You are on page 1of 264

Prologue

Book 6 po ito ng Book 1: Newly Weird. Parang awa na ninyo, magbasa po kayo ng
description.
_______________________________________________________________________

"Ano na naman bang kelangan nyo sakin?" sabi ni Razele habang tinitignan ang relo
nya
Bagong taon na. Nagpalit na naman ng taon. At sa mga oras na yon, nasa isang
ospital sila.
Nakatayo sa Razele kasama ang dalawang tao sa harap ng ICU. Ang isa, balot na balot
at mukhang ayaw magpakilala. Ang isa, lalaki na naka-casual at pamilyar na pamilyar
sa
kanya. Hindi nya alam kung ano bang kailangan sa kanya ng dalawang yun at pinatawag
pa sya sa panahong dapat ay nagce-celebrate sya kasama ang asawa at pamilya nya.

"Nakikita mo yang nasa loob?"


"O," walang ganang sagot ni Razele
"Ibalik mo sya sa HQ."
Tumaas ang kilay ni Razele sa sinabi ng kausap nya

"Ibalik mo si RYJO."
Pumikit-pikit pa si Razele dahil parang pinagtitripan lang sya ng kausap.
"Sya si RYJO. Ibalik mo sya sa HQ."
Napa-smirk lang si Razele at napailing "Ok. Nice joke, hehehe... Yan?" itinuro pa
nya yung tao sa loob ng ICU "Si RYJO?"
"Yes" pokerfaced sa sagot ng kausap
Nawala ang tawa ni Razele dahil sa naging sagot ng kausap "Seriously?"
"Serious as hell."
Isang napakalaking what-the-hell reaction ang naibigay ni Razele sa mga kausap
"Th-th-that lady?!" itinuro pa nya ng palad yung nasa loob ng ICU "Si RYJO?!"
"Yes."

"Paanong magiging si RYJO yan ha? Anlayo ng mukha nila! Walang maniniwalang sya si
RYJO!"

"Hindi mo kelangang papaniwalain ang lahat na sya si RYJO, ang dapat mong isipin ay
kung paano mo sya mapapaniwalang sya nga si RYJO."
"Huh?!" lalong nalito tuloy si Razele sa sinabi ng kausap "I mean-- Huh?!"
"Wala syang alaala. Kaya kelangan mo syang papaniwalain na sya nga si RYJO."

"Huh??"

"Ikaw na ang bahala sa kanya," tinapik-tapik pa nya ang balikat ni Razele at


maglalakad na sana
"T-teka, teka nga ha, teka lang. Ano bang pinaplano nyo ha?" itinuro nya ang loob
ng ICU "Yan? Yang-- yan? Pagpapanggapin nyong si RYJO?!"
"Parang ganun na nga..."
"Nababaliw na ba kayo?! Kilala nyo ba yung taong tinutukoy nyo ha?! Pano kung
mamatay yan? Eh di problema ko na naman! Patay na si RYJO, dapat manatili syang
patay! Bakit kelangang may magpanggap bilang sya? Ano ba talagang iniisip nyo ha?"

"Pwede bang sumunod ka nalang, hmm? Baka nakakalimutan mo kung ano at sino 'ko."
Napasuklay nalang ng buhok si Razele dahil sa inis. Problema ang binigay sa kanya
ngayon ng kausap nya. Napakalaking problema. At ang masakit, hindi sya pwedeng
humindi.

"Kelangan nyang manatiling buhay. Isama mo sa Escadron Elites para may poprotekta
sa kanya."

"ANO?! ELITES?!" lalong nagulat si Razele sa sinabi ng kausap "Ok lang kayo?
Buong buhay ni RYJO, yung Elites ang kasama nya! Tapos isasama nyo yang taong yan
sa grupong yon? Kilala nila si RYJO higit kanino man sa mundong 'to! At isang
tingin palang, hindi na sila maniniwalang sya yung kasamahan nila!"
"Ang sinabi ko, isama mo. Hindi ko sinabing ipagpilitan mong maging member ng
Elites. Matuto ka ngang umintindi."

"Argh! Naman!" napasuntok nalang sa pader si Razele dahil sa sobrang inis at


pagkalito
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Overflowing ang idea sa isang iglap lang.
Masisiraan na sya sa mga nangyayari ngayon. Hindi na nya alam kung bakit nila yon
ginagawa.
Bigla-bigla nalang syang ipapatawag tapos ganun ang ihihirit sa kanya, nakakagago
lang.
"Ikaw na ang bahala sa kanya," naglakad na paalis ang kausap
"Hoy! Anong gagawin ko sa kanya?!" sigaw ni Razele sa kanila

"Bahala ka na! Basta gawin mo ang inutos ko!"


Napanganga nalang si Razele at pinanood ang kausap at ang kasama nito na umalis.
Samantala...
"Ano ba talaga ang binabalak mo, Jiro?"

"Binibigyan ko lang ng mahabang taning ang buhay ng Fuhrer at ng asawa nya."

"Pero bakit mo pa binigay kay Razele yung taong yun?"


"Wag kang paranoid, walang maniniwalang sya si RYJO."

"Yun nga eh! Walang maniniwala! Kaya bakit mo pa binigay?"

"Para fair sa magkabilang panig" nagpauna sya sa paglalakad at humarap sa kasama.


Paatras syang naglakad habang nakangiti sa kausap "Worry not, Laby. Jiroichi
Hanajima knows what he's doing," nag-smirk sya at bumalik sa tabi ni Laby "Nasa
Citadel ang Fuhrer. Nasa Citadel na rin si Armida Zordick. Mabuting manatili ang
taong yun dito sa labas. Hihintayin nalang nating magising silang tatlo bago tayo
pumunta sa Plan B," inakbayan nya si Laby at saka sila lumiko sa kaliwa papuntang
elevator ng ospital "Tara, pizza tayo,"
"Ewan ko sayo.." napailing nalang si Laby sa plano ni Jiro
-------------------------------

Bisperas ngayon ng kapaskuhan. Pero sa Citadel, tinalo pa ang Todos Los Santos
dahil sa atmosphere.
Tatlong araw ang nakalipas pagkatapos mangyari ang pagpatay sa ilang Superiors.
Nasa ICU si Josef at nagamot na ang mga sugat nya sa katawan. Bumaba rin ang sugar
level nya kaya tinututukan talaga ang kanyang lagay dahil baka lumala ang
hypoglycemia nya. Dehydrated din sya.
Binabyahe naman sa kasalukuyan ang katawan ni Armida para ilipat ng ibang ospital
para doon matutukan ng maigi.
Samantala, nasa tabi ni NightShade si Cas. Tulala lang ito at balisang balisa.
Matagal na nilang pinaghandaan ang araw na papatayin sila ni Armida. Pero hindi
pala madaling tanggapin kahit na matagal mo nang pinaghandaan. Napakahirap
tanggapin na mismong anak nya ang pumatay kay 99 sa hindi pa inaasahang
pagkakataon. At ang mas masakit, para sa kanya dapat ang espadang tumama sa dati
nyang asawa. Ang bigat sa dibdib dahil nangyari yon sa mga oras na pinahihirapan
ang anak at manugang nya.
Inisip nya na sana pati sya pinatay na rin ng anak nya. Hindi yung buhay nga sya
pero pinapatay naman ng konsensya.
"Seph, ganito ba ko kasamang tao..." walang kabuhay-buhay na tinignan nya ang
mukha ni NightShade "...bakit kailangang mangyari lahat ng 'to..." hinawakan nya
ang kamay nito "Ito na ba... Sinisingil na ba tayo sa lahat ng kasalanan natin?"
"Lady Cassandra,"
Nilapitan na sya ng mga nurse at inalalayan para paalisin sa tabi ni NightShade.
Kukunin na kasi nila ang katawan nito.
Isang oras na rin ang nakakalipas pagkatapos bumigay ang katawan ni NightShade.
Hindi nya alam ang gagawin. Hindi kasi nya inaasahan na maagang mamamatay si 99
bago si NightShade.
Ang plano pa naman nila, kapag bumigay na ang katawan ni Joseph Zach, silang dalawa
ang mag-aabot ng abo nito kay Anjanette Malavega.
Kaso mukhang hindi na yon mangyayari pa.
Napaupo nalang si Cas sa upuan na naroon at biglang nagbalik lahat ng nangyari sa
buhay nya.
Pinatay ng anak nya ang ex-husband nya. Patay na ngayon ang ex-fiance nya. Hindi
maganda ang lagay ngayon ng anak ng ex-fiance nya, ganun din ang mismong anak nya
at ng ex-husband nya.
Nagsisimula na syang panawan ng bait.
. . . . . . . . . .

"Lady Cassandra, dito po tayo,"


Balisa pa rin si Cas habang umuupo sa meeting room ng Order.
At kung noon, puno ang meeting room kapag may meeting sila, ngayon iilan nalang
silang naroon.
Si Laby.
Si Ji Han.
At sya.
Ilang sandali ang lumipas at pumasok na ang original na Fuhrer kasama ang personal
nurse nito. Naka-wheel chair sya at may nakakabit sa braso at pulso nyang mga
maliit na tubo. Gumagamit na rin sya ng oxygen para makahinga ng maayos.
Malayo na sya sa nakakatakot na taong nagpakita kay Josef dalawang buwan na ang
nakakalipas.
Pumwesto ito sa dulo ng mesa at napailing nalang nang makitang tatatlo nalang ang
natitira sa guild na binuo ng pamilya nya halos daang taon na ang nakakalipas.
"Sana nagpapatay na rin kayo," nasa tono pa rin ng Fuhrer ang otoridad at
pagmamataas
Wala pa ring reaksyon si Cas habang si Laby at Ji Han, kumikilos na parang walang
naririnig.
"Buhay pa si Richard?" tanong ng Führer
"Buhay pa naman," sagot ni Ji Han

"Iisang tao lang ang pumatay dun sa natitira?" tanong ng Führer


"Sya si RYJO. Hindi tao ang tawag sa pumatay sa kanila kundi isang makina." sabi
ni Laby habang tinitignan ang kuko nya

"Tumakas ba kayong dalawa sa castigation? Alam nyo bang labag yon sa Credo?" sabi
ng Führer
"Nandoon kami at pinapanood ang castigation, kahit pa tanungin nyo si Cas," sagot
ni Ji Han
Tinignan naman ng Führer ang balisang si Cas
"Cassandra, magpaliwanag ka nga."

"Pinatay nya si Yoo-Ji. Pinatay ng anak ko ang ama nya. Pinatay ko sya, kaso
nabuhay na naman. Ilang beses ba nya kailangang mabuhay," wala sa sariling sagot
ni Cas
"Umayos ka Cassandra! Ugh! Ugh! Ugh!" sumakit ang dibdib ng Führer dahil sa
pagtataas ng boses

"Ito ang plano nyo diba?! Kayo ng magaling kong ama! Kung hindi nyo pinagpilitang
ibalik si Evari dito sa Citadel, hindi mamamatay si Yoo-Ji! At kung hindi nyo sya
dinala sa Isle nung simula palang, hindi mamamatay ang lahat!"
"Pero binigyan ka namin ng pagpipilian. Papatayin mo ang anak mo o iba ang papatay
sa kanya. Alam mong may pagkakataong mabuhay sya para patayin ang iba kapag pinili
mo ang isa doon. Namili ka kaya bakit mo piniling mabuhay sya?" mahinahon pero
mapanghamong tanong ng Fuhrer
Hindi nakasagot si Cas sa tanong na yon ng Fuhrer.
Tama naman kasi ito.
Bakit nung binigyan sya ng pagkakataong patayin ang anak ay hindi nya ginawa? Bakit
mas pinili pa nyang mabuhay si Armida?
Isa lang ang kaya nyang isagot.
Kahit na kaya nyang pumatay, hinding hindi nya magagawang patayin ang anak kahit na
bunga lang ito ng kasunduan nila ni No. 99 at NightShade.
At sa sagot na yon, alam nyang madedehado sya.
Napakahirap maging mabait sa lugar na pinalilibutan ng mga taong sagad ang
kademonyohan hanggang sa buto
"Sinabi ko na sa inyo, umpisa palang... Pwedeng si Yoo-Ji na ang mag-train sa
kanya, kaya bakit kelangang dalhin pa sa Isle? Inalis nyo na sya doon, pero bakit
binalik nyo pa?" katwiran ni Cas

"Pwes, kasalanan na yon ni No. 99 at hindi na sa amin. Sya ang nagdesisyong ibalik
ang anak mo sa lugar na yon. Nung binigay kay Armida ang korona, sana pinatay mo na
sya."
"Pero--" wala na syang maikakatwiran dahil ang inaakala nya, hindi na babalik ang
anak nya sa Isle dahil tatlong taon din itong nanatili sa Citadel

"Nasan na ang mga bagong Superiors? Bakit wala pa dito?" tanong ng Fuhrer sa
kanilang tatlo
Walang nakasagot sa tanong nya

"Mga hindi interesado sa posisyon ang mga naimbitahan," sagot ni Laby

"Wala akong pakialam kung hindi sila interesado! Ang gusto ko, dalhin nyo sila
dito!"
Dinabugan ni Cas ang mesa dahil sa sinabi ng Fuhrer.

"Bakit ba yan nalang ang iniisip nyo ha?! Kamamatay lang ng kaisa-isa nyong anak!
Nag-aagaw buhay ang kaisa-isa nyong apo! Pero mas inuuna nyo pa yang walang
kwentang posisyon na yan!" galit na sigaw ni Cas

"Walang lugar ang awa sa lugar na 'to. Kailangang magpatuloy ang Order kahit na
anong mangyari. Kung patay na sila, pasensya nalang. Walang karapatang magtagal sa
lugar na 'to ang mga mahihina." sabi ng Fuhrer
Napailing nalang si Cas dahil wala nang pag-asa ang Fuhrer. Hindi na magbabago pa
ang pagiging halang ng kaluluwa nito
Umalis nalang sya ng meeting room na yon dahil baka kung ano pa ang magawa nya
kapag nagtagal sya.
Naiwan sa loob si Ji Han at Laby kasama ang Fuhrer...
"Dun sa natitirang tatlo, kami nang bahala ni Ji Han." sabi ni Laby

"Kami na rin ang bahala sa asawa ng Fuhrer, sisiguraduhin naming hindi na mauulit
pa ang nangyaring yon," sabi ni Ji Han

Sa Citadel....

Dalawang linggo na ang nakakalipas pagkatapos mangyari ang castigation na bumago sa


buhay ng mga Superiors.
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos magising ni Josef.
"Nasaan si Armida?" tanong nya kay Laby
"Nasa kabilang kwarto," sagot ni Laby sa kanya

"Pwedeng dalawin?"
Tumango naman si Laby
Kaya nang tumayo mag-isa ni Josef nang hindi gumagamit ng wheelchair kaya sabay na
sila ni Laby na pumunta ng kabilang kwarto.
Doon naabutan nila si Ji Han at kausap si Armida.
"Armida," tawag ni Josef
Tinignan naman sya ni Armida. Nagtataka naman itong tinignan sya.
Nilapitan ni Ji Han si Josef para kausapin.
"You're Shadow, right?" tanong ni Ji Han
Naningkit ang mata ni Josef dahil pamilyar ang lalaking nasa harap nya ngayon
"Ji Han..." mahinang sinabi ni Josef
Bihirang pagkakataon ang oras na yon na nasa loob ng kwartong yon ang lahat ng
Zeniths ng Assocs.

"Kung ano man ang naging issue natin noon, kalimutan na natin yon ngayon." sabi ni
Ji Han at saka itinuro si Armida sa likod nya "She can't remember you. May amnesia
sya. She's mentally unstable kaya mukhang matatagalan bago bumalik ang memory nya.
May history pala sya ng psychological trauma, kaya mukhang mahihirapan ang mga
psychiatrist na gamutin sya."
Tinignan naman ni Josef ang asawa nyang mukhang hindi alam kung anong nangyayari sa
mundo
Ibinalik nya ag tingin kay Ji Han "Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, yun ba.. Superior ako. Sabay kami ni Laby na ni-recruit ni No. 99," tinignan
nya si Laby sabay kindat. Tinaasan lang sya ng kilay nito "Baka iniisip mo rin
kung bakit ako nangingialam eh private life nyo 'to," umupo sya sa isang upuan sa
may sidetable at nag-cross arms "Kami nalang ni Laby ang may kayang ayusin lahat
ng problema ng Order. Lima nalang tayong natitirang Superiors. Ikaw, asawa mo, si
Laby, si Cas at ako. At yung iba, patay na. Pinatay sila ng asawa mo nung nasa
castigation kayo,"
Kumunot agad ang kilay ni Josef dahil sa narinig "Nasaan si 99?"

"Pinatay na sya ni Armida," sabi ni Laby sa kanya "Kahit ikaw, muntik na rin
nyang patayin nung araw na yon pero hindi nangyari,"
Ibinaling agad ni Josef ang tingin sa asawa nya. Nilapitan nya agad ito at umupo sa
gilid ng kama
"Armida,"
Tinignan lang sya nito "Sino si Armida?"
"Armida... Ako si Josef... Ako ang asawa mo,"

"Asawa?" umiling sya at hinawakan ang ulo "Hindi ko alam... Hindi ko alam,"
Hinawakan nalang ni Josef ang kamay ng asawa at hinawakan din ang pisngi nito "Ok
lang, wag mong pilitin kung di mo ko maalala..."
Tinitigan lang sya ni Armida. Nginitian lang nya ito para sabihing ayos lang ang
lahat. Isang pilit na ngiti naman ang binigay nito sa kanya.
Inangat ni Josef ang manggas ng suot na hospital gown ni Armida para tignan ang
sugat nito sa braso na nakuha nya nung sumugod ang mga tao ni Isidore Soliman.
Peklat nalang ang nakita nya. Sunod ang binti nito. Wala na rin ang sugat.
Bumibilis ang paggaling ng sugat ng asawa nya habang tumatagal.

"May masakit ba sa katawan mo?" tanong ni Josef sa asawa. Iling lang ang natanggap
nya bilang sagot "Ginugutom ka ba?"
Yumuko si Armida at nahihiyang Tumango para sabihing ginugutom na sya.
Samantala....
Sa HQ...
"Ah!" napabangon agad sya dahil pakiramdam nya sinasakal nya
Butil-butil ang pawis nya at agad na nilibot ng tingin ang paligid. Tinalo pa nya
ang hinabol ng sampung kabayo dahil hingal na hingal sya.
"O, gising ka na pala,"
"Ah!! Si-sino ka?!" napaatras agad sya nang makita ang lalaking nakatayo sa gilid
ng kama at inaayos ang alarm clock

"Razele. Ako si Razele. Nandito ka sa, uhmm... Teka," inisip pa nya kung anong
tawag sa lugar kung saan sila naroon "Actually, HQ ang tawag sa lugar na 'to.
Hindi ko nga lang alam kung paano ko ipapaliwang sayo kung anong klaseng lugar
'to." umupo sya sa tabi ng kama at tinignan ang mukha ng nasa kama "Natatandaan
mo ba kung sino ka?"
"Ha?" napaisip naman sya sa tanong
"Anong pangalan mo?" tanong ni Razele
Nag-isip pa sya at tinanong ang sarili kung anong pangalan nya "H-hindi ko...
hindi ko--"
"Hindi mo matandaan." si Razele nalang din ang sumagot sa tanong nya "Ok,
ganito.. Uhmm.." kinagat nya sandali ang labi at saka ibinalik ang tingin sa
kausap "Ikaw si Erajin Findel. Pero RYJO ang tawag namin sayo. RYJO ang codename
mo. Bakit ka may codename? Kasi professional assassin ka. At ako... Ako ang Boss
mo. Bakit ka nandito kasama ako? Kasi... uhmm... uhh," nag-isip pa sya ng
magandang idadahilan "...Boss mo ko at mahalaga ka sakin bilang empleyado ko.
Medyo nagkaproblema ka nga lang sa memorya mo, other than that, wala namang kahit
anong problema" tinaas-taas pa nya ang kilay para papaniwalain ang babae sa harap
nya
Pumikit-pikit lang ang kausap nya dahil sa mga sinabi nya
"Na-gets mo ba?" asiwang tanong ni Razele
"Ako? Assassin?" tanong pa nya

"Oo. Alam mo yun? Yung pumapatay ng tao? Yung binabayaran para tapusin ang dapat
tapusin? Yung--"

"Pare, alaala ang nawala sakin, hindi utak." sarcastic na sinabi ng babae
Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Razele. Napataas ang magkabilang kilay nya
dahil sa sinabi ng kausap.
Oo nga naman, may sense naman talaga. Magkaiba ang walang maalala sa tanga.

Razele: Ayos 'to ah... Magkaiba nga ng mukha, pareho naman ng ugali. Parang Erajin
din 'tong babaeng 'to

"Hoy,"
"Ah!" napaayos ng sarili si Razele dahil lumutang ang isip nya. Tumayo na sya at
nagkamot ng ulo "Uhmm, may masakit ba sa katawan mo?"
Chineck naman ni Erajin ang katawan nya para alamin kung may masakit pa ba sa
katawan nya

"Wala naman akong kahit anong sugat. Bakit? May nangyari ba bago ako mawalan ng
alaala?" tanong ni Erajin
"Uhh," hindi rin alam ni Razele kung may nangyari nga ba. Basta binigay nalang sya
sa kanya "W-wala naman... Teka, ginugutom ka ba?"

"Hindi. Pero nauuhaw ako."


Tumango naman si Razele at kumuha ng mineral water sa ref na nasa kanto ng kwarto.
Tinignan naman ni Erajin ang kabuuan ng kwarto. Para lang syang nasa condominium
unit. Ang gara ng lugar, mukha pang high class suite.

"Kwarto mo ba 'to?" tanong ni Erajin


Lumapit na sa kanya si Razele at inabot sa kanya ang tubig "Hindi. Pero dito kami
tumatanggap ng bisitang gustong mag-stay sa HQ. Nasa 9th floor tayo kaya kita mo
ang buong lugar dyan sa bintana." itinuro nya ang floor-to-celing na bintana ng
kwarto "Mga mataas na Officials lang ang nakakapag-stay dito and mataas na
Official ako kaya dito kita dinala."
Tumango naman si Erajin habang umiinom "Assassin ako. Ok. Bakit ba 'ko nawalan ng
alaala? Ibig kong sabihin-- Pano nangyari?"
Napakamot ng leeg si Razele dahil hindi talaga nya alam ang sagot sa lahat ng
tanong na pwedeng ibato sa kanya ng kausap.

"Walang nakakaalam ng nangyari sayo. Basta nakita ka nalang namin. Wag ka na ring
magtanong nang magtanong about sa lagay mo at ng nangyari sayo kasi walang
makakasagot sa lahat ng itatanong mo." sabi ni Razele
Napatingin naman sandali sa ibaba si Erajin at inilipat ang tingin sa labas ng
bintana "Ilang araw na kong walang malay?"
"Ang totoo..." inisip pa ni Razele ang isasagot "...hindi ko alam ang exact
answer, pero isang linggo ka nang nasa ospital. Tapos tatlong araw na ang
nakakalipas pagkatapos kang i-discharge. Bale, 3 days ka nang nandito sa HQ. At 10
days ka nang walang malay base sa date kung kelan kita nakita."
"Ok." yun nalang ang nasagot ni Erajin

"Uhm, hindi ka talaga nagugutom? More than a week ka nang walang kain eh,"

"Hindi nga ako gutom! Magre-request nalang ako ng pagkain kapag nagutom na ko!"
masungit nyang sinabi
"Tss..." napasimangot nalang si Razele dahil pakiramdam nya si Erajin talaga ang
kausap nya. Masungit din. "Kung di lang magkaiba ang mukha nyo, iisipin ko
talagang ikaw sya," bulong ni Razele sa sarili

Alas tres na ng hapon at naisipan ni Razele na dalhin si Erajin sa U-Office. Mas


mabuti kung doon muna nya sisimulan ang pagpapakilala sa bagong RYJO.

"Yo, guys!" bati nya sa mga nasa loob


Napatayo agad sila Tank dahil dinalaw sila ng OIC
"Chief!" bati sa kanya ni Silver sabay saludo
Binilang ni Razele lahat ng nasa loob. Apat lang sila.
"Si Hunter?" tanong ni Razele
"Nasa Main Sector. Kumukuha ng trabaho," sagot ni Tank
"Sino uli 'tong dalawa nyong kasama?" tanong ni Razele habang tinuturo yung dalawa
pang nasa loob liban kay Tank at Silver
"Ring,"
"Crose,"
"Ok, Ring Crose..." sinenyasan ni Razele si Tank para lumapit. Lumapit naman si
Tank
"May kasama ako ngayon," bulong ni Razele
"Mm-hmm," tumango naman si Tank
"Si RYJO,"
Napatayo ng diretso si Tank at tinignan ng diretso si Razele "Sino?!"
Pinapasok naman ni Razele si Erajin sa loob ng office "Sya si RYJO." pakilala nya
sa kasama
Hinead-to-toe naman ni Tank si Erajin
"Sya..." inilipat nya ang tingin kay Razele "...si RYJO."
"Yeah,"
"Kelan pa?"
"Mga..." tinignan pa ni Razele ang relo nya "Matagal na."
"Ah," tumango naman si Tank na parang wala lang syang narinig "Baka pinagtitripan
mo na naman ako, kilala kita eh," sinuntok pa nya nang mahina ang balikat ni
Razele "Yung totoo?"
"Yun nga ang totoo. Itong babaeng 'to si RYJO."
"O?" tinignan pa uli nya si Erajin na pokerface lang habang inuusisa ang paligid
"Joke ba 'to?"
Kinuha ni Tank ang army knife nya sa holster nito at ibinato kay Erajin.
Nangati ang binti ni Erajin dahil sa suot na damit kaya yumuko ito para kamutin ang
balat nyang nangangati. Naiwasan tuloy nya ang kutsilyong paparating nang wala
syang kamalay-malay. Bumaon naman ang kutsilyo sa pader kasabay non ang pagtayo ni
Erajin at nakuha pang magkamot ng braso. Wala syang kamalay-malay na muntik na
syang tamaan nang kutsilyo.

Nagkatinginan naman si Razele at Tank dahil sa nangyari.


"A-yos" sabay pa nilang sinabi

"Anong lugar ba 'to?" tanong sa kanila ni Erajin


"U-Office." sagot sa kanya ni Tank
"Ah, may meaning ba yung U?"
"Meron. Upsilon." sagot ni Tank
"Ow, ayos ah." nagkamot sya ng leeg habang nililibot ng tingin ang buong office

Lumapit pa si Tank kay Razele para bumulong "Ano ba talagang plano mo at


pinapakilala mo yang babaeng yan bilang RYJO?"

Luminga-linga pa si Razele para alamin kung may makakarinig pa bang iba sa kanilang
dalawa "Sya nga si RYJO. Medyo... Napalitan lang ang mukha nya dahil sa ilang
bagay-bagay. And, nawalan lang sya ng konting memorya. Saka isipin mo nalang na
kelangan uli nating pabalikin dito ang Elites."

"Pero hindi na sila babalik. Narinig mo ang sinabi ni Crimson, hindi sila babalik
hanggang--" napahinto si Tank at tinignan agad ng diretso si Razele. Nag-smirk si
Razele dahil mukhang nakuha ni Tank ang gusto nyang palabasin
"Hanggang hindi bumabalik si RYJO," dugtong ni Razele sa hindi natapos na linya ni
Tank
"Hindi sila maniniwalang sya si RYJO. Mukha palang anlayo na!"
"Pero sya nga si RYJO. At siguradong pupunta sila kapag nalaman nilang nandito si
RYJO."
"Pero pag pumunta sila at nakitang hindi nga si RYJO ang pinunta nila dito, yari na
tayo!"
"Ang mahalaga, pumunta sila. Saka na natin problemahin kung maniniwala ba sila. May
dahilan para magpalit ng mukha si RYJO, at sure akong bebenta sa kanila yon."
Isang 'huh?' reaction ang mababakas sa mukha ni Tank dahil sa sinabi ni Razele sa
kanya
"Dito muna sya sa U-Office hanggang hindi pa bumabalik ang Elites," tinapik-tapik
nya ang balikat ni Tank at saka sya naglakad palabas ng office
"T-teka Chief!"
"Razele! San ka pupunta?" sigaw ni Erajin
"Sila muna ang bahala sayo! Babalikan kita mamaya!" tumakbo na palayo si Razele
para makaiwas

Naiwan doon si Erajin na hindi maintindihan ang nangyayari gaya ni Tank.


"Uhh," tinignan naman ni Tank si Silver na pinapanood lang sila "Sya daw si RYJO"
itinuro pa nya si Erajin
"RYJO." walang ganang sinabi ni Silver sabay tingin ng malamig kay Erajin "Isa na
namang baliw ang dadagdag sa grupong 'to?"
"Hoy kalbo, tumahimik ka kung ayaw mong samain sakin," maangas na sinabi sa kanya
ni Erajin sabay cross arms at taas ng kilay
"Aba talagang--" napatayo ng diretso si Silver at tinignan ng masama si Erajin
"Ha.. Haha.. Hahahaha!!" natawa naman si Tank dahil sa sinabi ni Erajin kay Silver
"Hoy! Tank! Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" galit na sigaw sa kanya ni Silver
"She is RYJO. Hahaha!" inakbayan nya si Erajin at inakay paupo sa isang couch na
naroon
Tinignan naman ng masama ni Erajin ang kamay ni Tank na nasa balikat nya. Feeling
close lang.
Nakaupo na si Erajin at umupo naman sa may kaharap na upuan nya si Tank
"Hey, what's your name?" tanong ni Tank
"Erajin."
"Oh," tumango naman si Tank "Ako nga pala si Tank. Ako ang Commander nitong
Upsilon. Yung tinawag mong kalbo, si Silver. Deputy sya. Yung dalawang nandoon..."
itinuro nya si Ring at Crose
"Ring at Crose,"
"O! KIlala mo?" gulat na tanong ni Tank
"Narinig kong nagpakilala sila kanina." wala sa mood na sagot ni Erajin
"Ay, hehehe" napakamot ng batok si Tank dahil sa awkwardness "Anyway, mga ano
kami.. mga--"
"Contract killers kayo."
Tumaas ang kilay ni Tank dahil marami palang alam ang babaeng kausap nya
"Na-brief na ko ni Razele kanina about sa inyo." nag-cross arms sya at nag-cross
legs "Sabi nya, si RYJO ang dating Commander nitong Upsilon."
"Oo, si RYJO nga ang-- Teka," napahinto si Tank at nagtatakang tinignan si Erajin
"Ikaw si RYJO diba?"
"Gusto lang nyang palabasin na ako si RYJO. Obvious naman eh. Bakit ba lahat kayo
engot ang tingin sakin?"
Napasandal sa inuupuan si Tank at tinitigan ng maigi si Erajin
"Alam mo, kung pipikit ako tapos magsasalita ka, masasabi kong ikaw nga si RYJO.
Pareho boses nyo eh, pati tono kuhang kuha,"
At sa bagay na yon, siguradong nagsasabi sya ng totoo.
"Sinasamantala ni Razele ang pagkawala ng alaala ko. Kitang kita ko sa mukha nya na
hindi sya nagsasabi ng totoo. Hindi ako ang RYJO na sinasabi nyo,"
Tumaas ang kilay ni Tank sa narinig kay Erajin. Tinignan nya si Silver at parehas
lang sila ng naging reaction
"Gusto kong maniwalang nagpalit lang sya ng mukha." ibinalik nya ang tingin kay
Erajin "Hindi mo ba talaga matandaang ikaw si RYJO?"
"Huh! Kung natatandaan ko, magtatagal pa ba ko dito? Gamitin mo nga yang utak mo!"
Ibinalik ni Tank ang tingin kay Silver at itinuro si Erajin "Sya nga si RYJO,"
inaudible nyang sinabi
------------------------
4

Sa Citadel...

Lumipas ang apat araw at unti-unti nang nakaka-recover si Armida. Medyo


nakikihalubilo na rin sya lalo pa, lagi syang kinakausap ni Ji Han tungkol sa mga
impormasyon sa buhay nya na nakalimutan nya.

Nasa isang kwarto sa Citadel ang mag-asawa.

Parang ngayon lang nakakita ng pagkain si Armida dahil sobrang takaw. Akala mo
mauubusan ng pagkain.

"Huy, magdahan-dahan ka nga, mabubulunan ka nyan eh," paalala sa kanya ni Josef

"Mmmm!" umiling sya at nag-thumbs up para sabihing ayos lang sya

"Tss.. Bakit ba kasi hindi ka kumain dun sa dining hall?" tanong ni Josef habang
pinupunasan ang pisngi nyang nalagyan na ng sauce ng spaghetti

"Ayoko dun," uminom sya ng tubig at nagpunas ng bibig gamit ang palad

"Haay," napabuntong-hininga nalang si Josef dahil sa asawa "Takot ka talagang


magutuman 'no?"

Nginitian nalang sya ng matamis ni Armida "Gutom ka na rin ba? Gusto mo?" inalok
pa nya ang kinakaing chowder kay Josef

"Hindi na," ginulo nya ang buhok ng asawa at saka ngumiti "Pinapanood palang
kita, nabubusog na 'ko."

"Ah--" bigla syang namula at kinagat ang labi sabay yuko

Natawa nalang si Josef dahil sa naging reaction ni Armida.

Nagpatuloy sa pagkain si Armida at pinanood lang sya ni Josef.

Nawalan ng alaala si Armida pero kahit na ganun, masaya pa rin si Josef. Para sa
kanya, maganda ang pagkawala ng alaala ng asawa nya.

Hindi na nito maaalala ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo.

Hindi na nito maaalala ang mga masasakit na bagay na naganap bago matapos ang taon.

Ngayon, bagong taon na kaya isang magandang pagbabago ang inaasahan nya.

Kailangang gawan nya ng masayang alaala ang asawa para hindi na nito maalala pa ang
masalimuot nitong nakaraan.

At kung kinakailangang hindi na ipaalala sa asawa nya ang pagiging assassin nito,
gagawin nya yon maging normal lang ang takbo ng buhay nilang mag-asawa kahit na
nasa mas mataas na lebel na ang status ng buhay nila.
"J-josef..."

"Hmm?"

"Wala..." umiling sya at saka yumuko "Gusto ko lang tawagin ang pangalan mo,"

. . . . . . . . . . . . . . .

Lumubog na ang araw,

Hindi naman magkandaugaga si Josef kakahanap sa asawa nyang may dalawang oras nang
nawawala. Nalingat lang sya ng tingin, naglaho na agad.

"Lord Ricardo," nilapitan sya agad ng isang Guardian

"Bakit?"

"Nakita po namin si Lady Armida sa shooting range,"

"SAAN?!"

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Pagdating ni Josef sa shooting range, naabutan nya doon si Armida na may hawak na
limang kutsilyo at umaambang ibato iyon.

"Armida!" tumakbo agad sya papalapit sa asawa

Napahinto tuloy si Armida at napalingon sa kanya

"Kanina pa kita hinahanap! Ano bang ginagawa mo dito?! Pano ka napunta dito?!"

"Ha? Ah-- Narinig ko lang na may nagpapaputok ng baril kaya ako napadpad dito,"

"Ugh! Naman!" napasapo nalang ng noo si Josef dahil nakalimot nga ang asawa nya,
mukhang nasa dugo talaga nito ang aksyon at paghahanap ng adventure sa buhay

Napatingin sya doon sa mga board na target, dalawampung metro ang layo sa kanila.
Nagtambakan ang kutsilyo sa bull's eye. Walang mintis.

Bibilib na sana sya eh, kaso hindi iyon ang oras para bumilib.

"Wag mo nang uulitin 'to ha? Iwasan mo ang lugar na 'to," kinuha nya ang kamay ni
Armida at inilapag ang mga kutsilyong hawak nito "Tara na,"

"Pero masaya dito eh!"

"Tara na!"

Hinatak nya agad si Armida paalis sa shooting range.


. . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa garden ang mag-asawa at nakasimangot si Armida habang nakatingin sa langit na


padilim na.

"Wag ka nang pupunta doon, maliwanag?" maotoridad na utos ni Josef

"Ano ba problema kung pupunta ako doon ha? Saka asan ba tayo? Bakit parang kakaiba
magsalita yung karamihan ng tao dito? Nasa ibang bansa ba tayo? Liban kay Jiro, kay
Laby saka sayo, halos lahat kakaiba magsalita." tanong ni Armida

Kumunot ang noo ni Josef dahil sa sinabi ng asawa nya.

"Wie heißen Sie?" tanong ni Josef kay Armida

"Bihisin sino?" takang-taka na tanong ni Armida

"Verstehen sie mich?" tanong uli ni Josef

"Huh??" hindi naman sya maintindihan ni Armida

"You don't understand me, do you?" tanong uli ni Josef

"Huh?" tumaas na ang kilay ni Armida dahil nagsasalita na ng alien ang asawa nya

Napa-cross arms si Josef dahil mukhang hindi nga sya naiintindihan ng asawa nya.

Weird dahil alam nyang may amnesia ito, but that doesn't mean na pati mga pinag-
aralan nito nawala na rin.

"Uy, ano ba pinagsasabi mo? Baka minumura mo na ko ah! Ayusin mo lang!" galit na
sigaw nito sa kanya

"Tinatanong lang kita kung anong pangalan mo" seryosong sinabi ni Josef

"Eh diba, Armida ang pangalan ko." sagot nya

"Oo nga. Armida nga ang pangalan mo,"

"O, bakit mo pa tinatanong? Sino ba ang may amnesia satin ha? Saka tigil-tigilan mo
nga yang pagsasalita mo nang kung ano-ano!" sarcastic na sinabi ni Armida

"Tss.." tinulak nalang ni Josef ang noo ng asawa nya. Mamimilosopo na naman.
May amnesia man o wala, ganun pa rin.

Samantala....

Sa HQ,

Nasa Main Sector si Razele at inaayos ang mga mission na ibinaba ng mga nasa
Central para sa HQ.

"Chief,"

Napahinto sya sa ginagawa nang may nagpakitang tao sa pinto ng office nya. Si Dash,
PIC ng U-Intel.

"Pasok," sabi ni Razele

Pumasok na si Dash at umupo sa upuan na katapat ng table ni Razele. Inilapag nya sa


table ang dalang folder.

"I don't know what's this all about but, it's very strange." sabi ni Dash

"What strange?" takang tanong ni Razele

"Her name is Aspasia."

"Aspasia what?"

"Yun lang. Aspasia. Nakuha nya ang pangalan dun sa matandang umampon sa kanya.
Walang apelyido, pangalan lang. Wala syang kahit anong record sa kahit anong
agency, even birth certificate wala. Taga-bundok 'tong babaeng 'to. Lumaki talaga
sa gubat. Nung 14 sya, bumaba sya ng bundok at dalawang taon syang nag-stay sa
syudad. Pagkatapos nun bumalik uli sya sa bundok tapos naging rebelde. May mga
sumadya noon sa bundok na tinitirhan nya tapos kinuha sya para maging tauhan. Isa
lang naman ang trabaho nya. Pumatay ng magiging target. Distance killer sya, wag
mong pahahawakin ng kahit anong bagay, sureball makakagawa sya ng instant weapon sa
mahahawakan. At kapag hindi ka nya gustong kausap, dalawa lang ang mangyayari sayo.
It's either, manghihiram ka ng mukha sa aso or instantly, makikipag-meet and greet
ka kay San Pedro,"

Napasandal sa inuupuan si Razele at agad na napaisip sa sinabi ni Dash.

"And the strange part is, halos magkapareho sila ng description ng Slayer. At kung
ako ang tatanungin- opinyon ko lang 'to ha- Kung may magpapanggap na RYJO, papasa
ang babaeng 'to para palitan sya."

"Aah," napatango naman si Razele sa narinig na opinyon ni Dash

Parehong description sa Slayer. Papasa sya if magpapanggap sya bilang RYJO.

"What's the difference of RYJO and this Aspasia?" tanong ni Razele "I'm talking
about the skills and abilities,"

"Ah! When it comes to distance killing, mas mataas ng di-hamak ang level ni RYJO.
Aspasia can create weapon with the use of simple materials. While, RYJO don't
create weapon on the materials because the material itself is the weapon. Mas
maraming skills si RYJO kesa kay Aspasia. Mas malakas nga lang nang di-hamak si
Aspasia pagdating sa katawan at isipan. At di-hamak na mas safe kasama si Aspasia
kesa kay RYJO."

Tumango naman si Razele sa narinig

"Para san ba 'tong lahat at pinahanap nyo ang profile ng babaeng yon?" tanong ni
Dash

"Balak ko kasing ibalik si RYJO dito sa HQ," wala sa sariling sagot ni Razele
habang nakatulala sa folder

"SINO?!" gulat na tanong ni Dash

"Wag mong sasabihin sa iba na pinahanap ko sayo ang profile ng babaeng 'to."
kinuha ni Razele ang folder at itinago sa drawer ng table nya "Kalimutan mo na
ring Aspasia ang pangalan nya." tinignan nya ng diretso si Dash "Simula ngayon,
sya na si RYJO."

Sandaling nag-isip si Dash at pinilit na intindihin ang purpose ng paghanap sa


profile ni Aspasia at pagpapanggap nito bilang RYJO.

"Balak nyo bang pabalikin dito ang Elites?" tanong ni Dash

Napa-smirk naman si Razele at tumango bilang sagot.

"Then why don't you change her face para mas kapani-paniwala?"

"Mas safe kung mananatiling ganun ang mukha nya. Bagong RYJO na ang makikilala nila
kaya mas maganda kung mananatili ang ganung itsura nya," sagot ni Razele

Tumango nalang si Dash sa sinabi ni Razele

"Saan sya magi-stay sa ngayon?" tanong ni Dash

"Dito muna. Sa ngayon."

Tumango na naman si Dash at tumayo na para makapagpaalam.

"May iba pa ba kayong kailangan?" tanong ni Dash

"Wala na. You may go,"

"Yes Chief," at lumabas na sya ng office

Binuksan uli ni Razele ang drawer at sinilip ang profile ni Aspasia.

"Aspasia huh,"

Nagpaikot-ikot sya sa swivel chair habang nakatingin sa kisame. Inisip nya agad
kung ano ba talaga ang plano ni Ji Han

Dahil kung titignang maigi ang lahat, alam nyang may kakaibang nangyayari.

Ibabalik nila si RYJO gamit ang katauhan ng iba. Pero bakit nila ibabalik kung
pwedeng hindi naman ibalik sa umpisa palang.

Patay na si RYJO sa mata ng lahat. Tapos bubuhayin nila sa katauhan ni Aspasia.


Bakit hindi nalang nila gawan ng panibagong identity at kailangang si RYJO pa?

"Ano ba talagang nangyayari ngayon... Bakit kelangang magpanggap ng Aspasia na 'to


bilang si RYJO?"

--------------------------------

Sa Citadel...
Nasa kwarto ang mag-asawa. Gabi na at matutulog nalang sila.
Nakaupo sa may kama si Josef at nagbabasa ng libro. Napahinto sya sa pagbabasa nang
lumabas si Armida sa banyo na kakatapos lang maligo at naka-bathrobe lang.
Inipit ni Armida ang bagong tuyong buhok nya sa likod ng tenga at nahihiyang
tinignan si Josef. Sinulyapan lang sya sandali ni Josef at saka ibinalik nito ang
atensyon sa libro.
"Huh?" nagtaka naman si Armida dahil parang hindi sya napansin ni Josef
Naka-bathrobe lang sya and that's it. Mag-asawa sila. Wala bang gagawin si Josef sa
kanya?
"Malamig, Armida. Magbihis ka na at matulog." seryosong sinabi ni Josef
Lalong kumunot ang noo ni Armida dahil kung makakilos si Josef, parang hindi naman
sila magkakilala.
"Hindi mo ba ko lalapitan at yayakapin?" tanong ni Armida
Itinaas ni Josef ang mukha nya at isinara na ang binabasang libro. Tinignan nya si
Armida at saka nya inilapag ang libro sa besidetable.

"Alam kong may amnesia ka, pero hindi ako mapagsamantalang asawa. Magbihis ka na at
matulog. Masama sayo ang nagpupuyat at napapagod. Hindi pa maayos ang lagay mo."
twice pa nyang ti-nap ang katabing unan para utusan ang asawa nyang matulog na
"Huh!" nagpameywang nalang si Armida at tumingin sa bintana "Lalaki ka diba?" at
ibinalik nya ang tingin kay Josef "Hindi mo ba nararamdaman yung dapat na
nararamdaman ng normal na lalaki kapag nakakakita ng--"
"Ma-tu-log-ka-na. Ok?" tumayo na sya at nilapitan si Armida "Magpalit ka na ng
pantulog mo." sabay lahad ng palad paturo dun sa closet
"Pero--"

"Armida,"

"Tss.." napa-eyeroll nalang si Armida at padabog na nagtuloy sa walk-in closet ng


kwarto nila
Napailing nalang si Josef at bumalik na sa kama. Kinuha ulit nya ang binabasang
libro at hinanap ang pahina kung saan sya natigil kanina.
Sinulyapan nya sandali ang orasan sa gilid ng malaking pinto ng kwarto nila. Maga-
alas dyes na nang gabi.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas na rin si Armida sa closet
"O, matutulog na ko." may inis na sa tono ni Armida nang sabihin nya iyon
"O! Bakit ganyan ang suot mo?" takang-takang tanong ni Josef habang hine-head-to-
toe ang asawa
"Huh!" puno nang pride na tinignan ni Armida ang katawan nya. Suot nya ang isang
sexy-ng sexy na black and red lingerie.
Armida: Maglaway ka ngayon, huh!
"Hoy, magpalit ka nga ng suot mo!" sigaw sa kanya ni Josef
Nanlaki ang mata ni Armida nang sabihin sa kanya iyon ng asawa nya "T-teka, hindi
ka ba nase-sexy-han dito sa suot ko?"
"At kelan ka pa naging conscious sa katawan mo, hmm? Si Jocas ka ba?" tanong ni
Josef
Napaisip naman si Armida dun sa sinabi ni Josef "Jocas? At sinong demonyo naman
ang Jocas na yon ha?"
Naningkit ang mata ni Josef dahil sa sinabi ng asawa nya "Wag na wag mong
matatawag na demonyo si Jocas."
"Aahh, sino ba yon? Babae mo?" mataray na sinabi ni Armida
Sandaling hindi nakasagot si Josef at tinantya ng tingin ang asawa nya
"Ano? Tama ba ko?" sabi ni Armida
"Jocas is my first wife. At kahit may amnesia ka, wala kang karapatang tawagin sya
ng kung ano-anong pangalan" seryosong sinabi ni Josef "Kaya ipapaalala ko lang
sayo, since nakalimutan mo... IISA LANG KAYO."
Inilapag ni Josef ang libro sa katabing mesa at nahiga na dahil sa inis sa asawa
nya
"Anong iisa lang kami?!" tanong ni Armida
"Magbihis ka na ng pantulog mo at matulog ka na,"
"Eh nakapantulog na 'ko!"
"Kelan pa naging pantulog mo yang suot mo? Maghihis ka na kundi dun ako matutulog
sa labas!"
"ANO?!"
Hindi na sumagot si Josef.
Naghintay sandali si Armida at sumuko na rin pagkalipas ng ilang minuto. Padabog
syang bumalik sa closet para magpalit ng damit.
After a few minutes...
Lumabas si Armida na nakasuot ng v-neck shirt at pajama.
Nilingon sya sandali ni Josef at agad din itong umayos ng higa.
"Tss," nag-makeface lang si Armida at saka nahiga sa tabi ni Josef "Asawa mo ba
talaga 'ko? Bakit parang hindi naman,"
"Let me remind you, Armida. Ikaw ang may gustong hindi kita tratuhin bilang asawa
ko. Wag ka nang mag-inarte pa at masanay ka nalang. Nirerespeto ko lang ang lahat
ng nagiging desisyon mo sa marriage natin."
"Huh??"
"Tulog na."
"Tss," hinatak nalang nya ang kumot at pumikit na nakakunot ang noo
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sa HQ...

Alas onse na ng gabi at nasa office sa Main Sector pa rin si Razele. Alam kasi
nyang any moment, dadating na ang inaasahan nyang bisita.
Makailang-beses na nyang tinignan ang wristwatch nya, pagkatapos ay titingin sa
orasan sa gilid ng pinto para tignan uli ang oras kung pareho ba ito ng nasa relo
nya.
Ginawa nalang nyang parang ride sa amusement park ang swivel chair at nagpaikot-
ikot doon na parang bata.
"Anong na naman ang niluluto mo dito sa HQ ha, Razele?"
Napahinto sya sa pagikot-ikot at dahan-dahang hinarap ang nagsalita.
"Crim-son." papantig na sinabi ni Razele
"Alam kong hindi ikaw ang tipo ng taong bubuhay ng isang taong dapat ay matagal
nang patay." lumapit na sya kay Razele at tumayo sa harap ng desk nito "Where is
she?"
Tumayo nalang si Razele at hindi na sinagot si Crimson sa tanong nito.
Ang totoo kasi nyan, hindi nya inaasahan na si Crimson ang pupunta. Si Ranger kasi
ang inaasahan nya. At ang presensya ni Crimson sa HQ ay simbolo ng napakalaking
kaguluhan lalo pa, si RYJO ang pinunta nya doon.
"Kapag sya na ang pinag-uusapan, kahit nasa mission ka, pupuntahan mo pa rin sya."
sabi ni Razele at nagtungo nalang sa may pinto ng office nya "Nasa kabilang panig
ka ng mundo but you manage to get here sa loob lang ng tatlong araw,"
"I'm asking you where is she, Razele." mariing sinabi ni Crimson
"Follow me."
Wala namang ibang magagawa si Crimson kundi ang sumunod. Gusto nya at kailangan
nyang makita si RYJO.
Lahat ng plinano nya at ng Four Pillars, bigla-bigla nalang nagunaw nang dahil sa
biglang paglaho ni RYJO. Kaya naman, malaki-laki rin ang atraso nito sa kanya.
Dumiretso si Razele sa bumukas na elevator at sumunod sa kanya sa loob si Crimson.
Pupunta sila ngayon sa 3B kung saan naroon sa kasalukuyan si Erajin.
"Hindi mo sya makikilala dahil nagpalit sya ng mukha. Kaya malamang na iisipin mong
niloloko lang kita," sabi ni Razele habang nakatingin ng diretso sa pinto ng
elevator
Tinignan naman sya ni Crimson na may tanong sa facial expression "Nagpalit ng
mukha?"
Alam ni Razele na dehado sya sa lagay nya ngayon dahil kahit anong tanong na
ibabato sa kanya ni Crimson ay hindi nya masasagot ng matino. Makakagawa sya ng
palusot pero kilala nya si Crimson at alam na alam nya ang takbo ng utak nito.
Hangga't may mapipiga sya sayo, pipigain ka nya kahit na tuyong tuyo ka na.
Kung si Ranger lang ang pumunta, malamang na maiintindihan sya nito. Yun nga lang,
hindi si Ranger ang pumunta.
"May dahilan para magpalit sya ng mukha. Hindi sya makikilala kung papalitan nya
ang mukha nya. At saka may amnesia din sya kaya malamang na hindi ka nya maaalala."
sabi ni Razele
Iniangat pa ni Crimson ang mukha nya at inisip ang pagkakasunod-sunod ng paliwanag
ni Razele.
"Nagpalit ng mukha? May amnesia? Ginagago mo ba ko?" dama ang inis kahit na sinabi
yon ni Crimson sa pinakamahinahong paraan
Kahit na gustong mag-facepalm, magkamot ng ulo, himasin ang noo at sabunutan ang
sarili dahil nagsisimula na si Crimson sa interrogation nito ay hindi magagawa ni
Razele. Lalo lang nyang bibigyan ng dahilan si Crimson para hindi sya paniwalaan.
Pinanatili lang nya ang pokerface at composure para naman kapani-paniwalang hindi
sya kinakabahan sa pinaplano.
"Tignan mo nalang ang lagay nya saka ka magsalita." yun nalang ang nasabi ni
Razele
Pagkalipas ng ilang sandali, lumabas na sila ng elevator at agad na nagpunta sa U-
Office.
Nauna nang pumasok sa loob si Razele.
Wala sila Tank dahil may mission sila ngayon ng Upsilon. At sino pa ba ang aabutan
nila doon kundi si Erajin na kumakain ng tinapay.
"O, hanggang kelan ako dito?" tanong ni Erajin sabay subo ng tinapay
Tinignan naman ni Razele ang mesita sa harap ni Erajin. Tatlong 1.5 liters na tubig
at isang can ng orange juice, limang balot ng loaf bread, dalawang bote ng
strawberry jam at tatlong peanut butter bilang palaman na ang nauubos nito. Pang-
anim na balot ng tinapay na ang kinakain nito ngayon.
Kanina nung huli nya itong nakita, kumakain ito ng tinapay. Ngayon, tinapay na
naman.
"Kulang pa ba? Gusto mong magpadala pa ko?" tanong ni Razele. Alam nya kasing
kulang ang tinapay bilang pagkain nito since almost 13 days na syang walang full
meal na kinakain.
"No need. I can get food if I want to eat." sabi ni Erajin "Anyway, abou--"
napahinto sya sa sinasabi at agad na tinignan ang lalaki sa likod ni Razele.
Naningkit ang mga mata nya at naibaba ang hawak na tinapay. Tumayo sya at dahan-
dahang nilapitan ang lalaki sa likod ni Razele.
Pokerface lang syang tinignan ni Crimson habang minamatyagan nito ang kilos nya.
Itinulak ni Erajin si Razele palayo sa kinatatayuan nito. Hinead-to-toe ni Erajin
si Crimson habang pinapaikutan nya ito. Tumaas ang kilay ni Crimson nang bigla
syang amuyin ni Erajin.
"Weird. You smell familiar." umatras ng isang hakbang si Erajin at tinignan ng
diretso si Crimson "Have we met before?"
Nagkatinginan bigla si Crimson at Razele dahil sa sinabi ni Erajin.
Gustong gusto nang magwala sa saya ni Razele dahil sa narinig. Pabor sa kanya ang
ginawa ni Erajin dahil alam nyang may sa aso ito kapag gusto nyang kumilatis ng
tao. Bumababa ang chance na pumalpak ang plano nya. Pero syempre, hindi sya pwedeng
magtatatalon sa tuwa dahil lang doon.
"Erajin." sabi ni Crimson
Tinitigan lang nya si Crimson
"Never use that name if you're not sure you are really her. Do you think I'll
believe you're Erajin, huh?" tanong ni Crimson kay Erajin
Hindi sya sinagot ni Erajin, sa halip ay tinitigan lang sya nito na parang pilit na
inaalala kung saan sila nagkita.
"Kilala kita, Razele." tinignan ng masama ni Crimson si Razele "Isa na naman ba
'to sa mga walang kwentang pakulo mo ha? Kung uutusan mo syang amuyin ako dahil yon
ang nakasanayan ni Erajin, I don't think I'll buy that."
Nagulat naman si Razele sa sinabi ni Crimson dahil kahit sya hindi inaasahang
aamuyin ng nagpapanggap na RYJO si Crimson.
"I-i-i don't-- I don't-- Wala akong alam!" palipat-lipat ang tingin ni Razele kay
Crimson at kay Erajin "Ni-ni-- Ni hindi ko nga expected na aamuyin ka nya! Hoy!
Erajin! Inutusan ba kitang gawin mo yon ha?" tanong nya agad
"Wala syang inutos na amuyin kita. Masyado lang talagang pamilyar ang aura at amoy
mo." seryosong sinabi ni Erajin kaya naibalik ni Crimson ang atensyon nito sa
kanya "Sa tingin ko, nakita na talaga kita dati eh..." iginilid nya ang tingin
para alalahanin kung saan nga ba nya nakita ang lalaking nasa harapan nya ngayon
Pasimpleng kinuha ni Crimson ang army knife sa holster nya sa beywang at hiniwaan
sa braso si Erajin.
"Hey!! What was that for?!" sigaw agad ni Erajin sabay hawak sa braso nyang
dumudugo
"Maniniwala akong ikaw nga sya kapag nawala yan bago lumiwanag bukas." at saka sya
lumabas ng U-office
Si Razele naman, natanga na sa kinatatayuan habang nakatingin sa braso ni Erajin na
dumudugo.
"Anong problema ng lalaking yon?!" tinignan nya si Razele na hindi makapaniwalang
nakatingin sa sugat nya "Hindi mo ba ko gagamutin?!" reklamo agad ni Erajin
habang pinipilit na takpan ang sugat na gawa ni Crimson
"I'm dead." wala sa sariling sinabi ni Razele habang nakatulala pa rin sa sugat
"I am Goddamn dead."
Kung normal na tao si Aspasia, malamang na aabutin ng 17 days bago gumaling ng
tuluyan ang sugat na ginawa ni Crimson. At malamang na sariwa pa rin ang sugat ni
Aspasia kahit na abutan pa sila ng hapon bukas. Sa lalim ng hiwa na yon, kahit na
ang pinakamagaling na doktor sa buong universe ay mahihirapan sa paggamot ng sugat
bago ang bukang-liwayway.
Patay na talaga sya nito.
Literal na DEADLINE nya ang pagliwanag bukas.
-----------------------------------------------------------------------------------
--

Sa Citadel...

Alas nuebe na ng umaga at tulog pa rin si Armida.

Maagang bumangon si Josef para hanapin si Cas at kausapin dahil mag-iisang linggo
na nya itong hindi nakikita kahit pareho naman silang nasa Citadel.

Gusto nyang malaman kung bakit si Laby at Ji Han ang nag-aasikaso ng lahat sa
Citadel samantalang nandoon naman si Cas.

Umakyat sya sa 7th Floor ng Citadel kung nasan ang CCS. Buong galang syang
sinaluduhan ng mga tao doon na dati naman ay hindi nya natatanggap mula sa kanila.

Malaking bagay talaga ang pagkakahirang sa kanya bilang bagong Fuhrer ng lugar na
sinusuka sya noon.

"Where's Cas?" tanong nya sa lahat

Nilapitan sya ng isang agent at binulungan.

Kumunot agad ang noo nya sa binulong nito at agad na lumabas ng CCS.

. . . . . . . .

Higit dalawang linggo nang hindi lumalabas ng kwarto nya si Cas. Hindi rin nila
mabuksan ang pinto nito dahil mukhang hinarangan mula sa loob.

May mga nagtangkang gumamit ng bintana ngunit hindi rin nagtagumpay dahil sa ilang
pinagbabawal na batas ng Citadel.

Nakatayo ngayon si Josef sa magarang hardin ng Citadel at nakatingala sa bintana ng


kwarto ni Cas na nasa ikaapat na palapag. Napakaraming maliliit na detalye ang
malaking pader ng Citadel kaya hindi sya mahihirapang umakyat. Doon sana sya
magsisimula sa 3rd floor pero nakasara ang kwarto na katapat ng kwarto ni Cas.

Wala syang balak sabihin sa mga Guardians ang balak nya dahil alam nyang
pinagbabawal. Kaya mag-isa nalang syang kikilos.

Tinatantya na nya ang kakapitan at tatapakan ng paa.

Mgapipitong taon na rin nyang hindi ginagawa ang binabalak kaya hindi rin sya
sigurado kung magagawa pa ba nya ng maayos ang plano nya. At saka almost 20 years
na ang nakakalipas nung huli syang magtangkang akyatin ang Citadel kaya maninibago
sya malamang.

Mabuti nalang at maraming mga gargoyles at gothic structures ang pader ng Citadel
kaya marami syang makakapitan.

Pinagpag nya ang kamay at nag-stretching ng konti.

May mga nakakakita sa kanyang mga Guardians pero hindi sya pinapansin. Ang iniisip
kasi ng mga ito, nage-exercise lang sya since umaga palang.

Nag-jog in place sya at saka bumwelo ng takbo pasalubong sa pader ng Citadel. Agad
syang tumalon sa konkretong pader at saka kumapit sa isang disenyong ulo ng leon na
nasa ibaba lang ng terrace ng pangalawang palapag. Umikot sya doon para sa bwelo at
tinalon ang katabing bintana. Kinapitan nya agad ang kurtina nitong nakalabas para
hindi sya malaglag at saka nya tinalon ang panibagong leon na disenyo na nasa
ikatlong palapag. Pinilit nyang itinaas ang sarili at saka sumampa sa railings ng
terrace ng third floor. Tiningala nya ang itaas na bintana kung nasaan ang kwarto
ni Cas. Tumayo sya sa railings at sinukat kung gaano kataas ang pagitan nya at ng
bintana ng kwarto.

"Ang taas pala nito," bulong nya sa sarili


Dahil kahit na in-stretch nya ang kamay sa itaas ay hindi pa rin nya naabot kahit
man lang ang ibabang disenyong leon ng bintana. Matangkad syang tao at hindi nya
inaasahan na mataas ang mga floors sa Citadel kahit na sinagad na nya ang kamay
maabot lang ang bintana.

Nagtataka tuloy sya kung paano sya nabuhay noon kung tinatalon nya ang fifth floor
ng Citadel para lang makatakas.

Ang iniisip nya, if tatalon sya sa railings, may chance na ma-off balance sya at
dumiretso sa damuhang hardin ng Citadel. Hindi problema ang pag-landing, ang kaso
nga lang, sayang ang effort since nasa itaas na nya ang kwarto ni Cas.

Ano? Tatalon o hindi?

Sige, tatalon nalang sya. Pero para sure,

Hinubad nya ang suot na V-neck shirt at ipinulupot sa kamay ang magkabilang dulo.
Tinalon nya ang disenyong leon at isinabit doon ang pinulupot nyang damit.
Ipinulupot pa uli nya ito ng isa pang ikot para siguradong hindi dudulas. Binuhat
nya ang sarili pataas na parang nagpu-pull up lang at saka nya inilipat ang
kabilang dulo ng shirt sa isang kamay. Hawak na ngayon ng kaliwang kamay nya ang
parehong dulo ng shirt at saka nya ginamit ang kanang kamay para maabot ang kurtina
ng bintana. Kinapitan nya ang kurtina at saka binatawan ang shirt at pagkatapos ay
mabilis syang tumalon papasok sa loob ng kwarto mula sa bintana.

Pinagpawisan sya sa ginawa dahil sa sobrang tagal na ang nakalipas pagkatapos nyang
magretiro bilang magnanakaw.

Tinignan pa nya ang labas ng bintana para silipin ang shirt nyang naiwan dun sa
disenyong leon. Napabuntong hininga nalang sya dahil wala na syang suot na pang-
itaas. Malamig pa naman.

Pinunasan nalang nya ang noo at saka ibinalik ang tingin sa loob ng kwarto.

"Cas?"

Nilingon-lingon nya ang paligid. Anlaki ng buong kwarto. Kasya na ang sampung
pamilya sa loob. Kumpleto sa gamit at furnitures, may malaking library pa sa
dingding. Kapansin-pansin din ang mga paintings ng iba't ibang tao na alam mong mga
galing sa aristokratang pamilya.

Napansin nya agad ang malaking pintuan na tinambakan ng mga mamahaling upuan, mesa,
mga vase, jars at mga mamahalin at malalaking figurines.

Napasapo nalang ng noo si Josef dahil ang dami nyang tatanggalin sa pintuan. Inuna
na nya muna iyon bago hanapin si Cas. Isa-isa nyang iginilid ang mga nakaharang
para naman mabuksan kahit ang kalahati lang ng pinto.

Pagkatapos igilid ang mga nakaharang, tinignan uli nya ang buong kwarto at nakita
ang isang tao na nasa sulok at nakayakap sa mga binti nito habang nakaupo.

Dali-dali nya itong nilapitan at lumuhod sa harapan nito.

"Cas?" dahan-dahan nyang itinaas ang ulo nito para makita "Cas, anong nangyari?"

Bumungad sa kanya ang walang emosyong mukha ni Cas. Kahit ang mga mata nito, parang
wala na ring buhay. Tuyong tuyo ang mga labi nito at malalaki na rin ang eyebags.
Namamayat na rin ito, dala na rin ng ilang araw na hindi pagkain.
"What happen? Naririnig mo ba 'ko?" hinawi nya ang ilang strands ng buhok nito sa
mukha at iniipit sa likod ng tenga nito "Cas, answer me.."

"Joseph..." mahinang sinabi ni Cas at saka hinawakan ng walang buhay nyang mga
kamay ang pisngi ni Josef "Patay na ba 'ko..."

"Ha?" hindi naman maintindihan ni Josef ang sinabi ni Cas

"Pinatay ko ang anak ko para lang mailigtas si Richard... Buhay ang anak mo,
Joseph. Buhay sya, wag kang mag-alala..." halos pabulong nang sinabi ni Cas habang
pinipilit ngumiti kay Josef

"Pinatay mo sino?" takang tanong ni Josef

"Pinatay ni Evari si Yoo-Ji... Hindi ko sya nailigtas..." tumulo ang luha nya
habang nakatingin ng diretso kay Josef "Gusto kong makita si Yoo-Ji... Joseph,
gusto ko syang makita..." naiyak nalang sya at isinubsob ang mukha sa leeg ni
Josef "Gusto kong makita si Yoo-Ji..."

Naalala ni Josef ang usap-usapan nitong mga nakaraang araw sa mga Guardians. Si
Armida ang pumatay kay 99. At mukhang totoo nga.

Nabawasan man ang pag-aalala ni Josef sa asawa nya dahil sa amnesia na nakatulong
talaga para mabawasan ang depression nito, eh mukhang yung ina naman nito ang
poproblemahin nya.

Kung naroon si 99, malamang na ito ang mag-aasikaso kay Cas sa pinagdadaanan nito
ngayon.

Ang kaso, patay na si 99. At mismong asawa nya ang pumatay dito.

Hinagod nalang nya ang buhok ni Cas para patahanin.

"Cassandra, 'lika na sa labas. Ilang linggo ka na dito sa kwarto mo..." mahinahong


utos ni Josef

Umiling lang si Cas para sabihing ayaw nya

"Cas, wag nang matigas ang ulo..."

Umiling lang uli sya bilang sagot.

Wala nang magagawa si Josef, lalo lang silang magtatagal doon kung paiiralin ni Cas
ang katigasan ng ulo nito. Kinuha nya ang magkabilang kamay nito at pinalibot sa
may batok nya. Isinilid din nya ang mga braso sa likod ng tuhod ni Cas at binuhat
na nya ito.

Sinubukang pumalag ni Cas kaso masyado na syang mahina para lumaban pa kay Josef.

Buhat-buhat ni Josef ang byenan papunta sa may pinto ng kwarto. Hinatak nya ng
kaliwang kamay ang malaking handle ng pinto ng kwarto at bumungad sa kanya ang
maraming maids, butlers at Guardians na ilang araw na rin sa labas ng kwarto at
naghihintay kay Cas na lumabas.
Nagulat ang mga ito nang bumukas ang pinto, nakita syang buhat si Cas habang wala
syang kahit anong pang-itaas.

"L-lord Ricardo! Lady Cassandra!"

Iniisip tuloy nila kung paano napunta si Josef sa loob ng kwarto gayong sila nga ay
dalawang linggo na sa labas ng kwarto nito at hindi makapasok. At anong meron at
topless sya habang buhat si Cas?

Lumapit ang mga Guardians kay Josef para kuhain ang buhat-buhat nito pero umiling
si Josef para sabihing wag na silang mangialam.

Yumuko nalang sila para hayaan si Josef na buhatin si Cas.

"Pakihanda ng clinic." utos ni Josef sa kahit sino sa kanila

"Yes, Milord." sabay-sabay nilang tugon

May mga Guardians at butlers na pumasok sa loob ng kwarto ni Cas para ayusin ang
mga naging problema sa loob ng kwarto nito. Yung iba namang maids at butlers
nakasunod kila Josef papunta sa clinic.

. . . . . . . . . . . . . . . .

"Nervous breakdown... Dala na rin ng sobrang depression kaya sya nagkakaganyan


ngayon. Kailangan nyang mag-undergo ng ilang psychiatric examinations, treatments
and therapies para maibalik ang mental state nya sa dati." sabi ng doctor na
sumusuri sa lagay ni Cas. Malapit ang doktor kay NightShade, 99 at Cas kaya
kumportable itong kausap "And about that, mukhang matatagalan kami dahil hindi
simpleng problema ang lagay nya ngayon,"

Tumango nalang si Josef habang tinitignan si Cas sa hospital bed na wala pa rin sa
sarili at tulala.

"Malaki ang naging epekto sa kanya ng pagkamatay ni Yoo-Ji. Dumagdag pa ang


pagkamatay ni Yusaf, kaya naman--"

Nagulat si Josef sa narinig.

"S-sinong namatay?" gulat nyang tanong

Nag-isip naman ang doktor na kausap ni Josef dun sa tanong "Si No. 99 at si
NightShade. Malaki ang epekto sa kanya ng nangyari since yung mag-bestfriend ang
lagi nyang kasama buong buhay nya."

Sandaling natigilan si Josef sa narinig. Hindi nya alam na patay na pala ang Daddy
nya.

"Yung kaso ni Yusaf, napag-usapan na namin matagal na panahon na. Pero yung kaso ni
Yoo-Ji, pinaghandaan naman pero iba kapag biglaan talaga. Wala kasing nag-akalang
ngayon mangyayari,"

"K-kelan namatay si NightShade?" tanong agad ni Josef


"More than two weeks na. Wala bang nagsabi sa'yo?"

Napaupo nalang sa malapit na upuan si Josef at isinubsob ang mukha sa magkabilang


palad. Higit dalawang linggo nang patay si NightShade, ni wala man lang nagbalita
sa kanya. Malamang na alam yon ni Laby at Ji Han pero kahit isang hint wala man
lang silang nabanggit. Ang alam lang nya, patay na halos lahat ng Superiors, pero
hindi naman doon kasama si NightShade.

Napasuklay nalang sya ng buhok at inisip kung alam na ba yon ng Mama nya.

Tinignan nya sandali si Cas na tulala pa rin.

Si Cas lang ang may interes sa lahat ng taga-Citadel kung sakaling ipapaalam kay
Anjannette Malavega ang pagkamatay ni Joseph Zach.

Ang kaso mukhang hindi nito naipaalam base sa kalagayan nya ngayon.

"Oh, malamang na iniisip mo ang tungkol kay Janet?" biglang sinabi ng doktor na
nagpaangat ng mukha ni Josef

"What about it?"

"Si Cas at Yoo-Ji lang ang may plano sa gagawin kapag nawala na si Yusaf, but as of
the moment, wala nang makakapag-asikaso ng tungkol sa kanya. But since nandito ka
na, use your authority. Ikaw na ang Fuhrer. It's much better if you take your
mother here since may laban ka na... Ipapatay mo nalang ang tatanggi sa kagustuhan
mo." sabi ng doktor "The last time na nagamot kita, bugbog-sarado ka dahil sa
kagagagawan mga tao dito" tumawa sya ng mahina at napailing "Who would've thought
na dadating ang oras na gagalangin ng mga tagarito ang bastardo ng Citadel," isang
mapang-asar na ngiti ang ibinigay nya kay Josef "It's payback time. Enjoy the
perks of being the Fuhrer." sinulyapan nya sandali sa Cas at saka tinignan ang
relo nya "Still, there's more perils than perks of being the Fuhrer, kid. Keep
that in mind," at saka ito lumabas ng clinic

Hindi nagustuhan ni Josef ang sinabi ng doktor sa kanya, pero alam nyang may punto
ang lahat ng sinabi nito since isa ito sa mga saksi sa kabataan nya.

Isang whatever headshake ang nagawa nya at lumapit nalang kay Cas at umupo sa gilid
ng kama paharap dito. Hinawakan nya ang kanang kamay ni Cas at hinawi nya ang buhok
nito sa mukha.

"Cassandra,"

Dahan-dahang inangat ni Cas ang tingin nya at tinignan ng diretso si Josef.

"Buhay si Richard... Buhay sya, Joseph... Buhay ang anak mo..." tumango pa sya ng
dahan-dahan para papaniwalain si Josef sa sinasabi nya "Ginawa ko lahat para
mabuhay sya..."

"Yes, Cas. I understand..." tumango nalang si Josef dahil dala na rin siguro ng
pagkakahawig nilang mag-ama kaya mukhang napagkamalan pa syang si NightShade ni Cas
"Cassandra, alam na ba ni Mam-- I mean, ni Anjanette Malavega na patay na si
NightShade?"

"P-pero ikaw sya diba..." kitang-kita ang lungkot sa mukha ni Cas nang marinig na
patay na si NightShade "I-ikaw si-- Ikaw si Joseph... Buhay ka... N-nandito ka...
B-buhay ka, buhay ka diba?"

Napapikit nalang at napabuntong-hininga si Josef sa nangyayari ngayon.

Hindi nga lang kasinglala ang reaksyon nya sa nagaganap dala na rin sa nasanay na
sya sa lagay ng asawa nya. Itong kaso ni Cas, mild pa. Yung kay Armida, nagkakaroon
ng oras na nagwawala na at sinusuntok na ang kahit anong babasagin sa paligid.

Ngumiti nalang si Josef kay Cas at umiling "Cas, ako si Richard Zach. Patay na si
Joseph Zach sabi ng doktor kanina..."

Unti-unting bumaba ang magkabilang dulo ng labi ni Cas kasabay non ang pagtulo ng
luha nya "Joseph..." kinuha nya ang parte ng suot na v-neck shirt ni Josef at
saka iyon kinuyom "Bakit..." napayuko nalang sya "H-hindi... Hindi..."

Napabuntong-hininga nalang ulit si Josef at pinatahan ang byenan.

Hindi na alam ni Josef ang iisipin. Ang taong laging umaayos ng gulo nilang mag-
asawa, wala na sa matinong estado ngayon. Iniisip nya kung sino nalang ang aasahan
nya doon kung kahit si Laby at Ji Han, hindi nya kayang pagkatiwalaan. Lalo pa, may
amnesia ang magaling nyang asawa.

