You are on page 1of 1

MAIKLING KUWENTO (13 items)

(Analyzing)
1. Bakit kailangang gumamit ng pang-ugnay sa pangungusap?
I. upang maging masining III. upang mas maging malinaw ang mensahe
II. upang maging makabuluhan IV. upang maging magkakasunod ang mga salita
a. I, II at III b. I at II c. III d. IV
(Applying)
2. Ano ang pang-ugnay na maaaring gamitin sa pangungsap?
Siya ay nagtagumpay ____________ kanyang pagsisikap.
a. dahil sa b. kaya c. saka d. samantala
(Understanding)
3. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap? “ Si Bb. Lyn ay mapagmalasakit na guro.”
a. pangatnig b. pang-ukol c. pang-angkop d. pananda
(Understanding)
4. “ Sinubukan ng mga gurong tulungan si Mark subalit sa katagalan ay sumuko na ang mga ito at nawalan ng pag-
asang mabago si Mark” Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap?
a. mga b. ito c. subalit d. si
(Analyzing)
5. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga pang-ugnay na maaaring gamitin sa pangungusap.
“Nagpursigi si Bb. Lyn _______ mahikayat si Mark na ipagpatuloy ang buhay _______ maraming pagsubok.
_______ naman sa huli nakita ni Mark ang tunay na kahalagahan _______ buhay.”
a. na, kahit, kaya, ng b. upang, kaya, kahit, na c. ng, kaya, kahit, na d. kaya, subalit, kaya, ng
(Remembering)
6. Ito ay isang paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa isang salita kung saan tinutukoy nito ang ekstrang kahulugan
na ikinakabit sa isang salita depende sa intension ng nagsasalita.
a. Denotatibo b. Konotatibo c. Klino d. kasingkahulugan
(Understanding)
7. “Nagkaroon ng liwanag ang buhay ni Mark dahil sa tulong ni Bb. Lyn.” Ano ang ibig pakahulugan ng salitang
may salungguhit?
a. Pag-asa b. pagsubok c. ilaw d. wala sa nabanggit
(Understanding)
8. Sa pangungusap na, “Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga.” Aling salita ang may
dalawa o higit pang kahulugan?
a. araw b. sisikat c. umaga d. lahat ng nabanggit
(Analyzing)
9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng konotatibo, MALIBAN sa ___________.
I. Krus – pasanin III. Larawan – katangian
II. Bituin – liwanag sa kalangitan IV. Bunga – resulta
a. I b. III c. I at II d. II
(Evaluating)
10. Ang denotatibo ay ang literal o totoong kahulugan ng mga salita. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
halimbawa ng denotatibong pagpapakahulugan.
a. Nagkaroon ng liwanag ang buhay ni Mark dahil sa tulong ni Bb. Lyn.
b. Si Mark ay palaging lutang sa tuwing magkaklase si Bb. Lyn.
c. Natuwa si Bb. Lyn nang binigyan siya ni Mark ng bulaklak bilang pasasalamat.
d. Wala sa nabanggit
Para sa aytem 10-13
Malimit na nadadala sa guidance office si Mark. Palibhasa’y natutulog sa klase, hindi nagpapasa ng proyekto at hindi gumagawa ng
takdang-aralin. Sa paulit-ulit na gawaing ito, nawawalan na ng pag-asa ang mga guro na magbabago pa ang mag-aaral. Ngunit may
isang taong hindi sumusuko, si Bb. Lyn. Humingi siya ng payo sa mga kasamahan higit lalo sa kanilang guidance counselor.
Halaw sa akdang “Si Mark at ang Guro” ni Jeneilyn SA. Aquino
Mula sa Filipinon 9 Modyul1

(Analyzing)
11. Humingi ng tulong si Bb. Lyn sa kanyang mga kapwa guro lalo na sa guidance counselor ng kanilang paaralan
kung paano nga ba niya matutulungan si Mark. Ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig na si Bb. Lyn ay
_________.
a. Malupit na guro b. mapagmalasakit na guro c. mahusay na guro d. pala-utos na guro
(Analyzing)
12. Ano ang kulturang Asyano ang maaaring masalamin sa binasang teksto?
a. Pagiging matulungin sa kapwa. c. Pagiging mapagbigay
b. Pagiging masunurin d. Pagiging madasalin
(Understanding)
13. Ang salitang may salungguhit ay isang halimbawa ng _________________.
a. Pandiwa b. pang-ugnay c. pang-uri d. pang-abay

You might also like