan tayo pupunta?” Biglang tumawa nanaman yung tatlo.

“Hindi ba niya alam pare?”


“Obvious ba Jason? Kaya nga nagtatanong si Joanne eh.” Bakit kilala niya ako?

“Sa Pampanga.” He said smiling. Ngiting mas maliwanag pa sa papasikat na araw.

“Pampanga? Magjojogging tayo sa lahar?” At tumawa silang apat sa outburst ko.

“Pwede ka namang magjogging pero pwede din maglakad.”

“Prangkahin mo nga ako! Anong gagawin natin sa Pampanga? At bakit kasama


pa ako?” Taena naman kasi.

“We’re climbing Mt. Pinatubo.” Napamulagat ako sa sinabi niya.

“What!?” Damn it! Hindi nga ako naghahagdan sa office tapos paakyatin niya ako sa
bundok? Anong klaseng pag iisip meron itong si Oca.

“Never pa akong nakaakyat sa bundok. Why the hell na sinama mo ako?”

“Eh di dapat pasalamatan mo ako kasi pina experience ko sa’yo. Alam mo minsan
masarap din na maging close ka sa nature. It a very different experience being
close to natu….”

“Shut Up! I’m not coming! Ibaba mo ako dito. Ayokong sumama. Ibaba mo
ako!Matutulog pa ako! Magsashopping pa ako mamaya.” Okay Joanne DOn't
Panic. Calm Down. You can kill him later.

“No way!”

“Yes way!”
“No way. Sasama ka sa amin whether you like it or not.”

“Ayokong sumama! This is kidnapping. I’m going to sue you.”

“You are no longer a kid so this is not KIDnapping.”

“Then this is girlnapping or ladynapping or whatever you may call it. Basta I’m
going to sue you.”

“Girlnapping and ladynapping is not a criminal offense. So you cannot sue me.
And besides sumama ka naman kanina ng kusa sa akin.”

“Damn you!”

“I love you too.”

“Shut Up!”

“LQ?”

“Jason bakit ang slow mo? Kanina pa kaya”

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 12. Part 1

“Aw! Waaaa! Amp! Gosh! Ouch! !@#$! …..”Endless! I have been shouting endless.
Paano ba naman, kanina pa ako nauuntog. Nagiging bobo na ako. Patay na lahat ng
brain cells ko.

“Pwede ba Joanne wag kang sigaw ng sigaw?” At nagtawanan silang 6. Anim


kasama ang guide at ang driver ng 4x4 jeep na sinasakyan namin papuntang trek point
kuno ng Mt. Pinatubo.

“Paano ako hindi sisigaw … Awwww!” I feel like crying. Ngayon lang ako nakasakay
sa ganito ka bumpy na sasakyan na pati buong kaluluwa ko tumatalon everytime na
tatalon ang sasakyan. This is one hell of a bumpy ride.

“Promise! Hindi na ako uulit! Hinding hindi na. Hinding hindi na ako magpapaloko
sayo OCa! I hate you! I fucking hate… Shit!” Tumalon na naman ang jeep at
umangat na naman ang pwet ko. Alam niyo naman siguro kung ano ang bump di ba? At
pagsinabi kong bump hindi lang siya bump na mahina. Bump talaga siya na parang
tumatalon ang 4x4 jeep at siempre kasama kami sa pagtalon.

“Will you please settle down and shut up!”

“Settle down? Shut Up? How the hell am I supposed to do that when ….Awwww!
Manong hindi ka ba pwedeng pumili ng daan na hindi masyadong
bumpy?” Because I tell you, the road or road nga ba ang tawag dito, is full of rocks that
makes the jeep jump.

“Ma’am ito lang po talaga ang daan.”

“Halika dito.” And Oca encircled my waist with his arms na parang nakayakap na siya
sa akin. It lessen the bump kasi may weight na nagpupull down sa akin everytime na
aangat ako but it increases the ahem, the aham, and the clearing of throats ng mga
kasamahan namin. Okay, bago tayo makarating sa bundok ikukwento ko sa inyo ang
nangyari. It happens na hindi lang pala kaming apat ang aakyat sa Pinatubo. We’re 15
and yung ibang babae girlfriends ng kakilala nila Oca. Nakalimutan ko na ang mga
pangalan nila ang natatandaan ko na lang ay ang tatlong kasamahan namin kanina sa
kotse. Si Jaysonsa, yung kanina pang sinasabihan na slow, si Tamako, ang
nagsasabing slow si Jayson at si Tamadao ang kakambal ni Tamako. Si Tamako at
Tamadao ay magkapatid na kambal na half Japanese at half Pinoy. Silang tatlo din ang
kasama namin ngayon sa jeep at sila din ang nanunukso sa amin.

“Kelan…….Kelan kaya mapapansin ang aking. Awww.” I looked at Tamako na


hinimas himas ang ulo. Nauntog ata. Bigla ba naman kasi kumanta. Si Jayson naman
picture lang ng picture sa scenery.

“Oi ang ganda ng view at pinicturan niya kaming dalawa ni Oca na halos
magkayakap na.” Correction, si Oca lang ang nakayakap sa akin. Ako nakahawak sa
may hawakan. Okay?

“Ahhhhhh!!! Ang sarap ng feeling ng ganito! Nakakainlove……ang nature!


Kambal payakap! I love you so much!” At niyakap ni Tamadao si Tamako.

“Shit! Incest ka!” Sinapak naman ni Tamako si Tamadao.

“Magsitigil nga kayo. Ang ingay na nga nag iingay pa kayo?” Aba pero pag siya
ang maingay okay lang ganun?

“Oo na! Sumaya ka lang! Tatahimik na kami.” At tumahimik nga silang tatlo pero
halatang nagtitinginan. Minsan nagsasabi pa ng Nice move. Hindi ako manhid! Alam ko
na tinutukso nila kami. Pero anong magagawa ko? Ayokong naaalog ang utak ko. And
besides masarap ang feeling ng kayakap ni Oca. There is a sense of security, a feeling
na hindi ako mahuhulog sa sasakyan na ito. Medyo hindi na ako masyadong maingay
ngayon habang sakay ng jeep pero di pa rin naalis yung awww, waaa at kung ano pa
everytime biglang tatalon ang jeep. And pag nangyayari yun Oca grasp on my waist
tightens. Minsan pag sobrang bumpy na talaga sabay sabay kaming umaangat. After a
while of riding nakuha ko na din ang rhythm ng sasakyan. Nakakasabay na ako. Yehey!
And I’m sort of enjoying the bumpy ride and the feel of Oca’s body next to mine. Hindi
ko nga lang ma distinguish kung ano ang mas enjoyable. The bumpy ride or Oca’s hug.
Hahaha. Ang landi ko. I know!
“Malapit na po tayo. Mga 5 minutes na lang nasa trekking point na tayo.” The
driver announced.

“Awwwww!” The 3 chorused. Dahil ba gusto pa nilang mag bumpy ride or what?

“Nanghihinayang…..naghihinayang ang puso ko……..Ouch!” sabay kanta ni


Tamadao pero sadly nauntog siya nung bigla may bump. We all laughed at him.

“Awww! God Damn it!” It was me and Oca. He must have loosened his hold on my
waist causing his arm na umakyat ng kunti resulting to his hands grazing the lower part
of my breast. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Namumula siya
maybe because of the heat. Ako I’m sure namumula ako not because of the heat. I feel
so stupid blushing at his single touch. I feel stupid feeling like a teenager because of
Oca.

After a while, nag announced ang driver na nakarating na kami sa trek point. Nauna na
yung ibang kasamahan namin. Sabi ng guide more or less 3 hours daw ang trekking
namin. I never dared object. Wala naman na kasi akong magagawa kung
magrereklamo pa ako. Might as well enjoy this nature tripping. Sinabihan kaming
magsuot ng tsinelas kasi daw tatawid kami ng ilogs. Take note of the S. Pero wala
akong tsinelas but I really don’t mind na na mabasa ang running shoes ko.

“Oh ito.” And Oca handed me a pair of slippers. Crocs. He is wearing the same at
parehas pa kami ng kulay. White.

Kinuha ko ang slippers and murmured my thanks. Nag iinit ang pisngi ko. I don’t know
why I am blushing dahil sa ginawa niya. Why the hell am I blushing?

Nasa tabi ko lang siya while I’m changing from running shoes to slippers. Kinuha niya
ang running shoes ko and put it in his bakpak. May malaking bakpak kasi siyang dala.
In fact silang lahat may dalang bakpak na malalaki. Ako lang ang walang dalang
bakpak. And dala ko lang ay ang maliit na lagayan ko ng abubot. Malay ko ba naman
kasi na aakyat kami ng bundok di ba? After niyang ilagay ang shoes ko kinuha niya ang
cap na katulad ng sa kanya at nilagay sa ulo ko.

“Sumunod ka sa akin.” At nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako sa


kanya. I smiled secretly at his actions. Kinikilig ako. I never thought that Oca could be
that sweet and thoughtful. Awwwww.

“Oi!!! Parehas sila ng cap!” Puna Jayson sa amin. Nasa likuran kasi namin sila ni
Oca.

“At parehas sila ng slippers. Wow!” Tamadao added

“Hindi sila hayop! Hidi rin sila tao! Bagay sila! Bagay na bagay!”Tamako said.

“Tama ka Tamako. Bagay nga sila

“Kelan ba ako nagkamali? Tama ako palagi. Tama ‘ko. Hehehe.” We ignored them.
Lakad pa din kami ng lakad. Hindi na din kami tinutukso ni Oca kasi nga sinesave nila
ata ang energy nila para sa 3 hours sa lakad. I don’t know kung ano ang mangyayari sa
akin in that 3 hours.

After a while naunahan na kami ng tatlo. Dahil siguro sa mabagal akong maglakad.
Pero kung ako lang ang mabagal bakit nasa unahan ko pa din si Oca? Naabutan namin
ang iba naming kasamahan nung patawid na kami sa river. I am quite enjoying the
whole thing. Despite na nakakapagod talaga, ang sarap naman ng feeling habang
nakikita mo ang nature. Sayang at wala akong dalang camera.

“Joanne! Ano Ba! Ang kupad kupad mong maglakad! Wala ka sa park! Nasa
bundok ka!”Ay takte! Nagulat ako nung biglang sumigaw si Oca na nasa harapan ko. I
looked at him and looked around. Kanina kasi nasa medyo gitna pa kami, pero bakit
ngayon ako na ang pinakadulo? Mabagal ba talaga ako maglakad?

“Kung nababagalan ka sa akin eh di mauna ka na.” Tapos inirapan ko siya.

“Eh kung maiwan ka dito? Kunsensiya ko pa! Ang bagal bagal mo. In that pace of
yours, makakarating tayo sa crater after 20 years!”

“Teka nga muna!” Binilisan ko ang lakad ko, hinarap si Oca at nameywang sa harap
niya. “Sino ba ang PUMILIT sa akin na sumama dito? Kung sana hindi mo ako
PINILIT di sana wala kang iniisip kundi sarili mo!”

“So is that your way of revenge?” He said while looking down at me. “Gumaganti ka
by trying to delay us? Ganun? Dahil sa pinilit kita kaya sinasadya mong idelay
ang lahat?” He said at mukhang irritated na talaga siya. I must have really irked him.
Pero promise hindi ko naman talaga dinedelay ang trekking. I am just enjoying the
scenery.

“Alam mo Oca, Ang dami mong sinasabi. If you wanted to go then go ahead and
leave me alone! I am not forcing you to stick by me.” Okay I can sense a war. And
some of our companions stopped at tiningnan kami. Narinig ata nila ang sigawan
namin.

“ lahat kasi ng babae dito ikaw lang ang maarte. They could all keep up except
you. Hindi mo man lang napapansin that everyone are slowing their pace just so
hindi tayo maiwanan. Palibhasa ang manhid mo!”Sigaw niya sa akin. Umakyat ang
lahat ng dugo ko sa ulo!

“My God Oca, first and forememost I never wanted to join in this climb. You
forced me into it. Tapos ngayon sisihin mo ako kasi nadedelay kayo? I am not
even prepared to climb in this mountain. You don’t have the fucking right to
demand anything from me because you forced me into this. What kind of fucking
mind meron ka? Pero wag kang mag-alala. Now that you’ve mentioned, I will no
longer be the cause of your delay. Now get the fucking out of my way!” And tinulak
ko siya at naglakad ahead of him. In fact ahead of everyone na madaanan ko. Lahat
kasi nakatigil watching us. Yung iba naman na di tumigil nagulat nang makita nila akong
mabilis na naglalakad ahead of them.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 12 Part 2

Part 2

“Pare, habulin mo!”

“Pare baka mapano yun.”

“J, hindi naman kami nagrereklamo kahit mabagal ng pace natin. You don’t have
to do that to her.”

Ang shit talaga niya. Pinahiya niya ako sa mga kaibigan niya. How dare him. I feel like
crying. Suddenly I felt all alone. Wala naman talaga akong kakilala dito. Siya lang! Pero
ang walanghiya! I’ve never been humiliated like this in my whole life. Nanlalabo na ang
mga mata ko. Kelan pa ako naging iyakin? I brushed away the tears that threatened to
fall. 2 hours of walking at ito ang nakuha ko? Bullshit! At ang lintik na mga luha na to
walang planong tumigil. I was dubbing my tears when I tripped on a stone! Shoot! Just
what I needed.

The pain of falling made me want to cry more. Ang sakit ng tuhod ko. Gusto ko nang
umiyak ng umiyak dahil sa mga nararanasan ko but I stopped myself. Pride na lang ang
natitira sa akin, pati ba yun igigive up ko? I felt a hand na humawak sa braso ko to help
me get up but I brushed it off. Alam ko namang si Oca yun. Eventhough I’ve been
blinded by tears, naamoy ko naman siya.

Pagkatayo ko hinawakan niya ulit ako. Forcing me to face him but I didn’t. Ayokong
makita niya na umiiyak ako. “Get your hand off me Cariño!” Then I looked at him with
as much contempt as I can manage.

Binitiwan niya ako and I continued my brisk walking slash jogging. Who would have
thought that jogging in lahar is totally possible? I smiled bitterly. I am way ahead the
others. Malapit ko na din maabutan yung mga guide na nagdadala ng mga gamit namin.
Nauna kasi sila kasi sila ang magseset up ng mga tent. I can also feel Oca tailing after
me. Pero wala akong pakialam. Lakad lang ako ng lakad. Uhaw na uhaw na ako.
Feeling ko madedehydrate na ako. After a while I was rewarded by the view that is in
front of me. The crater of Mt. Pinatubo. Indeed it was breathtaking. I saw the guide
setting up the tents at ang iba pa naming gamit. So this is it. Maganda ang feeling. Mas
maganda sana kung hindi ako binadtrip ni Oca. Umupo ako sa lupa catching my breath.
I badly need water.

Then I saw a hand handing me a bottle of water. Kukunin ko na sana kaso nakita ko
kung sino ang nagbibigay. And pride took over me. I ignored it. Bahala nang mamatay
ako pero hinding hindi ko kukunin ang tubig na binibigay niya. I suddenly saw the guide
setting up the 5 gallon water. Yung iba doon kumukuha ng tubig. Tumayo ako, iniwan si
Oca at kumuha ng tubig using the plastic cup provided. Tapos bumalik ako sa dating
pwesto ko at doon umupo.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko. It was a girl.

“Sorry sa nangyari.” She said.

“Bakit ka nagsosorry hindi naman ikaw ang may kasalanan?”

“For J… For Oca. What he did is a bit off I must admit. He shouldn’t have done
that. Kung ako siguro sa shoes mo, hindi lang yun ang aabutin niya. Nasanay
lang siguro siya sa mabilis na pacing everytime we climb.” So this girl is a
mountain climber. “But I admire you, Nung first time ko umakyat ng bundok, I fell
almost 20 times. And nobody does brisk walking while mountain climbing.
Nakakabilib ka!” And she laughed. I laughed too. God, I must have looked stupid a
while ago.

“I’m Jana. We were introduced a while ago but I’m not sure if you still remember
me. Sa dami namin kanina.” She said smiling. “My boyfriend Mark is over
there.” And she pointed a guy na kumakausap sa isa sa mga guides. They guy looked
at us and waived. I waived back and slightly smiled. “Siya and si Oca ang
nagorganize ng event na to. We do it every year for 5 years already. Ito rin ang
una kong inakyat since medyo madali lang ito. And since then I am hooked with
mountain climbing. Sumasama na ako sa kanila palagi.” She kept on talking while I
listen. Kinuwento na niya sa akin ang story nila ni Mark. She asked a few questions
about me which I graciously answered. Hindi naman kasi confidential ang buhay ko. I
must say that she is nice. Later on, pumunta na si Mark sa amin at nakichika na rin.
Then dumadami na ng dumadami.

“Hey Joanne,
The climb is fun right?” Ask Tamadao na agad namang binatukan ni Tamako.

“Ano ka ba naman kambal, masakit yuunn.”gumisi lang si Tamako. Ngumiti lang ako
sa kanila. Mayamaya nagkayayaan nang maglunch. Kumain na kami pero hindi ko pa
rin pinapansin si Oca. Madaming beses na siyang lumapit sa akin. Offering me towels,
food, water at kung ano ano pa. But I ignored it all. Manigas siya. After lunch yung iba
natulog sa ilalim ng puno yung iba nagboating sa lake, yung iba naligo. Of course ako
nanood lang at nag ikot ikot.

Unti unti nang lumalamig and by 4PM medyo madilim na. Yung iba pumasok na sa tent
nila and the others are preparing dinner. Ang problema ko saan ako matutulog. Siguro
pwede naman akong makatulog kina Jana. There are 6 tents lahat. 15 kami and sa
tantiya ko each tent kasya ang apat.

By 5PM nagdinner na kami at dumidilim na talaga. I helped in cleaning the dishes and
after that watched as the lake change its color. This is the reward of 2 hours and 30
minutes of trekking. The scenic view. Calming.

Maya maya may umupo sa tabi ko. Si Oca.

“Miss Joanne, sorry na po. Sorry nagging rude ako sa’yo. It’s all my fault.” Hindi
ko pa din siya pinansin. Umulan man at bumagyo hinding hindi ko siya papansinin.
Nakaupo lang kami for like 15 minutes. Tumitingin ako kung saan saan aside from him.
Yung ibang kasamahan namin naglalaro ng cards. Yung iba pumasok na sa tent. Yung
iba nag uusap sa bonfire. Kaming dalawa, we’re like lovers in the moonlight. Malayo
kami sa liwanag ng bonfire. We’re like lovers and we’re having an LQ. I rolled my eyes
at the thought. Umaatake na naman ang pagkaromantic ko. I brushed away the thought
because romantic doesn’t suit Oca.

“Jo….Anne…”He hesitated. Hindi niya alam ang itatawag sa akin. Hindi naman talaga
niya alam kung ang palayaw ko. Maybe he’d heard Vince calling me Anne and it would
be not so Oca kung gagayahin niya yun.

“Baby, kausapin mo na ako. Sige ka! Kung di mo ako kakausapin wala kang
matutulugan mamaya.” Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi dahil sa sinabi
niyang wala akong matutulugan kundi dahil sa tinawag niya akong Baby. Nanayo ang
balahibo ko. Hindi dahil sa biglang humangin ng malamig kundi dahil sa bigla niya
akong inakbayan.

“Oh ano, a tent or forgiveness?” He asked challenging me. Inalis ko ang kamay
niyang nakaakbay sa akin.
“Nagpapakipot ka pa eh!” Magsasalita na nga lang magsashower pa ng laway! Gross!

“Damn! It’s drizzling.” He muttered. Umaambon nga. Hindi pala niya laway yun. It is
indeed drizzling. Unti unti nang pumasok sa kanilang mga tent ang mga kasamahan
namin. They really have their designated tent.

“Dali! Sagot na! A tent or forgiveness.” He then winked at me. Ang kapal ng mukha.
I stood up and headed to the station na may bubong. I guess I will have to settle sa
sand. Hindi namn siguro babaha.

“Ang echos mo naman Joanne!” And I was being lifted by Oca na parang sako ng
bigas. Tumatawa yung ibang kasamahan namin sa ginawa niya.

“Wag ka ngang malikot! Pag ikaw nabitawan ko sa lawa ka didiretso.”Siempre


ayaw kong maligo ng wala sa oras kaya I stopped from wiggling. Maya maya nasa loob
na kami ng tent. Pagkapasok namin agad namang lumakas ang ulan. Great! Hindi kaya
aapaw ang lawa? Hehehe.

“Okay! I am not good at saying sorry so please don’t make it hard for me. Sorry.
Hindi ko dapat ginawa yun. I know I was rude. I didn’t consider your feelings.
Sorry na. Hindi na maul…”

“Pag nasobrahan nagiging OA na.” I muttered. “You can plainly say sorry and
mean it without all those trappings.” I briefly said.

“So okay na tayo?”

“Magsasayang lang ako ng energy kung magagalit pa ako sayo. Knowing what an
asshole you are.”

“Seriously, napatawad mo na talaga ako?”


“Oo nga!”

“Eh bakit may asshole pang kasama?”

“I’m just stating the fact.” Hinubad ko na ang shoes ko na suot (nagpalit kasi kami
kanina after naming tumawid sa pang hinding ko na mabilang na ilog) At humiga na ako
sa tent. I’m tired and all at wala na akong pakialam kung dalawa lang kami dito. The
tent is spacious for both of us at hindi naman kami magsisikip. Before I realized it I was
already dozing off.

Nagising ako nung may marinig akong swoosh sa may tent. I looked at my watch and
napansin kong 12MN na. Umuulan pa din pero di ako nilalamig kasi may kumot ako.
May kumot ako? And then I looked at Oca. He is on the other side of the tent at wala
siyang kumot. Naawa ako kasi malamig talaga so I shared with him the blanket. Malaki
naman kasi ang blanket.

After a while nakatulog na ako. Masarap kasi matulog pag umuulan. Then I felt
something hugged me. And it felt nice. It’s warm so I cuddled more and hugged
whatever it is that is warm and nice and comfortable.

“Thanks….”

“Hmmmm..?” I asked sleepily. Para kasing may nagsasalita but I couldn’t understand it
kasi nga tulog ako.

“I said, thanks for the blanket and for the warmth.” And he laughed. He laughed.
Laughed? HE? At napamulagat ako. I saw Oca hugging me. No, I am huggiong him.
We’re hugging each other and for all that is holy, his lips is an inch from mine and if I
moved a little our lips will touched.
Hindi ko alam ang gagawin. I don’t want to move or he’ll say that I initiated the kiss.

“Thanks for the warmth, but I’m still cold.” And he closed the gap between our lips.
Again it felt… magical. Like the first time we’ve kissed. Everytime we kissed, it feels like
the first time. It feels like the a poisoned water, everytime I taste it, I still wanted more.
More and more. It quenches my thirst but I need more of it. The sensation is different.
Nanayo ang balahibo ko hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa kiss that we are sharing.
Maya maya I put my hands under his head so the kiss would go deeper. I heard him
moan. And he did went deeper. He is now French kissing me. And I am kissing him
back with the same intensity. Why is it that everytime he kissed me nawawala ako sa
sarili kong pag iisip?

His hands are now roaming all over my body and I felt a snap! The hook of my bra! He
managed to unhook my bra with my t-shirt on! Shit! I gasped only to forget everything
again when he kissed me. I was again lost. Lost to the feel of his lips. Lost to the feel of
his hands. And lost to the emotions his bringing out in me.

Suddenly I felt him tugging at my shirt and I helped him get it off me. Then I realized we
are both naked under the blanket. How the hell did it happen? But do I really care how it
happened? Shouldn’t I care to what’s going to happen?

“Hmmm, Aren’t we supposed to be doing this in bed?”

“Babe, nasa bundok tayo. Sa bukid, walang bed.” And he resumed kissing me. The
hell I care about beds!

At nangyari ang dapat na mangyari.

And again.

Totally blissful.
Magically satisfying.

Need I say more?

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate) Chapter 13

Chapter 13. Puzzle ka ba? Ang hirap mo kasing intindihin.

The trek pababa ng mountain proved to be much more easier than yesterday. Imagine,
nakababa kami in less than an hour lang. I therefore conclude na madami ang daanan
paakyat at pababa ng Mt. Pinatubo. If I would be asked kung aakyat pa ba ako ulit sa
bundok na yun, I would immediately say yes. Why? The view is spectacular. It’s all
worth the effort. And the reward is very fulfilling. You already know what I mean. Who
would have thought that we have done it in Mount Pinatubo. It may sound unromantic
but the thrill of being caught while doing it makes it more fun. What if nahuli nga kami?
Would they really care? I guess not. We are all mature individulas. I smiled at the
thought.

“Would you please stop smiling like that!” Ano na naman ngayon ang problema
nito? He’d been like that eversince kaninang umaga. Very grumpy. I wonder why.
Nakasakay na ako ngayon sa kotse niya pabalik ng Maynila. Dalawa na lang kami. Sina
Jaysonsa, Tamako at Tamadao ay didretso pa daw sa Baguio. Wala na atang ginawa
ang tatlong yun kundi ang maglakwatsa. I ignored the grumpy one and reminisce the
things that happened in the mountain. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin.
Hahahah. Ang landi ko di ba? Oo na malandi na ako pero sino ba naman ang hindi
matutuwa kung malapit mo nang marating ang pinapangarap mo?
“Ano ba!”

“Bakit ba?”

“I told you not to smile.”

“Ano ba ang masama sa pagngiti? Kelan pa bawal ngumiti?”

“Nang-aano ka eh!”

“Nang-aano?” Hindi ko talaga siya maiintindihan kung bakit siya ganyan ngayon.
Parang ewan!

“Ahhhhh!” He grunted ang concentrated on his driving. Hindi ba naman ako sinagot.
Tama ba yun?

“Nang-aano nga?” Makulit din ako ano?

“Okay.” He said seriously while looking at the road in front of us. “Wag kang ngumiti
ng ganyan.”

“Bakit nga!?” Ang labo niya!

“Damn It! Because it made me want to pull off this road and do it all over
again!” Napanganga ako sa sinabi niya. Nababasa niya ang nasa isip ko? Not that I
want to do it all over again. Pero pwede rin. Pero nababasa niya na ang iniisip ko ay
about sa nangyari kagabi? Ibig ba sabihin nun may connection na kami? Duh! Ano ba
tong pinag iisip ko?

“Actually its not a bad idea.” I suddenly blurted out without thinking. What! I didn’t say
that. Oh my Gahd! Nakakahiya.

“Ano?” Haha. Buti na lang hindi niya narinig.

“Wala.” I said “hindi naman masama ang nangyari kagabi. Matagal na nating plano
na gawin yun. I paid you to do it remember?” His faced suddenly become gloomy.
Humigpit ang hawak niya sa manibela. I can see because his knuckles turned white.
And the atmosphere suddenly become awkward. Parang biglang sumama ang ihip ng
hangin. Tahimik kaming nagbyahe pabalik ng Maynila. No one dared to talk.

“I never thought that you are that…. that promiscuous.” He said with distaste. How
dare he call me that. May karapatan ba siya? I am not expecting him to be all caring
and sweet to me after what happened but neither do I expect na iinsultuhin niya ako ng
ganyan ganyan na lang.

“Oh, I am sorry if I fall below your high morale Oca, but I believe you don’t have
the right to say that word to me. Hindi mo ako kilala and you might have forgotten
that I employ you so you better keep your opinion to yourself.” Panira ng mood
talaga siya.

“Sino ba naman kasi ang matinong babae ang gagawin ang ginawa mo? Hindi mo
ba talaga pinahahalagahan ang dignidad mo bilang babae?” He said fuming.

“Ano ba ang ikinagagalit mo? Ano ba ang problema mo? Ano ang kinalaman nun
sa dignity ko?” Sumusobra na to ah.

“You were a virgin! God damn it Joanne! You didn’t tell me.” I feel like laughing at
him. I feel like laughing because of his expression but I am insulted. Parang sinabi na
rin niya what a slut I am. Ano nga ba ang pakialam niya?

“What difference does it make kung sinabi ko sayo? Hindi mo ako bubuntisin
kung virgin ako? My God! Oca. I don’t know why are we quarreling over a piece
of flesh. And I don’t know why you are making a big deal out of it. So what if I was
a virgin? What is it to you? Wala ka nang pakialam dun. I have decided to do it
and before nangyari ang lahat lahat isn’t it clear with you that your role is to get
me pregnant? I thought we have it in the contract. I thought I made it clear from
the very first day? Simpleng bagay lang yun Oca wag mong paguluhin.”Natahimik
siya sa sinabi ko. I guess that put him in his proper place. Hindi kesyo sumusunod ako
sa mga kalokohan niya ay pwede na niya akong insultuhin ng ganun ganun na lang.

“Joanne listen, don’t get me wrong. I don’t regret..okay. I regret it. Pinagsisisihan
ko ang nangyari sa atin kagabi.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Didn’t I just
say that what happened last night was fascinating? And here he is telling me na
pinagsisihan niya? “Shoot! I didn’t mean it that way.Hindi ako nagsisisi na ako
ang… Damn it. How would I say it? Okay! I don’t regret the act itself, I mean gusto
ko ang nangyari.” Ang gulo niya. Sabi niya pinagsisihan niya tapos ngayon gusto na
niya. Ang gulo. “It was…. I don’t know… fascinating… but we could have done it in
a different situation. Hindi sa ganitong paraan! Naiintindihan mo ba ako?” Hindi!
Ang gulo kasi eh. Mukhang pati siya naguguluhan sa sarili niya.

“Hindi! Hindi kita maintindihan. Ang gulo mo Oca. May iba pa bang paraan para
gawin yun? And besides, why are you making a big deal out of it. You have
bedded more than your share of virgins. Bakit mo ginagawang big deal ngayon?
Do you react the same sa lahat? Sinasabihan mo din ba silang, you could have
done it in a different way? Pag virgin iba dapat ang way pero kung hindi na virgin
okay lang? Kahit saan? Ganun ba yun Oca?” Natahimik siya.

“What I am saying is, you should have….we should have….Hindi mo kasi


naiintindihan eh! Takte naman oh! Arrrrrggghhhh!” He looked frustrated. Frustration
is written all over his face. “Dapat pinahalagahan mo naman ang sarili mo! God
Damn It.” This is it. Sumusobra na siya.
Bigla siyang nagbrake at inihilamos ang kamay niya sa mukha niya. Nandito na pala
kami sa harap ng condo ko. Naiinis ako. Naiirita ako. Bakit parang nagsisisi siya sa
nangyari? At anong way pa ang pinagsasabi niya? Naguguluhan na ako. Sarisaring
emotion. But mas nangingibabaw ang sakit. Sakit ng mga sinabi niya. Promiscuous.
Hindi ko pinapahalagahan ang sarili ko? Kaya nga I wanted to have a baby para maging
masaya ako. para magkaroon ng halaga ang sarili ko. Leche siya!

“How very dignified of you Mr. Cariño. Gusto ko nang pumalakpak dahil malaki
ang pagpapahalaga mo sa dignidad. Nakakahanga ka. I smirked at him. I will
deposit in your account the money once I found out that I’m pregnant. Thank you
for your service.”

I went out of his car and slammed the door.

I feel like crying but I will not cry.

He is nothing.

I don’t cry over nothing.

Chapter 14. Facebook?

Nagfile ako ng isang linggong bakasyon sa office. I deserve a rest after all the
hardwork I’ve done. It’s been 3 weeks after the Pinatubo incident and I am excited. Ako
lang ata ang babaeng mabubuntis ng walang asawa na masaya. I am not yet sure kung
buntis nga ako o hindi pero delayed na ako ng 2 araw and I can feel all the symptoms.
Hindi naman ako nagsusuka or nahihilo but I can feel na nangangalay ang mga binti ko
and tenderness in my breast. I must be pregnant. I smiled at the thought. At last,
makukuha ko na din ang gusto ko. For the whole week pumunta ako sa Batangas to
check on my fishpond. Yun ang business na sinasabi ko. May fishpond ako at kayang
kaya akong buhayin nun pero gusto ko pa din ng nagtatrabaho.

I combed my hair and put on my favorite cologne. Maaga pa and I am sure na hindi ako
malelate sa office ngayon. I checked again my reflection and smiled at what I saw.
Tanned and bronzed. I got a perfect tan while staying at Batangas. I took the liberty of
sunbathing sa balcony ng resthouse ko sa Batangas. I know I overexposed myself sa
sun pero sayang kasi ang araw and I am glad that I took advantage of the sun. Anya,
Marideth and all of my office mates are sure will die of envy upon seeing me all
bronzed and tanned. They might even think that I went to the Bahamas just to get this
tan. I so love it that I wanted to flaunt it to everyone. After checking and admiring myself
in the mirror lumabas na ako, sumakay sa kotse ko and headed to the office. Mabuti na
yung maaga akong dumating doon para may time silang I admire ang tan ko.

Pagdating ko sa bulding, the receptionist looked at me. I am sure naiinggit siya sa tan
ko. I smiled at her broadly. Mamatay siya sa inggit. Nung pumasok ako sa office, may
tumitingin sa akin pero walang pumapansin.

“Joanne! Is that you!” Anya exclaimed upon seeing me. I know naiinggit na yan. H

“Hi Anya. Yah! It’s me. Do you like my tan?”

“Tan? Anong tan ang pinagsasabi mo? Ang itim itim mo. Sinunog mo ang balat
mo. Para kang letchon na overcook. Kailangan mong magpableech.” Lumaki ang
mga mata ko sa sinabi ni Anya. After all my hardwork. After all the sun-soaking
sasabihin lang niyang overcooked lechon ako? That hurts you know.

“Hindi kaya ako overcook lechon. This is what you call tan. Tan! Like Bohemian
Tan and Caribbean tan.”

“Eh basta ang itim itim mo na. Negra! Sige at marami pa akong gagawin.
Mamayang lunch mag usap tayo. Madami kang namiss sa buong lingo mong
pagpapalechon.” And she walked, no, more like she strut towards her cubicle. There’s
something wrong with Anya. First, never niya inuna ang trabaho sa pakikipagdaldalan.
Second, she is not wearing miniskirts and revealing tops. She is wearing a blazer and a
turtle neck with matching slacks. Slacks! She never wear slacks. And her hair is tied
into a bun. Nasaan na ang pinagmamalaki niyang curls? What is more disturbing is the
whole department itself. It seems that everyone is working Walang nagdadaldalan.
Lahat nagtatrabaho. Kinabahan ako. Anong nangyari sa buong lingo habang wala ako?
Pumunta na ako sa cubicle ko. Usually pag ganitong oras na hindi pa naman oras ng
trabaho makikita kong nag uusap lang ang mga office mates ko but now they are all
working. There must be a miracle.

Nung nakarating ako sa cubicle mas lalong nanlaki ang mga mata ko kasi nakita ko si
Yanyan na nakaupo na sa cubicle niya and working. Yanyan was never as in never
early in work. She is always late.

“Yan, himala ata at hindi ka late ngayon?”

“Hi Joanne, nagbago na ako.” She said beaming. “Mamaya na tayo mag usap may
pinapatapos lang si boss.” She said smiling at me na para bang ang pinapagawa ni
Boss ang pinakaimportante sa lahat ng bagay sa earth.

Anyway baka nga nagbago na talaga ang mga tao dito sa office. Pero bahala sila kung
magbago man sila. I opened my pc ang checked my yahoomail, then checked my
facebook. Nag upload din ako ng mga pictures ko nung nasa Batangas ako, post
something on tumblr and read the blogs of those I followed. After that, I read the
updates sa mga inaabangan kong stories sa teentalk and before I knew it lunch

time na. Akalain mo yun? Ang bilis naman ng oras.

Tatayo na sana ako nung nagring ang line ko.


“Hello, this is Joanne how may I help you?”

“Jo, pinapatawag ka ni Sir.” That was Jane, executive secretary ng Pres and CEO.
Ano naman ang gagawin ko doon?

“Sige Jane aakyat na ako.” Lumabas na ako ng Department namin at sumakay sa


elevator paakyat sa office ng Pres. and CEO. Nginitian ko si Jane pagdating ko and she
motioned me to enter the office.

“Good Morning Sir.”

“You may take your seat Miss Zamora.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na
hindi na ang dati naming boss ang nakaupo sa upuan niya. Walang iba kundi si Oca.
Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. After 3 weeks na hindi kami nag usap nakita ko ulit
siya. After 3 weeks of ignoring his call and not replying to his text dito ko pa siya
makikita. And worst he is now my boss. If the earth could eat me, I would really and
whole heartedly welcome it. Paano mo haharapin ang boss mo na inoferan mo na
anakan ka? Nakakahiya. Sobrang nakakahiya.

“You may take your seat Miss Zamora.” Inulit niya ang sinabi niya kanina kasi
nakatayo pa din ako. Umupo ako sa chair sa harap ng desk niya. Ni hindi ko siya
matingnan ng diretso sa mata. In fact, hindi ako tumitingin sa kanya.

“I believe you already knew na nagretire na si Mr. Soriano. And since you are
absent last week, you missed my welcome party and we were not yet formally
introduced.” Excuse me, hindi ako absent. Naka leave ako. Leave of absence is
different from vacation leave. I should have said that kung ang kausap ko ngayon ay si
Oca. But I am now talking to our boss Oca. And frankly, I don’t know how to talk to him.
Kung si sir Kevin lang siya, kinuwentuhan ko na siya ng nangyari sa akin sa Batangas
and he should have been proud of my tan. But he is not sir Kevin. He is Sir Oca a way
different Oca from the Oca I used to know. Si Oca na nasa harapan ko ngayon ay
seryoso, naka 3-piece suit, he never smiles and he wears eyeglasses. He wears
eyeglasses. Oh my God. This is really serious. Para siya ang hinirang na executive of
the year ng Times magazine.

“I called you because I wanted to know the updates of your current projects. I
wanted to know the status of all the projects that you are handling.” Projects?
Updates? Status? Facebook? I was so shocked sa mga nangyayari na hindi ako
makapag-isip ng matino.

“Status? Updates?” Ano ka ba Joanne! T@nga ka ba?

“Yes, the status and the updates of your…”

“Facebook?” I saw him dropped the pen that he is holding and looked at me. Shit ano
yung sinabi ko? Darn! I wanted to kill myself.

“Yes, I wanted to know the status and the updates of your facebook. What is your
status?” He asked me with all sincerity. Ni hindi ngumingiti. Sa boses pa lang niya
parang gusto na niya akong sisantihin. Bakit ba kasi Joanne ang tanga tanga mo to the
highest level?

“It’s complicated.” I said before I could stop myself. I saw a little twitched on his mouth
as if suppressing a smile. Bakit ba kasi ako ninenerbyos? Kung ano ano tuloy pinag
sasabi ko. I wanted to die! Lord, I wanted to die. Feeling ko pulang pula na ako dahil sa
kahihiyan na pinaggagawa ko. Dyosko naman kasi. Nakakagulat naman kasi.

“It seems that you still have vacation jitters Ms Zamora.” Patay na sisisantihin na
ako. He is going to fire me.

“No Sir, I, I…” I what? Shit. Ano ba talaga ang sasabihin ko? I wanted to kill myself.
“Anyway it’s almost lunchtime.” He looked at his watch and smiled at me. Yung
smile ng isang boss sa kanyang subordinate. “I wanted you to submit to me this
afternoon a report on the status and the updates on thePROJECTS that you are
currently handling. I don’t want to delay your lunch or would you rather have
lunch with me? A working lunch perhaps?”

“No way! I mean….No thanks Sir. But I’ve already arranged my lunch with Anya.
Thank you so much for your invitation.”

“Okay then.” He said dismissing me.

“Thanks. Sir.” Tangna. Tangna talaga. I sucked. I really sucked. He might think how
incompetent I am sa trabaho ko. Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan. I
wanted to be out here as soon as possible.

“Miss Zamora…”

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Eeehhhh paalisin mo na kasi ako.


Ayoko nang mapahiya pa sa harapan mo.

