You are on page 1of 2

Edukasyon: Susi sa Tagumpay

Talumpati ni Joan M. Dueñas

Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay
pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating

gawain ay kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang tayo ay
lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa

tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang
nagsisilbing pangalawang magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.

Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos. Kayamanan ito para sa kanila dahil
ito lang ang maipamamana nila sa atin. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang

kinabukasan ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang kahirapan
para sa pagtatagumpay. Kung mahirap ka man, maraming paraan para makamit mo ang

iyong tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan, pagiging maabilidad at pagkakaroon ng
lakas ng loob upang makaisip ng paraan upang ikaw ay makapagtapos ng pagaaral.

Ipakita ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala natin sa ating Panginoon para makamit natin ang
ating tagumpay.

Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang sapat na kaalaman. Habang
tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat. Nagkakaroon ng problemang hindi madaling solusyunan.
Ngunit kung mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito. Pangalawa sa Diyos, Edukasyon
ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.

Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang
bagay. Ang kaalamang natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat

sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng
pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng
buto. Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang
kaakibatna mga pananagutan.
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan at pagunawa bunga ng mga
pormal na pag-aaral tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa atin ng mga guro at ng ating mga
magulang.

Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan, at sandatang panghabambuhay na
bitbit ng bawat isang tao na magagamit nila sa kani-kanilang paglalakbay at

mga hakbang na dadaanan sa buhay. Kung wala ito, mahihirapan ang tao na abutin ang kanilang mga
pangarap at mithiin sa mundong ito.

Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Kung tayo ay mayroon nito, magagawa nating
buksan ang ating puso at isipan na pagsikapan ang tagumpay na gustong makamtan. Ito ay

tulay upang malalagpasan natin ang lahat ng bagay na humahadlang sa atin na maabot ang ating
kapalaran. Isa itong hagdan upang maakyat natin ang mga bundok na humaharang sa ating

pagkatagumpay. At ito ay isang sandata laban sa lahat ng kahirapan na mararanasan sa pagkamit ng


pangarap.

Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Gaya ng lagi nating naririnig sa
ating mga magulang na edukasyon lamang ang kanilang maipamamana sa atin. Ito ang

dahilan kung bakit sila ay nagpapakahirap magtrabaho para mabigyan lamang tayo ng magandang
edukasyon o pag-aaral. Kaya naman, huwag natin sayangin ang kanilang paghihirap, mag-aral

nang mabuti at pagsikapang makamit ang minimithi.

Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng tao. Subalit ang
kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi sapat upang maituring na edukado ang isang tao

kaya’t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga Pilipino.

You might also like