You are on page 1of 251

You trust him. You mean letting go.

THE
TRAITOR

Book Two of The Inventor Series


Sherwoode Paquit
THE
TRAITOR
The Traitor
Copyright © 2016 by Sherwoode Paquit

All rights reserved. Printed in the Republic of the Philippines.


No part of this book may be used or reproduced in any manner
whatsoever without written permission except in the case of
brief quotations embodied in critical articles and reviews.
Manila, ML 1012.

This novel comes to life prior to the dream of the Author to


survive the present day led by the Government of the
Philippines. The Philippine Citizens experiencing corruption,
poverty, crime, injustice, unemployment, ignorance, fear,
diseases, and disaster. The Government didn’t fulfill the needs
and support its Citizens.

Summary: When Giorgio become one of the competitors in the


Inventor’s Competition, his fellow competitors do everything
for him to become an Inventor. And Giorgio gives his best to
conquer monsters in order to win the prize. He will become an
Inventor; likewise mutiny of dead army is rising in some
citizens of Aurum and Argentum.

1. Science fiction
2. Ability—Fiction
3. Love—Fiction
4. Characters—Fiction
5. Inventions—Fiction
6. War—Fiction
7. Places—Fiction
8. Monsters—Fiction
To, Alexis A. Ferreras
You never let me down and set me on fire, but you
made me cry
ONE

HINDI KO ALAM KUNG paano sisimulan ang aking


araw. Matapos ang gabing kasama ko si Clarisse.
Wala akong ideya sa aking mga susunod na
hakbang. Si Will? Si Dave? Si Clarisse? Paano? Ano
ang nangyayari sa kanila?
Kung tungkol lamang kay Clarisse? Hindi ko rin
alam ang aking nararamdaman o kung bakit ko iyon
nararamdaman at kung bakit magkapareho kami ng
nararamdaman. Alam kong hindi maaari pero bakit
hindi ko mapigilan.
Si Will? Akala ko tunay na kaibigan ko siya!
Pero bakit at paano niya nagawa sa akin ito? Hindi
ko na siya kilala simula ng mapunta kami dito sa
Aurum. Kung alam ko lang magiging masama siya

1
hindi na ako nagpumilit pang pumasok sa
Universidad na ito kahit pa ito ang pangarap ng
aking lolo para sa aking kinabukasan.
Iniwan niya ako? Hindi ko alam kung paano niya
nagawa sa akin ang bagay na iyon! Isa lang ang
alam ko ngayon hindi na niya ako kaibigan! Traydor
siya at tinuturing niya akong masama.
At si Dave? Wala pa rin akong alam tungkol sa
mga sinasabi niyang kailangan kami ng Cuprum at
dahil nanganganib ang mga mamamayan ng
Cuprum. Hindi ko alam kung bakit hindi niya
masabi sa akin ang totoong salita para isipin kong
talagang may nangyayari sa aming lugar.
Sa tingin ko dito na kailangang magsimula ang
araw ko, ang solusyunan lahat ng sa tingin kong
problema sa aking paligid.
Hindi ko naman tinitingnan ang lahat bilang
problema, hindi ko lang kayang pagsabay sabayin
ang isipin sila. Si Dave hindi ko alam kung paano ko
mapoprotektahan ngayong kakaiba ang nangyayari
sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit pinipilit
niyang kailanganin kami ng Cuprum. Dahil ba mag
kakaaroon ng matinding sakuna? O higit sa
matinding sakuna? Pero paano niya naman nasabi
samantalang tumawag pa ako sa aking ina noong
kamakailan kasama si Rick at alam ko—dahil nakita
ko—na mukhang hindi naman makakaranas ang
Cuprum ng matinding sakuna.
Si Uthello may trabaho na at mukhang wala
siyang problema sa kanyang mga gingawa. Si Utah
mukhang masayang masaya dahil sa tingin ko

2
nakakakain na siya ng tatlong beses sa isang araw at
marami na siyang kaibigan sa amin—Northern
Cuprum. Ang aking ina mukhang walang inaalala,
siguro hindi lang siya makatulog sa gabi dahil hindi
niya ako nakikita pero bukod pa doon sa tingin ko
wala ng ibang mukhang problema ang Cuprum.
“Ilang buwan ko na rin hindi nakikita ang iyong
ina.” Sabi ni Rick sa akin pero hindi siya
lumilingon.
“Sa tingin mo may mangyayaring masama ba sa
Cuprum?” Narinig ko ang kanyang sinabi pero hindi
ko ito pinansin.
Tumingin siya sa akin na parang isang batang
nagulat o nasupresa? Hindi ko alam kung anong
klaseng reaksyon ang nakita ko sa kanya.
“Cuprum? Saan mo naman nakuha ang balitang
iyan?” Pagbalik ng tanong niya sa akin.
Alam kong hindi ko maaaring sabihin kay Rick
ang bagay na sinasabi ni Dave at si Dave. Sa
pagkakataong ito malakas na ang pagtitiwala ko kay
Jason—dahil siya ang nagsabi sa akin na dapat
kaming dalawa lang ang nakakaalam ng mga
nangyayaring nakatago.
“Hindi na mahalaga kung sino.” Sabi ko sa
kanya. “Sagutin mo ang tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na ako
makipag-usap sa kanya. Parang hindi ko na siya
ginagalang.
“Hi—hindi naman mangyayari ang bagay na
iyon.” Pagpapaliwanag niya.

3
Hindi naman mangyayari? Anong ibig niyang
sabihin, hindi pa sa ngayon? Ano ba sa tingin niya
ang balak ng Gobyerno sa mga mamamayan niya?
“Pero bakit ganito ang trato ng Gobyerno at
Aurum sa Cuprum?” Tanong ko na parang isang
batang hindi mapakali sa sagot ng isang matandang
nakekwento ng kwentong pambata.
“Sa tingin ko dahil sa ikagaganda at ikaaangat
ng bansa?” Sagot ni Rick.
“Sa paraang nahihirapan at nagugutom ang
Cuprum ng lubusan?” Sarkastikong sagot ko sa
kanya.
Gusto kong tanungin at ipaalam sa kanya at sa
lahat ng mga taga-Aurum ang araw araw na hirap na
nararanasan ng Cuprum. Pero sa tingin ko kay Isaac
at Jason hindi ko na kailangan pang sabihin pa dahil
sa tingin ko alam nila at may pagmamalasakit sila sa
Cuprum.
“Nahihirapan at nagugutom?” Sagot ni Rick.
“Kumikita ang mga manggagawa ng Cuprum ng
naaayon sa kanilang trabaho. Kung hindi maganda
ang kanilang pagtatrabaho ay hindi na kasalanan ng
Gobyerno iyon dahil una sa lahat kumikita ang
Cuprum.”
Kumikita ng naaayon sa trabaho? Iyon ba ang
gusto niyang sabihin samantalang ang hirap ng
trabaho. Kahit pa sabihin nilang one forth ng
populasyon lang sa Cuprum ang walang trabaho
pero ang kita ay hindi sapat. Halos araw araw ay
kamatayan ang pagtatrabaho sa Cuprum—lalo na sa

4
Cuprum Peninsula at Northern Cuprum—makakita
lang ng pera at makakain ang kanilang pamilya.
Hindi pa ako tapos sa aking mga itatanong ay
biglang may tumawag kay Rick mula sa kanyang
cellphone.
Sinagot niya ang tawag.
“Ah—Gio, mauna na ako.” Hinawakan niya ang
ibabang bahagi ng kanyang cellphone at nilayo sa
kanyang bibig. “Good luck sayo sa darating na
kompetisyon. Paghusayan mo para sa Cuprum.”
Ngumiti siya sa akin na parang may laman ang
kanyang mga labi. Parang may ibang pinapahiwatig
at pagkatapos noon ay umalis na siya.
Sa tingin ko hindi magiging maganda ang araw
ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil
kay Rick. Ngayon ko lang din napansin na bakit kay
Rick ko inerereklamo ang kalagayan ng Curpum.
Siguro dahil na rin sa dito siya sa Aurum nakatira.
“Oh, Gio tapos na ba ang pribado niyong pag-
uusap?” Nakatangising sabi ni Isaac.
Tumango ako sa kanya na parang sumasang-
ayon.
“Pwede mo ba akong samahan sa library?”
“Oo naman.”
Mabilis kaming bumaba ng Generic House at
sumakay sa pabilog na sasakyan. Naaalala ko noong
unang sakay ko sa sasakyang ito ay kasama ko si
Alice.
Napakaaliwalas ng umaga. Mahangin at hindi
ganoong kainit ang sikat ng araw. Kaunti lang ang
mga estudyanteng nalalakad sa labas. Sa tingin ko

5
karamihan sa mga estudyante ngayon ay walang
klase dahil sa paghahanda sa resulta ng presentation
at sa kompetisyon.
Dumaan kami sa UST Hall at nakita ko ang
likuran nito. Hindi halata ang pintuan ng laboratory,
kung saan pumapasok kami ni Jason.
Ang susi ng aking lolo sa aking bulsa ay parang
tinatawag ako. Tinatawag ako papunta sa laboratory.
Alam kong nadoon si Jason at malaki ang tiwala ko
sa kanyang maaalagaan niya ang laboratory, si G1,
G2, at G3, at si Max at Dave.
Hindi ko talaga maipagkakaila ang ganda ng
library ng UST. Ang mga salamin na pumapabilog
sa buong library. Mga pentagon na salamin. Mga
estudyante sa iba’t iba nilang uniform at mga
malalagong puno ang mas lalong nagpapaganda ng
kapaligiran.
Pumasok kami ni Isaac sa loob ng library at
pumunta sa lugar kung saan nakaupo si Albert at
Thomas. Kasama nila si Claudius, Charles, Archie,
Glenn, Virginia, Michelle, Adrianna, at Clarisse.
Sa kabilang gilid nakita ko si Jason kausap si
Cassandra, Ceasar, ang lalaking nakasabay ko sa
presentation ng mga imbensyon.
Bakit nandoon si Jason? Akala ko nasa
laboratory siya? At paano siya nakalabas? Hindi siya
maaaring makalabas ng hindi ko sinasabi—tanging
boses ko lang ang pinapakinggan ni Karen.
“Anong ginagawa ni Jason doon?” Tanong ko
kay Isaac habang naglalakad papunta sa kinauupuan
nila Albert.

6
“Hindi ko rin alam.” Pagpapaliwanag ni Isaac na
sumulyap lang kay Jason. “Marami kasing kaibigan
ang batang iyan.”
“Oh, Gio.” Pabirong sabi ni Glenn. “Mukhang
umaayos ang bawat oras ng buong araw mo.”
Ngumiti lang ako sa kanya.
Nakita ko si Archie na mukhang hindi natuwa sa
pagbibiro ni Glenn. Sa bagay kahit wala namang
nagbibiro hindi pa rin siya natutuwa. Napansin ko na
hindi naman ganito ang ugali ni Archie noong una
ko siyang makikila.
“Gio, mamayang gabi na malalaman kung sino
ang mga kasi sa Inventor’s Competition.” Sabi ni
Albert. “Mukhang kakailanganin natin ng matinding
dasal.”
Nagngitian lang ang iba. Pero hindi ko makita
ang guhit ng ngiti sa mga labi ni Archie.
Nakita ko si Clarisse na nakangiti at nakatingin
sa akin. Hindi ko alam kung paano ibabalik ang ngiti
sa kanya. Nakakailang. Lalo na at kasama namin ang
iba sa mga naging kaibigan namin dito sa UST.
Hindi nalalayo ang ngiti niya noong ball.
Maganda pa rin siya sa aking paningin hindi ko lang
alam kung paano kikilos sa aking nararamdaman.
Ngayong inamin niya ang kanyang nararandaman at
nalaman kong pareho kami, sa tuwing nakikita ko
siya ay sa tingin ko mas lalo akong nagkakagusto sa
kanya. Sa tingin ko nahuhulog na ako sa kanya.
Ang pakiramdam na kailanman hindi ko
naramdaman kay Virginia—Lady Paris sa una
naming pagkikita.

7
Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko alam
kung anong mukha ang ipapakita ko kay Clarisse
kung hindi man ako ang manalo sa kompetisyon.
Alam kong hindi na siya kaibigan sa aking mga
pangarap, isa na rin siya sa aking mga pangarap at sa
tingin ko kailangan kong manalo hindi lang para sa
aking lolo at sa aking ina kung hindi para na rin sa
kanya.
Ngumiti ako sa pagkakataong ito at sa tingin ko
kaya na ng loob na makausap siya at makipagtitigan
sa kanya.
“Wala pa rin kaming balita kung nasaan si Will.”
Sabi ni Tom. “Simula ng…”
Huminto siya ng mapansin niyang hindi gusto ng
lahat ang susunod niyang sasabihin at sa tingin ko
hindi nila gusto ang makita ang aking reaksyon sa
tuwing babanggitin si Will. Hindi na niya tinuloy
ang sasabihin at nakatingin ang lahat sa akin.
“Okay.” Nakangiti kong sabi. “Baka marami
siyang inaasikaso o di kaya… di kaya… hindi na
niya gusto ang maging kaibigan ako.”
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanila
ang mga bagay na iyon. Ang personal na pananaw
ko kay Will kung bakit niya ginawa ang mga bagay
na ito.
Ang matamis na ngiti ni Clarisse ay nawala sa
kanyang mga labi. Alam kong hindi niya gusto ang
mga nangyayari sa akin. Si Glenn, ganoon din ang
pinapakitang mukha sa akin.
“Uh—siguro nga kailangan natin magdasal.”
Sabi ko sa kanila ng mapansin kong ang ga

8
estudyante lang sa aming paligid ang nagdadala ng
ingay.
Tumalikod ako sa kanila at naglakad papalayo.
Lumabas ako ng library at umupo sa gilid ng mga
halaman.
Bakit ba nila ako tinutulungan para maging isang
Inventor? Hindi ko akaling magiging ganito kagulo
ang aking buhay pag pumasok ako sa UST. Kung
alam ko lang tinanggihan ko ang mga sinasabi ng
aking lolo. Si Will, ang dating kaibigan ko ngayon
hindi ko na kaibigan. Ang tagal ko siyang nakasama
at parang kapatid na ang turing ko sa kanya pero
bakit ngayon, bakit niya ginagawa ang bagay na ito
sa akin?
Sa pagkakatanda ko sinabi niya kay Sarah na
aalagan niya ako katumbas ng pag-aalaga ko sa
kanya kaya hindi ko maintindihan ang mga
ginagawa niya.
“Huwag mong isipin iyan.” Biglang sabi ni
Jason mula sa aking tabi. “Hindi natin alam kung
ano ang nangyayari sa kanya katulad na lang ni
Dave.”
Teka! Oo nga pala akala ko nasa laboratory siya?
“Jason?! Paano ka—”
“Si G1.” Pagpapaliwanag niya. “Ginamit ko ang
boses ni G1 para makalabas.”
Ang boses ni G1? Tama siya ang mga humanoid
robots ay ako kaya nakikilala ni Karen ang boses ko.
Napakatalino talaga ni Jason.
Tungkol kay Will tama ang sinabi niya. Hindi ko
dapat isipin na hindi na niya ako kinikilala bilang

9
kaibigan dahil hindi ko alam ang nagyayari sa
kanya.
“Bumubuti na pala ang lagay ni Dave.” Sabi
niya sa akin. “Kanina nakausap ko siya ng matino,
kasi sabi sa akin ni G1 kanina sinaktan siya ni
Dave.”
“Anong sabi niya?” Mabilis kong tanong na
parang isang bata na nag-aantay na bigyan ng piso.
“Hinahanap ka niya.” Sabi ni Jason. “Napansin
kong hindi na siya balisa at hindi na rin kakaiba ang
kinikilos niya, pinaliwanag na din ni G2 sa akin na
laging kakaiba ang kinikilos niya sa tuwing
magigising siya sa kanyang hinhigaan.”
Talaga?! Hinahanap ako ni Dave? Kaya pala
parang tinatawag ako kanina ng laboratory, dahil
pala kay Dave.
“Kailangan kong makausap si Dave.” Sabi ko
kay Jason. “Marami akong kailangan malaman
tungkol sa mga sinasabi niya.”
“Nagpapahinga siya.” Pagpapaliwanag niya.
“Hindi mo siya kaagad-agad makakausap.”
Hindi na mahalaga iyon basta makausap ko siya
bago matapos ang araw na ito.

Mabilis kaming nakarating ni Jason sa laboratory


sakay ng sasakyang ginamit ni Isaac kanina. Hindi
ko akalaing marunong din pala si Jason magmaneho
ng sasakyan. Napakagaling ng batang ito. Hindi ko
maipagkakaila kung bakit siya naging Inventor,
dahil sa galing at talino niya kaya siguro niya naabot

10
ang pangalawa sa mataas na posisyon sa UST—
DOST.
Bumaba kami ng sasakyan at dahan dahang
tumingin sa paligid kung may taong nakasunod sa
amin. Umaga ngayon kaya kailangan namin
magdoble ingat sa aming gagawin. Hindi maaaring
may makakita sa amin. Mabilis kong pinasok ang
susi sa butas at bahagyang bumukas ang pintuang
bato sa likod ng University of Science and
Technology Hall. Mga naglalaglagang buhangin at
maliliit na bato sa gilid ng pintuan. Bumukas ang
pintuan at mabili kaming pumasok sa loob kasabay
nito ang mabilis kong pagsara ng pintuan.
Welcome Giorgio. Sabi ni Karen.
Bumukas ang pintuan ng laboratory at mabilis
akong pumasok sa loob para puntahan si Dave.
“Nagpapahinga siya Gio.” Sabi ni G2 sa akin.
Nakikita kong mahimbing ang tulog ni Dave.
Gusto ko na siyang gisingin. Gusto ko na siyang
makausap. Ang tagal ko na siya bago nakausap ng
matino, hindi nananakit, at hindi natatakot na
lumapit—hindi ko naman sinasabing nasisiraan na
siya ng ulo o hindi na niya ako kilala.
May tiwala ako kay Jason at sa tingin ko mas
tumitibay ito sa bawat araw na makakausap at
makikita ko siya. Alam kong gusto na rin akong
makita ni Dave at ikwento ang lahat ng kanyang
mga sinasabi.
Hindi pa rin nagbabago ang kanyang mukha
kahit na ang dami-daming nagbago sa kanyang ugali
at kilos. Ang kanyang balat ay maitim a rin, ang

11
kulot at maitim na kanyang mga buhok, ang
kanyang mga mapuputing ngipin, lahat ay nasa
pagkatao lang ni Dave.
Kilala ko na siya noon pa. Sa pagkakatanda ko
nakikita ko siya noon sa Cuprum Peninsula—noong
hindi ko pa siya nakikilala sa Northern Cuprum—at
sa tingin ko isang manggagawa ng mga baril ang
kanyang ama. Nakita no na rin siyang tumutulong sa
kanyang ama sa tuwing kukuha ng bakal at
tutunawin ang mga iyon sa isang mainit na silid.
Hindi ko alam kung sa ganoong paraan siya naging
maitim o dahil sa namana niya ang kanyang kulay sa
kanyang ina dahil sa pagkakatanda ko hindi naman
ganoong kaitim ang kanyang ama.
Hindi ko pa siya nakakausap noon ay sa tingin
ko napakabuting tao niya. Hanggang sa nakilala ko
siya at hindi ako nagkamali—self-fulfilling
prophecy ang tawag ng mga karamihan sa ganoong
sitwasyon.
“Uh—Gio?” Nagtatakang nakatingin si Jason sa
akin. Ang kanyang mukha ay hindi maipinta at hindi
ko maintindihan ang reksyon niya.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakatingin ng
malapit kay Dave. Ang kanyang nakapikit na mga
mata ay hindi ko maiwanan ng tingin. Nakangiti ako
habang nakatitig sa kanya.
“Huwag mong sabihin na—”
“Mabait na tao si Dave.” Pagputol ko sa kung
ano man ang nais niyang sabihin at sa tingin ko
hindi ko iyon magugustuhan.

12
Hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ngayon
mas nakatulong pa si Dave sa buhay ko bilang
kaibigan kaysa kay Will. Siguro dala na rin ng
tampo ko sa kanya tungkol sa kung ano man ang
nagawa niyang hindi maganda noong nakaraan. Pero
kahit na ganoon dapat alam ko sa sarili kong mas
kilala ko si Will kaysa sa taong ito dahil una ko
siyang nakilala.
Tumayo ako sa gilid ng higaan ni Dave at
tiningnan ang aparato sa kanyang tabi.
Hindi na ako makapaghintay na makausap siya.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang aking
nararamadaman at parang may kailangan akong
malaman.
Sa kabila ng aking mga iniisip ay bigla kong
naisip ang aking ina. Hindi ko alam kung paano siya
napasok sa aking isipan sa ganitong oras at panahon.
Dapat ang iniisip ko ngayon ay kung ano man ang
mga nangyayari sa aking paligid dito sa Aurum dahil
alam ko namang ligtas at mabuti ang kalagayan ng
aking ina sa Cuprum.
Tumalikod ako kay Dave at Jason, at lumabas ng
pintuan.
“Gio, saan ka pupunta?” Tanong ni Jason.
“Dito lang sa labas.” Sabi ko sa kanya pero hindi
ko siya nilingon.
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang isipin
sa aking sagot sa tanong niya, sa labas ng silid ni
Dave o sa labas ng laboratory. Pero hindi na
mahalaga iyon basta ang kailangan ko ay papel at
panulat para masulatan ang aking ina sa Cuprum.

13
Pumunta ako sa Main Section at kumuha ng
papel at panulat. Nakita ko ang krystal na tablet ni
Jason pero hindi ko alam kung mababasa ba ng
aking ina ang aking mensahe kung doon ko
ipapadadaan ang aking nais sabihin.
Nagsimula na akong magsulat.

Mahal kong ina,

Napakasaya ko ngayong araw dahil bawat oras


ay maraming nangyayaring maganda sa buhay ko,
pero hindi lahat nagiging masaya. Hindi ko alam
kung paano ko sasabihin sa iyo ang bagay na ito
pero alam kong kailangan mong malaman dahil si
Clarisse at ako ay may gusto sa isa’t isa. Hindi ko
alam kung paano kumilos sa isang relasyon, at kung
kasama sana kita ngayon alam kong hindi mo ako
pababayaan.
Si Will, hindi ko alam kung bakit nagbago siya.
Ang dating matalik kong kaibigan ay hindi ko na
alam ang takbo ng utak. Hindi ko pa siya
nakakausap at nakikita man lang. Sana bumalik ang
dating Will na kaibigan ko dahil hindi ako masaya
kung wala siya.
Ina, ngayong araw ko po pala malalaman ang
resulta kung kasama ako sa Competetion o hindi.
Alam kong pinagdadasal niyo ako tuwing gabi kaya
sana mapabilang ako sa mga kasali.
Si Dave pala. May kakaibang nangyari sa kanya
dito at sa tingin ko hindi maganda ang nagawa sa
kanya ng DOST at UST dahil kung ano-ano ang

14
sinasabi niya tungkol sa Cuprum at sa mga
masasamang tao dito sa UST. Aking ina, kaligtasan
lang ang tangin hiling ko sana manging mabuti ang
kalagayan niyo diyan!

Nagmamahal,
Giorgio Danelson

Isang batang lalaki sa modernong mundo ganito


magsulat ng sulat para sa kanyang ina? Hindi ko
alam kung bakit. Ang alam ko lang wala sa
makabagong sulatan ko lumang sulatan ang
kaligtasan ng aking ina. Hindi ko din alam kung
bakit ganito na lang ang pag-aalala ko sa kaligtasan
ng aking ina at ng Cuprum. Wala namang
nagsasabing nasa masamang kalagayan ang Cuprum.
Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinulat ko
na dapat mabasa ng aking ina. Unang-una kay
Clarisse alam kong kung sakaling kasama ko siya sa
oras na ito ang unang sasabihin niya ay hindi pa ako
handa para pumasok sa ganoong sitawasyon kahit na
wala pa na naman kaming relasyon ni Clarisse. Ang
tungkol kay Will, hindi ko gustong sabihin sa aking
ina ang tungkol doon pero kailangan niyang
malaman. Ayoko ko ring malaman ng ina ni Will
ang tungkol sa kanyang ginawa at lalo na si Alex
dahil mataas ang tingin niya sa kanyang kuya. Alam
kong hindi
“Sulat?” Sabi ni G1 mula sa aking likuran.

15
Hindi ko inaasahan ang kanyang pagsulpot mula
sa aking likuran. Mabilis kong tiniklop at tinago sa
envelop ang papel.
“Uh—oo, parang ganoon na nga.” Sagot ko sa
kanya.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at nilagay sa
aking bulsa ang sulat na nasa loob ng envelop.
Lumakad ako pabalik sa loob ng silid ni Dave. Hindi
pa rin siya nagigising.
“Gio!” Lumabas si Jason mula sa likuran ng
silid. “Kailangan na natin bumalik sa Generic
House. Hinihintay na nila tayo doon.”

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Masyado


akong kinakabahan para sa mangyayari. Hindi ko
maipaliwanag ang aking pakiramdam—umiinit at
lumalamig—ang aking katawan, para akong
masusuka at para akong hihimatayin.
Alam kong kailangan ko makita si Dave at
makausap pero mas kailangan kong malaman ang
resulta.
Nakita ko si Rick sa gilid, sa ilalim ng puno
kausap si Antony. Mukhang malalim ang kanilang
pinag-uusapan. Nakikita kong seryoso sila kahit na
natatakpan ng dilim ang kalahati ng kanilang mukha.
Parang balisa si Antony at hindi mapakali
habang kinakausap ni Rick. Nakikita kong matindi
ang pagpapaliwanag ni Rick kay Antony ng kanyang
mga sinasabi. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa
aking isip na baka may ibang babae na si Rick.
Naisip kong kung may kapangyarihan lang sana ako

16
na makarinig kahit na sampung kilometro ang layo,
sana naririnig ko ng malakas ang kanilang usapan.
“Gio? Anong ginagawa mo?” Sabi ng boses ng
babae mula sa aking likuran.
Tumingin ako sa aking likuran para makita ang
pinanggagalingan ng boses, si Michelle.
“Uh—uh, wala.” Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
“Inaamoy ko lang ang mga dahon nitong puno kung
mabango.”
Pagpapaliwanag ko sa kanya habang inaamoy
ang dahon mula sa puno sa aking tabi. Bahagyang
tinatakpan ko ang aking likuran para hindi niya
makita si Rick at Antony na nag-uusap. Baka isipin
niya na nakikinig ako sa usapan na dapat hindi ko
marinig.
“Uh… ganoon ba?” Sabi niya na parang
nagtataka.
“Oo ganoon. Tara na.” Sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala ko
siya sa lugar kung saan ko na kita si Clarisse at
Virginia. Nakatingin sa akin si Clarisse at parang
may gustong sabihin. Hindi ko alam kung bakit
hindi pa rin ako makatingin ng tuwid sa mga mata ni
Clarisse. Nahihiya ako kahit na alam niyang may
gusto rin ako sa kanya.
“Oh, Gio nasaan ang iba?” Tanong ni Virginia
ng makita ako.
“Hindi ko rin alam.” Sagot ko. “Nakita ko lang
si Michelle—ay nakita niya ako—pero nakita ko na
siya. Basta parang ganoon.”

17
Napatingin ako sa mukha ni Michelle na parang
nalilito sa aking sinasabi at nagtataka. Ngumiti lang
ako sa kanya na parang isang aso—malaking ngiti
na kita ang aking mga ngipin.
Bago pa kami pumasok sa loob ng Arena nakita
ko na sa labas si Jason.
“Saan ka ba galing?” Tanong ko sa kanya.
“Ikaw, hindi kita makita.” Pagpapaliwanag niya.
“Kanina pa kita hinahanap.”
“Ako?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Nandito na pala si Jason.” Biglang sabi ni
Adrianna. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling
pero sa kanyang likuran nakita ko sila Tom. “Halina
kayo.”
Hindi ko maipaliwanag ang ganda ng Arena.
Ang loob nito ay parang hindi ganito noong una
kong makita. Ang ganda ng mga haligi na mistulang
Corinthian ang disenyo at sa tingin ko ngayon ko
lang nakita. Ang mga chandelier sa taas ng
mistulang isang planetarium sa ganda ng itaas ng
Arena. Kitang kita ang mga bituin mula sa
kalangitan.
Halos lahat ng mga estudyante ng UST ay nasa
loob ng Arena suot ang kanilang iba’t ibang
uniporme. Bahagyang maingay sa loob pero
mahahalata mong maayos at disiplinado ang bawat
estudyante. Umupo kami malapit sa dulong bahagi
ng Arena. Nakaupo sa aking tabi si Isaac at sa aking
kanan ay si Jason.

18
Hindi pa tapos ang maliit na usapan ng mga
estudyante at may biglang nagsalita mula sa
microphone. Isang boses ng babae.
Welcome students. I would like to inform you
that the result finds marvellously Competetors. Sabi
ng babae, kabay ng pagputol ng echo matapos ang
tatlong segundo. I am gladly to announce that we
have 75 intellegently and dauntless people of UST
that can proceed to the Inventor’s Competetion.
Sa pagkakataong ito hindi ko maipaliwanag ang
aking nararamdaman. Nanginginig ako sa kaba at sa
tingin ko tatalon na ang aking puso. Mistulang
parang may sariling buhay ang aking lalamunan na
akala mo ay aalis mula sa aking leeg. Ang aking isip
ay nasa isang bagay lang iyo ay ang kailangan kong
makasali sa kompetisyon na iyon.
Mula sa aking likuran, nakaupo si Tom, Bert, at
Claudius. Hinawakan ni Bert ang aking balikat na
parang nagsasabing magtiwala-lang-ako-at-
makakasali-ako.
Hindi ko alam kung paano magiging mahinahon
ang aking sarili. Pinagpapawisan ako. Ang matagal
na pagkakataon ko ng inaantay ito, ngayon
mangyayari at nangyayari na.
“I trust in you.” Pabulong na sabi sa akin ni
Jason.
Narinig ko ang mga salitang iyon sa boses na
malamig at parang patay. Anong klaseng boses
iyon? Si Jason nagsalita ng ganoon? Hindi ko na
napansin pang muli ang kanyang sinabi matapos ang

19
kanyang pagbulong dahil hindi ko na alam kung ano
ang kundisyon ng aking katawan.
Mula sa baba na mistulang bilog na stage,
lumabas ang isang babae sa kanyang puting—
pantalon, sapatos, at suit—damit. Hindi ko talaga
maipagkakaila ang ganda ni Ms. Andrews.
“Tonight we gather to meet our competetors for
the country’s prosperity, fame, and wealth.” Sabi
niya. “We live to explore our excellency and ideas.”
Isang mahabang palakpakan ng mga estudyante
para sa kanyang sinabi.
“Ladies and gents! Girls and women! Guys and
men!” Sabi niya sa isang mahinahong boses. “We
have three elder, thirty-one adults, thirty-four
adolescents, and seven children in the Competion,
three of them would catch the flying science and
technology with their intelligent, skills, and ability
to survive. Three of them we call the Inventor.”
Muli, sa pagkakataong ito mas mahaba pang
palakpakan ang ginawa ng mga estudyante.
Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan,
parang gusto kong matunaw sa tabi ni Jason at Isaac.
“Huminahon ka Gio.” Sabi ni Isaac sa akin.
Hindi ko alam kung mapapagaan niya ang aking
nararamdaman. Pinipilit kong pigilan ang aking
katawan at aking puso sa matinding kaba.
Kailangan ko ito! Sabi ng aking isip. Kailangan
hindi ko mabigo ang aking lolo!
“I will now announce the result! For the three
Elder…” Sabi niya sa isang malakas na boses sa
microphone.

20
Natawag niya ang tatlong matanda. Dalawang
lalaki at isang babae. Hanggang sa tinuloy niya ang
pagtawag sa mga kasaling adult. Bawat pangalang
nababanggit ni Ms. Andrews ay lumalabas na
mistulang personal identification sa parang isang
hologram sa itaas. May larawan sa kaliwang bahagi
ng malaking hologram, pangalan sa ilalim, binary
code sa IPD, score ng council, at ang tatlong
inventions.
“Now, for adolescents.” Sabi ni Ms. Andrews na
parang may pananabik sa bawat pangalan na
binibigkas niya.
Sa pagkakataong ito mas lalo akong kinabahan.
Ang aking puso ay parang lumabas sa aking rib cage
at tinakbuhan ako papalayo. Parang hindi na ako ang
nagkokontrol sa aking katawan.
Hindi ko lubos maisip kung bakit may kasamang
tatlong matanda at pitong mga bata sa kompetisyon.
Paano sila kikilos sa kompetisyon na iyon? Paano
nila makukuha ang flying science and technology?
Marami na siyang nabanggit ng marinig ko ang
pangalan ni Caesar at Cassandra. Hindi ko akalaing
sasali sila sa kompetisyon. Hindi ko alam kung ano
ang reaksyon ng aking katawan at aking isip. Ang
swerte nila at kasali sila, hindi ko naman
maipagkakaila na matalino si Caesar at Cassandra at
mukhang malakas sila para sa kompetisyon.
“We only have nine competetors left, two
adolescents and seven children.” Pagputol niya sa
mga pangalang sunod sunod niyang binigkas.

21
Hindi ko na mapigilan ang sobrang bilis ng tibok
ng puso ko, parang aatakihin ako sa puso.
Pakiramdam ko masusuka na ako. Nahihilo ako.
Malamig ang loob ng Arena pero ang pakiramdam
ko ay mainit. Kailangan makasali ako. Kailangan
matuloy ko ang pangarap ng aking lolo.
“We have last two adolescents. And we have
Giorgio Danelson and William M. Relso.”
Umiikot na ang aking paningin at nasusuka ako.
Huli kong nakita ay nagtayuan silang lahat at
nakikita ko pa rin sa kanilang mga mukha na masaya
sila kahit na nahihilo at umiikot ang aking paningin.
Matapos kong marinig ang aking pangalan kusang
pumikit ang aking mga mata, nawala ako sa aking
sarili at napahiga ako sa sahig.

22
TWO

BAHAGYANG NAHIHILO PA RIN ang aking ulo ng


magising ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod
na pangyayari matapos ko mawalan ng malay.
Nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa isang
higaan at mistulang puti ang lahat ng aking nakikita.
“Nasaan ako?” Wala akong taong makita kahit
saan ako lumingon.
Hindi ko alam kung may labasan ba ang lugar na
silid na ito. Anim na dingding ang aking nakikita at
anim na sulok ang mayroon sa loob ng silid. Walang
akong bintana at pintuang nakikita. Taningin puting
higaan, maliit na study table na may puting vase at
puting bulaklak sa loob nito, maliit pero mataas na

23
aparato na puti sa tabi ng aking higaan, at puting
ilaw sa ibabaw lang ang aking nakikita.
Tumayo at bumaba mula sa aking hinihigaan.
Inalis ko ang mga puting wire na nakakabit sa aking
katawan.
“Clarisse? Glenn?” Sabi ko habang umiikot-ikot
sa paglalakad sa buong silid. “Nasaan ako?”
Walang sumasagot. Hindi ko na gusto ang
nangyayari. Ang natatandaan ko, ang huling kasama
ko noong mawalan ako ng malay ay si Isaac at Jason
tapos nasa Arena kami at narinig kong may malakas
na boses babae ang tumawag sa aking buong
pangalan maging ang pangalan ni Will. Ang
Inventor’s Competetion! Kasali ako sa Inventor’s
Competetion. Si Will kasali rin.
“Clarisse!” Sabi ko habang kinakatok ang bawat
dingding ng silid. “Glenn! Tom!”
Bahagyang humihina ang aking mga laman. Ang
aking mga binti at mga braso ay nangangalay.
Napaupo ako sa sahig at nagpahinga sandali.
Wala pang limang minuto akong nakaupo ay
biglang may pumasok sa loob ng aking silid.
Dalawang lalaking nakaitim—ang kanyang damit,
pantalon, sapatos, at helmet—at mistulang bakal ang
kanyang suot. May kulay silver na kidlat sa kanyang
magkabilang balikat. May dalang FA MAS G2 na
baril sa kanilang kanang kamay. Kasunod niyang
pumasok sa loob si Tom.
“Gio, anong ginagawa mo diyan?” Mabilis na
lumapit si Tom sa akin at inakay ako patayo sa aking
kinauupuan.

24
“Nasaang lugar ako?” Tanong ko sa kanya
habang nakatingin sa labas ng bukas na pintuan.
“Sino ang mga kasama mo bakit sila may dalang
baril?”
“Shhh… huwag ka munang magsalita hindi
makakabuti sa kalagayan mo yan.” Pagpapaliwanag
ni Tom sa akin.
“Tom, anong nangyayari?” Tinulungan niya
akong makaupo sa aking higaan. “May dala silang
mga baril.”
“Gio, huwag ka nang masalita.” Sabi ni Tom
habang tinutulungan akong humiga sa aking higaan.
“Sila ang mga bodyguard mo. Habang nandito ka sa
loob ng University of Science and Technology. Siya
si Taylor at siya naman si Ben.”
“Bodyguard?” Nagtatakang tanong ko. Gusto
kong tumayo pero sa bawat subok ko ng pagtayo ay
siya namang pilit na pagpapahiga sa akin ni Tom.
“Bakit ko kailangan ng bodyguard?”
“Para sa kaligtasan mo.” Mabilis na sagot ni
Tom. “Dahil isa sa mga kasali sa Inventor’s
Competetion dati ay pinatay dahil sa bantang
masyadong siyang magaling. Kaya pagkatapos ng
pangyayaring iyon sinimulan ng council na
magbigay ng dalawang bodyguard sa bawat kasali sa
Invention’s Competetion.”
Pinatay dahil sa masyado siyang magaling?
Paano nangyari iyon? Natakot ang iba na matalo sila
sa kompetisyon? Pero salamat naman at naisip ng
council na magbigay ng dalawang bodyguard. Pero

25
sa tingin ko hindi rin makakatulong ang mga
bodyguard na iyon.
“Si Clarisse?” Tanong ko sa kanya.
“Nasa labas, huwag kang mag-alala makikita mo
rin siya kapag gumaling ka na.” Pagpapaliwanag
niya sa akin. “Nag-aalala silang lahat sayo.”
Hindi ko akalaing nag-alala silang lahat para sa
akin lalo na si Clarisse. Hindi ko gustong isipin pero
sa tingin ko alam na nila ang tungkol sa amin ni
Clarisse.
“Gio, kailangan mo nang magpahinga.” Sabi ni
Tom matapos niyang basahin ang mga nakasulat sa
aparato.
Lumabas siya ng aking silid at iniwan ang
dalawang guard sa loob ng aking silid.
Hindi ko alam kung ang magagawa ko sa loob
ng buong isang araw sa loob ng mistulang puting
kulungan na silid. Masakit ang aking mga katawan
at ang aking ulo at sa tingin ko mas sasakit pa ito sa
ginagawa nila sa akin.
Napatingin ako sa aking pulso. Maliwanag pa rin
ang aking pulso. Nakalagay pa rin ang aking
pangalan at may mga numero akong nakikita, binary
code; 1110000 1010101 1100. Hindi ko
maintindihan ang mga numero sa aking pulso. Kahit
noon pa hindi ko na maintindihan ang tinatawag ng
aking ama na binary, octal, decimal at hexadecimal
at morse code. Hindi ko alam kung saan niya
nakukuha ang mga salitang iyon—sa tingin ko sa
kanyang pagtatrabaho sa construction site—pero

26
alam ko makakatulong ang mga sinasabi niya sa
akin noon sa nangyayari sa akin ngayon.
Sa ibabang sulok ng aking higaan nakatayo si
Taylor at Ben. Parehas tuwid ang kanilang mga
katawan at tila hindi gumagalaw. Nakakatakot ang
hawak nilang mga baril na sa tingin ko
paghinawakan ko ay mapapaso ako.
“Uh—?” Dahan dahang sabi ko sa dalawa.
“Pwede niyo naman akong tulungan hindi ba?
Lumabas at walang makakaalam kung hindi tayong
tatlo lang?”
Tumingin si Ben sa akin na nakatayo sa kanang
dulong bahagi ng aking higaan. Wala pang sampung
segundo ang nakakalipas nilayo agad ang kanyang
tingin sa akin—kahit hindi ako siguradong
nakatingin siya sa akin dahil sa helmet na nakatakip
sa kanyang mukha.
“Uh—okay. Sabi ko na hindi niyo ako
papayagan.” Inalis ko ang aking tingin sa dalawa at
humiga ng tuwid.

Nagising ako ng pawis na pawis at hinahabol ko ang


aking hininga na parang mauubos na. Ninihingal at
pagod na pagod.
Noong unang magising ako hindi ko alam kung
nasaan ako at parang wala akong nakikita sa aking
paligid. Huli na ng malaman ko na nasa loob pala
ako ng puting silid. Maging ang aking panaginip ay
hindi ko maalala. Kahit ano pero alam kong may
nakikita akong mga tao, sa tingin ko marami sila at
hindi ko alam kung sino ang mga taong iyon.

27
Ngayon ko lang din napansin na nakaupo ako sa
aking higaan habang nakatingin—hindi ako sigurado
dahil sa kanilang helmet—si Taylor at Ben. Sa
tingin ko nagsasalita si Taylor at hindi ko iyon
maintindihan.
“Okay lang ako.” Nalilito kong sabi sa kanila.
“Nananaginip lang ako.”
Matapos akong magsalita ay inalis ni Taylor ang
kanyang kanang kamay sa aking likuran at tumayo si
Ben na nakaupo sa aking higaan. Tumalikod sila at
tumayo sa dulong bahagi ng aking higaan.
Magkasingtangkad sila na sa tingin ko anim na
talamapakan ang kanilang taas. Sa tingin ko rin
malaki ang kanilang katawan dahil sa kanilang suot
at sa kanilang tangkad.
Hindi sila gumagalaw sa kanilang kinatatayuan
na parang mga robot. Naisip ko, bakit si G1, G2, at
G3 naman ay gumagalaw kahit na humanoid robot
sila—robot pa rin naman.
“Hindi man lang ba gagalaw o magsasalita man
lang?” Nagtatakang tanong ko sa kanila.
Nag-antay ako ng sa tingin ko limang minuto
para sa kanilang sagot pero kahit tunog ng kuliglig
wala akong narinig.
“Uh… sa tingin ko pinapunta lang kayo dito para
tumayo.” Bumaba ako sa aking higaan at naglakad
papunta sa kanilang gilid. Hindi ko alam kung bakit
mabilis na akong nakakapaglakad agad ngayon,
hindi na masakit ang aking mga katawan at ulo.
Ayokong isipin pero bakit parang magaling na ako?

28
Sa loob ng isang gabi? “Kapag ba lumabas ako dito
hahabulin niyo ako?”
Hindi pa ako tapos magsalita ay tumingin agad
silang dalawa sa aking pinanggagalingan. Mabilis
kong tinutulak ang bawat dingding ng hexagon room
—wala rin akong ideya kung saan ko nakuha ang
salitang iyon. Mabilis silang naglakad para habulin
ako. Nagtataka ako kung bakit naglalakad sila at sa
tingin ko alam nilang hindi ako makakalabas kaya
sila naglalakad para mahuli ako.
Kakatingin ko kay Taylor at dahil natutuwa
akong hindi niya ako mahabol may nabungo ako sa
aking likuran, si Ben. Hinawakan niya ako sa aking
mga braso at binuhat papunta sa aking higaan na
parang isang tuta.
Nakaupo niya akong nilapag sa aking higaan.
Ang lakas niya at parang hindi siya tao.
“Pumunta ang kaibigan mo dito kanina at
binigyan ka ng gamot.” Sabi ni Taylor.
Kaibigan? Sinong kaibigan? Si Will ba?
Sa pagkakataong ito ngayon ko lang narinig si
Taylor na nagsalita. Para siyang isang leading man
na military sa isang pelikula. Ang ganda ng boses
niya, buong buo. Parang sa isang salita niya lang ay
mapapasunod niya lahat ng gusto niyang pasunurin
at sa tingin ko nakakatakot siya magalit.
“Sinong kaibigan?” Nagtatakang tanong ko sa
kanya. Hawak hawak ko ang malambot na bahagi ng
kanyang damit. “Sino?”
Hinawakan niya ang aking kamay para alisin sa
pagkakasabit sa kanyang damit.

29
“Hindi ko siya kilala basta lalaki nakaitim na
suot.” Mahinahon na sabi ni Taylor sa akin. “Hindi
niya rin sanabi ang kanyang pangalan.”
Nakaitim? Si Will iyon! Bakit siya pumunta
dito?!
Umupo ako ng maayos sa aking higaan. Nakita
tumayo sila ng tuwid at tumalikod sa akin.
“Sandali!” Sinigawan ko ang dalawa. “Hindi
man lang ba kayo makikipag-usap sa susunod na
magiging imbentor?”
Lumingon si Taylor at Ben sa akin. Nagtinginan
silang dalawa at tumingin muli sa akin. Sa tingin ko
nag-uusap silang dalawa.
“Sa tingin ko kailangan niyo na akong kau—”
Hindi pa ako tapos magsalita ay biglang
bumukas ang pintuan ng aking silid. Pumasok sa
loob si Ms. Andrews kasama ang dalawang
magaling na Inventor ng UST at DOST.
“Well, Mr. Danelson how’s your feeling?”
Tanong niya sa akin.
Nakasuot siya ng puting suit at puting palda na
pencil cut. Nakasapatos na kulat itim at itim na
panloob sa ilalim ng kanyang suit. Ang ganda ng
kanyang buhok na tumatakbo hanggang sa kanyang
dibdib. Ang kanyang mga labi ay mapupula, ang
kanyang mga mata ay maiitim at napakatangos ng
kanyang ilong. Sa tingin ko siya na ang
pinakaperpektong babaeng nakita ko sa buong buhay
ko—maliban na lang noong gabing nakita ko si
Clarisse sa ball.
“I think I’m fine.”

