You are on page 1of 1

Isang Mundo, Isang kalaban”

Ang mundo’y ating tinatayuan ay nagbabago, marami-rami narin ang nakaranas


ng pighati, dahil sa pandemyang ito na tinatawag nating COVID-19. Sa mga
nakalipas na taon, 2019-2020, tayong mga tao ay binalewala lang ang virus na ito.
Halos lahat ng bansa ay nalilito kung paano nila lulutasin ang pandemyang ito.
Hanggang ngayon, marami paring mga tao ang na aapektohan nito, at
nakakasalay ang buhay sa ating mga Frontliners. Ang mga ospital ay punong-puno
na ng mga pasyente at nagsara na ang ibang kompanya na baon na sa utang dahil,
sa kakulangan ng kita. Nililimit na ang mga taong pwedeng makalabas sa bahay at
gayun man, dapat naka suot ng face mask at face shield.

Lahat ng tao ang naapektuhan sa COVID-19, bata man o matanda, babae o lalaki.
Dahil sa pandemya, ang pamamaraan ng pagtuturo rin ay bago, sa pamamagitan
ng online learning at modyul, ngunit mayroon mga estudyante na hindi makapag-
aral dahil sa kakulangan ng kagamitan. Ang mga taong may problema sa pera ay
lalo ng naghihirap ngayon dahil nawalan sila ng trabaho. Pero, hindi sila basta
bastang susuko sa labanang ito sila’y nagiging pumaparaan. Ang ibang tao nga
sabi nil ana “dahil sa pandemya ay kumakita na kami ng malaki kaysa noon”at
dagdag pa nila “ang pandemyang ito ay para basbas sa pagkukubli.” Mula sa
sinabi kanina, ang mga tao ay talagan maparaan gusto talaga nilang lalaban sa
pandemyang ito.

Sa halip ng pandemya, ang magagawa natin ay dapat tayong mag -ehersisyo araw-
araw, kumain ng maayos, matulog sa saktong oras at maging maasahin sa mabuti.
Alam natin na tayo ay nasa loob tayo sa bahay, dapat rin natin galawin ating
katawan at kung hindi naman ay hihina na ating mga buto at ang ating kalamnan.
Kailang nating kumain ng masustansyang pagkain araw-araw, umaga, tanghalian,
at gabi. Palagi rin nating isa isip na ang COVID -19 ay isang makakamatay na virus,
huwag nating kalimutan ang mga protokol ng kaligtasan na ipinatupad ng ating
gobyerno ito ay nakakabuti sa lahat. Marami-rami ring tao ang mayroong iba’t
ibang bagay na natutunan, halimbawa ako ay kasulukuyang tinuturuan ang aking
ina paano magluto. Sa panahong ito ay marami na kayong oras na
makipaghalobilo sa iyong pamilya. Importante nating pahalagan ang ating sarili, sa
pamamagitan nito ito rin ay nakakatulong sa paglaban ng pandemyang ito.

You might also like