“You have a stain on your pants.” Tiningnan ko ang ibabang bahagi ng pants ko
pero wala akong makita. Then tumingin ako sa pwetan ko and there I saw it. A stain,
that looked like a map. Velvet red against my white pants.

“Thank you.” Halos takbuhin ko na ang pintuan palabas ng office ni Oca. Darn! Shit.
Bakit ganun? Tuwing nakikita ko siya kahihiyan na lang ang nangyayari sa akin? At
bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa ako nagkaroon ng monthly period? Bakit hindi ako
nabuntis?

Before I closed his door narinig ko pa ang malakas na tawa niya. Leche!
Chapter 15. Big Boss, Big Problem

“Kaliwa, kanan, kaliwa,…. Kaliwa. Pabalik na”

“Kaliwa, kanan, kaliwa,…. Kaliwa.”

“Ano ka ba naman Mari?” Akala niyo may ROTC drill ano? Well, nagkakamali kayo!
Kanina pa kasi ako pabalik balik sa harapan ni Marideth.

“Hihihi!” At tumawa pa!

“Seryoso ako!”

“Okay!” And she flip a page of a magazine.

“Nakikinig ka ba sa akin?”

“OO naman. As a matter of fact, rinding rindi na ako. Whew.”

“Ano na ngayon ang gagawin ko?”

“Gagawin saan?”

“Nakikinig ka ba talaga sa akin? Di ba sinabi ko na sa’yo na boss ko na ngayon


si Oca?”

“So ano ang problema doon?” Tapos bumalik ulit siya sa pagbabasa ng love and lust
section ng cosmo.

Nakikinig ba talaga to? “Hindi nga niya ako nabuntis at siya na ngayon ang boss
ko!”
“So ano nga ang problema?”

“Hindi nga ako nabuntis! At siya ang boss ko!”

“Ano nga ang problema?”

“Hindi nga ako. Grrrrrrr…”


“Wala naman kasing problema doon Joanne. Eh di sabihin mo kay Oca na
buntisin ka niya. Na mag “toot” ulit kayo kasi nga hindi ka tinablan nung una.”

“Eh boss ko na nga siya ngayon.”

“So?”

“Hindi ko pwedeng sabihin sa boss ko na magsex kami kasi kailangan kong


mabuntis.”
“Alam naman niya yun di ba? Trabaho niya yun.”

“OO pero dati yun nung hindi ko pa siya boss, ngayong boss ko na siya hindi na
pwede. “

“Bakit hindi? Bakit ngayon bang boss mo na siya may kandado na ang toot
niya?”

“Hello Marideth! Have you ever heard of the word Work Etiquette?”

“Sus! Eh wala namang ganun si Oca. Wala namang ka etiquette etiquette sa


katawan yun.”

“Hindi mo kasi alam kung gaano siya karespetado ngayon sa office. He is the big
Boss. THE BIG BOSS.”

“Ahehehe. Yes, You are big, Boss. Ahihihi.” And she laughed. Yung malanding
tawa. Yung tawang na parang kinikiliti. Hindi talaga niya sineseryoso ang seryosong
problema ko.

“Mari naman eh, seryosohin mo kasi. My dream of becoming a mother is at stake


here.”

“Eh kasi naman ang eengot niyo naman kasi. Ang tagal tagal na ng usapan niyo
tapos kung hindi pa kayo pumunta ng Pinatubo hindi niyo pa ginawa yun. At
feeling mo naman mabubuo agad yun sa isang totoot. Hindi ka man lang
nanigurado. Hindi niyo inaraw araw. Kung ako sa place mo inoras oras ko si Oca
at nang makasulit ako. Heheheh. Di sana juntis ever ka na ngayon! Hay naku!
Ang tagal tagal ko na ngang pumipila dyan kay Oca. Hmp!”

“Oo na! Oo na! Mali na ako. So ano na nga ang gagawin ko? Papano na ako
mabubuntis nito?” I said exasperated. Oo na, desperate na ako. Ang lapit ko na kasi
eh. Ang lapit na tapos mawawala pa.

“Eh di gawin niyo ulit. At this time wag mo nang pakawalan. Oras orasin mo na.
Ubusin mo na lahat ng katas niya. Pagapangin mo siya sa pagod para lang
mabuntis ka. Jusko naman.” Sabi pa niyang parang yun ang pinakamadaling gawin
sa lahat.

“Hindi ba magmumukha na akong desperada niyan?”

“Eh desperada ka naman na talaga.”

“Pero hindi na talaga pwede si Oca. Ayoko na kay Oca. Boss ko na siya.
Nakakahiya nang imolestiya siya. Alam mo yun. Marideth!!! ANo na ang gagawin
ko?”

“Hmmmmm…. Sigurado kang ayaw mo nang maging babymaker si Oca?” Sabi pa


niya na hinawak hawakan ang baba niya.

“Oo. Boss ko na siya eh.”I said half-heartedly

“Okay! Akin na lang siya. I’m so excited.”

“Ano ka ba! Ako ang may problema.”

“Hindi problema yun. Eh di mag advertise ka ulit! Libre na lang. Kasi


mapapasaakin na si Oca.” Tumawa siya na parang demonyo. Demonyo talaga. May
hidden agenda.

“Oh sige mag-advertise na lang ako ulit.” Pero nanlulumo ako kasi perfect na ang
genes ni Oca eh. Ayaw ko mang aminin pero siya na talaga ang perfect babymaker. I
am sure na magiging maganda or pogi ang anak naming kasi pogi siya at maganda
ako. Bagay kami.

“May problema ka nga lang.”

“Huh? ANo naman yun?”

“Makakkita ka pa kaya ng kasing drod dead gorgeous at papable kay Oca?


Hmmm?”

Napaupo ako at nanghina dahil sa sinabi ni Mari.

Special Chapter Dao!


THird Person POV(Tamako Sia)

Sa wakas nagkaroon din ako ng role sa istoryang ito. Napakasarap ng feeling na


maging bida paminsan minsan. Nakakasawa na din kasi maging extra. So, anyway ito
na:

As I was entering the door of our condo unit, (naks napapaenglish ako dito! wagi!) I
heard someone singing. Unti unti kong binuksan ang pintuan ng aming condo
~creeeekkk ~creeekkk~ (creepy sound effect) at lumakas ang boses ng kumakanta.
Tang3na nakakatakot! Nananayo ang balahibo ko.

When I was about to run outside, I saw my twin brother Tamadao sitting in our sofa
reading a playboy magazine.

“Oh sh!t! Sizzling hot!”He was oblivious of the person pacing back and forth our living
room and muttering something.

“Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na!”

I looked at the guy pacing back and forth. Walang iba kundi si pareng JC (Oca ang
pagkakilala niyo. JC short for Juan Carlos). Ano ang nangyari sa lalaking ito at pabalik
balik at nagmumura sa living room namin? Hindi ba niya alam na mahal ang carpet na
inaapakan niya! Baka magasgas!

“Hoy! Anong ginagawa niyo?” Pero walang sumagot sa kanilang dalawa. Ang
kambal ko ay naglalaway na sa babeng nakabilad sa playboy magazine at si JC...

“Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na!”


At dahil deadma ako sa kanilang dalawa, Inagaw ko ang playboy magazine kay
Tamadao at ako ang naglaway. Joke! Siyempre hindi. Hindi ko gagawin yun. Ngayon.
Siguro mamaya.

“Hey, bro! What's the matter? I am about to come off! Come on!”Pagpoprotesta ni
kambal habang pinipilit na inaagaw sa akin ang magazine.

“Shut up! Will you?” Kabadingan na sagot. Ang hirap pag babae ang author ng
istorya. Pati dialogue ko nagiging pangbakla. Pweee
“Bakit ba? Kumain ka na nga lang! gutom lang yan!”

“Anong ginagawa niyan?”Sabay turo kay JC.

“Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na!”

“Yan ba? Wala yan! Pinapractice lang ang bagong lyrics ng Lupang Hinirang.” At
inagaw ulit sa akin ang playboy magazine. Di bali mamaya hihiramin ko yan sa kanya.

Ha? Kelan pa nagbago ang lyrics ng lupang hinirang? G@go talaga itong si Tamadao,
pinagloloko na naman ako!

“Ang g@go mo talaga! Paano ka ba pinalaki ng nanay mo?” Sabay batok sa


kanya. “Sagutin mo nga ako ng maayos! Bakit naging ganyan yan?Bakit hindi mo
agad dinala sa mental?”

“Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na! tang3na! Tang3na! Tang3na!


tang3na!” Tangena nahihilo na ako kay JC. Ampots

“Ayoko nga! baka pati ako ipasok doon. Nagkakaganyan yan dahil dito!” At binato
sa akin ang newspaper. At nanlaki ang mata ko sa nakita ko!
Wanted Babymaker
Male, 26-29 years old
Must have a pleasing personality
At least 5’9”
Submit your resume at PO Box1231
Or send it through email at wantedbabymaker@yahoo.com

“Wow! Totoo ba to? Makaapply nga!”

“P***** **a mo!” And JC stormed out of our condo.

“Anong nangyari doon?Bakit ako minura?”

“Nice Job, bro.” Ang he laughed his heart out!Vhaket?

Chapter 16

“Maku. Maku Pad.” You’ll know later why

“What made you decide to apply?” Okay seryoso ako ngayon. I’m interviewing the
qualified applicants for the babymaker. Balik na naman ako sa tedious process of
choosing a father for my baby. Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap yun. Itong si
Maku, okay naman to eh. Pogi, mestiso, at mahinhin. Pati sa pagsasalita nababagalan
ako. Kung pwede nga lang hilahin ko ang bawat word na lumalabas sa bibig niya para
lang mapabilis itong pag uusap namin.

“When…I…found….your….ad….”

“Hi everybody!” Biglang bumukas ang pinto ng office ni Mari. What the hell is he doing
here?

“Hi Ocaness!” Mari said beaming! Nagulat ako sa entrance ni Oca. Bakit nandito
siya?

“Hi Mari!” Sabay winked kay Mari. Kita mo na ang landi niya? “Hi Babe!”Sabay lapit
sa akin and he kissed my cheek. Nagulat ako sa ginawa niya at si Mari humagikgik si
Maku nagulat after 1 minute.

“So may applicant ka na pala? I’m Oca, you are?” Sabay abot ng kamay niya.

“Ma….Ku. Maku Pad.”

“Maku! Nice name!” Sabay abot ng isang upuan at tumabi sa akin. Ano ang gagawin
ng lalaking ito? “Maku….”

“Maku!” I need to stop him before he could ruin this. “Just ignore him. Okay! Let’s
continue. You were saying? When you saw my ad?”

“I...found...it…interesting…”Tangna bilisan mo magsalita!

“Maku! Do you know the qualities that my babe is looking for a babymaker?
Aside from the requirements listed in the ad, the guy should be
smart, ~ahem~ witty, ~ahem~and most of all confident~ahem~.” Napanganga ako
at tumango si Maku after 30 seconds. Bakit nagpopose siya everytime na binabanggit
niya ang mga characteristics na yan? “Siempre given na ang pagiging drop dead
gorgeous! ~ahem~”

“Alam…ko….naman…”

“As I said, Just ignore him. Kunyari hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya
naririnig. Okay?”

After 20 seconds…

“Okay!”

“Sige hindi na ako makikialam. Pero isa na lang!” Naghihintay lahat kami sa
sasabihin pa niya. Di ba daw last na lang? Pagbigyan. “Physical exam ito. Patingin
nga ng ano mo?”

“A….no?” Maku Pad

“What?” Ako

“Wow!” Mari

“Patingin niyang ano mo! Sisiguradohin ko lang na masasatisfy mo ang babe


ko!” Anong pinagsasabi niya?

“Hindi…ko…”

“Ano papakita mo o hindi?”

“Hin…”

“Papatawag ka na lang namin! Next time na lang. Sa kupad mong magsalita


panigurado makupad din lumaki yang ano mo! Sige na tsupi na!” At bago pa
makareact si Maku, binuksan na ni Oca ang pinto at wala nang nagawa ang pobreng
lalaki kundi ang umalis.

“Ano ka ba naman Joanne!”


“Anong ginawa mo Oca!” Ayan nagsabay pa kami. “Bakit mo pinaalis yung
applicant ko!? At bakit andito ka!?”

“Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin!”

“At bakit naman ako magpapasalamat sayo aber!?”

“Ahem”! Mari

“Kasi I saved you from that guy!”

“Saved? Me? Do I look like I need saving?”

“Yes you need saving from that guy! Gusto mo bang habang nagsesex kayo eh
magpa-pause siya every 2 second?”

“Ahihihihi!” Mari

“Shut Up”! Ako

“Okay! Shinashut up niyo ako sa sarili kong opisina! Ganun? Makaalis na nga!
Ang hirap pag nag usap ang manhid at ang torpe!”

“Ano?”

“Wala!” Sabay walkout at balibag ang pinto.

Nagkatitigan kami ni Oca. Nagsusukatan. Naniningkit ang mata ko! Nanininingkit


din ang mata niya. Pero wala naman siyang K na magalit. Ako dapat ang nagagalit
dito at hindi siya.
“Ano ba ang problema mo?”

“Wala akong problema! Ikaw ang may problema! Baka nakakalimutan mo na


nakakontrata tayo” Sabi pa niya. Umuusok ang ilong.

“Wala…”

“And, don’t you dare interrupt me!” Binagsak niya ang dalawa niyang kamay sa
table at nagulat ako! He is now looking at me intently at I must say that I am a bit
scared.” Businessman ako! I take contracts seriously. Hindi pa tapos ang
contract natin and according to article 22.4 page 6 of our contract The agreement
may be cancelled by the Customer for any reason whatsoever, by giving the
Service Provider 30 days notice in writing. Termination shall not relieve either
party from any liability or action accrued prior to such termination. A fair and
reasonable price will be paid for all services in progress that have been delivered
to the Customer. Sabi doon notice in writing. I didn’t receive any, whatsoever!”

“Pero…”How the hell did he manage to memorize that provision?

“Hindi pa ako tapos! According to the Civil Code of the Philippines, Obligations
and Contracts, Art. 1192. In case both parties have committed a breach of the
obligation, the liability of the first infractor shall be equitably tempered by the
courts. At ito pa, Art. 2217. Moral damages include physical suffering, mental
anguish, fright, serious anxiety, besmirched reputation, wounded feelings, moral
shock, social humiliation, and similar injury. Though incapable of pecuniary
computation, moral damages may be recovered if they are the proximate result of
the defendant's wrongful act for omission. Ano? Hindi mo din alam yan? Ignoratia
legi non excusat. Ignorance of the law is not an excuse.Hindi mo ba alam na
pwede kitang idemanda dahil sa ginawa mo? You don’t know what damages
you’ve caused me! Sleepless nights! mental anguish! Serious anxiety! Wounded
feelings! At kung ano ano pa!”

Nahihilo Ako! Nosebleed! Anong pinagsasabi niya? Oh my God! I think I’m


gonna faint. “Babayaran ko naman ang 50,000.00 in full sa’yo kahit hindi ako
nabuntis Oca.” I said weakly. Nanghina ako sa mga pinagsasabi niya. Pero sa
totoo lang wala akong planong bayaran siya pero dahil pwede pala niya akong
kasohan ano pa ba magagawa ko? Ang tanga ko kasi eh! Bakit pa kasi siya pa
ang pinili ko sana yung slow na lang! At sana nakinig ako sa law teacher namin
nung college.

“Wala akong pakialam sa Fifty Thousand pesos! “

Blag!!

Nagulat ako nung sinipa niya ang isang upuan. Ipapakulong ba talaga niya ako?
Oh my God! Ayoko pa! Gusto ko pang magkaanak!

“Di ba sinabi ko na sa iyo! Gusto ko ako lang ang boyfriend mo! Bakit ka pa
naghahanap ng iba? Hindi ka ba kuntento sa akin ha! Anong gusto mo ang
halayin na lang kita Waaaaaaaaa! Natatakot na ako kay Oca! Nakakatakot pala
siya pag magalit!

“Oca…. kasi….ahmmm…boss…. na…. kita. Naiilang…. ako…..kasi”

“Pwede bang wag kang magsalita ng ganyan! Parang kang si Maku! Magsalita ka
ng maayos!” Sigaw pa niya. Paano ako makakapagsalita ng maayos kung
tinatakot niya ako! Kulang na lang mag apoy ang mga mata niya! Kung si Cyclops
lang siya patay na ako.

“At saka ano naman ngayon kung boss mo ako? Bakit magiging impotent ba ako
kung magiging boss mo ako? Hindi na ba kita mapapaligaya?”

“Hindi naman yun eh.”

“Eh ano!?” I jumped! Damn! Nagiging nerbiyosa ako sa lalaking ito ah. Bakit ba
niya ako sinisigawan at binubully? At bakit ba ako nagpapabully? Sumosobra na
to ah!

“Bakit mo ba ako sinisigawan!” Ayun sinigawan ko din siya! Napatingin siya sa


akin!

“Ang dense mo kasi! Ang tigas ng ulo mo! Sinabi ko na sa’yo na ako lang ang
boyfriend mo bakit ka naghahanap iba?”

“Teka nga! For your information,”

Tumayo din ako para magkalevel kami.

“Hindi ako naghahanap ng boyfriend and for your information din, hindi kita
boyfriend” at tinuro turo ko na siya.” kaya wala kang karapatan na sabihan akong
ikaw lang dapat ang boyfriend ko at lalong wala kang karapatang sigaw sigawan
ako!”

Tumahimik siya sa sinabi ko! Akala niya ha! Akala niya papsindak ako sa kanya?
Pero bahala na kung masisanti ako sa office. Makaganti lang ako kay Oca. Then
something flashed in my mind.

Sleepless nights

Mental anguish
Serious anxiety

Wounded feelings

Feelings

I smiled sa nadiskubre ko. I wanted to laugh. This can’t be. Tumawa ako bigla.
Napatingin siya sa akin. Nagtataka kung bakit bigla akong tumawa. Lumapit ako
sa kanya. A sexy smile in my lips. Napaatras siya. Siguro iniisip niya na naloloka
na ako.

“So you wanted me to be your girlfriend for real Oca?” I said tracing his cheeks.
Sabi ko na nga ba he will fall in love with me eh.

“I…..never….said….that!” Defensive! Too defensive.

“Well, your actions and your body is shouting for it.” I winked at him. He looked
at me shocked.

“ can be your girl, you know.”

Dahil sa kakaatras niya wala na siyang mapuntahan, na corner ko na siya sa table


ni Mari at napaupo siya sa chair ni Mari. I inched closer at nilapit ang mukha ko sa
mukha niya. Anong kwenta ng nabasa kong The Art of Seduction kung di ko
magagamit ? I saw the movements of his adams apple. I find it really sexy. I
wanted to kiss it but I wanted to tease more.

“Do you want me to be your girl Oca?” I traced my lips with my tongue.
Napalunok siya.

Our lips are now a breath apart. Isang movement lang niya mahahalikan na niya
ako pero masyado siyang tuliro na nakalimutan na niyang gumalaw.

“Y…yes.” I smiled wider.

“If you wanted me to be your girl, You’ve got to do it my way Oca.” I briefly kiss
the side of his lips.

“What way?” Sabi niya while breathing. Hindi niya alam kung ano ang hahabulin
niya. Ang paghinga niya o ang labi ko.

Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya ang bit his earlobe. He gasp. I am so loving it.
I then whispered in his ear.” Kung gusto mo akong maging girlfriend, ligawan mo
ako.”

“What!” Bigla siyang napatayo sa sinabi ko. Muntik na akong matumba.

“Why?”

“Hindi pa ako nakapanligaw buong buhay ko.” He said as if what I said is the last
thing he would do on earth.

“Ikaw ang bahala. Matanda ka na naman. You already know how to cure
addiction.” I said habang naglalakad papuntang sofa.

“Hindi ako adik sa’yo!” I suppressed my laughter.

“I didn’t say that. Pero ikaw din, ang hirap pag may tinatagong pagmamahal!
Baka mabaliw ka.”

“Wala...Hindi kita minamahal!” He shouted but it lacks conviction. Walang lakas,


walang laman.
“Whatever Oca.” I took my bag at lumabas sa office ni Mari.

Chapter 17

“Hello?”

“Joanne, si Jane to.”

“Oh? Bakit?” Antaray ano?

“Sabi ni Sir JC, tapusin mo daw ang ABC project na ginagawa mo. For
presentation na daw yan tomorrow para maipa bid na.”

“What? Pero last week lang to binigay sa akin!”

“Ewan ko. Yun ang sinabi niya eh. Kakausapin mo?”

“No. hindi na. Sige. Salamat.” At binaba ko na ang phone. Gosh! Okay! Nagpapanic
ako! Hindi ko pa nangangalahati ang plano na ginagawa ko tapos isasubmit ko na
mamaya? Actually 1 week na siya sa akin at hindi ko matapos tapos kasi madami ang
nag update sa wattpad at binabasa ko yun lahat. Tapos namamanyak pa ako sa story ni
. Naiimagine ko tuloy si Oca sa character ni Chase! OMG!

Speaking of Oca, kahit ganun siya. I mean kahit ganun siya sa labas pag andito sa
office seryoso siya. Strict siya pagdating sa trabaho. At pag andito siya sa Department
namin parang hindi niya ako kilala kaya kailangan kong matapos ang project na to kasi
ayaw kong mapintasan ng boss kong si Oca.
“OMG! Ang pogi naman nun! Waaaaaaaaaa!”Tili ni Yanyan sa tabi ko.

“OMG! Ang pogi nung Korean. K-Pop ba yan? Joanne look mo. May K-Pop.
Papable! Im gonna faint!”

Ang arte talaga nitong si Anya. Kaya kahit na nagmamadali akong matapos itong
project ko, lumingon pa din ako sa pinagkakaguluhan ng dalawang ito. At muntik na
akong mahulog sa upuan ko kasi ang naglalakad sa hallway sa labas ay walang iba
kundi si Jaysonsa at Tamadao. Napaupo ako bigla para di mapansin ng dalawa only to
realize na one-sided pala ang salamin ng office. Hindi pala kami nakikita sa labas.
Hinayaan ko na si Anya at Yanyan sa kanilang pag iilusyon sa dalawang kaibigan ni
Oca at nagtrabaho na ako.

“Mag oOT ka Joanne?” I nodded!

“Oh no! end of the world na ba at nag OOT ka na?”

“Hey! Lumayas na nga kayo!Hindi naman ako katulad niyo na 4:30 pa lang
nagliligpit na ng gamit!”

“O sige bye bye na nga! Sungit!” At umalis na sila. Hindi ko man lang napansin na
5:30 na pala. Shit hindi ko pa din tapos to.

Hindi ko na namalayan ang oras pero umuwi na pala unti unti ang mga officemates ko
at ako na lang ang natira sa office. Takte naman!

“Joanne!”

“Waaaaaaaaaaaa! Ano ka ba naman Jane!” Nagulat ako kasi bigla ako kinalabit ni
Jane.
“Pinapatanong ni Sir kung tapos na daw yung ABC.”

“Hindi pa! Ilalagay ko mamaya sa table mo pagtapos na.”

“O sige. Uuwi na ako. Ilagay mo na lang doon ha!” At umalis na siya. At dahil sa
masipag talaga ako, sige pa rin ako sa pagwork at hindi ko namalayan na 8PM na pala.
Nagrereklamo na ang tiyan ko.

Nagulat pa ako nung nagring ang phone sa table ko.

“Hello?”

“Miss Zamora, tapos na ba yung ABC?” Patay pinafollow up na niya ako. OO siya.
SI Oca. Si Boss JC.

“Ah Si-sir, tinatapos ko na po.”

“So hindi pa tapos?”

“Malapit na po.”

“Gaano katagal bago matapos? How much time will it take you to finish that?”

Takte! Workaholic. Hindi naman ako katulad niyang workaholic.

“Sir, malapit na po.”

“Give me a specific time.”

“After 2 hours…”
“Submit it to me after 30 minutes.” And he hanged up!

Tangena! After 30 minutes? Bingi ba siya? Di ba sabi ko 2 hours? Or baka ako ang
nabingi o kaya nataranta ako at 30 minutes ang sinabi ko?

After 30 minutes….

“Miss Zamora.” Patay pumunta pa siya talaga dito para kunin ang project. Paano yan
hindi ko pa tapos. Nagugutom na nga ako at inaantok.

“Sir, hindi ko pa po tapos eh.”

“Just save it in here at pag-aaralan ko mamaya.”

He handed me the USB. So kahit hindi tapos ang project sinave ko pa din kasi sabi niya
eh. Boss siya eh. Minor details na lang naman ang kailangan pero sinong boss ba ang
tatanggap ng project na hindi tapos? Pagkabigay ko ng USB sa kanya, ngumiti siya sa
akin. Infairness pogi naman talaga siya kung ganyan ang porma niya. Naka 3-piece
suit, naka eyeglasses, malinis ang buhok at ang bango pa. Natulala ako sa kanya. First
time niyang ngumiti sa akin ng ganyan! Kikiligin na ba ako?

“You still have to finish the project though.” Eennnk! Akala ko mabait na eh. Pero
ang bango talaga niya eh. Humahalimuyak! May ka date ba to ngayon?

Napaupo na ulit ako sa table ko at ginawa ulit ang project.

“Pero Miss Zamora, mag isa ka na lang dito sa buong building. Okay lang ba sayo
maiwan dito?” Natilihan ako sa sinabi niya. Shit bakit walang nag-overtime? May
kwento pa naman na may nagpaparamdam dito. Waaaa!
“Uhmmmmm… Sir….okay..lang po…ako…dito.”

“Okay.” At lumabas na siya sa Department namin. Ang takte di man lang ako hinintay
dito. Iniwan ako dito mag isa. Huhuhu.I hastily save the project and didn’t bother to turn
off my laptop. Basta hinugot ko na lang sa outlet at inayos na ang gamit ko. Dali dali
akong lumabas ng Department. Bahala na ang maintenance magpatay ng ilaw basta
aalis na ako. Dali dali akong pumunta sa may elevator

“Waiting for the lift too?”

“Sir!?” Napalakas ang boses ko sa gulat. I saw him na nakasandal sa may wall. Hindi
ko siya agad nakita kasi natatakpan siya ng halaman. Sakto namang bumukas ang
elevator. Nauna akong pumasok at sumunod siya.

“Akala ko tatapusin mo pa yan?”

“Ahmmm. Napag isip ko po kasi na sa bahay ko na lang tatapusin Sir.”

“Okay.” He smiled again. Then silence. Silence. Ang awkward ng situation. Kung
pwede pa lang hilahin ang elevator. Pagkadating ng elevator sa Ground Floor, agad
akong lumabas at naghintay ng taxi At kung minamalas ka nga naman, gutom na nga
ako wala pang taxing dumadaaan.

“Miss Zamora!” I then saw Oca peeking at his car window. “Wala ka palang
sasakyan. I’ll give you a ride. On the way lang naman ang bahay mo.” On the way
mo mukha mo. Quezon City pa ang bahay ko. Ang sa’yo dito lang sa Makati. Saan ang
on the way doon?

“Sir, mapapalayo ka po. Okay lang ako dito.”

“No it’s okay may pupuntahan pa naman ako malapit lang sa inyo.” At dahil
obedient employee ako sumakay na ako sa kotse niya. Tahimik pa din sa kotse niya.
Ang awkward pala talaga ng ganitong situation. Hindi mo alam kung paano mo
iaaproach kasi magkaiba ang personality na nakilala mo sa kanya.

“Would you mind if kumain muna tayo? Nagugutom na kasi ako. Im sure gutom
ka na din.” Napatango na lang ako. Siguro kung ito ang Oca na nakilala ko nung nag
apply siya, magkakandarapa ako sa kanya. Hindi na ako magdadalawang isip pa.
Hahaha.

Nagulat pa ako nung sa isang hotel kami pumunta at doon nagdinner. Masyado palang
high maintenance ang Oca na si JC. Nagdidinner sa isang 5-star hotel, samantalang
dati sa KFC lang ang gusto. Kakaiba. At dahil sa hotel kami kumain it took us almost 2
hours bago matapos. Kung ano ano lang pinag usapan namin. Mostly about sa work. I
never talked work during dinner. Not until now.

After namin kumain nagexcuse ako kasi naiihi ako. At kailangan kong maglakad kasi
busog na busog ako. Hahahah. OO hindi ako nahiya kay Oca. Kumain talaga ako ng
madami. Pagdating ko sa table namin may nakalagay na isang bouquet ng bulaklak sa
harap ng upuan ko.

“Kanino to? Sir?” He just smiled. Grabe. Kakaiba talaga. Si Oca nagsasmile! Akala ko
ang alam lang niya ngisi.

“For you.”

Why? Binibigyan niya ako ng bulaklak? Nililigawan na niya ako?

“Uhmmm. Complimentary token ata ng hotel sa mga diners.” Nanlumo ako sa


sinabi niya. Tsk! Akala ko pa naman sa kanya galing. Tsk!

“Let’s go?”
“Okay.” Pero kinuha ko muna ang bulaklak. Akin kaya to! Bigay kaya to ng hotel. .

“Ang galing ano? Nagbibigay sila ng bulaklak.” Sabi ko nang nasa daan na kami.

“Nagagandahan ka?”

“Oo naman. I’m sure magugustuhn ni Lola ito.” I said habang inaamoy ang
bulaklak.

“Lola?” He asked me raising his eyebrow.

“Oo. Ilalagay ko to bukas sa puntod ni Lola. She will love it.” I said beaming.

“Puntod!?” At bigla siyang napapreno. Muntik na akong masubsob dahil sa lakas ng


impact. Muntik ko na siyang mamura mabuti na lang at naisip ko na boss ko pala siya.

“Sir dahan dahan naman po.” Kung magpapakamatay kayo, wag niyo akong isama.
Muntik ko nang masabi.

“Bakit mo ilalagay sa puntod yan!? Ang mahal mahal ng bulaklak na yan tapos
ilalagay mo lang sa puntod?”

“Sir, complimentary token naman to ng hotel po. Wala naman po tayong nagastos
sa bulaklak na to di po ba?”

“Bahala ka na nga!” He said while hitting the gas. Kaskasero. Napalingon ako sa
kanya at napangiti ako. Nakanguso kasi siya habang nagdadrive. Ang cute cute niya!
Parang Mini Pincher!

“Alam mo.” He said after ilang minutong katahimikan. “May kaibigan ako,so itsitsismis
niya sa akin ang kaibigan niya. “Nanliligaw siya sa isang babae. Kaso ang babaeng
nililigawan niya napakadense.”

“Bakit naman po dense?”

“Kasi nga, nanliligaw nga ang kaibigan ko pero wala! Walang effect dun sa babae.
Ewan ko ba kung manhid lang talaga or nagtatangatangahan.”

“Paano ba manligaw ang kaibigan mo Sir?”

“Iniinvite niya sa dinner,” tumaas ang kilay ko. “Binibigyan ng flowers, hinahatid sa
bahay,” lalong tumaas ang kilay ko.

“Sinabi po ba ng kaibigan mo Sir ang intensiyon niya sa babae?”

“Hindi…pa! pero alam naman na ng babae yun!” He said defensively.

“Eh ang tanga naman pala ng lalaking yun! Paano malalaman nung babae kung
hindi niya sasabihin! Manghuhula ba yung babae?”

“Hindi ako tanga!”

“Ang kaibigan mo ang pinag uusapan natin, Sir!”

Tumahimik siya. I feel like laughing. He never fails to amuse me.

“Andito na tayo.” He said coldly.

“Sige po sir, thanks for the ride and for the dinner.” Akma ko nang bubuksan ang
pinto nung hinawakan niya ang braso ko.
“Joanne,” Hahalayin na ba niya ako?

Kunsensiya: Wag kang mag assume girl.

Tiningnan ko lang siya.

“Ngayong girlfriend na kita ayokong nag-eentertain ka ng ibang lalaki ha.”

“What!?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito na girlfriend niya
ako?

“Bingi ka ba?”

“Hindi ako bingi! Anong pinagsasabi mo na girlfriend mo na ako? Sinagot na ba


kita?” Ang kapal ng mukha. Di na naalis ang kakapalan ng mukha!

“Di ba yun ang napag usapan natin?”

“Ang sabi ko ligawan mo ako para maging girlfriend mo ako.”

“Exactly! Sinabi mong ligawan kita para maging gf kita. Ngayong niligawan na
kita. Ginawa ko na ang gusto mo, kaya girlfriend na kita.”

“Pero hindi pa kita sinasagot! Ano ka?”

“Tao ako at wala sa usapan natin na sasagutin mo ako!”

“Ano?” Nahihilo ako kay Oca. He is his old self again.

“Sinabi mo bang liligawan kita, sasagutin mo ako at saka kita maging gf? Di ba
ang sabi mo lang liligawan kita para maging gf kita? Ang liwanang ng usapan
natin.”

“Oo nga yun ang sinabi ko, pero…”

“Wala nang pero pero…”

Don’t tell me na naisahan na naman ako!

“Bahala ka nga sa buhay mo!” I said opening the door at lumabas ng kotse niya.

“Joanne!”

“Ano!? Ano pa ang kailangan mo!?” Nakakairita! Nakakainis! Napaikot na naman


niya ako. Im sure manghihingi lang yan ng kiss. Tatsansingan na naman ako niyan.

“Wag na wag mong ilalagay sa puntod yang bulaklak na yan! Kundi huhuntingin
kita! “

I am disappointed. “In your face Oca! IN.YOUR.FACE.”

Bago pa tuluyang kumulo ang dugo ko I slammed the door of his car.

Chapter 18. Let's talk

‘We’l l have lunch later. I’ll pass by your Department before 12nn.’

Napanganga ako nung mabasa ko ang text message na nareceive ko. Kinabahan
ako bigla. That was a message from Oca. It’s already 10AM and he is inviting me
to lunch. Or commanding might be the right word for it. It’s been 2 days after
nung nagdinner kami. And ngayon lang siya nagparamdam. He went to Malaysia
for a business transaction. I knew because he texted me in case daw ma miss ko
siya. Ang kapal talaga ng mukha niya. But I have to admit that I find it sweet na
nagpapaalam siya sa akin kung saan siya pupunta. Parang kami na di ba?

“Yanyan saan tayo maglulunch?” Sila Yanyan, Jane at Anya ang palagi kong
kasabay sa lunch.

“Sa cafeteria as usual.” Tapos bumalik na siya sa work niya. Ako naman
kinakabahan. Parang may mga butterflies sa stomach ko and I don’t know why
nenenerbiyos ako ngayon.

“Yanyan maglunch na tayo.” I told her nung 11:30 na. Nagulat pa siya at tiningnan
ang watch niya at tinaasan ako ng kilay.

“Masyado ka naman atang atat ngayon maglunch?”

“Gutom na kasi ako.” Ang totoo hindi naman talaga ako gutom. Hindi lang talaga
ako mapakali.

“Okay! Sige sabihan mo na sila Jane at Anya.” I called Jane at sinabi niyang may
lunch date daw siya. Si Anya naman susunod na lang raw.

“Yanyan tara na.”

“Hay naku ikaw talaga panira alam mo naman na nagbabasa pa ako ng story ni
Jona na Invissible Man eh. Tara na nga.” Umalis kami ni Yanyan sa Department
namin ng 11:45AM at huminga ako ng malalim nung nakarating kami sa canteen
nang hindi ko nakikita ni anino ni Oca. Maya maya dumating na din si Anya at
nagorder na kami ng food namin.

“Alam niyo…” napatigil sa pagsasalita si Anya at napanganga bigla. “Oh. My.


God!” Napatingin kami sa entrance kung saan siya nakatingin. At pati ako
napanganga sa nakita ko.

“Don’t tell me dito siya kakain!”

“He never eats here.”

“Sinabi mo pa! Eh ano ginagawa niya dito?” Tahimik lang ako. Shit ano nga ang
ginagawa niya dito? Yes, we are all referring to Oca na kakapasok lang sa
cafeteria

“Dito nga siya kakain!” I looked at Oca na tumitingin ng pagkain sa mga stores.

“My God! He is so handsome. Sana tumabi siya sa atin. Kung tatabi siya
mahihimatay ako. My God!”

“Ano ka ba Yanyan.”

“Eh bakit ba? Kinikilig ako eh.”

“Bakit ikaw ba hindi nagagwapohan dyan kay Sir JC? Jusko, ngingitian lang ako
niyan, maghuhubad na ako ng panty sa harapan niya. At sana nga ano, dito siya
uupo kasi look niyo wala nang vacant table so malamang magcshare na lang.” I
looked around and indeed tama si Anya wala na ngang upuan. Sana naman hindi
siya dito sa table namin uupo.

“Oh my God, Hihimatayin na talaga ako. Palapit na siya dito.” Habang papalapit si
Oca lalong lumalakas ang kaba ko. Sinisiko na ako ni Yanyan na nasa tabi ko at
sinisipa ni Anya na kaharap naman ni Yanyan ang paa ko.

Palapit na siya ng palapit and I’m hoping against hope na sana lagpasan niya ang
table namin.

“Ladies, would you mind if I share your table?” Tangna!

“No, no not at all Sir.”

“It would be our pleasure Sir.” ohhh pleeeaaaaassssseee. Sana nagpakipot man
lang kayo.

“Thank you.” Ngumiti siya sa amin. Namula si Anya at si Yanyan Tapos umupo
na siya sa tabi ni Anya. And since magkaharap si Yanyan at Anya, magkaharap
kami ngayon ni Oca. Takte! After that dumating na ang sangkatutak niya na
pagkain. Sobrang dami na halos mapuno ang table namin.

“Kumuha lang kayo dyan para sa atin talaga yan.”

“Talaga sir? Ang bait mo naman Sir. Ngayon ka lang namin nakita na dito kumain
Sir.”

Ngumiti lang siya kay Anya at kay Yanyan. “Well, my lunch date, cancelled our
date without informing me that it was cancelled.” Tumingin siya sa akin
pagkasabi niya nun. Nagpaparinig ba siya?

“Aw! How rude naman sir. Sana man lang sinabihan ka man lang niya na hindi
matutuloy ang lunch niyo.”

“Pero baka busy lang siya sir o nakalimutan niya ang lunch niyo.”

“I doubt it.” He looked at me again. Hindi na ako makatingin sa kanya. Basta


kumain lang ako ng kumain. Si Anya at si Yanyan kinakausap pa din siya.
Hanggang sa di ko na nakayanan ang tensiyon kaya nagpaalam na ako na
mauuna.

“Yan, Anya, mauuna na ako. May tatapusin pa ako. Si—Sir, Excuse me.” Tapos
tumayo na ako Hindi pa ako nakakalimang hakbang, I heard him say,

“Ladies, thank you for this wonderful lunch. I’ll go ahead.” I can almost see
Yanyan and Anya swooning. But what is he trying to do? Binilisan ko ang lakad
ko para di niya ako maabutan. Nakahinga ako ng malalim nung makapasok ako
ng elevator. But then biglang bumukas ito and pumasok siya. Nanlaki ang mga
mata ko. What am I going to do now?

Pinindot ko ang floor namin at pinindot din niya ang floor ng office niya. Hindi ako
tumitingin sa kanya kasi alam ko na masama ang tingin niya sa akin. Nafefeel ko
ang intense ng titig niya.

“Pag sinabi kong sabay tayong maglunch, sabay tayong maglunch!”Patay na! He
said quietly pero may diin sa bawat salita. Hindi ako nagsalita. I would never dare
answer back sa bigboss kung gusto ko pang tumagal sa kompanyang ito.

Huminga ako ng malalim nung bumukas ang elevator sa floor namin. Lalabas na
sana ako nung hinawakan niya ang braso ko. Tumingin ako sa kanya and he
pushed the close button

“Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” I tried na bawiin ang kamay ko
pero lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. Hanggang sa makarating
kami sa floor ng office niya. Nanalangin ako na sana andyan na si Jane pero wala.
Hawak hawak niya pa rin ang braso ko. Hindi ako makapiglas. Ayaw ko ng
iskandalo. Pero hindi ba iskandalo itong ginagawa niya?

