You are on page 1of 8

ARALIN 5: PAGSASALAYSAY

Ano ang Pagsasalaysay?


● Ang pagsasalaysay ay isang sining na labis na kinagigiliwang gamitin sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.

● Layunin nitong ikwento ang kawil ng mga pangyayari.

● Ito ay maaaring nasa anyong pasulat o pasalita.

● Maaaring hango sa sariling karanasan, nakita o obserbasyon, napakinggan, nabasa o likhang isip lamang
ng may akda.

MGA KATANGIANG NAGTATAGLAY SA ISANG MAGANDANG SALAYSAY

1. Makatawag-pansing pamagat

❖ Ang isang mabisang pamagat ay kumikiliti at gumigising sa kawilihan ng mga mambabasa o makikinig.

❖ Dapat itong maging kawili-wili at nagtataglay ng kapanabikan.

❖ Hanggat’t maari ay maikli lamang at hindi nagbubunyag o nagpapahiwatig ng takbo ng mga pangyayari at
wakas ng kwento.

❖ Dapat ay orihinal at hindi palasak.

2. Mahalaga at makabuluhang paksa

❖ Ang isang makabuluhang paksa ay tumatalakay sa mga bagay na may kinalaman sa pang araw-araw na
kabuhayan, kaugalian at paniniwala ng isa o pangkat ng tao.

❖ May mga paksang tinatawag na unibersal.

❖ Kung ang paksa ay luma na, maari itong magkaroon ng bagong kulay at buhay sa uri at pamaraan o estilo
ng may akda.

❖ Ang isang salaysay na nag-iiwan ng kakintalan sa tao ay may kawili-wiling, makabuluhan at mahalagang
paksa.

3. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga kawil ng pangyayari

❖ Ang pagkakabalangkas ng isang kwento ay siyang nagiging pangunahing batayan ng isang mabisang
pagsasalaysay

❖ Ito ay nakasalalay sa kamay ng may akda.

❖ Ang isang karaniwang balangkas ng kwento ay binubuo ng simula, katawan at wakas.


4. Kawili-wiling simula at wakas
❖ Ang isang salaysay ay dapat na magkaroon ng kawili-wiling salita upang manatili ang kapanabikan.

❖ Gayundin, ang wakas ay dapat na maging mabisa nang sa ganoon ay makaiwan ng kakintalan sa isip ng
mambabasa o tagapakinig.

❖ Upang makamtam ang mga ito, ang may akda ay dapat na maging malikhain at malawak ang guni-guni sa
paglikha ng bisa ng simula at wakas.

A. PAGPILI NG PAKSA
1. Likas na pagiging kawili-wili ng paksa.

Kabilang dito ang mayamang damdaming pantao, lumilikha ng kapanabikan, may naiibang pagtutunggalian,
may katangi-tanging tauhan o tagpuan at ang ukol sa pangangailangan ng tao.

2. Magagamit o makukuhang materyales.

Nangangailangan ang karaniwang tao ng sapat na dami ng mga pangyayaring magagamit upang
makapagsimulang sumulat ng salaysay.

3. Pansariling Kakayahan.

Kailangang ang paksang susulatin ay naayon sa hilig o kahusayan ng manunulat.

4. Pagtatakda ng Panahon at Pook.

Hindi dapat na maging napakalawak ang panahong sakop ng salaysay. Hindi rin dapat na maging
napakarami ang pook na pinangyayarihan ng istorya.
5. Kabagayan.
Alamin ang panlasa ng editor at ang hilig ng mambabasa, isaisip ang napapanahon ng paksa gayon din
kung kanino isinusulat o inuukol ang salaysay.

B. PAGBUO NG PAKSA
Unawain at gamitin ang lahat ng katangian ng mabuting salaysay.
Mga Katangian ng Mabuting Salaysay:
1. Tunggalian. Ipinakikilala muna ng awtor ang suliraning paglalabanan at ang mga tauhan o lakas na
mangangalaban, pagkatapos kailangan niyang pasidhiin ang pagsasalungatan ng mga tauhan.
Gagawing halos magkasinlakas ang mga naglalaban, lilikha ng mga sagabal na wari’y pumapanig sa kontrabida at
lilikha ng pagkabigo sa pangunahing tauhan kaya magbubunga ito ng nagkakapalitang pangamba’t pagkabigo.
2. Kapanabikan. Ang dapat maging bunga ng tunggalian ay lumilikha ng kapanibikan. Nagbibigay ito ng kawalang
katiyakan na mangyayari sa pangunahing tauhan na ang buhay at pakikipagtunggali ay sinusubaybayan ng mga
mambabasa.

3. Kasukdulan. Ang tindi ng kapanabikan ay nasasalig sa tunggalian at ang magkakaugnay na mga kapanabikan ay
nagbubunga ng matinding damdamin ng pagkabahala na tinatawag na kasukdulan.