Sa HQ...
Alas kwatro na ng umaga. Hindi na nakauwi pa si Razele sa kanila dahil sa sobrang
pag-aalala. Nasa office na naman sya at inaabangan ang susunod na magaganap.
Hindi nya pwedeng lapitan si Erajin dahil nasa Monitoring Room ng HQ si Crimson.
Makikita sya nito oras na puntahan nya si Erajin para gumawa ng paraan tungkol doon
sa sugat na gawa ng bisita.
Patay na talaga sya kapag nakita ni Crimson ang sariwang sugat ni Erajin.
At kahit na OIC sya ng HQ, at dating under nya ang Ranker na si Crimson. Hindi pa
rin non mababago ang katotohanang walang sinasanto si Crimson, at higit sa lahat,
Board member ito ng Central ng MA. Kaya halos magka-level na rin sila ng authority.
"Bakit ba kasi may sa halimaw ang katawan ng babaeng yon? Argh!" naibagsak nya ang
hawak na bolpen sa mesa at napatingala nalang sa kisame
Tumawag sya sa isang Omicron element at tinanong kung may nagbabantay pa ba sa
harap ng U-office
"Meron pa rin, Chief. Limang Rank 2 Lambda member," sagot sa kanya ng kabilang
linya
Napa-face palm nalang si Razele dahil hindi pa rin umaalis ang mga tao ni Crimson
sa tapat ng U-office. Ibababa na sana nya ang linya nang...
"Chief, bad news... Papunta na si Crimson sa U-office"
Nagulat si Razele sa narinig at dali-daling lumabas ng office nya para dumiretso sa
elevator.
Hindi sya mapakali habang hinihintay ang elevator na umakyat sa 3B. Mabilis naman
ang elevator pero pakiramdam nya, oras na ang itinagal nya sa loob non.
Pagbukas na pagbukas ng elevator, halos liparin na nya ang daan para lang maabutan
si Crimson sa office ng Upsilon.
Pagtingin nya sa loob...
"Tanggalin mo na yang benda," narinig nyang utos ni Crimson kay Erajin
Nakapameywang lang si Erajin habang nakatayo sa harap ni Crimson
"Hoy, baliw na lalaki, wala kang karapatang utusan ako dahil hindi kita Boss."
nag-hand signal sya kay Crimson na lumayas na ito "Shoo,"
Agad-agad na lumapit si Razele sa kanila...
"Erajin," kahit na medyo hinihingal, pinilit pa rin ni Razele na panatilihin ang
tikas nya
"Pakisabi nga dito sa babaeng 'to na tanggalin ang benda sa sugat nya," utos ni
Crimson kay Razele
Ayaw ni Razele nang inuutusan sya pero wala syang magagawa. At kahit na halos
lumabas na ang puso sa ribcage nya dahil sa sobrang nerbyos at pagod dahil sa
pagtakbo, kailangan nyang ipatanggal kay Erajin ang benda nito sa braso.
"Erajin," tumango sya para sabihing tanggalin na nito ang benda "Sige na, para
matapos na" ang paghihirap ko.
"Tss..." nag-eyeroll nalang si Erajin dahil kinikilala nyang Boss si Razele gaya
na rin ng sinabi nito sa kanya kaya kelangan nyang sumunod. Tinanggal na nya ang
tape sa benda at unti-unti itong iniikot para matanggal
Sobrang suspense na ang nararamdaman ni Razele sa mga oras na yon. At lalong
bumibilis ang tibok ng puso nya habang iniikot ni Erajin ang benda. Pakiramdam nya,
napakalaking bomba ang sasabog sa loob lang ng ilang segundo.
Sino ba kasi ang hindi kakabahan kung magiging katapusan mo ang resulta ng kung
anong nasa likod ng isang simpleng benda?
"O? Ano ba meron dito" wala sa mood na sinabi ni Erajin habang nakatingin sa sugat
nya
Napanganga nalang si Razele nang makita ang sugat ni Erajin
"Ha.. Haha.. Hahaha..." hindi tuloy maintindihan ang tawa ni Razele dahil sa
nakita. Tawang walang effort. Hindi mo alam kung masaya ba sya o ano
"I-i-i can't-- Haha... I can't believe it..." ang liwanag ng mukha nya habang
parang may hinahanap na kung ano sa sahig
Napataas lang ng kilay si Crimson nang makitang maliit na hiwa nalang ang malalim
na hiwang ginawa nya sa braso ni Erajin may limang oras palang ang nakalilipas.
"Hahaha!!" nayakap tuloy ni Razele nang wala sa oras si Erajin "Ikaw nga sya!!
Ikaw nga si RYJO!! Hahahaha!!" naiangat na nya sa sahig si Erajin sa sobrang saya
"Oy! Bitawan mo nga 'ko!!" pinalo-palo pa nya ang braso ni Razele para lang
bitawan sya
"Ikaw sya!!" Ibinaba na rin sya ni Razele at hinawakan sya sa balikat "Ikaw nga
si--" natigilan sandali si Razele at ang malaking ngiti nya ay biglang nawala
"Ikaw si RYJO?"
Tumaas ang kilay ni Erajin habang nakatingin kay Razele na biglang nagbago ang mood
Napatingin sa ibaba si Razele at inisip kung si RYJO nga ba ang nasa harap nya
ngayon.
Mabilis gumaling ang mga sugat ni RYJO. At napatunayan na nya yon ngayon. At yon
ang kataka-taka.
Si Aspasia sya, kaya paanong gagaling ang sugat nya ng ganun kabilis? Unless,
pareho silang napag-eksperimentuhan.
Pero taga-bundok ang Aspasia na yon. Imposible yung experiment-thingy sa kanya
dahil wala yon sa impormasyong nasa profile ni Aspasia.
Eh paano kung sya nga talaga si RYJO at binago nga talaga ang mukha nya gaya ng
kwentong ginawa-gawa ni Razele? Ibig sabihin, nawalan nga talaga ng alaala ang
tunay na RYJO.
Napaangat ng mukha si Razele at parang may biglang lumitaw na lightbulb sa itaas ng
ulo nya.
Oo nga naman.
Bakit ibabalik si RYJO kung umpisa palang ay hindi sya si RYJO?
Kaya malamang na tunay ang nasa harapan nya at ginulo lang nila Ji Han ang pananaw
nya sa mga nangyayari para itago sa kanya ang katotohanan...
Itinago gamit ang kasinungalingang umpisa palang ay hindi naman pala talaga
kasinungalingan kundi ang katotohanang halos nasa pagmumukha na nya at tutuklawin
nalang sya.
"Ibinalik nga nila si RYJO..." tinignan na nya ng diretso si Erajin na hindi na
rin maintindihan kung anong nangyayari "Ibinalik ka nila dito... Pero bakit?"
Binitawan na nya si Erajin at tinignan si Crimson na kanina pa sya pinapanood sa
mga kalokohan nya
"She is RYJO." seryoso nyang sinabi kay Crimson
Nag-cross arms lang si Crimson at tinantya sya ng tingin

"Ok. Sya nga si RYJO. Pero paano mo nalaman? Nagpalit sya ng mukha. Nawalan sya ng
alaala. Paano mo sya nakilala kung hindi sya nagpakita sa kahit sino sa'tin
pagkatapos ng pagkawala nya kasama si Shadow?"
Iniiwas agad ni Razele ang tingin nya kay Crimson at ibinalik nalang ulit ang
tingin kay Erajin. Hindi nya alam ang pinakamagandang palusot sa tanong na yon.
Hindi nya naman pwedeng sabihin na mga Superiors ang may pakana sa lahat ng yon
dahil lalong malalagot sya, hindi lang kay Crimson kundi pati sa Meurtrier
Assemblage. At malamang na instant na malilista ang pangalan nya sa death list ng
Central.

"I don't know. Pinaglalaruan yata tayo ng mga nangyayari," sabi nya habang
nakatingin kay Erajin

"Ano ba talaga ang nangyayari dito ha? Masisiraan na ko ng ulo sa inyo eh!" inis
na sinabi ni Erajin

"Wala ka ba talagang maalala kahit na konti?" tanong sa kanya ni Razele


"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Erajin sa tanong na yon na makailang beses na nyang
narinig sa lahat ng nakakausap nya sa HQ "Isang tanong pa nyan at babangasan ko na
yang mga mukha nyo,"
"Ikaw si RYJO! Naiintindihan mo ba?!" sigaw sa kanya ni Razele
Nagulat naman si Erajin dahil parang kani-kanina lang, ang saya-saya ni Razele
tapos ngayon galit na.
Kahit si Razele nagulat sa sigaw nya kaya ibinalik nya ang kalmadong ayos "I
mean--" kinuha ni Razele ang kaliwang braso ni Erajin at hinatak ito papalapit sa
kanya "Hindi ka dapat nandito. At kung ikaw nga sya--" sinulyapan nya sandali si
Crimson sa likod nya at saka nya ibinalik ang tingin kay Erajin "-mas mabuting
hindi ka na magtagal dito sa HQ,"
Kumunot ang noo ni Erajin sa sinabi ni Razele
"I think pwede ka nang umalis," sabi ni Crimson kay Razele
Nilingon ni Razele si Crimson "What are you gonna do now?"
"Ito ang gusto mo diba? We're taking her back,"

"But-- Kayo ang dapat bumalik dito dahil parte kayo ng HQ"

"Parte kami NOON ng HQ. At hindi na ngayon. Resigned na kami kaya wala na kaming
kahit anong pananagutan sa kung ano man ang problema ng lugar na 'to ngayon. Member
si RYJO ng Elites, kaya dapat lang na manatili sya sa poder ng Elites. At sa bagay
na yon, sa tingin ko, wala ka nang magagawa kundi ang irespeto ang desisyon naming
kunin sya." sabi ni Crimson
Kitang kita ni Erajin sa mukha ni Razele na hindi nito gusto ang naririnig kay
Crimson. Nabahala din sya sa sinabi ni Razele na hindi sya dapat magtagal sa HQ.
"Sandali lang ha, kakausapin ko muna si Razele." hinatak agad ni Erajin papalabas
ng U-office si Razele para makausap ng masinsinan
-----------

Sa Citadel...
Kung saan-saan na napadpad si Armida mahanap lang si Josef. Umiinit na ang ulo nya
at kung sino-sinong Guardian na ang napagbubuntunan nya ng galit.

"Nasaan na nga si Josef?!" galit nyang sigaw sa isang Guardian

"Lady Armida, ich bin--"

"Hoy! Wag mo kong hihiritan ng alien na salita mo!" dinuro pa nya ang Guardian na
sasagot sana sa kanya

"Lady Armida, Lord Ricardo is in the clinic with Lady Cassandra," Sagot ng isang
Guardian na naroon

"Ano?! Mag-tagalog ka nga! Alam kong imported ka pero wag mo kong ma-ingles-ingles
dyan dahil sinasabi ko sayo, babasagin ko ang mga pagmumukha nyo pare-pareho!"
sigaw nya sa lahat ng Guardians na naroon habang dinuduro ang mga ito

Dali-dali namang lumapit sa kanya ang isa pang Guardian at ito na ang sumagot sa
kanya "Lady Armida, nasa clinic po ng Citadel si Lord Ricardo," sagot nito sa
kanya na medyo hirap pa magsalita sa lenggwaheng ginamit

"Nasan ba yang clinic na yan?!"

Inilahad ng Guardian ang kamay nya para ituro ang daan "Sundan nyo lang po ako,"

Inirapan nya ang Guardian at saka sya sumunod dito

. . . . . . . . . . . . . .

Pagdating nya sa clinic, naabutan nya doon si Josef na pinapakain ang isang babaeng
nakaupo sa kama.

Naningkit agad ang mga mata nya dahil kanina pa nya hinahanap si Josef tapos ngayon
makikita nya lang ito na sinusubuan ang isang babaeng... hindi nya kilala.

"Josef! Anong ibig sabihin nito ha?!" hinarap nya agad ang asawa at nagpameywang
sya sa harap nito

"O! Sino ang nagdala sayo dito?" tanong ni Josef sa kanya

"Sino yan ha?" nagpameywang sya gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay
nakaturo dun sa babae
"Armida, she's Cas. And she's--"

"Wala akong pakialam kung sino sya! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap!" galit
na galit talaga sya dahil ilang oras din ang inubos nya mahanap lang si Josef.
Halos dumugo na nga ang ilong at tenga nya kakakausap doon sa mga Guardians na kung
hindi 'est tut mer lite' eh 'pardon me, Milady' ang sinasabi sa kanya

Nainis bigla si Josef dahil tinatanong sya nito kung sino ang kasama tapos biglang
hihirit nang wala daw syang pakialam kung sino ito.

"Armida, pwede ba hinaan mo lang yang boses mo." nakaramdam ng konting pagkapikon
si Josef sa tono ni Armida, lalo pa nasa harap lang nila si Cas

"Ano ba kasing ginagawa mo dito kasama yang--" itinuro pa nya si Cas "--sino ba
yan ha?!"

Naibaba tuloy ni Josef ang hawak na mangko at inis na inilayo ang tingin sa asawa.
Inulit na naman ang tanong kaya naiinis na sya "Armida, sarili mong ina yang
dinuduro mo." ibinalik na nya ang tingin sa asawa nya "Alam kong may issue kayo,
pero wag ngayon. Kaya kung wala kang gagawing mabuti dito, pwedeng lumayas-layas ka
nalang ha?"

"Huh!" hindi naman makapaniwala si Armida sa mga lumalabas sa bibig ni Josef


"Pinapalayas mo ko?! Josef, asawa mo ko! Dapat inaasikaso mo ko! May amnesia ako
diba?"

"Asawa nga kita! At may amnesia ka nga! Pero ipapaalala ko sayo, may amnesia ka
lang! Hindi ka imbalido. Ang sabi ko sayo diba, mag-stay ka lang sa kwarto!"

"Bakit mo ko sinisigawan ha?"

"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Josef dahil ang tino talaga kausap ng asawa nya
"Magpahatid ka sa Guardian pabalik sa kwarto" kalmadong nasabi ni Josef. Baka kasi
kung saan na naman mapunta ang pagtatalo nila

Tinignan naman ni Armida si Cas na masama ang tingin sa kanya

"Cas, kumain ka pa..." sabi ni Josef habang nakatutok na ang kutsarang may lugaw
sa bibig ni Cas

"You don't have the right to use her face," mahinang sinabi ni Cas pero sapat para
marinig nila Josef

"Cas?" ibinaba ni Josef ang kutsara at nagtaka agad sa sinabi ni Cas

"She's not Evari, Joseph... Evari is dead. And that person is a fraud." sabi ni
Cas habang masama pa rin ang tingin kay Armida

Napapikit nalang si Josef at inisip na isa na naman yon sa mga hallucinations ni


Cas. Nakausap na nya ang doktor tungkol sa lagay ni Cas, at kung sya nga
napagkamalang si Joseph Zach ni Cas, si Armida pa kaya na pumatay kay 99. Wala
ngayon sa sarili si Cas kaya wala na syang magagawa kundi hayaan nalang itong
magsalita ng kung ano-ano.
"Armida, lumabas ka muna dito," utos ni Josef

"Anong sinabi nya?" tanong ni Armida na hindi naintindihan ang sinabi ni Cas

"Lumabas ka muna. Mamaya na tayo mag-usap. May sakit si Cas-- may sakit ang mother
mo. Please, lumabas ka muna."

At dahil seryoso si Josef sa pakiusap nito, sinulyapan sandali ni Armida si Cas,


pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Josef "Bilisan mo nalang at saka ka bumalik
sa kwarto,"

"Sige," itinuro nya ng tingin ang pinto "Susunod ako. Tatapusin ko muna 'to."

Tumango nalang si Armida at saka lumabas ng clinic.

Paglabas nya...

"Isa na naman 'to sa mga pakana ng ama mo. Ginagamit nya ang babaeng yon para
lokohin tayong lahat." pinandilatan nya ng mata si Josef "Wag kang maniniwala sa
babaeng yon, Joseph." umiling sya "Hindi mo sya dapat pagkatiwalaan. Lolokohin nya
si Richard. Hindi sya ang anak ko dahil pinatay ko na sya." para syang baliw na
binulungan ang gilid nya "Patay na si Evari. Pinatay ko na sya. Oo, tama... Patay
na sya... Pinatay ko na sya dahil pinatay nya si Yoo-Ji... Kailangan nyang mamatay
para mabuhay ang lahat..." tumawa sya ng mahina at saka tinignan si Josef na may
halong pagtataka "Hindi sya si Armida... Hindi sya ang anak ko... At mapapatunayan
ko yon dahil ako ang ina nya." kinuha nya ang kwelyo ni Josef at saka nya ito
hinila palapit sa kanya "Paalisin mo na sya habang hindi pa nya sinisira ang buhay
ng anak mo... Paalisin mo na sya dito!!"

Samantala sa HQ....

"Bakit mo ko pinapaalis dito?" takang-takang tanong ni Erajin kay Razele

"Hindi ako sigurado sa dahilan, pero sa tingin ko, ikaw nga si RYJO." bulong ni
Razele

"Hindi ako si RYJO!" halos pabulong nyang sinigaw

"Pero paano mo mapapatunayang hindi ka nga sya ha?" itinaas nya ang braso nitong
unti-unti nang gumagaling nang tuluyan "Ito? Kung normal kang tao, 17 days ang
aabutin bago ka gumaling. Pero wala pang isang araw, ayos ka na. Si RYJO lang ang
may kakayahang gawin yon. Unless, you're also a superhuman"

"Pero hindi nga ako si RYJO!"


"Paano mo nasabi ha? Wala ka ngang alaala eh!"

"Eh teka nga, bakit mo ba kasi ako pinapaalis dito all of a sudden ha?"

Hinatak ni Razele si Erajin papunta sa may elevator at pinindot nya agad ang
papuntang ground floor.

"Plano kong papuntahin dito ang Elites, pero hindi ko inaasahang wala na silang
balak bumalik sa HQ. Si Ranger ang gusto kong makausap pero hindi sya ang dumating.
At kapag nakuha ka ni Crimson, magiging delikado na ang lahat ng bagay dito."

"Assassin din ba sya?"

"Yes."

"Delikado ba syang tao?"

"Mas delikado pa kesa sa iniisip mo. Sya ang pinakadelikadong member ng Elites. And
I'm telling you, magpapasalamat ka sakin dahil dito once na bumalik na ang memorya
mo." tinignan nya ang relo nya. Ilang minuto nalang alas-singko na ng umaga.
Hinubad nya ang relo at isinuot kay Erajin "Magtuloy-tuloy ka palabas ng lobby at
wag kang hihinto kahit na tawagin ka pa ng mga Rankers." kinuha nya ang .45 sa na
nakatago sa pants nya at iniabot kay Erajin "Keep quiet ok. Para hindi ka
makatawag ng atensyon. At sana buhay pa ko once na bumalik ang alaala mo."
nginitian nya ng matamis si Erajin

"Is that a joke?" tanong ni Erajin sabay taas ng kilay

"Sana nga joke lang yon para mas madaling tawanan. Wish me luck, Erajin." sabi nya
at saka ngumiti ulit. Kinuha nya ang wallet at ibinigay kay Erajin ang lahat ng
credit cards nya

"Diba dapat para sakin yung wish me luck?" tanong ni Erajin habang tinitignan isa-
isa ang mga cards na inabot ni Razele

"No. Mas safe ang labas ng HQ kesa sa loob."

"Akala ko ba Boss ka dito?"

"Depende yon sa mga susunod sakin. Unfortunately, Crimson is not one of those
people,"
Bumukas na ang elevator at itinulak ni Razele si Erajin palabas "Wag kang bibili
ng phone. Mat-trace ka nila. Mag-payphone ka nalang kung tatawag ka."

"Pero saan--" at nagsara na ang elevator "--ako tatawag?"

At kahit nagtataka, sinunod nalang ni Erajin si Razele at lumabas na sya ng HQ.

Mabuti nalang at hindi sya pinansin ng mga Rankers kaya sya nakalabas nang hindi
nagkakaroon ng aberya.

Madaling araw palang pala. Hindi pa nga sumisikat ang araw. Kaya pala wala gaanong
tao sa paligid.

Kukuha na sana sya ng taxi nang maisip na, delikado ang loob ng HQ at sinabihan sya
ni Razele na mas safe dito sa labas.

Hindi nya alam sa sarili nya kung bakit pero mas feel nyang magtagal doon sa loob
ng HQ at isama paalis si Razele. Kaya imbes na umalis, bumalik sya sa loob ng
building ng HQ at sumakay ng elevator pababa sa 3B.

Alas dyes na ng gabi sa Citadel.

At ilang oras nang naghihintay si Armida sa kwarto nila. Wala pa rin kasi si Josef
kaya lalo lang syang naiinis. Ang sabi kasi nito, sandali lang.

Pinuntahan nya si Josef sa clinic ng alas dyes ng umaga, pero hello! Alas dyes na
ng gabi wala pa rin!

Nakaupo sya ngayon sa dulo ng kama habang naka-dekwatro at naka-cross arms.


Napatingin sya sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang magaling nyang asawa na
walang ibang ginawa kundi ang paghintayin sya.

"Sana hindi ka na pumasok dito." sarcastic na sinabi ni Armida "Kanina pa kita


hinihintay, alam mo ba yon?"

"Nagtatrabaho ako, ok. Don't expect me to be with you all the time," tamad na
tamad na sinabi ni Josef at saka nilapitan si Armida "Kumain ka na?"

"Hindi ako gutom."


"Buti naman. Ilang araw ka nang kumakain ng good-for-one-week-three-times-a-day
meal eh. Mas matakaw ka pa sakin," at saka nya hinalikan sa noo si Armida

"Sino ba yung babaeng sinusubuan mo kanina ha?" inis nyang sinabi

"Mama mo sya. Mentally unstable sya ngayon kaya ganun mo sya inabutan." naglakad
na si Josef papunta sa banyo para maligo

"Ano yung mental-- mentale-- anste-- ano ulit yun?"

Napahinto sa paglalakad si Josef at nakataas ang kilay na tinignan si Armida "Ano


ang alin?"

"Yung sinabi mo. Yung mental-- ano ba yon?"

"You mean, mentally unstable?"

"Oo, yung mentali engsteybol"

"It's UNSTABLE."

"Yun naman yun ah."

Hindi sure si Josef kung dala ng amnesia nito ang sinasabi o pinagtitripan na naman
sya ng asawa. May pagkakataon kasing ganyan si Armida eh, nagtatanga-tangahan.

"Basta, medyo baliw sya ngayon at hindi makakausap ng matino. Yun na yon." at
nagtuloy na sya sa loob ng banyo

. . . . . . . . . . . . . . . .

Paglabas ni Josef ng banyo, naabutan nya si Armida na nakatulog na.

Napabuntong-hininga nalang sya at nilapitan ito. Umupo sya sa tabi nito at hinawi
ang buhok para makita ang mukha.
Ilang araw na rin nyang hindi naaasikaso si Armida dahil sobrang busy nya. Andaming
utos na kailangan nyang ibaba para sa Four Pillars, at sa apat na Associations.
Doble ang trabaho nya since lilima nalang silang natitirang Superiors. Si Ji Han at
Laby na ang naghahanap sa tatlo pang natitirang Superiors na kung tutuusin ay
trabaho nya dapat. Pati ang CCS na hinahawakan ni Cas, naging parte na rin sya
dahil sa lagay ng isipan nito ngayon. Yung asawa nya may amnesia, na mabuti naman
kahit paano ang naging resulta, at least hindi sila naging pareho ng lagay ni Cas.

Mas madali pa ang trabaho nya noon sa ERM. Simple lang ang gagawin nya, 'You're
hired' or 'You're fired' lang ang linya nya sa lahat ng empleyado.

Tatayo na sana sya para magbihis nang mapansin ang braso nito. Kumunot ang kilay
nya nang makitang nandoon pa rin ang peklat nito sa braso.

Ilang linggo na sila doon at dapat matagal nang magaling ang peklat nito, pero
bakit hanggang ngayon, nandoon pa rin?

Isa pa, ngayon lang nya napansin ang isang nunal sa pulso nito. Na wala naman dati.
Hindi naman pwedeng tumubo ang isang nunal sa loob lang ng ilang linggo.

Bigla tuloy syang napaisip sa mga sinabi kanina sa kanya ni Cas. Na hindi si Armida
si Armida dahil patay na ito.

Napailing nalang sya at pinilit na alisin sa isip ang mga sinabi ni Cas. Wala ito
sa tamang katinuan kaya kung ano-ano nalang ang sinasabi.

Baka may mali lang sa katawan ng asawa nya, at hindi na yon kailangang gawing big
deal since hindi naman normal na tao si Armida. Baka isa lang sa mga special
feature nito ang pagsulpot ng nunal sa katawan, who knows.

Ang kailangan nyang problemahin ngayon ay ang pagpunta nya sa Mama nya. Ibabalita
nya dito ang pagkamatay ni Joseph Zach at pagkatapos ay dadalhin nya sa Citadel
para madalaw ang libingan nito. Gaya nga ng suggestion nung doktor na gumagamot kay
Cas.

Wala nang magagalit sa kanya dahil hindi na sya mapakikialaman ng lolo nya. Hindi
na kasi ito kasinlakas gaya ng dati.

Mamayang madaling araw ang flight nya pabalik sa Pilipinas para sunduin ang Mama
nya. Hindi nalang nya muna isasama si Armida para mabilis syang makabalik. Madali
namang kausap ang Mama nya eh.

Sa HQ...
Bumalik si Razele sa U-Office at naabutan doon si Crimson na naghihintay sa kanila
ni Erajin.

"Nasan na sya?" tanong ni Crimson

Sinagot lang ni Razele si Crimson ng isa pang tanong "Kelan babalik dito ang
Elites?"

"Where. Is. She?" mariing tanong ni Crimson

Ang totoo nyan, hindi naman ine-expect ni Razele na si RYJO talaga yung babaeng
pinakilala nila Ji Han. Bigla tuloy rumehistro sa utak nya ang sinabi nito nang
ibigay si Erajin:

"Wala syang alaala. Kaya kelangan mo syang papaniwalain na sya nga si RYJO."

Kaya nga anlakas ng loob nyang tawagan ang Elites dahil alam nyang hindi yon si
RYJO. Alam nyang problema kapag nalaman nilang hindi sya si RYJO, pero ngayon lang
nya na-realize na sana pala hindi nalang sya tumawag kung alam lang nyang si
Crimson lang din ang pupunta. Kay Ranger sya tumawag pero bakit si Crimson ang
dumating?

Alam nyang si RYJO ang pinakasikat na member ng Elites. Pero si Crimson ang
pinakamalupit kahit na hindi nya inaangat ang sarili nya sa apat pang member.
Mahalaga sa Elites si RYJO, pero hindi nila pwedeng suwayin si Crimson.

Masusuway ng Elites ang Superiors, pero hindi si Crimson. Ganun sya kalupit.

At kung sya si RYJO, malamang na hinding hindi na sya magpapakita kay Crimson
pagkatapos ng epic fail na all-out war declaration nya.

"She escaped." yun nalang ang nasabi ni Razele

"She escaped? Or you let her go?" pokerfaced na tanong ni Crimson

"I--" hindi na alam ni Razele ang sasabihin "I didn't let her go."

"Then where is she? Wag mong sabihing pinapunta mo dito ang Elites para lang sa
wala. Itinago mo ba sya sakin?"
"I-I didn't-hide her..."

"Yes, he didn't"

Nalingon agad ni Razele ang likuran nya

"May kinuha lang ako sa taas,"

"E-erajin?" nagulat si Razele dahil bumalik pa si Erajin sa loob ng HQ.

Sasagad-sagarin na sana nya ang gulat kaso naisip nya na, sya si RYJO. At alam
nyang matigas ang ulo nito. Kapag sinabi mong wag sumugod, lalong lalakas ang loob
nito para sumugod. Sanay na nire-reverse psychology si RYJO, sayang lang at ngayon
lang nya naisip.

"You have to go with me, Erajin." sabi ni Crimson

"No. Don't want to," sagot ni Erajin kay Crimson

"Siguro hindi mo ko matandaan but I'm you're brother." sabi ni Crimson

"I'm you're brother blah blah blah, whatever.." nag-make face lang sya at kunyari
ay walang narinig

"ERAJIN!" lalo lang tuloy nainis si Crimson sa ginawa ni Erajin

"Familiar ka nga sakin, pero ayokong sumama sayo. Aalalahanin ko muna ang lahat ng
tungkol sakin bago ako sumama sa kung sino-sino. At kung kapatid nga kita, kusa
naman akong sasama sayo, once na makabalik na ang alaala ko. Tama ba?" nakangiting
sinabi ni Erajin kay Crimson

"Matutulungan kita sa pagbabalik ng alaala mo." mahinahong sinabi ni Crimson

"Pero ayoko sayo" masungit sa sagot ni Erajin


Nagsisimula nang maubos ang pasensya ni Crimson. Inilabas na nya ang baril at
itinutok sa ulo ni Erajin "Sasama ka sakin o pasasabugin ko yang ulo mo."

"Ooohh.. I'm scared, hehehe..." natawa ng mahina si Erajin sa banta ni Crimson.


Kahit sya nagtataka sa sarili dahil ni hindi man lang sya natatakot kay Crimson

Ibinaba na ni Crimson ang hammer ng baril para ipakitang hindi sya nagbibiro

"Ano bang meron sakin at ganyan nalang ang kagustuhan mong makuha ako ha?" tanong
nya kay Crimson

"Kung sasama ka sakin, malalaman mo ang sagot." sabi ni Crimson

"Ok, nevermind. Hindi na ko interesadong malaman ang sagot. Anyway," kinuha ni


Erajin ang dalawang kutsilyong hiniram nya sa isang Ranker na nakasalubong nya sa
Lobby at ibinato kay Crimson

Nasalo ni Crimson ang dalawang kutsilyo ang kaso nakatakas naman sila Razele at
Erajin.

"ERAJIN!!!"

"Bakit ka ba bumalik ha?!" sigaw ni Razele kay Erajin habang tumatakbo sila
papuntang elevator

"Eh diba Boss kita!" sigaw naman ni Erajin

"Pero-- Pero resigned ka na! Matagal ka nang hindi nagtatrabaho dito! Saka-- Hindi
mo naman talaga ako Boss eh! Kasi wala ka namang tinuturing na Boss at the first
place!"

Huminto sila sa elevator kaso ang tagal pa nitong bumukas dahil nasa 12B pa ito.

"Argh!" sinipa ni Erajin ang pinto ng elevator dahil sa inis at saka hinatak si
Razele papuntang hagdan "Paano mo ba kasi ako nakita ha?! Saan? Kelan? Saka ano ba
talagang meron ngayon?"

Nagtuloy-tuloy sila papuntang BattleGround.

Muntik nang makabitaw sa kamay ni Erajin si Razele pero nahatak agad ito ni Erajin
bago pa sila magkahiwalay sa gitna ng maraming tao.

Ang ingay sa BattleGround at halo-halo na ang amoy ng mga tao. Nakakahilo ang
dumadagundong na pagwawala ng mga ante-benefactors dahil sa mga lumalaban sa Arena.

Hingal na hingal silang dalawa nang akyatin ang daan palabas sa BattleGround na
daanan ng mga ante-benefactors.

"We're dead! Whooh!" naghabol ng hininga si Razele habang nililingon ang entrance
ng BattleGround

"Crimson yung pangalan nung lalaki kanina 'no?" napahawak sa magkabilang tuhod si
Erajin dahil sa pagod

"Yes."

Naglakad na silang dalawa papunta sa parking lot na ilang lakaran lang sa pwesto
nila ngayon.

Kapansin-pansin ang unti-unting pagsikat ng magandang araw sa lugar nila. Sayang


lang at hindi katulad ng mga nasa pelikula na ang pagbubukang-liwayway ay simbolo
ng nagtapos na problema.

Dahil sa kalagayan nila ngayon, magsisimula palang ang lahat.

"Kapatid ko ba talaga yung lalaking yun?" tanong ni Erajin sabay punas ng noo

"Sa ilang papel, oo. Findel din sya. Pero hindi mo sya kadugo."

Kinuha ni Razele ang key fob sa bulsa at saka tumunog ang isang kotse. Yung kotse
nya. May pinindot sya doon at bumukas na ang pinto nito kahit nasa malayo palang
sila.

"Panong hindi kadugo?" tanong ni Erajin


"Ewan, basta ang alam ko lahat ng member ng Elites, pare-parehong Findel pero hindi
magkakadugo. Masasabi mo rin yan kapag nakita mo si Ranger." Sabay na sila ni
Erajin na sumakay sa kotse "We have to leave this place immediately. Sa tingin ko,
mas mabuting hindi muna 'ko magpapakita dito hangga't hindi pa umaalis si Crimson."

In-start na ni Razele ang kotse at parang hinihintay pang may lumabas sa mga
entrance ng HQ bago sila umalis

"Kelangan siguro nating alamin kung ano ba talaga ang nangyari sayo bago ka
magkaroon ng amnesia at magpalit ng mukha. Mas maiintindihan natin ang nangyayari
kapag nalaman na natin ang puno't dulo ng lahat ng kalokohang 'to" pinaandar na
nya ang kotse paalis sa lugar na yon

"Pero hindi ako si RYJO diba? Gawa-gawa mo lang yung dahilang ako si RYJO!"

"Yun nga rin ang akala ko eh... Madali lang namang gawan ng pagkatao ang isang
taong may amnesia kaya inisip kong mapapaniwala kita at silang lahat na nagpalit ka
lang ng mukha kahit na hindi ka naman ang tunay na RYJO. Pero base sa lahat ng
nangyari, andaming pruweba na magpapatunay na ikaw nga sya. Argh!"

BEEPP!!

"Aydyusme!"

Tumunog tuloy ang horn dahil sa pagkakasuntok nya sa manibela kaya pareho silang
nagulat ni Erajin.

Nagkatinginan sila at unti-unti ay,

"Hahahahaha!"

Natawa nalang sa naging reaksyon.

"That's stupid."
10

~~~~~~Narrated for Josef~~~~~~


Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Josef sa private jet na sasakyan pabalik sa
Pilipinas. Alas tres palang ng madaling araw doon sa Citadel.

"Just wait for me, ok.." bulong nya sa natutulog na si Armida at saka nya ito
hinalikan sa pisngi at sa noo
Lumabas na sya ng kwarto nila at sinabihan ang mga Guardians na wag sasabihin kay
Armida kung saan sya pupunta. Hinatid na sya ng ilang mga personal Guardians nya sa
hangar ng Citadel.
Pagkalipas ng mahigit isang araw na byahe mula sa location ng Citadel, nakarating
na rin sya sa Pilipinas.
Lumapag ang jet sa isang private hangar na pagmamay-ari ni Cassandra Zordick.
Sinalubong sya doon ng isang van at ilang Guardians.

"Lord Ricardo, pansamantala po muna kayong tutuloy sa isang hotel habang inaayos pa
namin ang ilang mga dokumento ni Anjanette Malavega." sabi sa kanya ng isang
Guardian
Tumango nalang sya sa sinabi ng Guardian.

"Ito po ang inyong kotse, may personal driver na rin po kayo na maghahatid sa inyo
sa hotel." itinuro ng Guardian na kausap ang isang puting Mustang sa gilid lang
nila

"It's better for me to go alone," lumapit sya sa driver at kinuha ang susi dito
"May GPS naman 'to diba?" tanong nya sa driver

"Yes, Milord." Tumango naman ito bilang sagot


Mag-isa na syang sumakay sa kotse at nag-drive na paalis sa hangar.
. . . . . . . . . . . . . .
Malapit lang pala ang hotel na sinasabi ng mga Guardians sa location ng bahay ng
Asylum President kaya hindi na sya mahihirapang kausapin ang Mama nya.
Dumiretso na muna sya sa hotel kung saan sya pansamantalang tutuloy.
Kailangan muna nya kasing planuhin ang lahat ng ikikilos, lalo pa lahat ng nandoon,
iniisip na patay na talaga sya.
Hindi naman pwedeng bigla-bigla nalang syang susulpot at sasabihing, 'I'm alive
people! Gulat kayo 'no!'
Naibigay na nya ang kotse sa parking attendant at papasok na sya sa hotel.

"Hindi ko talaga ma-gets eh, linawin mo ngang mabuti..."


Nakuha ng atensyon nya ang isang pamilyar na boses. Naisip tuloy nya si Armida
dahil dun sa nagsalita. Pagkalingon nya sa gilid...
"Ok," nakita nya ang isang babaeng may kausap sa cellphone na nakatayo sa gilid ng
entrance ng hotel. Wala, hindi naman si Armida, anlayo pa ng mukha. Magkasing-
katawan oo, pero anlayo pa rin.
Miss nya lang talaga si Armida kaya nya naiisip. Lalo pa, hindi sya nakapagpaalam
dito ng maayos bago nya puntahan ang Mama nya.
. . . . . . . . . . . . . .
Nasa room 1203 ang kwarto ni Josef at nililibot na nya ito ng tingin. Maganda ang
loob at nakakakalma ang hue ng interior. Naalala nya bigla yung suite ni Armida.
Napangiti nalang sya nang maalala ang itsura ng suite ng asawa nung nag-solo flight
sya. Sirang-sira at mukhang dinaanan ng delubyo.
At ngayon na nagsolo flight na naman sya... ano kaya ang magiging reaksyon ni
Armida sa Citadel?
Iniisip palang nya, kinikilabutan na sya.
Hapon na at may jetlag pa sya. Kailangan na nyang magpahinga. Bukas na bukas din ay
kakausapin na nya ang Mama nya para sumama ito papuntang Citadel.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ang ganda ng panaginip nya,
kasama nya ang asawa at katabi nya ito sa pagtulog. Para silang nasa isang paraiso
at nakahiga sa isang lugar na puno ng bulaklak. Niyakap nya ito ng mahigpit na para
bang ayaw na nya ito pakawalan.

"I love you..."

"Shut up, I'm sleeping."


Napangiti nalang sya dahil sa sinagot nito sa kanya. Hinawakan nalang nya ang mga
kamay nito at inilagay sa pagitan ng mga daliri nya ang mga daliri nito. Ang sarap
ng hangin sa paligid. Ang kalmado ng buong lugar, nakakapayapa ng isipan. Parang
ayaw nang magising ni Josef sa napakagandang panaginip na iyon

"Armida, I love you..."

"Huh?"
Biglang nawala ang paraiso sa isipan nya at napadilat sya bigla. Tinignan nya ang
gilid nya nang maramdaman ang isang malambot na bagay.
"Holyshi--" napatalon sya sa kama nang makita ang isang babaeng pupungas-pupungas
pa at nagkakamot ng leeg sa tabi nya
----------------------

11

~~~~~~Narrated for Erajin~~~~~~


Nasa byahe pa rin sila at papunta sa isang hotel na isa sa pagmamay-ari ni Razele.
Malayu-layo ang hotel sa HQ at mas mabuti kung doon sila mananatili pansamantala.
Tanghaling tapat na at pareho na silang ginugutom. Iniabot ni Razele ang isang
nakatagong phone sa secret compartment ng kotse kay Erajin.

"Mahirap i-trace ang mga tawag sa phone na yan kaya yan ang gamitin mo kung tatawag
ka sakin," sabi ni Razele

"Paano mo nga kasi ako nakita?" tanong ni Erajin habang inuusisa ang phone na
bigay ni Razele
"Ang totoo, pinatawag ako ng isang Superior nung New Year..."

"Superior? Ano yun?"


Napa-eyeroll si Razele dahil back to zero na naman syang magpapaliwanag kay Erajin.

"Superior, sila yung mga SUPERIOR namin-- natin as a felon. Imagine nalang, kunyari
sa isang corporation. Ako as an OIC is just a part of management team. Tapos Board
of Directors ang Four Pillars na nagpapatakbo sa MA and the other Assoc. And the
Superiors are the owners of all Associations."
"Meaning to say--??"
"Superiors are our owners. They owned us. Property nila tayo at ang buhay natin. At
wala tayong ibang magagawa kundi ang sumunod. At isang Superior ang nagpatawag
sakin last New Year at inutusan akong papaniwalain kang ikaw si RYJO."

"Tapos?"

"Ginawa ko ang inuutos nya. Wala naman akong magagawa eh."


Nakakaramdam na ng sobrang kalam ng sikmura si Erajin kaya medyo nagwawala na ang
mga halimaw nya sa tyan
"I'm hungry." sabi nya kay Razele

"Of course you are. Ikaw pa," iniliko ni Razele sa kaliwa ang kotse at saka sila
pumunta sa pinakamalapit na fastfood chain para umorder sa drive-thru.

"Two large fries," sabi ni Razele sa crew

"Make it three," sabi agad ni Erajin sabay punta sa harap ng bintana ng kotse na
nakaharap sa window ng drive-thru. Ipinatong nya ang magkabilang braso sa bintana
"Three large fries..." pag-uulit ng crew
"Tss," inurong sandali ni Razele ang ulo ni Erajin para makita pa rin ang crew
"Two large coke, two large black pepper burger-- uhm, make it four. Yun lang,"

"Saka sundae! Large! Dalawa!" dagdag pa ni Erajin


"Tss.." napangiwi si Razele dahil hindi pa rin nagbabago si Erajin. Matakaw pa
rin.
Bumalik na sa maayos na pagkakaupo si Erajin at tinignan si Razele "O, what's with
the face?"

"Sa takaw mo, anlaking hiwaga pa rin sa isipan ko kung bakit hindi ka lumolobo. Sa
tagal kong kasama ka sa trabaho, never ko pang nakitang nagbago ka ng figure. Yung
totoo, sang lupalop mo dinadala lahat ng fats na ini-intake mo?" tanong sa kanya
ni Razele
Isang 'what-the-hell-are-you-talking-about' face ang binigay ni Erajin kay Razele
Umiling nalang si Razele dahil mahirap magpaliwanag sa taong walang alaala.
Pagkalipas ng matagal-tagal na paghihintay ng mga taong gutom,
"Oh yeah," takam na takam si Erajin na hinalbot kay Razele ang lahat ng inorder
nila
Napailing nalang si Razele at nagbayad na. Umalis agad sila doon at nag-park muna
sa isang malapit na pay parking area.
Nilantakan agad ni Armida ang burger na halos di nga magkasya sa bibig nya.
Gutom din si Razele pero hindi nya maiwasang hindi panoorin si Armida na akala mo
patay-gutom na after ng limang buwan na hindi pagkain, biglang hinainan ng
malalamon.

"Dapat na ba kong tumakbo palabas ng kotse?" nakangiwing sinabi ni Razele

"Huh?" nagtaka naman si Erajin sa tanong na yon ni Razele. Uminom sya sandali ng
coke habang tinitignan si Razele na pinapanood sya

"Para kasing pag kinulang yang order natin, ako na ang kainin mo." sabi ni Razele
sabay taas ng kilay dahil wala pang tatlong minuto, ubos na ni Erajin ang
pagkalaki-laking large burger nito "Gusto mo?" inalok nalang nya yung isa pang
burger kasi mukhang kulang nga

"Sige, ubusin mo muna yan," asiwang sinabi ni Razele


Kumagat lang ng kumagat si Erajin ng burger at saka ngumuya. Halos lumobo na ang
magkabilang pisngi nya dahil sa kinakaing burger.
"Berkirt ji--"

"Oh God! Wag kang magsalita ng puno ang bibig! Dyusko naman, Jin!" reklamo ni
Razele habang diring diri na pinipitik ang mga piraso ng nginunguya ni Erajin na
tumalsik sa khaki pants nya.
Eww ha.
Sinipa sya agad ni Erajin sa hita dahil ang arte nya.

"Ano?!" reklamo ni Razele

"Arte!!"

"Anong maarte doon? My God, Jin, manners mo naman gamitin mo!" paulit-ulit nyang
pinagpag ang pants nya na parang pag hindi nya ginawa ay magkaka-virus sya
Nilunok agad ni Erajin ang nasa bibig at saka uminom ng coke panulak.

"Arte ha! Lalaki ka ba talaga ha? Konting dumi lang eh--" humarap nalang sya sa
kabilang direksyon at doon bumulong-bulong habang patuloy na kinakain ang
panibagong burger nya "Kung maka-react naman, akala mo muriatic ang sinaboy sa
kanya.. Psh,"
Isang malupit na eyeroll ang nagawa ni Razele dahil ngayon, wala nang duda. Si
Erajin nga talaga ang kasama nya
Hinawakan nya ang pulso ni Erajin na ikinatigil nito "Pasado ala una na." sabi
nya habang tinitignan ang relo na ibinigay nya kay Erajin "I think we have to go,"
Nag-slomo sa pagnguya si Erajin habang nakatingin kay Razele na pinapaandar na ang
kotse "Aren't you gonna eat?"
"Walang mangyayari sating pareho kung uubusin ko ang oras sa pagkain,"
Umalis na sila sa pinag-parking-an at saka binagtas na uli ang daan papunta sa
hotel.

"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka nila kailangang ibalik dito sa labas.
Patay ka na DAPAT. Pinatay ka na nila, at kahit sila, alam na magiging problema
kung ibabalik ka dito," sabi ni Razele out of the blue
Ubos na agad ni Erajin ang dalawang malaking burger nya, at mabuti naman dahil
kahit paano'y nakaramdam na sya ng pagkabusog.

"Paanong patay na ko? Bakit naman ako namatay?" tanong ni Erajin habang pasimpleng
kinuha ang isang burger ni Razele

"Patay ka na DAPAT." tinignan nya sa gilid ng mata si Erajin "At witness ako
doon. You didn't die permanently because YOU DYING PHYSICALLY is equivalent to the
word IMPOSSIBLE."
Nag-isip sandali si Erajin sa sinabi ni Razele...
Na-gets ba?
Of course!
HINDI.
Hinati nalang nya ang burger sa kalahati at itinutok sa bibig ni Razele "Kain,"
Tinignan sandali ni Razele ang burger sunod ay si Erajin
"Kain na," sabi sa kanya ni Erajin sabay alok uli ng burger na hawak
"Tss," kinagat nalang ni Razele ang burger at saka ibinalik ang tingin sa daan
habang ngumunguya

"What do you mean by me dying physically is impossible?" tanong ni Erajin sabay


kagat din sa burger na inalok kay Razele, pasimpleng lamon lang

"You die, yes." inabot naman nya ang coke sa gilid, at dahil kapa sya ng kapa eh
wala naman syang nakukuha, si Erajin nalang ang nag-abot at itinutok sa bibig nya
ang straw. Tinignan lang nya ulit yon at saka uminom.
Uhm! May alipin ang Razele na ito ha. In fairness,
"When the heart stops, it means death of the body. But in your case, siguro hihinto
ang puso mo, maximum na yata na na-encounter ko is 12 days. Yun yung time na
pinatay mo si Psyche after nyong makaharap si..." inisip pa ni Razele kung sino
nga ba yung nakaharap nila "...I think that's NightShade. You lose yourself
because of the Herring's Eyes. I don't have any idea about the real story about
that but NightShade shot you in the chest, and then you died. Of course, sino bang
hindi mamamatay kapag binaril ka sa vital parts. That's the first time I witnessed
you die. I still remember the hole in your chest and it scares the hell out of me
kahit na pumapatay din ako."
Patuloy syang sinusubuan ni Erajin habang nagkukwento sya

"Seryoso yung 12 days? Diba dapat ilang minuto lang eepekto sa katawan yung revive-
revive-thingy? Paanong mabubuhay after ng 12 days ang isang taong patay na?" kahit
si Erajin nagtaka sa kwento ni Razele

"Yun nga rin ang pinagtataka namin eh! HOW? Alam mo bang ang iniisip naming lahat
nung time na yon, patay ka na talaga. Witness kami ng Elites sa nangyari, you're
dead! And you're supposed to not live anymore! Pero ikinagulat talaga namin nang
magpakita ka sa HQ na parang walang kahit anong nangyari sayo. Kahit isang sugat
wala. Even a small scar of that gunshot, walang-wala."

"Eh pano nyo nalamang 12 days akong patay?" tanong ni Erajin

"Madame V took care of you. And I think kasama nya ang Four Pillars nung time na
yon. Nobody knows what really happens, basta, it just happen."

"Sino yung Madame V?"


"Sya yung OIC na pinalitan ko."
Isang 'impressive' reaction ang natanggap ni Razele kay Erajin

"Anyway, mabalik tayo sa topic. Ano bang nangyari at parang gulat na gulat sila
Tank nung marinig nilang ako si RYJO?"

"Tss, malamang na magugulat talaga sila. Nagdeklara ka ng gyera sa mga Superiors,


at pinagpalit mo ang sarili mo para sa aming mga Officials at Commanders para lang
matigil ang gyerang ikaw mismo ang pasimuno--" napahinto sya sa pagsasalita nang
sinalpakan ni Erajin ng tissue ang bibig nya dahil kalat-kalat na ang ketchup sa
gilid ng labi nya

"I declared war? Seryoso yon?" tanong pa nya sabay subo ng fries
"Yes." tinignan pa nya sa side mirror ang labi nya habang pinupunasan "At
andaming nasira ang ulo dahil lang sa pagkawala mo. Hindi pa nga nagsisimula ang
laban, tapos na agad! Parang tanga lang!" sabi ni Razele sabay lukot ng tissue at
bato sa loob ng plastic ng kinakain nila

"I declared war? Hahahaha! That's awesome!!" at tuwang-tuwa pa si Erajin sa


narinig kay Razele
Oh yeah! She declared war and she likes it. Great.

"Orayt! That's awesome!" masayang nasabi ni Razele "Muntik lang naman kaming
mamatay dahil sa awesomeness na yan!" sobrang sarcastic nyang dugtong

"Tss, declaring a war is totally cool, dude." sabi ni Erajin sabay eyeroll dahil
ang KJ ni Razele "Anybody can declare war, but not anybody can accept the war that
person is declaring. And if I declared war and they fight back, it means I'm a big
deal,"
Natahimik bigla si Razele sa narinig kay Erajin.
Habang tumatagal syang kausap ito, lalo lang nyang napapatunayang ito nga si RYJO.
"You really are big deal" mahinahong sinabi ni Razele habang nakatingin sa
dinadaang skyway "You're the Slayer,"
Napataas bigla ang magkabilang kilay ni Erajin at kitang kita sa mukha nya ang
curiosity "Slayer? Para san yon?"

"Unknown Slayer. Ultimate Assassin. Silent Executioner. Yan ang titles ni RYJO--
Titles MO. And your job is the easiest yet the hardest job ever as far as the
Associations is concern. At ikaw lang ang may kayang makagawa ng trabahong yon,"
sinulyapan nya sandali si Erajin na seryoso ngang nakikinig sa kanya, lantak naman
ng lantak ng fries "Simple lang ang trabaho mo. Kill the killers. Assassinate the
assassins. Terminate the hitmans, contract killers and musclemen. Tagalinis ng
kalat ng mga nabigo sa missions. Dispatsador ng mga pumapalpak. Taga-tapos ng mga
gumawa ng trabaho, nabigo man o hindi sa mission. Ikaw ang pumapatay sa mga
inuutusang pumatay. Tagalinis ng mga gumawa ng kalat, as simple as that. Mapa-
Ranker, Leveler, Grader or Satsujin. "
Napahinto sa pagkain si Erajin at pumikit-pikit pa para siguraduhing tama ang
naririnig nya

"And that's what makes you a very big deal dahil ikaw lang ang may kakayahang
lumaban sa mga nasa taas since you're the Slayer. And nobody mess with the Slayer,
dahil kung tutuusin, tao lang din ang mga Superiors at may limitasyon din ang buhay
nila. Major concern ka rin para sa lahat dahil bago ka magdeklara ng gyera, iilan
lang ang nakakakilala sayo bilang si RYJO. Kilala ka bilang Erajin Miller na isang
bigtime business mogul but not as RYJO."
"I'm rich?" tanong nya agad sabay subo ulit ng fries habang ginagawang sine si
Razele

"One of the richest person here, you're the envy of all businesspeople exist in
this country"

"Ooohh.. I can buy, uhh... Ano ang kaya kong bilhin para masukat ang yaman ko?"
curious nyang tanong "Company? Kaya kong bumili ng company ha?"

"Binibigyan ka ng company, hindi mo binibili. Actually, namumudmod ka ng kompanya


sa sobrang dami ng natatanggap mo,"
"Talaga? Island? Kaya kong bumili ng island?"

"Marami ka nang island around Southeast Asia and Pacific. Ewan ko nga kung para san
yon dahil hindi mo naman binili,"

"Binigay lang din sakin?"

"As usual, yes."

"Magkano ang bayad sakin para sa trabaho? Milyones ba?"


Umiling agad si Razele "Hindi ka tumatanggap ng cash. Ayaw mong tumatanggap ng
pera,"
"Ha?? Bakeet??" gulat nyang tanong
"Ewan ko sayo. Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Tss.." inis na nagpatuloy sa pagkain ng fries si Erajin "Paano 'ko yumaman kung
hindi ako tumatanggap ng pera?"

"Simple lang, namumudmod ka ng kumpanya at namimigay ka ng trabaho. Shareholders ka


pa ng maraming malalaking kumpanya. Marami ang may utang na loob sayo. Sabihin na
nating, kikita ka ng milyones everyday dahil lang sa pagbabayad sayo ng utang na
loob. At kahit na sitting pretty ka lang sa bahay mo habang kumakain ng icecream sa
tapat ng tv, lumolobo pa rin ang mga numero sa bank accounts mo. Ganyan ka
kaswerte. Plus the fact na hindi ka materialistic na babae, at ayaw na ayaw mong
nagsho-shopping."
"Totoo yan?" tanong pa nya na parang napakahirap paniwalaan ng sinabi ni Razele

"Yes. And you know what, I don't believe in karma but in your case: the more you
give, the more you possess."
-------------------
Razele sa media ^_^

12

Nakarating na sa hotel ang dalawa.

Nakatayo sa tapat ng entrance ng hotel si Erajin at hinihintay na mag-ring ang


phone na hawak.

Iniwan kasi sya mag-isa ni Razele doon at sinabing maghintay sya para sabay silang
pumasok sa loob. Ito na kasi mismo ang nag-park ng kotse at hindi na ibinigay sa
parking attendant. Nag-iingat lang daw kasi ito.

Bzzt Bzzt

Nag-ring na ang phone kaya madali itong sinagot ni Erajin.

"Hello Razele!"

( Pumunta ka dito sa parking lot. )

"Ha?"

(Pumunta ka nga dito sa parking lot sa gilid ng hotel. Gilid lang 'to ng hotel! )

Napatingin naman si Erajin dun sa humintong kotse at may lumabas doong isang
lalaking ang gara ng ayos

"Ha?? Hindi ko talaga ma-gets eh, linawin mo ngang mabuti... Saan?" sinundan nya
ng tingin yung lalaki papasok sa loob ng hotel
( Go to your right then turn right again, makikita mo yung sign ng parking lot sa
dulo at tanungin mo ang guard kung saan ang number 53. Ituturo ka nya dito sa lugar
ko, )

"Bakit kelangang ako pa ang pumunta dyan?"

( Basta pumunta ka nalang dito, may sasabihin ako, )

"Ano ba kasi yon at kelangang ako pa ang pumunta??"

( Ok fine! Nandito si Ranger, at hindi sya pwedeng makita dyan sa labas, delikado
)

"Sino si Ranger?"

( Bestfriend mo. Kaya pumunta ka na dito para hindi sayang ang oras, )

At ibinaba na ng kabilang linya ang phone.

"Ugh! Bakit ba kasi kelangan ko pang pumunta doon?"

Inis nyang nilakad ang daan papuntang parking lot. Iniisip nya kung sino ba ang
Ranger na yon at kung maka-request naman si Razele, parang halimaw ang ipapakita
nya at ayaw pakita sa ibang tao.

"Well, Ranger might be a tough guy. Pangalan palang mukhang malaking tao na. Kaya
siguro ayaw pakita kasi mapagkakamalang wrestler o kaya bouncer." mahina nyang
sinasabi habang papasok na sa parking lot ng hotel

Kaso Ranger ang pangalan tapos bestfriend nya? Nangangaibigan pala sya ng mga
nakakatakot na tao?

Na-curious tuloy sya dun sa Ranger na yun. Ang cool siguro nya kasi assassin sya at
mga malalaking lalaki ang mga tropa-tropa nya.

Pumunta sya sa may guardpost para magtanong "Kuya, san yung number 53?"
"Ah, Maam..." lumabas na ang guard dun sa pwesto nya "May mga number po sa bawat
section," itinuro nya yung number 5 na nakasulat doon sa isang poste ilang metro
ang layo sa kanila "Diretsuhin nyo lang itong daan at huminto kayo dun sa posteng
may 5. Tatlong kotse po pakanan yung number 53."

"Ah, ok. Thank you."

"Your welcome, Maam"

Nilakad na agad ni Erajin ang papunta doon sa number 5 na poste. Nilingon pa nya
ang pinanggalingan at saka ibinalik ang tingin sa dinadaanan.

Malapit na sya nang makita si Razele na kausap ang isang babaeng nakapameywang,
hawak ang isang shades at patingin-tingin sa relos nito.

Tantya nya, nasa mid-20s ang edad ng babae. Mukha palang at tindig nito, nasa
mataas na level na. Nakasuot ito ng tube,body-hugging violet dress na 3-inch above
the knee ang haba at naka-cigarette heels pa. Ang gaganda ng mga jewelries na suot
at mukhang mayaman dahil sa naka-highpony nitong buhok. Mukhang supermodel at wagas
maka-lipstick pero mild na ang iba pang make-up sa mukha. Maganda kahit morena at
base sa itsura, ito ang tipo ng babaeng hindi dapat kinakanti dahil
makikipaghalikan ka sa semento nang wala sa oras.

"Asawa kaya yan ni Razele? Ganda ah," sabi agad ni Erajin sa sarili "Razele!"
tawag nya

Sabay na napalingon ang babae at si Razele. Kinawayan naman sya ni Razele para
sabihing nandoon sila.

Tinakbo na ni Erajin ang daan para makalapit dun sa dalawa.

"O! Nasan na yung sinasabi mong Ranger na bestfriend ko?"

"Sya ba?" mataray na sinabi nung babae habang hinahagod ng tingin si Erajin

Nakihagod naman ng tingin si Erajin sa sarili nya.

Ok,

V-neck shirt na may logo ng MA. Cargo pants at rubber shoes. Nakalugay din ang
buhok nya.
Walang wala compare dun sa sosyal at wagas makahagod ng tingin na babae.

"Huh! Razele, I leave my mission in Lisbon just for this?" sabi nung babae habang
tinuturo ng sosyalin nyang hintuturo si Erajin

"Gabrielle, sya nga si RYJO. Believe me!" sabi agad ni Razele

Inilipat naman nung babae ang tingin kay Erajin. Nakataas ang kilay nito at anlakas
manantya ng tingin.

"Sino ba sya?" halos pabulong na tinanong ni Erajin kay Razele

"Si Ranger," bulong din ni Razele na akala mo naman hindi sila naririnig

"RANGER??" at si Erajin naman ang nanghagod ng tingin dun sa babae "I thought
Ranger is a tough, bulky, muscled guy! Ranger is guy's name diba?!"

"Oh, sorry to say darling, your tough, bulky, muscled guy is a Goddamn, hot-as-hell
lady! And you think pambabae ang RYJO huh?" maarteng sinabi ni Ranger sa kanya
sabay cross arms at taas ng kilay

"Huh! Kung makatingin ka naman sakin!" nagpameywang naman si Erajin at tinapatan


ang katarayan ni Ranger "Wag mong ipagmalaki sakin yang itsura mo dahil lang sa
ganito ang suot ko!"

"Oh, sino ba ang may sabing nagmamalaki ako ha? I didn't say anything about my
looks, for your information! Kaya kung insecure ka sa itsura ko, sana hindi mo
pinapahalata ng sobra."

Naningkit ang mga mata ni Erajin sa sinabi ni Ranger. Naiinis na sya dito.

"Bestfriend ko ba talaga 'tong babaeng 'to??" tanong ni Erajin kay Razele

"Uhh..." hindi naman alam ni Razele ang isasagot

"She's not Erajin!" sabi ni Ranger


"She is! Trust me!" pagpipilit ni Razele "Napatunayan na namin yon ni Crimson!"

Tinignan agad ni Ranger si Razele "Crimson?"

"Uhh, yeah? Tinawagan mo sya para pumunta sa HQ kaninang umaga diba?" tanong ni
Razele

"Tinawagan? Hello! Nasa kabilang panig ng Earth si Dan! Ayaw nya ng iniistorbo sa
trabaho kaya pano 'ko makakatawag sa kanya?"

Sabay na nagbago ang timpla ng mukha ni Razele at Ranger. Signal na may mali.

"Sya ba talaga si RYJO?" mahinahon na ang tono ni Ranger sa tanong nya

"Unfortunately yes. Nung una, ang plano ko pagpanggapin syang si RYJO. Pero habang
tumatagal, dumadami ang patunay na sya nga ang tunay na RYJO."

Tinignan naman ni Ranger si Erajin at hinaguran na naman ito ng tingin "Bakit


nagpalit 'to ng mukha ha?" tanong nya sabay tingin kay Razele

"I don't know. At gaya ng sinabi ko kanina, wala rin syang maalala."

"Walang alaala, tapos nagpalit ng mukha? Eh paano mo nalamang ito si Erajin? Paano
napunta sayo?"

Nandyan na naman si Razele sa tanong na yan. Hindi nga nya pwedeng sagutin kasi
malalagot sya.

"Uhh, may nagpapabigay sakin?" hindi pa sya sure sa sinagot

"May nagpapabigay? Ano 'to, regalo? Paabot, ganun? Sino nagpapabigay, kapitbahay
mo? Ulam ba sya na patago sa ref?" puno ng sarcasm na tanong ni Ranger

Napa-facepalm nalang si Razele sa nangyayari ngayon. Kahit na gusto nyang


magsalita, hindi nya pwedeng gawin. Isang maling word lang, para syang lamok na
matetepok nang wala sa oras.
"May nagpapunta sakin sa isang ospital. Nandun sya. Inutusan akong pagpanggapin sya
bilang RYJO. Malay ko naman na sya yung tunay," sabi ni Razele

"Inutusan ka? At sino naman ang mag-uutos sayo ha?" mataray na tanong ni Ranger

Madali namang kausap si Ranger, nagger nga lang masyado.

Naiirita na rin si Razele kaya no choice sya. Lumapit sya kay Ranger para bulungan
ito

"Superior na si Ji Han. Nagpakita sya sakin, nung New Year. Sya yung nag-utos.
Tumakas ako ngayon sa HQ kasama si Erajin kasi nga balak ni Crimson na kuhain sya.
Balak ko ngayong alamin kung anong nangyari at nagpalit ng mukha si Erajin at saka
paano sya nawalan ng alaala. Hindi sya ibabalik dito sa labas kung walang
nangyayaring problema sa Citadel,"

Lumayo na si Razele kay Ranger at nakita nya sa mukha nito ang kahit paano'y sagot
sa ilang katanungang gumugulo sa isipan.

"Gusto kong malaman kung anong nangyayari ngayon. May mali, at kailangang malaman
ang mali para makabalik sya sa lugar kung saan sya nararapat," mahina ngunit
seryosong sinabi ni Razele kay Ranger

"Sya nga talaga si Erajin?" paninigurado pa ni Ranger

"Kaya mong patunayan kung sya nga. See for yourself, Gabrielle." sabi ni Razele

Tinignan naman ni Ranger si Erajin na kanina pa sila pinanonood.

"Let's see," kinuha nya ang left hand ni Erajin at tinignan ang hinlalaki nito

"What are you doing?" tanong ni Erajin

"Just checking," sabi ni Ranger habang tinitignan ang thumb ni Erajin

Tumaas ang kilay ni Ranger at saka tinignan ng diretso, mata sa mata si Erajin.

"Now, I am curious..." sabi ni Ranger at pumunta na sya sa tapat ng isang hot red
Aventador "Match sila ng fingerprint, sya nga."
"Fingerprint? How did you know?" tanong agad ni Erajin habang tinitignan ang thumb
nya para hanapin kung saan banda yung fingerprint na sinabi ni Ranger

"Unique ang fingerprint ng bawat tao sa Earth and kaya nyang malaman ang kaibahan
ng bawat fingerprint ng lahat ng tao sa isang tinginan lang." bulong sa kanya ni
Razele

"Ows? Ayos! Cooool." napabilib agad si Erajin sa sinabi ni Razele tungkol kay
Ranger

Pinanood nila si Ranger na kunin sa likod ng kotse nya ang isang malaking travel
bag na kulay blue

"I'll go with you!" sabi nya sabay bato ng travel bag kay Razele na nasalo naman
nito

"Eh teka, may mission ka diba?" tanong ni Razele

"Oo nga! Binigay ko kay Markus, wala naman syang ginagawa eh,"

Pumasok si Ranger sa loob ng magarang kotse nya and after three minutes, lumabas
syang naka-hoodie at short shorts nalang.

"This is going to be fun!" excited nyang sigaw sabay suntok ng dalawang kamay sa
hangin

Nagkatinginan si Erajin at Razele para alamin kung para saan yung sinigaw ni
Ranger.

13

"Ok, from the top!"


Nasa isang coffee shop sa tapat ng hotel sila Razele, Brielle at Erajin. Magkatabi
si Razele at Erajin habang nasa harap naman nila si Brielle
Parang teacher si Ranger na tinuturuan si Erajin sa lahat ng bagay-bagay.

"Ranger ang codename ko. Member ako ng Escadron Elites. Before ako mapunta sa Isle,
ang pangalang ginagamit ko is Gabril Shdifaht, I came from Indonesia. But after
kong makalabas sa Isle, naging Gabrielle Findel na ang naging pangalan ko. For what
purpose? I'm a new person now and para mahirapan ang mga agencies at mga
authorities na hanapin ako. Assassin ako and I can't use my family name dahil
delikado. Pero mas madalas mo kong tawaging Brielle kaya Brielle nalang ang itawag
mo sakin"
"Oh.." tumango naman si Armida sabay higop sa order nyang mochaccino

"At ikaw, problema yang amnesia mo noon pa man. Parang lagnat mo nalang yata yang
amnesia-amnesia mo eh! Mas madalas ka pa ngang makalimot kesa lagnatin!" sarcastic
nyang sinabi kay Erajin

"Alam mo real name ko?" tanong ni Erajin kay Razele "Hindi daw alam ni Razele
eh,"
"Well," napainom tuloy ng kape si Brielle "I don't know eh.. Si Dan and Arkin,
alam. Pero sabi nila, wala naman daw mahalaga kung malaman mo pa since lagi ka
namang nawawalan ng alaala. Basta ikaw si Erajin Findel, and that's it!"

"Sino si Dan at Arkin?" tanong ni Erajin

"Crimson is Dan. At malamang na nakita mo na sya since tinakasan nyo na sya kanina.
Arkin is..." napahugot sya ng malalim na hininga bago sumagot "...Arkin is a very
special brother to us. Now, hindi ko alam kung makikita mo pa sya,"
"Why?"

"Wala na sya sa grupo. Kailangan nyang umalis sa MA para manatiling buo ang
Escadron Elites. It's your fault kaya sya nawala sa grupo at kahit sisihin ka
namin, wala ring mangyayari dahil nangyari na ang lahat. Sya ang umako ng
kasalanang ni wala nga syang idea kung ano ba talaga ang pinagsimulan. Kaya kahit
gusto naming bumalik sya sa MA, hindi pwede..."
Natahimik bigla si Erajin at Razele sa sinabi ni Brielle
"Anyway, ok naman sya sa lagay nya ngayon. First Echelon sya kaya pare-pareho lang
tayo ng status according sa title. Si Dan ang dahilan kaya sya napunta sa AA kaya
wala namang problema sa kanya. And if you want to see him now, kuha ka ng
appointment sa kanya dahil hindi ka nya pupuntahan unless si Jin ka."
"Sino si Jin?" tanong ni Erajin

"You, but not specifically YOU you." umiling sya para baguhin ang naging sagot "I
mean, hindi ka kasi normal na tao, ok. Before may apat kang persona. Multiple
personality, rather. And one of those is Jin. Wala naman halos pinagkaiba sa mga
ugali nyo, nagkataon lang na sya ang pinakabehave, pinakamahina at pinakamatino
kausap. At sa lagay mo ngayon, I think you have the primary identity's mind."

"Ok, primary... identity..." pinipilit i-digest ni Erajin ang isang thought na


mahirap i-digest sa isipan

"Well, if makikita natin ngayon si Mephist, sure na matutulungan nya tayo sa


problema mo. He can bring out your alter and I know they can answer all our
questions." sabi ni Brielle
"Sino si Mephist?"
Nakataas ang kilay ni Brielle habang nakatingin sa kape nya. Paulit-ulit sya kaya
nakakawala ng pasensya.

"Mephist is Arkin." at base sa pagkakasabi ni Brielle, parang gusto na nyang mag-


amok at manakal ng makulit kausap
"Ok," simpleng sagot ni Erajin
"Eeeenyway..." tinignan na nya ng diretso si Erajin "Nasan na yung asawa mong
alamat?"
Tumaas agad ang kilay ni Erajin sa tinanong ni Brielle sa kanya.
Binigyan naman ng makahulugang-tingin ni Razele si Brielle.
Razele: Wala ngang maalala yung tao, tinanong mo pa!
"Oh!!" napasandal sa inuupuan si Brielle at agad na inilayo ang tingin kay Erajin
"My love.. My darling.. I've hungered for your touch! Yeah, rakenrol whooh!"
sinulyapan nya sandali si Erajin at saka umiwas agad dahil ansama ng tingin sa
kanya nito
"Asawa?" tanong ni Erajin "May asawa ako?"
"Asawa? Wala!" tanggi agad ni Razele "Ako yung tinatanong ni Brielle, ano ka ba!"

"Sakin sya nakatingin tapos sayo tinanong?" sabi agad ni Erajin "Wag nyo nga
'kong lokohin!" binigyan nya ng masamang tingin si Brielle na pasimple syang
tinitignan
"Yung totoo? May asawa ba ko?" tanong pa ulit nya
"Unh-hunh--" pasimpleng tango naman si Brielle para sabihing oo
"Psst!" tawag ni Razele kay Brielle sabay mata dito para sabihing wag magsalita
"What?" ganti naman ni Brielle "Asawa nya yun, kelangan nating malaman kung
nasaan sya habang nandito at may amnesia ang asawa nya,"
"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Razele sabay facepalm

"So, may asawa talaga ako." sabi ni Erajin kay Brielle

"Yes. And as far as I know, hindi basta-bastang lalaki ang asawa mo." lumapit sya
kay Erajin at saka ito bumulong "Sikat na magnanakaw ang asawa mo." at saka sya
lumayo sabay tango habang bumabalik sa maayos na pagkakaupo
"Di nga?" ayaw namang maniwala ni Erajin sa binulong ni Brielle sa kanya

"Oo nga! Hala! Ayaw maniwala!" umiling nalang sya at saka uminom ng kape

"Anong pangalan ng asawa ko?" tanong ni Erajin

"Well, ang alam ko, Shadow ang codename nya. Yung real name, hindi ko alam. Wala
rin akong pakialam. Saka hindi mo naman pinakilala sakin eh," sabi ni Brielle na
may pagtatampo pa sa tono

"Rynel Joseph Malavega. Yun ang pangalan nya. Pero kung hahanapin mo sya ngayon,
wala kang ibang makukuhang sagot kundi 'patay na sya'."
Napatingin tuloy sa kanya si Erajin at Brielle

"Patay na sya?" tanong ni Erajin


"Ang alam ng lahat, six years ago patay na sya. Pero nakita ko sya two years ago na
nagtatrabaho sa isang kompanya. I don't make a huge issue about that kahit pa
legend sya. He's just enjoying the privilege of being free from illegal
responsibilities. At wala akong balak pakialaman sya kung yun ang gusto nya, gaya
ng hindi nya pakikialam sakin sa gusto ko. Respeto lang. Kung namatay sya ngayon,
sa tingin ko, hindi pa rin sya big deal for me. Wala naman syang atraso sakin eh.
Ewan ko lang sayo," sabi ni Brielle sabay tingin kay Erajin "May nabanggit si
Jocas about the marriage-thingy about this Richard... uhh... Basta Richard sya, I
forgot the last name. Anyway, she said she wanted to marry the guy kaya ang ine-
expect ko, yung Richard whoever-he-is ang pakakasalan mo. I don't know how you
ended up with this Malavega guy,"
Nag-isip naman si Erajin at inisip ang lahat ng narinig nya kila Razele at Brielle.
May asawa sya. Ang pangalan ay Rynel Joseph Malavega. Na patay na ngayon sabi ni
Razele. Na patay na noon 6 years ago pa.
Lalo tuloy syang naguguluhan sa mga nangyayari at sa naririnig. Napakamot tuloy sya
ng ulo.
Mas mabuting saka na yang asawa-asawa issue nya. Patay naman na daw eh. Hindi
makakatulong yon kung pag-uusapan pa nila.
"Anong alam nyo tungkol sakin?" tanong ni Erajin sa kanilang dalawa
Natahimik sandali sila Razele at napayuko.
"Kung may gusto kang malaman sa tunay mong pagkatao, si Crimson at si Mephist lang
ang makakausap mo about that. Psyche knows more but he's dead."

"Patay na yung Psyche, hindi na namin pwedeng kausapin yung Crimson. Itong Mephist,
hindi ba talaga pwedeng makausap ngayon?" tanong ni Erajin
Napahugot ng malalim na hininga si Brielle at napatingin sa labas ng coffee shop.

"Pwedeng tawagan, pero madaming kailangang isipin at i-consider bago sya tawagan."
inubos na nya ang kape at saka ibinalik ang tingin kay Erajin

"Kahit pa matutulungan nya tayo, magiging problema pa rin..." kinuha nya ang phone
sa bulsa ng suot na sweatshirt at ipinakita kay Erajin "Nalaman ni Crimson na nasa
HQ ka nung tumawag si Razele sakin. Kaya kapag tinawagan natin ngayon si Mephist,
hindi imposibleng malaman ni Crimson ang location natin."

"Payphone? Baka pwede sa payphone?" tanong ni Erajin

"No." sabat ni Razele "Wala sa'tin ang problema kundi ang nandun kay Mephist.
Naka-connect sa satellite ang phone ni Mephist kaya malamang na makakarating kay
Crimson ang lahat ng pag-uusap natin once na tumawag tayo,"
Tumango naman si Brielle sa sinabi ni Razele para sumang-ayon.

"Bestfriend kita diba?" tanong naman ni Erajin kay Brielle

"O?" tanong ni Brielle kay Erajin


"Wala ka bang alam about sakin?"

"Uhmm..." tumingin sandali sa ibaba si Brielle at inisip kung ano ba ang pwedeng
isagot sa tanong na yon "Yung relevant answers, I don't think I can answer you.
Pero kabisado ko ang ugali mo, and unti-unti napapatunayan kong ikaw nga si Erajin.
Sila Crimson lang kasi talaga ang nakakaalam ng mga sagot sa tanong mo eh,"

"Bakit sila lang? Bakit hindi nyo nalaman?" iritang tanong agad ni Erajin

"Hindi na namin inalam kasi nga wala nang point. Ang alam ng lahat, patay na tayo
simula nung kunin tayo sa Isle! Kahit nga ako, hindi ko na nilalapitan ang totoo
kong pamilya pagkatapos kong mabuhay sa impyernong yon,"
Pare-pareho na silang natahimik at napatingin nalang sa ibang direksyon.
Mahirap magsimula kung hindi mo alam kung saan banda ba kailangang magsimula.

"Bumalik muna tayo sa kwarto, para naman makapagpahinga na tayo... Mamaya nalang
tayo magsimula ulit." sabi ni Razele
Nag-agree naman ang dalawang babae sa kanya.

---------------
Brielle sa side ^_^

14

Alas otso na ng gabi...


Umalis sandali si Razele dahil hindi sya umuwi kagabi. Tumawag kasi ang asawa nya
sa kanya kaya napilitan syang iwanan muna sila Erajin at Brielle.
Ayos lang naman daw kay Brielle na sila na muna ang magkasama ni Erajin kaya naman
nasa bar sila ngayon na sakop pa rin ng hotel.
Nakaupo sa may bar area si Erajin habang umiinom ng inorder na martini habang
nakikipagsayaw si Brielle sa gitna ng dance floor. Party-party din pag may time.
Maya-maya, may lumapit na lalaki kay Erajin at tumayo sa kaliwang side nya "Hi,
Miss, mag-isa ka--" Hindi na nya natapos ang sinasabi dahil hiniritan agad sya ni
Erajin ng malupit na middle finger sabay shoo at no-look pa.
Pangsyam na ang lalaking yun sa napaalis nya...
Nilingon-lingon na ni Erajin ang paligid para hanapin si Brielle dahil gusto na
nyang umalis sa lugar na yon "Asan na ba yung--"

"Hello, Miss," bati sa kanya ng isang lalaking malaki ang ngiti at may hawak na
box
Tumaas agad ang kilay nya at balak na basagin ang mukha nung lalaki kaso

"Pinapaabot 'to nung kaibigan ko. Paghatian nyo daw tatlo ng mga kasama mo," sabi
nito sabay abot kay Erajin ng hawak na box

"Ha?" tinanggap naman ni Erajin ang box kahit na hindi nya alam kung para saan yon

"Sige, Miss, enjoy!" sabi nito sabay takbo at saka sya naglaho sa gitna ng mga
taong nasa bar

"Pinapaabot samin?" tanong agad ni Erajin sa sarili habang inuusuisa ang loob ng
box "Wow, brownies..."
Naglakad na sya palabas ng bar at hindi na inisip si Brielle. Bahala na si Brielle
tutal malaki naman na sya. Alam naman na nito ang pabalik sa hotel eh.

"Ansharap ah... Ayos 'to..." sabi ni Erajin habang nilalantakan ang brownies
pabalik sa kwarto nila sa hotel
MEANWHILE sa viewpoint ng nagpapabigay ng brownies....
Sa isang couch sa loob ng bar, may nagkukumpulang isang grupo ng mga lalaki na
binubuo ng pitong katao,

"O, ok na?" tanong ni Guy#1 dun sa nag-abot ng brownies kay Erajin

"Oo, tinanggap nga agad eh!" masayang tugon nung ni Brownies-guy

"Sure ka?" tanong ni Guy#2

"Oo! Ako pa!" sagot ni Brownies-guy


"Hey guys!" bati ng isang babaeng papalapit sa pwesto ng mga lalaki
"O!" sabay-sabay silang napatayo dahil sa pagdating ng tatlong babae
Nagtaka agad si Guy#1 dahil walang hawak na kahit ano yung tatlong babae

"Uhm, babes, nasan na yung brownies?" tanong ni Guy#1


"Brownies?" takang tanong ni Girl#1
"Uhh, yeah?" -Guy#1

"Wala. Anong brownies ba yun?" -Girl#1

"Girl, may nakuha ba tayong brownies?" -Girl#2

"Wala. Wala naman," -Girl#3


Lumapit agad si Guy#1 kay Brownies-guy "Akala ko ba binigay mo?"

"Oo nga! Baka naman inubos na nila?" sagot ni Brownies-guy


"Sure kayong wala kayong nakuhang brownies?" -Guy#2
"Yeah," sabay-sabay na sagot nung tatlong girl
"Kung ganon naman pala,"

"Kanino mo binigay?" sabay-sabay nilang tanong kay Brownies-guy

"Dun sa babaeng-- Hindi nyo ba kasama yung babaeng katabi nyo kanina? Sa kanya ko
kasi binigay eh," tanong ni Brownies-guy kila Girl#1
"WHAT??" nagulat silang lahat sa sinabi ni Brownies-guy

"Shet, pare! May drugs yung brownies na--" napahinto si Guy#1 sa pagsasalita at
gulat na napatingin kila Girl#1 na nakataas na ang kilay sa kanila

Mabalik sa point of view ni Erajin....