Dumaan kami sa cubicle ni Jane at pumasok sa office niya. Pagkapasok namin sa


office niya ni lock niya ang pinto.
“Let’s talk.”

Chapter 19. The feeling is mutual.

“Let’s talk!” He said after closing and locking the door. Hawak pa din niya ang braso ko.
Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka seryoso and it somehow scares me. Ni hindi
ako makatingin sa kanya.

“Bitiwan mo ako.” Mahinahon kong sinabi. Ayokong sabayan ang temper niya. And
besides boss ko pa din siya balibaliktarin man ang mundo. Pero hindi niya ako
binitawan. Instead hinatak pa niya ako.

“Ano ba!” Hinatak ko na din ang kamay ko kaya nabitawan na niya. I saw him took a deep
breath. Alam ko naman na kasalanan ko bakit hindi ko siya sinipot at kasalanan ko rin na
pinagtataguan ko siya. But I know better than to indulge his whims. Yes, his whims.
Everything is a whim and nothing else.

“Di ba I texted you na sabay tayong maglulunch? Don’t tell me na hindi mo nareceive ang
message ko kasi right after I send the message, I heard you talking to Jane, inviting her
to have lunch with you!” He said with an effort. Siguro gustong gusto na niya akong
sapakin pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.

“Obvious ba Oca? Ayokong maglunch kasama ka!” I know how to deal with Oca but I
don’t know how to deal with Sir JC.

“Bakit? Ano ba ang problema mo? Boyfriend mo ako! May karapatan akong
makipaglunch date sayo! At bakit mo ako iniiwasan? Maysakit ba ako? Hindi
nakakahawa ang kagwapohan kaya wag kang mag-alala di ka mahahawa.” Muntik na
akong matawa sa sinabi niya pero pinigil ko. Seryoso kasi siya nung sinabi niya yun,
baka mainsulto pag tumawa ako.
“Whoever told you na boyfriend kita? Hindi kita boyfriend. You assumed na boyfriend
kita at hindi kesyo sinabi mo na boyfriend na kita eh boyfriend na nga kita.’ I hope
nagets niya ang message.

“So yun ang dahilan kung bakit ayaw mong makipaglunch sa akin? Kung bakit mo ako
iniiwasan? Kasi hindi mo ako boyfriend?”

“It’s not the reason Oca. Hindi yun ang dahilan kung bakit ayaw kong makipaglunch
sayo.”

“Ano? Tell me? Sinabi mong ligawan kita, I courted you. What else do you want? You
wanted me to declare how much I like you? Ok then I like you! I LIKE YOU VERY
MUCH.” He said emphasizing every word that I wanted to laugh. “Ano pa ang gusto
mo?” He said exasperated.

Wala. I don’t want anything…

“Then why the hell are you avoiding me!?” Biglang tumaas ang boses niya. Nagulat ako
at hindi ako nakapagreact agad. “I’ve been wooing you as you’ve said tapos ngayon
iiwasan mo ako? Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang gusto mo!?” He said while
holding my arms and shaking me.

“Wala akong gusto, Oca! I don’t want anything! And I don’t want you!”Kusang bumitaw
ang mga kamay na humahawak sa akin and I saw shock register in his face.

“You don’t want me?” Sabi pa niyang hindi makapaniwala. Umiling iling pa siya.

“I am sorry, Oca but I don’t want you. I don’t like you.” Siguro naman naiintindihan na
niya na basted na siya.

“Why?” Why? Bakit nga ba binabasted ng isang babae ang isang lalaki?

“Ayoko lang sayo.” Hindi ba niya alam kung gaano din kahirap ang mambasted?
“Then tell me why you don’t want me. Ano pa ba ang kulang sa akin? Tell me so that I
could compensate for it.” Why is he being so hard?

“Wala na Oca. You have everything.”

“Yun naman pala eh! Bakit ayaw mo pa din sa akin! Nasa akin na pala lahat. Bakit ayaw
mo pa rin?”

“Na sa’yo na lahat Oca. Nasa’yo na lahat ng ayaw ko sa isang lalaki. Kaya ayaw ko
sa’yo.”

“What!? Are you kidding me? Ayaw mo ng charming, humorous, drop dead gorgeous,
kayang kang buhayin (in short mayaman), gentleman, understanding at passionate na
lalaki?”

“Hindi Oca, that’s my ideal man. Ang ayaw ko ay ang mayabang, mahangin, masyadong
bilib sa sarili, bossy, hot tempered, insensitive and a womanizer.”

“I am neither of those. If I am your ideal man, why won’t you take me?”

“Oca, I don’t want an ideal man. I want a real man. And you were never real.” Mahinahon
kong sabi.

“What do you mean?”

“You were never real from the very start Oca. Lahat sayo ay laro. The day you applied to
me, para sayo laro lang lahat yun. A thrill that you don’t wanna miss. An offer that you
can’t resist. A game that you can play at alam mo na sa simula pa lang ikaw na ang
mananalo, ikaw na ang magiging bida. You courted me because I said so not because
you wanted to. You did that to indulge me. Ayoko ng ganun and I am not a toy and I
refuse to play your game, Oca. I'm sorry.

Napatulala lang siya sa sinabi ko. Napaupo siya sa upuan niya and massage his temple.
“I don’t believe you’re thinking all those things. I just can’t believe you Joanne.” Sabi pa
niya na parang hindi talaga makapaniwala.

“And I don’t believe you too, Oca. The feeling is mutual. We don't believe each other.”

Chapter 20

Thank you so much Ella for the cover.


20

“Alam mo Joanne, ang engot engot mo talaga!” Kanina pa ako sinesermonan ni


Mari. Andito siya ngayon sa condo ko at kumakain ng tacos na ginawa ko habang
nanonood sa tv ko. At habang ginagawa niya yun, sinesermonan niya ako. At alam niyo
kung ano ang kinagagalit niya? Tungkol kay Oca. Walang utang na loob! Hehehe

“Hays…” Wala na akong masabi. Naiirita na ang tenga ko kakapakinig sa kanya.

“Bakit mo ginawa yun? You’ve just dumped an opportunity of a lifetime. Hindi ka


ba nanghihinayang? Wala ka nang mahahanap pang iba. Nag iisa lang si Oca sa
buong mundo, or baka sa buong universe pa. Anong pumasok sa dyan sa kukote
mo at ginawa mo yun?” See? Kung kayo sa case ko siguro pinalayas niyo na siya.
Pero dahil sa mabait akong kaibigan hindi ko yun ginawa.

Mari, ginawa ko lang ang tama.”

“Ano ang tama sa ginawa mo? Nagtapat sayo yung tao tapos sinabihan mong
hindi siya totoo? Are you nuts?”

“Mari, alam mo sa simula pa lang na hindi naman talaga seryoso si Oca. You’ve
witnessed it yourself. Naglalaro lang siya. I have no reason to believe in him.”
“OO nga. Alam ko sa simula hindi talaga seryoso yung tao. Pero ilang buwan na
din yun Joanne, paano kung in the process eh nagustuhan ka nga niya talaga?
Paano kung nadevelop siya sayo? Paano kung totoo yung sinasabi
niya?” Abogado ba siya ni OCa?

“Impossible yun Mari. I barely know him.” Hay naku! Bakit ba si Oca ang
pinagtatanggol niya? Di ba ako ang kaibigan niya?

“It’s not impossible Jo. Look, you told me that he told you that hindi siya
nanliligaw, which is obvious kasi halata namang habulin siya ng mga babae but
still he courted you.”

“You cannot consider it courting Mari.”

“Ano ang tawag mo sa pagiinvite niya sayo sa dinner, pagbibigay ng flower,


paghahatid sayo, pagpapaalam na mag aout of the country at pagbibigay sayo ng
pasalubong from Malaysia after mo siyang binasted? Ano ang tawag mo
dun?” Feeling ko gusto na akong hampasin ni Mari. Hindi ko din alam kung bakit
nanggagalaiti siya na parang abogado ni Oca.

“Mari, he invited me to dinner, give me flowers na complimentary ng hotel at


sinundo ako only once. At yun ang time na nag overtime ako kasi may
pinapatapos siya sa akin. At ang pagpapaalam niya sa akin at pagbibigay ng
pasalubong was because he assumed na kami na. Why are you counting
everything that he did?”

“Are you dense? Didn’t you see that lahat ng ginawa niya, nag exert ng effort
yung tao? Are you blind?” I don’t know why she can’t get it over with. Parang siya
naman ang nawalan ng lalaki. At di ba nakapila ito kay Oca? Bakit ngayon bakit
ipinagduldulan niya si Oca sa akin?
“Mari, any man would exert an effort para lang makuha ang intensiyon ng isang
babae. Seryoso man siya sa babae o hindi. That’s their nature.”

“But Oca is not the type to exert an effort for a girl Jo. Can’t you see it?”

“Of course I see it. I am a challenge for him so napag isip isip niya that he needed
an extra effort in order to get me.”

“And why would he do that? Why would he pursue you? Bakit kailangang ikaw if
he can have any girl he want?”

“Because I pose as a challenge for him Mari.”

“No Jo, you are no longer a challenge for him. He had you already so wala nang
rason para I pursue ka niya. Kung yun lang ang gusto niya, nakuha na niya yun.
Wala na siyang rason para habol habulin ka pa!”

“Meron Mari. Because ako ang babaeng nagustuhan niya na hindi nakakandarapa
sa kanya. I am the only girl he knew who doesn’t like him back.”

Is that so? Totoo ba yun? Hindi mo siya gusto?” Tinaasan niya ako ng kilay.

“Of course not! He is not serious with me, bakit ako papatol sa kanya?” My
answer is too quick. Too quick even for me to believe.

You know Jo, para sayo lahat ng lalaki ay hindi seryoso. Hindi lahat ng lalaki
ganun. Pero its your decision and I am your friend. So siguro kahit ano pa ang
sasabihin ko, knowing how hard headed you are ay hindi mo pa din pakikinggan.
I just hope that you will not regret this decision.” She then smiled at me sadly.
Ahhhhhh….pinagulo lang niya lalo ang isip ko.
A/N: Cover courtesy of Ella/Demisse

Chapter 21
21. Lunchdate

“Excuse me. What floor is JC Cariño’s Office?”I looked at the woman in front of me.
She is beautiful. Sexy, elegant at napaghahalatang mayaman. Sa tindig pa lang
makikita mo nang may class siya. Ang kinis pa ng kutis. Siguro artista siya or model.
Tumaas ang kilay niya. Siguro nahalata na hindi ko siya sinagot at pinagmasdan ko
lang siya. Kakaiba kasi ang ganda niya. Hindi naman sa natotomboy ako, pero gusto
kong maging siya. Gusto kong maging kasingganda niya.

“Excuse me...”

“8th floor Ma’am.” Ano kaya ang kailangan nito kay Oca ganito kaaga? Alas nuwebe
pa lang ng umaga. Kakapasok ko lang at siya kaagad ang nakita ko.

“Thank you.” At naglakad na siya papuntang elevator. Yung guard, yung receptionist,
yung janitor at pati yung langgam nakatulala sa kanya habang naglalakad siya. Parang
sa lakad niya sinasabi niyang, you should stop whatever you’re doing because I’m
walking. Ganun kalakas ang hatak ng babaeng yun, ganun kalakas ang charisma niya.
She walked like she owns the whole building and the whole Metro Manila.

It’s been a week since nangyari ang usapan namin ni Oca and since then hindi na siya
nagparamdam sa akin. Hindi naman sa hinahanap hanap ko siya, nagkukwento lang
ako sa inyo kasi alam kong namimiss niyo siya Well, siguro naisip niya na wala talaga
siyang mapapala sa akin kasi hindi niya ako maloloko. Umakyat na ako sa floor namin
at nagsimulang magwork.

“Hi Joanne!”
“O bakit andito ka na? Sobrang maaga naman ata para magyaya kang
maglunch.” 11:30 pa lang kasi at usually si Jane hindi pumupunta dito kung hindi
maglulunch.

“Wala lang. Naiirita lang kasi ako doon sa taas.”

“So kung naiirita ka dito ka pupunta? At bakit ka naman naiirita?”

“Eh kasi naman noh! Ang aga aga may naglalandian doon sa office ni Sir JC.”
Sabi pa ni Jane na nakasimangot.

“Huh? Sino naman?” Biglang singit ni Yanyan. Si Yanyan talaga kung tsismis ang bilis
bilis. Tsk tsk.

“Kasi ganito yun.” At umupo si Jane sa upuan na nasa harap ko. “Kaninang mga
9:30 may dumating na magandang babae sa office at hinahanap si Sir JC. Si
Yvette daw siya. So in short pinapasok ko siya kasi nga sabi ni Sir JC papasukin
ko daw. Tapos yun na simula nun di na sila tumigil sa paglalandian. Nakakairita
lang.” Sabi pa ni Jane na nagpapout.

“Bakit ka naman naiirita? Kasi nagseselos ka? Kasi type mo si Sir.”

“Psssshhh. Yanyan ano ka ba! Ang ingay ingay mo talaga. Oo type ko si sir pero
di ako nagseselos?”

“Eh bakit ka nga naiirita?” Sabi pa ni Yanyan na mukhang inip na inip na kasi
nambibitin si Jane.

“Eh kasi nakakainis eh. Di ako makapag concentrate sa pagtatrabaho. Kaya


nakakainis.” Sabay dabog,
“Bakit nga!?” Gustong gusto nang batukan ni Yanyan si Jane pero nagpipigil lang siya
dahil hindi pa natatapos ni Jane ang kwento niya.

“Eh kasi di ko matapos tapos yung work ko kasi nadidistract ako. Di ko mapigilan
na silipin sila habang naglalandian! Grabe pala talaga! Siguro yummy talaga
makahalik si Sir.” And she giggles. Adik! ang adik lang. Pero si Oca may kahalikan?

“Gagah!” Sabay batok ni Yanyan kay Jane. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana
kanina ka pa nagsabi sa amin at makita din namin. Naku napakaselfish mo
talaga.”

“Aba malay ko ba na gusto mo din manilip.” Jane said giggling.

“Ano pang hinihintay mo dyan?” Tumayo na si Yanyan.

“Di nga sisilipin mo sila Sir? Tara!”

“Anya! Tara na.” Tinawag ni Yanyan si Anya na nasa kabilang side ng office.

Mga gagah talaga ang mga to. Ang babastos. Sisilipin talaga nila sila Oca? Oh my!
Sasama ako!!!!!!!!

“Ikaw Joanne di ka ba sasama?” Yaya pa ni Jane sa akin.

“Ayoko nga! Di naman ako kasing perv niyo noh! Ayokong manilip noh.”
“Tssss…”Ang plastic ko talaga.

“Anong maninilip? Maglulunch kaya tayo! Quarter to 12 na kaya. Sino ngayon


ang perv? Ha? Ha?” Tapos nagtawanan silang tatlo.

“Oi Yanyan akala ko talaga sisilipan mo sila Sir.”


“Jane di ko gawain yun. Gawain mo yun.” Tapos nagtawanan kami. Ang aadik lang.

“Iba ang gawain ni Yanyan.”

Sasagot pa sana si Jane nang bigla bumukas ang elevator. Napahinto ako sa pagpasok
when I saw kung sino ang sakay ng elevator. Sila Jane, Yanyan at Anya napanganga.
Nakita kasi namin si Oca at ang magandang babae na naghahalikan sa loob. Nung
makita kami nung babae ngumiti siya, tumabi kay Oca at pinunasan ang bibig ni Oca na
may lipstick. I smirked. I don’t know why pero napasmirk na lang ako bigla.

“Hi!” Sabi pa nung babae.

“Hi Ma’am Yvette, Hi Sir.” Tumango lang si Oca. Ngumiti ulit ang babae. She seemed
nice but I wanted to strangle her. I don’t know why. Dahil siguro sa malandi siya at ayaw
ko sa mga malalandi? Paano ko naman nalaman na malandi siya? Hay naku.

“Darling you’ve got a lipstick.” Sabay lapit kay Oca at punas ng tissue sa ilalim ng
lips ni Oca. Hmp! Darling, you've got a lipstick! Sheesh! Ang arte! Hmp! Sabi ko ngang
malandi siya. Sarap sabunutan! Sila Yanyan at Jane nagsisikuhan sa tabi ko at si Anya
pasimpleng sinusulyapan sila Oca. Ako? I don’t want to look at them. Kadiri kaya! Tsaka
baka di ko mapigilan ang sarili ko at mapagbuhol ko silang dalawa. Hmp! Kita mo nga
yang si Oca, May pa "I like you very much" pang sinasabi eh wala pa ngang isang
linggo may ibang babae na naman. Kita niyo na kung anong klaseng lalaki itong si
Oca? He is an Asshole! Paasa lang siya! Paasa!

Bakit umaasa ka ba Joanne?

Napatigil ako at napaisip nung nagsalita ang kunsensiya ko. Bakit naman ako aasa?
Hmp!
Meow meow meow

Nagkatinginan kaming lahat. Pusa?. That’s my ringtone. Ang galing di ba? Sino naman
kaya to?

Jeannie Paolo calling…

That’s my brother. Yes may kuya ako. Akala niyo siguro orphan ako ano? Siempre may
pamilya din ako. Pero sa susunod ko na lang sila ikkwento sa inyo. Sasagutin ko muna
ang phone ko at baka magalit.

“Hello! Why did you call?” I saw Oca from my peripheral vision and I saw him smirk.
What’s the matter with him? Bakit nauuso ang smirk ngayon?

“It’s that the way you greet the most handsome brother you've ever have,
Pheb?” Hanggang ngayon di pa rin siya nagbabago. Mayabang pa din.

“Just tell me why did you call because I’m on my way to lunch. In case you don’t
know lunch time ngayon.”

“Tsk tsk hanggang ngayon mataray ka pa din dear sister. Anyway, just great. I’m
on time.”

“What do you mean on time?”

“We’re having lunch together. Isn’t it great? I know you missed me.”

“C’mon Pao. Why didn’t you call earlier?” I saw the curious looks from Yanyan, Jane
and Anya.
“Do you have an appointment sis? I know you can’t resist me. C’mon baby,
namiss na kita. Gusto kitang ka lunchdate. Pretty pleaseeeeeee…”. I can almost
imagine him pouting his lips and perfecting that puppy look. And he very well know that I
can’t resist him. What a brat for a brother.

“‘Kay Fine. You very well know that I can’t resist you. Next time invite me earlier if
you wanted to have a date with me. You are such a pain!” I said but still I can’t resist
the smile.

“I love you too baby. I’m just at the lobby waiting for you. Bye”. And he hanged up.
See that? Nasa lobby na siya. Hmp!

“Girls,” I got the attention of Anya, Jane and Yanyan. Pass muna ako ngayon. “May
nag ayang maglunch..”

“Sino kaya yun na di mo mahindian?” Anya asked raising her eyebrows.

“Pao” Kilala na nila si Paolo. They've met him plenty of times already.

“Ohhhhhhhh…Paolo!”Jane and Yanyan chorused looking at Anya. I know that Anya


have this thing sa brother ko. But my brother is such a playboy that I won't trust Anya to
him.

“Pag iba oo agad! Pero pag ako hindi.” Narinig kong bulong ni Oca.

“You were saying darling?”

“Nothing. It’s just that ang tagal ng elevator. Ang init dito.” At tiningnan ako ng
masama. Nagpaparinig ba siya? Ako nga hindi nagrereklamo na nakikipagharutan siya
dyan kay Yvette tapos….. Bakit ba ako nagrarason ng actions ko? Damn!
Pagdating sa groundfloor bumaba na kami lahat pero pumunta na sila Yanyan
papuntang cafeteria, ako naman papuntang entrance kasi andun nga naghihintay si
Paolo.

Then I saw his black BMW SUV parked just outside. Lumabas siya sa kotse niya.

“Baby Pheb! I missed you so much!” And he hugged me and kissed me on my


cheeks.

“Ahem! Ahem!” Napatingin ako sa tumikhim and I saw Oca and Yvette sa likuran
namin.

“Something’s wrong darling?”

“No nothing. May nalunok lang akong something undesirable.”

“You must be really hungry.”

“Yes, let’s go bago pa sumama ang hangin dito.”

“ I bet mas maganda ang BMW kaysa sa Fortuner.”I heard him murmur just as he
passed by us. Ano ang nangyayari doon?

“You know him?” Pao asked curiously. Take note that he said him not them. Malakas
pa naman ang pang amoy nito.

“Officemates. Other Departments. Let’s go?” Sabay hatak sa kanya papasok ng


kotse.

“Where do you wanted to eat? Your treat!” He said smiling at me while driving.
“Can you drop me off here?”

“Alam mo Pheb! Hanggang ngayon pikon ka pa rin at kuripot!” He said laughing at


ginulo ang buhok ko. Of course ako ang manlilibre. “How about KFC? Wag kang
kumain ng madami, tumataba ka na!”

“Alam mo ngayon pa lang pinagsisihan ko na sumama ako sayo Jeannie Paolo.


Ewan ko ba kung papakainin mo talaga ako or gugutumin mo lang.”

“And I love you too Joanne Phoebe.” Tapos tumawa siya ng malakas tumigil lang
siya nung marining ang message tone ng cp ko. I opened it at nagulat ako sa nakita ko.

“From: Oca
Pack your things. We’ll leave for Boracay at 6PM today for the site inspection of ABC. 5
days 4 nights. Pack your things after your lunchdate and I’ll see you at the office before
3.

Lunchbreak is only for an hour.”

Ano ang ibig niyang sabihin doon?

“Who’s that at nagsasummersault ang kilay mo?”

“My boss.”

“Your boss texting you during lunchbreak? Hmmm….How old is your


boss?” Sabi ko na sa inyo malakas pang amoy nito eh.

“What are you trying to imply? Huh?” Nakakainis! Nakakabanas! Okay lang that he
didn’t inform me of the upcoming trip, pero yung sabihin niya na inaabuse ko ang lunch
break? Nakakainis!
“Hey! Calm down sis. Remember I am not your enemy here. But nevertheless, I
still wanted to meet that boss.”

“Just shut up Paolo!”

Chapter 22. Pustahan Tayo, Isang daan

“Hayss……”

“Are you okay?” He asked me for the third time. Tatlong beses na din kasi akong
nagbubuntunghininga. Sakay na kami ngayon sa plane papuntang Caticlan.

“Yes. I am fine.”

Tapos binalik ko na ang tingin ko sa mga ulap sa labas ng window. Magkatabi


kasi kami ng upuan. Sa window side ako siya naman sa alleyside.

“Si Yvette…” Don't you dare explain!

“Wala akong pakialam kay Yvette!” Hmp!

“Then why are you sulking?”

“I am not sulking.”

“You don’t have to be jealous of her.” Ang kapal ng mukha niya! Ako
nagseselos? Huh! In his face.

“Ako? Nagseselos? Kay Yvette? Sa’yo? Of course not! You must be dreaming
Oca. Wala akong pakialam kung maghalikan man kayo sa loob ng office mo, or sa
elevator or kahit magtelebabad kayo sa cellphone niyo sa airport dahil lang
pupunta kang Boracay. Wala akong pakialam kahit na ang OA niyo na parang
buong buhay niyo na kayo na di magkikita. Ano naman sa akin yun?” Oopps
nasobrahan ko ata yun!

“Okay! Sabi mo eh.” He said grinning. “Pero how did you know kung anong
nangyari sa loob ng office ko?”

“I have my sources.” Ennnkkk! Sabi ko na nga ba at mapapansin niya ang


pagkadulas ng dila ko eh. Kahit kailan pahamak talaga ang dilang ito.

“Hmmmm….I never thought that you are that possessive to ask someone to spy
on me. But still, I am flattered. Kung kasing gwapo ko ba naman ang minamahal
matatakot talaga akong maagaw ng iba!” Anong pinagsasabi ng huklubang ito.

“Alam mo ang kapal kapal talaga ng mukha mo!” Pero mukha hindi umuubra
yung mga pinagsasabi ko kasi nakangisi pa din siya. Kunsabagay sa kakapalan
ng mukha niya wala nang tatalab pang pang iinsulto sa kanya.

“Pero Jo, I may have kissed a lot of women maybe bedded a few, but still only
you have the sweetest lips I’ve ever tasted. Only you have the softest... Ouch!”

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin kasi binatukan ko siya.

“Ang manyak mo talaga! Ang bastos mo! Don’t you dare continue!”Nanlilisik na
ang mata ko. Ipapahiya pa ata ako nito sa buong pasahero ng eroplanong ito.

“Sir, Coffee, Juice Tea?” Biglang sabat ng stewardess na nagpapacute. At bakit


siya lang ang tinanong? Bakit ako hindi? Hmp! Bakit ba lahat na lang ng babae
nilalandi siya? Kainis naman! Pagpapatayin ko kaya lahat ng malanding babae?
“No thanks.” He winked. “But you can give the lady a water to moisten her
dry….ahmmm.. pharynx.”

“It’s my pleasure to serve you, sir!” Sabi pa ng malanding stewardess. Ito


namang si Oca mukhang tuwang tuwa at nilalandi ng stewardess. Grrrr! Bakit ba
kanina pa mainit ang ulo ko? Pagkaalala ko nagsimula lang to nung tumawag
itong si Yvette kay Oca nung nasa airport kami at nagtelebabad na sila. HMp!

“On second thought, why don’t you give her a juice? Yung matamis, at nang
mawala yung asim sa pagmumukha nitong kasama ko. Pasensiya ka na naglilihi
kasi kaya masyadong selosa itong misis ko.” Sabay akbay sa akin. And he
winked again sa stewardess. Ang landi talaga.

“No, thank you I don’t need anything. Don’t bother.” Sabay irap sa stewardess.
Hmp!

“Ito naman masyadong obvious kung magselos. Alam mo...”

“Hindi ako nagseselos at wala! Wala akong alam. At pwede ba Oca, Por pabor,
tigilan mo ako! Kahit ngayon lang. Hayaan mo muna ako. Gusto kong
magpahinga! Gusto kong matulog.”

“Gusto mong dito mahiga sa lap ko?” Sabay pagpag ng lap niya. At ngisi ng puno
ng malisya.

“No thanks. The seat will do.”

“You wouldn’t say that after a month.” Sabi pa niya na puno ng kumpiyansa.

“And what would I say then?” Hindi ko man aminin, pero di ko rin maitatanggi na
naaaliw ako kay Oca. Naiinis ako na naaaliw sa kanya. Tama ba yun? baliw na ba
ako?

“You would say....”At nagmuestra at ginaya pa ang boses ko, “Oca, can I sleep on
your lap? Can I sleep with you forever? Can we stay on this bed forever?” Muntik
na akong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. I don’t want to
betray myself in front of him. But ngayon ko lang narealize that he is entertaining.

“Masyado kang bilib sa sarili mo Oca. That won’t happen. Ever.”

“Mangyayari yun.”

“Hindi!”

“Pustahan pa tayo! Isang daan!”

“Eww! Ang cheap mo huh!”

:Eh di isang milyon! Ano deal?”

“Sugarol. Manyak ka na nga sugarol ka pa!”

“Manyak ako? Oh c’mon Joanne. Pag hinalikan kita dito ngayon at hindi ka
napapikit and didn’t kissed me back, yun ang manyak. Pag hinipuan kita dito and
you didn’t moan for pleasure, yun ang manyak!”

“Bastos!”

“Bastos? Ako bastos? Hindi ako bastos! Pag naghubad ako sa harapan mo dun
mo sabihing bastos ako!”

“Ang kapaaaaaal talaga!!!”


“Pero pagnaghubad ako sa harapan mo hindi na bastos ang sasabihin mo. Wala
ka nang ibang iisipin at wala nang ibang salitang lalabas sa bibig mo
kundi. “WOW”.” Muntik na akong mapahagalpak sa tawa. Grabe talaga ang bilib
sa sarili ng lalaking ito.

“Huh! Ang hangin ha.”

“Pero hindi nga Joanne.” Ang kulit. Grabe!

“Ano!”

“Pustahan tayo.” Di ba talaga siya titigil?

“Tigil-tigilan mo nga ako Oca.” Sabi ko pang natatawa.

“Hindi nga, seryoso.”At kelan pa siya nagseryoso?

“Ano ba! Hindi ako katulad mong sugarol.” Teka bakit parang may bahid
kalandian ang pagsabi ko nun?

“Ganito, hindi naman pera pagpupustahan natin eh. Ganito,” tapos nilapit niya
ang mukha niya sa tenga ko. Teka nakikiliti ako dyan. Wag po kuya! Wag dyan,
may kiliti ako dyan. Pero syempre sa isip ko lang yun. Ayaw ko ipagkanulo ang
sarili ko sa harapan ni Oca. Never.

“Wag ka ngang makulit! Ganito, maghuhubad ako sa harapan mo at bawal kang


pumikit. Pag ikaw napanganga at naglaway talo ka na. At pag natalo ka, titigilan
mo na yang pagpapakipot mo.”

“At pag nanalo ako?” I said raising my eyebrow.Siguro mas maganda kung
makipaglaro na lang ako kay Oca. Since hindi naman ako nananalo sa asaran.

“Impossible.”

“Hindi yun impossible Oca. Kaya kong pigilin ang sarili ko. And besides I've seen
my share of male bodies para maglaway dyan sa katawan mo.”

“Hmmmm.... Kaya pala ako ang nakauna.”

“Shut Up! Ano na nga pag nanalo ako?”

“Name your price.” Mas lalong tumaas ang kilay ko. ANg kapal talaga niya. “Ano
deal?”

“No deal.”

“At bakit?” Mukhang di pa siya makapaniwala sa sinabi ko. This guy is not used
to being rejected.

“Dahil napaka absurd ng deal mo. Haller! Umiiral na naman ang kamanyakan
mo.” Well, kelan ba hindi umiral yun?

“Baka takot ka lang.” Sabi pa nya at tiningnan ako. Tiningnan ko din siya. At
naghamunan ang tingin namin. Nagsusukatan.

“Scared of me Joanne?”

“Of course not. Why should I?”

“Then why won’t you accept the deal?”


“Because its absurb.”

“Or maybe because you’re scared of your own reaction? Your body’s reaction to
me? Can’t accept the fact that you are attracted to me the way that I am attracted
to you? Hmm?”

“Of course, I am not attracted to you.” Liar.

“Then prove it.”

“Fine.”

“It’s a deal then. And let's seal it with a kiss.” And before I could protest, his lips
claimed mine. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit.

Damn sweet deal.

Chapter 23. No me atrevo

“Hi! I’m glad you’ve arrived safely JC.” Bungad agad sa amin ni Yvette pagdating na
pagdating namin sa hotel na tutuluyan namin. Bakit andito ang babaeng ito? Oh my!

“Thanks Yvette. I believed you were not yet formally introduced. Yvette this is Joanne
Zamora, the architect for this project and Joanne , this is Yvette, the only daughter of Mr.
Sy, the owner of ABC.”

“Hi Joanne, I’ve seen the plans for the hotel and its very impressive. That’s why I can’t
wait for its construction.” I smiled at her and we shook hands. Ugh! Kaplastikan na
naman. I don’t know why I hate her. Maybe because she kissed my property? Now, where
did that come from? Wake up Joanne! You very well know that Oca is not serious. Wag
ka nang umasa.

“I’ll be waiting at the dining.” My thoughts were interrupted ng matinis at nakakairitang


boses ni Yvette. Kahit ganun siya kalandi hindi pa rin maiaalis ang finesse sa kanya.
Everything in her speaks of class, elegance, beauty and sexiness. Dib a gusto ko ngang
maging siya? But then ayaw kong maging kasinglandi niya. Napaismid ang isip ko.

“Hey, stop sulking. She’s a client and nothing more.”

“Nagtatanong ba ako?” Buti naman at kinlaro mo.

“Your face says it all.” He said laughter in his voice. Ano ang nakakatawa? Hmp!

Pumasok na kami sa room namin which is magkatabi lang. Buti naman at di niya
naisipan na iisang room lang kami. Pero sayang at di niya naisip yun! Hahahaha. Tangna
ang manyak ko ata ngayon? Jetlag ba to?

Pagkapasok ko sa room na hindi naman kamangha mangha (Pero maganda, ok na rin)


Tumingin ako sa kama at narealize ko na napagod ako sa byahe at pakikipaglandian kay
Oca. And besides mag 8pm na rin naman, hindi na muna ako kakain kasi inaantok na
ako. Mahihiga na sana ako nung may marinig akong katok sa pinto.

Istorbo naman talaga!

“Wut!?”

“Magdidinner na tayo.”

“Pwede bang magparoom service na lang ako?”

“Hindi pwede. Kasabay natin si Yvette.” So ganun? Kung gusto kaming kasabay ni
Yvette hindi na pwedeng tumanggi. Tss! Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran si Oca. Kainis kasi eh. Okay I am being childish
and I’m acting like a spoiled brat pero hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang kabigat
ang feeling ko para kay Yvette.
Pumasok na kami ng elevator pero hindi ko pa din pinapansin si Oca. Naiinis kasi ako eh.
Dahil lang sa sinabi ni Yvette na sabay kaming kakain sasabay na siya agad. Di ba
parang uto uto? (Ang immature mo Joanne).

“She’s our client, in a way we need to impress her.” Sabay hawak ng kamay ko. I don’t
know why he is explaining to me. Pero dahil sa kanyang ginawa naliwanagan ang puso
kong naghihimagsik (naks! Kakapanood to ng Grazilda eh. Lol) At katulad din ni Grazilda,
ang aking puso gustong magtatalon sa aking dibdib! Nahanap ko na ba ang aking Prince
Charming?

Hanggang sa makalabas kami ng elevator hindi niya binitawan ang kamay ko.
May employer at employee ba naghoholding hands? Inalis ko na lang ang
pagkakahawak niya ng kamay ko nung nagiinit na ito dahil sa masamang tingin ni
Yvette sa kamay naming dalawa. Wala akong planong ipasunog ang kamay ko sa
nag aapoy na tingin ni Yvette.

Kumain na kami pagkatapos at medyo dumadami na din ang tao. Buhay ang Bora
pag gabi. Nagyaya si Yvette na magnightswimming kami at pumayag naman itong
si Oca. Uto uto nga di ba? Wala akong nagawa. Kliyente namin siya, empleyado
lang ako. Goodbye tulog.

Kahit wala akong planong maligo sa gabi dahil sa lamig, nagbihis pa din ako ng
2-piece swimsuit pero pinatungan ko lang ito ng short at t-shirt. Conservative pa
din ako kahit papano. Pero nagsisi ako na pinatungan ko pa ng t-shirt at short
ang 2-piece ko nung Makita kong naglalaway si Oca kay Yvette na parang wala
nang damit. Gustong gusto kung maghubad sa oras na yun pero magiging
masyadong obvious na nagseselos ako.

Naglakad na kami papuntang dagat. Nasa likod ako nina Oca at


ni Yvette. Kita mo! Kani kanina lang nilalandi ako ni Oca pero nakakita lang ng flesh
ayun hindi na ako pinansin kesyo nakashort at t-shirt ako. Gustong gusto ko nang
ilublob si Oca sa buhangin para lunurin. Gigil na gigil ako. At dahil sa gigil ko tumakbo
ako at nauna ako sa kanila. At nung makakita ako nung bato. Binuhat ko to at pinukpok
ang ulo ni Yvette. Joke lang. Hinubad ko ang t-shirt at short ko at nilagay sa bato at
dumiretso sa dagat. Weeeeeeeeee!!!

Nung mapagod ako umahon ako at nilatag ang towel ko sa sand at nag moonbathing. .
Nakakaidlip na ako nung naramdaman kong biglang may nagtakip ng towel sa katawan
ko. I opened my eyes and I saw Oca. Nakatrunks. Naglaway ako! . Umupo siya sa tabi
ko.

“Don’t you dare wear that flimsy thing again.” Huh? And don’t you think masyado
nang gabi para magbilad? I ignore him. Bahala siya sa buhay niya.

“Joanne! Nakikinig ka ba sa akin?” Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

“Sabi ko wag ka na magsuot ng ganyan!”

“Bakit bawal ako magsuot ng ganito? At bakit ka andito? Bakit hindi mo


inaatupag yung kliyente mo?” Bitter ba?

“So nagseselos ka na sa lagay na yan?”

“At bakit naman ako magseselos?” Hmp!

“Kahit kailan talaga ang ilap mo!” Sabay akbay sa akin at gulo ng buhok ko. Andyan
na naman ang mabilis na tibok ng puso ko! This can’t be happening to me!

“Joanne Phoebe Zamora? Is that you? And what are you doing here?”Napatingin
kaming dalawa ni Oca sa nagsalita. Oh my God! This can’t be happening!
“Johann!” Napatayo ako bigla. Now I’m dead. I’m really dead.

“Who is he?” Sabi nung Johann na nanlilisik ang mata at tinuturo si Oca. Kung may
tao akong kinatatakutan sa buong mundo, walang iba kundi si Johann. Si Johann
Phoebus Zamora. My elder brother and twin of Jeannie Paolo. Kung anong cool ni
Jeannie Paolo opposite niya si Johann. He is the serious type. Basta opposite sila kahit
na magkamukhang magkamukha sila.

“JC pare, JC Cariño.” Sabay lahad ng kamay niya. Nagshakehands sila. Nagsukatan
ng tingin. Nagpaangasan.

“Boyfriend niya.”

“Boss ko.” Nagkasabay pa kami. Tumaas ang kilay ni Johann. Ugh!

“Boss ko siya!” Why can’t Oca cooperate? Just this once?

Tiningnan ako ni Johann tapos tiningnan niya si Oca mula ulo hanggang paa. “Joanne
Phoebe, Go home.” He said emphasizing every word.

“Teka lang…”

“Don’t you dare interfere!”

“Aba’t…” I stopped Oca before he could say anything.

“Johann,” Tinangnan niya ako ng masama. “Kuya, matanda na ako.”See, kung


gaano ako katakot sa kanya? I can't call him Johann, in his face.

“I know. I know that you are old and mature enough. And its high time that you
face your responsibility. Stop being a spoiled brat. If Paolo tolerated your whims,
ibahin mo ako Phoebe!” Tumaas na ang boses niya.

“I won’t go home!” I said half crying. Kaya ayaw kong magkita kami eh. Pipilitin lang
niya ako.

“You know that I can. Don’t make me drag you back home. No me atrevo.” And
with that , he left. Napaupo ako sa buhangin nung umalis siya. Nanlumo ako.

“Yung Paolo…at yung lalaking yun? Kapatid mo sila? Huh! Akala ko pa


naman...Bakit ka niya pinapauwi? Naglayas ka? Stow away?”

“Pwede ba Oca? Iwan mo muna ako! Pwede bang hayaan mo na muna ako?
Pwedeng wag ka munang makigulo? Magulo na nga ang isip ko ginugulo mo pa
lalo!”

“Bakit ba magulo ang isip mo! At bakit ka pinapauwi ng kuya mo?”

“Iwan mo muna kasi ako! Hayaan mo muna ako. Pwede?”

“Ayoko nga! Ayokong maghintay ulit ng walong taon.”

“Ano?”

“Wala. Tara. IInom natin yan!” At hinatak niya ako papuntang hotel.

Chapter 24 Usapang lasing

Oca’s POV.
(huh! Sa wakas, after 23 chapters nagkaPOV din ako sa istoryang ito. Di raw kasi kayang
mag POV ni Joanne kasi nga lasing. Baka hindi niyo maintindihan ang naiisip niya)

“Tae!”

“Huh? Saan?”

“Hahaha. Adik!” Ako pa ngayon ang adik. Lasing na nga ang babaing to. Nung
niyaya ko siyang uminom ang iniisip ko lang naman ay tig dalawang shot lang
kami. Di ko naman naisip na laklakera pala itong si Joanne. Malapit nang maubos
ang bote ng alak sa harap namin pero di pa rin siya tumitigil. Tawa na siya ng
tawa at namumula na rin ang mukha niya. Hindi naman ako nag aalala kasi
kasama naman niya ako. Ang mapagkakatiwalaaang ako. The drop dead
gorgeous me. Ahem ahem!