4. Galaw. Tumutukoy sa bilis ng pagsulong ng salaysay. Mahalaga sa galaw ang wastong paggamit ng mga
pandiwang tiyak na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa:
• Sa halip na sabihing “lumakad”, maaring tiyakin at sabihing “lumundag” , “tumalon”, “sumugod” at
“humigibis” kaya.
• Ang maikling pangungusap at diyalogo ay nagpapabilis sa galaw ng mga pangyayari samantalang ang
mahabang pangungusap at mga tuwirang paglalarawan ay nagpapabagal kundiman ay nagpapatigil sa galaw.
• Tuntunin sa pagsulat ng sanaysay na ang mga pangyayari ay dapat na gumalaw nang pabilis nang pabilis
mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa marating ang kasukdulan.

5. Pag-uugnay ng Sarili sa Tauhan. Nagiging mahalaga sa mambabasa ang salaysay kung magagawa ng awtor na
ang kanyang mga mambabasa ay mag-ugnay ng mga sarili sa tauhan ng salaysay.
Mahalagang magawa ng awtor na buhay at natural ang paglalarawan at nagpapagalaw sa kanyang mga tauhan.Sa
bagay na ito, naipapayong higit sa awtor na gamitin ang di-tuwirang paglalarawan ng mga tauhan, mga pangyayari at
tagpuan. Hayaan niyang ang mga tauhan ang maglarawan sa kanilang sarili at ang mga ito ang magpakita ng
nagaganap na mga pangyayari.
Halimbawa:
• Sa halip na sabihing “Maganda si Nora. Matangos ang kanyang ilong at binagayan iyon ng makipot na bibig
at maninipis na labi.” ay maaring ganito ang sabihin; “Humarap sa salamin si Nora at napangiti ang maninipis niyang
mga labi nang makita niya ang matangos niyang ilong.”
• Hindi lamang nagawang ilarawan ni Nora kundi napakilos pa ito na siyang maglarawan sa kanyang sarili.

MGA URI NG PAGSASALAYSAY


Ayon kina Alejandro Abadilla at mga kasama,
1. Salaysay na Nagpapaliwanag (Expository Narrative)
⮚ Layunin nitong makapagbigay at makapag-iwan sa mambabasa o tagapakinig ng kailangang italang mga
pangyayari.Ginagamit din ito sa paglalahad ng paraan ng isang gawain o ng buhay sa loob ng tiyak na pook
at panahon.
2.Salaysay ng mga Pangyayari (Narrative of Incidents)
⮚ Pagsasalaysay ng mga maliit na pangyayari sa buhay.

3. Salaysay na Pangkasaysayan (Historical narration)


⮚ Nakapagbibigay ng tanawin sa guni-guni.

⮚ Kailangang maging tama at tiyak ito.

⮚ Kailangang maging ngayon ang nakaraan, maging malapit ang malayo.

⮚ Makapagbigay-buhay at kaluluwa ang mga tauhan ng kasaysayan.

4. Kathang Pangkasaysayan (Historical Fiction)


⮚ Buong diing naglalarawan sa pamamagitan ng bisa ng madulang bahagi sa pinagdatnang kasaysayan na
kaugnay ng nakaraan.

⮚ Ang mga tauhan ay inilalarawang kaugnay ng mga makukulay na yugto ng kasaysayan.

5. Saysayin at Alamat (Tale and Legend)


⮚ Ang saysayin ay anumang binibigkas o nakasulat na salaysay.

⮚ Katawa-tawa at naglalarawan ng mga bagay na kahanga-hanga’t puno ng kababalaghan.

⮚ Naghahangad na makaaliw.

⮚ Ang alamat ay may kaugnayan sa mga salaysay na mahiwaga’t matatanda na.

⮚ Naglalarawan ng mga bagay na kahanga-hanga’t puno ng kababalaghan.

⮚ Naghahangad na makapagturo.

6. Pabula at Parabula (Fables and Parable)


⮚ Ang mga ito ay kata-kata lamang o bunga ng malikot na pag-iisip na madalas.

⮚ Nagtataglay ng mga sangkap na kababalaghan at ang hangad ay magturo ng aral sa bumabasa.

⮚ Sa pabula, madalas na hayop ang nagsasalita at gumaganap na tauhan.

⮚ Ang aral o moral sa pabula ay payak at lantad at ang paraan ng pagsasalaysay ay tuwiran.

⮚ Madalas ay walang tanawin o tagpuan at walang paglalarawan ng tauhan.

⮚ Ang pagkagiliw ng mga tao sa pabula ay dahil sa pagiging malapit nito sa sentido-komon at sa karaniwang
karanasan.

⮚ Ang parabula ay karaniwang mas mahaba kaysa pabula.

⮚ Karaniwang bagay ang ginagamit upang maipakilala ang masalimuot na liksiyong moral.
⮚ Katulad nito’y mga ginamit ni Jesus Kanyang pagtuturo, na matutunghayan sa bibliya.

7. Salaysay na Pantalambuhay (Biographical narrative)


⮚ Sa uring ito, unang dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagbibigay-buhay sa paksa upang makapag-
iwan ng malinaw na bakas.

⮚ Kailangang magkaroon ng matalas na pakiramdam ang manunulat, pandama at kapangyarihang


makapagbigay ng kahulugan sa mga pangyayariat karanasan sa buhay ng paksa.

