You are on page 1of 4

FILIPINO 1

Bilang sikwel ng ng akdang Noli Me Tangere, mas mapangalas ang naging pagtalakay
nito sa iba’t ibang isyung panlipunan na nagsimula pa noong panahon ng mga Espanyol na
nagpapatuloy pa rin ngayon. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga isyung natatalakay sa
nasabing akda.
-Ang pangingialam ng simbahan sa mga usapang pampulitika
-Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
-Diskriminasyon ng lahi
-Paghuhugas-kamay ng makapangyarihan
-Pagkamit ng gusto sa maling paraan
Ilan lamang ito sa napakaraming isyung panlipunan na tinalakay sa nobelang El
Filibusterismo. Nawa’y magabayan nito ang mga kapwa ko kabataan na ang mga sakit ng
lipunan ay mananatiling sakit hangga’t hindi tayo kumilos upang ito ay sugpuin.

FILIPINO 2
Mababasa ang mga nobela bilang representasyon ng mga pangyayaring naganap sa
Pilipinas, bilang pagtatangkang makalikha ng mga tauhang may katapat sa tunay na buhay,
bilang pagpapaliwanag ng mga suliranin ng lipunang kolonyal, at bilang pagpapahiwatig ng mga
solusyon sa mga problemang sumisiil sa bansa. Malinaw na nakaugat ang nobelang ito sa mga
puwersang pangkasaysayan at hindi lamang salamin ng buhay ang mga nobela kundi isa ring uri
ng pagbalikwas sa pagpapahayag ng kabulukan ng sistema.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging
mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng
Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalunagat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito. Nang dahil
sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipino na ang nagsipagsabi na “wala
nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik”. Ang naging laman ng panitikan aya pawing
pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at
maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan.
FILIPINO 3
Mahalaga ipaglaban mo ang iyong karapatan kahit pa may sabagal o hadlang na
kinakaharap dahil ang ating karapatan ay katumbas na ng buhay ng isang tao. Ito’y nararapat na
matamasa ng isang mamamayan ng lipunan bilang kasapi nito at higit sa lahat ang mga
karapatan ang magliligtas sa at makakatulong sa tao upang mamuhay ng payapa at may
kabuluhan. Ang ating karapatan, kung iisipin ay isang bagay na libre, na hindi kailanganang
magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait.

FILIPINO 4
Mensaheng nais Ipaabot ng Kabanata 4(Kabesang Tales) at Kabanata 6(Si Basilio)

Maraming aral ang makukuha natin sa Kabanata 4. Ang pagiging matiyaga ang isa sa
mga aral na makukuha natin dito. Katulad ng ginawa ni Kabesang Tales. Dahil sa kaniyang
pagtitiyaga, nagbunga ang kanyang pinaghirapan at siya ay nagkaroon ng kabuhayan. Ang
pangalawa ay ang matuto tayong ipag tanggol ang ating mga sarili kapag tayo ay inaapi at
ipaglaban kung ano ang meron tayo. Ang pagpapahalaga sa mga naipondar natin katulad ni
Kabesang Tales. Nang inaangkin na ng mga prayle ang kanyang mga lupain ay ipinagtanggol niya
ito.
Ang isa sa makukuhang aral sa Kabanata 6 ay huwag kang bibitaw sa iyong mga
pangarap. Parang sa ginwa ni Basilio bilang isang bata at mayroong pangarap sa buhay.
Nagtrabaho siya iba’t ibang tao, nagtiis ng gutom at hirap para lamang siya ay makapag-aral.
Kahit wala siyang ina at kapatid, hindi siya nawalan ng lakas ng loob. Nag-aral siya ng Mabuti
para makamit niya ang kaniyang mga mithiin sa buhay. Isa pang mensaheng makukuha rito ay
huwag mog pansinin ang mga taon pilit na ibinababa ka upang hindi matupad ang mga
pangarap mo sa buhay. Si Basilio, bilang isang batang mahirap lamang na pumapasoksa
paaralan ng naka-tsinelas lamang, ay nakaranas ng mga panghuhusga mula sa kapuwa niya
kabataan at mga guro. Sa kabila ng lahat ng iyon, kahit nasasaktan si Basilio, patuloy siyang
nagsikap sa kanyang pag-aaral. Naging tanyag siya sa kanilang paaralan at nagkamit din ng mga
parangal at medalya.
Kaisipan sa Kabanata 4 ay ang mga armas na dinala ni Kabeng Tales upang bantayan ang
kaniyang lupain tulad ng baril, gulok o palakol ay nagpapakita na handang ipaglaban ng mga
Pilipino ang kanilang karapatan. Ipinapakita naman sa Kabanata 6 ang pagpapahalaga ni Rizal sa
katurungan. Si Basilio ay nagpalila upang siya’y makapag-aral. Siya ay nagtiis, nagtiyaga at
nagsumikap upang makapagtapos ng kursong medisina.
FILIPINO 5
Ang napili kong kaisipan ay maling pagpapahalaga sa sistema ng edukasyon
Sa sarili: Humahantong sa pagiging kamangmangan at maling pagkilala sa mga impormasyon na
ikahahadlang sap ag-unlad ng sariling karunungan
Sa komunidad: Nagkakaroon ng hindi maayos na pamamahala sa isang lugar at hindi
nagkakaunawaan sapagkat ang napag-aralan ay magkaiba sa bawat indibidwal.
Sa bansa: Nagsasanhi ng alitan sa bawat mamamayan sapagkat ang maling/maling
pagpapahalaga sa sistema ng edukasyon ay nakapagdulot ng magkaibang pang-unawa sa bawat
mamamayan.
Sa daigdig: Maaaring magbunga ng alitan at digmaan ng mga bansa sa daigdig dahil sa
pagkakaroon ng mga maling impormasyon at hindi pagkakaunawaan. Ito ay hadlang sa
pagkakaroon ng magandang relasyon ng mga bansa