“Bakit ka ba naglalasing?”

“Ako? Naglhalhashing? Shino nagshabi sayo? Umiinom lang ako! Di pa me


lashing. Hik. Bhaka ikaw ang lashing dyan! Hihihi. Hik.” Tangna lasing na nga
talaga ang babaeng to, bumabaliktad na ang dila. Ako medyo may tama na rin
pero kaya ko pa naman. Andito kami ngayon sa hotel room niya. Ayaw niyang
uminom sa bar at baka malasing daw siya at least dito daw okay lang kung
magkalat siya. tsk. tsk.

“Halam mho Oca! Gwapo ka sana eh. Kaso abot langit ang kaangasan mo! Hihihi”

“Hindi ako maangas! Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Hayan kha na naman! Hokay! Fine! Whatever Oca! Hihihi. Pero Ocaness, ito
usapang lashing lang ha. Lashing ka na ba?” Hindi ako sumagot. Hinayaan ko
lang siyang magsalita. Maya maya itinaas niya ang isang kamay niya at nagpoint
siya sa hangin na parang may sinusundot.

“Hay! Hindi pala ikaw yun. Saan ka ba? Bakit ang dami mo na atang mukha?
Hihihi.” Tumawa ako. Para kasi siyang tanga na pinag tutusok ng kanyang daliri
ang hangin. Akala niya siguro mukha ko ang tinutusok niya.

“Hoy! Gago! Wag mo nga akong pagtawanan! Hikhikhik. Lashing ka na ba?” At


minura pa ako.

“Hindi pa.” I wonder how did she manage to be that beautiful kahit lasing na
siya? Mas lalo siyang gumanda kasi namumula na ang pisngi niya at
namumungay ang mga mata niya. Sh!t ang lalim na nga mas lalong ko pang
binabaon ang sarili ko. Paano kung di na ako makaahon?

“Hohkay! Ito usapang lashing lang ha! Maganda si Yvette ano?” Paano napunta
kay Yvette ang usapang lasing namin?

“Ahmmm. Oo.” Pero mas maganda ka!

“Shinashabi ko na nga ba type mo shiya eh. Kaya inish na inish ako sha babaeng
yun eh.”

“Bakit ka naman naiinis sa kanya?”

“Eh kashi nga type mo shiya.”

“Huh?” Saan naman niya nakuha yun?

“Huh ka dyan! Halam mo kashi ako hindi ako naiinshesure sha ibang babae. Pero
kay Yvette naiinshecure ako. Kashi nga type mo shiya. Tsss.”

“Hindi ko siya type.” Sa landi ni Yvette? Hindi ko na siya kailangang magustuhan!


Obvious naman na patay na patay sa akin yun. Tsss.

“Hindi mo shiya type pero naglalaway ka kanina? Hmp!” Napangiti ako ng lihim
sa mga sinasabi niya.

“Hindi ako naglalaway sa kanya! Ano ka ba Jo! At paano mo naman nasabing


naglaway ako kay Yvette?” Bakit ba ako nakikipag usap sa lasing?

“Heller! Obvioush na obvioush kaya! Nabasha pa nga ako ng laway mo eh! Di ba


hinubad ko kanina ang 2-piece ko kashi nga nabasha yun ng laway mo?” Anong
laway? Naligo ka kaya!

“Alam mo lasing ka na eh! Matulog ka na lang kaya! Bakit ka ba kasi


naglalasing?”

“Eh hindi pa nga ako lashing! Tangna mo naman eh! Pinipilit mo ako.
Shamatalang ikaw naman ang dahilan kung bakit ako pinapauwi ni
Johann.” Hinawakan ko na ang kamay niya para tumigil na siya pero hinampas
lang niya ako.

“Bakit ako?”

“Kung hindi mo shinabing bf kita eh di hindi ako pauuwiin noon! Kung hindi ka ba
naman shangdamakmak na g@go eh di matagal pa shana tayong maglalandian!
Hmp!” Napangiti ako sa sinabi niya. Pag lasing pala siya non-stop ang bibig.

“Nakakadami ka na ng mura ah.”


“Eh bakit ka pa nakangishi? Minumura ka na nga di ba?”

“Mas mabuti na yun kesa sa hindi mo ako pansinin.”Napabuntunghininga ako.

“Weh? Kelan kita di pinanshin? Huh? Sa lakas ng hangin mo di kita


mapansin?” Tapos linapit niya ang mukha niya sa mukha ko at pinalalaki ang
nanliliit na mata. Sh!t! nangseseduce ba to? Pag ako di nakatiis hahalikan ko to.
Tiningnan ko ang mukha niya and she moisten her lower lip! Oh God! Help me!

“Nu-nung college.” Tama bang magstammer sa harap ng isang lasing? Mukha


ako ata ang nalalasing eh. Medyo lumayo siya nung sinabi ko yun.

“Weh? Ni di nga kita kilala nung college eh. Bakit magkaklashe ba tayo?”

“Hindi. Pero schoolmates tayo. Kaya nga kilala ko si Mari di ba? Siya ang
classmate namin.”

“Eh bakit di kita kilala eh beshfriend ko si Mari nung college? Bakit di kita
maalala?”

“Ewan ko sa’yo.” Yun nga ang masama eh. Di mo ako maalala.

“Pero pinakilala tayo?”

“Oo 3 times.” At hindi mo pa din ako matandaan.

“Weh? Eh bakit di kita matandaan? Shige nga ipaalala mo nga sa akin kung kelan
tayo nagkita? Magflashbask ka nga!”

“Wag na lang kaya! Ang tagal na nun. Tsaka ang haba! Tinatamad mag type ang
author.”
“Tsss! Ang KJ mo naman. Shige na kasi. Magflashback ka na! Tatamaan ka sa
akin.” Hala!

“Bukas na lang. Gabi na matulog na tayo.”

“Ikaw Oca, pag hindi ka nagflashback, hahalayin kita!”

Napangisi ako. “Ayaw ko ngang magflashback! Hindi ako


natatakot sayo! Kahit halayin mo pa ako” Tangna nakakalasing
naman tong si Joanne kausap.

“Sh!t ka! Magflashback ka na kasiiiiiiiiiiiii!” At sumigaw na siya.

Hays…may magagawa ba ako?

Flashback

August STU: Foundation Day

“Uyyyy! Ang ganda pare oh”! Tiningnan ko ang tinuro ni Marco na


kabarkada ko.

“Saan yung nakacostume ni Xiaoyu?”

“Oo siya nga!” Andito kami ngayon sa school. May mga


nagcosplay kasi kaya madaming estudyante na nagsusuot ng
costumes. Napangisi ako . Another prospect. Lumapit kami sa
booth ng Architecture Department.

“Marideth!” Tawag ni Jason sa babaeng kasama ni Xiaoyu.

“Ano yun Jaysonsa?” Sabay taas ng kilay ni Marideth. Kaklase


kasi namin si Marideth sa ibang subject kaya kilala namin siya.

“Ipakilala mo naman kami kay Xiaoyu.” Nakita kung tumingin sa


amin si Xiaoyu at tumaas ang kilay.

“Joanne, Si Jaysonsa, si Marco at si Carlos. Guys, si Joanne.”

“Hi Miss Beautiful.” Nakita ko siyang umismid.

“Hi din.” Tapos nagring ang cp niya.”Excuse me.” Tapos tumalikod


na siya sa amin para sagutin ang phone niya. Umalis na siya’t lahat
lahat hindi pa rin naalis ang tingin ko sa kanya.

“Oi pare tanghali na gumising ka na!” Sabay pitik sa harapan


ko. Simula noon hindi na siya naalis sa isip ko. To the point na
naging stalker na niya ako. Alam ko ang oras ng pasok at uwi niya.
At alam ko rin na hatid- sundo siya ng kotse nila.

“Ano ba pare hanggang tingin ka na lang ba sa malayo?


Gagraduate na tayo, di ka pa rin nakakadiskarte kay Joanne.”

December, Before Christmas break.


Sa di ko nalaman na dahilan nagkasabay kami maglunch nila
Joanne at Marideth pati na ang barkada ko. Ngisi ng ngisi ang
barkada ko pero ako parang di na makakain sa kaba. Alam kong sa
sobrang pagka-inip ng mga barkada ko kinausap nila si Marideth
para magkasabay

kami. Sila na ang gumawa ng paraan para magkausap kaming


dalawa.

“Hey, Jo, you remember them?”

“Who are they again?” Ouch! Di man lang niya ako natatandaan.
Samantalang ako, 4 na buwan na siyang sinusundan.

“Yung pinakilala ko sayo sa cosplay.”

“Eeeeee, ang dami mo naman pinakilala sa akin nung


cosplay.” The she drink her juice gracefully. Nagselos ako sa
baso.Gusto ko itong basagin.

“Okay, let me introduce them to you again, this is Jason,


Marco and Carlos Cariño. Sabay silang maglunch sa
atin.” Take note na bold ang pangalan ko. Ibig sabihin Marideth
give emphasis on my name.
“Okay. Nice to meet you again. Wait, Carlos Cariño?” Yes!
Naalala na niya ako.

“Y-yes, it’s me”. Damn! Kailangan ba talagang magstammer?


Kailan pa akong natutong magstammer!?

“So, ikaw pala si Carlos Cariño,” ngumiti ako sa kanya. Umismid


siya. “The boyfriend of Menna, Carla and Jona.” Napatulala ako
sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? “You know, friend ko
ang tatlong yun. But I don’t have the right to tell them na iisa
lang ang bf nila kasi ayaw kong makialam. So, can you please
do me a favor? Spare them some pain. Pumili ka ng isa sa
kanila or much better hiwalayan mo silang tatlo kung hindi ka
rin naman makakapili. Marideth, let’s go. Ayaw kong
makasabay sa pagkain ang isang playboy.” Ngumiwi si Marideth
sa akin.

“Ouch!” Chorus ng tatlo kong kabarkada. That afternoon,


nakipaghiwalay ako kina Menna, Carla and Jona. Pero hindi pa din
niya ako pinapansin. Tama nga ata ang nakasulat favorite night
shirt ni author. "i am not ignoring you, you are just insignificant.”

March. (After 1 year and 4 months)Graduate na kami.


Graduation day nila Joanne.
“Tangna pare! Hanggang ngayon ba naman di ka pa din
nakakaget over dyan kay Joanne? Halata namang di ka
pinapansin niyan. Pustahan tayo, Di ka na niyan natatandaan.
Tapos may paregaregalo ka pa ngayon!”

“Pare, hayaan mo na yan. Natamaan eh.”

“Bahala na nga kayo. Balita ko may boyfriend na raw yun.”

“Balita mo lang yun pare. To see is to believe.”

“Oh andyan na sila.”

“Marideth!”

“Oh Jason, Marco, Carlos! Andito kayo?”

“Ah oo. Manonood kami. Sa inyo.”

“Asus! Baka hindi sa amin, baka sa kanya lang?” sabay kindat


sa akin at tingin kay Joanne. Mabubuko pa ata ako ni Mari eh.
Tumawa kami. Pero ako ninenerbiyos.
“Congrats sa inyo.”

“Salamat. Oi Joanne, congrats daw. Sino ba hinahanap


mo?” Palinga linga kasi siya. Halatang may hinihintay.

“Wala. Thanks sa inyo. Then she gave us a worried smile.


Kakilala mo sila?” Napalatak si Marco. Parang sinasabi na “sabi
ko na nga ba”.

“Hay naku! Ilang beses ko na kaya silang pinakilala sayo?”

“Huh? Kelan!?”

“Last last, last year.”

“Ano ka ba Mari, ang tagal na nun. Siyempre di ko na sila


maaalala. Pero salamat na din sa pagbati.” Nagsmile siya ulit sa
amin. My heart melted.

“For you. Congrats.” At inabot ko sa kanya ang maliit na box na


regalo ko sa graduation niya.

“Ohhh.. thank you, so thoughtful of you. Hindi na kailangan ng


gift ano ka ba!”
“Okay lang. Masanay ka na kasi simula ngayon…”

“Babe?”

“Babe!!! You came!!!” At halos tumalon na siya sa lalaking


tumawag sa kanyang Babe. Baboy ba siya? bakit babe ang tawag
niya kay Joanne?

They hugged in front of us. “Of course, pupunta ako. For you.” At
binigyan siya guy ng bouquet of roses and a box of chocolates.
Tssss. Pero ang pinanghina nang tuhod ko ay nung binigay niya sa
lalaki ang regalo ko para mahawakan niya ang regalo nung lalaki.

“Thank you so much babe”. Humawak siya sa bewang nung guy


and the guy give her a peck on her lips. Hindi ko nakayanan ang
eksena sa harapan ko at nagwalk out ako. That day parang dinurog
at inapak apakan ang puso ko. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ko
siya hinayaan. Why didn’t I make my move before its too late. Why
did I let someone na makuha siya? Naging ganyan ba ako kaduwag
kung siya ang pinag uusapan?

I’ve waited for her to mature and learn the meaning of love, but
when she learned it, she share it with someone else.
End of flashback.

“So it means, dati pa lang mahal mo na ako?”

“Maligo ka na nga lang at nang mawala yang kalasingan


mo.” At tinulak ko siya papasok ng banyo. Tsk tsk. Sayang ang
rape!

Chapter 25

25. Cliff diving

“This part will be the pool. And then facing the pool are the verandas of every
room...blah..blah...blah!” Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ni Yvette.
May hangover ako at ang aga ako ginising ni Oca dahil nga titingnan na namin ang site
kung saan ipapatayo ang resort and hotel nila Yvette. Wala na akong magawa. I came
here for business at di ako pwedeng tumanggi kahit na parang mabibiyak na ang ulo ko
dahil sa hangover. Pero anyway, si Oca na ang nakipag usap kay Yvette at hindi ko na
isa isahin ang pinag usapan nila dahil maasar lang kayo sa kalandian ni Yvette (At
tinatamad na din ang author na isulat pa yun). Nag ikot ikot ako sa buong place para
matingnan na din ang lugar at iniwan ko sina Oca and Yvette. Boracay must have been
a very beautiful place before. Nung mga time na hindi pa masyadong commercialize
ang lugar. When there was no hotels and resorts yet. When this place is still surrounded
by nothing but rainforest and white sand beaches. When during nightime the only
sound that you will hear are the sounds of the the cicadas and other nocturnal animals.
When... shesssshhhh I’m getting mushy here.
“Joanne, let’s go.” Oca called me after a while. Maglalunch na din kasi kaya babalik
na kami sa hotel. As usual naupo na naman ako sa tabi ng driver dahil magkatabi si
Oca and Yvette sa backseat. And as usual titiisin ko na naman ang paglalandian nila.
Hmp!

“JC, you’ve been out of the circulation these past months. What happened to
you?” Yvette asked out of the blue with all the flirtiness she could muster. Tapos
sumandal pa siya sa balikat ni Oca. Ang sarap pilipitin ng leeg! Hmp! Ang bitter ko.

“I’ve been busy with stuffs and with the company Vette.” Vette? Now where did it
came from? Napasmirk ako. Bagay nga sila parehos na malalandi. Lalo tuloy sumasakit
ang ulo ko. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan.

“You okay Jo?” Okay your face! Mukha ba akong okay? Di mo ba napapansin na
parang binibiyak ang ulo ko?

“Of course I am okay.”

“You look sick though.” Sabat ni Yvette. Yes, Im sick. I’m sick with both of you! Kung
pwede lang sabihin yun sa isang kliyente.

Nakarating na kami sa hotel at nakapaglunch. Nagyaya pa si Yvette na gumala pero


hindi na ako sumama sa kanilang dalawa. Gusto kong matulog at nang mawala ang
hangover ko. At baka pag sumama ako, mas lalo pang sasakit ang ulo ko.

Nagising ako ng 5PM. Lumabas ako at nag ikot ikot. Wala akong planong
magswimming. Wala ako sa mood. Medyo malayo layo na din ang nalakad ko nung
may humila sa braso ko.

“Hey!” Hindi ko na sasabihin kung sino.


“Hi! Where have you been all my life?”

“Ano yun banat?”

“Hindi. Ang haba ng tulog mo ah. Wala ka nang hangover?” Sabay akbay sa akin.

“Wala na. Hindi ko na kasi kasama si Yvette.” Sabay alis din ng kamay niya sa
balikat ko pero binalik din niya agad. Hindi ko na inalis. Hindi din naman ako mananalo.

“Laki ng pagseselos mo kay Yvette ah.”

“I don’t have a reason to be jealous with her.”

“Talagang wala.” I don’t know what he means. Wala akong rason para magselos dahil
hindi niya gusto si Yvette or wala akong rason magselos dahil wala naman akong right
para magselos.

“Tara!” Hinatak niya n alang ako bigla.

“Saan tayo pupunta?”

“Basta sumama ka na lang sa akin. May ipapakita ako sayo.” Naglakad pa kami at
sumakay sa bangka hanggang sa makarating kami sa isang island sa may cliff top.
May mga tumatalon from the cliff top papuntang dagat.

“Matagal ko nang gustong gawin yan.” Sabay turo sa mga tumatalon.

“Ang alin, ang pagpapakamatay?”

Tumawa lang siya. “C’mon! Let’s jump.” Nanayo ang balahibo ko sa sinabi niya.
“Tumalon ka magisa mo!”

“C’mon Jo. It’s safe. Look at her.” She pointed a girl who’ve just jump off the
plank and I was like whoa!! “See? She did it. It’s safe. You’ll land on water.”
Siempre sa tubig ka babagsak, dagat eh. Adik tong si Oca.

“Ikaw na lang. At tingnan mo nga, magpapakabasa ako ni wala akong dalang


damit. AT ikaw rin naman.” Sige magpalusot ka pa. Baka maniwala.

“Bibili na lang tayo ng pamalit sa souvenir shop. C’mon.”

“Ayoko nga!”

“Sige na!”

“Ayoko!!”

“Hindi lang naman ikaw ang takot mahulog. Sila rin. Ako rin. We are all afraid to
fall. But once you’re there, there’s no turning back so you just have to enjoy
falling. Besides andito naman ako. We will fall together.” He then squeezed my
hand. I don’t know if my brain cells are working overtime pero parang may ibang
meaning ang sinabi niya aside from cliff diving.

“So, tara na?”

“Eeeee...”

Hinatak na niya ulit ako at wala na akong magawa. Papunta na kami sa plank.
30ft. Tangna. Mamamatay na yata ako hindi sa pagkahulog kundi sa nerbiyos.
“Oca naman kasi, bakit ako ang dinadala mo sa ganitong kalokohan!”

Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

“Gusto ko lang maexperience literally, ang mahulog. And besides, I want you to
fall with me. Don’t let go.”

“What!!!!!!Aaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Sumigaw ako ng pagkalakas lakas na


halos mabasag na ang voicebox ko nung hinatak na lang niya ako bigla.
Bumagsak kami sa dagat na magkahawak pa rin ang kamay. Hindi ako
makapagsalita. Kakaibang experience. Lumangoy na kami papuntang floating
kubo na inaahunan ng mga tumatalon. Pagkaahon naming tawa siya ng tawa.

“Ang lakas lakas mo makasigaw. Nabingi ata ako.” Tumawa siya ng malakas

“Tangna mo naman kasi. Di ka nagsasabi. Wala man lang abiso.”

“Ganyan talaga hindi mo namamalayan nahuhulog ka na pala.” Tapos ngumiti


siya sa akin na nagpanginig sa buong kalamnan ko. “Gusto mo isa pa?”

“Hindi na. Baka mamaos ako.”

“Then, let’s go get change.” Kinuha niya ulit ang kamay ko at naglakad.

“Anong nangyari sa tsinelas mo?”

“Nasira nung tumalon tayo.”

“Kung di ka naman kasi eengot engot na tatalon ng nakatsinelas.” Tumawa lang


siya at lumangoy ulit kami papuntang pampang. Tapos umakyat na kami at
nagshower and pumunta na kaming souvenir shop para bumili ng mga damit
namin.

After kong makapili ng damit nakita ko si Oca sa harap ng mga havianas. Siguro
naghahanap ng pamalit sa nasira niyang tsinelas. “Alin ang maganda?” Pinakita
niya sa akin ang blue at ang green na havianas.

“Ang green, kasi yun ang font color mo. Hehe. Pero di ba sobrang laki naman
ata?”

“No. Tama lang. 10 ang size ng paa ko. Miss kunin ko na tong green. Pati na din
yung sa kanya.” Binayaran na niya ang pinamili namin at dumiretso na kami sa
resto sa tabi ng souvenir shop. Dun daw kami magdidinner. Yes, hindi kasama si
Yvette.

“Baka hanapin ka ni Yvette.” Sabi ko sa kanya nung kumakain na kami.

“Bakit naman niya ako hahanapin?” He said bago niya sinubo ang camaron
rebosado.

“Siyempre wala ka dun. Alam mo naman na ikaw ang object of affection nun.
Alangan naman di mo nahahalata na may gusto sayo yung tao. Nahalata ko
ngang malayo ako sa kanya ikaw pa kayang halos ipagbuhol na niya kayong
dalawa.” Hmp!

Ngumiti siya. A knowing smile. “Hindi naman niya ako Yaya. At bakit ba ang laki
ng selos mo kay Yvette? Hindi ko naman kasalanan na habulin ako ng mga
babae. Kahit hindi ako magexert ng effort, hahabulin talaga nila ako.”

“Ay oo nga pala drop dead gorgeous ka pala. Natural lang na habulin ka ng mga
babae. Madami ang nagmamahal sa’yo.” I smirked. Kainis. Di man lang niya i
deny ang pagkaplayboy niya. Pinangangatawanan talaga niya.
“Jo…” napatingin ako sa kanya. Nagseryoso ang mukha niya. Kinabahan ako
bigla. Binitawan niya ang hawak niyang fork and kinuha ang isang kamay ko.
Biglang lumakas ang kaba ko. Nakakabingi ang heartbeat ko.

“I won’t deny that I may have taken my fair share of women, but none of them
captured my heart. IIsang babae lang ang nakagawa nun. At alam mo na kung
sino yun.” Yumuko ako at tiningnan ang pinggan ko. Hindi ko alam ang isasagot
ko. Kinakabahan talaga ako. Kinakabahan ako na kinikilig. Kung pwede
pagsabayin ang dalawa.

“Jo, alam mo naman na mahal kita di ba?” Biglang tumigil ang paghinga ko sa
sinabi siya. Tumigil ang heartbeat ko at tumigil ang paghinga ko.

“Alam mo naman di ba?”

Huminga ako ng malalim and... “Yes. Alam ko.” I smiled at him.

“How did you know?” Biglang nagliwanag ang mata niya.

“Kasasabi mo lang di ba?” Siya naman ngayon ang huminga ng malalim. And
parang I heard him whisper. “Nakalimutan na naman.”

“So?”

“So?”

“So what?”

“So what, what?”


“Jo, I just told you that I love you.” He said in desperation.

“Yes you just did.”

“So, what?”

“Anong so what?”

“Anong masasabi mo?” Talagang desperadong desperado na talaga siya.” Wag


mong sabihing mag uulitan lang tayo ng sasabihin dito.”

“What do you want me to say?”

“Ano ba ang gusto mong sabihin? Wala ka man lang bang comments, violent
reaction, or kung ano pa man?” I feel like laughing at his expression.
Nakakaenjoy na ganyan ang reaction ni Oca. Nakakaaliw tingnan.

“Ocaness,... You’ve waited for me to mature and to learn what love is. I guess it’s
time for me to share it with you.” I smiled at him sweetly.

Huminga ulit siya ng malalim. Umaliwalas ang mukha niya. “Gustong gusto mo
talagang nahihirapan ako ano?”

“Hindi naman sa ganun.”

“You remembered everything from last night?”

“Not everything. Only the important ones.”


“Huh! After 8 years. Yes!” At tumayo siya at lumapit sa akin. “Now, let me give
you our first kiss as a couple.”

Chapter 26

Chapter 26 Conspiracy

‘Lunch later. Met me at the parking. I love you.’

Napangiti ako upon receiving the text message from Oca. It’s been a week nung
bumalik kami from Bora and everyday nagsesex… este naglalunch kami. Sabay kaming
maglunch palagi at wag niyong seryosohin yung nagsesex part. Joke lang yun ng
author, namamanyak na naman kasi siya. Ahehehe. Wala nang nangyari sa amin after
naming manggaling ng Bora. Busy siya. Okay. Kailangan ko pa talagang
magpaliwanag sa inyo eh. Pero hindi ako defensive, nagpapaliwanag lang.

“Oi ano nga nginingiti ngiti mo dyan?”

“Wala Yanyan. Ito talaga, bakit bawal na ba ngumiti ngayon?”

“Hindi. Pero pag ngumingiti mag isa habang nagbabasa ng text message, kaduda
duda. Isang linggo ka nang ganyan. Isang linggo na ding may bulaklak sa table
mo araw araw, isang linggo ka nang parang nakaapak sa clouds, isang linggo ka
nang parang nakadroga at isang linggo ka nang di sumasabay sa amin sa lunch.
In love ka ba? O nakadroga lang?”

Ngumiti lang ako kay Yanyan.

“Ewwwwww. Creeeeeeeeeeeeppppppy. Bakit di mo kasi kinukwento sa amin?


Pinapatay mo ba kami sa suspense? Sino ang minamalas na lalaking ginayuma
mo?”

“Excuse me. Hindi ko siya ginayuma.”

“So, totoo nga na may nanliligaw sayo? Pumunta lang kayo ni Si JC sa Bora
ganyan ka na. May nakilala ka dun? Ipakilala mo naman kami. Pogi ba? Malaki
ang ano? Ang katawan? Six packs ang abs or 8 packs? Gaano kahaba ang
….paa? Ipakilala mo sa amin huh at nang makilatis ko.” Naglalaway na si Yanyan.

“Eh basta sasabihin ko sa inyo in time.And hindi nga pala ako sasabay sa
lunch.” I smiled again. Parang timang na ako.

“Yeah! I know, I know. Make sure lang na ipakilala mo sa amin ang lalaki mo
huh.” And Yanyan rolled her eyes.

By lunchtime, dumiretso na ako sa parking. As usual naghihintay na siya sa loob ng


kotse na hiniram niya na hanggang ngayon di pa niya naisosoli. Nagdrive na kami
palabas ng building and papuntang resto. Ito ang masarap pag may boyfriend ka na,
palaging libre ang lunch. Libre din ang pamasahe.

“Hello, lovebirds.” Nanlaki ang mata ko nung makita ko si Marideth sa isang table.
Ang pagkakaalam ko kasi pagdating namin from Bora, wala siya sa PInas dahil may
conference daw sila sa Hongkong.

“Mari! You’re here! Kelan ka lang dumating?”

“Ito naman kung makareact parang isang dekada tayong di nagkita. Kanina lang
ako dumating kaso itong si JC kahit hilo hilo pa ako sa jetlag gustong gusto na
makipagkita na sa akin.” Tumingin ako kay Oca. Ngumisi lang siya and I smell
something fishy.
Pinaupo na ako ni OCa sa chair sa harap ni Mari at tumabi naman siya sa akin, Nag
order na kami ng food namin at napansin kong panay ang sulyapan ni Mari at ni Oca.

“Do you know something that I don’t know?”

Nagkatinginan ulit silang dalawa. Kaya kinurot ko na si Oca sa tagiliran.

“Ouch naman Babe. Tumitiyempo pa nga lang eh.”

“Ayyiiieee ang sweet naman. At Joanne wag mo nga masyadong underin yang si
JC. Nakakahiya sa makakita na ang laki ng katawan niyan tapos inaunder mo
lang.”

“O sige ikaw ang magsabi Mari.”

“Bakit ako? Ako na nga ang tumulong ako pa ang mageexplain.” Tapos she glared
at Oca. “Sabihin mo na kasi. Di ba nga kaya ako andito para malaman na niya?”

Oh no… Sila na din ba? Tino two-time ako ni Oca?

“Babe, it’s not what you think it is.” Huh?

“Ano ba ang iniisip ko?” I glared at him too.

Bumungisngis si Mari.

“Mari, would you help me out?”


“Hay naku JC Cariño, kahit kailan, pagdating kay Joanne, tuping tupi ka! Tsss.”

“Ano ba kasi yun?”

“About everything.”

“What everything.”

“She/He planned everything.” Sabay nilang bulalas. Red and green ang color. parang
christmas.

“What?”

“Ok babe, don’t get mad. Here’s wa-what ha-happened,”

“Stop stammering.”

“Alright. Shut Up Mari, I’m telling her okay?” I raised my eyebrow at their bantering.

“Okay, Mari contacted me that you are looking for a Babymaker and…”

“Wait, wait, wait a minute JC, I only did that because you asked me if I could help
you with Joanne, knowing how pathetic you are when it comes to her, I oblige…”

“I think you are here because you wanted to help me explain to her? Why are you
saving your face now?”

“Well, I just wanted to make things clear. Continue.” She motioned Oca to continue.
Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“After that I send my resume. And well, because of my creativity you bought my
idea.”
“Yah! The condom is really his idea. His perverted idea.”

“It’s called creativity Mari.”

“Whatever JC.”

“Why do you keep on calling him JC?”

“Because everyone calls him that. JC or Carlos. The Oca thingy is just his style
for the sake of his resume. Tss. Ikaw lang ang tumatawag sa kanyang
Oca.” Ganun ba yun?

“Okay. So you helped him with his application? For me to notice him? That’s
it?” Really wala namang masama kung tinulungan nga siya ni Mari di ba?Dahil naman
sa condom kaya na notice ko ang application niya at ako naman ang pumili ng mga
applicants di ba?

“Errrr…yes.”

“Is there anything else you’re not telling me?” Nagdududa kasi ako sa tinginan ng
dalawang yan eh. Parang meron pa kasi silang di sinasabi sa akin. Tumingin ako kay
Mari at tumingin din ako kay Oca, hindi sila makatingin ng diretso sa akin.

“Well…”

“Ahmmmm….”

“Just tell her the dirty part.”

“What dirty part?”


“Babe…”hinawakan niya ang kamay ko.

“Hay naku! Ako na nga lang. All of your applicants are fabricated. He fabricated
it.”

“With her help.”

“Oo nga tinulungan nga kita pero idea mo pa rin yun. It’s your idea not to publish
the ad and send her all those emails and those useless applications. You even
paid guys to pose as her applicants during the interview, including that Maku
Pad. And you ask me to pretend that type kita para mathreaten itong si Joanne.”

Nanlaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi ni Mari.

“So parang niloko niyo ako?”

“Babe? That’s why we’re telling you now. Ginawa ko lang naman yun because
ayokong mapunta ka sa iba.Selfish na kung selfish. Unfair na kung unfair.”

“Ewwwww. Nagiging cheesy na ang eksena. Kumain na nga lang tayo.”

“Babe, Im really sorry.” Umirap ako.

“Oi Joanne, wag ka ngang mag inarte dyan. Patawarin mo na yan. Ang laki na
nang sakripisyo ng taong yan dahil sayo. He even went ballistic and threatened to
kill me when I published your second ad. And he accepted the post in your
company para lang mabantayan ka kahit na ayaw niyang magtrabaho sa opisina.
Kaya pwede ba, tigil tigilan mo na yang pag iinarte mo at nang makakain na tayo
at nang makauwi na ako at makatulog?Naku nakakpagod din maghintay ng 8
years kung kelan maging kayo noh!”

Napatingin ako kay Oca

“You don’t want to work in our company?”

“Not really.”

“Anong not really? Haller, 4 na taon nang inooffer sayo ng ama mo ang position
na yan pero hindi mo tinanggap kasi ayaw mong matali sa swivel chair at sa four
cornered room called office.. Tapos nung malaman mo lately na dun
nagtatrabaho si Joanne, ikaw pa mismo ang lumapit sa ama mo? Nasaan na ang
pinagmamalaki mong pride JC? Nilunok mo lahat ng dahil kay Joanne. And since
sasabihin na rin natin ang lahat mabuti nang malaman ni Joanne ang lahat ng
pagsasakripisyo mo para sa kanya. Tsss. And please lang Joanne ha. Pagod ako,
kailangan ko ng pahinga, hindi man lang ako pinalabas ng kwarto ni Phil, kaya
patawarin mo na yan dahil kung hindi, hindi ako titigilan niyan. Ano!?”

Hindi ko maimagine na ginawa ni Oca ang lahat ng yun para sa akin. Nakakataba ng
puso. It’s heartwarming to know that your guy is willing to swallow his pride just to be
with you. May mahihiling pa ba ako?

“Wag ka na ulit magsinungaling sa akin. Wag mo na ulit akong gagawing tanga.


Just tell me everything and I will try to understand.” I took his hands and smiled at
him.

Chapter 27
Ang weird ng araw na to. Eversince na gumising ako I have a feeling na parang may
mangyayari na hindi ko naman alam kung ano. Basta alam niyo yung feeling na parang
kinakabahan ka na ewan. Yun yun eh. Ang weird talaga. Tapos nadagdagan pa ang
pagkaweird nung pumasok ako sa office. Pagkapasok ko pa lang sa lobby ng building
everyone is looking at me na parang nakakita sila ng aparisyon and they are giving me
these weird look na parang di makapaniwala na isang napakagandang aparisyon ang
kanilang nasisilayan ngayon.

Even Anya, Yanyan and Jane are giving me the look. Yung parang may sasabihin sa
akin pero hindi masabi kung ano ang sasabihin. Basta ang weird talaga ngayon. Tapos
dagdagan pa na paggising ko ang sama ng pakiramdam ko. Baka epekto lang ito ng
global warming.

“Akala mo naman kung sinong mabait at magaling di ba?”

“Yeah right, nasa loob pala ang kulo.”

Napatingin ako sa dalawang ka officemate ko na pumasok sa CR. They stopped talking


upon seeing me and looked at each other. Parang nakita ko pa ang isa sa kanila na
umismid. But I ignore it, baka kasi guni guni ko lang. I smiled at them pero hindi sila
ngumiti sa akin. Which is really weird. At dahil awkward na ang situation lumabas na
ako ng CR. Kakalabas ko pa lang ng CR nang may humatak na sa akin.

“Oi, teka Yan bakit ka bigla bigla na lang nanghahatak?”

“Mag lalunch out tayo. Tara na.”

“Wala akong dalang pera. Kukunin ko lang sa bag ko.”

“Ililibre ka namin. Tara na.” Now ito na talaga ang weird. Ito ang pinakaweird sa lahat
ng weird. Kelan pa natutong manlibre si Anya? Nanalo ba siya ng 500Million sa lotto?

“Okay. Game ako. Hindi niyo na ako kailangang hatakin. Tsss.” Pero hindi pa rin
sila nakinig sa akin kasi hinatak pa din nila ako hanggang sa makarating kami ng
starbucks. Pumili kami ng upuan na nasa pinakadulo at pinagtataka ko iyon kasi usually
di kami pumipili ng upuan sa dulo kasi according to Yanyan pag daw sa dulo kami uupo
magmumukha kaming wallflower at di mapapansin ang mga alindog namin pero ngayon
bakit sa pinakadulo kami umupo?

“Now spill.”

“Is it true?”

“Of course it’s true.”

“Teka anong pinagsasabi niyo?”

“Hindi mo alam?”

“Anong alam ko? Anong pinagsasabi niyo?”

“Hindi mo nabasa ang sa bulletin board?”

“Malamang hindi. Parang si Yanyan yan eh. Hindi nagbabasa ng announcement.”

“Haller. Hindi naman announcement yun. Iskandalo kaya yun. Babalatan ko ng


buhay ang nagpost nun eh”

“Teka, Ano ba ang pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan.”

“Are you dating Sir JC?” Nabilaukan ako sa frappucino na iniinom ko. Muntik ko nang
maibuga sa mukha ni Jane. 3 pairs or eyes are staring at me and waiting for my
answer.

“Now, where did you get that piece of crap?” I laughed. Pero halatang pilit.
Pinagtaasan lang ako ng kilay ng tatlo.

“Saan niyo naman nakuha yan?”

“It’s all over the bulletin board with your pictures.”

“Everyone knows it except you.”

“At gusto naming malaman ang buong katotohanan from you.”

“Bulletin board? Pictures?” Nagtataka pa rin ako.

“Ito look mo.” And Jane showed me an image from her phone. Isang poster na may
mga pictures namin ni Oca na naglalakad at nagsuswimming sa Bora, yung lunch date
namin with Mari. Saan nanggaling ang lahat ng pictures na to? And worst may caption
pa. “This slut is flirting the President”. Napatitig lang ako sa cellphone ni Jane. Parang
nanghina ako sa nakita ko. Kaya pala everyone is giving me the weird look. Lahat sila
alam na except me.

“Joanne…”

“I am not flirting with him.” Napayuko ako nung sinabi ko yun. “He is my boyfriend.”

“Oh.

MY. GOD.” They chorused.

“Girl, you are so lucky. I am so Jealous. How did you manage to have him?Ilang
baldeng gayuma ang pinainom mo?” Yanyan looked excited.

“Joanne ha, kaya pala ayaw mong sabihin sa amin kung sino ang Papa mo. Si sir
JC pala. Naku iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Pwedeng patikim sa kanya
saglit?”

“Hey! Tumahimik nga kayong dalawa! Malaking problema to.”

“Bakit naman malaking problema to?”

“Gaano na kayo katagal ni sir JC Joanne?”

“1 month or so…:

“Now tell them, bakit hindi mo sinabi sa amin na siya ang boyfriend mo?” Alam ni
Jane na alam ko, kaya siya lang ang kinabahan nung sinabi ko ang totoo.

“The reason why I didn’t tell you about our relationship is because I know that it
is prohibited to have a boss-subordinate relationship in this company. Pag kasi
kumalat malaking iskandalo.”

“Wee? Di nga? May ganun?”

“Palibhasa di ka kasi nagbabasa ng policy.”

“Bawal? So paano na yan ano ang gagawin?”

“One must go.”

“Aalis ang isa? So aalis na si Sir JC?”


“I doubt it. Pag napatunayan na may relationship sila…”

“Meron na nga di b a? Inamin na ni Joanne.”

“They still have to ask Sir JC.”

“Eh paano yun nasa Malaysia siya…”

“Yun nga magkakaroon ng hearing ang ethics committee. Tapos saka pa lang
magdedecide.”

“So si sir JC nga ang aalis?”

“I doubt that.”

“What do you mean Jane?”

“Sa tingin mo, sino ang mas mahalaga sa company? Ang Presidente or ang
empleyado?”

“So you mean, patatalsikin si Joanne?” Nagkatinginan silang tatlo. Napayuko ako. I
know this will happen. I know but I ignore it.

“Tara na nga late na tayo.”

“Basta Jo, anuman ang mangyari andito pa rin kami. Ikaw pa din ang
pinakamagandang babae sa office next to me kasi ikaw ang pinatulan ni sir JC.”

“Bakit ganun? Masama ba ang umibig? OooohhhhhI Life is being unfair again.”
Yanyan said pouting.
Pagdating naming sa office nakatingin pa rin ang mga officemate namin sa amin
particularly sa akin but then the 3 glared at them. I am so glad na kasama ko silang
tatlo. At least may tagapagtanggol ako. Pero hindi pa rin naalis ang bulong bulungan
everytime they think na hindi ako nakikinig.

Ang worst pa parang ninenerbiyos ako kasi anytime ipapatawag na ako. And
anticipation is killing me. Nasusuka ako sa nerbiyos. I wonder bakit ang tagal nila akong
ipatawag eh, alam naman na nang lahat and for sure ipapatawag nila ako. Pinapatagal
pa nila ang nerbiyos ko.

By 4 O’clock tumawag si Jane sa akin at pinapunta ako sa board room. This is it. Para
akong ibibitay. Napag usapan na namin to ni Oca. This is the reason why we can’t
reveal our relationship. I love my work too much. Kaya nagtagal ako sa kumpanyang ito
dahil gusto ko ang trabaho ko dito. But we never thought na malalaman kaagad. And
worst sa time pa na wala dito si Oca.

