You are on page 1of 36

MAGANDANG ARAW

Sosyedad at Literatura
PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG
PANGMANGGAGAWA,
PANGMAGSASAKA, AT PAMBANSA
Napakahalaga ng gampanin ng manggagawa sa
pagtataguyod ng ekonomiya ng isang bansa. Batay sa
isinagawang Labor Force Survey ng Philippine Statistics
Authority (PSA) noong Abril 2019, 1.346 milyong trabaho ang
nalikha para sa taong 2019, kung saan umabot sa kabuuang
42.242 milyong Filipino ang may trabaho, mataas ng 3.3
porsiyento kumpara sa 40.896 milyong Filipinong may trabaho
na naitala noong nakaraang taon (www.dole.gov.ph). Ang
pinakakanasa lamang ng manggagawa ay mabigyan sila ng
sapat na sweldo at benepisyo bilang kapalit sa kanilang
paghahanapbuhay para sa bansa at sa kanilang pamilya.
Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,
Artikulo XIII, Seksyon 3, ang estado ay nararapat na
magkaloob ng lubos na proteksyon sa paggawa at
magtaguyod ng puspusang employment at pantay na mga
pagkakataon para sa lahat. Kabilang rito ay ang
pagbabalangkas ng mga patakaran at desisyon na may
kaugnayan sa kanilang mga karapatan at benepisyo. Ayon
naman sa seksyon 4 ng konstitusyon, ang estado ay nagbibigay
ng proteksyon sa mga magsasaka sa pagmamay-ari ng mga
lupang kanilang sinasaka at tumanggap ng kabahagi sa mga
bunga niyon (www.officialgazette.gov.ph/constitutions).
Marami pang isyung pambansa ang dapat na
bigyang pansin ng gobyerno at ng mamamayan nito
tulad ng kahirapan, korapsyon, trapik, droga, at agawan
sa teritoryo ng Pilipinas. Napapanahon ngayon ay ang
isyu sa kalusugan bunga ng Covid 19 na pandemya,
kawalan ng trabaho, kakulangan ng pondo ng gobyerno
sa pagtugon sa krisis dulot ng pandemya, at oligarkiya.
Ang mga ito ay ilan lamang sa pinakapangunahing
problema ng lipunan na nararapat tugunan ng Estado.
PAGSUSURI NG TULA
Ang tula ayon kay Macaraig (2004) ay
panawagan ng puso at nilalaman ng
damdaming hindi maipahahayag ng
basta kilos lamang. Ang pagpapahayag
nito ay sa pamamagitan ng salita‘t
katagang sa pinakapayak na pagsasaysay
ay kinapapalooban ng maraming
kahulugan.
Tula
- Isa sa pinakamatandang uri ng panitikang
pilipino.
- Nauuri sa dalawa: tradisyunal na taludturan
at malayang taludturan.
- May iba’t ibang elemento at tuntuning
kailangang isaalang-alang.
Mga Anyo ng Tula
•Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)
•Tulang Dula (Dramatic Poetry)
•Tulang Dalityapi (Lyric Poetry)
•Tulang Patnigan (Joustic Poetry)
Ang tulang Pasalaysay ay tulang kasaysayang naglalahad
ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng taludtod.
Ang tulang Dula ay sadyang sinulat upang itanghal,
samantalang ang tulang Dalityapi ay
ang tulang sadyang nababagay
gamiting titik ng mga awitin. Ang
tulang Patnigan naman ay ang tulang
sagutan na itinatanghal ng mga
nagtutunggaliang makata sa
pamamagitan ng tagisan ng talino at
katwiran.
Mga
Elemento o
Sangkap ng
Tula
Iba’t Ibang
Elemento
ng Tula
SUKAT
Tumutukoy ito sa bilang ng pantig
sa bawat taludtod ng tula. Ang tula
ay may iba't ibang sukat o bilang
depende sa paraan ng pagsulat ng
isang makata. Kalimitan, ang
kanilang ginagamit ay ang walo,
labindalawa, labing ianim o labing-
walong pantig.
TUGMA
Tumutukoy ito sa
magkakaparehong
tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng
taludtod.
KARIKTAN
Ayon kay Inigo Ed. Regalado, "Ang
tula ay isang kagandahan, diwa
katas, larawan, at kabuuan ng
tanang nakikita sa silong ng
alinmang langit." Sa pamamagitan
ng mga piling-piling salita, tunog,
talinhaga, larawang diwa at
simbolismo ay lalong lumilitaw at
tumitingkad ang kagandahan ng
isang tula.
DIWA
Ang elementong ito ay
tumutukoy sa pangkalahatang
diwa o kaisipan ng tula na nais
iparating sa mambabasa. Sa
mas madaling salita, ito ay ang
tema na iniikutan ng isang
piyesa.
Tayutay
Isang pahayag na
sadyang masining at
kaakit-akit.
Nagpapahayag ito ng
makulay at mabisang
pagpapakahulugan.
a. Pagtutulad (simile)