FILIPINO 6
Sa panahon ng pandemya maraming mga bagay ang naapektuhan nito. Ang pagkawala
ng mga trabaho ng mga mamamayan, pagkansela ng mga kaganapan at iba pa. Ngunit higit na
naapektuhan ang edukasyon para sa mga kabataan o mga estudyane. Ang edukasyon ay
sobrang mahalaga para sa mga kabataan, tulad 'ko. Ika nga nila "ang edukasyon ay susi sa
kinabukasan", kung kaya't gumawa ng paraan ang DepEd para kahit papaano matuloy parin ang
pag-aral kahit sa panahong ito. Sa katunayan, ang DepEd ay nag-isip ng mga iba't ibang paraan
upang matugunan ang pag-aaral ng mga bata, ito ay ang online class at ang modular learning.
Sa modular learning, ang mga estudyante ay inatasang sagutan ang kanilang mga modules na
ipapamigay ng bawat paaraalan. Habang sa online learning naman, gagamit ang mga
estudyante ng kanilang mga gadgets at sa pamamagitang iyon doon sila makakapagklase.
Subalit, hindi lahat ay pinili ang pag-oonline class dahil ang iba ay walang mga kagamitan para
matugunan ito. Kaya medyo naghihirap ang mga etudyante ngayon dahil sa bagong
pamamaraan ng edukasyon.
FILIPINO 7
Ang pagpapatiwakal ay masamang gawain,Labag ito sa panginoon dahil tanging siya
lamang ang may karapatan na bumawi ng ating buhay. Hindi sagot ang pagpapatiwakal upang
tapusin ang mga suliranin, matuto tayong magig matatag sa pagharap sa mga pagsubok dahil
ito ang magiging dahilan upang mas lalo tayong matuto at magsumikap sa ating buhay.
Ito ang mga paraan kung papaano maiiwasan ang pagpapatiwakal; Laging magsimba at
manalangin sa panginoon. Maging bukas sa mga magulang huwag mahihiyang magsabi sa kanila
ng iyong mga problema upang magabayan ka nila. Maging palakaibigan, mas mainam na lagi
kang may nakakausap at nahihingan ng tulong bukod sa iyong mga magulang. Sumali sa mga
organisasyong alam mong magdudulot sa iyo ng kabutihan, at alam mong makatutulong para
malinang ang iyong mga kaalaman. At humanap ng pagkakalibangan gaya ng pagtugtog ng
gitara at pagpinta nalilinang mo na ang iyong talento nalilimutan mo rin ang iyong mga suliranin
sa buhay.

FILIPINO 8
Si Juli ang pangunahing babaeng karakter sa El Filibusterismo. Siya ang kasintahan ni
Basilio. Naging biktima siya ng mga pangyayari nang ang kanyang ama, si Kabesang Tales, ay
may malaking utang sa gobyerno. Hindi siya pinaaral sa Maynila sa halip ay nagpaalipin kay
Hermana Penchang upang mabayaran ang utang nila at matubusan ang kanyang ama na hinuli
ng mga tulisan. Mas gustuhin niya pa ang maging katulong kaysa ibenta ang agnos na binigay ni
Basilio. Ang agnos na ito ay dating pinag-aarian ni Maria Clara. Ngunit ibinigay ng kanyang ama
ang agnos kay Simoun. Kalauna’y nalaman ni Juli na ang mga mag-aaral ay ikinulong. Nalaman
niya rin na napasama si Basilio sa mga ikinulong. Si Hermana Bali, ang kanilang kapit-bahay, ay
nagmungkahi kay Juli na magsumamo ng tulong galing kay Padre Camorra. Kahit alam niyang
may pagnanasa ang prayle sa kanya, nagpatulong pa rin si Juli sa kanya. Ngunit namatay si Juli
dahil tumalon siya sa bintana upang makatakas mula kay Padre Camorra. Nalaman ni Basilio
ang kamatayan ng kanyang kasintahan mula kay Sinong. Ang pagkamatay ni Juli ay naging
dahilan upang umanib kay Simuon sa paghihiganti. Si Juli ay ginamit ni Jose Rizal bilang sagisag
ng kadalisayan at kamusmusan ng mababang estado na mga babae sa panahon niya. Siya
angtipo ng babae na mas gugustuhing magsakripisyo kaysa isuko ang kanyang uliran.

You might also like