Pumasok ako sa board room and I saw the scrutinizing eyes of the HR people at me.
Pina upo nila ako sa harap nila. I also noticed some of the members of the Board and
what shocked me is Yvette. She gave me deadly looks. Now I know kung sino ang may
pakana ng lahat.

“Miss Zamora, I believe you are already aware of the reason why you are here.”

“Yes I am.”

“So what is in this poster is true.”

“No, it’s not true…”

“Now, she’s a lying bitch May ebidensiya na nga nagsisinungaling ka pa! Ang
kapal din naman ng mukha mo.”

“You are denying then that you are the one in these photos?”

“No I am not denying that I am the one in those photos. But what is written in that
poster is not true.” Nagtaasan sila lahat ng kilay.

“So sinasabi mo na ikaw ang hinahabol ni JC? Ganun? That he is pursuing you?
Is that it?”

“No, I am not saying that. And please, stop putting words into my mouth.”

“Miss Zamora, please be aware that you are talking to one of our valued
client.” Tangna, wala akong pakiaalam kung sino siya. Sinisira niya ang pagkatao ko. I
looked at Yvette and she smirked at me.

“Miss Zamora, we would like to hear your side regarding this issue. You have
been in this company for five years and you are already aware of the policy of the
company. WE believe that you cannot commit such an unethical behavior.”

“Naglandi na nga hindi pa makakagawa. Tsss. Para namang papatulan siya ni JC.
Well, kunsabagay pangarap naman talaga ng isang empleyada ang mapansin ng
kanyang boss. Dreaming of catching a big fish huh?”

“At least ako kahit empleyada lang, pinatulan pa rin ni JC. Eh ikaw, obvious na
ang paglalandi mo hindi ka pa rin pinapansin ni JC…”

“Miss Zamora…”

“At bakit ka ba andito? Nakikiepal ka? Why are you doing this to me? Are you
that desperate for JC to notice you so you’ve turned into this scheme, B!tch?”
“Miss Zamora!”

“Why are you stopping me? Kanina pa ako minumura ng babaeng yan pero hindi
niyo siya sinasaway. Dahil ba kliyente natin siya? Dahil ba nagbibigay siya ng
pera sa kompanya? Damn it. So ano ngayon kung nakipaglandian man ako sa
President ng kumpanyang ito? Naiinggit ka Yvette? Dahil ayaw kang patulan ni
JC? Well, I have news for you. You are not his type.”

“At ikaw ang type niya?Ganun? Magising ka nga sa ilusyon mo!”

“Oo. Yun ang gusto mong malaman di ba? He is my boyfriend. Ngayon Masaya ka
nang malaman yun? O baka gusto mo nang magpakamatay sa inggit?”

“Dream on Joanne?”

“Miss Sy, Miss Zamora, can you please come down.” Sabat ng board member na
nagpatahimik sa lahat. “So Miss Zamora, you are confessing to us that you and Mr.
Cariño have a romantic relationship?”

“Yes.” Tumingin ako kay Yvette habang sinasabi ko yun. Nakatingin din siya sa akin.
Nagkasukatan kami ng tingin.

“Excuse me Sir, Mr. Cariño is outside.” Nandito siya? Nandito na siya?

“Let him in.”

Pumasok bigla ang matandang lalaki na kamukha ni Oca at tumayo ang lahat. So he
must be the father of OCa. Nakasunod sa kanya si Oca. He looked haggard.
Nagkatinginan kami for a brief second at naupo na sila sa designated chair for them.
They were briefed sa mga nangyari at patango tango lang ang ama ni Oca. Minsan
patingin tingin sa aming dalawa ni Oca. Oca never looked my way again. I don’t know
why.

“Mr. President, we would like to hear your side of the story sir. Based on these
photos, Do you have a romantic relationship with Miss Zamora?”

Napatingin ako kay Oca and I held my breath.

Please say yes.

Chapter 28

That SOAB!

“Mr. President, we would like to hear your side of the story sir. Based on these
photos, Do you have a romantic relationship with Miss Zamora?”

Napatingin ako kay Oca and I held my breath.

Please say yes.

Tumahimik ang lahat. Tiningnan ko siya. Nagkatinginan kami.

“No.”Parang nabasag ang mundo ko.

No one spoke for a while. Then I heard murmurings. Napatingin ulit ako sa kanya but he
is not looking at me. Is this one of his sick jokes? I wanted so much for him to look at
me but he never did. Gusto ko siyang batuhin ng upuan para mauntog siya at bawiin
ang sinabi niya. Gusto kong ngumiti siya at tatayo at sabihing “joke” tapos tatawa na
parang sira. I’ve waited for him to do all that but he never budge from his seat.
“No. Miss Zamora and I don’t have a romantic relationship. What we have is an
employer-employee relationship. Nothing else.” The words echoed on my mind.
Nothing else? SonOfABitch!

“See? She’s making everything up. She’s the one who’s running after JC. She is
flirting with him deliberately.”

“Miss Zamora, you have heard what Mr. President just said. He denied having a
romantic relationship with you. Are you saying that…”

I stood up and smiled bitterly at them. Then my eyes focused on Oca. “Well, guess
what? Everything that Yvette said are all true. I’ve been running after Mr. JC
Cariño for God knows how long. I’m stalking him, I’ve flirted with him, I’ve been
eyeing him for eight damn years for him to notice me. In fact, I’m quite obsessed
with him.” Napatingin siya sa akin pati ang father niya. I laughed. A bitter laugh. Siguro
iniisip nila na naloloka na ako, and maybe I am crazy. “You wanted to know the truth?
Everything is just an illusion. My illusion. I’ve been imagining that we have a
romantic relationship, that everything that happened in Bora are all true. That we
declared undying love for each other but guess what? Everything is just a
fragment of my fvcking imagination. That’s it and nothing else.” Bago pa tumula
ang luha ko. Lumabas na ako ng kwartong yun. Nagmamadali akong pumunta sa table
ko and get my bag sa pagtataka ng mga kasamahan ko lalo na ni Yanyan.

“What happened?”

I can’t even speak because if I do, hahagulgol ako. Ang sakit ng dibdib ko. I motioned
her with my hands and went out of our Department. Mabuti na lang at hindi ako coding
ngayon kaya dala ko ang kotse ko. Pagkapasok ko sa kotse doon na ako humagulgol.
He denied me. Ang masakit pa si Oca mismo ang nagpahiya sa akin sa harap ng lahat.
He confirmed all the accusation of Yvette. Ang sakit pala kung ang taong
pinagkakatiwalaan mo ang magbebetray sayo.

Biglang nagring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino and saw Oca calling. I cancelled
his call pero tumawag siya ulit. Kinancel ko ulit pero ganun pa din. Kaya pinatay ko na
lang ang cellphone ko. Ano pa ba ang kailangan niya? Ang kapal naman ng mukha
niyang tumawag pagkatapos ng ginawa niya. I turned on the engine nung feeling ko
kaya ko nang magdrive and for the first time in her life, Joanne Phoebe Zamora, a self
declared independent went home crying.

Chapter 29

Napatingin at napanganga ang mga guards at mga maids upon seeing me parked my
car. Maybe they think that the prodigal daughter is back. Dumiretso ako sa living room
and saw Johann and Jeannie playing their PSPs on the couch. They are both 30 years
old but they never grow up.

Hindi nila ako napansin nung pumasok ako.

“Manang Nilds, Juice please.” Akala siguro ni Johann ako si Manang Nilda kaya
inutusan niya ako.

“Ohhhhh sh!t! Sh!t! Sh!t! Ooooohhhhhhhh! Damn!”

“Will you stop that Paolo?”

“What’s wrong with you? Galingan mo kasi para manalo ka. Kulang ka na sa
practice Johann. Ooooooohhhh Shiiiiit! Whew!”

“It’s irritating!”

“What!?”
“You sound as if you’re reaching orgasm.”

“It’s not my fault if you’re such a per…..Oooohhhhhhhhh..”Napanganga si Paolo


upon seing me sa doorway. “What the hell!” Isn't he glad to see me?

“Joanne Phoebe?”

“Baby koooooooooooooo! Bumalik ka naaaaaaaaaaa!”

“Bakit namumugto…”

“Not a word from you two.” I then went upstairs at dumiretso sa room ko. I even
overheard them talking.

“What’s wrong with her?”

“Same old, same old.”

“Oh sh!t!”

“What?”

Pagkapasok ko sa room ko bigla akong napalabas and I shouted!

“Where is my LCD TV!!!”

“I told you not to take it. She’ll go ballistic if she found out.”

“We borrow it for a while baby ko. The maid will return it in a minute.”Tumalikod
na lang ako. But I overheard Johann say,
“You’re lucky, she’s brokenhearted.”

“Thank God!”

After hearing that I went inside my room and slammed the door. After a while dumating
ang helper at kinabit ang tv ko.Binuksan ko ang TV and watch spongebob but after a
few minutes of watching, I burst out crying. Nagmumukhang Oca na si Spongebob and I
hate it. Pinatay ko ang tv at nag iiyak hanggang sa makatulog ako. Pero ang masama
hanggang sa pagtulog ko umiiyak pa din ako and I dreamt of Oca saying nothing but
“nothing else”. I wanted to kill myself para lang hindi na marinig ang mga pinagsasabi
niya. But for no reason at all I can’t kill myself because I don’t have the strength to do
so. I keep on shouting for him to stop but walang lumalabas na boses. Umiyak lang ako
ng umiyak. When I woke up, Basang basa ng luha ang unan ko. NI hindi ako
nakapagpalit ng damit. Hinang hina ang katawan ko na parang di ako natulog. I hate
this feeling. I really really hate this feeling. I feel like a zombie. I feel numb all over.

Tumayo ako and take a bath. It’s 8AM already at maingay na sa labas. Binuksan ko ang
kwarto ko and I saw Paolo playing the Piano and Johann is watching him with disgust.

Nung bumaba ako ngumiti si Paolo sa akin and sang the chorus of the song he is
playing.

I was afraid this time would come


I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you

Maybe I'll just dream of you tonight


And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end
Johann gave me a bored look. I ignored them and went to the dining room. Kahit ang
zombie nagugutom din.

After a while Paolo started playing a different song and he sang it. Napatigil ako sa
pagpunta sa dining room when I heard it.

My morning starts to shine with teardrops in my eyes


And here I am alone starting to realize
That my days would be brighter
If I could learn to hide
The feelings that I have for you
Keep hurting me inside

Then my day begins with simple thoughts of you


Hoping that tomorrow will be me and you
Sharing dreams with each other
And making them come true
Holding one another
Saying "all I need is you"

But will you say that you love me


And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
But if you go and leave me
This I swear is true
My love will always be with you

Now my nights would end with just one wish, that’s you
To hold me in the dark and help me make it through
’cause the pain that’s inside me
Would simply melt away
If I had you here with me
And promise me you’d stay

But will you say that you love me


And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
But if you go and leave me
This I swear is true
My love will always be with you

But will you say that you love me


And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
But if you go and leave me
This I swear is true
My love will always
My love will always be with you

“Will you stop that?” I overheard Johann saying.

“What’s wrong with me playing piano? Naiinsecure ka na naman sa akin.”

“Bakit ako maiinsecure sayo? Di mo ba nakikita? Brokenhearted si Joanne tapos


mga ganyang tugtog pa ang pinapatugtog mo. Gusto mo bang maglaslas
yan?” Yeah, talk as if I'm not here and as if I can't hear you. Tsss.

“Nakikiramay lang naman ako sa puso niyang luhaan. Palibhasa ikaw walang
pusong kapatid. Can’t you feel her pain? Can’t you see the bleeding of her heart?
We should share her sorrow and her pain.” I feel sick upon hearing Paolo’s words.
Are they really my brothers? Di kaya ampon lang sila and Mom and Dad doesn’t know
that they both came from a family of lunatic?

“Kahit kailan talaga napakakunsintidor mo. Instead na pangaralan mo siya dahil


hindi na yan natututo, kinukunsinti mo pa. Kaya hindi natututo eh. Binebaby mo
palagi. Paano tatanda yan?”

“Tssss….Calm down bro. What do you want me to do? Lock her up para hindi
maligawan at hindi magkaboyfriend? Sayang naman ang magandang lahi natin
kung ganun. She’s old enough. Kaya na ngang mag isa di ba? Kung iibig ka
masasaktan ka talaga. When you say I love you to a person, it’s like giving him
the license to hurt you. He said dreamily na parang umiinom ng coke. At pwede ba
wag mo akong pangaralan sa pagiging kunsintidor, tandaan mong mas matanda
pa rin ako sayo.”

“Bakit ako ang sinisisi mo sa font color ko. Sisihin mo ang tangnang author yan.
Ang daming kasing kaartehan sa katawan.”

Then I heard a bang. Napatakbo ako sa living room and I saw Johann sprawling on the
floor swimming on his own blood with a hole on his head. It seems that the author kills
Johann. Joke lang.

“Ma’am Joanne, may bisita po kayo.” Napatingin kaming lahat sa maid na nagsalita.

Then my nightmare emerge from the doorway. I feel like vomiting.

Chapter 30

“Babe…” .he said with the most paawa face I have ever seen.
“Babe your face!”

“Babe let me explain.”

“Umalis ka na!”

“Just hear me out okay?”

“I don’t want to hear anything from you. Di ba sayo na rin nanggaling? It’s
nothing. Then why the hell are you here? Bakit ka pa mageexplain? Just get lost.”

“Would you please listen?”

“No way!”

“Teka nga, teka nga! Bakit ba kayo nag away kaagad? Kasisimula pa lang ng
chapter away kaagad. Sana nag intro muna kayo.”

“Bakit ka ba nakikialam? Eh sa walang maisip na intro ang author!”

“Bakit pati ako inaaway mo? Hindi naman ako ang nag two-time sayo ah! I’m your
brother. Remember, siya ang pinagpalit ka sa ibang babae.” Nagulo ang utak ko sa
sinabi ni Paolo. Anong pinagsasabi niya?

“Excuse me, Hindi ko siya pinagpalit sa iba.” Oca corrected him

“Hindi ba?” Yan masyado kasing assuming. Napahiya tuloy.

“No.”
“Okay. My bad. I’m Jeannie Paolo Zamora, Joanne’s most handsome brother and
that one is Johann Phoebus Zamora, my runner up.” Ang kapal.

“Nice to met you. I'm Juan Carlos Cariño. The most drop dead gorgeous guy on
earth.” Huh! ANg hangin talaga.

“Ayos!” Tapos nagshake hands na silang tatlo.

“Nakapagbreakfast ka na ba?” Bagong kulay ni Johann.

“Not yet.”

“Join us then.” And the three of them went to the dining room. Naiwan akong tulala sa
living room. What the heck.

Dali dali ko silang sinundan.

“What the hell are you doing? Why are you inviting that guy to have breakfast
with us? To eat in our dining room? And to even allow him to enter this abode?”

“Sister dear, he is your visitor. And visitors should be treated with utmost
hospitality.”

“Hospitality? Hospitality? Do you know what that guy did to me?”

“Babe, mageexplain naman ako. Pagkatapos kumain okay? That’s why I’m here.
To explain things to you.” Ang kapal talaga.

“Yah, You are here to explain things, and not to eat our food.”

“Joanne, we are not poor, may spare pang food for a guest.”
“Ya-ah!”

“How dare you! You are my brothers, alam niyo ba kung ano ang ginawa sa akin
ng lalaking iyan?”

“Hindi pa.” They chorused.

“Siya ang dahilan kung bakit malaki ang eyebags ko. Why I have a monstrous and
sleepless night last night….”

“Okay, stop! Mamaya ka na magdrama. Kumain muna tayo. Masamang


paghintayin ang pagkain.” And Paolo pushed me sa dining chair at umupo na silang
tatlo sa table. Habang nagngingitngit ako dahil parang pinagkaisahan ako ng tadhana,
they talked animatedly to each other as if they are best buddies.

“Sir Phoebus, here’s your favorite viand. An appetizing viand originated from the
outskirts of the Philippine shores, sun dried up to its crispiest texture, served
with a heaping bowl of fresh Tomato salad, sprinkled with the newly harvested
sea salt from the Philippine archipelago’s shores.”

“Thanks Inday. Can you please give our guest a cup of coffee.”

“Brewed, macchiato or frappucino Sir?” Frappucino? The heck!

“Black coffee would be fine. Thank you.”

“Black coffee for sir JC coming.” Tangna! Kelan pa naging English speaking ang
mga katulong namin?

Then it happened. Dumaan sa likod ko si Inday and my stomach turned summersault.


Ang baho baho ng tuyo (Ang favorite ulam ni Johann). Bago pa ako magkalat sa dining
room. Tumakbo na ako at dumiretso sa CR at doon nagsusuka sa toilet bowl. I vomit
hanggang sa wala na akong mailabas. Nanghihina na napaupo ako sa sahig ng banyo.
Pati ang tyan ko nakikisama sa pakiramdam ko and even my stomach is upset of Oca’s
arrival. Nung okay na ako bumalik na ako sa dining room. Weird dahil hindi na mabaho
sa pang amoy ko ang tuyo. In fact, yun ang kinain ko. At ang weird pa, ang dami kong
nakain. To the point na tapos na silang tatlo, ako hindi pa. Pinagmasdan lang nila ako
habang kumakain.

“Joanne, kumakain ka ba sa condo mo?”

“Of course.” I said with my mouth still full.

“Then why are you pigging out?” Tinaasan ko lang ng kilay si Johann. And when I’m
done. Tumayo na ako at tumayo na din silang tatlo. I am about to go upstairs when
Johann called me.

“We still have an unfinished issue here.”

“Oh That. I forgot. No big deal. Wala na yun. It’s nothing. Just lead our guest out.
Thank you.” Tapos tumalikod na ako.

“Joanne Phoebe Zamora!” Johann’s voice roared sa buong bahay. Bakit ba kasi
nauso na pag galit ang isang tao sasabihin ng buo ang pangalan mo? Tsss…

“Joanne Phoebe Zamora, hindi ka pinalaking bastos. Pumunta siya dito ng


maayos, harapin mo ng maayos! Get down here, now!” Nagdabog ako at bumaba
na ulit. Okay, I must admit pag ganyan na ang boses ni Johann nakakatakot na. Sa
kanilang dalawa mas nakakatakot si Johann. Si Paolo kasi parang hindi ko pa nakitang
magalit. Si Johann kasi seryoso, si Paolo easy going.
“What!?”

“Pag usapan niyo yang problema niyo.”

“We have nothing to talk about.”

“Then, bakit siya pumunta dito?”

“Malamang para makikain.”

“My guess as well.” Sabat ni Paolo.

“Umayos ka Joanne.” He said threatening me. As if it would work. Well, it did. I think.

“Bakit ba pinipilit mo akong kausapin yan? There is nothing between us. What we
have is an employer-employee relationship. Nothing else.”I saw Oca grimaced.

“Jo, listen…”

“Alam mo Oca. Whatever is your reason, it won’t justify the fact that you denied
me in front of everyone.”

“You denied her!” Paolo shouted at Oca.

“He denied you!” Johann shouted at me.

“Pwede makinig ka muna!?” Oca shouted at me. All at the same time.

“Wag mong sigawan ang kapatid namin. Baka nakalimutan mo? Nasa
pamamahay ka namin, Ininom mo ang kape namin, kinain mo ang favorite kong
toyo kaya wala kang karapatang sigawan ang kapatid ko.” Yan ang kapatid! I have
to admit that at this very moment I am so proud of Paolo for standing up for me.
Natatouch ako kasi
pinagtatanggol niya ako. Kuyang kuya ang dating.

“Mabuti sana kong niloko mo lang siya, kung nambabae ka. Katanggap tanggap
pa yun. Pero ang ideny siya? How dare you! No one denied us. Lahat ng tao
nagkakandarapa maging parte lang kami ng pamilya nila, pero ikaw! Ikaw! You
dare denied our sister? Hindi mo ba alam na sa pagdeny mo sa kanya
pinagkakaitan mo ang mundo ng mga nagagandahan at nagpopogian na mga
supling? Hindi mo ba alam…”

“Bro, ang corny na.”

“Corny na ba?”

“Oo. Iwan muna natin sila.” At umalis na sila papuntang entertainment room.

“Bro, admit it, award winning ang arte ko.”

“OO na lang. Tara, DOTA tayo.”

Pagkatapos umalis nila Paolo at Johann nagkatinginan kami ni Oca.

“Babe…”

“You may leave now. Wala na ang mga tagapagtanggol mo.” Sabay talikod.

“Saglit lang.” Sabay hawak sa braso ko. “Let me explain. Listen to me.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “May mga hindi ka pa ba nasabi? I think you made it
clear kung ano talaga tayo?” I stopped myself from croaking. Ayokong maging emo.

“I lied okay!?”

“For whom? You lied at my expense?” I tried my best to be calm.

“For the company. Look, I can’t explain it to you, I can’t give you the details but
you have to trust me. After this, everything will be okay.” He said pleading.

“You are asking me to trust something that I don’t know?”

“I am not asking you to trust something. I am asking you to trust me.”

“Do you know what are you asking from me Oca? You are asking me to jump
blindfolded into something only God knows what.”

“Jo, just this once. Pagkatapos nito. Everything will be alright. Hindi kita
bibitiwan.”

“Well, you just did! Binitiwan mo na ako. And you came here to tell me to trust
you na hindi sinasabi sa akin ang rason kung bakit mo ginawa yun? What do you
expect from me? You humiliated me in front of everyone and wala na akong
mukhang ihaharap sa buong opisina. And now, you want me to trust you?” And
before I could stop myself, tumulo na ang mga luha ko. I sobbed. He tried to hug me
pero umiwas ako. “Pero ako ba Oca, did you trust me? Did you trust me to
understand what is it that’s bothering you? Did you trust me enough to tell me
the situation before you announced to everyone what a scheming and flirty b!tch I
am? Bago mo ianunsiyo kung gaano ako ka-ilusyunada? Did you trust me to
understand the situation? Or you didn’t bother to tell me because I am only your
employee and nothing else?”
“Babe…”

“Shut up! Don’t call me babe. Kung ayaw mong sabihin sa akin, fine! Isaksak mo
sa baga mo! Bakit ka pa pumunta dito kung ayaw mo rin palang magpaliwanag?
Ang kapal din naman ng mukha mong pumunta pa dito para hingin ang tiwala
ko.”

“Will you please listen to me!”

“Ano pa ba!?”

“I will tell you pero hindi ngayon. Pag naayos na ang lahat, sasabihin ko sayo.
That’s why I’m asking you to trust me. Just give me time.”

“Paulit ulit lang tayo Oca. You can have all the time that you want. I don’t care. I’m
out of your company and out of your life.”

“Babe, don’t do this to me. You can’t do this to me.”

“Of course I can.”

“Mababaliw ako.”

“I don’t care.”

“Mamamatay ako.”

“Much better.” At umakyat na ako sa kwarto.

Chapter 31
“Sinabi mo na ba kay JC na buntis ka?”

“Why would I tell him?”

“Syempre kasi tatay yun ng anak mo. May karapatan siyang malaman. “

“Walang tatay ang anak ko. He denied me, ibig sabihin, he denied the baby.”

“Hay naku. Maawa ka naman dun sa tao. Dalawang linggo nang pabalik balik sa
bahay mo pero di mo pinapansin. Joanne, nagsosorry naman siya di ba? And for
goodness sake, pumapayat na yung tao. Ni hindi inaasikaso ang trabaho niya
kakasuyo sayo.”

I put the shopping bags sa likod ng sasakyan. Andito kami ngayon sa mall at namili ng
mga babystuff. Last week nalaman ko na buntis ako. I feel elated at the same time
nalungkot ako. Pero inisip ko na lang na okay na rin at least magkakababy na talaga
ako. Kaysa naman mag emo ako. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw kogn maging
emo kasi hindi marunong magsulat ang author ng emo scenes. Ayaw ko siyang
pahirapan.However, subali't, datapwa't hindi pa alam ng kambal. Bumalik na kasi ako
sa condo ko kasi baka mahawa ako sa kabaliwan ng dalawang yun. At worst baka pati
ang baby ko mahawa. That's a big no-no.

“Ano ba ang pinakain sayo nung lalaking yun at ganyan ang pagtatanggol mo sa
kanya?”

“Naawa lang kasi ako dun sa tao.”

“Hmp! Baka nakakalimutan mo galit pa rin ako sayo dahil sinabi mo sa kanya
kung saan ang bahay namin?” Namula si Mari at tumahimik.
Nagdrive na ako papunta sa clinic ng OB nung may mapansin akong sasakyan na
sunod ng sunod sa amin. “Kanina pa sumusunod ang car na yan ah? Kung saan
ako liliko liliko din siya.”

“Where?”

“Yung car sa likod. Yung black Porsche.” I looked at my overhead mirror to check
the car.

“Baka same lang ang way.”

“Parang hindi eh. Parang I’ve seen that car before. Last week ata, tapos the other
day.”

“Baka kaparehas lang. Same ba ang plate number?”

“I don’t know. Hindi ko napansin ang plate number before. Ngayon it’s JCC 222.
Pero nevermind, baka nga madami lang ang may Black Porsche ngayon.”

“Jo, would you mind if hindi kita ngayon masasamahan sa OB mo? Something
came up.”

“It’s okay. Saan ka ba pupunta at ihahatid na kita.” Pupunta kasi ako ngayon sa OB
na nirefer ni Mari. First time kong magpapacheck up para mabigyan na din ako ng
vitamins.

“No need. Out of the way masyado. Just drop me off at Greenhills. Alam mo
naman na yung clinic di ba?”

“Oo alam ko na. sige I’ll drop you off greenhills na lang.” Pagdating namin sa
Greenhills, bumaba na si Mari kaya dumiretso na ako sa clinic ng OB ko. Napansin ko
din na hindi na sumusunod ang Porsche sa akin. Baka nga same lang ang way namin.
Pumunta na ako sa clinic ng OB ko pero unluckily, sabi ng secretary umalis daw saglit
ang doctora kasi may pinuntahang patient sa kabilang hospital. Kaya naghintay muna
ako. Maya maya umalis din ang secretary kasi may pinapadala ang doctor sa kanya. At
dahil walang patient mag isa akong nakaupo sa waiting area ng clinic ng OB ko. Mabuti
naman at hindi pinatay ng secretary ang aircon. To entertain myself, nagbasa lang ako
magazine about pregnancy. Habang engrossed na engrossed ako sa pagbabasa I
heard the door of the clinic open at may pumasok. Hindi ko na tiningnan kasi baka
ibang pasyente lang yun or ang secretary. Pero to my amazement tumabi sa akin yung
kararating lang. Sa dinami dami ng upuan dito sa waiting area, talagang nakikisiksik pa
sa akin. Hindi pa naman kanais nais ang amoy niya. I am about to look at the new
patient para sabihin na mabaho siya nung nagsalita siya.

“Until when are you planning to keep your pregnancy from me?”Nagulat ako at
muntik na akong mapatalon.

“What are you doing here?” Paano niya nalaman na andito ako? Then I remembered
Mari.

“Probably, trying to put some sense into you. Hindi pwedeng ganito na lang tayo
Joanne. Magkakaanak na tayo. I don’t want our child to be born out of wedlock.”
He said through gritted teeth. I can sense that he is mad. I’ve never seen him this
serious.

“It is not a matter of what you want Oca.” Bakit kasi walang tao dito? Ang tagal
naman ni doctora or ng secretary niya.

“So mas gugustuhin mo pang walang kikilalaning ama ang anak natin dahil sa
pride mo?”

“Pride ko? As far as I can remember, my pride is not an issue here. And for your
information, there is no us. Kaya wag mong sabihing anak “natin, dahil anak ko
lang to.”

He took a deep breath na parang kinakalama ang sarili. “So you’re claiming now,
na mag isa mong ginawa yan? I wonder kung paano yan nabuo.”

“Stop the sarcasm, will you?”

“I am not being sarcastic Joanne. How many times have I asked your
forgiveness? Kulang na lang na lumuhod ako sa harapan mo para patawarin mo
ako. All I’m asking you is a little bit of time. Kahit hindi na yung tiwala. Yung
panahon lang na maiayos ko ang lahat. Mahirap bang ibigay yun? And because
of that you are stripping me of my right to our child.”

“Ayaw mo nun? I am not forcing you na panagutan ako. And besides, yun naman
talaga ang role mo di ba? I hired you to be my babymaker.”Alam kong below the
belt na yung sinabi ko. I know that that contract was dissolved nung nasa Bora pa
lang kami or even before that.

“Who is being sarcastic now? And stop talking bullsh!t. Punong puno na ako
sayo Joanne. Pinalampas ko ang paggawa mo sa aking tanga sa harap ng mga
kuya at ng katulong niyo pero hindi ko mapapalampas na itago mo sa akin ang
anak ko. And whether you like it or not pakakasal ka sa akin.”

“How dare you…”

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi biglang pumasok ang doctor kasama ang
secretary. “Joanne, I am so sorry to have keep you waiting yung patient ko kasi
who have just given birth may problema.”

“It’s okay doc.” I smiled at her.


“Sige come inside.” Tumayo na ako at pumasok and to my horror sumunod si
Oca. “You are already 6 weeks pregnant and blah blah blah.” Tapos kung ano pa
ang pinagsasabi. Tapos nagbigay siya ng list of vitamins na kinuha ni Oca.
“Daddy, alagaan mo si Mommy kasi at this stage she is very sensitive. She may
have morning sickness and I gave her something to ease yung pagkahilo
niya.” Daddy? You heard it right? She called Oca daddy? Amp! Ohhh God!

“Ahhh doc…”

“Yes doc. May bawal po ba sa kanya?”

Ngumiti ang doctora. “Wala naman. Just minimize her sugar intake. And,
Intercourse is still possible basta dahan dahan lang. Kahit mahigpit ang kapit ng
bata mas maganda pa din ang mag ingat tayo Daddy.” Ang manyak ng doctor.
Nananayo ang balahibo ko habang nag uusap sila. Silang dalawa lang ang nag
uusap at nakatingin lang ako. At si Oca naman feel na feel.

“Thank you so much Doc.” And they shake hands.

“You’re welcome. Remember your next check up Mommy. And daddy, be patient
with Mommy alam mo naman pag buntis they are sensitive to everything.”

“I am always patient with her Doc. And thanks a lot.” Tapos hinawakan na niya
ang bewang ko at lumabas ng clinic. The hell! Pagkalabas naming ng clinic inalis
ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.

“What are you implying?”

“I am not implying anything. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang ama


ng anak ko na pinagkakait mo. And you can’t do anything to stop me, because I
have decided that whether you like it or not, pakakasal ka sa akin. Ngayon.”

“What?” Ano to shotgun wedding? Hindi na siya sumagot sa tanong ko. Instead,
hinatak na lang niya ako papuntang parking lot. Walang awa! Bakit niya ako
hinahatak? Di ba niya alam na buntis ako?

“Bitawan mo nga ako.” Nagpumiglas ako para mabitawan niya pero lalong
humigpit ang hawak niya sa akin. OMG! This is abduction. I am being abducted
by a guy with an abs.

At dahil siguro nahirapan na siya dahil sa pagpupumiglas ko, binuhat na lang


niya ako na parang sako ng bigas. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero Oca just
smiled at them.

“Pasensiya na sa ingay. Nagtatantrums lang itong asawa ko.” Tumawa yung iba
yung iba nagsabi na ang sweet sweet daw. Taena. Sweet ba to? Sweet ba pag
binubuhat ka na parang sako ng bigas in public?

“Ano ba Oca! Let me go. Nakakahiya.” Pero parang wala lang siyang narinig.
After a while naramdaman ko na lang na binaba na niya ako. Binaba niya ako sa
harap ng isang black Porsche with a plate number JCC 222. Nanlaki ang mata
ko.

“Ikaw? Ikaw ang sumusunod sa akin palagi?”

“Get in.” He ignored my question. Binuksan niya ang passenger door at pinaupo
ako. Tapos umikot siya sa drivers seat. Nung iniunlock niya ang pinto binuksan
ko ito at lumabas ng kotse niya. Tapos tumakbo ako palayo sa car niya.

“Joanne!” I heard him call out my name pero hindi ko siya pinansin basta
tumakbo lang ako sa may parking. Nung tiningnan ko siya nakita ko siyang
hinahabol ako. Para kaming mga timang na naghahabulan sa parking.

And then it happened. Hindi ko nakita ang isang kotseng paakyat ng parking.
Tapos I felt na may yumakap sa akin kaya natumba kami. Then I heard tires
squealing dahil sa biglang pagpreno ng kotse na muntik nang makabangga sa
akin. Tapos ang mga sigaw ng mga nakakita sa nangyari.

I looked at the person who saved me. I am on top of him. Kaya umalis ako sa
pagkakadagan sa kanya. Pero nakaalis na ako’t lahat hindi pa rin siya
gumagalaw. Kinabahan ako.

“Oca?” Oh my God. This can’t be. Pag may mangyaring masama kay Oca,
kasalanan ko ang lahat. Then I saw it. I saw blood on his collar kaya hinawakan
ko ang ulo niya at namutla ako sa nakita ko. Punong puno ng dugo ang ulo niya,
he is unconscious. He hit his head sa island ng parking.

And everything went black.

Chapter 32

Oca’s POV

Masakit na ulo. Yan ang unang nagregister sa akin the moment na nagising ako. Then I
heard voices talking.

“Mari, okay lang ba siya? Bakit hindi pa rin siya nagigising?” Biglang bumilis ang
tibok ng traidor kung puso nung marinig ko ang boses niya. Takte naman kasi, bakit ba
kasi ako nainlove sa isang babaeng saksakan ng tigas ng ulo, nuknukan ang pride,
makakalimutin, matapang, independent, sobrang pakipot at kayang kayang mabuhay
ng wala ako? Sino ba kasi ang nagpauso ng women’s right na yan? Sino ba kasi ang
nagtanim sa utak ng mga babae na kaya nilang mabuhay na wala kaming mga lalaki?
Dapat hindi nila alam yun eh. Tsss. Kita mo ngayon, nahihirapan ako. Nasa ospital ako
kakahabol sa isang babae sa parking lot. Napakapathetic ko. Sino ba naman kasing
matinong lalaki ang makikipaghabulan sa maarteng babae sa parking lot? Kaasar.

“Hintayin na lang natin ang doctor. Ikaw kasi eh, bakit ka kasi tumakbo? Para ka
namang timang. Paano kung nakunan ka?” Naku pag nakunan siya, ibibitin ko siya
ng patiwarik. I swear.

“I don’t know why I did that. Siguro natakot ako nung sinabi niyang
magpapakasal kami.” Nakakatakot na ba ngayon magpakasal sa isang drop dead
gorgeous na lalaking katulad ko? Bakit ba baliktad mag-isip si Joanne? Sino ang gusto
niyang pakasalan? Si Kingkong?

“Ayaw mo nun?” Oo nga! Kita mo to si Mari, may sense talaga. Sana mahawaan niya
si Joanne.

“Hindi naman sa ayaw pero how could I marry him when there are still a lot of
issues between us. Hindi kami basta basta magpakasal Mari. Hindi basta basta
ang magpakasal.” Ngayon, nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko sinabay ang
engagement at marriage nung sinagot niya ako.

“Baka naman kasi may malaking rason kung bakit di pa niya sinabi ang dahilan
ng denial speech niya. Nahihirapan na ang tao sayo. Pati ako nahihirapan na. My
gosh!” Kawawang Mari, naiipit sa akin at sa bestfriend niya. Naku pagkinasal kami
talaga ni Joanne, mapipilitan akong sagutin ang honeymoon package ni Mari. Sa laki ng
utang na loob ko sa kanya.

“Kung hindi naman pala niya masabisabi, then wala siyang right na utusan akong
magpakasal sa kanya.” Utos? Utos ba ang tawag doon? I just proposed to her and
she called it utos? Tsk tsk.
“So pag gumaling yan, wala ka pa ring planong makipagbati?” Nice question Mari.

“Wala, unless magtatapat siya. Hindi ako mahilig sa kiss and make-up.” Pansin ko
nga! Aaaaaaggggghhhh! Hindi siya talaga naggigive-up.

“After all that he’d been through, hindi mo pa din mapapatawad?” Sige Mari ipilit
mo, baka bumigay.

“Hindi nga. And besides Mari, eversince I’ve known him, hindi na siya nagbago.
Nung college tayo he is a bigtime playboy and he manipulated his way para
mapalapit sa akin. No, he schemes his way para mapansin ko. It just so happened
na na inlove ako sa kanya kaya I found his actions sweet pero he can still be
close to me and eventually won my heart without his scheming dirty tactics.
Ngayon hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko sa mga sinasabi niya. Or
pagkakatiwalaan ko ba siya talaga. Will he be honest to me pag kinasal na kami?
Can he be honest to his child?” Ouch!

“So ano pang ginagawa mo dito!? Pag nagising yan, baka akalain niya na
pinatawad mo na siya.” Mari galit ka? Wag kang ganyan Mari! Wag mo siyang
paalisin Mari. Waaaaaggg! Girlfriend ko yan! Adik! Naaadik na ata ako.

“Hindi pa naman siya gising ah. Di aalis pag nagising.” Hmp! Naku! Kung di lang
kita mahal.

Nag eenjoy pa sana ako sa usapan ng dalawang magbestfriend when I heard the door
open. Must be the doctor kasi nag greet yung dalawa tapos may nagcheck sa akin

“Doc, How is he? Hindi pa rin ba siya gising?” So ngayon worried ka?

“He’s okay. He’ll wake up in a while. Hindi naman fatal ang pagkakatama ng ulo
niya. But once he recovers, we will check his condition. There might be
complications though.” Doc sabihin mo kaya malala na ako para mag alala ng todo
yan?

“Complications doc? Like what doc?” She sound worried. Well, she should be. Siya
lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako nahospital. Pero mapapabayaan ko bang
may mangyaring masama sa mag-ina ko? Iniisip ko pa lang na magkakaanak kami
kinikilig na ako. Tama bang kiligin ang lalaki? Pero hanggang ngayon di ko pa rin alam
kung paano niya ako mapapatawad sa ginawa ko. Hindi na makuha sa charm eh. Yan
ngayon ang malaking problema ko. How would I face her without her thinking what an
@sshole I am.

“The worst that we could expect is amnesia. It’s a possibility but a very remote
one.” Nung sinabi yun ng doctor biglang may bumbilyang nag-ilaw sa aking kaisipan.
Brilliant Doc. Just brilliant! I love you Doc. “Napakaremote ng chance na magkaroon
siya ng amnesia Misis.” Mrs. Cariño. Love it! “ In fact, in his CT-Scan we found no
damage on his brains whatsoever. There’s no need to worry.” Dapat hindi na lang
niya sinabi ang part na yan eh. Bakit niya nirorule out ang possibility of memory loss?
Bobo ka ba doc? Ha? Ha? Ha? Hehehe. ANg bitter ko talaga.

“And since memory loss is…” Bago pa matuloy ng doctor na yan ang sasabihin niya,
I made a sound enough para madivert ang attention nila sa akin. Tapos unti unti kong
minulat ang mata ko. Hindi agad agad para di obvious.

“Mr. Cariño, you’re awake.” Opo Doc, kanina pa.

“Where Am I?” Naksss.

“You’re in the hospital. You bump you’re head in the parking lot.” Alam ko Doc.
Wag mo na ulitin. Wala akong amnesia. Tumingin ako sa loob ng hospital room kasi
yun naman usually ang ginagawa ng mga bagong gising na nasa hospital. Sabi nga nila
taking in your sorroundings. Magkatabi ang doctor at si Marideth na nakaharap sa akin.
Sa tabi naman ng headboard si Joanne na nakatingin din sa akin.

“Saang parking lot? And why did I bump my head?” Nagkatinginan silang tatlo.

