You are on page 1of 9

Pagharap sa hamon

ng Globalisasyon
Group 2 Report
Janiah Mhaey Silvano & AB A. Gayo
Kahit na maraming mga magandang epekto ang globalisasyon sa polika
at ekonomiya, ang mga negatibong epekto ng globalisasyon ay higit na
nararamdaman ng mga minoridad ng lipunan. Ang mga taong nasa
laylayan ng lipunan ay mas vulnerable sa mga epekto ng globalisasyon
at ang mas masama nito ay kakaunti ang kanilang kakayahan para
protektahan ang kanilang sarili mula dito. Ang ilang mga pangkat na ito
ay ang mga mahihirap at ang mga katutubo. Mayroon tayong tatlong
paraan upang tugunan ang mga epekto ng globalisasyon:

01 02
Pantas o
03
Pantay na
Guarded Kalakalan (Fair Pagtulong sa
Globalization Trade) Bottom Billion
Paano ba naapektuhan ng
Globalisasyon ang Lipunan?
Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa tao ay ang pagkakaroon ngmga
sigalot sa nabuong kasunduan at pakikipag-ugnayan.

Halimbawa : Marami ang produkto na nanggagaling sa ibang bansa


angdumarating at naibebenta rito sa Pilipinas. Ito ay nagiging hamon
sapagkatmas tinatangkilik ng ibang mamamayan ang mga imported
products atdahil dito, maaaring bumaba ang kita ng mga negosyante
sa Pilipinas.

Ilang solusyon sa
pagharap ng hamon
ng Globalisasyon
GUARDED GLOBALIZATION
Ano ang Guarded Globalization?

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng interbensyon ng


pamahalaan upang pangalagaan ang mga lokal na negosyo laban
sa epekto g globalisasyon mula sa mga malalaking negosyante
sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng guarded globalization na ito,n abibigyan ng


proteksyon ng pamahalaan o gobyerno ang mga negosyo ng
mga mamamayan sa bansang Pilipinas.
Halimbawa
ng Guarded
Globalization
Unang halimbawa ay pagpataw ng taripa o buwis
sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa
ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas
ang halaga ng mga ito kaya naman mas
nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal.
Ito ay para tumaas ang presyo ng mga hindi
essensyal na mga produkto at protekstahan ang
mga lokal na producer na maaaring maging
kakompitensya ng dayuhang produkto. Ito rin ay
nagsisilbing deterrent sa mga consumer na bumili
ng mahal na dayuhang produkto.
Ikalawang halimbawa ay ang pagbibigay ng
subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang
lokal. Ang subsidiya ay tulong pinansiyal ng
pamahalaan. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang
pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal
kaya naman murang naipagbibili ang mga ito.
Ito ay nakakatulong para mapababa ang mga
presyo ng mga lokal na produkto at mabawasan
ang bigat ng halaga ng produksyon ng mga lokal
na prodyuser.
HANGGANG DITO PO ANG
AMING BAHAGI SA REPORT,
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like