8. Salaysay ng Nakaraan (Reminiscent Narrative)


⮚ May mga taong mahilig magsulat ng bahagi ng kanilang buhay, hindi ng kasalukuyan kundi ng nakaraan.

⮚ Marami ring mahilig makaalam ng mga bakit ng mga bagay ng ibang tao.

9. Salaysay ng Pakikipagsapalaran (Narrative of Adventure)


⮚ Pinakamatandang uri ng salaysay at umano’y pinakaunang ginamit ng tao sa sansinukob lalo na ang mga
taga- Egypt.

⮚ Pinakapalasak na salaysay at siyang kinagigiliwan na malaking bahagi ng mambabasa hindi lamang sa


Tagalog kundi sa iba pang mga wika.

⮚ Ang isang uri ay ang karanasan ng mga mandirigma sa mga lupang sinakop.

10. Salaysay ng Paglalakbay (Travel Narrative)


⮚ Ay halos kahawig sa salaysay ng pakikipagsapalaran dahil sa pagkakaparis ng uri nilang hilig sa kalikasan.

⮚ Ang manunulat nito ay kinakailangang may karanasang sanhi ng pagkakapaglakbay.

⮚ Ang salaysay nina Marco Polo, Columbos at Magallanes aykinagigiliwan pa rin ng mga mambabasa sa
ngayon.

11. Kathang Salaysay (Sketch)


⮚ Hindi gaanong kinagigiliwan ng mga mambabasa sapagkat walang nangyayaring pagbabago sa mga
tauhan,kalagayan, pagkatipan at pandamdam.

⮚ Gayunpaman, ang katangian nito ay nasa di malilimutang larawan ng mga tauhan at kapaligirang makulay.

⮚ Maaaring may mga pangyayari ngunit tiyak na hindi maayos at makatwiran ang pagkakasunod-sunod.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA


1. Sariling karanasan –pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay
hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita
sa radyo at telebisyon at iba pa.
3. Nabasa o napanuod – mga palabas sa sine, telebisyon, dulang pantreatro at iba pa.
4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
MAIKLING KWENTO
(SHORT STORY)
❑ Isang kathang pampanitikan na may sariling kaanyuan at kakayahan.
❑ Pangunahing layunin ay magbigay aliw sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad.

MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO


1. Banghay – Ang maayos at wastong pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari.
2. Paningin – Nagsasaad kung saan dapat talakayin.
3. Suliranin (Problem) - Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa
katapusang ng akda.
4. Paksang Diwa (Theme) – Ito ang pang – isipang iniikutan ng mga pangyayari sa akda.
5. Himig (Mood) – Tumutukoy sa kulay ng damdamin
6. Salitaan (Dialogue) - ang usapan ng mga tauhan.
7. Kapanabikan (Climax) – Pinaka – nakakasabik na bahagi ng nararamdaman ng mambabasa.
8. Pagtutunggali (Conflict) - Paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na
maaaring kapwa tauhan o damdamin ng rin niya.
9. Kakalasan (Disentangle) - Kinakalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
10. Galaw (Action) – tumutukoy sa paglakad o pag-unlad ng kwento sa pagkakalahad ng suliranin hanggang
sa malutas ito sa wakas ng katha.

URI NG MAIKLING KWENTO


1. Kwento ng madulang pangyayari ( Story of Dramatic Incident)
- Kapansin – pansin at makahulugan ang pangyayari.

2. Kwento ng pakikipag sapalarang maromansa (Story of Romantic Adventure)


- Ang pagkawili sa ganitong katha ay makikita sa balangkas at hindi sa mga tauhan ng kwento.

3. Kwento ng Pag-ibig (Love Story)


- Pag-ibig ang nangingibabaw na katangian na gumising sa ating kawilihan.

4. Kwento ng Katatakutan ( Story of Terror)


- Ang gumaganyak ng kawilihan ang damdamin, sa halip na kilos. Sa ganitong uri ng kwento, dapat
matamo ang kaisahan ng panahon, kaisahan ng pook at kaisahan ng kilos o takbo ng pangyayari.

5. Kwento ng Katatawanan ( Humors Story)


- Ang galaw ng mga pangyayari ay mabagal at may mga pagkakataong mayroong paglihis ng balangkas.

6. Kwento ng Kababalaghan (Story of the Supernatural)


- Ang pangunahing tauhan ay inilalarawan bilang isang taong may sariling bait kung kaya’t hindi basta-
bastang mapapaniwala sa mga pangyayaring di-karaniwan.

7. Kwento ng Katutubong Kulay ( Story of Local Color)


- Tagpuan ang binibigyang – diin sa uri ng kwento

8. Kwento ng Talino ( Story Ingenuity)


- Binibigyang – diin ang balangkas at hindi tauhan o tagpuan
9. Kwento ng Sikolohiko (Psychological Story)
- Ang mga tauhan ay inilalarawan sa mambabasa sa kanilang pag-iisip
- May layuning maipadama ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang kalagayan o pangayayari.

10. Apologo (Apologue)


- May layuning mangaral na dapat mangibabaw sa layuning magbigay aliw.

You might also like