You are on page 1of 8

SAINT JOSEPH ACADEMY

OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MODULE NUMBER: 1 UNANG MARKAHAN


PETSA: AGOSTO 15-19,2022 S.Y. 2022– 2023

CLASS NUMBER: _____________________ SUBJECT:


Araling Panlipunan IX
NAME: _______________________________________________ TEACHER:
Gng. Myrna H. Alday

SJA Vision Statement SJA Mission Statement

The SJA Administrators, faculty and staff join The SJA, a recognized institution of learning
hands with the parents, alumni and its allies in commits itself for the upliftment, development, and
creating an educational environment that will develop integral growth of its learners. SJA provides learners a
in its learners the 21st century skills necessary to well-rounded education that will maximize their 21st
improve literacy, scientific and technical potentials that century skills and develop their total personality to
embodies love, loyalty and hope for the family, school, prepare them for higher educational pursuits and global
community and country. competitiveness.
SJA Philosophy Statement

Saint Joseph Academy is a highly respected non-sectarian secondary institution dedicated to impart to the
students the respect in the individual needs of themselves and others. Thus, SJA believes that every student has the
right to learn and get a quality education.

SJA Goals and Objectives

Accepting its role as the second home of its students, SJA endeavors to:
 mold its students to be God-loving and God-fearing, in imitation of the virtues of St. Joseph while respecting all
religious beliefs existing in the community.
 direct the minds of students to become productive citizen with positive Filipino values, developing in them love
of family, community and country.
 strengthen the school-community relations through extension programs
 stimulate in each student a desire to maximize his own talent

SJA Core Values

S – Simplicity and Self Discipline (Kasimplehan at Disiplinang Pansarili)


J – Justice (Hustisya)
A – Acceptance and Asssertiveness (Pagtanggap at Pagtitiwala)
E – Excellence and Enthusiasm (Kahusayan at Kasipagan)
R – Rapport and Respect (Pagkakaisa at Paggalang)

- - - - - A STUDENT’S PRAYER - - - - -
Lord Jesus, I dedicate myself to you as a student
Thank you for all your blessings and graces, thank you for my parents, teachers, classmates and my school.
Enlighten me to realize the importance of education.
Always be there to guide me to overcome my faults, failures and frustrations that I may become more pleasing to
you.
Cast out all evil spirits from me and all my educational materials and other elements that I may encounter during
my student life.
Help me to learn the right values and be able to achieve my goals in life.
Mold me in my growing years to develop my god –given skills and talents.
Empower me with the “gifts of the holy spirit” especially the gift of wisdom, knowledge and love.
I ask these in the mighty name of Jesus through the powerful intercession of Mama Mary.
Yes, Lord Jesus, teach me for you are the greatest teacher.
Amen.

Mga pangunahing Konsepto

Page 1
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

ng EkonomikS

PANIMULA at mga POKUS na TANONG


Natanong mo na ba minsan sa iyong sarili bakit palaging kulang ang mga bagay na gusto mo?
Sa pang-araw-araw na gawain ng tao, humaharap siya sa iba’t ibang suliraning may kinalaman
sa pagtugon ng mga pangangailangan para sa sarili, para sa pamilya at para sa kapuwa. Sa simpleng
pananaw mula umaga hanggang gabi, kakailanganin ang pagpapasiya kung ano ang kakainin, kung ano
ang isusuot na damit, kung magkano ang dapat itutuos na badyet, kung gaano ang baon sa araw-araw na
pagpasok sa paaralan.
Ang lahat ng ito’y umiikot sa pagtugon ng mga nagtutunggaling pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Ang mga sitwasyong nabanggit ay mga batayang kaisipang pang-ekonomiya na
bagamat hindi batid ng isang estudyante ay kaniya nang isinasabuhay.
Sa araling ito, ating tutuklasin ang kasaysayan, mga konsepto, pangunahing kaisipan at
pamamaraan sa Ekonomiks. Sa ating pag-aaral, isaisip at tandaan na ating hahanapin ang mga sagot sa
tanong: Paano magiging produktibo ang pamumuhay ng tao? Sikapin mo ring sagutin ang mga sumusunod
na tanong:

Paano nakakatulong ang kaalaman sa Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay?

Handa ka na bang alamin ang mga kasagutan sa mga tanong na ito at palawakin ang iyong nalalaman
sa pag-aaral ng Ekonomiks? Kung oo, ay magpatuloy tayo!