30
“Then you will may go.” Sabi niya sabay ngiti.
Makakalabas na ako sa hexagon room na ito? Sa
wakas!
Mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi
at tumingin siya sa akin. Ang ganda ng kanyang mga
mata ay parang pandigma.
“Congratulations and good luck.” Hinawakan ng
kanyang kaliwang kamay ang kanyang kanang
kamay at ngumiti. “To the competition Mr.
Danelson.”
“Thank you Miss.”
Huminga siya ng malalim at ngumiti ng malaki
sa akin. Tumalikod at lumabas kasunod ang
dalawang lalaking nakaputi.
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin
basta ang alam ko lang ako na ang pinakamasayang
lalaki sa buong mundo dahil sa nakita ko na namang
muli siya.
Lumabas ako ng silid. Sa wakas nakaalis din ako
sa loob ng nakakabagot na lugar na iyon.
Sa labas ng mistulang center nag-aabang sila
Glenn. Nag-uusap-usap sila ng makita ako ni Isaac.
“Gio!” Nabiglang sabi ni Isaac ng makita ako.
Mabilis na lumingon si Clarisse at pinutol ang
pakikipag-usap kay Michelle, Adrianna, at Virginia
at tumakbo papunta sa akin.
“Gio!” Mabilis na yumakap sa akin si Clarisse
ng mahigpit.
Mararamdaman ko ang tibok ng kanyang dibdib
sa sobrang kapit ng kanyang mga braso at kamay sa
aking katawan.

31
“Uh… Clarisse?” Nagtatakang sabi ni Isaac na
nakasilip sa pagitan ng pagkayakap ni Clarisse sa
akin.
“Uh… siyempre ano!” Mabilis na bumitaw si
Clarisse sa akin at nagpaliwanag. “Masaya… ako…
dahil nakasali si Gio sa competition. Ito na Gio, ito
na pangarap mo!”
Ngumiti ako sa kanilang lahat ng makita kong
masaya sila para sa akin. Maliban lang kay Archie at
Jason. Si Archie, oo alam kong lagi naman siyang
hindi masaya para sa akin pero si Jason hindi ko
alam kung bakit hindi ko makuha ang kanyang
mukha.
“Oo, congratulations!” Sabi ni Archie sa gitna ng
ngitian. “Congratulations dahil kasali kayo ni Will.”
Si Will?! Oo nga pala kasali siya.
“Archie!” Sabi ni Tom para patahimikin siya.
“Bakit?” Sagot ni Archie. “Masaya iyon hindi
ba? Mag-aagawan ang dalawang matalik na
magkaibigan para sa flying science and technology.”
“Archie ano ba?” Sabi ni Albert
Nakita kong natahimik si Tom ng marinig ang
sinabi ni Archie.
“Bakit hindi ba masaya iyon?” Dagdag pa niya.
Anong nangyayari?
Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya
dahil ako ang iniinis niya kanina pero ngayon sa iba
na siya nakatingin, kay Tom. Hindi ko siya
maintindihan, hindi ko sila maintindihan.
“Tama na!” Pumagitna si Charles sa aming lahat.
“Claudius, Adrianna, Michelle, at Virginia samahan

32
niyo si Archie magpahangin. Jason, Clarisse ihatid
niyo na si Gio sa Generic House—” Nakita ko ang
mukha ni Isaac na sumimangot ng hindi niya
marinig ang kanyang pangalan para sumama sa
Generic House. “—Isaac, Albert, Thomas sa M
Sanctuary tayo mag-uusap-usap.”
Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit
may paghihiwalay hiwalay na nagaganap? Ano pag-
uusapan nila sa M Sanctuary?
“Gio.” Sabi ni Clarisse sa akin kasama si Jason.
Mabilis akong sumunod sa kanila.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya. “Anong ba talaga
ang nangyayari?”
Hindi pa sumasagot ni Clarisse sa aking tanong
ay biglang dumaan si Caesar sa aming harapan
kasama ang dalawa niyang bodyguard na nakaitim.
Ngumiti siya sa akin na parang nag-iinsulto at may
balak. Mabilis na makalagpas si Caesar sa aming
harapan. Tumingin ako sa aking likuran para makita
kung nakatingin pa siya sa akin. Wala na siya sa
aming likuran pero nakita ko si Taylor at Ben sa
aking likuran na nakasunod kasama at nakahawak sa
kanilang mga FA MAS G2.
Ngayon ko lang nalaman na sinusundan pala nila
ako akala ko sa hexagon room lang sila
magbabantay sa akin.
“Hindi ko rin alam.” Sagot ni Clarisse sa akin.
“Jason anong nangyayari sa kaninal?”
“Noong nasa high school pa lang si Thomas at
Albert, matalik silang magkaibigan. Pangarap nilang
sumali sa Inventor’s Competition at manalo ng

33
magkasama pero hindi natupad ang kanilang mga
pangarap dahil sa trinaydor ni Thomas si Albert.
Hindi alam ni Albert na isa na lang ang natitirang
flying science and technology—ang Copper ST—at
nakuha iyon ni Albert sabi niya tutulungan niyang
mahanap ni Thomas ang Silver ST o Gold ST pero
alam ni Thomas na wala na silang mahahanap dahil
nakuha na ang lahat. Dahil sa sobrang kagustuhan ni
Thomas na makuha ang titulo—dahil na rin sa
kagustuhan ng kanyang ama na maging isa siyang
Inventor—kinuha niya ang Copper ST kay Albert at
iniwan ang kaibigan. Pero hindi pa rin naging isang
Inventor si Thomas dahil may ibang umagaw sa
kanya ng Copper ST. Ngayon sa tingin ko
nakalimutan na nila ang nangyari pero hindi pa rin
nila makakalimutan ang naranasan sa loob ng
kompetisyon.”
Si Tom nagawa ang sinasabi ni Jason kay
Albert? Hindi maisip na nagawa niya iyon—sa
bagay hindi malabo na nagawa sa akin ni Will ang
katulad ng kinenwento ni Jason sa amin ni Clarisse.
Ang magkaibigan na iyon ay may
pinagdadaanan rin pala pero parang wala lang sa
kanila. Alam kong masakit para kay Bert na nagawa
ni Tom ang hindi niya maiisip pero nangyari na.
“Si Thomas?” Nabiglang tanong ni Clarisse.
“Bakit niya ginawa ang bagay na iyon?”
“Sa tingin ko dahil sa ang ama niya ay isang
Inventor kaya gusto ng kanyang ama na sumunod
siya sa yapak nito.” Pagpapaliwanag ni Isaac. Dahan
dahan siyang umakyat papunta sa hagdanan ng

34
Generic House at inalalayan si Clarisse sa pag-akyat.
“Siguro ayaw niyang maging kahihiyan sa kanilang
pamilya o hindi kaya hindi niya gusto ang tingin sa
kanya ng kanyang pamilya ay mahina.”
Si Tom, mahina? Bakit hindi ko makita sa kanya
ang isang pagiging mahina? Siya ang unang pumilit
sa akin na sumali sa Inventor’s Competion na
nagbigay ng tulong sa akin.
“Ang kanyang ama Inventor?” Tanong ni
Clarisse. Hindi ko alam kung bakit ang dami niyang
tanong tungkol kay Tom, hindi ko tuloy maalis ang
sinasabi ng isip ko na baka may gusto siya Tom.
“Oo, pero wala siya dito sa UST, nasa DOST
siya at mataas ang kanyang posisyon.”
Pagpapaliwanag ni Jason.
“Wow! Ano ang ibig sabihin nito?” Huminto si
Clarisse ng makatungtong sa harapan ng gusali.
“Oo naman.” Sabi ni Jason habang naiwan
namin si Clarisse na nakahinto at humabol.
“Hindi ko akalain na galing pala siya sa
malaking pamilya.” Nabibighaning sabi ni Clarisse.
Pumasok kami sa salamin na pintuan ng Generic
House.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako
makapagsalita sa pag-uusap ng dalawa. Nakalimutan
na siguro nila na kasama nila ako—at sa tingin ko
nakalimutan ko ng kasama ko at sumusunod sa akin
sila Taylor at Ben. Hindi ko alam kung naririnig ba
nilang dalawa ang pinag-uusapan naming tatlo dahil
sa suot nilang helmet sa ulo.

35
“Ibang iba talaga ang mga uri ng tao na makikita
mo dito sa loob ng UST.” Sabi ni Jason habang
naglalakad. “Si Albert anak ng Senador. Si Adrianna
kapatid ni Professor/Inventor Rick Vadez—”
“Good morning sir!” Sabi ng isang lalaki na
nakatayo sa tabi ng sofa sa loob ng Generic House.
“Good morning din Sam.” Sagot ni Jason sa
lalaki—matapos niyang sumagot hindi na niya
pinansin pang muli ang lalaki—at nagpatuloy sa
kaninag kinekwento sa amin ni Clariess. “Si Archie
anak ng Mayor sa Central Aurum. Si Charles anak
ng Secretary of the Minister of Health sa Japan.”
Si Albert anak ng Senador? Hindi ako
makagawa ng kahit na anong reaksyon sa aking
mukha kung hindi ang reaksyon na hindi
makapaniwala sa aking mga naririnig. Si Adrianna,
oo alam ko na kapatid siya ni Rick at si Archie anak
ng Mayor sa Aurum? Hindi ako makapaniwala.
Kung paano siya makipag-usap at kung paano siya
makipagsagutan ay parang hindi siya anak ng isang
Mayor—at sa Aurum pa Mayor ang kanyang
magulang—pero mas hindi ako makapaniwala na si
Charles ay anak ng isang Ministro sa Japan at
Ministro pa ng kalusugan.
Hindi ako makapaniwalang galing sa mga
malalaki at karesperespeto ang mga kasama at
kabigian ko dito sa loob ng UST. Alam kong anak
ng business woma at business man si Antony, Isaac
at Jason—tanyag at epektibong business man—kaya
ganoon na lang ang taas ng tingin ko sa kanila.

36
“At si Virginia anak ng Presidente ng Pilipinas.”
Sunod na sabi ni Jason.

37
THREE

SI MARCUS MABINI ANG ama ni Virginia? Pero


paano?
Ang magandang babaeng iyon? Hindi ako
magtataka pero ano ang ginagawa niya sa Cuprum
noong una ko siyang makita? Hindi ba anak siya ng
Presidente? Bakit hindi siya magpakasaya at
magpakasawa sa kayamanan ng kanyang ama?
Sa tagal ko na siyang nakasama dito sa loob ng
UST hindi man lang sumagi sa aking isip na
maaaring anak siya ng isang Presidente.
“Si Virginia?!” Naunang gulat na tanong ni
Clarisse kaysa sa akin.
Tumango si Jason sa kanya at ngumiti na parang
nagsasabing, huwag-ka-ng-magtaka.

38
Alam kong sa TV ko lang nakikita ang kanyang
ama pero ang ganda ni Virginia hindi ko
maipaliwanag.
Pumasok kami sa loob ng elevator at umakyat sa
aking unit.
Bago pa ako pumasok sa loob ng aking silid ay
nakatingin na sa akin si Jason. Tingin na parang
naghihintay sa akin kung kailan ako magsasalita.
Ngayon ko na lang din napansin na hindi pa ako
nagsasalita at sumasagot sa kanilang usapan. Maging
si Taylor at Ben ay nag-aabang sa aking sasabihin
pero sa tingin ko iba ang hinihintay nila sa akin, sa
tingin ko naghihintay sila ng utos mula sa akin kung
ano ang gagawin nila.
“Hindi naman siguro ako magiging bilanggo sa
sarili kong silid?” Pabiro kong tanong kay Jason at
sa tingin ko hindi ito naiintindihan ni Clarisse.
Ngumiti si Jason sa akin, tumalikod at lumakad
palayo.
Tumingin si Clarisse sa akin. Tingin na
nagtataka kung ano ang nangyayari. Sa palagay ko
nalilito siya dahil ang mga kasama niya sa M
Santuary ay mga anak ng matataas at
makapangyarihang tao.
“Ano?” Tanong ko sa mukha niyang nakatingin
sa akin.
“Wa—la. Uh… ang babaeng iyon anak pala ng
Presidente hindi ko man lang alam, samantalang
palagi ko siyang kasama.” Sagot niya na parang
hindi pa siguro sa kanyang sasabihin. “Uh… si—
sige mauna na muna ako.”

39
Nagpaalam siya at iniwan ang kanyang kamay
kasabay ng kanyang pagtakbo papalayo sa akin.
Nakita ko sa kanyang mukha bago siya umalis ang
mapula niyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit
iyon ay gumuguhit sa kanyang mukha.
“Huwag niyong sabihin na magbabantay kayo
hanggang dito?” Tanong ko kay Taylor.
Sinisilip ko ang salamin sa kanyang helmet at
umaasang nakikita niya ang aking mukha.
Hindi gumalaw si Taylor at nagbigay ng kahit
anong sinyales na nagsasabing sumasang-ayon siya
sa aking sinabi. Pumasok ako sa loob ng aking silid
at iniwan sila sa labas.
Bago pa ako gumalaw sa loob ng aking silid ay
hindi ko na alam kung paano ang aking gagawin.
Parang hindi ko gusto ang mga nangyayari parang
hindi ito nagkakataon lang. Si Virginia nakita ko sa
Cuprum noong araw na pupunta kami ng aking ina
sa bahay ni Sarah. Si Clarisse, hindi ko alam kung
ano ang ginagawa niya sa buhay ko?
Oo hindi ko naman iniisip na simula pa lang ay
may gusto na si Clarisse sa akin—sa totoo lang
naiinis ako sa kanya noon. Ang pagiging malapit sa
akin ni Dave, Glenn, at Michelle sa Cuprum. Si Rick
sa aking ina. Parang ang lahat ay hindi nagkataon.
Pero bakit si Will?
Bago ko pa mapuno ng problema ang aking isip
ay hindi ko na namalayan at nakatulog na ako.

“Gio, gumising ka na.” Sa pagdilat ng kaliwa kong


mata hindi ko makita kung sino ang nagsasalita pero

40
nakakasiguro akong boses ni Isaac ang aking
naririnig.
Sinabay ko ang pagmulat ng aking kanang mata
sa pag-upo ko sa aking kinahihigaan.
Maayos at masarap ang aking tulog. Wala kahit
anong masamang panaginip. Walang Rick na laging
bumubungad sa akin tuwing mapapanaginipan ko
ang aking lolo. Pero ganoon pa man hindi ko pa rin
maikakaila na malungkot ako dahil wala ang aking
ina sa oras na magigising ako sa umaga.
“Uhhh.” Sabi ko habang nag-iinat ng aking mga
braso.
“Tumayo ka na diyan umaga na.” Sabi ni Isaac
habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa
bewang. Nakasuot siya ng asul na polo shirt at
puting pantalon, hindi na bago ang kagwapuhan niya
sa akin simula noong una ko siyang makita
nagluluto pagbangon ko sa aking higaan. “Ngayon
araw magsisimula ang pinakahihintay natin! Uh…
eh… ang ibig kong sabihin ang araw na
pinakahihintay mo.”
Pinakahihintay ko? Wala akong alam sa sinasabi
niya. Pero kung nasa labas ng silid na ito ang aking
ina kasama si Will, siguro iyon na ang araw na
pinakahihintay ko.
“Uh… nandiyan na ba si Will?” Nagtatakang
tanong ko sa kanya at naninigurado sa aking
sasabihin.
“Wala.” Inalis niya ang dalawa niyang kamay sa
kanyang bewang at tinapik ang aking likuran. “Pero
sa tingin ko magkikita na kayo.”

41
“Magkikita?!” Napasigaw kong tanong sa kanya.
“Oo sa tingin ko.” Mabilis na sagot niya pero
nakikita ko sa kanyang mukha na hindi siya sigurado
sa kanyang mga sinsabi.
“Bakit ano bang mayroon ngayon?” Nagtataka
kong pa ring tanong sa kanya. “Bakit sa tingin mo
magkikita kami?”
Inventor’s Competition! Sabi ng aking isip.
“Inventor’s Competition!” Sagot niya kasabay
ng sagot ng aking isip. “Kaya tumayo ka na diyan at
suotin mo ang damit na ito.”
Pumunta siya sa aking aparador at binuksan ang
pintuan nito. Nakita ko ang jacket na kulay itim,
pantalon na kulay dark brown, military boots, at itim
na t-shirt—sa tingin ko hindi lang siya basta basta t-
shirt.
“Kung sa tingin mo ayos na ang lahat at
nakahinga ka na ng maluwag suotin mo na ito at
lumabas.” Umupo siya sa aking tabi. “Ito na ang
hinihintay mong pangarap at alam kong kaya mo
para sa ating lahat.”
Ngumiti ako sa kanya.
“I trust you.” Tumayo siya mula sa kanyang
kinauupuan at mulabas ng silid.
I trust you? Ang salitang iyon ay narinig ko rin
mula kay Jason. Ganoon na ba kalaki ang tiwala nila
sa akin? Halos lahat sila at sa tingin ko si Archie
lang ang hindi.
Tumayo ako sa aking higaan at pumunta sa mesa
para kumain. Nakita ko ang isang buong inihaw na
manok, salad, sauce, pancake, tinapay, cheese, gatas,

42
at mga prutas. Ngayon lang muli ako nakakita ng
ganito kadaming pagkain matapos naming kumain
sa Guinto’s Restaurant noong unang punta namin
dito sa Aurum.
Napakarami na nito kumpara sa pagkain ng
Cuprum. Isa lang sa mga ito ay maituturing ka ng
may kaya at nakakaahon sa Cuprum. Siguro
nakakaahon din kami dahil nakakain ako ng
adobong manok pero hindi kailanman isang buong
manok—laging pakpak at paa lang ang hinahalo ng
aking ina sa kanyang adobo.
Sinimulan kong kumain. Sa tingin ko maraming
pamilya sa Cuprum ang mapapakain ng pagkain na
nasa aking harapan. Ang mga batang kinakailangan
pang magtrabaho para lang makakita ng maliit na
pera. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang
kahirap ang Cuprum kumpara sa yaman ng Aurum.
Masyado na silang maraming pera pero bakit hindi
man lang nila magawang ibahagi kahit sampung
porsyento man lang para sa Cuprum.
Isa lang ang naiisip ko kung bakit nararanasan
ng Cuprum ang hirap dahil ang Gobyerno ang may
kasalanan. Bakit ba kasi nila naisipan na hatiin ang
estado ng buhay ayon sa kinikita ng bawat tao?!
Pinagsamasama nila ang lahat ng mga mayayaman,
sapat lang ang kinikita at hindi kumikita?! Paano
ang Cuprum ngayon? Sama-sama kaming lulubog at
mamamatay sa kahirapan at gutom. Walang ibang
tutulong sa amin kung hindi kami-kami lang.
Natagpuan ng isip ko ang physical kong
kaanyuan na kumakain, halos maubos ko na ang

43
manok na kanina ko pa kinakagat at nilulunok. Sa
dami ng pumapasok sa aking isip hindi ko na rin
namalayang tumutulo pala ang luha mula sa aking
mga mata. Pinunasan ko ang basa sa aking pingi at
tumayo.
Kailangan manalo ako at makuha ang flying ST.
Sabi ng aking isip. Para ito sa Cuprum. Para sa
kahirapang nararanasan namin.
Hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok sa
palikuran kahit na alam kong wala sa kundisyon ang
aking katawan para mabasa. Alam kong galing ako
sa pagkawala sa aking sarili pero kailangan kong
maligo. Mabilis akong pumasok sa palikuran at
naligo.
Hindi naman malamig ang tubig pero bahagyang
nanginginig ang aking katawan, siguro dala lang ng
kaba dahil sa kung ano man ang mangyayari
mamaya o sa mga susunod na araw ko sa Inventor’s
Competition.
Mabilis akong umahon sa tubig matapos kong
maligo at lumabas ng silid ng wala kahit anong suot.
Pinunasan ko ang aking buong katawan ng tuwalya
at nagpatuyo. Lumakad ako papunta sa aparador,
kung saan nakalagay ang pinapasuot sa akin ni Isaac
kanina.
Dahan-dahan kong kinuha ang itim na t-shirt at
sinuot. Mabilis humaba ang t-shirt at sa tingin ko
kakaiba ang t-shirt na ito. Mabilis kong tinapos ang
pagbibihis. Nakita ko sa bandang ibaba ang dilaw na
panyong bigay sa akin ni Virginia noong una ko

44
siyang makita sa tren. Kinuha ko ang panyo at may
dalawang bagay na nalaglag sa ilalim.
Ang isa ay papel? Ang isa naman, hindi ako
sigurado pero narinig ko tunog metal.
Kinuha ko ang papel pero wala akong makitang
nakasulat sa harap nito. Tiningnan ko ang nakalagay
o nakasulat sa ilalim ng papel pero hindi sulat ang
nakita ko. Litrato ng isang pamilya. Anim na mga
maliliit na bata, at sa tingin ko isang taon lang ang
pagitan ng bawat isa sa kanila. Ang sa tingin kong
ulo lang ang nakikita sa likuran ay ang ama ng
pamilya, ang kanilang ina ay nasa dulong bahagi ng
litrato may buhat na sanggol at katabi ang lalaking
sa tinging ko ang ama ng mga bata.
Si Max! Sa ina ni Max galing ang litrato.
Natatandaan ko kung kailan niya binigay sa akin ang
bagay na ito. Yumuko ako at tinukod ang aking mga
tuhod sa sahig at sinilip ang metal na nalaglag at
napunta sa ilalim ng aking aparador. Sinilip ko ang
bagay. Tinatamaan ng liwanag ang bahaging may
sulok ng bagay at tumatama sa aking kaliwang mata.
Pinilit kong abutin ang metal hanggang sa makuha
ko. Isang mistulang mata o bibig na gawa sa tanso
ang bagay na nakalagay sa aking kanang kamay.
Naaalala ko ang bagay na ito, ang bigay sa akin ng
ina ni Max bukod sa litrato. Gusto nilang makita ang
kanilang ama.
Tumayo ako na hawak hawak ang tanso at
tumapat sa harapan ng salamin. Kitang kita ako ang
itsura ko habang nakatingin sa tanso. Tuwid ang
tayo ko sa harapan ng makaling salamin. Ngayon ko

45
lang nakita na maayos ako sa aking suot. Para akong
isang sundalo o rebelde o magnanakaw pero ang
ganda ng suot ko at parang hindi ko na gustong
hubarin pa.
Knock! Knock! Biglang may kumatok sa
pintuan.
Naalis ang aking tingin sa salamin at napatingin
ako sa pinanggagalingan ng katok.
Pumasok si Taylor matapos niyang kumatok ng
dalawang beses at sumunod si Ben. Sinara ni Ben
ang pintuan at kasabay nito ang pagtanggal ni Taylor
ng kanyang helmet sa ulo.
“Taylor?” Nagulat ako ng makita ang tunay
niyang mukha. Maitim siya. Makapal ang labi at
mga kilay. Maputi ang kanyang mga mata. Malaki
ang kanyang ilong. Kung dito lang sa Aurum
nakatira si Dave iisipin kong ama niya si Taylor
dahil mukhang parehas sila ng pinanggalingang
ninuno.
“Bilang bodyguard mo alam namin at nakikita
naming kaya mong manalo at maging isang
Inventor.” Sabi niya habang naglalakad papalapit sa
akin.
Matapos niyang magsalita tinanggal ni Ben ang
kanyang helmet. Maputi siya—kung ano ang
kinaitim ni Taylor siyang kinaputi ni Ben. Mapula
ang kanyang mga labi. Ang ganda ng guhit ng
kanyang mga kilay. Ang kanyang mga mata ay
kulay asul—mistula siyang Amerikano pero itim ang
kanyang buhok, itim na itim. Matangos ang kanyang
ilong at matulis ang dulo nito.

46
“Salamat.” Sagot ko sa kanya.
“Huwag mong kalilimutan ang kaligtasan mo at
huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Binaba
niya ang kanyang kanang kamay na may hawak na
baril.
“Kaligtasan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Hindi naman nila siguro pababayaan ang kaligtasan
ko—naming lahat na kasali sa kompetisyon.”
“Siguro nga.” Sago niya. Bawat salita niya ay
siya namang paggalaw ng kanyang makakapal na
labi. “Pero kailangan mo pa ding mag-ingat.”
Bahagyang tinagilid ko ang aking ulo na parang
nagsasabing hindi ko maintindihan ang gusto niyang
sabihin.
“Gio, para ito sa kaligtasan mo.” Kinuha niya
ang tanso na hawak ko at nilagay niya sa bulsa ng
kanyang itim na pantalon.
“Teka! Akin—”
“Hindi rin ito makakapasok sa loob kapag nakita
nila ang bagay na ito.” Pagputol niya sa apila ko sa
ginawa niya. “Gio, huwag kang magpapadala sa mga
kasali sa kompetisyon sa loob. Isipin mo ang
kaligtasan mo.”
Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganoon
na lang siya magmalasakit sa kaligtasan ko.
“May malasakit ka sa kaligtasan ko?”
“Dahil kailangan mong manalo, kailangan ka ng
Pilipinas.” Mablis niyang sabi. Sa tingin ko
nagagalit na siya sa akin at nanlalaki na ang kanyang
mga mata.

47
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Para
siyang si Dave. Bakit parehas sila ng sinasabi? Bakit
kalingan ako ng Pilipinas? Nawawala na ba siya sa
katinuan? Bakit ang sinasabi ni Dave kailangan ako
ng Cuprum?
“Papaano kung hindi ako manalo?” Mabilis na
sagot ko sa kanyang sagot.
“Kailangan mo George!” Sigaw niya sa aking
mukha. Ang kanyang mukha ay namumula kahit na
maitim siya. Ang kanyang bibig ay nakabuka sa
aking harapan. Nagagalit siya?
“Taylor!” Sabi ni Ben. Hinwakan niya ang
kanang braso ni Ben at kanyang bewang.
“Pasenya ka na.” Sabi niya ng mapansin ang
kanyang reaksyon sa akin.
Natagpuan ko ang akin sarili na takot na takot sa
kanya at halos maiyak na sa kanyang reaksyon.
George? Tinawag niya akong George.
“Pasyen siya na.” Yumuko siya sa aking
harapan, Lumakad papunta sa sofa at umupo. “Si
George…”
Sino ang tanong tinutukoy niya?
“Anak ko siya.” Sabi niya na parang alam ang
tanong ng aking isip. “Kaisa-isa kong anak. Sumali
siya sa kompetisyon dahil sabi niya kaya at
mananalo siya pero hindi iyon pinahalagahan ng
Gobyerno. Wala silang pakialam sa kaligtasan ng
mga kasali.”
Tumahimik siya at sa tingin ko umiiyak na siya.
Hindi ko tuluyang maisip na makakakita ako ng

48
lalaking makisig at matapang na umiiyak. Ngayon
lang at si Taylor pa.
“Sabi niya babaguhin niya ang takbo at
pamamahala ng Gobyerno kapag naging isang
Inventor siya pero hindi niya nagawa.” Tumayo siya
sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. “Gusto
niyang maiba ang sitwasyon at nararanasan ng
Cuprum. Hindi niya gusto makakita ng mga
mahihirap at alam ko na iyon din ang dahilan mo
kung bakit ka sumali dito.”
Siguro isa iyon sa mga layunin ko kung bakit
ako sasali ang maalis ang kahirapan sa Cuprum pero
parang imposibileng mangyari iyon kung mag-isa
lang akong magpapatuloy ng layunin na iyon.
“Kung ganoon… nasaan na si George?”
Ngumiti siya sa akin. “Wala na siya. Tatlo lang
ang nakaligtas sa kompesyon noon.”
“Patay na si George? Pero paano? Kompetisyon
ang sinalihan niya hindi patayan?”
“Iyon ang unang nangyari.” Sabi niya. “Tanging
mga anak lang ng mga mayayaman ang nakakaligtas
kung sakaling hindi sila mananalo pero ang mga
mahihirap at walang pampagamot… namamatay.”
“Pero noon iyon simula ng mapagtanto ng
Argentum at Cuprum na hindi patas ang
kompetisyon maraming namatay na opisyal ng
DOST, dahil sa pagsasanib pwersa ng dalawang
siyudad. Simula noon binigyan ang bawat kasali ng
dalawang bodyguard at kaligtasan para
kompestiyon.” Pagpapaliwanag ni Ben.

49
Siguro nabawasan ang kaba sa dibdib ko noong
marinig ko ang sinabi ni Ben pero sa tingin ko isang
porsyento lang ang nabawas mula sa isang daang
porsyento ng takot at kaba ko.
Tinwag akong George ni Taylor? Iniisip niyang
ako si George dahil sa tingin niya pareho kami ng
gustong mangyari at parehas kami ng takbo ng utak.
Sa pagkakataong ito mas lalong bumilis ang
tibok ng puso ko at parang gusto niyang lumabas
mula sa loob ng aking katawan.
Gusto siguro ni Taylor na gawin ko ang unang
layunin ng kanyang anak. Sa loob ng 75 na kasali sa
kompetisyon tatlo lang ang may pagkakataong
manalo? Sa tingin ko mahihirapan ang kung sino
man ang may gustong manalo pero kung kaya ni
Jason, sa tingin ko kaya ko rin. Siguro kung walang
gugulo sa akin pero alam kong nandoon si Will at
alam kong hindi ako makakapagtuon ng pansin sa
flying ST kung hindi sa kanya.
Parang sa tingin ko wala akog gagawin sa
kompetisyon kung hindi ang sundan lang siya. Gusto
ko na siyang makausap at makasama.
“Gio, kung sakaling magiging Inventor ka.
Maaari mo bang tulungan ang Cuprum?” Sabi ni
Taylor sa akin. Ang kanyang mata ay parang may
kapangyarihan na mangumbinsi na gawin ako ang
kanyang gusto at nais ng kanyang anak.
Sa dami ng pumasok sa aking isip nakalimutan
ko na kausap ko pala si Taylor at Ben. Tumingin ako
kanya at sa tingin ko seryoso siya. Nilagay niya ang
kanyang kanang kamay sa aking kanang balikat.

50
“I trust you!”

51
FOUR

ALAM KO KUNG ANO ang pakiramdam ng


namatayan. Masakit at alam mong kahit anong oras
at panahon bibigay ang katawan mo dahil sa
pangungulila ng mahal mo sa buhay. Hindi ko alam
kung kailan ko makakalimutan ang aking lolo—na
wala na siya dito sa mundo. Wala na siya sa tabi ko.
Mag-iisang taon ng wala ang aking lolo sa susunod
na buwan, ang bilis ng araw.
Maaliwalas ang kalangitan. Malamig ang simoy
ng hangin. Hindi maiinit ang sikat ng araw. May
mga estudyanteng naglalakad at nagkalat sa ibaba.
Kitang kita ang ganda ng UST mula sa aking silid.
“Gio, kahit anong mangyari nandito kami sa tabi
mo.” Sabi ni Glenn. “Hindi ka namin pababayaan.”

52
Unang una sa lahat hindi ko alam kung bakit
kailangan nila akong suportahan sa pagsali ko sa
kompetisyon na ito.
Nahagip ng aking mga mata si Clarisse na
nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung paano ako
sasagot sa ngiti niya kaya binalikan ko siya ng ngiti.
Gusto kong makausap si Clarisse na kaming
dalawa lang. Gusto kong ikwento sa kanya ang mga
sinabi sa akin ni Taylor. Hindi ko alam ang batas
noon sa kompetisyon na ito. Wala akong ideya.
Gusto kong marinig mula sa kanya ang mga
reaksyon niya.
Hindi pa ako nakakapagsalita sa harapan ni
Clarisse biglang may bumkas ng pintuan at pumasok
si Isaac. “Gio, kailangan mo ng bumaba.”
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso sa
sinabi ni Isaac. Kinabahan ako. Alam kong ito na
ang pinakahihintay kong araw.
Sumunod ako kay Isaac at bumaba kami at
lumabas ng Generic House. Maging si Taylor at Ben
ay sumunod—sa puntong ito nakasuot na ang helmet
sa kanilang mukha. Gusto kong tulungan ang
Cuprum pero hindi ko alam kung paano sisimulan at
hindi pa ako sigurado kung magiging Inventor nga
ako. Kahit ako nagdadalawang isip sa aking
kakayahan.
Paglabas na paglabas namin sa Generic House
una kong nakita ang puting sasakyan. Dalawang
mistulang malaking kahon ang sasakyan at may
nakalagay na PROPERTY OF UNIVERSITY OF SCIENCE
AND TECHNOLOGY at DEPARTMENT OF SCIENCE

53
AND TECHNOLOGY sa bawat gilid ng sasakyan. Ang
ganda at sa tingin ko ang hinihintay ng sasakyan na
ito.
Nakatayo sa paligid ng sasakyan si Bert, Tom,
Charles, Claudius, Archie, Adrianna, Virginia,
Michelle, at Jason. Hindi bagay sa kanila ang
tumayo lang sa tabi ng sasakyan habang hinihintay
akong sumakay. Anak at kamag-anak sila ng
malalaki at makapangyarihang tao sa Pilipinas at
labas ng bansa.
Nakangiti silang lahat habang pababa ako sa
mataas na hagdaan ng Generic House.
“Goodluck Gio!” Sabi ni Tom at Bert sa akin ng
makalapit ako sa kanila.
“Salamat.” Sagot ko.
Nakita ko si Jason na nakangiti sa akin at
mukhang masaya. Pero alam kong may itinatago
siya sa akin at sa tingin ko alam niyang hindi ko
magugustuhan iyon kaya hindi niya sinasabi sa akin.
“Kaya mo yan Gio, naniniwala kami sa
kakayahan mo.” Sabi ni Virginia sa akin.
Hindi ako makapaniwala na ang anak ng
Presidente ng Pilipinas ay malaki ang tiwala sa
aking kakayahan. Hindi ko magawang tumingin sa
kanya ng matagal simula ng malaman kong anak
siya ni Sir Marcus.
Tumayo si Taylor at Ben sa likuran ng sasakyan
at binuksan ang pintuan. Nakita ko ang maliit na
silid. May sofa na maliit sa loob na nakatalikot sa
pintuan at nakaharap sa dingding na unahan ng
sasakyan, may dalawang upuang kahoy na kulay

54
tanso sa likod ng maliit na sofa at sa tingin ko doon
maaaring umupo si Taylor at Ben.
Lumapit si Clarisse sa akin at hinawakan ang
aking dalawang kamay. “Gio, alam kong kaya mo.”
Ngumiti ako sa kanya.
“Mag-iingat ka.” Nagulat ako ng binitawan niya
ang aking kamay at niyakap niya ako ng mahigpit. “I
trust you.”
Biglang lumiit ang aking paligid at parang sa
tingin ko bumibilis ang tibok ng aking puso. Imiinit
ang yakap ni Clarisse at parang kami lang ang taong
nakikita ko.
“Uh—Gio?” Biglang sabi ni Glenn sa likod ni
Clarisse. Kitang kita ko ang nalilitong reaksyon ng
kanyang mukha.
“Uh… oo.” Sabi ko sabay bahagyang tawa.
Binitawan ko ang pagkakayap ni Clarisse at
ganoon din siya.
“Kaya mo yan mag-iingat ka lang.” Sabi Jason
sa akin.
Nginitian ko siya na parang isang kapatid at
sumakay sa sasakyan. Alam kong aalalagaan niya
ang laboratory ng aking lolo, si G1, G2, at G3, si
Max at Dave. Sa tingin ko magaling na Dave at
kailangan niya lang ang magpahinga.
Nakatayo ako sa loob ng puting sasakyan at
nakangiti sa kanila. Umakyat si Taylor at Ben sa
sasakyan at sinara ang pintuan ng sasakyan. Umupo
sila ng tuwid sa kahoy na upuan at nilapag ang
kanilang baril sa kanilang tabi.

55
Umupo na ako sa puting sofa. Malabot at
nakakarelax ang upuan. Naramdaman kong umandar
ang makina ng sasakyan at gumalaw paabante. Hindi
pa umaandar ang sasakyan ng tatlong minuto bigang
may lumabas na liwanag mula sa aking harapan.
Isang projector? TV? Pinakita ang logo ng DOST at
may nagsalita. Noong una hindi ko maintindihan
pero sa huli ang sinasabi ay tungkol sa kompetisyon
at nakaraang kompetisyon. May video na lumabas
mula sa dingding mga batang nag-aagawan sa
lumilipad na gear at may mabilis na pag-ikot ng
atom sa loob nito—bagay na nagbibigay galaw para
makalipad ang hinahabol ng mga bata. Marami ang
namatay at may ilang mga nasugatan. Hanggang sa
may nakakuha ng flying ST. Maraming video ang
lumabas at iba’t ibang mga kasali ang pinapakita at
mga nananalo. Pinakita rin ang mga naging Inventor
para sa kompetisyon. May video rin kung paano
nagsimula ang Inventor’s Competition, pinakita din
kung ano ang kalagayan ng Pilipinas noon—wala
pang Aurum, Argentum, at Cuprum.
Matapos ang sunod sunod na palabas huminto
ang sasakyan. Tumayo si Taylor at Ben sa kanilang
kinauupuan at binuksan ang pintuan.
Mula sa maputing paligid ng sasakyan sa loob
nasilaw ako ng makita ang labas. Bumaba si Taylor
at Ben at tumayo sa labas na parang hinihintay
akong bumaba.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at bumaba.
Kompletong sementadong sahig ang aking
naaapakan at ang lamig sa pakiramdam. Nakikita ko

56
ang nag-iisang building sa gitna ng bahagyang
madamong lugar sa paligid ng building. Pabilog ang
higis ng building at aakalain mong walang bintana.
Walang kahit ano akong nakikitang gusali kung
hindi ang pabilog na gusali sa aking harapan.
Mistulang kawalan ang lugar.
Hindi ko alam kung mauuna akong magtanong o
mauuna ang aking mga mata sa pagkabighani sa
kapiligiran at sa gusali sa aking harapan.
Lumakad kami ni Taylor at Ben papunta sa
building. Napakaganda! Kulay bakal na puti o gray
ang building. Habang papalapit kami sa gusali unti-
unti kong nababasa ang salitang INVENTOR’S
COMPETITION BUILDING 3.
Ano building 3?
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung may
kasunod pa ba ang 3 o may dalawang nauna. Ano
kaya ang ibig sabihin ng 3?
“Dito.” Sabi ni Taylor.
Naglakad siya na parang isang tunay sa sundalo.
Ang ganda ng tindig niya hindi katulad ni Ben. Para
siyang siga kung maglakad, lalaking laki.
Pumasok kami sa loob ng building. Ang pintuan
ay mistulang steel na kahit anong gamit mong
pansira ay hindi masisira.
Pagbungad na pagbungad pa lang ay makikita na
ang mga litrato ng naging Inventor sa loob ng
nakalipas na limang taon. May mga hologram sa
lapag ng building at pinapakita ang mga buong
katawan ng mga naging Inventor.

57
Sampung Inventor ang sunod sunod na nakatayo
sa pamamagitan ng hologram. Gumagalaw pero
hindi nagsasalita. Nakangiti ang iba at ang iba
naman ay nakangisi na parang isang aso o parang
may binabalak na sama.
Sa kaliwang pila nakita ko ang isang babaeng
mapayat pero maganda. Bilugan ang kanyang mga
mata at mapupula ang kanyang mga labi. Nakasuot
siya ng itim na long sleeve at pantalon na parehong
masikip sa kanyang katawa. Ang kanyang mga
kamay may gloves na suot. Manipis at matulis ang
guhit ng kanyang itim na kilay. Ngumiti siya sa akin
ng makita ako na parang isang tunay na tao.
“Siya si Victoria.” Sabi ni Taylor sa isang
malalim at buong boses. “Ang kaunaunahang babae
at nanalo sa kompetisyon. Wala siyang katulad,
matalino at magaling sa lahat ng bagay.”
Ang ganda niya kaso parang isang taon siyang
hindi kumain. Ang kanyang buhok ay mistulang
hinahangin. Matapos niyang ngumiti sa akin ay
ngumisi siya na parang isang mamamatay tao.
“Ang kaunaunahang nakakuha ng Golden ST.”
Sabi ni Ben. “Pitumpu’t dalawa sa mga kasali noon
ay namatay dahil sa pagod at sakit na naranasan nila
sa kompetisyon.”
72 ang namatay? Pero bakit ganoon? Tatlo lang
ang nabuhay at kasali pa ang babaeng ito na
mukhang kapag binato mo ng batong kahit kasing
laki lang kamao mo ay mapapatumba mo.
“Pero bakit pinabayaan ng DOST at UST ang
mga kasali na mamatay?” Tanong ko kay Taylor.

58
Sinilip ko ang kanyang helmet at umaasang kahit
sa gilid lang kanyang mga mata ay makita niya
akong kausap ko siya.
“Iyon ang unang batas.” Sabi niya sa loob ng
malalim ng boses. “Free For All!”
Ano? Ang ibig sabihin ba noon ay kahit anong
gawin mo sa kahit kanino sa kompetisyon ay
magagawa mo? Kahit pumatay ka pa ng tao para
lang makuha ang flying ST?
Lumakad papalayo si Taylor at sumunod si Ben.
Wala na akong nagawa at sumunod na rin ako pero
hindi ko pa rin maiwasan ang humabol ng tingin kay
Victoria.
Kung nanalo siya sa edad na ganoon ilang taon
na siya ngayon? Sabi ng aking isip. Sa tingin ko
matanda na siya.
“Siya naman si Michael.” Matapos ni Taylor
huminto sa kanyang paglalakad ay nagsalita siya. Sa
tingin ko sampung metro ang layo ng mga hologram
sa isa’t isa. “Pangalawang nanalo sa sumunod na
limang taon.”
Nakangisi ang lalaking kalbo sa akin. Parang
gusto niya akong patayin. Nilabas niya ang kanyang
mga ngipin at nakakatakot ang mga ito, sobrang puti
na parang isang buko. Nakatayo siya ng matuwid at
nakataas ang kanyang dibdib. Malaki ang kanyang
katawan. Kagaya ng suot ni Victoria ganoon din ang
suot niya. Sa tingin ko mas malaki pa ang kanyang
katawan kaysa kay Taylor. Sa tingin ko matalas ang
kanyang mga mata na parang isang lawin. Manipis
ang kanyang mga labi.

59
Matapos niyang tumayo ng tuwid kinuha niya
ang itak sa ibaba ng kanyang mga paa at kumuha ng
bwelo kasabay nito ang mabilis na paghataw niya ng
kanyang itak sa amin.
“Yuko!” Sumigaw ako. Hinatak ko si Taylor at
Ben para makayuko sa ginawa ng lalaki.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Taylor.
“Papatayin tayo ng lalaking ito.” Sabi ko
kasabay nito ang pagturo ko kay Michael.
“Isa siyang hologram.” Sabi ni Taylor.
Nilapit niya ang kanyang kamay kay Michael.
Muling kumuha ng bwelo ang lalaki at hinataw si
Taylor ng itak sa kanyang likuran. Masyadong
mabilis ang paghataw niya kaya hindi ko nakitang
tumagos sa katawan ni Taylor ang kanyang itak.
Napunta sa kaliwang balikat ni Michael ang itak at
muli mabilis niyang hinataw si Taylor. Sa
pagkakataong ito nakita ko na tinamaan ng liwanag
si Taylor pero wala siyang sugat kahit na isa.
“Nakita mo?” Nakangising tanong ni Taylor sa
akin.
“Mas mabuti na nag-iingat.” Sabi ko sa kanya.
Ang kanyang ulo ay hindi gumagalaw at sa
tingin ko ay nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam
at hindi ako sigurado. Pero sa tingin ko si George na
naman ang naiisip niya. Nakikita niya sa akin.
Matapos niyang tumingin sa akin ng tatlumpung
segundo naglakad siya papunta sa isa pang
hologram.
Hindi na ako magtataka kung bakit nanalo si
Michael. Ang laki ng kanyang katawan at

60
napakagaling niya. Pero sa tingin ko may posibilidad
na pumatay siya sa kompetisyon para lang maging
isang Inventor.
“Silang sampu ba ang nakakuha ng Golden ST?”
Tanong ko kay Taylor. Hindi ko alam kung bakit
hindi ko matanong si Ben. Kanina pa siya hindi
umiimik at walang sinasabi. Siguro hindi ko
nararamdamang magaling siyang sumagot sa mga
tanong ko o hindi kaya hindi siya masaya tuwing
kausap ako—parang si Archie. Kung hindi lang siya
anak ng isang Mayor iisipin kong ama niya si Ben.
“Oo.” Sagot ni Taylor. “Sila ang may malalaking
responsibilidad para sa ikauunlad ng bansa. Sila ang
nagpapatakbo ng Agham at Teknolohiya sa bansa.”
Napuntahan namin ang ikatlong hologram. Isang
lalaking maputi, ang kanyang buhok ay nakatayo na
parang palikpik ng isang pating sa kanyang ulo.
Nakasuot siya ng itim na long sleeve at pantalon
katulad ng suot ng naunang dalawa. Nakasuot ng
military boots ang kanyang mga paa. Ang kanyang
kanang kamay ay may hawak na AK-47. May mga
balang nasabit sa kanyang military belt at sa tingin
ko tubig ang nakasabit sa kaliwang bahagi ng
kanyang binti. Sa tingin ko nasa 30? 35? Years old
na siya.
“Adrianne.” Sabi Taylor. “Pangatlo. Labing
anim ang kanyang napatay sa loob ng kompetisyon.
Mabilis niyang nakuha ang Golden Science and
Technology kasabay ang kanyang anak na babae, si
Maycee ang nakakuha ng Silver Science and
Technology.”