May drugs ang bawat brownies, at isang piraso palang nun, kaya nang pagwalain ang
isang tao. Delikado na kapag lumagpas sa tatlo ang nakain.
20 ang brownies na laman nung box, at sa kasalukuyan, apat nalang ang natitira
kakalamon ni Erajin.
Nasa elevator sya ngayon at nakakaramdam na sya ng sobrang init. Pinipilit nyang
ubusin ang pang-16 na brownies na kinakain nya kahit na parang iluluwa na nya iyon
anytime.
Hindi tuwid ang mga linya ng elevator sa paningin nya. Nailaglag nya bigla ang box
at ang hawak na brownies dahil sa sobrang hilo. Napakapit tuloy sya sa dingding ng
elevator para lang hindi matumba. Kulay dilaw na ang paligid nya at parang may 9.9
magnitude earthquake sa kinatatayuan nya.
TING!
Bumukas na ang elevator kasabay ng pagpasok ng dalawang babae.
Lumabas na sya dahil sobra na ang init sa loob ng elevator. Feeling nya, sasabog na
sya.
Hinubad na nya ang suot na blazer na pinahiram ni Brielle sa kanya habang pinipilit
na hanapin ang kwarto nila. Gegewang-gewang sya habang binabagtas ang hallway ng
floor kung saan sya lumabas.

"1507... 1606... 1708.... Ah, eto... hehehe," tinalo pa nya ang naka-shabu dahil
sa sobrang high "Nandito pala kwarto namen eh.. Akala ko, lumipat na ng lugar,"
Binuksan na nya ang pinto ng kwarto at tuloy-tuloy na pumasok.

"Letse!! Ang init!!" naghubad na agad sya ng damit dahil nga sa sobrang init
Malakas ang aircon sa kwarto pero pinagpapawisan sya.
Kalat-kalat na ang pink dress, shorts at underwear nya sa sahig. Hubo't hubad syang
humilata sa kama para matulog. Hilong-hilo na sya, at hindi na nya alam kung anong
nangyayari sa paligid.

"Armida..."
Naramdaman ni Erajin na may yumakap sa beywang nya

"Uy, Razele... Ikaw ba yan?" tanong nya habang nilalapit pa ang mukha dun sa
yumakap sa beywang nya para tignan ang itsura nito
Lalaki pero hindi nya makita ng maayos ang mukha kasi nga anlabo na ng paningin
nya. Blurred na ang vision nya,

"Ang gwapo mo ngayon ah, hehehe" nakangising sinabi ni Erajin sabay hawak sa
pisngi nung lalaki "Magaling... Pwede ka nang model..." tinapi-tapik nya ang
pisngi nito
Hinawakan din sya sa pisngi nung lalaki at saka sya hinalikan.

"Armida, I love you..."


At dahil mabait ako...
Kinaumagahan....
"Uhm..."

"I love you..."

"Shut up, I'm sleeping," basag pa ang boses ni Erajin nang magising dahil dun sa
yumayakap sa kanya
"Armida, I love you..."
Nagtaka naman si Erajin dahil may kung sinong naga-I love you sa paligid "Huh?"
Bumangon na sya at tinignan ang beywang nya. Kinusot pa nya ang mata nya para
makita kung tama ba ang nakikita.
"Tss... Kamay lang pala," bulong nya sa sarili habang nagkakamot ng leeg
"Holyshi--"
Bigla syang nabuhayan dun sa sumigaw kaya napatingin agad sya sa gilid
"Oh shoot!" napatalon din sya paalis sa kama dahil nakita nya ang isang lalaking
nagmamadaling magsuot ng pang-ibaba habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya
"S-s-sino ka?!!" sigaw sa kanya nung lalaki
Hinatak agad ni Erajin ang kumot para itakip sa katawan nya "Ikaw, SINO KA?! Anong
ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" pagbabalik nya ng tanong
"Kwarto MO?? Excuse me, KWARTO KO TO!" Highlight na highlight ang salita ng lalaki
para i-emphasize na kanya ang kwarto
"Anong kwarto mo??" tinignan agad ni Erajin ang paligid ng kwarto
Loading...
Loading...
Loading...
Ok, ang gara ng kwarto. Sosyalin pa. Maganda din ang view sa labas, and wow,
nakalimutang isara ang bintana kaya pala malamig. Kitang kita din ang ganda ng
umaga dahil sa aliwalas ng paligid. Ansarap mag-moment. At higit sa lahat,
HINDI IYON ANG TINUTULUYAN NILANG KWARTO.
Aysaya ng life.

-------------
new look ni erajin sa media ^_^

15

~~~~~Narrated for Erajin's POV~~~~~~

"Anong-- Anong ginawa mo sakin??" sigaw sa kanya nung lalaki habang para itong
pusang hindi maihi sa kinatatayuan

"Wow! Wow ha! Ako? Ako ang tinanong mo?? Hiyang hiya naman ako sa pagiging lalaki
mo, pare!" sarcastic na sagot ni Erajin
Ibinato sa kanya nung lalaki yung mga damit nyang nakakalat sa sahig. Ok, naka-
boxers lang yung guy ngayon, kaya malamang na kanya lang yung mga damit na
nakakalat.

"Pano ka nakapasok dito sa kwarto ko ha?!" sigaw sa kanya nung lalaki


"Ah, malamang dumaan ako sa pinto diba??" sarcastic nyang sagot habang pinupulot
ang binabatong damit sa kanya nung lalaki
"Huh!" hindi naman makapaniwala yung lalaki sa sinagot nya "Ibang klase,"

"Pwede bang tumalikod ka para makapagbihis ako!" reklamo ni Erajin


"Fine!" at tumalikod nga yung lalaki. Napatingin ito sa banyo ng kwarto "May
banyo naman ah! Bakit hindi ka doon magbihis?!"

"Stop shouting!! I'm freaking out!" sigaw ni Erajin dahil kahit ang pagsusuot ng
bra, nakalimutan na rin nya yata kung paano
Inisip agad ni Erajin kung may nangyari ba kagabi sa kanila nitong lalaking wala
nang ibang ginawa kundi sigawan sya.
Pinakiramdaman nya ang katawan...
.
.
.
Ok, nararamdaman nyang may masakit. At...
Confirmed.

"Eeeehhhh!!!" nagpapadyak sya dahil sa inis


"Ano?! Matagal pa ba yan??"

"SHUT UP!! Kasalanan mo 'to eh!"


"Ah! At ako pa ang may kasalanan! Ayos ka ah!"

"I said shut up!!" nagpa-panic na sya dahil parang maze na ang dress nya dahil
ayaw maayos "Ano ba! Bumaligtad ka na!! Letse ka!!" sigaw nya sa kaawa-awang
dress
At sa wakas, after 5 million years, umayos na rin ang dress at naisuot na nya.
Sinunod na nya ang short at gusto na nya itong punitin sa katawan para sumuko dahil
ayaw pa pasara ng magaling na zipper.
Hintay naman ng hintay yung lalaking nakatalikod dahil magbibihis lang, sobrang
tagal pa.
BAAG! BAAG! BAAG!
"Josef!!!"
"Dammit!" sigaw nung lalaki
Sabay silang napatingin sa may pinto
"Letse! Ano ba!!" mahina ngunit inis na inis na binubulong ni Erajin habang
pinipilit na isara ang zipper ng short nya
Biglang tumunog ang pinto, sign na pwede na yong buksan
Tinalon na ng lalaki ang kama papunta kay Erajin.
"Shet, ano ba..." at sa wakas, naitaas na rin ni Erajin ang zipper ng shorts nya
"Hwoy!" ang kaso, bigla syang hinatak nung lalaki at saka sya itinulak sa sahig at
nagpagulong sila papunta sa ilalim ng kama
Pumaibabaw sa kanya ang lalaki kaya nag-react agad sya
"Anong--" hindi na naituloy ni Erajin ang sinasabi dahil tinakpan agad ng lalaki
ang bibig nya
"Ssshh!"
Binigyan lang nya ito ng masamang tingin. Gumanti naman ito ng warning look.
Nakaangat ang kaunting parte ng bed sheet kaya kahit paano'y may liwanag na
pumapasok sa ilalim ng kama.
"Josef, nasan ka na?!"

Erajin: Ah, Josef pala ang pangalan netong manyak na mokong na 'to
"Syete..." mahinang bulong ni Josef sabay untog ng ulo sa sahig na gilid lang ng
ulo ni Erajin

"Akala ko ba nandito?!" rinig na rinig ang malakas na sigaw ng babaeng naghahanap


kay Josef

"Yes, Lady Armida. Pero--" sagot ng isang lalaki

"Yes naman pala eh! Nasan na?!"

"Tsk! Sabi nang wag sabihin eh," rinig ang pagkainis sa bulong ni Josef
Tinabig na ni Erajin ang kamay ni Josef sa bibig nya "Sino yun? Girlfriend mo?"
bulong naman ni Erajin

"She's my wife! And shut your freakin' mouth!" galit nitong bulong

"Wow! Surprise, surprise... Gusto mong labasin ko sya, hmm?" dare ni Erajin kay
Josef

"Try to do that, I'm warning you!" tinapunan sya ng masamang tingin ni Josef

"Ooooh... I'm scared..." nag-smirk sya at saka pilit na gumulong paalis sa ilalim
ng kama

"I said--" napigilan agad ni Josef ang paggulong nya palabas "Subukan mo pa
ulitin yang pinaplano mo!" mahinang banta ng lalaki sa kanya
"Eh bakit ba?!"
Kitang kita sa mukha ng lalaki na naiinis na sya dahil ang ingay ni Erajin.
"Sssh!!"

"Ano? Natatakot ka??"


Gustong lumabas ni Erajin dahil hindi sya kumportable sa ilalim ng kama kasama yung
Josef na yon na nakapatong sa kanya. At wala rin syang pakialam kung mahuli silang
dalawa ng asawa nito.
"Shut up!"

"Bitawan mo ko para--"
"Tahimik sabi eh!" hinawakan na sya sa magkabilang pulso ni Josef habang
nakatingin ito ng masama sa kanya

"Eh pano kung ayoko?? Anong magagawa--" hindi na nya naituloy pa ang sinasabi
dahil bigla syang hinalikan ni Josef para lang matahimik na sya sa buhay nya
Nanlaki ang mga mata ni Erajin sa ginawa sa kanya ni Josef.
Biglang bumilis ang tibok ng puso nya at parang kinuha ng lalaking yon ang kaluluwa
nya at dinala sa ibang dimensyon.
Sa isang iglap, parang napunta sya sa katawan ng ibang tao na nasa ibang lugar.
Tinignan nya ang paligid, maliwanag at maraming tao na sinusundan sya ng tingin.
Naririnig nya ang tunog ng kampana habang hinahatid sya ng isang middle-aged man sa
dambana.
Nakasuot sya ng wedding gown at may hawak na bulaklak. Ngunit pansin nya ang
nakaposas na mga kamay. Biglang nag-fast-forward ang nangyari at nakita nya ang
sarili na nasa harap ng isang pari, kaya tinignan nya ang katabi. Ang lalaking
humahalik sa kanya ngayon, pero tulala lang ito habang nagsasalita ang pari sa
harapan nila.
"Ah!" biglang naglaho ang lahat dahil parang may humatak sa kaluluwa nya at
nagbalik na sya sa tunay nyang katawan

"Hey! Hindi ka pa ba lalabas dyan?"


Napatingin sya sa gilid. Nakasilip doon yung lalaking unang una nyang nakita ngayon
paggising palang.
Gumulong na sya palabas sa ilalim ng kama
Napasarap sya sa pag-iimagine. Hindi na nya namalayan na wala na yung lalaki sa
ilalim ng kama.
Napaisip sya dun sa na-visualize ngayon-ngayon lang. Isang halik lang ang nangyari
tapos biglang nauwi sa kasalan?
Ang wild at ang weird naman ng naging imagination nya.
"O," nagulat sya ng biglang kinuha ni Josef ang kamay nya para tulungan syang
tumayo

"Ok, Miss ganito..." inobserbahan nya si Josef na nagkakamot na ng batok "Wala


akong matandaan sa mga nangyari last night, and I don't want to offend you but--"
"Yeah," yung nalang ang nasabi nya habang bawat detalye ng mukha at kilos ni Josef
inuusisa nya ng maigi "You want me to forget what happen last night and now,
right?"

Sandali syang tinitigan ng diretso sa mata ni Josef.

"Ugh! Stupid!" napatalikod si Josef at napasuklay ng buhok "Antanga mo, Josef!


Antanga mo talaga!"

"Uh, mister-- Ok, fine.. I-i-i understand..." tumango nalang si Erajin dahil
habang tumatagal sya sa loob, nagiging awkward na ang lahat
Muntik na silang mahuli kanina ng asawa nito kaya malamang na namomroblema na si
Josef dahil nga kahit ito, wala ring matandaan sa mga nangyari kagabi.
Naglakad na sya palabas ng kwarto yon, papunta sa may pinto

"Look, Miss... I'm sorry." pahabol na sinabi sa kanya ni Josef

"Apology accepted." simpleng sagot ni Erajin at saka na sya lumabas ng kwartong


yon
Pagkalabas nya...
Napa-facepalm nalang si Erajin at gusto na nyang sampalin ang sarili ng mga 49
times, ganun.
Hinawakan nya rin ang labi nya. Hindi nya napansin na nakangiti na sya.
Bigla syang umiling para alisin sa isip ang nangyari ngayon-ngayon lang.
Tinignan nalang nya ang pinto, umaasang magkakaroon sya ng super vision at makita
uli si Josef sa loob.
Napunta ang tingin nya sa room number

"12.. .03... Oh, you fvcking idiot..." napalo tuloy ni Erajin ang ulo nya dahil
hindi nga nya iyon kwarto
------------------

Ok! Ang update, sa October na! Busy ako ngayon dahil malapit na ang sembreak at
maswerte nalang kung makapag-ud ako before katapusan.
Thank you nga pala kay Jolina Abellon na nag-upload ng mga pictures ng mga
characters nila Josef, Armida(Jin, Erajin, Jocas), Laby at Razele sa The Newly
Weird Stories fb group page! Pramis, abot batok ang ngiti ko dahil dun! I'm not a
huge fan of Dennis Oh, pero nakakaloka talaga nung picture nyang naka-towel lang.
Na-imagine ko tuloy yung nasira yung shower ng mag-asawa, tapos naabutan si Josef
ng mga co-teachers nya na bagong ligo. Hahaha! Pramis, damang dama ko ang eksenang
yon, Thank you again ha! Ikaw na pinakamasipag na admin ng page na yon! Bow ako
sayo! Mwuah mwuah!
16

Tamad na tamad si Erajin nang pumasok sya sa kwarto nila. Ang totoong kwarto nila.
"Hey!" kinawayan sya ni Brielle na nasa dining table na nasa left part ng kwarto.
"O, anong nangyari sayo?" tanong sa kanya ni Erajin habang nilalapitan nya ito

"Ah, hangover... Naparami ako ng inom kagabi eh," sabi ni Brielle habang inaayos
ang ice bag sa ulo nya
Umupo si Erajin sa kaharap na upuan at saka nangalumbaba sa mesa
"Haaay," isang malalim na buntong-hininga ang napawalan ni Erajin habang nakatingin
sa mesa

"Wow... Anlalim ng pinaghugutan ah... Ano? Gwapo ba?" biglang sabi ni Brielle
Nagtaka agad si Erajin sa sinabi ni Brielle sa kanya.
Anong gwapo??

"Jin, I know you... Nakalimutan mo ang tungkol sa sarili mo, pero hindi ibig
sabihin nun, nagbago ka na... So, cute ba? Gwapo? Maraming muscle? May 8-pack abs?
Musta ang triceps, biceps and quads? Mayaman ba? Matangkad? Masarap ba kausap? Hmm?
Hmm? Magkwento ka naman!" sunod-sunod ang tanong ni Brielle na ikinalito naman ni
Erajin dahil saang lupalop ba nakuha ng kausap ang mga tanong nito
"Ano ba yang pinagsasabi mo?" iritang tanong ni Erajin sabay inom ng coffee na
nasa mesa. Coffee ni Brielle na hinanda nito para sa hangover nya

"Sus! Kunyari ka pa! Anong name nung guy?" excited na tanong ni Brielle
Biglang lumitaw ang image ni Josef sa isipan ni Erajin.
"Ugh!" isinubsob nya ang mukha sa mesa dahil gusto na nga nyang kalimutan, bigla
na namang sumulpot sa isipan nya
kakatanong ng Brielle na ito
"Jin!!" halatang bitin na bitin si Brielle dahil ayaw magsalita ni Erajin
Napabangon si Erajin at hindi na alam ang iisipin habang tinitignan ang kausap
"Brielle!! Anong gagawin ko??"
"Bakit nga? Magsalita ka na kasi!!"

"Hindi ko matandaan ang nangyari kagabi, pero nagising ako kaninang may katabi nang
lalaki sa kama!" reklamo ni Erajin na may konting arte pa

"Hindi na ko magugulat kung nakalimutan mo ang nangyari, at mas lalong hindi


kagulat-gulat kung nagising kang may katabi nang lalaki, ang gusto kong malaman eh
anong itsura nung guy? Ano ba!" obvious na nabibitin si Brielle sa nagiging takbo
ng kwento
"Anong itsura??" inalala naman ni Erajin ang itsura ni Josef "Ano..."
"Ano??"

"Ano... Gwapo..."
"Aaaaahhhh!!!" nagtititili naman si Brielle at halatang kilig na kilig sa kwento
"Ano ba?! OA mo!!"
"Anong OA don?? Eh ikaw, bibihira lang maka-appreciate ng gwapo! Unless, malabo na
mata mo kaya ka nakakapagsalita ng ganyan!"

"Tss, ano ngayon kung gwapo..." napa-eyeroll naman si Erajin dahil ang alam nya,
sosyalerang masungit 'tong si Brielle, dala pa ng pagiging assassin nito. Tapos
ngayon, tinalo pa ang tsismosang teenage bestfriend nya kung makaasta "Pero alam
mo, ang weird nun..."
"Talaga? Bakit?" lapit naman sa kanya si Brielle at parang batang kumikinang pa
ang mga mata habang hinihintay ang
susunod nyang kwento
"Kasi kanina, hinalikan nya ko... Tapos--"

"Aaaaahhhh!! Nakakaloka!! Totoo??" pulang pula na ang mukha ni Brielle sa sobrang


kilig sa kwento ni Erajin "Oh my God, Jin.. Oh.. My.. God..." pinaypayan nya ang
pisngi dahil parang bigla syang nainitan sa kinukwento ni Erajin "Ok continue"
At dahil tapos na syang mag-react ng bonggang bongga, nagpatuloy na si Erajin sa
kwento

"Tapos, parang bigla akong na-transfer sa ibang plane of existence and I saw myself
in a wedding, wearing a wedding gown and standing beside the guy I'm with all night
last night. Hindi ko nga lang alam kung saan yung lugar..."

"Oh, baka nagbabalik na yung memory mo... Kasal ka na kasi eh,"

"Siguro nga... Pero nakaposas ako... Kaya weird. Wedding yun tapos nakaposas ako,
anong klase yun? At yung guy kanina yung kasama ko sa wedding! Razele said my
husband died right? Kaya hindi pwedeng sya ang asawa ko, anlabo naman kung sya!"
"Whoah..." Biglang naningkit ang mata ni Brielle at kung makahagod naman ng baba,
akala mo may balbas syang pagkahaba-haba. Imagine si Tata Lino na nag-iisip, ganun.

"O? Ano na namang iniisip mo?" tanong ni Erajin

"Ang wild at ang weird nga... Pero alam mo..." bumalik na sya sa pangangalumbaba
at curious na tinignan si Erajin "Parang ang saya nung nakaposas ka habang
kinakasal 'no? Watchutink? Magawa nga yan sa anniv namin ni Markus, hehehe..."

"Tss, Brielle naman eh... Seryoso na, anong gagawin ko?"

Tinitigan sya sandali ni Brielle "Haay," napasandal sa inuupuan si Brielle at


itinulak-tulak gamit ang hintuturo ang icebag na medyo tinutunawan na ng yelo
"Alam mo, isa lang ang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na 'to..." seryoso syang
sinabi "Hindi ko talaga maiwasang isipin eh... Alam mo yun?"
Napaseryoso ng sobra si Erajin at inabangan si Brielle sa susunod na sasabihin nito
"Yung totoo..." tinignan nya ng diretso si Erajin
Napalunok si Erajin dahil sa sobrang suspense ng itatanong sa kanya ng kausap
"Gwapo talaga?"
Biglang bumagsak ang pagkaseryoso ni Erajin dahil hindi maka-move on si Brielle sa
gwapo issue na yan

"Para namang nakikipaggaguhan sayo eh..." inis na sumandal sa inuupuan si Erajin


at napa-cross arms sabay tingin sa ibang direksyon

"Hehehehe, ok serious na... Hindi mo matandaan ang mga nangyari kagabi? Eh paano ka
nawala sa bar?"
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Erajin bago sumagot "May
pinaabot na brownies sakin yung isang anonymous guy last night sa bar. Ang sabi,
paghatian daw nating tatlo."
"Brownies?" takang tanong ni Brielle

"Yeah... After nun, lumabas na ko ng bar habang kinakain yung brownies. Tapos nun,
medyo sumakit yung ulo ko. Marami pa kong nakain kahit na medyo nahihilo na ko,
inisip ko na baka gutom lang or baka sa martini kaya umiikot yung paligid ko. Saka
ang baho kasi dun sa bar, nakakahilo talaga yung amoy..."
Tumango naman si Brielle at tumayo para kumuha ng tubig sa ref

"Brownies, huh... Kagabi, nagkalat yung nagpapabigay ng brownies dun sa bar, and
nakakuha ako ng isang piraso..." hindi na nya nakuha yung tubig kasi nakakita sya
ng pineapple juice kaya yon ang tinira nya "Amoy palang, alam mo nang may droga...
Gawain yan ng mga loko-lokong gustong maka-score. At kung nakatanggap ka, siguro
wala nang kataka-taka. Ilan ang nakain mo?" seryosong tanong ni Brielle sabay inom
ng juice
"Uhh..." binilang pa nya ang lahat ng nakain "I'm not sure pero nakaramdam ako ng
hilo after kong makain yung pang 14,"
Pfffttt!!
Napabuga si Brielle at halos lumabas na sa ilong nya ang juice dahil sa gulat.
"Katorse??!! Ok ka lang?? O-- OK KA PA??" tanong nya habang pinupunasan ang baba
nyang nabasa na ng juice
Kumunot naman ang noo ni Erajin dahil sa naging reaksyon ni Brielle
"Ugh!" isang I-give-up hand motion ang nagawa ni Brielle at saka napailing "I
forgot... Hindi ka nga pala normal na tao..." Kumuha sya ng paper towel sa taas ng
ref atpinunasan agad ang bibig at ilong at saka bumalik sa pagkakaupo "Anong
pangalan nung lalaking kasama mo kanina?" tanong nya habang sinisinga sa paper
towel ang juice na umipit sa sinus nya

"Oo nga pala, before that... Bakit lalaki agad ang naisip mo pagdating ko ha?"
tanong ni Erajin
"Psh, kung wala kang kasama last night, malamang na dito sa kwarto natin ang
diretso mo at hindi sa kung saang lupalop ng earth. Saka hindi ka babalik dito na
parang kakaligaw mo lang,"

"Anong kakaligaw?" tanong ni Erajin

"Baliktad yang dress na suot mo, wala pa yung blazer ko. Obvious na obvious kung
anong nangyari,"
Nagulat naman si Erajin sa sinabi ni Brielle kaya tinignan nya agad ang suot.
"Ah, man..." baliktad nga ang suot nya

"Ano na? Pangalan dali!"

"Tss.. Josef. Yung yung narinig kong tinawag sa kanya ng asawa nya."
"Oh My--" napatakip ng bibig si Brielle dahil sa narinig kay Erajin "A-a-asawa?"
Malungkot na tumango si Erajin. Parang nabagsakan ng milky way ang buong mukha nya
sa sobrang down

"May asawa?" paninigurado pa ni Brielle


"Oo nga."
"Maganda yung asawa?"

"Ewan, nagtago kaming dalawa sa ilalim ng kama eh..."

"Oh sh--" napatakip na naman sya ng bibig pero ngayon, anlawak na ng ngiti nya
"S-seryoso??"
"Psh.. Ewan ko sa kanya. Andaming alam."

"Ha.. Haha... Hahahahaha!!! Nasan na yang lalaking yan?? Gusto kong makita!
Naiintriga ako!" ansya-saya pa ni Brielle habang ang lungkot ni Erajin
"May asawa na yung tao!"

"May asawa?? Ano ngayon?? Eh di patayin mo! Problema ba yun?"

"Papatayin ko??" gulat na tanong ni Erajin

"Yeah. Assassin ka. Normal lang sayo ang pumatay. Just kill his wife then happily
ever after na!" base sa pagkakasabi ni Brielle, parang ganun lang kadali ang
lahat. Akala mo langaw lang ang tinutukoy

"Naka-one night stand ko lang yung tao. Hindi ko boyfriend yun. Ni hindi ko nga
kilala maliban sa pangalan nyang Josef eh. Mukha syang mayaman, at mukhang mayaman
ang asawa nya dahil parang andaming guards na kasama kanina. Saka nag-sorry na sya
sakin kanina and I guess, I will never see him again anymore..." lungkot-lungkutan
ang peg ni Erajin ngayon nang sabihin nyang hindi na nya makikita si Josef

"O? Ba't ka malungkot? Don't tell me... uhm!" itinuro nya ang mukha ni Erajin para
sabihing sana mali ang iniisip nya

"Wala nga!!" tinabig agad ni Erajin ang kamay ni Brielle na nakaturo sa mukha nya
"Ikaw, echusera ka!"
"Hehehehe..." kinurot lang ni Brielle ang pisngi nya "Hayaan mo na yan. Sige,
isipin mo muna ngayong araw yang handsome guy na yan then dapat bukas wala na yang
Josef na yan sa isip mo. Ahkey?"
Malungkot na tumango si Erajin sa kanya.

.........................................

Alas onse y medya na ng umaga at nakabalik na rin sa wakas si Razele sa hotel.


Naabutan nya sila Brielle sa kwarto at may kanya-kanyang ginagawa.
Si Brielle, nag-aayos ng sarili habang may kausap sa phone. Si Erajin, nakahilata
pabalagbag sa kama at nagbabasa ng motivational book.

"O, nandyan ka na pala..." sabi sa kanya ni Brielle


"Yeah." sagot ni Razele at saka sya humiga sa tabi ni Erajin "Hey, Jin. Hanggang
ngayon ba, wala pa ring bumabalik na kahit isang episode sa lahat ng nangyari sayo
bago ka magka-amnesia?"

"Yun nga eh, wala... Ay!" bigla syang bumangon sa pagkakahiga kaya napatingin sa
kanya sila Razele "Ah--" may sasabihin sana sya pero bigla syang natigilan

"O? Ano yun?" tanong agad ni Brielle

"Tss.." bigla na namang na-down ang mukha ni Erajin "Hindi ko talaga alam eh!!"
Gusto sana nyang sabihin yung nangyari sa kanila ni Josef kaninang umaga kaso, baka
isipin na naman ni Brielle, hindi sya maka-get over sa issue na yan.
"Alam ang alin?" sabay na tanong nila Razele sa kanya

"Parang totoo kasi eh! Yung wedding!" naiinis nyang sinabi

"Anong wedding?" tanong ni Razele

"Don't tell me, iniisip mo pa rin yan hanggang ngayon?" sabi ni Brielle sa kanya
"Wild lang ang imagination mo kasi hinalikan ka nya. Ok, you're already married,
nandun na tayo, but that doesn't mean na asawa mo sya dahil lang na-imagine mo na
kasama mo sya habang kinakasal ka..."

"T-teka-- Anong-- Anong hinalikan? Anong kinakasal?" napatayo si Razele at


palipat-lipat ang tingin kila Erajin at Brielle

"Kasi ganito yan..." paliwanag ni Brielle "Nakipag-one night stand sya sa isang
may asawang lalaki last night."
"Wha--" isang what-the-hell reaction ang ibinigay ni Erajin kay Brielle
"Tama ba'ng narinig ko?" tanong ni Razele kay Erajin "Ikaw?"
"I can't remember a Goddamn thing! How am I supposed to explain that to you?! I
just woke up early this morning and saw this guy shouting in front of my face
asking me what have I done to him! My God!" napa-facepalm nalang sya nang maalala
na naman ang nangyari "Hindi ko alam, ok! Wala akong matandaan!"
Hindi na nakapagsalita pa sila Razele at tinignan nalang sya habang pinoproblema
nya ang mga nangyari kaninang umaga

"What's his name?" seryosong tanong ni Razele


Napaangat ng mukha si Erajin at tinignan ng diretso si Razele "Josef..."
"Josef what?"

"I don't know. Yun lang ang narinig ko."


Napapikit sa sobrang hopeless si Razele.
Balak sana nyang ipahanap ang Josef na yun. Ang kaso,
Sa dami ng Josef sa whole wide world, paano nya malalaman kung sino yung Josef na
yun?
At isa pa.
Hindi pala muna sya makakatungtong ng HQ habang hindi pa tapos ang problema nya kay
Erajin. Kaya kahit ang pag-search sa mukha ng Josef na yun ay hindi pwede.
Problema talaga.

17

~~~~~~~Sa viewpoint ni Josef~~~~~~~


Kakatapos lang magbihis ni Josef. Black and white casual wear lang ang porma nya
at sa kasalukuyan ay tinatawagan nya si Xerez.

"Kamusta na si Armida?" tanong ni Josef

( Princess Armida is perfectly fine, Milord. We're just waiting for her to wake
up. The tranquilizer we gave will lose its effect sooner or later )

"Good. Sino ba kasing nagdala sa kanya dito?" inis nyang tanong habang tinitignan
ang relo

( Her Guardian Decurion, Milord. They can't control her. She just killed three of
her Guardian last night. )

"Ugh! God" napahimas nalang ng noo si Josef dahil sa sinabi ni Xerez "I'm sorry
about that,"

( You don't have to apologize, Milord. )


Lumabas na si Josef ng kwarto nya at nilakad na ang hallway papunta ng elevator

"Nasan kayo ngayon?"

( We are here in Lady Cassandra's townhouse nearby the hangar. We will follow you
after she wakes up, Milord. )

"Sige. At isa pa nga pala, pakisabi sa mga Guardian nya, kung kinakailangang
ikadena nyo sya, ikadena nyo. Wag nyong palalabasin ng kwarto nya hangga't hindi
ako dumadating."
( As you wish, Milord )
Ibinaba na ni Josef ang phone nya.
TING!
Bumukas na ang elevator at may lumabas na dalawang babae. Pumasok na sya at nakita
ang nag-iisang lalaking natira sa elevator. Lalaking sobrang pamilyar sa kanya.

"Wow. What a nice view to see here,"


Naningkit agad ang mata ni Josef "Mephistopheles,"
Sumara na ang pinto ng elevator kaya wala nang chance para lumabas.

"Well, it's never been so nice to see you, Shadow. I thought I'm already in hell
after that elevator opens and see you," chill na sinabi ni Mephist habang
diretsong nakatingin sa pinto ng elevator
Tumabi sa kanya si Josef at saka nito pinindot ang button pa-Lobby.
Malapit ang bahay ng Asylum President sa hotel kaya may part sa kanya na hindi na
magugulat pa kung makikita nya doon si Mephist.
Nagpamulsa si Josef "What brings you here?" seryosong tanong nya habang diretsong
nakatingin sa elevator

"Business, as usual. You, what brings you here?" tanong ni Mephist

"I'm gonna visit my mother." sagot ni Josef


"Good for you. Where's Erajin?"

"Erajin's dead."

"And so are we. We are all breathing dead people. Kabilang pa rin tayo sa samahan
ng mga walang kaluluwa. And I know you know what I mean."
Napa-smirk si Josef sa sinabi ni Mephist sa kanya "I locked her in our room. May
napatay na naman kagabi. By the way, still not talking about me in Asylum?"

"Nobody talks about you. You're dead. And will always be."

"Aren't you shock to see me here?" tanong ni Josef sabay tingin sa relong suot

"Seeing you HERE? Yeah. But seeing YOU here, nah."


Bumukas na ang elevator pa-Lobby

"Nice talking to you," sabi ni Josef kay Mephist pero hindi nya ito tinignan.
Lumabas na sya ng elevator.

"Likewise," sagot ni Mephist at saka sumara ang elevator


Tuloy-tuloy na naglakad si Josef palabas ng hotel.
Iyon lang ang kagandahan sa kung anong relasyon meron sila ni Mephist.
Mortal enemy sila. Pero andami nilang koneksyon sa isa't isa, lalo pa, ito ang
personal mentor ng kapatid nya at ang taong naatasang bantayan ang pamilya nya.
At kahit pa ayaw nila sa isa't isa, hindi sya naging big deal sa taong yon, kahit
pa kalaban ito.
Wala rin itong pakialam kung buhay sya o patay. Hindi rin ito maaasahan sa
pagsasalita ng mga impormasyon tungkol sa kanya.
Kaya kahit pa makita sya nito ngayon, wala na ring mangyayari dahil tapos na ang
issue sa Data at sa all-out war na ilang
buwan na ang lumipas pagkatapos ideklara ng genius nyang asawa.
Nakasalubong na agad ang isang puting Mustang sa harap ng hotel para sa service
nya.
Nagbigay-galang sa kanya ang Guardian/driver at saka sya sumakay sa kotse. Sumakay
na rin ang driver at saka ito nag-drive papunta sa bahay ng Asylum President
"Alam mo ba ang tungkol sa pagpunta ni Armida dito?" tanong ni Josef sa Guardian

"Opo, Lord Ricardo, tumawag sa amin si Pasha, ang Guardian Decurion ni Lady Armida,
kagabi. Papunta daw ang prinsesa dito dahil hindi kayo nagpaalam sa kanya. Walang
nagawa si Pasha dahil tatlong Guardian ang pinatay ng prinsesa at labingpito ang
muntik na nyang tuluyan at nasa ICU ngayon para lang mapakanta..."
Napahilamos tuloy ng wala sa oras si Josef dahil sa sinabi sa kanya ng Guardian.
Sabi na nga ba, mangyayari yon.
"...patawad kung hindi nasunod ang kagustuhan nyong hindi ipaalam sa kanya ang
lokasyon nyo sa kasalukuyan."
Hindi nalang sumagot si Josef at tumingin nalang sa kalsadang dinadaanan nila
Habang nakatingin sya sa daan, bigla nyang naisip yung nangyari kanina paggising
nya.
Pumikit sya at inalala ang lahat bago sya magising kanina.
Sa pagkakaalam nya, pagkapunta sa kwarto nya sa hotel, naligo sya agad at natulog
na boxers lang ang suot.
Ilang araw na syang walang maayos na tulog dahil sa dami ng trabaho nya sa Citadel.
Hindi na nga nya naasikaso ang asawa nya dahil doon.
Nakakasama nya si Armida pero lagi naman silang nagtatalo, bigla kasing naging
sobrang paranoid nitong mga nakaraang araw ang asawa nya.
Pagod na pagod sya kaya andali nyang nakatulog. Galing pa sya sa byahe, may jetlag
pa sya. Kaya kahit ang mga tawag ni Xerez sa kanya ay hindi nya nasagot kaya late
na ng malaman nya ang warning na parating si Armida.
And speaking of Armida, siguro nga, may napanaginipan syang may nangyari... Pero
kasama nya si Armida at hindi ang kung sinong babaeng... kung sino man sya.
Normal lang naman na managinip ng ilang mga bagay-bagay na ganun since ilang linggo
na nyang hindi naso-solo ang asawa dahil ayaw nyang samantalahin ang pinagdadaanan
nito ngayon, at busy rin sya sa sobrang dami ng trabaho sa Citadel.
Malay ba nyang magigising nalang sya one day na katabi sa kama ang isang babaeng ni
wala nga syang ideya kung sino ba talaga.
At wag ka, muntik pa silang mahuli kanina ng asawa nya na bigla-bigla nalang
dumating nang walang pasabi.
Halos maubusan sya ng dugo at lumabas na ang puso nya sa katawan dahil sa pagpunta
ni Armida sa oras na nasa ganung sitwasyon sya. Nahirapan pa sya sa pagpapatahimik
nung maingay na babaeng anlakas ng loob labasin ang asawa nya.
Buti nalang at napigilan nya ang plano nito, kundi pareho silang dalawa na
mapupugutan ng ulo nang wala sa oras kung
nagkataon.
Pasalamat nalang sya at umalis agad ang asawa dahil sa sinabi ng isang Guardian na
nasa bahay na sya ng Mama nya kaya wala sya doon.
Hinimas nya ang sentido dahil ang sakit sa ulo ng nangyari umpisa palang ng araw
nya.
Nakagat nya ang labi nang maalala ang ginawa nya para lang mapatahimik yung maingay
na makulit na babaeng naka-one night stand nya kagabi.

"Baliw ka talaga, Josef..."


Napatingin tuloy sa rearview mirror ang Guardian para tignan sya habang may kung
ano-anong binubulong sa car window
Malamang na hindi na sila magkikita pa ng babaeng yun kaya mas mabuting ibaon
nalang nya sa limot ang nangyari ngayong umaga. Para na rin sa ikabubuti nya at ng
asawa.
Makalipas ang kalahating oras, nakarating na rin sila sa destinasyon. Pumarada ang
kotse sa tapat ng bahay ng President ng Asylum...
Pumunta sa left side ng bakod ng bahay si Josef at doon tinitigang maigi ang bahay.
Tinignan ni Josef ang paligid. As usual, walang nagkalat na tao. May ala una y
medya na, at alam nyang nakauwi na si Riggs sa bahay.
Nag-jog in place sya at bigla syang humirit ng takbo pasalubong sa bakod ng bahay
nilang may apat na metro ang taas. Sinipa nya ang konkretong bakod para makakuha ng
bwelo pataas at saka kumapit sa bakal na disenyo sa tuktok, kasabay non ang
pagtalon nya papasok sa loob ng bakuran ng mismong bahay.
Walang kaingay-ingay na lumanding sya sa gilid ng bahay ng stepfather nya.
Tinignan nya ang paligid. Naririnig nya ang mga maids, pero as usual, wala syang
pakialam dahil napakadali lang para sa kanyang itago ang sarili.
Parang wala lang na pumasok sya sa loob ng bahay ng pamilya nya.

"Linisin mo yung kwarto ni Maam,"

"Si Sir Riggs at Miss Raven, nakakain na ba ng tanghalian?"


Nilakad ni Josef ang sala ng bahay nang walang katakot-takot na baka makita sya ng
mga maids.
Para lang syang hangin habang umaakyat sa enggrandeng staircase ng bahay.
Dali-dali syang pumunta sa kwarto ng Mama nya sa second floor.
Napahinto sya nang makitang bukas ang pinto at may palabas mula sa loob. Nagtago
sya sa likod ng pader paliko sa kwarto nya.
Lumabas doon ang mga maids. Ibig sabihin lang nun ay wala sa loob ang Mama nya.
Pumunta nalang sya sa kwarto ni Raven.
Hindi na sya natatakot ngayon kesa nung bago palang sya mapunta sa Citadel bilang
Fuhrer. Nakita na nya ang lagay ng lolo nya at wala nang ibang Superiors na pipigil
pa sa mga desisyon nya.
Madaling lokohin ang bata kaya ok lang kahit na makita sya ni Raven. Magkwento man
ito sa ibang tao na buhay sya, walang maniniwala dahil alam nyang hindi pa tanggap
ni Raven na patay na sya.
Pumasok sya sa kwarto nito at nakita nya si Maam Angie na tinuturuan si Raven.
Nakatalikod sila sa may pinto kaya hindi sya napansin nung dalawa. Ni-lock nya ang
pinto para walang makapasok.
Hinawakan nya sa batok si Maam Angie at bigla nalang itong nahimatay.

"O! Ma--" napalingon sa likod si Raven nang bumagsak sa maliit na table ang turo
nya "Kuya--"
Tinakpan agad ni Josef ang bibig ng kapatid. Binuhat nya ito at iniharap nya sa
kanya. Lumuhod sya sa harapan ng kapatid at saka nya tinanggal ang kamay sa bibig
nito.

"Kuya Rynel!" mahina pero masayang bati sa kanya ni Raven. Anlaki ng ngiti sa
kanya nito habang tinitignan sya

"Sssshhh..." itinututok nya ang hintuturo sa tapat ng bibig


Masaya namang tumango si Raven sa kanya

"Si Mama?" tanong nya sa kapatid


"Sa New Zealand!" masayang sagot ni Raven

"New Zealand? Anong ginagawa dun?"


Nag-shrug lang ng balikat si Raven para sabihing hindi nya alam.
"Si Kuya Riggs mo?"

"Sa room nya."

"Good." pi-nat nya ang ulo ni Raven


"Kuya, hindi ka ghost diba?" tanong ni Raven sa kanya

"Yeah. Hindi ghost si Kuya. Pero wag mong sasabihin na nagpunta si Kuya dito sa
bahay ha... Babalik ako next time, tapos ipapasyal kita sa theme park."
Tumango naman sa kanya si Raven
Binuhat nya si Raven at saka nya ito pinupog ng halik sa pisngi "Miss ka ni Kuya
ng sobra-sobra." masayang sinabi ni Josef sa kapatid
Hinwakan naman ng maliit na mga kamay ni Raven ang magkabilang pisngi nya "I miss
you too so very very much, Kuya Rynel" sya naman ang pinupog ng halik sa mukha ng
kapatid

"O, sige na. Kelangan nang umalis ni Kuya Rynel," ibinaba na nya si Raven at saka
hinawi ang buhok nito sa noo "Be a good girl ha, pag hindi, hindi na babalik si
Kuya."
Masaya namang tumango si Raven sa kanya
Hinalikan nya ito sa noo at saka sya tumayo ng diretso at pinakiramdaman ang
paligid.
Siguro pwede na syang pumasok sa kwarto ni Riggs.
Lumabas na sya ng kwarto ni Raven at agad na pinuntahan ang kwarto ng isa pang
kapatid na dalawang pinto lang ang pagitan sa kinatatayuan nya
Tinignan nya ang relo, nagtatagal na sya sa bahay ng pamilya nya.
Binuksan na nya ang naka-lock na pinto ng kwarto ni Riggs.

"...but it's just the price I pay, destiny is calling me..."


Nakita nya doon ang kapatid na may mga folders na sinasalansan habang nagsa-
soundtrip sa study table nito.

"Open up my eager eyes, I'm Mr. Brightside... "


Nilapitan nya ito at ipinaikot ang swivel chair paharap sa kanya sabay tanggal ng
headset nito sa tenga

"Anong gagawin ni Mama sa New Zealand?" diretsong tanong ni Josef sa kapatid

"O- K-k-kuya..." nagulat naman si Riggs nang makita si Josef na nakatayo sa harap
mismo nya "A-anong-- Anong ginagawa mo dito?"
"Si Mama, bakit nagpunta ng New Zealand?"

"Si Mama? Malamang sa trabaho. Bakit? A-ano na namang-- Ano bang ginagawa mo dito?
S-sabi ni Laby, nasa Russia na kayo ng asawa mo." naguguluhang sinabi ni Riggs

"Oo nga. Kakabalik ko lang dito kahapon. Isasama ko si Mama sa Russia,"

"Bakit? Anong gagawin nya don?" tanong ni Riggs


"Kamamatay lang ng Daddy ko. Gusto kong dalawin ni Mama kahit ngayon lang yung
libingan nya sa Citadel," lumapit naman si Josef sa bintana ng kwarto ni Riggs at
tinignan ang ibaba ng bakuran ng bahay
"C-c-citadel??" napatayo si Riggs at gulat na tinignan si Josef "Pwedeng sumama?"
Napalingon tuloy sa kanya si Josef dahil sa sinabi nya.
Citadel yon. At isang karangalan para sa isang member ng Assoc ang makatapak sa
teritoryo ng tinuturing na pinakamataas na guild ng mga criminal sa mundo. And it's
a bragging rights if makakatapak sya doon, at napakalaking achievement non as a
Neophyte Leveler.
"Hindi pwede." tipid na sagot ni Josef at saka ibinalik ang tingin sa ibaba ng
bintana "Galing ba dito si Mephistopheles?"
"Bakit? Nagkita kayo?"

"Nakasabay ko sya sa elevator kanina."

"Kahapon nagpunta sya. Ewan ko lang ngayon,"


Sumampa na si Josef sa pasamano ng bintana "Kelan ang uwi ni Mama?"
"Ewan... Next week pa siguro,"
Tumango naman si Josef sa sagot ng kapatid. At saka sya tumalon sa bintana ng
kwarto nito
Sumilip naman sa bintana si Riggs para tignan sya.
Nakatayo na ngayon sa harap ng nilulumot na pader ng likod ng bahay si Josef.
Inalala nya yung mga bloke na hinawakan ni Laby para bumukas iyon.
May itinulak syang isang block sa bandang gitna at biglang bumaon. Tumango sya
dahil tama ang naisip nya.
Itinulak din nya ang isang block sa bandang ibaba at bumaon uli. Hinimas pa nya
ang baba para alamin kung ano ang kasunod.
Sunod ay itinulak nya ang isang block sa gilid at bumaon uli. Pagkatapos ay may
lumabas na hangin mula sa pader at umurong ito ng kaunti
Itinulak nya ang buong pader at bumungad ang isang secret door.
"Genius." bulong nya sa sarili
"K-kuya..."
Tinignan nya ang kaliwa nya. Nakatayo doon ang gulat na si Riggs habang nakatingin
ito sa secret door na noon lang nya nakita sa bahay nila buong buhay nya
Nagtuloy-tuloy nalang sa pagpasok si Josef kaya sumunod naman sa kanya si Riggs
Pumasok sila sa loob ng isang secret chamber ng bahay. Isa lang yong maliit na
cubicle. Madilim din sa loob dahil walang ilaw.
Kinuha ni Josef ang maliit na flashlight sa bulsa nya at itinutok sa automated lock
sa harapan lang nya.
Sinilip naman ni Riggs ang ginagawa ni Josef
Maya-maya bumukas na ang panibagong pinto at tuloy-tuloy na pumasok si Josef para
buksan ang ilaw
Bumungad sa kanilang dalawa ang napakaraming mga mamahaling mga gamit, mga statues,
vases, jars, mga file cabinets, iba't ibang istante na may lamang mga mamahaling
mga alahas at ilang kayamamang milyones at bilyones ang halaga.
Napanganga nalang si Riggs nang makita ang loob ng malaking kwartong iyon. Para
syang nasa isang exhibit ng mga mamahaling mga bagay.
Kumikinang sa ilaw ang mga nandoon.
Iba't ibang uri ng ginto, mga gems, mga statues, mga paintings. Nalulula na sya sa
nakikita. Wala syang masabi.
Lumapit si Josef sa isang glass cover na nakabukod sa lahat.

"Kelan pa nagkaroon ng ganitong lugar dito sa bahay? Pano mo nalaman ang lugar na
'to, Kuya?" tanong ni Riggs
"Si Laby ang nakaalam ng kwarto na 'to nung minsang tumira sya dito."

"Ito bang lahat ng 'to--"

"Mga kayamanan ni Shadow."


Isang bagay na naalala nyang naikwento sa kanya ni Cas nung minsan silang nagkausap
habang nasa kwarto kung saan naka-confine si NightShade.
Plano nga ng Superiors ang pagkuha sa lahat ng kayamanan ni Shadow. Plano ni
NightShade at Cas ang pagkuha sa lahat ng kayamanan nya. Kasabwat din ng Mama nya
at ang President ng Asylum sa lahat ng meron ang sikretong kwarto na iyon kaya doon
itinago ang lahat ng mahahalagang kayamanang pag-aari nya.
Nakuha ang mga iyon sa panahong lahat ng nasa Assoc, iniisip na pinatay na ni RYJO
si Shadow kasabay ng pagkawala ng Brain.
Kapag hindi nila kasi yon ginawa, lahat ng pinaghirapang manakaw ni Shadow ay
maglalaho na ng tuluyan.
Pagkalabas ni Richard Zach sa Citadel bilang isang batang magnanakaw, kinuntsaba
na agad ni NightShade at Cas ang President ng Asylum para pakasalan nito si
Anjanette Malavega.
Ligtas si Anjanette Malavega sa poder ng President ng Asylum since Leveler at Ace
ng Assassin's Asylum si Shadow. Yun lang ang tanging magagawa nila NightShade para
hindi magkalayo si Josef at ang Mama nya. Importante si Shadow sa Asylum, at kahit
ang Asylum President nasa kanya ang simpatya, lalo pa apo sya ng pinakamataas na
leader ng Superiors. At gaya rin ng hiling ni NightShade sa Asylum President;
gagawing persona non grata si Shadow sa Asylum habang nabubuhay ito bilang isang
Malavega. Wala ring magtatangkang lumapit sa bahay ng Asylum President kaya ligtas
si Josef kung doon sya titira oras na mangyari ang hindi inaasahan.
Binuksan nya ang glass cover at kinuha ang Herring's Eyes sa loob non.
Ang matang pinagsimulan ng lahat.
Ang isang pares ng hikaw na hindi nagtatagal sa kamay ng kahit sinong kriminal.
Ang kayamanang nag-uugnay sa buhay nila.
Ang kayamanang dahilan ng pagkasira ng relasyon nina Cassandra Zordick at Joseph
Zach.
Ang kayamanang dahilan ng pagkakakilala nina Anjanette Malavega at Joseph Zach.
Ang kayamanang dahilan ng pagkakakilala nila ni RYJO.
Ang kayamanang dahilan ng kalayaan nya.
Ang kayamanang dahilan kung bakit nya nakilala ang asawa bilang si RYJO pagkatapos
nilang ikasal.
At ang kayamanang dahilan kung bakit may Armida Zordick at Richard Zach ngayon.
Parang hinihipnotismo sya ng kinang napakagandang ruby earrings na yon.
"T-teka... Yan ba yung--"
Tinignan ni Josef ang kapatid na itinuturo ang Herring's Eyes.

"Akala ko ba, nabenta na yan nung auction sa Criasa?" sabi agad ni Riggs

"Pano mo nalaman ang tungkol sa auction?" tanong ni Josef

"Target yan ni Shax. Ang alam ko, Leveler ang nakakuha ng--"

"Peke ang nasa auction. Trap lang ang lahat para sa mga umattend doon,"

"P-pero pano napunta sayo? Anong gagawin mo dyan?"

"Ninakaw 'to ng Daddy ko para kay Mama. I think it belongs to him more than mine.
Hindi ko naman 'to nanakawin kung hindi dahil sa kanya"
Tuloy-tuloy na naglakad si Josef palabas ng secret room na yon habang nakasunod sa
kanya ang kapatid.
Paglabas nila sa bakuran ng bahay...
"Kelan huling umuwi dito si Tito?" tanong ni Josef

"Nitong New Year lang, sabay na rin silang umalis ni Mama papuntang New Zealand
last last night."
"Good." nagtuloy-tuloy sa paglakad si Josef papunta sa secret hedge door ng
bakuran. Itinaas nya ang lock nito para makalabas sya doon "Tatawag ako para
itanong kung dumating na si Mama. Pag maaga syang umuwi, sabihin mo hintayin ako.
Pupunta agad ako dito para sunduin sya"
Hindi na nya hinintay pa ang pagsagot ni Riggs at dumiretso na sya palabas sa lugar
na yon.
Tinignan nya sandali ang relo. Pasado alas dos na. Pumasok na agad sya ng kotse na
nandun pa rin sa pinagparadahan nito,