Ito ay paghahambing ng dalwang magkaiba o di-


magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari o iba pa;
paggamit ng tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay
na magkaiba ng uri. Ito ay ginagamitan ng mga salita o
pariralang parang, wangis, gaya, animo’y, tila at iba pa.
Halimbawa:
Ang kanyang kagandahan ay parang si Athena.
b. Pagwawangis
(metaphor)
Ito ay hindi ginagamitan ng mga salita o
pariralang tulad ng , kawangis ng , gaya
ng , animo’y, atbp sapagkat tuwiran ang
paghahambing; paggamit ng mga
pahayag na nagpapahiwatig ng
pagkukumpara ng dalawang bagay na
magkaiba ng uri.
Halimbawa:
Kutis labanos ang kanyang
balat.
Paggamit ng mga salitang
nagsasaad ng kilos gaya ng mga
pandiwa at pandiwari at
pangngalang diwa para
mabigyang buhay ang mga bagay
c. Pagbibigay- na likas na walang buhay;
katauhan pagsasalin ng mga katangian ng
(personification) tao sa isang bagay.
Halimbawa:
Tumatalon ang kanyang
puso dahil sa labis na kasiyahan.
Isang pahayag na
eksaherado, lagpas-
lagpasan dahil sa kalabisan
d. o kakulangan ng katangia
ng isang bagay, pangyayari,
Pagmamal kalagayan at iba pa; labis
abis sa katotohanan.
Halimbawa:
(hyperbole) Nagliliyab na ang
mata ng bata dahil sa taas
ng lagnat.
e. Pagtawag
(apostrophe)
isang anyo ng panawagan o
pagkausap sa isang tao
(karaniwang patay o wala sa
isang tiyak na pook) o isang
bagay o bahagi ng kalikasan a
binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa:
Bakit! Bakit mo kami
pinahihirapan!
paggamit ng isang pangngalang
f. panumbas o nagpapahiwatig ng
kahulugan ng isa pang salita; ang
Pagpapalit- pagpapalit ng katawagan o ngalan
sa bagay na tinutukoy.
tawag Halimbawa:
(metonymy) Mahirap nang humilom
ang sugat na likha ng nakaraan.
g. Paghihimig (onomatopeia)

Ito ay paggamit ng mga salitang ang tunog ay


bumubuhay sa inilalarawan; nagpapahiwatig ito ng
kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga
salita.
Halimbawa:
Malakas na malakas ang kariring ng telepono
kaya kami nagising.
Ito ay pagsasama ng
h.Pagsalungat/ magkakasalungat na salita na hindi
pagtatambis/ pinag-uugnay; paggamit ng dalawang
salitang magkasalungat o pahayag na
antitesis/ nagsasalungatan.
epigram Halimbawa:
(oxymoron) simula at wakas
may lungkot at tuwa
masamang kaibigan
i. Klaymaks
pagpapakita ng kahalagahan ng
mga salita o kaisipan mula sa
pinakamababang antas
hanggang pinakamataas.
Halimbawa:
Ang kanyang galit ay
napalitan ng matinding poot.
j. Antiklaymaks

Paggamit ng mga salita mula sa mataas


hanggang sa pinakamababa.
Halimbawa:
Nakadarama ako ng matinding
kasiyahan,ng saya at tuwa.
k. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)

may dalawang paraan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa


kabuuan o pabahagi at maaari rin namang nag-iisang tao ang
kumakatawan sa isang pangkat o patukoy.
Halimbawa (pabahagi):
Sampung bibig ang umaasa sa aking paghahanapbuhay.
Halimbawa (patukoy):
Isang singkit ang nagwagi sa ginanap na Miss Universe
noong nakaraang taon.
paggamit ng inihahanay na
salita o kaisipan sa paraang
magkakahawig na
l. istruktura.
Paralelismo Halimbawa:
(parallelism) sabay-sabay na pag-
awit
sabay-sabay na
paggalang
paggamit ng mga salitang piling-pili,
mabubuti at magaang pananalita na
m. ginagamit sa mahinahong
pagsasabi; napapaganda ang mga
Paglumanay pangit na pahayag.
(euphemism) Halimbawa:
Ang aming kasambahay
(utusan) ay napakasipag.
n. Paglilipat-wika (transferred epithets) –
paggamit ng pang-uri, mga pang-uring
tanging sa tao lamang ginagamit para sa
pagbibigay-katauhan na pinasasabay ang
mga katangiang pantao.
Halimbawa:
Kay lambing ng hanging dumadampi sa
kanyang balat.
o. Pagtanggi/Parelepsis/Litotes –
pagpapahayag ng pagsalungat subalit ito ay
sadyang nagpapahiwatig ng pagsang-ayon.
Halimbawa:
Hindi sa hindi ako naniniwala sa’yo, pero
mahalaga pa rin ang matrimonya ng kasal.
p. Pag-uyam (Irony)

paggamit ng mga salitang panunudyo,


panlibak, o pagkutya.
Halimbawa:
Mabait ka talagang bata kaya parati
kang napapagalitan.
q. Aliterasyon
kapag ang unang titik o panig
ng mga salita ay magkatulad
Halimbawa:
magdamag di makatulog,
magulo’t masalimuot ang
isipang maraming agam-agam
mulat ang matang may
kalungkutan.
r. Asonansya
kapag ang unang titik o panig ng mga salita ay
kapwa patinig.
Halimbawa:
Ako ay alagang-alaga at araw-araw inaasikaso
ng aking ate.
Paggamit ng Contextual na Clue -ang
kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
ng iyong mga pangarap ay malalansag sa
pader ng gobyerno kung hindi ka nila
sasang-ayunan.
malalansag- madudurog
MARAMING SALAMAT

Sosyedad at Literatura

You might also like