61
Mag-ama? Paano nila nagawa ang bagay na
iyon? Ang galing nila. Dalawang Inventor sa loob
ng kanilang pamilya.
May gear sa ibabaw ng ulo niya at sa loob nito
ang mabilis na pag-ikot ng atom. Kulay ginto ang
bagay na sa tingin ko ay ang flying ST.
“Bakit pumatay siya?” Hindi ako makapaniwala
sa bilang ng kanyang mga napatay. “Hindi ba
masyadong mapanganib na sumali ang kanyang
anak?”
Nakita kong yumuko si Taylor at sa tingin ko si
George na naman ang dahilan. “Iyon ang batas.”
“Pero hindi ba wala namang binanggit na
kailangan mong pumatay?” Pagpupumilit kong
tanong. “Maiiwasan ang pumatay dahil hindi naman
nasabi sa batas na kailangan pumatay sa loob ng
kompetisyon.”
Hindi na napigilan ng katawan ko at mabilis
itong uminit. Ang aking puso ay mistulang gustong
tumalon papalabas mula sa aking dibdib.
Pinagpapawisan ako. Kahit alam kong wala na ang
batas na ito ngayon—ang Free For All—hindi ko pa
rin maiwasan na makadama ng matinding kaba. Para
akong hihimatayin sa aking nararamdaman.
“Maswerte ka.” Sabi ni Taylor sa isang
malungkot na boses. Hindi ko alam kung paano ko
nasabi na malungkot siya pero sa dami ng aking
problema at mga nakausap na taong malungkot,
naririnig ko ang tinig niya na isa siya sa kanila.
Ang kaninang nakangsing mukha lang ni
Adrianne ay naging alisto. Mabilis niyang inangat

62
ang AK-47 na hawak ng kanyang kamay at
mistulang may tinututukan sa aming gilid. Dahan
dahan siyang naglalakad pero hindi siya umaalis sa
kanyang pinanggagalingan. Mas bumagal pa ang
kanyang lakad at bigla niyang tinutok ang kanyang
baril sa aming tapat. Nagulat ako at sa tingin ko
ganoon din si Ben pero mabilis niya itong tinago.
“Walang mamatay sa amin hindi ba?” Tuyo ang
aking bibig at ang aking mga labi.
Tumingin si Taylor sa akin. Hindi ko alam kung
ano ang reksyon niya dahil sa kanyang helment pero
sa tingin ko nakangiti siya sa akin.
“Sa tingin ko wala pero mag-ingat ka palagi.”
Sagot niya.
Lumakad siya papaalis sa harapan ni Adrianne.
Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa galing ng
mag-ama. Si Maycee, sa pitong taong gulang pa lang
ng buhay niya ay may narating na siya. Hindi ko
maipaliwanag ang galing niya dahil 75 ang kasali sa
kompetisyon at karamihan ay matanda pa kaysa sa
kanya.
Napuntahan namin ang ika-apat na nanalo.
“Rodrigo.” Sabi ni Taylor.
Ang kanyang damit ay kapareha ng tatlo maliban
lang sa kanyang sapatos na running shoes. May
flying ST din ang ibabaw ng kanyang ulo. Wala
siyang buhok. Ang kanyang mga mata ay mistulang
may galit at ang kanyang mga ngiti ay sa tingin ko
hindi totoo. Wala siyang dala katulad ni Victoria
pero napansin ko sa kanyang kanang kamay ang

63
metal pero parang tela na nakabalot sa kanyang
buong kamao. Pero paano?
“Bago pumasok ng UST isa siyang boxer. Ang
bakal na tela sa kanyang kanang kamay ang
nagpanalo sa kanya.” Pagpapatuloy ni Taylor.
“Mabilis at nakakasira ng pader ang kanyang kamay
ng hindi siya nasasaktan.”
Bakal na tela? Paano iyon nagawa? Saka isa
siyang boxer? Sa tingin ko marami na rin siyang
napatay noon.
Magalaw ang lalaki na akala mo ay nasa loob
siya ng ring. Parang may kalaban siya sa kanyang
harapan. Ang kanyang mukha ay nanggigigil at gali
na galit.
Hindi kami nagtagal at nagkalad papalayo si
Taylor hindi ko alam kung bakit. Matuwid siyang
naglakad papalayo sa hologram ng lalaki.
Isang babae ang sumunod kong nakita. Maganda
siya. Ang kanyang mga mata ay maitim. Ang
kanyang labi ay mapula na parang strawberry.
Matangos ang kanyang ilong. Ang kanyang mukha
sa tingin ko mukha ng isang model. Kitang kita ang
hugis ng kanyang katawan dahil sa kanyang itim na
suot. Boots na panglamig ang kanyang suot at may
hood na panlamig. Ang kanyang kanang kamay ay
may hawak na Tiger Stripe Deagle Gold na baril.
Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot maging
ang baril na hawak niya. Kalbo at walang buhok ang
bahaging kaliwa ng kanyang ulo samantalang ang
buhok sa kanyang kanang ulo ay mistulang gold at
mahaba—na umaabot hanggang baywang.

64
Nakangiti siya sa akin na akala mo isang tunay
na tao. Ang kanyang baril ay paulit ulit niyang
tinututok sa akin at mistulang babarilin ako. Hindi
naman nakakatakot ang kanyang itsura at mukha
siyang mabait. Sa tingin ko pareho kami ng edad
dahil mukha siyang bata.
“Siya si Alexandra. Matapang at matalinong
babae ng Aurum.” Sabi ni Taylor. “Life House.
Tatlumpu ang kanyang napatay para lang sa Golden
ST.”
Life House? Hukhang hindi siya galing doon
dahil sa ganda niya pero 30 ang napatay niya? Hindi
kaya isa siyang sundalo?
Hindi ako makapaniwalang ang isang babaeng
ganito kaganda ay makakapatay ng ganito karaming
tao para lang maging isang Inventor.
“Dalaga hanggang ngayon.” Pahabol na sabi ni
Taylor. “Labing-anim na taong gulang lang siya
noong maging Inventor.”
Matapos niyang sabihin ang huling salita parang
gusto kong makita ang reaksyon ng kanyang mukha.
Parang gusto niyang makilala ang babaeng ito o
hindi naman kaya ay may tinatago siyang pagtingin
kay Alexandra?
Hindi na siya nagtagal pa at mabilis na naglakad
papunta sa susunod na hologram.
“Ang ika-anim na naging Inventor, si Tadashi.”
Sabi ni Taylor.
Singkit ang lalaki. Mahaba at manipis ang buhok
na umaabot hanggang sa kanyang tiyan. Malaki ang
kanyang katawan na parang kasali siya sa isang

65
wrestling battle. May flying ST sa ibabaw ng
kanyang ulo. Katulad ng limang nauna itim at
masikip din ang kanyang suot. Ang kanyang kanang
kamay ay may hawak na AK-47 na gold at sa tingin
ko ay mataas ang kanyang estado sa buhay.
“Mabilis niyang nakuha ang Golden ST dahil sa
baril na iyan.” Dugtong ni Taylor.
Kaunti lang ang galaw ng lalaki sa kanyang
kinatatayuan. Mistulang nililipat lipat niya lang ang
bigat ng kanyang katawan sa kanan at kaliwang paa
niya. Paulit-ulit niyang pinapatong sa kanyang
balikat ang AK-47 at binababa.
“Korean o Chinese o Mogolian?” Tanong ko sa
kanya.
“Japanese.” Mabilis na sagot niya.
Walang tumama sa sinabi ko.
Hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib.
Nilalamig ang aking mga palad at mga paa. Maging
ang aking hininga ay parang umuusok sa lamig na
nararamdaman ng aking katawan. Kaunti na lang at
sa tingin ko manginginig na ako sa harapan ng
dalawa at sa harapan ni Tadashi.
Gusto ko pa sana magtagal at kilatisin si Tadashi
pero pagtingin ko sa kinatatayuan ni Taylor wala na
siya. Naglakakad siya papunta sa susunod na
hologram kasama si Ben at mistulang nag-uusap.
Mabilis akong tumakbo at huminto ng
makasabay sila sa paglalakad.
“Hindi niyo man lang ako hinintay.” Sabi ko.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanila.
Parang wala silang naririnig na tanong.

66
Ang sumunod na hologram ay isang matanda.
Bahagyang nakayuko siya. Maputi, mahaba, at kulot
ang kanyang buhok. Ang kanyang suot ay katulad
ng suot ng mga nauna. May shawl na kulay itim sa
kanyang balikat. Kulubot na ang kanyang balat
maging ang kanyang mukha. Kaunti na lang ang
kanyang ngipin at mistulang nagluluha ang kanyang
mga mata.
May tatlong itim at malalaking aso sa kanyang
tabi—dalawa sa kaliwa at isa sa kanan—at sa
palagay ko, ako mismo ang tinatahulan ng mga aso.
Hanggang dibdib ng matanda ang tatlong aso.
Matatalas at matutulis ang kanilang mga ngipin at ga
kuko.
Paanong nanalo ang tanadang katulad niya?
Tanong ng aking isip. Sa tingin ko isa siya sa
mabilis na mamamatay sa loob ng kompetisyon.
“Siya si Isabelle. Pitumpu’t apat na taong gulang
na siya noong sumali siya sa kompetisyon.”
Pagpapakilala ni Taylor sa matanda.
Tumingin sa akin at ngumiti ang matanda na
parang isang mangkukulam. Sa pagkakataong ito
parang mabibilang ko na ang kanyang mga ngipin.
Pagkatapos ng nakakatakot na ngiti ay tumawa ng
malakas ang matanda kasabay nito ang mas bumilis
na pag-ikot ng atom sa loob ng gear sa ibabaw ng
kanyang ulo. Mas naging agresibo ang mga aso na
mistulang kakagatin ako at si Ben.
“Patay na siya ngayon.” Dugtong ni Taylor.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil wala na ang
matatandang nakakatakot at mukhang

67
mangkukulam. “Noong nakaraang taon, nagkasakit
siya at ayaw na niyang magpagamot. Masaya na siya
na naging Inventor siya sa huling sandali ng
kanyang buhay.”
Lumalabas na siyam na lang ang naging Inventor
sa loob ng mga kompetisyon?
“Ginamit niya ang tatlong aso sa kanyang tabi
para makuha ang Golden ST.” Pagpapaliwanag niya.
“Kung iniisip mong masyado na siyang matanda
para sa kompetisyon nagkakamali ka, matalino at
mabilis ang utak ni Isabelle. Hindi na rin ako
magtataka kung bakit nanalo siya sa kompetisyon.
Tandaan mo Gio, huwag mong mamaliitin ang mga
matatandang sumasali sa kompetisyon lalo na ang
mga mas bata.”
Siguro nga dahil hindi ko maipaliwanag ang
kagalingan ni Jason.
“Noong panahon na kasali si Isabelle sa
kompetisyon doon lang nagsimula na maligtas ang
ibang mga kasali, hanggang sa ngayon. Matapos
masugatan ng iba ay ginagamot sila at pinapadala sa
ibang paaralan para ipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral.”
“Nahiwalay sila ng paaralan?” Nagtatakang
tanong ko sa kanya.
“Oo. Pero walang nakakaalam kung saan sila
dinadala.” Sagot ni Taylor.
Walang nakakaalam kung saan sila dinadala?
Pero bakit inaalis sila sa UST? Hindi naman dahil
hindi nila nakuha ang flying ST hindi na sila
maaaring mag-aral dito sa sikat na paaralan.

68
Kung walang nakaalam kung saan sila dinadala
baka naman… Hindi, hindi iyon magagawa ng UST.
Hindi nila iyon magagawa para sa sarili nilang
bayan.
Sa pagkakataong ito sabay sabay na kaming tatlo
pumunta sa susunod na hologram.
Malayo pa lang ay nakikita ko na ang lalaking
hologram. Parang kilala ko siya. Habang lumalapit
kami mas nakikilala ko ang lalaki. Si Rick!
“Siya si Rick.” Sabi ni Taylor at tumingin siya sa
akin na parang hinihintay ang aking sagot na kilala
ko ang taong pinapakilala niya.
Gusto kong sabihin sa kanya na kilala ko si Rick
pero hindi na mahalaga ang bagay na iyon.
Sampung taon ang binata ni Rick sa kanyang
mukha at katawan ngayon. Nakasuot siya ng
masikip at itim na pantalon kagaya ng suot ng iba.
Nakasuot ng jacket na itim. Bahagyang manipis ang
kanyang buhok. Mistulang may galit ang kanyang
mga mata at nagtitimpi ang kanyang mga ngipin at
labi. Sa kanyang likuran ay may makapal na puting
usok, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig
sabihin ng usok sa kayang likuran.
“Sa tingin ko kilala mo siya?” Tanong ni Ben.
Kilala ko siya? Alam ni Ben pero paano niya
nalaman?
Minsan na lang magsalita si Ben kung ano-ano
pa ang nasasabi niya. Mas lumalakas ang kaba sa
dibdib ko ngayon kaysa kanina.
“Hindi ba professor mo siya?” Tanong ni Taylor.

69
“Uh—oo.” Maingat kong sagot. “Ano yung usok
sa likod niya?”
Parang kapangyarihan niya ang usok na
nagkakalat sa kanyang likuran at tumatagos sa
kanyang paa, kamay, at leeg. Mistulang niyayakap
siya ng usok na iyon.
“Ang usok? Iyon ang ginamit niya para manalo
sa kompetisyon.” Sagot ni Taylor. “Halos lahat ng
kasali ay nahilo at nakatulog ng dalawang araw dahil
sa usok na gawa ni Rick.”
Si Rick ang gumawa ng usok? Hindi ako
makapaniwalang nagawa ni Rick ang bagay na iyon.
“Pero walang namatay.” Pagpapaliwanag pa
niya. “Wala ding nakakaalam kung saan sila dinala.”
Hindi pa ako nagtatanong ng kasunod kong
tanong wala na sa aking tabi si Taylor. Hindi ko
alam kung bakit lagi siyang umaalis ng mabilis sa
aking tabi katulad ni Ben.
Ang ika-siyam na nanalo sa kompetisyon ay
isang lalaki. Isang batang lalaki. Sa tingin ko labing-
isang tanong gulang na siya. Katulad ng walo kanina
itim din na long sleeve at pantalon ang kanyang
suot. May halaman sa kanyang kaliwa na mistulang
hinahangin at gumagalaw. Ang kamay ng bata ay
nakalagay sa kanyang bewang. Nakangisi na parang
may hinahamon ng away at nang-iinis ng kalaban.
“Arnold ng Aurum. Labing-isang taong gulang.”
Sabi ni Taylor. “Magaling siya at matalino.
Maabilidad at maparaan. Marami siyang plano kaya
mabilis siyang nanalo.”

70
Hindi ko pa rin maalis sa aking isipan si Rick.
Ang kanyang galing at talino ay naipakita na niya sa
Pilipinas. Isa na siyang Inventor! Hindi ko rin
maikakaila kung bakit hindi ko nakikitang bagay sila
ng aking ina dahil siya pala ay isang Inventor. Ang
usok na nakakahilo at makakatulog ka ng dalawang
araw? Hindi ko iyon maiisip na gawin. Siguro
naging praktikal lang si Rick sa kanyang mga
imbensyon kaya niya ito ginamit.
“Ang halaman na nakatayo sa kanyang kaliwa.”
Pagpapatuloy ni Taylor. Sa pagkakataong ito ang
naalis niya si Rick sa aking isip.
“Halaman?” Muli tiningnan ko ang halaman na
hanggang ngayon ay hinahangin sa kanyang kaliwa.
“Nakakalason. Kung madidikit ka sa halaman na
iyon wala pang limang minuto at tatalab na ang
lason sa buong katawan mo. Mabilis nitong inaatake
ang immune system ng tao at inaalis ang kakayahan
ng tao na tumayo sa loob ng limang araw at kung
hindi ito maagapan maaaring ikamatay ito ng taong
dumikit dito.”
Halamang nakakalason? Kakaiba pero
nakakatakot ang kanyang imbensyon. Bata pa lang
siya pero maganda na ang naisip niya. Hindi siya
nagpatalo hanggang sa makuha niya ang flying ST.
Lumakad si Taylor matapos niyang makita sa
mukha ko na naiintindihan ko ang kanyang mga
sinabi tungkol sa halaman.
“At ang pangsampung naging Inventor. Si
Jason.” Sabi ni Taylor sa mistulang masaya at
nasasabik na boses.

71
Batang taba si Jason sa hologram. Sa tingin ko
pitong taong gulang pa lang siya. Nakasuot siya ng
itim na long sleeve at pantalon, mahabang itim na
sapatos na umaabot hanggang sa kanyang tuhod at
sa tingin ko isang goma.
May nakasabit na mistulang leather na sash sa
kanyang dibdib at may mga bilog na bolang maliliit
na nakadikit dito. Katulad ng mga mailiit na bola sa
kanyang dibdib ay nakalutang at nakapaligid sa
kanya. Umiikot ng mabilis ang bola na sa tingin ko
dahilan para lumutang ang mga ito. Katulad din
ibang nauna may flying ST din ang kanyang ulo.
Ngiti ng isang bata ang nakikita kong nakaguhit sa
kanyang mga labi at unti-unting ngumingisi. Hindi
ko alam kung bakit lahat sila napapalitan ang ngiti
ng ngisi na mistulang may masamang balak at
kayang kaya pumatay sa loob ng sampung segundo.
Kahit si Jason ay sa tingin ko kayang pumatay dahil
sa kanyang mukha.
Bahagyang tumatango ang kanyang ulo na
parang nagbabanta na kaya niya akong patayin. Ang
kanyang mga paa ay mistulang matigas na kayang
sumipa ng pader. Sa kanyang kanang kamay ay may
nakalagay na tatlong bilog at magpapalit palit ng
pwesto na ginagalaw ng kanyang mga daliri.
Si Jason ba iyan?
“Ang pinakabatang naging Inventor sa
kasaysayan ng UST at DOST. Masyadong matalino
at mataas ang kanyang imahinasyon at ideya.”

72
Gusto kong sabihin sa kanya na oo-kilala-ko-
siya pero hindi ko naman gustong gawin iyon dahil
hindi ko kilala si Taylor.
“Ang mga bola sa kanyang dibdib at nakapalibot
sa kanyang gilid—”
“Kahit ang bola sa kanyang mga kamay?” Sabi
ko at ang dahilan kung bakit naputol ang kanyang
sinabi.
“—Oo. Ang nakatulong sa kanya kung paano
siya naging isang Inventor.” Pagpapatuloy niya sa
kanyang sinasabi. “Ang mga bola ay lumulutang
dahilan para mabilis niyang mahanap ang flying ST.
Magnet din ang bola kung saan tanging ginto, pilak,
at tanso lang ang maaaring dumikit dito.”
Magnet? Hindi na ako magtataka kung paano
niya nagawa ang bagay na iyon. Alam kong
masyado siyang matalino para maisip ang isang
bagay na iyon. Kulang pa mga iyon, sa tingin ko
lahat ng naimbento ng mga nanalo sa kompetisyon
siya ang nakadiskubre.
Napansin kong nakatingin si Taylor sa akin na
parang may hinhintay na sagot mula sa akin. Hindi
ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Wala
naman siyang tinanong na kailangan kong sagutin.
“Uh—oo… tama—kilala ko siya.” Sabi ko pero
hindi rin ako sigurado kung ang mga salitang iyon
nga ang hinihintay niya. “Kapatid ng kaibigan kong
si Isaac kaya kaibigan ko na siya?”
Tapos niyang marinig ang mga salitang iyon
inalis niya ang kanyang tingin sa akin.

73
Si Ben sa aking kaliwa ay mistulang walang
pakialam sa aming pinag-uusapan. Ang kanyang
baril sa tingin ko mahal na mahal niya dahil mula ng
bumaba kami sa puting sasakyan hindi na niya
binitawan.
Sa dulong bahagi ni Jason ay may malaking
pintuan na gawa sa puting steel. May mga
malalaking screew na sa tingin ko ay kasing laki ng
mga palad ko. May dalawang nakaitim na guard sa
gitna ng pintuan. Katulad ni Taylor at Ben ang
kanilang mga suot at FA MAS G2 din ang kanilang
baril.
Mabagal na naglakad si Taylor papunta sa
dalawang guard.
“Giorgio Danelson.” Nakatingin at sabi niya sa
gitna ng dalawang guard.
Hindi ko maintindihan kung bakit doon siya
nakatapat.
Hindi pa lumilipas ang limang segundo bumukas
na ang malaking pintuan. Umusog ang dalawang
guard sa kanilang kinatatayuan.
Naalala ko sa tuwing bumubukas ang malaking
pintuan ng laboratory.
Pumasok si Taylor sa loob ng malaking pintuan
at sumunod kami ni Ben.
Makapal ang pintuan. Sa tingin ko tatlong metro
ang kapal bago marating ang mistulang kulungan na
gawa sa purong metal.
Kahit na mukhang kulungan ang loob hindi ko
pa rin maipaliwanag ang ganda na taglay nito.
Katulad ng pintuan may mga screw na malalaki ang

74
mga haligi ng gusali. Ang pabilog na dingding ay
may mga disenyo na gawa sa bakal—abtract at mga
mukha na gawa sa metal. May apat na malalaking
bakal at nagtatagpo sa itaas sa bawat baitang nga
gusali at mistulang malaking gulong na nakatayo
ang building. Napakaganda!
“Welcome!” Sabi ng lalaki sa aking harapan.
Hindi ko siya napansin dahil sa pagtingala ko at
pagtingin tingin sa magandang paligid ng building.
Ngumiti ako sa kanya.
“I’m General Gabriel, and this is my assistant
Officer Jenny.” Sabi niya ng makita ang ngiting
nakaguhit sa aking mga labi.
Nakasuot siya ng brown na jacket—may tatlong
silver na star sa kanyang magkabilang balikat—at
itim at maluwag na pantalon. Gomang sapatos ang
suot ng kanyang mga paa. Nakasalamin siya malinis
at maganda ang pagkakaahit ng kanyang balbas at
bigote, maging ang gupit ng kanyang buhok ay
mabilis din.
Nakasuot naman ng itim na sleeveless at chinese
collar na damit si Jenny. Masikip na pantalon at
limang pulgadang takong ng sapatos. Maitim siya at
katulad ng labi ni Taylor, makapal din ang kanya.
Maputi ang kanyang mga mata at matangos ang
kanyang ilong. Cornrow ang gupit ng kanyang
drown na buhok at kulay itim ang kulay ng kanyang
kuko. Nagtataka ako kung paano nagagawa ang
ganyang uri ng buhok.
“Hello Jenny.” Sabi ko sa kanya.
Sa tingin ko bagay sila ni Taylor na mag-asawa.

75
“Hi.” Sabi ni Jenny.
Mukha siyang marunong makipagsuntukan at
wrestling dahil sa laman ng kanyang kawatan pero
hindi siya mataba at hindi rin siya mapayat. Sa
tingin ko konting laman lang ang dinagdag ng
kanyang katawan kaysa kay Victoria, maging ang
tangkad, mas matangkad si Jenny.
“Anyways, again welcome to Building Three!”
Muling sabi ni Gabriel. “This is where we train the
competitors to become smart, brave, and tough!
Come on.”
Lumapit ako sa kanya at hinawakan niya ang
aking kanang balikat. Hindi ko alam kung bakit
biglang mas bumulis ang tibok ng aking puso—
pabilis ng pabilis.
“You may go.” Sabi ni Gabriel kay Taylor at
Ben.
Nakatingin si Taylor sa akin at nasisiguro ko
iyon maging si Ben ay nakatingin din.
“Mag-iingat ka.” Paalala ni Taylor sa akin.
Kasabay nito ay lumabas na sila ni Ben sa malaking
pintuan.
Sa pagkakataong ito mas lalong bumis ang tibok
ng aking puso. Siguro ganito din ang naramdaman ni
Rick at Jason noong araw ng kompetisyon. Para
akong hihimatayin sa sobrang kaba ng dibdib ko.
Bigla kong naalala ang mga namatay noon dahil
sa agawan sa flying ST alam kong hindi na
mangyayari ang bagay na iyon ngayon dahil alam
kong mas naging maingat at maalalahanin na ang
UST at DOST ngayon.

76
Hindi na ako sanay na wala si Taylor at Ben sa
tabi ko. Pakiramdam ko hindi na ako ligtas ngayon
at kahit ano mang oras kaya nila akong saktan.
Umakbay si Gabriel sa akin. “Are you okay?”
Ngumiti ako sa kanya at tumango na sumasang-
ayong maayos lang ang pakiramdam ko pero hindi
pa rin maaalis ang kaba at takot na nararamdaman
ko. Pakiramdam ko ngayon pa lang matatalo at sa
tingin ko mamamatay na ako.
“Later we have an Identification
Announcement.” Sabi ni Gabriel sa mahinahong
boses. Sa tingin ko binabalak niyang pakalmahin
ang loob ko dahil nakikita niyang natatakot ako.
“After your lunch.”
Tumango ako sa kanya na parang nalilito at
nautal-utal.
“Uh—Jenny would you, please.” Utos ni Gabriel
kay Jenny.
“Yes sir.” Nilagay ni Jenny ang kanyang kamay
sa kanyang noo.
Inabot ni Jenny ang kanyan kamay sa akin at
inalalayan ako sa paglalakad papunta sa elevator.
“Would you take him to his room?” Pahabol na
sabi ni Gabriel.
Maging ang loob ng elevator ay maganda. Ang
mga dingding at pintuan ay gawa sa steel. May mga
malalaking screw katulad ng nakalagay sa malaking
pintuan. Ang ilaw sa ibabaw ay mistulang liwanag
sa ilalim ng tubig o dagat. Bawat apak ng aking mga
paa ay may echo akong naririnig.

77
Nakasandal ako sa dingding ng elevator at
nakahawak sa aking ulo.
“Sigurado ka ayos ka lang?” Tanong ni Jenny.
“Oo.” Sagot ko.
Mabilis na nakarating sa 16th floor ang elevator
at huminto. Sa tingin ko mas lalo akong nahilo dahil
sa elevator.
Inalalayan ako ni Jenny sa pagbaba.
Huminto siya sa silid na may numerong 16-018.
“Ito ang kwarto mo.”
Hinawakan niya ang aking kamay at tinapat ang
aking pulso sa scanner. Bumukas ang pintuan at
tinulungan niya akong pumasok.
“Magpahinga ka muna sa tingin ko hindi mabuti
ang pakiramdam mo.” Sabi niya.
Kahit nahihilo ako maliwanag pa rin sa paningin
ko ang aking kapaligiran ng silid na ito. Mukhang
kulungan dahil sa puro bakal ang aking nakikita.
Tunog ng bakal ang aking naririnig sa tuwing aapak
ako. Sa kaliwang bahagi ng aking silid ang isang
kamang gawa sa bakal ang maaari kong higaan. May
maliit na study table sa gilid nito pero walang kahit
anong libro akong nakikita. May maliit na palikuran
sa tabi ng aking higaan. Walang salamin, mesa,
kabinet, upuan, TV o kahit na anong appliances
akong nakikita hindi katulad ng silid ko sa Generic
House. Wala ding lalagyanan ng mga gamot akong
nakikita at maaaring inumin.
Wala akong nakikitang tubig na maaarin kong
inumin. Gusto ko ng makita ang aking ina, si
Clarisse, si Utah, si Uthello, Glenn, Dave, Isaac,

78
Jason, Michelle, Adrianna, Virginia, Bert, Tom,
Claudius, Charles at Archie—kahit na wala siyang
ibang ginawa kung hindi mainis at magalit sa akin.
Mabuti naman at may malambot na bagay at
unan sa ibabaw ng kamang ito. Dahan dahan akong
humiga at pumikit sa bakal na kama.

Nagising ako ng may babaeng kumakatok sa pintuan


ng akong silid. Tumayo ako sa aking higaan at
binuksan ang pintuan. Si Jenny may dalang pagkain.
“Tanghalian.” Seryosong sabi ni Jenny.
Tinitigan ko sandali ang hawak niyang pagkain.
Dala niya ang isang mangkok ng gulay, paa ng
manok, mansanas, isda, at isang basong tubig.
“Salamat.” Dahan dahan kong kinuha ang dala
niyang pagkain.
Hindi ko na siya kinausap pa sinara ko ang
pintuan. Umupo ako sa aking higaan at nilapag ang
pagkain. Alam kong hindi ako nagugutom kaya
mabilis kong ininom ang isang basong tubig.
Mistula akong isang preso sa lugar na ito dito rin
kaya dinadala ang mga kasi sa kompetisyon na hindi
nananalo?
Dahan dahan ko din kinain ang pagkain sa aking
harapan. Hindi ko naubos dahil tubig lang ang aking
hinahanap. Kung nasa Cuprum lang ang mga
pagkaing ito nakakasiguro ako walang matitira dito.
Gusto ko pa sanang balutin ang pagkain at dalhin
papalabas pero biglang may tumunog sa apat na
sulok ng silid. Ang ilaw ng aking silid ay napalitan

79
ng pula at kumukurap kurap at mistulang isang
alarm.
Please come down for our Identification
Announcement!
Please come down for our Identification
Announcement!
Please come down for our Identification
Announcement!
Mabilis akong tumayo para lumabas. Binuksan
ko ang pintuan ng aking silid at nakita ko ang mga
estudyante ng UST may ibang mga matatanda at
mga bata.
Naglakad ako kasama sila papunta sa elevator.
May iba namang pinili ang gumamit ng hagdanan.
Screen na metal ang nakaharang sa bawat harapan
ng silid o kabilang bahagi ng corridor kaya nakikita
ko ang ibang kasali sa kompetisyon at mga guard na
kasabay nilang maglakad. Naisip ko tuloy na kung
nandito si Taylor at Ben ligtas ako sa lahat ng bagay.
Lumakad ako kasabay ng ibang kasali papunta sa
elevator. Pagkaharap ko sa metal na pintuan ay
bumukas agad ang elevator. Pumasok ako kasama
ng iba.
“Hi!” Sabi ng lalaki sa aking tabi. “Nikola.”
Inabot ng lalaki ang kanyang kaliwang kamay sa
akin.
Parang nakita ko na siya. Tama! Nakasama ko
siya at nakita ko siya noong araw ng proposal. Ang
lalaking nagsabi sa akin na walang pila kung hindi
tinatawag lang ang mga pangalan na nakasulat sa
papel, papel na hindi ko alam.

80
“Gio—” Sagot ko at hinawakan ang kanyang
kamay.
“Alam mo Gio magaling ka rin pala.” Mabilis at
mahina niyang sabi.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Hindi ko
alam kung sarcastic siya o nagsasabi ng totoo.
Katulad ng suot ko suot niya rin. Iba lang ang
kulay ng kanyang jacket—kulay dirty green. Maputi
siya na parang isang Americano pero ang kanyang
mga mata ay kulay itim. Burr ang istilo ng gupit ng
kanyang buhok. Halos kasing tangkad ko lang siya.
Hindi na siya nagsalita pa at bumukas ang
pintuan ng elevator. Mabilis na nakababa ang
elevator at magbabaan ang mga nakasakay.
Nagbago ang itsura ng ground kung saan ako
iniwan ni Taylor at Ben. May stage sa gitna at
sumasakto ito sa pinagtamaan ng apat na malalaking
bakal sa itaas.
Bumuo ang mga kasali ng semi-circle na pila
habang nakaharap sa stage—kung saan nakatayo si
Jenny at Gabriel kasama an gamin na guard sa
kanilang likuran.
Pumila ako at tumabi kay Nikola.
“Good afternoon Competitors!” Pambungad ni
Gabriel. “We are gathered this afternoon for our
Identification Announcement at night training.”
Nakikita kong seryoso ang mukha ng mga
kompetitors at halatang halata ang pagkasabik sa
sunuod na sasabihin ni Gabriel.

81
“This training will show your strength, ability,
and survival. We are adjourn exactly 21:00.”
Pagpapatuloy niya.
Nakikita ko ang pitong bata sa harapan ng pila
na mukhang nasasabik pa sa mangyayari. Sa aking
kaliwa nakikita ko ang mga lalaking sa tingin ko
nasa edad 30 pata na. Malalaki ang kanilang mga
katawan at mukhang malalakas. Sa bandang harapan
ng mga lalaki ang mga babaeng sa tingin ko ay
kaedad nila. May ibang mapapayat at mukhang
maliliksi, sapat na para sakin na mahabol nila ang
flying ST. Isang babae ang tumingin sa akin sa
tingin ko nasa edad 32 na siya. Ngumisi siya sa akin
kagaya ng ginawa ng ibang hologram kanina sa
akin. Nginitian ko lang siya pero iniwasan niya ako
ng tingin.
“Wag kang magpapasindak sa kanila.” Sabi ni
Nikola. “Ipakita mo na kaya mo silang matalo.”
Naririnig ko siya pero hindi ko siya tinitingnan.
Kinakausap ang babaeng tumingin sa akin kanina sa
kanyang mga katabi. Tumingin sila sa akin—
dalawang babae at tatlong lalaki ang tumingin sa
akin. Huminga ako ng malalim. Mabilis din nilang
inalis ang kanilang tingin sa akin.
Tumingin ako sa bandang kanan. Nakita ko ang
mga estudyanteng halos kaedad ko lang. May mga
babae at lalaki. Hindi ko inaasahang nandito si
Caesar. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya at
ngumisi siya na parang hinahamon ako sa tunay na
kompetisyon. Nakakatakot siya alam kong kahit si
Isaac natatakot sa kanya pero tinatago lang niya ito.

82
Alam kong malakas at matalino siya para kalabanin
pero may tiwala ako sa sarili ko at alam kong kaya
kong manalo.
“Kung ganoon magsimula na tayo.” Lumakad
papunta sa harapan ng stage si Jenny. “Magsimula
tayo sa mga bata.”
Isang batang babae ang umakyat at nagpakilala
sa harapan. Ang liit niya at sa tingin ko sampung
taong gulang lang siya
“Ako po si Sirius Strella.” Nakangiting sabi ng
bata. “Aurum. Earth and Space House.”
Nagpalakpakan ang iba sa mga Competitors.
Tiningnan ko ang ibang pumalakpak—kahit si
Nikola ay pinag-uuntog ang kanyang mga palad.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong dumami
ang mga tao. Napuno ang buong ground ng mga
taong katulad namin ang damit. Pumapalakpak sila
na parang tunay na nanununuod sa sinasabi ng bata
sa itaas ng stage.
Mga hologram? Tanong ng aking isip. Pero
bakit?
“Sabi ng mama ko ang Sirius ay isa sa
pinakamaliit na star sa universe kaya pinangalan
niya sakin.” Pagpapakiilala ng bata. “Pero ngayon!
Makikita ng lahat na magiging isang malaking bituin
ako!”
Sigaw ng bata kasabay nito ang malakas na
palakpakan ng mga taong hologram sa aming
likuran.

83
Mabilis na nagsipagtinginan ang mga
Competitors ng marinig ang maraming palakpak ng
mga hologram.
“It’s okay, just a hologram.” Sabi ni Gabriel.
“Next?”
Mabilis ang pagpapakilala ng iba at may ibang
masyadong pinapakilala ang kanilang mga sarili.
Malalaki at makapangyarihang tao ang kamag-anak
ng iba.
“Caesar!” Malakas na sabi niya. “Caesar Philips.
Nanotechnology House. Hindi man ako ang maging
Inventor pero nakakasiguro ako matalino at
magaling ang mananalo!”
Anong sinasabi niya? Bakit hindi niya
pinagmalaki ang kanyang sarili? Hindi niya sinabi
na kamag-anak siya ng makapangyarihang tao—
kung sakaling may kamag-anak siya.
Matapos magsalita ay tumawa siya at ngumisi sa
akin. Hanggang sa makababa hindi niya tinigil ang
pagtingin sa akin.
Matapos niyang magsalita. Maraming matatanda
at bata ang nagpakilala at sa tingin ko matapang sila.
“Rinda Mendoza! Computing House!” Sabi ng
babaeng kaninang nakatingin sa akin. “I see! I see
weakness in your eyes. I defeat all of you!”
Malakas na pagkakasabi niya matapos ay
malakas na palakpakan at sigaw ng mga hologram sa
likuran. Tiningnan niya ako ng masama at ngumisi.
Maging ang isang babaeng kasama niya ay
nagpakilala pero hindi naman nakakatakot ang
kanyang pangalan, Mau. Sila Romulus, Tiamat, at

84
Dis ang tatlong lalaking kasama niyang tumingin sa
akin sa pangalawang pagkakataon ay nagpakilala
din.
Hindi naman nagkakalayo ang katawan ni Mau
at Rinda. Mas mahaba nga lang ang buhok ni Mau
kaysa kay Rinda. Ang kanyang mga kamay ay
mistulang mabilis.
Malaki naman ang katawan ni Romulus.
Mukhang marami na siyang napalanunang wrestling.
Maputi siya na parang isang Koreano pero malaki at
bilugan ang kanyang mga mata. Butch cut ang itsura
ng kanyang buhok at mas lalo pang nagpakita sa
kanya ng pagiging malakas na lalaki.
Patayat at matangkad naman si Tiamat. Kitang
kita ang adam’s apple niya sa kanyang leeg. Ang
kanyang kamay ay may umbok-umbok ng mga buto
niya. Devilock ang istilo ng kanyang buhok at
mukha talaga siyang nakakatakot. Ang kanyang labi
ay itim at parang kakatapos niya lang kumain ng
uling.
Katamtaman at bahagyang maliit si Dis.Sa tingin
ko may anak na siya at may pamilya. Pompadour
ang istilo ng kanyang buhok. May hikaw ang
kanyang kanang tainga at bahagyang mapula ang
kanyang labi. Hindi naman nakakatakot si Dis tulad
ni Romulus at Tiamat pero kung lalapit ka sa
pangalan niya parang kukunin ka ng bawat
kaluluwang katabi niya.
Hindi ko na napansin na wala na si Nikola sa
aking tabi at nakita ko na lang siya na nakatayo sa
stage.

85
“Ako si Nikola Lim. Generic House!” Sabi niya.
“Ang maging isang Inventor ay wala sa talino o
galing na pinapakita mo kung hindi sa talino at
galing na taglay mo at sinisiguro ko sa inyo na ako!
Ako ay magiging isa sa siyam na Inventor!”
Katulad ng laging nagyayari pagkatapos
magsalita ng nasa harapan malakas na palakpakan
ang maririnig at sa tingin ko tunay ang naririnig
kong ingay.
“I’m Cassandra!” Sigaw ng isang babae sa
harapan ng maraming tao. “I can defeat all you fool,
coward, and shit people! I will be an Inventor
suckers! Thank you!”
Flying kiss ang huli niyang binigay sa lahat ng
mga Competitiors at mga hologram na nanunuod.
Malakas na hiyawan at palakpakan ang maririnig sa
loob ng Building 3 at sa tingin ko hanggang sa
tuktok ng gusali umaabot ang hiyawan ng mga
hologram.
Kilala ko si Cassandra at parang nakita ko na
siya noon. Inisip kong maiigi kung saan ko siya
nakita. Tama! Siya yung kasama ni Isaac at noong
isang babae sa loob ng kanyang silid. Ang babaeng
katalik niya! Pero bakit siya sumali?
Croydon facelift ang istilo ng kanyang buhok.
Ang ganda niya tingnan ngayon. May make-up siya
at malaki ang dinala ng make-up niya sa kagandahan
niya ngayon. Para siyang magandang palaban. Ang
ganda niyang tingnan. Hanggang sa pagbaba niya sa
stage nakatingin ako sa kanya katulad ng mga

86
hologram na hanggang ngayon naghihiyawan at
nagpapalakpakan.
Maging siya nakatingin sa akin at nakangisi.
Naramdaman ko ang takot kahit isa siyang babae.
Pakiramdam ko siya ang matinding makakalaban ko
sa kompetisyon kaysa kay Caesar at Rinda pati ang
mga kasama niya.
Huli ko na ng mapansin ko ang isang lalaki sa
itaas ng stage. Si Will!
“Ako si William Relso. Life House.” Sabi niya
sa isang mahinahon na boses. “Galing akong
Cuprum, at ipapakita ko sa inyo ang tunay na
katangian ng isang Inventor katulad ni Victoria!”

87
FIVE

“AKO SI GIORGIO DANELSON.” Parang paos at takot


kong sabi sa harapan ng maming Competitors. “Ang
gusto ko lang naman ay matupad ang aking mga
pangarap at bumalik ang aking kaibigan.”
Nakatingin ako kay Will. Nakatingin din siya sa
akin pero parang hindi niya ako kilala. Naghihintay
siya ng iba ko pang sasabihin katulad ng ibang
Competitors.
Si Will hindi ako pinapakinggan. Bakit niya
ginagawa sa akin ito? Ano ba ang kasalanan ko sa
kanya?
Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko mula
sa aking mga mata. Ang alam ko lang si Will ay
parang hindi ako kilala.

88
“Uh—okay!” Pag-antala ni Jenny sa matagal
kong pagtayo sa harapan. “Napakaganda ng
mensahe at pagpapakilala mo.”
Matapos niya magsalita agad na napalakpakan
ang ibang Competitors at mga hologram. Pero hindi
kasing lakas at may hiyaw na ginawa nila matapos
magsalita ni Rinda at Cassandra. Hindi ko alam
kung may pinipili silang palakpakan ng malakas o
sadyang hindi lang maganda ang sinabi ko para sa
ibang Competitor.
Lumapit si Jenny sa akin, hinawakan ako sa
aking mga balikat at inalalayan sa aking pagbaba.
Kahit na kasama ko si Jenny sa pagbaba hindi ko pa
rin inaalisan ng tingin si Will. Para ko na siyang
kapatid pero bakit ngayon parang isa ako sa mga
kaaway niya?
“Magiging maayos din ang lahat hijo.” Bulong
ni Jenny sa akin ng makababa ako sa stage.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa tabi ni
Nikola. Sa bandang kanan ni Rinda at ng apat
niyang kasama nakatayo si Will. Hindi ko alam
kung bakit hindi ko siya napansin kanina noong
tumayo ako dito sa bandang likuran kasama si
Nikola.
“Ayos ka lang?” Tanong ni Nikola.
Katulad ng ginawa ko sa kanya kanina hindi ko
siya nililingon pero naririnig ko siya. Umiling ako sa
kanya habang nakatingin kay Will pero hindi niya
ako nililingon. Nakatingin lang siya sa stage na
parang nag-aabang na isang bata ng magic show. Sa

89
tingin ko hindi niya ako kilala. Pero paano nangyari
iyon?
“Mabuti!” Sabi ni Jenny. “Mabuting simula ang
inyong pinakita.”
Sa tingin ko hindi mabuti ang sinabi ko kanina
sa harapan at sa tingin ko hindi rin mabuti ang sinabi
ni Caesar kumpara sa kanyang tapang at talino.
“Ngayon nakilala niyo na ang isa’t isa.”
Mahinahon at palaban na sabi ni Jenny. “Maaari
kayong magkaroon ng mga kaibigan at maaari din
kayong magkaroon ng kaaway.”
Marami sa mga Competitors ay nagtinginan—
may ibang tinginan na parang nagkakaintindihan na
maging magkaibigan at iba naman na nagbabanta sa
isa’t isa. Masyado silang mapanlaban.
Ngayon ko lang nakita na nakatingin pala si
Rinda sa akin. Alam kong hindi ako mananalo sa
kanya dahil bukod sa edad at karanasan niya sa
tingin ko mas malakas siya kaysa sa akin at may
apat siyang mukhang alagad niya pero kung
lalakasan ko ang loob ko at iisiping hindi ang tulad
niya ang magiging balakid sa mga plano at pangarap
ko sa tingin ko hindi imposibleng matalo siya.
Pitumpu’t lima kaming mag-aagawan sa flying ST at
sa tingin ko hindi lang ako ang makakalaban ni
Rinda.
Ngumisi siya sa akin na parang tinatakot ako. Oo
aaminin ko mabilis na kinabahan ang aking dibdib at
mistulang ikakamatay ko na. Hindi ko kayang
mabigo ang aking lolo lalo na ang kanyang pangarap
para sa akin.

