You are on page 1of 1

SWAP

ni G. Ruel A. Pelayo

Hiya, kaba, at takot, ilan lamang sa pakiramdam ng isang Ako,

Mararanas mong mangapa sa lugar kung saan di ka naman kabilang

Makisama sa taong sa paligid mo na di ka siguradong tanggap.

Gagawa ng mga bagay na sa palagay mo’y ikakatuwa nila

Ngunit sa pagtalikod mo'y kinukutya ka naman pala.

Gagawa ng gawain na lubusan mong ikinasasaya

Subalit sa paningin nila ay hindi kasiya-siya.

Narito ako nagpapatuloy ngunit isang palaboy.

Palaboy-laboy sa kalye na walang kalatoy-latoy.

Mga tao dito’y pukol ng pukol

Sa isang katulad kong di naman nauukol

Oh! ang buhay isang kulatay na pagsubok

Kung saan akoy nalulugmok tinatratong nabubulok

Nang mga taong sa paligid ko’y nang-uulok.

Mga pangyayaring masaklap sa kanila mo lamang maaapuhap,

Mga bibig na laplap ng laplap di man lang maapulap.

Sa kabila ng lahat pangarap ko ay makaahon sa pagkakasilat

Salat man sa hirap siguradong di sisiyap-siyap.

You might also like