"Idaan mo muna 'ko sa Heaven's Kingdom church," sabi ni Josef


"Yes, Milord"
At nag-drive na paalis ang kotse sa lugar na yon

18

~~~~~~~Sa viewpoint ni Erajin~~~~~~~~

Pasado ala-una na ng hapon.


Paalis na sana ng hotel sila Erajin para maghanap pa ng kasagutan sa lahat ng
tanong nila.

"San ba tayo magsisimula?" tanong ni Razele

"Sa HQ sana kaso hindi pwede," sagot ni Brielle habang nililibot ng tingin ang
paligid

"Pano bang gagawin natin dito?" tanong ni Erajin

"O!" napatingin si Erajin at Razele kay Brielle nang bigla itong nagturo. Sinundan
naman nila Razele ang tinuturo nya.

"Sino ba yun?" tanong ni Erajin kay Razele

"A-anong--" hindi naman makapaniwala si Razele sa nakikita

"ARKIN!! Hahahaha!" sigaw ni Brielle kaya napalingon sa kanila yung tinawag nya
"Tara!" kinuha nya agad ang kamay ni Erajin at saka nya ito hinatak papunta dun sa
tinawag nyang Arkin. Nakasunod naman sa kanila si Razele

Huminto sila Brielle sa harap nung tinawag nitong Arkin.

"O, Gab. Anong hangin ang nagdala sayo dito?" tinignan nya naman si Razele na nasa
likuran nya

"Arkin!!" niyakap agad ni Brielle si Arkin at saka nya hinalikan magkabilaan sa


pisngi "Thank God I've found you!"

"Whoah..." kahit si Arkin nagulat sa ginawa ni Brielle sa kanya

Bumitaw na si Brielle habang anlaki ng ngiti kay Arkin "Buti naman at hindi ka na
kelangang tawagan!"

"Why? Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Portugal ka," sabi ni Arkin
habang tinitignan ang relo nya

"Oo nga. Kaso pinatawag ako ni Razele, bumalik na daw si RYJO sa HQ."

Natigilan si Arkin sa narinig nya at tinignan ng diretso si Brielle "Sino?"

"Si RYJO." hinatak agad ni Brielle si Erajin sa tabi nya at saka nya ito itinuro

Tinignan naman ni Arkin si Erajin na hindi alam ang nagaganap. Hinagod nya ito ng
tingin mula ulo hanggang paa

"She's lovely." nakangiting sinabi ni Arkin kay Brielle

Biglang nawala ang ngiti ni Brielle dahil sa sinabi ni Arkin "Sya nga si RYJO."

"Ok." tipid nyang reply

"Ugh!" napa-eyeroll tuloy si Brielle dahil parang nakikipaglokohan lang sya sa


kausap "Arkin naman eh!"

"No, I'm serious." serious nga sya. Tinignan tuloy sya ng masama ni Brielle

"Arkin, sya si RYJO. At wala syang maalala. Nagpalit sya ng mukha. Hindi namin alam
ang reason, kahit sya hindi rin alam. Hindi nya matandaan. Wala syang matandaan."
sabi ni Brielle

"O, ganun naman pala eh. Bakit hindi nyo kausapin yung asawa nya?" sagot ni Arkin

"Yun nga eh! Hindi namin alam kung saang impyerno namin hahanapin ang asawa nya!"
galit na sigaw ni Brielle

Natawa ng mahina si Arkin dahil sa pagtataas ng boses ni Brielle "Chill lang, Gab.
Mag-apoy ka dyan bigla, wala akong baong fire extinguisher, hehehe"

"Arkin!" saway ni Brielle sabay hirit ng palo sa balikat ni Arkin

"Hahahaha!" itinaas na ni Arkin ang mga kamay para sumuko "Ok, suko na po ako
mahal na reyna, mabalik sa topic. Ibalik nyo sya sa asawa nya ngayon at saka nyo
ayusin ang lahat,"

"Hindi nga namin alam kung nasan ang asawa nya?!" inis na sinabi ni Brielle
"Eh di tawagan nyo," cool na cool na sinabi ni Arkin

"Pano nga tatawagan kung hindi nga namin alam kung saan kokontakin!" sigaw ni
Brielle

"Kawawa naman si Markus sayo," sabi ni Arkin sabay tingin sa gilid nya

"Ano ba!" hinampas agad ni Brielle ang braso ni Arkin "Sya si RYJO! Wala syang
maalala! Almost two weeks na syang nasa HQ kasama si Razele! Yung magaling nyang
mister, hindi mahagilap! Manghihingi kami ng tulong sayo para malaman namin ang
problema!" halos hingalin na sya kakasigaw

"Ok." tipid na sinabi ni Arkin sa kanya na parang wala pa ring pakialam sa earth

Napa-facepalm nalang si Brielle dahil ang hirap kausap ni Arkin

"Ayoko na" sumuko na rin si Brielle at pumunta sa likod ni Razele "Antino talaga
kausap ng lalaking yan, sobra."

Napailing nalang habang nakangiti si Arkin dahil sa wakas, napasuko na rin nya si
Brielle. Tinignan nya si Erajin at nginitian ito ng matamis.

"Kung ikaw si Erajin, dapat kasama mo ang asawa mo ngayon" kalmado sinabi ni Arkin

"Hindi ko nga kilala ang asawa ko. At ang sabi ni Razele, patay na sya." sabi ni
Erajin

"Paano sya mamamatay kung kani-kanina lang nakasabay ko pa sa elevator" tinignan


nya si Razele "Nandito sa hotel yung asawa nya kaya paanong hindi nyo nakita?"

Napataas ng kilay si Razele at sabay nilang tinignan ni Brielle ang isa't isa.

"Nandito sa hotel yung asawa nya?" sabay pa nilang tanong sa isa't isa

"Ang sabi ni Shadow, dadalawin nya ang mother nya. Tinanong ko pa nga kung nasan si
Erajin at sinabi nya, kinulong daw nya sa kwarto nila dahil may tinarget na naman
last night. At base sa pagkakasabi nya, wala naman silang problema. Teka, tumakas
ba 'to sa asawa nya? Ibalik nyo na 'to habang hindi pa kayo hina-hunting."
napakakalmadong tanong ni Arkin

Nilingon naman ni Erajin sila Razele para manghingi ng opinyon.

"Pwedeng sa ibang lugar tayo mag-usap?" suggestion ni Razele sa kanilang lahat

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa isang coffee shop ngayon ang apat at doon pinagpatuloy ang pag-uusap.

Magkakatabi si Razele, Erajin at Brielle at nasa harap nila si Arkin. Nasa tabi
sila ng glass window kaya kita nila ang labas.

"Pwede mong ma-contact si Shadow?" tanong ni Brielle kay Arkin

"I'll try," sagot ni Arkin at idi-nial na sa phone ang number ni Riggs

Tinignan naman ni Razele ang paligid. Konti ang tao sa coffee shop,

"Ang weird nito ha," sabi ni Arkin habang hinihintay na sagutin ni Riggs ang phone
"Paano nyo nga pala nakilala 'to kung hindi nya maalala kung sino sya? Tapos
nagpalit pa sya ng mukha," tanong nya habang tinuturo si Erajin

Tinignan ni Brielle at Erajin si Razele.

"Long story," tipid na sagot ni Razele

Tumango nalang si Arkin dahil hindi rin sya umaasa ng sagot kay Razele

"Hello, Riggs..."

Napaayos ng upo ang tatlo nang sagutin na ang tawag. Ni-loudspeaker naman ni Arkin
ang phone para marinig nila ang usapan.

"Kuya mo nasaan?" tanong ni Arkin


( Kakaalis lang. Exactly... 12 minutes, sabi nya nagkita kayo? )

"Oo, nagkita nga kami. Kelan sya babalik dyan? Gusto kong makausap."

( Hinahanap nya si Mama, kaso wala dito. Ang sabi nya, tatawag nalang daw sya
kapag nakabalik na dito yung hinahanap nya )

"Kasama ba nya yung asawa nya?" tanong nya habang nakatingin kay Erajin

( Hindi. Bakit? Ano na naman bang nangyayari? )

"May iniwang contact number?"

( Wala. Sya ang tumatawag kapag may kailangan sya. Ayaw nya ng tinatawagan namin
sya. )

Napabuntong-hininga nalang silang tatlo sa narinig

"Kapag dumating uli dyan, sabihin mo tawagan ako. May ipapaalam lang ako sa kanya."

( Problema ba yan? )

"Hindi. Tungkol lang sa bestfriend ng asawa nya, nanghihingi ng konting tulong,


baka makatulong sya kaya ako napatawag."

( Ok. Sasabihin ko kapag bumalik sya. )

Ibinaba na ni Arkin ang tawag at saka tinignan ang tatlo.

"Pano ba yan. We're too late." sabi ni Arkin

"Kung nandito si Shadow, diba dapat hinahanap nya si Erajin?" tanong ni Brielle

"Pero base nga sa conversation namin kanina, parang wala namang problema sa kanila
ni Erajin." tinitigan ng diretso ni Arkin si Erajin "I hate Shadow. Pero kilala
ko sya. At alam kong hindi yun makakatulog kapag may nawawalang kayamanan nya."

"So?" mataray na tanong ni Erajin

"Sabihin na nating, kayamanan nya ang asawa nya. At base sa nakita ko kanina.
Parang wala namang nawawala sa kanya." ipinatong nya ang magkabilang siko sa mesa
at idinikit ang kaliwang palad sa kinuyom na kanang kamao. "Ikaw ba talaga si
Erajin?"

Nakipagtitigan naman sa kanya si Erajin "I don't know. I can't remember."

Kinagat naman ni Arkin ang lowerlip at saka tumango. "Ok, malalaman natin yan."

Itinutok nya ang magkabilang palad sa tapat ng mga tenga ni Erajin

"Erajin, sleep,"

SNAP!

Napapikit si Erajin at saka nakatulog nang hindi bumabagsak.

Tinignan ni Arkin si Razele at Brielle. Inaabangan nya ang violent reaction sa


dalawa. Pero base sa mga reaction nito, parang pabor pa ang ginagawa nya kay
Erajin.

Itinuon na uli nya ang atensyon kay Erajin at saka nya ito ginising.

"Jin, wake up"

SNAP!

Unti-unting dumilat si Erajin at saka dahan-dahang tinignan si Arkin

"Jin," tawag ni Arkin

Unti-unting nabuo ang isang smirk sa labi ni Erajin "I'm... free... at... lasssst.
Long time no see, Me-phis-to-phe-les."

Nanlaki ang mga mata ni Arkin nang makita ang isang epression sa mukha ni Erajin na
talagang iniiwasan nyang makita
"You've awaken the bitch, Arkin" pakantang sinabi ni Brielle habang nakatingin sa
kape nyang nasa mesa

"I love the smell of outside world," sabi ni Erajin

Dali-daling hinawakan ni Brielle ang kaliwang pulso ni Erajin at ang leeg nya. Si
Razele naman ang tumapak sa paa ni Erajin habang tina-trap ang kanang pulso ni
Erajin sa mesa.

"Try to do something evil. Hindi kami magdadalawang-isip na labanan ka." mahinang


sinabi ni Razele kay Erajin

"Well," lulunok sana si Erajin pero hindi nya magawa dahil sa higpit ng
pagkakasakal sa kanya ni Brielle "Bad is-- not enough decription for my-- my
doings huh," nakuha pa nyang ngumiti ng nakakaasar habang tinitignan sa gilid ng
mata nya si Razele

"I'm calling for Jin. Bakit ikaw ang lumabas?" mariing sinabi ni Arkin sa kanya

"I-- I won't speak-- if you keep strangling me..." hirap na sinabi ni Erajin

Tinignan ni Brielle si Razele. Tinanguan sya nito. Sunod nyang tinignan si Arkin.
Tumango lang din ito. Tinignan nya si Erajin na masama ang tingin sa kanya.

"Fine." tinanggal na ni Brielle ang pagkakasakal kay Erajin pero buhok sa likod ng
ulo naman ang hinawakan nya para sigurado "Now talk."

Tumawa ng mahina si Erajin habang nakatingin ng masama kay Arkin "The alters have
problems. Kasalanan lahat ng primary identity at ng magaling nyang ina. Itinago
kami ng demonyo nyang ama sa kanya kaya kailangan ng intense emotions para lang
mapalabas kami. Wag kayong umasang mapapalabas nyo si Jinrey dahil hindi na nya
gugustuhing lumabas pagkatapos nyang harapin mag-isa ang mga Guardians na nilabanan
nung baliw na Jocas na yon pagkatapos naming bumalik."

Pare-parehong napataas ng kilay ang tatlo sa kwento nya. Kaya binitawan na sya ni
Razele at Brielle para ipagpatuloy nya ang kwento.

"Ano bang nangyayari ngayon?" tanong ni Erajin habang hinahawakan ang pulso nyang
namula na dahil sa mahigpit na pagkakahawak nila Brielle

"Kaya nga namin gustong palabasin si Jin para magtanong." sabi ni Razele

"Oh come on!" kinuha nya ang frappe na nasa harap at ininuman "Jin can't talk. At
hindi nyo na rin sya mapapalabas. May problema ngayon ang katawang 'to kaya
magkakaproblema rin kayo sa pagtawag samin kahit pa kasama nyo ang First Echelon
provocateur mentalist na si Mephistopheles." at binigyan nya ng evil smirk si
Arkin

"Anong ibig mong sabihin dun sa nilabanan ni Jin ang mga Guardians?" tanong ni
Arkin dahil si Jin na ang pinag-uusapan

"Well, the last memory I have now is... I don't know the exact date, but that Jocas
appear dahil nga sa problema sa utak nung owner ng katawang 'to. Nagkaproblema sya
sa paglabas ng mga alters dahil sa simpleng pagtawag nya sa nanay nya. And I thank
them for that because I'd get a chance to be free again after a very long time.
Nasa gitna ng laban ang babaeng yun sa mga Guardians then nagpakita ako at ako ang
lumaban. Marami-rami rin ang napabagsak ko and we all know na emergency brake ng
katawang 'to si Jin kaya nung time na lumalaban ako, saka sya nagpakita. Kaya ayun,
sya ang lumaban sa mga Guardians kaya napabagsak agad sya. Poor Jinrey, kung alam
ko lang na magpapakita sya, sana nagtago nalang ako." bigla syang nalungkot at
ininuman na naman ang hawak na frappe "Pero anong magagawa ko. Kaya nga andali
nyang namatay eh, kasi mahina sya." biglang nagbago ang mood nya at nagbalik sa
pagiging mataray "Anyway, what's happening right now?"

"Why did you change your face?" tanong ni Brielle

"What face?" tinignan naman ni Erajin ang sarili nya sa glass wall ng coffee shop
"What the fvck--" na-facepalm nya si Razele para lang mapatabi ito at tumayo pa
para lang makita ng maigi ang mukha nya sa reflection "Is this--" sinampal-sampal
nya ng mahina ang pisngi para malaman kung kanya ba ang mukha na nakikita nya
"WHAT THE HELL HAPPEN TO MY FACE--!!"

Hinatak sya ni Razele pabalik sa pagkakaupo at saka tinakpan ang bibig nya.

Tinignan ni Razele ang paligid. Buti nalang at konti ang nasa loob ng coffee shop.

Pumalag agad si Erajin at kinagat ang kamay ni Razele kaya nasubsob ito sa gilid ng
mesa sa lakas ng pagkakatulak nya dito. Tumayo sya agad at kinwelyuhan si Arkin
"Anong ginawa mo sakin, huh?!" galit na galit nyang tanong

Hinatak sya agad ni Brielle pabalik sa pagkakaupo kaya nabitawan na nya si Arkin.
Hinawakan na naman sya sa pulso at trinap na naman ni Razele ang mga paa nya.

"I'm gonna tear your fvcking body into fvcking pieces! You son of a-MMMMMM!!!!!!"
tinakpan agad ni Razele ang bibig ni Erajin gamit ang panyo para hindi na ito
makapagsalita pa at para hindi rin sya makagat

Tumayo na sa pagkakaupo si Arkin at inilapit ang mukha kay Erajin "Listen to me,
Erah!" Tinignan lang sya ng masama ni Erajin "Do you have any idea of what's
happening right now?" mariin nyang tanong
Hindi inalis ni Erajin ang masamang tingin sa kanya habang pumapalag ito

"Please cooperate. Don't make me force you to follow me, Erajin." warning ni Arkin
sa kanya "Hindi mo gugustuhing seryosohin ko ang lahat ng sinasabi ko sayo."

Biglang pumikit si Erajin at agad ding dumilat.

Nanlaki ang mga mata ni Arkin at agad na napaatras nang makita ang mata ni Erajin.
Napaupo sya at namutla bigla na parang nakakita ng multo. Nagtataka naman syang
tinignan ni Brielle at Razele

Kumalma na si Erajin at nawala na ang pwersa sa mga kilos nya. Pumikit sya at
napayuko.

Inobserbahan sya nila Razele. Nagpakiramdaman pa ang dalawa kung pakakawalan na ba


sya. Tumango ang dalawa nang sabay at agad syang binitawan.

"Erajin?" tawag ni Razele

"Nahihilo 'ko..." mahinang sinabi ni Erajin sabay hawak sa ulo nya "Parang
binibiyak ang ulo ko..."

At kung kanina, halos durugin na ni Brielle ang pulso nya, ngayon hinagod na nito
ang likod nya "Erajin, naririnig mo ko?" tanong ni Brielle

"Brielle, ansakit ng ulo ko..."

Hinawakan ni Brielle ang magkabila nyang pisngi para maharap sya nito

"Erajin, may na--" napanganga bigla si Brielle nang makita ang mata ni Erajin

"Brielle.. uy, ok ka lang?" tanong ni Erajin

"J-jin... Anong--" nag-aalalang tinignan ni Brielle si Razele

"Bakit?" nag-react agad si Razele at pinaharap sa kanya si Erajin "Ano na naman


bang prob--"

Kahit sya napanganga din nang makita ang mata ni Erajin

"B-bakit?" nagtaka naman si Erajin sa naging reaksyon nung tatlo


Kinuha naman ni Arkin ang phone nya at isinet sa self-mode ang camera. Itinutok nya
ang camera sa mata ni Erajin para makita nito kung ano ang ikinagulat nila

"Oh my God."

Biglang nagbago ang kulay ng kanang mata nya at ang dating brown ay naging gray.

"What's happening to me?"

19

"Ok, she is RYJO..." mahinang sinabi ni Arkin habang papalabas ng coffee shop
kasama sila Brielle

"Pano tayo makakakuha ng impormasyon sa mga alters nya kung may problema ang
paglabas nila?" tanong ni Brielle habang tinitignan ang relo nya. Alas dos y medya
na ng hapon

"T-teka... Anong nangyayari sa katawan ko?" nag-aalalang tanong ni Erajin kila


Razele

Nakalabas na sila ng coffee shop at papunta na sa parking lot nito para sumakay sa
kotse ni Razele.

"I think, dahil yan sa mga gamot at lason na pinainom sayo nitong nakaraang 14
years. Unang epekto, psychological problems." sabi ni Brielle

"Second, faster body regeneration and some superhuman abilities..." dagdag ni


Arkin

"Third, a little physical transformation..." sabi ni Razele at saka nya kinuha ang
key fob nya sa bulsa "And..."

BIIP! BIIP!

BOOOOOGGGGSSSHHHHHHH!!!!!!!!
Isang malakas na pagsabog ang nangyari pagkatapos tumunog ng kotse ni Razele
dahilan para tumalsik ang tatlo dahil sa lakas ng impact.

Lumipad si Brielle sa glass window ng coffee shop.

Si Arkin naman, tumama sa hood ng isang nakaparadang itim na Ford Everest.

Si Razele, tumilapon sa harap ng pinto ng coffee shop.

Samantalang nanatiling nakatayo doon si Erajin at ang tanging nagawa nalang ay


takpan ng magkabilang braso nya ang mukha sa apoy at sa mainit na hangin na gawa ng
pagsabog ng kotse ni Razele.

TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGG...........

Yun lang ang tanging naririnig ni Erajin sa mga oras na yon.

Unti-unti syang dumilat at parang dinala ng pagsabog ang kaluluwa nya sa panibagong
dimensyon.

Nakita nya ang sarili na nasa isang hallway na iniilawan ng apoy na gawa ng isang
pagsabog. Basang basa sya dahil sa tubig na galing sa fire sprinkler.

Nasa harap nya ang isang babaeng takot na nakatingin sa kanya.

"Cassandra... Cassandra, yung asawa ko..." mahinahon nyang tanong habang lumalakad
sya papalapit dito

Umiling lang ang babaeng tinawag nyang Cassandra habang unti-unting humahakbang
palayo sa kanya

"Cassandra, si Josef..."

Pumatak na ang luha ng babaeng takot na nakatingin sa kanya habang unti-unti nya
itong nilalapitan

"I'm asking you... Where is my husband..."

Napahinto ang babae nang malamang pader na ang nasa likuran nya
"Cassandra, nasaan ang asawa ko?!!"

"Ahhh!!!" bigla syang nagbalik sa katawan nya at napaluhod habang mahigpit na


hinahawakan ang ulo nyang parang hinahati sa sobrang sakit

Hirap na hirap na lumapit sa kanya si Arkin at hinatak sya patayo. Kailangan na


nilang makaalis doon. Mukhang nakita na sila ng kalaban.

Nakita nalang ni Erajin ang sariling inaalalayan ni Arkin pasakay sa isang puting
Avanza. Ang ilang metrong layo ng kotse ay naging kilometro sa paningin nya. Nawala
ang sense of balance nya dahil sa pagsabog kaya halos magkanda-buhol-buhol na ang
mga paa nya sa paglalakad. Kung ano-anong tunog ang naririnig nya.

"Anong... nangyari..." umiikot ang paligid nya ng sa wakas ay nakaupo na rin sya
sa backseat ng kotse

"Jin! Jin can you hear me?"

Naririnig nya at nakikita si Brielle sa harapan nya pero masyadong malabo ang
lahat. Nararamdaman nyang sinasampal sya nito para lang mabalik sa katinuan

"Erajin!" niyugyog na sya ni Brielle kaya unti-unti ay umaayos na sa kanya ang


lahat

"Brielle..." mahina nyang sinabi "Sino si... Cassandra..."

"Cassandra??" tinignan ni Brielle si Arkin "Sino si Cassandra?"

"Kelangan muna nating makalayo dito," seryosong sinabi ni Arkin sabay hagis ng
phone nya sa labas ng bintana.

Nakapwesto sya sa passenger seat at pasulyap-sulyap sa side mirror para tignan ang
mga kotseng pansin nyang kanina pa nakabuntot sa kanila

Itinapon naman sa bintana ni Brielle ang dala nyang phone at ganun din ang ginawa
ni Razele sa phone nya

"Sino yung mga humahabol satin?" tanong ni Arkin at saka nya inilabas ang dalang
desert eagle at chineck ang laman ng magasin

"T umakas lang kami ni Erajin ng HQ para malaman ang totoong nangyari sa pagkawala
ng alaala nya, kaya malamang na mga tao ni Crimson yang nakasunod sa'tin" sabi ni
Razele
"Mga tao nino??" gulat na tanong ni Arkin at saka nya nilingon ang likod ng kotse
para bilangin ang mga humahabol sa kanila.

May limang kotse ang humahabol sa kanila

"Dammit!" nasuntok ni Razele ang manibela ng kotse nang bigla silang bumagal.
Tinignan nya ang fuel, wala nang laman "Out of gas na 'tong kotseng nakuha nyo!!"

Wala na silang magagawa. Kelangan nang lumaban.

Pinaikot ni Razele sa kaliwa ang kotse sabay ng pagsipa ni Arkin sa pinto. Lumabas
sya ng passenger seat at gumulong sa kalsada habang patuloy sa pag-ikot ang kotse
para huminto.

BANG! BANG! BANG!

Umalingawngaw sa napakatahimik na lugar na yon ang mga putok ng baril na galing kay
Arkin.

Tinamaan ng isa sa mga bala ang harapang gulong ng isang kotseng humahabol sa
kanila kaya gumilid ang takbo nito at nasalpok ng isang kotseng nakasunod sa
kanila.

Nilingon nya ang kotseng sinakyan nila at nakitang itinatakbo na ni Brielle si


Erajin papasok sa simbahan na nasa likuran lang nya.

Napatakbo nalang din sya sa loob ng simbahan habang hindi pa sila naabutan nung mga
humahabol sa kanila.

Sa point of view ni Erajin...

"Hide!" sigaw sa kanya ni Brielle

"P-pero pano kayo?!"

"Wag mo na kaming intindihin! Basta magtago ka nalang!" itinulak pa sya ni Brielle


papunta sa isang maliit na kwarto para magtago

Binuksan nya agad ang pinto ng kwartong iyon para pagtaguan ang problemang
kinakaharap nila ngayon
"Ano bang nangyayari ngayon..." mahina nyang binubulong habang kagat-kagat ang
hintuturo nya

"T-teka! Anong ginagawa mo dito?!"

Napatalikod si Erajin nang may marinig na magsalita sa likod nya. At kahit na hindi
gaanong maliwanag sa loob ng kwartong yon ay kitang kita pa rin nya ang mukha ng
lalaking kasama nya ngayon "O! I-ikaw??" gulat nyang tanong habang tinuturo ang
mukha ng lalaki

BANG! BANG! BANG! BANG!

"Aaaaahhhhh!!" napakapit si Erajin sa damit ng taong kasama nya sa maliit na


kwartong yon dahil sa takot. Nayakap tuloy sya nito dahil sa sunod-sunod na putok
ng baril na pumuno sa loob ng simbahan kung saan sila naroon.

"I don't want to die.. I don't want to die.. I don't want to die..." paulit-ulit
na china-chant ni Erajin habang nakasubsob ang mukha sa balikat ng taong kasama nya
ngayon

"Ano na naman bang problema 'to?" inis na sinabi nung taong kasama ngayon ni
Erajin

Nakakarindi na sa pandinig ang mga putok ng baril na parang wala nang katapusan.

Makalipas ang ilang saglit at ilang nakabibinging putukan, nabalot ng katahimikan


ang buong simbahan.

"Lord Ricardo!"

Napadilat bigla si Erajin nang marinig ang tumawag na yon. Inilayo sya agad ng
lalaki at saka sya nito mahigpit na hinawakan sa kaliwang pulso.

Hatak-hatak sya nito papalabas sa kwartong napasukan nya na kumpisalan pala.

Dali-daling lumapit ang isang lalaking naka-gray formal suit sa kanila.

"Lord Ricardo, Prin--" napahinto ito bigla at napayuko nalang


"Anong nangyayari dito?!" rinig na rinig ang galit sa sigaw ng lalaking humatak
kay Erajin

"Labindalawang Rankers ng MA ang napadpad dito. Mukhang may hinahabol silang tao.
Sila ang naunang nagpaputok kaya napilitan kaming pigilan sila bago pa lumaki ang
problema." sagot nito

Pinipilit ni Erajin na tabigin ang kamay ng lalaking tinawag na Lord Ricardo nung
naka-formal suit, kaso ayaw magpabitiw, sa halip ay lalo pang humigpit sa
pagkakahawak sa kanya

"Alam mo ikaw!" dinuro nya ang mukha ni Erajin "Problema na ang dinala mo sakin
simula pa kaninang umaga!" sigaw nya sa pagmumukha ni Erajin "Sinusundan mo ba
'ko ha?!"

"Huh??" nagulat naman si Erajin sa sinabi sa kanya nung lalaki "Ah! A-A-Ako?"
itinuro pa nya ang sarili "Sinusundan ka??" Hinatak na nya ang kamay nya sa
pagkakahawak nung lalaki "Excuse me!"

"Lord Ricardo, kailangan na po nating umalis." sabi nung lalaking naka-gray formal
suit

"Wala akong pakialam kung sino ka at anong problema mo ngayon! Pero oras na malaman
kong nage-espiya ka sa'kin, hindi ako magdadalawang-isip na ipaligpit ka sa mga
tauhan ko." banta ng lalaki kay Erajin at saka ito galit na naglakad palabas ng
simbahan

Napanganga nalang si Erajin at hindi makapaniwala sa warning sa kanya nung lalaking


malay ba nyang makikita uli nya ngayon.

Kasalanan ba nya kung doon sila abutan ng mga humahabol sa kanila?

Kasalanan ba nya na biglang maubusan ng gas yung kotseng sinakyan nila at sa tapat
ng simbahan na yon huminto?

Kung hindi naman kailangang magtago, hindi naman sya papasok dun sa kumpisalan na
yon eh.

Pinanood lang nya ang lalaki habang nilalakad ang mahabang aisle palabas ng
simbahan habang sinusundan sya ng napakaraming mga lalaking naka-all-black formal
attire na akala mo a-attend ng libing.

"Ang kapal ng mukha!" nagpameywang si Erajin at halos manginig ang mga kamay nya
sa sobrang inis sa binintang sa kanya nung lalaking yun "Ako? Sinusundan sya?? Ang
kapal talaga grabe!" natuon bigla ang atensyon nya dun sa lalaking anlakas maka-
formal attire na kausap nung mapagbintang na lalaki kanina

Nakatingin lang ito ng diretso sa kanya


"Ano ka ba nung lalaking yon ha?" inis na tanong ni Erajin dun sa naka-gray formal
suit

"Xerez, Fuhrer's Guardian Centurion, Your Highness." nagbigay-galang ito sa kanya

"T-teka-- Anong 'Your Highness'? Uy! Wag ka ngang--" nagulat din sya dahil
masyadong magalang ang pagbati sa kanya nung Xerez na yon

"Ayos lang po ba ang pakiramdam nyo?" tanong ni Xerez

"Ha?"

"Madami po kayong galos," sabi nito

"Ah," tinignan naman ni Erajin ang braso nya "Ayos lang ako, hindi naman 'to
masakit. Konting gasgas lang,"

"Patawad Kamahalan, ngunit mas makabubuting wag nyo nang lapitan ang Fuhrer.
Magiging problema kung magkikita pa uli kayong dalawa." sabi nito habang nakayuko
pa rin

"Ha? Anong Kamahalan? Anong Fuhrer? K-kilala mo ba ko?" tanong ni Erajin

"Gustuhin ko man pong magsalita ay hindi maaari. Buhay ko ang kapalit ng bawat
salitang bibitiwan ko sa inyo. Humihingi ako ng kapatawaran, mahal na prinsesa."
nagbigay-galang na naman sya at saka naglakad paalis sa simbahan

Litong-lito naman si Erajin sa lahat ng sinabi sa kanya nung weird na Xerez na yon.

Tinawag pa syang mahal na prinsesa.

"Naka-shabu ba yung mga taong yon?" bulong nya sa sarili

Nilakad na nya ang aisle papalabas ng simbahan. Nakita nya ang mga katawan ng mga
lalaking humahabol sa kanila.

Napakasagrado ng lugar na yon para mangyari ang naging patayan.

Hindi na nya maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan na sya. Nahihirapan na


syang unawain ang lahat ng nagaganap ngayon.
"Erajin!!" sinalubong agad sya nila Arkin, Brielle at Razele sa pinto ng simbahan

Hinawakan sya agad ni Brielle sa balikat "Anong nangyari? Ok ka lang? May masakit
ba sayo? Sinaktan ka ba nila?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Brielle

"Hindi... Wala silang ginawa sakin..." sabi ni Erajin

"Anong ginagawa dito ng mga Guardians?" inis na tanong ni Razele habang nililingon
ang paligid nila. Kitang kita nya ang mga katawan nung mga Rankers na humabol sa
kanila at napatay ng mga Guardians.

"K-kanina... Nakausap ko yung isang naka-corporate attire na lalaki..."

"O? Anong sinabi sayo?" tanong agad ni Arkin

"Layuan ko daw ang Fuhrer. Wag ko na daw syang lalapitan."

Biglang nag-iba ang mga reaksyon nila nang banggitin nya ang Fuhrer

"F-f-f-fuhrer?" hirap na hirap pa si Brielle sa pagbanggit ng salitang yon

"Oo. Fuhrer ang tinawag nya dun sa lalaking naka-one night stand ko kagabi."

Nabitawan ni Brielle si Erajin at napahawak sya sa ulo nya "Y-yung n-naka-one


night stand mo... Fuhrer ang tinawag sa kanya?"

"Oo. Pinagbantaan pa nga ako. Ang sabi nya, ipaliligpit nya ko sa mga tauhan nya
kapag nalaman nyang sinusundan ko sya. Malay ko bang makikita ko sya dito. Ang
kapal talaga ng mukha, sobra."

"Anong ginagawa ng Fuhrer dito?" nagtatakang tanong ni Razele

Napakapit si Brielle sa balikat ni Arkin sa sobrang panghihina "We're dead." sabi


ni Brielle kay Arkin "Problema na si Dan. Ngayon, pati Fuhrer problema na rin
natin." hopeless na nasabi nya

Napasuklay naman ng buhok si Razele at tinignan ang pinto ng simbahan.

Unti-unti nang nawawala sa paningin nya ang mga itim na kotseng kanina lang ay
halos punuin ang harap ng simbahan.

Mabuti nalang at nakalabas sya ng simbahan kasama sila Arkin bago pa mapalibutan ng
mga Guardians ang loob nun. Kung hindi, pati sila nadamay na sa nangyaring pagpatay
sa mga humahabol sa kanila.

"We have to get out of this place, ASAP. Mamaya lang, dadating na ang mga pulis
para ayusin ang lugar na 'to." suggestion ni Arkin

Throwback! Special Chapter 'to!

Throwback lang 'to. Hidden dapat 'to sa TSGangsters pero ewan ko kung hidden nga
ba.

Since nagbabalik ang Josef-Erajin tandem. Eh ibalik na natin ang tagong nakaraan.

Nabasa nyo na 'to malamang pero ipapabasa ko uli para masaya. Tutal maganda naman
'tong part na 'to for me.

_____________________________________________________________

Ultimate Assassin's Credo Part 35: Director's Cut

6 years ago. . . .

"I guess, tama nga ang sinasabi nila tungkol sa lugar na 'to. Nobody leave this
place alive."

Nilingon ni Shadow ang kama at saka sya humiga.. Pakiramdam nya, nagsabay ang pagod
at pagkawala nito sa katawan nya..

"Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari dito sa Grei Vale. Kahit na ang tungkol sa
Data o kahit sa mga nalaman ko tungkol sayo... Wala rin naman pala akong
mapapakinabangan.. Hindi naman kita pwedeng dalhin sa Asylum.."

Sumandal naman si Erajin sa dingding at nag-cross arms

"I guess I have to leave Grei Vale tomorrow." -shadow


"Tomorrow?"

"Yes" bumangon si Shadow at tinignan si Erajin "I'll steal the Herring's Eyes to
Ji Han and..."

Tumingin si Shadow sa labas ng bintana para tanawin ang maliwanag na buwan

"...I'll give it to you, in exchange for setting me free and keeping me alive"

Tumawa nalang ng mahina si Erajin at binigyan lang si Shadow ng whatever headshake

"It's Jocas who kept you alive. Sya ang dapat pasalamatan mo..."

"Fine... Anyway, before I forgot everything. Since, wala na si Shadow ngayon, I'll
introduce myself to you"

Tumayo na si Shadow at lumapit kay Erajin. Inabot nya ang kamay nya kay Erajin para
makipag-shake hands

"I'm Rynel Joseph Malavega"

Nakipagkamay naman si Erajin sa kanya

"I'm unnamed. But you can call me Erajin"

"I guess, I'll see you someday"

"I'll make sure, that someday will come"

Hindi nila binitawan ang kamay ng isa't isa sa loob ng ilang minuto. Tinitigan lang
nila ang isa't isa.

Nakaramdam ng kakaibang kuryente si Erajin na dumaloy mula sa kamay ni Shadow


paakyat sa braso nya at kumalat sa buong katawan nya

"Sana hindi tayo pareho ng iniisip..." mahinang sinabi ni Erajin pero sapat na
para marinig ni Shadow

Good news, pareho sila ng iniisip.

Bad news, pareho sila ng iniisip.

Naalala nya ang laging sinasabi ni Madame V, ang OIC ng HQ, sa lahat ng babaeng
Ranker tungkol kay Shadow.

'May chance na makaharap nyo si Shadow any moment. And once that happen, please,
leave him alone. Never dare to touch him. Kahit na gaano pa kabato ang puso nyo,
tandaan nyo, puso pa rin yan. And he is the Asylum's Heart Thief. Sya lang ang
tanging nakanakaw sa puso ng mga cold-hearted lady assassins ng apat na Association
kaya iwasan nyo sya hangga't kaya nyo. Wag na wag nyong bibigyan ng pagkakataon si
Shadow na makakita ng motibo sa kilos nyo dahil kayang kaya nyang ilabas ang lahat
ng kahinaan nyo sa isang iglap lang. Hindi sya magiging First Echelon at Legend ng
walang dahilan'

Mabilisang hinatak ni Erajin ang kamay nya kay Shadow sabay iwas ng tingin.

Biglang tumaas ang kilay ni Shadow kasabay ng dahan-dahang paglabas ng pang-asar na


ngiti nya

"Mukhang pareho nga tayo ng iniisip.." sabi ni Shadow sabay hirit ng mahinang tawa

"Tss.." napasimangot agad si Erajin at dali-daling lumabas ng kwarto

Solb na sya sa good vibes kanina, naglaho lang dahil dun sa kilabot na naramdaman
nya at sa paalala ng OIC nila

"Bwisit talaga.." bulong ni Erajin habang pababa ng bahay

Naiinis sya kasi pinagtitripan sya ni Shadow. Nababad-trip sya sa ngiting binigay
nito sa kanya.

"Ano bang gusto nyang palabasin? Don't tell me, mind reader din yung--"
Pagbukas nya ng pinto...

"Ang bagal mo.."

Napahinto sya at gulat na napatingin sa harap nya

"T-teka! Pano ka napunta dyan?!" gulat na sinabi ni Erajin habang tinitignan si


Shadow na nakapamulsa sa tapat ng pinto ng bahay

"Tsk tsk tsk.." napailing nalang si Shadow habang naka-smirk

Naningkit lang ang mga mata ni Erajin habang tinitignan si Shadow.

Umirap lang sya at naglakad na papunta sa bahay nya.

Bukas na bukas aalis na si Shadow. Hindi nya alam ang plano nito pero isa lang ang
sigurado nya: hindi na ito babalik pa ng Asylum.

Paano sya nakasigurado?

Balitang balita sa lahat ng Association na nagretiro na si Shadow sa Asylum at ang


pagnakaw sa Brain ang huli nyang mission.

Now, she killed Shadow. Wala na ring matandaan ang Brain. Hindi lumalabas ng
teritoryo nya si Ji Han. At sya nalang ang Zenith na active sa trabaho.

At ang War of the Unions?

Tatapusin na nya sa lalong madaling panahon.

"Akala ko ba sa mansion ka nakatira?"

Napahinto sya nang marinig ang nagsalitang yon.


Nasa parking lot na sya at iilang metro nalang, nandoon na sya sa maliit na bahay
nya sa likod ng mansion.

Inis syang tumalikod at tinignan ng masama si Shadow.

"Bakit ka ba nakabuntot sakin ha?! Anino ka ba?!"

Tumaas ang magkabilang kilay ni Shadow at isang pigil na ngiti ang namuo sa mga
labi nya

Napapikit nalang si Erajin dahil sa sinabi nya.

Sya si Shadow. Logic.

Napabuntong-hininga nalang sya at napakamot sa leeg nya

"Pwedeng bumalik ka na sa mansion ha.. Kung pwede lang.. Hmm?" inis na pakiusap ni
Erajin kay Shadow

"I'm just wondering, why are you going here?" tanong ni Shadow habang tinuturo ang
lugar nila

"I'm going to sleep so get lost!"

"Sleep?" nilingon-lingon pa ni Shadow ang parking lot "Here?"

"Ugh!" isang 'I-surrender' gesture nalang ang nagawa ni Erajin with matching
eyeroll pa. Nagpatuloy nalang sya sa paglalakad.

Bahala si Shadow sa buhay nya, basta sya inaantok na, tapos!

Pinanood lang ni Shadow si Erajin na maglakad. Napailing nalang sya habang


sinusundan ng tingin ang babaeng yon.

"Parang may kamukha sya.." ngumiti saglit si Shadow


Nakita nya na pumasok si Erajin sa isang maliit na bahay sa di kalayuan mula sa
parking lot.

Napaisip tuloy sya kung bakit sa pagkalaki-laki ng mansion nya at sa dinami-rami ng


mga malalaki at magagandang bahay sa buong Vale, bakit matutulog si Erajin sa
maliit na bahay?

Nagtataka syang bumalik sa loob ng mansion.

Tahimik sa buong bahay. Nakapatay din ang mga ilaw. Naalala nya, nagwala kanina si
Erajin tapos kung kumilos ito ngayon, parang walang nangyaring pananaksak kanina.
Mahirap ding kausap ang babaeng yun, magulo ang pagkatao.

Umakyat na sya sa kwartong ibinigay ni Erajin sa kanya.

Nagpunta agad sya sa banyo para maligo. Madungis na sya dahil sa ginawa ni Erajin
sa kanya. Tapos may mga mantsa pa ng dugo ang light blue shirt nya dahil sa
nakuhang sugat ng Brain.

Kelangan nyang bumalik sa Gorge at saka sya lilipad papuntang Japan. Herring's
Eyes. Ang matang matagal na nyang gustong manakaw at alam nyang hindi lang sya ang
nagnanais manakaw iyon. At isa na rin sa may gusto ng mata ay si Erajin Miller.
Sikat ang mata dahil sa sumpa nito.

Hindi nagtatagal ang mata sa kamay ng kahit sinong criminal.

Maraming hindi naniniwala sa sumpang iyon, pero kailangang paniwalaan ng mga


katulad ni Shadow. Impormasyon yon at kailangan nya ng history ng lahat ng balak
nyang nakawin.

Isang 196 year-old ruby earrings. Sumikat ang mata sa hindi malamang dahilan.
Nakalkal lang ang history ng mata dahil nga sa dahilang iyon.

Ang sabi-sabi, may isang magnanakaw ang nagtangkang manakaw ang mata. Nakuha nga
nya pero napunta din lang sa kamay ng isang ordinaryong tao.

Ang narinig naman nya sa ibang jeweler, nanakaw ang mata sa isang ordinaryong
tindahan ng alahas. Pagkatapos ay napunta sa kamay ng isang mayaman at
makapangyarihang tao. Doon daw nakalkal ang history ng mata.

Pero isang konkretong impormasyon ang nakalap nya kakatanong-tanong sa mga


aristocrats at business tycoons na nakakahalubilo nya.

Ninakaw daw ni Shadow ang mata two years ago, pero napunta lang yon sa kamay ng
isang sikat na hired killer na ibinigay nya sa isang babaeng assassin bilang
regalo.

Hindi nya alam kung saang impyerno nakuha ng mga taong yun ang impormasyon pero isa
lang ang nasisiguro ni Shadow.

Nagka-penalty sya two years ago dahil sa nangyaring nakawan na yon na involve ang
pangalan nya. At kung sino man ang taong nasa likod ng balitang yon, wag lang nyang
subukan magpakilala dahil mapapatay at mapapatay talaga sya ni Shadow.

Lumabas sya ng shower room na naka-towel lang at pinupunasan ang buhok.

"Ahihihi... Witwew.."

Napaatras si Shadow nang biglang sumulpot na naman ang babaeng yun sa kama nya. Ang
lapad na naman ng ngiti nito habang yakap ang unan at hinahaguran sya ng tingin.

"Maglalaway sana ako kaso hindi lang ikaw ang kakilala kong may ganyang katawan.."
siningkitan nya ang mata habang tumatango kay Shadow

Na-conscious tuloy si Shadow at itinakip ang towel na hawak sa katawan nya

"T-teka.. Anong ginagawa mo dito? Ah, mali.." nag-isip pa sandali si Shadow dahil
alam nyang hindi sya ngingitian ng ganun ni Erajin "Sino ka nga uli?"

"Jo-casssssssssssssss--"

"Stop!"

Nairita si Shadow sa mahabang -sss na ginawa ni Jocas

Parang pinlay-pause si Jocas dahil na-stop nga talaga na parang CD lang.

"Why are you here?" tanong ni Shadow habang dahan-dahang naglalakad papunta sa
cabinet na naglalaman ng ilang damit na binigay ni Erajin sa kanya

"Uhmm.." tumingin si Jocas sa taas at inisip kung bakit nga ba sya naroon "may
girlfriend ka na?"

Tumaas lang ang kilay ni Shadow at dahan-dahang kinuha sa loob ang isang black t-
shirt "Why are you asking?"

"Uhh, wuluh lung.." sabi ni Jocas habang nakanguso

Lalo lang nawirduhan si Shadow sa kanya. Hindi nya ma-imagine na may ganyang side
si Erajin. Ang childish.

Nagbihis na sya ng t-shirt. Ang problema naman nya eh kung paano sya
makakapagpantalon.

"May girlfriend ka na?" tanong uli ni Jocas

"Does it matter?" sabi ni Shadow. Hindi nya naman alam kung paano palalayasin si
Jocas since kanya naman ang buong mansion.

Napaka-ingrato naman nya kung sasabihin nya kay Jocas na lumayas ito para
makapagbihis sya

"May girlfriend ka na nga?" tanong uli ni Jocas

Tinantya nya ito ng tingin para malaman kung seryoso ba o hindi. Ang kaso seryoso.

"Wala"

Lumabas bigla ang sobrang laking grin sa mga labi ni Jocas

Naiilang na si Shadow kaya kinuha nya agad ang pantalon na naroon at dali-daling
bumalik sa banyo para makapagbihis.

Paglabas nya...

"Pwede ka bang maging boyfriend?" nakangiting bungad sa kanya ni Jocas dahilan


para mapaatras sya

Agad nyang iniwas ang tingin kay Jocas at dahan-dahang lumayo


"Hindi pwede."

"Why?"

"Because I'm busy."

"Why?"

"I have work, ok. I don't have time for romance. Siguro naman aware ka doon since
member ka ng Assoc." seryoso nyang sinabi kahit na nakakaramdam na sya ng konting
inis

Ang pinakayaw pa naman nya sa lahat ay pinag-uusapan ang bagay na yan dahil sa
totoo lang, allergic sya sa babae.

"Ganun ba..." malungkot na sinabi ni Jocas

"I'm tired. At aalis na ko bukas. I want to sleep. Kaya parang awa mo na, lubayan
mo na 'ko. Ok ba tayo don?" mahinahon nyang sinabi kay Jocas. Humiga na sya sa kama
at nagtakip ng unan sa mukha.

Humiga naman sa tabi nya si Jocas

"If I ask you to marry me, will you marry me?" tanong ni Jocas

Agad nyang tinanggal ang unan sa mukha nya at tinignan si Jocas na nasa tabi nya

"Silence means yes, ahihihi." kinikilig na sinabi ni Jocas

"Can I get some rest?" seryosong tanong ni Shadow

Bakit nga ba sya nainis bigla sa side na 'to ni Erajin. Siguro kasi nakukulitan na
sya. At malayo sa serious-mode na nakasanayan nyang side ni RYJO.

"Ay.." nag-pout lang si Jocas at bumangon na rin "Sige na nga. Tatanungin nalang
uli kita bukas baka kasi pagod ka lang.." binigyan nya ng mabilis na halik si
Shadow "Good Night, Richard Zach.." Pagkatapos ay nagmamadali syang lumabas ng
kwarto habang hawak ang labi nya.
Isang 'what-the-hell' reaction nalang ang nagawa ni Shadow dahil sa nangyari. But
on the other hand, that was unexpected kaya napangiti nalang sya nang di nya
napapansin.

Kinaumagahan.........

Kasabay ni Erajin na magbreakfast si Shadow.

Hindi inalis ni Shadow ang tingin nya kay Erajin. Seryoso na naman kasi ito sa
pagkain nya kaya ang awkward lang kasi ibang-iba si Erajin sa babae na nasa kwarto
nya last night.

Gusto nya tuloy makita ang reaction ni Erajin kapag nalaman nyang hinalikan sya
nito last night sa katauhan ni Jocas.

"Aalis na 'ko pagkatapos kong kumain.." sabi ni Shadow

Tumango lang si Erajin.

Nag-isip pa tuloy si Shadow ng sasabihin kasi iba lang talaga ang feeling nya.

"Nasan ang Brain?"

"Nasa clinic, dun muna sya pansamantala habang hindi pa gumagaling ang mga sugat
nya" seryosong sagot ni Erajin

Si Shadow naman ang tumango

Wala nang maisip sabihin si Shadow kaya mas pinili nalang nyang manahimik at ubusin
ang pagkain.
ALAS 9 na at papunta ang dalawa sa may parking lot.

Aalis na si Shadow at gusto nyang iwanan ang lahat ng bagay na magpapaalala na


galing sya doon. Kaya suot na naman nya ang damit na suot nya nung una syang
pumunta sa Vale kasama ang Brain. Brown turtleneck, black pants at leather shoes.

Nakasunod si Shadow kay Erajin dahil ang sabi nito may ibibigay sya.

Hindi talaga maiwasan ni Shadow na alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Start nung nakita sya ni Erajin na pinapanood ang mga CD ni Jocas, at sa


pagsusungit nito hanggang dun sa makulit na persona na pumasok sa kwarto nya kagabi
at hinalikan pa sya.

Kung hindi yun si Erajin baka ipagwalang bahala lang nya.

Hinahagod nya ng tingin si Erajin. Naka- gray sweatshirt na may hood, black jogging
pants at rubber shoes. Mukhang magj-jogging pa yata pag-alis nya sa Vale.

Huminto si Erajin sa tapat ng isang blue Camry.

"Wala akong nakitang susi ng kotse sa Navarra, nakaw ba yun?" tanong ni Erajin

Isang 'yes' gesture lang ang binigay nya kay Erajin. Sinagot lang sya nito ng 'ano-
pa-nga-bang-aasahan-ko' reaction.

"O, ito nalang muna ang gamitin mo.." itinuro nya ng thumb nya ang kotseng katabi
at iniabot ang susi nito kay Shadow

Dahan-dahang lumaki ang ngiti ni Shadow habang tinitignan si Erajin

"Pwedeng malaman kung saan ka nagpupunta tuwing gabi?" nakangiting tanong ni


Shadow

Tinaasan lang sya ng kilay ni Erajin


"Alam mo, galing ka sa kwarto ko kagabi... " sabi ni Shadow sabay kuha ng susi at
unti-unti syang lumalapit kay Erajin

"Sinabi mo pa na maglalaway ka sana sa katawan ko kasi bagong ligo ako ng pumunta


ka, humiga ka pa sa kama at tinabihan ako tapos..."

Nanlaki naman ang mga mata ni Erajin habang unti-unting umaatras kay Shadow

Napaisip naman sya kung ano na naman ang nangyari kagabi. Tulog sya kagabi. At kung
sino mang alter nya ang lumabas kagabi, hindi nya maalala. Kung umaga lumabas baka
nalaman pa nya.

Alam nyang may reputasyon si Shadow bilang isang chick magnet kaya hindi nya
maiwasang mag-alala

"Anong ginawa mo sakin?" nag-aalalang tanong ni Erajin habang iniiwas ang tingin
kay Shadow

"Ginawa ko sayo? Wala kaya 'kong ginawa sayo" pagpapatotoo ni Shadow pero para kay
Erajin, nagkakaila sya, lalo pa sobrang pilyo ng ngiti nito sa kanya

"A-anong wala?! Malamang inakit mo ang isa sa mga alters ko kaya napunta sa kwarto
mo!" galit na sinabi ni Erajin habang tinitignan ang paligid. Nag-aalala sya na
baka makita sila ng mga maids at tauhan nya.

"Ah, inakit ko.. Teka, isipin ko muna" tumango-tango naman si Shadow at saka nya
na-corner si Erajin sa pinto ng driver's side ng kotse

"Hindi ko matandaang nilapitan kita ng ganito kalapit kagabi.." sabi nya habang
idinidikit ang katawan nya kay Erajin

Napalunok nalang si Erajin dahil uminit ang paligid paglapit ni Shadow. Nagtayuan
ang balahibo nya sa katawan. Nakalingon sa gilid ang ulo nya para iwasan ang tingin
ni Shadow pero pasulyap-sulyap sya dito.

"At hindi ko rin matandaang..." ipinaikot nya ang magkabilang hintuturo nya sa
tali ng hood ng sweatshirt ni Erajin sabay hatak nito palapit sa kanya "hinalikan
kita tulad nito..." at saka nya idinampi ang mga labi nya kay Erajin

Nagulat naman si Erajin sa ginawa ni Shadow kaya napalunok nalang sya habang
papikit-pikit. Pakiramdam nya huminto ang tibok ng puso nya sa loob ng limang
segundo

"...kagabi" bulong ni Shadow pagkalayong pagkalayo ng mga labi nya kay Erajin.
Agad na rin syang lumayo ng may kalahating dipa kay Erajin at saka sya ngumiti ng
sobrang tamis

"Kaya paano naman kita maaakit, hmm?"

Nabato na si Erajin sa kinatatayuan nya. Kanina huminto ang tibok ng puso nya,
ngayon naman para nang nakikipagkarera sa kabayo sa sobrang bilis.

Itinaas ni Shadow ang right index finger nya at sinenyasan si Erajin na lumapit sa
kanya

Pumikit-pikit pa si Erajin para klaruhin ang signal ni Shadow sa kanya.

"A-akala m-mo ba, mapapalapit m-mo ko sayo?!" sigaw nya kay Shadow "H-hindi mo ko
m-ma-maaakit sa g-ginagawa mo!" pinandidilatan nya si Shadow para sabihing hindi
ito magtatagumpay sa binabalak nyang pang-aakit

"Pfft.. Hahahahaha!!!" natawa nalang si Shadow sa sinabi ni Erajin. Kinagat nalang


nya ang right thumb habang nakangiti

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan!" galit na sigaw ni Erajin. Nakakapikon naman


kasi para sa kanya ang ginagawa nito. Tapos anlakas pa ng loob magpa-cute
pagkatapos sya tawanan. Nakakagago lang.

"Hindi kita pinapalapit sakin at mas lalong hindi kita inaakit. Pinapaalis lang
kita dyan sa pinto ng kotse para naman makasakay na ko at makaalis na dito."
nakangiting sinabi ni Shadow

Gusto na tuloy matawa uli ni Shadow. Yung sobrang lakas dahil sa reaksyon ni
Erajin.

Hindi naman nya inaasahang kakagat 'to sa pakulo nya. Kahit pala ang Ultimate
Assassin bumibigay rin sa kanya. Hindi sya kumbinsido sa seduction powers nya when
it comes to dealing with the assassins, pero ito iba.

Umalis naman agad si Erajin sa tapat ng pinto ng kotse at tumalikod para iiwas ang
sarili kay Shadow.

"Aish.. Bwisit talaga.." bulong ni Erajin sa sarili. Hindi nya alam kung magagalit
ba sya kay Shadow o sa sarili nya. Ang assuming nya naman at alam nya na kasalanan
nya yun. Pahiya sya tuloy.

Eh teka, bakit ba sya hinalikan ng mokong na yun? Ang lakas ng loob ng lalaking yun
na nakawan sya ng halik!

Pero magnanakaw si Shadow. Kung lahat kaya nyang nakawin, halik pa kaya..
Eh pero bakit naman nya inisip na inaakit sya ni Shadow? Kasama sa warning ang
kiss kaya ano pa bang iniinarte nya? Binalaan na sya, at nagbigay sya ng motibo.
Magsisi sya ngayon.

"Thanks for the car, Miss Ultimate Assassin of Meurtrier Assemblage. Don't worry,
hindi ko naman iniisip na assuming ka. I can seduce ladies like you kaya normal
lang yang reaction mo, hehehe.." at pumasok na sya sa loob ng kotse

Napapikit nalang si Erajin sa sobrang inis.

"Argh! Letse ka, Shadow!" padabog syang nag-walk-out sa parking lot nya

Napailing nalang si Shadow habang kagat ang labi nya. Hindi nya alam na ganun ang
magiging reaction ni Erajin sa ginawa nya. Ayaw na tuloy mawala ang ngiti sa mukha
nya.

Pinaandar na nya ang kotse. At imbes na humirit sya ng 100 na madalas nyang
ginagawa, nag-20 nalang sya.

Mabagal ang takbo ng kotse habang binabaybay ang kalsadang palabas ng Grei Vale

Pakiramdam nya may mangyayari pa. At kung ano yun? Yun ang gusto nyang abangan.

Samantala...

Sa office dapat ang diretso ni Erajin pero dinala sya ng paa nya sa kwarto kung
saan nag-stay si Shadow.

Naba-bad trip sya pero parang hindi. Hindi nya maintindihan ang sarili nya.

Nagsimula lang naman yun kagabi habang pinapanood nya si Shadow habang pinapanood
ang mga video diaries ni Jocas. Pakiramdam nya talaga, nagkita na silang dalawa
dati.

"Hindi kaya ginamitan ako ng skill ng loko-lokong yun?" bulong ni Erajin sa sarili
Nadako ang tingin nya sa kama na may nakapatong na coat.

Biglang lumiwanag ang mukha nya at agad na kinuha ang coat.

Wala syang kamalay-malay na nakangiti sya habang papunta sa parking lot. Iniisip
nya tuloy kung nakaalis na ba si Shadow ng Vale.

Sana hindi pa.

Dali-dali syang sumakay sa big bike nya at pinaharurot agad ito. Imbes na sa
kalsada sya dumaan, sa mga damuhan sya

nag-shortcut. Mataas ang location ng mansion kaya nakita nya sa di kalayuan ang
kotse na ibinigay nya kay Shadow.

Nagpakita na naman ang ngiti nya habang nakikita ang kotse na sobrang bagal ng
takbo.

Pinalipad nya ang bike at saka prumeno ilang metro ang layo sa harapan ng kotse.

Agad namang huminto ang kotse na sinasakyan ni Shadow.

Napatingin sa gilid si Erajin at inisip kung paano ba nya ibibigay kay Shadow ang
coat na naiwan nito sa kwarto nya.

Bumaba naman si Shadow sa kotse at nag-pamulsa pa habang nakatingin sa malayo.

"Hoy, naiwan mo 'to." mataray na sinabi ni Erajin sabay pakita ng coat. Lumapit
sya kay Shadow para iabot ang dala "Wag kang mag-iiwan ng gamit mo sa teritoryo
ko.."

Pasimpleng ngumiti si Shadow at agad ding nagseryoso. Tinignan nya ang coat at
pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Erajin na hindi makali sa tinitignan

"Salamat..." kinuha na ni Shadow ang coat kay Erajin at inabangan kung may
sasabihin pa ito

"Uhh.." hindi mapakali si Erajin. Titingin sya sa gilid, susulyap kay Shadow,
titingin sa taas at sa baba, at titingin uli kay Shadow

Hindi nya napagplanuhan ang gagawin.


Pagkatapos nyang ibigay ang coat, ano na?

Teka, ano nga ba ang gusto nyang mangyari umpisa palang?

"I'll go now.." nag-smirk nalang si Shadow at bumalik na sa kotse

Isa pa 'tong si Shadow.

May inaabangan sya, ang kaso hindi rin nya alam kung ano ba ang inaabangan nya?

Alam nyang hahabulin sya ni Erajin, pero bakit nga ba sya hahabulin ni Erajin?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nya gustong habulin ni Erajin sa umpisa palang?

"Ah--" pipigilan sana ni Erajin si Shadow sa pag-alis kaso umandar na ang kotse.
Ang problema nga kasi, ano ang sasabihin nya? Anong valid reason ang ikakatwiran
nya?

Eh teka, bakit nga ba nya pipigilan?

Napayuko nalang si Erajin at tinapik ang noo nya. Alam nyang may problema sya sa
pag-iisip pero iba na yata ang lagay nya ngayon. Malala na ang sapak nya sa ulo.

Hindi nya napansin na pinaatras ni Shadow ang kotse at tumapat sa kanya

"Ano ba, tigilan mo nga ang kakaisip ng kung ano-ano.. Aish.." ginulo-gulo nya ang
buhok para lang mawala ang kung ano man ang iniisip nya "Kaaway sya, remember..
Kaaway sya."

Lumabas na si Shadow ng kotse at tumayo sa harapan ni Erajin

"Hey.."
Napahinto tuloy si Erajin sa ginagawang pananabunot sa sarili at napatingala

Inilagay ni Shadow ang kanang kamay nya sa beywang ni Erajin at ang kaliwang kamay
sa pisngi nito saka nya ito hinalikan.

Nabato na naman si Erajin sa kinatatayuan nya at hinintay na mag-sink sa sarili ang


nagaganap.

Iginalaw na ni Shadow ang bibig nya kaya napapikit nalang si Erajin at dahan-dahang
iginapang ang mga kamay sa katawan ni Shadow paakyat sa balikat nito. Lalo namang
ipinalapit ni Shadow ang katawan nya kay Erajin habang pinapalalim pa ang halik.

Para silang magkasintahang matagal na hindi nagkita at ibinigay nalang sa halik ang
pagnanabik sa isa't isa.

Alam nilang pareho na mali ang nagaganap dahil magkalaban sila ngunit may kung ano
sa loob nilang pareho na nagsasabing tama lang ang nangyayari.

Alam nilang kasalanan ang laman ng halik na yon, pero hindi naman masamang
magdagdag ng isa pang pagkakamali sa listahan.

Isang kasalanan gawa ng dalawang makasalanang tao.

Hindi naman masamang humiram ng panandaliang kasiyahan mula sa kasalanan, hindi ba?

Tutal, lahat naman ng bawal, masarap.

Naglayo na rin ang mga labi nila habang naghahabol ng hininga. Magkadikit ang mga
noo nilang dalawa at hindi pa rin sila naglalayo.

Nakatingin si Erajin sa mga labi ni Shadow habang nakatingin si Shadow sa mga mata
ni Erajin.

"Thank you for saving me..." bulong ni Shadow

Kinagat lang ni Erajin ang labi nya at bumitaw na rin kay Shadow. Bigla-bigla tuloy
syang nakaramdam ng sobrang awkwardness pagkatapos ng nangyari.

Binitawan na rin sya ni Shadow pagkatapos ay napakamot nalang ito ng batok.


"Uhh, so.." humugot ng hininga si Shadow at itinuro ang kotse "I guess, I really
have to go"

"Uh, yeah.." naiilang na tumango si Erajin habang palipat-lipat ang tingin kay
Shadow at sa paligid

Pasakay na uli si Shadow ng kotse nang magtanong si Erajin...

"Babalik ka ba dito pagkatapos mong makuha ang mata?"

Umiling lang si Shadow "Ipapa-deliver ko nalang.."

Nakaramdam ng lungkot at panghihinayang si Erajin sa sagot ni Shadow

Sumakay na si Shadow sa kotse at bago pa nya maisara ang pinto....

"May chance ba na..." napakamot ng leeg si Erajin, para kasing ang awkward ng
question "...na bumalik ka dito sa Vale?"

Tumingin sandali sa baba si Shadow at saka ibinalik ang tingin kay Erajin

"I can't promise, but I'll try. Maybe someday. And besides, if we're meant to see
each other again, we'll see each other again whatever happen.." nginitian nya si
Erajin at saka na isinara ang pinto ng kotse

Siguro hanggang doon nalang ang lahat para kay Erajin. Nakaramdam na sya ng
contentment sa halik na binigay ni Shadow kaya sobra-sobra na kung hihiling pa sya
na bumalik ito sa Vale kahit wala naman na itong dahilan para bumalik.

"Nga pala,"

Binuksan ni Shadow ang bintana ng kotse kaya napatingin sa kanya si Erajin

"Yes, I'll marry you. See you on the wedding"

Pagkatapos ay pinaandar na nya ang kotse paalis


Napakamot naman ng ulo si Erajin sa sinabing yon ni Shadow. Anong marry you at
anong wedding?

Meanwhile...

Abot-tenga ang ngiti ni Shadow habang nagd-drive paalis ng Grei Vale.

Binibiro lang nya si Erajin about the wedding dahil alam nya na hindi nito
maiintindihan kung ano ang tinutukoy nya.

Makakalimutan din yon ni Erajin someday. Alam naman nyang close to impossible ang
magkita uli sila, lalo pa ang pakasalan nila ang isa't isa.

"Naiwan ko?" napatingin sya sa coat na iniabot ni Erajin na nasa passenger seat at
nadagdagan lang ang dahilan ng pagngiti nya

"Buti at hindi nya nakita ang suit ko..."

Tinignan nya ang suit nyang nasa back seat

Wala syang suot na coat nang pumunta sya sa Vale at malamang na ang coat na binigay
ni Erajin sa kanya ay ang coat na dala ni Jocas kagabi nung pumunta ito sa kwarto
nya

Gusto nyang sabihing hindi kanya ang coat, ang kaso nag-abala si Erajin na habulin
sya. Ayaw naman nyang ma-offend si Erajin. At isa pa, nakahanap ito ng dahilan para
habulin sya dahil sa coat na hindi kanya kaya i-appreciate naman nya ang effort
kahit na nakakatawa.

Hindi nya inaasahan na maraming ibibigay sa kanya ang Ultimate Assassin. Mga bagay
na hindi nya inaasahang matatanggap mula sa kinatatakutang tao ng Associations.

At kung may hindi sya makakalimutan sa pagpunta nya sa teritoryo ng kalaban nya,
iyon ay ang ginawa nila.
"I can't believe it.." nangiti nalang sya habang nakatingin sa daan

Kilabot nga sya ng kababaihan, at kahit sinong babae kaya nyang akitin. Pero, may
kakaiba sa kanya.

Maliban kay Cas at sa Mama nya, ayaw na ayaw nya sa kahit sinong babae at mas
lalong ayaw nyang magkaroon ng kaugnayan sa kanila.

Hindi sya nag-aabalang gumawa ng hakbang para mang-akit. At kung may maakit man
sya, ang kasalanan ay dun sa naakit at hindi kanya dahil kahit kelan, hindi sya
nagbigay ng motibo sa kahit sinong babae dahil taliwas yon sa prinsipyo nya.

Pero iba ang nangyari ngayon..

Iyon ang unang beses na naglandi sya sa isang babae.

Unang beses na ginusto nyang habulin sya ng isang babae.

Unang beses na umasa syang mapapansin sya ng isang babae.

Unang beses na na-attract sya sa isang babae.

At ang pinakamalaking sikretong itinatago ni Shadow...

Iyon ang unang beses na nakahalik sya ng isang babae

"I wish I could kiss her again, someday"

At gaya ng ibang magagandang panaginip, makakalimutan din nila ang pangyayaring


ito.
Dadaan ang oras at lilipas ng sobrang bilis ang araw sa buhay nila. Ngunit darating
ang panahon na pagtatagpuin uli sila ng tadhana. At sa pagkakataong iyon,

Hindi man kayang alalahanin ng isipan ang magagandang sandali nila,

May mga masasayang alaala naman na tanging puso lang nila ang makaka-alala

_______________________________________________

20

Samantala...
Nakasakay na ng kotse si Xerez at sa ngayon ay sinusundan ang puting Mustang na
sinasakyan ng Fuhrer.
Hawak nya ang isang GPS at nag-aalalang tinitignan iyon.
"Siguro nga may dahilan kung bakit sila nagkikita." mahina nyang sinabi at saka
sya tumingin sa kotseng sinusundan nila.
Gusto nyang humingi ng tawad sa tunay na Armida dahil kahit na gusto nyang magsabi
ng totoo ay hindi nya pwedeng gawin. Mahal pa nya ang buhay nya, kaya sya
natatakot.
Ibinalik ni Xerez ang tingin sa GPS.
Nagsisimula nang maglayo ang tracker ni Richard Zach sa tunay na Armida Zordick.
"Hanggang kelan kaya mananatiling magkalayo ang dalawang 'to?" tanong nya sa
sarili
Sa point of view ni Josef....
Nakapikit sya habang nakasandal sa backseat.
Sumasakit na ang batok nya sa mga nangyayari ngayong araw.
Umagang-umaga, bumungad paggising nya ang isang di-kilalang babae, walang kahit
anong suot at mukhang wala pa sa sarili na sa tingin nya ay kasama nya buong gabi.
Tapos biglang sumulpot yung asawa nya habang nasa kwarto yung babaeng yun at kasama
sya. Muntik pa silang mahuli ni Armida, buti at napigilan nya at ng mga Guardians.
At sa dinami-rami ng makikita sa elevator, si Mephistopheles pa. Kung di ka ba
naman sinuswerte.
Tapos yung tunay na pakay nya kaya sya bumalik, nagpunta naman ng New Zealand.
Kelangan pa nyang hintayin para lang makabalik sya sa Citadel.
Ngayon, bumalik sya sa simbahan kung saan sila kinasal ni Jocas para ikumpisal yung
nangyari sa kanila nung anonymous lady kanina. Nasa kalagitnaan sya ng
pangungumpisal nang bigla syang makarinig ng putok sa labas ng simbahan kaya
napilitang umalis sandali yung pari para i-check ang nangyari.
Nung palabas na sya ng kumpisalan, biglang pasok naman nung anonymous lady na
kinukumpisal nya. At bigla na naman syang nakarinig ng mga putok ng baril.
Naririndi na sya sa mga putok ng baril dahil sa kagagawan ng asawa nya tapos
makakarinig na naman sya. At sa loob pa ng simbahan! Sa dinami-rami ba naman ng
lugar sa mundo para gawing shooting range, sa simbahan pa.
"Dyusko naman," napahilamos sya dahil sa inis "Hindi kaya sinusundan ako ng
babaeng yun,"
Tinignan nya ang Guardian/driver nya
"Yung nangyari kanina sa simbahan, anong meron dun?" tanong ni Josef
"Base sa mga nangyari kanina, Lord Ricardo, mukhang hinahabol ng mga Rankers ang
isang puting Avanza na nakahinto sa harap ng simbahan kanina. Nawalan ng kontrol
ang puting Avanza kaya naparada sa tapat ng simbahan. May lumabas doon na isang
lalaki na hinahanap na ngayon ang profile. Sya ang unang nagpaputok para pigilan
ang mga humahabol sa kanila. Pinipilit nilang i-cover yung babaeng kasama nyo
kanina."
Biglang napaisip si Josef.
Mukhang may something dun sa anonymous na babaeng yon. Masyado naman yatang obvious
ang pagkakatagpo nilang dalawa ngayong araw na 'to.
Josef: Hindi kaya tao ng kalaban ang babaeng yun?

"Alamin nyo ang profile ng babaeng yon." utos ni Josef


"Gagawin po namin, Milord."
"Yung mga Rankers, any information about them?" tanong ni Josef
"Lahat po sila, mga Lambda members. Pare-parehong Rank 2 Class B." sagot ng
Guardian
Tumango naman si Josef sa sinagot ng Guardian. Tumingin uli sya sa kalsadang
dinadaanan.
Siguro, kailangan nyang mag-ingat habang nandito sya sa bansa dahil hindi nya alam
kung anong mga posibleng mangyari. Mukhang magtatagal pa sya dahil hihintayin pa
nya ang Mama nyang makabalik.
Meanwhile....
Nasa front office ng isang apartelle sila Arkin, Brielle at Erajin. Kumukuha ng
kwarto si Arkin habang nakaupo naman sa waiting area si Brielle at Erajin. Si
Razele naman, nagpunta sa botika para bumili ng mga panggamot sa mga sugat at galos
nila.
"O, dun na tayo sa taas," sabi sa kanila ni Arkin habang pinapakita ang susi ng
kwarto nila
Paakyat na sila ng hagdan papunta sa kwarto nila sa third floor
"I have to call Markus..." mahinang sinabi ni Brielle habang pinupunasan ang noo
nyang pawisan na
"Nasan nga pala yun?" tanong sa kanya ni Arkin
"Sya yung kumuha ng mission ko sa Lisbon para makapunta ako dito." sabi ni Brielle
"Ano nang gagawin natin?" tanong naman ni Erajin
"I don't kow if this will work but ilista muna natin yung timelines. Mahirap gumawa
ng susunod na hakbang habang wala tayong idea kung anong pwedeng mangyari sa
susunod," sabi ni Arkin
Nakarating na rin sila sa kwartong pansamantala nilang tutuluyan. Iisang kwarto
lang ang kinuha nila para hindi mahirap mag-usap-usap.
Nahiga agad si Erajin sa kama at ipinatong ang kanang braso sa noo
Si Brielle, sa banyo agad dumiretso para maglinis ng sarili
Kinuha ni Arkin ang isang single chair sa sulok ng kwarto at inilapit sa may gilid
ng kama. Kinuha nya ang pen sa chestpocket at pumunit sya ng isang page sa notepad
na nasa drawer ng sidetable ng kama
"Kelan ka nagising sa HQ?" tanong agad ni Arkin

"Hindi ko alam ang exact date. Si Razele ang nakakaalam ng lahat ng dates at oras."
tinatamad na sagot ni Erajin

"Ok. Ganito nalang. Nakilala mo ang Fuhrer, like what you said earlier... Kelan mo
sya nakilala?" tanong ni Arkin. Napalingon sya sa direksyon ng banyo at nakita
doon na lumabas si Brielle habang nagpupunas ng mukha
"Kagabi, mukhang naka-intake sya ng drugs dahil dun sa brownies na binigay sa kanya
nung isang guy sa bar. Doon na sya nawala." sabi ni Brielle
Sinulat na agad ni Arkin ang sinabi ni Brielle
"Tapos kaninang umaga, nagising nalang ako katabi 'tong guy na hindi ko kilala.
Nandun ako napunta sa kwarto nya, at hindi ko naman alam kung paano ako napunta
doon. Ni hindi ko nga matandaan ang lahat ng nangyari, sya rin yung tinawag na
Fuhrer." sabi ni Erajin
"Anong oras 'to?" tanong ni Arkin habang sinusulat sa papel ang sinasabi ni Erajin

"I don't know... Pero base sa sikat ng araw, between 7 to 8 sya ng umaga." sagot
ni Erajin

"Alam mo yung pangalan nung lalaki?" tanong ni Arkin


Bumangon na sa pagkakahiga si Erajin at tinignan si Arkin "Ang narinig kong
tinawag sa kanya nung asawa nya eh, Josef, yun lang at--"
"Asawa??" nagulat naman si Arkin sa narinig
"Uhh, yeah?" asiwang sagot ni Erajin "Pero hindi kami nahuli! Nakapagtago naman
kaming dalawa!" katwiran nya agad
Biglang nagbago ang tingin sa kanya ni Arkin "Lucky you... Anyway, naabutan ka ng
asawa sa kwartong yon kasama yung Josef na yun. May idea ka kung anong description
nung asawa? Ilang taon, or anong itsura?"
"Uhmm... Yung itsura hindi ko alam kasi nga nakapagtago kami nung Josef na yun.
Pero parang andami nyang kasama base sa footsteps at narinig kong tinawag syang
Lady Armida nung isa at yung--" natigilan si Erajin nang makita ang reaksyon ni
Arkin na nailaglag ang hawak na pen
"A-armida?" tanong ni Arkin
"Oo"
Tinignan ni Arkin si Brielle na nakikinig sa kanila habang pinupunasan ang sarili
"Why? May problema ba?" taong sa kanya ni Brielle. Umupo na rin ito sa gilid ng
kama sa tabi ni Erajin
Napahugot ng malalim na hininga si Arkin at pinulot na ang nahulog nyang pen
"Josef ang pangalan nung lalaki," sabi ni Arkin habang tinitignan ang mga sinulat
nya

"Pero kanina, tinawag syang Lord Ricardo nung naka-amerikanang gray," sabi ni
Erajin

"Yung Josef na 'to ba eh mestiso, mataas lang ng konti sakin, nasa mid 20's,
maganda ang katawan pero maraming peklat?"

"Uhh, mestiso, yes. Mataas lang ng konti sayo, yes. Nasa mid 20's, I think, yes.
Maganda ang katawan, yes. Pero hindi ko napansin yung mga peklat kasi nagpa-panic
na ko eh..."
Tumango naman si Arkin at nag-sketch sa likod ng papel
"Bakit kung makapagtanong ka, parang kilala mo yung Josef na tinutukoy ni Erajin?"
tanong ni Brielle
"Armida... Yun ang pangalan ng asawa ng Josef na nabanggit nya. Lady Armida na may
kasamang mga guards. Kung tama ang hinala ko, yung Josef na tinutukoy nya ay si
Shadow. Medyo nag-aalangan lang ako dun sa sinabi nyang Fuhrer 'tong Josef na 'to
at itong Armidang nabanggit..."
"T-teka, SHADOW??" nagulat naman si Brielle sa sinabi ni Arkin
"Nagsisimula nang magpatong-patong sa utak ko ang tanong. Erajin said, nagpunta sa
kwartong yon ang Armida na 'to habang magkasama sila nung Josef" sinulyapan nya
sandali ang pinto at saka ibinalik ang tingin sa papel at sa ginagawa nya "First
question para sakin is, paanong naging Fuhrer ang Josef na 'to? Second, kung sya
nga ang Fuhrer, malamang na kasama nga nya ang Armida na 'to. Third, ok, magkasama
itong Lord Ricardo at Lady Armida kaya malamang na nakita natin ang mga Guardians
kanina.. The question is..." itinuon nya ang tingin kay Erajin "Paanong mapupunta
ang Lady Armida na 'to sa kwartong yon habang kasama mo itong Josef na 'to?"
Napa-eyeroll naman si Erajin sa huling tanong ni Arkin

"Kasi nga po, mag-asawa sila at hinahanap lang ng Armida na yon ang asawa nyang si
Josef." sarcastic na sinabi ni Erajin

"Ok. I think kelangan mo nang malaman kung sino ka since hindi mo ko


naiintindihan..." sinulyapan nya uli ang pinto at saka tumingin sa may bintana
"Level 1 First Echelon, Mephistopheles. Agent Provocateur. I'm a special agent of
Assassin''s Asylum..." pagpapakilala ni Arkin "I'm using the name of Arkin Findel
now. Although I have many alias but never mind about that..."
"T-teka--" itinuro nya si Brielle "Findel si Brielle," itinuro nya ang sarili
"Findel din ako..." itinuro nya si Arkin "Paano ka naging Findel?"
Sinulyapan sandali ni Arkin si Brielle at saka ibinalik ang tingin kay Erajin "I'm
a former member of Escadron Elites. Lahat ng Elites ay Findel ang ginagamit na
surname, and about that..." tinignan nya sandali ang relo. 5: 26pm na "You're
using 'Erajin Findel' name."
"Yeah, sabi nga nila." sabi naman ni Erajin
Tinignan naman sya ng diretso ni Arkin "At gaya namin, hindi mo totoong pangalan
ang Erajin Findel." itinaas nya ang hawak na papel at itinutok sa mukha ni Erajin
"Ikaw si Armida Zordick at ito..."
"O!" kinuha ni Erajin ang pilas ng notepad at gulat na tinignan ang sketch ni
Arkin "Ito yung lalaking kasama ko kaninang umaga!"
"Yang lalaking yan ang asawa mo. Real name: Richard Zach. Screenname: Rynel Joseph
Malavega. AA Codename: Shadow."
Gulat na gulat syang tinignan nila Brielle at Erajin

"How ironic na aksidenteng naka-one night stand mo ang asawa mo? Kung one night
stand ba talaga ang tawag don." napa-cross arms si Arkin at nagtatakang tinignan
si Erajin "Kaya nga ang pinagtataka ko ngayon, paanong napunta doon ang sinabi
mong Lady Armida sa kwartong yon kung ikaw si Armida? At isa pa, paanong naging
Fuhrer ang asawa mo?"
Nanatiling nakanganga si Brielle at Erajin sa lahat ng sinabi ni Arkin sa kanila.
"Paano mo naman nasabi na asawa nya yung Josef na naka-one night stand nya kagabi?
Baka nagkatain na kamukha lang ng drawing mo? Saka paano yun naging Fuhrer eh
sinabi mong sya si Shadow? Diba hina-hunting ng Superiors si Shadow? Saka anong
Armida Zordick ang real name ni Erajin tapos may susulpot na Lady Armida? I-I-I-I
don't get it!!" naguguluhang sinabi ni Brielle na gustong hawakan ang ulo nya pero
parang hindi nya kaya
Inabot ni Arkin ang notepad na nasa sidetable at isinulat ang mga pangalang
naiisip.
"JOSEF" itinaas nya ang isang pilas ng papel. Inilapag nya iyon sa table na tabi
ng kama
Pinanood naman sya nila Erajin sa ginagawa nya
"ERAJIN" itinaas uli nya ang papel at inilapag sa table
"ARMIDA" itinaas uli nya ang isang pilas ng papel at inilapag sa table
"What are you gonna do with those papers?" tanong ni Erajin kay Arkin
Tinitigan lang sya ng diretso ni Arkin habang kinukuha nito ang papel na may JOSEF
na nakasulat.

"I don't want to make it more complicated since hindi na biro ang nangyayari
ngayon" tinignan uli ni Arkin ang bintana, parang may hinihintay syang kung ano
"Ibigay mo ang kahit anong nalalaman mo tungkol sa Josef na 'to."
"Eh diba, sinabi ko na--"

"Ulitin mo, then ililista ko. Tapos saka nyo malalaman kung anong gusto kong
sabihin." seryosong sinabi ni Arkin
Tinignan ni Erajin si Brielle. Tumango ito sa kanya.
"Ok... Yung sketch mo kanina, yun nga sya. Josef ang name na narinig kong tinawag
sa kanya nung asawa nya. Tapos, uhmm..." iniikot nya ang tingin sa paligid para
mag-isip "He kissed me."