90
“Bago niyo subukin ang inyong kakayahan,
talino, at abilidad na makaligtas.” Pabirong sabi ni
Jenny. “Kailangan niyo munang kumain ng hapunan
para may lakas kayo.”
Nakikita ko ang rekasyon ng mga bata sa
harapan na parang nadidismaya pa dahil napigil ng
hapunan. Mga lalaking nasa edad 30 pataas na nag-
uusap kung bakit kailangan pang kumain at mga
babae—at ang grupo ni Rinda—na naiinis dahil
gusto na nilang simulan.
“It’s okay.” Lumapit si Gabriel sa dulong bahagi
at harapan ng stage. Nakataas ang kamay na parang
sumusuko. “We’re going to resume after you gain
all strength.”
May ibang matatanda na natawa lang sa kanya.
Ang mga matatanda namang nasa edad 50 pataas ay
hindi nagsasalita at parang inoobserbahan ang galaw
at personalidad ng bawat Competitors.
Sa bandang harapan ng grupo ni Rinda ang
matandang si Gabbs at Julia ay nag-uusap ng
pabulong at sa tingin ko nakuha na nila ang galaw at
personalidad ng lahat—kahit ang mga bata sa
harapan. Sa tingin ko parehas silang nasa edad 72 o
74 na. Katulad ng suot ng iba ganoon din ang suot
nila maliban lang sa kulay ng jacket—sa tingin ko
sinadyang iba-ibahin ang kulay—na suot nila. Dark
blue ang suot na leather jacket ni Julia at maroon
naman kay Gabbs.
Afro-textured ang buhok ni Gabbs at nagmukha
siyang African. Masyado ng kulubot ang kanyang
balat para sa kanyang edad. Big hair ang istilo ng

91
buhok ni Julia, dahil sa kanyang buhok at pangalan
kaya nagmukha siyang bata—pero kulubot pa rin
ang kanyang mukha at ang balat ng katawan niya.
Hindi sila nagsasalita tungkol sa natigil na
training dahil sa hapunan. Sa tingin ko mag-asawa
sila dahil parehas sila ng apilyedo.
Walang nagawa ang ibang Competitors kaya
naglakad ang iba papanta sa kaliwang bahagi ng
ground. Hindi ko naman gusto na ngayon na
magsimula ang training skill kaya sumunod na lang
ako sa mga Comtetitors na naglalakad. Si Will sa
tingin ko wala ding pakialam sa kung ano ang gusto
ng ibang Competitors, nakikita ko siyang
sumusunod lang siya sa ibang naglalakad.
Hindi ko napansin na naglakakad si Nikola at
nakasunod sa aking likuran.
“Kaibigan mo siya?” Tumabi si Nikola sa akin
habang naglalakad.
Gusto kong sabihin na oo-matagal-na pero alam
kong hindi na mahalagang malaman pa ni Nikola
ang tungkol kay Will.
Tumango lang ako sa kanya na parang
sumasang-ayon.
Nakarating kami kasama ang mga Competitors
sa loob ng isang mistulang canteen. May tatlong
mahahabang mesa sa tingin ko may dalawampu’t
limang silya ang bawat mesa. Maraming nakalagay
na pagkain sa ibabaw ng mesa pero hindi ko alam
ang tawag sa karamihan ng pagkain. May mga wine
—iba’t ibang uri ng wine. Lechon na baboy at mga
manok sa bawat mesa. Mistulang nasa loob ng ka ng

92
isang pista. May tatlong lalagyanan ng kandila ang
bawat malalaking mesa. Sa bawat lalagyanan ng
kandila, pito ang nakatayo na kandila na parang
ginagamit sa loob ng simbahan.
Wala akong makitang kanin sa ibabaw ng mesa,
kung saan kanin ang pangunahing pagkain ng
Cuprum—pero salat ang bayang ito sa kanin.
Wala namang ibang disenyo ang canteen kung
hindi ang maraming pagkain sa mesa. Puro puti ang
aking nakikita, mga malalaking bakal na haligi, at
mga malalaking screw na sa tingin ko kasing laki na
ng ulo ng tao ang iba. Anim na chandelier lang nasa
kisame na kulay ginto pero ang liwanag na
nanggagaling sa ilaw ay kulay puti din.
Dahan dahan na naglapitan ang mga Competitors
sa bawat upuan na parang naiinsulto sa kanilang
nakikita—kahit ang pitong bata kapareho ang
reaksyon ng mga matatanda. Nakita kong sabay na
umupo si Gabbs at Julia sa unang upuan ng unang
mesa.
Nakita ko si Will na naglalakad papunta sa
pangwalong upuan sa pangatlong mesa. Mabilis ako
sumunod at umupo sa harapan ng kanyang upuan.
Nabigla na lang ako ng makita kong katabi ko sa
akin kanan si Caesar at sa aking kaliwa si Cassandra.
Katabi ni Will si Nikola sa kanyang kaliwa at ang
batang si Sirius sa kanyang kanan—nakaupo din ang
ibang bata sa kanan ni Sirius papunta sa unahan ng
ikatlong mesa.
Napatingin ako kay Cassandra at tumingin siya
sa akin na parang nang-aakit. Nakita ko na siya noon

93
kasama si Isaac pero alam kong hindi ako katulad ni
Isaac para gamitin si Cassandra.
Kinigat ni Cassandra ang ibabang bahagi ng
kanyang labi. Ang kanyang mga mata ay parang
mata ng isang anghel na may masamang balak.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa akin ito.
Nilipat ko ang aking paningin kay Will.
Kumakain siya ng manok at unti-unti niyang
kinakain. Maigi lang nakatinging ang mga mata ko
sa kanya at naghihintay na makita niya ako at
makikila pero hindi ito nangyari.
“Huwag mong sabihin…?” Nagtatakang sabi ni
Caesar pero hindi siya nakatingin sa akin kung hindi
sa ubas na hawak hawak niya.
Ano ang iniisip ni Caesar? Sabi ng aking isip.
Na may gusto ako kay Will?!
“Uh—uh, hindi.” Nauutal na sabi ko. “Kaibigan
ko siya kaya lang mukhang hindi niya ako
matandaan.”
Hindi ko napigilan ang aking luha at tumulo ang
mga ito mula sa aking mga mata at sa tingin ko
walang may paki-alam sa pag-iyak ko o may
nakakapansin man lang.
Tumango si Caesar na parang walang ibang
magagawa kung hindi sumang-ayon na lang sa
sinabi ko.
Kanina alam kong hindi ko gustong kumain pero
ngayon nakakaramdam ko kailangan ko ng kumain.
Kailangan pero hindi ko alam kung makakakain ako
ng maasyos kasama ang mga Competitors. Ang mga
balakid sa buhay ko, lalo na ang lalaking tinuring

94
kong kapatid at ngayon sa tingin ko hindi na ako
kilala. Kaharap ko siya ngayon. Ang mga tanong na
gusto kong itanong sa kanya noong iniisip ko na siya
ang lalaking nakaitm ay nawala lahat sa aking isip.
Parang ngayon ang gusto ko lang ay makilala niya at
bumalik kami sa dati naming pagkakaibigan.
Unti unti kong kinain ang mansanas at isang
buong isa sa aking harapan. Alam kong hindi pa ako
nakakatikim ng lechon pero hindi ito ang tamang
pagkakataon para kumain ng pagkaing hindi ko pa
nakakain sa buong buhay ko. Hindi sa harapan ng
mga taong ito.
Matapos naming kumain ay nagtayuan agad ang
ibang Competitors at mabilis na pumunta sa ground.
Halos karamihan ng pagkain sa tatlong mesa ay
hindi nakain o nagalaw man lang.
Lumakad ako kasunod ni Will at kasunod ko sa
aking likuran si Nikola. Hindi ko alam kung bakit
niya ako sinusundan at sa tingin ko ito rin ang
nararamdaman ni Will ngayon.
Wala si Gabriel sa ibabaw ng stage at si Jenny
lang ang nag-iisang tao doon bukod sa mga guard sa
kanyang likuran.
“Dahil sa nakakuha na kayo ng inyong lakas!”
Sabi niya isang hindi kasabiksabik na boses at mga
salita. “Sa tingin ko sapat na para magsimula ang
inyong training.”
Magaling siyang babae at sa tingin ko bagay
siyang maging isang Inventor. Ang kanyang mga
salita at kilos parang isang tunay na matalino at
matapang.

95
“Makinig kayo!” Sabi niya. Sa pagkakataong ito
naramdaman ko ang masayang pagkasabik sa tono
ng kanyang pananalita. Parang ang tono niya ay
magbibigay siya ng magandang trato sa mga
mamamayan ng Cuprum. “Lahat kayo ay umakyat
sa stage.”
Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya pero
noong makita ko na naglakad si Will at mistulang
aakyat sa stage matapos magsalita ni Jenny ay hindi
na ako nagdalawang isip pa at sumunod na ako sa
kanya. Mistula akong aso niya. Pero isang asong
hindi niya kilala o hindi kinikilala bilang alaga.
Isa isang nag-akyatan ang mga bata at mga
matatanda. Nakikita kong tinutulungan ni Caesar si
Gabbs at Julia sa pag-akyat. Ang grupo ni Rinda ay
mabilis na nakaakyat na parang ninja. Sa tingin ko
kami ni Nikola at Cassandra ang huling umakyat sa
bilog na stage. Nasa sulok ako ng pabilog na stage at
katabi ni Jenny at Nikola. Hindi ko alam kung saan
banda si Cassandra umakyat pero sa tingin ko nasa
dulong bahagi din siya ng bilog.
“Maging handa kayo!” Sabi ni Jenny.
Matapos niyang magsalita nakarinig ako ng mga
metal na nag-uupumpugan. Mga metal na mistulang
naiipit, hinihiwa, at kinakalawang. Sigurado ba
silang gawa sa Aurum ang building na ito?
Unti-uting umaangat ang stage. Ang mga bata ay
bahagyang sumigaw na parang nakasakay kami sa
bus at may field trip. Naramdama ko ang pagtigas ng
mga binti ng mga Competitors at paggiging buo ng
kanilang mga tuhod.

96
May mga naririnig akong bumubulong sa aking
likuran. May mga sa tingin ko natatakot na.
Umakyat ang stage sa unang baitang ng gusali. Ang
apat na malalaking bakal kanina na nagtatama sa
bawat baitang ay nakikita kong unti-unting
umuusog. Wala akong hinahawakan o kinakapitan.
Sa paglapas ng stage sa unang palapag naramdaman
ko na ang takot. Dahan dahan pa ang stage sa pag-
akyat pero sa mga sumunod na baitang ang aming
naakyat mas bumilis pa ang pag-angat ng stage.
Bumibilis ang tibok ng aking puso at sa tingin ko
hindi lang ako ang nakakaramdam noon.
Masyado ng mataas ang aming napuntahan at
hindi ko na mabilang ang mga baitang na nadaanan
ng stage. Ang aking ulo ay parang hinihiwa sa
dalawa.
“Kumapit lang kayo!” Sabi ni Jenny sa boses na
parang walang kaba o takot.
Kumapit? Nagbibiro ba siya? Saan kami
kakapit?
Mas bumilis ang pag-angat sa tingin ko hindi ko
na kakayanin. Hindi ko gusto ang ideya na pumasok
sa aking isip, kung sakaling marating namin ang
aming pupuntahan huwag naman sanang huminto ng
biglaan ang nakakatakot na stage na ito.
“Malapit na!” Sabi ni Jenny.
Nakatingala siya sa pinakataas. Naririnig ko ang
sigawan ng mga bata na akala mo ay pinapahirapan
bago mamatay. Iniisip ko tuloy kung ano ang
reaksyon ni Gabbs at Julia at ng iba pang matanda.
Si Will ano kaya ang pakiramdam niya?

97
Nakikita ko ang guhit ng hangin sa aking
harapan. Parang gusto ko nang tumalon at makaalis
sa stage na ito. Wala akong pakialam kung may
sasalo o wala sa akin. Pero nararamdaman ko na
bahagyang bumagal ang pag-akyat ng stage kaysa sa
bilis kanina. Ang bawat baitang ay nakikita ko na
kaysa sa hangin na nakaguhit sa aking harapan. Sa
pagkakataong ito mas lalong bumagal ang stage na
parang pag-angat niya kanina sa unang baitang.
Tumingin ako sa aking itaas at nakita ko ang
maliwanag na butas na palibog. Hindi na nagtagal at
pumasok ang stage sa loob ng bilog na butas.
“Nandito na tayo!” Sabi ni Jenny.
Si Jenny ang unang bumaba na parang walang
nangyari sa pag-akyat niya. Sa tingin ko sanay na
siya sa sasakyan na ito—dahil sa pabalikbalik
niyang pag-akyat at pagbaba.
Bumaba ang marami sa Competitors nakikita ko
ang iba na napaupo sa sobrang hilo aat may ibang
naduduwal na parang hinihintay na ilabas ng
kanilang bibig ang kanilang bituka. Sa tingin ko
naiintindihan ko sila, pagkatapos kumain sino ba ang
hindi masusuka sa sasakyang mistulang space ship
sa bilis—lalo na at walang harang at hawakan.
Kung susukatin ko ang takot ko kanina sa tingin
ko patay na ako ngayon. Halos ikamatay ko na ang
nararamdaman ko kanina.
Sa sobrang sama ng nararamdaman ko hindi ko
na naalala ang itura ng ang aming napuntahan, hindi
ko na rin nakita si Will, Nikola, Gabbs at Julia,

98
maging ang boses ni Jenny hindi ko na narinig.
Napakit ako at nakatulog.

Hindi ko talaga gusto ang pakiramdam na laging


nakakatulog o nawawalan ng malay. Lagi ko kasing
hindi nasasaksihan ang mga pangyayari. Sa tingin ko
may mali. Sa tingin ko may sakit ako na kasamang
dumadaloy ng aking dugo sa aking utak.
Bahagyang nahihilo pa rin ako. Tumayo ako at
umupo sa aking kinahihigaan. Teka! Saan
nanggaling ang higaan na ito? Tumingin ako sa
aking paligid. Nakita ko ang dadilim pero
maliwanag na mga bituin sa kalangitan. Nababalot
kami ng mistulang pabilog na salamin. Nakikita ko
ang maraming higaan na nakapila at nakapalibot sa
stage na sinakyan namin kanina. May mga aparato
na nakapatong sa maliit na mesa, mga wire, at
mistulang helmet.
Nakikita ko ang mga bata na nakatingin sa grupo
ng mga bituin kasama nila si Sirius na mistulang
guro at nagtuturo ng mga bituin—naririnig ko rin
ang mga sinasabi niya, mga pangalan ng bituin.
Sa bandang kanan—pangatlong higaan—nakita
ko si Gabbs na nakahiga habang pinapainom ni Julia
ng mainit at umuusok na kape. Nakatalukbong ng
kumot si Julia at sa tingin ko nilalamig siya.
Nakakaawa silang dalawa tingnan. Wala akong
nakikitang ideya at rason kung bakit sila sumali sa
kompetisyon na ito.
Naalala ko ang sinabi ni Taylor sa akin na
huwag kong mamaliitin ang kakayahan ng mga

99
matatandang sumasali sa Inventor’s Competition.
Siguro nga pagdating ng kompetisyon nila ibibigay
ang tunay nilang lakas at galing.
“Gising ka na pala.” Sabi ni Nikola at inaabutan
ako ng kape. “Ang tagal ng tulog mo.”
“Nasaan tayo?” Nagtatakang sabi ko habang
tinitingnan ang grupo ni Rinda na nagtatawanan.
“Training?” Hindi siguradong sagot ni Nikola.
“Hindi pa nagsisimula?”
“Hindi pa.” Sagot niya. “Halos lahat sa atin
kanina ay nagsuka at nakatulog pero may iba ring
nawalan ng malay katulad ni Gabbs—pero mas
nauna pa siyang magising kaysa sayo.”
Si Gabbs nawalan ng malay?
Nakita ko si Will na may kausap na isang batang
lalaki malapit sa grupo ni Sirius. Lumakad ako at
lumpait.
Lamang metro pa lang ang layo ko sa kanila
pero naririnig ko na ang boses ni Will.
“Hindi mo sila maintindihan?” Sabi ni Will
habang nakatalikod sa akin.
“Wala po akong alam tungkol sa mga stars at
galaxies.” Malungkot na sagot ng bata. “Ang alam
ko lang po enzymes, leukocytes, neurotransmitters,
brain cells, plant vacuoles, at melanocytes.”
Nakikita ko ang repleksyon ni Will sa salamin.
Nakangiti siya. “Alam mo ba kung bakit maitim si
Officer Jenny?”
“Dahil po sa melanocytes niya?” Sagot ng bata.

100
Tumawa ng bahagya si Will. “Hindi naman dahil
sa melanocytes niya kung hindi dahil galing siya sa
puno.”
“Puno?” Nagtatakang sagot ng bata.
Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Niloloko
niya ang bata?
“Oo. Tingnan mo.” Nakatawang sabi ni Will
habang nakatingin silang dalawa ng bata kay Jenny
sa kanyang kaliwa. “Kung lalagyan ko siya ng mga
dahon sa ulo ay mga kamay magmumukha siyang
puno.”
Tumawa ng malakas ang bata.
Hindi ko inasahang tatawa ang bata dahil lang sa
hindi nakakatuwang biro ni Will.
Napatingin si Jenny sa bata na hanggang nagyon
ay tumatawa. Sumenyas si Will sa bata at nilagay
ang kanyang hintuturo sa kanyang mga labi.
Tumango ang bata sa kanya habang nagpipigil
ng tawa.
Gusto ko ng bumalik ang dating Will ang
kaibigan ko ang tanong kilala ako at hindi ako
pababayaan.
“May kailangan po ba kayo?” Tanong ng bata.
Ngayon ko lang napagtanto na nasa likuran pala
ako ni Will at ako ang tinatanong ng bata.
Tumingin si Will sa kanyang likuran at nakita
ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya
at isasagot sa bata.
“Uh—uh… wala.” Nauutal kong sagot. “Uh—
ano kasi uhmmm…”

101
“Bata halika muna.” Sabi ng boses sa aking
likuran.
Si Nikola. Kinuha niya ang bata at naglakad
pabalik sa aking higaan.
“Anong kailangan mo?” Tumayo si Will sa
kanyang pagkakaupo.
“Uh… hindi mo ba ako kilala.” Tanong ko.
“Kilala.” Mabilis na sagot ni Will.
Kilala niya ako?! Hindi niya ako iniwan at
kinalimutan?! Si Will hindi ako pababayaan!
“Matalino ka. Malakas.” Sabi niya at sa tingin ko
hindi ko gusto ang pananalita niya. “Sa tingin ko
ikaw ang magiging matindi kong kalaban sa
kompetisyon.”
Ano? Kalaban? Akala ko ba kilala niya ako?!
Ako si Gio, Will, ang matagal mo nang kaibigan
simula noong elementary ka pa lang. Ang tinuturing
mong kapatid. Ang pinagtatanggol mo sa mga nang-
aayaw at mas malaki. Ang kasama mo sa kasiyahan
at kalungkutan. Bakit hindi mo kilala bilang
kaibigan.
“Ano bang nangyayari sa iyo?!” Malakas na
tanong ko kay Will. “Ako si Gio, Will! Ang matalik
mong kaibigan sa Cupurm!”
Yumuko siya at hindi nagsalita. Hinawakan ko
ang kohelyo ng kanyang damit at mistulang
sasakalin. Pakiramdam ko nag-aapoy na ako sa galit
hindi ko na kayang pahirapan pa ako ni Will. Wala
na si Sarah, ngayon maging siya iiwanan ako.

102
“Sinungaling ka!” Nanggigil kong sabi sa kanya.
“Alam kong kilala mo ako. Hindi mo ako kailanman
nakalimutan.”
Hindi ko inaasahan na tumutulo ang luha sa
kanyang mga mata. Kung hindi niya ako kilala dapat
lalaban siya. Kung hindi niya ako kilala hindi dapat
siya iiyak.
“Tumigil kayo!” Sigaw ni Jenny.
Hinatak niya ang aking kanang braso at mabilis
itong nakabitaw sa leeg ni Will. Ang lakas niya
ngayon ko lang napatunayan na malakas nga siya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sabi
ni Jenny sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Nakikita ko na ang
lahat ay nakatingin sa akin at nakapalibot sa akin—
maliban na lang kay Gabbs at Julia. Si Nikola
gustong lumapit sa akin at pigilan ako. Nakangiti
naman si Cassandra at Caesar. Nakangisi si Rinda at
ang kanyang grupo na parang hinihintay na lumabas
si Will hanggang sa mapatay ako.
“Hindi makakabuti sa inyo ang mag-away-away
ng wala pa ang kompetisyon!” Sigaw ni Jenny sa
akin at nilipat sa buong Competitors na nakapalibot
sa akin. “Kung sa tingin niyo ay ito na ang
pagkakataon para gumanti o labanan ang kapwa niyo
Competitor dahil wala na ang dalawang bodyguard
niyo! Nagkakamali kayo!”
Nakikita ko na ang ngisi sa mga mukha ng grupo
ni Rinda ay nawala.
“Bago na ang batas ngayon at ito ang gusto
ninyo!” Malakas at buo ang boses ni Jenny na

103
parang umiikot-ikot sa buong gusali. Naalala ko si
Taylor sa kanyang pagsasalita. “Kaya iwasan niyo
kung ayaw niyo magkaroon ng kaso!”
Sa tingin ko napahiya ako. Alam kong kahit
labing-anim na taong gulang pa lang ako ay maaari
na akong makasuhan dahil sa pagpatay. Pitong taong
gulang pataas ang maaaring makasuhan ng
pagpaslang sa kapwa at habang buhay na
pagkakabilanggo ang katumbas ng krimen na iyon.
Hindi ko dapat ginawa ang bagay na iyon kay
Will. Kaibigan ko siya at alam niya ang bagay na
iyon. Alam kong hindi niya ako sasaktan kaya dapat
hindi ko siya sinaktan.
“Malinaw ba ang lahat?” Malakas at matapang
na tanong ni Jenny.
“Yes Officer!” Sabay sabay na sagot ng lahat.
Nakikita ko si Rinda na napipilitang sumagot sa
tanong ni Jenny. Ang kanyang mga kaibigan ay
mistulang nayayamot sa narinig.
“Kung ganoon bumalik na kayo sa inyong
higaan.” Sabi niya.
Kung matutulog na naman hindi ko alam kung
makakatulog agad ako dahil sa matagal akong
nakatulog at sa nagawa ko kay Will.
Dahan dahan akon sumamapa sa aking higaan at
umupo. Nakatingin sa akin si Nikola at sa tingin ko
sinasabi ng kanyang mga mata na isipin ko muna
ang aking gagawin bago ako kumilos.
“Nakikita niyo ba ang asul na tubig sa tabi ng
inyong higaan?” Tanong ni Jenny. “Ang bagay na
yan ay Sleeping Liquid.”

104
Sa pagkakataong ito wala akong nakitang
nagbulungan at nagngitian, kahit sa grupo ni Rinda o
sa grupo ni Sirius.
“Labing-dalawang oras ang epekto ng
pagkatulog ng tubig na iyan.” Pagpapaliwanag niya.
Tulog na naman? Hindi na ako magtataka kung
isang araw hindi na ako magiging dahil sa palagi
kong pagtulog. Ano ba ang kinalaman ng pagtulog
sa training na ito?
“Simulan na natin ang training.” Malakas na sabi
ni Jenny na parang isang babaeng sundalo. “Kagaya
ng sabi ko kanina dito sa training na ito masusukat
ang inyong talino, lakas, at abilidad para malaligtas.
Maaari niyo ring malaman kung may pagkakataon
kayong manalo sa kompetisyon.”
Ang seryosong mukha ng lahat ay napalitan ng
mga ngiti pero hindi ang mukha ni Rinda.
“Dalawampu’t lima sa inyo ay magkakagrupo,
kailangan walang masaktan o mamamatay sa
miyembro niyo.” Pagpapaliwanag ni Jenny. “Ingatan
ang isa’t isa. Ang mahalagang pagsukat dito ay ang
team work—kung saan makikita niyo ang
pagmamalasakit sa iba—na tinataglay ng isang
tunay na Inventor.”
Hindi ako natakot sa ibang bahagi ng kanyang
sinabi natakot ako sa salitang mamamatay na
binigkas niya. Ano ang ibig sabihin noon?
“Maaari niyo nang inumin ang tubig.” Sabi niya.
Nakita kong ininom ni Nikola ang tubig at
mabilis na nakatulog. Hindi ko maintidihan ang
nangyayari. Tumingin ako sa higaan kung saan

105
nakahiga si Will, tulog na rin siya. Ang dalawang
matanda ay tulog na rin at mistulang mahimbing ang
kanilang tulog. Maging si Cassandra ay mukhang
kakatulog lang. Nakita ko si Rinda na iinumin na
ang hawak na baso at wala pang tatlumpung
segundo matapos niyang inumin ang asul na tubig ay
nakatulog na siya.
Kinuha ko ang asul na tubig at dahan dahang
ininom.
Walang lasa ang tubig pero malamig. Hindi ko
maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sa unang
sampung segundo mabilis akong inantok at parang
tatlong araw na walang pahinga ang utak ko. Sa
sumunod na sampung segundo, nahihilo na ako na
parang sampung araw akong walang tulog. Malabo
kong nakikita ang mga guard na nakaitim—umaasa
akong isa sa kanila si Taylor o Ben. Marami sila na
parang kasing dami naming mga Competitors. Ang
isa sa kanila ay lumapit sa higaan ni Will. Gusto
kong tumakbo para tulungan si Will pero hindi ko
maigalaw ang aking kamay at paa.
Huli kong nakita ang guard na lumapit sa aking
higaan kasama si Jenny.

106
SIX

“TWENTY-FOUR, TWENTY-FIVE!” Malakas na boses


ng isang babaeng nagbibilang ang aking narinig ng
magising ako.
Bahagyang nahihilo ako pero kahit papaano
nakikita ko ang mga kasama ko sa kompetisyon.
Nakatayo siya sa akin at nakaturo ng sabihin
niya ang salitang Twenty-Five. Tumingin ako sa
kanya at nakita ko si Rinda sa aking harapan.
“Okay, kompleto na tayo!” Sigaw ni Rinda.
“Tumayo na kayo at lalakad na tayo. Mayroon lang
tayong labing-dalawang oras para mabuhay sa lugar
na ito!”

107
Hindi ko na binigyan ng pansin kung nasaang
lugar kami pero hindi ko maintindihan kung bakit
namin kailangan mabuhay. May papatay ba sa amin?
Tumingin tingin ako sa aking paligid. Nakikita
ko ang malawak na palayan. Matataas ang mga
palay na mistulang mas mataas pa ng tatlong
talampakan kaysa sa amin.
“Kailangan maging ligtas tayo!” Paalala ni
Rinda. “Magkapit kapit kayo at huwag
maghihiwalay.”
Madilim ang paligid at taninging ang buwan
lang ang nagsisilbing liwanag ng aming dadaanan.
Sinubukan kong hanapin si Will sa loob ng aming
grupo pero wala siya.
“Gio!” Mahinang sigaw ng lalaki mula sa aking
likuran. “Anong ginagawa mo?”
Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses.
Noong una hindi ko siya makilala dahil sa mahinang
hilo na nararamdaman ko. Pero noong lumapit siya
sa akin nakita ko na si Nikola ang lalaking nasa
harapan ko.
“Anong ginagawa mo?” Pabulong na tanong
niya.
“Hinahanap si Will?” Hindi siguradong sagot ko
sa kanya.
“Hindi mo siya makikita dito.” Sagot niya.
“Hindi natin siya kagrupo. Ngayon pagtuunan mo ng
pansin ang kaligtasan natin.”
Bigla kong naalala ang sinabi ni Jenny bago
kami mapunta sa lugar na ito, dalawampu’t lima ang

108
miyembro ng bawat grupo. Sa makatuwid tatlong
grupo ang mayroon.
“Ano bang mayroon?” Nagtatakang tanong ko at
kung bakit pabulong din ang pagtatanong ko sa
kanya. “May taong papatay ba sa atin? Halimawo
demonyo?”
Hindi ko rin alam kung bakit madali sa akin na
bitawan ang salitang patay.
“Hindi ko rin alam.” Bulong niya.
“Shhh… walang maingay.” Pabulong na sabi ni
Rinda. “May naririnig ako.”
Noong umpisa hindi ako naniniwalang may
naririnig siya pero ang iba sa amin ay wala—gusto
ko pang magtanong kay Nikola kung ano ang
mayroon dito o ano ang bagay na maaaring
makasakit o makapatay sa amin—hanggang sa unti-
unti ko nang narinig ang parang malakas na nguya
ng isang tao, mali maraming tao.
“Ano iyon?” Tanong ng lalaking sa tingin ko
nasa edad 45 pataas na.
“Shhh…” Pabulong na sagot ni Rinda. “Dahan
dahan lang ang paglalakad at paghawi sa mga palay.
Nararamdaman kong malapit lang sila.”
“Excuse me kuya natatakot po ako.” Kinalabit
ng batang lalaki ang laylayan ng aking jacket.
Siya ang batang kausap ni Will kanina. Ang
batang walang alam at hilig sa mga bituin at
galaxies.
“Walang gagalaw.” Mas mahinang sabi ni
Rinda.

109
Naramdaman kong mas humigpit ang kapit ng
bata sa aking jacket ng marinig ang mahinang boses
ni Rinda. Sa tingin ko alam niyang nasa panganib
kami pero nilalakasan niya ang kanyang loob.
“Natatakot po ako.” Nagpipigil na umiyak ang
bata.
“Wag kang matakot.” Yumuko ako ay umupo.
“Isipin mo isang ibon lang ang naririnig mo.”
“Walang magsasalita!” Pabulong pero naiinis na
sabi ni Rinda.
Lahat ng Competitors ay huminto sa kanilang
marahang paglalakad.
Sa pagkakataong ito hindi na napigilan ng bata
ang luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang
mga mata.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya
niyakap ko ang bata at pinunasan ang kanyang luha.
Naalala ko si Max sa bata kahit sa tingin ko apat na
taong gulang pa lang siya. Hindi ko gusto ang
makakita ng mga batang naghihirap, natatakot,
nalulungkot, at umiiyak.
Masyadong tahimik ang paligid at madilim.
Walang nagsasalita at taning tibok lang lang ng puso
at hininga ng ilan sa amin ang aking naririnig. Ang
inagay ng parang ngumunguya na tao ay biglang
lumakas at sa pagkakataong ito parang nakapalibot
sila sa amin. May naririnig na kaming tunog ng mga
nababaling buto at parang napupunit na laman.
Hindi magandang pakinggan lalo na may bata akong
kasama.

110
“Sa tingin mo ano ang mga bagay na iyon?”
Bulong sa akin ni Nikola.
Masyadong malapit ang kanyang bibig sa aking
tainga kaya malakas ang pagkakarinig ko sa sinabi
niya.
“Hindi ko rin alam.” Sagot ko.
Mas tumindi ang yakap ng bata sa akin at
nararamdaman ko ang panginginig niya sa takot.
“Dahan dahan lang tayo maglakad.” Pabulong n
autos ni Rinda. “Siguruhin niyong wala kayong
matatapakang gagawa ng ingay.”
Tumango ang lahat na parang sumasang-ayon sa
kanyang sinabi. Kahit ako naramdaman ko ang utos
niya.
“Halika na.” Sabi ko sa bata. “Lumakad na
tayo.”
Sa tingin ko pinigilan ng bata ang kanyang takot
at humarap sa aming pupuntahan. Dahan dahan
kaming lumakad ng sabay sabay.
Ngayon ko lang naisip na paano kami
makakalaban sa mga gustong pumatay sa amin kung
wala kaming panlaban o sandata at kung ano man o
sino ang gustong pumatay sa amin umaasa akong
hindi nakakatakot ang itsura nila.
Nakikita ko si Rinda sa unahan. Magaling siya.
Magaling siya lalo na sa pamumuno ng grupo. Kahit
ang paghawi niya sa mga palay ay mukhang
matikas.
Wala kaming makita kung hindi mga palay na
mas mataas pa sa amin. Ang bawat palay ay
gumagawa ng mahinang inagay na dala ng hangin.

111
Matindi ang kapit ng bata sa aking jacket at ang
kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa aking
kaliwang kamay.
“Takbo!” Sabi ni Rinda.
Hindi ko alam ang nangyayari. Biglang
nagtakbuhan ang mga nasaharapan kasama si Rinda.
Mabilis na tumakbo at sumunod ang iba. Kahit si
Nikola nakita kong tumakbo kasama nila.
Kitang kita ng dalawang mata ko ang tatlong
lalaking luwa ang mata. Isa sa kanila ay walang
bungo. Puro laman ang mukha at katawan. Malalaki
ang sugat sa katawan at mistulang patay na nabuhay.
Mabilis kong hinatak ang bata para tumakbo.
Isang matanda sa aking harapan ang aking
sinusundan. Sa tingin nasa edad 70 na siya.
Inaalalayan siya ng dalawang lalaki sa kanyang gilid
at mabilis na tumakbo.
Sinilip ko ang aming likuran at nakita ko ang
maraming patay na taong tumatakbo. Mabilis sila
tumakbo at parang hindi napapagod. Hindi ko alam
kung ano ang kailangan nila sa amin pero sa tingin
ko kakainin nila kami—gaya ng mga napapanuod ko
sa pelikula. Mabilis kong binuhat ang bata at
tumakbo. Wala akong makita kung hindi mga palay
hanggang sa makapunta ako sa isang mistulang
taniman ng repolyo habang buhat buhat ang bata.
Nakita ko na nagkalat ang mga Competitors at
tumatakbo sa malawak na taniman.
Sa tingin ko alam ko ang lugar na ito pero hindi
ganito ang istura nito. Hindi ko na inisip ang kung
alam ko o hindi ang lugar basta ang kailangan ko ay

112
makaligtas kasama ng bata. Mabilis akong tumakbo
sa taniman.
“Ayan na sila.” Sabi ng bata habang nakatingin
sa aking likuran. “Ang dami nila kuya.”
Sa pagkakataong ito mas kinabahan ako sa
sinabi ng bata kaysa sa unang beses na nakita ko ang
mga patay.
“Huwag mo silang tingnan.” Sabi ko sa bata.
Halos marating na namin ang dulo ng taniman at
nakita ko ang matandang kaninang buhat buhat ng
dalawang lalaki na nakadapa sa maputik na bahagi
ng palayan.
“Ano pong ginagawa niyo diyan?” Mabilis kong
tanong at binaba ang bata.
“Kuya malapit na sila.” Takot na takot na sabi ng
bata. “Ang bilis nilang tumakbo!”
“Lolo, nasaan po ang iba.” Tinuro niya ang isang
mistulang barn sa dulong bahagi ng taniman.
Nakita ko na unti-unting sumasara ang malaking
pintuan ng barn. Sinasara ng maraming tao sa aming
grupo.
“Tumakbo ka na hanggang kaya mo.” Sabi ko sa
bata. “Pumasok ka sa loob—”
“Paano po kayo?” Takot at natatarantang tanong
ng bata.
“Ako nang bahala sa matanda.” Mabilis kong
sabi sa kanya. “Bilis!”
Matapos kong magsalita malayo na agad ang
narating ng bata halos makakapunta na siya barn at
makakapasok sa loob.
Mabilis kong pinasan ang matanda.

113
“Wag mo na akong alalahanin, hijo.” Mabagal
na sabi ng matanda. “Kaya ko na ang sarili ko. Hindi
niyo kailangan matalo ng dahil sa akin.”
Tumayo ako ng buong lakas habang pasan ang
matanda sa aking likuran. Sinimulan ko ang mabilis
na pagtakbo hanggang sa hindi ako makapaniwalang
kaya kong tumakbo ng mabilis.
“Wag na po kayong magsalita.” Sabi ko. “Mas
matatalo po ang grupo kung wala kayo.”
Sa tingin ko dalawampung metro na lang ang
layo namin sa barn pero nakikita kong malapit na
itong sumara.
“Sandali lang.” Sigaw ko.
“Bilis!” Sabi ni Rinda at ng ibang kagrupo niya.
“Kaya mo yan!” Sigaw ng bata.
Hindi ko na alam kung paano pa tatakbo ng
mabilis. Naririnig ko na ang mga patay na tumakbo
malapit sa aming likuran. Hindi ko na rin napansin
ang matanda sa aking likuran. Hindi ko alam kung
humihinga pa siya o hindi na basta ang tanging alam
ko lang ay makaligtas kami at manalo sa training.
Nakikita ko na ng malapitan si Rinda at ang bata.
Mabilis akong pumasok sa loob ng barn at natumba
ng hindi ko mapigilan ang bilis ng aking pagtakbo.
Naririnig kong sumisigaw si Rinda. Sinusubukan
nilang isara ang pintuan. Mabilis akong tumayo sa
aking pagkakadapa kahit na masakit ang aking tuhod
na tumama sa sahig ng barn.
Tinulungan ko silang itulak ang pintuan para
sumara.
“Sige tulak pa!” Sigaw ng mga lalaki.

114
Naririnig ko ang nakakadiring tunog mula sa
mga patay na nabuhay. Mga napupunit na balat,
ngipin na mistulang ngumunguya, at mga butong
mistulang nababali sa tuwing gumagalaw sila.
Dalawang mahabang kahoy ang nalalaglag mula
sa itaas na nagsisilbing kandado ng barn.
Napasandal ako sa pintuan ng maisara namin ang
malaking pintuan. Ang iba ay napaupo at natawa sa
nangyari. Si Dis na kasama ni Rinda ay malakas ang
tawa sa nangyari.
“Nasaan ang iba?” Tanong ko sa kanila.
Sa tingin ko wala pa kami sa sampung nagsara
ng malaking pintuan.
Ngumisi si Rinda gaya ng lagi niyang ginagawa
at umakyat sa hangdanan.
Tinulungan kong makatayo ang matanda mula sa
kanyang pagkakahiga. Alam kong nasaktan din siya
dahil sa hindi ko napigilan ang aking pagtakbo pero
sa tingin ko mas mabuti na ang hindi makatayo mula
sa pagkakabagsak kaysa ang mamatay.
Hindi ko akalain na mga patay na nabuhay ang
susugod at may balak na patayin kami.
Naririnig ko pa rin ang mga hindi maintindihang
sinasabi ng mga patay sa labas pero sa tingin ko isa
lang ang gusto nilang sabihin ang kainin kami.
“Taste my butt suckers!” Sinigawan ni Dis ang
pintuan at sinipa ang ibabang bahagi.
Tumingin ako sa itaas at nakita ko ang ibang
kasama namin sa grupo. Mabilis kong inalalayan
ang matanda para umakyat dahil sa tingin ko mas

115
ligtas sa itaas kung sakali mang mabuksan ng mga
patay ang pintuan.
Nakikita kong binibilang ni Rinda ang bawat
miyembro ng grupo. Doon nakita ko si Nikola
kasama ng ibang kaedad niya.
“Gio!” Sabi niya at gumapang papunta sa akin.
“Saan ka ba nanggaling? Bakit bigla kang nawala?”
“Nakita ko kasi yung matanda na naiwan kaya
tinulungan ko siya.” Sagot ko.
“Twenty-five!” Tinaas niya ang kanyang
dalawang kamay at natutuwang sabi ni Rinda.
“Kompleto pa rin tayo!”
Dahan dahan akong niyakap ng matanda.
“Salamat.” Nakikita ko ang luhang tumutulo
mula sa kanyang mga mata.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi maaalala ang
aking lolo. Bahagyang natutubigan ang aking mga
mata.
“Hoy bata!” Sigaw ni Rinda. “Umakyat ka dito!”
Mabilis na kumilos ang bata at umakyat kasama
namin sa itaas.
“Salamat kuya.” Sabi ng bata.
“Natatakot ka pa rin ba?” Tanong ko sa kanya.
Nakikita ko sa kanya na hindi niya alam kung
paano niya sisimulan ang gusto niyang sabihin sa
akin.
“Simula ng makita ko ang tapang mo?” Sagot
niya. “Sa tingin ko hindi ko kailangang matakot.”
Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.

116
Bumaba si Rinda at lumapit sa mga lalaki sa
ibaba. Huwag naman sana siyang mainsulto sa
sinabi ng bata.
“Magpahinga ka muna.” Sabi ko sa kanya.
“Nikola maaari mo ba siyang bantayan kasama ng
iba?”
Tumango lang siya sa akin sinabi.
Bumaba ako. Hindi pa rin tapos ang mga patay
sa labas sa pagkatok at sa pagbabakasakaling
masisira nila ang pintuan.
“Ano ngayon ang gagawin natin?” Tanong ko
kay Rinda. “Hindi tayo maaaring maghintay dito na
matapos ang oras dahil wala pang isang oras
masisira din ang pintuan ng barn na ito.”
Tumingin ako sa taas. Nakita ko ang bata na
nakikinig sa usapan namin. Alam kong masyado pa
siyang bata para marinig ang usapang ito pero sa
tingin ko matalino siya at hindi basta basta lang bata
katulad ni Jason. Alam kong naiintindihan niya ang
nangyayari at maaaring hindi lang siya handa at
nabigla siya.
“Kailangan natin humanap ng ligtas na lugar
bago matapos ang labing-dalawang oras.” Sabi ni
Rinda sa iba pa. “Sementado at may makakain.”
Paano kami hahanap ng sementadong gusali
samantalang mukha kaming nasa bukid. Matagal ang
proseso ng palay bago maging kanin at alam kong
hindi kami maaaring kumain ng hilaw na repolyo.
“Kung aalis tayo dito at maghahanap ng mas
ligtas na lugar kailangan natin ng depensa.” Sabi ko
sa kanila.

117
“Tama ang sinabi niya.” Sang-ayon ng isa na sa
tingin ko nasa edad 40 pataas.
“Saan naman tayo kukuha ng mga sandata?”
Nalilitong tanong ni Rinda.
Hindi ko akalaing mabait pala si Rinda hindi
katulad ng iniisip ko.
“Halughugin natin ang barn.” Sabi ni Dis.
Mabilis kaming nagkalat at hinalughog ang
maliit na barn.
“Nikola.” Sumigaw ako papunta sa itaas.
“Tingnan mo diyan sa itaas kung may nakatagong
sandata na maaari nating magamit.”
“Sige!” Sagot niya.
Mula sa baba naririnig ko ang ingay ng mga
naghahanap sa itaas. Naririnig ko rin ang ingay ng
mga patay na naghihintay kaming lumabas. Sa tingin
ko mas dumadami pa sila.
Pumunta ako sa bandang likuran ng barn.
Nakakita ako ng isang yero na makakalat sa sahig ng
barn. Dahan dahan koi tong sinipa at naalis sa
kanyang kinalalagyan. Nakita ko ang isang hukay na
may nakatagong maraming baril. Iba’t ibang uri ng
baril.
“Rinda!” Sigaw ko. “Dito!”
Mabilis na nagsipagpuntahan ang iba sa bandang
likuran ng barn. Maging si Nikola ay nakita kong
nasa baba.
“Ang dami!” Sabi ni Dis.
Kinuha ni Rinda isa isa ang baril at tumulong
ako. Sinabit niya sa kanyang katawan ang isang

118
M4A1 at kinuha ang COLT Government na baril.
Pinasa niya sa iba ang kinukuha niyang baril.
Umalis siya sa kanyang kinauupuan at tinawag
ang ibang nasa itaas. Mabilis na bumaba ang
maraming nasa itaas at kumuha ng baril. Labing-
apat sa grupo ay mga kaedad namin ni Nikola—
walong babae at anim na lalaki. Isang matandang 70
taong gulang na at isang bata at anim ang kasing-
edad ni Rinda.
Kinuha ko ang dalawang Glock 17 na baril at
isang smoke at M67 frag na bomba. Kumuha ako ng
sobrang magazine para kung sakaling maubusan
man ako ng bala at nilagay sa bulsa ng aking jacket.
Nakita kong kinuha ni Dis ang AK-47 at sumilip
sa pintuan ng barn na parang sinasabi sa mga patay
na humanda-kayo-may-baril-ako.
Si Nikola sa aking kanan ay tuwang tuwa sa
hawak niyang M21 Sniper na sa tingin ko
pinaglipasan na ng panahon. Yumuko siya at
nakisali sa ibang namimili ng baril. nakita kong
tumayo siya kasama ang isang Tiger Stripe Deagle
Gold.
“Woah!” Nabighani niyang sabi at ang lahat ay
napangin sa hawak niya. “Ito ang pangarap ko
ngayon hawak ko na!”
Mabilis na nagyukuan ang iba sa tingin ko
nagbabakasakaling may makita pa silang katulad ng
baril na hawak ni Nikola.
Lumapit ang bata sa akin at sa tingin ko kukuha
siya ng baril.
“Bawal sayo ang baril.” Sabi ko sa kanya.

119
Nakatingin sa akin ang ibang mga lalaki na
parang pinagtatawanan ako.
“Kaya ko.” Sabi niya.
“Pero masyado ka—”
“Pabayaan mo siya.” Sabi ng matanda sa akin.
Kinuha ng bata ang Remington 700 na sniper at
sinabit sa kanyang katawan.
“Matagal ko na siyang nakikita.” Pabulong na
sabi sa akin ng matanda. “Magaling siya sa sniper.”
Hindi ko akalaing susuportahan siya ng matanda
sa paggamit niya ng baril.
“Handa na ako.” Sabi niya kay Rinda. “Ano ang
plano?”
Lumapit si Rinda sa bata. “Subukan nating
maging ligtas ang lahat!”

120
SEVEN

HINDI KO ALAM KUNG bakit ako ang naisip nilang


gamitin. Dahil ba ako lang ang may hawak ng
bomba?
“Pagbilang ko ng tatlo mabilis at malayo mong
ihagis ang bomba na yan!” Sigaw ni Rinda mula sa
baba.
“Okay!” Sagot ko.
Nakadungaw ako sa bintana mula sa itaas.
Nakikita ko ang madilim na paligid. Nakakatakot.
Ang palayan kung saan kami nanggaling kanina.
Ang taniman ng repolyo kung saan ko nakita ang
matanda at pinaktakbo ang bata. Hawak hawak ko
ang M67 frag na bomba at aambang ihagis sa
bintana ng barn.

121
“Isa…” Sigaw ni Rinda.
Kung nasaan man ngayon si Will sana maging
maayos siya. Sana katulad ko rin siya na malakas
ang loob. Kung kasama ko lang siya ngayon hindi
ko na kailangan mag-isip ng ganito at alam kong
ililigtas namin ang isa’t isa.
“Dalawa…”
Sa aking pagkakaalam kailangan naming maging
ligtas at samasamang makaligtas. Si Rinda? Hindi
ko inakala na may malasakit siya sa iba. Ang
pinagtataka ko lang ay kung ano ang ginagawa ng
matandang nasa harapan kong tumatakbo kanina sa
maputik na bahagi ng taniman. Nasaan na ang
dalawang lalaking kasama niya? Kung nakilala ko
lang ang dalawa, may posibilidad na makausap ko
sila kung bakit nila iniwan ang matanda—kung
sakali lang.
“Tatlo!” Sigaw ni Rinda.
Mabilis at malakas kong hinagis ang bomba
kasama ng isang flashlight para makita ng mga patay
ang liwanag at sundan nila.
Tumingin ako sa ibaba at nakita kong
sumisenyas si Rinda kung maayos na o wala na ang
mga patay na nakaharang sa pintuan. Mabilis akong
bumalik ng tingin sa bintana. Nakita ko ang
karamihan sa mga patay ay tumatakbo para
masundan ang hinagis kong bomba. Sa tingin ko
dalawampung metro ang layo ng pagkakagis ko.
Mabilis akong tumugon sa sinyales ni Rinda at
binuksan nila ang pintuan. Kasabay ng magbukas ng
pintuan ay mabilis akong bumaba para samahan sila.

122
Nagsisimula pa lang kami magpaulan ng bala ay
biglang sumabog ang hinagis kong bomba. Marami
sa mga patay ang namatay at tumalsik. May ibang
nakarinig ng putok ng baril kaya tumabo papabalik
sa aming kinatatayuan.
“Tayo na!” Sigaw ni Rinda habang binabaril ng
COLT Government ang bawat patay na humahabol
sa amin.
Dalawa kami ni Rinda sa hulihan at sa di
kalayuang unahan namin sila Nikola, Dis, at ang
ibang mga lalaking nasa edad 40 pataas. Sa unahan
ng grupo nakikita ko ang matanda at bata na
nangunguna sa pagtakbo. Sa tingin ko nasabi naman
ni Rinda sa bata kung saan ang destinasyon.
Mabibilis na humahabol ang mga patay at akala
mo sampung taon nang hindi kumakain.
“Come to daddy!” Sabi ni Dis kasabay nito ang
pagbaril niya sa bawat patay na lumalapit sa kanya.
Nakikita kong mukhang natutuwa pa si Dis sa
ginagawa niya pero salamat naman at marami siyang
napapatay.
Nang halos maubos namin ang humahabol sa
aming likuran nakita ko ang bata na bumabaril gamit
ang sniper na hawak niya sa bawat patay na
sumasalubong sa dadaanan nila. Ang galing niya,
tama ang matanda. Para siyang isang tunay na
sundalo.
Inaamin ko ngayon lang ako nakahawak ng baril
kaya masaya ako sa tuwing makakapatay ako ng
patay. Masakit sa tainga sa kapag naririnig ko ang
putok ng mga baril at sa tingin ko matindi ang

123
dalang trauma nito sa ta pero sa sitwasyon ng bata
mukhang hindi siya dadapuan ng trauma.
Mabilis naming narating ng parang highway.
Walang katao-tao at mistulang kami lang ang laman
ng mundo—maliban na lang sa mga patay na
humahabol sa amin. May tatlong sasakyan kaming
nakita sa gitna ng highway. Mabilis naming
pinuntahan ang isa sa mga sasakyan.
“Dis, Nikola sa asul na sasakyan.” Mabilis na
utos ni Rinda. “Leo, Jasper sa puting sasakyan.
Tingnan niyo kung gumagana ang sasakyan.”
Leo pala ang pangalan ng isang lalaking
mukhang 43 na taong gulang na. Dark-red-orange
ang kulay ng kanyang jacket, malaki ang katawan at
kalbo ang kanyang ulo.
Si Jasper ang kaninang sumang-ayon sa sinabi
ko noong nasa loob pa barn at mukhang 40 na taong
gulang na. Kulay golden-copper ang kanyang jacket
at flattop ang istilo ng kanyang buhok.
Sumunod ako sa kanya at tiningnan lang ang
ginagawa niya. Ang iba naman ay tumutulong na sa
paggawa ng sasakyan. Alam kong wala akong alam
sa bagay na ganyan kaya hindi ako lumalapit sa
kanila.
Dalawang palapag ang bus na sinusubukang
ayusin ni Rinda. Kulay pula na mistulang galing pa
sa London at mukang pinaglumaan ng panahon.
Mabilis na pumasok si Rinda sa loob para subukan
kung gumagana ang sasakyan. Narinig ko ang tunog
ng motor ng sasakyan at mukhang napagan ni Rinda.

