You are on page 1of 3

MENDOZA, FERDINAND ENNYL C.

BSBA – MM 301
FLIN02G

1. Kahulugan ng basic research.

- Ito ay naglalayong makakalap ng mga impormasyon ,kaalaman o karunungan tungkol

sa pananalisiksik ng mga bagay. Ang basic research ay ginagamit upang magbigay ng

karagdagang impormasyon sa isang paksa, teorya o prediksyon. Ang action research

ay ginagamit upang magbigay solusyon sa isang problema o sumagot sa isang tanong.

Ang applied research ay ginagamit upang solusyunan ang problema ng lipunan. Ang

research ay sistematikong pag-aaral. Ang proseso research ay pangangalap ng mga

totoong impormasyon.

2. Mga bahagi ng Basic Research?

 Title (cover page)

 Introduction.

 Literature review.

 Research methodology.

 Data analysis.

 Results.

 Conclusion.

 Reference page.

3. Pamamaraan ng pagsasagawa nito.


- Ang pananaliksik ay hindi basta-basta na lamang isinasagawa. Sa gawaing ito, ang

mananaliksik ay may sinusunod na sistematikong proseso upang maayos na

maisakatuparan ang kanyang pananaliksik. Ang prosesong ito ang magsisilbing plano

ng isang mananaliksik sa kung paano niya gagawin ang pangangalap ng datos at

paano niya masasagot ang kaniyang mga katanungan. Upang hindi maging magulo

ang pagsasagawa ng gawaing ito, dapat may sinusundan siyang mga bahagi at

proseso ng pananaliksik. Sa pagkakaroon ng kaalaman sa proseso ng pananaliksik,

ang mananaliksik ay magkakaroon ng sapat na pundasyon at kakayahan sa pagbuo ng

makabuluhang pag-aaral. Sa ibaba, iyong mababasa ang pangkalahatang proseso ng

pananaliksik na makakatulong sa iyo bilang mag-aaral para makatapos sa iyong

research. Sa pagpili at paglimita ng paksa nagsisimula ang pananaliksik. Sa bahaging

ito, humahanap ang mananaliksik ng paksang iikutan ng kanyang pag-aaral. Kapag

nakapamili na siya ng paksa ay kanya naman itong lilimitahan sa pamamagitan ng

pagtuklas ng mga tanong na magsisilbing gabay sa pagbuo ng makabuluhang

pananaliksik.

4. Malawak na pagpapaliwanag.

- Mahalaga ang pananaliksik dahil ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga

bagay-bagay na nagpapaginhawa sa ating buhay ngayon. Ang mga simpleng

imbensyon katulad ng ating ilaw, telebisyon, at mga sasakyan, ay produkto ng

pananaliksik. Ang layunin ng pananaliksik ay simple lamang, bigyan ng solusyon ang

mga problema ng lipunan. Dahil dito, ang mga mananaliksik ay gumagawa ng paraan

upang maipabuti ang ating antas ng pamumuhay. Ang pananaliksik ay isang


mahalagang parte ng ating komunidad. Dahil dito umaasenso ang buhay hindi lamang

ng iilang tao, kundi tayong lahat. Kaya naman, dapat itong bigyang halaga.

You might also like