Biglang tumaas ang kilay ni Arkin sa sinabi ni Erajin

"Ok, hindi sya maka-move on sa kiss na yon." sabi ni Brielle sabay eyeroll

"Pero nakita ko! Para kong napunta sa ibang lugar then nasa isang wedding ako
habang kinakasal sa kanya! Kung sya ang asawa ko, ibig sabihin may chance na totoo
yon!" pagpipilit ni Erajin

"Masyado mo lang dinibdib yung halik nya, Jin!" sabi agad ni Brielle
"Pero parang totoo!"

"PARANG, Jin, PARANG. There are times na hindi mo na nadi-distinguished ang reality
sa hallucinations!" katwiran ni Brielle
"Pero--" tinignan ni Erajin si Arkin para ipilit ang gusto nya

"I'll consider that since may point sya. Ano pa?" tanong ni Arkin habang
tinitignan ang papel na hawak
Isang what-the-hell reaction lang ang nabigay ni Brielle kay Arkin

"Kanina sa explosion, parang napunta na naman ako sa ibang dimension gaya nung
hinalikan ako nung Josef na yun. May babae na takot na nasa harapan ko. Tinawag ko
syang Cassandra habang hinahanap ko si Josef na asawa ko daw..." hindi pa nya
siguradong sagot
Tinignan ni Arkin si Brielle na medyo nagulat din sa sinabi ni Erajin

"Coincidence lang siguro na Josef ang name nung guy na kasama nya all night saka
yung asawa nya." sabi ni Brielle

"I don't think so, Gab. How can you explain this:" sabi ni Arkin "Josef na kasama
ni Erajin all night; Josef na ang asawa ay si Armida; Josef na ang codename is
Shadow; Josef na kanina nakita ko lang sa hotel at nakasabay ko sa elevator; Josef
na kamukha ng nasa sketch ko" tinignan nya ng diretso si Brielle "Paano mo
ipapaliwanag na coincidence lang ang iisang description na 'to sa lalaking kasama
kanina ni Erajin, ni Shadow at ng tinatawag nyang Fuhrer?"

"Shadow is Erajin's husband diba?!" tanong ni Brielle

"Yun nga! Kaya paanong biglang sumulpot ang Armida na 'to..." kinuha nya sa table
ang papel na may ARMIDA "...sa kwartong yun kasama ang mga guards nya kung ang
totoong Armida eh si Erajin? Dahil kung nandon ang Armida na yon, malamang na hindi
nga hahanapin ni Shadow ang asawa nya! Which is si Erajin!" sabi ni Arkin "At
paanong naging Fuhrer ang..." itinaas nya ang papel na may JOSEF "Josef na 'to
kung sya si Shadow?"
Tinignan ni Brielle si Erajin "I'm going crazy about this" tumayo na si Brielle
at umiling nalang
Nawala ang init ng ulo nila nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto. Tumayo na rin
sina Erajin at Arkin.
"Hey guys," bati ni Razele na andaming dala. Naglakad agad sya papalapit sa kama
at doon inilapag ang mga dala nya
Tinignan ni Brielle ang relo nya. maga-alas sais na pala ng gabi "Kaya pala
antagal mo, nag-shopping ka pa," sabi sa kanya ni Brielle
"Sorry about that," inilabas nya ang laman ng isang paperbag na dala "Phones, ok
na 'to. Ready to use na, may load na rin" inilapag nya sa kama ang tatlong box na
may lamang cellphone "Shirts, pants, undergarments" inilaglag nya nya ang lahat
ng laman ng isa pang paperbag "Buti nalang at alam ko ang mga size nyo" sabi nya
sabay smile ng konti "Medicines," inilabas nya ang isang First-aid kit na puno na
ng laman "And food." itinaas nalang nya ang isang malaking plastic bag na punong-
puno ng makakain
Kanya-kanya silang taas ng kilay

"Hindi tayo pwedeng sumabak sa gyera na hindi prepared." nakangiting sinabi ni


Razele sa kanilang lahat

"Boyscout talaga ang Officer-In-Charge ng HellQuarter..." sabi ni Arkin sabay layo


ng tingin
Tinignan naman ni Razele sa Erajin na nakatitig sa kanya
Erajin: Wala sa itsura nya ang prepared sa mga ganitong sitwasyon
Nginitian ni Razele ng matamis si Erajin "Alam kong hindi halata sa itsura ko,
pero lagi talaga akong handa sa mga ganitong sitwasyon kaya masanay ka na..."
sabay gulo ng buhok ni Erajin
Nanlaki bigla ang mata ni Erajin sa sinabi ni Razele sa kanya "I'm not saying
anything!"
Biglang syang hinawakan sa magkabilang pisngi ni Brielle at saka sya nito pinaharap
sa kanya "Never dare stare at his eyes." warning ni Brielle kay Erajin habang
tinititigan sya nito ng diretso sa mata "He can read minds," mahinang sinabi ni
Brielle habang sinisingkitan ng mata si Razele na inaayos ang mga pinamili
Sinulyapan naman ni Erajin si Razele "Freaky"
Kinuha na ni Arkin ang first aid kit. Si Brielle naman, phone agad ang unang-unang
kinuha.
"Erajin," tawag ni Arkin

"Bakit?"
Nilapitan sya ni Arkin at tinignan ang braso, kamay, binti at mukha nya "Wala ka
nang galos. Kahit yung mga tama ng shrapnel at mild burns wala na rin." tinignan
nya ang buong mukha ni Erajin at napansin ang ilalim ng buhok nito sa bandang
batok. Kinuha nya ang ilang strands na nakatago sa likurang buhok ni Erajin "I
don't know if this is good or bad,"
Biglang naging silver ilang strands ng itim na itim na buhok ni Erajin. Hinawakan
nya sa baba si Erajin at tinignan ito sa mata

"Ano bang ginagawa mo?" tanong sa kanya ni Erajin


Unti-unti nang nawawala ang pagiging gray ng kanang mata ni Erajin. Naalala nya,
nagpalit na pala ng taon, at nagsisimula na namang mag-evolve si Erajin gaya ng
nangyaring pagbabago nito noong mga nakaraang taon.

"There are people who will kill for immortality. Yet there are somebody who treat
this as the worst curse in life," mahinang sinabi ni Arkin sabay taas ng labi ni
Erajin para silipin ang ngipin nito
"Huh?" nagtataka naman si Erajin dahil kung ano-anong binubulong at ginagawa ni
Arkin sa kanya

"Your canines and incisors are changing. AGAIN." sabi ni Arkin sabay tingin sa
mata ni Erajin para makita ang reaksyon nito
"Is that bad news?" tanong ni Erajin

"Nagiging vampire wolf ka na, hehehe..." biro sa kanya ni Arkin sabay kurot sa
pisngi nya at saka ito tumalikod para kumuha ng damit "But don't worry, magbabalik
din sa dati yang mga nagbabago sayo ngayon. Hindi naman forever yang ganyan."
"Tss," pinunasan naman ni Erajin ang pisngi nyang kinurot ni Arkin

"Change your clothes," iniabot sa kanya ni Arkin ang isang pares ng damit at pang-
ilalim
Kinuha nalang yon ni Erajin at saka sya pumunta ng banyo para maligo
__________

Ranger/Brielle sa media ^__^

21

Pasado alas sais na ng gabi nang makarating si Josef sa townhouse kung nasaan si
Armida.

Sinalubong agad sya ng Guardian Decurion ni Armida. Isang lalaking ruso at nasa
early 30's nya, nakasuot ito ng gray suit and tie gaya ng kay Xerez.

"I'm sorry, Milord. We can't stop her," sabi sa kanya ni Pasha

"I know you can't. Where is she?" tanong ni Josef habang nilalakad ang daan
papasok sa townhouse. Sinasabayan sya ng mga Guardians papasok sa loob ng bahay

"Ivan, Milord," sinalubong agad sya ng panibagong Guardian mula sa loob "Nakita
na po namin ang profile ng lalaking nagpaputok kanina sa harap ng Heaven's Kingdom
church." sabi nito habang sinasabayan ang paglalakad ni Josef paakyat sa second
floor ng bahay

"Talk,"

"Ardiken Saville aka Mephistopheles, Level 1 First Echelon Agent Provocateur of


Assassin's Asylum. Kasama nya ang isang S Class TopRanker na si Gabril Shdifat aka
Ranger ng Meurtrier Assemblage. Member ng Escadron Elites at Delta Commander ng HQ,
at ang Meurtrier Assemblage branch-HQ OIC na si Yllazar Edgar Razele Bagaras aka
Razele. Itinatago nila ang babaeng kasama nyo kanina sa simbahan bago kayo umalis.
Hanggang ngayon ay hinahanap pa namin ang profile nya dahil wala kaming makita sa
kahit anong agency, pero bali-balita sa HQ na sya daw si RYJO,"

Napahinto sa paglalakad si Josef nang marinig ang huling sinabi ni Ivan.

"Sino?" tanong agad ni Josef

Napaisip naman yung Guardian kung sino yung 'sino' na tinatanong ni Josef "Uh,
pardon, Milord"

"Sino yung babae?" tanong pa uli ni Josef

Napalunok si Ivan bago sumagot "H-hinahanap pa po namin ang profile nya. Pero sya
daw si RYJO."

Iginilid ni Josef ang tingin at inisip ang tungkol doon sa nabanggit na 'RYJO' ni
Ivan.

"Kelan pa naging RYJO ang babaeng yun?" tanong ni Josef


"Hindi po kami sigurado sa exact date pero limang araw na ang nakakalipas
pagkatapos lumabas ang balita."

Tumango naman si Josef sa sinabi ni Ivan at saka na dumiretso sa kwarto ni Armida.

Naabutan nya sa loob non si Armida na nakakadena ang mga kamay sa may kama.

"Siguraduhin lang ng mga lalaking yon na hindi ko na sila makikita kundi ako mismo
ang tatanggal sa mga ulo nila!!" sigaw ni Armida kay Josef pagbukas nito ng pinto

Josef: Aba masunurin pala yung mga Guardians, kinadena nga.

"Armida, diba ang sabi ko sa kwarto ka lang natin sa Citadel," mahinahong sinabi
ni Josef habang lumalapit sa asawa nyang nakakadena

"Gawain mo ba 'to ha?!" sigaw sa kanya ng asawa "Lagi mo ba 'tong ginagawa


sakin?!"

Josef: Sana nga nagagawa ko yan

"Sinong may sabing pumunta ka dito?" tanong ni Josef

"Bakit mo ko iniwang mag-isa doon ha?!" sigaw sa kanya ni Armida habang


nagpupumilit itong makawala

"Hindi pa maayos ang lagay mo tapos bumyahe ka na," hinawakan nya ang pulso ni
Armida na may kadena

"Bakit hindi ka nagsabing aalis ka ha?!" galit na sigaw nito sa kanya

"Kung nagsabi ako, malamang na hindi ka papayag na hindi ka kasama, o, ok na,"


itinapon na ni Josef sa paanan ng kama ang mga makakapal na bakal na kanina'y
nakagapos sa asawa nya
Gulat na napatingin si Armida sa pulso nya dahil hindi man lang nya naramdaman ang
pagtanggal ng kadena sa pulso nya

"P-paano--" tinignan nya ng diretso sa mata si Josef

"Wag nang magtanong." sabi ni Josef sa kanya at saka nito kinuha ang kamay nya
"Mukhang ginugutom ka na, tara na sa baba."

Tumayo na rin si Armida at nagpahatak kay Josef habang nakatingin pa rin sa


kadenang nasa paanan ng kama na hindi nya alam kung paano natanggal sa pulso nya.

"Anong oras ka nakalapag dito sa bansa?" tanong ni Josef habang pababa sila ng
second floor

"Kaninang madaling araw," mahinang sinabi ni Armida

"Bakit mo pinatay yung mga Guardian mo ha?"

"Eh ayaw sumagot eh!!" galit nyang sinabi

Napapikit nalang si Josef dahil wala na talagang pag-asa ang asawa nya. May amnesia
man o wala, makakapatay at makakapatay talaga ito ng tao.

Nakaabot na sila sa isang simpleng dining room pero kumpleto sa serbidor at mga
Guardians.

Umupo si Josef sa dulo ng six-seater marble table at si Armida sa may right side
nya.

May lumapit agad na mga magsisilbi at inilapag ang mga kakainin at iinumin nila.

Pagkatapos silang pagsilbihan ay agad na pinaalis ni Josef ang mga tagasilbi at mga
Guardians para makakain sila ng maayos ng asawa.

Kitang kita ang inis sa muha ni Armida habang kumakain, habang si Josef naman,
nakatitig sa kanya habang iniisip kung sino yung RYJO na nasa HQ.

Iniisip nya na kung anong pumasok sa mga taga-HQ at may nagpanggap bilang RYJO.
"Nakita mo yung Mama mo?" tanong ni Armida

"Hindi. Hihintayin ko muna sya dito kasi nasa New Zealand pa sya ngayon." sagot ni
Josef

"Bakit ang tagal mo? Gabi na ah. Hindi naman malayo yung hotel dito eh!"

Napatingin sa gilid si Josef at nag-isip ng magandang palusot "Traffic ok. Sisihin


mo yung traffic."

"Magtatagal ka dito?"

"Depende kung kelan uuwi si Mama."

"Bakit wala ka kanina sa hotel na pinuntahan namin?" masungit na tanong ni Armida


habang sumusubo

Napalunok bigla si Josef dahil sa tanong na yun.

Biglang sulpot naman ng image nung babaeng stalker pa yata nya na sinasabi nilang
si RYJO daw.

Biglang nanlaki ang mga mata nya nang maisip yon.

Oo nga, kung magpapanggap ang babaeng yun bilang RYJO, natural lang na sundan sya
nito dahil sya ang asawa ni RYJO.

"Plano ba 'to ni Razele?" bulong ni Josef

"May sinasabi ka?" tanong naman ni Armida na nagtataka sa mga binubulong nya

"XEREZ!!" sigaw ni Josef at hindi nalang pinansin ang tanong ng asawa

Ilang sandali pa ay nagpakita na si Xerez at pumwesto sa left side nya

"Yes, Milord," magalang nitong sinabi


"Sabihan mo ang HQ. Gusto kong makausap ang OIC nila." utos ni Josef

"Yes, Milord" sagot nito at saka umalis sa dining room

"A-anong HQ?" nagtatakang tanong ni Armida

Tinignan sya sandali ni Josef at saka nito inilipat ang tingin sa kinakaing sea
bass "Branch sya ng Association. Sa trabaho lang naman." sagot ni Josef

"Trabaho? Ano bang trabaho yan ha? Ano bang trabaho mo?" tanong ni Armida

"Armida, bukas ka nalang magtanong about that ha? Mahabang paliwanagan yan eh,"
iritang sagot ni Josef

"Sino ba yang OIC nila? Babae ba yan?" inis na tanong ni Armida

Napahinto naman sa pagkain si Josef at nakataas ang kilay habang nakatingin sa


asawa nya "Lalaki ang OIC ng HQ, Armida. Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano
dyan,"

"Siguraduhin mo lang." mataray nyang sinabi at saka nagbalik sa pagkain "Ayoko ng


niloloko ako, Josef. Umalis kang mag-isa tapos hindi man lang ako sinabihan.
Pupunta ka sa Mama mo tapos wala doon? Gabi ka nang umuwi tapos idadahilan mo yung
traffic? Ngayon, aalis ka na naman at pupuntahan ang kung sinong OIC na yan?"

Ok, minsan na syang nag-solo flight at hindi sinabihan si Armida. Hindi na sya
magtataka kung bakit ganyan nalang ka-paranoid ang asawa nya.

Naalala nya yung nangyari sa suite ng asawa nya nung nag-solo flight sya para
ibigay ang summons kay Xandra, at doon palang alam na nya ang dahilan ng ikaka-
paranoid nito.

"Kapag nalaman kong may kinakatagpo kang ibang babae--"

Ugk! Ugk! Ugk!

Biglang nasamid si Josef sa sinabi na yon ni Armida.


Masyadong guilty, napaghahalataan.

Kumunot agad ang noo ni Armida habang tinitignan si Josef habang umiinom ito.

"Sa tingin ko kelangan kong sumama sayo bukas." sabi ni Armida

Parang na-pause naman si Josef habang tinatantya kung seryoso ba si Armida sa


sinabi nya

"Kapag hindi mo ko sinama, humanda ka sakin." masungit nitong sinabi at saka na


tumayo dahil tapos na syang kumain

Sinundan lang sya ng tingin ni Josef habang paalis sya ng dining room

"Patay."

.............................................................

Alas syete y medya na ng gabi at nasa sala si Josef habang nakaupo sa may sofa.
Kausap nya si Xerez,

"Dalawang araw nang hindi nagpapakita si Razele sa HQ. Mukhang imposible ang
pagpasok nya bukas sa trabaho. Itinakas nya kasi ang babaeng pinakilala nya bilang
RYJO mula kay Crimson. Nag-stay sila sa Room 1708 ng sarili nyang hotel, same hotel
kung saan kayo pansamantalang tumuloy. At base sa mga impormasyong nakuha ng mga
Guardians na nag-imbestiga, mga tauhan ni Crimson ang mga Rankers na humahabol sa
kanila kanina sa may simbahan." sabi ni Xerez

"Mga tao ni Crimson..." mahinang sinabi ni Josef habang iniisip ang mga nangyari
kanina "Anong kinalaman ni Ranger dito?"

"Inaalam pa ang tunay nyang motibo sa lahat ng nangyari at sa pagprotekta sa


sinasabi nilang si RYJO. Nagbaba ang Central ng mission at dapat ay nasa Lisbon,
Portugal sya ngayon at ite-terminate ang isang businessman na nagngangalang Jovel
Seqoun pero ibinigay nya ang mission kay Neptune. Sa ngayon ay tapos na ang
termination sa target at nakabalik na si Neptune sa bansa." sagot ni Xerez

Napahimas ng sentido si Josef habang iniisip pa ang itatanong kay Xerez


"Si Mephistopheles, anong meron at nadamay sya?" tanong ni Josef dahil nung nakita
nya ito kanina sa elevator ay parang wala naman itong seryosong trabaho

"Wala kaming makitang motibo nya sa nangyari. Pero nakita rin sya sa hotel kung
saan kayo tumuloy. Nasa room 2005 ang kwarto nya at nandoon sya para i-close ang
isang Singaporean deal para sa corporation kung saan sya ang Chief International
Officer. Lumabas nalang sya ng parking lot ng hotel na kasama si Razele, Ranger at
ang sinasabing si RYJO eksaktong oras ng pagpunta natin sa Heaven's Kingdom church.
Nagpunta sila sa isang coffee shop sa di-kalayuan sa hotel para mag-usap.
Nagtanong-tanong ang ilang Guardian at sinabing paglabas nila ng coffee shop ay
biglang may sumabog na kotse at ang apat lang ang nakita nilang nasa area nang mga
oras na yon."

"Yung sumabog kanina na narinig natin sa simbahan, sa tingin mo dun sa binanggit mo


galing?" tanong ni Josef

"Yes Milord"

"Yung babaeng tinatawag nyong RYJO? Bakit wala pang profile?" tanong ni Josef

Hindi masagot ni Xerez ang tanong dahil pakana ang lahat ni Laby at Ji Han. Wala
talagang makikitang record sa RYJO na ginagamit ang mukha ng iba dahil lahat ay
pinasunog na o di kaya ay binura. Hindi rin naman pwedeng sabihin ni Xerez na si
Armida yung pinapahanap ni Josef dahil magiging problema yun.

"I'm sorry, Milord, mukhang may problema ang profile ng babaeng tinutukoy nya sa
mga agencies." tanging sagot ni Xerez

Napahimas ng noo si Josef dahil sa sinabi ni Xerez "Si Razele, kelan ba sya
pwedeng makausap?"

"Wala pong nakakaalam kung kelan sya babalik, Milord."

Napabuntong-hininga naman si Josef. Wala na ba syang ibang pwedeng makuhang sagot


kay Xerez kundi mga negative answers?

"Ipatawag mo ang Asylum President at si Mephistopheles. Gusto ko silang makausap


bukas." tumayo na si Josef at naglakad na paakyat sa second floor

"Yes Milord," nagbigay-galang pa rin si Xerez kahit na hindi na sya makikita ni


Josef

Tinignan ni Xerez ang relo nya. Quarter to 9 na ng gabi. Kinuha nya agad ang phone
at tinawagan ang Capitol.

"The Fuhrer wants to see Leonard Thompson and Mephistopheles tomorrow in Hamza."

.................................................

Pumasok na si Josef sa kwarto kung nasaan ang asawa nya. Naabutan nya itong may
kinakalikot na kung anu-ano sa may sahig sa tabi ng kama.

"Armida, ano yang--"

"WALA!!" napatayo agad ito at biglang humiga sa kama sabay talukbong ng kumot

Kumunot agad ang noo ni Josef at dali-daling nilapitan ang asawa nya. May ginagawa
na naman kasing problema, at hundred and one percent sure sya doon.

Hinatak nya ang kumot at bumungad sa kanya si Armida na nakabaluktot at mukhang may
tinatago sa tyan.

"Armida ano na naman yang binabalak mo ha?!" pinipilit na kunin ni Josef ang pilit
na itinatago ng asawa nya

"WALA!!"

"Anong wala?! Akin na sabi eh!"

"WALA NGA EH!!"

"AKIN NA--!" sa wakas ay nahatak na rin nya ang inaagaw nya kay Armida "Wha--?"

Biglang busangot ng mukha ni Josef nang makita ang pinipilit na itago ng asawa nya
"What the hell is this?!" malakas nyang natanong habang pinapaikot ang hawak nya
para usisain

Isa iyong parang maliit na crossbow na gawa sa binaluktot na metal hanger at


makapal na wooden hanger, makapal na rubber bands, ilang maliliit na binaluktot na
alambre, binaling tinidor, AA battery ng remote control at paring knife, and the
rest ay pinalibutan ng duct tape para hindi magkahiwa-hiwalay.

"Laruan." sagot ni Armida habang nakatingin sa dulo ng mata nya

"LARUAN???" gulat na tanong ni Josef "Eto??" itinuro pa nya yung improvised


crossbow "Eh konting kalabit mo lang dito makakapatay ka na ng tao!"

"Hiiiiindi naman ako..." napakamot agad ng leeg si Armida "...papatay"

Napapikit si Josef dahil habang tumatagal, nawi-wirduhan na sya sa asawa nyang may
amnesia.

Ang alam nya, walang kainte-interes si Armida sa kahit anong handicrafts. Kaya
nyang kalasin ang kahit ano, pero ang bumuo? Wala sa bokabularyo nya. Ngayon,
tinignan uli nya ang improvised crossbow.

Gusto nyang bumilib dahil ang galing ng pagkakagawa, gusto na nga nyang palakpakan
si Armida. Masyadong creative ang crossbow na ginawa nito na kahit siguro sya eh
hindi kayang gawin.

Kaso, alam nyang gagamitin yun ni Armida para pumatay. Lalo pa, may paring knife na
involved.

Pero weird pa rin talaga eh. Bakit kailangang gawin yun ni Armida kung kahit yung
simpleng alambre lang eh kaya na nyang pumatay? Bakit kailangang gawin pang
kumplikado ang weapon eh long-range distance killer sya. Although, for distance
killing ang crossbow, pero kamay lang ni RYJO yun na ang weapon.

Tinignan nya ang asawa nyang pasimple pang kumikilos para hatakin sa kanya ang
improvised crossbow.

"Hep!" inilayo nya agad ang hawak para hindi maabot ni Armida na ikinagulat naman
nito na halos mapatalon sa kama

Pinandidilatan ni Armida si Josef at yung crossbow na gawa nya

"Wag mo na ulit gagawin 'tong mga ganito ha?" paalala sa kanya ni Josef at saka
ito tumayo para lumabas ng kwarto

"Aish..." nagdabog naman si Armida sa kama dahil kinumpiska ni Josef yung armas
nyang twenty minutes din nyang pinaghirapang gawin

Paglabas ni Josef ng kwarto....

Nakita nya doon ang tatlong Guardian na nakabantay kasama si Xerez.

"Ano 'to sa tingin nyo?" tanong nya kila Xerez habang pinapakita ang hawak nya

"Uhh..." inisip pa ng mga Guardians ang isasagot habang inuusisa ng tingin ang
hawak ni Josef

"It's an improvised crossbow, Milord." chorus nilang sagot

Tumango naman si Josef dahil akala nya, sya lang ang nakaisip na mukha nga 'yong
crossbow "Sa tingin nyo, gumagana 'to?"

Nagkatinginan naman ang mga Guardians dahil sa tanong na yon ni Josef. Pansin kasi
nila ang disenyo nung crossbow-kuno at gusto nilang matawa dahil parang batang
gustong maglaro ni Josef dahil sa tanong nito.

Itinaas ni Josef ang improvised crossbow at itinapat sa taas para pinturyahin ang
maliit na bintana sa may pader ng paakyat ng hagdanan.

"Milord, I think--"

Kinalabit na ni Josef yung pinaka-trigger at pinakawalan ng improvised crossbow ang


paring knife na tumama sa maliit na bintana.

Nabasag ang bintana dahil sa pagtama ng kutsilyo at ilang sandali ay nakarinig sila
ng may nagkagulo sa labas ng bahay.

"Ooops." sabi ni Josef "May natamaan ba 'ko?" tanong nya sa mga Guardians

Kanya-kanyang yuko ang mga Guardians at hindi nalang sumagot. Mukha kasing meron
base sa ingay sa labas.
"That thing is too dangerous, Milord." sabi ni Xerez sa kanya

"I think so, too." iniabot nya kay Xerez ang hawak na kinuha naman agad nito
"Itago mo yan ha, wag mong sisirain. Pakisabi dun sa natamaan ko, sorry. Sasagutin
ko na pampa-ospital nya."

"I'll take care of it, Milord." sagot ni Xerez

Tumango naman si Josef at saka bumalik sa loob ng kwarto

_________________________________________________________

Ang theme ng Hiram na Alaala ng GMA7: Makikilala ba ng puso ang hindi naaalala ng
isip?

Ang theme ng Angel's Eyes ng ABS-CBN2: Makikilala ba ng puso ang hindi nakikilala
ng mata?

Tapos napanood ko yung commercial ng Sana Bukas pa ang Kahapon: Matatawag mo bang
pagtataksil kung ang babaeng kasama nya ay ang tunay nyang asawa?

The Superiors: Last Book's Logic

22

Kakatapos lang kumain ng apat. Iniisip pa rin ni Arkin ang lahat ng impormasyong
nakapaloob sa lahat ng kwento ni Erajin.

Todo-titig sya sa sketch nya ng mukha ni Josef. Umaasa syang biglang susulpot doon
ang sagot na gusto nyang makuha. Nakaupo sya ngayon sa sahig habang nakasandal ang
likod sa gilid ng kama.

"January 1, nakita si Erajin. Nagising sya, January 10 ng umaga... ok" tumango-


tango pa sya at pinulot ang pilas ng notepad na may nakalagay na ERAJIN "Nakita
sya ni Crimson January 10 din ng gabi, at itinakas sya ng madaling araw ng January
11"

"Ano? May nakuha kang impormasyon sa kakatingin dyan sa mga papel na yan?" tanong
ni Brielle kay Arkin habang kumakain ng chips at nakahiga sa kama
"You think," pumihit sya pakaliwa para harapin si Brielle sa may kama "May owner
yung bagong mukha ngayon ni Erajin?"

"Meron." sagot naman ni Razele na nakaupo sa isang stool. Nakasandal sya sa pader
na katabi lang ng pinto habang naka-focus sa phone na bagong bili nya

"MERON?" sabay-sabay na tanong ni Brielle, Arkin at Erajin

"Kanino?" tanong agad ni Erajin na nakasalampak sa sahig na ilalim lang ng bintana


ng kwarto

"Aspasia ang pangalan. Walang apelyido. Walang general information. Taga-bundok,


dating rebelde, pero base sa nakuha kong impormasyon, anim na taon na syang
binabayaran para pumatay. Mag-iisang taon na syang nawawala at walang makapagsabi
kung nasaan sya ngayon. About the skills, kahit anong mahawakan nya, kaya nyang
gawing weapon."

Tumaas ang kilay ni Arkin at Brielle sa sinabi ni Razele.

"Aba matindi! Kaya nyang gawing weapon ang kahit anong mahawakan?? Lupet non ah!"
bilib na bilib na sinabi ni Erajin

"Kaya nyang bumubo ng weapon sa mga bagay. Yun lang." Dagdag ni Razele

"O! Magaling pa rin yun!" sabi ni Erajin

"Psh.." yung mukha naman nung tatlo kulang nalang sabihin 'hay naku, anong kakaiba
dun?'

"O? Bakit ganyan mga mukha nyo?" tanong agad ni Erajin kasi parang sya lang ang
bumilib kay Aspasia

"Jin, ikaw ang klase ng assassin na kahit kapirasong bubog lang ang gamit eh
makakayang makapatay ng sampung tao." bored na bored na sinabi ni Brielle sa kanya

Natanga naman si Erajin sa sinabi ni Brielle at inisip kung paano sya makakapatay
na kapirasong bubog lang ang gamit? Imposible yun.

"Wait... Ang weird ha, parang sinabi mo na ring si RYJO yung Aspasia na yun, base
sa kung paano sya i-describe all-in-all" nagtatakang sinabi ni Arkin
"Ex-xact-ly." pabaybay na sinabi ni Razele "Now, ang gusto kong malaman, bakit
nila kailangang baguhin ang mukha ni Erajin bilang Aspasia tapos ipapakilala sya
bilang RYJO? Sya si RYJO, ok. Pero ang pinaka-point is why change her face if sya
talaga ang tunay?"

Napabangon si Brielle at inisip yung kanina pa nilang pinag-aawayan ni Arkin.


Tumalon sya sa kama at tumabi kay Arkin.

"Sandali ah," hinalbot nya ang tatlong pilas ng notepad kay Arkin at pinagtabi-
tabi sa sahig

"ERAJIN - JOSEF - ARMIDA" sabi ni Brielle "Si Erajin ay si Armida diba?"

"Yes." sagot ni Arkin

"Kung magkasama ang Josef at Armida na 'to, at nandito kasama natin ang tunay na
Armida... Hindi kaya--" tinignan ni Brielle si Arkin at saka inilipat ang tingin
kay Razele

"Yung Armida na kasama ni Shadow eh fake." sabi ni Razele

"At may chance na kanya ang mukhang ginagamit ngayon ni Erajin," dagdag ni Arkin

"Owkeey? Tapos na ba ang problema?" tanong ni Erajin sa kanila dahil hindi sya
maka-relate sa usapan

Tinignan ni Erajin ang tatlo na malalim ang iniisip at mukhang hindi sya narinig

"So, pwedeng ang mukhang ginagamit ng Armida na 'to eh kay Erajin." sabi ni
Brielle

"Pero base sa timelines, imposibleng magpalit agad ng mukha ang Armida na kasama ni
Shadow sa loob lang ng isang araw. Kung normal na tao sya, aabutin ng buwan bago
gumaling sa surgery. Ibig sabihin, may nangyari pa before New Year at doon ginawa
ang operation para baguhin ang mukha nya." sabi ni Arkin

"Isa yan sa tanong ko, pero ang iniisip ko eh, paano nahanap itong Aspasia na 'to
na kapareho ng description ni RYJO? Hindi mo naman madaling mahahanap ang isang
taong ganito sa isang tisuran lang," sabi ni Razele

"Pero ang gusto kong hanapan ng sagot ngayon ay, paano naging Fuhrer ang Josef na
'to?" mahinang sinabi ni Arkin

Napa-eyeroll si Brielle dahil alam nyang may issue si Mephist kay Shadow. "Don't
make a big deal out of it, Arkin."

"No! Crimson is supposed to be the Fuhrer! If patay na ang tunay na Apollyon, si


Crimson dapat ang pumalit at hindi si Shadow! Sya ang dapat na nandoon at hindi ang
Shadow na 'to! Sya ang dapat na asawa ni Armida Zordick!"

Kumunot ang noo ni Brielle habang si Razele tumaas ang kilay sa sinabi ni Arkin

"Kung nandoon si Armida Zordick sa lugar kahit na hindi yun si Erajin, malamang na
nandoon nga ang mga Guardians. Armida Zordick is a Superior kaya normal lang ang
pagsulpot doon ng mga Guardians--" dugtong ni Arkin

"Wait! Wait! Wait!" dumipa si Brielle na akala mo hihinto ang mundo kapag ginawa
nya "Superior ang Armida Zordick na yon. Tapos ang tunay na Armida Zordick is si
Erajin. Meaning..."

"Erajin is a Superior..." na-amaze na sinabi ni Razele habang nakatingin kay


Erajin

"Aaaaahhhh!!!!" nagpapa-padyak naman si Brielle sa inuupuan nya sa sobrang tuwa


habang nakatakip ang mga palad sa pisngi "Seriously?? OmyGod!"

"How did you know about that information?" tanong ni Razele kay Arkin

"I'm an agent." simpleng sagot ni Arkin

"Paano nangyari??" hinawakan agad ni Brielle ang manggas ng t-shirt ni Arkin at


saka nya ito hinatak-hatak "Paano sya naging Superior?? Uy! Pano?"

"Stop!" tinabig agad ni Arkin ang kamay ni Brielle sa manggas ng damit nya "Apo
sya ni Azazel. Kaisa-isang anak sya ni Cas at No. 99, kaya natural lang na maging
Superior sya. O? Masaya ka na?"

Natahimik si Brielle at unti-unting inilipat ang tingin kay Erajin

"May... anak si Cas at 99?" hindi makapaniwalang tanong ni Brielle

"Imposible!" napatayo sa kinauupuan nya si Razele at lumapit kay Arkin "Paano


magiging anak ni 99 at Cas si Erajin? Kung magiging Superior sya, hindi na 'ko
magtataka! Pero sya, anak nung dalawang yon?" itinuro nya si Erajin "Niloloko mo
ba kami?"

"Uhh, guys?" napatingin ang tatlo kay Erajin "Wala akong ma-gets"

Kanya-kanya silang buntong-hininga kay Erajin

"Sino si Cas at No. 99?" tanong ni Erajin

"Cas is the greatest spy ever! At ilang bansa na ang napabagsak nya dahil lang sa
pagiging espiya nya! And it's so cool in every angle! Promise!" bilib na bilib na
sinabi ni Brielle

"No. 99 is a legendary assassin. He can kill so many people kahit hubo't hubad sya
at nasa harapan pa sya ng mga otoridad. And I'm telling you, never mong makikita
kung paano sya pumatay kahit pa harap-harapan nya 'yong gagawin sayo. Ganon sya
kagaling." seryosong sinabi ni Razele

"Meaning?" -Erajin

"Meaning, anak ka ng Supreme Spy at ng Legendary Assassin." sabi ni Arkin "Your


parents are members of the most powerful people in the world"

"Good news ba yun?" tanong ni Erajin

"Depende kung nasaang side ka," sabi ni Arkin "I think kelangan kong manghingi ng
konting tulong sa team ko," saka nya i-dinial ang number ng office nya sa katabing
phone

Bzzt Bzzt
Kinuha naman ni Brielle ang bagong phone nya na tumutunog sa may kama

"Hello,"

( Where are you now? )

"O!" gulat nyang tinignan sila Erajin

"Why?" tanong ni Arkin

"Markus! Buti naman at tumawag ka! Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot!!"
sigaw nya sa kabilang linya

( Eh, hehehe... )

"Saka mo na pagalitan si Jesada," kinuha ni Arkin ang phone kay Brielle at sya na
ang kumausap kay Markus "Hey, Mephist here. Magdala ka ng baril at laptop. May
problema ang Elites kay Crimson at sa Fuhrer. May GPS ka, i-trace mo 'tong signal
ng phone, makikita mo kami."

( Teka? Sinong problema? Saka bakit magkasama kayo ni Gabrielle? )

"Gawin mo nalang ang sinasabi ko, wala na tayong oras."

( Pero-- )

Pinatay na ni Arkin ang phone at ibinigay kay Brielle tapos sinagot naman nya ang
tawag sa team nya

"Squad Tango, Mephistopheles. News?"

( Squad Tango, Hecate. Sir, kanina pa kayo cino-contact ng Capitol. Pinapatawag


kayo ng Fuhrer sa Hamza )

"Fuhrer?"

( Yes Sir. Tomorrow morning 10 am sharp )


Tinignan ni Arkin si Erajin

"I'll go."

( Copy Sir. )

Ibinaba na ni Arkin ang phone at napahugot ng malalim na hininga

"O? Problema?" tanong ni Brielle

"Yun nga. Nabawasan. Mukhang nalaman na ng Fuhrer ang nangyari kanina sa may
simbahan. Pinapatawag ako ng Fuhrer sa Hamza. Bukas ng alas dyes kelangan nandoon
na ko. Kaya bukas ng madaling-araw dapat nakaalis na ko dito." tinignan nya si
Erajin "You have to come with me, kakausapin natin ang asawa mo"

23

23

Alas kwatro palang ng umaga, bihis na bihis na ang mag-asawa. Naka-black suit and
tie si Josef habang nakasuot naman ng black halter-top French-cut long gown with
high-heels Prada si Armida. Ang ganda din ng make-up at ayos ng buhok nya. Mukha
syang donya.

"Wag kang gagawa ng gulo sa pupuntahan natin ha. Delikado doon." paalala ni Josef
kay Armida

"Wala naman akong gagawin kung wala kang gagawing masama." sabi ni Armida na may
pagmamataas

Pasimpleng eyeroll naman si Josef

Sinalubong sila ni Xerez at hinatid sa sasakyan nilang white limousine.

"Wow," napataas ng magkabilang kilay si Armida nang makita ang sasakyan nila

Binuksan na ni Xerez ang pinto ng kotse at pinauna na sa pagpasok si Armida. Nag-


aalangan si Xerez sa mga mangyayari dahil sasama ito sa lakad ng Fuhrer.
"Maghanda kayo, siguraduhin nyo lang na mapipigilan nyo sya kapag nagkaproblema sa
Hamza." utos ni Josef kay Xerez

"Yes Milord" sagot ni Xerez

..............................................

Alas kwatro na ng madaling-araw at nakabihis na si Erajin ng simpleng white long-


sleeved shirt, jeans at black doll shoes. White sando na pinatungan ng black coat,
jeans at black shoes naman ang suot ni Arkin.

"Wala pa si Markus, paanong gagawin natin?" tanong ni Brielle kay Arkin

"Hintayin nyo nalang sya." sagot nito

"San kayo kukuha ng kotse?" tanong ni Razele

"Nagpadala ng service ang squad ko. Nasa baba na yata yung kotse" sagot ni Arkin
"Tara na, Erajin. Baka ma-late pa tayo"

Tumango nalang si Erajin at lumapit na kay Arkin na nakatayo na sa may pinto

"Hindi ko alam kung dapat ko pa ba kayong sabihang mag-ingat sa pupuntahan nyo,"


asiwang sinabi ni Brielle

"Kung kaya na ni Erajin ang sarili nya, sila ang dapat mag-ingat sa kanya." sabi
ni Arkin at saka na nya pinauna si Erajin para lumabas

Nakalabas na sila ng apartelle at nakaabang na sa kanila ang blue Innova na


sasakyan nila.

.............................................
Hamza....

Ang Hamza ay branch ng Assassin's Asylum na naka-locate sa isang malaking private


land na katabi lang ng baybaying-dagat. Isa itong malaking coliseum na may 20
floors above ground at 3 floors underground.

Alas otso na nang nakarating sila RYJO at Mephist sa Hamza.

Hindi na kagulat-gulat para kay Mephist ang makitang nakaayos ang mga Levelers at
halatang may inaantabayanan. Si RYJO naman, nailang dahil pakiramdam nya kakatayin
na sya anumang oras base sa itsura ng mga Levelers na halos lamunin sya ng tingin.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Mephist habang sinusundan sya ni RYJO na nillibot


ng tingin ang loob ng Hamza. Kinukumpara nya ang loob ng Hamza sa HQ.

Ang HQ, mukhang simpleng kumpanya ang ayos ng building. Kahit ang ayos ng mga tao
na nandoon, bawat floor may corresponding uniform. Mga naka-formal ang mga nasa
floors above-ground, mga nakapang-army naman yung mga nasa underground.

Dito sa Hamza, mukha syang pinapasok sa loob ng isang abandonado at haunted


colloseum sa sobrang dark ng atmosphere. Hindi naman madilim pero alam mong yung
ambience sa loob ay dark talaga. Parang malaking horror dome ang buong lugar dahil
sa mga gothic designs and structures nya. Ang talim tumingin ng mga taong
nakakasalubong nila. Halos lahat nakasuot ng naka-dark colored na damit na akala mo
may mga paglalamayan.

Nagtatayuan ang mga balahibo ni RYJO habang nilalakad nila ni Mephist ang papunta
sa gitna ng coliseum na yon. Habang tumatagal, palamig nang palamig ang lugar.

"Squad Bravo, Leiman." sinalubong sila ng isang lalaking 6-footer, nasa early-30s
nya, nakasuot ng maroon longsleeve shirt at black trousers. Mahaba ang buhok nito
kaya naka-ponytail. Moreno at kitang kita ang ganda ng katawan sa suot

"Squad Tango, Mephistopheles. Sa Conference Room ba?" tanong ni Mephist

"Wala pa ang Fuhrer pero nagpasabi na agad ang Guardian Centurion nya na sa IR11
nalang kayo mag-usap." sagot ni Leiman

"Ako lang ba ang kakausapin nya?" tanong ni Mephist


"Kasama mo dapat ang Asylum President kaso nasa byahe pa sya ngayon."

Naningkit ang mga mata ni Mephist habang tinitingala ang 5th floor kung saan sila
magkakausap ng Fuhrer.

"Sino yang kasama mo?" tanong ni Leiman

Nailipat ni Mephist ang tingin kay Leiman "Bago kong assistant" nilingon sandali
ni Mephist si RYJO "Come on, Jin"

Tumango naman si RYJO sa kanya at saka na sila naglakad sa elevator na mag-aakyat


sa kanila sa 5th floor

..............................................

Alas nuebe pasado na nang makarating ang Fuhrer sa Hamza.

Nakaabang na agad ang mga Levelers sa harapan ng malaking entrance ng Hamza para
salubungin sya.

20 years na ang nakakalipas nung huling bumisita ang Fuhrer sa branch na yon ng
Asylum kaya talagang nakahanda ang mga Leveler para sa kanya.

Huminto ang limousine sa harap mismo ng entrance. Kasunod sa paghinto ang


labinlimang itim na Mustang sa likuran nito.

Bumaba agad si Xerez at isa pang Guardian para pagbuksan ang Fuhrer at ang asawa
nya. Lumabas na rin ang iba pang Guardians.

Pare-parehong nagulat ang mga Levelers nang lumabas na ang Fuhrer at ang asawa nya
sa limousine. Seryosong-seryoso ang mukha ng dalawa habang naglalakad papasok sa
loob ng Hamza at sinusundan ng mga Guardians.

Lahat ng mata nakasunod sa kanilang dalawa. Naguguluhan ang mga Levelers, lalo pa,
halos lahat ng Guardians sinusundan sila.

Ang bulungan ng mga baguhang Levelers


"Akala ko ba matanda na ang Fuhrer?"

Ang bulungan ng mga matagal nang Levelers

"Si Shadow ang Fuhrer?"

Sinalubong agad ang Fuhrer nang isang Leveler

"Squad Bravo, Leiman"

Nag-smirk ang Fuhrer sa pagsalubong sa kanya ni Leiman

Lumapit si Xerez para sya na ang kumausap sa Leveler

"No, Xerez, ako nang bahala dito." sabi agad ng Fuhrer bago pa makapagsalita si
Xerez

Tatanggi sana si Xerez sa Fuhrer pero naisip nito na mas mabuting sumunod nalang
sya. Yumuko nalang sya at umatras papunta sa likuran ng Fuhrer

"Long time no see," sabi ng Fuhrer kay Leiman

"Do I need to show my respect because you're the Fuhrer or I'll just treat you how
I used to treat you before?" mahinang tanong ni Leiman sa Fuhrer habang
sinusulyapan ang mga Guardians

"Hindi ko rin alam, bahala ka na basta hindi maalarma 'tong mga Guardians,"
mahinang sinabi ng Fuhrer kay Leiman

Nadako naman ang tingin ni Leiman sa kasama ng Fuhrer "I don't know what's
happening right now but I'm sure, I smell trouble. Mag-uusap kayo ni Mephistopheles
tapos kasama mo ang Slayer. Para mo na ring sinabing kailangan naming kumain ng
Bicol express, ube icecream, isang sako ng siling labuyo, at sampung buhay na
tarantula, right away. At ipapapatay mo ang sino mang pupunta ng banyo."

Natawa ng mahina ang Fuhrer sa sinabi ni Leiman "Nandito na ang President?"

"Nasa langit pa. Pero yung nemesis mo kanina pa nasa taas."

"Good." tumango nalang ang Fuhrer


"May kasamang babae yun, assistant daw nya."

Tumango nalang ang Fuhrer dahil wala syang pakialam kahit pa buong angkan ang
kasama nito. Dumiretso na ang Fuhrer sa may elevator habang nakasunod sa kanya si
Armida Zordick at ang apat na Guardians kasama si Xerez.

"I'm expecting a cat fight!" sigaw ni Leiman sa Fuhrer

Sumaludo lang ang Fuhrer sa kanya.

Nilapitan naman ng isang babaeng Leveler si Leiman na pinapanood ang see-through


elevator sa pag-akyat

"Akala ko ba Persona non Grata na si Shadow sa kahit anong branch ng Asylum,"


tanong nito

"Hindi na sya si Shadow. Sya na ang Fuhrer. Kung noon, pag-aari sya ng Asylum kaya
sya naka-ban, ngayon sya na ang may-ari ng Asylum kaya magagawa na sya ang kahit
anong gustuhin nya." sagot ni Leiman

"Anong feeling ng muling makausap ang dating squad member mo bilang Higher-up?"

"Hindi yun ang nakilala kong Shadow. Himala nga, natawa sa joke ko. Hindi marunong
ngumiti yun eh," at natawa nalang ng mahina si Leiman habang inuutusan ang ibang
Leveler na bumalik na sa mga trabaho nila

__________________________________________________________________

Sa IR11....

Ang IR11 ay isang 4x4 room, kulay cream ang pintura ng interior, may isang metal
table sa gitna, isang white fluorescent light sa taas ng mesa bilang ilaw, may apat
na single chair at isa lang ang pinto bilang entrance at exit. Isa ang IR11 sa
Interrogation Room ng Hamza, at doon piniling makipag-meeting ng Fuhrer dahil
kasama nya ang Slayer. Mas maliit ang lugar, mas safe para sa lahat.
Nasa loob ng IR11 sila Mephist at RYJO habang hinihintay ang Fuhrer.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Mephist dahil pansin nya ang kanina pang pagkutkot
ni RYJO sa daliri nya habang pasulyap-sulyap sa pinto

"Ewan ko. Pakiramdam ko, may maling mangyayari ngayon." hindi mapakaling sinabi ni
RYJO

Napatango nalang si Mephist dahil kahit sya, ganun din ang nararamdaman.

Sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas ito.

Hawak ng isang lalaking naka-gray formal suit ang doorknob habang pinapapasok ang
iba pa.

"Arkin, yan yung kumausap sakin sa simbahan," bulong ni RYJO kay Mephist

"Ok,"

"O!" napatakip agad ng mukha si RYJO nang makita ang sumunod na pumasok "God! Sya
na naman!" mahina nyang sinabi habang nakatakip ang palad sa noo habang pasimpleng
sumusulyap dun sa mga sumunod na pumasok

Nanlaki ang mata ni Mephist nang makita ang dalawang taong tumayo sa kaharap na
upuan nila.

"I didn't expect that after yesterday, magkikita uli tayo ngayon."

"Kelan ka pa naging Fuhrer ha, Shadow?"

Dali-daling pumwesto ang Guardians sa kwarto. Tumayo ang dalawang Guardians sa


likod nila Mephist at RYJO at dalawang Guardians sa likod ng Fuhrer at ni Armida
Zordick.

"Kung ako sayo, iingatan ko ang lahat ng salitang lalabas sa bibig ko." mahinahong
sinabi ng Fuhrer at saka sya umupo sa isang upuan na katapat ng upuan ni RYJO
Iniurong naman ng isang Guardian ang upuan para makaupo si Armida na katapat ng
upuan ni Mephist.

Ang sama ng tingin ni Mephist kay Armida habang nilalabanan sya nito sa titigan.

"May problema ka ba sakin?" tanong ni Armida kay Mephist

"Meron. Malaki." seryosong sinabi ni Mephist

"Alam mo bang may nagpapanggap bilang RYJO, hmm?" tanong ng Fuhrer kay Mephist

Inilipat naman ni Mephist ang tingin sa Fuhrer "Alam ko? Natural alam ko. Nakikita
ko nga ngayon eh," sabay lipat ng tingin kay Armida. Naningkit tuloy ang mata nito
dahil pansin nyang sya ang pinatatamaan ni Mephist

"Ano ba talagang gusto nyong mangyari ni Razele? Anlakas ng loob nyong gamitin ang
pangalan ni RYJO." inis na sinabi ng Fuhrer

"Gamitin? Wala kaming ginagamit. Yang kasama mo ang tanungin mo. May amnesia ang
asawa mo, alam mo ba yon?" tanong ni Mephist

Kumunot agad ang noo ng Fuhrer sa tanong na yon "Paano mo nalamang may amnesia
sya? Nag-eespiya ka ba samin?"

"Huh! Ako? Isipin mo nga yang sinasabi mo." inilipat ni Mephist ang tingin kay
Armida "Anlakas ng loob mong magpanggap bilang RYJO"

"Anong problema na naman ba ang gusto mong gawin ngayon ha?!" nakapagtaas na ng
boses ang Fuhrer dahil sa inis

Tinanggal ni Mephist ang kamay ni RYJO na nakatakip sa mukha nito "Nakita mo 'tong
babaeng 'to? Eto ang asawa mo! Eto si RYJO!"

Tinignang maigi ng Fuhrer si RYJO. Isang bitter laugh ang nagawa nito habang
nakatingin sa gilid "Sa lahat ng kasinungalingan mo, eto na yata ang pinaka-epic
fail." ibinalik nya ang tingin kay Mephist "Sana kung ipakikilala mo ang babaeng
yan bilang asawa ko, yung kapani-paniwala naman."
Kinuyom ni Mephist ang kamao nya dahil sa inis sa Fuhrer. Anlaki nitong tanga para
sa paningin nya.

"Oo nga naman! Sana ginawa kong kapani-paniwala kung magsisinungaling ako sayo,
huh! Tanga ka na nga, bulag ka pa. " sarcastic na sinabi ni Mephist sabay layo ng
tingin

Lalong nainis ang Fuhrer kaya napatayo sya at kinuwelyuhan nya agad si Mephist
"Bilib talaga 'ko sa kapal ng apog mo."

Naalerto ang mga Guardians kaya hinanda agad nila ang mga baril at itinutok kay
Mephist.

Si RYJO naman, hinugot sa beywang ni Mephist ang dala nitong baril at agad na
itinutok sa ulo ng Fuhrer "Subukan nyong kumilos ng masama, patay 'tong lalaking
'to" babala nya sa mga Guardians

Kinuha naman ni Armida ang isang baril na hawak ng Guardian sa likuran nya at
itinutok kay RYJO "Ibaba mo ang baril mo, kundi ako ang magpapasabog dyan sa ulo
mo,"

Isang masamang tingin ang ibinigay ni RYJO kay Armida, ganun din ang ginawa nito sa
kanya.

Sumenyas naman si Xerez na ibaba ang baril nila kaya binaba ng mga ito ang mga
baril.

"Put the gun down, Jin" utos ni Mephist kay RYJO

"No!" pagtanggi ni RYJO

"I said put the gun down!"

Tinignan ng masama ni RYJO si Mephist "Tsk!" inis nyang ibinaba ang baril at saka
sya bumalik sa pagkakaupo

Binitawan na ng Fuhrer ang kwelyo ni Mephist at ibinaba ang kamay ni Armida na may
hawak na baril. Bumalik na sila sa pagkakaupo na parang walang naganap.

Pare-parehong nakakunot ang noo nila sa isa't isa


"Ano ba talagang pinaplano nyo? RYJO? Etong babaeng 'to?" itinuro pa ng Fuhrer si
RYJO "Pakana nyo ba kung bakit sya napunta sa kwarto ko sa hotel?"

"Excuse me! Wala ako sa sarili ko kaya ako napunta doon!" entrada agad ni RYJO
"Wag mong sisihin si Arkin dahil wala syang kinalaman!"

"Ah! Walang kinalaman? Talaga?" napa-cross arms ang Fuhrer at napasandal sa upuan
nya "He's an Agent Provocateur. Trabaho nya ang magsimula ng problema. Binabayaran
sya para gumawa ng gyera. Isa syang malaking sinungaling. Kaya paano 'ko
makasisigurong wala nga syang kinalaman?"

Napatayo si RYJO sa inuupuan nya at nagpameywang "Huh! Alam mo ikaw! Ang kitid ng
utak mo! Matuto ka ngang umunawa!"

Napatayo nalang din ang Fuhrer para ipakitang hindi sya kayang matinag ng babaeng
hinahamon ang pride nya ngayon

"Umunawa? Umunawa ng alin? Na ikaw ang asawa ko? Ayan ang asawa ko!" itinuro pa
nya ang katabi "Ano pang kailangan kong unawain ha?!"

"Bakit? Kaya ba nyang patunayan na sya ang asawa mo?!" galit na sigaw ni RYJO

"Eh ikaw? Kaya mo bang patunayan na ikaw ang asawa ko?!" pagbabalik ng tanong ng
Fuhrer

Nilabanan ni RYJO ng titig ang Fuhrer. Nanginginig ang mga kamao at ang lowerlip ni
RYJO dahil sa galit. Hindi kasi nya kayang sagutin ang tanong ng Fuhrer sa kanya.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot?" mapanghamong tanong ng Fuhrer sa kanya

Papikit-pikit si RYJO dahil gusto nyang mangatwiran kaso wala syang masabi. Gusto
nyang ipaglaban ang side nya kaso paano nya gagawin yun kung kahit sarili nya,
hindi nya kilala.

Pumikit sya at yumuko. Inisip na wala syang kayang sabihin sa lalaking kaharap nya
ngayon. Talo na sya.

"I-I-I saw you... In-In-In a wedding..." mahinang binabanggit ni RYJO "I was
there..." inilipat nya ang tingin sa Fuhrer "Y-you were there... Kinakasal tayo."

Isang hopeless headshake ang nagawa ng Fuhrer dahil sa katwirang yon. Walang
kwenta.

"Kinakasal kayo? Nandon ka, nandon sya tapos kinakasal kayo?" masungit na sinabi
ni Armida "Katwiran mo bulok!"

Nagulat naman si RYJO sa sinabi ni Armida sa kanya "Pero totoo naman ang sinasabi
ko! Nakita ko sya sa isip ko habang kinakasal kami!"

Napa-facepalm si Mephist sa sinabi ni RYJO. Muntik nang mapahagalpak ng tawa ang


Fuhrer dahil SOBRANG valid ng reason na yon.

"Hahahaha! Nakita mo sa isip mo? Wow!" sarcastic na sinabi ni Armida "Alam mo,
nakita ko rin sa isip kong kinakasal kami eh! Pano ba yan?"

Inilipat naman ni RYJO ang tingin nya sa Fuhrer "But I'm telling the truth!"

"Yes, you are." natawa nalang ng mahina ang Fuhrer at napabalik sa pagkakaupo

"Pwede ba seryosohin mo ko!!" reklamo ni RYJO sa Fuhrer

"Sorry, pero mukhang nagkakalokohan nalang tayo dito," sabi ng Fuhrer

"Pero alam ko! Nandoon ka! Nandoon ako!" itinaas nya ang magkabilang kamao
"Nakaposas pa nga ako habang kinakasal tayo eh!"

"Ugh, God." naisubsob tuloy ni Mephist ang mukha nya sa mesa dahil sa sobrang epic
fail ng mga nangyayari ngayon

"Hahahahaha! Wow! Yan na ang pinaka-wild na imagination na narinig ko! Hahahaha!"


anlakas pa ng tawa ni Armida sa kwento ni RYJO

Nawala bigla ang ngiti ng Fuhrer sa narinig "Nakaposas ka habang kinakasal sakin?"

"O-o-oo. A-alam kong wild. P-pero, pero--" napakamot sya ng batok dahil ngayon
lang nag-sink in sa kanya na sana hindi nalang sya nagsalita

"Hindi ko alam ha," natatawang sinabi ni Armida sa Fuhrer "Pero walang matinong
babae ang nakaposas habang ikinakasal sayo,"

Nanatiling seryoso ang Fuhrer habang nakatingin sa babaeng kung titignang maigi ay
sobrang layo sa itsura ni Armida.

"Nakita mo kong kinakasal sayo habang nakaposas ka?" tanong uli ng Fuhrer

" 'Kulit din pala ng lahi mo," sarcastic na sinabi ni RYJO sa kanya at saka na ito
bumalik sa pagkakaupo

Inalala ng Fuhrer ang mga bisita nila nung wedding nila ni Armida. Wala syang
matandaang may umattend na mas bata pa sa edad nya, halos lahat above 30s nila ang
bisita.

Sa kabilang banda, tinignan ni Mephist ang itsura ng Fuhrer. Pansin nyang malalim
ang iniisip nito habang nakatingin kay RYJO.

"Kilala mo ko, Ry. Hindi ako makikipagtalo kung alam kong wala akong katwiran."
seryosong-seryosong sinabi ni Mephist sa Fuhrer "Ipapaliwanag ko ang lahat, sa
isang kundisyon."

Tinantya ng tingin ng Fuhrer si Mephist. Tinawag na sya nito sa nickname nya na


ilang beses palang nyang narinig na sinabi nito kaya alam na nyang seryoso na ito
sa gustong mangyari.

"Ano yon?"

"Paalisin mo ang mga tauhan mo, pati yang babaeng kasama mo. Paalisin ko rin 'tong
kasama ko."

Nag-isip pa ang Fuhrer kung dapat ba nyang ic-onsider ang kundisyon ni Mephist.

"Bakit mo kelangang pumayag? Mas mataas ang posisyon mo sa kanya" sabi ni Armida
sa Fuhrer

"Sige." tinignan ng Fuhrer si Xerez

Yumuko ito at hinawakan si Armida sa balikat "Milady, doon nalang po tayo sa


labas."
"Pero--"

"Don't worry, kaya ko ang sarili ko." sabi ng Fuhrer

Tinignan nalang ni Armida ang Fuhrer habang seryoso itong nakatingin kay Mephist.

"Erajin, wag kang gagawa ng problema sa labas. Wala ka sa teritoryo mo kaya


delikado." bulong ni Mephist kay RYJO

Tumango nalang si RYJO at sumabay na sa mga Guardians paglabas.

Naiwan nalang sa loob ng IR ang Fuhrer at si Mephist.

"Hindi ako ganun katanga para ipakilala ang babaeng yon bilang si Erajin kung alam
kong hindi sya si Erajin. Kahit ako, nung una ko syang nakita kahapon, nahirapan
akong paniwalaan sila Razele. Hindi ko inaasahang makikita kita kahapon sa hotel,
ganun din sila. Wag mo sanang pag-isipan ng masama ang coincidences na yon."

"O? Ano ngayon?" tanong ng Fuhrer

"Sa unang tingin, walang magkakamaling sya si RYJO. Pero nakausap ko ang alter nya
kahapon, kinulong daw sila ni 99 sa loob nya. Huling memory nya, nag-away daw si
Cas at yung asawa mo kaya nagpakita ulit ang mga alters. Hindi ko maintindihan ang
ibig sabihin nun, pero isa lang ang sigurado ako, may nangyari bago ang New Year,
at yun ang dahilan ng pagkawala ng alaala nya. Pati na ang pagpapalit ng mukha
nya."

Kumunot ang noo ni Josef sa mga sinabi ni Mephist

"Alam ko kung paano ka magtrabaho at hindi mapupunta sayo ang titulong First
Echelon ng walang dahilan. Ang hirap paniwalaang hindi ka nag-eespiya samin. Madami
kang koneksyon eh. " inis na sinabi ng Fuhrer

"Huh!" napailing si Mephist at napasandal sa upuan nya "Habang tumatagal, lalong


kumikitid ang utak mo. Anak ka ba talaga ni Auntie?"

"Tumahimik ka!"
"Aspasia, yun ang pangalan ng babaeng kasama mo ngayon. Parehas sila ng description
ng Slayer. Pumayag akong makipagkita sayo para sabihan ka. Yung babaeng kasama ko
ngayon si RYJO, at kung wala kang balak na kunin sya, hindi yon kawalan sa kanya.
Bonus pa yon samin. I'm just being fair to you since hindi ko pinapatos ang kahit
anong pag-aari mo nang wala kang laban. Kung ayaw mong maniwala, wala akong pake.
Kilala mo si RYJO at alam mo kung anong klaseng tao sya. Kung tao nga ba syang
talaga. Pagkatapos ng araw na 'to, itatago na sya ni Razele at hindi na 'ko
mangingialam sa kanila dahil tapos na ang pagtulong ko. Ang problema nila ngayon,
si Crimson. Gusto nyang makuha si RYJO, at sinasabi ko sayo. Wala syang sasantuhin,
makuha lang ang kailangan nya."

Tumayo na sya at dumiretso sa may pinto

"Gusto ko sanang itanong kung paano ka naging Fuhrer kaso naalala ko, hindi na pala
tanggap si Crimson sa Citadel. Sya ang dapat nasa posisyon mo at hindi ikaw. Pero
mabuti na rin ang nangyari sayo, dahil kapag nagkaroon pa ng kapangyarihan si
Crimson, pare-pareho na tayong lalamunin ng malalang impyerno"

"Ano bang pinakain sayo ng Crimson na yon at ganon mo nalang kampihan?"

"He's still my brother. Ang isipin mo, kung paano mo tatanggalin ang malaking
harang na bumubulag sayo ngayon. You know the rule: Trust no one. Even yourself.
Baka manghinayang ka kapag huli na ang lahat."

Lumabas na si Mephist ng IR at iniwan doon ang Fuhrer

Paglabas ni Mephist ay pumasok na si Xerez sa loob ng IR

"Lord Ricardo,"

"Dapat ko bang pagkatiwalaan ang taong yun?" naguguluhang tanong ng Fuhrer

Gustong sumagot ni Xerez. Pero hindi sya pwedeng magsalita ng kahit ano.

"Kilala nyo ang Leveler na si Mephistopheles, Lord Ricardo. Hindi naman siguro
lahat ng oras, puro kasinungalingan lang ang kaya nyang sabihin."

Napabuntong-hininga nalang ang Fuhrer "Yung babaeng kasama ni Mephistopheles.


Papasukin mo dito," utos nya
"As you wish, Milord"

24

Paglabas ni Mephist ay pumasok naman ang Guardian Centurion ng Fuhrer sa loob ng


IR.

Bumungad kay Mephist ang tatlong Guardians na nakaharang kay RYJO. Dalawa naman kay
Armida Zordick.

"Arkin!" nilapitan sya agad ni RYJO "Anong nangyari?"

Tinap nya ang balikat ni RYJO at hinarap naman si Armida. Humarang agad ang
dalawang Guardians sa kanya.

"Wala akong gagawing masama, kakausapin ko lang sya." sabi ni Mephist sa dalawang
Guardians

Hindi sya pinakinggan ng dalawang Guardians kaya wala na syang magagawa.


Magsasalita nalang sya doon, makinig man si Armida Zordick sa kanya o hindi.

"Level 1 First Echelon, Mephistopheles. Agent Provocateur of Assassin's Asylum."


pagpapakilala ni Mephist

"O? Tapos?" maririnig na sinabi ni Armida kahit na hindi nito nakikita si Mephist

"Ikaw si Armida Zordick tama?" tanong ni Mephist

"Ngayon?" masungit na sagot nito

"Alam mo bang pitong taon ng buhay ni Armida Zordick, kasama nya 'ko?" sabi ni
Mephist

Nakikita ni RYJO ang expression ng mukha ni Mephist at ni Armida sa pwesto nya. At


nakita nya ang mukha ni Armida pagkatapos ng sinabi ni Mephist.
"Alam mo bang isa ako sa kayang patunayan sa mga oras na 'to kung sino ang totoo sa
inyong dalawa ng kasama ko?" chill na sinabi ni Mephist

Lalong lumukot ang mukha ni Armida at pinatabi na ang mga Guardians na nakaharang
sa kanilang dalawa

"Anong gusto mong palabasin ha?" masungit na tugon ni Armida

"I'm working on both ways. Hindi ko ibibigay ang lahat ng tulong ko sa kasama ko,
ganun din para sa Fuhrer, pero umasa kang bibigyan din kita ng konting partida.
Kayang kaya kong patunayan sa Fuhrer na peke ka. Magpasalamat ka nalang dahil ayoko
sa Fuhrer at hihintayin ko nalang na lamunin sya ng sama ng loob dahil sa
katangahan nya." nag-smirk si Mephist kay Armida

Napatingin sila sa may pinto nang lumabas si Xerez

"My lady, gusto kayong makausap ng Fuhrer." sabi nito kay RYJO

"Hoy! Teka! Bakit sya kakausapin--" inutos ni Xerez sa ibang Guardians na pigilan
si Armida Zordick.

Pinapasok na ni Xerez si RYJO sa loob ng IR

Sa loob ng Interrogation Room.....

Bumalik sa kaninang inuupuan nya si RYJO. Hindi nya inaalis ang tingin sa Fuhrer na
tulala lang na nakatingin sa mesang naghihiwalay sa kanilang dalawa.

"Saang impyerno mo naman napulot yung ideya na nakaposas ka habang kinakasal sakin,
hmm?" tanong nito habang tulala pa rin sa mesa

"Kung hindi mo ko hinalikan, hindi ko yon maiisip. Tss," masungit na sinabi ni


RYJO sabay cross arms at tingin sa left side nya. Napatingin tuloy sa kanya yung
Fuhrer "I know it's wild. Sabihin mo nang napaka-assuming ko kasi ganun agad ang
na-imagine ko, kasalanan mo naman eh." pasimple nyang sinusulyapan ang Fuhrer sa
dulo ng mata nya
"Yes, it's wild." pokerfaced na sinabi ng Fuhrer

"Maganda pala yung asawa mo. Mukhang donya. Bagay kayo." pasimple nyang tinignan
ang suot. Walang-wala kumpara dun sa ayos nung Armida Zordick na yun. Na-insecure
tuloy sya.

"Nakaposas ang asawa ko nung kinasal kami. Delikado ang kamay nya kaya ipinosas sya
para hindi makagawa ng problema."

Nanlaki ang mga mata ni RYJO at agad na tinignan ang Fuhrer na seryoso ang mukha
habang nakatingin sa kanya

"Se-se-seryoso?"

"Sa loob ng Citadel ginawa ang kasal na yon. At kahit isang member ng Association,
hindi makakapasok sa Citadel nung oras ng kasal. Kaya imposibleng malaman, kahit ni
Mephistopheles ang tungkol sa sinabi mo."

Nakatingin lang ng diretso si RYJO sa mga mata ng Fuhrer. Sobrang seryoso, at


pakiramdam sya nilulunod sya ng tingin nito.

"What happen to your eyes?" tanong nito

"Nagbago sya kahapon. Sabi nila Razele, sa gamot at lason daw kaya ako nagta-
transform. Pero babalik din daw yan sa dati." natawa sandali si RYJO "Sa tingin
ko, hindi na yon importante, hindi ka naman maniniwala."

"Anong pangalan mo?"

Bumalik sa serious-mode si RYJO at ibinalik ang tingin sa mata ng Fuhrer "Erajin.


Erajin Findel."

"May amnesia ka rin?"

Napatango nalang si RYJO bilang sagot.

Sandaling hindi nakapagsalita ang Fuhrer. Nakatitig lang sya kay RYJO.
Kahit anong isip nya, hindi nya masasabing iyon ang asawa nya, lalo pa kasama nya
ang asawa nyang si Armida.

Pinakilala ang babaeng yon ni Mephist.

At wala syang tiwala kay Mephist dahil alam nyang marami itong alam pero hindi ito
basta-basta maglalabas ng impormasyon. Kung maglalabas man, setenta porsyento non
ay pawang kasinungalingan.

Pero base rin sa mga nangyari, kung magsisinungaling si Mephist, dapat ginawa man
lang nito na kapani-paniwala ang lahat. Bakit nito ipakikilala ang isang babaeng
napakalayo ng itsura sa asawa nya bilang tunay nyang asawa. Tama si Mephist. Hindi
sya tanga para pahiyain ang sarili sa isang bagay na wala syang kasiguraduhan.

Nitong mga nakaraang araw, nawiwirduhan sya sa asawa. Nakakapanghinala na rin ang
mga nagaganap.

Ang sabi ni Cas, hindi si Armida si Armida.

Pero paano nya paniniwalaan si Cas kung may problema ito sa pag-iisip nya ngayon?

Nawiwirduhan sya sa asawa nya dahil biglang bago ng pagkatao.

Pero yun ang asawa nya, walang permanenteng pagkatao. Masasabi nya agad na normal
lang ang mga nangyayari dahil nga sa amnesia nito.

Ngayon, ang sabi ni Mephistopheles sa kanya, ang babaeng nasa harapan nya ngayon
ang asawa nya.

Paano nya paniniwalaan ang mortal nyang kaaway na walang ibang ginawa kundi ang
magsinungaling at guluhin ang buhay nya?

Tapos nagpapakilala ang babaeng nasa harapan nya ngayon bilang asawa nya.

Paano nya ito paniniwalaan kung ito mismo walang matandaan sa sarili nya?

"Sinadya mo bang pumasok sa kwarto ko sa hotel?" naiintrigang tanong ng Fuhrer


sabay sandal sa upuan nya

Nanlaki ang mga mata ni RYJO sa tanong nya "Wow! Ilang beses ko bang dapat sabihin
sayo na wala ako sa sarili ko kaya ako napunta doon! Akala ko yun ang kwarto namin,
yun lang! Wag ka ngang feeling! Akala mo ba ini-stalk kita?!"
"Bakit, hindi ba?" tanong ng Fuhrer habang nakangiti ng nakakaasar

"Huh! Ibang klase..." napatingin nalang sa taas si RYJO habang hindi makapaniwala
sa naririnig sa kausap

"At sa dinami-rami ng mapupuntahan, sa simbahang yon pa. At sa oras kung kelan nasa
loob ako ng kumpisalan."

"Kelangan ko lang magtago! Nandon ka diba?! sa tingin mo, gugustuhin kong mabaril
nung mga humahabol samin ha?!" galit nyang sinabi

"Eh bakit nandito ka, nasa harap ko at sinasabing ikaw ang asawa ko kung hindi nga
kita stalker?" tumaas pa ang kilay nya para hamunin si RYJO "Anlayo ng hotel dun
sa simbahan, at lalong mas malayo ang Hamza mula doon sa hotel at sa simbahan, pero
nasundan mo pa rin ako. Anong gusto mong isipin ko? Na 'wow! I think it's destiny
that brought us here!' Ganun ba?"

Napasandal sa inuupuan nya si RYJO at nakangiwing tinignan ang Fuhrer "Hanep ka,
brad. Ibang klase kumpyansa mo sa sarili. Sabihin na nating magandang lalaki ka,
pero wag mong isipin na lahat ng babae kaya mong akitin. Hindi lahat papatol sayo,
tandaan mo yan."

"Oh come on," isang smirk ang binigay nya kay RYJO "You don't know me. Don't say
anything if you don't have any idea of who are you talking with,"

Naningkit agad ang mata ni RYJO dahil sa inis "Kung balak mo lang akong asarin,
lalabas na ko!" tumayo na si RYJO at naglakad na papuntang pinto "Ah! May
nakalimutan nga pala akong ibigay sayo,"

Dali-dali syang lumapit at pumwesto sa tabi ng Fuhrer.

Papalingon palang ang Fuhrer sa kanya nang biglang...

POK!

O_____O

"Kapal ng mukha mo, nakakainis ka!" inis na inis na sigaw ni RYJO

At mabilis syang umalis sa kwartong yon. Baka kasi makaganti pa yung Fuhrer dahil
sa ginawa nyang pambabatok dito.
25

Inis na inis na naglakad papalabas ng IR si RYJO.

"Erajin!" tawag sa kanya ni Mephist pero hindi nya ito pinansin

Nagtuloy-tuloy sya sa paglalakad papuntang elevator. Naiinis sya dun sa lalaking


yun. At hindi nya akalaing ipagpipilitan nya ang sarili nya bilang asawa nito.

"Aba! Maganda yung asawa nya! Magsama sila!" naiinis nyang sinasabi sabay sakay sa
elevator na pababa din ang punta

Halos mag-usok na ang ilong nya sa sobrang inis. Pati mga ugat nya sa ulo lumabas
dahil sa pagkapikon.

Lumapag na ang elevator sa ground floor kaya agad-agad syang naglakad paalis ng
Hamza

"Sya? Asawa ko? Imposible! Mag-aasawa nalang ako ng kuto kung sya rin lang naman
ang magiging asawa ko!" inis nyang binabanggit habang padabog na nilalakad ang
papunta sa entrance na dinaanan nila ni Mephist

"Stalker daw ako? Oh come on! Hiyang-hiya naman ako sa itsura nya!" itinulak-tulak
pa nya ang mga Levelers na nakakasalubong nya. Siga much.

Ansama tuloy ng tingin sa kanya ng mga Levelers na binangga nya. Nasa gitna palang
sya ng Hamza kaya anlayo pa ng lalakarin nya

"Ano ngayon kung Fuhrer sya? Pake ko! Ang kapal ng pagmumukha! Stalker? Itong
mukhang 'to, stalker? Aarrgghh!! Nakakainis!!!" itinulak nya na naman ang isang
lalaking Leveler

"Hoy, babae!" bigla nitong hinatak ang braso nya "Alam mo, kanina pa kita
napapansin eh!"

Hinead-to-toe ni RYJO ang lalaki. Mas mataas sa kanya, maitim at may hikaw sa
ilong. May disenyo pa ang buhok na inahit. Nakasuot ng black t-shirt, jeans at
leather shoes. Anlaki ng muscles at mukhang nangangain ng tao.
Napalunok sya bigla

"Ah, hehehe... Dude, peace tayo." mahinahon nyang hinawakan ang kamay nitong
mahigpit na nakahawak sa braso nya

"Anong peace tayo?!" halos mapatalon si RYJO dahil sa sigaw ng lalaki. Lalong
humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ni RYJO "Ngayon lang kita nakita dito,"

"Uhh... B-b-bisita ako... hehehe," hahawakan uli sana nya ang kamay ng lalaki sa
braso nya nang bigla sya nitong itinulak sa sahig kaya pumadausdos sya at napaupo

"Bisita? Tapos para kang siga kung makatulak?" pinalagatok na nya ang mga daliri
sa magkabilang kamay at ang leeg "Hindi naman pwedeng palampasin lang yang
ginagawa mo dito sa teritoryo namin,"

"Uhh-- H-h-hindi ko-- Hindi ko sinasadya..."

Nilingon-lingon ni RYJO ang paligid para manghingi ng tulong. Kaso lahat ng nasa
baba, ansama ng tingin sa kanya.

Tumingala sya para hanapin si Mephist. Hindi nya makita.

"Eeee... Naman eh!" gumapang sya paatras para makalayo dun sa galit na Leveler

"Aarrgghh!!" sinugod na sya nung Leveler

"Aaahhh!! Mamee!!" napatayo na sya at tumakbo pabalik sa elevator

"Hep!" hinarang na agad sya ng mga tinulak nyang Leveler

Sinubukan nya sa kabilang direksyon

"Ops! Ops! Ops!" hinarang uli sya

Sa kabilang direksyon

"At san ka pupunta, huh?" naharang na naman

"Wala ka nang pupuntahan," nakangising sinabi ng Leveler na nakaaway nya


"Hindi ko naman sinasadya eh!!" sabi nya dun sa kaaway nya

"Aarrgghh!!" sinugod na uli sya ng Leveler at umamba ito ng suntok

"TULOOONNGGG!!!" Napaupo sya at cinoveran nalang ang ulo para sanggain ang atake
ng lalaki

"TIGIL!!!!"

Napatigil ang lahat at isang lumilipad na stilleto ang tumama sa ulo ng Leveler na
susugod kay RYJO

"SINONG BUMATO NG SAPATOS NA 'TO HA?!!" malakas na sigaw nung Leveler na kaaway ni
RYJO

"AKO!!" humawi ang mga Leveler sa direksyon ng elevator at bumungad sa lalaking


Leveler si Armida Zordick na naka-cross arms at chin-up habang nakataas ang kilay
sa kanila

"Aba, aba, aba... At buhay pala talaga ang Slayer," maangas na sinabi ng Leveler

Hinubad ni Armida ang isa pa nyang sapatos at naglakad papalapit kay RYJO

"Anong ginagawa ng Slayer sa teritoryo ng Asylum ha?" galit na tanong ng Leveler

Hinatak ni Armida Zordick ang braso ni RYJO para patayuin ito "Wag ka ngang
matakot dyan! Puro hangin lang naman 'tong kaaway mo eh!" itinuro pa nya yung
Leveler habang nakatingin kay RYJO na nagtatakang nakatingin sa kanya

"Anong puro hangin? Kita mo katawan nyan?" bulong ni RYJO kay Armida

"Hanggang katawan lang yan, wala yang utak! Ano ka ba!" sabi ni Armida
"Ah, ganon..." sa lakas ng bulungan nila, natural lang na marinig sila nung
Leveler

Sumugod na ito at akmang susuntukin si Armida sa likod.

"Punch!" sigaw ni RYJO

Yumuko si Armida at umikot sabay sipa sa ibabang parte na yon ng Leveler. Napaluhod
tuloy ito habang hawak parteng yon dahil sa sakit.

Naalerto tuloy ang mga Leveler at kanya-kanya nang taas ng mga baril at patalim
nila.

"Hell no! Hindi naman sila susugod diba??" nag-aalalang tanong ni RYJO

"Eh di sumugod sila, pake ko!" mataray na sinabi ni Armida habang tinitignan ang
mga Leveler na mukhang susugurin na sila

Mabuti nalang at naka-french cut ang suot nyang gown. Hindi na nya kailangang
punitin.

"Naman..." napakagat ng kuko si RYJO dahil hindi nya alam kung paano nya lalabanan
yung mga mukhang susugod sa kanila ngayon

Ang sabi ni Razele, assassin daw sya. Ang kaso, hindi nya naman alam kung saang
banda sya magiging assassin ngayon.

"SUGURIN NYO NA SILA!!!" utos ng Leveler sa lahat

"AAARRGGHHH!!!" sabay-sabay na sumugod ang mga may hawak na patalim

"AAAAHHHH!!!" napatili nalang si RYJO habang nakikita nya ang mga susugod sa
kanila
"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!! <here> <here> <here> <here>"

Nag-echo ang sigaw na yon sa buong Hamza kaya pre-pareho silang napatigil.

Naghawian ang mga Leveler at napatingin ang lahat sa direksyon ng entrance.

Agad silang pumila at umayos ng tayo. Naitago na agad nila ang mga hawak at
sumaludo sa lalaking naglalakad papalapit kila RYJO at Armida.

Hinead-to-toe ng dalawang babae ang lalaking nakapagpatahimik sa lahat ng Levelers


na dapat ay susugod sa kanila.

Nakasuot sya ng all-white suit and tie. Pati sapatos, puti. Mestiso sya at nasa
late 40s nya. May mga puting buhok na pero hindi iyon nakakadagdag para magmukha
syang matanda. Wholesome at mukha talagang gagalangin ng kahit sino. Ang aliwalas
ng mukha nya, may pagka-pokerface pero makikitang wala syang angst sa mundo.

Isa lang ang nasa isip nila RYJO at Armida: Hindi bagay ang lalaking yun sa
mukhang haunted mental asylum na lugar na yon.

Napaayos ng tayo sila Armida at RYJO nang tumayo sa harapan nila ang kagalang-
galang na lalaki.

"Armida!"

"Erajin!"

Napatakbo agad pagbukas ng elevator ang Fuhrer at si Mephist dahil hindi nila
inaasahang magkakagulo gawa nung dalawa nilang kasama.

Huminto ang dalawa sa likod ng dalawang babaeng tinatawag nila nang makita ang
lalaking nasa harap.

"Good Afternoon, Mr. President." yumuko si Mephist para magbigay-galang

"Good Afternoon, Mr. President." yumuko din ang Fuhrer para magbigay-galang
"You summoned me, yet you still bow to give respect." napakahinahong tanong ng
tinawag nilang Mr. President sa Fuhrer

Tumayo ng maayos ang Fuhrer at tinignan ang tinawag nyang Mr. President "You're
still the Asylum President, Uncle"

"You're the Fuhrer now. Never bow again to anyone." Inilipat ng Asylum President
ang tingin kay Mephist "Don't tell me, you two are still fighting for nothing.
Mephistopheles, your mother won't like it if you keep competing with your cousin."

Kinagat nalang ni Mephist ang labi na parang pinagagalitang bata habang


nananatiling nakayuko.

Nakakakonsensya ang tono ng Asylum President. Napakahinahon na ikaw na mismo ang


mahihiya sa kalokohan mo kapag napagsabihan ka.

Inilipat naman ng Asylum President ang tingin kay Armida "I know you're with my
stepson. But, what's happening right now? Is there something wrong that my people
want to harm you?"

"Uhh..." nilingon naman ni Armida ang Fuhrer sa likod nya. Pasimple itong umiling
para gawin din nya. Ibinalik nya ang tingin sa Asylum President "Wala po."
magalang nyang sinabi habang umiiling

Tinignan naman ng Asylum President si RYJO. Napabuntong-hininga ito at nginitian si


RYJO na halatang hindi alam ang nagaganap.

"Ang sikat na manunubos ng Altagriona." isang matamis na ngiti ang binigay nya kay