124
“Leo, Jasper, Nikola, Dis!” Sumilip siya sa
bintana na parang isang driver na nagtatawag ng
mga pasahero. “Kayong lahat sumakay na kayo!”
Sa bandang dulo kung saan kami nanggaling
nakikita ko ang hindi mabilang na patay na taong
tumatakbo ng mabilis at sa tingin ko mas marami
sila ngayon.
“Zombies!” Sabi ng bata mula sa taas ng bus.
Napatingin ang lahat sa kung saan tumuturo ang
hintuturo ng bata.
Zombie? Oo magandang pangalan para sa mga
taong patay na kumakain ng buhay na tao.
“Bilis pumasok na kayo!” Sabi ko.
Mula sa itaas ng bus na ririnig ko ang mga putok
ng baril. May mga nalalaglag na metal galing sa taas
na alam kong galing sa bala ng isang sniper. Nakita
ko ang bata na sunod sunod ang pagbaril sa mga
zombies na tumatakbo papunta sa aming
kinatatayuan.
“Nikola bilis!” Sabi ko sa kanya at ng
makapasok ay agad na akong sumabit at
pinagbabaril ang mga malapit na zombie.
Mabilis na pinaandar ni Rinda ang bus at sinara
ko ang pintuan. Ang bata sa itaas ay hindi pa rin
tapos sa kanyang pagbaril hanggang sa malayo na
ang bus natigil din ang ingay na dala ng sniper.
Umakyat ako sa itaas ng bus. Doo nakita ko ang
ibang mga babaeng halos kasing edad ko na
nakatingin sa akin. Nginitian ko sila at ganoon din
ang sagot nila sa akin. Nakita ko ang matanda na
nakaupo sa harapan ng bata.

125
“Okay lang po ba kayo?” Tanong ko sa kanya
habang nakatayo sa gilid ng kanyang upuan.
Tumango lang siya at ngumiti sa akin.
Lumakad ako papunta sa upuan ng bata. Hindi
ko akalaing matapang siya. Ang batang kaninang
natatakot at umiiyak ngayon matapang na bumabaril
at pumapatay ng mga zombies.
“Okay ka lang?” Tanong niya sa akin habang
nakatingin sa madilim na tanawin.
Hindi ko inaasahang ako ang tatanungin niya ng
ganoong klase ng tanong. Hindi ako magtataka kung
ang batang ito ay magiging katulad ni Jason balang
araw.
“Uh—uh oo naman.” Sagot ko. “Siguro napagod
lang ako.”
“Magaling ka.” Sabi niya sa akin. “Matalino.”
“Uh… huh?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Maganda ang pinapakita mo sa amin.” Sabi
niya. “Pero hindi dito magtatapos ang lahat.
Training lang bagay na ito.”
Training? Teka! Muntik ko nang makalimutan
na training lang ang ibig sabihin ng lahat ng
nangyayari ngayon. Oo, tama hindi ito ang
kompetisyon. Kailangan namin maging matatag
bilang grupo kaya ganoon na lang ang
pagmamalasakit ni Rinda, Dis, Jasper, Leo, at ng iba
sa lahat, para manalo sa unang training at makuha
ang personalidad ng isang Inventor.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay bigla siyang
nagsalita. “Ang ikinakatakot ko lang na baka ikaw

126
mismo ang tumalo sa akin pagdating ng
kompetisyon.”
Ako?
“Marami tayo.” Sagot ko sa kanya. “At sa tingin
ko may posibilidad na hindi tayo magkita sa
kompetisyon.”
“Ang lahat ikaw ang nakikitang magiging
matinding kalaban.” Sa pagkakataong ito tumingin
siya sa akin.
Ako? Paano naman nila nasabi na ako ang
magiging kalaban nila? Hindi pa sapat ang
nalalaman at natutunan ko para maging kalaban ng
ibang matatanda—lalo na si Rinda.
“Maaari ko namang sabihing hindi kita
tatalunin.” Nakangiti kong sabi sa kanya para
maitago ang pagkakaba na binigay niya sa akin.
“Magtutulungan tayo na makuha ang flying ST para
sa isa’t isa. Ano ba ang gusto mo Golden ST? Silver
ST o Copper—?”
“Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo ngayon.”
Pagpapaliwanag niya. “Ikaw na ang nagsabi kanina
marami tayo—pitumpu’t-limang Competitor. Sa
tingin mo ba madali ang kumuha ng dalawa ngayong
maraming nag-aagawan sa isa?”
Tama siya. Kahit kailan hindi pumasok sa isip
ko na magsasalita ang batang ito sa akin ng ganoong
mga salita. Matalino siya na parang si Jason kaya
may pag-asa siyang manalo.
Ang nangyari kay Bert at Tom. Ang pangako
nila sa isa’t isa hindi natupad dahil sa kasakiman at
pagnanais sa flying ST. Siguro ganoon din ang

127
gustong ipakita sa akin ng batang ito. Kahit anong
pakikipagkaibigan mo sa kompetisyon, ang
kompetisyon ay kompetisyon at wala kang maaaring
maging kaibigan.
Nakita ko ang mga luha sa mata ng bata.
“Alam mo kahit ako hindi ko alam kung
mananalo ako o hindi.” Pagpapaliwanag ko sa kanya
para hindi matuloy ang pagluha niya pero hindi ako
nagtagumpay at mabilis na tumulo ang luha ng bata
sa kanyang mga mata. “Hindi ko rin kung papaano
habulin at makuha ang flying ST kaya wala pa rin
akong kasiguruhang mananalo ako.”
“Sinubukan na kita.” Sabi niya habang
pumapatak ang kanyang luha sa kanyang sniper.
“Kanina, nagpanggap akong natatakot at
nagbakasakaling makita kita kung paano sumuko
pero hindi mo ginawa. Sinubukan kitang lituhin
habang tumatakbo ka pero hindi ka nawala sa sarili
mo. Mabait ka at alam kong iyon ang taglay ng
isang Inventor.”
Sinubukan niya ang lakas ko? Pero bakit niya
iyon nagawa? Papaano niya naisip ang bagay na
iyon ngayong may score na individual at by group
ang training na ito?
“Nasubukan na rin kita.” Sabi ng matanda sa
pabulong na boses. Ngayon ko lang siya napansin na
nakatayo sa kaliwang gilid ko. “Nagkunwari akong
napilayan pero iniwan ako ng dalawang umaakay sa
akin para makatakbo sila sa barn. Alam kong ikaw
ang mamakita sa akin kaya pumunta ako sa
bahaging maputik ng taniman at humandusay. Kahit

128
na sabihin ko sa iyo ang tunay kong nararamdaman
—na kaya ko—hindi mo pa rin ako iniwan.”
Maging ang matanda sinubukan ako? Ano sa
tingin nila ang ginagawa nila? Hindi ba nila inisip
ang grupo kung ano ang magiging score? Ang
kanilang sarili, hindi ba nila naisip ang magiging
score nila at ang kaligtasan nila?
“Magkikita tayo sa kompetisyon pinapangako ko
iyan.” Pinunasan ng bata ang luha sa kanyang mga
mata. “At kapag nagkita tayo matatalo din kita!”
Ngumiti siya sa akin na parang nakikipaglaro.
“Ako din.” Mabagal na sabi ng matanda. “Kung
nakikita kong magaling ka at nakakatakot,
susubukan ko pa rin ang talunin ka sa Golden ST.”
“James.” Inabot ng bata ang kanyang kanang
kamay sa akin na parang nakikipagkilala.
“Francis.” Katulad ng ginawa ni James inabot
din ng matanda ang kanyang kamay sa akin at
nagpakilala.
Inabot ang kanilang mga kamay at ngumiti.
“Gio.”
Tumayo at tumawa ng mabagal ang matanda
habang pabalik sa kanyang upuan.
Nararamdaman ko ang bahagyang paghinto
hinto ng sasakyan. Tumayo ako at lumakad papunta
sa harapang bahagi ng bus. nakita ko ang madilim na
lungsod sa tingin ko isang kilometro pa ang layo.
Habang tinitingnan ang madilim na lungsod ay
naramdaman kong biglang huminto ang sasakyan.
“Gio!” Narinig kong sumigaw si Nikola mula sa
baba.

129
Mabilis akong bumama.
“Wala na tayong gas.” Sabi ni Rinda. “Sa tingin
ko isang kilometro pa ang layo ng lungsod sa ating
harapan. Maaari tayong maglakad para makakuha ng
gas, siguro makakakita na rin tayo ng pagkain sa
lungsod na iyon at mga bala para sa baril.”
“Paano kung lahat tayo ang pumunta sa lungsod
na iyon?” Tanong ni Leo. “Hindi na natin kailangan
ng gas, pagkain na lang ang problema na tin.”
“Hindi maaari.” Sabi ni Jasper. “Dalawampu’t-
lima tayong nakasakay sa bus ngayon kung lahat
tayo lalakad papunta ng lungsod may posibilidad na
mangyari ang nangyari kanina sa palayan.”
Sa pagkakataong ito naramdaman ko ang gutom.
Ito siguro ang sinasabi ni Jenny na kailangan namin
ng lakas bago sumabak sa unang training.
“Tama siya.” Pagsang-ayon ni Dis.
“Kung ganoon. Kailangan may magbantay sa iba
nating kasama dito.” Sabi ni Jasper.
“Ako.” Sabi ng isang babae na bumaba mula sa
taas. “Sa tingin ko kaya ko silang protektahan. sa
kapahamakan.”
Nakasuot siya ng velvet na kulay ng leather
jacket at Hime cut ang istilo ng kanyang pulang
buhok. Nakita ko na siya kanina sa taas pero hindi
niya ako nginitian hindi katulad ng ginawa ng
kanyang mga kasama.
“Industrial House. Sixteen-years-old.” Sabi niya
sa malambot na boses at parang nangungumbinsing
payagan siyang magbantay ng ibang grupo. “Anak

130
ng isang General sa Argentum. Sa loob ng sampung-
taong-gulang nasabak na ako sa giyera.”
Okay. Sa tingin ko kahit na limang taong gulang
pa lang siya ay sumasabak na siya sa giyera at kahit
ama pa niya ang pinakamataas na general sa
Pilipinas hindi niya pa rin kayang talunin ang daan
daang zombies na mabilis at nangangain ng tao.
Tumingin siya sa akin na parang binabasa ang
sinasabi ng aking isip. Ngumiti ako sa kanya para
pagtakpan kung naririnig niya ang sinasabi ng isip
ko.
“Hindi.” Sabi ni Rinda. “Ako ang maiiwan.
Kasama ka ni Jasper, Leo, Nikola, at Gio.”
Ano? Kasama ako?
“Halina kayo!” Sabi ni Nikola na parang masaya
pa sa narinig mula kay Rinda.
Gusto ko siyang sikuhin para ipakita sa kanyang
hindi ako masaya at gusto kong siya lang ang
magsaya pero hindi ko dapat pabayaan ang mga
kasama ko, kailangan namin ng gas para makapunta
sa ligtas na lugar at alam kong hindi dito yun sa
lungsod na ito.
Bumaba ng bus si Jasper at Leo. Sumunod ako at
si Nikola maging ang babae ay sumunod.
“Hi. Nikola.” Sabi ni Nikola sa babae at inabot
ang kanyang kanang kamay.
“Grace.” Sabi ng babae at hindi pinansin ang
kamay ni Nikola.
Naglakad siya kasunod ni Jasper at Leo na
patingin tingin sa paligid. Tumingin ako sa bintana
kung saan nakaupo si James. Nakasilip siya at

131
nagbigay ng sinyales na kaya-mo-yan at
makakahanap-din-kayo-ng-pagkain-para-sa-grupo.
Ngumiti ako sa kanya. Tumalikod at naglakad
kasama si Nikola.
Tahimik kaming naglalakad at tanging ang
hangin lang ang gumagawa ng inagay. Tatawid pa
lang kami ng tulay naramdaman ko na ang takot sa
kanilang lugar. Parang sa tingin ko may naghihintay
sa aming kapahamakan. Bigla akong kinabahan at
nilamig.
“Bakit?” Tanong ni Nikola.
“Wa—wala.” Sagot ko sa kanya.
Nakikita kong naging alisto si Jasper at Leo sa
kanilang pwesto at napahinto sa paglalakad. Parang
may narinig silang dalawa at sabay na napahinto.
Nakita kong naging matindi ang kapit nilang dalawa
sa hawak nilang mga baril. Si Grace naman parang
walang naririnig na kahit ano at patuloy pa rin sa
paglalakad at sa tingin ko makakatawid na siya sa
kabilang lugar—sa siyudad.
“Grace, anong ginagawa mo?” Pabulong na sabi
ni Japer.
Lumingon si Grace sa aming kinatatayuan at
nagbigay ng bakit na sinyales.
“Iyan ang gusto ko sa babae ay matapang.” Sabi
sa akin ni Nikola.
“Hindi ito ang oras para magbiro ka.” Sabi ko sa
kanya.
Matapos kong magsalita biglang lumakas ang
hangin. Ngayon ko lang napansin na nasa gitna na
kami ng tulay. Dahan dahang lumakad pababa ng

132
tulay si Jasper at Leo at mabilis kaming sumunod sa
kanila. Nakikita ko si Nikola sa aking likuran na
nagmamasid sa aming likuran. Bahagyang lumapit
ako sa gilid ng tulay para silipin ang tubig. Madumi
ang tubig. May mga basurang nagkalat at hindi
maganda ang amoy. Kahit sa tulay may mga kalat at
basurang nagkalat.
Sa aming harapan, nakikita kong nakatayo lang
si Grace at hinihintay kaming makapunta sa kanyang
kinatatayuan.
Mabilis na lumapit si Japer at Leo kay Grace.
“Ani ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” Naiinis
na tanong ni Jasper. Hinawakan niya ang kanang
braso ni Grace. “Ipapahamak mo ang grupo!”
“Bakit may nangyari bang masama sa akin—sa
atin?” Nang-iinis niyang sagot. “Parang hindi kayo
mga lalaki!”
Tinabig niya ang kamay ni Jasper na nakakapit
sa kanyang braso at nagkalad mag-isa papunta sa
lungsod.
Naalala ko sa kanya si Clarisse. Matapang siya at
matalino sa mga kalaban. Alam ni Clarisse kung
sino ang mga pagkakatiwalaan niya.
Pumunta sa Grace sa bungad ng lungsod. Sa
unang tindahan—isang Chinese store—ng lungsod
niya pinatong ang kanyang kanang paa at inayos ang
kanyang sapatos na sa tingin ko ay natanggal ang
sintas.
Sa ibabaw ng Chinese store mababasa ang
nakasulat sa arko na WELCOME TO CITY OF DREAMS.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng City of

133
Dreams na nakalagay pero hindi naman mukhang
panaginip lang ang nangyayari dahil hanggang
ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit sa aking
tuhod ng hindi ko mapigilan ang aking pagtakbo
kanina.
Ngayon ko lang napansin na kaming lahat ay
nakatingin sa arko—maliban kay Grace—at parang
naghihintay ng himala mula sa madilim na
kalangitan.
Wala pang isang minuto kaming nakatingin sa
arko ay biglang may naramdaman kaming malakas
na hangin. Masyadong malakas kaya napunta si
Grace sa amin, magulo ang kanyang buhok at sa
tingin ko ganoon din ang nangyari sa amin.
“Ano ang bagay na iyon?” Nagtatakang tanong
ni Nikola.
“Walang nakakaalam!” Sagot ni Grace. “Pero sa
tingin ko hindi naman nakakatakot.”
Umalis si Grace sa kanyang kinatatayuan at
pumasok sa loob ng siyudad.
“Teka! Sandali Grace!” Pagpipigil ni Leo sa
kanya pero parang wala siyang naririnig.
Mabilis na sinundan ni Leo ang babae at
sumunod na rin si Jasper. Hindi ko maintindihan sa
kanila kung bakit ayaw pa nila pumasok sa siyudad
samatalang kung may masamang mangyayari sa
amin o may halimaw o masamang tao dapat kanina
pa sila lumabas at kinain kami.
Mabilis din kaming sumunod ni Nikola sa tatlo.
Parang tunay na siyudad siya kaya lang walang
katao tao kahit isa. Ang mga bahay ay mistulang

134
inabandona—sa palagay ko sobrang dumi na ng
loob ng bawat bahay. May mga banderitas na
nakasabit sa bawat magkatapat na bahay. Makukulay
pero ngayon hindi ko makita ang kulay dahil sa
dilim na naghahari sa siyudad. Simula ng pumasok
kami isang tindahan pa lang ang nakikita namin—
ang Chinese store na kaninang pinatungan ni Grace
ng paa, pero jewelry store ang tinadahan na iyon,
walang pagkain, tubig, o gas.
“Sa tingin mo may makikita tayong tindahan
dito?” Tanong ni Nikola sa akin.
Hindi rin ako sigurado sa isasagot ko sa kanya
dahil sa iniisip ko ang mga kasamahang naiwan sa
bus kasama ni Rinda. Iniisip ko kung mabuti ba ang
lagay ni James at Francis.
“Hindi ako sigurado.” Sagot ko sa kanya. “Basta
dapat makahanap tayo hanggang maaga pa.”
Isang malaking bahay ang pinasok namin. May
garden ang loob ng bahay. Mabilis na nabuksan ni
Jasper ang pintuan ng bahay at pumasok kami sa
loob. Naririnig kong kumakanta si Grace ng kantang
Phantom of the Opera na hindi maganda pakinggan
para sa isang nakakatakot na bahay.
“Maganda pala ang boses mo.” Sabi ni Nikola.
Nakita kong hindi siya pinansin ni Grace at
ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sa akin.
Ang ganda ng sala sa buong bahay kaso
masyadong maalikabot at maraming sapot ng
gagamba ang nakapagid sa buong bahay.

135
“Ako dito sa sala.” Sabi ni Leo. “Jasper, Nikola
maghanap ka ng makakain sa pangalawang baitang
at Gio, Grace sa ikatlong baitang.”
Mabilis na umakyat si Grace ng marinig ang
pangalan niyang pinapaakyat sa ikatlong palapag.
Kasabay kong umakyat si Nikola at Jasper sa pag-
akyat sa taas.
Pagdating sa ikalawang palapag naglakad si
Jasper at Nikola ng magkahiwalay at umakyat ako
papunta sa ikatlong palapag.
Sa unang silid sa ikatlong palapag nakita ko si
Grace na sinusukat ang damit na mistulang
pangmamayaman—mga kwintas, sapatos, hikaw, at
kung ano-ano pa—habang kumakanta. Alam kong
hindi naman ganoong kahirap sa Argentum pero
bakit ginagawa ni Grace ito.
Nakita kong binaba niya ang mga hawak, tinigil
niya ang pagkanta at mistulang titingin sa
kinatatayuan ko. Mabilis akong nagtago sa pader ng
silid dahil sa tingin ko naramdaman niyang
nakatingin ako sa kanya.
Dahan dahan akong pumunta sa pangalawang
silid sa kanang bahagi ng bahay. Bumungad sa akin
ang malaking kama at magandang aparador.
Binuksan ko ang aparador at nakita ko ang
gumamela sa loob nito, mistulang matagal na ang
bulaklak pero hindi pa rin nalalanta. Naalala ko
tuloy si Sarah dahil gumamela ang paborito niyang
bulaklak. Kung nabubuhay lang si Sarah ngayon
sigurado akong magagalit siya kay Will dahil sa
ginagawa ni Will sa akin. Hindi ko namalayan na

136
tumutulo ang hula sa aking mga mata, mabilis kong
pinunanasan. Pumunta ako sa bintana at binuksan
ito. Malakas na hangin ang sumalubong sa akin
mukha at madilim na kalangitan. Kaunti na lang ang
bituin hindi katulad kanina. Maganda ang tanawin
pero parang patay ang siyudad—kaya mukhang
malungkot. Sa bandang kaliwa ng aking natatanaw
ay ang mga bahay na maliliit at sa tingin ko ang mga
bahay na iyon ay nadaanan na namin kanina. Sa
bandang kanan may nakikita akong amusement park
—roller coaster, ferris wheel, malaking bulkan na
hindi totoo at kung ano ano pa na sa tingin ko
magandang puntahan pero alam kung wala na
kaming oras—at sa bandang kanan pa isang
malaking buiding na mistulang mall.
Mall?! Baka may pakain at gas doon!
“Leo!” Sigaw ko. “May mall sa tabi ng
amusment park sa kanang bahagi ng siyudad mula
dito.”
Mabilis akong bumaba para makita si Leo.
“Sa kanang bahagi ng siyudad mula dito may
malaking gusali.” Sabi ko at pagtingin ko sa aking
likuran nakita ko si Jasper, Nikola, at Grace. “Baka
nandoon ang kailangan natin!”
“Halina kayo!” Sabi ni Leo.
Mabilis kaming lumabas ng malaking bahay at
tumakbo papunta sa kanang bahagi ng siyudad.
Nararamdaman ko ang malakas na hangin mula sa
aking likuran at sumasalubong papunta sa aking
harapan.

137
“Sigurado ka ba sa nakita mo Gio?” Tanong ni
Grace. “Baka mapahamak tayo sa gusaling iyon?”
“Kung mag-iingat tayo hindi tayo
mapapahamak.” Sagot ni Jasper.
Mabilis kaming tumakbo para mabilis na
makarating sa gusali. Nakikita ko na ang malaking
ferris wheel at roller coaster pero sa tingin ko
malayo pa kami ng biglang may malakas na tahol
ang aming narinig mula sa aming likuran. Hinahabol
kami ng malalaking aso na halos hanggang bewang
namin—parang ang aso na ginamit ni Isabelle sa
kompetisyon pero sa tingin ko hindi lang basta tatlo
ang asong tumatahol sa aming likuran at sa tingin ko
mahigit sampu sila.
Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang
mga mistulang sabik na aso na makakagat at
makalapa. Nakakatakot sila pero hindi nakakatakot
tulad ni Adam—hybrid na aso ni Antony—dahil
kakaiba siya at ang mga aso na ito ay sadyang
malalaki at mabibilis.
“Ano ang mga nilalang na iyan?” Nabilis pero
natatakot na tanong ni Nikola.
“Wala akong ideya pero ang alam ko kailangan
lang nating makaligtas!” Sagot ni Leo.
“Saan Gio?” Tanong ni Jasper ng makita ang
dalawang daanan sa aming harapan.
“Kanan!” Sagot ko ng hindi tumitigil sa
pagtakbo.
Wala pang sampung minuto matapos kaming
habulin ng mga aso ay nakalas kami sa mistulang
village ng siyudad at nakarating kami sa malawak na

138
bahagi ng siyudad. Kitang kita ko ang taas at laki ng
ferris wheel at nakakatakot na roller coaster. Sa tabi
ng amusement park nakita namin ang mataas na
mall.
“Iyon!” Sabi ko habang tinuturo ang gusali.
Patuloy pa rin sa pagkahol ang mga aso na
parang desididong hindi kami tigilan. Mas naririnig
ko ngayon ang inagay nila dahil sa malawak na
kalapigiran. Kasabay nito ang malakas na hangin na
nararamdaman ko. Mas lumalakas pa ang hangin na
naramdaman ko.
Nakita kong binaril ni Jasper ang aso na
nakasunod sa kanya. Patay ang aso ng tamaan sa ulo.
Sunod sunod niyang pinatay ang nakahabol na
malapit sa amin. Sa tingin ko anim na aso ang
napatay niya.
Apat sa mga aso ay huminto at nakangisi na
parang aambang mangangagat. Nauuna ang kanilang
dalawang kamay kaysa sa kanilang mga ulo.
Nararamdaman ko ang malakas na hangin.
Parang gusto akong tangayin papunta sa ibabaw
pero hindi ko kayang talikuran ang mga kasama ko
sa harap ng mga aso na ito.
“Gio yuko!” Sigaw ni Leo mula sa aking likuran.
Hindi ko alam kung bakit yumuko ako pero
kasabay ng pagyuko ko ang isang putok ng baril
mula kay Leo. Narinig ko ang pagbagsak ng
mistulang malaking bagay mula sa taas. Tumingin
ako sa aking likuran at nakita ako ang isang
malaking tao—sa tingin ko walong talampakan—na
may pakpak. Wala siyang damit kahit isa. Kalbo at

139
ang pangit ng mukha. Malalim ang kanyang mga
mata, walang ilong, mahaba ang kanyang mga
tainga, at matutulis ang kanyang mga ngipin na
parang ngipin ng pating. Wala siyang kamay pero sa
tingin ko ang kanyang paa ang nagsisilibing kamay
niya para kumuha ng kanyang mabibiktima, maging
ang kuko ng kanyang mga paa ay mahahaba at
matutulis.
“Ahhh…” Sigaw ni Grace matapos mapabagsak
ang malaking paniki.
Nakita kong hinahatak ng isang malaking aso
ang paa ni Grace at naglalakad ng paatras ang aso.
Walang hawak na kahit anong armas si Grace kaya
hindi kayang mapatay ang aso. Nakikita kong
sinisipa ng isang paa niya ang ulo ng aso.
“Grace!” Sigaw ko.
Mabilis akong tumayo at nilapitan ang aso at
binaril sa ulo. Mabilis na nawalan ng malay ang aso
at nadaghanan ang paa ni Grace ng bahaging leeg ng
aso. Lumapit ako at hinatak ang kanyang mga
kamay para makaalis siya sa pagkakadaghan ng aso.
“Dali sa mall!” Sabi ni Leo.
Mabilis ko siyang inakay si Grace papunta sa
mall. Nakita kong tumatakbo si Nikola, Jasper, at
Leo malapit na sila makapunta sa mall. Nang
makapunta sila sa harapan ng mall, nagsimula nilang
barilin ang kung ano man ang mga halimaw na
sumusunod sa aming likuran. Nakikita ko rin na may
binabarili si Leo sa itaas at sa tingin ko may taong
paniki ang may gustong kunin kami.

140
Pipilay pilay na naglalakad si Grace habang
akay-akay ko siya papunta sa mall. May mga taong
paniki rin akong nakikitang bumabagsak sa aming
harapan at wala ng buhay.
“Bilis!” Sabi ni Leo at inabot niya ang kanyang
kanang kamay kay Grace. Mabilis na binuksan ni
Jasper at Nikola ang salaming pinuan ng mall.
Mabilis kaming tumakbo papasok sa loob at sinara
uli ni Jasper at Nikola ang pintuan. Nakita ko ang
mga taong paniki na pinipilit na makapasok sa loob
ng mall. Inuuntog nila ang kanilang mga ulo at batok
at sa tingin ko sinusubukan nilang basagin ang
salamin.
Umakyat kami sa taas—gamit ang sirang
escalator—at mabilis na naghanap ng mga supply ng
pagkain.
“Okay na kaya ko na.” Sabi ni Grace at
sinusubukan niyang alisin ang kanyang braso sa
balikat ni Leo.
Nakarating kami sa pangalawang baitang ng
mall at tumakbo kami sa Food Store.
“Kailangan mo ito.” Inabot ko kay Grace ang isa
sa mga baril ko.
Tiningnan niya habang tumatabong ika-ika ang
baril na binibigay ko sa kanya.
“Salamat!” Tinanggap niya ang baril na
binibigay ko sa kanya.
Mabilis akong tumakbo sa silid kung saan
nakatago ang mga pagkain. Kumuha ako ng body
bag at sinilid ang mga manok sa loob ng bag.
Nakikita kong ganoon din ang ginagawa nila Jasper,

141
Nikola, at Leo pero si Grace may ginagawa sa
kanyang paa. Hindi pa ako tapos magpasok ng mga
pagkain biglang may narinig akong nabasag na
salamin. Lumakas ang hangin sa loob ng mall at sa
tingin ko kayang tangayin ang bag na dala ko.
“Nasira ang pintuan?” Napatayo si Grace mula
sa kanyang pagkakaupo ng makita ang mga taong
paniki na nakapasok sa loob ng mall.
Mabilis kaming nagtayuan at tumakbo papunta
sa ikatlong baitang. Sa tingin ko mga anim na taong
paniki at nakapasok sa loob at ang iba ay
sinusubukang sirain ang salamin sa itaas ng mall.
Nakikita kong marami sila at nagkakaisa. May
tatlong asong tumatahol sa ibaba ng mall at
mistulang naghihintay na may malalag sa amin.
Tinatabig ng isang taong paniki ang escalator na
inaakyat namin at ang iba ay sinusubukang kunin
kami gamit ang kanilang mga paa.
Nakangisi pa ang marami sa kanila na parang
hindi na makapaghintay na mahuli kami.
“Grace, mauna ka na!” Sabi ni Leo.
Mabilis na umakyat si Grace sa ikatlong palapag
ng mall. Nakikita ko si Leo at Jasper na binabaril
ang mga taong paniki na mabilis na lumulipad
papunta sa amin. Si Nikola sinusubukang makapunta
sa ikatlong palapag para matulungan si Grace sa
pagbaril sa mga aso sa baba.
“Gio sumunod ka na!” Sigaw ni Jasper ng
makarating si Nikola sa ikatlong palapag.

142
Mabilis akong dumaan sa gilid ni Leo at
bahagyang binabaril ang ibang taong paniki na kahit
alam kong wala akong tinatamaan.
Hindi ko napansing nakaakyat si Leo at Jasper
matapos kong umakyat. Nakikita kong halos maubos
nan i Leo ang mga taong paniki sa loob ng mall pero
bago mangyari iyon isang malakas na pagsabog ang
narinig ko mula sa itaas. Mistulang salamin na
pinasabog. Sa pagkakataong ito mas lalong lumakas
ang hangin sa loob ng mall at sa tingin ko galing
mga taong paniki ang malalakas na ihip ng hangin.
“Dito!” Sigaw ni Leo.
Mabilis akong sumunod kung saan siya tumakbo
at nakikita ko si Grace na tumatakbo kasunod ni
Leo. Sa kabilang bahagi ng mall nakita ko si Nikola
at Jasper na hanggang ngayon ay binabaril ang
maraming halimaw. Sa aking harapan sumasabay si
Grace at Leo sa barilan.
“Grace!” Isang taong paniki ang akmang
huhulihin siya pero bago pa mangyari ang bagay na
iyon ay mabilis kong binaril sa nakakatakot na
mukha ang halimaw. Bumagsak ang halimaw sa
harapan ng aking mga paa.
Tumingin si Grace sa akin na parang walang
nangyari. Sa tingin ko hindi niya alam na muntikan
na siyang mahuli ng halimaw na iyon.
Sa kanang bahaging itaas ng mall kitang kita ko
ang maraming taong panicking pabilog ang kanilang
lipad at mistulang nagkakasundo sila sa kanilang
ginagawa. Mas nakakatakot ang ginagawa nila
ngayon kaysa kanina. Wala ng umaatake at nakikita

143
ko sa kabilang bahagi si Jasper at Nikola na mabilis
na tumatakbo habang binabaril ang pabilog na lipad
ng mga halimaw.
“Mauna na kayo sa baba bilis!” Utos ni Leo
habang mabilis na binabaril ang mga halimaw sa
taas.
Matapos niyang magsalita ay tumakbo kami ni
Grace agad papunta sa baba. Hindi ko alam kung
ano ang iniisip ni Leo pero sa tingin ko alam niya
kung ano ang gagawin niya at sa tingin ko handa
siya. Sa ibaba nakita kong nagtatago sa gilid ng
isang tindahan si Nikola.
“Nikola!” Sigaw ko.
Mabilis siyang lumingon sa akin at nagbigay ng
sinyales na huwag akong maingay. Pero huli na ng
maalala kong may tatlong asong naghihintay pala sa
amin dito. Mabilis na lumingon ang mga aso at
ngumisi na parang sobrang saya. Hindi na nila
sinayang ang pagkakataon at mabilis na tumakbo
papunta sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.
Kinakabahan ako. Ang aking mga tuhod ay
nanginginig. Sa tingin ko ito na ang katapusan ko.
Makikita kong malapit na ang tatlong aso sa aking
harapan at akmang sasakmalin na ang aking ulo at
katawan ng may marinig akong dalawang putok ng
baril. Dalawa sa aso ay humiga—isa na ang aso sa
aking harapan—na parang inutusan ko siyang
humiga.
Nanataling nakatayo ang isang aso sa kaliwa. Sa
likod ng mga aso nakita ko si Nikola na mahigpit

144
ang kapit sa kanyang baril at sa aking likuran si
Grace—sa tingin ko sila ang bumaril sa dalawang
aso.
Nakangisi ang isang aso at umiikot-ikot ang
kanyang ulo na parang nagtataka kung bakit mag-isa
na lang siyang nakatayo. Mabilis akong tumakbo
papunta sa kintatayuan ni Nikola at sumunod naman
si Grace. Malakas na tahol ang sununod kay Grace
at sa palagay ko mainit ang tingin ng aso kay Grace.
Kinapitan ko ang aking baril at binaril ang aso sa
paa. Napaluhod ang aso at sa tingin ko galit na galit
sa ginawa ko.
Nakita kong tinutok ni Grace ang baril niya sa
aso pero hindi ito pumutok.
“Dito tayo bilis!” Sabi ni Nikola.
Tumakbo siya papunta sa basag na pintuan at
mabilis kaming sumunod ni Grace.
“Gio, wala na akong bala!” Sabi niya sa akin
habang tumatakbo kami ng mabilis.
Alam kong may mga bala pa ako sa dibdib pero
hindi ko magawang kunin dahil hanggang sa ngayon
hinahabol pa rin kami ng iika-ikang aso.
“Alam ko na!” Sabi ni Grace.
Lumiko si Grace ng daanan—maswerte siya at
hindi siya sinundan ng aso—at nawala sa aking
paningin.
“Gio bilis!” Sabi ni Nikola ng maratining namin
ang basag na pintuan.
Lumabas kami ni Nikola ng mall at dumaan sa
gilid ng gusali. Tinguan namin ang asong pipilay
pilay. Alam kong nasasaktan siya pero hindi ko siya

145
kailangan tulugan dahil halimaw siya, hindi niya
katulad si Max, ang mabait na aso ko.
“Paano tayo ngayon makakaalis dito sa siyudad
na ito?” Mahinang tanong ko kay Nikola.
“Hindi ko rin alam.” Sagot niya habang
naglalakad ng dahan dahan.
Nakikita ko sa kanang bahagi ng gusali ang
amusement park at sa tingin ko hindi ligtas na
pumunta doon.
“Dito Gio!” Sabi ni Nikola.
Mabilis na tumakbo si Nikola ng makakita ang
dalawang sasakyan sa harapan ng gusali. Itim at gray
na sasakyan.
“Ahhh…!” Sigaw ni Nikola .
Mahigpit ang kapit ng taong paniki sa mga
balikat ni Nikola. Mabilis siya inangat ng halimaw
at mistulang nakikipag-away o nakikipag-agawan
ang isa pang taong paniki.
Hinanda ko ang aking baril at tinutok sa halimaw
na may hawak kay Nikola. Bago pa ako bumaril
may biglang asong bumagsak sa aking harapan na
galing sa aking likuran. Sa tingin ko tumalon siya sa
aking likuran para sakmalin ako pero wala na siyang
buhay ng bumagsak sa aking harapan at may
nakabaong pana sa kanyang noo.
Mula sa taas bumagsak si Nikola kasama ng
taong paniking kumuha sa kanya. Wala na ring
buhay ang halimaw at may panang nakabaon sa
kanyang dibdib.
“Ahhh…” Sabi ni Nikola ng bumagsak sa sahig
kasama ng halimaw na patay.

146
Sa aking likuran si Grace na tinapik ang aking
kanang balikat at lumakad papunta sa pinagbagsakan
ni Nikola.
“Okay ka lang?” Tanong niya at inalok si Nikola
ng kanyang kanang kamay para makatayo.
“Medyo masakit ang tuhod at mga balikat ko.”
Sabi niya.
Sa likuran ni Grace nakita ko ang lalagyanan ng
pana at sa kanyang kaliwang kamay, hawak niya ang
pana.
Tinulungan niya si Nikola na tumayo at pumunta
sa dalawang sasakyan. Mabilis akong pumunta sa
kanila habang tumitingin tingin sa taas kung may
taong paniki pang nakasunod sa amin.
“Oh.” Sabi ni Grace at inabot sa akin ang baril
na walang bala. “Salamat at muntikan na ako
mapatay ng baril mo.”
Hindi ko alam kung sinasabi niya bang
kasalanan ko pang pinahiram ko siya ng baril para
maging ligtas siya. Kakaiba talaga si Grace at sa
tingin ko nakakatulong sa kanya ang ganoong klase
ng ugali.
“Walang ano man.” Sago ko sa kanya.
Pumasok si Nikola sa loob ng gray na sasakyan
at sinubukang paganahin ang sasakyan. Si Grace
naman sa sports car pero sa hindi inaasahang
pagkakataon hindi gumana ang sasakyan.
“Gumana ang isang ito.” Sabi ni Nikola ng iika-
ikang makalabas sa sasakyang. “May nakita akong
gas station kanina habang dinala ako kanina ng

147
halimaw na iyon sa taas. Maaari nating gamitin ang
sasakyang ito.”
Tumingin ako kay Grace na parang inaalala siya.
“Okay lang ako. Magagawa ko rin ito.” Sabi
niya ng maintindihan ang tingin ko. “Sige na mauna
na kayo doon. Magkita-kita na lang tayo sa tulay.”
Mabilis na pumasok si Nikola ng sasakyan
matapos marinig ang sinabi ni Grace. Binuksan niya
ang makina.
“Grace.” Sabi ko bago ako sumakay ng
sasakyan.
Lumingon siya sa akin at hinawi ang kanyang
pulang buhok.
“Subukan mo ring hintayin si Jasper at Leo.”
Pahabol kong sabi.
Tumango siya sa akin at ngumiti. Tumalikod at
sinimulang ayusin ang sasakyan.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at
sinimulan ni Nikola ang pag-andar.
Bahagyang hinihingal ako at nagpapasalamat
dahil saw akas nakaupo din ako. Ang mga
nakakatakot na taong paniki na iyon at malalaking
aso ang sa tingin kong papatay sa akin pero hindi
dapat may mga kasama pa kami sa bus at hinihintay
kaming makabalik. Hindi maaaring hindi kami
makakuha ng gas dahil sa tingin ko ito na ang
katapusan ng unang training namin.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako
dahil kung hindi kinuha si Nikola ng taong paniki
hindi kami makakakita ng gas station.

148
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at nakita
kong kakaiba ang mga bahay na aming nadadaanan.
Mas naging nakakatakot ang istura ng mga bahay at
mas naging madilim sa pinuntahan namin.
Ang balikat ni Nikola may mga dugo at sa tingin
ko nasasaktan siya sa tuwing ililiko niya ang
manubela.
“May sugat ka.” Sabi ko sa kanya.
“Ayos lang ako.” Ngumiti siya sa akin.
Hininto niya ang sasakyan sa gas station at dahn
dahan kaming bumaba. Sa pagkakataong ito
kailangan naming mag-ingat dahil unang una sa
lahat dalawa lang kami at may sugat pa si Nikola.
“Kailangan natin ng lalagyan.” Sabi niya.
Sa tapat ng gas station ay may convenient store.
Pumasok kami sa loob at naghanap ng mga bote o
gallon na maaaring lagyan ng gas.
Hindi kalakihan ang tindahan kaya mabilis lang
naming nalibot ang loob. Makalat at mabaho ang
tindahan na mistulang may nangangalingasaw na
bangkay. Nakatakip ng ilong si Nikola at sa tingin
ko hindi siya sanay sa mabahong lugar.
“Sa tingin mo may laman ang loob nito?”
Tanong ni Nikola sa akin habang nakatayo sa
harapan ng isang maduming pintuan.
Nakakatakot ang pintuan at parang sa tingin ko
may zombies din ang loob ng pintuan.
Hindi pa ako sumasagot sa tanong niya at sinira
niya ang kandado ng pintuan gamit ang kanyang
baril. Unti-unti niyang binuksan ang pintuan at
pumasok. Wala kaming dalang flashlight kaya

149
nangangapa kaming dalawa sa dilim. Sa
pagkakatanda ko ginamit ko ang nag-iisang
flashlight kasama ng granada sa barn para maalis
ang mga zombies na nakaharang sa pintuan.
Wala pa akong nakakapa bukod sa kahoy na
hagdanan ng may narinig akong mistulang
naglaglagan na mga gamit sa di kalayuan.
“Gio may nakita na ako!” Sabi ni Nikola.
“Nasaan ka?” Hindi ko siya makita pero
naririnig ko siya.
Naglakad ako papunta sa kanya at sinundan ko
ang boses niya.
“Dito sa hagdanan.” Sagot niya.
Alam ko kung saan ang hagdanan kaya mabilis
akong pumunta sa kinatatayuan niya. Umakyat siya
at binuksan ang pintuan. Nakita ko siyang may
hawak ng tatlong gallon na kulay asul.
“Sa tingin ko pwede na ito.” Sabi niya.
“Sa tingin ko rin.” Sagot ko. “Malapit na rin
naman matapos ang labing-dalawang oras kaya ang
dapat nating isip ay makaligtas at makapunta sa
lugar na ligtas.”
“Halika na!” Mabilis niyang sabi kahit na
nakikita kong nahihirapan siya sa kanyang balikat at
tuhod.
“Ako na diyan.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi, kaya ko na.” Sagot niya habang buhat
buhat ang tatlong gallon papunta sa gas station.
Siya na ang naglagay ng gas at ako ang nagbuhat
papunta sa loob ng sasakyan.

150
“Kailangan na nating makapunta ng tulay baka
nandoon na sila.” Sabi ko kay Nikola.
Ngumiti siya sa akin at mabilis na pinandar ang
sasakyan.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako marunong
magpaandar ng sasakyan at mag-ayos hindi katulad
nila marami silang alam kaya sa tingin ko mas
makakaligtas sila sa oras ng kaguluhan. Naaawa ako
kay Nikola dahil kahit may sugat ang kayang balikat
at masakit ang kanyang tuhod nagagawa pa rin
niyang magmaneho para sa grupo.
Tahimik kaming nakapunta ng tulay. Wala pa
sila. Wala ang sports car na itim. Walang Jasper,
Leo, at Grace na nag-aabang sa tulay.
“Ano sa tingin mo ang nangyari bakit wala pa
sila?” Tanong ko kay Nikola pero hindi siya
sumasagot.
Lumabas siya sa sasakyan at pumunta sa gilid ng
tulay.
Hindi ko alam kung anong problema niya, kung
bakit hindi siya sumasagot sa mga tanong ko, at
kung bakit niya ginagawa sa akin ito.
“Nikola.” Sabi ko sa kanya. “May problema ba?”
Ngumiti siya sa akin.
“Parang noong unang punta natin dito hindi ka
ganyan.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Alam ko mabait ka.” Sabi niya. “Kailangan mo
ito Gio.”
“Huh?” Nagtatakang tanong ko. “Anong ibig
mong sabihin?”

151
Ngumisi siya sa akin. “Huwag mo lang kaming
kalimutan kapag naging Inventor ka na.”
Hindi pa ako nakakabuo ng salitang isasagot ko
sa kanya bigla siyang tumayo.
“Nandiyan na sila.” Sabi niya.
Tumayo din ako para makita ang tinutukoy niya.
Sa bungad ng siyudad—bandang Chinese store
—may nakikita akong itim na sasakyan. Habang
lumalapit nakikita ko ang sakay ng sasakyan. Si
Grace ang nagmamaneho habang nasa likod si Leo
at Jasper.
Huminto ang sasakyan sa aming harapan.
Nakita ko si Jasper na may malaking sugat sa
kanyang balikat at naiiyak sa sakit habang
ginagamot siya ni Leo.
“Anong nangyari?” Nagmamalasakit na tanong
ni Nikola.
“Nakuha siya ng halimaw pero huwag kayong
mag-alala magiging maayos din siya.” Sagot ni Leo.
“Ahhh…” Sigaw ni Jasper habang nilalagyan ni
Leo ng alcohol at nililinis ang sugat.
“Sumakay na kayo dito para hindi mahanginan
ang sugat.” Sabi ni Nikola.
Tinulungan ko si Leo na buhatin si Jasper
papunta sa likod ng sasakyang ninamaneho ni
Nikola. Humiga si Jasper sa sasakyan at sumakay si
Leo.
“Okay ka lang?” Tanong ko kay Nikola.
Ngumiti lang siya at tumango. Sumakay siya sa
sasakyan at pinaandar ang sasakyan.

