You are on page 1of 2

Paksang Aralin: Nobela

MELCS 2 F9PN-Ic-d-40
Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahan batay sa nabasang bahagi ng nobela.
A. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. Sarili sa binasang nobela (F9PB-Ic-d-40).
B. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda (F9PT-Ic-d-40).
C. Nagagamit ang mga pahayag na ginamit sa pagbibigay ng opinyon (sa
tingin/akala/pahayag/ko, iba pa) (F9WG-Ic-d-42).

1. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na hinati-hati sa mga kabanata.


(remembering, easy)
a. dula b. nobela
c. maikling kwento d. alamat
2. Ito ay pagpapahayag na kinapapalooban ng sariling pananaw sa pagsasabi ng saloobin o
damdamin hingil sa isang bagay. (remembering, easy)
a. katotohanan b. opinyon
c. pangangatwiran d. konklusyon
3. Ito ay pagpapahayag na kinapapalooban ng batayan at malinaw na ebidensya. (remembering,
easy)
a. katotohanan b. opinyon
c. pangangatwiran d. konklusyon
4. Alin sa mga pahayag ang hindi katangian ng isang nobela? (applying, average)
I.. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
II. mapanukso at naglalaro lamang sa pagkukwento
III. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili.
IV. hindi magkaka-ugnay ang mga kwento sa bawat kabanata.
a. I at III b. II at IV
c. III at IV d. I at IV
5. “Lalabas ba ako o hindi? Sobrang lakas ng ulan at nakita ko sa balita kanina na may
paparating na bagyo, baka magkasakit ako” tanong ng gulong-gulo na si Rose. Anong
tunggalian ang sumasalamin pahayag? (analyzing, average)
a. tao laban sa sarili b. tao laban sa lipunan
c. tao laban sa tao d. tao laban sa kalikasan
6. Ang labanan sa pagitan ng bida at ng kontrabida ay isang halimbawa ng tunggaliang ano?
(understanding, average)
a. tao laban sa sarili b. tao laban sa lipunan
c. tao laban sa tao d. tao laban sa kalikasan
7. Si Lexi ay isang lesbian ngunit magaling na imbentor. Ang kanyang bagong imbinsyon na
kayang pa andarin ang mga sasakyan kahit walang gasolina ay hindi tinanggap ng kanyang
bansa sapagkat siya ay kabilang sa ikatlong lahi. Anong tunggalian ang sumasalamin
pahayag? (analyzing, average)
a.tao laban sa kalikasan b. tao laban sa sarili
c. tao laban sa tao d. tao laban sa lipunan
8. Tinangay ng matinding hangin ang bubong nina Aling Nena dahilan para mabasa lahat ng
kanilang gamit sa loob ng bahay. Anong tunggalian ang sumasalamin pahayag? (analyzing,
average)
a. tao laban sa kalikasan b. tao laban sa sarili
c. tao laban sa tao d. tao laban sa lipunan

Nagkwento si Gatsby kay Nick tungkol sa naging relasyon nila ni Daisy limang taon na ang
nakaraan. Bilang opisyal ng isang army, nakilala niya at nahulog ang kalooban niya kay Daisy, ilang
buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maging sila ng dalaga ay napilitan siyang umalis upang
makipaglaban. Matapos ang dalawang taon, pabalik na sana siya sa piling ng dalaga nang malaman
niyang nagpakasal na ito sa isang binatang nagngangalang Tom.
-sipi mula sa nobelang Ang Magiting na si Gatsby
9. Ano kaya sa iyong palagay ang naging takbo ng kwento nina Daisy at Gatsby kung hindi siya
umalis para makipag laban? (evaluating, hard)
I. Maaaring magkarelasyon pa rin sila ni Daisy.
II. Matatanggal siya sa pagiging sundalo.
III. Maaaring sila ay kasal na.
IV. Hindi pa rin sila magkakatuluyan.
a. II at IV b. IV lamang
c. I at II d. II lamang
10.Sa iyong opinion sa ginawa ni Daisy na pagpapakasal kay Tom habang sila pa ng binatang si
Gatsby, ito ay nangangahulugan lamang na ano? (evaluating, hard)
I. Hindi minahal ni Daisy si Gatsby.
II. Hindi na nakapag-antay ang dalaga.
III. Inakala ng dalaga na hindi na muli pang babalik si Gatsby.
IV. Lahat ng nabanggit.
a. IV b. I
c. II d. III

Nang sumunod na araw ay binaril at pinatay ni George si Gatsby at isinunod niya ang kanyang
sarili. Sinubukan ni Nick na humanap ng taong makikipagluksa sa burol ng binata, ngunit ni isa ay
walang nais pumunta. Ang lahat pala ng mga taong pumupunta sa bahay ng binata tuwing nagdaraos
siya ng kasiyahan ay pawang mga mapagkunwari lamang. Wala man lamang may nais pumunta
sa burol niya. Ang ama ni Gatsby ay nagtungo sa burol ng anak at nagmula pa siya sa Minnesota.
Ipinakita niya kay Nick ang mga plano ni Gatsby kung paano magiging matagumpay pagdating ng
panahon bagama’t napakabata pa niya nang isinulat niya ito.
-sipi mula sa nobelang Ang Magiting na si Gatsby

11.Sinubukan ni Nick na humanap ng taong makikipagluksa sa burol ng binata, ngunit ni isa ay


walang nais pumunta. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito. (evaluating, hard)
I. Mapagmahal si Gatsby.
II. Lahat ay nagkukunwari lamang sa kanya.
III. Hindi siya gusto ng mga tao tanging yaman lamang niya ang gusto nila.
IV. Wala nang masayang pagtitipon.
a. I lamang b. II at III
c. I at IV d. IV lamang
12. Sino lamang ang kaisa-isang tao na nagtungo sa burol ni Gatsby?v (remembering, easy)
a. ang kanyang kaibigan na si Nick b. si Daisy
c. ang kanyang ama d. si Tom
13.Sino ang bumaril kay Gatsby? (remembering, easy)
a. George b. Tom
c. Nick d. Daisy

You might also like