You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VII

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng


kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila
sa Timog at Kanlurang Asya (AP7KSA-IIh1.12)

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya;
 Naitatala ang mga epekto ng pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya; at
 Naipapamalas ang pagpapahalaga sa sariling bansa sa kabila ng mga impluwensiya ng
Kolonyalismo at Imperyalismo.

II. PAKSA: Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya

III. KAGAMITANG PANTURO


 Sanggunian: Learning Activity Sheet Araling-Panlipunan

https://youtu.be/7zxwcXnyaDA
https://youtu.be/_bu4Rmqybvw
 Iba pang Kagamitang Panturo: marker, chart, powerpoint presentation
 Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagkaka-isa
 Integrasyon: Filipino at Musika

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin

B. Pag-babalik tanaw sa paksang-aralin


Tanong: Magbigay ng mahahalagang kontribusyon ng mga sumusunod na Sinaunang Imperyo
Imperyong Summerian, Akkadian at Babylonian.

1. Pagganyak
Ipapakita at ipapakanta ang lyriko nang kantang “Magellan” ni Yoyoy Villame

Tanong : Batay sa kanta, bakit nagpunta si Magellan sa Pilipinas?

Pagkatapos ay ipapahula ang salitang mabubuo sa larawan.


Ipapakahulugan ang Aralin

2. Paglalahad

Pangkatang Gawain. Hahatiin ang klase sa 2 pangkat.


at Itatalakay ang mga gawain matapos iulat.

Unang Pangkat (Bugtong-bugtong -Sino o Ano ako?


Panuto: Sagutin kung sino o ano ang itinutukoy. Piliin ang tamang sagot sa kahon

Ikalawang
Pangkat
(Conc ept Map)
Subuking punan ang concept map ng epektong naidulot ng pagtungo ng mga Kanluranin sa
Asya. Basahin ang teksto at pumili ng sagot sa kahon.

3. Paglalahat

Ipapakita ang isang maikling vidyu tungkol sa paksa at pasasagutan ang mga katanungan.

 Bakit nagpunta ang mga Kanluranin sa Asya? Anu-ano ang dahilan ng kanilang
paglalakbay?
 Ano ang naging epekto ng pag-usbong ng Krusada, Paglalakbay ni Marco Polo,
Renaissance, Pagbagsak ng Constantinople at Merkantilismo?

4. Pangwakas na Gawain

Gumawa ng isang tulang may tugma na binubuo ng 2 saknong at 4 na taludtod tungkol sa


pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng mga impluwensiya ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

Gawing gabay ang halimbawa sa sukat ng tula


IV. Pagtataya

` Panuto : Sagutin ang sumusunod na mga katanungan

1. Isa itong pilosopikal na makasining na binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga


kaalamang klasikal sa Greece at Rome na nagmula sa Italya noong 1350. ___________

2. Ang _____________ ,” Turkey” sa kasalukuyan ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit


sa kontinente ng Europe. Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe
patungong India, China, at iba pang bahagi ng Silangan na napasakamay ng mga
Turkong Muslim noong 1453.

3. Ito ay isang sistemang pangekonomiya na kung saan ang yaman ng bansa ay nakabatay
sa dami ng ginto at pilak. _____________

4. Isa siyang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice,Italy. Sa kanyang


mahabang paglalakbay ay nakarating siya sa China sa panahon ni KublaiKhan, ng
Dinastiyang Yuan, nagsilbing tagapayo at itinalagang maglakbay sa iba’tibang lugar sa
Asya. ____________

5. Ito ay banal na paglalakbay ng mga Kristiyano na ang tanging layunin ay bawiin ang
Jerusalem sa kamay ng Turkong Muslim. _______________
V. Takdang-Aralin

Inihanda ni,

Almera Shella B. Cabogo

You might also like