152
“Gio!” Sigaw ni Grace na nakasakay sa sports
car. Sumenyas siya sa akin na parang pinapasakay
ako sa sasakyan.
Ngumiti ako sa kanya at sumakay sa loob ng
sasakyan. Dahan dahan niyang pinaandar ang
sasakyan.
“Napagana mo.” Sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin na parang nang-aakit. Hindi
ko rin maikakaila na kasing ganda niya si Virginia,
Adrianna, Michelle, at Clarisse.
Tumango siya sa akin. “Madali lang naman.”
Madali sa kanya samantalang sa wala akong
alam sa sasakyan kahit na Generic ako.
“May nakuha kayo?” Tanong niya pero hindi
siya tumitingin sa akin.
“Tatlong gallon.” Sagot ko.
“Uhm.” Sabi niya. “Lalaking matapang huh.”
“Bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Wala.” Ngumisi siya sa akin.
“Marunong ka pala gumamit ng pana?”
“Hindi lang narunong.” Sagot niya. “Pana ang
mas gusto kong sandata kaysa sa baril.”
Kaya naman pala bihira siyang makatama ng aso
o kaya ng halimaw. Kahit na noong hinatak siya ng
aso hindi niya man lang nagawang patayin ang aso
gamit ang kanyang baril.
“Kamusta na pala ang paa mo?” Tanong ko sa
kanya kasabay nito ang pagtingin ko sa kanyang paa.
“Nailalakad ko na kaysa kanina.” Sagot niya.
Mabilis kaming nakabalik ng bus. Nakita ko si
James, Francis, at ang ibang sa tingin ko kasamahan

153
ni Grace na mga babae na binabaril ang mga zombie
na papunta sa sasakyan. Si Rinda at ang iba rin sa
baba ay bumabaril.
“Grace may mga zombie!” Sabi ko sa kanya.
Hindi naman ganoon kadami ang zombie pero sa
tingin ko malakas at mabilis sila at sapat na iyon
para mapatay nila kaming lahat.
Nakita kong bumaba si Nikola sa sasakyan at
pinagbabaril ang mga zombie. Bumaba rin ako para
tulungan siya. Sa ibabaw ng sports car nakatayo si
Grace at isa-isang pinapana ang ulo ng mga zombie.
Marami na sa mga zombie ang namatay.
Lumapit si Nikola sa sasakyang ninamaneho niya at
pinalo ng palad niya ang likuran ng sasakyan.
Binuksan ni Leo ang sasakyan at inakay si Jasper
papunta sa bus.
Patuloy pa rin si Grace sa pagpana at si Nikola
sa pagbaril.
Lumabas ng bus si Rinda at ang ibang mga lalaki
at kinuha ang mga gallon ng gas sa likod ng
sasakyang gray.
“Gio!” Sigaw ni Grace. “Pumasok ka na ng
bus!”
Tumingin ako sa tulay na dinaan namin kami at
nakita ko ang maraming zombie na tumakbo—sa
tingin ko daan-daang zombies ang tumatakbo.
“Mauna ka na!” Sabi ko sa kanya habang
binabaril ang ibang mga zombie na tumatakbo
papalapit sa bus.
Nakita kong sumakay ng bus si Grace, Nikola,
Rinda at iba pa ng malagyan ng gas ang sasakyan.

154
“Gio!” Sigaw ni Nikola. “Ano pang hinhintay
mo!”
Ngayon ko lang nakita na ako na lang mag-isang
nasa labas ng bus. Mula sa aking likuran may
zombie na bumagsak at nakita ko si James sa taas ng
sasakyang binaril ang zombie gamit ang kanyang
sniper.
Mabilis akong tumakbo sa bus habang pinaaadar
ni Rinda ang makina ang sasakyan.
“Anong nangyari?” Sabi ni Rinda ng makita si
Jasper sa kanyang kalagayan.
“Inatake kami ng taong paniki!” Sagot ni Leo.
“Taong paniki?!” Pasigaw na sabi ni Rinda at sa
tingin ko hindi siya makapaniwala dahil bahagyang
tumabingi ang andar ng sasakyan.
Mabilis na tinuloy ni Leo ang panggamot kay
Jasper. Nakita kong umakyat sa taas si Nikola at
sinundan ko siya.
Umupo si Nikola sa dulo ng bus at huminga ng
malalim ng nakaupo sa upuan. Nakita kong tumayo
si James sa kanyang upuan at bumaba pero hindi ko
na siya pinansin pa. Lumakad ako papunta sa
kinauupuan ni Nikola at umupo sa tabi niya.
Sa harapang bahagi ang ibang babaeng kasama
ni Grace.
“Okay ka lang?” Tanong ko kay Nikola.
Tumango siya at ngumiti sa akin pero nakikita
ko sa kanyang mukha na hindi siya maayos ang
pakiramdam niya.
Mula sa baba umakyat si James at Grace sa taas.
Pumunta si Grace sa kanyang mga kasamahan,

155
ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ng babae.
Tumayo naman si James sa harapan namin ni
Nikola.
“Okay lang ba?” Sabi ni James habang inaalok
ng bulak, alcohol at iba pang gamit panlinis ng
sugat.
Tumango si Nikola sa kanya.
Tinabi niya ang kanyang sniper at umupo sa
kaliwang tabi ni Nikola. Dahan dahan niyang inalis
ang jacket ni Nikola at tinanggal ang t-shirt. Mabilis
niyang nilinis ng alcohol ang mga sugat. Dalawang
mistulang malalim na pagkakabaon ng kuko sa
kaliwang balikat niya at tatlo sa kanan.
“Life House?” Tanong ko kay James.
“Oo.” Sagot niya. “Ang batang walang alam sa
universe.”
Naalala kong siya ang batang kausap ni Will
noong nag-iisa lang ang bata dahil ang iba kasama ni
Sirius habang pinagmamasdan ang mga bituin.
Hindi ko na kinausap pa si Nikola dahil
nagpapahinga pa siya at kailangan niyang maibalik
ang kanyang lakas.

Mabilis na nakarating ang bus sa mukhang kampo


ng mga sundalo. Walang katao-tao pero may mga
tent, camp fire, mga sasakyang pangsundalo, at kung
ano-ano pang gamit ng mga sundalo.
“Nasaan tayo?” Tanong ni Nikola.
“Mukhang kampo ng mga sundalo.” Sagot ko.
“Pero wala pa akong nakikitang sundalo kahit isa.”

156
Hininto ni Rinda ang bus at bumaba sila sa bus.
Tumingin tingin ako sa itaas ng sasakyan.
Sumilip ako sa bintana at sumenyas kay Rinda
kung ayos ang lugar. Binalik niya senyales bilang
sagot sa akin.
“Ano ang lugar na ito?” Nagtatakang tanong ni
James. “Mukhang ligtas pero bakit walang katao-
tao?”
“Wala din akong ideya.” Sagot ko sa kanya.
Sa tingin ko tapos na ang labing-dalawang oras
na group survival training namin at sa tingin ko
nagawa namin ng maayos. Pero paano samantalang
nasaktan si Nikola at Jasper sa lugar na ito at ang
mga aso, zombie, at taong paniki? Paano nangyaring
nasugatan nila kami? Nakagat ng aso ang paa ni
Grace, paano nangyari iyon?
Bumaba ako ng bus at lumapit kila Rinda, Dis, at
Leo. Mula sa malaking tent lumabas ang isang
lalaking nakasuot ng gray na camouflage na
uniform. May helmet, may itim na nakatakip sa
kanyang ilong at may suot siyang shades.
“Congratulations Competitors!” Sabi ng lalaki.
“Everyone in this group are alive!”

157
EIGHT

MAGSIMULA NG MAGISING AKO akala ko totoo ang


lahat. Pawis na pawis ako. Hinihingal na para akong
tumakbo sa walang katapusang daanan. Hinahabol
ko ang aking hininga na parang ngayon na lang ang
huling pagkakataong maaari akong kumuha ng
hangin.
Napaupo ako sa aking higaan ng mamulat ang
aking mga mata. Halos sabay sabay kaming nagising
sa puting higaan. Si Nikola sa aking tabi. Ang
kanyang galos ay wala at mukhang malakas na
malakas.
“Ang sugat mo?” Nagtatakang tanong ko sa
kanya.

158
Maging siya nagulat ng makitang wala siyang
sugat sa kanyang mga balikat.
“Ang balikat ko.” Namamangha niyang sabi.
May mga naririnig akong ibang babaeng
umiiyak ng magising sila. May ibang malakas ang
iyak at ibang takot na takot.
Napakagaling ng pagkakagawa sa aming
training. Hindi ko alam na panaginip lang ang lahat
pero parang totoo ang mga nangyayari.
Napansin ko ang iba ay nakatayo na at sa tingin
ko sila ang mga namatay sa group survival.
“Good morning!” Sabi ni Gabriel.
Sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ng
katawan at utak ko, ngayon ko lang napansin na
mataas na ang sikat ng araw at matindi ang
tumatamang liwanag sa aking balat.
“Only the group three can survive in the middle
of terror.” Malakas na pagkakasabi ni Gabriel. Hindi
pa ako nakakatayo sa aking higaan ng maalala ko
ang mga lalaking nakaitim na huli kong nakita bago
ako nakatulog—nakatayo sila sa dulong bahagi ng
gusali at nakaayos na pabilog. “They have their
group points and their individual point.”
Wala akong ideya kung para saan ang mga
puntos na iyon pero sa tingin magandang pakinggan
dahil sa pagkakatanda ko kami ang nakaligtas na
grupo.
“Everybody stand up.” Tinataas ni Gabriel ang
kanyang dalawang kamay na parang tinutulungan
kaming tumayo sa aming hinihigaan. “You may now
eat your breakfast!”

159
Tamang tama dahil nagugutom na ako pero
huwag naman sana kaming bumaba sa bilog na
sasakyang halos ikamatay ko na. Hindi ko alam
kung anong klase siyang sasakyan pero sa tingin ko
hindi nakakatulong kahit na mabilis ka makapunta
sa itaas. Mas gugustuhin ko pang bumaba sa
hagdanan kaysa sumakay sa nakakatakot na
sasakyang iyon.
Tumayo ako ng makitang bumukas ang
mistulang pintuan sa bandang gilid ng higaan ni
Gabbs at Julia. Lumakad ako para doon sumakay at
bumaba—sa tingin ko elevator ang nakikita ko.
“Gio.” Sabi ni Nikola sa akin kasabay ang pag-
akbay niya sa aking balikat. “Tungkol sa group
survival kagabi? Ang galing mo.”
Ako magaling? Hindi ko man lang magamit ang
aking dalang baril.
“Ikaw din.” Ngumiti ako sa kanya.
Alam kong mas maraming nagawa si Nikola
kaysa sa akin. Nailigtas niya ako sa tatlong aso sa
aking harapan—silang dalawa ni Grace.
Sumakay kami sa elevator. Bago pa sumara ang
pintuan ng elevator ay nakita ko si Rinda. Nakangisi
sa akin na parang may gustong ilabas sa tunay
niyang ugali. Sa tingin ko hindi tunay ang kanyang
inakakita sa akin noong nasa group survival kami.
Pero kung ganoon, hindi ko makipagkakailang
magaling siyang mamuno ng grupo—sa kung
kasama namin siyang pumunta sa City of Dreams.
Sa loob ng elevator nakitang kong umiiyak pa
rin si Julia habang nakayakap kay Gabbs. Hindi siya

160
makapagsalita habang umiiyak. Sa tingin ko
masyado siyang nakatakot sa napuntahan niya—
kung magkapareho siguro kami napuntahan.
Napaisip tuloy ako na mas matapang si Francis
kaysa sa kanila dahil nakayanan niya kahit matanda
na siya. Pero hindi ko pa rin masisi si Julia dahil
babae siya.
“Congratulations.” Bulong ng isang babae sa
aking likuran.
Tumingin ako sa aking likuran para makita kung
sino ang nagsalita. Si Cassandra.
Ngumiti ako sa kanya.
“Kung makakasama mo lang ang mga walang
kwenatang mga Competitors na iyon.” Naiinis na
sabi niya habang may konting tawang lumalabas sa
kanyang bibig. “Sa mga ginawa nila nakita kong
wala silang pag-asang maging Inventor.”
Sa tingin ko walo lang kami sa loob ng elevator.
Si Gabbs at Julia, Nikola, Cassandra, may tatlong
lalaki sa likuran ni Nikola at ako. Tumahimik
matapos ko marinig ang mga sinabi ni Cassandra.
“Alam mo maganda ka.” Sabi ni Nikola.
Hindi ko inaasahang sinabi niya iyon sa loob ng
pitong tao—kasama ako. Para siyang si Isaac at
nakikita ko siya sa ugali ni Isaac. Naalala kong
maging si Grace sinabihan niya rin ng ganoong
salita.
Hindi ko rin naman naitatangging maganda si
Cassandra dahil mukha siyang isang anak mayaman.
Ibang iba na siya ngayon kaysa sa unang beses ko
siyang makita. Napakaduwag niya para

161
makipaglaban kay Isaac sa kama pero hindi ako
umaasang ganoon din siya kaduwag pagdating sa
kompetisyon. Alam kong matalino at malakas siya
kaya hindi dapat ako magpakita sa kanya ng kahit na
anong ideya para kayanin ako.
Sa tingin ko hindi niya rin magagawa ang
kayanin ako dahil babae siya at wala siyang laban sa
akin.
“So… how’s me?” Nilapit niya ang kanyang
mga labi sa akin at bumulong. Nararamdaman ko
ang kuryenteng kumakapit sa akin mula sa kanyang
mga labi. Ang pula nito ay malamig sa aking tainga.
Amoy strawberry ang kanyang hiniga na
nakakabaliw sa tuwing bubuka ang kanyang bibig.
“How’s my body?”
Tinatanong niya ako tungkol sa kanyang
katawan? Ang unang beses ko siyang makita? Hindi
ko alam kung sasagot ako o hindi basta ang alam ko
hindi ko maaaring ialis sa aking isip na nakita ko
siyang nakahubad sa harapan ni Isaac.
“Uh—Gio?” Lumapit si Nikola sa aking mukha
at inalis ang pisngi ni Cassandra na nakadikit sa
aking pisngi. “Ano ang ginagawa niyo?”
Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya.
Huwag niyang sabihing balak niya akong akitin
katulad ng ginawa niya ka Isaac? Hinding hindi niya
magagawa sa akin ang kung ano man ang nagawa
niya sa iba.
Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ay
biglang bumukas ang pintuan ng elevator.

162
Dumaan si Cassandra sa gitna namin ni Nikola
para makalabas sa elevator. Lumingon siya ng
makalagpas sa amin at ngumiti—ngiting mapang-
akit.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa niyo?” Tanong
ni Nikola habang nakatingin kay Cassandra.
“Hi—hindi ko rin alam.” Hindi ko siguradong
sagot.
Naglakad kami ni Nikola ng tahimik at sa tingin
ko hindi ko pa naaalis sa aking isip ang mga sinabi
niya. Hindi ko dapat iniisip iyon dahil alam kong
may gusto ako kay Clarisse. Alam kong may gusto
rin siya sa akin kaya hindi ko dapat sayangin ang
pagkakataong iyon. Kailangan kong maging
Inventor at bumalik sa tabi niya. Sa tingin ko mahal
ko na siya. Hindi ako magiging masaya kung wala
siya. Siguro dito sa kompetisyon kaya ko dahil isa
na rin siya sa dahilan kung bakit gusto kong manalo.
“Huwag nilang sabihing kakain na naman tayo?”
Pabirong sabi ni Nikola sa akin.
Tumingin ako sa mga Competitors na aming
sinusundan at papunta sila sa kainan.
“Hindi ka nagkamali.” Sagot ko sa kanya ng
makita ang mesa na puno ng pagkain.
Nakita ko ang ibang mga Competitors na
kumakain na kahit hindi pa kompleto ang
dalawamput-limang upuan. Si Rinda sa
pangalawang upuan ay nakatingin sa akin habang
mabilis na kinakain ang hita ng manok. Para siyang
isang gutom na aso at ng makita ako ay ngumisi na
parang isang asong malaking galit sa akin.

163
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako at bigla
akong natakot sa kanya. Hindi napansin iyon ni
Nikola dahil hinahabol niya ng tinngin si Cassandra.
Hindi pa ako tapos makipagtinginan kay Rinda,
bigla akong hinatak ni Nikola at nakipag-unahan sa
ilang mga lalaki sa upuang malapit kay Cassandra.
Tumabi siya sa kaliwa ni Cassandra at pinaupo ako
sa kanyang kaliwa. Sa akin haraparan nakaupo ang
matandang si Francis pero wala si James. Sa akin
kaliwang tabi ang batang si Sirius.
Ngumiti si Francis sa akin ng makita ako. Sa
tingin ko kayang kaya kong ipaliwanag ang kanyang
mukha. Masayang masaya siya para sa akin.
Ngumiti din ako sa kanya at pagkatapos noon ay
yumuko ako. Tanging doughnut lang ang nilagay ko
sa aking harapan—tatlong doughnut.
Sa aking kaliwa mabilis at malakas na kumakain
si Sirius. Puro pasta, chocolate, grapes, at steak ang
nasa harapan niya. Katulad ni Rinda para siyang
isang aso pero hindi maliit na aso dahil alam kong
matalino din siya. Naalala ko ang sinabi ni Jason sa
akin na huwag kong mamaliitin ang mga matatanda
at bata. Sa tingin ko nga madalas silang manalo.
“Doughnut?” Inabot ko sa kanya ang isa sa
tatlong pagkain na nasa aking harapan.
Tinigil niya ang pagkagat sa karne at dahan-
dahang tumingin sa akin. Ngumiti at inabot ang
binibigay kong pagkain.
“Salamat.” Sabi niya habang may pagkain sa
loob ng kanyang bibig.

164
Tahimik ang buong kainan hindi katulad ng
unang salo-salo namin sa hapag na may ibang
nagkekwentuhan at nagbibiruan ngayon kahit isa
walang nag-uusap. Tanging ang nguya lang ng
bawat isa ang maririnig. Sa tingin napagod ang lahat
pero ako hindi—at si Nikola sa tingin ko dahil
hanggang ngayon nakatingin pa rin siya kay
Cassandra.
Sa bandang dulong bahagi ng aming mesa
nakaupo si Grace. Nakikita kong hindi niya
ginagalaw ang pagkain sa kanyang harapan.
Nakayuko siya at natatakpan ng kanyang pulang
buhok ang kanyang buong mukha. Hindi ko alam
kung bakit bigla akong natakot sa kanya.
Sa kanyang harapan nakita ko si Leo at Jasper.
Katulad ng nangyari kay Leo nakatingin lang din
siya sa kanyang pagkain at sinusubukan ni Jasper na
pakainin si Leo pero ayaw nitong ibuka ang kanyang
bibig. Wala pang limang minuto matapos subukan ni
Jasper pakainin si Leo ay may lumapit sa kanilang
upuan na apat na sundalo. Ang dalawa ay lumapit sa
likuran ni Leo at ang dalawa naman ay sa likod ni
Grace.
Inalalalayan ng mga sundalo si Leo at Grace na
tumayo at inalalalayan sa paglalakad papalayo kay
Jasper. Pumasok ang mga sundalo sa maliit na
pintuang bakal—sa tingin ko doon niluluto ang mga
pagkaing ito. Napaisip ako kung ano ang gagawin sa
kanila. Matapos ipasok si Leo at Grace sa loob, wala
pang tatlong minuto ay pinasok din si Julia sa loob.

165
Nakikita kong patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ano
ang ginagawa sa kanila sa loob?
“Okay ka lang?” Tanong ni Nikola sa akin.
Tumingin siya sa akin at tumingin kung saan ako
nakatingin. Tumango ako sa kanya para sumang-
ayon sa kanyang tanong. Kanina nakikita kong hindi
kumakain si Grace at ngayon pinasok siya sa isang
silid kasama si Julia na kanina ay umiiyak sa loob ng
elevator—pero walang tunog o ingay ang kanyang
iyak.
“Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang
tanong ko. Tuyo ang aking bibig na parang walang
kahit na anong laway na lumalabas. Bahagyang
napapaos ang aking boses. Umiinit ang mga mata
ko. Hindi ko alam kung ano at bakit ganito ang
nararamadaman ko.
Alam kong malakas at matalino si Grace pero
bakit siya pinasok sa loob ng silid na iyon kasama
ang isang matanda?
“Wala din akong ideya sa ginagawa nila.” Sabi
ni Nikola. “Ang tanging nararamdaman ko lang ay
gutom at pagod.”
Gutom at pagod? Halos karamihan sa mga tao
dito ay ganoon ang nararamdaman. Bakit hindi ko
nararamdaman ang nararamdaman nila? Siguro
nagugutom ako pero hindi kasing gutom na
pinapakita ni Rinda at ni Sirius sa aking tabi. Sa
tingin ko sapat na ang ilang piraso ng tinapay para sa
sikmura ko.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa
CR. Dahan-dahan kong binuksan ang gripo para

166
maghilamos at magmumog. Kailangan mabasa ang
aking bibig dahil sa tingin ko sa loob ng dalawang
oras na pagkatuyo nito ikakamatay ko. Hindi
malamig ang tubig, sapat para mabilis na pumasok
sa loob ng aking balat. Nabasa ang aking bibig, ang
aking dila, at mga labi. Hindi pa ako tapos
maghilamos ng isang lalaki ang lumabas mula sa
loob ng isang cubicle.
“Sa tingin ko isa ka sa mga nagpanalo ng grupo
niyo?” Nakangiting tanong ni Caesar.
Noong una hindi ko napansin si Caesar dahil
basa ang aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang
isasagot ko sa mga sinasabi niya. Sa tingin ko si
Rinda.
“Tama ang hinala ko.” Bahagyang naglabas siya
ng tawa sa kanyang bibig. “Magaling ka.”
Hindi niya na inantay pa na sumagot ako sa
kanyang tanong noong una at lumabas na siya ng
CR. Sa tingin ko isa rin si Caesar sa nagpanatiling
ligtas ang kanilang grupo pero hindi sila nanalo.
Alam kong kasama niya si Will sa grupo at iniisip
ko kung paano makasama si Will sa loob ng grupo at
kung paano siya namuno o sumunod.
Lumabas ako ng CR at umupo sa tabi ni Sirius.
Sa pagkakataong ito tapos na siyang kumain.
Mabilis na tumayo ang bata sa kanyang kinauupuan
at nilapitan si James. Sa tingin ko may pinag-
uusapan sila pero hindi ko dapat isiping kwento
tungkol sa mga cartoon na palabas ang pinag-
uusapan nila dahil malayo sila sa mga ganoong uri
ng bata. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na

167
bakit pumayag ang Science and Technology Council
na magsali ng ga bata kahit pa nakita ko kung paano
barilin at halos ubusin ni James ang mga zombie.
“Kung sino man sa inyo ang tapos na kumain
maaari lamang na magpahinga dahil sa puntong
21:00 magsisimula ang ikalawang training.”
Pagpapaliwanag ni Jenny.
Sa bandang unahan ng kainan may ilang mga
sundalong nakatayo at nakabantay. Sinisilip ko isa
isa ang kanilang mga helmet at nagbabakasakaling
isa sa kanila ay si Taylor o si Ben.
“Gio, ano ginagawa mo?” Nagtatakang tanong ni
Nikola.
“Uh—eh… wala tinitingnan ko lang kung saan
gawa ang helmet ng mga ito.” Nakangiting sagot ko
sa kanya.
Bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni
Taylor noon bago ako umalis sa Generic House. Sa
tingin niya katulad kong mag-isip ang kanyang anak
na si George. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko
nabigo si George sa pangako niya sa kanyang ama at
hindi matanggap ni Taylor ang bagay na iyon, kaya
nakikita niya ako sa kanyang anak na magpapatuloy
ng pangakong iyon.
Ang bilin ni Jenny kanina ay magpahinga at
ireserba ang enerhiya para sa training mamaya pero
sa tingin ko hindi ako napagod sa unang training. Iba
ang nararamdaman ko sa nararamdaman nila. Hindi
ko alam kung paano nangyari pero walang kahit na
anong masakit sa parte ng aking katawan.

168
“Teka Gio.” Pabulong nasabi ni Nikola habang
pinigilan ako sa aking paglalakad.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
Hindi pa kami nakakaalis sa mahabang corridor
na napapalibutan ng pader na bakal ng nakita kong
nakatingin si Nikola sa isang silid na bukas. Noong
una hindi ko maaninag ang itsura nito sa loob dahil
masyadong madilim pero ng subukan naming
lumapit at unti-unting binuksan ang pintuan para
makapasok sa loob, napakadilim ng silid pero
nagliliwanag ang mga bituin sa loob nito. Hindi ko
mabilang ang dami ng mga bituing kumikinang sa
ibabaw ng silid.
“Woah!” Mahina pero alam kung manghang-
manghang sabi ni Nikola. “Ano ang lugar na ito?”
Ang ganda ng silid. Sa tingin ko kayang
pumasok ang mahigit isang-daang libong tao sa loob
nito. Napakaganda ng tanawin at parang nasa labas
kang nasa outer space. Sa bandang dulo ng aking
kaliwa ang maraming malalaking galaxy. Dahan-
dahan silang gumagalaw. Sa tingin ko .5 seconds
ang galaw nila. Ang mga bituin ay parang
sumasabog sa ganda ng pagkislap. Sa bandang
kanan nakikita ko ang isang malaking araw. Hindi
ko alam kung paano nangyayari iyon pero
nakikitang kong parang lava ang paligid nito at kahit
hindi totoo nararamdaman ko ang init.
“Hindi ko rin alam.” Sagot ko sa tanong ni
Nikola.
Hindi ko alam kung nasaan ako pero sa tingin ko
naabot ko na ang paraiso. Hindi pa kami tapos sa

169
pagkamangha sa nakikita amin sa ibabaw biglang
nagningning at nagliwanag ang mga bituin sa aming
gilid. Maging ang pader ay may mga bituin na rin.
Matapos magpakita ng mga bituin sa pader lumitaw
na rin ang iba sa kanila sa aming inaapakan. Ang
ganda! Para kaming nasa labas ng tunay na space.
Nararamdaman ko ang kaba sa aking dibdib.
Natatakot ako baka malaglag ako sa aking nakikita.
Ang galing halos ang pakiramdam ng walang
gravity nararamdaman ko na, pero alam kong
nakaapak pa rin ako sa sahig ng madilim na silid—
hindi ko alam kung brain activity lang ang mga ito
kaya nararamdaman kong nasa labas ako ng space.
Napakapit ako sa balikat ni Nikola ng makita ko ang
parte ng space na madilim at sa tingin ko malayo pa
iyon sa amin. Hindi ko alam kung bakit ako
natatakot sa mga nakikita ko ngayong nasa loob lang
kami ng isang silid na may pintuan.
“Anong ginagawa niyo dito?” Boses ng isang
batang babae ang aking narining mula sa madilim na
parte ng silid.
Hindi agad kami nakasagot sa matapang na
tanong ng bata.
“Paano kayo nakapasok?”
“Uh—eh… pasensiya ka na hindi naman namin
sinasadyang pumasok.” Sabi ni Nikola kahit na alam
kong nagsisinungaling siya.
“Totoo ang sinabi niya.” Dugtong ko . “Nagtaka
lang kami kung paano nagkaroon ng madilim na
silid dito kaya sinubukan naming tingnan.”

170
“Gio?!” Napalitan ang boses ng isang batang
lalaki. Mukhang nagtataka siya at naniniguradong
boses ko nga ang narinig.
“Uh—oo? Sino ka?” Nagtatakang tanong ko.
“Bakit mo ako kilala.?”
Hindi agad nakasagot ang bata sa aking tanong.
Naririnig ko ang bulungan nila pero kahit isang
salita wala akong maintindihan. Umabot ng limang
minuto ang usapan nila na sa tingin ko hindi nila
gusto ang pagpasok namin sa loob ng silid na ito.
“Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila?”
Pabulong na tanong ni Nikola sa akin.
“Wala din akong ideya.” Mas mahinang sagot
ko.
Para kaming mga inosenteng natahimik ng
marinig ang boses ng mga criminal. Hindi ko alam
kung bakit hindi kami makapagsalita sa batang ito.
“Gio, si James ito.” Pagpapakilala ng batang
lalaki sa akin.
Hindi ko siya nakikita pero alam kong boses
niya ang naririnig ko dahil hindi ko makakalimutan
ang matapang na boses ng sampung taong gulang na
bata habang binabaril ang mga zombie.
“James?” Sagot ko. “Anong ginagawa mo dito?
At saka bakit may boses ng babae?”
“Sirius.” Hindi sumagot si James at boses ni
Sirius ang narinig ko.
“Uh—uh anong ginagawa niyo dito?”
Nagtatakang tanong ko.
Sinusubukan kong maglakad papunta sa kanila
gamit ang IPD at ilaw nito sa aking pulso. Sumunod

171
din si Nikola at sinubukan niyang gawing ilaw ang
liwanag ng kanyang IPD. Hindi pa kami
nakakarating sa pinanggagalingan nila ng biglang
magliwanag ang buong silid. Ang lahat ng dilim at
itim sa paligid ay napalitan ng puting silid.
Maliwanag. Hindi katulad ng tanawin kanina.
“Ano? Nasaan na?” Sabi ni Nikola ng mawala
ang 3D na mga bituin.
“Projector lang ang lahat ng nakikita mo kanina.
May thermal sensored ang mga bagay katulad ng
stars kaya nararamdaman niyo rin ang init.”
Pagpapaliwanag ni Sirius.
Nakita kong namangha si Nikola sa sinabi ng
bata at nagtaka ng tumahimik ang buong paligid.
“Anong ginagawa niyong dalawa dito?” Dahan-
dahang tanong niya sa mga bata. “Wag niyong
sabihing—?”
“Shut up!” Masungit na sabi ni Sirius. “Don’t
open your mouth and just keep it bond. I don’t have
amor for boys.”
“O—okay?” Hindi sigurado si Nikola sa sagot
niya. “Defensive?”
“No.” Mabilis na sagot ni Sirius. “I think this
little boy—James, have a nyctophobia so I guess I
can help him.”
“Para takutin siya?” Sagot ni Nikola.
“Hindi.” Sabi ng bata. “Pinakita ko lang sa
kanya kung gaano kaganda sa dilim.”
Tumingin ako kay James na parang tinatanong
kung okay lang siya. Tumango siya sa akin at
sumang-ayon.

172
Alam kong hindi dapat pagkatiwalaan ang
kapwa competitors dahil sa kwento ni Taylor maaari
mangyari muli ang pagpatay ng competitors sa
bawat isa bago pa ang competition. Sa loob ng
building na ito wala na kaming bantay at maaaring
magkaroon ng pagkakataon na ang bawat isa sa
amin ay gumanti sa kung sino man ang nakikitaan
ng kalakasan at katalituhan. Alam ko ring hindi
dapat maliitin si Sirius dahil sa tingin ko kayang
kaya niyang pumatay ng tao.
Siguro kung nandito lang si Jason siya lang ang
tanging mapapagkatiwalaan ko at sa tuwing nasa
tabi ko siya pakiramdam ko ligtas ako. Hindi ko
alam kung bakit ko dinidepende ang buhay ko sa
sampung tong gulang na bata.
Tatlo lang ang flying ST at pitungput-lima
kaming maghahabulan para sa bagay na iyon. Ang
pitungput-tatlo sa amin ay mawawala sa University
of Science and Technology gaya ng sabi ni Taylor
na nangyari sa kanyang anak. Mula ng matalo ang
kanyang anak wala na siyang balita sa bata. Bakit
hindi sila bigyan ng impormasyon man lang ng
Gobyerno?
Hindi pala madali ang pinasok ko. Sa
competition na ito maaaring habang buhay ko ng
hindi makita ang aking ina at si Will.
“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo diyan?”
Boses ng isang babae at sa tingin ko nanggagaling sa
may pintuan ng silid. Inikot ko ang aking ulo para
makita ang babae. Si Cassandra.

173
Walang sumagot sa tanong niya, maging si
Sirius ay hindi nakapagsalita.
Inikot ni Cassandra ang itim sa kanyang mga
mata at umalis.
“Anong nangyari doon?” Nagtatakang tanong ni
Nikola. Katulad ng nangyari sa tanong ni Cassandra
wala ding sumagot sa kanya.
Wala pang dalawang minuto ng sumilip si
Cassandra sa silid ay dumating ang ibang mga bata
para tawagin si Sirius. Nakakatuwa silang tingnan.
Maging si James ay sumama sa kanila. Bago ka sila
lumabas narinig ko ang sinabi ng isang bata habang
naglalakad papalapit kay Sirius na kailangan
magtipon ng mga competitors sa basement kaya
sumunod na lang kami ni Nikola sa likuran ng mga
bata.
Hindi ako pamilyar sa mga dinanan namin pero
wala pa ring pagbabago. Puro metal at bakal ang
nakikita ko. Karamihan ay puti pero may iba ring
kulay ng bakal at walang pintura. May mga
malalaking screw pa rin na nakakabit sa bawat
intersection ng mga bakal. Ang tunog ng mga
sapatos na tumatama sa sahig ay naririnig sa buong
corridor. Wala kaming kasunod kaya sa tingin ko
kami na ang huling pupunta sa basement.
Bumaba kami ng hagdanan. Isa. Dalawa. Tatlo.
Hanggang sa hindi ko na nabilang ang mga
hagdanang binabaan namin. Tanging ang mga paa at
bulungan lang mga bata ang aking naririnig. Maging
si Nikola hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung
bakit habang dumadami ang hagdanang binabaanan

174
namin ay siyang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Siguro dahil ang tanging dahilan ko lang ay huwag
biguin ang aking lolo at ang aking ina.
Sa wakas narating namin ang dulo—sa tingin ko
dahil wala ng mga hagdanan pa akong nakikita at
mistulang maze ang binabaan namin. Sa Dulo ng
isang mabang corridor ay may pintuan, malaking
pintuan pero hindi kasing laki ng pintuan sa harapan
ng building na ito.
Kusang bumukas ang pintuan ng maramdaman
nitong may mga paang papasok sa loob. Mga bakal
na nagkikiskisan habang bumubukas ang malaking
pintuan. Mga alikabok na nagkalat simula ng
gumalaw ang pintuang bakal. Mukhang matagal ng
hindi nabubuksan ang silid na ito dahil sa kapal ng
alikabok. Naririnig ko ang mistulang naiipit na
plastic sa pagitan ng bukasan ng pintuan habang
bumubukas ito. Sa tingin ko naririnig ito hanggang
sa dulo ng mahabang corridor na ito. Hindi naman
nakakatakot ang lugar na ito pero sa tingin ko
kailangan nilang palitan ang madilim na mga ilaw
dito. Kung bakit ba kasi nilang naisipang dito
ganapin ang training.
Pagpasok pa lang namin sa loob ng silid nakita
ko agad ang mga batang nakapila. Mabilis kong
hinanap si Will at iniwan ang mga bata kasama si
Nikola.
Tatlong mahahabang pila ang binubuo ng mga
competitors. Hindi ko pinapansin ang mga taong
makasalubong ko o makaharap ko dahil ang nais ko
lang mangyari ngayon ay hanapin si Will at maging

175
kagrupo. Gusto kong makipagtulungan siya sa akin
habang sinasagip namin ang buhay ng isa’t isa.
“Gio.” Sabi ni Nikola.
Pagtapos ko marinig ang pangalan ko hindi ko
alam kung sumusunod ba siya o hindi. Hindi na
mahalaga.
Sa maiksing pagkakataon nakita ko si Will.
Nakapila siya sa unang hanay at pangalawa sa pila
pero bago ko pa siya lapitan ngayon ko lang
napansin ang lugar kung saan ako nakatayo. Puro
lupa at bato ang aking paligid. Mistula akong nasa
ilalim ng lupa. Ang tanging ilaw lang na maliwanag
ay ilaw sa itaas ng tatlong pila. Naglakad ako
papalapit sa harapan at sa tingin ko wala pang
sampung metro ang layo ko mula sa pila ay nakikita
ko na ang bangin. Hindi ko alam kung anong lugar
ang pinuntahan namin pero sa tingin ko hindi
maganda dito.
“And seventy-five.” Sabi ni Jenny sa malakas na
microphone.
Sa tingin ko nalibot ko na ang buong pila pero
hindi ko nakita si Jenny at tanging mga competitors
lang ang nandito.
“Gio saan ka ba pupunta?” Kumapit si Nikola sa
aking balikat at halatang napapagod. Hindi ko alam
kung dahil sa kakahabol niya o kakatakbo ng mag-
isa.
“Si Will.” Sabi ko sa kanya. “Kailangan maging
kagrupo ko si Will.”
“Ano ka ba?” Mabilis na sagot ni Nikola, kahit
na hinihingal siya maliwanag pa rin ang mga salita

176
niya. “Hindi ikaw ang magdidesisyon kung sino ang
magiging kagrupo mo. Competition ito hindi takda
sa paaralan.”
Alam ko. Pero kung sakaling mas malapit ako sa
pila at tabi ni Will may posibilidad na maging
kagrupo ko siya.
“Kompleto na ang mga Competitors.” Sabi ni
Jenny na may maikling echo sa mic. “Magsimula na
tayo!”
Nakikita kong maging mga Competitors ay
hinahanap kung nasaan si Jenny. Hinahanap kung
nasaan ang speaker. Hinahanap kung saan
nanggagaling ang ingay. Pero hindi nagugulo ang
pila at sa tingin ko kaming dalawa lang ni Nikola
ang wala sa pila.
“Welcome Competitors.” Pagbati ni Jenny. Ang
ganda ng boses niya pero hindi ko siya makita.
“Tinipon ko kayo para sa skill and ability test. Sa
test na ito makikita ang pag-asa niyong makuha ang
flying ST. Ang test na ito ay may katumbas na 5%
sa total na 100%. Matapos niyong maipon ang score
at makuha ang percentage, kung sino man ang
tatlong may matataas na percentage ay maaaring
bumalik ng walang proposal sa susunod na limang
taon at kung mawawala ang isa sa tatlong naging
Inventor, ang isa sa tatlong may matataas na
percentages ay maaaring pumalit sa kanyang titulo.
Kaya good luck!”
Mahinang nagbulungan ang mga Competitors at
bahagyang nasira ang pila. Ang iba ay lumapit sa
kanikanilang mga kakilala at nakipag-usap, may iba

177
naman piniling manahimik katulad ni Will. Nakikita
ko ang grupo ni Rinda at may seryoso silang ping-
uusapan hindi ko alam kung tungkol saan pero sa
tingin ko binabalak nilang pataasin ang score nila sa
training.
“Competitors! Simulan na natin.” Malakas na
sabi ni Jenny.
Nabigla ang lahat ng magliwanag ang malapad
na TV—halos kasing lapat ng isang buong
basketball court ang isang TV—sa tatlong gilid ng
malaking silid. Hindi ko alam kung silid pa ba ang
tawag sa lugar na ito dahil sa laki. Sa tingin ko
dalawang football stadium ang makikita ko.
Malawak at nakakatakot ang ilalim ng bangin. May
mga bitak ng lupa ang sahig. May mga malalaking
batong lupa—na sa tingin ko ay mas malaki pa sa
truck—ang nakakalat sa ilalim ng bangin.
“Anong lugar ito?” Hindi makapaniwalang
tanong ni Nikola.
Hindi ko siya pinansin at sinagot dahil hindi ako
makapagsalita sa mga nakikita ko. Wala na ba
siyang ibang sabihin kung hindi ‘woah o anong
lugar ito’?
Halatang puro lupa ang nakapaligid sa amin at
salamat dahil hindi kami nauubusan ng hangin.
Nakakatakot ang lugar pero maganda—pero hindi
kasing ganda ng silid na pinasukan namin ni Nikola
kanina.
Sa bandang itaas ng aming likuran—at itaas ng
malaking bakal na pintuan—isang maliwanag na
silid ang aking nakikita. May salamin ang silid na

178
nagsisilbing bintana para nakasilip sa bangin at
makanuod sa tatlong malalaking TV.
Mistula kaming nilibing sa lugar na ito.
“Ito ang Terrarena!” Malakas na sabi ni Jenny at
sa pagkakataong ito nakikita ko na siya, nakikita na
namin siya. “Ito ang magsisilbing arena ng skill and
ability test niyo. Ang takbo ng test ay para sa sarili
lamang. Maglalaro kayo para sa sarili niyo. Maaari
niyong gawin ang gusto niyong gawin, ang tanging
iiwasan niyo lang ay ang pumatay ng kapwa
Competitor.”
Ano walang grupo? May posibilidad din na
saktan ako ni Will kung magkakasalubong kami sa
loob ng Terrarena.
Naririnig ko muli ang bulungan ng mga nasa
paligid ko. May kanya kanya silang pinag-uusapan.
“Sa loob ng Terrarena mayroong pitumput-
tatlong kalapati at tatlong uwak. Tatlo sa inyo ay
maaaring makuha ng uwak na siya ring makakakuha
ng mataas na score.” Pagpapatuloy ni Jenny. “Hindi
sila katulad ng ordinaryong ibon kung lumipad.
Binago ng mga Inventors at Scientists ang kanilang
wing-performance. Sa pagkakataong ito mas mabilis
ang kanilang lipad—na parang flying ST—at
matalas ang kanilang mga mata—at may posibilidad
na saktan nila kayo pero hindi niyo ito ikakamatay.”
Pinapakita sa tatlong malalaking screen ng TV
ang mga kalapati at mga uwak kasama ang huni ng
mga ito. Ang kanilang mga mata ay nakakatakot at
mukhang kayang pumatay ng tao sa loob lang ng
isang oras. Mas nakakatakot ang itsura ng uwak, ang

179
kanilang mga mata ay parang nag-aapoy sa galit at
ang kanilang mga balahibo ay mistulang kutsilyo sa
talim.
“Simulan na ang laro!” Matining na sigaw ni
Jenny sa mic.
Matapos niyang magsalita. Sampu. Dalawampu.
Limampu. Maraming kalapati ang mabilis na
lumabas at lumipad sa di ko malamang direksyon.
Ang kanilang mga pakpak ay matatalas at ang
kanilang tuka ay matutulis. Kasama nilang lumilipad
ng mas mabilis ang tatlong itim na uwak.

180
NINE

Ang problema ko kung paano ako bababa sa mataas


na bangin. Sa tingin ko nasa apatnapu o limampung
talampakan ang taas ng bangin. Hindi ko alam kung
saan ako magsisimulang bumaba. Nakikita ko ang
grupo ni Rinda na mabilis na tumatalon sa ibaba ng
bangin. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko sa
kanila matapos kong makababa mula dito, sa tingin
ko bangkay nila.
Si Will hindi ko na nakita matapos akong
mamangha at matakot sa Terrarena. Ngayon lang
ako nakakita ng ganitong lugar. Kakaiba. Para akong
nasa ilalim ng mundo.
Kinakabahan ako kung ano gagawin ko.
Nakikita kong tanging mga sulo at mga maliliit na

181
apoy ang nagsisilbing liwanag sa baba. Sa aking
kanan nakikita ko ang mga bata kasama si James at
Sirius na tumatakbo sa nakahilis na bahagi ng lupa,
siguro maaaring daanan ang bahaging iyan pero
delikado kung magmamadali ka.
Naririnig ko ang sigaw ng dalawang babae mula
sa baba. Inaatake sila ng sa tingin ko mahigit limang
kalapati. Naririnig ko sila at parang pamilyar ang
kanilang mga sigaw. Tama si Grace at Cassandra.
“Gio!” Sigaw ni Nikola ang narinig ko. “Dito!”
Tumingin ako sa pinanggagalingan ng malakas
na sigaw. Nakita ko si Nikola na nakaambang
tatalon mula sa dulong bahagi ng bangin. Tumakbo
siya paatras at tumabo ng mabilis para makakuha ng
buwelo. Tumalon siya hanggang sa unang
nakatayong tipak ng batong lupa.
“Gio! Sumunod ka.” Sabi ni Nikola.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko pero dapat hindi ganito ang
nararamdaman ko, test lang ang bagay na ito kaya
dapat hindi ako matakot dahil sa tingin ko mas
nakakatakot pa ang mismong competition.
“Paano mo nagawa iyon?” Malakas at mabilis
kong tanong sa kanya.
“Bilisan mo lang ang takbo at lakasan mo ang
pagtalon.” Sagot ni Nikola.
Hindi na ako nag-isip pa ng maaaring ikasama
ko pagkatapos kong tumalon at mabilis akong
tumakbo papunta sa harapan ng batong lupa kung
saan nakatayo si Nikola. Hindi ko pa rin maalis sa
isip ko ang kabahan habang tumatakbo. Ang aking

182
tiyan ay parang iniipit ng dalawang bato. Nang
makarating ako sa dulo ng bangin madiin kong
tinupi ang aking tuhod at matigas at mabilis ko itong
binuksan at pagkatapos nilakasan ko ang aking
pagtalon.
Ito ang unang beses na nakita ko ang sarili kong
lumilipad at nakalutang sa hangin at hindi masarap
sa pakiramdam, daig ko pa ang hinagis sa
himapapawid at walang kasiguruhang may sasapo sa
akin. Sa tingin ko apat na kurap lang ng aking mga
mata at natagpuan ko ang aking sarili na nakakapit
sa dulong bahaging kinatatayuan ni Nikola. Ang
aking kanang kamay ay hawak niya. Hindi ko alam
kung bakit hindi ako umabot sa gitna ng batong
lupa.
“Kumapit ka lang Gio!” Sabi ni Nikola.
“Uhhh…” Sigaw ko habang pilit na inaakyat ang
aking sarili sa ibabaw ng lupa.
Bahagyang may nakakapa ang aking kanang paa
na maaari kong sampahan. Mabilis kong sinampa
ang aking kanang paa at pilit na inakyat ang aking
dibdib sa tulong ni Nikola. Naisampa ko na rin ang
aking buong katawan sa wakas.
“Okay ka lang?” Mabilis na tanong niya.
Tumango lang ako habang pinapagpagan ang
aking katawan.
“May isa pa pero sa tingin ko mas mababa na
ang batong ito.” Pagpapatuloy ni Nikola sabay
naglabas ng mahinang tawa sa kanyang bibig.
“Huwag naman sana tayong balian matapos ng test
na ito.”

183
Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya
ginagawa sa akin ito. Bakit niya ako tinutulungan
ngayon pansarili lamang ang score na ito. Ngayon
ko lang din siya nakilala—dito lang sa competition
na ito pero kung magmalasakit siya mas malaki
kaysa kay Will.
Tumalon siya ng hindi nagsasalita. Sinilip ko
siya sa ibaba pero wala akong ibang nakita kung
hindi dilim, mga nakakatakot na dilim.
“Okay lang ako.” Sabi niya at tumawa ng
malakas. “Buo pa ang mga buto ko.”
“Susunod na ba ako?” Tanong ko sa kanya
habang nakatingin sa madilim na lugar sa ibaba.
“Sige hihintayin kita.” Sabi niya mula sa ibaba.
“Mas malawak at malaki ang batong ito kasya diyan
kaya sa tingin ko kasya tayo. Sabihin mo lang kung
sa kaliwa ka tatalon o sa kanan para hindi mo ako
madaghanan.”
Kahit ako hindi ko alam kung saan siya
nakatayo. Kung sa kaliwa ba o sa kanan dahil ang
echo ng kanyang boses ay kumakalat.
“Nakuha ko.” Sagot ko. “Kaliwa ako tatalon.”
“Sige nasa kanan ako.” Mabilis na sagot ni
Nikola.
Sa pangalawang pagkakataon nagtitiwala ako sa
mga sinasabi niya. Kung tatalon ako kailangan
nakatupi ang mga tuhond ko kagaya ng itsura ng
mga pusa kapag tumatalon sila mula sa matataas na
lugar para maiwasan ang matinding sakit ng hita o
pagkabali ng buto.