RYJO "Pinalabas ka na pala nila sa islang yon, hmm? Nakakatuwa at nabisita ka dito
sa Hamza."

Kumunot ang noo ni RYJO sa sinabi ng Asylum President. Napakuyom ng kamao si Armida
sa narinig.

Tinignan ng Asylum President ang dalawang babae sa harapan nya

"RYJO and Aspasia. It's a surprise to see two of the greatest retired distance
killers in front of me. I considered this as an honor to see both of you in my
territory."

26
26

Nasa meeting room ng Hamza ang Asylum President, si Josef at si Armida. Nakaupo sa
dulong mesa ang Asylum President, sa kanan si Josef at katabi nya si Armida.

"You're the one who should be in this seat and not me," napakahinahong sinabi ng
President kay Josef

"Kayo pa rin ang President ng Asylum, kaya kayo ang karapat-dapat umupo dyan."
sagot ni Josef

"But you're the Fuhrer now. You should use your power and authority against me."

"I owe you my life no matter what. And besides, it's just a seat. Why argue with a
simple chair?" sabi ni Josef sabay sandal sa upuan nya

Natawa ng mahina ang President sa sinabi nya "Anong problema at pinatawag ako ng
Fuhrer?"

"My father is dead."

Nawala ang masayang aura ng President sa narinig "Kelan pa?"

"Christmas eve last year."


Tumango ang President at inilapag ang magkabilang siko nya sa mesa "I'm sorry
about that. Your mother will go home the tomorrow morning. Just wait for her."

"Thanks, Uncle." isang simpleng ngiti ang binigay nya sa President "Anyway, I'm
planning to take her to Citadel. I just want to--"

"Don't bother, Rynel. You can take her anytime and anywhere you want."

"Don't worry; three days ko lang hihiramin si Mama."

Tumango naman ang President at tinignan si Armida na pansin nyang kanina pa balisa
"How do you want me to address your wife?" tanong nya kay Josef

"Uhmm," tinignan ni Josef ang asawa nya "Armida is enough."

"Looks like she has problems. Anlalim ng iniisip."

Napansin din yun ni Josef kaya hinawakan nya ang kamay ng asawa nyang tulala "May
problema ba?"

Nagising na sa pagkatulala si Armida at tinignan si Josef "Ha?"

"Anong problema mo?"


"Ah, wala. Wala naman." inilipat nya ang tingin sa President "Pasensya na po."

Napaangat ng mukha ang President at tinitigang maigi si Armida "You're too silent.
Wag mong masyadong pangatawanan ang pagiging Silent Executioner mo."

"Ha? Ah..." napayuko nalang si Armida

"Ano nga palang ginagawa dito sa Hamza ni Aspasia? Mukhang magkakilala sila ni
Mephistopheles ah, wala man lang nababanggit sakin ang batang yon. Alam mo ba ang
tungkol sa kanya?" pag-iiba ng topic ng President

"Ah, ang totoo kasi nyan..." tinignan muna ni Josef ang asawa bago sumagot
"...masyadong kumplikado ang lahat ng nangyayari ngayon." inilipat nya ang tingin
sa President "Teka, Uncle. Kilala nyo ba yung Aspasia na yon?"

"Si Aspasia?" napasandal sya sa inuupuan at inisip ang sasabihin "Sa pagkakatanda
ko, sya ang personal assassin ng pamilya Altagriona. Minsan na syang kinuha ng Four
Pillars for experiments kaso hindi rin sya nagtagal sa poder nila dahil kay RYJO.
Balak ko syang kunin bilang katapat ni RYJO ng Assemblage kaso nauna na syang kunin
ng Isle bilang Abolition Sentry. Ang alam ko, wala na sya sa trabaho ngayon."

"Galing sya sa Isle?" tanong ni Josef

"Yes. At ibig sabihin lang nun, tapos na naman ang paghahanap ng mga bagong world-
class assassins."

Pasimpleng tinitignan ni Armida ang President.


Hindi nya inaasahang madami itong alam tungkol kay Aspasia.

.................................................................................

Nasa kotse ngayon si Erajin at Arkin. Pabalik na sila sa apartelle kung nasaan sila
Brielle.

"Alam mo, yung lalaki kanina, pakpak nalang, papasa na yung anghel. Magkakilala ba
kayo nung lalaking yun na mukhang galing langit? " curious na tanong ni Erajin

Natawa naman ng mahina si Arkin sa description ni Erajin sa Asylum President


"Kakambal nya yung mother ko. Bale uncle ko sya. Kaya nga doon ako sa kanila nagta-
trabaho."

"Oh..." napatango naman si Erajin sa sinabi nya "Eh bakit sya tinawag na uncle
nung Josef na yun? Pamangkin si Josef nung President?"

"Stepson ng President si Shadow. Anak si Shadow sa unang asawa, pangalawang asawa


ni Auntie Janet ang President."

"O! E di parang mag-pinsan din pala kayo nung Josef na yon!"

"Tss, walang pinsan-pinsan saming dalawa. Bahala sya sa buhay nya, bwisit sya."
"Hmm, kaya pala..." nag-cross arms si Erajin at tinignan ang kalsadang dinadaanan
nila "Kung titignan kayong dalawa kanina, mukha kayong magpapatayan eh,"

"Pasalamat sya, pinakilala kita. Bahala na sya sa buhay nya ngayon kung makikinig
sya sakin."

"Sa tingin mo, maniniwala sya sa mga sinabi mo?"

"Natural hindi. Makitid ang kokote nun eh. Yun pa, eh kilala ko ugali nun.
Pinaniniwalaan lang nun eh kung ano ang nakikita nya. At kung lalo pa nyang
pakikitirin ang utak nya, malabo nang malaman nya ang totoo. Lalo pa, kasama nya
ngayon yung sinasabi mong asawa nya. Kung ako ang nasa posisyon nya, mahihirapan
din akong paniwalaan na ikaw ang asawa ko. Iba na nga ang mukha mo, kasama pa nya
yung babaeng ginagamit ang itsura mo. Kaya pala hindi ka hinahanap, may iba na
palang kasama."

"Sabi mo kaya mong patunayan na ako nga ang asawa nya? Bakit hindi mo ginawa?"
inis na tanong ni Erajin sa kanya

"Ah! Ano sya maligaya! Bahala syang alamin ang totoo! Sinama kita doon para sabihin
sa kanyang ikaw ang asawa nya! Hindi ko na problema kung maniniwala sya sakin o
hindi! Matuto syang umintindi ng isang salita! Hindi sya kawalan sayo, Erajin! Ikaw
ang kawalan sa kanya!"

Napabuntong-hininga nalang si Erajin dahil pansin na pansin na talagang may rivalry


between Mephist and Shadow. "Ano nang gagawin natin ngayon?"

"Tapos na ang trabaho ko sa inyo. Bahala na si Razele sa iba nyo pang problema."
..................................................

Alas kwatro na ng hapon nang makabalik sila Erajin at Arkin sa apartelle.

"Nandito na kami," sabi ni Erajin pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto

"Ry!!!" bigla syang niyakap ng isang di nya kilalang lalaki "Buti naman at-- Ay
nakupo! Pasensya na!"

Agad din itong lumayo pagkatapos makita ang mukha ni Erajin "Sorry, hehehe, akala
ko ikaw si Erajin" napakamot tuloy sya ng batok dahil sa hiya

"Sya si Erajin. Di ka nagkakamali." sabi ni Arkin na tuloy-tuloy nalang na pumasok


at humiga sa kama

"O?? Sya??" itinuro pa ng lalaki si Erajin

"Hayaan mo na yang lalaking yan, Jin." hinatak nalang ni Brielle si Erajin sa loob

Si Erajin naman, wala na sa mood para mag-isip pa tungkol sa lahat ng nangyayari.


Wala na syang naiintindihan kaya sumasakit na ang ulo nya kakaisip. Ngayon, para
syang batang nakatingin dun sa lalaking yumakap sa kanya.

Umupo sya sa kama at nag-isip "Teka..." napahawak si Erajin sa baba nya at inisip
kung saan nga ba nya nakita yung lalaking yun "Hmm..." isip pa ng konti "Tsk!
Ano ulit yun?" tinap pa nya ang baba at pinilit na isipin kung saan nga ba nya
nakita yung lalaki

"Pano nangyari?"

"Mahabang istorya, wag ka nang magtanong..."

"Sigurado kayo?"

"Nakausap nga namin yung psycho alter nya."

"Ah! Jesada Kugimiya! Tama!" masayang sinigaw ni Erajin habang tinuturo yung
lalaking yumakap sa kanya

Sabay-sabay nilang nilingon si Erajin na puno ng pagtataka ang mga mukha

"A-anong sinabi mo?" nagtatakang tanong ni Razele sa kanya


"Uhh, Jesada Kugimiya?" hindi sure na sagot ni Erajin

Nagkatinginan si Brielle at yung tinawag nyang Jesada

"NO WAY!!" sigaw ni Brielle at dali-daling nilapitan si Erajin at tumayo sa harap


nito "Paano mo natawag na Jesada Kugimiya 'tong lalaking 'to ha?" tanong nya
habang nakapameywang ang isang kamay at nakaturo naman ang isang kamay dun sa
kausap nyang lalaki

"Uhmm..." tinignan ni Erajin yung tinuturo ni Brielle "Parang kilala ko sya.


Markus diba?" ngumiti pa sya ng pilit para i-clarify kung tama ba ang sinabi nya

Nagkatinginan uli sila Razele na halatang gulat na gulat sa sinabi ni Erajin

"Wow. Kilala nya ko. Astigin ah. Akala ko ba may amnesia sya." sabi ni Markus

"Don't tell me, itong mokong na 'to naaalala mo tapos sarili mo hindi?" pagtataray
ni Brielle

Isang I-dont-know shrug lang ang binigay ni Erajin kay Brielle

"Sabi ko sa inyo, ganyan kalakas ang appeal ko. Mahirap talagang kalimutan."
kunyari pang nasisilaw si Markus habang nakatingin sa bintana with matching Mr.
Pogi pose pa
"Parang gusto ko nang pagsisihan ang pagpapakasal ko sayo." sabi ni Brielle sabay
eyeroll at lakad paupo sa isang upuang nandoon

"Bakit ikaw kilala ko?" tanong ni Erajin kay Markus

"Alam mo, hirang..." umupo sya sa tabi ni Erajin at saka nya ito inakbayan
"...ako kasi talaga ang lalaking nakatadhana para makasama mo habambuhay"

POK!

"Aww! Bakit ba??" reklamo agad ni Markus nang pagkatapos syang batuhin ni Brielle
ng bote ng mineral water sa ulo

"Ambagsik talaga ng takbo ng kokote mo eh 'no." sarcastic na sinabi ni Brielle


"Layuan mo yang babaeng yan kundi lalabas ka dito nang hindi na humihinga."

Hinatak agad ni Arkin si Erajin palayo kay Markus tapos si Razele naman cinover si
Brielle.

"Pag nag-away na naman 'tong dalawa dahil sayo Markus, ako na mismo papatay sayo."
warning ni Arkin

Tumayo sya at idinipa ang mga kamay "WHY?? Inosente ako!!"


At kung ano-anong bagay na ang nagliparan para patamaan sya.

"Inosente mo mukha mo!!" -Arkin

"Pakamatay ka na!!" -Razele

"Hwoy tama na!! Inggitero talaga kayong dalawa kahit kelan!" pinipilit nyang i-
cover ang mukha sa mga binabato sa kanyang bote, plastics, mga balat ng pinagkainan
at kung ano-ano pa

"Ako na tutumba sa hayup na yan! Kahit walang bayad!" -Arkin

"Kung naiinggit kayo sakin, wag nyong ipakita! Lalong umaangat ang gandang lalaki
ko dahil sa mga insecurities nyo sakin eh!" sabi ni Markus habang nakikibato na
rin para patamaan sila Razele

"Tigas talaga ng mukha mo!" ibinato na ni Arkin ang itim na ottoman na nasa sulok
ng kwarto

"Hoy!" nasalo agad ni Markus ang ottoman at smooth na smooth iyong inilapag sa
paanan nya "Arkin, epal ka talaga!"

Nanlaki ang mata ni Razele nang mapansin ang pulang kung tuldok sa noo ni Erajin
kaya binuksan nya agad ang pinto
"Sabihin mo yan sa sarili mo!" sigaw ni Arkin sa kanya sabay bato ng dala nitong
desert eagle kay Markus

"Ilabas nyo si Erajin!" sigaw ni Markus sabay tutok ng baril sa bintana

BANG!

BANG!

BANG!

Dali-daling hinatak ni Brielle si Erajin palabas ng kwarto nila

<Play nyo yung video, perfect yung song sa mangyayari>

Sandaling hindi nakapag-isip si Erajin sa oras na yon. Masaya ang nagaganap, pero
anong nangyari?

Late na nang nag-sink in kay Erajin kung anong nangyayari. Tumatakas na naman sila
ngayon.

Nilingon nya kwarto kung nasaan naiwan sila Markus

"Dumiretso ka lang! Wag ka nang lumingon!" sabi sa kanya ni Brielle


Naririnig ni Erajin ang mga putok ng baril. Pagbaba nila sa may second floor ng
apartelle, nagkakagulo na ang mga tao doon.

Natanga sandali si Erajin habang nakikitang nagkakagulo ang mga tao.

"Jin! Tara na!" tinutulak-tulak na sya ni Brielle pababa sa hagdanan

Nag-slomo ang paligid sa kanya. Natutulak na sya ng mga nagkakagulong tumutuloy sa


apartelle na yon.

Pagbaba nila sa may front desk, itinakbo sya agad ni Brielle palabas.

"Delikado na sa loob! Jin, kilos!!"

Umaambon nang nakalabas sila ng apartelle. Madilim na ang paligid at mukhang ilang
sandali lang ay uulan na ng malakas.

"Brielle, sila Arkin!" huminto pa si Erajin at akmang babalik pa sa loob

"Hayaan mo na sila!" sigaw sa kanya ni Brielle kaya napahinto sya

"Pero--" paglingon ni Erajin, naglitawan na ang mga Rankers na tinututukan sila ng


baril
Lumalaki na ang patak ng ulan at lalong umiinit ang paligid habang umaangat na ang
alimuom ng lupa

"Dyan ka lang, akong bahala sayo." sabi sa kanya ni Brielle habang cino-cover sya
mula sa mga Rankers na nakapalibot sa kanila "Tsk, bakit mga S Class ang pinadala
nya, nababaliw na ba sya..."

"Ibigay mo na sya samin, Ranger" sabi sa kanya ng isang Ranker

"Ano 'ko, tanga?!" binabantayan talaga ni Brielle ang buong paligid dahil alam nya
anumang oras susugod na ang mga Rankers na nakapalibot sa kanila

"Gabrielle!"

Napalingon si Brielle at Erajin sa entrance ng apartelle. Hawak na ng mga S Class


Rankers si Razele at Markus.

Nakarinig sila ng nababasag sa itaas at mukhang nakikipaglaban pa doon si Arkin.

Ibinalik ni Brielle ang tingin sa mga Rankers.

"Ano bang kailangan nyo sa kanya?! Wala naman kayong mapapala kung makukuha nyo
sya!" sigaw sa kanila ni Brielle

Lumakas na ang pagbuhos ng ulan at lumalabo na rin ang paligid.


Hinawi ni Erajin ang basang buhok sa mukha nya

"Kung hindi mo kami susundin, mapipilitan kaming labanan ka!" sigaw ng isang
Ranker sa kanya

"Eh di labanan nyo!" hamon ni Brielle sa kanila

"Brielle, wag ka nang lumaban!" sigaw ni Markus sa kanya

"Humanda kayo sakin!!!" sinugod na ni Brielle ang isang Ranker

Nagpaputok na ang mga Rankers para pigilan sya. Inilagan nya ang mga balang
paparating at ginawa ang HeartStopper sa isang Ranker na mas malapit sa kanya.
Kinuha nya agad ang baril na hawak nito at pinaputok sa iba pang Rankers.

Naguguluhan si Erajin at hindi alam ang gagawin.

Gusto nyang tumakbo pero napako na sya sa kinatatayuan. Papikit-pikit sya habang
natatamaan ng malalaking patak ng ulan ang mga mata nya.

Nakikita nya si Brielle na lumalaban para protektahan sya sa mga gustong kumuha sa
kanya.
Naririnig nya sila Razele na sumisigaw para tumigil na si Brielle dahil TopRankers
na ang mga kalaban nito na halos kasinlakas na rin nya.

"Tama na..." mahina nyang sinabi

Nakikita nyang malapit nang bumagsak si Brielle dahil sampu-sampu ang nilalabanan
nya habang wala na syang kahit anong armas.

"Tama na... Tumigil na kayo..."

Nanlaki ang mga mata nya nang makitang napaluhod si Brielle at tinutukan na ng mga
baril sa ulo. Tumayo sa harapan nya ang isang Ranker para kunin sya.

Pumikit sya ng mariin at

"AAAAHHHH!!!!"

Sumigaw sya ng malakas at dumipa. Kinuha nya gamit ng mga daliri ang mga patak ng
ulan sa ere at hinampas ang hangin

Parang tumigil ang mundo pagkatapos ng ginawa nya.

Unti-unti syang dumilat at nakita ang mga Rankers na gulat na gulat na nakatingin
sa kanya

Dahan-dahan nyang tinignan ang ibaba nya.

Nanlaki ang mga mata nya nang makitang hiwa-hiwa na ang mukha at halos humiwalay na
ang leeg sa ulo ng Ranker na humarang sa kanya.

Nanginginig ang buong katawan nya habang umaagos ang mga dugo sa kalsadang
kinatatayuan.

"Layuan nyo sya..." napalunok si Erajin habang dahan-dahang nililipat ang tingin
sa mga Rankers na kakikitaan ng takot sa mukha "Layuan nyo si Brielle..."

Itinaas ng isang Ranker ang baril nya at

BANG!

Sa mga mata ni Erajin,

Huminto bigla ang takbo ng oras. Nakikita nya ang mga patak ng ulan na dahan-dahang
tumutulo mula sa langit. Nakikita nya ang balang papalapit sa kanya. Kitang-kita
nya kung paano sanggain ng bala ang mga patak ng ulan habang papalapit ito.
Bumunot sya ng dalawang hibla ng buhok nyang basa. Kalahating dipa nalang ang layo
ng bala sa kanya nang ihampas nya ang hibla ng buhok sa balang papalapit.

Nahati sa tatlong piraso ang bala at isa-isa nyang pinitik sa ere para patamaan sa
leeg ang tatlong Rankers na tinututukan si Brielle ng baril sa ulo

Pagbagsak ng tatlong Rankers, para na ring bumalik sa normal na takbo ang oras sa
lahat.

Halos bumagsak ang mga panga ng mga nakakita ng pagbagsak ng tatlong katawan sa
kalsada.

Walang nakakita ng nangyari. Hindi nila alam kung paano bumagsak ang tatlong
Rankers na butas na ang lalamunan.

Nagpaputok ng baril ang isang Ranker, pero ni wala man lang natamong galos si
Erajin at nakuha pang makapagpabagsak ng kalaban.

Hindi kagulat-gulat kila Brielle ang nangyari, ang kaso may amnesia si Erajin kaya
hindi nila inaasahang gagawin nya yun.

Pumikit si Erajin at tumingala sa langit habang nakapikit. Ang panginginig ng


katawan nya ay biglang nawala. Kumalma ang damdamin nya at para syang gumaan.
Dumipa sya at inipon ang mga patak ng ulan sa kamay nya.
"Ang sabi ko, layuan nyo sya." warning ni Erajin sa mga Rankers. Dumilat na sya at
ipinaikot sa mga daliri ang mga patak ng tubig na animo'y maliliit na butil na
kristal

Ibinaba nya ang walang buhay nyang tingin sa mga Rankers na naititira.

"Hindi kayo makikinig?" napakahinahon nyang tanong

Napaatras ang isang Ranker nang biglang sumulpot si Erajin sa harapan nya nang
hindi nya namalayan. Diniretso ni Erajin ang kanang palad nya at isang malakas na
hawi ang ginawa nya sa ere kaya nakagawa sya ng isang matalas na guhit ng tubig
dahilan para magilitan ng leeg ang Ranker.

Tinabig nya ang baril sa kamay nito at sinalo iyon. Mabilis nyang kinalas ang baril
at bawat parteng matatanggal nya ay pinatama nya sa iba't ibang parte ng katawan ng
mga kalaban nila.

Dalawang bala ang tinanggal nya sa magasin ng baril at iyon ang pinatama nya sa noo
ng dalawang S Class Ranker na may hawak kila Razele at Markus.

Segundo lang ang itinagal ng ginawa nya sa labindalawang High at Top Rankers.

Lalong lumakas ang ulan, at napuno ng pulang likido ang kalsadang kinatatayuan
nila.

Maririnig ang sirena ng mga pulis sa di-kalayuan.


Natanga si Erajin habang nakatingin sa malayo.

Tumatakbo na si Razele sa pwesto nila Brielle. Si Markus, pumunta na agad sa isang


pink na Avanza na nakaparada doon at binasag ang bintana ng kotse. Tumalon na sa
balcony ng second floor ng apartelle si Arkin para puntahan sila

....Jin! Tara na!.....

Sinisigawan sya ni Razele. Naririnig nya ngunit hindi rumerehistro sa utak nya.

....Gabrielle!....

Wala sya sa sarili nang lingunin si Brielle na inaalalayan ni Arkin. Kahit si


Arkin, duguan na rin ang mukha.

Nakita nalang nya ang sarili habang hinahatak ni Razele papunta sa Avanza na
cinarnap ni Markus

Nawala na naman sya sa sarili nya.

Umuulan.

Napakalakas ng ulan na yon.


Nakikita nya ang sariling hinahatak ni Ranger habang may sinisigaw itong hindi nya
maintindihan. Nakalingon sya sa likuran at nakikita ang isang lalaking may hawak na
pugot na ulo ng isang babae.

Isang walang buhay na tingin ang binigay ng lalaking yun sa kanya.

"Abeoji, wae"

"Jin!"

Biglang nagbalik sa sarili si Erajin at nakita nalang ang sariling nakaupo sa kotse
at lahat ng mata nakatingin sa kanya.

"Ano ka ba! Nawawala ka na naman sa sarili mo!" sigaw sa kanya ni Brielle na


katabi nya sa backseat

"You can stop shouting, Gabrielle." seryoso nyang sinabi at itinuon ang tingin kay
Markus na nagd-drive "Dalhin mo ko ngayon sa HQ, kakausapin ko na si Daniel para
matapos na ang lahat ng 'to."

Biglang huminto ang kotse at halos lahat sila sa loob ay napatalsik sa harap.

"Inaatake na naman ba yan ng kabaliwan nya?" bulong ni Markus kay Arkin na nasa
passenger seat
"Markus, kung hindi mo ko susundin, sabihin mo na habang maaga pa." seryoso nyang
sinabi

Nagtinginan ang apat para malaman ang opinyon ng bawat isa.

"Erajin, muntik na tayong mamatay kanina!" galit na sigaw ni Razele na nasa tabi
din nya

"Papatayin ka ni Daniel kapag pumunta ka sa HQ!" sigaw ni Brielle sa kanya

"Hindi kami magpapakamatay para lang sayangin mo lahat ng pinaghirapan namin para
sayo! Papatayin mo na naman ang sarili mo! Tumigil ka na sa kabaliwan mo, Erajin!"
galit na galit na sinabi ni Arkin

"I'm going to kill him! At alam nating pare-pareho na ako lang ang makakagawa non!
Wala na kong pakialam kung pag-aari nya ang buhay ko at nating lahat! Tama na ang
pagbabayad ng utang na loob! Sawang-sawa na kong tumakas!"

Halos hingalin si Erajin pagsigaw nya

"Jin... Nagbalik na ba ang memorya mo?" tanong ni Brielle

_______________________________________________________

At dahil nga sa nakwento kanina. May chance na every weekend may updates kaso hindi
na kasing dami. One or two chapters nalang siguro ang magagawa ko every week.
Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito.

At sa mga nagtatanong at nagre-request ng Book 7...


Naibigay ko na ang title sa aking Group page at alam na ng mga members nun kung
anong meron sa Book 7 ^__^)v

October 4 dapat ang ud pero inagahan ko na. Libre ni Papa yung load eh hehehe...

27

tingin nalang kayo sa media. Si Josef at Daniel yang nasa picture ^_^)v

______________________________________________________

"Akala ko na, sagad na ang kabaliwan nya nang hamunin nya ng gyera ang Higher-ups."
sabi ni Markus habang nakatingin sa HQ building

"Bakit kaya wala pa sa Guiness yang babaeng yan? Pasadong-pasado sya sa World's
craziest killer ever." sabi ni Brielle

"Ayokong kabahan, kaso hindi ko talaga maiwasang hindi kabahan eh," nag-aalalang
sinabi ni Arkin habang nakapatong ang siko sa bintana ng kotse at kagat-kagat ang
hinlalaki "Ayokong patayin nya si Crimson! Pero ayoko ring may gawin 'yong masama
sa kanya!"

"Sino ba ang may gustong patayin nya si Crimson ha?" inis na sinabi ni Brielle
"Alam nating pare-pareho na mahirap mapaglayo ang dalawang yun. Papatay si Daniel
para kay Erajin. Papatay si Erajin para kay Daniel. Tapos ngayon, magpapatayan
silang dalawa??"

Sa loob ng HQ....

Nagdire-diretso si Erajin at Razele sa HQ Monitoring Room.

"CRIMSON!"

Galit na galit si Erajin habang humahawi ang mga Rankers na nandoon para paraanin
sya

Nakita nya sa dulo ng kwarto na nakaupo sa swivel chair ang taong hinahanap nya.

"Eto ang gusto mo diba?" inis nyang sinabi at saka huminto sa harap ni Crimson

"You're too fast," nakangiti ng simple si Crimson sa kanya "Hindi ko alam kung
napakadali mo lang talagang pasukuin o umaariba na naman ang katigasan ng ulo mo"

"Tigilan mo na sila Razele. Sasama na 'ko sayo." sabi ni Erajin

"Good." tumayo na si Crimson at kinuha ang braso ni Erajin "Makukuha mo na ang


posisyon mo ngayon," sabi nya kay Razele
"Erajin," tawag ni Razele habang pinapanood nyang kaladkarin ni Crimson paalis ng
Monitoring Room si Erajin

............................................................

Nasa parking lot ng HQ ngayon sila Crimson. Mahigpit ang hawak nya sa braso ni
Erajin.

Madilim na ang paligid dahil lumubog na ang araw. Lumingon sa paligid si Erajin at
nakita nya sa kabilang kalsada ang pink na Avanza na sinakyan nila papunta sa HQ.
Hindi pa rin pala umaalis sila Brielle.

Binuksan ni Crimson ang pinto at halos ibalibag na sya papasok sa loob ng kotse.
Hinimas nya ang brasong halos mamula na dahil sa mahigpit na pagkakahawak. Pumasok
na si Crimson sa loob ng kotse at sinilip sa sulok ng mata nya si Erajin na wala pa
ring imik.

Pinaandar na nya ang kotse at umalis na rin sa lugar na yon.

May ideya si Erajin sa kung anong pwedeng mangyari kapag sumama sya kay Crimson. At
alam nyang hindi iyon maganda.

................................................

Napakatahimik ng byahe nila at kung anong ikinalamig ng panahon ay ganun nalang


kainit ang tensyong nasa loob ng kotse. Giniginaw na sya dahil basa pa rin ang
damit nya hanggang ngayon dahil sa ulan kanina. Nakabukas pa ang aircon ng kotse.

Pilit nyang itinatago ang nginig at ang tunog ng ngipin nya habang nangangatal
dahil sa lamig. Ayaw nyang humalukipkip dahil kahit paano'y may tatag pa rin syang
natitira sa katawan.

Ilang beses syang lumunok kahit na sumasakit na ang lalamunan nya. Gusto nyang
pumikit dahil sa antok kaso kapag ginawa nya yon, baka gumising nalang syang nasa
pinakaalanganing sitwasyon na.

...................................................

Alas onse na ng gabi nang makarating sila Erajin sa isang malawak na casa. Huminto
ang kotse sa harap ng isang malaki at magandang bahay na kulay puti.

Bumaba na si Crimson ng kotse at dali-daling binuksan ang pinto ng kotse para


hatakin si Erajin sa loob non. Sumubok pumalag ni Erajin pero masyado na syang
mahina at inaantok na sya dahil sa lamig.

Kinaladkad sya ni Crimson papunta sa isang malaking receiving area. Isang iyong
pabilog na lugar at nakaayon ang kahoy na upuan na may kulay berdeng upholstery sa
hugis nito. May maliit na mesang bilog sa gitna at naiilawan ang buong lugar ng
magarang chandelier.
"Trinaydor mo ko, Erajin." ramdam ang pigil na galit sa boses ni Crimson "Sa
dinami-rami ng tao, ikaw pa."

Itinulak sya ni Crimson kaya na-off balance sya at napaupo sa marmol na sahig ng
lugar. Kinagat nya ang labi dahil alam nya kung paano magalit si Crimson.

"Pinahiya mo ko..."

Lumapit si Crimson at tumayo sa harapan nya

PAK!

"...Nakakadismaya ka."

Damang dama ni Erajin at sakit ng sampal na yon na binigay ni Crimson sa kanya

"Wala akong pakialam kung nawalan ka ng alaala..." hinatak nya ang suot na shirt
ni Erajin para patayuin ito "Kayang-kaya kong ibalik kung ano mang alaala ang
nawala sayo!"

Pinilit iiwas ni Erajin ang tingin nya sa galit na galit na tingin ni Crimson

"Nagpapasalamat ako sa kung sinong demonyo ang nagbalik sayo dito"

"I'm sorry, Dan." tanging nasabi ni Erajin habang nakatingin sa gilid

"Huh! Sorry? You should be sorry!" at isang malakas na sampal na naman ang
ibinigay nya kay Erajin.

Nakagat ni Erajin ang labi nya dahil sa sampal na yon kaya dumugo ito.

"Akala ko ba papatayin mo na ang lalaking yon pagkatapos ng kasal nyo? Bakit hindi
mo sinunod ang plano?" galit na tanong ni Crimson

Napapikit si Erajin at nahirapang hanapan ng sagot ang tanong na yon ni Crimson.

Naalala nya ang puno't dulo ng lahat.

Ang tunay nyang pakay kaya pumayag syang magpakasal kay Rynel Joseph Malavega, pati
ang pananamantala nya sa nararamdaman ni

Jocas para pumayag sa kasal na yon.

"TINATANONG KITA! BAKIT HINDI MO PINATAY ANG TAONG YON!"

Gustong lumaban ni Erajin. Kaso hindi iyon ang tamang oras. Hindi iyon ang tamang
panahon para labanan si Crimson.

"Wag mong ikatwirang wala kang naaalala. Kilala kita, Erajin," paulit-ulit nyang
tinulak ng hintuturo nya ang noo ni Erajin "Basang-basa ko na ang takbo ng utak mo
at ng ugali mo. Maloloko mo ang lahat pero hindi ako." hinawakan nya ang panga ni
Erajin para pilitin itong tumingin sa kanya "HINDI AKO, ERAJIN! HINDI AKO!
NAIINTINDIHAN MO!"

Pumikit nalang si Erajin para hindi makita ang matalim na tingin sa kanya ng
lalaking itinuring nyang may-ari ng buong pagkatao nya.

Si Daniel. Sya ang tunay na nagmamay-ari sa kanya.

Buong buhay nya, si Daniel ang kasama nya. Walang Cas, walang No. 99, walang Josef.
Si Daniel lang. Sa panahong nakikipaglaban sya para sa buhay nya, si Daniel lang
ang kasama nya.

Bago pa nya makilala si Richard Zach, pagmamay-ari na sya ni Daniel.

Utang nya ang buong buhay nya sa lalaking galit na galit sa kanya ngayon.

Hindi mabilang kung ilang beses syang iniligtas ni Daniel sa Isle; ilang beses
nitong dinugtungan ang buhay nya; ilang beses nitong tinulungan sya para lang
maabot nya ang kung anong naabot nya ngayon.

"Mahal mo? Mahal mo sya?"

Mariin pang pinikit ni Erajin ang mga mata nya

"Napakadali lang pumatay, Erajin. Kaya mong patayin ang lalaking yun, bago pa mabuo
yang walang kwentang pagmamahal na yan!"

Naluha nalang si Erajin at kinagat ang labi nyang nanginginig

"Sya lang, Erajin. Isang walang kwentang magnanakaw lang papatayin mo." marahas
nyang binitawan ang panga ni Erajin at saka ito itinulak

Napaatras ng dalawang hakbang si Erajin at napayuko nalang

"Nakita mo na ang bunga ng ginawa mo? Sya lang ang tatapusin mo, titigil na ang
walang kwentang batas na patuloy naming sinusunod. Sya lang."

Alam ni Erajin kung bakit sya ang gusto ni Crimson na tumapos kay Shadow. Alam na
alam nya.

Ganun kalaki ang galit ni Crimson sa mga Superiors at sa Fuhrer na umabot pa sa


puntong gusto na nito na mismong prinsesa ng Citadel ang tumapos sa Criminel Credo
at sa mga Superiors.

Kung tinapos nya si Shadow umpisa palang, hindi na aabot sa ganitong punto ang
lahat.

Si Shadow ang huling fullblood Zach sa bloodline ng pamilya ng Fuhrer. At ang


kamatayan nya ang hudyat na tapos na ang paghahari ng Superiors at ng Criminel
Credo.

Kamatayang matagal nang hinihintay ni Crimson ngunit hindi naganap sa panahong


dapat ay naganap na.
Pumikit nalang si Erajin at hinintay ang mga pwedeng mangyari.

Naririnig nya ang tunog ng mga kuliglig sa paligid at ang ilang beses na
pagbubuntong-hininga ni Crimson.

"I'm sorry if I failed again, Dan. I'm sorry." mahinang sinabi ni Erajin "I
failed again... And it's my fault."

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang narinig ni Erajin.

Napadilat sya ng bigla syang hatakin ni Crimson at nasubsob nalang ang mukha nya sa
balikat nito. Niyakap sya nito ng mahigpit.

"Kalimutan mo nalang ang lahat. Wag ka nang bumalik doon." mahinang binulong sa
kanya ni Daniel "Tandaan mo..."

Naririnig nya ang panginginig sa boses ni Crimson

"Akin ka lang, Erajin... Akin ka lang"

28

Nalingat lang ako sandali, aba'y nagkagulo na sa republika ng Pilipinas!

Kalma lang guys! Dun sa mga sinumpa na si Crimson, 'ge! Push! Dun sa mga nag-react
sa Page Not Found issue, I'll upload it next update, nabura kasi yung file kaya
kelangan i-retype and I don't have time for that now kasi exam, tapos may trabaho
pa ko so wala talaga akong makitang schedule for that to be fixed right now.

Anyway, kalahati ng chapter 27 palang ang naa-upload ko, nag-react agad kayo ng
bongga. Eto pala yung kalahati nun. Ngayon kayo mag-react.

Exam namin ngayon pero hindi ako nagre-review hahahaha! Paktay ako neto sa nanay
ko!

(hindi ko pa 'to nae-edit. Libre lang kasi yung load so samantalahin ang
pagkakataon ngayong madaling-araw kasi all-day wala ako sa bahay dahil sa school at
trabaho)

___________________________________

"Nakahalata ba sila?" tanong ni Ji Han

"Hindi naman. Pero kilala ako bilang Aspasia nung stepfather ni Josef." sagot ni
Aspasia

Nilingon ni Ji Han ang paligid. Nasa likod sila ng townhouse kung saan tumutuloy
ang mag-asawa. Silang dalawa lang ni Aspasia ang naroon at malamang na walang
makakarinig sa kanila.

"Wala tayong problema kay Thompson. Bihira lang sila magkita ng Fuhrer. Nasunod na
ang plano namin, nakuha na ni Crimson si RYJO. Mahihirapan na syang makaalis doon
kaya ayusin mo ang trabaho mo" sabi ni Ji Han
"Alam nyo, kung hindi lang malaki ang binayad nyo sakin, hindi ko 'to gagawin."
nagpameywang sya at ngumiwi habang nililingon-lingon ang paligid "Anlaking
kabaliwan nito eh. Tapos hindi rin magtatagal, papatayin nyo rin si Josef para
yung-- kung sinong Daniel na yun yung umupo sa-- ano ba tawag dyan? Trono?"

"Pwede, wag ka nang magsalita. Wala ka namang alam eh." inis na sinabi sa kanya ni
Ji Han

"Hindi naman sa-- ok..." sumuko na rin sya "Pero bakit kelangang patayin pa si
Josef? Hindi ba pwedeng-- alam nyo yun? Baka pwedeng, pakiusapan lang..."

Napa-eyeroll nalang si Ji Han sa sinabi ni Aspasia

"Mabait naman si Josef eh, medyo-- medyo ano lang..." napakamot nalang sya ng ulo
dahil hindi nya alam kung paano ie-explain ang gustong sabihin

"Aspasia, kung ano man yang nararamdaman mo para kay Josef, hindi yan totoo. Isa sa
mga kakayahan nya ang paibigan ang kahit sinong babae."

"WALA NAMAN AKONG SINABI AH!" depensa agad ni Aspasia na namumula

"Wag mong hahayaan ang sarili mong mahulog sa lalaking yun. Umayos ka. Sobra-sobra
na ang bayad sayo, hindi pa kasama ang natatanggap mong atensyon at kapangyarihan
bilang Armida Zordick." paalala sa kanya ni Ji Han

"Oo na." hinawi nalang nya ang buhok sa balikat "Mukha namang hindi sya
nakakahalata eh,"

"Siguraduhin mo lang yang sinasabi mo, dahil ako mismo ang papatay sayo kapag
nahuli tayo,"

At naglakad na sila papunta sa harap ng townhouse para makabalik na.

Pagkaalis nila doon, isang lalaki ang sumulpot sa gilid at pinanood sila Aspasia at
Ji Han na umalis.

"Aspasia..."

..........................................................................

Meanwhile.....

Nakabihis ng maayos na damit si Erajin at nakaligo na rin sya. Isang plain red
cotton longsleeve at maikling shorts ang suot nya. Pansin ang pasa sa kanang pisngi
nya at isang sugat sa labi.

Nasa dining room sya ngayon at kumakain habang binabantayan ni Daniel. Hatinggabi
na pero nakuha pa syang ipaghain ng pagkain.

Ang bagal ng pagnguya nya sa kinakain. Ginugutom sya pero ayaw tanggapin ng sikmura
nya ang kinakain.

"Aabutin ng dalawang linggo bago bumalik ang mukha mo sa dati." sabi ni Daniel
"Sa ngayon, hindi ka muna aalis dito,"

Lutang na lutang ang isip ni Erajin kaya hindi nya narinig ang sinabi nito

"Bilisan mo nang kumain, pagkatapos mo dyan, magpahinga ka na." sabi ni Daniel at


saka na sya tumayo at umalis sa dining room

Sinubukang sundan ni Erajin ng tingin si Crimson nang hindi lumilingon.

Napabuntong-hininga sya at ibinagsak ang hawak na tinidor at kutsara sa plato.


Ibinaon nya ang mukha sa mga palad dahil sa sitwasyon nya ngayon. Naiinis sya sa
sarili.

Tinignan nya ang pinto papuntang kitchen.

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa kwarto nya ngayon si Erajin. Nakahiga sya sa king size na kama at nakatulala
lang sa kisame.

Hindi nakasara ang bintana ng malaki at malawak na kwartong ibinigay sa kanya ni


Crimson. Tinatangay ng hangin ang puting kurtina nito. Nakapatay ang ilaw ngunit
hindi madilim dahil sa liwanag ng buwan. Wala syang ibang marinig kundi mga tunog
ng kuliglig.

Pumikit sya at pilit na inalala ang mukha ng asawa nya.

Ang Fuhrer. Si Shadow. Si Josef. Si Richard Zach. Si Rynel Joseph Malavega. At kung
anong pangalan pa ang meron sya.

Ang lalaking nagbigay uli sa kanya ng dahilan upang patuloy na mabuhay hanggang
ngayon.

May problema sya sa pag-iisip. At isa yon sa dahilan kaya napakadali nyang
makalimot. Ngunit iyon din ang dahilan kung bakit madali din syang makaalala.

Nakita nya ito kanina kasama si Aspasia. Gusto nyang magalit dahil ibang babae ang
kasama nito ngunit naalala nya ang tunay na dahilan kung bakit nagbago ang mukha
nya.

Kasalanan nya. Tama. Sya ang may kasalanan.

Bumangon sya sa pagkakahiga at tinignan ang tabi. Nandoon ang isang matalas na 6"
kitchen knife na kinuha nya sa kusina kanina at naghihintay lang para gamitin nya.

Kinuha nya ang kutsilyo at hinagod ito ng walang buhay nyang mga mata.

Dapat na siguro nyang gawin ang balak.

Tumayo na sya at tumungo palabas ng kwarto.

. . . . . . . . . . . . . .

Nakatayo sya ngayon sa harap ng isang malaking entrance ng kwarto. Wala itong pinto
at manipis na puting kurtina lang ang nagsisilbing nitong cover. Nakikita nya sa
loob non si Daniel na natutulog sa isang malaking kama na iniiliwan ng liwanag ng
buwan na nanggaling sa isang malaking bilog na bintana sa kisame.

Dahan-dahan syang naglakad papalapit dito. Pahigpit nang pahigpit ang hawak nya sa
kutsilyo habang naglalakad sya.

Nanginginig ang katawan nya habang tinitignan ang mukha ni Daniel.

Naghahalo ang galit, takot, lungkot at pagsisisi sa loob nya. Sa tagal ng


pinagsamahan nila ni Daniel, hindi nya akalaing dadating sya sa puntong tatapusin
nya ito.

Sya ang Slayer. Sya ang taga-tapos ng mga assassins. At assassin si Crimson kaya
may karapatan syang tapusin ito.

Sumampa sya sa kama. Inihakbang nya ang kaliwang paa sa beywang ni Daniel at dahan-
dahan syang umupo sa may tyan nito. Walang makikitang reaksyon sa mukha ni Erajin
nang magising si Daniel dahil sa kanya.

"Anong kailangan mo?" tanong sa kanya ni Daniel

Itinutok ni Erajin ang hawak na kutsilyo sa leeg ni Daniel.

"Para lang sa kanya, makakaya mo kong papatayin?" mahinahong tanong ni Daniel

"Hindi ko 'to ginagawa dahil sa kanya. Muntik mo nang patayin ang mga kapatid
natin, Daniel. Naisip mo ba yon?" nanginginig na ang boses nya pati na ang buong
katawan nya

"Kayang-kaya kong isakripisyo ang kahit sino, makuha ko lang ang kailangan ko. At
alam kong alam mo yan." walang ka-emo-emosyong sinabi ni Daniel

Lalong nyang idiniin ang kutsilyo sa leeg nito

"Ang sama mo..." pigil na pigil nyang sinabi habang lalong lumalakas ang
panginginig ng kamay nya na nararamdaman din ni Daniel

Isang simpleng ngiti ang ibinigay ni Daniel sa kanya "You can't kill me."

"I-I can..." kinagat nya ang labi para pigilan ang pag-iyak

"You can. But you won't."

"Aarrgghh!!" itinaas nya ang kutsilyo at inamba kay Daniel

Wala naman itong reaksyon at hindi man lang nag-react nang huminto ang dulo ng
kutsilyo sa leeg nya.

Pinandidilatan ni Erajin si Daniel.

Hinihintay nyang lumaban ito. Ipagtanggol ang sarili nya. Protektahan ang sarili
nya para hindi masaktan. Tutal, napakadali lang nung gawin lalo pa, liban kay
Ranger, si Crimson ang pinakamalakas sa kanila pagdating sa man-to-man combat.

"Bakit hindi ka lumaban..." nanginginig na tanong ni Erajin

Walang sinagot si Daniel sa kanya sa halip ay pinanatili lang nito ang isang
blangkong ekspresyon.
"Lumaban ka..." patuloy sa panginginig ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Daniel
"LUMABAN KA!! LUMABAN KA!! LUMABAN KA!!!!"

Halos hingalin na si Erajin dahil sa galit at takot na nararamdaman.

Marahang hinawakan ni Daniel ang kamay ni Erajin at lalo pang idiniin ang kutsilyo
sa leeg nya dahilan para lumabas ang dugo sa balat nito.

"Kill me now. You're the Slayer." mahinanong sinabi ni Daniel sa kanya

Tinitigan lang ni Erajin si Daniel. Wala itong takot sa mga mata, bagay na natural
lang para sa katulad nya.

"Like what you said, kaya mo..."

Unti-unting tumulo ang luha ni Erajin habang tinitignan si Daniel.

"Pero gaya ng sinabi ko, hindi mo magagawa"

Pumikit ng mariin si Erajin at yumuko. Humikbi sya ng mahina habang kagat ang labi.

Ito na ang pagkakataon. Bukas na bukas ang gwardya ni Daniel, at kayang kaya nya
itong patayin...

Pero bakit hindi nya magawa?

Lumuwag ang pagkakahawak nya sa kutsilyo at kusa nalang itong nalaglag mula sa mga
kamay nya.

Siguro nga galit si Erajin kay Daniel. Galit na bunga ng mga kasalanang patuloy na
ginagawa nito sa buhay nya. Kilala nya si Daniel, kilalang-kilala nya. At alam nya
kung gaano kahalang ang kaluluwa nito. Alam na alam nyang kahit pa ang Elites
magagawa nitong isakripisyo, makuha lang gusto nya.

Ngunit hindi sapat ang galit na nararamdaman nya. Hindi sapat ang galit para
patayin ang kaisa-isang lalaking bumuo ng pagkatao nya. Madami syang isinakripisyo
para kay Daniel, pero walang-wala ang sakripisyo nya sa lahat ng sakripisyo nito sa
kanya.

Siguro nga, tapos na ang pagbabayad ng utang na loob. Pero hindi na utang na loob
ang issue dito.

"Bakit..." lumuluha nyang sinabi "Bakit kelangang ikaw pa, Dan... Bakit ikaw
pa..."

Bumangon si Daniel at naupo sa kama, hinayaan nya lang na mapaupo si Erajin sa may
hita nya.

Inilapag ni Daniel ang kutsilyo sa tabi nya at pinunasan ang pisngi ni Erajin na
natutuluan ng luha.

"Don't cry." iniipit nya sa likod ng tenga ni Erajin ang buhok nito sa mukha "I
don't want my princess cry in front of my very eyes..."

Niyakap ni Erajin si Daniel at isinubsob nya ang mukha sa leeg nito "I'm sorry...
I'm sorry... I'm sorry..."
"Ssshh... Don't cry. Please don't cry," hinagod ni Daniel ang buhok nya para
patahanin

Mahal na siguro nya si Josef.

Pero hindi sapat ang tatlong buwan na pagsasama nila para tapatan ang labingwalong
taon na pagsasama nila ni Daniel.

Mahal nya nga si Josef. Pero mahalaga si Daniel sa buhay nya.

At hindi nya gustong mamili sa dalawa dahil magiging masakit para sa lahat ang
kasagutan nya

Biglang pumikit si Erajin at agad ding dumilat

"What a scene," inilayo nya ang mukha kay Daniel para makita ang mukha nito.
Sinuklay nya palikod ang buhok gamit ang daliri at saka pinagpag ang suot na
maluwag na longsleeve shirt. Pinunasan nya ang pisngi at nilingon-lingon nya ang
paligid "Oh! Nice room" ibinalik nya ang tingin kay Daniel "Ooohh... Crim-son."

Iniangat ng kaunti ni Daniel ang mukha at tinantya ng tingin si Erajin "Erah"

Nag-evil smirk sya at dahan-dahang kinuha ang kutsilyo sa tabi ni Daniel "Nakita
mo kung gaano sya kahina?" itinaas nya ang kutsilyo at dahan-dahan nya itong
hinagod ng tingin "You always spoiled her kaya kahit ikaw hindi nya kaya," isang
mapang-asar na tingin ang binigay nya kay Daniel "She can kill you now, pero hindi
nya nagawa." sinakal nya si Daniel at itinutok sa kanang mata nito ang dulo ng
kutsilyo. Titig na titig sya sa mata ni Daniel habang iniisip kung paano nya
tatanggalin ang mata nito gamit ang kutsilyong hawak

"Bakit ikaw, kaya mo?" mapanghamong tanong ni Daniel

Isa pang evil smirk galing kay Erajin "Crimson, Crimson, Crimson..." tinanggal na
nya ang pagkakasakal kay Daniel at hinawakan nya nalang ito sa likurang buhok at
sinabunutan para maingat ang mukha nito at makita nya ng maigi "Kill you?" nag-
frown sya habang iginagala ang dulo ng kutsilyo sa noo nito pababa sa pisngi
"That's gonna be a big problem... Para ko na ring pinatay si Satanas kapag ginawa
ko yon," inilapit nya ang bibig sa kaliwang tenga ni Daniel para bulungan ito
"The world will be in chaos if the antagonist will be gone,"

Pinanatili lang ni Daniel ang pokerface nya "What do you want?"

Tumaas ang kilay ni Erajin at binitawan na rin si Daniel "This is boring," sabi
nya sabay eyeroll. Sinuklay uli nya ang buhok at hinagod ng tingin si Daniel. Wala
itong kahit anong pang-itaas at isang maluwag na pantalong puti lang ang pang-ibaba
"Oh, you never changed, honey." isang evil grin ang binigay nya kay Daniel "I
think, I already know what I want..."

Tumaas naman ang kilay ni Daniel sa sinabi nya

Hinubad ni Erajin ang suot nyang longsleeve kaya bumungad kay Daniel ang hubad
nyang katawan "Daniel..." sabi nya sa pinakamalanding tono na magagawa nya.
Pinalibot nya ang mga kamay sa may batok ni Daniel "Giniginaw ako..." at nagpa-
cute pa sya para maawa ito sa kanya

Naglaho ang pokerface ni Daniel at napalitan ito ng isang evil smirk "I can fix
that for you," hinawakan nya si Erajin sa kanang beywang at sa kaliwang pisngi at
saka nya ito hinalikan

__________________________________________________________

Ang next update: Sa first wedding anniv nila Armida at Josef hahahaha!

29

Guys, gusto nyong magkaanak si Armida diba? Wish nyo yan diba? Pangarap nyo yan
diba? Eh di bigyan natin ng anak! Sus! Madali naman akong kausap. Ako pa! Eh mabait
ako! Bwahahaha! Yung nga lang, ang ultimate question is.... Sino ang ____

<Hindi po ako yung nagsulat nito, napag-utusan lang. Sabi ni Ate author baka daw
next week sya mag-update>

___________________________________________________________________________

Nagising si Erajin nang makarinig ng tunog ng sasakyan mula sa kung saan. Bumangon
na sya sa pagkakahiga. Tinignan nya ang labas ng bintana, mataas na ang araw.

"Ah--" natigilan sya nang maramdaman ang pananakit ng buo nyang katawan. Kinagat
nya ang labi dahil sa sakit habang dahan-dahang umaayos ng pagkakaupo

Masakit ang katawan nya at hindi nya alam kung bakit. Hinawakan nya ang leeg. May
nahawakan syang kung ano, kaya kinuha nya iyon at tinignan. Tuyong balat.
Nagbabalat na sya, ibig sabihin ay nagsisimula nang bumalik sa dati ang mukha nyang
pinalitan.

Tinignan nya ang sarili. Wala syang kahit anong suot. Tinignan nya ang paligid.
Nasa kwarto pa rin sya ni Daniel.

Napabuntong-hininga sya at naisip na mukhang alam na nya kung anong nangyari


kagabi.

Dahan-dahan nyang tinanggal ang kumot na nakabalot sa kalahati ng katawan nya at


saka umalis sa kama. Pinulot nya sa sahig ang sa pagkakatanda nya ay mga suot nya
kagabi. Buong ingat syang nagbihis para hindi lalong sumakit ang katawan nya. Nang
matapos ay naglakad syang iika-ika palabas ng kwartong iyon. Hawak nya ang likurang
beywang habang kagat ang labi. Hirap syang maglakad at pakiramdam nya, napakalayo
pa ng lalakarin nya para lang makabalik sa kwartong ibinigay sa kanya ni Daniel.

Ilang dipa nalang ang layo nya sa pinto ng kwarto nya nang mapahinto sya. Nakakunot
ang noo nyang tinignan si Daniel na may hawak na tasa ng kape at napahinto nalang
din nang makita sya.

Inilipat nya ang tingin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hindi nalang nya
pinansin pa ang lalaki.

Nagpatuloy nalang din sa paglakad si Daniel na parang walang nakita. Nilagpasan


nila ang isa't isa na parang walang kahit anong nangyari.
Pumasok na si Erajin sa kwarto nya at agad na dumiretso sa banyo. Binuksan nya ang
tubig para punuin ang bathtub.

Lumublob sya agad doon nang mangalahati ito.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan nya nang kahit paano'y nabawasan ang sakit
ng katawan nya dahil sa lamig ng tubig. Pinunasan nya ang noo at nagulat nang may
mahawakan na namang kung ano. Tinignan nya ang nasa kamay, isang tuyong balat na
naman.

Dalawang taon na ang nakakalipas nang huli syang magpapalit ng mukha. At inabot ng
dalawang linggo bago bumalik sa dati ang totoo nyang itsura. Pero mukhang hindi na
aabot ng dalawang linggo ang kaso nya ngayon.

Pumikit sya at hinayaan ang sariling makatulog.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Hanggang kelan mo balak mag-stay dyan, hmm?"

Napadilat sya nang marinig ang nagsalitang iyon. Tinignan nya ang pinto ng banyo.
Nakatayo doon si Crimson na nakasuot ng uniform ng Elites. Isang itim na sando na
may tatak ng Escadron Elites insignia sa kanang dibdib, camouflage pants, combat
boots at black leather jacket na may malaking logo ng Four Pillars sa likod.

"Ang sabi ni Razele, umalis na kayo sa poder ng HQ. Babalik na ba doon ang Elites?"
tinatamad na tanong ni Erajin

"Balik sa pagiging autonomous ang Elites."

Pumikit nalang si Erajin at tumango nang dahan-dahan para sabihing naiintindihan


nya. Tumayo na sya para umalis sa bathtub. Nawala na rin ang sakit ng katawan nya.

"Anong oras na?" tanong nya

"1:54pm."

Tumango naman si Erajin sa sagot ni Crimson.

Kinuha nya ang puting bathrobe na nakasabit sa may rack at isinuot "Where are you
going?" tanong ni Erajin

"No need for you to know, chineck ko lang kung nag-suicide ka na naman."

"I'm still breathing, I still talk. Enough na yang proof na buhay pa 'ko,"

Nag-smirk nalang si Crimson at lumapit kay Erajin "May aasikasuhin lang akong
mahalagang bagay," tumayo sya sa harap ni Erajin. Hinawakan nya ito sa baba at
iniangat ang mukha nito gamit ang daliri nya

"I don't give a damn," sabi ni Erajin habang masama ang tingin kay Crimson. Nanlaki
ang mga mata nya nang may maramdamang kung ano sa kanang pulso nya. Itinaas nya
agad ang kamay para makita kung ano yon. Isang alarm tracker.

"Maaalerto ang buong lugar na 'to once na tumunog ang alarm na galing dyan. Don't
try to escape from me, dahil mabibigo ka lang."

Isang matalim na tingin ang binigay ni Erajin kay Crimson "Curse you," galit
nyang sinabi

Nag-smirk lang si Crimson bilang sagot at saka nya hinawakan ang kanang braso ni
Erajin at hinatak ito palabas ng banyo

"Ano ba! Bitiwan mo ko!!" pumalag nang pumalag si Erajin

"Alam ko kung paano ka mag-isip," lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa
braso ni Erajin "Papatayin mo lang ang mga tauhan ko kung tatakas ka dito,"

Pinilit na tanggalin ni Erajin ang kamay ni Crimson sa braso nya pero hindi nya
nagawa.

"Daniel, ano ba!! Bitiwan mo ko!! Daniel!!"

Umabot sila sa basement ng bahay. Itinulak sya ni Crimson sa loob ng isang


magandang kwarto na naroon.

"Hindi ka aalis dito hanggang hindi ko sinasabi," sabi ni Crimson at saka isinara
ang pintuan ng kwartong iyon mula sa labas.

Walang maririnig na kahit anong ingay dahil soundproof ang buong kwarto kapag
nakasara ang maliliit na bintana na nasa baba lang ng pinaka-kisame.

"Daniel!! Daniel palabasin mo ko dito!!" kinalampag nang kinalampag ni Erajin ang


makapal na bakal na pinto ng kwarto ngunit walang makarinig sa kanya "Daniel!!!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. .

Meanwhile...

"Lord Ricardo!"

Gulat na gulat ang lahat ng Guardians na naroon nang makita ang loob ng kwarto ng
mag-asawa.

Pinandidilatan ni Xerez ang bangkay ni Armida na nasa sahig. Halos maligo na ito sa
sariling dugo habang nakatarak ang isang kutsilyo sa dibdib nito. Nahirapan syang
lumunok dahil sa nakita.

"Xerez," tawag ni Josef

Inilipat ni Xerez ang tingin kay Josef na tulala habang nakaupo sa kama at duguan
ang kamay
"Y-yes... M-Milord..." dahan-dahan syang yumuko

"Anong alam mo dito..."

"M-Milord... H-hindi ko--"

"Pare-pareho lang kayo..."

Napatayo ng diretso si Xerez nang tumayo na si Josef at dali-dali syang nilapitan

"Wala kayong kwentang lahat," damang-dama ang galit sa mga salita ni Josef

Itinulak nya si Xerez at humawi agad ang mga Guardians para paraanin sya

"Anlakas ng loob nyong lahat para lokohin ako"

Kitang kita ang galit sa mga mata nya habang nilalakad ang hallway pababa ng second
floor.

-------------------------------------------

Yung flashback daw po nito, next update na po. :)))))

30

"Lord Ricardo!"
Gulat na gulat ang lahat ng Guardians na naroon nang makita ang loob ng kwarto ng
mag-asawa.
Pinandidilatan ni Xerez ang bangkay ni Armida na nasa sahig. Halos maligo na ito sa
sariling dugo habang nakatarak ang isang kutsilyo sa dibdib nito. Nahirapan syang
lumunok dahil sa nakita.
"Xerez," tawag ni Josef
Inilipat ni Xerez ang tingin kay Josef na tulala habang nakaupo sa kama at duguan
ang kamay

"Y-yes... M-Milord..." dahan-dahan syang yumuko


"Anong alam mo dito..."

"M-Milord... H-hindi ko--"

"Pare-pareho lang kayo..."


Napatayo ng diretso si Xerez nang tumayo na si Josef at dali-dali syang nilapitan
"Wala kayong kwentang lahat," damang-dama ang galit sa mga salita ni Josef
Itinulak nya si Xerez at humawi agad ang mga Guardians para paraanin sya
"Anlakas ng loob nyong lahat para lokohin ako"
Kitang kita ang galit sa mga mata nya habang nilalakad ang hallway pababa ng second
floor.
Dali-dali nyang nilakad ang parking lot ng lugar at tumapat sa isang itim na
mustang na nakaparada doon. Itinulak nya ang Guardian na nakabantay para makasakay
sya.
"Lord Ricardo!" tawag sa kanya ng mga Guardians ngunit hindi nya pinakikinggan
Pinaandar nya agad ang kotse at agad na tinungo ang main road.
Patingin-tingin sya sa rearview mirror ng kotse. Nakikita nyang hinahabol sya ng
ilang Guardians.
Lalo pa nyang pinaharurot ang sasakyan.
Sa paningin ng mga Guardians...
Limang kotse ang humahabol sa Fuhrer. At nakikita nila kung gaano kabilis ang
pagpapatakbo nito. Mabuti nalang at maluwag ang kalsadang dinadaanan nila.
BEEP!! BEEP!!
Bumusina sila sa isang truck na biglang um-overtake at hinarangan ang kotse ng
Fuhrer.
BEEP!! BEEP!!
Paulit-ulit silang bumusina dahil hindi na nila makita ang kotseng hinahabol.
BEEP!! BEEP!!
Um-overtake na naman ang truck at nakita na nila ulit ang sasakyan na hinahabol
nila.
Kggsshhkk! Kggsshhk!
[ Nasusundan nyo pa? ]
"Yes Sir." sagot ng isang Guardian na nagd-drive
Tutok na tutok ang mga humahabol sa kotseng sinasakyan ng Fuhrer. Ilang metro
nalang ang layo nila sa hinahabol nang makarating sila sa isang crossing.
Tuloy-tuloy lang ang kotse at biglang...
Screeecchhh!!!!
Isang cargo truck ang dire-diretso lang sa pag-andar ang hindi nakita ang
humaharurot na mustang.
Bumangga sa harapan ng truck ang kotse na sinasakyan ng Fuhrer at kitang kita
nilang lahat kung paano kaladkarin ng truck ang sasakyan.
Napahinto ang mga kotseng nasa kalsadang iyon dahil sa nangyari. Agad na nagpreno
ang mga Guardians.
Napababa ang mga Guardians sa mga sinasakyan at pinanood nalang kung paano biglaang
huminto ang truck dahil sa pumailalim na kotseng halos durog na dahil sa
pagkakabangga.
Panandaliang huminto ang lahat dahil sa pangyayaring iyon.
Nagsilabasan ang mga tao sa mga sasakyan nila at napasugod sa truck na kinaladkad
ang isang itim na kotse.
Tumakbo na ang mga Guardians para i-check na baka buhay pa ang Fuhrer kahit na base
sa nangyari ay masasabing imposibleng may makakaligtas pa sa aksidenteng iyon.
Pinatabi nila ang mga nag-uusiang mga tao at bumungad ang wasak na bumper ng truck
pati na ang kotseng parang lata nalang na pinitpit.
"Hala!"

"May dugo! May dugo!"

"Tumawag na kayo ng ambulansya!"

"Tulong!"
Nag-panic na ang mga tao dahil may dugo nang umaagos sa loob ng napitpit na kotse
Kssgghhhk! Kssgghhsskk!
Hinawakan ng isang Guardian ang tenga nyang may earpiece at pinakinggan ang
nagsasalita sa kabilang linya
[ Nasaan na ang Fuhrer? ]
"Sir, hindi ito magiging magandang balita." tinignan ng Guardian ang paligid
"Naaksidente ang Fuhrer."
10 HOURS AGO BEFORE THE ACCIDENT.........
"Wag mong hahayaan ang sarili mong mahulog sa lalaking yun. Umayos ka. Sobra-sobra
na ang bayad sayo, hindi pa kasama ang natatanggap mong atensyon at kapangyarihan
bilang Armida Zordick." paalala sa kanya ni Ji Han
"Oo na." hinawi nalang nya ang buhok sa balikat "Mukha namang hindi sya
nakakahalata eh,"
"Siguraduhin mo lang yang sinasabi mo, dahil ako mismo ang papatay sayo kapag
nahuli tayo,"
At naglakad na sila papunta sa harap ng townhouse para makabalik na.
Pagkaalis nila doon, isang lalaki ang sumulpot sa gilid at pinanood sila Aspasia at
Ji Han na umalis.
"Aspasia..."
Tiningala nya ang bintana sa sakto sa kwarto nila Josef.
Pinindot nya ang isang button na nasa all-purpose belt nya at isang manipis na tali
ang lumabas doon at bumaon sa tuktok ng frame ng bintana ng kwarto ang isang metal
claw. Hinatak sya nito paakyat at sumakto ang hinto nya sa bintana.
Pumasok sya agad at tinignan muna ang paligid.
Walang tao.
"Nandito na ko sa loob" sabi nya habang hawak ang earpiece na nasa tenga.
Sinukat nya agad ang area ng kwarto at kinuha sa dala nyang black backpack ang
isang mini computer. Trinace nya agad ang mga bugs at cameras na nasa loob ng
kwarto. Pagkatapos non ay tinanggal nya isa-isa ang mga nakitang bugs at cameras.
.............................................
Titig na titig si Aspasia kay Josef habang kumakain ito. Susunod nyang susulyapan
ay si Xerez na nakatayo sa may pinto ng dining room na tinitignan din ang kilos
nya.

"Bukas, mas maganda kung maaga tayong pupunta kila Mama." sabi ni Josef
Hindi sya narinig ni Aspasia dahil nakatuon ito sa ibang bagay.
"Armida,"
Mahinang napabuga ng hangin si Aspasia at parang hindi makali sa pwesto.

"Huy, naririnig mo ba ko?" tanong ni Josef


"Ha?" sa wakas ay napansin na rin nya si Josef

"Ano na namang problema mo?" sarcastic na tanong ni Josef


"Uhh..." sinulyapan nya sandali si Xerez at saka ibinalik ang tingin kay Josef
"Wala. Medyo... uhmm... medyo ano..." pinagpag nya ang damit na akala mo naiinitan
"Masama ang pakiramdam ko eh..."
"Talaga?" hahawakan na sana ni Josef ang noo ni Aspasia pero pinigilan sya nito

"Wala naman akong lagnat. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko." tumayo na
sya at sinulyapan na naman si Xerez "Dun muna ako sa kwarto."
Nagtuloy-tuloy sya ng lakad paakyat sa second floor.
Tinignan ni Josef ang plato ni Aspasia na hindi pa nangangalahati ang nababawas.
Sumubo sya ng isa sa kinakain nya at sinundan agad si Aspasia sa kwarto nila.
.........................................
Sa kwarto...
"Armida," tawag ni Josef
Tinignan nya ang kwarto, wala doon si Aspasia. Pero bukas ang pinto sa banyo.
Tuloy-tuloy syang pumasok sa may banyo...

"Oy, anong--" hindi na natapos pa ni Josef ang sinasabi dahil may biglang humatak
sa kanya at biglang sinara ang pintuan ng banyo
"Sssshhh!!"
Gulat na gulat sya habang tinitignan si Aspasia na tinakpan ang bibig nya habang
naka-quiet hand sign.
"Wag kang gagawa ng malakas na ingay," bulong ni Aspasia at saka nya tinanggal ang
kamay nya sa bibig ni Josef
"Ano na naman bang problema mo?" inis na bulong ni Josef
"Kahit anong mangyayari, panatilihin mong mahina ang boses mo." bulong ni Aspasia
"Armida, ano na namang--"

"Tama na ang kakatawag mo sakin ng Armida dahil hindi ako ang asawa mo." seryosong
bulong ni Aspasia
Nanlaki ang mga mata ni Josef dahil sa narinig nya.
"Wag. Kang. Mag-iingay. Naiintindihan mo?" utos ni Aspasia kay Josef
Hindi naman alam ni Josef ang sasabihin. Hindi nya naiintindihan kung anong
pinagsasabi nitong babae sa harap nya.
Ibinaba ni Aspasia ang neckline ng suot nyang blouse at may tinanggal doon na isang
makapal na prosthetic make-up at mabilisan nyang tinanggal ang maskarang suot nya.
"Teka--!"

"SSSHHH!!"
Tinakpan nya agad ang bibig ni Josef dahil mag-iingay na naman.
"Ang ingay mo!" inis na bulong nya kay Josef sabay hagis ng prosthetic face sa may
basurahan
Tinabig agad ni Josef ang kamay ni Aspasia sa bibig nya "Sabi na nga ba espiya
ka!" malakas nyang bulong
"Sira! Yung nakita mo kanina dun sa pinuntahan natin, hindi ako yon!"
Tumaas ang kilay ni Josef at napa-cross arms agad habang tinatantya ng tingin si
Aspasia.
"Ugh!" napa-eyeroll nalang si Aspasia at napa-whatever headshake "Taksyapu ne,"
inis nyang binulong
Itinulak ni Josef ang noo ni Aspasia gamit ang hintuturo nya "Hoy, umayos ka
naiintindihan kita."
Noo naman ni Aspasia ang kumunot dahil kay Josef "Balu mu sabyan ku?"
"Wa." sarcastic na sagot ni Josef
Nakarinig sila ng ilang kaluskos sa labas ng banyo kaya napalabas agad doon si
Josef. Nakasunod naman sa kanya si Aspasia.
"Anong--" hindi na naman sya nakapagsalita dahil tinakpan agad ni Aspasia ang
bibig nya
May apat na lalaking naka-itim ang nasa kwarto nila ngayon. Mukha silang mga modern
ninja/spy sa ayos nila. At madami silang dalang mga malalaking bagahe
Nag-sign language ang isang lalaki kay Aspasia

[ Nasabihan mo na ba sya? ] -guy#1


Umiling naman si Aspasia bilang sagot
Tinignan ni Aspasia si Josef na wala nang naiintindihan. Hinatak nya ang kwelyo ni
Josef para ilapit ang tenga nito sa bandang bibig nya.
"Kahit anong mangyari, sumakay ka nalang sa lahat ng gagawin namin. Masasagot lahat
ng tanong mo pagkatapos ka naming patayin."
"Anong papatayin--?" tinakpan na naman ni Aspasia ang bibig nya
"Ugh! Hindi ka namin literal na papatayin. Kelangan lang naming palabasin na patay
ka na pati ang asawa mo."
Hinawakan ng mahigpit ni Josef ang pulso ni Aspasia at tinanggal ng marahas ang
kamay nito sa bibig nya "Nasaan ang asawa ko?"
"Yun ang problema mo ngayon. Hawak na ng kalaban ang asawa mo. Kung gusto mo syang
makuha, kailangan mong makipag-cooperate samin." tinabig nya ang kamay ni Josef sa
pulso nya at lumapit sa isang naka-itim na lalaki
Nakakunot ang noo ni Josef habang pinapanood yung mga lalaking naka-itim na parang
may hinahanap, nililinis at inaayos sa buong kwarto.
"Yung katawan?" mahinang tanong ni Aspasia sa isang lalaki
"Nandyan na." sagot ng kausap nya
Pagkatapos syang masagot ay nilapitan nya agad si Josef "May pekeng katawan kaming
ilalagay dito. Dummy yon na kamukha ng asawa mo. Papatayin mo sya sa mata ng lahat,
pagkatapos ikaw naman ang papatayin namin sa mata ng lahat. Matagal-tagal na
paliwanagan 'to kaya mas mabuting sundin mo muna 'ko bago ka magtanong nang
magtanong."
"At sa tingin mo paniniwalaan kita?" inis na tanong sa kanya ni Josef
"Kung ayaw mong maniwala, eh di wag. Ginagawa ko 'to dahil ito ang binigay saking
trabaho ng asawa mo. Sumusunod lang ako sa inutos sakin." sabi ni Aspasia at saka
tinignan ang sahig at ang buong paligid ng kwarto
Hindi pa rin talaga maintindihan ni Josef ang nangyayari. At kahit gusto nyang mag-
react, hindi nya magagawa kasi gusto rin nyang malaman kung para saan ba ang
ginagawa ng mga taong nasa kwarto nila ngayon. Hindi sya pwedeng kumilos nang
walang naiintindihan sa mga nagaganap.
"Mas maganda kung ilalagay nyo dito. Ayusin nyo yung dugo," sabi ni Aspasia habang
tinuturo ang sahig na katabi ng kama
May inilabas na isang blood bag ang isang lalaki mula sa dala nitong malaking bag
at ibinuhos ang kalahati sa sahig
Kasunod ay inilabas na ng isa pang lalaki ang isang katawan mula sa isang malaking
itim na bag.
Nanlaki ang mata ni Josef dahil kamukha ni Armida ang bangkay na yon.
Magre-react agad sana sya kaso alam nyang hindi yon ang asawa nya. Hindi papayag si
Armida na ganun-ganun lang ang gawin sa katawan nya ng kung sinong mga ninja/spy
guys lang.
Pinanood nya kung paano parang pagkaing pini-plating ng mga lalaking yun yung
bangkay na kamukha ng asawa nya sa dugong kinalat nila.
Tinignan ni Josef ang relo nya. Kakapanood nya, hindi na nya namalayan ang oras at
mag-aalas dose na pala ng gabi. Nilapitan uli sya ni Aspasia
"Sa oras na makikita ka ng mga alipin mo, siguraduhin mong galit ka at parang
nalaman mo nang kasinungalingan lang ang lahat. Na hindi ang babaeng yan..."
itinuro nya ang bangkay sa sahig "...ang asawa mo."
Tinitigan nya ng maigi ang mukha ni Aspasia. Hindi nya alam kung bakit pero iba ang
aura nito kesa dun sa babaeng naka-one night stand nya nitong nakaraang araw lang.
"Hindi ko maintindihan," sabi ni Josef habang parang may kung anong hinahanap sa
mukha ni Aspasia
Napa-eyeroll nalang si Aspasia dahil sa kanya "Ok, ganito. Lahat ng tao sa paligid
mo niloloko ka. Sa totoo nyan, pare-pareho lang tayong naglolokohan dito.
Nagkapatung-patong lang ang lahat ng kasinungalingan dahil sa mga nangyayari. Hindi
dito ang tamang lugar, hindi ngayon ang tamang panahon para pag-usapan ang lahat."
nilingon nya ang bangkay sa sahig "Kung gusto mong makita ang totoo mong asawa,
kelangan mong sumunod."
Lumapit sa pinto si Aspasia at may pinakinggan sa labas. "Apat lang," bumalik sya
sa pwesto ni Josef at pinaupo nya ito sa tabi nung pekeng bangkay ni Armida
"Kutsilyo," sabi ni Aspasia habang nakalahad ang kanang palad
"Kutsilyo," sabi nung isang lalaki sabay abot kay Aspasia ng isang kitchen knife
Tinignan naman ni Josef ang mukha ni Aspasia, yung kutsilyo, yung bangkay, saka
yung mga lalaking naka-itim.
Para syang nanonood ng live crime scene investigation na naka-reverse engineering.
"Papatayin mo sya," sabi ni Aspasia sabay kuha ng kamay ni Josef at lagay ng
kutsilyo sa palad nito
Tumaas ang kilay ni Josef habang nakatingin sa mukha ni Aspasia
"Kelangan may fingerprints mo para kapani-paniwala. Don't worry, patay na yang
papatayin mo." hawak pa rin nya ang kamay ni Josef habang nakatingin sa bangkay
"Papatayin ko... ang bangkay na 'to?" asiwang tanong ni Josef
Isang 'hay naku' reaction galing kay Aspasia. Hawak pa rin nya ang kamay ni Josef
kaya sya nalang ang nag-guide dito para gawin ang plano. Itinutok nya ang kamay ni
Josef na may kutsilyo sa isang parte ng dibdib nung bangkay. Ibinaba nya ang
kutsilyo hanggang umabot ang point nito sa damit.
"Wag kang gagalaw," utos ni Aspasia. Sumunod naman si Josef at hindi nga gumalaw.
Palipat-lipat ang tingin nya sa mukha ni Aspasia at dun sa dibdib nung bangkay
Isang malakas na pwersang gawa ng pagpukpok sa kamao ni Josef ang dahilan kaya
bumaon ang kutsilyo sa dibdib ng bangkay.
"Pinatay mo na ang asawa mo ngayon." sabi ni Aspasia at saka tinignan si Josef na
nasa tabi nya
Napalunok nalang sya at biglang namula dahil sa kanya lang talaga nakatitig si
Josef "A-a-ang... uhmm..." iniiwas nya agad ang tingin at napa-hinga ng malalim
"Ang susunod mong gagawin... Ay, uhmm... Teka.. ano na ba..."
Napatayo agad sya at pinagpag ang kamay. Kinagat nya ang labi at naglakad-lakad ng
kaunti sa pwesto nya. Biglang nawala yung sasabihin nya. Nakaka-distract naman kasi
makatitig si Josef.

"Uhmm, ano na ba yun?" napakamot sya ng ulo at pinilit na i-compose ang sarili
"Ah, oo nga pala." tumalikod na sya para sabihin kay Josef ang plano "Gani--"
napahinto sya dahil sakto ang mukha nya sa balikat ni Josef
Napapikit-pikit pa sya dahil anlakas lang maka-awkward ng sitwasyon nya. Lalo pa,
si Aspasia na sya at hindi si Armida.
"Ano na?" tanong ni Josef
"Ha? Ah--" napaatras ng dalawang hakbang si Aspasia at tinignan nalang ang paligid
para hindi makita ang tingin ni Josef
"Bukas, kelangan mo nang mamatay. Sila ang magpapaliwanag sayo ng lahat ng gagawin
mo," sabi nya habang tinuturo yung mga lalaking naka-itim
"Para san ba lahat ng 'to?" tanong ni Josef
"Masyadong kumplikado ang lahat. Pero sa ngayon, ang pinakamagandang paliwanag ay,
makukuha nyo na ang kalayaan nyo pagkatapos ng gagawin natin." sabi ni Aspasia
Sandaling hindi nakasagot si Josef.
Tinignan nya ang bangkay na kamukha ng asawa nya. Ang mga lalaking naka-itim. Si
Aspasia. Ang nakasarang pintuan na alam nyang binabantayan ng mga Guardians.
Kalayaan.
Isang bagay na kailangang isuko para maging Superior. Bagay na binigay sa kanya
noon ni Erajin, na isinuko nya para lang kay Jocas, at mukhang ibabalik na naman sa
kanya ngayon ni Armida.

"Nasaan ang asawa ko?" tanong nya kay Aspasia


Napa-buntong hininga si Aspasia at sinuklay ang buhok nya palikod

"Yung babae kanina sa pinuntahan natin. Yung pinagpipilitang sya ang asawa mo? Sya
nga ang tunay mong asawa." sabi ni Aspasia "Pero bago ka mag-react, isipin mo
munang may dahilan ang lahat ng nangyayari ngayon. At lahat ng nagaganap ngayon...
may kinalaman sya."
Nakakunot lang ang noo ni Josef habang tinitignan si Aspasia. Nalilito na sya pero
pinipilit nyang intindihin ang lahat.
Mas mabuting wag muna nyang unahin ang galit at inis dahil lalo lang nyang ilalayo
ang sarili sa mga sagot na gusto nyang makuha.
Lumapit sa kanila ang isang lalaking naka-itim. Nasa mid-30s sya at maganda ang
tindig. Inilabas nya ang mini computer para i-brief si Josef sa plano nila.

"Milord... Yong-ha, Guardian Decurion of the former No. 99." nagbigay-galang sya
kay Josef "Ipapaliwanag ko na po sa inyo ang lahat ng dapat nyong gawin."
At ipinaliwanag na nya ng dapat gawin ni Josef. At ang iba pang plano na sasakop sa
gagawin nila.
Ang unang plano, magbibihis ng formal suit si Aspasia at ang mga lalaking naka-
itim. Kailangang gawin iyon para makita sila bilang isa sa mga Guardians ng Fuhrer
at ni Armida Zordick.
Pangalawa, kailangang tumama ang timing ni Josef at ang pagkakakita ng bangkay sa
oras na kailangan nang gawin ang susunod na plano. Ang oras na dapat makita ang
nangyaring pagpatay: Alas sais hanggang alas sais y medya ng umaga. Oras kung kelan
sila dapat gisingin para mag-almusal.
Pangatlo, sasakay si Josef sa isang itim na Mustang na nakaparada sa parking lot.
Pupwesto doon ang isang Guardian na kasama nila ngayon sa kwarto para bigyan ng
signal na iyon ang kotseng dapat gamitin.
Pang-apat, may bangkay na agad na nasa designated car. Iyon ang magsisilbing dummy
bilang Fuhrer. Ang gagawin nalang ni Josef, siguraduhing hahabulin sya at makikita
ng mga Guardians ang susunod na mangyayari.
Panglima, may truck na magsisilbing cover nya sa plano. Tutal, magaling naman sya
sa mga stunts at expert sya sa pagtakas. Napakadali lang sa kanya ang umalis sa
kotseng umaandar at lumipat sa truck. Kailangang magawa nya ang paglipat sa
napakabilis na oras dahil makakahalata ang mga Guardians kung hindi magiging
synchronize ang lahat ng gagawin nila.
Pang-anim, at dahil wala nang magd-drive sa kotse, bahala na ang Diyos sa
mangyayaring aksidente. Ang mahalaga, makita ng lahat na patay na ang Fuhrer.
Ganun lang kasimple, at voila! Patay na silang mag-asawa!
NA NAMAN.

"Ngayon, ang gagawin mo nalang, practice-in mo na ang gagawin mong pag-arte mamaya
sa harap ng mga alipores mo. Kailangan kapani-paniwala." sabi ni Aspasia
"Alam ba 'to ni Xerez?" tanong ni Josef

"May alam sya, Milord. Pero nililimitahan namin ang mga nalalaman nya para mas
malinis ang lahat." sagot sa kanya ni Yong-Ha

"Si Ivan? Alam ba nya 'to?" tanong ni Josef

"Wala rin po syang alam, Milord." - Yong-Ha

"Teka, Guardian ka ni 99..."


Tumango naman si Yong-Ha sa sinabi nya

"Bakit nandito ka? Patay na sya diba? Dapat wala ka nang trabaho pa sa Citadel."
sabi ni Josef

"Hindi pa po tapos ang trabaho ko, Milord. Ginagawa ko pa po ang kasunduan nila ng
prinsesa." sagot nito

"Anong kasunduan?" tanong agad ni Josef

"Na-operahan na ang prinsesa; nailabas na sya ng Citadel; at ngayon, napatay na sya


gaya ng napag-usapan. Ang huling plano ay nakalaan para kay Labyrinth. Ang pagbura
sa tracking system ninyo." tinignan ni Yong-Ha ang relo nya at ang labas ng
bintana "Oras na mangyari ang pagkamatay ng Fuhrer, mabibigyan ng signal si