“Hindi mo maalala?”

“Nope. And Mari what are you doing here? Di ba nasa Europe ka?”

Nagulat si Mari. “Carlos, Ano ka ba! I went to Europe 5 years ago and hindi na ako
bumalik doon eversince.”

“Ganun ba? Di ba kahapon ang flight mo papunta doon?” Good thinking Oca. You
are so smart. Idol na kita. For sure yan ang sasabihin ng readers.

“Doc, akala ko ba remote ang possibility ng memory loss?” Sorry naman Babe.

“Sino ka?” Eeeennnkkk! Sinabi ko yun bago pa makapag explain ang doctor.
Tiningnan nila ako. I saw surprice on Mari and the doctors face and hurt on Joanne. I’m
so sorry Babe.

“You can’t remember her?” Tanong ni Mari na tumaas ang kilay.

“No…” Sabi nila mapupunta ka sa hell kung magsisinungaling ka, pero dahil sa dami
ng kasinungalingang nasabi ko baka di na ako tanggapin sa hell at lumagpas ako. So
heaven pa din ang bagsak ko.

“Hindi mo naalala si Joanne!?” This time sumigaw na si Mari.

“Hindi nga. Sino ba siya? Siya ba ang nakabangga sa akin sa parking? Dapat
pinakulong na yan eh. What is she doing here?” Tapos nakita kong namula si
Joanne and her eyes started to moisten. Sh!t. Aaaahhhhhh! Damn!

“I thought it would be best to give the patient some rest. Excuse me, pero
pupunta lang ako sa Nurse station.”And then lumabas na ang doctor.

“Mari, lalabas muna ako.” And she went out too without giving me a second look. Si
Mari naman tumitingin sa door at sa akin pabalik balik. Hindi niya ata alam kung
magcstay sa room or susundan si Joanne. Finally she decided to stay at tinitingnan
lang ako. I smiled weakly at her. She raised her eyebrows.

“You can’t remember Joanne? Ano ang date yesterday?”

“Sino ba siya? Yesterday? December 9, 2005. You’re supposed to be in Europe


now visiting Tita Mariz and Uncle Dan.” Sana naman maniwala si Mari.

“You can’t remember the rest after my trip to Europe?”

“No I can’t!”

“Ulol!” Babatukan niya sana ako kaso natigilan siya. Naalala ata na may bandage pa
ang ulo ko.

“Sino ang niloloko mo? What are you playing at?Bakit mo ginawa yun kay
Joanne? Ang g@go mo talaga Carlos pagdating sa kanya kahit kailan.”

“Teka nga bakit mo ako minumura? Naaksidente na nga ako at may amnesia
ginaganyan mo pa ako.”

“Ikaw Carlos, wag mo akong pinagloloko hah! Amnesia! In your face! 5 years ago
hindi mo naman alam na pupunta ako ng Europe. Hindi mo nga kilala si Mommy
at Daddy! Nalaman mo lang na pumunta ako ng Europe nung bumalik kami dito
after 1 year at binisita namin ang Daddy mo sa bahay niyo na pinsan ng Mommy
ko kaya nalaman natin na magkamag-anak pala tayo. Ngayon mag explain ka
kung anong kalokohan ang pinaggagawa mo at nagdadrama ka ng ganyan! Hindi
ka pa nga napatawad sa isang kasalanan mo, humahabi ka na naman ng isang
kasalanan! Buti na lang at hindi ko naikwento kay Joanne ang bagay na iyon
dahil kung hindi goodbye Joanne and baby ka na ngayon. Naku!”

“Mari wag mong sabihin kay Joanne.” Ta3 nakalimutan ko na may lahing Cariño pala
yang si Mari kaya smart din at di basta basta maloloko.

“Dapat may maganda kang rason. Naku talaga kung di lang ako atat na maging
kamag anak yang si Joanne, di talaga kita tutulungan. Pasalamat ka talaga!”

“Sige na. Salamat na. Ginawa ko lang naman yun kasi narinig ko ang pinag
usapan niyo kanina. And it seems na hindi talaga niya ako mapapatawad.”

“Talagang hindi! So ano ngayon ang plano mo?” Pasinghal pa din niyang sabi.

“So I’ve decided to re-introduce myself to her. I wanted her to know me


differently. Not the playboy, the liar and the @sshole she used to know. Gusto
kong makilala niya kung sino talaga ako. Ang JC na kilala mo, ang JC na kilala ng
pamilya natin. Not the Oca that I projected to her. Tulungan mo ako.” I said almost
pleading at her. Kung hindi niya ako tutulungan, tapos ang maliligayang araw ko.

“And paano kung malaman niya na nagkukunyari ka lang?” Tumaas ang kilay niya.
Wag ka kasing nega Mari.

“I’ll cross the bridge when I get there. And by that time nakilala na niya ako. Its up
to her kung tatanggapin niya ako o hindi.” I sighed.

“Hay naku! Nakakabanas ka! Last na to ha! Last na to! Siya, siya. Kakausapin ko
muna siya. And you better explain yourself to your doctor. Ayusin mo ang buhay
pag-ibig mo Juan Carlos!” And she went out the door at binagsak ito. Adik yun ah! Di
ba niya alam na nasa hospital kami?

Chapter 33

“Waaaaaaaaahhhhhh! Huhuhu!” I hiccupped and took a tissue at pinunasan ang luha


ko.

“Are you okay?” Mari eyed me at ang gabundok na tissue sa harapan ko.

“Do I look okay? He can’t remember me. He remembers you, but he can’t
remember me. Naalala niya ang lahat, ako lang ang hindi.
Waaaaaaaahhhhhhh!” Umatungal na naman ako and then I blow my nose.

“Oh my God! You’re so gross. Bakit ba kasi hindi ka na bumalik sa hospital ulit?
Nakalabas na lahat si Carlos pero hindi ka na bumalik. You should help him
remember you.”

“What for? Para masabihan ng, Who are you? Do you know how much that
hurts? Huhuhuhu.” Oo sinasabi ko sa inyo, masakit talaga. Gusto ko ngang untugin si
Oca para lang mabalik ang katinuan niya pero nakakahiya sa Doctor.

“Joanne, maalala ka din niya. Just give him time.”

“Paano kung hindi? What if I will be erase from his memory forever? Kakayanin
ko ba Mari? Siguro pag nangyari yun magpapakamatay na lang ako. Huhuhuhu.”

“Seriously? Magpapakamatay ka because of Carlos?”

“Hindi. Stir lang. Sayang ang kagandahan ko.” Totoo yun. Hindi ko naman
pinangarap na magpakamatay ng dahil sa lalaki noh. Ano ako sira?

Nagkatinginan kami ni Mari nung may magdoorbell. Nasabi ko na ba na nasa condo ko


kami?

Ako na bubukas. Tapos tumayo na siya at naglakad papuntang door. I heard her say hi
and she opened the door. Napanganga ako at napatigil ang pagblow ng nose ko when I
saw who’s standing in the doorway. Clad in denim and black polo, with a basket of fruits
in hand is Oca. He looks so dashing na gusto kong tumakbo sa kanya at amuyin ang
scent niya na abot pa hanggang sa inuupuan ko. Gusto kong yumakap sa kanya at
ubusin sa singhot lahat ng amoy niya. Oh my God, naglalaway ako sa amoy niya. Is it
normal?

“So magtititigan na lang kayo? Excuse us for the mess Carlos, may konting
drama lang. Umupo ka.” Umupo si Oca sa sofa sa harap ko. Tapos pumunta si Mari
sa akin at kinurot ako para matauhan at sabay kuha ng fresh tissue at inalis ang
sangdamakmak na tissue sa harapan ko. I even heard her say gross.

Nakatanga pa din ako kay Oca. I missed him so much. . I wanna cry again.

Nilagay niya sa center table ang basket of fruits at naglaway ulit ako upon seeing the
red rambutans. Di ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Ang rambutan ba o si Oca.
Hehehe.

“I’m sorry.” Napatingin ako sa kanya. Nakakaalala na ba siya?

“Wala ka nang amnesia?” Ambilis naman ata mawala, hindi sa ayaw ko. Gusto kong
maalala na niya ako.

“I’m sorry for not remembering you. Mari told me about you. About us.” Well, she
didn’t tell me that she told you. Amp!

Feeling ko namula ako sa sinabi niya. Yumuko ako. “ You-you don't have to feel
obligated just because Mari told you---about---about us. Okay lang naman ako.” I
saw him raised his eyebrow. So like Oca. Oh, how I miss his smirk.

“Okay ka na sa lagay na yan?” He looked at the tissue at sa akin and I’m sure
nakikita niya ang puffy eyes ko. “You don’t have to cry buckets just because I can’t
remember you. Eventually maalala din kita. But I can’t blame you for crying.
Nakakahinayang nga na mawala ang isang katulad ko sa buhay mo.” HE then
smiled that devilish smile of his. Bigla akong napatingin sa kanya. Damn it! I hate this!
Bakit pati pagkamayabang natatandaan niya? Bakit ako nakalimutan niya? I am so
jealous.

“What else did Mari told you?” Gusto kong malaman kung ano pa ang pinagt-tsismis
ni Mari sa kanya. Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. Nagdikit ang braso namin at
parang may kuryenteng nanayo ang mga balahibo ko. Shucks! Unconciously kumuha
ako ng isang rambutan pero nahirapan ako sa pagbubukas nito kaya kinuha niya sa
kamay ko at siya ang nagbukas. Kinikilig tuloy ako.

“Basically she told me about that day we had an accident. She told me that we
had a row kaya nangyari yun. Nanggaling daw tayo ng OB. How’s our baby?” I
blushed again. Nagiging awkward na ang conversation. At hindi ko napapansin na
napaparami na ang kain ko ng rambutan dahil madami na siyang nabalatan. I’m pigging
out I know, anong magagawa ko, natatakam ako sa rambutan. At natatakam din ako
kay Oca pero sadly, hindi pwedeng siya ang kainin ko. So Mari told him about my
pregnancy but edited a lot of info. Maybe she wants me to tell him the other details.
Bless Mari.

“The baby is fine.” He looked at me again, yung taimtim na tingin na nakakatunaw


kaya nagblush ako lalo. Paano ko sasabihin sa kanya that we didn’t have just a row?
That he denied me and that we broke up. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat?

“Thank God. I can’t forgive myself kung may nangyaring masama sa baby at
sa’yo. Even if I have amnesia, nararamdaman ko pa din ang link between us . Ang
gaan gaan ng loob ko sayo kahit hindi kita naalala. It’s as if we’re kindred
spirits.”

“Kindred spirits?”

“Alam mo yun. Kunti na lang soulmates na.” And he grinned. Napangiti ako.
Obviously he'd been watching a lot of commercials lately. Kahit may amnesia na siya, di
pa rin naalis ang humor niya. Thank God for that.

Then there was silence. Malapit nang maubos ang rambutan. I am sure I'll be sad
without it.

“When is our wedding date?”

“ACk!” Nabilaukan ako. Sh!t!

“Water?” Habang hinihimas himas niya ang likod ko.

“No thank you. Okay lang ako. Nabigla lang ako.” Cough cough.

“Bakit ka mabibigla? Aren’t we supposed to be planning our wedding now?


Don’t tell me na hindi tayo magpapakasal!” Tumaas na din ang boses niya at
tumayo na siya. Yumuko lang ako. I should be mad at him for bringing that up kasi yun
ang dahilan kung bakit kami naaksidente but how could I be mad kung hindi niya alam
kung ano ang nangyayari. Kung hindi niya alam kung bakit ako galit sa kanya in the
first place.
“You are having our baby and yet, hindi tayo magpapakasal? Didn’t I propose to
you? It’s very unlikely for me to have impregnated you and not marry you. Hindi
ko ugaling mambuntis ng isang babae na wala naman akong planong
seryosohin! I am not that irresponsible with my actions. I’m quite sure that
binuntis kita because I’m dead serious with you.” I’m out of words. With his
declaration, with his outrage and his conviction.

“Joanne,” he squatted in front of me para magkalevel na ang mukha namin. He then


took my hand and looked at my eyes. “I’m sorry if I didn’t propose to you. I can’t
remember. But gusto kong itama ang lahat.” HE then kneeled in front of me habang
hawak pa rin ang kamy ko. “Will you marry me?” I should have been thrilled because
OCa is proposing to me. But why is it that feeling ko something is wrong.

“Oca, you don’t have…”.but he cut me off. to marry me.

“I know this is not the most romantic place to propose with you and I don’t have
a ring. But we could have an engagement party and we could shop for a ring later.
But would you give me the pleasure of being a good father to our child?”

“Of course, you can…” pero again hindi niya ako pinatapos. Ngumiti na lang siya and
he hugged me.

“Thank you Joanne. I swear you wouldn’t regret marrying me. Oh my God! And
now, let’s go shop for that ring.” Tapos hinatak niya ako palabas ng condo ko. I saw
Mari waved and smiled at us. I’m sure she heard everything. Tama ba akong mas
persuasive ngayon ang bagong Oca kaysa sa dating OCa na nakilala ko?

Chapter 34

Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta ng jewellery store. He keeps on asking


what kind of ring I like. Suggest siya ng suggest but I kept quiet. Naguguluhan ako sa
mga nangyayari. Parang ang bilis. Akalain mong may amnesia itong si Oca pero
instead ang pagpapagaling ang iniisip, eh atat na atat pang makasal sa akin. Hindi
naman sa nag iinarte ako but everything is just so sudden. Kahit sino siguro na nasa
kalagayan ko mawiwindang sa ganitong situation. Kahit pa sabihing uber super duper
gwapo ang pakakasal sayo.

“Do you think everything will be settled by next week?” He interrupted my thoughts.
Next week?

“Next week? Bakit ka nagmamadali?”

“No, I am not in a hurry. It’s just that your stomach is not getting any smaller and
I should have married you even before I impregnated you. I didn’t know why I
didn’t do that.” Umiling siya na parang iniisip kung bakti hanggang ngayon ay hindi pa
rin kami kasal.

Napatingin at napanganga lang ako kay Oca.

“Ano motif ang gusto mo?” I looked at him tapos lumunok ako. My God!

“Oca this is not right. Hindi tayo dapat magpakasal.” I grimaced after I sid those
words.

“Why?” He asked puzzled.

“Because you have an amnesia! And because we are not really getting married
before that accident. We didn’t have a row that time. We broke up. Our
relationship during that time is a mess. And now you can’t remember anything,
anything about me. You can’t marry someone you don’t know.” There I said it.
Please tell me, I’m right. Right?
“But you are pregnant. Hindi pwedeng hindi kita pakasalan!” C'mon! Oca was
never noble. Well, he was sweet but not noble.

“You can’t just marry me because I am having your child! That’s not the reason
why people marry each other. And that would not be my reason for marrying
you.” I shouted at him. Is he getting into my nerves?

“Then what is your reason? What is the reason why people marry each other
Joanne?” He shouted at me. Naninigaw na siya ngayon! So very unlikely of a guy with
an amnesia. If, the doctor didn’t confirm it, I shoouldn’t have believe it. I know that I
shouldn’t have dealt with him this way but I can’t allow this to continue. I felt that this is
wrong and I have a strong faith to womans instinct.

“Because they love each other! That’s it.” I know it's cheesy but I don't really believe
in marriage for convenience. For me, marriage is still sacred. I still believe in its sanctity.

“Then tell me, didn’t we love each before? Kasi ako Joanne, nawala man ang
memory ko, pero alam ng puso ko na minahal kita at mahal kita hanggang
ngayon. Nararamdaman ko. My brain may forget you, but my heart just can’t. Now
tell me, do you love me? Or did you ever loved me?” He sound hopeless. As if
nakasalalay ang buhay niya sa sagot ko.

“Oca…” now what would I say?

“Just be honest with me. Sabihin mo ang totoo. I will understand.” Now he really
sound defeated. I am not used to this kind of Oca. He should have been joking right
now. Hindi yung tinititigan niya ako na para akong matutunaw.

“ca, of course, I love you. But…”


“Then there’s no reason bakit hindi tayo magpakasal. Unless you think of me as
someone not worth marrying.” Not worth marrying? Is he serious? Hello! Any woman
would trade everything just to marry him. Sino ang aayaw? I would love to marry him,
but considering his state, what if maalala niya ako? Paano kong maalala niya na hindi
pala niya ako dapat pinakasalan. He denied me, so there is a big possibility na
pagsisisihan niya pag nakasal na kami na may amnesia pa siya. And I don’t know if I
could take it kung matatauhan na siya at kasal na siya sa akin tapos pagsisisihan niya
na pinakasalan niya ako. Or much worse, baka isipin pa niyang I took advantage of his
situation at pinikot ko siya.

“I hope you know that I wouldn’t marry you, if I didn’t love you right? Walang
makakapilit sa akin kung ayaw ko talaga. And I hope you realized that I shouldn’t
have made you pregnant if I don’t have the intention of marrying you or getting
serious with you. I am no longer a teenager who does not to know the
consequences of my actions. And I hope that by now you already realized that I
don’t give up easily and that sadly, whether you like it or not, that child is going
to recognized me as his father and that you and I will be sharing the same name
soon.”

Chapter 35

Love.

That’s the main reason bakit ako napapayag ni Oca na magpakasal sa kanya despite
na may amnesia siya. Even if I have second thoughts on this whole thing. According to
him, when two hearts are meant to be, no matter how long it takes, no matter how far
they go, no matter how tough it seems. Fate will bring them together, to share a life
forever. I don’t know bakit bigla siyang naging makata. Nagka amnesia lang, naging
makata na. And kung ganun na ang reason ng isang tao, ano pa ba ang isasagot ko?
Alangan namang sagutin ko siya ng, never frown even if you're sad coz you'll never
know who is falling inlove with your smile. To the world maybe you are one person. but
to one person, maybe you're the world. Ano yun text ng mga love quotes? Siguro dati
uso pa yun kasama ang mga love graphics sa cellphone pero ngayon? ang uso na
ay, 3ow ph0w, mUsZtAh nA? lAbqCkyOuHh. (hello, how are you? I love you!) para sa
mga hindi nakakintindi.Tsk tsk.

And here I am now, preparing for our wedding. Actually I am not the one preparing and
doing all the stuffs. We’ve hired a wedding coordinator to do almost everything since he
doesn’t want na mapagod ako kasi nga buntis ako. Like now, we are scheduled to have
our food tasting sa isang caterer. Supposedly, mamayang hapon pa yun at susunduin
niya ako but it slipped my mind na ngayon pala ang araw ng check up ko kaya pupunta
kami ngayon sa OB ko. I didn’t inform him that I have a check up but I can’t go alone
kasi kabilin bilinan niya na dapat andun siya every check up ko. Kaya ang gagawin ko
ngayon ay pupuntahan siya sa condo niya. Hassle naman kasi na papasundo pa ako.
And yes, alam ko na ngayon kung saan ang condo niya. At alam ko na rin na may
condo pala siya and that he is living alone. These past few weeks ang dami kong
nalaman about him. Things I didn’t bother to know before which I think are not trivial in
our relationship. But in fact it really did matter. Like knowing his family. Hindi importante
sa akin yun dati, but now I realized that it is important. I’ve already met his Spanish dad
kung saan namana ni Oca ang kapilyuhan niya and his mother who is very charming
and graceful and I’ve talked to his sister which is married to a Spanish royalty kaya hindi
ko na met personally kasi nasa Spain but she promised that she’ll be there during our
wedding. Oca also met my family. Of course, kilala na niya sila Paolo and Phoebus. But
Mom and Dad went home during our engagement party. Nagulat kayo ano? Yes, tapos
na ang engagement party namin. Sorry I didn’t invite you. Kahit kasi ako nasorpresa
that there will be an engagement party. That was a week ago.

In short, we will be wed 4 days from now. Ang bilis di ba? Bakit pa daw kasi patatagalin,
eh lumalaki ang tyan ko. Wew!

Pagkadating ko sa building ng condo niya, I smiled at the guard who saluted at me.
Kilala na ako dito. Sumakay na ako ng elevator at bumaba sa Penthouse. Yes, nasa
penthouse ang condo. Oca owned the building. No, his family doesn’t own it. He owned
it. Filthy rich huh! Lately ko na din nalaman yun. I told you, I never bothered knowing
before. Okay, mas mayaman siya kesa sa akin, Pero kung isasama ang mamanahin ko,
mas mayaman pa rin ako. Hahah. Payabangan ba to?

Pagkadating ko sa penthouse I didn’t knock. Why should I? He gave me a spare key.


Alam ko naman na andito siya kasi nakaleave siya sa office. May amnesia nga di ba?
Pag open ko nang door, walang tao sa living room and sa kitchen. He must be at the
garden or sa pool. It’s only 10:00AM kaya impossibleng lumabas yun ng condo. Then I
heard laughter coming from the pool. May mga bisita siya. Bigla akong kinabahan kaya
instead na lumabas agad sa sliding door papuntang garden/pool nagtago ako sa likod
ng curtain sa likod ng sliding door. I know masama ang mag eavesdrop but my instinct
told me to do so. At dahil sa likas na tsismosa ako, I just can’t resist it.

I saw the three of them sitting in the lanai. Tamako, Tamadao and Oca. They are having
breakfast.

“So Bro, tuloy na tuloy na talaga ang kasal?”

“Ano ka ba naman kambal? Sa tingin mo, aatras yan? Kung may aatras sa
kasalan, si Joanne yun. Kulang na nga lang tutukan niya ng baril si Joanne at
sumigaw ng Pikot eh! Hahahhaha.” Tumawa ang kambal, pero hindi si Oca. Umiling
na ngumiti lang siya. Sh!t! Ang pogi talaga niya. Lumalabas ang dimples niya pag
ngumingiti siya ng ganyan. Sarap kagatin. Kakagigil.

“Pare, di pa rin ba alam ni Joanne?” Anong alam? Anong hindi ko pa alam? Nagising
ang curiosity ko sa sinabi ni Tamadao.

“Not yet.”

“Kelan mo sasabihin? Paano kung malaman niya?”


“I don’t know, maybe after the wedding.” Ano ang sasabihin niya sa akin after the
wedding? Lalo akong kinabahan sa mga narinig ko.

“Pare hindi habang buhay maitatago mo kay Joanne yan. Eventually malalaman
din niya na wala ka naman talagang amnesia. Are you ready to face the
consequences ng ginawa mo?”

“Ewan ko bahala na.” Napanganga ako sa narinig ko. Si Oca? Walang amnesia?
Nanghihina ang tuhod ko sa narinig ko. All this time niloloko niya ako? To think that I
considered his feelings at hindi ko siya sinumbatan sa ginawa niyang pag deny sa akin
kasi all along I thought na wala siyang maalala sa mga nangyari. Yun pala,
nagkukunyari lang siyang may amnesia. What for? Para lokohin ako ulit? Why can’t he
be honest with me? Bakit kailangan niyang gawin yun. Bakit niya ako niloloko?

Sa kakaatras ko nahagi ko ang vase na nasa side table and it fell. Kasabay ng
pagkahulog ng vase ang pagkahulog ng mga luha ko.

“Ma’am….andito po pala kayo.” Napatingin ako sa helper na twice a week lang


pumunta sa condo ni Oca and then I looked at the vase na basag basag sa sahig.
Parang puso ko, basag basag and hindi na pwedeng buuin. Nakatulala kaming dalawa
ng helper sa isa’t isa. Then I heard footsteps na papalapit sa amin galing garden.

“Jo…” I heard Oca said. Pinunasan ko ang luha ko at nilingon ko silang tatlo.
Nakanganga sila Tamadao and Tamako at namumutla si Oca. At ako hindi makagalaw.

“Kanina ka pa ba? Why didn’t you call? Sana sinundo na lang kita. Manang
pakilinis ng kalat.” He said casually. Ang kapal ng mukha. Tapos lumapit siya sa akin.

“Ang aga mo naman Namiss mo kaagad ako?” He grinned at me. In your face Oca.
In your face! Inakbayan niya ako and he kissed me sa cheek. Hinayaan ko siya. Pero sa
totoo lang gusto ko na siyang itulak, suntukin, tadtarin ng bala, ipabitay, balatan ng
buhay, i pluck ang lahat ng buhok sa katawan at halayin . How could he! Ang kapal ng
mukha.

“Hi Jo.” Tamadao and Tamako chorused. Mukhang nakarecover na sila sa shock.

“Hi! andito pala kayo. Yayain ko sana si Oca sa OB. I forgot na may appointment
pala ako ngayon. Mukhang nagbabonding kayo ah? Kelan ulit ang mountain
climbing niyo?” I smiled at the two of them.

“Baka after na ng wedding niyong dalawa. Sayang hindi ka na pwedeng


sumama.” Then Tamako looked at my stomach. I smiled at him.

“Bakit nakasama ba natin siya sa mountain climbing dati?” Oca asked innocently
and before I could stop myself, nasampal ko na siya ng pagkalakas lakas. Napa
whoaaaa sina Tamako and Tamadao. Namumula ang mukha ni Oca. Mukhang
nagmark pa ang kamay ko sa pisngi niya. Pati ako feeling ko namumula ako.
Namumula sa galit.

“Bakit mo ako sinampal?”

“Ang kapal ng mukha mo! Alam ko na ang lahat! Narinig ko kayong tatlo. Alam ko
na wala ka naman talagang amnesia. Niloloko mo lang ako. Palagi mo na lang
akong niloloko. Napapagod na ako sa panloloko mo.” Hindi ko na pigilan ang mga
luha ko. Hindi na kasi ako natuto. Feeling ko ako ang pinakatanga sa mundong ibabaw.
“Ang kapal ng mukha mo! Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin. Ano?
Ano pa ba ang mga kasinungalingan sinabi mo? Ha? Or sa lahat ba ng sinabi at
ginawa mo, ano ba doon ang totoo? Ha Oca? Why did you have to lie to me?
Bakit mo kailangang lokohin ako?”

“Jo…”
“Wag kang mag sorry! Wala rin namang kwenta.” I brushed away my tears.

“Jo, I just did it because…”

“Wag ka nang mag explain! Di ko rin naman papaniwalaan at panigurado


pagsisinungaling na naman yan. At wag ka na ring magpakita sa akin! Bwisit ka!”
Then naglakad na akong padabog papuntang pinto.

“Jo, 4 days from now, ikakasal na tayo…”napatigil ako sa pagbubukas ng pinto ng


condo niya. I faced them. Took my engagmenet ring and throw it at his face. Hindi siya
tinamaan. Sayang.

“Ayan, pakasalan mo ang sarili mo! Bwisit ka!”

“But we love each other! Yun lang naman ang importante di ba? That’s the
reason why we’re getting married.” He said pleading. Wag mo akong artehan ng
ganyan! Baka bumigay ako. Bwisit!

“Oca, love cannot live where there is no trust. You have to trust me and I need to
trust you for our love to prosper. Pero sa pinaggagawa mo, nahihirapan akong
mag trust sayo. And at this moment, I doubt everything in you, even your love for
me.” Lumabas na ako sa condo niya. Hindi ko na siya tiningnan. Baka di ko kayaning
umalis.

A/N:
Pero sabi nga ni Bob Ong "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng
puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal…" oo
nagmamahal ako, pero ayaw kong makinig, ayaw makinig ng nasaktan na puso.

Kaya susundin ko ang payo ni Bob Ong na "pakawalan mo yung mga bagay na
nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit
nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.” Pasensiya na idol ko
siya eh.

Ito pa pahabol ni author.

“Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari?


wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto
kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-
enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo
tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan
pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”

In short. Wag Emo. Okay!? Love you all.

Ito ang update na pinahaba lang ng dahil sa quotes. Nahihibang kasi ang author

Chapter 36

Tulala sa isang tabi at di mapakali, ang nakaraan minumuni muni. Di lubos maisip
bakit nagkaganitoooooo

Gusto ko nang batuhin ng kutsara ni Kuya Caloy. Di na kasi natigil ang pagkanta niya at
mukhang nananadya talaga siya kasi mukhang natatamaan ako sa mga kanta niya.
Ganito siguro talaga pag brokenhearted ka. Feeling mo lahat ng emo songs ikaw ang
pinapataaman. Feeling mo ikaw ang pinakakawawang nilalang sa buong mundo. Gusto
mo kasi kesyo naghihinagpis ka dapat maghinagpis na din ang buong mundo para may
kadamay ka.

Pagkagaling ko sa condo ni OCa dumiretso na ako dito sa farm ko sa Batangas. Gusto


kong mapag isa. Gusto kong mag-isip. Gusto kong mag emo. Pinatay ko din ang
cellphone ko kasi alam kong hindi ako tatantanan ng lahat. Masasabi bang nagtatago
ako? Siguro. Siguro nga nagtatago ako kasi hindi ko pa kayang harapin ang
katotohanan. Ang katotohanan na ilang beses na akong niloko ng lalaking muntik ko
nang pakasalan, ng lalaking pinagbigyan ko ng lahat. Baka naman sabihin niyo din na
nagiinarte lang ako kasi nga ginawa na nga niya ang lahat para lang maging kami. Para
maging happy ending ang istorya namin. Naghintay siya ng walong taon, may cliff
diving pang nalalaman, kinutsaba pa ang best friend ko, at nagkunyaring may amnesia
para lang bumalik ako sa kanya. Sasabihin niyo ang sweet sweet niya. Wala nang
lalaking gagawa ng ganun. AT isa akong big loser kasi di ko kayang intindihin ang
motives ni Oca. Napakaunromantic ko. But still, the means doesn’t justify the end.
Maybe yes, I am unromantic, pero sa isang katulad ko, walang kasing halaga ang tiwala
sa isang relasyon. Ang salitang tiwala para sa akin ay mas mahalaga pa sa salitang
pag ibig. Madaming relasyon ang nasisira dahil sa kawalan ng tiwala. May pag ibig nga
pero wala namang tiwala. Ano ang saysay ng relasyon na ganun? Faith is everything in
every relationship. Kaya hindi basta basta na dahil alam ko ang motibo ni Oca ay
patatawarin ko na siya kaagad. Ngayon pa lang na hindi pa kami mag asawa ay
grabeng kasinungalingan na ang naranasan ko sa kanya, paano pa kung mag asawa
na kami?

Inaamin ko na nasasaktan rin ako sa ginawa ko? Hindi kesyo nagpapakalohikal na ako
eh naging manhid na ako. Sino ba ang may gustong umatras sa kasal? Sino ba ang
aayaw sa isang lalaking katulad ni Oca. Siguro loka loka ka kung aayaw ka. At siguro
nga loka loka na rin ako kasi nga umatras ako. Pero minsan kasi nangingibabaw ang
prinsipyo kaysa sa puso. Hindi dahil sa umiibig ka na puso mo na lahat ang paiiralin mo.
Kaya nga nilagay ng Diyos ang utak sa taas ng puso di ba? Hindi ko pwedeng lunukin
na lang lahat ng katotohanan at magkunyaring hindi nangyari ang lahat ng nangyari. Oo
nga past is past, pero our past defines our future. Haysss!

“Ma’am ready na po ang pagkain.” Tumingin ako at ngumiti kay Kuya Caloy. Tumayo
na din ako at pumunta sa dining. Maliit lang ang resthouse ko dito sa Batangas,
bungalow type lang and it is surrounded by fish pond. Yun ang negosyo ko. Nagtitinda
ako ng isda. Palingkera ako. Pagkatapos kong maglunch inantok ako ng bonggang
bongga kaya natulog ako. Ganito siguro talaga pag buntis. Antukin.

Mga bandang 5pm nung gumising ako. Siguro alam niyo naman na kung gaano ka
boring ang buhay dito ano? Tulog, kain, isip lang ang ginagawa. Kaya nga resthouse di
ba?

“Ma’am may bisita po tayo.” I looked at the road kung saan nakatingin si Kuya Caloy.
And I saw Paolo’s BMW na papalapit. Sinasabi ko na nga ba at hindi magtatagal
pupuntahan niya ako. Si Paolo lang ang nakakaalam kung nasaan ang lugar na ito.
Siya ang kasama ko when I bought this place. Siya din ang nakaisip ng concept of a
fish pond. Kaya no wonder na siya ang unang pupunta dito. Lalo na at alam nila ang
kondisyon ko at hindi nila ako macontact. Lumabas ako ng living room at hinintay ko si
Paolo sa harap ng bahay. Nag iisa lang siya. Bakit Joanne may ineexpect ka?

“Hi sis! Nice place. Gumanda na lalo.” Ngumiti lang ako and niyaya ko siya sa may
gazebo.

“Why are you here Pao?” Alam ko naman kung ano ang sadya niya. Maybe to put
some sense into me.

“Kumusta ka na?” He looked at me intently.

“Ito. Buhay pa naman.” Naningkit ang mata ni Paolo at ngumiti ako.

“Joanne, kasal mo na bukas. Ano ang plano mo?”

“Wala.” Totoo yun. Wala naman talaga akong plano.

“Joanne, malaki ka na. Hindi ka na teenager na kailangan naming protektahan ni


Phoebus sa lahat ng nang-aaway at gustong manakit sayo. Nabuhay ka na ngang
mag isa kaya I believe that you can handle yourself now.” Di ba sinabi ko na sa
inyong andito siya para sermonan ako?

“You know that I can handle myself. And thanks for your concern.”

“You are our only sister. And ayokong nasasaktan ka. Hindi ako nagsalita nung
niloko at iniwan ka ni Dave. Kaya hinayaan ko na lang si Johann na bugbugin si
Dave at hindi na ako dumagdag.”

“Binugbog ni Johann si Dave?” Nagulat ako sa narinig ko. Ang alam ko hindi na
nagpakita si Dave sa akin after kung malaman na may nabuntis siyang iba kasi
nagmigrate na siya sa States. Siya ang boyfriend ko na pinagselosan ni Oca nung
graduation namin.

“Yep, at binantaan na kung magpapakita pa sayo, hindi lang yun ang aabutin
niya. Kaya nagmigrate na sa States ang ulol na yun at sana maintindihan mo rin
kung bakit ganun na lang ka protective si Johann sayo. Pero hindi si Dave at ang
pagiging amazing brother namin ang pinag uusapan natin. Ang kasal mo ang
topic natin.”

“What do you want me to say Pao?”

“Ano ba ang gusto mong gawin?”

“Gusto kong mag-isip.”

“3 days ka nang nag iisip dito. Isn’t it enough? Hindi pa ba sapat yun para
makabuo ka ng desisyon. A decision that is fair to everyone. Specially for
JC?” Biglang lumakas ng heartbeat ko upon hearing his name. “Joanne, you need to
decide, wag mong paghintayin ang lahat ng bisita bukas sa simbahan.” He patted
my shoulder at tumayo na. Naiwan akong nakatulala at sinundan siya ng tingin.
Pumasok na siya ng car nang biglang bumukas ang passenger door. Napatunganga na
lang ako upon seeing OCa emerge from Paolo’s car. He looked like he hasn’t sleep for
a month. Medyo mahaba na din ang stubbles niya. Magulo na din ang buhok niya.
Nagkatinginan kami. Ang dungis niya. I flinch. I flinched not because of his appearance,
but because of the emotions I saw on his face. At nasasaktan akong makita siya ng
ganyan.

Chapter 37

He looked at me and I looked at him. Unti unti siyang naglakad papunta sa akin.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako ang kinakabahan. Namamawis ang
mga kamay ko. Para akong teenager na ipapakilala sa ultimate crush ko.

Nung malapit na siya, he smiled at me sadly. I smiled at him. Maybe, Paolo is right,
tama na siguro ang tatlong araw na pag iisip. Matatanda na kami and I don't have to be
hysterical everytime I see him. We could talk sensibly like two mature individual.

"Nice place." He said looking around.

"Thanks. Have a seat." Umupo na din ako sa chair in front of him. Nagkatinginan kami
for a while.

"Jo, can we talk?" I just nodded. If we are on a different situation I should have laugh at
him.

"I am sorry if I slapped you and throw the ring at your face." Yeah, I shouldn't have done
that.

"I deserved it. Kasalanan ko naman kasi. These three days made me realized a lot of
things. And I am sorry for lying. I am sorry for betraying your trust. I am sorry for
pretending I have amnesia just to win you back."

"You could win me back without pretending. Hindi mo kailangang gawin akong tanga."
Totoo naman di ba? Although sinabi kong we could talk sensibly, I just couldn't help
feeling biotter dahil sa ginawa niya.
"I am sorry. Naisip ko kasi, how could I win you back if I can't explain the reason why I
denied you. And at that time, hindi pa oras na sabihin ko sayo ang rason. And I'm afraid
I'll lose you if I didn't make a move. I'm sorry again." Tumitingin lang kami sa mata ng
isa't isa. Nalulungkot akong makita siyang nalulungkot and I am the cause of his
sadness. Pero we just couldn't kiss and make up. We need to settle all our issue first
para maliwanang ang lahat.

"Yes, that's the reason why we ended up like this. And until now, I still can't understand
bakit mo ginawa yun sa akin." And I wanted to know the truth. I deserve to know the
truth.

"Yes, Im sorry again. Lahat na lang sorry. Sorry kung hindi ko agad pwedeng sabihin
sa'yo. I can't tell you unless the issue is settled. You see, ABC Company, the company
owned by Yvette's family is our major client. And we needed them. Our company is on
the brink of bankruptcy for a long time. That's why my father wanted me to assume the
post. Although it's not really our interest that is at stake since our investment in that
company is minimal, still my father cared a lot for that company dahil ninong niya ang
founder noon. I denied you that time because Yvette was there. And once inamin ko
that we have a relationship, they would cancel the projects given to us. They would also
inform the other clients and they would all back out for the reason of unethical business
practice and all the other reason that they could device para lang masira ako at ang
company. I can't let that happen because it would mean the end of the company.
Retrenchment of the employees and absolute bankruptcy. I can't let that happen. My
Dad is relying on me to save that company. And I was only waiting for the contracts to
be signed bago ko eexplain sayo ang lahat."

"But why didn't you tell me kung ano ang rason? Naintindihan ko sana."

"Jo, I can't tell you that the company is on the brink of bankruptcy because you were
working in that company. Your friends are still working there. That information is
confidential. What if it reaches the public? The banks? I'm sorry if I didn't trust you to
keep that secret but I just can't divulge that information to you."
"Okay. I understand." Pero masakit pa rin na hindi niya ako pinagkatiwalaan. OO
tsismosa ako pero slight lang naman.

"And thank you na hinarap mo pa din ako despite all the things that I have done. Sana
mapatawad mo ako." Bakit ako kinakabahan? He broke our eye contact and looked
down. Why do I have a feeling that something is wrong?

"I was never a perfect suitor, a perfect boyfriend and I will never be a perfect husband
and father. I am far from perfect. I have a lot of flaws. I am not perfect, I know but I am
striving to be the right guy for you. But sadly, I failed in that aspect too. I screwed it. But
even if I screwed everything, that didn't change the fact that I wanted to marry you.

Joanne, I know I shouldn't be asking this. Pero tomorrow is our wedding day.
Matatanggap mo pa ba ako despite of my imperfections? Matutuloy ba ang kasal natin
bukas?" Oh my God.

"Oca, I never ask for a perfect guy and tinanggap kita kung ano ka. But tomorrow..." I
closed my eyes to prevent the tears from coming. "I'm sorry but we need to do it right.
You deceived me para pumayag na pakasal sayo. I need time. We both need time to
know each other. We cannot commit ourselves to each other for a lifelong relationship.
Hindi naman ako naniniwala sa long engagement but we need to know each other
better for us to decide na kaya na nating mabuhay kasama ang isa't isa at hindi natin
pag sisisihan na nagpakasal tayo. Marriage is a lifelong commitment." I just hope he
understands what I mean. I just hope that didn't offend him.

"I understand. So that's it then. I'll inform everyone that the wedding is cancelled. I am
sorry kung pinilit ko ang sarili ko sayo. In the first place, I shouldn't have done that.
Naging impatient ako." He laughed bitterly. "I just have one favor to ask you."

"Ano yun?"

"Please, let our child use my name."