184
Hindi na ako nagbilang pa at tumalon na ako.
Mabilis pero malalim ang aking tinalon. Unang
bumagsak ang aking mga talampakan at mabilis
kong binaluktot ang aking mga tuhod. Bahagyang
nakaramdam ako ng sakit pero sa tingin ko hindi
naman ito tatagal.
“Nikola.” Bulong ko sa madilim na paligid.
Walang sumasagot. Wala akong naririnig na
kahit ano, maging ang sigaw ni Cassandra at Grace
wala na. Para akong galing sa kulunagan kung
maglakad—dahan-dahan at tahimik. Binubulong ko
ang pangalan ni Nikola pero hanggang ngayon wala
pa ring sumasagot.
“Nikola?” Muli kong sabi sa madilim at
nakakatakot na paligid. “Nikola nakababa na ako.
Nasaan ka?”
“Gio!” Sigaw ni Nikola. “AHHH…”
“Nikola!” Mabilis akong tumakbo at sinundan
ang kanyang boses. Wala akong makita na kahit ano
kung hindi maitim na usok at madilim na
kapaligiran. “Nikola nasaan—”
Hindi pa ako tapos magsalita ng malaglag ako sa
malaking batong tinatapakan ko. Bumagsak ako ng
unang beses at sa tingin ko nakatayong batong lupa
din ang binagsakan ko. Unang tumama ang aking
buong likuran. Nararamdaman ko ang sakit.
Tumama din ang aking kaliwang siko at sa tingin ko
hindi ko na ito maigagalaw.
Dahan-dahan akong tumayo dahil sa sakit na
nararamdaman ko. Maging ang aking ulo ay tumama
pero salamat at hindi ako nahilo o sumakit ang aking

185
ulo. Tinukod ko ang aking kanang kamay at
tinulungan ko ng aking mga paa na tumayo ang
aking katawan.
Hindi pa ako lubusang nakakaupo mula sa
pagkakabagsak ay naririnig kong nasisira ang lupang
tinutukuran ko. Nasira ang kalahati ng lupa at
nalalag ako hanggang sa pinakasahig ng Terrarena.
Hindi maganda ang lupang pinagbasakan ko. Bitak-
bitak at walang kabuhay-buhay ang mga lupa dito.
Ang sakit na nararamdaman ko kanina ay nadoble.
Ang aking kaliwang siko ay hindi ko na maigalaw.
Namamanhid at parang may sariling buhay.
“Nikola!” Sumigaw ako kahit na alam kong
hindi ko kaya.
Hindi ko na naririnig ang sigaw ni Nikola.
Bahagyang ginagalaw galaw ko ang aking katawan
para hindi bumagsak ang aking enerhiya. Pilit
tinatayo ang aking katawan ng aking kanang kamay.
Masakit na rin ang aking kanang kamay.
Pakiramdam ko naipit ito matapos kong malaglag ng
dalawang beses.
Matapos ang sa tingin kong limang minuto
narinig kong muli ang sigaw ni Nikola. Sa aking
kaliwa. Malakas at mukhang nasa panganib siya.
Kailangan kong tulugan ni Nikola dahil alam
kong malaki na ang naitulong niya sa akin simula pa
noong unang training. Lagi niya akong
pinuprotektahan at pinagmamalasakitan kaya
kailangan ko siyang tulungan. Wala din akong ideya
kung bakit niya ginagawa sa akin ito.
“Nikola!” Sigaw ko.

186
“Gioooo…” Mabilis at mahabang sigaw niya.
Pinilit kong makatayo kahit na masakit ang
aking buong katawan. Binabalanse ng aking
dalawang paa ang bigat ng aking buong laman.
Ahhhh… dahan-dahan kong nararamdaman ang
sakit pero kailangan ako ni Nikola.
Kung binubugbog siya ng ibang Competitors
kailangan tulungan ko siya. Binilisan ko ang
paglalakad at tiniis ang mga sakit na dinadaing ng
aking katawan. Hindi kalayuan nakita ko si Nikola
nakahiga habang sumisigaw. Mga kalapati sa
kanyang ibabaw na paulit-ulit na lumilipad ng
mabilis at mistulang hinihiwa ang bawat bahagi ng
kanyang kawatan.
“Nikola!” Sigaw ko ng makita kon ang mga
sugat niya.
Hindi maaari. Noong nasa training kami sa City
of Dreams muntikan na siyang makuha ng taong
paniki. Malaki ang natamo niyang sugat mapuntahan
lang ang sasakyang kailangan namin.
Ika-ika akong lumapit sa sulo at pilit na binunot
ito sa kanyang kinatataniman. Mahirap hugutin pero
ito lang ang nakikita kong maaaring makapagtaboy
sa mga kalapating ito. Habang binubunot ko ang
sulo ganito rin ang nararamdaman ng katawan ko,
parang binubunot ang aking mga buto sa aking mga
laman. Dalawang beses akong nalalaglag ng mataas
at hindi ko alam kugn bakit pa ako nakakatayo ng
ganito.
Hinawakan ko ang sulo ng dalawang kamay.
Kahit na masakit ang aking kanang kamay at hindi

187
ko maigalaw ang aking kaliwang siko pilit kong
hinugot ang sulo. Nahugot ko ang sulo na parang
nahugot ko na rin ang espada ng prinsipe na
nakabaon sa bato dahil sa kawalang lakas ko.
“Umalis kayo!” Winawagay-way ko ang sulo at
bawat pakikipagsayaw nito sa hangin ay naiiwan ang
ilang piraso ng apoy. Nakikita kong nasisilaw ang
mga kalapit sa aking hawak at natatakot sila sa
tuwing nagkakalat ang ibang bahagi ng apoy.
“Ahhh…” Nakatakip sa mukha niya ang
kanyang dalawang braso na puno ng sugat. Hindi ko
alam kung maaawa ako sa nakikita ko o mandidiri.
“Lumayo kayo!” Muli kong sigaw. Mabilis na
lumipad papalayo ang mga kalapati ng makita akong
malapit na kay Nikola.
“Gio!” Sabi niya.
“Ano bang nangyari?” Napaupo ako sa kanyang
tabi habang nagsasalita.
“Uh—uh—uh sin—sinu… sinubukan ko—kong
buma… ba hanggang ilal—im—m para sa… bihin
sa iyo kung… ligtas o hi—hindi.” Paputol-putol
niyang pagpapaliwanag. “Pe—ro ina—natake a—ko
ng mga kala—lapati…”
Hinihingal siya. Hindi ko na siya pinagsalita pa
dahil alam kong hindi na niya kakayanin. Humiga
ako sa lupa para ipahinga ang aking katawan.
Umupo naman si Nikola para hipan ang kanyang
mga sugat.
Sa aking ibabaw nakikita ko ang tatlong
malalaking screen na nagsisilibing araw mula dito sa
madilim na ibaba. Nakikita ko ang ibang mga

188
Competitors na tumatakbo sa loob ng Terrarena. Sa
tingin ko may camera ang mga kalapati kaya
nakukunan ang ibang mga Competitors, at sa tingin
ko kanina lang ay kaming dalawa ni Nikola ay nasa
TV dahil sa mga kalapating umatake sa kanya.
Ang TV sa harapang bahagi ng silid na may
bintanang salamin kung saan nakatayo si Jenny
kanina, pinapakita ang tatlong uwak na wala pang
nakakakuha. Sa ilalim ng mga video ng uwak ay
may oras na tumatakbo. Isang-oras at labing-apat na
minuto ang tumatakbo sa orasan ng TV. Sa tingin ko
inuorasan kami ni General Gabriel kasama ang ibang
Inventors at Scientists para makita ang bilis ng
abilidad sa paghuli sa uwak.
“Hindi ko talaga inaasahang kayang umatake ng
kalapati.” Pagbasag niya sa katahimikan ng may
tawa. “Halos mahiwa nila ang mga kamay ko.”
“Bakit mo ba ginagawa ito?” Tanong ko sa
kanya. “Hindi mo naman kailangan gawin ito.”
Hindi pa nakakapagsalita si Nikola biglang may
nalaglag na sugatang lalaki mula sa itaas. Alam ko
ang pakiramdam ng malaglag mula sa taas kaya
alam kong kailangan niya ang tulong ko, ang tulong
namin ni Nikola.
“Sino yan?” Nabiglang tanong niya.
Sa pagkakataong ito hindi na putol-putol ang
kanyang salita dahil alam kong mabilis lang
makapagpahinga si Nikola pero wala akong ideya
kung bakit malakas siya na kahit anong maranasan
niya hindi siya sumusuko.
“Hindi ko rin kilala.” Sagot ko.

189
Nakataob siya bumagsak kaya sinubukan kong
itihaya ang kanyang katawan. Napalakas ang aking
pagtulak at napwersa ang aking kaliwang kamay.
“Ahhh!” Daing ko ng maramdaman ko ang sakit
ng aking siko.
Tumayo si Nikola mula sa kanyang kinauupuan
at tinulungan akong itihaya ang lalaki. Tumingin ako
sa kanya, tingin na parang nagtatanong kung bakit
niya pa ako tinulungan.
“Bakit?” Nagtatakang tanong niya sa akin.
“Dahil may lakas pa ako at kaya ko pang
tumulong?”
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang sagot
niya dahil kahit sino kayang tumulong pero hindi sa
lahat ng oras. Hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa
competition.
Naitihaya namin ang lalaki.
“Caesar!” Sabi ko ng makita ko ang kanyang
mukha. Katulad ng nangyari kay Nikola ang
kanyang mga braso ay may sugat at hiwa. Sa tingin
ko ginamit niya ang kayang mga braso para
protektahan ang kanyang mukha pero hindi niya ito
kinaya.
Ito ba ang ability at skill test na sinasabi nila?
Halos ikamatay na ng tao ang ginagawa nila. Alam
kong kaya nilang ibalik sa maayos ang aming
kalagayan sa loob ng limang oras pero hindi nila
dapat pa iparanas sa mga competitors ang hirap at
sakit.
“Caesar!” Pag-uulit ni Nikola sa sinabi ko.
Sinasampal niya ang pingi ng lalaki habang

190
ginigising ito. Hinawakan niya ang leeg at pulso ng
lalaki. Binaon niya ang kanyang kanang kamay sa
tiyan nito. “Buhay pa siya, hinimatay lang siya.
Tumitibok pa puso niya at humihinga pa siya.”
Alam ko at hindi maaaring mamatay siya dahil
may patakaran ang larong ito.
“Anong gagawin natin?” Natatarantang tanong
ko kay Nikola. “Hindi natin siya maaaring hintayin
magising bago humabol ng uwak.”
“Tama ka pero hindi natin siya kailangan iwan
dito.” Sabi niya. “Ilagay natin siya sa ligtas na lugar,
yung mabilis siyang magigising.”
Tama siya. Hindi ko talaga lubos maisip kung
abkit ganyan siya magmalasakit sa kung sino. Lagi
niyang iniisip ang kaligtasan ng kasama niya at ng
kapwa niya.
“Saan natin siya lalagay?” Hindi ko sigurado
kung tama ang gagawin namin.
“May nakita akong mukhang kweba kanina
malapit doon.” Mabilis na sagot niya.
Dahan-dahan niyang kinuha ang mga kamay ni
Caesar at binuhat ang kanyang katawan. Ang
kaliwang kamay ni Caesar ay nakasabit sa balikat ni
Nikola. Parang tunay na patay ang kanyang
binubuhat. Umalalay ako sa kanila. Nilagay ko sa
aking balikat ang kanang kamay ni Caesar. Mabilis
kaming naglakad papunta sa sinasabi ni Nikola.
Nararamdaman ko ang sakit ng aking siko. Ang
aking paa na parang nabalian ng buto. Nakikita kong
dumadaing din si Nikola pero hindi niya ito

191
pinapakita sa akin. Ang kanyang mga braso ay
patuloy pa rin sa pagdudugo.
Sa tingin ko limang minuto pa lang kaming
naglalakad ay unti-unti ko ng nakikita ang madilim
na bahagi ng Terrarena. Hindi ko alam kung bakit
ako kinakabahan ako.
“Dito.” Hinihingal na sabi ni Nikola. Ang
kanyang mukha ay punong puno ng pawis.
Kung hindi niya iniinda ang mga sugat niya
dapat hindi ko rin pansinin ang sakit ng aking mga
katawan. Ang sakit ng aking mga laman. Ang sakit
ng aking mga buto. Sa tingin ko hindi ko na
kakayanin. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa
tabi ng taong walang malay.
Nakarating kami sa kweba. Madilim sa loob. Sa
tingin ko hindi ako makakahinga kung papasok pa
ako sa loob. Binitiwan ko si Caesar. Inalis ko ang
kanyang kamay sa aking balikat.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Nikola.
Ang kanyang mukha ay pagod na pagod na.
Halatang gusto na niyang magpahinga pero alam
niyang kailangan niyang tulungan si Caesar kung
hindi mauubos ang laman niya sa hiwang gagawin
ng mga kalapati.
“Sa tingin ko hindi ko kakayanin kung papasok
ako sa loob.” Nakalaylay ang aking kaliwang kamay
na parang patay.
Tumango si Nikola sa akin. Naaawa ako sa
kalagayan niya pero hindi ko naman kayang patayin
ang sarili ko kahit na alam ko ng malapit na ako sa
kamatayan. Lumakad ako ng dahan-dahan papunta

192
sa gilid ng kweba. Ang lupa ay tuyo at buo. Ang
mga nagtataasang tipak ng mga batong lupa ay
parang kasing laki ng mga truck. Mistula akong nasa
Grand Canyon. Umupo ako sa mababang tipak ng
bato.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Napapagod na ako pero hindi ako dapat sumuko.
Tatlong araw na akong nandito sa gusali na ito at
hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako sa mga
mangyayari at nakikita ko sa loob ng building na ito.
Hindi pa ako nakakatagal sa aking pag-upo ay
may narinig akong ingay sa bandang kanang
direksyon ng aking kinauupuan. Parang tahimik na
nag-aaway. Hindi ko alam kung ilan ang mga
nagsasalita pero nakakasiguro akong nag-aaway sila.
Dahan-dahan akong pumunta sa naririnig ko.
Binubuhat ko ang aking mga paa sa tuwing
maglalakad ako. Iniiwasan kong apakan ang mga
tuyong lupa. Ayokong mag-ingay at gusto kong
marinig ang kanilang pinag-aawayan.
Malapit na ako at naririnig ko na sila. Huminto
ako sandali para mas maliwanag kong marinig ang
mga sinasabi nila.
“Kailangan nating gawin iyon.” Sabi ng lalaki.
Buo ang boses niya na parang siya ang lider ng
kanilang grupo.
“Pero paano kung—?”
“Paano kung mamatay siya?” Bahagyang
lumakas ang boses ng lalaki pero alam kong pinipilit
niyang magalit ng pabulong. “Walang nakakaalam
kung sino ang gumawa sa kanya noon kung hindi

193
tayo. Ngayon kung hindi ka pa titigil sa kakasalita
mo marami ang makakaalam.”
“Naaawa lang ako sa kanya.” Mahinahong sabi
ng isa. “Wala namang ginagawa sa atin yung tao.”
“Natatakot ka?!” Sabi ng lalaking buo ang boses.
Sa pagkakataong ito sa tingin ko nagagalit na siya.
“Hindi ako—”
“Huwag ka na magsalita Dan.” Pagpigil ng isa sa
sasabihin ng lalaki at sa tingin ko siya ang Dan na
tinutukoy niya. “Hindi ka nakakatulong. Kailangan
natin ng scores, ngayon kung hindi mo kailangan
huwag ka ng sumama sa grupo namin.”
“Uh—uh… pasensiya na kayo sa kanya.”
Dahan-dahan na sabi ng isa pa. “Wala siyang ibang
ibig sabihin—”
“Pero kuya—”
“Tumigil ka.” Bulong niya kay Dan. “Kailangan
natin sila para manalo.”
Matapos magsalita ng kuya ni Dan—hindi ako
sigurado kung tunay niyang kuya ang lalaking iyon
o kuya lang ang tawag niya dahil sa magalang siya
—isang malakas na sigaw ang aming narinig, sigaw
ng isang babae.
“Ano iyon?” Mabilis na tanong ng lalaking
mistulang lider nila.
“Hindi ko alam.” Sagot ng isa sa kanila. Ngayon
ko lang siya narinig sa tagal ng usapan at pagtatalo
nila. Kaboses siya ni Will! Hindi ako maaaring
magkamali kay Will ang boses na iyon. Si Will ang
kasama nila.
“Boses ni Belinda iyon!” Sagot ng isa.

194
“Belinda?! Hindi!” Sigaw ni Will at halatang
may pag-aalala sa kanyang boses. “Hindi siya
maaaring masaktan!”
Mabilis na pag-apak ng mga paa ang aking
narinig mula sa kanilang pwesto. Mabilis silang
tumakbo matapos ang mga huling salita ni Will.
“Will!” Tinawag ko siya at lumabas mula sa
madilim na bahagi ng Terrarena. Huli na at wala na
sila.
Belinda? Ngayon ko lang narinig ang pangalang
iyon. Hindi ko pa siya nakikita. Bakit mukhang
kilala ni Will ang babae? Bakit parang malaki ang
pag-aalala niya kay Belinda? Sino ang mga kasama
niya at bakit may magkapatid sa kompetisyon na
ito? At sino ang tinutukoy nila noong una? Bakit
may balak silang pumatay ng Competitors? Si Will
isa sa kanila na may balak ding pumatay sa mga
katulad niyang Competitor kahit na alam niya ang
magiging kapalit nito. Nakalimutan na niya ako
dahil sa mga bagong kasama niya. Ang mga
pinagsamahan namin simula noong nasa
elementarya pa lang kami. Sino si Belinda? Huwag
niyang sabihing may relasyon sila ng babaeng iyon?
Malakas ang kutob ko dahil sa boses niya na parang
malaki ang pag-aalala sa babae iyon. Paano niya
nagawa ito? Nakalimutan niya na si Sarah?

195
TEN

“GIO ANO ANG NANGYARI?” Nagtatakang tanong ni


Nikola. “Bakit ka umiiyak?”
Hindi ko alam na umiiyak ako. Hindi ko alam na
lumuluha ang mga mata ko. Hindi ko alam at hindi
ko nararamdaman. Hindi na ako kilala ni Will,
ngayon maging si Sarah hindi niya pinapahalagahan.
May Belinda na siya? Sino ang babaeng iyon?
“Gio?” Niyuko niya ang kanyang ulo para
tumingin sa aking mukha. Nakikita ko sa kanyang
mukha na nasasaktan siya sa bawat galaw na
gagawin niya. “Okay ka lang?”
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko
ang mga luha ko kahit hindi ko alam kung saan sila
pumatak.

196
Hindi ko na kailangan pang isipin si Will
ngayong nakalimutan na niya ako at si Sarah. Hindi
na ako mahalaga sa kanya. Wala na ang
pagkakaibigan namin. Alam kong hindi ako
maaaring sumuko pero hindi ko kailangan gawin ito
sa sarili ko. Si Will ang buhay ko at para ko ng
kapatid. Noong nawala si Sarah hindi ko alam kung
paano pa gagawin ko sa araw-araw ngayon si Will
naman? Ang aking buhay ay aalis? Hindi ko alam
kung paano gigising sa umaga ng malayo sa ina, ng
namatayan ng isang tunay na kaibigan, at
kinalimutan at hindi na kinikilala ng matakil kong
kaibigan.
Sana nandito ang aking ina para mapagkwetuhan
ko ng mga nangyayari pero alam kong hindi siya
makakapunta dito. Sana nandito si Utah para
mapasaya ako. Sana nandito si Uthello para gabayan
ako sa mga nararanasan ko o hindi kaya si Rick.
Tama si Rick! Sana nandito si Rick para pagaanin
ang loob ko at payuhan ako sa mga nangyayari.
Nangungulila ako sa kanila. Pakiramdam ko
kailangan ko na silang makita lalo na ang aking ina.
Bumalik ako sa katauhan ng makita kong
nakatingin si Nikola sa akin. Tumango ako muli at
ngumiti.
“Okay lang ako.” Sabi ko sa kanya sabay tulak
ng bahagya. “Si Caesar?”
“Okay na siya.” Sagot niya na natatawa. “Sa
tingin ko hindi na siya magagalaw ng kahit sino
doon dahil tinabunan ko ng bahagya ang kanyang
katawan.”

197
“Tinabunan?”
Tumango siya at tumawa.
“Sa tingin mo kaya niyang tumagal sa loob
hanggang matapos ang skill test na ito?”
“Siguro hindi ko alam.” Ngumiti siya sa akin.
“Paano kung mapa—” Naalala ko ang usapan
kanina ng mga kasama ni Will, may balak silang
saktan ang isa sa mga Competitors at sa tingin ko
nagawa na nila. “—mapatay natin siya? Hindi natin
maabot ang mga pangarap natin at ikukulong nila
tayo ng habang buhay!”
“Hindi mangyaya—”
“Pero kung mamatay siya?” Sigaw ko hindi ko
alam kung bakit pakiramdam ko mapapatay namin si
Caesar. “Hindi maaari. Kailangan ko maging—”
“Gio!” Hinawakan ni Nikola ang aking
dalawang balikat at niyugyog ako para magising ako
sa mga sinasabi ko. “Hindi natin siya—”
“Tama ka.” Sabi ko sa kanya. “Hindi natin siya
natulungan dahil mamamatay siya. Makukulong
tayo. Hindi ako magiging Inventor—”
“Hindi siya mamamatay dahil kaunti lang ang
lupa—”
“Hindi magiging masaya ang aking ina at hindi
ko matutupad ang pangako ko sa aking lolo!”
Napahinto ko ng masabi ko ang mga salitang
iyon. Mabilis akong nagsalita habang nagagalit.
Sumasakit ang ulo ko. Para akong may vertigo.
Urgh! Dahan-dahan kong hinahampas ang aking ulo.
Sinasabunutan ang aking buhok.

198
“Pangako mo sa lolo mo?” Nagtatakang tanong
ni Nikola.
“Urgh!” Mabagal kong sigaw habang matinding
pinipikit ang aking mga mata.
“Gio.” Sabi ni Nikola. “Anong nangyayari
sayo?”
“Ang sakit ng ulo ko.” Hindi ko alam kung tama
ang sagot ko sa kanya.”
Napaupo ako sa bitak-bitak na sahig ng
Terrarena. Dahan-dahan kong hiniga ang aking
braso at binigay ang bigat ng aking dibdib at
katawan sa aking braso. Inuuntog ko ang aking ulo.
Nakikita ko ang pagtalon ng mga bitak ng lupa sa
bawat paghampas ko ng aking ulo sa sahig.
Urgh! Hindi ko na maipaliwanag ang sakit
hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit at
hindi ko namalayang nakatulog ako gawa ng sakit
ng aking ulo.

Nagising ako sa madilim na lugar. Simula ng ibukas


ko ang aking mga mata at makita ko ang madilim na
paligid—nalilito ako kung nakabukas ba o hindi ang
aking mga mata—unti-unting bumibilis ang tibok ng
aking puso na parang gustong kumawala sa aking
dibdb. Lumalalim ang aking paghinga na parang
hinahabol ko ang nag-iisang hangin na umiikot sa
aking buong katawan. May mga lupa na bahagyang
nakatakip sa aking katawan—mula paa hanggang
baywang, maging ang aking dalawang kamay ay
may lupang nakatakip.
“May tao ba dito?” Sibi ko sa dilim.

199
Noong una walang sumasagot. Echo lang ang
tanging nag-uulit ng sinabi ko. Hindi ko alam kung
may nyctophobia ba ako o generalized anxiety
disorder dahil sa takot ko sa dilim pakiramdam ko
lahat na kinatatakutan ko.
Bumagon ako, inalis ang mga lupang
nakapatong sa iba’t ibang parte ng aking katawan at
umupo. Biglang umikot ang aking paningin.
Nahihilo ako. Sa bandang kaliwang bahagi ay may
naririnig ako. Wala akong nakikita pero may
naririnig ako, mga kaluskos ng lupa. Parang may
nagtatanim ng halaman o nagbubungkal ng lupa.
“May tao ba diyan?” Sabi kong muli.
“Gio?” Sabi ng boses lalaki.
Alam kong narinig ko na ang boses niya pero
alam kung hindi siya si Nikola. Sa pagkakatanda ko
bago ako mapunta sa lugar na ito ay kasama ko si
Nikola. Nasaan siya?
“Tama ka ako si Gio.” Sagot ko. “Sino ka?”
“Mabuti naman gising ka na.” Sagot ng lalaki.
“Ako si Caesar.”
“Caesar?”
“Tama ka.” Mabilis na sagot na parang alam
niya na kung ano ang mga itatanong ko sa kanya.
“Huwag mong itanong sa akin kung ano ang
ginagawa mo sa lugar na ito dahil ako mismo hindi
ko alam kung bakit ako nandito.”
Alam ko kung ano ang ginagawa niya dito.
Dinala namin siya ni Nikola sa kwebang ito dahil
inatake—hindi ako sigurado sa pag-atake—siya ng
mga kalapati at nalaglag siya sa harapan namin ni

200
Nikola. Pero ako ano ang ginagawa ko dito? Si
Nikola din ba ang naglagay sa akin dito?
“Mga segundo, minuto, oras o araw na akong
natutulog dito sa lugar na ito?” Mabilis na tanong ko
sa kanya matapos maisip kung paano at bakit siya
napunta sa lugar na ito.
“Hindi ako sigurado kung ilang oras na dahil
nagising ako nasa tabi na kita.” Sagot niya.
Gusto kong makita ang itsura niya habang
nakikipag-usap sa akin dahil hindi ko makuha sa
imahe sa aking utak. Si Caesar nakikipag-usap sa
akin? Samantalang natakot ako noong una ko siyang
—kasama ko si Isaac—makita sa gym. Halos
tumakbo ako pauwi ng Cuprum para sabihin sa
aking ina na natatakot ako sa kanya pero ngayon
nandito siya at nakikipag-usap sa akin ng
mahinahon. Iba ang pagkakakilala ko kay Caesar
noon.
“Katulad ng paggising mo ngayon may lupa ding
nakapatong sa iba’t ibang parte ng aking katawan.”
Dugtong niya sa mga sinasabi. “Pero sa tingin ko
labing-limang minuto ka nang tulog mula ng maging
ka ngayon. Iyon lang ang naabutan ko.”
“Ganoon ba?” Tanong ko sa kanya. “Hindi ko
alam kung ano ang ginagawa ko dito pero sa tingin
ko kasama ko si Nikola bago ako mapunta sa lugar
na ito. Ikaw ano ang natatandaan mo bago ka
mapunta dito?”
Bahagyang katahimikan ang pinalabas ni Caesar
sa madilim na lugar. Hindi ko siya makita. Hindi ko
alam kung nakatayo siya o nakaupo o nakahiga.

201
Huwag naman sana niya akong gulatin kung
sakaling nasa likuran ko na siya.
“Limang lalaki ang huli kong nakita bago ako
mapunta sa lugar na ito.” Pagbasag niya sa
dalawampung segundong katahimikan. “Hindi ko
alam kung paano nila nagawang palapitin sa akin
ang limang kalapati at utusang atakehin ako.
Matapos noon hindi ko na sila nakita pero natandaan
ko si Don at Dan ang kambal na Competitors at may
narinig din akong pangalan na binabanggit nila na
kailangan nilang hanapin. Hindi ako sigurado kung
Berlynda o Beminda o—”
“Belinda?”
“Oo Belinda. Iyon nga, iyon ang pangalang
narinig ko.” Mabilis na sagot niya matapos na
marinig ang pangalan sa akin. “Teka, bakit mo
kilala?”
Si Caesar ang tinutukoy nila. Ang Competitors
na nagagalingan sila kaya plinano nilang patayin?
Saktan? Hindi ako sigurado pero hindi magandang
pakinggang may mali silang plano kay Caesar.
“Gio?” Nagtatakang tanong niya kung kausap
niya pa ba ako o hindi na. Hindi ko siya nakikita
pero naiintindihan ko ang ekspresyon ng kanyang
boses.
“Uh—uh… oo nakita ko sila bago ako mahiga
dito. At…” Hindi ko alam kung kailangan niya pang
marinig ang tungkol kay Will, pero sa tingin ko wala
naman siyang pakialam kung marinig niya.
“At?”
“Kasama nila si Will.” Sagot ko.

202
“Si Will?” Nabigla niyang tanong. “Hindi ba
matalik na kaibigan mo siya?”
Tumango ako sa kanya at iniisip kong sana
nakita niya ang malungkot na pagsang-ayon ng
aking ulo.
“Dati.”
“Dati?” Tanong ni Caesar. “Anong dati? Sa
tingin ko may mali kay Will kaya hindi ka niya
kilala.”
“Alam mo?” Nagtatakang tanong ko sa sinabi
niya. “Pero paano?”
“Kaklase mo ako sa PE I.” Bahagyang natatawa
siya habang nagsasalita at sa tingin ko nakangisi siya
sa dilim. “Generic ako, specialization ko ang body
language at paborito ko ang subject na psychology
kaya ayon sa obserbasyon ko matalik kayong
magkaibigan at hindi mo kaya ang mawala siya,
dahil noon nawalan ka na ng kaibigan. Pero ang
nakikita ko kay Will bilang kaibigan hindi siya
kumikilos ayon sa pagkakalilala niya sa iyo dati.
Dahil hindi ka masasaktan ng ganyan kung hindi ang
Will ngayon ang kilala mo noon.”
Tama siya. Pero paano niya agad nalaman? Ang
galing niya pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon
dahil sa pagkakataong ito mas bumibilis ang tibok
ng aking puso at hindi ko na kaya pang huminga ng
matagal.
“Uh… Caesar?” Sabi ko sa kanya na para ko
siyang nakikita. “Nasaan ka?”
“Bakit?”

203
“Hindi ako makahinga kailangan kong lumabas
dito para lumanghap ng hangin.” Mabilis na sabi ko
sa kanya. Iyon ay kung may labasan ang kweba na
ito.
“Nasaan ka?”
“Nandito.” Sagot ko sa kanya.
Tumayo ako at unti-unting nagkalad papunta sa
boses niya at sana tama ang daan na nilalakaran ko.
Hindi ako sigurado kung bato talaga ang naaapakan
ko dahil may ibang bahaging malambot at maiipit sa
tuwing maaapakan ko. Bawat hakbang ng aking paa
ay siya naman kappa ng aking mga kamay kung
nasaan si Caesar.
“Gio.” Sabi ni Caesar. “Sa tingin ko nakita ko na
ang labasan. Nasaan ka?”
Naririnig ko ang boses niya at sa tingin ko
malapit na akong makarating sa kanya. Mistulang
naglalakad ako sa mabatong bahaging lupa ng
buwan. Hindi pa ako nagtatagal sa aking paglalakad
ay narinig ko na ang mga yapak ni Caesar.
Nahawakan ko ang kanyang balikat at kumapit.
“Caesar bilisan natin hindi ko na kaya.” Sabi ko
sa kanya ng mahawakan ko ang kanyang mga
balikat.
Mga batong halos kasing laki ng aming mga ulo
ang bumabangga sa aming mga paa at tumatama sa
aming mga binti. Hindi ko alam kung kaya ko pang
bilangain ang mga sugat na nakuha ko pagkatapos
ng skill test na ito.
Hinahabol ko ang huling takbo ng aking hininga
ng makalabas kami ni Caesar sa loob ng kweba.

204
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari at ang
tanging nasa isip ko lang ay may posibilidad na may
nakakuha na ng tatlong uwak at tapos na ang skill
test.
“Ano na sa tingin mo ang nangyayari?” Tanong
sa akin ni Caesar.
“Wala akong ideya.” Iyon naman talaga ang
totoo.
Tumingin ako sa itaas. Sa pagkakatanda ko
maaaring makita kung ilang uwak na ang nakita.
Hinanap ko ang screen kung saan pinapakita ang
mga uwak. Isang uwak na ang nakuha.
“Caesar!” Sabi ko sa kanya saka tinuro ang
screen na halos kasing laki ng basketball court sa
itaas.
“Dalawa na lang?” Magulat niyang tanong.
Tumango ako sa kanya. “Mabuti at dalawa pa.”
Tumawa siya ng marinig ang aking sinabi na
parang may naisip na hindi magandang ideya.
“Tamang-tama isa sa iyo at isa sa akin!”

205
ELEVEN

HINDI KO ALAM KUNG tama ba o mali ang naisip


niya dahil ang naaalala ko sa tuwing nangyayari ito
o may naririnig akong ganito ay si Bert at Tom. Sa
tingin ko dapat wala akong pagkatiwalaan sa loob ng
kompetisyon.
“Sigurado ka bang tama ba itong gagawin
natin?” Hindi ako makapaniwala sa gagawin namin.
“Oo nakakasiguro ako.” Ngumiti siya sa akin,
hindi ko na pinansin ang bagay na iyon dahil mabilis
ang aming pagtakbo. “Kailangan natin ang dalawang
uwak dahil kailangan natin ng scores!”
Bago pa kami tuluyang maglakad at tumakbo
ng mabilis, naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa
usapan na narinig ko kanina—ang huling mga salita

206
kong narinig bago ako magising ng balot ng lupa
ang iba’t ibang parte ng katawan. Usapan ng limang
lalaki. Usapan kung saan kasama si Will.
“Tama ang iniisip ko na hindi ko dapat sila
pagkatiwalaan.” Sabi ni Caesar habang tumakbo.
Hindi ko alam kung takbo ba ang maitatawag
namin sa ginagawa namin dahil para saming dalawa
ito na ang pinakamabilis, dahil para sa mga
pangkaraniwang lagay ng katawan hindi ito katulad
ng nararamdaman namin ngayon. Para kaming mga
runner na hindi sumusuko kahit na isang libong
harang o halimaw ang humarap sa amin.
Ang gustong mangyari ni Caesar ay labanan
namin ang mga kapwa naming Competitors. Sugatan
kung kinakailangan dahil kung ginawa nila ito sa
kanya o kay Nikola, kaya din namin. Sabi niya hindi
naman namin sila mapapatay. Tama siya dahil kung
mangyayari ang bagay na kinatatakutan ko hindi ko
na matutupad ang pangako ko sa aking lolo. Tama
din siya dahil kanina lang bago ako mahiga ay halos
mapatay ko na si Nikola sa takot na baka mapatay
namin si Caesar dahil sa lupang tinabon niya sa iba’t
ibang parte ng kanyang katawan—at bago ako
mahilo at himatayin. Naalala ko na! Tama ang mga
iyon ang nangyari bago ako magising sa mga
nakatabong lupa sa aking katawan.
Mula sa aking harapan tumalon si Caesar sa
isang mataas na lupa. Hindi ko alam kung paano
siya gagayahin dahil hindi ako marunong sa
ganoong klaseng mga gawain.

207
“Sa tingin ko kailangan muna nating hanapin si
Nikola.” Sabi ko sa kanya habang nahihirapang
umakyat sa lugar na tinalon niya. “Sa tingin ko siya
ang tumulong sa atin.”
Alam kong si Nikola ang tumulong sa amin
hindi lang ito sa tingin ko. Nagsisinungaling lang
ako dahil gusto kong makasiguro kung dapat ko
bang pagkatiwalaan si Caesar kagaya ng ginawa sa
kanya kanina ng mga pinagkatiwalaan niya—kagaya
ni Will.
“Palagay ko tama ka pero wala na tayong oras
para hanapin pa siya. Kailangan natin ng scores.”
Sabi niya habang naghahanap ng maaakyatan sa
susunod na mataas na lupa. “Kaya mo bang umakyat
dito?”
Tama siya kailangan namin ng scores pero
kailangan ko rin mahanap si Nikola dahil siya ang
laging tumutulong sa akin at nagpoprotekta sa akin.
Sa pangalawang pag-iisip ko tama rin siya na hindi
namin kailangan hanapin si Nikola dahil sa hindi
namin siya kailangan, hindi pa rin dapat ako
magtiwala sa kanya kahit na nakikita kong mabait
siya. Hindi ko kailangan hanapin si Nikola dahil
baka malagay siya sa panganib ng dahil sa akin.
Paano kung katulad din si Caesar ng mga kasamahan
niya? Paano kung katulad siya ni Will? Paano kung
hindi totoo na sinaktan si Caesar ng mga kasama
niya kanina—kahit pa na may sugat siya—at ginawa
nila ito para saktan si Nikola.
Posible lahat ng mga iniisip ko dahil magaling
si Nikola. Marami sa mga Competitors ang nagagalit

208
at naiinggit sa mga magagaling. Katulad ng narinig
ko kanina, sa tingin ng grupo ni Will magaling si
Caesar at kinailangan nilang saktan si Caesar pero
kung isa itong palabas? Palabas na kung saan si
Nikola ang bida na kailangan mawala sa mga buhay
nila?
Kailangang hindi ko makita si Nikola hanggang
matapos ang skill test dahil hindi ito makakabuti sa
kanya.
“Gio?” Sabi ni Caesar. Umaakyat siya sa
matarik na lupa habang nakatingin sa akin—sa
kanyang baba.
“Sa tingin mo kaya mo?”
Magising ako sa loob ng aking pag-iisip ng
marinig muli ang kanyang tanong. Tumingin ako sa
kanya at dahan-dahang tumango. Tango na parang
hindi sigurado sa aking sagot.
“Mabuti.” Sabi niya.
Matapos niyang magsalita ay mabilis na siyang
umakyat sa matarik na lupa. Hindi maganda ang
pagkakadikit-dikit ng mga lupa kaya natatakot
akong umakyat. Kakatapos ko lang malaglag ng
dalawang beses at ayoko ko ng maranasan ang sakit
na iyon. Ayoko nang gumapang sa hirap at sakit ng
katawan lalo na at hindi ko kilala at wala pa akong
matibay na tiwala sa taong kasama ko.
“Gio!” Sigaw ni Caesar ng makaakyat sa
ibabaw ng matarik na lupa. “Umakyat ka na! Bilisan
mo!”
Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadali
pero nakikita ko ang emosyon ng kanyang mukha at

209
tono ng kanyang boses na hindi magandang ideya na
makipag-usap pa ako sa aking utak ngayon.
Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang
mga kalapati. Pito? Walo? Siyam? Hindi ko alam.
Hindi ko sila mabilang.
Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako
makakilos sa aking kinatatayuan. Ang aking mga
paa ay parang naging semento.
“Anong ginagawa mo?” Sigaw na tanong ni
Caesar mula sa itaas. “Umakyat ka na o tumakbo!”
Alam kong sumisigaw si Caesar pero hindi ko
alam kung bakit hindi ko magawa ang isa man lang
sa mga sinasabi niya. Malapit na ang mga kalapati.
Matutulis ang kanilang mga kuko. Matatalas ang
mga pakpak. Malilinaw ang mga mata. Mabilis
silang lumipad paikot sa akin pero bago pa nila ako
malapitan tatlo sa kanila ay biglang bumagsak
kasama ng ilang malalaking tipak ng bato at lupa na
galing sa itaas.
“Gio, akyat! Bilis.” Sigaw ni Caesar. “Ako na
ang bahala sa mga kalapating iyan!”
Tumingin ako sa itaas at nakita ko ang mga
tipak ng bato at lupa sa mga kamay ni Caesar.
Tinulungan niya ako? Pero bakit?
Hindi na ako nag-isip pa at umakyat ng mabilis.
Ayokong mahiwa ng mga kalapati hanggang sa
maubos ang aking laman.
Humawak ako sa matigas na parte ng lupa at
parang bato ang nahawakan ko. Umapak ako sa
kahit anong lupang maapakan ko. Ang ibang parte
ng lupa ay malambot at parang wax. Kinakabahan

210
ako sa tuwing aapak ako sa lupa. Hindi ko alam
kung lupa o wax o bato ang naaapakan ko. Pero isa
lang ang masisiguro ang apakan ang mga bato dahil
isang maling apak ko lang ay maaaring mahulog
ako.
Malapit na ako sa kinatatayuan ni Caesar ng
may biglang humiwa sa aking likuran. Masakit at
halos makabitaw ako sa aking kinakapitan.
Pakiramdam ko isang matulis na katana ang may
gawa sa akin. Nararamdaman ko ang dahan-dahan
na pagtulo ng aking dugo sa aking likuran.
“Gio!” Sigaw ni Caesar. “Kumapit ka lang.”
Bago pa ako makakapit muli nakita ko ang
isang kalapati na nahulog mula sa aking likuran. Sa
tingin ko ang kalapating humiwa sa aking likuran
ang nahulog at tinamaan ni Caesar ng lupa.
Mabilis na dumapa si Caesar para hawakan ang
aking kanang kamay at hinila ako pataas. Masakit
ang aking likuran. Pakiramdam ko nahiwa ang
buong katawan ko o nahiwa ang kalahati ng aking
katawan. Sa isang malakas at mabilis na paghatak ni
Caesar ay nakarating din ako sa kaninang
kinatatayuan niya.
Mabilis niyang tiningnan ang aking likuran at
inalis ang aking jacket.
“Ang laki ng sugat mo sa likuran.” Nag-
aalalang sabi niya.
Alam ko dahil nararamdaman ko.
Mabilis niyang tinupi ang aking jacket
pinunasan ang dugong tumutulo mula dito
pagkatapos ay muli niyang tinupi sa ibang bahagi

211
ang jacket. Dahan-dahan niyang pinatong sa aking
sugat ang jacket.. Nakikita kong hinubad niya ang
kanyang jacket at tinupi ito na parang elastic
bandage at pinatong sa aking aking likod—kung
saan nakalagay ang aking jacket—at nilapat papunta
sa aking dibdib hanggang at saka niya binuhol.
Dahil sa ginawa niya bahagyang naibsan ang
sakit sa aking lukuran. Nakikita ko ang mga sugat
niya sa kanyang braso pero hindi niya ito
pinapansin. Bakit siya ganito magmalasakit
samantalang may mga sugat din siya. Bahagyang
tuyo na ang kanyang mga sugat pero nakikita ko ang
mistulang mga tubig na pumapaligid sa bawat sugat
niya.
Mabilis niyang nilagay ang aking kaliwang
kamay sa kanyang balikat at inalalayan akong
tumayo. Hindi ko alam kung bakit ganito kabait ni
Caesar sa akin. Hindi ko makakalimutan ang unang
tingin ko sa kanya, mukha siyang matapang at bully
pero hindi ito ang lumabas mula sa aking iniisip.
Gusto ko siyang tanungin katulad ng tanong ko
kay Nikola. Kung bakit nila ginagawa sa akin ito?
Una si Clarisse. Si Rick. Ang mga kaibigan ko sa
Generic—Isaac at Jason. Si Bert, Tom at mga
kasamahan nila. Si Taylor at Ben. Si Nikola ngayon
maging si Caesar. Ano ang gusto nilang palabasin?
Hindi ko maintindihan ang ginagawa nila sa akin.
“Okay ka lang?” Tanong niya pero hindi niya
nililingon ang aking mukha.
Bahagyang uminda ako sa sakit at tumango.

212
“Kailangan natin kumilos ng mabilis.” Sagot
niya. “Hindi natin alam kung kailan babalik ang mga
kalapati.”
Hindi ko inaasahang mahaba ang lupang
inaakyat namin hindi katulad ng unang lupang
tinalon namin ni Nikola, paisa-isa at
magkakahiwalay. Mabilis akong inakay ni Caesar na
parang tumatakbo at binaybay namin ang makitid at
mahabang daanan.
Sa bandang ilalim ng aming dinadaanan ay may
naririnig akong mga babaeng sumisigaw. Para
kaming nasa impyerno at nanghihingi ng tulong ang
mga babaeng sumisigaw. Alam kong hindi namin
sila matutulungan dahil kailangan namin habulin ang
oras at ang dalawang uwak.
Habang mabilis kaming naglalakad at unti-
unting nawawala ang sigaw ng mga babae—
sinusubukan kong bilangin ang magkakaibang tunog
at sigaw pero hindi ko magawa dahil sa tingin ko
iniiba ng lupa ang direkcyon ng mga tunog at
nilalayo sa akin—bigalang huminto si Caesar sa
paglalakad.
“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” Pabulong na
tanong niya.
Hindi ko alam ang sinasabi niya. Wala akong
nakikita pero naririnig ko pa rin ang sigaw ng mga
babae kanina.
“Wa—wala.” Naputol-putol kong sagot.
“Sa bandang kaliwa.” Dahan-dahan na sabi
niya.

213
Tumingin ako sa bandang kaliwa ko. Dahan-
dahan kong inikot ng bahagya ang aking katawan
para makita ang nais niyang makita ko. Ahhh…
nararamdaman ko ang sakit at hapdi ng aking
likuran. Parang sugat na gumagaling at bumabalik sa
sakita sa tuwing gagalaw o iikot ako. Hindi ko
pinakita kay Caesar na nasasaktan ako. Ayokong
isipin niyang mahina ako. Mabilis kong tinuloy ang
pagpihit sa aking katawan para makita ang sinabi
niya.
Sa bandang kaliwa ko ay may isang malapad at
mataas na lupa—mas mataas pa sa lupang
kinatatayuan namin ni Caesar. Sa ibabaw ng lupang
iyon nakatayo ang dalawang uwak. Hindi ako
makapaniwala sa aking nakikita. Pagkakataon na
namin ni Caesar ito.
“Kailangan natin makapunta sa kabila.” Sabi
niya ng makita ang aking mata na nakatingin sa
dalawang uwak. “Hindi natin maaaring talunin ang
kabilang lupang iyan baka lumipad ang mga uwak.”
Tama siya. Hindi namin kailangan tumalon para
makapunta sa kabila. Kailangan namin mapanatili
ang katahimikan para makuha ang uwak kung hindi
mabilis itong lilipad. Hindi namin kayang mabulin
ang ganoon kabilis na lipad.
“Anong plano mo?” Pabulong akong
nagtanong.
Yumuko siya at dumapa sa lupa ng aming
kinatatayuan. “Dahan-dahan tayong bababa at
aakyat sa kabila.”

