You are on page 1of 3

KABANATA I

SALIGAN NG PAG-AARAL

A. PANIMULA

Ang pagkakataon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga

mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariing

wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-

ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad

kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.

Gumagamit na din tao ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng

ating wika. Mga halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o

ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng

makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling

gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang

ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.

Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyoa

nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.


B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay upang maipakita ang mga pananaw ng mga mag aaral mula

elementerya, highschool at kolehiyo sa patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng panahon. Ito

ang mga sumusunond na katanungan:

1. Sang ayon ba ka ba na umunlad ang wikang Filipino?

2. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

3. Nakakaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?

4. Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sa pag-unlad ng wika?

5. Sang ayon ka ba sa pag-gamit ng mix-mix o pabalbal na salita?

6. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga nagging dahilan sa pag-unlad ng wika?

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng taosapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipag-komunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat

mamamayan.Ito ay talagang napakahalaga sapagkat kung wala itomaaaring ang ekonomiya ay

hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Kaya ang pag-

aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang malaman

kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita na kanilang kailangang

gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa

kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan.


3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang balikan at ito ay

magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago.

D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL 

Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika noong sinauna

hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag

unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalang-alang, ang dahilan nito ay upang

mapanatili ang kaayusan ng pag-aaral ukol dito.

E. KAHULUGAN/DEPINISYON NG MGA TERMINO

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay

binigyang kahulugan:

Wika = Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,

at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Arkayk = Ay ang lumang tagalog na ginamit bago ang paggamit ng pilipino noong 1974. Ito ay

kinakailangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog gayundin ng mga salitang inimbento ng mga

purista na tila hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.

Ekonomiya = binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho,

puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal,

distribusyon, at konsumpsiyon ng mgakalakal at serbisyo ng areang ito.

•Balbal = o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang

partikular na grupo ng lipunan. tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.

You might also like