"What do you mean?" Ano ang pinagsasabi niya? At why can't he looked at me? I felt
panic building up on me.
He smiled at me and patted my hand na nakapatong sa table. "I am so lucky to have
met you. You put some sense into me."

"Huh?"

"You are right Jo. From the very start tama ka."

"I am right? In what?"

"Hindi basta basta nagpapakasal ang dalawang tao. There are far more reasons why
two people get married." He laughed again. Bitterly." I really screwed it from the very
start." Tapos sinuklay niya ng kamay niya ang buhok niya. "I realized that simula't sapul
parang pinikot na kita." Then another bitter laugh. Nasisiraan na ba siya ng bait? "I
forced my way into your life. Everything was planned. I never really thought that it would
backfire and it would end like this. It's just that I love you too much I don't know how to
handle it. I've become selfish for wanting you for myself alone. Nasasakal na pala kita.
And yes, we need time. We both need time. I am sorry again." He stood up.
Nakatunganga lang ako sa kanya. Trying to absorb everything that he said.

"Can I hug you for the last time." The last time? Last time? Nag iinit ang mga mata ko.

"The last time?" I barely manage to say those words. And then I found myself wrapped
by his embrace. A gentle yet warm embrace. Hindi ko na napigilan na pumatak ang luha
ko.

"I'm letting you go Jo. I'm sorry for all the trouble I've caused you. God knows how much
I love you. Take care of yourself. Take care of our baby." And then he let go of me.
Physically and emotionally. Naninikip ang dibdib ko. Parang di ako makahinga. Parang
dinadaganan ang puso ko. I can't talk because if I dare open my lips hahagulgol ako.

"I wanted to kiss you, but I'd rather not because If I do, I won't be able to let go. Don't
forget, mahal na..." and his voice broke. "...mahal kita." Hindi ako makagalaw, I can't
even speak. I wanted to hug him pero di ko magawa. I watched helplessly as he turns
his back on me. My tears are also helplessly falling on my cheeks. I was shocked.

The it dawned on me.


Oca just gave up on me.

Chapter 38

"Hoy buntis! Tinanghali ka na naman ng gising. Magpapaparlor pa tayo. Ganyan


ba talaga pag buntis? Haysss! Malelate na tayo sa parteeee!" Dakdak ng dakdak si
Mari habang niyugyog ako. Ahhhh! Wala ba talagang konsiderasyon ang mga tao?
Hindi ba nila alam ang buntis ay matakaw sa tulog? Tsss....

"Dapat ba talaga akong sumama?" I looked at Mari and at my stomach. Medyo


malaki na kasi siya. Hindi na ako pwedeng magpaseksi. 5 months na kasi ang tyan ko.
3 months after naming huling mag usap ni Oca. The day after kaming nag usap
pumunta na siyang Timbuktu. Of all places!

"OO naman! ANo ka ba! Nag promise ka nang sasama sa akin. Wala nang bawian.
Kaya tara na maligo ka na at magbihis dahil malelate na tayo." Dahan dahan akong
tumayo. Nakakatamad naman kasi eh. Napadaan ako sa salamin. I grimaced. Ni hindi
pa ako nagsuklay. Ganito ba talaga pag buntis? Tinatamad sa lahat ng bagay? Hays....
Pero dahil nga kaibigan ko tong si Mari sinunod ko pa din siya. Pupunta daw kasi kami
sa reunion nila at wala siyang kasama kaya ako ang napili niyang isama. Hindi ko nga
alam kung saan napunta ang mga jowa niya at ako ang naisipang isama ng babaing ito.
So anyway kahit anong reklamo pa ang gagawin ko wala na rin naman akong
magagawa kasi whether I like it or I like it pipilitin pa din akong sumama ni Mari.

After 30 minutes on the way na kami sa venue ng reunion. Nagulat na lang ako nung
pumasok kami sa subdivision nila Oca. Tiningnan ko si Mari and she is smiling.

"Mari, bakit tayo pumunta dito? Saan ba iheheld ang reunion niyo?"

"Sa bahay ng isang kamag anak namin."


"And they are living here?"

"Yup." Oh, great.

"Ka subdivision nila sina O....ng mga Cariño?"

"Ahmmmmm... we're here." And to my surprise tumigil kami sa harap mismo ng bahay
nila Oca. Bahay ng parents niya kasi nga sa condo talaga ang bahay ni Oca di ba?
Bumilis ang heartbeat ko. Parang sumisipa pa ang anak ko sa tyan ko. Nakikisama?
Excited?

"Bakit dito tayo pumunta?"

"Jo, the Cariño's are our distant relatives. I'm sorry for not telling you. Kasi alam
ko naman na di ka sasama pag sinabi ko kung saan tayo pupunta. But Tita
requested you to come. She wanted to see the baby."

"Mari..."

"Don't worry." She smiled at me. "We will not be seeing JC. He is in Timbuktu.
Hindi pa siya umuwi. Kaya don't worry. Tara na." Then lumabas na siya ng car.
SUmunod na lang ako kesa sa magmukha akong engot dito.

Kinabahan pa ako pagpasok namin sa gate but my fears eventually subsided when
everyone seemed to mind their own business. Oca's mother greeted me nicely as if
walang nangyari. She didn't even mention her son. Sinabi lang niyang lalo akong
gumanda na hindi na ako nagtaka kasi totoo naman yun. We had a little chat pero dahil
nga siya ang host naging busy din siya. Siya lang pala mag isa ditto kasi nasa Spain si
Tito at siempre andun din si Julia.
"See harmless ang party na to. Hindi kesyo buntis ka eh pagtitinginan ka na ng
mga tao. Ano ka artista?"

"Tsee! Ikaw kung makalait ka! Kahit na hindi ako pinagtitinginan di pa rin
maiaalis ang katotohanan na lahat kayo magpapamilya dito ako lang ang hindi."

"Ano ka ba! Anong hindi kapamilya? Eh nanay ka ng isang full blooded Cariño.
AT lola niya ang nag organize ng party na to. Wag ka ngang emo." And she looked
at my stomach. UU nga naman. Napakasmart talaga ni Mari.

I am about to drink the juice that I'm holding nang mapatingin ako sa dako ng gate. The
car looked vaguely familiar. The black Porsche. Napanganga ako when I saw him
emerge from the driver's seat at lalong natulala ako when he opened the passenger
door at lumabas ang isang babae. I saw how they looked at each other. He smiled at
her when he opened the door and she smiled her thanks to him in return. Ohhh !Shit!
May ganung moment pa?

Humawak ang girl sa braso niya while he escorted the girl towards us. Towards where
his mother is standing. Sumisikip ang dibdib ko. One look at them and masasabi mo
that they are the perfect couple. Perfect. A description na hindi mo masasabi pag nakita
mong kaming dalawa ang magkasama.

3 months.

That's how long it takes him to love another. That's how long it takes him to get over me
and to move on. Hindi man lang siya nagluksa. It is so unfair because hanggang
ngayon nagluluksa pa rin ako while he is smiling withTHAT girl. They didn't even
recognized that everyone is looking at them. Looking at the perfect couple. Ni hindi
niya napansin na nandito lang ako tumitingin sa kanila, nasasaktan. Bull!
Gusto ko siyang sugurin pero may karapatan ba ako? Ako ang tumanggi. Ako ang
umayaw. Ngayon bakit ako ang nasasaktan. Wala aakong karapatan. Sh!tness!

"Jo, I didn't know na darating siya. I didn't even know na bumalik na siya." Mari
took hold of my arm. Para bang sinusuportahan niya ako in case na magcollapse ako
ngayon dito. I also saw the shock on his mother's face when she saw them. So kahit
Mom niya hindi alam na dumating na siya? I wonder kung gaano katagal na siyang
bumalik. I even saw his Mom glancing at us. Siguro nga I am a masochist. I should
have left the moment I saw them but no, I can't even take my eyes off them. Off him. I
wanted to come near him. To make sure that it's really him. I wanted to see him more
and I wanted him to see me. To notice me. Pathetic. KSP. That's me.

Pero dahil nga sa masochist ako, I should have been prepared for what was coming.
Pero kahit siguro gaano ka ka prepared sa mga bagay bagay at kahit ineexpect mo pa
ang mga bagay bagay still, magugulat ka pa din kung malaman mo ang totoo. And that
happened. I didn't prepare myself and I wasn't able to control myself when I heard him
say,

"Mom, this is Felize. My girlfriend"Nakakamiss ang green font color!

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. I didn't even noticed na nabitawan ko na


ang baso ng juice na hawak ko. Nagulat ang lahat when they heard the glass shattered
on the floor. Tumili pa ang iba. I didn't even budge kahit nabasa ang paa ko ng juice.
Everyone looked at me. I didn't care, I can't look at them because I am only looking at
him. Then he looked my way.

Our eyes met.

Chapter 39

Our eyes met.


Ang tagal naming nagtitigan. Ang lakas din ng heartbeat ko. Feeling ko masusuffocate
na ako sa bilis at lakas nito. Parang di na nga ako makahinga. Not to mention na
parang nakikisama pa ang baby sa tyan ko. Ninenerbiyos ako na ewan. Then I saw him
smile. Bakit siya ngumiti? May nakakatuwa ba sa pangyayari? Tangna ka!

Lalong bumilis ang heartbeat ko nung papalapit na sila sa amin. Para akong napako sa
kinatatayuan ko. Oh my God. Feeling ko aatakihin ako sa puso anytime.

"Hi Joanne. Hi Mari!" Hi yourself.

"Anong kalokohan to JC?" I heard Mari hissed. Wala man lang siyang pakialam na
kasama ni Oca ang bagong girlfriend niya. At lalong wala siyang pakialam na
pinagtitinginan kami ng tao.

"What do you mean Mari?"

"What are you doing here? Akala namin nasa Timbuktu ka? Why are you here? At sino
siya bakit kasama mo siya?" Oh my God I can smell trouble. I can sense na
manggigyera itong si Mari.

"Bumalik ako a week ago." A week ago? Isang linggo na siyang andito and he didn't
bother to contact me? Ano yun joke?

"Ah ganun ba? Mabuti naman kung ganun!" Mari smiled at both of them pero halatang
pilit. "Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo JC?"

"Of course, inunahan mo lang ako. Felize met Mari, my cousin and Joanne her friend.
Joanne, Mari, si Felize. Girlfriend ko." Her friend? So ngayon I am deduced to being
Mari's friend. Nagulat ako ng biglang humalakhak si Mari. May nakakatawa? Nasisiraan
na ba si Mari?

"Hi nice to meeting you." Felize said sweetly. Okay, I have to admit that she is charmer.
Ngumiti ako and shook her hands.

"Nice to met you too."


"Nice meeting you too Felize." Mari said controlling her laughter. "And where did you
met JC?" At may plano pa atang makipagchikahan ni Mari. Hindi ba pwedeng umuwi na
lang kami? Kasi baka pag tumagal pa kami di ko mapigilan ang umiyak.

"We've meet in Boston while I was off after doing my missionary works." She said too
sweetly. Kainis naman! Bakit ang sweet niya?

"Ooohhhhh....So you're a philanthropist? I adore philanthropist." Kung hindi mo talaga


kilala si Mari you can say that she is serious and very friendly sa pakikipag-usap kay
Felize. But I know better. Alam kong nakikipagplastikan siya kay Felize. Sa taas pa lang
ng kilay ni Mari alam ko na.

"Well, you can say that." And Felize blushed.

"Well, what a coincidence. Kasi my friend here, Joanne is also a philanthropist.


Mapagbigay rin siya, like you." Huh? Ako Philanthropist? Kelan pa?

"Really? Wow! I'm glad that we share the same interest Joanne." Napangiwi ako. What
is Mari up to?

"Yes you have the same interest. In fact, sa sobrang mapagbigay ni Joanne, binigyan
niya ng anak itong si JC. She is having his baby now. See?" She pointed at my now
bulging tummy. LUmaki ang mga mata ni Felize. And Mari have that evil smirk. "I
wonder, ikaw din ba maibibigay mo din yan kay JC? Kasi it seems to me that JC have
this utmost liking for philanthropist like you."

"Mari...." Nagkasabay pa kami ni Oca.

"What?" Sininghalan niya kaming dalawa.

"Stop it." Oca said through gritted teeth.

"Anong stop it? You don't want her to know that Joanne here is pregnant and that you
are the father of her child? Bakit itatago mo kay na may anak ka?" Mari shouted at Oca.
Grabe galit na galit si Mari. I have never seen her this mad. Parang siya ang niloko.
"Isang linggo ka nang umuwi and you didn't even bother to inform everyone that you're
back?"

"Why should I Mari? Why should I bother to inform EVERYONE of my return? Kung
halos ipagtabuyan na ako bago ako umalis? Surely EVERYONE wouldn't care whether
I'm here or not." Naging seryoso bigla ang pagsasabi niya. Nagpaparinig ba siya?
Pinaparinggan ba niya ako. Sinasabi ba niyang wala akong pakialam sa kanya?

"Stop being bitter JC. Kasi kahit saang anggulo man tingnan ikaw ang may mali. And
you have the nerve to come here bringing that.. that.. girl! In front of your Mom? In front
of Joanne? How dare you!"

"Wag kang mag iskandalo Mari." He said in a stern voice.

"Mag iiskandalo ako kung kelan ko gustong mag iskandalo! Pamilya ko ang mga tao
dito at alam nilang iskandalosa ako. Pero ikaw! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka na
nahiya. Tinulungan kitang mapalapit kay Joanne thinking that you deserve her pero
nagkamali ako."

"So sinusumbat mo sa akin ang mga ginawa mo?"

"No! Hindi ko sinusumbat sayo! Kasi pinagsisisihan ko lahat ng yun. You disgust me JC.
You are disgusting."

"Mari stop it!" I shouted at Mari. Masyado na niya akong pinapahiya. Promise anytime
iiyak na talaga ako.

"Tara na nga! Nasusuka ako dito." Tapos hinila niya ako palabas ng bahay ng mga
Cariño.

Pagdating sa kotse ni Mari, iyak lang ako ng iyak.

"Jo, I'm sorry kung napahiya ka man doon. I just can't control my emotion. Kumulo
talaga ang dugo ko sa ginawa niya. Ang kapal ng mukha. At ikaw naman para kang
namatanda na hindi na makapagsalita at makagalaw dahil nakita mo si JC. Kaya lalo
akong nainis eh. Ngingiti ngiti pa ang walang hiyang yun kasama ang babae niya sa
harap mo. Nakakainisssssssssss!"

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Singhot! "Napahiya tuloy ako at nagmukha tuloy akong
kawawa."

"Kahit naman di ko gawin yun mukha ka nang kawawa dun! Bakit ba kasi di mo siya
sinampal? Dati naman palaban ka ah? Bakit ngayon iiyak iyak ka dyan?"

"Kasi nasasaktan ako!"

"Hay naku! Ako ngayon ang naiipit between sa tanga kong bestfriend at sa !@#$ kung
pinsan. Tara na nga. Pag isipan natin ang susunod nating move laban kay Juan Carlos
Cariño."

................................................

"Oh, what happened? Bakit namumugto yang mata ng bunso namin?" Have I
mentioned before na dito na ako umuuwi sa bahay namin kasi di nila ako pinayagan na
mag isa ako sa condo unit ko?

"Nothing."

"Hmp!"

"Oh Mari, bakit ang asim ng mukha mo? And bakit namumugto ang mata ni Joanne?"

"Eh kasi nakita niya si JC doon sa reunion?"

"Really? Eh di magkakabalikan na sila?"

"Yun nga eh, may iba nang gf si JC. Grrrr....."

"Really? Interesting. Mas maganda ba kay Joanne?" Natahimik kaming dalawa ni Mari.
Sino ba ang mas maganda? SI Felize o ako? Siguro siya kasi hindi malaki ang tyan
niya samantalang ako mukha na akong butete!

"Siya!"
"Hindi ah. Mas maganda ka pa din."

"Bestfriend kasi kita kaya sinasabi mo yan."

"Kunsabagay." And she smiled. Langya!

"Waaaaaaaa!!!! I hate you Mari."

"Problema nga yan. Tsk tsk."

"Kaya nga eh. We need to think of a way para magkabalikan sila." The three of them
are talking as if wala ako sa tabi nila.

"Yes you are right. Come, doon tayo sa conference room. Kapatid kong pogi,
magpahanda ka ng meryenda kay Inday, tapos kape na rin. Mahaba-habang usapan
ito."

"Teka nga! Bakit niyo pa pipilitin yun tao kung may iba nang gusto? Hindi naman ako
pulubi. Kung ayaw na niya di wag niya." They continued walking totally ignoring me.
Pumunta sila sa conference room. Sumunod ako. Umupo sila sa table and after a while
dumating na si Johann at ang sangkatutak na meryenda namin.

"So ano ngayon ang plano?"

"Wala pa nga eh. Sis magsulat ka. Secretary ka ngayon." And Paolo handed me a
notebook and a pen. Ano to? Business meeting?

"Hayaan na nga lang natin sila. Kung ayaw na niya sa akin. DI wag!"

"Yan ba talaga ang ikaliligaya mo? O nagmamartir martiran ka lang? Baka maya maya
maglaslas ka dyan. Ayokong madumi ang bahay. Ayaw kong may nagkakalat na dugo."
So akala ko concerned siya sa akin. Sa bahay pala.

"Bro, of course masasaktan yang sister dear natin. Kita mo naman ang mugto ng mata
niyan. And besides ayaw kong magkaroon ng grumpy pamangkin." At umiling iling pa
siya.
"So what do you want us to do? Bugbugin si Oca?" Oh no! Lumalabas na naman ang
pagkabully ni Johann

"Wag! Sayang ang fes." Sagot ni Paolo tapos tumawa

"So ano ang gagawin natin?"

"Sis isulat mo ang mga suggestion hah."

"Kailangang maghiwalay si Oca at si Felize. Dapat wala silang time para sa isa't isa."

"Brilliant! But how?" At hinimas himas ni Johann ang baba niya.

Hinimas himas din ni Paolo ang temple niya at si Mari naglalakad. Tahimik ang lahat at
nagiisip.

"Eureka!" Biglang ngumisi si Mari.

"Ano yun?" Paolo and Johann chorused.

"I have a shining, shimmering, splendid idea."

"What?"

Wait and see. Listen and learn. And she took out her cellphone. Tapos iniloudspeaker
niya ito.

"Hello Tita!" She called Oca's Mom?

"Mari, I'm very sorry for what happened a while ago. Okay lang ba si Joanne."

"She's fine Tita. She's resting right now. Naistress ata but she's fine. No need to worry."

"Bakit ka nga pala napatawag?"

"Tita, you can't accompany Joanne tomorrow to shop baby clothes because you're sick.
You have a headache or something." Anong pinagsasabi ni Mari.

"What? Am I supposed to accompany Joanne to shop for baby clothes? I mean I would
love to do that."
"But Tita you can't. You're going to have a terrible headache."

"What? Why am I going to have a headache? Are you now a fortune teller Mari?"

"Tita look, Joanne is shopping for baby clothes tomorrow and you can't accompany her.
No one could accompany her. And it's dangerous if she go alone so you need to
persuade JC to accompany her. That simple Tita."

"You are telling me that we are going to set up JC and Joanne to have a date? But Mari,
I promised JC that I wouldn't meddle with his personal life. He is going to be mad."

"Tita, we can't allow JC and Felize to end up together. You've got to help us Tita.
Puhlease..."

"Mari, I can't do that to my son."

"But Tita, you are doing your grandson a huge favor. And for sure he's going to love and
thank you for what you've done to help mend his parents love story." Blackmail?

"Grandson you say?" I can almost see the eyes of Oca's mom na nagsashine.

"Yes. Grandson. Your only grandson. The Cariño legacy. Ang kaisa isang tagapagmana
at tagapagpalaganap ng apelyidong Cariño." Mari winked she almost giggled. Ano na
namang pakulo to? Nananalaytay ba talaga sa pamilya nina Oca ang pagiging
manipulative?

"But Oca's gonna be mad."

"I know Tita. I know that. But what would you rather bear? The wrath of your son that
eventually will subside because he can't bear being mad at you or not seeing and not
knowing your grandson? And that JC's first son not bearing Cariño's name. Can you
bear that Tita?" She is so like Oca.

"Joanne wouldn't name the child after us?" Now Oca's Mom is threatened. Anong bang
pinaggagawa ni Mari?
"What else do you expect Tita? She's hurt and once her parents found out what JC had
done they are going to bring her abroad and wouldn't allow her and her son to see all of
you." She winked at us.

"Oh my God..."

"Can you allow not seeing your ONLY grandson Tita?"

"Of course not! Okay. I'm telling JC now. But you have to persuade Joanne to come
with him. I won't allow my grandson to bear any other family name other than Cariño.
That's unacceptable."

"I know Tita. I know. I totally understand your feelings. Thanks Tita and buhbye." And
she turned off the phone at nagtitili.

"See that? Isn't it brilliant."

"Brilliant Mari." I grimaced. oh my God. Parang binebenta nila ako at ang anak ko.

"Wag ka na ngang magmaktol dyan. Gusto mo bang lumigaya o ano?"

"Siempre gusto. Pero..."

"Wala nang pero pero. Basta tomorrow gawin mo ang lahat para ikaw lang ang
intindihan ni JC. Apir tayong apat! Ang galing galing ko talaga!" At nag apir sa kanya
sina Johann at Paolo.

"Paano pala kung hindi lalaki ang anak ko?"

"Kung babae, eh di gumawa kayo ulit para lalaki naman!"

Chapter 40

I woke up earlier than usual. Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog ng maayos.
Parang nenenerbiyos ako na ewan. Para akong teenager na makikipagdate for the first
time sa crush ko. I’ve never felt this way kahit nung kami pa ni OCa. Hindi naman ako
nenenerbiyos nung sinusundo niya ako pag nagdedate kami pero bakit ngayon, bakit
hindi ako mapakali? Our date, este shopping is scheduled at 10Am pero 7AM pa lang
gising na ako. I went down sa dining para na rin makapagbreakfast. There is no use if
bumalik pa ako ng higa, di rin naman na ako makakatulog.

While having my breakfast, I saw Johann enter the dining room.

“Ang aga mo atang nagising Jo? Excited?” And he grinned. I looked at him and
rolled my eyes. Bihis na bihis kasi siya. Or mukhang kararating lang niya.

“Ikaw nga mukhang ang aga mong dumating ah. Saan ka galing at inumaga
ka?” Napatigil si Johann sa ginagawa niyang pagtitimpla ng coffee.

“Sa kaibigan ko. Dun ako natulog.”

“Kaibigan or Ka-ibigan?” I should have stopped my mouth from saying those words.
The moment na lumabas yun sa bibig ko biglang nag iba ang timpla ng mukha ni
Johann. Nawala ang ngisi sa bibig niya and his eyes turned gloomy. Bigla akong
nalungkot. Dahil siguro sa kapatid niya ako kaya nararamdaman ko din ang lungkot
niya or naging uber sensitive lang ako kasi nga buntis ako.

“Sis, you will be the first person na makakalam kung magmamahal na ako ulit?
That is, kung hindi ka mauunahan ni Paolo. Sa ngayon asikasuhin mo muna yang
sarili mo at alagaan mo ang pamangkin ko.”Then ginulo niya ang buhok ko.
“Pakisabi na lang kay Inday na dalhan ako ng kape sa kwarto ko. Maliligo lang
ako.” And iniwan niya ako sa dining room. Hays, kailan kaya liligaya si Johann?

Dahil sa uber bagal ko nang kumilos ngayon, nakatapos na akong magbihis ng 9:30
and pagbaba ko ng living room nakita ko si Oca na nakaupo sa sofa while talking with
Paolo. Biglang lumakas na naman ang heartbeat ko.
“O, andityo na pala siya. Sis ang bagal mong kumilos.” Instead of scowling at Paolo
ngumiti ako. Pagdating ko sa harapan nila tumayo na din si Oca.

“Pao mauna na kami.”

“Okay. Sure. Take your time.”

“Let’s go.” Tapos tumalikod na siya at nauna na siyang naglakad. He didn’t even
smiled at me. Ni hindi niya ako inalalayan. Nasasaktan ako. Ngayon pa lang nafefeel
ko na na hindi magiging enjoyable ang lakad na to, that this will be a total disaster.
Nanlulumo ako.

At mas lalo akong nanlumo nung dumating kami sa kotse niya. He is not using the
Porsche. He is again using the black Fortuner . Tapos binuksan niya ang pinto sa may
likuran.

“JC ako na lang dyan. She is pregnant. Dapat dito siya sa harap.”Nagulat ako nung
nagsalita bigla si Felize na nakaupo sa frontseat.

“No, it’s okay, Fille. She’ll be fine here. Di ba Joanne?” Na shock ako sa ginawa
niya. Pauupuin niya ako sa backseat? AT my state?

“O-of course!” Dapat lang na makuntento ako di ba? Pinilit lang naman siyang
samahan ako di ba? Kung hindi pa binlackmail ni Mari ang Mom niya di pa siya ngayon
ang kasama ko. Eh di may bonding moment pa sila ngayon ni Felize. Pero kahit naman
kasama niya ako andyan naman si Felize. Kasama pa din namin. Baka nga ako pa ang
magmukhang chaperon.

“No JC. Sa backseat ako uupo.” And she tried to open the passenger door pero
pinigilan ito ni Oca.
“Fille I insist.”

“Well, I insist too.” I insist. Kahit kalian di ko nasabi yan kay Oca. Kahit kalian di ko
naipilit ang gusto ko sa kanya.

“No, Felize it’s okay kung sa backseat ako.” Wala namang mangyayari sa akin kung
sa backseat ako di ba? Pwede lang naman akong makunan. Lalo na kung lubak ang
daan.

“No, Joanne. JC, sa backseat ako uupo. Whether you like it or not. If you will
insist that Joanne will sit in the backseat, then fine with me. Sa backseat kaming
dalawa, kaya nga lang magmumukha kang driver namin.” And she smiled. Nung
ngumiti siya, parang nagliwanang ang buong paligid. Pati ang mga mata ni Oca
nagliwanag. Grabe ang sakit pala ng ganito. Yung parang pulubi ka dahil lang sa
upuan ng kotse.

“Then fine. Joanne sa harap ka.” Tapos umikot na siya papuntang driver’s seat.
Bumaba na si Felize at ngumiti ulit sa akin. She opened the door for me. Mabuti pa siya
naalalang alalayan ako. Masakit pala ang mamalimos ng attention ng taong mahal mo.

Buong byahe tahimik ang paligid. Felize tried to lighten up the mood but to no avail. She
asked me questions about my pregnancy and I answered in monosyllables. Siguro
naubusan na rin ng itatanong kaya tumahimik na siya. Tapos silang dalawa na lang ni
Oca ang nag uusap. From time to time tinatanong niya ako at monosyllables pa din ang
sagot ko.
Ayaw ko kasing makipagplastikan sa kanya. Although, nafefeel ko naman na hindi siya
nakikipagplastikan sa akin, pero hindi ko lang talaga kayang makipagclose sa kanya.
Sino ba ang may gustong makipagkaibigan sa girlfriend ng ex boyfriend mo na mahal
mo pa hanggang ngayon? Ayokong lokohin ang sarili ko. Ayoko na din
makipagkumpetensiya sa kanya sa buhay ni Oca. May laban ba ako sa isang babaing
seksi, mabait, maganda, maputi, matalino, mapagbigay, malaanghel ang mukha at
masarap sabunutan? Tingnan niyo naman ang itsura ko, mukha na akong balyena. Ano
ang laban ko kay Felize? Kahit nga lang ang upuan sa kotseng ito hiniram ko lang.
Hindi naman kasi dapat ito ang upuan ko. Dapat naman kasi talaga nasa backseat
ako. Backseat nga di ba?

Pagdating namin sa mall, parang wala pa din akong kasama. Kasi kay Felize siya
sumasabay. Sumusunod sila sa akin. Eh ako di ko naman talaga talaga alam kung saan
papunta at kung ano ang bibilhin. Malay ko ba e si Mari naman ang may plano ng lahat.
Napansin ko na lang na nasa tabi ko na si Felize at sinasabayan ako. Hanggang sa
makarating kami sa baby section. Mukhang mas excited pa si Felize sa pamimili ng
mga gamit ng baby kaysa sa ama ng anak ko. From time to time Felize is asking my
opinion kung maganda ba o hindi, Oo lang ako ng oo. Ang awkward kasi talaga eh. At
napansin niyo na rin siguro simula nung nanggaling kami sa bahay hindi na ako
kinausap ni Oca. Ayaw ko naman kunin ang attention niya. Hindi naman ako pulubi.
Pero ang sakit talaga ng ginagawa niya sa akin ngayon. Ano ba ang gusto niyang
ipamukha sa akin?

After naming mamili ng gamit pumunta na kami ng cashier. Ibibigay ko na sana ang
credit card ko nung naunahan niya ako.

“Ako ang magbabayad.”

“I insist. Ako ang magbabayad. Miss ito na.” Tapos binigay niya ang credit card niya.
Kukunin na sana ng cashier ang card.

“Miss, sa akin ang lahat ng yan kaya ako ang magbabayad. Tapos binigay ko ulit
ang card ko.” Palipat lipat ng tingin sa amin ang cashier pati ang ibang customer pati
na rin si Felize.

Hinarap ako ni Oca. “Ako ang ama ng bata kaya ako ang magbabayad.”Hindi ko siya
pinansin. Instead kinuha ko ang isang card ko and showed it to the cashier. Nanlaki
ang mata ng cashier.

“I charge mo sa company account ang lahat ng yan. Pakideliver na din sa bahay.


Wala ka nang ibang gawin kundi ang mga sinabi ko kundi mawawalan ka ng
trabaho.” At naglakad na ako palabas ng mall. AYokong gumamit ng impluwensiya
pero pinipilit ako ni Oca.

“You own the mall?” Felize tugged me habang papunta sa resto na kakaininan namin.
Ngumiti lang ako. Naiistress na kasi ako. Nakakainis na ang mga pangyayari. Ano ang
gusto niyang palabasin?

“I don't own the mall. My parents own it.”

Pagkaupo namin, Felize excused herself na papuntang comfort room. Naiwan kami ni
Oca sa table. Ni hindi kami nagtitinginan at nag usap. Tapos dumating ang waiter. Oca
ordered for him and for Felize but not for me. Paano ko nalaman? Kasi yung inorder
niyang food alam niyang di ako kumakain noon. Ang gago lang di ba?

“Is that all sir?”

“Yes that would be all.” Nagulat ako. Ni hindi pa kasi ako nakapag order. So feeling
niya silang dalawa lang ni Felize and magkasama ngayon at silang dalawa lang ang
kakain? Kung ganun pala ka sagabal ang presence ko sa kanilang dalawa, bakit hindi
pa niya ako sinabihang lumipat na lang ng table? Or iwan na lang silang dalawa? Dapat
ba talagang ipamukha sa akin yun?

Siguro napuno na din ako. Kasi bigla na lang tumulo ang luha ko. Ang traidor kong mga
luha. I tried to brush it away, pero may tumulo ulit. Shit! Bakit kasi ngayon pa to tumulo?

“Why are you crying.” Sinabi niya yun nang hindi nagtatanong. Parang nang aakusa
at parang wala akong karapatang umiyak sa harap niya. Hindi ba niya alam na
nasasaktan na ako?

“I’m not crying. Napuwing ako.” My voice broke. Bakit ako aamin? Kahit halata na
pwede namang magkunyari di ba? To save some pride? Diniinan ko ng tissue ang mata
ko to stop some pending tears. Ayoko na talaga. Ang sakit sakit na kasi.

“Jo, Joanne!!” Napatingin ako sa nagsalita. Ang familiar kasi ng boses.

“Dave??” Yes, it is Dave. Naalala niyo siya? Yung boyfriend ko nung college? Yung
binugbog ni Johann?

“Ikaw nga!” Tapos tiningnan niya ako from head to foot at tumigil ang mga mata niya
sa tummy ko. Gusto kong itago ang tyan ko pero too late.

“How are you?” Oh di ba parang wala lang nangyari? Parang di niya ako niloko at
parang di siya binugbog ng kapatid ko.

“I’m fine! I’m glad nakita kita. You are pregnant. He is the father?”Tapos tumingin
siya kay Oca. Nagkatinginan sila. Tumayo ako. I closed my eyes and counted to ten.

“No.” Napansin kong napatingin si Oca sa akin.

“Then who?”

“He..he died. Months ago. Car accident. Nasagasaan sa parking. Nabagok ang ulo
sa pavement. Fatal.”

“I’m sorry to hear that.” Tumikhim si Oca. Napatingin kami ni Dave sa kanya.

“Dave, met JC, Mari’s long distant cousin. JC, this is Dave, long lost special
friend.” Nagkatinginan kami ni Oca. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako
nakabulagta dito. Nag aapoy ang tingin niya sa akin. I don’t care. Masyado akong
nasakatan para maramdaman ang galit ng mga titig niya.

“Nice to met you pare.” Hindi niya pinansin ang kamay ni Dave.

“Dave pwede mo ba akong maihatid sa bahay? Napagod kasi ako kakagala sa mall
na to.”

Chapter 41

Di ako napigilan ni OCa nung sumama ako kay Dave. As if naman may pakialam pa
siya. At ngayon nga, nandito kami ngayon sa kotse ni Dave.

“Si Johann ba ang may kagagawan niyan?”

“Ito ba?” He pointed his broken nose. Tabingi na kasi. Hindi naman yun tabingi dati.He
laughed. “OO. Alam mo na pala. Ang gago ko rin kasi noon eh. Sorry if nagawa ko
yun sayo Jo. Hindi ko nga rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa
ko yun eh.”

“Matagal na yun. Let’s forget it. And pasensiya na rin if nasira ni Johann ang
mukha mo.”

“I deserved every bit of it.” Hindi ko alam kung anong pambubugbog ang ginawa ni
Johann kay Dave para umalis si Dave ng Pilipinas at hindi na magpakita sa akin. Para
matakot ng ganun si Dave.

“So bakit ka bumalik ng Philippines? At kelan ka pa nakabalik?”Masyado ba kong


curious? Siguro ganun naman talaga di ba? Lahat naman siguro ng dating mag bf gusto
malaman kung ano ang kinahinatnan ng mga taong naging parte ng buhay natin dati.
“For you.” Nagulat ako sa sinabi niya. “But it seems that I’m too late.”Tapos
pinaandar na niya ang sasakyan.

“What do you mean you came back for me?” Alam ko naman kung ano ang ibig
niyang sabihin I just wanna make sure na tama ang narinig ko.

“I’ve realized my mistakes now. Alam ko na ngayon kung ano ang pinakawalan
ko. I came back hoping na may babalikan pa ako …”

“Dave…”

“I know, Jo. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa posibilidad na wala na akong


babalikan. I am willing to accept the na huli na ako. But seeing you like that.
Seeing you being hurt like that, muntik ko nang mabugbig ang kasama mo
kanina. And I wanted to fight for you. You don't deserve him.”

“Dave hindi siya…”

“Wag mo nang ideny. I know that he is the father of your child. And I don’t know
why he is hurting you . Hindi na ako dapat nakialam, pero hindi ko mapapayagan
na saktan ka niya ng ganun.” Na touch ako sa mga sinasabi ni Dave. After all these
years he still cared for me. “Jo, kung hindi niya kayang panagutan ang ginawa niya
sayo, ako ang mananagot. Kung hindi niya kayang harapin ang reponsibilidad
niya, ako ang aako ng responsibilidad niya.”

“Dave… what are you saying?”

“I will marry you. Hindi ko hahayaang magkaanak ka na walang kikilalaning ama


ang anak mo. I don’t want you subjected to society’s ridicule.”

“Dave, you don’t have to do that.”


“But I want to Jo. Let me. Hindi mo kailangang mahalin ulit ako. Just let me love
you again.” Naiiyak na ako sa mga pinagsasabi ni Dave. If only Oca could be that
noble. “Pag isipan mo Jo. Hindi kita pipiliting magdecide ngayon.”

We drove silently pauwi sa bahay namin. Nabigla ako sa sinabi ni Dave. It is so sudden
that I don’t know how to react. Pagdating namin sa bahay niyaya kong pumasok si Dave
and to my surprise nakita ko sila Paolo, Johann and Oca na nag uusap sa living room.
Biglang tumayo silang tatlo upon seeing Dave.

“So it’s true. Bumalik ka nga. Bakit ka pa bumalik dito? Guguluhin mo na naman
ba ang buhay ni Joanne?” Johann said angrily at Dave.

“Hindi. On the contrary, gusto kong ayusin ang buhay niya. I wanted to marry her.
And since patay na rin lang ang ama ng baby niya, ako ang aako sa
responsibilidad na iniwan nito.”

“Patay?” Paolo and Johann chorused and tumingin sila kay Oca at sa akin. I saw Oca
clinched his knuckles and looked at us angrily.

“Aalis na ako Pao, Johann.” And he walked past us without glancing at our direction.

--------------

The next morning hindi pa rin ako mapakali sa proposition ni Dave. Gusto kong isipin na
panaginip lang ang lahat.

“Ma’am Joanne, naghihintay na po si Sir sa living

room.” Kinuha ko ang pouch ko at lumabas ng room. Check Up ko kasi ngayon sa OB


and usually si Paolo or si Johann ang sumasama sa akin sa OB. Ayaw nilang
nagdadrive ako mag isa. Pagkababa ko ng hagdan nagulat ako upon seeing OCa na
nakaupo sa living room. Nagkatinginan kami.

“What are you doing here?” I asked him sharply after kong makarecover sa shock.

“I’ll accompany you to the OB.” Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Hindi na kailangan. Andyan naman sila Johann and Paolo. Sila naman ang
kasama ko pag nagpupunta ako doon.” Hindi naman kita kailangan doon. Muntik ko
nang masabi. Ang kapal naman kasi ng mukha niyang pumunta pa dito ngayon
pagkatapos ng ginawa niya sa akin kahapon.

“No, they can’t accompany you.” And I insist na samahan ka sa pagpunta sa OB mo.

“Hindi na kailangan. I can go alone or Mari could accompany me.”

“Didn’t you hear me? Ang sabi ko I insist na samahan ka. Whether you like it or
not sasamahan kita!” Tumaas na ang boses niya. Kumulo ang dugo ko. Ano pa ang
karapatan niyang sigaw sigawan ako ngayon? I count to ten to calm myself. Ayaw kong
makipagtalo sa kanya. Ayokong masira ang araw ko.

I took a deep breath. “In that case, you can go to the OB…..alone.” At tinalikuran ko
siya at pumanhik ulit sa kwarto ko. Tinawag pa niya ako pero di ko siya nilingon.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, I locked it. After a while narining kong kumatok siya.

“Joanne! Ano ba! Wag ka ngang mag inarte. Buksan mo to.” I ignored him. Ako pa
ngayon ang nag iinarte?

“Pag hindi mo to binuksan gigibain ko to!”

“Umalis ka na! I don’t want to see you. Umalis ka na!”


“Mag usap tayo. Pag usapan natin ang lahat. I don’t want you stripping me off of
my right sa bata Joanne! Anak ko yan.” Yeah. Yun lang ang dahilan kung bakit pa
siya nakikipagkita sa akin. Para sa bata. Wala na siyang pakialam sa akin sa bata na
lang. At ang sakit sakit na ipamukha sayo na andito lang siya dahil sa anak niya sayo.

“I don’t want to talk to you! Umalis ka na!” Ayoko siyang harapin. Masasaktan lang
ako sa mga maririnig ko mula sa kanya. Masasaktan lang ako pag makikita ko siya. Pag
nakakasama ko siya.

“Give me the key! Give me the fvcking key!” I heard him order our helpers. How dare
he orders our helpers. Then I heard the lock click. Nabuksan niya ang pinto ng kwarto
ko.

“What do you think you’re doing? Hindi ka na magpapacheck up dahil ako ang
kasama mo? You will risk the health of my baby because of your goddamn
pride?”

And I slapped him.

