You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V-Bicol
Division of Catanduanes
Caramoran South District
SUPANG-DATAG NATIONAL HIGH SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan:________________________Seksyon:______________Petsa:__________Iskor:_______

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

a. alamat b. epiko c. mitolohiya d. parabola

2. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya maliban sa

a. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig


b. Maipaliwanag ang kasaysayan
c. Magturo ng mabuting aral
d. Walang matinding damdamin sa kuwento

3. Si Venus ay diyos ng kagandahan. Samantala si Apollo ay diyos ng _______.

a. diyos ng apoy b. diyos ng propesiya c. diyos ng apoy d. diyos ng kulog

4. Ayaw ni Venus si Psyche dahil sa maraming dahilan maliban sa isa.

a. Mas maganda si Psyche kaysa kanya


b. Ang mga lalaki ay nag-alay ng mga bulaklak kay Psyche kaysa sa kanya.
c. Si Psyche ay isang tao.
d. Si Psyche ang iniibig ng kanyang nag-iisang anak.

5. Siya ang nagkasal nina Cupid at Psyche na pinaniniwalaan na hari ng mga diyos.

a. Apollo b. Neptune c. Vulcan d. Jupiter

6. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.”Nais ipagpapakahulugan ng pahayag na ang pag-
ibig ay______________.

a. kaagapay ang pagtitiwala b. puno ng hiwaga


c. misteryuso d. ay nagbibigay kulay.
7. Sinuong ni Psyche ang lahat ng pagsubok na ibinigay sa kanya ni Venus. Hindi niya sinukuan ang mga ito
upang makita niya muli si Cupid. Anong katangian ang ipinamalas ni Psyche?

a. Pagmamahal b.Pagpupunyagi
c.Pagpapakumbaba d.Pagkamasunurin

8. Inilihim ni Cupid kay Psyche ang kanyang tunay na pagkatao dahil magagalit si Venus na kanyang ina. Bilang
mag-asawa, may karapatan ba ang iyong kapareha na maglihim dahil lang sa mga kadahilanan?

a. Oo upang walang kaguluhan.


b. Wala, dahil asawa ka lang.
c. Pwede upang magpatuloy ang inyong samahan.
d. Wala, dahil sa mag-asawa kayo’y iisa kaya walang lihiman upang maging matiwasay ang pagsasama.

9. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus bilang pagsasakripisyo at
pagmamahal niya kay Cupid. Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa
pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak matustusan lamang ang
pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo
sa ginawang sakripisyo ng iyong mga magulang?

a. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya.


b. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames.
c. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok.
d. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-aaral.

10. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang makita niya ang labis na
paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-
iinggitan ng mga tao sa mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong
saloobin?

a. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat


b. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na kagandan.
c. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan magiging masaya ako para sa
kaniya at sa aking sarili.
d. B at C

II. A. Panuto : Suriin ang gamit ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng sagot sa loob
ng kahon sa ibaba.

1. Ikinatuwa ng mga tao ang pagtatagumpay ng pag-iibigan nina Samantha at Paolo.


2. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.
3. Sumaya ang mukha ng Pangulo ng malamang ligtas na ang bansa sa covid 19.
4. Ipinasara ng Pangulo ang buong Luzon dahil sa covid 19.
5. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.

A. aksyon C. pangyayari

B. karanasan D. tagatanggap
B. Hanapin sa kahon ang angkop na kasingkahulugan/kahulugan sa sumusunod na pangungusap.

6. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung ang
mga iyon ay isasauli o hindi.

7. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya
ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.

8. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaeng Briton na siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan
niya sa buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip
ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan.

9. “O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit
lamang ng baso.

10. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa.

Nalilito Nagagalit Nagdadalawang isip Maginoo


Kaawa-awa Saya Lungkot Ganda Karumal-duma
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V-Bicol
Division of Catanduanes
Caramoran South District
SUPANG-DATAG NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan:________________________Seksyon:______________Petsa:__________Iskor:_______

FILIPINO 10

Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ayon sa paksa na nakasulat sa ibaba. Ang iyong sanaysay ay
binubuo ng tatlong talata (paragraph) sa bawat talata ay mayroong tigtatatlong hanggang tiglilimang
pangungusap.

“Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”

Pamantayanan sa Pagmamarka
S

You might also like