214
Tumango ako sa kanya at ginaya ang ginagawa
niya.
“Mauna ka nang bumaba.” Bulong niya sa akin.
“Pagnakababa ka na bilisan mo ang pag-akyat pero
tahimik mong gawin iyon.”
Tumago ako sa kanya at dahan-dahang nilaylay
ang aking paa para bumaba sa mataas na lupa. Sa
pagkakatanda ko ito ang dahilan kung bakit ako may
hiwa sa aking likuran. Ganito din ang ginagawa ko
kaso umaakyat ako noon.
Dahan-dahan akong bumaba pero bahagyang
nagpapadulas para mas bumilis ang aking pagbaba.
Ang sa tingin ko malayo pa hindi ko namalayan na
ang naaapakan ko ay sahig na ng Terrarena.
Gusto ko sanang hintayin si Caesar pero ang
bilin niya umakyat agad ako matapos kong bumaba.
Siguro may ibang plano siya dahil hindi naman
magtatagal ang isa uwak kung makukuha ko ang
isang uwak. Sa tingin ko maririnig at maririnig ng
isang uwak ang ingay ng isang uwak kung
mahahawakan ko na siya.
Katulad ng ginawa ko kanina. Inapakan ko ang
mga matitigas na bahagi ng lupa para mabilis
makaakyat. Mabilis pero tahimik. Ang tanging mga
salita lang sa aking isip ay huwag sanang dumating
ang mga kalapati, huwag sanang dumating ang mga
kalapati, huwag sanang dumating ang mga kalapati.
Ayokong magkaroon muli ng bagong sugat sa aking
likuran. Hindi ko na alam kung paano maglakad
kung sakaling dadagdagan pa ang sugat na iyon o
baka sumuko na ako sa skill test.

215
Tumingin ako sa kabila kung saan nakatayo
kami ni Caesar kanina. Wala na siya doon. Ano kaya
ang balak niyang gawin? Bakit niya ako pinapunta
mag-isa? Ayokong isipin na pagkakataon na ito para
makasigurong makuha ang isa sa dalawang uwak
pero hindi ko ito magagawa kung hindi dahil kay
Caesar.
Bahagyang tumingin ako sa aking kaliwa at
kanan at nagbakasakaling makita si siya pero wala.
Hindi ko pa nakikita at nararating at tuktok nakita ko
na ang isang uwak na nakatayo sa dulong bahagi ng
lupa, sa aking itaas.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil
sa nakita ko. Ito ang ibong pinag-aagawan ng
pitumpu’t limang Competitors ngayon nasa itaas ko
na.
Mabilis ako umakyat pero hindi ko inalis sa
aking isip ang pagpapanatili ng katahimikan. Bawat
lupa at bato na aking naaapakan sa tingin ko daan
para makuha ang uwak sa itaas. Malapit na ako at sa
tingin ko isang metro na lang ng may marinig akong
isang sigaw.
“Gio! Kunin mo na!” Sigaw ni Caesar.
Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at
saan nanggagaling ang kanyang boses. Kahit na
narinig ko na siyang sumigaw hindi ko inalis ang
aking tingin sa uwak na nakatayo sa aking itaas.
Mabilis kong inapakan ang lupa sa aking harapan at
sinipa ito para magbigay sa akin ng lakas at ihagis
ang aking sarili paakyat sa itaas. Agad kong kinuha

216
ang uwak ng aking dalawang kamay at hindi ito
pinakawalan.
Sa aking ibabaw, nakita ko si Caesar na
tumalon galing sa aming kinatatayuan kanina
papunta sa mataas na lupang aking inaakyat.
Matapos kong mahawakan ang uwak ng
mahigpit. Huli na ng malaman kong wala akong
kinakapitan at pabagsak ako sa ibaba.

217
TWELVE

NAGISING AKO NG MASAKIT ang buong katawan.


Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Sa tuwing
may gagawin kami lagi akong nawawala sa aking
sarili at magigising ng masakit ang katawan,
hinihingal, hindi makahinga, at nahihilo. Labing-
anim na taong gulang pa lang ako pero sa tuwing
magigising ako ang aking pakiramdam ay laging
kakaiba, hindi katulad ng pakiramdam sa tuwing
gising ako. Para bang pangmatandang kalagayan.
Hindi ako nagbibiro.
“Anong nangyari?” Tanong ko ng imulat ko ang
aking mga mata.
Mabilis akong nagmasid sa paligid. Wala akong
nakikitang tao. Wala kahit isa. Nakahiga ako sa loob

218
ng aking bakal na silid. Hindi ko gustong magsalita
sa loob ng silid na ito dahil sa tuwing lalabas ang
tono ng aking boses ay parang nasa loob ako ng
pinapatunog na kampana. Naingay at paiba-iba ang
direksyon ng ingay.
Muli kong tiningnan ang aking paligid kung may
nag-iba at siniguradong hindi ako nagising sa isang
panaginip. Wala namang nagbago sa loob ng aking
silid. Kung ano ang iniwan ko iyon lang ang
binalikan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog
pero sa tingin ko hindi naman ito matagal. Ang huli
kong natatandaan sa nangyari sa akin ay nalalaglag
ako sa isang mataas na lugar. Sa tingin ko noong
nasa Terrarena ako. Naaalala ko ang sakit noong
nalalaglag ako mula sa itaas. Naunang tunama ang
sa sahig ng aking pinaglaglagan ay ang aking
kanang braso at kanang tuhod. Hindi ko
maipaliwanag ang sakit. Pakiramdam ko toture ang
ginagawa sa akin. Buhay pa ako pero unti-unti
akong pinapatay. Mabilis akong nawalan ng malay
at nagising sa aking silid.
Matapos ko isipin ang mga nangyari bago ako
mapunta dito ay biglang bumukas ang pintuan at
pumasok si Jenny. Ngumiti siya sa akin.
“Kumusta ang lagay mo?” Nakangiting tanong
niya.
Hindi ko alam kung anong sakit ang unang
sasabihin ko sa kanya. Ang aking buong katawan ay
masakit.

219
“May sugat ako sa aking likuran at
nararamdaman kong masakita iyon.” Sagot ko
habang gumagalaw ng bahagya at iniinda ang sakit
sa bawat paggalaw. “Sa tingin ko nabalian ako. Ang
aking kaliwa at kanang braso at kanang tuhod. Hindi
ko maigalaw ng maayos.”
Tumayo siya sa aking gilid. “Wala kang mga
sugat pero nararamdaman mo pa rin ang sakit na
nakuha mo sa Terrarena, natural lang iyon.” Kinuha
niya ang aking pulso, pinakinggan at tiningnan. “Sa
loob ng kalahating oras magiging okay na rin ang
pakiramdam mo at kapag nangyari iyon subukan
mong kumain dahil sa oras na 22:00 magsisimula
ang ikalawang training.”
Ano? 22:00 Training agad? 18:00 na ang oras
tapos 22:00 magsisimula ang ikalawang training?
Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako bago
magtraining?
Matapos niyang magsalita ay naglakad siya
papalabas.
“Teka!” Sigaw ko bago pa siya makalabas ng
silid. “Ms. Jenny!”
Huminto siya ng marinig ang aking sigaw at
humarap sa akin. “Bakit?”
“Anong nangyari?” Tanong ko.
“Nakuha mo.” Sabi niya at kasabay nito ang
isang magandang ngiti. “Nakuha mo ang uwak.”
Hindi niya inalis ang kanyang ngiti hanggang sa
tumalikod siya sa akin at lumabas ng aking silid.
Dahan-dahan niyang sinara ang pintuan ng aking
silid.

220
Bahagya kong ginalaw ang aking kaliwang siko
—ang sa tingin ko unang napinsala dahil sa
pagkakalaglag ko ng dalawang beses mula sa itaas—
at sinubukan kong humawak ng kahit anong bagay,
hindi na masakit katulad ng pakiramdam ko simula
ng magising ako.
Ang aking leeg na parang bali na lahat ngayon
ay unti-unti ko ng nagagalaw. Ang aking kanang
kamay at kanang tuhod ay unti-unti na ring
nagkakaroon ng lakas. Sinubukan kong tumayo
mula sa aking kinahihigaan pero hindi ko nagawa.
Masakit ang aking likod na parang nabagsakan ng
sampung toneladang bakal, hindi ko maiangat ang
aking katawan dahil hindi pa rin bumabalik sa
mabuting kalagayan ang aking likuran. Bahagyang
nararamdaman ko pa rin ang hapdi ng hiwa ng aking
likuran pero hindi na siya masakit hindi katulad
noong malalaglag ako matapos kong makuha ang
uwak.
Hindi pa ako nakakabalik sa dating pwesto ko ng
may marinig akong kaluskos mula sa pintuan—kung
saan lumabas si Jenny. Dahan-dahang bumukas ang
pintuan at pumasok si Nikola.
“Nikola!” Marahang sigaw ko sa mahina at
malat na boses.
Ngumiti siya sa akin at tuluyang pumasok sa
aking silid. Umupo siya sa dulong bahagi ng aking
higaan. Walang bakas sa kanyang mukha ang pagod
at hirap na naranasan sa loob ng Terrarena. Wala na
ang mga sugat niya sa kanyang magkabilang braso.
Magaling na siya.

221
“Congratulations!” Mahinang sabi niya na sa
tingin ko tanging mga lamok at langaw lang ang
makakarinig. “Nagawa mo. Nakikita kong magiging
Inventor ka.”
Ano ba ang sinasabi niya? Paano niya nasabing
magiging Inventor ako samantalang si Caesar ang
may gawa ng lahat ng plano.
“Saan ka ba nagpunta?” Paglihis ko sa sinabi
niyang nakikita niyang magiging Inventor ako.
Ayokong mabuksan ang konseptong iyon ngayong
kabutihan ang pinapakita niya sa akin. Sa tingin ko
mas mabuti kung dalawa kaming magiging Inventor.
“Bakit iniwan mo ako sa kweba? Iniwan mo kami ni
Caesar?”
Inalis niya ang tingin mula sa aking kumot at
nilipat ito sa aking mga mata at ngumiti. “May mga
kalapating papunta sa kweba kaya nagpahabol ako.”
Naramdaman kong may bahagyang tawa ang
lumabas mula sa kanyang bibig at naramdaman ko
ang hangin na nilabas nito. Nakuha niya pang
magbiro sa ginawa niya.
“Nikola alam ko magaling ka pero kailangan
mong mag-ingat.” Bilin ko sa kanya. “Hindi dapat
tayo nagtitiwala sa ibang Competitors.”
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nakuha ko
ang bagay na iyon kay Caesar pero hindi ito
magandang ideya. Ayokong mapagtanto ni Nikola
na baka masama ang balak ni Caesar sa pagsama sa
amin dahil hindi ko pa napapatunayan ito.
“Alam ko.” Marahang sagot niya.

222
Naririnig ko ang malalim na hininga niya sa
tuwing magsasalita. Para siyang kinakabahan. Para
siyang natatakot.
“Hindi pa ba maayos ang pakiramdam mo?”
Pahabol na tanong niya at sa tingin ko nilihis niya
ang aming usapan dahil hindi niya gusto ang
patutunguhan nito.
Bahagyang uminda ako ng iangat ko ang aking
ulo. “Sa tingin ko hindi pa, sumasakit pa ang aking
likod.”
Gustong maniwala siya. Hindi pa ako handing
tumayo.
Gusto kong makita si General Gabriel. Gusto
kong maransan niya ang nararansan ko ngayon.
Gusto kong makita niya ako sa ganitong kalagayan
para kahit papaano maintindihan niyang hindi ako
maaaring makasali sa ikalawang training. Pero alam
kong hindi iyon maaari. Lahat kami ay naghahangad
ng mataas na scores kaya kailangan kong lumaban.
“Hindi!” Sabi ko ng makita kong ibubuka na ni
Nikola ang kanyang bibig. “Kaya ko na.”
Ngumiti siya sa akin at tumango. Hindi ko gusto
ang pagtango niya sa tuwing naririnig ang sagot ko
sa tanong niyang mabuti na ba ang pakiramdam
mo? O kumusta ka na? O hindi pa ba maayos ang
pakiramdam mo?
Dahan-dahan akong tumayo para umupo sa
aking higaan. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng
aking likuran pero hindi na ito masakit katulad ng
una. Tiniis ko ang sakit sa tuwing gagalaw ako para
makaupo. Ayokong makita ni Nikola na nasasaktan

223
ako dahil alam kong maraming beses ko na siyang
nakitang nagkaganito pero binabaliwala niya lang.
Ayoko kong makita niya akong mahina dahil lagi
niyang pinapakita sa akin na malakas siya—kaya
nga siguro marami ang naiingit sa kanya at may
balak na saktan siya.
Ang aking leeg na kanina ay parang binubuo ng
mga balin buto ngayon ay naigagalaw ko na.
Salamat sa sinabi ni Jenny kanina na matapos ang
tatlumpung minuto ay mawawala na ang sakit na
nararamdaman ko. Alam kong hindi iyon kulam o
dasal o supa kaya mabilis na bumabalik sa normal na
kondisyon ang aking katawan, sa tingin ko dahil ito
sa gamot na pinapainom nila sa amin—hindi ako
sigurado dahil tulog ako—kagaya na lang ng
pinainom na pills sa akin ni G1? G2? O G3? Hindi
ko na matandaan kung sino sa kanila, pero dahil sa
pills na iyon tatlong araw akong hindi nagutom.
“Mamayang gabi ang ang susunod na training.”
Sabi ni Nikola habang pinapanuod ako sa mabagal
na pag-upo sa higaan. “Kailangan mo ng lakas.
Kailangan mong kumain.”
Ang iniinda kong sakit sa likod kanina ay unti-
unting nawawala. Paano nangyayari iyon? Bakit
hindi nila ito gamitin sa Cuprum? Maraming tao sa
Cuprum ang may sakit at nangangailangan ng gamot
pero bakit wala man lang sa kanila ang gumagaling?
Bakit ganito nila ituring ang Cuprum?
Bigla kong naalala si Dave. Ito siguro ang
sinasabi niyang kailangan ng Cuprum. Ang mga
gamot para sa may sakit. Hindi ko alam kung bakit

224
niya kailangan maging agresibo kung gamot lang
ang gusto niyang sabihing kailangan ng Cuprum.
“22:00 magsisimula ang ikalawang training.”
Pag-uulit niya. “Kailangan mong ibalik ang iyong
lakas.”
Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Tumayo siya
sa kanyang kinuupuan at ngumiti sa akin. Sa tuwing
ngingiti siya sa akin naaalala ko si Isaac sa kanya.
Tumalikod siya sa akin at naglakad papalabas sa
aking silid. Sinara niya ang pintuan ng makalabas.
Sa pagkakataong ito hindi ko na naramdaman
ang sakit mula sa aking likuran. Wala na kahit isa
akong nararamdamang sakit sa aking katawan.
Nilingon ko ang aking buong silid. Sa aking
likod bandang kanan nakita ko ang mesa na may
nakalagay na pagkain sa ibabaw. Wine, salad,
prutas. soup, beef, at marami pang iba. Hindi ko na
binilang isa-isa dahil alam kong hindi ko sila
makakain lahat.
Dahan-dahan akong bumaba sa aking higaan
dahil hindi pa ako sigurado sa aking kalagayan.
Hindi ko dapat biglain ang aking katawan ngayong
kakagaling ko lang sa wrestling—hindi ko alam
kung tama bang sabihin kong galing ako sa balian
ng buto pero ito ang naramdaman ko sa loob ng
Terrarena.
Sinimulan kong maglakad ng una kong maiapak
ang aking mga paa sa sahig ng aking silid. Ngayon
ko lang napansin na hindi ako nakasuot ng uniform
na katulad ng suot ni Nikola kanina—lether jacket,
pants, boots, at black t-shirt—at tangin pantulog

225
lang ang suot ko. Para akong galing sa ospital at
isang pasyente.
Nakatingin ako sa mesa na puno ng pagkain. Sa
bawat paglalakad ko papalapit sa mesa naaalala ko si
Isaac. Ang mga luto niya sa umaga. Ang mga putahe
niyang gumigising sa akin.
Umupo ako sa upuang nag-iisa sa tapat at gitna
ng mesa. Gusto kong dalhin lahat ng pagkaing ito sa
Cuprum. Gusto kong ipakain lahat sa mga tao doon.
Kakaunti lang ang pingkukunang pagkain sa
Curpum kaya marami sa mamamayan nito ay
palaging gutom, pagod, at may sakit. Sa dami ng
pagkaing ito ipapakain lang nila sa iisang tao. Hindi
naman ito makatarungan. Hindi nila ibigay sa mga
nangangailangan? Alam ko naman na kahit kailan
hindi nila pinapabayaan ang mga Competitors
pagdating sa pagkain pero hindi sa ganitong paaran.
Hindi sobra-sobra sa isang tao.
Noong una dahan-dahan akong kumain pero
habang tumatagal nararamdaman ko na ang gutom.
Hindi ito katulad ng unang pakiramdam ko ng
magising ako pagkatapos ng unang training. Hindi
ko namalayan na marami na akong nakain pero hindi
naubos ang mga pagkain sa aking harapan.
Hindi ko gustong talikuran ang mga pagkain ito,
dahil ang mga pagkaing ito ay maaaring mapakain
ang maraming kabataan ng Cuprum na nagugutom
pero kailangan kong tumayo at lumabas sa silid na
ito.
Tumayo ako at naglakad papalabas ng silid
matapos akong makainom ng tubig. Hindi ko alam

226
kung sino ang magliligpit ng mga pinagkainan ko
pero sa tingin ko mayroong maglilinis nito.
Kailangan ko din sulitin ang buhay ko dito sa
Aurum at UST dahil matagal ang naging paghihirap
ko at ng aking ina sa Cuprum at wala rin akong
kasiguruhang mananalo ako sa Competition at kung
sakaling matalo ako hindi ko alam kung saan ako
mapupunta katulad ng anak ni Taylor na si George.
Mahigpit kong sinara ang pintuan. Alam kong
wala namang mawawalang mahalagang bagay sa
aking mga gamit dahil damit lang ang dala kong
gamit pero sanay akong mahigpit na sinasara ang
pintuan ng aking silid.
Sinuot ko ang sapatos na nakalagay sa gilid ng
aking pintuan. Napaisip ako kung ilang oras na nag-
aantay ang sapatos na ito na masuot ko. Dahan-
dahan akong tumayo matapos kong maisintas ang
aking sapatos. Hindi pa rin ako makapaniwala na
malakas na ako. Hindi katulad kanina noong
magising ako. Tatlong minuto lang ang nakalipas at
ngayon ay bumalik na ang kundisyon ng aking
katawan. Ang aking mga sugat mula sa
pagkakahulog ay wala na rin. Bumalik ang itsura ng
aking katawan katulad ng itsura bago pa ako sumali
sa skill test. Maging ang mga sugat ni Nikola ay
wala na at mabilis bumalik ang kanyang katawan sa
kundisyon. Napaisip tuloy ako kung ano ang ginamit
nilang gamot para mabilis na gumaling ang aming
katawan mula sa sakit.
Kaya ko ng maglakad ng tuwid. Nilakad ko ang
kahabaan ng corridor hanggang sa makapunta ako sa

227
elevator. Tahimik at mabango ang corridor. Ang
taninging ingay lang na naririnig ko ay galing sa
aking mga paa—sa tuwing tatama ang talampakan
ng aking sapatos sa bakal na sahig.
Matagal-tagal na din akong nakatayo at
naghihintay na bumukas ang elevator. Wala akong
taong nakikita kung hindi ang sarili ko sa makintab
na bakal ng pintuan ng elevator. Sinubukan kong
hawakan ang aking mukha sa makinis na bakal na
pintuan. Nakakaawa ang lalaki sa bakal. Hindi ko
alam kung bakit ako naaawa sa kanya.
Nararamdaman ko na naaawa ako sa saking sarili
pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil
pumapayag akong tulungan ako ng ibang tao. Dahil
pumapayag akong ipakita sa kanila na kailangan ko
ang tulong nila—na mahina ako. Hindi katulad ni
Nikola.
Kailangan kong manalo sa Competition na ito
dahil ito ang pangako ko at pangarap ng aking lolo,
ngayon kasama na ang pangarap ng Cuprum. Ang
maging maginhawa ang lahat sa Cuprum. Nagtataka
ako kung bakit hindi nagawa ni Victoria at Rick na
paunlarin ang Cuprum ngayong Inventor na sila.
Malaki ang maitutulong nila sa mga mamamayan ng
Cuprum dahil doon sila galing.
Hindi ko din akalain na isang babae at taga-
Cuprum ang mananalo sa unang Competition ng
UST at DOST.
Hindi pa ako tapos sa aking pag-iisip tungkol sa
mga naunang Inventors ay biglang bumukas ang
pintuan ng elevator. Nakasakay sa loob nito si Grace

228
at isang babae na kamukha niya. Ang ganda pa rin
ng kulay red niyang buhok. Tuwid at makintab.
Ngumiti siya sa akin ng makita ako sa labas ng
elevator. Ang babaeng katabi niya ay tahimik at
mukhang submissive at alam kong hindi ko
maaaring isipin iyon dahil walang mahina sa amin at
marami ang nagpapanggap.
Pumasok ako sa loob ng elevator at mabilis
namang sumara ito. Ngumiti ako kay Grace at hindi
ko alam kung ano ang unang sasabihin hanggang sa
napagdesisyunan kong huwag na lang magsalita.
Kamukha ni Grace ang kanyang katabi at nagkaiba
lang sila dahil walang nunal si Grace samantalang
ang babaeng ito ay mayroon sa bandang ibabaw ng
kanyang labi. Nakita ko na siya at sigurado ako sa
bus sa unang training. Ang babaeng katabi ni Grace
kasama ng ibang mga kaedad niyang mga babae
bago siya magdesisyon na sumama sa amin ni
Nikola, Leo, at Jasper sa City of Dreams para
kumuha ng supply at gas.
“Magaling.” Pagbasag ni Grace sa katahimikan.
“Nakuha mo ang agresibong uwak.”
Tumingin ako sa kanya—sa repleksyon niya sa
makintab na pintuan—at ngumiti. “Hindi ko rin
akalain na makukuha ko.”
“Huwag mo akong patawanin.” Mabilis na sabi
niya. “Alam kong magaling ka pero hindi kita
pagbibigay sa tunay na Competition.”
Magaling nga siya. Hindi ako nagkamali na
palaban ang babaeng ito at dapat hindi ko tingnan na

229
mahina ang kasama niya dahil baka mas magaling
pa ito kay Grace.
“Sige.” Matapang na sabi ko. “Iyan ang sabi
mo.”
Alam kong hindi dapat ako magpakita sa kanila
na natatakot ako dahil mas lalo nila akong tatakutin.
Lumawak ang isang minutong katahimikan.
Hindi ko alam kung bakit ang taas ng
pinanggagalingan ng aking silid kaya matagal bago
makababa.
“Sino siya?” Nakangising tanong ko kay Grace
na parang nang-aakit. Hindi ko alam kung bakit ko
iyon ginawa pero sa tingin ko kailangan at parang
kay Isaac at Nikola ko pa nakuha ang istilong iyon
ng pagngisi. “Maganda siya.”
Bahagyang tumawa si Grace sa aking narinig at
narinig ko ang paglabas ng hangin mula sa kanyang
ilong. Tiningna ko ang repleksyon ng babae sa
makinis na bakal pero hindi pa rin ito nagbabago ng
pwesto.
“Kapatid ko.” Sumagot siya matapos tumawa.
“Si Belinda.”
Belinda?!
Narinig ko na ang pangalan iyon. Narinig ko na
kay Will! Pero bakit siya nag-aalala sa Belinda na
ito? Ano ang mayroon sila? Bakit siya kilala ni
Will?
Hindi ako kaagad nakapagsalita matapos
sumagot ni Grace.
“Gio, okay ka lang?” Nagtatakang tanong niya.

230
“Uh—uh… oo naman.” Tumango ako sa kanya.
“May kapatid ka pala dito.”
“Kambal kami.” Paglilinaw niya.
Hindi lang pala si Don at Dan kambal dito kung
hindi si Grace at Belinda rin. Gusto kong itanong
kay Belinda kung papaano sila nagkakilala ni Will at
kung bakit ganoon na lamang magmalasakit si Will
sa kanya pero ayokong manggulo sa buhay ni
Belinda. Ayoko dahil matalik kong kaibigan si Will
at umaasa pa rin akong maaalala niya ako katulad ng
dati.
Tumango na lang ako kay Grace na parang
sumasang-ayon sa sinabi niyang kambal sila ni
Belinda. Hindi na ako nagsalita pa matapos noon,
ang gusto ko lang ay huwag na makita pa ang
Belinda na iyon. Hindi nagtagal matapos ang pag-
uusap namin ni Grace sa loob ng elevator ay
bumukas ito at nasa ground na kami.
Bumaba ako ng elevator at mabilis na hinanap si
Nikola dahil bukod sa kanya wala na akong ibang
kaibigan dito. Sa tingin ko mas marami pa akong
makakaaway kaysa magiging kaibigan.
Mula sa gitna ng ground nakita ko ang mga
Competitors na sama-samang nakatayo at nakaharap
sa bilog na stage. Wala si Jenny pero lahat sila
nandoon. Doon din papunta si Grace at Belinda. Sa
tingin ko hindi ko na kailangang hanapin pa si
Nikola dahil alam kong nandoon lang siya.
Mabilis akong naglakad papunta sa pagtitipon ng
mga Competitors at hindi ko sinabayan sila Grace sa

231
kanilang paglalakad at ayoko ko siyang makausap
habang kasama ang Belinda na iyon.
Nang makalapit ako sa ibang mga Competitiors
mabilis kong nakita si Nikola.
“Bakit ang tagal mo?” Tanong niya.
“Bakit ang aga niyo?” Hindi ko sinagot ang
tanong niya. Tumingin ako sa orasan na nakalagay
sa likuran ng stage, 20:00. Maganda ang orasan na
iyon at gawa ito sa bakal. “20:00 pa lang.”
“Hindi ko rin alam kung bakit nandito silang
lahat.” Pagpapaliwanag niya. “Pumunta na rin ako
kasi wala naman akong kasamang iba.”
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya dahil
alam kong palakaibigan ang taong ito. Bukod sa
magaling manghuli ng mga babae magaling din
siyang makipag-usap at marami siya alam tungkol sa
bagay-bagay.
“Si Caesar nakita mo na?” Tanong ko sa kanya.
Gusto kong makita si Caesar at magpasalamat
dahil alam kong hindi ko makukuha ang uwak kung
hindi dahil sa mga plano niya at ito na ang huling
pagkakataon na papayag akong may tumulong sa
akin dahil simula ngayon magtitiwala na ako sa
aking sarili.
“Oo kanina pero hindi ko alam kung saan na siya
napunta.” Sagot ni Nikola.
Bahagyang hinanap ng aking mga mata si Caesar
pero hindi ko siya makita. Ang tanging nakikita ko
lang ay mga mata ng mga Competitors na nakatingin
sa akin. Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sa
akin. Sa pagkakatanda ko ang sabi ni Grace kanina

232
nakuha ko daw ang agresibong uwak, sa tingin ko
ang uwak na nakuha ko ang pinakaagresibo sa
kanilang tatlo pero agresibo ba ang uwak na yun
samantalang hindi naman iyon gumagalaw ng kahuli
ko.
Tumingin ako sa aking kanan para hanapin si
Caesar pero ang nakita ko sy grupo ni Rinda na
nakatingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata ni Dis
na parang isang demonyo. Nakakatakot ang kanyang
mukha pero hindi ako natatakot sa kung ano ang
kaya niyang gawin dahil alam kong hindi ako
pababayaan ng UST pagdating sa kaguluhang hindi
ko sinimulan. Maging si Romulus at Tiamat ay
nanlilisik at mukhang nagagalit pero si Mau at Rinda
mukhang hindi naman galit.
Tumingin ako ng diretso sa kanila at isa-isa
silang tiningna. Alam kong hindi dapat ako
magpakita ng kahinaan dahil baka ito ang maging
dahilan ng aking pagkatalo. Matapos ko silang
tingnan isa-isa ng mabagl ay dahan-dahan ko ding
inalis ang aking tingin sa kanila.
“Gio, hindi ka ba natatakot?” Bulong sa akin ni
Nikola.
“Hindi.” Sabi ko sa kanya pero sa akin loob ay
takot na takot ako sa kanila.
Alam kong matatanda na sila at marami ng
experience sa UST at DOST. Marami na rin silang
alam tungkol sa pagtuklas sa mga bagay-bagay
samantalang ako ay baguhan lang sa lugar na ito
pero kailangan kong manalo dahil ito ang
magbibigay sa akin ng pangalan na mas magaling

233
ako sa kanila hindi dahil baguhan ako o galing
akong Cuprum, dahil matalino ako.
Hindi na ako lumingon pa matapos kong makita
ang grupo ni Rinda.
“Gio.” Bulong ng isang pamilyar na boses mula
sa aking likuran. “Ako ba ang hinahanap mo?”

234
THIRTEEN

HINDI PA AKO NAKAKALINGON at sa tingin ko si


Caesar ang bumulong sa aking likuran. Gusto ko
siyang tanungin kung bakit niya ako tinulungan at
bakit siya nawala. Gusto ko din magpasalamat sa
kanya.
Lumingon ako para makita si Caesar pero
paglingon ko si Will ang lalaking bumulong sa aking
likuran.
“Wi—Will?” Hindi ako makapaniwalang kilala
niya ako samantalang ilang oras pa lang ang
nakakalipas ay hindi niya ako pinapansin na parang
isang multo.
Tumago siya.
“Nakikilala mo ako?”

235
Hinawakan niya ang kohelyo ng aking jacket at
mas lumapit pa sa akin. “Sino ba ang hindi
makakakilala sa iyo ngayon ikaw ang may
pinakamataas na score sa lahat ng Competitors.”
Lumalaki ang mga mata ni Will habang
nagsasalita. Nakikita ko ang gigil sa kanyang mga
ngipin. Ang kanyang mga kilay ay mistulang
bulking sasabog sa galit. Hindi ako makapaniwala.
Hindi si Will ang kaharap ko. Hindi ko alam ang
gagawin ko hindi ako makapagsalita.
Ang kanyang kamay ay unti-unting sumisikip sa
aking leeg. Hindi ko alam kung bakit niya ito
ginagawa sa akin. Kung nalalaman lang ni Alex ang
ginagawa ng kuya niya sa akin ngayon sigurado
akong nagsumbong na ang babaeng iyon sa kanilang
ama. Hindi ako ganoon hindi ako galit kay Will pero
ngayon pinipilit niya akong magalit sa ginagawa
niya. Sinasaktan na niya ako na parang hayop na
kinaiinisan niya. Hindi na siya ang Will na kaibigan
ko.
Sinasakal na niya ako. Nakikita ko sa kanyang
mga mata ang galit. Mistulang umaapoy ang
kanyang mga mata sa galit. Hindi ko alam kung ano
pa ang susunod niyang magagawa sa akin. Sa tingin
ko papatayin niya ako. Hindi na ako makahinga at sa
tingin ko si Will ang aalis ng aking huling hininga.
Bakit niya ito ginagawa sa akin? Bakit niya ako
ginaganito?
Ang hangin sa aking baga ay unti-unti ng
nauubos hindi ko na kaya.

236
“Ipakita mo ang galing mo ngayon.” Galit na
galit na sabi ni Will. Ang kanyang mga ngipin ay
nagkikiskisan na parang mga bato. “Sa tunay na
Competisyon hindi ako magpapatalo sa iyo,
humanda ka sa mangyayari sa iyo.”
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga
luha mula sa aking mga mata. Nanginginig na rin
ang aking mga laman. Ang aking paningin ay
mistulang namumuti at maliwanag. Mamamatay na
ba ako? Si Will ba ang gagawa ng bagay na iyon?
Ang taong nagtatanggol sa akin ay siya na ngayong
nananakit sa akin.
“Will!” Sigaw ng isang lalaki. Hindi ako
sigurado dahil hindi na malinaw ang aking paningin
at hindi na rin maliwanag ang aking pandinig. “Wag
mo gagawin iyan!”
Apat na lalaki pa ang dumating at inawat si Will
mula sa pagkakakapit sa aking leeg. Noon ko lang
nakita na kanina pa si Nikola sa pagsuntok sa mukha
at katawan ni Will pero parang wala itong iniindang
sakit. Bahagyang nakikita ko ang isang lalaki na
inwat si Nikola na patuloy pa rin sa pananakit kay
Will. Hinawakan nito ang mga kamay ni Nikola at
pinigilang lumapit kay Will. Tatlong mga lalaki
naman ang lumapit kay Will at pilit na tinatanggal
ang kanyang kamay sa aking leeg.
“Will, hindi ito makakatulong sa iyo, sa atin.”
Sabi ng isang lalaki. Sa tingin ko siya ang Don dahil
narinig ko na siya noon sa Terrarena. “Hindi mo siya
dapat patayin.”
“Will!” Sigaw ng isang lalaki.

237
Hindi ako pumipiglas sa gusto niyang gawin sa
akin at sa tingin ko iyon din ang napapansin ng mga
Competitors na nakatingin sa akin.
Unti-unting dinatawan ni Will ang aking leeg ng
bulungan siya ni Belinda sa kanyang kaliwang
tainga. Bumagsak ako sa sahig na parang isang
lantang gulay. Hinabol ko ang bawat hangin na
makasalubong ng aking ilong at bibig. Para akong
gutom sa hangin. Tuloy-tuloy din ang pag-ubo ko sa
tuwing mararamdaman ko ang kati ng aking
lalamunan. Ang aking baga ay mistulang uhaw sa
hangin. Umiikot ang aking paningin pero sa tingin
ko kaya ko pang tumayo. Bahagyang nagiginig ang
aking mga daliri at mga tuhod. Hindi ko alam kung
ano ba ang nasaisip ng lalaking iyon at nagawa niya
sa akin iyon.
Kahit na hanggang nagyon ay hinahabol ko pa
rin ang hangin at patuloy na umuubo at nilalabas ang
kati ng kamay ni Will sa aking lalamunan ay pinilit
kong tumayo. Hindi ko pa naitutukod ang aking
kaliwang kamay ng tulungan ako ni Nikola na
makatayo sa aking binagsakan.
“Halika.” Sabi niya pero hindi malinaw sa aking
tainga ang aking narinig.
Sabi ko hindi na ako tatanggap ng tulong pero
hindi sa pagkakataong ito. Malapit na akong
mamatay kaya kailangan ko ng katulong. Gusto
kong sumandal kaya mabilis akong kumapit sa
balikat ni Nikola. Inakay niya ako papunta sa stage
at pinaupo. Sa dami ng Competitors isa lang ang
tumulong sa akin at halatang natutuwa pa sila sa

238
nangyayari. Sa tingin ko hindi nila ako gustong
lahat.
Habang nakaupo ako at patuloy na lumalanghap
ng hangin lumapit si Sirius sa aking kinuupuan at
inabutan ako ng isang basong tubig. Nakangiti ang
bata sa akin habang inaabot ang baso. Nakikita ko
ang makinis na baso sa kanyang kanang kamay at
gustong gusto nang ubusin ng aking bibig.
“Sa—sala—mat.” Paputol-putol na sabi ko sa
kanya.
Muli ay ngumiti siya sa akin.
“Sabihin mo ano ang pakiramdam mo?” Nag-
aalalang tanong ni Nikola.
Bahagyang umubo ako. “O—okay na ako.”
“Kailangan malaman ito ni Officer Jenny.” Sabi
ng bata. “Muntikan ka nang mamatay sa ginawa ng
lalaki, akala ko pa naman mabait siya.”
“Hin—hindi na kailangan.” Sabi ko sa bata.
“Huwag na nating sabihin kay Jenny.”
Ngumiti ako sa bata at tumango sa siya sa akin
matapos noon ay tumigin din ako kay Nikola at
tumango din siya. Ayokong mapahamak si Will
kaya mas mabuti kung walang makakaalam nitong
nangyari at sa tingin ko si Will at Sirius lang ang
may gustong malaman ni Jenny ang nangyari,
maliban sa kanila wala na at sa palagay ko masaya
sila at mananahimik lang sa nangyari kaya mas
mabuti kung hindi ko na ipahamak si Will.
Unti-unting tumulo ang aking luha. Hindi ko
alam kung para saan ang luhang iyon—dahil ba sa

239
sinabi ni Will o sa sakit ng pagkakasakal niya sa
akin.
“Kailangan mom aging malakas ngayong
marami na ang nakakaalam na magaling ka.” Sabi
ng isang boses matanda sa aking gilid.
Tumingin ako sa gilid kung saan nagmumula
ang boses na iyon at nakita ko si Francis. Ang
matandang una kong nakasama sa unang training
pero sa pagkakataong ito hindi niya kasama si
James. Sa tingin ko hindi naman talaga sila
magkasama at sinubukan lang nila ang galing ko
noong unang training pero nagpapasalamat ako sa
kanila dahil ngayong napatunayan nilang magaling
ako at matalino hindi nila ginawa sa akin ang
katulad ng ginawa sa akin ni Will.
“Salamat.” Sabi ko sa kanya.
Nakatingin naman si Nikola sa akin at
bahagyang tumitingin sa matanda.
“Alam kong hindi tama ang gagawin mong
huwag sabihin kay Jenny ang nangyari pero wala
akong karapatan para diktahan ka sa gagawin mo.”
Sabi niya. “Kung sa tingin mo iyon ang tama, sa
tingin ko may sapat na dahilan ka para gawin ang
bagay na iyon.”
Tama ang sinabi ng matanda pero tama ang
unang sinabi niya sa akin. Iba ang pahiwatig niya
doon. Sa tingin ko sinasabi niya na hindi ko dapat
hayaan na matalo ako ng iba para lang sa kagustuhan
nila. Kailangan kong lumaban para manalo ako.
Hindi ko kailangan matakot sa kanila.

240
Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking
kinauupuan at bumalik sa pila ng mga Competitors.
Marami sa kanila ay nakatingin sa akin at
nagbubulungan. May ibang nakatingin na parang
sinasabing paano ako nakaligtas sa ginawa sa akin ni
Will dapat ay hinimatay na ako. May iba naman sa
tingin ay sana pinatay na ako ni Will ng wala ng
sagabal sa kanilang Competition.
Hindi ko rin alam kung tama ba ang sinasabi ng
aking isip sa mga tingin nila o kung paranoid lang
ako. Sa tingin ko hindi ko na gugustuhin pang
mabuhay matapos ang Competition na ito dahil ang
tingin ko sa kanilang lahat ngayon ay kalaban.
Dahan-dahan akong tumayo sa aking
kinauupuan at naglakad papunta sa likuran ng pila
ng mga Competitors. Nakikita kong nanlilisik ang
mga mata ni Will sa akin habang nakayakap kay
Belinda at hinaharangan siya ng tatlong lalaki. Hindi
ko na siya maintindihan. Hindi ko na talaga siya
kilala.
Ang kanyang mga mata ay parang karayom na
tumutusok sa aking mga laman hanggang sa aking
puso. Pakiramdam ko kasamang dumadaloy ang
mistulang karayom niyang mga mata sa takbo ng
aking dugo sa aking mga ugat. Ang ugat ng
nakaraang pagkakaibigan namin.
“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Nikola ng
pabulong. “Hindi ako makapaniwalang naging
kaibigan mo ang katulad ng taong iyan. Mukhang
hindi pangtao ang kanyang ugali.”

241
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano talaga
ang nangyayari sa loob ng kanyang utak. Kung bakit
niya ginagawa sa akin ito. Hindi na rin siguro
kaibigan ang pagkakakilala sa akin ni Will kung
hindi isang mamamatay tao.
Sa pagkakataong ito namumula ang kanyang
mga mata dahil umiiyak siya habang nanlilisik na
nakatingin sa akin at sa tingin ko hindi ito maganda
dahil mukhang naiiyak siya sa galit sa akin.
Pinunasan niya ito ng bitawan ni Belinda ang
kanyang katawan mula sa pagkakayakap at sa tingin
ko nagkakaintindihan sila. Mabilis na nawala ang
kanyang mga luha at naalis ang gigil sa kanyang
mga ngipin. Hindi ko alam kung bakit may galit
akong nararamdaman kay Belinda, siguro dahil sa
tingin ko may kinalaman siya sa nangyayari kay
Will ngayon. Hindi dapat ako ganito mag-isip dahil
alam kong kapatid niya si Grace at alam kong
magaling si Grace.
“All right!” Sigaw ng isang lalaki mula sa aming
likuran—sa likuran ng aming pila. “Welcome! I see
enthusiasm in every eyes of all of you!”
Halos lahat ng mga Competitors ay napatingin sa
pinanggalingan ng boses, maging ako at si Nikola ay
napatingin din. Nakita namin mula sa aming likuran
si General Gabriel at Jenny na nakasunod sa
kanyang likuran.
Tahimik silang naglakad papunta sa stage at
mukhang wala silang gustong pansinin sa amin.
Kahit ako. Ako na naging mataas sa skill test.

242
“Officer Jenny.” Inalok ni General si Jenny na
mauna sa pag-akyat at hinawakan ang kanyang
kanang kamay para alalayan sa pag-akyat.
“Thank you sir.” Malumanay na sagot ni Jenny.
Maganda siya kahit maitim at sa tingin ko kapag
nakita siya ni Taylor magkakagusto siya dito. Ang
kanyang balat at mistulang seda na makinang.
Maitim pero makinang. Ang kanyang mga labi ay
mistulang nang-aakit. Nakasuot siya ng itim na long
sleeves na damit at Chinese collar ang style ng damit
niya. Itim din na palda ang kanyang pang-ibaba na
umaabot hanggang ibaba ng kanyang tuhod. Limang
pulgada ang taas ng takong ng kanyang sapatos na
itim. Ang ganda niyang tingnan sa suot niya.
“Is everything alright?” Tanong ni General ng
mapansin na walang kahit isa sa amin ang
nagsasalita.
Bahagyang tinagilid ni Jenny ang kanyang ulo at
tinitingnan kung tama ang sinabi ni General. Nakita
ko ang reaksyong binigay ng mga Competitors, may
ibang nakangiti, nakangisi na mukhang papatay ng
tao, may ibang natatakot, at ibang nakatahimik lang.
“It seems.” Pagpapatuloy niya ng wala pa ring
sumagot sa kanyang tanong. “Anyways, we are now
running to the Competition and this will be your
second training.”
Tumingin siya kay Jenny na parang sinasabi na
ituloy nito ang kanyang sinasabi.
“Competitors!” Sigaw ni Jenny na nakuha ng
lahat ang kanyang atensyon. “Congratulations sa

243
lahat ng inyong pagsisikap. Sa ngayon ito ang
inyong scores.”
Hindi pa tapos ang echo ng kanyang mga sinabi
sa loob ng metal na building ng may lumabas na
ilaw mula sa kanyang likuran. Hindi ko alam kung
saan nanggagaling ang liwanag pero nakikita kong
mukha siyang isang TV—hologram television. Isa-
isang pinapakita ang mga Competitors sa hologram
television sa aming harapan. Pinapakita sa TV ang
pangalan ng Competitors, litrato, student number
kagaya ng nakalagay sa IPD ng aming pulso, House
at score ng unang training at unang skill test—may
nakalagay na tatlong zero sa pangalawa at
pangatlong training at zero din sa pangalawang skill
test.
Nakikita ko ang score ng iba. May mababa at
katamtaman. Wala pa akong nakikitang mataas ang
score sa training at skill test. Wala pa sa sampung
Competitors ang pinapakita sa hologram television
ay biglang pinakita ang scores ni Will. Ang kanyang
litrato sa hologram television ay parang Will na
nakilala ko sa Cuprum. Ang mukhang tanda ng
pagkakaibigan namin at walang bahid ng galit mula
sa akin. Ang Will na nagtatanggol sa akin sa lahat ng
bagay. Ang Will na kilala ko mula pagkabata. Ang
Will na kilala si Sarah kaysa kay Belinda.

First training 020%


First skill test 009.3%
Second training 000%
Second skill test 000%

244
Third training 000%
Total score 029.3%

Tumingin ako kay Will ng makita ko ang scores


niya. Nakita kong hindi siya nakatingin sa scores
niya kung hindi sa akin siya nakatingin. Katulad ng
itsura niya kanina nanggigigil pa din siya at
nanlilisik ang kanyang mga mata pero sa
pagkakataong ito hindi na siya naiiyak sa galit sa
akin.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
Bumibilis… bumibilis… at mas bumibilis pa.
Sa tingin ko pinapatay niya ako sa bawat mga
tingin niya. Hindi nito napapagaan ang aking
pakiramdam. Sa tingin ko kaya na niya akong
patayin sa pagkakataon ngayon. Ang kanyang mga
kamay ay mistulang naiipit ng mga malalaking bato
sa sobrang higpit ng pagkakapit ng bawat daliri niya
sa isa’t isa. Nilalamig ako. Sa tingin ko natatakot
ako kay Will.
Alam kong hindi ko dapat isipin na kaya akong
patayin ni Will ngayon dahil alam kong naaalala
niya pang naging kaibigan ko siya pero hindi ako
mapapanatag dahil nasaktan niya ako at sa tingin ko
kung sakaling mauulit pa ang nangyari sa ginawa
niya sa akin sa pagkakataong iyon tutuluyan na niya
ako.
“Hindi na masama.” Bulong ni Nikola sa akin.
Alam kong patungkol ang sinabi niya sa scores
ni Will. Twenty over twenty-five percentent sa
unang training at nine point three sa unang skill test?

245
Kung ako ang tatanungin hindi na talaga masama
dahil ang hirap gumawa ng ganoong klase ng score.
Sa mga nakaraang pinakitang scores ng mga
Competitors tanging ang scores ni Will pa lang ang
nakikita kong mataas. May three. Four. Five. Six.
Seven. Eight. Nine. Ten. Eleven. Twelve. Pero siya
pa lang ang nakikita kong may twenty na score at
nine point three sa skill test.
Mabilis na pinakita ang ibang scores ng ibang
Competitors hanggang sa lumabas ang litrato ni
Nikola sa hologram television. Walang pagbabago
sa litrato na tila ba kanina lang kinuhaan ang
kanyang mukha. Nakatingin sa lahat ng Competitors
ang kanyang litrato na para bang sinasabi niyang
‘ako si Nikola ang pinakamalakas sa lahat’. Ang
kanyang mga labi ay nagpapakita ng kalakasan na
parang nakapatay na siya ng sampung malalaking
leon. Ang kanyang mga kilay ay parang hindi galing
sa kanya at hindi ko pa nakita sa mukha niya habang
nakakasama ko siya. Nakikita ko ang galit sa
kanyang mga kilay. Hindi ko na nagawang tumingin
pa sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang
litrato. Mabilis na lumabas ang kanyang pangalan sa
kaliwang bahagi ng kanyang litrato.
Nakita ko ang

246

You might also like