“How dare you say that in front of me sa pamamahay ko? How dare you order my
helpers! How dare you come here and insist na kasama ko sa pagchecheck up
ko? How dare you claim my child as yours and how dare you show your face to
me after yesterday. Wala ka na ba talagang hiya na natitira sa katawan mo? Ang
kapal kapal ng mukha mo Oca. Wala kang karapatan na guluhin ang mundo ko
Juan Carlos!”

“Karapatan ba ang pinag uusapan natin Joanne? Di ba may karapatan ako sa


batang yan kasi ako ang ama? And you are stripping me off of my right to my
child. That I cannot allow. Kahit na anong mangyayari, ako ang kikilalaning ama
ng batang yan. At wala kang karapatang ipagkait sa akin ang bata.”
“That is for me to decide Juan Carlos.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I am marrying Dave.”

“What!?”

“Yes. I am marrying Dave. Siya ang kikilalaning ama ng anak ko.”

“You can’t do that.”

“Why can’t I?”

“Because I am the father of that child.”

“Yes you are the biological father. But Dave offered me his name. Can you do the
same?” I know that his answer could make or break me, but if I wouldn’t ask that
question, hanggang kelan ako aasa?

Silence. Hindi siya nagsalita. Nakatulala lang siya sa akin. I’ve waited for 1, 2 3 to 5
minutes pero walang salitang nagmula kay Oca.

“See? You cannot do what he can do. You can’t even answer a simple question.
Now, get out of my house.”

Chapter 42

“Jo, tama na! nakakasama sayo ang pag iyak. Naman oh. Nakakasama yan sa
baby. 5 oras ka nang iyak ng iyak. Ni hindi ka pa kumakain. Alalahanin mo naman
ang baby mo.” Mari caress my back at tried her best na patigilin ako sa kaiiyak.

“Ayaw na niya talaga sa akin Mari. Sa ginawa ko parang nagmakaawa na ako para
pakasalan niya but he didn’t say a word. Umalis lang siya. And it hurt so much.
Ang sakit sakit pala.”

“Ano ang nangyayari dito? Bakit ka iyak ng iyak Joanne?”

“Hays.” Mari took a deep breath. “Nabasted kasi siya.”

“Anong nabasted? At nino?”

“Sino pa eh di ang dakila kong pinsan. Sinabi kasi ni Joanne na pakakasal sila ni
Dave at si Dave na ang magiging ama ng anak nila. Ayaw pumayag ni JC kaya ask
ni Joanne kung maibibigay ba ni JC ang pangalan niya katulad ng gagawin ni
Dave. Eh hindi sumagot si JC. Yan tuloy!!!! Hays.. Hays talaga!”

“Sis, wag mo na kasing ipilit ang sarili mo kay JC. May gf na yung tao. Baka
mahal niya talaga ang gf niya kaya ganun.” Inakbayan ako ni Johann para kumalma
ako.

“Ano na lang ngayon ang gagawin ko?”

“Ito ang blade. Maglaslas ka!”

Pak!

Binatukan ni Johann si Paolo.

“Pag yan tinotoo ni Joanne Paolo, babalatan kita ng buhay.”


“Ouch. Ngayon alam ko na na mas mahal mo si Joanne kesa sa akin na ka-share
mo sa iisang placenta.”

“Ewwww. Gross!” Mari grimaced

“Ipagawa mo na nga lang kami ng sandwich.”

“Ayoko nga!” Tapos biglang nagseryoso ang mukha ni Paolo. At lumapit sa aming
tatlo. Tapos tumikhim ng tatlong beses. “Jo, biglang kapatid mo, nalulungkot din
ako sa mga pangyayari pero wala na tayong magagawa kung ayaw na ni JC.
Tanggapin mo na lang. Kung ayaw niya, wag niya. AT tandaan mo, kung ayaw,
maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.”

“Tama. At hindi nakasalalay sa kanya ang buhay ninyong mag ina.”

“Tama. At andito kaming mga kapatid mo at tito ng anak mo para alagaan.”

“Isama mo naman ako.”

“Pati pala si Mari na bestfriend mo.”

“Kaya wag kang malungkot. Dahil tutulungan ka namin. At gagawin naming ang
lahat lumigaya ka lang.”

“Amen.”

Oh ayan group hug na! Tapos nagyakapan kaming apat. Naiiyak ako na natatawa. I
am so blessed na andito silang tatlo katabi ko. Kung wala sila dito baka nga naglaslas
na lang ako.
,...............................................

A week after…

Felize’s POV.

Hi! Everyone. I’m Angela Felize Bustamante, current gf ni JC. Alam ko naman na most
of the readers of this story probably hate me dahil nga parang nakikiepal ako sa
relasyon ng dalawang ito. Pero wala akong magagawa napag atasan lang ako ng
author na mag POV. Ayaw niya kasi ng POV ni JC. Anyway, bago ako magsimula sa
aking POV ipopromote ko muna ang istorya ko nahindi pa nasisimulan ng author. Ang
title po nun ayTears of Angel. Basahin niyo huh! Thanks.

So, saan na ba ako? Andito ako ngayon sa opisina nila JC. Office ni JC na naging office
dati ni Joanne. Nagyaya kasi itong si JC na mag out of town daw kami. At dahil isa
akong dakilang gf siempre pumayag ako. At napansin ko rin that these few days, he is
not his normal self. Actually, eversince we came back, hindi na siya si JC na nakilala ko
sa Timbuktu. At hindi naman ako manhid para hindi malaman ang dahilan kung bakit
siya nagkakaganyan. Papahulaan ko pa ba? Alam niyo na siguro kung ano or rather
sino ang nanggugulo sa isip ni JC. Ang sarap nga sabunutan di ba? Dapat tinanggap na
niya na wala na si JC sa buhay niya. Joke lang! Kayo naman! Don’t worry mabait ako.
Basahin niyo ang istorya ko para malaman niyo kung gaano ako kabait. Ayan na
naman. Nadadivert na naman ang istorya. So ito na nga ditto na kami nagkita ni JC sa
office niya at ngayon nga pasakay na kami ng elevator pababa ng building. Pupunta
daw kaming Baguio para makapagrelax siya. Siguro nappressure. Give the guy a break.
He deserves it. Habang nasa elevator, napansin kong spaced out si JC. Spaced out na
naman si JC. Masyadong malalim ang iniisip. Kung selosa siguro akong gf baka nag
away na kami kasi kasama niya ako but his mind is drifting somewhere. Nakakainsulto
yun para sa isang gf di ba? Paro nga dahil sa mabait ako.. ay never mind.
Pagdating namin sa isang floor, may sumakay na dalawang employee. Yung isang
employee yun ang secretary ni JC. Jane ata ang name. Mga magaganda sila. Tapos
naggreet sila sa amin ni Oca. Siempre nginitian ko sila. Mabait ako eh. Pero hindi sila
pinansin ni JC. Spaced out nga di ba? Kaya din siguro ayaw ng author ng POV niya
kasi space out siya. Baka ang laman ng POV niya puro space. Tumawa naman kayo!
Joke yun eh!

“Jane, aattend ka sa kasal?” I heard the other lady talking to her friend. Ang babaeng
nagsalita ay mestiza, matangkad, maputi at auburn brown ang hair. Pwede ngang
pangmodel eh.

“Oo naman! Kaibigan natin yung ikakasal tapos di tayo aattend? Baka kalbuhin
tayo nun.” Sagot namn nung Jane na tall, morena and gorgeous.

“Oo nga. Di bali tatawagan ko na lang si Joanne na aattend tayo sa kasal. Tsaka
sabi niya ready naman na daw ang mga damit natin kasi summer naman ang
motif.”

“Iba talaga pag mayaman ang pakakasalan mo ano?”

“Sinabi mo pa! Ano nga oras ang kasal bukas?”

“4PM daw magsisimula para tamang tama sa sunset. Hay ang romantic talaga!
Tagaytay sunset ang drama nila!”

“Oo nga di ba ang sweet?”

Nakita kong nakakunot na ang noo ni JC paglabas namin sa elevator. At pagsakay


namin sa kotse, binagsak pa niya ang pinto.

“Are you okay?”


“Yes, I am fine. I’m sorry.” Tapos pinaandar na niya ang kotse. I noticed na mabilis
ang pagpapatakbo niya ng kotse.

“JC, I thought we are going to Baguio. Bakit nasa SLEX tayo?” Sabi ko na sa inyo
spaced out siya eh.

“I changed my mind. Sa Tagaytay na lang tayo pupunta.” Tapos bumuntong hininga


siya.

“Are you really okay?” Hindi siya nagsasalita. But I can see na nanggagalaiti siya.
Ang higpit ng hawak niya sa steering wheel. Parang takot siya na mawalan ng control.
Natatakot din ako na baka kung ano ang mangyari sa amin sa daan. AT his state, I
don’t think he is capable of driving safely.

“Dahil ba sa narinig mo kanina? Is Joanne really getting married?” With that,


biglang napaswerve ang sasakyan namin. Tumili ako. Akala ko kasi katapusan ko na.
Ayaw ko pang mamatay. Pero pasalamat na lang ako at walang masyadong sasakyan.
Hindi kami nabangga pero tumigil siya sa gilid ng daan. Pagkatapos nun hinampas niya
ang manibela. Tumahimik lang ako. Ngayon ko lang nakita si JC na ganyan. Parang
naiiyak na ewan. Tapos inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko mabasa
ang pagmumukha niya.

“I’m sorry Fille.” Tapos pinaandar niya ulit ang kotse pero this time mabagal na ang
takbo namin. Baka takot din siyang mamatay.

“Do you want to talk about it?” No answer. He just sighed.

“I really messed up this time Fille. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Naguguluhan na ako. I’m sorry to have confided in you but…”
“Bakit mo ba kasi tinitikis ang sarili mo? I know you still love her. Bakit mo
sinasaktan ang mga damdamin niyo? And besides magkakaanak na kayo.” Kelan
kaya siya matatauhan. Nahihirapan lang sila ni Joanne dahil sa ginagawa niya.

“Fille, I can’t do that. Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo? You are my
girlfriend yet, gusto mong magkabalikan kami ni Joanne? Do you really love
me?” I sighed.

“I do JC. Alam kong alam mo na mahal kita and I know too that you love me. You
care for me but I can feel that you love her more than you love me. And I am not
that selfish na ipagkait sa inyo ang kaligayahan niyo JC. Ang pagkabuo ng
pamilya niyo.” Sheet! ang bait ko talaga!

“Fille…What the!!!” Biglang nagbrake si JC at napamura. Muntik na din ako masubsob


sa dashboard. Salamat sa seatbelt. Paano kasi may isang sasakyan na bigla na lang
tumigil sa harapan namin. Hindi pa kami nakakarecover sa shock nung bumaba ang
apat na lalaking sakay ng sasakyan. They are all wearing black pero na focus ang tingin
ko sa mga dala nilang baril. Kinabahan ako bigla. Ito na ba ang katapusan ko? Lord,
wag naman po sana. Hindi pa ako nag aasawa at ni wala pa akong anak.

Maya maya tinutukan nung isang guy si JC at pinabubuksan ang pinto.

“Just calm down okay?” Tapos dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse.
Nanginginig ako sa takot. Sino ba naman ang hindi?

“JC…”

“Everything will be alright Fille.”

“Bumaba ka na dyan Cariño.” BUmaba si JC sa kotse at pinalakad siya papunta sa


kotse na nangharang sa amin.
“Paano itong babae?” Pagkasabi nung isang lalaki , tumalikod yung isa at pumunta sa
starex van kung saan pinasakay si JC. Maya maya may bumaba na isang lalaking
nakasumbrero at nakashades at sumampa sa driver’s seat. PInaandar niya ang
sasakyan ni JC.

“Saan mo po ako dadalhin? Maawa ka sa akin.” Tapos inalis nung lalaki ang
sombrero at shades niya.

“Wala kaming gagawing masama sayo. Kay relax ka lang Miss…” at tumingin siya
sa akin. Hindi ko lang alam kung sino ang mas nagulat sa amin. Pero sabay na nanlaki
ang aming mga mata.

“Angela!!!?”

“Johann!!!?”

Chapter 43

OCA’s POV

PInasakay ako sa isang van after kaming harangin ni Fille. Inside I saw Paolo and
Johann at ang iba pa nilang kasama na mga goons. Goons nga ba? Sindikato ba ang
mga kapatid ni Joanne? Mafia? Yakuza?

“Hi JC.” Ngumiti at nagwave pa sa akin si Paolo. Sa pogi ng dalawang to di mo


aakalain na mga sindikato sila.

“Anong ang ibig sabihin nito Johann?” Sana naman wag niyang sabihin na murder.
Ayaw ko pang mamatay. Di ko pa nasisilayan ang anak ko.
“Kidnapping.” Johann said seriously.

“Kidnapping?”

“Kidnapping. According to Mr. Webster, is to seize and detain or carry away by


unlawful force or fraud and often with a demand for ransom.” And Paolo laughed.

“Bakit niyo ginawa to? Anong gagawin niyo sa akin? Anong gagawin niyo kay
Felize?Ano ang kasalanan ko sa inyo?”

“Calm down JC. Naninigurado lang kami.”

“Anong naninigurado?”

“Alam mo naman na siguro na bukas ikakasal na si Joanne at si Dave.”Nagulat pa


din ako sa sinabi ni Johann. It’s different hearing it from the office at iba kung mula
mismo sa mga kapatid ni Joanne. “Ayaw namin na makakasagabal ka sa kasalang
magaganap.”

“Paanong sagabal?”

“Baka kasi bigla ka na lang sumulpot sa kasal at ipatigil to. Ayaw naming
mangyari yun. Don’t worry pagkaalis na pagkaalis nila ni Joanne at Dave for their
honeymoon, we will set you free.”

“Tama! Kay easy ka lang pareng JC. Wala kaming gagawin masama sayo.
Idedetain ka lang namin for 2 days tapos you are free. Iniisip lang namin
kaligayahan ng kapatid namin.”

“Are you sure that she will be happy with Dave?”


“Of course.”

“Sir, paano po yung kasama niyang babae?” Bumukas ang van at sumilip ang isa sa
mga kasamahan nila Johann at Paolo. Nung sinabi niya yun tsaka ko lang naalala si
Felize. Masyado akong nagulat sa kaalamang magpapakasal na si Joanne sa ibang
lalaki na hindi ko naalala si Felize.

“Ano ang gagawin mo sa kanya?”

“Siyempre pauuwiin din namin after 2 days. Pahiram muna ng kotse mo JC.” And
Johann went out of the van at pumunta sa kotse ko. Tangna! I never thought that they
are capable of doing this. Pati yung ibang tao nadadamay.

“Pare, pasensiya na umabot pa sa ganito. We just wanted our sister to be


happy.” Tumahimik lang ako. Obvious naman ang sinasabi ni Paolo. I cannot make
Joanne happy. Ibang lalaki ang makakapagbigay sa kanya ng kaligayahan. Matagal ko
nang alam yan. Eversince that fateful day na umalis ako sa farm ni Joanne, narealize ko
na na hindi ako ang makakapagpaligaya sa kanya. Hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko
sa kanya. Pride na kung pride but a man just can’t handle too many rejections. Ilang
beses na ba akong nagpropose but she declined. And then bumalik ang ex-bf niya and
after a week they are getting married. Hindi pa ba yun sapat na rason para masabi ko
na that Joanne didn’t really want me? I have been stubborn for the past 8 years. Pinipilit
kong siya ang gusto ko at ginawa ko na ang lahat just to have her. I have been a
stalker, a player, a maniac, a user, a liar, an actor at kung ano ano pa just to get her
attention. Just to have her notice me. Maybe, this is the time for me to really accept the
fact that she’s not really meant for me. I don’t want to go to the point that I will be
begging her to love me. Baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko pag ginawa ko yun.
Tangnang kupido kasi yan, bakit ba kasi nung pinana niya ako diniin pa niya ang sibat
para lalong bumaon?

“Woah!” My thoughts was interrupted dahil biglang napahalakhak si Paolo habang


binabasa ang text message. “Tingnan mo nga naman oh! Pagkakataon nga naman.
Tsk tsk! JC wag kang mag-alala si Angela.. este si Felize, si Johann na ang bahala
sa kanya. Hoy ano pa tinutunganga mo dyan? Nakakasagabal tayo sa daan.”

“Opo sir.” Isa pa ang pinagtataka

ko, bakit may mga tauhan sila Paolo at Johann? May private army sila? Sindikato sila?

I heard Paolo chuckled. AT nagulat ako sa sinabi niya. “Hindi kami sindikato at wala
kaming private army. Talaga naman. To the highest level ang imagination mo
JC.” At tumawa ulit siya. Nababasa niya ang nasa isip ko?

“Hindi ko nababasa! Malakas ka lang talaga bumulong.” At nagkatawanan silang


lahat. Amputs! Bumubulong ako?

After mga isang oras na byahe nakarating kami sa isang bahay na mukhang resthouse.
Alam kong nasa tagaytay pa rin kami. Kasi naman hindi man lang ako piniringan at
kitang kita ko ang daan. Pagdating namin doon, tinuro sa akin ni Paolo ang room ko at
sinabihan ang mga kasamahan niyang bantayan ako. Mga 8 tao ang nakabantay sa
akin. Hindi man lang ako tinali o ano. Basta ang alam ko lahat ng kasama nila may mga
baril. At ang choice ko kung gusto kong tumakas is either tatalon sa bangin or dadaan
sa harapan ng bahay.

Fast forward….

The next day. Tanghali or hapon?. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko na
ikkwento ang mga nangyari pagdating namin dito. Kasi ang alam ko pagdating namin
dito pinainom ako ng kape ng katiwala dito sa bahay at ngayon lang ako nagising. I
was drugged. Tangna. Kaya pala hindi man lang ako tinali o ano. May plano pala akong
patulugin. Takte talaga. Kung hindi pa ako nagutom hindi pa siguro ako magigising,

“Tulog pa rin?” I heard the voice of Paolo from outside the room.

“Oo. Ilan bang sleeping pills pinalagay mo at ganun makatulog? Akala nga namin
patay na eh.”

“Sakto lang. Bro, ano ba! Tama na yan! Takte naman! Malelate na tayo! Mamaya
mo na problemahin yang puso mo! May kasal tayong pupuntahan.” Biglang
sumikip ang dibdib ko pagkarinig ko ng kasal. So ngayon na ang kasal? Ngayong oras
mismo?

“Wag ka ngang atat dyan Pao! May isang oras pa. 10 minutes lang mula dito ang
simbahan.”

“Mabuti na yung maaga! Anong gusto mo tayo pa ang hintayin ng bride at ng


priest?”

“Hay naku! Ang kulit! Tara na nga!”

“Eslibhedek! Uchichuwa! Bantayn niyo yang si JC ha! Siguraduhin niyong di yan


nakakaalis hangga’t di natatapos ang kasal. Okay?”

“Okay po sir!”

“Paggising niya pakainin niyo. Baka mamatay sa gutom eh.” So the church is only
10 minutes from here. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Johann at
Paolo.

“O gising ka na pala JC. Papadalhan ka na namin ng pagkain dito. Dito ka muna


ha! Behave ka muna dito at kami ay may kasal pang pupuntahan.”
“Talaga bang hahayaan niyong makasal si Joanne sa bakulaw na yun?” Johann
cleared his throat while Paolo suppressed his laugh.

“We don’t have a reason to stop the wedding JC. How about you? Ikaw ba may
rason para pigilin ang kasal?” Johann asked me. May rason nga ba ako?

“No. Hindi ko pipigilin ang kasal.”

“Okay then. AAlis na kami. Ipapahatid na lang namin dito ang pagkain mo.” AT
lumabas na silang dalawa sa kwarto at umalis. Iniwan nila ako sa bahy na yun na
naguguluhan.

…..
I heard the church bell. By now, siguro nagsisimula na ang kasal. Hindi ako mapakali.
Kanina pa ako paikot ikot sa room. 10 minutes from here? Pwedeng pwedeng takbuhin.
Mahigit isang oras na lang Joanne will change her name. When I was in college I used
to write her name alongside mine.Joanne Phoebe Z. Cariño. Bagay di ba? Pero sa
ngayon mukhang malabong mangyari kasi iba ang papakasalan niya. Joanne Phoebe
Z. Madlangpeople. Ang bantot. Pero hahayaan ko ba? Ganun ganun na lang ba yun?
Kaya ko ba talaga siyang I give up ng ganun ganun na lang? Hahayaan ko bang ibang
tao ang kikilalaning ama ng anak ko? Can I live with that? Makakaya ko bang makita
siyang ibang lalaki ang nakayakap sa kanya?

Sh!t!

Pero paano kung ayaw niya talaga sa akin?

Corrs: don't let go oca please


Yellie: Wtf Oca?!

Veejay: Hala sige Oca, magsoul searching ka. Haha. Hanapin at buoin mo ulit ang
sarili mo na nawala dahil nilamon na ng pagmamahal mo kay Joanne ang buo
mong pagkatao. Pero! Wag mong kalimutang bumalik.

Tapos eto naman kasing si Oca napakadaming pakulo sa buhay. Hayy sana
naman sa ending magkaayos na kayo, kahit dun na lang.

Milkagirl: bakit ganun oca? naghintay ka ng 8 years at nagawa lahat ng kalokohan


sa mundo para lang makuha si joanne pero ilelet go mo na lang siya basta basta?

Raice: aagfksafhk! Kainis ka Oca! Bakit ka sumuko? Ang gusto lang naman ni
Joanne ay time. Pero di naman ibig sabihin nun e it's over na. Ang slow mo
naman Oca e! Pssh.

Xopaw16 (sorry sis nakalimutan ko name mo.):aww ..


oca my labs naman ..
time lang daw kelangan ni joanne oh ..
wag kang mag give up

j.s.y: Oca! How could you...!?!? Huhu, bat ka na gumive up ? Oca, di pa huli ang
lahat. Bawiin mo, please!

Janee_bravo:Miss ko na ang Oca na super love ko.


Hari nawa'y magbalik siya

Regiereg:Ha! take that Oca! Pero nga naman nasasaktan rin naman si Oca sa
nangyayari ngayon at kahit noon. Sus kayong dalawa tigil tigilan niyo nga yung
pride niyo.
Altamira:UGH! Oca, nakakainis. :[ Bakiiiiiit!? Wawa naman si Joanne. Bahala ka,
pag ikaw..... Ikaw rin magsisi.

Naiadde:HAHA. That's what you get Oca! Sino bang nag give-up? Di ba ikaw?
Tapos babalik balik ka ngayon. Kung hindi man ipangalan sa'yo ni Joanne
yung anak nya deserve mo yun. Kasalanan mo yan. Hindi naman sinabi ni Jo na
hindi ka na nya mahal e, naguguluhan lang sya nun pero pinili mong umalis.

Kung hindi mo kaya yung condition ni Jo, mabuti pa ngang si Dave nalang ang
kilalaning tatay ng anak nya. At least si Dave marunong maghintay at mahal
talaga si Jo.

Sweetmit08:Ayan. Suffer the consequences Oca.


Simple lang naman ang dapat mong sabihin kay Joanne eh, "I love you. Will you
marry me?"
Tapos na problema mo. Kaso pareho kayong mapride. Wala kayong
mapupuntahan niyan.

Jane, sexytary:Holy crap Oca. Just go marry Felize nang matigil na ang
kalokohang to!
Joke lang. Suyuin mo kasi! Wag mong daanin sa dahas! Kakaloka ka.

Devil jazmin: oca ano ba?? your such a stupid @s$hole.. .grrrr!!! i hate you!! kung
dati, i love you so much now i loathe you!! grrr.. nakakainis ka na talaga... .

Yanyan:Oca, I hate you! Ano to: "I’m letting you go Jo. I’m sorry for all the trouble
I’ve caused you. God knows how much I love you. Take care of yourself. Take
care of our baby. " ( Nakaasar ka! Gusto kitang sabunutan! HETCHU!

Oca, anong friend ka dyan! Nakakaasar ka talaga! Tumataas yung BP ko dahil


sayo! Na-ffrustrate ako! >.<

Iris: Baket banaman kasi kailangan pahirapan ang mga sarili natin? Alam naman
natin o kayo na gusto nyo naman ang isa't isa tapos nagiinarte pa kayong may gf
yung isa ikakasal yung isa? Aba mga pitung put pitong pitung tupa naman oh.
Naglolokohan lang ba tayo dito?

Princesszaii: Oca tama si Felize! love mo pa sa Joanne kaya ka ganyan.


pinapahirapan pa kasi sarili e. HAHA,

Lyssapearl:Oca naman eh! Sana naman cnagut mu cya nde yung sinasakatan
mu! mahal mo naman c Joanne, mahal ka din nya! ampf ka naman eh! para kang
ewan
Mauunahan ka pa ni Dave,,

nu byan.. kelan lan glit ako sau ah ay nde! galit pa din ako!!!!

Xhalve017:”waah~ update na pu. .ate lily. .hehe. , excited na talaga me. .hehe. .

Author: Oca, wala na akong sasabihin nasabi na nilang lahat. Nahirapan pa nga
ako sa pagbackread mula chapter 37. (pasensiya na kung yung sa iba hindi ko na
sinama. Sobrang daming comment kasi) So ikaw na ang bahala kung ano ang
gagawin mo. Basta ito ang pakakatandaan mo, walang loser na bidang lalaki sa
mga stories ko.

And with that, I went out of the room at tumakbong papuntang front door. Mabuti
naman at wala ang nagbabantay, saan kaya sila? Teka, bakit ko pa ba alalahanin
yun? Baka mahuli pa nila akong tumatakas. Pagbukas ko ng main door mabilis
akong tumakbo papuntang gate. Nung bubuksan ko na ang gate.

“Hoy saan ka pupunta!” Tapos nagpaputok siya. Tumakbo pa din ako. Bahala na
kung mamatay man ako, mamamatay rin naman ako kung magpapakasal sa ibang
lalaki si Joanne.

“Mga pre habulin natin. Pag nakatakas yan at nagulo ang kasal yari tayo sa
kambal.” Tapos nakita kong nagtatakbuhan sila para habulin ako.

“Barilin na lang natin pre.”

“Wag! Sayang ang fes! At sabi nila kambal illegal detention lang daw, hindi daw
murder”

Mga 5 minutes na akong tumatakbo nung makita ko ang isang building na parang
maliit na chapel. It was decorated by flowers. Alam kong iyon na ang simbahan
na sinasabi nila Johann kaya binilisan ko pa ang takbo. Hinihingal na ako. Nang
makarating ako sa tapat ng pinto ng chapel, napatigil ako. Lumingon ako sa mga
humahabol sa akin. Tumigil din sila sa di kalayuan.

Tiningnan ko ang loob ng simbahan. Kakaunti lang ang guest. Less than a
hundred. Then my eyes focused on the two individual sa harap ng altar. Nakaupo
silang dalawa at nakaharap sa pari. The girl is wearing an all white gown. Sumikip
bigla ang dibdib ko.
Then I heard the words that almost killed me.

“…as your lawfully wedded husband, for better for worse, for richer for poorer, in
sickness and in health, till death do you part?” Hindi ako makahinga. Naninikip
ang dibdib ko. Parang hinihiwa. Parang feeling ko mamamatay ako anytime.

“Yes, Father I…”


“Itigil ang kasal! Tangna!” I shouted as loud as I can. Parang slow motion
napatingin ang lahat sa akin.

Chapter44

"Itigil ang kasal! Tangna!" I shouted as loud as I can. Parang slow motion napatingin
ang lahat sa akin.

Tapos narinig ko ang mga bulung bulungan!

"Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ka?" I heard Johann shouted.

Hindi ko siya pinakinggan. Kailangang hindi matuloy ang kasal. Hindi ako makakapayag
na sa ibang lalaki magpakasal si Joanne. Hindi ako makakapayag na bantot ang
pangalan na dadalhin niya.

"Jo, I looked at the girl na nasa altar. Hindi pa rin siya nakaharap. Please.... You can't
marry him. Hindi ka pwedeng magpakasal sa isang bakulaw. Hindi ako makakapayag!
Father, hindi mo sila pwedeng ikasal! Ako ang ama ng batang dinadala ng bride. Sa
akin siya dapat magpakasal."

"Hijo, hindi rason ang pagbubuntis ng babaeng ito para kayo ang magpakasal. Kung
nagmamahalan sila..."

"Hindi nga sila nagmamahalan father. Kami ang nagmamahalan. Nakikiepal lang ang
lalaking yan. Kararating niya nga alng tapos nakikiepal pa!"

"Jo! Magpapakasal ka ba talaga sa bakulaw na yan? Sorry. Sorry na kung nasaktan


man kita. Sorry if I have been a jerk. Gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako at
wag ka lang magpakasal sa bakulaw na yan. Hindi ako papayag na ikasal ka sa ibang
lalaki. Hindi ko kakayanin Joanne. Mamamatay ako. Please, parang awa mo na.
Hinding hindi na ako magsisinungaling sayo, susundin ko ang lahat ng gusto mo.
Promise. Kahit hindi mo ako mahal. Hayaan mo lang na mahalin kita. Kayo ng anak
natin. I love you so much, hindi ko kayang mawala ka. Pleaase Joanne!" Hindi ko
namalayan na nakaluhod na ako sa sahig and tumutulo na ang luha ko. Pero kahit
ganito na ang itsura ko wala pa din akong pakialam.
"Kung ayaw mo talaga sa akin, kung ang lalaking yan na ang mahal mo, sige papayag
na akong magpakasal kayo, pero sana isipin mo muna. Pero kung buo na talaga ang
loob mo na magpakasal sa kanya, sabihin mo lang sa akin. Aalis ako ngayon din sa
harap mo at hahayaan ko na kayo. Sabihin mo lang na yun ang gusto mo. Sabihin mo
lang na siya na talaga ang mahal mo at hindi mo na ako mahal. Kahit gaano kasakit
tatanggapin ko. Mahal kita eh. Mahal na mahal..." I suppressed a sob. Hindi ko akalain
na ganito kasakit pala. Hindi ko akalain na ganito pala mabaliw sa pag ibig.

"Father proceed with the ceremony. Hayaan mo na siya." I heard Joanne say to the
priest.

"Nooooooooooo!!!!!" Tumayo ako bigla at akmang susugurin sila Joanne sa altar nung
may nagsalita.

"What a scene, Oca. You don't have to do that you know." Napanganga ako upon
seeing her emerge from the front row. Not wearing a wedding gown but wearing a
purple gown with her bulging tummy. She is walking gracefully towards me. She is
smiling yet there were tears in her eyes. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero
natutulala ako sa kanya. Kung hindi siya ang ikakasal, sino ang nasa altar?

"Kailangan ba talagang mag iskandalo?" She is still smiling. I can't believe it!

"Hindi ikaw ang ikakasal?"

"Nope."

"Kung hindi ikaw sino??"

Then tumingin sa akin ang nasa altar.

"Hi Sir JC." Bungisngis ni Anya!

"Anya?"

"Hi future brother in law. Got you there!" And he winked.


"Paolo?" Tapos tumawa ang dalawang ikakasal. Pati ang pari tumawa. Pati ang mga
guests tumawa. Pati si Joanne tumawa. Pati ata ang mga ibon sa paligid tumatawa.
Kinamot ko ang ulo ko. Damn!

"Did I just make a big fool of myself in front of everyone?"

"Yes you did. Pero wala namang nakakahiya kung gagawin mo yun ng dahil sa pag ibig.
Hindi naman masama kung magpakatanga minsan dahil sa pag-ibig." My heart swell
with what she said. Niyakap ko na lang siya bigla. She hugged me too. Then I heard her
sniff.

"Oh bakit ka umiiyak?" Hinarap ko siya sa akin and brushed her tears.

"Wala lang. Ang gago mo lang kasi. Kaya mahal na mahal kita eh." Tapos humagulgol
siya bigla sa harapan ko. Niyakap ko lang siya.

"Awwwwww!" I heard the guests say.

"Tara na nga! Nakakahiya na tayo. Father ituloy mo na ang kasal. Sorry, wrong
wedding." Tapos nagtawanan lahat.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa detetntion cell ko. Idedetain din kita. Ikukulong kita sa puso ko at sa buhay ko. Para
di ka na makawala."

"Ang cheesy mo na!" She said half, crying, half sobbing and half laughing.

"Mahal kasi kita."

Epilogue

Forever's Not ENough

If I would have to live my life again


I'd stay in love with you the way I've been
Your love is something no one ever can replace
I can't imagine life with someone else

Naglalakad pa lang ako sa aisle ng simbahan, tumutulo na ang luha ko. Kasabay ng
paglalakad ko kinakantahan ako ni Sarah Geronimo ng Forever’s Not Enough. Si Oca
ang pumili ng kantang yan. Dahil daw ang kantang ang nagsisymbolize ng pagmamahal
niya sa akin. Alam ko ang cheesy pero ganun naman talaga di ba? Kung nagmamahal
ka wala kang pakialam sa mundo. Kung ano man ang sabihin ng ibang tao. Kahit nga
magmukha ka nang tanga, wala ka pa ring pakialam. Lahat nga siguro ng taong totoong
nagmahal ay nagiging tanga (ang slight lang ha, ang tolerable). Hindi na maipagkakaila
yun. Siguro nga hereditary ang pagiging tanga sa pag-ibig. Isipin mo na lang ang
parents natin. Nung pinili nila ang isa’t isa, wise decision ba ang ginawa nila? Masasabi
ba nilang perfect ang mga partner nila ngayon? Wala bang flaws? Perfect ba ang pag
uugali? Di ba hindi naman? Pinili nila ang partner nila dahil sa kanila sila sasaya. They
have accepted all the flaws and weaknesses of their partner because only their partner
could make them happy. Yun naman talaga ang hinahanap ng lahat ng tao. Ang
kaligayahan. Hindi abundance of everything, hindi highranking position at lalong lalong
hindi world peace. Ang hinahanap ng lahat ng tao ay happiness. Sh!t parang
commercial lang. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi ako magmamahal ng lalaking
may ganitong ugali, may ganyang bisyo, dapat ganito siya at ganyan. Sa pagmamahal,
walang standards at kung may standards ka man naiiba yun pag nagmahal ka ng totoo.
Dati ayaw ko kay Oca dahil mayabang, presko, rough, playboy, happy go lucky, bossy,
antipatiko, suplado, ungentleman, walang modo, manyak, mukhang hindi nagseseryoso
at mukhang walang sense of responsibility at minsan tatlong araw na hindi nagcshave.
Pero ano? May standards changed. And now, mahal ko siya dahil siya ay si Oca. No
more no less. I accepted his flaws and weaknesses and loved him for that. Pag
nagmahal ka, your standard will change to adapt the character of the person you love
and soon you realized that that person is the perfect guy for you.Acceptance.

I promise, I will share my life with you


Forever may not be enough it's true
My heart is filled with so much love
I feel for you
No words can say how much I love you so

Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa harap wearing a 3-piece suit. That guy waited for
me for more than eight years. Sabi nga niya, he may have his share of women, even
bedded most of them but only me captured his heart. Naghanap siya ng iba pero hindi
nahanap ng puso niya ang fulfillment kasi iba ang sinisigaw nito. Marami ang nangyari
sa walong taon na paghihintay niya. Siguro sasabihin ng ibang tao na ang tagal naman
na paghihintay yan. Bakit siya nagtiis? He could have choose other women which is so
much easier for him but still he choose to wait. For me. Patience.

And if forever's not enough for me to love you


I'd spend another lifetime baby,
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough for me to love you so

I brushed my cheeks as another batch of tears fall. Ako lang ata ang bride na
naglalakad pa lang sa aisle, gabalde na ang luha. But I just couldn’t help from crying.
Crying and smiling at the same time. Crying and thanking God because he gave me
Oca. Because He gave us another chance. Because after all the hardships that he’d
been through he still choose me. Am I not lucky? No I am not lucky, I am blessed
because Oca is a blessing. A gift. Because he have proven that there’s nothing he won’t
do just to show his love for me. And I love him for loving me that way. Appreciation.

They say tomorrow seems so far away,


And now we see that everything can change
My love for you gets stronger as tomorrow comes
I know this love will stand
The test of time.
Nung nasa harapan na namin siya, We just looked at each other and smiled. It’s as if
we are telling each other that this is it. Pagkatapos ng lahat, ito na tayo. We maybe
unsure of the future that awaits us but we are sure that we are going to face it together.
We just have to stick with each other and never let go. Faith and Trust.

And if forever's not enough for me to love you


I'd spend another lifetime baby,
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough for me to love you so

“Juan Carlos, take care of our daughter and our grandson. We now entrust them
to you.” My Dad said while handing my hand to Oca. Naiiyak na naman ako when Dad
and Mom kissed me and shook Oca’s hand. I never thought that getting married would
be this tearful. Pinisil niya ang kamay ko when he took it and bring it to his lips. I will
never get tired of loving this man.

For you, there's nothing I can't do


And never will I ever go
Forever's not enough to love you so
But if forever ends one day
I promise you
I'll stay to show you
That my love will never end...

I will never allow you to cry that way again. If you do, it’s because of happiness. Bulong
niya sa akin nung papalapit na kami sa altar.

You are already doing that. We smiled at each other as we faced the priest that will bind
us forever.
And if forever's not enough for me to love you
I'd spend another lifetime baby,
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough to love you so

And if forever's not enough for me to love you


I'd spend another lifetime baby,
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough for me to love you so.

Ahem, ahem, ahem. Everybody laughed nung tumikhim si Oca at kinuha ang
microphone. We have just finished exchanging our wedding vows and Oca wanted to
say something. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya basta ang alam ko lang
nakangisi siya. Yung nakakalokong ngisi niya and by the looks of him, he is up to
something.

Babe, kung nakakalimutan mo may kontrata pa tayong hindi natatapos. Biglang lumaki
ang mga mata ko sa sinabi niya. At may utang ka pang 50,000 pesos sa akin. Tapos
tumawa siya ng malakas. Kung mararapatin mo, I would like to entend that contract,
however, I made some changes to it and I hope you would agree. He winked at me and
took a piece of paper from his breast pocket. These are the changes,

‘Article 4. Love is not only during the fertile period of the employer. Beyond that date,
the employee could not demand for a love anytime.’

Tumawa ang mga guest namin. Ang gago talaga ni Oca kahit kelan. Pati ba naman ang
kontrata namin inuungkat.
‘Article 8: The employee cannot enter into a relationship with other girls on the duration
of the contract. Doing so, will result to the dissolution of this agreement and the
employer have the option of not paying the employee or paying him in partial based on
her generosity.’

‘Article 9: As payment for the employees services, the employer could bear him children
and love him completely. In return, the employee promised to love and serve the
employer unconditionally.’

‘Article 10: This contract has no expiry.’

Pumalakpak ang mga guest pagkatapos ng kacheesyhan ni Oca. Pati ang priest
napapangiti sa kanyang kalokohan.

Agree?

May magagawa ba ako?

Wala. And he grinned. He then suddenly pulled me and kissed me. Nagpalakpakan
naman ang mga tao.

“Ehem, ehem. Hindi pa tapos ang kasal.”

Father naman. Formality na lang yun. Kita mo naman may anak na kami na inip na inip
na sa tagal ng ceremony. And he pointed at baby JP na umiiyak habang karga karga ni
Mari. He is now 3 months old. Hinintay muna namin makapanganak ako bago kami
magpakasal. Ayaw kong magmartsa ng lumulubo ang tyan.

“O siya siya. I now pronounced you husband and wife. You may now kiss the
bride.” And he willingly obliged. Mindless of all the guest. We stared at each other.
Mahal na mahal kita Joanne Phoebe Zamora Cariño. Kahit ilang walong taon pa ang
hihintayin ko, maghihintay pa rin ako para sa'yo. Thank you for loving me back.

I love you too Juan Carlos Cariño. Thank you for patiently waiting and loving me.

And my heart just couldn't help but swell with love for this man.

End

Maraming maraming salamat po.

You might also like