Labyrinth at sya na ang bahalasa pag-alis ng tracker."
Tumango naman si Josef at tinignan uli ang relo nya. Ambilis ng oras dahil mag-
aalas singko na ng madaling araw.
Kanya-kanyang labas na ng damit ang mga lalaking naka-itim. Iniabot nila kay
Aspasia ang isang formal suit para iyon ang isuot nya.
Pinanood naman ni Josef ang mga tao sa kwarto nila na may kanya-kanya nang mundo
para ayusin ang sarili.
Pumikit sya at prinaktis ang mga linya at emosyong ilalabas nya mamaya sa isipan.
Mabuti nalang at marunong syang umarte. Bilang si Shadow, kailangang magaling sya
sa pagbabago ng mood at emotion.
Kailangang mapeke ang mga tao sa kanya. At sa tingin nya, hindi iyon nawala sa
kanya kahit na pitong taon na ang lumipas pagkatapos nyang mag-retiro bilang
magnanakaw.

"Whooh..." practice-practice ng breathing


Gusto nyang makausap ngayon si Armida. Pero bago yon, kailangan muna nyang tapusin
ang nangyayari ngayon. Mamaya na sya magtatanong kung ano ba talagang meron at
kailangan nilang gawin ang lahat ng yon.
Makalipas ang kalahating oras...
Nakaayos na ang mga tao sa kwartong yon na kasama si Josef. Mukha nang simpleng
Guardians ang apat na lalaking kanina ay mukhang ninja. Si Aspasia, halos hindi na
nya nakilala dahil nakasuot na ng wig at eyeglasses tapos mukha nang lalaki.

"Kami na ang bahala sa lahat, basta sumunod ka sa plano." sabi ni Aspasia


Tumango naman si Josef at tinignan ang bangkay na kagabi pa naroon at kasama nila
Sa may bintana na ng kwarto na yon bumaba ang dalawang lalaking kasama nila. Yung
isa nilang kasama, taga-hagis ng mga bagaheng wala nang laman.

"Lord Ricardo," nagbigay-galang pa muna si Yong-Ha kay Josef bago ito sumunod ng
pagtalon sa may bintana
Naiwan nalang doon si Aspasia at si Josef. May ilang minuto nalang ang meron sila
bago simulan ang nakatakdang plano.

"Galingan mo. Sayang ang kalayaan nyo," sabi ni Aspasia sa kanya. Pumunta na sya
sa may bintana para tumalon

"Nanung lagyu mu?" tanong ni Josef bago umalis si Aspasia. Napahinto tuloy ito
para lingunin sya
Sandali itong napangiti dahil sa tanong
"Aspasia." at tumalon na sya sa may bintana.
______

Aspasia sa media ^_^ hihihihi

31

31
[ January 14 - 3:58pm ]
Nasa isang cafe ngayon sila Josef. Kasama nya si Aspasia at si Yong-Ha. Nakasuot
sya ngayon ng isang itim na hoodie, si Aspasia naman, hindi na tinanggal ang wig at
salamin nya. Si Yong-Ha, naka-formal attire pa rin.
Bilang sa kamay ang tao sa loob ng cafe na yon kaya hindi sila nag-aalalang baka
may makakita sa kanila. Napakalayo na rin nila sa townhouse kung nasaan sila
pansamantalang tumuloy.
"Ibig sabihin--"
Tumango naman si Aspasia "Yung babaeng kamukha ko na pinipilit na sya ang asawa
mo, sya nga talaga ang asawa mo."

"October palang last year nang kunin si Aspasia sa Isle. Planado ni Lady Armida ang
lahat ng ito simula palang. Alam din ito ni Lady Cassandra at Master Yoo-Ji."
dagdag ni Yong-Ha "Isa lang naman ang signal para simulan ang plano. Kapag
dumating ang oras na pinatay na nya ang mga Superiors, magsisimula na ang
pagtatapos ng lahat"

"Isa lang naman ang gusto nya eh. Ang sabi nya, wala syang balak magtagal dun sa
kastilyo." sabi ni Aspasia. Uminom sya ng kaunti ng kape nya at tinignan si Josef
"Nung una, hindi ko makuha yung sinasabi nyang papatayin kayo pero hindi kayo
mamamatay." ipinaikot nya ang dalawang hintuturo sa tapat ng tenga "Nakakadurog
ng kokote yung sinasabi nya,"
Tumango naman si Josef dahil naiintindihan nya ang sinasabi ni Aspasia. Sya ang
nakakaintindi sa sinasabi ni Aspasia, higit kanino man.

"Ibig sabihin, wala ka talagang amnesia." sabi ni Josef


Tumango naman si Aspasia sa sinabi nya "Yun ang plano. Kailangang galingan ko ang
pag-arte dahil malaki ang binayad nya sakin. Mauuna syang ilabas sa kastilyo.
Tatayo ako bilang proxy, tapos papatayin ako para palabasing patay na sya. Sunod,
ikaw ang ilalabas sa kastilyo at may tatayo bilang ikaw para iyon ang patayin.
Pagkatapos nun, happy ever after na." tinignan nya saglit si Yong-Ha at saka
ibinalik ang tingin kay Josef "Ang kaso, nagkaroon ng problema. Kaya yung planong
pagpatay sakin, hindi na natuloy."
"Pumayag kang magpapatay?" gulat na tanong ni Josef
Nag-shrug lang si Aspasia dahil hindi rin nya alam ang sagot sa tanong na yon.
"Sa tingin ko, Milord. Kailangan nyo nang kumilos ngayon palang." sabat ni Yong-Ha
"Ang plano ng prinsesa, ilalabas sya ng Citadel bilang Erajin Findel at ilalabas
kayo bilang Rynel Joseph Malavega. Ang kaso, nalaman ni Ji Han ang plano nila ni
Master Yoo-Ji kaya nakialam na sya. Si Lady Cassandra lang ang makakapigil sa kanya
pero wala ito sa tamang lagay ngayon para sa bagay na yan."
Nagkatinginan si Yong-Ha at Aspasia at saka inilipat ang tingin kay Josef

"Sa ngayon, ang iniisip ni Jiro, wala akong alam sa lahat ng plano ng asawa mo. Ang
alam kasi nya, nagtatrabaho ako dun sa 99 na yun. At kung ano ang gusto nya, yun
ang masusunod. Alam ko ang ilan sa mga plano nya, pero limitado lang ang lahat ng
binibigay nyang impormasyon" sabi ni Aspasia

"Si Laby? Anong kinalaman nya dito? Kasama sya diba?" tanong ni Josef

"Milord, hindi na pinapalapit ni Ji Han si Labyrinth sa kahit anong issue na may


involvement sa plano na 'to. Mag-isa ngayong hina-handle ni Labyrinth ang pag-
summon sa mga natitirang Superiors. Naramdaman na yata ni Ji Han na nagtatrabaho
sya sa parehong panig." sagot ni Yong-Ha "Tauhan ni Lady Cassandra si Labyrinth
kaya limitado din ang impormasyong meron sya tungkol sa plano ni Ji Han,"

Sandaling inisip ni Josef ang lahat ng sinabi nila. Sinulyapan nya sandali si
Aspasia at si Yong-Ha at inisip kung dapat ba syang magtiwala.
Tauhan ni 99 si Yong-Ha, kaya kahit paano'y may tiwala sya. Dito kay Aspasia, nag-
aalangan sya pero naiintindihan nya ang sitwasyon nito.
"Nasaan na ngayon si Armida?"
Nagkatinginan na naman si Aspasia at Yong-Ha bago sumagot.

"Kinausap ako ni Ji Han tungkol dyan." sabi ni Aspasia "Ang plano, papatayin ka
na IKAW MISMO. Hindi peke..."

"Which is, wala sa orihinal na plano." sabat ni Yong-Ha

"At ang gagawin, pababalikin itong Daniel na ito sa kastilyo at sya na ang papalit
sa posisyon mo..." -Aspasia

"Na aprubado na ng dating Fuhrer. Hinayaan nyo lang na bumagsak ang guild nang
ganun-ganun lang. Kaya hindi ko rin masisisi si Lord Adolf kung biglaan nyang
pababalikin si Lord Daniel para palitan kayo sa pwesto." - Yong-Ha

"Ngayon, hawak na ng Daniel na yon ang asawa mo." dagdag ni Aspasia


Gusto sanang gatungan ni Aspasia ang sasabihin nya, kaso mapapasama sya. May
kasalanan din naman sya.
Pero kung titignan naman, ginagawa lang nya ang trabaho nya.

"Lord Ricardo, kung gusto nyo pang makuha ang prinsesa, kailangan nyong nakawin si
Lady Armida kay Lord Daniel."
Tumaas bigla ang kilay ni Josef sa sinabi ni Yong-Ha.
Hindi porke dati syang magnanakaw eh talagang paninidigan nila ang term na
'pagnanakaw' para sa lahat ng gagawin nya.

"Bakit ko sya nanakawin sa Daniel na yon eh asawa ko sya?" sarcastic na sinabi ni


Josef
Napayuko nalang si Yong-Ha at naisip na parang mali ang term nya, pero sa
pagkakaalam nya ay nasa tama sya.

"Milord, tinatago po ngayon ni Lord Daniel si Lady Armida. Hindi po kayo pwedeng
sumugod sa teritoryo nya nang basta-basta. Kailangang palihim nyong babawiin si
Lady Armida sa kanya. At yun lang ang naiisip kong paraan para mabawi ang
prinsesa." sabi ni Yong-Ha habang nananatiling nakayuko "Patay na kayo. At hindi
na kayo pwedeng gumawa ng malaking eksena dahil masasayang ang lahat ng
sinakripisyo ni Lady Armida para sa inyong dalawa."
May punto sya. Malaking punto.
Tumango nalang si Josef habang nakatingin sa kape nyang lumamig na at hindi pa rin
nya naiinom.
Nanakawin nya si Armida?
Bakit hindi?
"Nasaan ang teritoryo ni Daniel?"
............................................................

[ January 14 - 4:13pm ]
Sa private headquarters ng Escadron Elites....

"Nasaan na si Crimson!" rinig na rinig ang ingay ng boses ni Ranger habang


tinitignan ng masama ang isang lalaking tauhan ni Crimson na nakabantay sa pinto ng
sarili nitong opisina

"Hindi pa sya dumadating. Wala rin syang sinasabi samin kung kelan sya babalik."
sagot ng lalaki

"Bakit hindi mo tawagan?!" sabi ni Ranger sabay pameywang

"Kalma lang," awat ni Neptune. Hinawakan nya sa balikat si Ranger at pinilit na


palayuin dun sa lalaking kausap "Hindi mo mapapalabas dito si Crimson kung ito-
torture mo yan,"

"Anong kalma ka dyan?!" tinabig nya ang kamay ni Neptune at sinugod na naman nya
yung lalaki "Imposibleng hindi mo alam kung kelan babalik si Crimson!"
kinuwelyuhan nya ang lalaki at pinandilatan nya ng mata "Magsalita ka na kung ayaw
mong paglamayan mamaya,"

"O, bakit inaaway mo yang tauhan ko?"


Napalingon si Ranger at Neptune sa entrance ng headquarters. Sa wakas ay nagpakita
na rin si Crimson. Kasama din nya si Elfe.
Binitawan na ni Ranger ang lalaking hawak at dali-daling nilapitan si Crimson
"Nasaan na si Erajin,"
Hindi sya sinagot ni Crimson, sa halip ay tinignan lang sya nito ng diretso sa mata

"Saan. Mo. Dinala. Si Erajin?" mariing tanong pa uli ni Ranger

"Siguro, hindi mo na kailangan pang malaman kung nasaan sya. Wag kang mag-alala,
she's safe." kalmadong sinabi ni Crimson
Kinuwelyuhan naman ni Ranger si Crimson at tinignan nya ito mata sa mata

"Anong ginawa mo sa kanya?" nanggigigil na tanong ni Ranger


Napa-smirk si Crimson dahil sa tanong nya "Wala ka nang pakialam kung ano man ang
ginawa ko sa kanya," sabi ni Crimson na may kaunting ngiti sa mga labi "Hindi
kita boss para sabihin sayo lahat ng gagawin ko... Wag kang nangingialam ng hindi
mo problema,"
Lalong humigpit ang pagkaka-kwelyo ni Ranger sa damit ni Crimson "Hayop ka
talaga!!" at sinuntok nya ng malakas si Crimson sa mukha
Napaatras ito ng isang hakbang at kita ang isang maliit na sugat sa bandang ilalim
ng mata nya gawa ng suntok
"Gabrielle!" inawat na agad ni Neptune ang asawa nya

"How dare you!!" dinuro nya si Crimson habang inaawat sya ni Neptune "You don't
deserve Erajin, Daniel!! Bayad na lahat ng utang nya sa'yo! Sobra-sobra pa! Hindi
mo na sya pag-aari!! Wala kang kwenta! Hindi ka karapat-dapat para sa kanya!!"
Isang bitter laugh lang ang nagawa ni Crimson habang nakatingin sa ibaba
"Let me do the honor to remind you, in case you've forgotten, my dear brother!!"
sobrang sarcastic na sinabi ni Ranger "Pag-aari na si Erajin ni Shadow! At wala ka
nang magagawa doon! She never loved you, Daniel! She never do..."
Nawala bigla ang ngiti ni Crimson dahil sa huling sinabi ni Ranger. Nag-init agad
ang ulo nya at itinulak si Neptune palayo kay Ranger at saka nya ito sinakal gamit
ang kaliwang kamay.

"You don't know what you're saying, Gabrielle," dama ang galit sa tono ni Crimson
kahit na napakahinahon ng pagkakasabi nya "Shut your fvcking mouth if you don't
want to die,"

"A-a-ano ba!!" pinilit na alisin ni Ranger ang kamay ni Crimson na nakasakal sa


kanya

"Leave her alone!!" tinulak agad ni Neptune si Crimson para bitawan nito ang asawa
nya "Don't you dare lay a hand on my wife!" dinuro nya si Crimson habang tinatago
si Ranger sa likuran nya "Wag mo kong susubukan, Daniel."
Sa Elites, si Neptune lang ang napakabihirang magtaas ng boses at magalit. Lahat
kasi dinadaan nya sa biro, kaya napakahirap nyang seryosohin.
"Huh!" isang mapang-asar na ngiti ang binigay ni Crimson kay Neptune "Anong
gagawin mo sakin, hmm? Isa ka ring walang magagawa... Pareho lang kayo ng asawa
mong puro salita--"
At isang malakas na suntok ang binigay ni Neptune kay Crimson at saka nya hinugot
ang baril nya sa beywang at itinutok sa noo nito.

"Isang salita mo pa, ako na ang tatapos sa hindi kayang tapusin ni Erajin."
seryosong banta ni Neptune kay Crimson
Dahil gumugulo na at nagkakatutukan na rin lang naman ng baril

"Markus, ibaba mo na yan," pakiusap ni Elfe habang tinututukan din nya ng baril si
Neptune sa sentido nito
Bumunot na rin si Ranger at itinutok sa ulo ni Elfe ang dala nyang baril "Wag kang
mangialam dito, Joni. Hindi ka kasali dito,"
Nagkaka-tantyahan na sila ng tingin doon.
Laging nagkakaproblema ang Elites dahil kay Erajin, pero iba na ang kaso nila
ngayon.
Ito ang pangalawang beses na nagkagulo-gulo ang Elites dahil na naman sa kagagawan
ni Erajin.
Iniisip ni Neptune kung dapat na ba nyang iputok ang baril o hayaan nalang ang
lahat.
Sya ang trigger, at ibaba ng dalawang babae ang mga baril nila kung ibababa nya ang
baril na hawak.

"Bakit hindi mo iputok?" hamon ni Crimson habang nakangiti ng nakakaasar "Pare-


pareho lang kayong walang kwenta. Hindi nyo ko kaya, tandaan nyo yan."
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Neptune sa baril at halos lumabas na ang mga
ugat nya sa ulo dahil sa galit. Kitang kita ang panggigigil nyang iputok ang hawak
na baril. Bumibigat na ang paghinga nya at kahit anong oras, maaari na syang
sumabog. Napakatalim ng tingin nya kay Crimson.

"Siguraduhin mo lang na wala kang ginawang masama kay Erajin." kitang-kita ang
pagpipigil ng galit kay Neptune nang sabihin nya iyon
Ibinaba na nya ang baril at kinuha ang kamay ni Ranger. Dali-dali nyang hinatak ang
asawa paalis sa opisinang iyon.
Paglabas nila Neptune at Ranger...

"Bakit hinayaan mo lang sya..." tanong ni Ranger habang hinahatak sya ni Neptune
papunta sa may parking lot "Bakit mo hinayaang sabihan ka ng ganon ng lalaking
yon?! Bakit hindi ka nagpakalalaki ha?!!"

Napahinto si Neptune at marahas na binitawan ang kamay ni Ranger.

"Ano ha?!" hinawakan ni Ranger ang balikat ni Neptune at pinaharap nya ito sa
kanya "Bakit?! Bakit?! Bakit?!" sigaw ni Ranger habang paulit-ulit na tinutulak
ang balikat ni Neptune "Bakit hindi ka lumaban?! Bakit Markus?! Kaya mo naman sya
diba?! Kayang-kaya mo sya! Pero bakit hindi mo ginawa!! Kelan ka pa naging
duwag?! Kelan pa ha?!" sigaw ni Ranger habang paulit-ulit na pinapalo ang balikat
ni Neptune

"Sa tingin mo makikita pa natin si Erajin kung papatayin natin si Crimson ngayon?"
seryosongsinabi ni Neptune
Biglang nawala ang galit ni Ranger at tinignan ang nakakuyom na kamao ni Neptune.
Sa lahat ng members ng Elites, si Neptune lang ang sa pagkakaalam nila ang hindi
marunong magalit.
Napakahirap galitin ni Neptune at kahit anong masakit na salita ang bitawan sa
kanya ay tatawanan lang nya. Kahit saktan sya, hindi sya gaganti hangga't wala
syang nakikitang mabigat na dahilan para gumanti.
Pero mukhang magkakaproblema sila dyan ngayon.
Kinuha ni Neptune ang phone nya at may tinawagan sya agad.

"Mephist, we're gonna save her again. Let's meet on the Double Dagger's entrance
tomorrow. You know the drill."
____________________________________________
Markus/Neptune sa media ^__^

32

[ January 15 - 3:02am ]

Nasa truck sila Josef, Yong-Ha at Aspasia. Iyon din ang truck na ginamit nila para
patakasin si Josef. Kumpleto sa electronics at computers ang loob ng truck. Mukha
pa silang mga undercovers.

Nasa harap ngayon si Yong-Ha ng tatlo-tatlong computer habang pinapanood sya ni


Aspasia na katabi nya. Si Josef naman, nakaupo sa may pinto ng truck,
nakahalukipkip at nakapikit.

Ang huling tao na ninakaw nya ay ang Brain. Hindi nya inaasahang uulitin nya ulit
ang dating trabaho at sa asawa pa nya gagawin.

"Mukhang natanggal na ni Labyrinth ang tracker ni Lady Armida. Hindi ko na nakikita


kahit naka-direkta na 'ko sa CCS." sabi ni Yong-Ha habang nakatutok sa computer

Napa-buntong-hininga si Josef dahil sa narinig


"Kapag dumating ang oras na mawala ang asawa mo, hahanapin mo ba sya?"

"Hindi mo masasabi ang lahat ng pwedeng mangyari, gaya ngayon."

"Madali lang syang hanapin. May tracker sya eh."

"Pano kung walang computer? Paano mo sya mahahanap?"

Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan nya. Kinuyom nya ang bandang dibdib
ng suot nyang hoodie.

"Dapat pala hindi ko nalang yun sinabi kung hindi ko rin pala mapaninindigan..."
mahina nyang binulong at napapikit nalang uli

"Lord Ricardo, may na-locate akong signal dito sa isang private land sa north."
sabi ni Yong-Ha

Napatayo tuloy si Josef at nilapitan agad sila Aspasia. Pumwesto sya sa likod ni
Yong-Ha at tinignan ang monitors

Andaming lumalabas na folder, mga impormasyon at mga litrato.

"Casa Amarillo ang pangalan ng lugar. Highly secured ang buong perimeter. Madaming
guards, K9s, alarms, 24-hour under suveillance and I'm sure, isang maling galaw
lang sa lugar na yon, lalabas kang gutay-gutay dahil sa bala." paliwanag ni Yong-
Ha habang tinuturo ang mga red dots na makikita sa isang satellite view map "578
hectares ang lawak ng lugar. Nandoon ang signal ng tracker na naka-connect sa HQ
line at isang security company na pagmamay-ari ni Lord Daniel."

Tumango naman si Josef habang tinitignan ang mapa na unti-unting zinu-zoom ni Yong-
Ha.

"Ang magiging problema lang natin, kung paano makakalapit sa location ni Lady
Armida. Nasa gitna ng lugar ang signal ng tracker. Kung gusto natin ng mabilisang
trabaho, mas magandang gumamit ng helicopter. Ang kaso, hindi pwedeng magtagal ang
aerial flight doon dahil maaalarma agad ang buong lugar. Kung magpa-parachute
naman, malo-locate agad kayo ng mga bantay doon kung sa taas kayo manggagaling."
Naningkit ang mga mata ni Josef habang sinusukat ng tingin ang lugar sa monitor.
Malawak ang buong area. At yung tinutukoy na location kung nasaan si Armida ay
malayo pa sa lahat ng possible entrance. Napakalayo talaga.

Forte nya 'to kaya kahit paano'y makakagawa sya ng paraan sa pagnakaw sa asawa nya.
Medyo matatagalan lang dahil teritoryo ng assassin ang papasukin nya at hindi isang
simpleng artifacts museum lang.

Dito, walang batas-batas. Patay kung patay.

"Yung alarms, kaya mong gawan ng paraan?" tanong ni Josef

"Yes, Milord." sagot ni Yong-Ha "Pero hindi magiging madali ang pag-breach sa
alarms kahit na naka-direkta ako sa CCS. Magaling na security company ang Pilcrow
na pagmamay-ari ni Lord Daniel."

"Kaya kong magbigay ng konting tulong," sabi ni Aspasia

Tinignan ni Josef ng diretso si Aspasia na mukhang seryoso sa sinasabi nya

"May problema ka sa alarms diba? Kaya naman yang gawan ng paraan. Pero kailangang
magkaiba tayo ng papasukan." sabi ni Aspasia "Minsan, mas madaling mag-manual
kesa gumamit ng computer. Kelangang mano-mano mo yong sisirain, o di kaya, mas
maganda kung magiging pain nalang ako. Kukunin ko ang atensyon nila, saka ka
kumilos habang nasa akin sila naka-focus."

Kmunot ang noo ni Josef sa sinabi ni Aspasia

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" tanong ni Josef "Papatayin mo ang sarili mo,"

"Bayad na ang buhay ko. Kung mamamatay ako para sa asawa mo, wala na kong magagawa.
Binayaran nya ko para mamatay." sabi ni Aspasia na parang wala lang para sa kanya
ang lahat

Napasuklay ng buhok si Josef at napatingin sa itaas dahil sa sinabi ni Aspasia "At


magkano naman ang binayad nya para ipagpalit mo ang buhay mo ha?" sarcastic nyang
tanong

Napabuntong-hininga si Aspasia at inilipat ang tingin sa monitor "Ibinalik nya


sakin ang bundok ng impu ko na ninakaw ng Altagriona samin. Ang bundok na yon ang
buhay ko, kaya natural lang na magbayad ako ng utang na loob sa kanya."

Sandaling tinitigan ni Josef si Aspasia. Matagal na nyang naririnig ang mga taong
nagbabayad ng utang na loob kay Armida. Na kahit sya ay aminadong malaki din ang
utang na loob sa asawa.

Siguro maiintindihan pa nya kung sya ang handang mamatay para kay Armida.

Pero si Aspasia?

"Hindi mo kelangang mamatay para sa asawa ko kahit isang isla pa ang binayad nya
sayo." sabi ni Josef

Napailing nalang si Aspasia dahil hindi sya naiintindihan ni Josef "Kasalanan ko


din naman kung bakit sya nakuha nung Crimson na yon diba? Kaya ayos lang sakin ang
plano ko,"

Napahilamos nalang si Josef dahil para syang nakikipag-usap sa asawa nyang matigas
ang ulo.

Hindi lang pala si Armida ang ganyan ang ugali. Masyadong daredevil.

"Haaay," napabuntong-hininga nalang si Josef "Yong-Ha,"

"Yes, Milord"

"Gaano kalayo ang Casa Amarillo na yan dito sa location natin?"

"Approximately 3,500 km , Milord"

"Kung babyahe tayo ngayon, anong oras tayo makakapunta doon?" tanong ni Josef

"5 hours, if heavy traffic. 3 1/2 hours, kung maluwag ang kalsada." sagot nito

Tinignan ni Josef ang suot nyang relo. Quarter to 4 na.

"Kaya mong mag-drive ngayon?" tanong ni Josef kay Yong-Ha

"Yes, Milord" sagot ni Yong-Ha

.....................................................................
[ January 15, 8:10am ]

"You think nandyan sya ngayon?" tanong ni Ranger habang tinitignan sa binoculars
ang view sa loob ng Casa Amarillo na naka-locate sa Double Dagger

"Malamang na nandyan sya. Walang ibang pagtataguan si Crimson kundi dyan lang."
sagot ni Neptune na nakaharap sa mga computers at busy sa pagsukat ng buong Casa
Amarillo

"Jes, madami syang pwedeng pagdalahan kay Erajin. Hundred percent sure ba yang
nandito sya?" tanong ni Mephist kay Neptune

Isang 'ako ba ang kausap mo?' look lang ang binigay ni Neptune kay Mephist bilang
sagot

"Come on, Jes. Hindi tayo pwedeng sumugod sa loob nyan tapos wala naman pala dyan
si Erajin." paalala ni Mephist

"Arkin, wag ka nang makipagtalo dyan." nilapitan ni Ranger si Mephist at tinapik


ang balikat nito "Baka nakakalimutan mo, Neptune is--"

"The Elites' tactician, yes, nandun na tayo... Pero--"

"Wala nang pero-pero. Susugod tayo, tapos ang usapan." seryosong sinabi ni Neptune
habang nakatutok pa rin sa computer

Napatingin tuloy sa kanya si Mephist at Ranger

Base sa kilos at ugali ngayon ni Neptune, alam na ng dalawa na may mali. Hindi kasi
si Neptune ang tipo ng lalaking sugod kung sugod ang motto sa trabaho.

"Ginalit 'to ni Crimson?" mahinang tanong ni Mephist kay Ranger habang tinuturo si
Neptune

Isang 'yeah' reaction ang binigay ni Ranger sa kanya bilang sagot

"Aah," sinuklian naman nya ang kausap ng 'kaya pala' reaction


"Who's this..." mahinang sinabi ni Neptune

Napatingin tuloy uli ang dalawa sa kanya at pumwesto sa likuran nya

"Why?" tanong ni Ranger

"I'm trying to hack the securities in Double Dagger..." may mga tinype sya at
biglang naglabasan ang maraming folders na may mga loading tab "...pero may mga
humaharang sa signal"

"Paanong humaharang?" tanong ni Mephist

"No-- Not-- Yes, blocking. But it's more on..." napasandal sya sa inuupuan at
tinignan ng masama ang monitors "...somebody is breaching the Casa Amarillo's
security aside from us."

Unti-unting natapos ang mga loading tab at nawala na rin. Pagkawala ng mga ito ay
biglang bumungad ang nag-iisang pulang tuldok sa gitna ng Casa Amarillo at isang
green dot na malapit sa Gate 5 entrance ng Casa, isang kanto lang ang layo mula sa
kinaroroonan nilang tatlo.

"Para saan yung red dot?" tanong ni Mephist

"Yan si Erajin." sagot ni Neptune

Dahan-dahang napatango si Mephist dahil tama nga ang hinala si Neptune na nandoon
sa lugar si Erajin

"Eh yang green?" tanong ni Ranger

"Yan yung nagnanakaw ng signal natin." sagot ni Neptune

Nagkatinginan si Ranger at Mephist. Mukhang nabasa nila ang naiisip at dali-daling


kumuha ng mga gamit sa isang crate na nasa gilid lang nila.

"Bad news ba yang green dot?" tanong ni Ranger habang ina-assemble ang hawak na
SIG Mosquito

"Who knows." sagot ni Neptune

"Malalaman natin ang sagot kung pupuntahan natin," sabi ni Mephisy na tapos nang
isuot ang body holster na puno na ng baril
Dali-daling lumabas si Mephist at Ranger sa personalized armored truck, at tinakbo
na ang lokasyon ng kumukuha ng signal nila.

Nakita nila sa di-kalayuan ang isang truck na hindi naman mukhang kahina-hinala at
mukhang nagde-deliver lang ng mga non-perishable goods.

Sinenyasan ni Ranger si Mephist na doon ito pumwesto sa kabila. Tumango naman ito
bilang sagot.

Inikot nila ang buong truck. Walang driver at nakasara ang mga pinto pero hindi
naka-lock.

Sinilip ni Mephist si Ranger sa kabilang side

<inaudible convo>

[ May nakita ka? ] -Mephist

Umiling naman si Ranger bilang sagot. Itinuro nalang ng ulo nya na pumunta sila sa
likod ng truck. Tumango naman si Mephist.

Nagkita na sila Ranger at Mephist sa likod ng truck.

Nakahanda ang mga baril nila for safety.

"Hindi naka-lock" sabi ni Ranger habang nakatingin kay Mephist

Isang 'I'll handle it' nod ang binigay ni Mephist sa kanya at saka nito nilapitan
ang pinto ng truck.

At dahil hindi naman naka-lock ang pinto, buong lakas itong hinatak ni Mephist.

"Walang kikilos ng masama!" sigaw ni Ranger sa mga tao sa loob ng truck habang
tinututukan nya ito ng baril

Tinignan nilang maigi ang isa't isa

Unti-unting nanlaki ang mga mata nila pare-pareho nang mag-sink in kung sino-sino
silang nagkatagpo-tagpo doon.
"Erajin?" nagtatakang tanong ni Ranger

"Bakit magkasama kayong dalawa?!" sigaw ni Mephist sa kanila

"Anong ginagawa nyo dito?!" sigaw ni Josef kila Mephist at Ranger

"Okey," itinaas ni Aspasia ang kamay nya na parang sumusuko na "Isa na namang
problema,"

Lahat na tuloy ng mata nakatingin na kay Aspasia

"Erajin!" tawag ni Mephist kay Aspasia "Bakit nandito ka?!"

Napa-eyeroll nalang si Aspasia

"Hindi sya si Erajin." sabi ni Josef "Nasa loob ng Casa na yan ang asawa ko." at
itinuro nya ang direksyon kung nasaan ang Casa

Kumunot agad ang noo ni Mephist at Ranger dahil sa sinabi ni Josef. Tinignan nila
ang isa't isa para malaman kung ano ang iniisip nila.

[ Ano sa tingin mo? ] -Mephist

Nag-'i don't know' shrug lang si Ranger bilang sagot

Ibinalik nila ang tingin kila Josef

"Sino yan?" tanong ni Mephist habang tinuturo ng tingin si Aspasia

"Ako si Aspasia,"

Tinignan na naman nila Mephist at Ranger ang isa't isa at saka ibinalik ang tingin
kila Josef

"Bakit magkasama kayong dalawa?" tanong ni Ranger

"Nanakawin ko ang asawa ko kay Daniel" sagot ni Josef "At kelangan ko ng tulong
nila," itinuro nya sila Aspasia at Yong-Ha

Nagkatinginan na naman sila Mephist at Ranger. Tumango si Ranger, at mukhang nakuha


ni Mephist ang gusto nyang sabihin.
Inilipat ni Mephist ang tingin kila Josef "Labas." sabay turo gamit ng baril ang
labas. Kumunot ang noo nila Josef dahil sa utos nya

"Bakit kami lalabas?" mataray na tanong ni Aspasia

"Labas na!" sigaw ni Ranger sa kanila at biglang

Pshung!

Napatalon si Aspasia sa kinatatayuan dahil muntik nang tamaan ng bala ang paa nya

"Hoy! Inaano ka ba ha?!" reklamo nya kay Ranger

"Labas!!" sigaw uli ni Ranger

Wala na tuloy ibang nagawa sila Josef kundi ang sumunod. Lumabas na sila Aspasia,
Yong-Ha at Josef sa loob ng truck habang tinututukan pa rin sila ng baril nila
Mephist

"Bakit ba namin kelangang lumabas ha?" iritang tanong ni Aspasia habang sinusundan
ng tingin si Ranger

"Sa tingin ko, hindi mo na kelangang itutok yang baril na yan samin," mahinahong
sinabi ni Josef kay Ranger habang diretso nya itong tinitignan sa mata

"Natatangahan ako sayo, alam mo yun?" sarcastic na sinabi ni Ranger kay Josef
"Sabihin na nating na kay Crimson ang problema, pero hindi naman sya mapupunta kay
Crimson kung umpisa palang prinotektahan mo na sya."

Napayuko si Josef dahil sa sinabi na yon ni Ranger "Kaya nga nandito ako para
bawiin sya--"

Isang suntok ang dumapo sa pisngi ni Josef kaya napaatras sya sa kinatatayuan

"Alam mo! Parehas lang kayo ni Crimson eh!" galit na galit na sigaw ni Mephist kay
Josef "Parehas kayong hindi karapat-dapat para sa kanya! Wala kang kwenta!" sabi
nya habang dinuduro ng baril si Josef "Ilang beses ko ba kelangang ipamukha sayo
ang lahat bago pumasok sa kokote mo ang sinasabi ko ha?!"

Tinignan naman ng masama ni Josef si Mephist "Sa lahat ng nangyari sakin dahil
sayo, sa tingin mo mapagkakatiwalaan pa kita?!" galit na sigaw ni Josef habang
dinuduro ang kausap. Pumwesto na si Aspasia sa harap nya para pigilan sya dahil
mukhang susugurin na nya si Mephist

"Kung hindi mo rin ako kayang pagkatiwalaan! Sana kahit man lang si Erajin
pinakinggan mo!!" hinihingal na sinabi ni Mephist "Hindi naman aabot sa ganito
ang lahat kung hindi mo pinairal ang katangahan mo!"

"Tama na, tama na," inawat na sya ni Ranger at pinilit na palayuin kay Josef
"Walang mangyayari kung ganito ang gagawin natin ngayon"

Tinignan lang nila Josef at Mephist ng masama ang isa't isa. Binitawan na nina
Aspasia at Ranger ang mga inaawat nila.

Isang matalim na tingin ang binigay ni Ranger kay Aspasia.

"Sa tingin ko, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to." sabi ni Ranger

"May kasalanan nga sya pero kasama yon sa trabaho nya." bilang sabad ni Yong-Ha
"Inaaksaya nyo lang ang oras natin pare-pareho dito."

Kumunot ang noo ni Ranger kay Yong-Ha "At ikaw? Sino ka naman?"

"Yong-Ha, Guardian Decurion of late No. 99."

"Late No. 99?" nagtatakang tanong ni Ranger

"Patay na si No. 99. At si Lady Armida ang pumatay sa kanya." tinignan nya si
Aspasia "Ang babaeng 'to ay kasama sa agreement ni Lady Armida at No. 99. At kung
may dapat kayong sisihin ngayon sa lahat ng kaguluhang 'to, si Ji Han yon at hindi
sya."

Nagtatakang tinignan ni Mephist at Ranger ang isa't isa. Tinatantya kung dapat ba
nilang paniwalaan si Yong-Ha.

Bip. Bip. Bip.

Pare-pareho silang napatingin sa loob ng truck. Sinilip nila sa kinatatayuan kung


ano yung tumutunog

"Ano bang nangyayari dito?"


Napatingin naman sila sa kabilang direksyon dahil sa nagsalita

"Markus," tawag ni Ranger "Bakit ka umalis don?"

"Bakit ang tagal nyo?" tanong ni Neptune

"Prince Jesada," yumuko naman si Yong-Ha para magbigay-galang kay Neptune

Nagtataka namang tinignan ni Josef, Mephist at Ranger si Yong-Ha na umayos na rin


ng tayo

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Neptune kay Yong-Ha

"Tinatapos ko lang po ang huling trabaho ko kay Master Yoo-Ji." sagot ni Yong-Ha

Tumango naman si Neptune sa sagot nya "Sa inyo ba galing ang signal na humaharang
sa system namin?"

"Yes, My Liege" sagot nya sabay yuko ng sandali

Tinignan ni Neptune ang loob ng truck na nakabungad ang mga computers at ilang
gamit "Dalhin mo yung mga gamit nyo malapit samin." sabi nya at saka itinuro ang
truck nila

Naglakad na sya pabalik sa truck nila na parang walang nangyari

"What... the... hell... is... happening here..." puno ng pagtataka ang mukha ni
Ranger habang unti-unting tinitignan si Mephist

__________

Bitin. Magpasalamat nalang dahil naga-update ang story na ito kahit na naka-On Hold

33

[January 15, 10:12am ]


Nasa loob ngayon ng truck nila Josef ang anim.

Nakaharap si Yong-Ha at Neptune sa mga computers habang hinihintay na matapos mag-


load ang mga naglo-load.

Yung apat naman, nakaupo sa mga nagkapatong-patong na gamit sa may likuran ng


dalawa,

Nakanganga pa rin hanggang ngayon si Ranger habang nakatingin sa asawa nya

"Pwede nang bahayan ng gagamba yang bibig mo," sabi ni Aspasia na naasiwa na rin
sa itsura ni Ranger

"I didn't expect that information." mahinang sinabi ni Mephist habang nakatingin
sa ibaba

Ang alam lang naman kasi nila pare-pareho, mga matitibay na bata lang ang
nakakalabas sa Isle.

At hindi nila alam ang background ng kahit sinong batang makakalabas sa islang yon.

Isa si Neptune sa pinakamagaling sa isla dahil hindi naman sya tatagal doon kung
mahina sya. Hindi rin sya mapapabilang sa Escadron Elites kung weak sya. Mayaman na
sya ngayon, at sikat sa pagiging contract killer. Wala syang issue pagdating sa
financial matter kaya walang nag-abalang alamin ang background nya dahil hindi
naman na yon ganun kahalaga para sa kanila. Lalo pa, iba na ang buhay nila paglabas
ng isla.

Kaya rin siguro kagulat-gulat para sa kanila na malamang isa pala syang prinsipe at
anak ng pinakamayamang Sultana sa Asya.

Kagulat-gulat lalo na para sa asawa nyang wala man lang kaalam-alam sa dati nyang
buhay. Ang alam lang kasi nito, anak-mayaman sya. Yun lang.

"Kelan kayo huling nagkita?" tanong ni Neptune kay Yong-Ha

"Last gathering, My Liege" sagot ni Yong-Ha

Tinignan naman ni Ranger si Mephist dahil hindi sya maka-relate sa pinag-uusapan


nung Guardian at ng asawa nya.
"Hindi ko po inaasahang makikita ko kayo ngayon pagkatapos ng gathering kung kelan
kayo nakadalo bilang anak ni Sultana Ashridaya," sabi ni Yong-Ha

"Ako rin," sagot ni Neptune

Pare-pareho silang hindi maka-relate sa loob ng truck dahil kila Neptune at Yong-
Ha. May pinag-uusapan sila na sila lang dalawa ang nakauunawa.

"Wala ba kayong balak bumalik sa inyo?" tanong ni Yong-Ha "Malapit nang magpasa
ng titulo,"

"Maraming tatanggap ng posisyon, hindi lang ako. Hayaan mo na sila, wala na doon
ang buhay ko ngayon." umikot sya sa inuupuan swivel chair para humarap kila Josef
na nasa likuran lang nila

"Kabisado ko ang loob ng Casa Amarillo, kaya marami-raming paraan akong naiisip
para iligtas si Erajin." sabi ni Neptune

Seryoso namang nakikinig sa kanya ang lima

"Kaya mong lumaban?" tanong ni Neptune kay Aspasia

"Naman," simpleng sagot ni Aspasia

"Gaano ka kagaling?" -Neptune

"Kaya bang ipaliwanag ng salita ang kakayahan ng tao?" tanong ni Aspasia "Iharap
mo sakin ang lalabanan ko, malalaman mo ang sagot"

Napa-smirk nalang si Neptune sa sagot nya at sunod na tinignan si Josef "You


steal, no question about that. How good are you?"

"Excellent." diretsong sagot ni Josef

Napasipol si Ranger, napataas ng magkabilang kilay si Aspasia at napa-iling nalang


si Mephist dahil sa sinagot nya.
Anong gusto nilang isagot ng isang Legend? Not bad? Natural, dun na sya sa
pinakamataas na level

"May naisip ka nang plano?" tanong ni Mephist

"Yeah," itinuro nya ng thumb ang computer sa likod nya "May mga plano akong
naisip na sa tingin ko, mas gagana na ngayon." tinignan nya si Yong-Ha "Sya ang
ha-handle dito sa control and monitoring," tinignan nya sunod si Mephist at Ranger
"Plan B: Susugod tayo..."

Kumunot ang noo ni Aspasia sa huling sinabi ni Neptune "May Plan B ka na eh wala
ka pa ngang sinasabing Plan A,"

"Kaya nga ganito ang Plan A..." napasandal sya sa inuupuan at tinignan ang relo
"Isusuko ka namin sa mga guards ng Casa. Tutal, iisa lang kayo ng mukha ni Erajin
ngayon," ibinalik nya ang tingin kay Aspasia "At kung ako si Crimson, malamang na
nagbigay na ko ng picture mo sa mga tauhan ko, just in case na bigla kang
tumakas..."

"Letse," ipinatong ni Ranger ang magkabilang kamay sa kanang balikat ni Mephist


na nasa tabi nya at doon isinubsob ang noo "Bakit tumatalino ang asawa ko kapag
nagseseryoso?" mahina nyang bulong

"...kilala ang Elites dyan sa loob ng Casa kaya walang maghihinala if ever isusuko
ka namin sa kanila bilang Erajin, ewan ko lang ngayon dahil sa nangyari kahapon,"
at sinulyapan nya sandali ang asawa para ipaalala ang nangyaring pagtatalo ng
Elites kahapon "Nagtalo kami ni Crimson dahil kay Erajin kaya malamang na
nasabihan na nya ang mga tauhan nya ngayon. Hindi naman sya tanga para hindi maisip
na hahanapin natin si Erajin sa lahat ng possible place na maiisip natin para
pagtaguan sa kanya."

"Kaduda-duda talaga yang takbo ng utak mo eh." sabi ni Mephist "I'm not sure if
you're just doing your job or gusto mo lang talagang gumanti kay Crimson... Pero
ayos sa plano,"

"Plan B, susugod tayo." sabad ni Josef

Tinignan na ni Neptune si Josef "Dun na mangyayari ang Plan C. Kapag nagsimula na


ang Plan B, kailangan mo nang pumasok sa pinakamadaling entrance ng Casa..." may
pinindot sya sandali sa keyboard na nasa likuran nya saka ibinalik ang tingin kay
Josef "...dun ka dadaan sa Isola"
"ISOLA?!" napatayo sa kinauupuan si Ranger at Mephist dahil sa sinabi nya

"Nababaliw ka na ba?" pigil na pigil na sinabi ni Ranger dahil isang tao lang ang
pagitan nya at ni Josef

"Jes, I know I hate this stupid moron," sabi ni Mephist habang tinuturo si Josef
"Pero baka may iba ka pang paraang naiisip"

"Tss," isang masamang tingin ang binigay ni Josef kay Mephist dahil sa sinabi nito

"Bakit? Ano bang meron dun sa Isola na yan at ganyan nalang kayo mag-react?"
tanong ni Aspasia

"Underground tunnel sya na naka-connect dito sa labas papunta sa lahat ng possible


entrance ng Casa, especially dun sa main house kung nasaan si Erajin. At kung doon
sya dadaan, wala syang magiging problema. Walang haharang sa kanya." -Neptune

"Yun naman pala eh," sarcastic na sinabi ni Aspasia "Anong pinagpuputok ng butse
ng dalawang yan?"

"Wala ngang haharang sa kanya kung doon sya dadaan. Maluwag ang security ng
tunnel..." sagot ni Ranger "...pero bago ka makapunta ng tunnel, kelangan pang
dumaan sa gate ng Tunnel 1..."

"...At wala pang nakakalagpas sa gate ng Tunnel 1 kahit sino." sabad ni Mephist
"Mataas ang security ng gate at kahit si RYJO hindi makakalagpas doon ng hindi
namamatay."

"Witness na ko sa lahat ng nangyaring pagpasok sa Tunnel 1 and wala pang nakalabas


at nakalagpas doon na buo pa ang katawan." kinikilabutang sinabi ni Ranger

"I'll do it. Sabihin mo lang kung anong gagawin ko, yung specific details." sabi
agad ni Josef dahilan para tignan sya ng lahat

"Hoy!" itinulak agad ni Mephist ang balikat nya "Alam kong sagad-sagad na yang
katangahan mo! Pero mag-isip ka nga ng mabuti!"

Tumayo agad si Josef para harapin si Mephist "Ano bang pinoproblema mo eh ako
naman ang pupunta doon?!"

Itinulak ni Mephist si Josef kaya napaatras ito "Pwede kahit ngayon lang, wag mong
pairalin yang kayabangan mo?!"

Gumanti naman si Josef at itinulak din si Mephist "Kayabangan?! Gusto ko lang


iligtas ang asawa ko! Nasaan ang kayabangan don?!"

Pumagitna na si Ranger at Aspasia para paglayuin yung dalawang kanina pa mainit ang
ulo sa isa't isa

Napailing nalang si Neptune at nagpakawala ng malalim na hininga

Mahihirapan silang pagkasunduin si Mephist at Josef sa lagay nila ngayon. At kung


paiiralin ng dalawa ang init ng ulo, malamang na mapupurnada lang ang susunod nyang
plano.

"Ano?! Ngayon mo ilabas ang tapang mo!" hamon ni Mephist kay Josef

"Ah talaga!" akmang susugod si Josef pero pinigilan sya agad ni Aspasia

"Tumigil na nga kayo!!" sigaw ni Aspasia

"Arkin, tama na!" pag-awat ni Ranger

Tinabig ni Mephist ang kamay ni Ranger na nasa balikat nya "Wag ako ang pagsabihan
mo!" itinuro nya si Josef "Yan! Yang gagong yan ang may problema!"

"Gusto mo talaga ng sakit ng katawan eh 'no!" sumugod na si Josef kaya ganun


nalang din ang ginawa ni Mephist

Pero bago pa sila magkasapakan na dalawa ay pinigilan na sila ni Neptune. Kinuha


nya ang dalawa at sinakal sabay tulak sa dingding ng truck para pigilan.

"Kung magbabasagan kayo ng mukha ngayon, sa tingin nyo makakalabas sa Casa si


Erajin?" tanong nya kila Josef "Umayos nga kayong dalawa!"

Tinignan lang sya ng masama ng dalawa


"Wag ako ang pagsabihan mo!" inis na sinabi ni Josef sabay tabig sa kamay ni
Neptune "Yang Ardiken na yan ang nagsimula!"

"Ah!" tinabig na rin ni Mephist ang kamay ni Neptune sa leeg nya "Sino kaya ang
tangang pinabayaan ang asawa nya?"

"Tanginang yan! Ano kayo? Mga bata?!" galit na sigaw ni Neptune sa kanilang dalawa
"Ngayon nyo pa naisipang magsisihan?!"

At ngayon, si Neptune naman ang inawat ni Ranger "O, wag ka nang dumagdag,"

"Tsk tsk tsk," napailing nalang si Aspasia at kinaladkad nalang si Josef at


Mephist papalabas ng truck

Sinipa nya ang pinto ng truck at itinulak doon sila Josef at Mephist. Nasubsob
tuloy ang dalawa sa kalsada dahil hindi naman mababa ang truck.

"Kung balak nyong magpatayan! Dyan nyo gawin sa labas! Wag dito sa loob! Nandadamay
pa kayo sa init ng ulo nyo!" sigaw nya sabay sara ng pinto ng truck

34

Lesson learned after nang hindi ko mabuksan ang account ko.


Wag basta-basta ibibigay ang password sa retarded na kapatid. Hahahaha!!
Ayoko kasi ng bagong format ng wattpad, ang gulo!
__________________________________________________________

[ January 15, 2:34pm ]


Ang tahimik sa loob ng truck nila Josef. Nandoon na ulit sa loob si Josef at
napilitan silang lahat na ihiwalay sya kay Mephist. Si Ranger at Aspasia ang kasama
nito sa kabilang truck. Kakatapos lang nilang kumain, mabuti nalang at kumpleto sa
basic needs ang armored truck nila Ranger at doon nalang sila kumuha ng makakain
bago bumalik sa trabaho.

"Anong oras nyo balak kumilos?" tanong ni Josef kila Neptune

"Maya-maya lang, ok na tayo." sagot ni Neptune "Kabisado naman namin ang Casa
kaya hindi kelangang pag-isipan ang gagawing pagpasok. Maiiwan muna kami ni Yong-Ha
dito tapos si Mephist ang magdadala kay Aspasia. Kapag palpak ang Plan A, diretso
sa Plan B, nandoon na si Ranger at susugod nalang."
"Lord Ricardo," iniabot ni Yong-Ha ang isang earpiece kay Josef "Ako na po ang
bahala sa directions,"
Inabot naman ni Josef ang earpiece at sinuot agad "Saan nga pala yung gate na
yun?"

"30 meters west mula dito sa location natin." ibinigay ni Neptune ang isang
blueprint kay Josef "Alam mo na kung ano yan. 30x10x5 meters ang sukat nyan. Isang
pinto lang ang kelangang daanan para makapasok sa loob ng tunnel. Kaso sasalubong
sayo ang iba't ibang klase ng laser at paniguradong patay ka talaga kung hindi mo
alam ang gagawin mo."
"Ano bang kelangang gawin doon para makalagpas nang hindi namamatay?" tanong ni
Josef habang inuusisa ang blueprint
"Isa lang naman ang pwede mong gawin..." sandali syang tinignan ni Neptune
"...wag kang tumuloy."
Napahinto si Josef sa pagtingin sa blueprint at napatingin kay Neptune "Ano ba
talagang plano mo?"
Napasandal si Neptune sa inuupuan at napabuntong-hininga "Ikaw ang Plan C, at
kahit pa walang maging problema ang Plan A, susugod pa rin tayo at dadaan at dadaan
ka pa rin sa Isola." kinuha nya ang isang maliit na microphone at camera sa
likuran nya "Kapag nagsimula na ang Plan B, gagana na ang mga alarms at naka-
highten alert na agad buong Casa, tatagal naman ng 10 minutes bago matapos ang
pagtunog ng mga alarms at tuluyang magsara ang buong lugar." inihagis nya kay Josef
ang mic at camera "Once na magsimula ang Plan B, samantalahin mo na ang
pagkakataong pumuslit sa loob. Sa mga oras na yon, wala ka nang alarms na
aalalahanin dahil kami na mismo ang magbubukas ng alarms para sayo. Kahit pasabugin
mo ang buong gate, walang makakapansin. Hindi nagbabago ang security sa gate ng
Tunnel 1 dahil fixed na yon. Ang iisipin mo nalang ay yung huling laser dahil hindi
gumagana kahit ang granada doon. Kaya nga tinatanong kita kung gaano ka kagaling,
dahil babase ang lahat sa kakayahan mo bilang magaling sa pagpuslit sa kahit anong
lugar."
Tumango naman si Josef sa sinabi ni Neptune at itinutok ang maliit na mic sa bibig
"Mic check, mic check,"
Nag-feedback naman ang boses nya sa speakers ng mga computers

"May idea ka ba kung anong itsura ng huling laser?" tanong ni Josef


Isang mabilis na pagbuga ng hangin ang nagawa ni Neptune at saka umikot sa inuupuan
para humarap sa mga computers
...................................................
[ January 15, 3:00pm ]
Simula na ng plano.
Plan A (1):

Dadalhin ni Mephist si Aspasia sa entrance ng Casa, sasabihing nakatakas ito mula


sa loob at sya ang nakakita. Sasabihin nyang may kailangan sya mula sa loob kaya
sya nandoon. Sa mga oras na yon, malamang na magkakahiwalay na sila ng landas ni
Aspasia oras na maniwala ang mga guards.

Kapag walang naniwala at nahuli agad sila, diretso sa Plan B.


Nakaposas sa likuran ang mga kamay ni Aspasia habang naka-full battle gear naman si
Mephist "Kilala nyo ba ang babaeng 'to?" tanong ni Mephist habang hawak sa
likurang kwelyo si Aspasia
"Ano ba! Bitiwan mo nga ko!" sigaw ni Aspasia habang pumapalag sa pagkakaposas nya
Nagkatinginan naman ang mga guards na nasa entrance ng Casa na may mga hawak na
matataas na kalibre ng baril

"Sino ba 'to? Bakit tumatakas dyan sa loob?" tanong ni Mephist


"Wala. May atraso lang kay Crimson," kinuha na ng isang guard si Aspasia kay
Mephist "Anong kelangan mo dito?"

"Kukunin ko lang yung C4 na pinatago ko dun sa Block 33. Kelangan ko na mamayang


gabi." sagot ni Mephist
Tumango naman ang guards at pinapasok na si Mephist sa loob ng Casa. Iniabot sa
kanya ng kausap na guard ang isang susi ng 4x4.

"Pakawalan nyo nga 'ko!!" sigaw ni Aspasia habang kinakaladkad ng dalawang guards
papunta sa isang owner-type "Papatayin ko kayo oras na makatakas ako dito!!"
Pinanood lang sya ni Mephist habang papunta ito sa 4x4 na sasakyan nya.
Plan A (1): Success
Plan A (2):
Expected na ang paghihiwalay ni Mephist at Aspasia, ang gagawin nalang ni Mephist
ay tulong para sa Plan B. At ang mga bombang kukunin nya ay gagamitin oras na
buksan na ang alarms.

At kung maniniwala pa rin silang si Aspasia ang nakakulong sa Casa na si Erajin,


malamang na ang mga guards na mismo ang magdadala sa kanya kung nasaan ang tunay
nilang pakay.

Alam ni Neptune na walang magre-report kay Crimson ng nangyaring pagtakas ng


inaakala nilang si Erajin dahil pare-parehong mananagot ang mga guards kung
sakaling malaman ng amo nila na nakatakas ang importanteng taong nakakulong ngayon
sa Casa.
Limang minuto lang ang itinagal ng byahe ng owner bago makapunta ng main house.
"Wag nyo nga kong hawakan!!" sigaw ni Aspasia sa dalawang guards na kumakaladkad
sa kanya
Itinulak sya ng mga ito kaya nasubsob sya sa sahig

"Anong gagawin natin dyan?" bulong ng isang guard sa kasama nito "I-report na
kaya natin,"
"Tanga ka ba? Paano kung tayo ang mapatay dahil dyan? Ikulong nalang muna natin dun
sa kwarto nya. Hindi naman na makakatakas yan," sagot naman nung isang guard.
Tumango naman ang kausap nya at binuhat na si Aspasia na parang sako lang ng bigas

"Saan nyo ko dadalhin?!" pinilit ni Aspasia na makababa sa pagkakabuhat sa kanya


ng guard "Mga hayop kayo! Sinasabi ko sa inyo! Oras na makatakas ako dito!
Papatayin ko kayong lahat!!"
Nakarating na rin sila sa kwartong binigay ni Crimson para kay Erajin...

"Ano ba--!!" ibinagsak nalang sya ng guard na bumubuhat sa kanya sa dulo ng kama
"Aray!!"

"Kung ako sayo, hindi ko uubusin ang oras ko kakasigaw. Wala rin namang mangyayari.
Walang tutulong sayo dito." sabi sa kanya ng guard at saka ipinosas sa paa ng kama
ang kanang paa nya

"Tatandaan ko yang pagmumukha mo! Humanda ka sakin pag nakaalis ako dito! Hayup
ka!" sigaw ni Aspasia dun sa guard
Tinawanan lang sya ng guard at saka na sila umalis doon para iwanan sya.

"Papatayin ko kayong lahat!!!!!" sigaw ni Aspasia


Nagsisigaw sya sa loob ng kwarto at halos lahat na ng kasumpa-sumpang salita na
naimbento ng tao ay nasabi na nya
Narinig na nya ang tunog ng sasakyang paalis na ng main house
Pumikit sya at binilang ang segundo at ang layo ng tunog ng sasakyan. Paulit-ulit
syang tumango para sukatin ang oras bago sya kumilos.
Dumilat na sya nang hindi na nya marinig ang sasakyan.
Ipinaikot nya ang kamay sa likod ay biglang kumalas ang posas na suot.

[ Ang galing mo umarte ]


"Maliit na bagay," sagot ni Aspasia
Kinuha nya ang isang duplicate key na binigay ni Neptune sa kanya

"Ang galing mong strategist, alam mo lahat ng posibilidad na pwedeng mangyari,"


sabi nya habang tinatanggal sa pagkakaposas ang paa nya

[ Sampung minuto, kaya mong libutin ang buong bahay? ]


"Base sa lawak, sapat na yang oras."
Itinapon na nya ang posas sa kama at dali-daling lumabas ng kwarto.

[ Walang guards sa bahay pero may mga cameras. Kayang gawan yon ng paraan pero
mag-ingat ka sa ibang parte ng bahay dahil baka makapag-trigger ka ng alarms ng
wala sa oras. ]
"Sige,"
Inikot na ni Aspasia ang buong bahay para hanapin si Armida. Malaki man ang buong
bahay, bilang naman ang mga kwarto, kaya hindi mahirap libutin.
Lima ang kwarto sa buong bahay, na pawang mga malalaki. May receiving area na bukas
naman at walang mapagtataguan. Sa kusina naman bukas din. Nagpunta na rin sya sa
mga lugar na may pinto na madali naman nyang nabuksan, kaso wala ni anino ni
Erajin.
"Hindi ko makita," hinihingal na sinabi ni Aspasia
[ Teka... ]
Nasa may kusina sya ngayon at nililingon-lingon ang paligid. Baka sakaling may
makita sya.
[ Nandyan ka na kung nasaan sya. Sigurado kang hindi mo makita? ]
Walang nasagot si Aspasia, sa halip ay nilapitan ang isang malaking cabinet ng mga
plato.
[ Nandyan ka pa? ]
Nakakunot ang noo nya habang tinititigan ang isang plato doon na sobrang pamilyar
sa kanya.
[ Aspasia? ]
Binuksan agad ni Aspasia ang cabinet para kunin ang isang luma pero magandang china
plate. May mga kaunting basag na iyon sa gilid, pero masasabing maganda talaga sya
dahil sa mga disenyo nitong kakaiba. Nanginginig ang mga kamay nya habang hawak
iyon, nangingilid ang luha nya habang dahan-dahang hinihimas ang plato
" 'Lo..."

[ Aspasia? Ano bang ginagawa mo? ]


"Paano napunta ang plato na 'to dito..."
[ Plato? Kelangan nating iligtas si Erajin? Bakit mo uunahin ang isang plato? ]
"Gusto kong malaman kung paano napunta ang plato na 'to dito?!!" galit nyang sigaw
habang unti-unting tumutulo ang luha nya
Walang nakasagot sa tanong nya mula sa kabilang linya
"Paano 'to napunta dito?! Bakit nandito 'to?! Bakit?!! Aaarrgghh!!!" isang
malakas na sigaw ang ginawa nya at aksidenteng naibagsak ang platong hawak
Kilalang manggagawa ng mga mamahaling ceramics ang umampon sa kanya at ang platong
nakita ay isa sa mga dahilan kung bakit pinatay ang taong nag-alaga sa kanya
[ Aspasia, kumalma ka nga muna! ]

"Bakit nyo pinatay ang impu ko?!!" nagwala na sya at pinagbabasag na lahat ng
platong naka-display doon "Mga hayop kayo!! Aaarrgghhh!!!"
[ Aspasia! Hindi ka matutulungan ng pagwawala mo! ]
"Bakit ang lolo ko pa?!!"

Itinulak nya ang buong cabinet para pabagsakin kaso ang nangyari...
Woooogggssshhhh....
Napahinto sya sa pagwawala nang biglang bumukas ang isang hidden door na naka-
camouflage as cabinet
[ Aspasia! ]
Hinihingal si Aspasia habang tintignan ang pintuang biglang bumukas. Pinunasan nya
ang mukha at nagtatakang sinilip ang madilim na loob ng pinto
EEEEENNNNGGGGG!!!!
Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan ng buong Casa. Napatingin sa
itaas si Aspasia na parang doon nya makikita ang pinanggagalingan ng malakas na
tunog ng alarm
[ Aspasia, umalis ka na dyan! Nabuksan mo ang isang alarm ng Casa! Diretso na tayo
sa Plan B! ]

"May nakita akong pinto..."


[ Ha?! Hayaan mo na yan! Umalis ka na dahil aabutan ka dyan ng mga gwardya! ]
"May nakita akong pinto! Baka nandito sya!"
[ Kami na ang bahala! Umalis ka na! ]
Hindi na pinakinggan ni Aspasia ang kabilang linya, sa halip ay pumasok nalang sya
sa bumukas na hidden door
[ January 15, 3:45pm ]
May nakitang paikot na hagdan si Aspasia pagpasok nya sa loob ng nabuksang pinto.
Bumaba sya doon kahit na maliliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa buong
lugar.
Sa dulo ng hagdan, bumungad sa kanya ang isang mahabang tunnel na malamang ay ang
tinutukoy ni Neptune na parte ng Isola.
Tinignan nya ang magkabilang daan; yung isa, papunta sa isang napakahabang madilim
na daan, yung isa papunta sa isang malaking bakal na pintuan. May malaki itong
pihitan na mukhang pang-vault ng bangko na mukha ring steering wheel ng barko. At
kung titignang maigi, halatang mahalaga ang nakatago doon.
Lumapit sya at sinubukan nyang pihitin ang pinaka-lock, kaso masyadong mahigpit ang
pagkakasara at medyo pagod na rin sya.
"Ano ba! Bumukas ka na!" halos dumulas na ang kamay nya sa bakal, mabuksan lang
ang pinto
Samantala......
Nagsisimula na ang Plan B.
Bukas na ang alarms ng buong Casa. Malakas na ingay ang pumupuno sa buong lugar.
Lahat ng guards ay nagsisimula nang kumilos.
Isinasara na ang lahat ng pwedeng isara. Binubuksan na ang dapat buksan. Sumugod na
ang truck kung nasaan si Ranger. Magkasama sila ngayon ni Neptune, at sya ang
nakatoka sa opensa habang si Neptune ang nagd-drive. Sinira na nila ang gate ng
Casa at pinaputukan na ang mga guards na haharang sa kanila.
May sumabog na rin sa gitnang parte ng Casa na wala man lang nakakaalam kung saan
ba nanggaling. Nagsisimula na ring kumilos si Mephist mula sa loob.
Kailangang mailipat sa iba't ibang lugar ang atensyon ng mga guards para masunod
ang Plan C.
Naiwan si Yong-Ha sa truck para i-guide si Josef sa lahat ng gagawin nito.
Si Josef naman nakapasok na sa gate ng Tunnel 1. May syam na minuto nalang sya para
makalagpas sa gate nang buhay.

< Josef's viewpoint >


Naka-fitted black shirt, black cargo pants, rubber shoes at may utility belt na may
iba't ibang gamit ang suot ngayon ni Josef. Mukha na talaga syang nagta-trabaho
ngayon bilang isang magnanakaw. Naririnig nya sa earpiece ang malakas na tunog ng
alarm na nanggagaling sa linya ni Yong-Ha.
Ang loob ng gate ng Tunnel 1 papuntang Isola ay isang mahabang kwarto na gawa sa
metal at salamin. Malamig sa loob at andaming mga pulang laser.

[ Milord, nakikita nyo na ba sa pwesto nyo ang dulong pinto ]


"Oo." ibinato ni Josef ang isang maliit na bato sa mga lasers na parang sapot ng
gagamba ang itsura na nasa kwartong yon
Nag-abang sya kung magkakapira-piraso ba ang bato. Tumaas naman ang kilay nya dahil
buo pa rin yung hinagis nya.
Tumakbo nalang sya at dinaanan nalang ang laser dahil alam nyang wala nang alarm na
bubukas dahil kanina pa bukas ang alarm.
Napakadaming pulang laser na nandoon at nakakapeke dahil sa sinabi ni Neptune
tungkol sa huling part.
Ilang metro nalang ang layo nya sa dulo nang biglang mawala ang mga naunang laser
at isang umaandar na pulang laser ang papalapit sa kanya. Kumunot ang noo nya dahil
doon kaya hinagis nya ang isa pang batong dala.
"Uh-oh..." tinalunan nya ng umaandar na laser dahil nahati ang batong hinagis nya.
Nilingon nya iyon para panooring umandar papalapit sa entrance ng nakasaradong gate

[ Milord, ayos lang ba kayo? ]


"Kaya pa. Ilang minuto pa ang natitira?"
[ 6 minutes and 43.5 seconds ]
Nilakad na ni Josef ang natitirang metro ng Tunnel 1 gate. Lumabas na naman ang
isang vertical laser at walang kahirap-hirap na nilagpasan yon ni Josef. Nagpatuloy
lang sya sa paglalakad nang lumabas na naman ang isang vertical laser.
"Tss..." napailing nalang sya dahil hindi nya inaasahang ganun lang ang pipigil sa
kanya
Unti-unting lumapit ang laser sa kanya. Iiwas sana sya nang biglang...

"Dammit!" napaatras sya nang biglang umikot ang laser at naging tatlong pahigang
linya
Napadapa tuloy sya at hinihintay na makadaan ang tatlong laser
"Takte!" tumayo na sya at nakasimangot na tinignan ang mga laser na papalapit sa
pinto kung saan sya galing
Naglakad na uli sya. Tatlong metro nalang ang layo nya sa pinto nang nagpakita na
naman ang isang horizontal laser. Umikot din ito at naging tatlong patayong linya
Dumikit sya sa pader ng kwarto para makaiwas sa paparating na laser
"Ok. Now this is not a joke anymore..."

Naglakad na sya sa natitirang dalawang metro.


Lumabas na naman ang isang vertical laser. Napahinga tuloy sya ng malalim dahil
baka dumami na ang linya.
Inisip nyang dadapa nalang sya kaso nung umikot ang laser...
"Oh shit!" napaatras sya nang maging isang malaking net iyon na pumuno sa buong
espasyo na dadaanan nya
Hinagis nya agad ang isa sa dalang granada para pigilan ang laser na paparating
pero nahati lang ito sa limang piraso at hindi naman sumabog

"Hell no..." napilitan tuloy syang tumakbo pabalik para hindi abutan nung laser na
malamang ay pagpipira-pirasuhin ang katawan nya
Inikot nya agad ng tingin ang buong kwarto para maghanap ng pwedeng takasan kaso
wala syang makita.
Sinubukan nyang buksan uli yung pinto ng gate kaso huli na.

"Yong-Ha? Hindi ba kayang tanggalin 'to?" tanong ni Josef dahil may sampung metro
nalang ang layo ng laser sa kanya

[ Milord, pasensya na pero wala akong magagawa ]

"Tsk!" inis nyang tinignan uli ang buong kwarto. Wala na syang magagawa, kelangan
na.
Hinagis nya ang isa pang granada sa sahig ng kwarto na malayo-layo rin sa pwesto
nya at saka sya dumapa at tinakpan agad ang ulo.
BOOOOGGSSHHH!!
Isang malakas na pagsabog ang bumutas sa sahig ng lugar na yon. Sumabog ang mga
lupa sa ilalim at nasira ang sahig. Biglang uminit sa buong lugar at ang laser
naman na paparating ay agad na nawala.
"Ugh!" mahilo-hilong bumangon sa pagkakadapa si Josef. Napakapit sya sa pader ng
kwarto para lang makatayo ng maayos.
Malakas ang pagsabog na nangyari at malapitan pa kaya natural lang na ganun ang
maging lagay nya. Nakapagtamo sya ng ilang sunog sa balat at halos mamingi na sya.
Nawala ang balanse nya at pakiramdam nya, tutumba sya kahit anong oras. Mabigat ang
kanang parte ng ulo nya at nakailang ulit itong bumagsak nang hindi nya sinasadya.
Ngunit kahit na ganun, pinilit pa rin nya ang sarili na kumilos.
Hindi iyon ang oras para bumigay. Kelangan pa sya ng asawa nya.
Nakakapit sya sa pader ng kwarto habang papunta sa pintong magdadala sa kanya kay
Armida.
.......................................
< Sa may Casa >
Niraratrat na ni Ranger ng bala ang mga gwardya na balak silang pigilan. Kung saan-
saang bahagi na rin ng Casa ang nagkakaroon ng pagsabog. Malapit nang matapos ang
alarm at pasara na rin ang lahat ng pwedeng entrance ng Casa. Oras na mangyari yun,
isang lugar nalang ang pwedeng daanan. At yun ang sinira nilang gate. At sigurado
silang lahat ng guards ay haharang doon para pigilan ang lahat ng magbabalak
lumabas.
"Sa tingin mo, nakalagpas sya?!" sigaw ni Ranger kay Neptune
"Dapat makalagpas sya! Masasayang ang paghihirap natin kung hindi!"
"Paano kung hindi nya magawa?! Paano na si Erajin?!"
"Wala syang magagawa! Sa ayaw nya't sa hindi, kelangan nyang magawa! Sya ang kauna-
unahang alamat ng Association! Hindi nya naman makukuha ang titulong yon nang
walang dahilan! Magtiwala ka nalang!"
....................................
< Josef's viewpoint >
Umiikot ang paligid nya pero pinilit pa rin nyang bilisan ang paglakad.
Malapit na. Malapit na malapit na.
Paulit-ulit yang tumatakbo sa isipan nya.

"Handa kaming magsilbing cover para sayo. Dahil alam naming ikaw lang ang
makapagliligtas sa asawa mo."
Gusto nyang umupo. Gusto nyang magpahinga. Wala na syang naririnig sa paligid.
Hindi sya sigurado kung dala ba ng underground tunnel ang katahimikan o nabingi na
sya dahil sa nangyaring pagsabog kanina.
Nasira na ang earpeice nya at static sounds nalang ang maririnig mula sa kabilang
linya. Itinapon nalang nya iyon dahil wala rin namang kwenta. Kahit ang camera nya
ay nasira na rin kaya wala na syang contact kay Yong-Ha.
May nakikita na syang liwanag. Pero sa tingin nya, imahinasyon lang nya yon.
Gusto na nyang umuwi, kahit na alam nya sa sariling wala na syang bahay na uuwian.

"Dont worry, hindi naman ako naniniwala eh. Kasi kung assassin ka at nandito ka
para patayin ako, dapat kanina pa ko patay. Unless, may crush ka sakin kaya hindi
mo ko magawang patayin, ahihihi."
Gusto nyang humiga sa malambot na kama, matulog buong maghapon at bumalik sa dating
buhay na wala syang ibang iisiping problema na may kaugnayan sa buhay at kamatayan
nya.

"Kaya mo naman akong protektahan diba?"


Gusto nyang bumalik sa dati. Na ang tanging gumugulo lang sa isip ay kung sino na
naman ba ang tatanggapin at tatanggalin sa kumpanyang pinagtatrabahuhan.

"Ikaw ang problema ko. Wag mo kong pakialaman! Pag gusto kong umalis, aalis ako!
Hindi mo ko pagmamay-ari!"
Dumudugo na ang tenga nya at pakiramdam nya, kahit ang ilong nya dumudugo na rin.
Mahapdi ang mga sunog sa balat nya, pero sa sobrang sakit, nawalan na sya ng
pakiramdam.

"Tapos ka na ba? Oo na! Kasalanan ko na lahat! Kasalanan ko kung bakit kayo kinasal
ni Jocas!"
Nakikita nya sa nanlalabong mata nya ang isang imahe ng isang babae.
"Bumukas ka na!"
"Armida..."

"Argh! Dipan na ca ning alti!"

"Armida..."

Nilapitan nya ito at hinawakan ang balikat ng babaeng inaaway na yung bakal na
pinto sa harapan
"Armida..."
Napatalikod ang babae at gulat na gulat na tinignan sya

"Oy! Anong nangyari sayo?! Kanina pa tapos ang sampung minuto mo ah!" sigaw sa
kanya ni Aspasia at saka sya inalalayan para makatayo ng maayos "Pinasabog mo
talaga yung gate?!"
"Nasaan ang asawa ako..."

"Ewan? Pero sa tingin ko nandito sya?" sagot ni Aspasia habang tinuturo yung
pintong kanina pa nya gustong buksan
Tumango nalang si Josef at lumapit sa pinto
"Hoy! Ayos ka lang ba?? Ako nga hindi ko mabuksan yan! Ikaw pa kaya eh mukhang mas
mahina ka pa ngayon sakin!"
Mahigpit na hinawakan ni Josef ang dalawang metal rod ng lock "Aaarrgghh!!"
inubos nya ang natitira nyang lakas para lang mabuksan ang pintong hindi mabuksan-
buksan ni Aspasia
Nakakunot ang noo ni Aspasia habang pinapanood si Josef "Hindi mo kaya! Wag mo
nang--!"
Napahinto sya nang kahit paano'y napagalaw ni Josef ang lock.

"Hah!" napaatras si Josef hanggang makasandal sa pader ng tunnel. "Hah!" Napaupo


sya sa sahig dahil sa pagod. Hingal na hingal sya dahil sa ginawa. Napapikit nalang
sya habang nakatingala

"Uy... Ok ka lang?" asiwang tanong ni Aspasia habang hawak na ang lock na kahit
paano'y nabuksan na rin ng kaunti
"Open it..." hinihingal na sinabi ni Josef habang tinuturo ang pinto
Tumango naman si Aspasia at inikot na ang mabigat na lock.
Sa wakas ay nabuksan na rin ang pinto
"Armida?" tawag ni Aspasia
Pumasok na sya sa loob at bumungad sa kanya ang isang napakagandang kwarto. Magara
ang kama at ang mga furnitures, maganda ang disenyo ng loob. Maraming mga
mamahaling bagay na naka-display. Malaki, malawak, malamig din doon. Para syang
nasa loob ng isang eleganteng kwarto ng Citadel.

"Armida? Nasaan ka--?" napahinto sya sa paghahanap nang makita ang pakay nya na sa
sulok ng kwarto at nakatingin sa kanya.
Naka-upo lang ito habang yakap ang mga binti.
"Anong ginagawa mo dito?" napatayo na si Armida
"T-teka... Yung--" paikot na itinuro ni Aspasia ang mukha nya "...bumalik na sa
dati ang mukha mo?"
Tumango naman si Armida sa tanong ni Aspasia "Bakit nandito ka? Paano ka napunta
dito?"

"Ililigtas ka namin kay Crimson. Nandyan lang sa labas nitong kwarto ang asawa mo."
sabi ni Aspasia
Kumunot ang noo ni Armida sa narinig "ANO?!!" napasugod agad sya sa labas para
makita ang asawa nya
Paglabas nya...

"JOSEF!" nilapitan nya agad si Josef na bumabawi ng lakas. Lumuhod sya sa harapan
ng asawa at pinunasan agad ang mukha nitong marungis na at duguan "Anong
nangyari?!"
Unti-unting itinaas ni Josef ang kamay nya para hawakan ang pisngi ni Armida

"Bakit ka nagpunta dito?! Nababaliw ka na ba?!" naghalo na ang inis at pag-aalala


sa tono ni Armida
"Let's go home..." mahinang sinabi ni Josef
Nakakunot ang noo ni Armida nang tignan si Aspasia "Diba ang sabi ko maghintay ka
lang hanggang makabalik ako! Bakit hindi ka sumunod sa plano?!"
"Sinisira na ni Ji Han ang plano mo! Malapit na nilang patayin si Josef! Kelan mo
pa balak bumalik? Kapag patay na sya?!" sigaw sa kanya ni Aspasia
"Tsk!" inis na inirapan ni Armida si Aspasia at nag-aalalang tinignan ang asawa
"Isa ka pa! Alam mo ba 'tong lugar na pinapasok mo?!"
"Gusto ko nang umuwi..." sabi ni Josef. Pinilit nyang tumayo para makaalis na sila
doon

"Nakita mo na'ng nangyari sayo?! At saan ka naman dumaan?!" galit na tanong ni


Armida habang inaalalayan si Josef

"Dun sa gate ng Tunnel 1..." mahinang sinabi ni Josef


Lalong sumama ang mukha ni Armida dahil sa narinig "Gate? ng Tunnel 1?!"
ibinaling nya ang tingin kay Aspasia "Sino ang may sabing papuntahin nyo 'to sa
gate ng Tunnel 1?!"

"Sisihin mo si Neptune. Sya ang may pakana ng lahat." inakay na rin nya si Josef
para tulungan si Armida
Umakyat na sila ng hagdan para makabalik sa kusina ng main house.
"Bakit kasama nyo si Neptune?! Ano bang nangyayari ngayon?!" tanong ni Armida
"Kelangan ka naming iligtas. Papatayin nila ang asawa mo at ipapalit sa pwesto si
Crimson, pagkatapos ay ibabalik ka nila sa kastilyo. Kung hindi namin 'to gagawin,
masasayang lahat ng pinaghirapan mo at pati ang asawa mo mamamatay nang wala sa
oras!"
Paglabas nila sa hidden door....
"Takneydamo," mahinang bulong ni Aspasia nang makita ang mga lalaking tinututukan
sila ng baril
-----------------
And now, the end is near... And so I face my final curtain...
Malapit na po ang ending! ^_^)v
Alam ko super nakakabitin sa nakakabitin sya! Pero wag munang mag-react ng
masama!!!
At dahil sembreak na! Yes! Magdiwang!! Un-hunh! Un-hunh! Oh yeah! Oh yeah! Parteeh
parteeh!
Marami na kong time para i-polish ang next updates, dagdagan ang dapat dagdagan,
palitan ang dapat palitan at bawasan ang dapat bawasan.
And wag na kayong mag-request ng update parang awa nyo na!
Dahil next Saturday! Exactly October 25, 2014 people!
Ipo-post ko na ang next chapter hanggang ending ng The Superiors: Last Book! Oh
yeah!!!
[ At alam kong may mga readers ang story na ito na may issue sa reading
comprehension, hindi masukat ng Stanford-Binet scale ang IQ at non-kardia species.
Kaya aabangan ko ang mga 'ud plsss' nyo b(^__^)d ]

35
Nagkatinginan lang silang lahat na nandoon. Nagtataka sa mga nangyayari.

Kilala ng mga tao sa lugar na yon si RYJO, at nakita nila ito ngayon. Kasama ang
babaeng inuwi ni Crimson nitong nakaraang gabi lang. At higit sa lahat, kasama nila
ang isang lalaking maraming sugat na hindi nila alam kung saan nagmula at napunta
doon.

"Siguro naman, wala pang tumatawag kay Crimson dahil sa nangyayari ngayon?" tanong
ni Armida sa mga lalaki

Nagkatinginan naman ang mga ito para alamin ang mga iniisip nila.

Nagkatinginan naman sila Aspasia at Armida. Sabay silang tumango nang mabasa ang
iniisip.

Binitawan ni Aspasia si Josef at saka nya itinumba ang malaking kahoy na mesa sa
gilid nya.

"Dito!" sigaw ni Aspasia kila Armida

Lumapit agad doon sila Josef at Armida para magtago.

Pinaulanan sila ng mga bala ng mga lalaki pero napahinto agad ang mga ito

"TIGIL!!" sigaw ng isa sa mga bumabaril

Hindi nila pwedeng sirain ang bahay dahil pare-pareho silang malalagot kay Crimson
pag nagkataon. Kahit pa kelangan nilang mahuli ang mga nakapasok sa bahay na yon,
wala silang magagawa kundi bilangin ang mga galaw dahil main house ang sisirain
nila.

Mabuti nalang at makapal ang mesa at hindi iyon nabutas kahit na pinaulanan ng bala

"Bakit sila tumigil?" tanong ni Aspasia

"Bahay 'to ni Daniel. Malilintikan ang mga yan kapag sinira nila 'tong lugar,"
sabi ni Armida. Lumapit sya sa katapat na cabinet at kumuha doon ng kahit anong
magagamit nya "Eto," ibinato nya kay Aspasia ang isang knife holder na naglalaman
ng iba't ibang klase ng kitchen knife
Kumuha agad si Aspasia ng anim na kitchen knife na iba-iba ang sukat at iniipit sa
daliri ang mga talim para ihanda sa pagbato.

"Ikaw? Anong--" napahinto si Aspasia nang makita si Armida na may hawak na isang
balot ng nachos "At ngayon mo pa naisipang kumain?!"

Sumubo si Armida ng dalawang piraso ng nachos at tumabi kay Aspasia "Ansarap,"


sabi nya sabay alok

"Baliw." sabi ni Aspasia sa katabi

"Aaa," utos ni Armida. Ngumanga naman si Aspasia at saka nya ito sinubuan ng ilang
piraso ng nachos "Masarap diba?"

Tumango naman si Aspasia habang ngumunguya

Sabay na silang sumilip sa itaas ng mesa para tignan ang mga kalaban. Nakahanda pa
rin ang mga baril nito para paputukan sila. Ibinato agad ni Aspasia ang mga hawak
na kutsilyo sa dibdib ng mga lalaking nandoon at inaabangan ang pagsuko nila. Si
Armida naman, pinatama ang mga piraso ng nachos sa leeg ng mga kalaban nila.

Labing-isa agad ang napabagsak nila dahil sa ginawa. Pagkatapos ay agad din silang
bumalik sa pagtatago.

Bang!

Bang!

Bang!

Tatlong sunod-sunod na pagbaril ang natanggap nila mula sa mga lalaki. Napahinto na
naman ang mga ito dahil nga sa lugar kung saan sila naroon.

"Magaling ka talaga," nakangising sinabi ni Armida kay Aspasia

"Sabihin mo yan sa sarili mo," sagot naman ni Aspasia sabay smirk

Sabay nilang tinignan si Josef na ang asiwa ng tingin sa kanila.

"Ok ka na?" tanong ni Aspasia

Tumango naman si Josef dahil kahit paano'y nakaka-recover na ang katawan nya dahil
sa pagod "Kelan pa kayo naging ganyan kalapit sa isa't isa?" tanong nya

Sabay naman na nag-shrug ang dalawa bilang sagot sa kanya

"Sumuko nalang kayo!" sigaw sa kanila ng isang lalaking natira doon. Rinig sa tono
nya na kahit gusto nyang sumugod ay hindi nya pwedeng gawin. Isa lang naman kasi
ang pagpipilian nila Armida para sa kanila: Ang sumuko. Pero base sa nangyayari,
mukhang walang sukuan na magaganap.

"Asa ka!" sabay na sigaw ni Aspasia at Armida "Bakit hindi na kayo sumugod??"

Nagkatinginan ang dalawa dahil pareho lang sila ng sinabi. Sabay nalang din silang
napangiti.

"May magagamit ka pa?" tanong ni Armida kay Aspasia

Nilingin-lingon naman ni Aspasia ang paligid. Naghanap ng magagamit nya. "Marami,"


dinampot nya agad ang mga platong binasag nya kanina na nakakalat sa sahig na nasa
gilid lang nya "Game?" tanong nya kay Armida habang pinapakita ang mga hawak na
nabasag na piraso ng plato

"Game," masayang sagot ni Armida at saka sila sumilip uli sa itaas ng


pinagtataguang mesa

Ibinato ni Aspasia ang mga hawak na basag na plato at tumama ang mga iyon sa dibdib
ng mga natitirang lalaki. Si Armida naman, consistent sa nachos nya at pagpuntirya
sa leeg ng mga kalaban.

Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga lalaki at makalipas ang ilang sandali, ang mga
lalaking may hawak na matataas na kalibre ng baril ay walang nagawa at namatay
nalang nang hindi nakakalaban.

"Oh yeah!" nagkatinginan sila Armida at Aspasia sabay high five "Hahahahaha!"

Itinulak ni Armida ang mesa para itaob dahil tapos na ang laban nila doon sa loob.

"Kaya mo na sarili mo?" tanong ni Aspasia kay Josef habang tumatayo

"Oo," sagot nito. Inalok ni Aspasia ang kamay nya, at kinuha naman yon ni Josef
para tulungan ang sariling makatayo

"Kelangan nyo nang makaalis sa lugar na 'to." sabi ni Armida habang nililingon ang
paligid

Napahinto sya sa paglingon nang maramdaman ang kakaibang tingin sa kanya ng


dalawang kasama.

"Aalis TAYO dito." mariing sinabi ni Josef sa kanya. Sandali silang nagtantyahan
ng tingin ni Armida "Naintindihan mo?"

Inilayo agad ni Armida ang tingin nya "Fine," at saka sya tumango "TAYO."

Naglakad na silang tatlo palabas ng main house.

Rinig na rinig ang mga putukan, mga sumasabog, mga nagsisigawan, mga nagkakagulong
mga tao sa labas ng main house. Kahit saan sila lumingon ay nakakakita sila ng mga
usok sa langit. Patunay na nagkakagulo na sa buong Casa.

"Plano 'tong lahat ni Neptune?" tanong ni Armida habang patungo sa isang 4x4 na
nakaparada sa tapat ng main house

"Oo," bilib na sinabi ni Aspasia "...ang galing eh,"

Sumakay na si Armida at sya ang nasa driver's seat. Sa passenger's naman si Aspasia
at sa likod si Josef

"Anong magaling?" nakakunot ang noo nyang sinabi "Sige, magaling nga, oo... Pero
ito?" at inikot nya ng tingin ang paligid

Pinaharurot nya agad ang sasakyan para makaalis na agad doon. Halos lumipad na sa
kalsada ang sasakyan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Armida.

"Ano bang problema dito sa ginawa nya?! Astigin nga eh!" masayang sigaw ni Aspasia
habang binabagtas nila ang daan paalis sa lugar na yon

"Magaling magplano si Neptune! Pero tahimik ang dapat na pagkilos! Hindi ganito!"
sigaw ni Armida habang pasanda-sandaling tumitingin kay Aspasia na nakakapit na sa
itaas na metal rod para hindi lumipad sa kinauupuan

"Ang sabi nya! Kelangang ganito ang gawin para hindi malaman ng mga nandito na may
manggagagaling sa Isola!" paningit ni Josef habang nakakapit sa inuupuan ni Armida
at Aspasia
"Tama yon!" dagdag naman ni Aspasia

Pinaliko ni Armida ang sasakyan hanggang sa umabot sila sa isang malawak na daang
puro na lupa at wala nang kalsada.

"At pumayag kang dumaan sa Isola?!" sigaw ni Armida kay Josef habang inaalis ang
mga buhok sa mukha nyang halos makain na nya dahil sa lakas ng hanging tumatama sa
kanila "Kung balak mong mag-suicide! Sana nagbaril ka nalang sa ulo!"

"Bakit mo ba kasi ako iniwan?!" tanong ni Josef

Hindi sya nasagot ni Armida.

Tumahimik nalang ito dahil ayaw nya ng tanong na yon, lalo pa pagkatapos ng mga
nangyari nitong nakaraang araw sa kanya. Nawawalan na sya ng dahilan para
magpaliwanag

"Yung truck!" sigaw ni Aspasia habang tinuturo ang truck nila Ranger na natatanaw
nila sa malayong kanan nila

"Tsk!" gusto mang huminto ni Armida para kila Ranger ay hindi nya maaring gawin.

Kelangan nyang maialis sa lugar na yon ang asawa nya. Tutal nasa armored truck
naman sila Ranger, alam nyang may laban ang mga ito sa mga tauhan ni Crimson.

Nakikita na nila sa malayo ang entrance ng Casa. At ang mga tauhan ni Crimson na
inaabangan talaga ang pagdating nila.

VVVVRRRRROOOMMMM!!!!

Bigla nalang sumulpot sa kaliwa nila ang isang humaharurot na motor.

"What the--" hindi makapaniwalang sinabi ni Armida habang sinusundan ng tingin ang
nakasakay doon sa motor "Kasama nyo pati si Mephist?!" sigaw nya kila Aspasia

"Oo!! Balak pa nga nilang magpatayan ng asawa mo eh!" natatawang sinabi ni Aspasia

Hindi naman natawa si Armida sa sinabi ni Aspasia.

At kelan pa kinalaban ni Mephist si Crimson? Kakalabanin lahat ni Mephist ang kahit


sino, pero hindi si Crimson.
At ngayon, plano ang lahat ni Neptune? Siguro nga magaling ang pagkakaplano ni
Neptune. At alam nya ang kakayahan ni Neptune pagdating sa tactics.

Pero hindi ngayon. Hindi sa lugar na yon. Hindi kay Crimson.

Alam nyang kayang hamakin ng Elites ang sinuman pag miyembro na nito ang nalalagay
sa panganib, pero wala sa hinuha nya na kahit si Crimson, kakalabanin ng mga
kapatid nya para lang sa kanya.

BOOOGGSSSHHHH!!!

BOOOMMMM!!!

Isang mainit na hangin ang dumaan sa kanila pagkatapos ng isang malaking pagsabog
ang nangyari sa entrance ng Casa kaya ipinaikot pakanan ni Armida ang sasakyan para
pahintuin ito sa pagpapatakbo.

Napababa agad sya sa sasakyan at nag-aalalang tinignan ang malaking apoy na


pumupuno sa entrance ng lugar.

Nararamdaman nya ang init ng nangyaring pagsabog mula sa kinatatayuan kahit na


malayo sila sa mismong lugar.

"Arkin!!!" sigaw nya

Alam nyang si Mephist ang may gawa ng pagsabog na yon. Walang duda.

Alam nya kung gaano kalakas ang loob ni Mephistopheles, pero hindi sa ganung
paraan.

"Aaarrgghh!!!" malakas nyang sigaw sabay hawak sa ulo at nasuntok nya ang hood ng
sasakyan dahil sa galit. Napaiyak nalang sya dahil sa mga nasasaksihan.

Napababa agad si Josef at Aspasia at nilapitan sya

"Bakeeettt???!!!" sigaw nya habang paulit-ulit na sinusuntok ang hood ng sasakyan


"Bakit?! Bakit?! Bakit?! Bakit?!"

"Armida, tama na!" inawat sya agad ni Josef at inilayo sa sasakyan


"Bakit nyo ba ginagawa ang lahat ng 'to?!" galit nyang sigaw sabay tabig sa kamay
ni Josef na nasa balikat nya

Napaatras tuloy si Josef at nagtatakang tinignan sya

"Bakit nyo ba ko pinuntahan dito?! Nababaliw na ba kayong lahat?! HAAA???!!"


hinihingal na sya dahil sa galit. Inis nyang pinunasan ang mata nyang nanlalabo na
dahil sa luha "Hindi nyo kelangang gawin lahat ng 'to!!" itinuro nya ang entrance
na pinupuno na ng makapal na usok "Bakit kelangang gawin yon ni Mephist? Ha?!"
itinuro nya ang kabilang direksyon "Sila Neptune?! Bakit nila kelangang gawin
'to?!" itinulak nya ang balikat ni Josef "At ikaw!! Bakit mo kelangang pahirapan
ang sarili mo para lang sakin?! BAKEETT??!!! NABABALIW NA BA KAYONG LAHAT HA??!!!"

PAK!

Isang malutong na sampal mula kay Aspasia ang nakapagpahinto sa pagwawala nya

"Ayusin mo nga yang sarili mo! Hindi makikipagpatayan ang mga kasama mo nang walang
mabigat na dahilan!" nagpameywang si Aspasia at inis na tinignan si Armida "
'Bakit'?? Tinatanong mo kung bakit nila 'to ginagawa, ha?" inilipat nya ang tingin
dun sa entrance, sunod sa direksyon nila Neptune, sunod si Josef at pagkatapos ay
ibinalik nya ang tingin kay Armida "Kung wala kang halaga sa mga taong 'to, sa
tingin mo may siraulo bang mag-aabalang iligtas ka dito?! Mag-isip ka nga!"

Hinatak nya si Armida na parang nawala sa huwisyo dahil sa sampal nya at mga sinabi
nya. Ito na ang pinaupo nya sa may passenger's at sya na ang sa driver's.

"Sakay na! Ano pa hinihintay mo? Pasko?!" sarcastic nyang utos kay Josef

Wala naman itong magagawa kundi ang sumunod.

Kahit paano'y natuwa si Josef kay Aspasia dahil nagkaroon ng taga-preno at taga-
gising sa kabaliwan ang asawa nya sa oras na yon.

Pinaandar na ni Aspasia ang sasakyan at walang pagdadalawang isip na diniretso sa


may entrance na puro usok pa rin. Sinamantala nya ang pagkakataong yon dahil hindi
sila makikita kung sakaling may mga buhay pang tauhan doon ni Crimson.

Dinaanan nila ang entrance na binabalutan ng maitim na usok mula sa mga nasunog na
mga sasakyan at kung ano-ano pang nakatambak doon.
Ang init pagdaan nila. Ang sakit din sa ilong ng amoy ng usok. Parang pinaghalo-
halong amoy ng sunog na wire, gulong at plastic. Nagkanda-ubo ubo na sila paglagpas
nila.

"Ugh! Ugh! Ok lang kayo?!" tanong ni Aspasia sa mag-asawa habang umuubo

Puro ubo nalang din ang narinig nyang sagot. Nakita nya si Armida na hinahawi ang
usok sa mukha at si Josef naman, nakatakip ang kamay sa bibig habang umuubo

Kahit paano'y literal na nakahinga sila ng maluwag nang makalagpas dun sa mausok na
entrance. Nag-patuloy sa pag-drive si Aspasia hanggang sa makalayo sila sa entrance
ng Casa. Pansin naman ni Aspasia ang biglang pagbagal ng 4x4. Tinignan nya ang gas.
Nasa red line na.

Sa layo ba naman ng dinaanan nila, malamang na mauubusan nga sila ng gas.

"Wala nang gasolina 'tong sasakyan" sabi nya kila Armida. Inihinto na na nya ang
sasakyan sa gilid ng kalsada.

Bumaba na sya at tinignan ang buong paligid. Parang hindi naman yun yung entrance
na dinaanan nila kanina. Yung truck ni Yong-Ha, wala doon. Iba din ang settings ng
lugar.

"Iba yatang entrance 'to? Hindi ko napansin yung daan dahil sa usok," sabi nya
kila Josef habang may hinahanap sa buong lugar "Kung ako sa inyo, umalis na kayong
dalawa. Babalik ako doon para tulungan sila Ranger. Titignan ko rin kung buhay pa
si Mephist."

Bumaba na rin si Josef sa sasakyan at ibinaba na si Armida sa sasakyan "Aspasia,"


tawag nya

"Bakit?"

"Salamat."

Tumango naman si Aspasia sa kanya at itinuro ng ulo nya ang kalsada para paalisin
na sila Josef.

Tumango naman si Josef sa kanya at saka nya hinatak paalis sa lugar na yon si
Armida.

"Bilisan mo, para hindi na nila tayo maabutan." sabi ni Josef

Mabilis ang paglalakad nilang dalawa. Nilakad nila ang mahabang kalsada. Nasa
kaliwa nila makikita ang Casa na hindi pa rin natatapos ang kaguluhan. Nasa kanan
naman ay isang malawak na kaparangang dinudugtungan ng madilim na kalangitang
nagbabadya ng pag-ulan.

Pasado alas singko na at wala pa rin silang tigil sa paglakad.

"Akala ko, hindi na kita makikita uli," sabi ni Josef. Tinignan nya ang asawa nya.
Balisa ito "May problema ba?" tanong nya

Bumitiw agad sa kanya si Armida at pinilit na iiwas ang tingin sa kanya

"Sana hindi ka nalang ulit nagpakita pa sakin," sabi ni Armida

Kumunot naman ang noo ni Josef dahil sa narinig "Ano bang pinagsasabi mo ha?"

"Umalis ka na. Iwan mo na ko dito." tumalikod na si Armida at naglakad pero


pinigilan sya agad ni Josef

"Armida, ano ba?!"

Tinabig agad ni Armida ang kamay ni Josef sa braso nya "Tumakas ka na!
Magpakalayo-layo ka na! Wag mo na kong intindihin! Maging makasarili ka naman kahit
ngayon lang!" tinignan nya ng masama si Josef "Ako ang dahilan ng lahat ng
paghihirap mo! Kaya mas mabuting itigil mo na ang kabaliwan mo dahil pinapatay mo
na ang sarili mo!"

Hindi naman makapaniwala si Josef sa naririnig sa asawa nya

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo, yan lang ang sasabihin mo sakin?"
mahina ngunit naiinis na tanong ni Josef

"Sino ba ang may sabing gawin mo lahat ng 'to para sakin ha?! Hindi mo ba
nakikita?! Niloloko lang kita! Kasalanan ko kung bakit naging miserable ang buhay
mo! Ako ang may gawa ng lahat ng nangyayari ngayon sayo! Hindi ka magkakaganyan
kundi dahil sakin!" sinuklay nya ang palikod ang buhok dahil sa inis "Lahat ng
ginawa ko kasama ka, lahat ng yon arte ko lang! Walang totoo sa lahat ng yon,
naiintindihan mo?! Iwan mo na ko! Hindi kita kelangan!"

Napapikit-pikit nalang si Josef at pinilit na lumunok kahit na sa loob-loob nya,


hindi nya matanggap ang naririnig sa asawa.

"Armida, asawa kita..." sabi ni Josef habang pinipilit na pigilan ang damdamin nya
"Mahal kita..."

"Ngayon?!" inis nyang tanong "Josef, kasal nga tayo! Pero wag mong isiping
mahalaga ka sakin! Kasal lang tayo sa papel! At hindi porke mahal mo ko eh mahal na
din kita! Dahil kelan hindi kita minahal!"

Parang may kung anong tumusok sa puso ni Josef nang marinig yon sa mismong bibig ng
asawa nya.

"Kelan mo nga ba 'ko minahal? Ha?" mahinang tanong ni Josef. Rinig sa tono nya ang
napakamiserable nyang lagay "Armida, tanggap ko naman! Tanggap na tanggap ko!"
sabi nya habang tinuturo ang dibdib "Simula ng malaman kong ikaw si RYJO! Tinatak
ko na sa puso't isipan ko na kahit kelan hindi mo ko magagawang mahalin!!" hingal
na hingal nyang sinabi. Tumingala na sya para pigilan ang pagluha

Si Armida naman, kusang tumulo ang luha dahil sa narinig. Agad nya itong pinunasan
at huminga sya agad ng malalim. Inilipat nya ang tingin para hindi makita si Josef

"Uuwi na tayo, sa ayaw o sa gusto mo," kinuha na ni Josef ang pulso ng asawa pero
tinabig lang nito ang kamay nya

"Josef, wala na tayong uuwian." tumalikod na sya para bumalik sa Casa "At higit
sa lahat, wala nang TAYO. Pag-aari na ko ng iba bago ka pa dumating sa buhay ko,
sana isipin mo yan."

Kinagat ni Josef ang labi nya at hinigit ang braso ng asawa "Pag-aari ka ng iba?"
isang bitter laugh ang nagawa ni Josef dahil doon "Pero asawa na kita..." marahas
nyang hinatak ang braso ni Armida para maharap sya nito "Asawa kita, narinig mo?"
tinignan nya ng diretso, mata sa mata si Armida "Asawa kita, at akin ka na! Wala
akong pakialam kung sinong demonyo pa ang nagmamay-ari sayo noon pero akin ka na
ngayon! Simula ng ikasal tayo! Kadikit na ng pangalan mo ang apelyido ko! At
hangga't pangalan ko ang ginagamit mo! Akin ka lang hanggang sa araw ng kamatayan
mo!"
36

< A/N: Guys, not so bad news... Nag-rent lang ako para makapag-update ngayon since
mahal ang load sa broadband and pare-pareho lang tayong hindi makapaghintay ng
sabado. Kaso yun ang ayaw ko sa rental shops, pinupuno ng virus ang USB ko. And
now, na-corrupt ang natitirang chapters ng aking story. So I have to do it AGAIN.
Wag sana kayong magreklamo, hmm? I waste 30 minutes of my time to arrange the I-
hope-so ending dito sa labas ng bahay. Pasensya na sa redundancy of names...>
---------------------------------------------------------------

Lumubog na ang araw. Nasa isang waiting shed ngayon si Armida at Josef. Hinihintay
nilang tumigil ang malakas na ulan na ilang minuto palang ang nakalilipas
pagkatapos magsimula.
Tinignan ni Josef si Armida na balisa pa rin habang nakahalukipkip. Hinaguran nya
ito ng tingin.
Nagbago ang timpla ng mukha nya nang makitang naka-bathrobe lang pala ang asawa
nya. Sa sobrang dami ng iniisip nya kanina, ngayon lang nya naisipang usisain ang
suot ni Armida.
Tumayo na sya at sumugod sa ulanan.
Sinundan naman ni Armida ng tingin si Josef na nagmamadaling tumakbo paalis doon sa
lugar nila.
Iniisip nya na baka sumuko na si Josef. Sa dami ng masakit na salitang binitiwan
nya kanina, malamang na nagalit na yon kaya iniwan na sya.
Naluha nalang sya at tahimik na humikbi.
Ayaw nyang sabihin ang mga salitang yon, pero kailangan. Kung mananatili silang
magkasama ni Josef, mapapahamak lang ito at maaga ang magiging pagkamatay.
Lalo pa, involved na si Daniel. Ayaw nyang mamatay si Josef dahil lang sa kanya.
Kahit na ang tunay nyang pakay simula palang ay patayin na si Josef para kay
Daniel.
Pinunasan nya ang ilong gamit ang manggas ng bathrobe na suot. Halos isang buong
araw na nya yong suot. Hindi na nya nagawa pang magbihis dahil wala naman syang
damit. Tinignan nya ang kamay na meron pa ring tracker. Kaso hindi na gumagana
kakasuntok nya kanina sa hood ng 4x4. Kinuha nalang nya ang isang malaki-laking
bato sa gilid ng waiting shed at pinukpok sa tracker. At dahil medyo sira na ito,
hindi na sya nahirapan sa pagtanggal.
Hinimas nya ang pulso na makikita pa ang bakas na gawa ng metal. Naramdaman nya ang
lamig ng kamay nya. Nanginginig na rin sya dahil sa panahon. Umuulan pa naman at
gabi na.
Isinampa nya ang magkabilang paa sa inuupuan at niyakap ang mga binti para mainitan
kahit paano. Basa na ang paa nya dahil wala syang kahit anong suot sa paa pag-alis
nila ng Casa.
Napapikit sya at naisip na ang napakagandang plano ni Josef.
Gusto na nyang umuwi. Gusto nyang matulog sa isang malambot na kama habang katabi
ang asawa.
Hindi nya kailangan ng napakalaking bahay o mansyon o kastilyo. Ang tanging gusto
nya ay lugar na alam nyang mababalikan nya kahit anong oras. Maabutan doon si Josef
na masayang naghihintay sa pagbabalik nya. O maghihintay sya sa pagbabalik ni
Josef.
Hindi na naman nya napigilan ang pagluha.
Isa lang naman ang gusto nya. Ang makasama si Josef sa mga susunod na araw, buwan
at taon ng buhay nya.
Pero nagsisimula nang lumapit sa pagiging imposible ng bagay na yon ngayon.
Kailangan lang nyang mamili.
Mabubuhay si Josef nang wala sya.
O, mamamatay si Josef na kasama sya.
Ayaw nyang mamatay si Josef dahil sa kanya. Kaya kahit masakit, kelangang piliin
ang mabuhay na wala sa tabi ang asawa. Kung iyon lang ang tanging paraan para
parehong humaba ang buhay nilang dalawa.
Ang magandang plano nya para sa kanilang mag-asawa ay nasira na. At ngayon,
kailangan nyang ibigay ang kalayaan ni Josef gaya ng napagsang-ayunan.
Kahit na ang tunay na dapat ay mangyaring sabay nilang makakamit ang kalayaang
inaasam.
Siguro, sapat na ang panahong masaya silang nagkasama. Kahit paano'y naranasan
nyang maging normal na babae sa panahong nararamdaman nya ang bagay na hindi nya
naramdaman noon bago pa dumating si Josef.
Kailangan na nyang isuko ang kalayaan nya para sa asawa.
Isinubsob nya ang mukha sa binti.
Gusto na nyang magpahinga.
May mga pagod na kahit ang katulad nya ay kaya rin namang maramdaman.
Pagkalipas ng maraming minuto....
Nagising si Armida nang biglang may bumuhat sa kanya. Hindi nya ibinuka ng maigi
ang mata ngunit nakikita nya kung sino iyon.
Malamig ang mga bisig ng bumubuhat sa kanya. Nararamdaman din nya ang mga patak ng
tubig sa mukha at braso nya na mukhang galing sa buhok ng taong yon.
Naramdaman nalang nya ang init nang inilapag na sya sa loob ng passenger's seat ng
isang kotse. Lalong nagpa-init ang isang tuwalyang ipinangtakip sa katawan nyang
nilalamig. Mariin nyang pinikit ang mga mata para damhin ang ginahawa ng init na
nararamdaman. Sandali syang napadilat ng kaunti nang maramdaman ang malamig na
kamay na humawak sa pisngi nya.
Sinundan nya ng tingin ang lalaking nagsara ng kotse. Naglakad na ito pakabila at
agad na sumakay sa driver's seat.
Sandaling sinilip ni Armida sa dulo ng mata nya ang asawang ini-start na ang
sasakyan.
Pasimple syang napabuntong-hininga. Naawa sya kay Josef.
Naramdaman nya ang init ng luha nyang dahan-dahan na gumagapang sa gilid ng ilong
nya pababa sa may kabilang pisngi.
Umandar na ang sasakyan. Ang init ng pakiramdam nya.
Iniisip nya na sana matagal ang maging byaheng yon. Sana hindi maubos ang kalsada.
Gusto nyang tumakas. Gusto nyang umalis sa problema. Gusto nyang magpakalayo-layo.
Iwan lahat ng meron sya. Magsimula ng panibagong buhay. Yung normal at wala syang
iisiping problema liban sa kung ano bang masarap lutuin paggising nya sa umaga.
Nagsasawa na sya sa nakagisnang buhay.
May mga bagay na hindi kayang bilhin ng kahit magkanong halaga. Bagay na kahit ang
isang bilyonaryong tulad nya ay hindi kayang makuha nang ganun-ganun lang.
Kaya nyang pumatay. Pero hindi lahat ng tao sa mundo, makakaya nyang patayin.
Gaya ni Josef at Daniel.
Siguro nga, plano nyang patayin si Josef para kay Daniel... Pero sa ngayon, mukhang
hindi nya iyon magagawa pa.
At kahit na gusto nyang patayin si Daniel para kay Josef... Patuloy pa rin nyang
pinanghahawakan ang bagay na nagdudugtong sa buhay nilang dalawa.
Naramdaman nya ang pagbagal ng kotse, at ang paghinto nito.
Napadilat sya at napaayos ng upo para makita ang lugar kung saan sila naroroon.
Pumikit-pikit sya dahil hindi nya alam kung mata ba nya ang malabo o yung
windshield ng kotse dahil sa ulan.
Bumukas na ang pinto ng kotse sa gilid nya.
"Gising ka na pala,"
Tinignan nya ang mukha ni Josef na nakasilip sa kanya. May dala man itong payong,
kitang kita naman nya ang damit nitong basang-basa.
"Tara na, malamig dito sa labas..." mahinahon nitong sinabi
Yumuko nalang sya at lumabas ng kotse.
Hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan. Hawak sya sa balikat ni Josef, pero
kitang kita na nagpapakabasa na ito para lang masakluban sya ng buong payong at
hindi mabasa ng ulan.
Yumuko sya para tignan ang paang naagusan ng malamig na tubig ng aspaltong daanan.
Wala syang balak na sabihin kay Josef na wala syang kahit anong sapin sa paa, dahil
alam nyang mamomroblema na naman ito.
Inilipat nya ang tingin sa lugar na pinangagalingan ng pula at dilaw na liwanag.
Nababasa nya sa isang electronic sign ang mga salitang "Jane Haven's Lodge" in
script font
Sunod nyang tinignan si Josef na seryoso ang basang mukha.
Yumuko nalang ulit sya at pumikit. Naluha na naman sya dahil sa sobrang sakit sa
damdamin ng nararamdaman.
Kasama nga nya si Josef ngunit pakiramdam nya napakalayo ng pagitan nila sa isa't
isa.
Nagtuloy-tuloy sila sa pagpasok sa lodge. Gusto sanang magtanong ni Armida kung
bakit hindi man lang sila dumaan sa front office, pero mukhang kanina pa nakapag-
check-in si Josef.
May limang floor ang lodge na yon at nasa may pang-apat na pinto mula sa hagdan ng
second floor sila nagpunta.
Mainit sa loob ng kwarto. Nakagiginhawa sa pakiramdam ang kulay dilaw na ilaw ng
floor lamp sa sulok. May isang kama na kulat puti at brown ang kulay. Isang maliit
na bedside table na may lampshade. Sa gilid ay ang pinto ng banyo. Hindi ganun
kalaki ang loob, bagay lang sa pang-isang tao.
"Magpalit ka muna," inabot sa kanya ni Josef ang isang paperbag na may lamang mga
damit "Pasensya na, itong kwarto lang ang nakayanan ng perang hawak ko. Sa sahig
nalang ako matutulog,"
Tinignan nya ang mukha ni Josef.
Agad din nyang iniwas ang tingin dahil hindi nya kayang makita ang mukha ng asawa
nyang pinipilit dugtungan ang isang bagay na nalalapit na sa katapusan.
Kinuha nya ang paperbag at dali-daling tinungo ang banyo.
Hindi na nya hinubad pa ang bathrobe at nagpakabasa nalang sa may shower pagbukas
nya dito. Napaupo nalang sya habang tahimik na umiiyak.
Hinayaan nyang tangayin ng malamig na tubig ang luha at sakit na nararamdaman nya.
Hindi na nya alam ang gagawin. Nauubusan na sya ng iisipin.
Pagod na sya.
Pagod na pagod na sya.
..........................................................
Nagbibihis na si Josef. Isang puting t-shirt at isang maluwang na shorts.
Hindi nya alam na aabot sya sa puntong yon ngayon. Siguro nga tama sa napakaraming
bagay si Mephist.
Anlaki nyang tanga.
At kahit na nasasaktan na sya, pinipilit pa rin nya ang sarili.
Gusto nya ng normal na buhay. Bagay na kaya naman nyang makuha.
Pero bakit kailangang masaktan pa sila pare-pareho.
Bakit kailangang may magsakripisyo sa kanila para lang sa kalayaang hinahangad.
Nakaupo sya ngayon sa may kama at balisang balisa.
Gusto nyang bilangin ang mga panahong masaya silang magkasama ni Armida. Mga
panahong kahit sandali ay hindi nya inisip na magkakahiwalay silang dalawa.
Kung may mas sasakit pa sa kamatayan nila, sa tingin nya ito yon.
Nakikipaglaban pa rin sya para sa asawa, kahit na nauna na itong sumuko sa kanya.
Napatingin sya sa pinto ng banyo nang lumabas doon si Armida na nakabihis na at
halatang malalim din ang iniisip.
Tinignan sya nito at pinilit syang bigyan ng isang matamis na ngiti.
Gusto rin nyang ngumiti pabalik kaso kapag ginawa nya, baka maluha lang sya.
Nilapitan sya ng asawa at umupo ito sa tabi nya.
"Magpahinga ka na," sabi ni Josef. Tumayo na sya para pahigain na sa kama ang
asawa nya pero pinigilan lang sya nito
"Dito ka lang," mahinang sinabi ni Armida at saka nya hinalikan sa labi si Josef
------------------------------------------------------------------------------
Nararamdaman nya ang init ng katawan ni Josef. Hindi nya alam kung mainit lang ba
talaga si Josef o malamig lang talaga sya.
Tini-trace nya ang bawat anggulo ng mukha nito. Mula sa hairline, hanggang sa
pisngi, hanggang sa jawline, ang pagkatangos ng ilong, ang ganda ng pilik-mata, ang
linya ng kilay, ang hugis ng mga labi...
Idinantay nya ang pisngi sa dibdib ni Josef. Gusto nyang marinig ang tibok ng puso
nito.
Pumikit sya at dinama ang napakagandang musikang dinudulot ng tuloy-tuloy na tibok
ng puso ng asawa. Ayaw nyang makalimutan si Josef. At sana, hindi rin sya nito
makalimutan.
Napakahimbing ng tulog ni Josef dahil na rin sa pagod.
Pumihit sya ng kaunti sa kaliwa para tignan ang orasan sa dingding ng kwarto. May
alas tres kinse na.
Dahan-dahan syang bumangon para hindi magising si Josef. Kinuha nya lahat ng damit
nya na nakapatong sa isang upuan na katabi ng bedside table at isinuot uli.
Nginitian nya si Josef sandali at saka nya ito hinalikan sa labi.
"I love you, Josef... I'm so glad I've met you"
Tumayo na sya ng diretso at dali-daling tinungo ang papalabas sa kwartong yon
Tumila na ang ulan. Nadarama nya ang malamig na hangin ng madaling araw. Nakita nya
ang front desk ng lodge pagbaba. Walang tao pero naririnig nyang may nag-uusap sa
isang pintong nandoon. Pasimple nyang kinuha ang isang pulang flipflops na
nakasandal sa dingding na katabi ng pinto ng lodge
Lumabas na sya ng lodge at agad na dumiretso sa isang asul na Eon na naka-park.
Walang kahirap-hirap nya itong binuksan at nakitang nandoon sa loob ang susi.
Pinaandar nya agad iyon para makaalis na sa kinaroroonan.
Binaybay nya ang mahabang kalsadang magdadala sa kanya sa huli nyang pakay.
"Kung hindi mo kayang gawin..." sabi nya sa sarili "ako kaya ko..."
Makalipas ang ilang minutong pagd-drive, nakabalik na uli sya sa Casa.
Itinatago ng dilim ang nangyaring kaguluhan sa lugar na yon, may kalahating araw
palang ang nakalilipas.
Nakabibingi ang katahimikan. May nakikita syang ilaw ngunit sa malayo lamang.
Pinapakita ng headlights nya ang ilang parte ng Casa na talagang naapektuhan ng
nangyaring pagsugod kahapon lamang.
Nakita nya ang main house na nag-iisang may nakasinding ilaw sa buong lugar. Iyon
lang din ang hindi gaanong naapektuhan sa nangyaring pagsugod.
Hininto nya ang sasakyan sa tapat ng pinto ng puting bahay.
Bumaba na sya at pumasok na sa loob.
Dumiretso sya sa kusina na nandoon pa rin ang bakas ng kaguluhang naganap. Nakataob
pa rin ang mesa, at nagkalat ang mga basag na plato. Kinuha nya ang isang kutsilyo
na nakatarak sa dibdib ng isang taong nakahandusay doon. Pinunasan nya ang dugo
gamit ang damit ng lalaking nakahandusay at saka itinago ang kutsilyo sa likuran ng
pantalon nya.
Pagkatapos sa kusina, pumunta sya agad sa kwarto ni Crimson.
Hindi rin nya alam kung bakit kumpyansado syang makikita doon ang pakay.
At hindi sya nabigo. Nakita doon si Crimson na tahimik na nakaupo sa kama. Suot pa
nito ang uniporme ng Elites.
Kahit hindi sabihin, dama nya na ang galit nito dahil sa nangyari sa iniingatan
nyang teritoryo.
"I'm back, Dan." mahinahon nyang sinabi habang nananatiling nakatayo sa gitna ng
pinto
Tinignan sya ng mga mata ni Crimson na puno ng galit
"Nadala lang ng emosyon sila Markus." katwiran nya

"Nakakatawa namang isipin ang maari nilang gawin dahil lang sa emosyong yan,"
sarcastic nyang sinabi
Lumapit na sya kay Crimson at tumayo sya sa harap nito "You shouldn't have done
this, Dan."
Tumayo na si Crimson at tinantya sya ng tingin "Why are you here?"
Niyakap nya si Crimson at idinantay nya ang mga pisngi nya sa balikat nito "Utang
nya ang buhay nya sayo, Dan."
"Ugh!" nanlaki ang mga mata ni Crimson nang maramdaman ang isang bagay na bumaon
sa likuran nya
"Sabihin na nating pagmamay-ari mo sya..."
"Ugh!" unti-unti nang tumutulo ang dugo sa mga labi ni Crimson
"Pero hindi kami..." lumayo na sya at nginitian ng matamis si Crimson "Not me...
Never"
"I-ikaw..." hindi sya makapaniwala sa nakikita "J-Jocas..."
"I love you, Dan." umiling sya "But not as much as I love my husband..."
Umatras na sya at pinanood si Crimson na bumagsak sa sahig ng kwarto. Napayuko
nalang sya nang makita ang likod nitong biniyak nya gamit ang nakuhang kutsilyo
"At kung hindi ka nya kayang patayin... Ako na ang gagawa non para sa kanya..."
Naglakad na sya paalis sa kwartong yon
"I'm still the Slayer, after all..."
.......................................................
Alas otso ng umaga nang magising si Josef. Kinapa nya ang kama para hanapin ang
asawa. Napabangon agad sya dahil wala ito.
Sinuot nya agad ang mga damit na nakapatong sa may upuan at hinanap sa banyo ang
asawa. Wala doon.
Lumabas na sya ng kwarto nila at bumaba sa may front desk.
"Excuse me, Miss..." tawag nya sa babaeng nandoon "Nakita nyo bang lumabas yung
babaeng kasama ko kagabi dito?"
Nag-isip sandali ang babae. Umiling nalang sya ng hindi maalala ang tinutukoy ni
Josef.
"May CCTV naman kayo dito diba?" tanong agad ni Josef
"Yes Sir..." sagot naman agad ng babae
Nakiusap sya sa manager ng lodge na sana makita nya ang mga record nito lang
nakaraang gabi dahil gusto lang nyang makita ang asawa nya.
Pinagbigyan naman sya dahil sa nakita nito ang desperado nyang mukha.
"Ito ho ang kuha buong gabi hanggang kaninang madaling araw..." sabi sa kanya ng
manager na fina-fastforward ang recorded video
Wala namang lumabas na kahit sino liban sa mga room attendant nung gabi.
"Teka!" napahinto tuloy sa pag-fastforward ang manager at nahinto ang video na may
babaeng sinisilip ang front desk nitong madaling araw lang "Oh God..." napatakip
nalang sa bibig si Josef habang nakapameywang
"Eto ho ba Sir ang asawa nyo? 3:29am ho itong record. Ibig hong sabihin kanina pang
madaling araw umalis ang asawa nyo"
Napaharap tuloy si Josef sa pader ng kwartong yon at nasuntok ng mahina ang
sementadong pader.
Iniwan sya ni Armida.
Iniwan na sya ng asawa nya.

The Supposed-To-Be Ending ^__^

I dedicate this ending to Coleen Tivi.


Congrats sa iyong baby, bhe! ^___^
______________________________________________

Three months later....


Nakaupo si Erajin sa harap ng isang mesa. Itinutulak nya ng tinidor ang kinakaing
green peas at hiniwa-hiwang carrots.
"Naririnig mo rin ba sila?" tanong sa kanya ng kaharap na babae. Nginitian sya
nito habang pinandidilatan sya "Malapit na ang katapusan... Nararamdaman ko...
Lalamunin na tayo ng impyerno... hihihi... Kinakausap na ko ng mga anghel,"
"Del, kelangan mo nang uminom ng gamot..." sabi ng isang nurse. Pinatayo na ang
babaeng kausap nya ng dalawa pang lalaking nurse
"Malapit na! Malapit ka na nilang kunin! Hahahaha!"
Napa-smirk nalang sya at pinagpatuloy ang pagsubo ng kinakain.
"Bakit nandito ka?"
Napahinto sya sa pagkain nang may umupo na isang lalaki sa upuang kaninang inupuan
ng babaeng kumakausap sa kanya. Nasa early 30s nya ito. Mukhang inosente at walang
problema sa buhay. Nakangiti ang mga mata nito at halatang hindi pinababayaan ang
sarili.
"Bakit nandito ako?" tanong ni Erajin
"Wala ka namang problema, diba?"
Napangiti nalang sya at ibinalik ang tingin sa pagkain "Mas malaki ang problema ko
kesa sa mga taong nandito... Ikaw? Pag nakikita kita, parang wala ka namang
problema"

"Tumatakas ka rin ba?"


Napahinto si Erajin at ibinalik ang tingin sa lalaki
"Naririnig ko rin ang mga boses. Pero hindi ko pinapansin. Alam ko kung paano
kumilos ng normal. Nagkataon lang na hindi ko na napaghihiwalay ang katotohanan sa
imahinasyon. Gusto kong malaman kung totoo ka ba? Totoo ba sila? Totoo ba ko? O
baka natutulog lang ako at naglalakbay lang ang aking kaluluwa sa isang mundong
hindi dapat ako naroroon... O maaaring sila ang mga naglalakbay at ako lang ang
tanging totoo na naririto,"
Tumango naman si Erajin sa narinig
"Naririnig ko..." kinuha nya ang kanang pulso ni Erajin at hinawakan ito "Dub dub
dub..." sabi nya habang tina-tap ng hintuturo ang hangin na parang may binibilang
sya habang nakapikit
Tumaas ang kilay ni Erajin dahil sa ginagawa ng lalaking yon sa kanya
"Isang buhay... Sa loob mo..." dumilat na sya at nginitian si Erajin
"Talaga..." sabi ni Erajin
"Magpa-check up ka... Kailangan mong malaman ang lagay ng bata..." tumayo na sya
at sinalubong sya ng personal nurse nya
"Mr. Rivas, tara na po... Kailangan nyo na pong magpahinga..." masayang sinabi sa
kanya ng isang babaeng nurse
"I-check up nyo sya. Sabihin nyo kay Dra. Yu, buntis ang isa sa mga pasyente
nya..." utos nya sa nurse
Sandaling tinignan ng nurse si Erajin, sunod ay ibinalik nya ang atensyon sa lalaki
"Sige po, Mr. Rivas, ako na po ang bahala," sabi nito habang inaalalayan ang
lalaki sa pupuntahan nila
Sinundan lang ni Erajin ng tingin si Mr. Rivas na papalayo na.
Lagi nyang nakakausap ang lalaking yun sa mental institution kung saan sya naka-
confine, pero bawat araw na nagkikita sila, parang laging bagong kilala silang
dalawa.
Mabilis makalimot si Mr. Rivas ng mukha pero nakakabisado nya ang kausap kapag
paulit-ulit ang sinasabi nya dito. At sya ang dahilan kung bakit nalaman ni Erajin
na buntis sya.
Dalawang buwan na ang nakalilipas nang sabihin nya kay Erajin na buntis ito. At
hanggang ngayon, yun at yun pa rin ang sinasabi nito sa kanya.
Mabuti nalang at hindi naririndi si Erajin sa paulit-ulit nyang linya kahit na ang
lahat ng sinabi nito sa kanya kanina lang ay narinig na nya ng napakaraming beses
na.
Inubos na nya ang kinakain at agad nang umalis sa mess hall.
.........................................
"Kamusta ka na? Hindi ka ba nahihirapan dito?"
"I'm fine, Raz. Don't worry about me," sabi ni Erajin habang iniinom ang cold milk
na pasalubong sa kanya ni Razele
Nasa ilalim sila ngayon ng isang puno ng santol at nakaupo sa isang sementadong
upuan na may sementado ring mesa na nasa loob ng mental institution na yon
"Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagtataguan, dito pa?" asiwang tanong ni Razele
habang nakikita ang ibang pamilya sa paligid nya na bumibisita rin sa mga kamag-
anak nilang naka-confine doon
"Walang maghahanap sakin kung dito ako pupunta. And besides, kelangan kong ingatan
ang anak ko mula sa kanila..." isang makahulugang tingin ang binigay nya kay
Razele "Mas mabuting nandito ako kesa pag-eksperimentuhan ng mga demonyong yon ang
magiging anak ko..."

Napabuntong-hininga nalang si Razele at napasuklay ng buhok "Dito mo rin ba


gustong manganak?"
"Pwede rin... Hindi advance ang technology nila dito, kaya makasisiguro akong wala
silang gagawing masama sa anak ko."
Tumango naman si Razele sa sinabi nya. May punto naman kasi.
"Gusto ko sanang humingi ng ilang pabor, tutal sinasagad-sagad mo na ang pagtulong
sakin..." sabi ni Erajin
"Ano yon?"
"Gusto kong kumuha ka ng blood sample ni Shadow. Gusto ko ring kumuha ka ng blood
sample ng anak ko paglabas nya. Gusto kong makita ang resulta ng blood test."
Tumaas ang kilay ni Razele sa sinabi ni Erajin "Bakit? Hindi ba yan kay Shadow?"
"Gawin mo nalang, ok..." naiiritang sinabi ni Erajin "Saka isa pa pala... Kapag
nanganak ako, gusto ko nandito ka,"
Nagulat naman si Razele sa narinig "Whoah! Whoah! Whoah! Wait! Wait Wait!"
umatras sya sa pagkakaupo habang nakataas ang magkabilang kamay na sign na
pagtanggi nya "A-ako?!" itinuro pa nya ang sarili "A-akong-- Ako talaga?!"
"Yeah... Ikaw nalang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon sa bagay na yan. Sana naman
wag mo kong biguin," pakiusap ni Erajin
Napa-facepalm naman agad si Razele. Ipinatong nya ang magkabilang siko sa mesa at
nag-aalalang tinignan si Erajin "Seryoso ka?"
"Mukha ba kong nagbibiro?" seryosong sinabi ni Erajin
Sinukat naman ni Razele ng tingin ang kausap. Patay, seryoso nga.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang ipahanap ang asawa mo-- O!" napapalakpak sya ng
dalawang beses "Wag na! Ako nalang ang maghahanap! For free pa! No charge! Mas
libre pa sa hangin!"
Tumaas naman ang kilay ni Erajin sa sinabi nya "Diba nag-usap na tayo dyan,
Razele... Hindi ko sya hahanapin hangga't hindi ko pa nalalabas ang bata..."
Napakamot agad ng ulo si Razele at tinignan nalang yung ibang pamilyang naroon.
Mabuti nalang at hindi sya pinaghihinalaan ng asawa nya, kahit na ang nagiging
labas eh parang nambababae na rin sya dahil mas madalas pa nyang kasama si Erajin
kesa sa sarili nyang asawa "I'll try... Basta ba ibigay nila ang due date mo,
yung week bracket para ma-cancel ko na lahat ng appointments ko,"
Ngumiti nalang si Erajin dahil pinagbigyan ni Razele ang hiling nya
"Tsk!" inis na inilayo ni Razele ang tingin nya kay Erajin "Tinalo mo pa asawa ko
kung maka-request,"
..................................................................
6 months later.......
"Whooh! Whooh! Aahhhh!!!"
Rinig na rinig sa maliit na delivery room na yon ang malakas nyang sigaw
Pinalilibutan sya ng anim na doktor na naka-assist sa panganganak nya. Nasa gilid
nya si Razele na parang pusang hindi matae dahil nakailang beses nang nagpabalik-
balik sa pwesto nya habang kagat ang labi at himas-himas ang noo
"Sige, ire lang!" utos ng midwife kay Erajin
"Aaaahhhh!!! AYOKO NA!!!" napakapit sya sa kutson ng kamang hinihigaan. Butil-
butil ang pawis sa noo nya at pulang pula na ang mukha nya dahil sa hirap
Limang oras na syang nagle-labor at limang oras na rin syang nahihirapan
"Sir, mas mabuting tulungan po natin si Misis..." sabi sa kanya ng isa sa mga nag-
aasikaso kay Erajin. Itinuro ng tingin nito ang kamay ni Erajin para hawakan nya
"Ha?" tanong pa nya habang palipat-lipat ang tingin nya sa doktor at sa kamay ni
Erajin
"Sige na Sir..." pakiusap sa kanya ng midwife
Umiling agad si Razele at itinago ang kamay nya "H-Hindi pwede eh..." nag-aalala
nyang sinabi "Madumi! Oo! Tama! Madumi! Madumi ang kamay ko!"
"RAZEEEELLLEEEE!!!!" sigaw ni Erajin
"NAMAN EH!!!!" lalong bumilis ang tibok ng puso ni Razele habang kinikilabutang
nakatingin kay Erajin na halos lumabas na ang ugat sa noo at litid sa leeg "Hindi
nyo naiintindihan! Wala kayong naiintindihan!! Hindi talaga pwede!! Ayoko pang
maputulan ng kamay!" nag-aalala nyang sinabi sa mga midwife "Ayoko!! No! Never!"
umatras sya hanggang sa may dingding habang umiiling at kulang nalang mag-walling
sya dahil sa kainartehan
Yung mga mukha ng midwife sa kanya --> ( -__- ")
"AAAAHHHHH!!!!" isang malakas na sigaw na naman mula kay Erajin
"Jin, I'm sorry!!" sabi ni Razele habang kagat-kagat ang kuko nya
Gusto nyang tumulong. Ok lang naman sanang hawakan ang kamay ni Erajin, kaso alam
nyang si Erajin si RYJO.
Ano nalang ang mangyari sa kamay nya kung pilipitin yun ni Erajin? O, edi naputulan
sya ng kamay ng wala sa oras
"Sir, ok lang po yan! Normal lang po yan!" sabi sa kanya ng isang midwife at
nagulat nalang sya dahil itinulak sya nito papalapit kay Erajin
"Hindeeehhh!!" nahila ni Erajin ang kwelyo ng damit nya at pinilipit nito ang suot
nyang damit habang hatak-hatak sya
"Whooh! Whooh! Whooh! Aaahhhhh!!!!" malakas na sigaw ni Erajin
"Waaahhhhh!!!" napasigaw nalang din si Razele dahil pakiramdam nya, mas nasa
bingit sya ng kamatayan kesa kay Erajin na nanganganak
"AAAHHHH!! AYOKO NA!!!"

"MAS LALO NA KO!!" sigaw naman ni Razele na pinipilit na makawala sa pagkakahawak


ni Erajin
"JOOOOSSSEEEFFFF!!! PAPATAYIN KITA!!!! KASALANAN MO LAHAT NG 'TO!!!!"
"OO NGA!!! KASALANAN MO LAHAT!!!!" dagdag ni Razele "DYUSKO NAMAN!!!"
Napahinto si Erajin sa pagsigaw at biglang natulala sa kisame ng delivery room
Nagkatinginan naman ang mga midwife at tinignan ang mukha ni Erajin. Biglang
nagbago ang timplada ng mukha ni Razele dahil hindi magandang senyales ang
pananahimik ni Erajin. Nabitawan na sya nito kaya nakagalaw na sya ng maayos
"Erajin?" nag-aalalang tinignan ni Razele ang mukha ni Erajin "Oh shoot..."
nanlaki ang mga mata nya nang makita ang paulit-ulit ngunit paunti-unting pagbabago
ng kulay ng mga mata nito "Erajin! Erajin wake up!" hinawakan nya agad ang
balikat ni Erajin at iniyugyog ito "Erajin!!"
TIIIIINNNNGGGG............
Napatingin sila pare-pareho sa ECG machine na biglang nag-flat line
"No..." ibinalik ni Razele ang tingin kay Erajin at iniyugyog ang balikat nito
"Jin!!!"
"Sir, lumayo po muna tayo..." inilayo sya agad ng isang midwife doon
Napasandal sa dingding si Razele habang pinapanood na i-revive ng mga doktor si
Erajin
"One, two, three"
"Uwaaahhhh!!! Uwaaah! Uwaahh!!"
Nalipat ang tingin ni Razele sa doktor na nasa may paanan ni Erajin. Hawak na nito
ang bata. Inilipat nya uli ang tingin kay Erajin na pinipilit pa ring i-revive ng
mga doktor
"No..." napaupo nalang si Razele sa sahig at napahawak sa ulo nyang biglang
bumigat
Naririnig nya ang iyak ng batang iniluwal ni Erajin. Masaya naman sya dahil buhay
ang bata, pero ang ina...
Nililinisan na ng doktor ang bata at pinuputol na ang pusod nito. Kinukuha na rin
nila ang natitirang inunan sa katawan ni Erajin.
Parang walang katapusan ang tunog ng flat line mula sa makina.
Hindi ito ang unang beses na namatay sa harapan ni Razele si Erajin.
Pero ibang usapan ang sitwasyon ngayon. May bagong buhay na involved.
Tit..
Tit..
Tit..
"Haagghhh!!"
Napaangat ng mukha si Razele nang marinig iyon... Napatayo agad si Razele at dali-
daling pinuntahan si Erajin na biglang nagbalik sa sarili nya
"Jin?" hindi nya alam kung paano nya hahawakan si Erajin. Pero kitang kita sa
mukha nya ang sobrang saya. Nararamdaman nya ngayon ang sobrang saya nang makitang
nabuhay na naman si Erajin pagkatapos nitong mamatay. ULIT. "Jin, ok ka na?"
"Uwaaahhh!! Uwaaaahhh!!"
Hingal na hingal si Erajin habang nakatitig sa ilaw na nasa itaas nya
"Am... I... dead..." mahinang tanong ni Erajin habang naga-REM
(REM- Rapid Eye Movement)
Natawa ng mahina si Razele at ngayon ay nahawakan na ang kamay ni Erajin. Sa wakas.
"Jin, naririnig mo ba yun?"
Bumitaw sa pagkakahawak ni Razele si Erajin at saka nya kinuha ang kwelyo ng polo
shirt nitong halos nagkagutay-gutay na kakahatak nya kanina "Tubig..."
Ngumiti naman si Razele at pinunasan ang noo nyang hindi nya namalayan ay pawisan
na rin pala.
"Congratulations, misis..." bati sa kanya ng midwife. Inilapag sa tabi ng balikat
nya ang bagong silang nyang anak "Lalaki ho ang anak nyo..."
Dahan-dahang tinignan ni Erajin ang kanyang anak na umiiyak. Nabitawan nya si
Razele at unti-unting napangiti nang makita ang isang maliit na sanggol na nasa
tabi
Nanlabo ang mga mata nya dahil sa luha. Pinunasan nya ito agad bago pa man tumulo
upang makita ng maigi ang mukha ng batang nasa tabi nya
"Razele..." tinapik-tapik nya ang balikat ni Razele habang nakangiti at nakatitig
sa batang antambok ng namumulang pisngi "Ang lusog nya..."
Natawa naman ng mahina si Razele at napapunas ng matang naluha na rin dahil sa
sobrang tuwa para sa bagong yugto ngayon ng buhay ni Erajin
"Congrats..." masayang bati sa kanya ni Razele
At ngayon, nagbigay ng panibagong buhay ang babaeng ang naging trabaho buong buhay
nya ay tumapos ng buhay ng iba.
-------------------The Superiors End---------------------

Author's Note for the Last Book

Ang kwentong ito ay hindi umikot sa pagmamahal lamang.

Tungkol ang buong istorya sa halaga ng otoridad, kapangyarihan, batas, trabaho,


pamilya, kaibigan, kalayaan, respeto, kabutihan, kasamaan, buhay at kamatayan.
Iba't ibang aspetong iisa lang ang pinag-uukulan.

Otoridad.
Kapangyarihan.
Batas.
Trabaho.
Respeto.

Mga bagay na makukuha kapag naging isang Superior.

Pamilya.
Kaibigan.
Kalayaan.

Mga bagay na kailangang isuko oras na tanggapin ang posisyon ng pagiging Superior

Buhay.
Kamatayan.
Yan lang ang maaaring pagpilian nilang mapapabilang.

Kabutihan.
Kasamaan.

Dalawang bagay na malaki ang koneksyon sa pagiging Superior

Si Josef. Ang bagong Fuhrer. Isang anak ng Superior at ng ordinaryong tao.

Sabihin na nating naging makapangyarihan syang tao nang makuha nya ang titulo.

Ngunit ang otoridad? Ang kapangyarihan? Ang batas? Ang respeto?

Lahat ng yon, nakuha nga ba nya?

Si Armida. Matagal nang Superior. Anak ng dalawang makapangyarihang Superior.

Sabihin na nating matagal na syang makapangyarihang tao dahil matagal na nyang


hawak ang titulo.

Nasa kanya ang otoridad. Nasa kanya ang kapangyarihan. Nasa kanya ang respeto.

Pero lahat ng yon, gusto nga ba nya?

May mga bagay na pinatunayan ng istoryang ito na hindi lahat ng tao ganid sa
kapangyarihan. Na may mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. Mga bagay na hindi
nakukuha ng kahit anong halaga. Mga bagay na kusang ibinibigay, hindi sapilitang
kinukuha

Pamilya. Kaibigan. Kalayaan.

Isinuko ng dalawa ang mga bagay na yan. Para rin sa isa't isa.

Hindi naman tatanggapin ni Josef ang posisyon ng pagiging Superior kung hindi dahil
sa kagagawan ng asawa nya. Kung hindi ito nagdeklara ng gyera, malamang na wala
syang isinuko sa kahit alin doon.

Hindi naman tatanggapin ni Armida ang posisyon ng pagiging Superior kung hindi rin
dahil sa asawa nya. Kung hindi nito isinuko ang sarili nya, malamang na wala syang
isinuko sa kahit alin doon.

Buhay. Kamatayan.

Dalawang bagay na nagsilbing paulit-ulit nilang una at huli.

Paano ba nalalaman ang kamatayan ng isang tao? Paano ba masasabing buhay ang isang
tao?

Masasabi mo pa bang buhay sya kung dinudugtungan nalang ng makina ang buhay nya?
Masasabi mo pa bang patay sya kung sa puso't isipan nila ay nabubuhay sya?

May mga bagay na napakahirap patayin. May mga bagay ring hinding-hindi na makakaya
pang buhayin.
Masasabi mo pa bang buhay ka kung para sa lahat, patay ka na?

Hindi lahat ng humihinga ay buhay. Dahil may mga taong patuloy na kumikilos sa
panlabas kahit na matagal na silang patay sa loob.

Kabutihan. Kasamaan.

Hindi lahat ng kriminal, masama. Hindi lahat ng masama, kriminal.

Hindi lahat ng nagpupunta ng simbahan, mabuti. Hindi rin naman lahat ng hindi
nagpupunta ng simbahan, masama.

Dalawa lang ang klase ng masama sa mundo:

Masama dahil kailangang maging masama


Masama dahil masarap maging masama

May mga taong may itinatagong kabutihan salikod ng kasamaan.


May mga taong itinatago ang kasamaan sa likod ng kabutihan.

Ipinakita ng kwentong ito ang iba't ibang mukha ng masasamang taong may sari-
sariling prinsipyo.

Hindi porke masama ang ginawa nya, ay masama na ang dapat na tingin sa kanya.
Hindi naman porke mabuti ang nagawa nya, ay ganun na ang maging impresyon sa kanya

Tiwala.

Hanggang saan mo kayang magtiwala?

Sino pa ba ang dapat pagkatiwalaan kung lahat ng nasa paligid mo lagi kang
pinaglilihiman?

Ano ba ang pinagkaiba ng kaaway sa kakampi?

Sino ba ang kakampi?


Sino ba ang kalaban?

Kung nasa panig mo sya kahit na alam mo sa sarili mong kalaban sya, pagkakatiwalaan
mo pa rin ba sya?
Kung para sa kabilang panig ang dahilan ng trabaho nya kahit na alam mo sa sarili
mong kakampi mo sya, pagkakatiwalaan mo pa rin ba sya?

Naalala na ng puso ang nalimutan ng isip...

Ito na ang huli nilang libro...

Nagbalik nga ang nakaraan, panandaliang nakalimutan ang kasalukuyan...

Pinagbayaran na ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan...

Marami nang nawala, kasabay ng kanilang pagbabalik...

Naganap na ang pinakamalaking pagbabago sa kanilang buhay...

Kinalaban nila ang pagkakataon...


Kinampihan nga sila ng tadhana...

Sinukat na ang kanilang lakas... Ang kanilang tapang... Ang kanilang galing... At
ang kanilang swerte...

Nagbalik ang pinakamatinik na magnanakaw...

Nagbalik ang pinakamagaling na manunubos...

At ang kanilang iisang pakay...

Ang kanilang kalayaan.

Ang pagmamahal ng dalawang taong ito ay inyong natunghayan...

Ngayon, atin nang harapin ang katapusan...

This is not the Epilogue

Hindi pa ito yung Epilogue, promise.

5 years later....

Nakaupo ngayon si Josef sa isang bench ng isang park. May bigote na sya ngayon at
kaunting balbas. Gulo-gulo ang mahabang buhok nya at mukhang matagal na panahon na
nung huli syang nagsuklay. Hindi na sya kasinglakas gaya ng dati. Pinabayaan na nya
ang sarili.

Kung saan-saang apartment nalang sya tumutuloy. Wala syang permanenteng tirahan.

Simula nang iwan sya ng asawa, wala na syang bahay na binalikan.

Nabubuhay nalang sya ngayon dahil sa pagnanakaw.... Pagnanakaw ng mga wallet ng


ibang tao.

Ang pinakamayamang magnanakaw noon, isa nang pipitsuging snatcher ngayon.

Naliligo pa naman sya araw-araw, nagsasabon ng katawan, nagto-toothbrush ng ngipin,


kumakain pero hindi na tatlong beses isang araw. Dahil na rin sa kawalan ng gana.

Maga-alas tres na ng hapon, at naghihintay pa rin sya hanggang ngayon.

Inubos nya ang nakalipas na tatlong taon sa paghahanap sa asawa nya. Pero mahirap
hanapin ang taong walang balak magpakita.

Lalo pa, ayaw nyang sayangin ang ginawa ng asawa nya para sa kanila.

Gusto man nyang manawagan sa tv at radyo, magpaskil sa dyaryo o sa buong bansa ng


poster... Lahat ay hindi nya pwedeng gawin.

Mahirap ang naging kalagayan nya nung iniwan sya ng asawa.

Napaglipasan na sya ng panahon. At ngayon, pakiramdam nya wala na syang kahit


sinong kasama.

Isa lang naman ang gusto nya.

Si Armida.

Sya lang...

Tumayo na sya dahil tumapat na ang mahabang kamay ng orasan sa 3 na nasa isang
poste sa park. Hudyat na kelangan na nyang umalis para maghanap ng pagkakaperahan
nya.

Nilakad nya ang kalsada papunta sa main road. Nakikita nya ang mga pamilya na
namamasyal doon.

Masaya. Nakangiti. Mag-asawang kasama ang kanilang mga anak. Walang problemang
iniisip.

Napangiti sya saglit. Nawala rin dahil sa katotohanang malabo na yon ngayon para
mangyari sa kanya.

"Hey,"

Tuloy-tuloy lang si Josef sa paglalakad

"Psst!"

Gusto na nyang bumalik sa tinitirhan pansamantala. Makatulog man lang saglit.

POK!

Kumunot ang kilay ni Josef nang may kung anong tumama sa ulo nya. Inis nyang
nilingon yung pinanggalingan nung binato sa kanya

"Buti naman at lumingon ka na rin,"

Naningkit ang mga mata nya nang makita ang isang babaeng matangkad, mestisa,
nakalugay ang mahabang buhok at balingkinitan ang katawan. Nasa early 20s nya,
nakasuot ito ng purple off-shoulder dress, sobrang ikli at body-hugging pa. Antas
ng black heels nito. Nakasuot ng shades habang naninigarilyo. Nakasandal pa sya sa
isang red Ford convertible.

"Sino ka ba?" inis na tanong ni Josef sa babae

"I can't believe na pinabayaan mo ang sarili mo dahil lang sa kanya..." sabi nito
sabay buga ng usok

"Wala kong panahong makipaglokohan sayo," tatalikod na sana sya nang biglang

"Karma's a bitch. Patay na si Ji Han. Apat na taon na. Nagkaroon ng turbulence yung
eroplanong sinasakyan nya nung pabalik sya sa Citadel. Bumagsak yung eroplano sa
Serbia. Si Cas na ngayon ang namumuno sa buong Citadel"

Hindi nawala ang kunot nyang noo at saka ibinalik ang tingin dun sa babae
"Magpakilala ka nga!"

Natawa ito ng mahina at saka tinanggal ang suot na shades "Don't tell me,
nakalimutan mo na ko, hmm, Josef"

Naningkit ang mga mata ni Josef at tinantya ng tingin ang babae. Pilit na inalala
kung sino nga ba iyon.

Unti-unting tumaas ang kilay nya nang makilala ang babae "At kelan ka pa natutong
manigarilyo?"

Natawa na naman ito ng mahina habang umiiling "People change," itinapon nya ang
hawak na shades sa loob ng kotse. Lumapit na sya kay Josef at tumayo sa harap nito
"Marunong ka pa bang maligo?" asiwang tanong nya dito

"Wala lang ako sa mood mag-ahit. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang personal
hygiene." masungit na sagot ni Josef

Ngumiti sya saglit at napayuko dahil sa sinabi ni Josef. Napabuntong-hininga sya at


ibinalik ang tingin sa kausap "Do you want to find her?"

Nakipagtitigan pa si Josef sa kanya

"Just ask..." sabi ng babae

Inilayo ni Josef ang tingin at saka nakasimangot na tinignan ang paligid "Want me
to beg for it?"

"Please is enough,"

Nagbago ang timpla ng mukha ni Josef at ibinalik ang tingin sa babae. Seryoso itong
naghihintay ng sagot nya

Humugot sya ng malalim na hininga at inisip kung dapat ba nyang i-consider ang
offer
"Find her for me... Please."

Unti-unting nabuo ang isang ngiti sa labi ng babae dahil sa sinabi nya.

"You know what," sabi nya "There's one thing I really want to do ever since I met
you,"

Napabuga ng hangin si Josef at saka inilipat ang tingin sa ibang direksyon "Do I
need to know that?"

Nag-shrug naman ang babae "Guess so," at saka nya hinatak ang kwelyo ng itim na
t-shirt ni Josef at saka nya ito hinalikan sa labi

Hindi naman nakapag-react si Josef dahil na rin sa gulat. Naaamoy nya ang sigarilyo
sa humahalik sa kanya

Iniipit ng babae ang isang card sa bulsa ng jeans na suot ni Josef at saka sya
bumitaw sa paghalik

"It's worth the wait..." nginitian nya ng matamis si Josef at saka nya pinunasan
ang gilid ng labi nito na nalagyan ng pulang lipstick nya

"Akala ko ba please lang," sabi ni Josef habang tinititigan nya sa mata ang babae

"Uhmm, additional payment for my service," at saka sya natawa ng mahina "Hindi
naman kasi kayo madaling hanapin," Tinapik nya ang balikat ni Josef "Every
lunch..." sabi nya habang naglalakad na sya paatras pabalik sa kotse nya "Nandyan
sya... Goodluck!" sumaludo sya at binuksan ang pinto ng sasakyan

Dinukot naman ni Josef ang card sa bulsa nya

"Laby!"

Napahinto sa pagsakay si Laby at nilingon si Josef "O?"

Nagpakita na rin ang masayang ngiti sa mga labi ni Josef "Salamat!" sabi nya
habang pinapakita ang binigay na card ni Laby

Tumango naman si Laby sa kanya "Ikaw pa! Malakas ka sakin!"

Yumuko sandali si Josef at saka ngumiti. Ibinalik nya ang tingin kay Laby

"Catherine!"

Nilingon na naman sya nito "May kelangan ka pa?"

"The pretty smart kid I've stole 12 years ago is not a kid anymore..." nginitian
nya ng matamis si Laby "You look so beautiful today..."
Ngumiti nalang din pabalik si Laby at saka sumakay sa kotse

The Real Epilogue

Epilogue

Nag-ayos ng sobra si Josef. Inahit na nya ang bigote nya, maging ang balbas nyang
matagal na hindi nagalaw. Dalawang beses pa syang naligo para lang dito. Halos
lunurin na nya ang sarili sa pabango. Makikita na nya ngayon ang asawa nya. Limang
taon. Limang napakahabang taon.

Nagbalik na ang dati nyang aura.

Alas nuwebe na ng umaga. Paalis na sya sa tinutuluyan.

Anlaking tuwa nya dahil hindi malayo ang lugar na tinutukoy sa card. Isang sakayan
lang pala.

Gusto nya tuloy batukan ang sarili.

Isang sakayan lang! Ganun lang ang layo nila ng asawa!

Wala syang kotse, kaya nagtyaga sya sa FX.

Hindi sya mapakali.

Gusto na nyang liparin ang daan.

Antagal ng bawat minuto.

Gusto na nyang sigawan ang driver dahil sa bagal ng pagpapatakbo nito sa sasakyan.

Paulit-ulit nyang tina-tap ang hawak na card sa kamay.

Inayos din nya ng paulit-ulit ang suot na navy blue long-sleeve shirt.

Kagat nya ang labi habang tinitignan ang daan na maglalapit muli sa kanila ng
asawa.

Huminto na ang FX sa terminal.

Dali-dali syang bumaba at binagtas ang isang kalsada sa kaliwa nya.

Palipat-lipat ang tingin nya sa kanan at kaliwa. Hinahanap ang pangalang "Lady
Johna's" ng isang resto
Kaunting lakad pa...

Lumawak ang ngiti nya nang matanaw ang hinahanap.

Inamoy pa muna nya ang sarili kung amoy pawis ba sya. Hindi naman, sa katunayan
mabango sya.

Nanalamin pa sya sa isang nakaparadang motor na nasa gilid ng kalsada. Ngumiti sya
sa sarili dahil as usual, gwapo pa rin sya

Nagpatuloy na sya at napahinto sa tapat ng glass door ng resto

Inayos pa uli nya ang damit.

Binuksan na nya ang pinto.

Nilingon nya ang loob. Kakaunti ang tao. Walang second floor ang lugar kaya
malamang na doon lang talaga makikita ang pakay nya

"Good morning, Sir..." salubong sa kanya ng isang waitress "Table for two?"

Tumango naman si Josef habang patuloy na hinahanap ang asawa "Yes. For two..."

"This way, Sir" sinamahan na sya ng waitress sa isang mesa na malapit sa bintana

Umupo na sya habang tinitignan pa rin ang paligid

"Here's our menu, Sir" inabot na sa kanya ng waitress ang menu

"Uhm, mamaya na ko oorder... Kapag dumating na yung hinihintay ko," sabi nya sa
waitress "Water nalang,"

"Sige Sir," kinuha na ng waitress ang menu at saka sya iniwan para kumuha ng tubig

:: ...there's so many times I've let you down. So many times, I've played
around... ::
Kinagat ni Josef ang labi habang tina-tap ng daliri ang mesa. Sinasabayan nya ang
himig ng naririnig na tugtugin sa loob ng resto

:: ... I'll tell you know, they don't mean a thing... ::

Anong oras na ba?

Nasaan na ba si Armida?

:: ...every place I go I think of you, every song I sing, I'll sing for you... ::

Tinignan nya ang orasan sa dulong parte ng resto. Pasado alas dyes na ng umaga

:: ...when I come back, I'll bring your wedding ring... ::

Gusto na nyang makita ang asawa.

Nasaan na ba ito?

Tama ba ang lugar na binigay ni Laby sa kanya?

:: ...so kiss me and smile for me... ::

Baka naman niloloko na naman sya nito?

O baka isang trap lang ang lahat?

Hindi kaya plano ang lahat ng yon para mahuli sya?

:: ...tell me that you'll wait for me... ::


Baka lumabas sa kung saan ang mga Guardians para kaladkarin sya pabalik sa Citadel?

Kelangan na ba nyang umalis?

:: ...hold me like you'll never let me go... ::

Kakaunti lang ang tao?

Normal ba yon?

:: ...cause I'm leaving on a jetplane, don't know when I'll be back again... ::

Siguro walang totoo sa lahat ng nagaganap ngayon.

Kelangan na nyang umalis.

Hindi na 'to maganda...

:: ...oh babe, I hate to go... ::

Tumayo na sya.

Nilingon-lingon nya ang paligid.

Wala naman sigurong susugod sa kanya.

Naglakad na sya.

Malapit na ang pinto.

Ilang hakbang nalang.

At biglang...

"Nandito na ko,"
Biglang huminto ang mundo ni Josef nang sandali ring yon

"Oo, dun pa rin..."

Sinundan lang nya ng tingin ang babaeng biglang pumasok sa loob ng resto. May
kinakausap ito sa cellphone habang naglalakad

"Yeah, yeah, yeah..."

Naupo na ito sa ikalawang mesa pagpasok sa loob. Sa may gilid lang din ng bintana.

Nilingon ng babae ang direksyon kung saan sya naroroon at nakatayo. Tatawag sana
ito ng waiter kaso napahinto nang makita sya.

Biglang nawala ang ngiti nito sa mukha.

Napalunok nalang si Josef habang nakikipagtitigan sa babae.

Yumuko ang babae saglit at saka ibinalik ang tingin kay Josef na may tipid na ngiti
na sa mukha

"Gusto mong maupo?" tanong nito habang tinuturo ang upuang katapat nya

Dahan-dahan nalang na tumango si Josef.

Nagpalit na naman ng kanta ang tugtugin sa loob ng resto

:: ... Well, here we are again... ::

Naglakad na sya papalapit sa upuan. Ambigat ng bawat hakbang nya. Parang dumoble
ang gravity sa loob ng resto.

Bawat hakbang, katumbas ng isang saya na pinipigilan sya sa maayos na paghinga

:: ...I guess it must be fate... ::

Hindi nya maipaliwanag kung bakit hindi sya makahinga ng maayos.

Parang may kung anong bagay ang nagpapabigat sa dibdib nya kaya nahihirapan syang
huminga.

Mukhang aatakihin pa yata sya sa puso sa sobrang saya

:: ... We've try it on our own ... ::

Nanginginig nyang hinawakan ang sandalan ng upuan

:: ... But deep inside we've known ... ::

Napaupo sya ng dahan-dahan habang hindi inilalayo ang tingin sa babaeng kanina pa
nya hinihintay

Babaeng sa katunayan ay matagal na nyang pinakahihintay

:: ... We'd be back to set things straight... ::

Simple lang itong nakatingin sa kanya

Gustong maluha ni Josef. Kaso baka makantsawan na naman sya.

Masaya sya.

Sobrang saya nya.

Saya na hindi na sya hinayaan pang makapagsalita.

Dahil walang salita ang tutumbas sa sayang nadarama nya ngayon


:: ... I'd still remember when, your kiss was so brand new ... ::

"Kamusta ka na? Wala ka pa ring pinagbago..."

"A-A-Armida..." utal na tawag ni Josef

:: ... Every memory repeats... ::

Umiling naman sya "Hindi ko na pwedeng gamitin ang pangalang Armida... Erajin na
ang itawag mo sakin..."

:: ... Every step I take retreats... ::

Ang totoo, walang pakialam si Josef kahit ano pa ang pangalan nya. Basta ang
mahalaga, nagkita na sila.

Sa wakas.

:: ... Every journey always lead me back to you... ::

"Hinanap kita..." tumango si Josef para paniwalain ang kausap "Hinanap kita..."

:: ... After all the stops and starts... ::

Yumuko naman si Erajin at napabuntong-hininga

:: ... We keep coming back to these two hearts... ::

"Mama!!"
Sigaw ng isang batang lalaking tumatakbo papalapit sa kanila

:: ... Two angels who've rescued from the fall... ::

"Max!" masayang bati ni Erajin sa bata

"Mama, look! Stars oh!" pinakita ni Max ang mga tatak ng "EXCELLENT" stars sa
likod ng pala nya

Kinarga ni Erajin si Max at kinandong

"Aaww... Ang galing naman ng baby ko..." hinalikan nya sa pisngi ang bata

"Hey, Jin..." lumapit naman sa kanila ang isang lalaking nasa early 30s nya.
Hinalikan nya sa pisngi si Erajin "Mabuti nalang at natatagalan mo ang kakulitan
ni Max," nag-eyeroll ito at ginulo ang buhok ng bata "Ang cute mo!"

Inilapag nya sa tabi ni Erajin ang isang itim na bag na halatang gamit sa school ni
Max.

:: ... After all that we've been through... ::

Hindi naman makapaniwala si Josef.

Halos bumagsak na ang panga nya dahil sa nakikita.

May anak na ang asawa nya.

Tapos itong lalaking bigla nalang sumulpot, hahalikan sa pisngi ang asawa nya at...

Mukha silang masayang tatlo...

Parang biglang gumuho ang mundo nya sa isang iglap

:: ... It all comes down to me and you... ::

"Oh," sa wakas ay napansin ng lalaki si Josef na naroroon pala "Uhmm,


nakakaistorbo ba ko?"
"Nope!" sabi agad ni Erajin sa lalaki "Uhmm, anyway Rayson... Meet Josef"
itinuro ni Erajin ang asawa

"Josef?!" gulat nyang tinignan si Josef na mukhang anytime makakasapak na ng tao


"Wow! Nice to meet you, pare!" inialok nya ang kamay kay Josef

"Not nice for me," inis na sinabi ni Josef habang ansama ng titig kay Rayson

"Oh..." binawi ni Rayson ang kamay nya nang maramdamang hindi sya gusto ni Josef
na kamayan

"Anak nyo?" may halong galit sa tono ni Josef

"Hahahaha!" natawa nalang si Rayson sa sinabi ni Josef "Pare, mali ka ng


iniisip,"

"Wag mo kong mapare-pare, hindi kita kilala." sarcastic na sinabi ni Josef kay
Rayson

"Josef, ano ba!" pag-aawat sa kanya ni Erajin

"Hahahaha!" itinaas ni Rayson ang mga kamay, sign na sumusuko na sya "Chill ka
lang, dude." tinapik na nya ang balikat ni Erajin "Sige, Jin. Una na ko..."

"Mabuti pa..." tumango naman si Erajin "Anyway, thanks!"

"Welcome..." sinulyapan pa nya sandali si Josef "Mainitin pala ulo ng asawa mo,"
sabi ni Rayson bago sya umalis

Ansama ng tingin ni Josef habang sinusundan ng titig si Rayson na palabas na ng


resto

"Ano ka ba naman, Josef!" mahina ngunit inis na sinabi ni Erajin

"Why?" inis na tanong ni Josef "Bakit hindi mo--" napahinto sya ng makita ang
mukha ng batang kandong-kandong ni Erajin na nakatingin sa kanya

"Mama..." natakot tuloy si Max dahil sa facial expression ni Josef na galit

"Max..." iniharap nya ang bata sa kanya "...ok lang, hmm..." hinalikan nya ito
sa noo at saka nya ipinasandal ang pisngi nito sa balikat nya para hindi makita ng
bata ang galit na mukha ni Josef

"Tinatakot mo ang anak ko," inis nyang sinabi kay Josef

Napakagat ng labi si Josef at napahiya ng kaunti.

Hindi nya naman sinasadya. Nadala lang sya ng emosyon.

"Nag-asawa ka ba ulit?" tanong ni Josef habang nanginginig ang mga labi

"Paano ko mag-aasawa ulit eh ikaw pa nga lang naging problema ko na," inis na
sinabi ni Erajin habang hinahagod ang buhok ng anak

"Kaninong anak yan?" inis na tanong ni Josef

"Aba! At nagtanong ka pa!" sarcastic na sinabi ni Erajin

"Mama, are you mad?" mahinang tanong ni Max

Inilayo naman ni Erajin ang anak para makita ang mukha nito "No, baby... Hindi mad
si Mama..." pinunasan nya ang noo nito na nagkakaroon na ng pawis

"Sino sya Mama?" inosente nitong tanong sa kanya

Sinulyapan nya sandali si Josef na naghihintay din ng sagot nya

Nginitian nya si Max at pasimpleng sumulyap kay Josef "Diba sabi ni Mama malapit
na umuwi si Papa..."
Tumango naman si Max habang kinukusot ang mata nya

Iniharap na ni Erajin si Max kay Josef

"Magpakilala ka naman sa anak mo..." mataray na utos ni Erajin kay Josef "Sayo
'to wag kang mag-alala. Pina-blood test ko pa 'to kay Razele. Tss,"

Hinawakan ni Erajin ang kamay ni Max at kinaway kay Josef "Max, say hi to Papa..."
masaya nyang utos sa anak "Say 'hi Papa'.. Come on, Max, say hi..."

Inosente namang nakatingin si Max kay Josef "Hi Papa..."

Hindi naman makapaniwala si Josef sa biglaang pangyayaring ito.

Tumayo na si Erajin at iniabot kay Josef ang anak nya.

"Ikaw muna ang mag-asikaso nyan, pupunta muna ko sa restroom," tinaasan nya ng
kilay ang asawa nyang nakatulala lang sa kanya "Anak mo naman yan kaya matuto kang
mag-alaga," masungit nyang sinabi at saka sya umalis

Nakangangang sinundan ni Josef ng tingin si Erajin na iniwan sya doon kasama ang
bata

"Z-Zor-Zordi-"

Nailipat ni Josef ang tingin kay Max na nasa kandungan nya. May hawak itong
singsing

"Zordic--"

Nanlaki ang mga mata ni Josef nang makita ang hawak ni Max. Tinignan nya ang
kaliwang kamay,

Wala na doon ang suot nyang wedding ring

Kinuha nya agad ang singsing sa bata at saka nya ipinaharap sa kanya
"How did you get this?" tanong nya agad dahil hindi nya alam kung bakit hindi man
lang nya naramdamang nakuha ang singsing sa kamay nya

Biglang nalungkot ang mukha ni Max at mukhang hihirit ng iyak

"Mama..." mahina nitong sinabi habang konti nalang at iiyakan na si Josef

"Ay naku dyusko..." napatingin-tingin sa kung saan-saan si Josef dahil mukhang


mapapaiyak pa nya ang anak nya "Uhh... Teka... Uhh... M-M-Max?"

Humikbi naman si Max at tumango kay Josef

"Paano mo nakuha 'to?" mahinahon nyang tanong

Umiling naman ang bata habang kinukusot ang mata. Hindi din alam ng bata ang
isasagot

Napabuntong-hininga nalang si Josef.

Mukhang alam na nya kung kanino nagmana ang batang yon.

"O, tara na!"

Napalingon si Josef kay Erajin na papalapit na sa kanila

"Tara saan?" tanong ni Josef

"Saan pa ba?" kinuha na nya ang bag ni Max "Ikaw na ang kumarga dyan sa anak mo,
uuwi na tayo..."

"U-uuwi?" nagtatakang tanong ni Josef habang tumatayo na at karga ang anak nya

"Hindi pa kami nagla-lunch ng anak mo, magluto ka..." utos ni Erajin "Yung
masarap ha! Gugulpihin kita kapag nagreklamo ka pa!"
:: ...I guess it's meant to be... ::

Hindi naman makapaniwala si Josef na pagkalipas ng limang taon, kikilos ang asawa
nya na parang kanina lang sila nagkalayo.

:: ...forever you and me after all... ::

Pero kahit na ganun, natuwa naman sya dahil ngayon...

Alam na nyang meron na pala syang uuwiang pamilya.

__________________________

Next Book: Secrets of the Malavegas

SECRETS OF THE MALAVEGAS

Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw.


Wala na ang pinakamagaling na manunubos.

Isang simpleng pamilya nalang ang kanilang common denominator ngayon.

Siguro nga, normal na ang buhay nila.

Pero hanggang kelan?

Walang lihim ang hindi nabubunyag,

At ang mga anak nila ang magpapatunay na imposible ang normal na buhay sa mga hindi
ordinaryong taong tulad nila.

Sila ang mga Malavega, at tuklasin natin ang sikreto ng kanilang pamilya.

[ 7th series of The Newly Weird ]

======================

Lena0209 Copyright © October2014


All Rights Reserved

Wag sanang i-plagiarize, please.


Alam kong hindi sya bonggang story.
Ang story na ito ay fiction.
Ang mga character sa istoryang ito ay galing lang sa imagination ng writer.
Asahan na ang wrong grammars and typo-errors.
Libre mag-comment.
Click the star up there �? to vote if you like the story :)

======================

Click the external link for the story

You might also like