PAMANTAYAN SA PANGNILALAMAN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan
ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

SAKLAW ng MODYUL

ARALI PAMAGAT PINAKAMAHALAGANG BILANG NG MODYUL


N KASANAYANG ARAW NG BLG.
BLG. PAMPAGKATUTO (MELCs) PAGTUTUR
O
 Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks
1 Kahulugan ng sa pang-araw-araw na pamumuhay Tatlo (3) 1
Ekonomiks bilang isang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan
Kahalagahan  Natataya ang kahalagahan ng
2 ng Ekonomiks ekonomiks sa pang-araw-araw na Anim (6) 2-3
pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan
3 Alokasyon  Nasusuri ang iba’t ibang sistemang Anim (6) 4-5
pang-ekonomiya
4 Pagkonsumo  Naipagtatanggol ang mga karapatan at Tatlo (3) 5-6
nagagampanan ang mga tungkulin
bilang isang mamimili
 Natatalakay ang mga salik ng Anim (6) 7-8
Page 2
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

5 Produksiyon produksyon at ang implikasyon nito sa


pang-araw-araw na pamumuhay

Sa araling ito, matututunan mo ang mga sumusunod:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (LEARNING COMPETENCIES)


Kahulugahan ng Ekonomiks  Naipapaliwanag ang kahulugan ng Ekonomiks
Kahalagahan ng Ekonomiks  Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng pamilya at ng lipunan
 Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at
pangangailangan at kagustuhan
Alokasyon  Napapahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang
matugunan ang pangangailangan
 Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya bilang sagot sa kakapusan
 Naipapaliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
 Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Pagkonsumo  Naipamamalas ang talion sa pagkonsumo sa pamamagitan ng
paggamit ng pamantayan sa pamimili
 Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga
tungkulin bilang isang mamimili
 Naibibigay ang kahulugan ng produksyon
Produksiyon  Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon
nito sa pang-araw-araw na pamumuhay
 Nasusuri ang iba’t ibang organisasyon

CONCEPT MAP ng MODYUL


Sa markahang ito ay lubos na mauunawaan ng mag-aaral ang mga konsepto sa ekonomiks na
may kaugnayan at nakaaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Lubos nilang mababatid ang
kahalagahan at epekto ng mga nasabing konsepto sa pangkabuhayan ng bansa at sa patuloy na
pagbabago ng daigdig.
Mauunawaan na ang paggawa ng tamang desisyon sa buhay ay kailangan upang matugunan
ang mga pangangailangan sa harap ng suliranin ng kakapusan. Ang pagsasagawa ng mga gawaing pang-
ekonomiya tulad ng pagkonsumo at produksiyon ay mahalaga upang patuloy na maisakatuparan ang
pagtugon sa pangangailangan ng tao at bansa.
Matututuhan ng mga mag-aaral ang mas malalim na pagtalakay ng kaibahan ng
pangangailangan at kagustuhan upang maiugnay ito sa agham ng ekonomiks.

MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS

Kahalagahan Pagkonsumo
ng Ekonomiks
Alokasyon
Kahulugan ng Produksiyon
Ekonomiks
MODYUL 1
ANG AGHAM NG EKONOMIKS

Page 3
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

INAASAHANG KASANAYAN
Upang mahusay na masagutan ang modyul at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa, kinakailangang
tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
1. Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,
kasapi ng pamilya at lipunan
2. Nabibigyang-halaga ang kontribusyon ng mga iskolar sa paglinang ng pangunahing kaisipan sa
Ekonomiks
3. Naihahambing ang iba’t ibang pananaw sa pag-aaral ng ekonomiks
4. Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at
lipunan

TARGET SA PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng modyul na ito, magagawa kong…
1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral
at kasapi ng pamilya at lipunan
2. Nabibigyang-halaga ang kontirbusyon ng mga iskolar sa paglinang ng pangunahing kaisipan sa
Ekonomiks
3. Naihahambing ang iba’t ibang pananaw sa pag-aaral ng ekonomiks

Mahalagang Tanong: Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa ekonomiks sa pagpapaunlad ng


iyong pamumuhay at ng iyong pamilya at lipunan?

Gawain GUNITAIN
1

Maraming bagay at kaalaman ang gustong makamit ng tao ngunit hindi niya magawa dahil sa iba’t
ibang kadahilanan kaya kailangan niyang matutuhan ang agham ng ekonomiks.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano kaya ang iniisip ng mga tao sa larawan?
_________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang nasa larawan, ano ang una mong iisipin at bakit?
_________________________________________________________________________

LINANGIN
Page 4
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Kahulugan ng Ekonomiks
Sa iba’t ibang kaisipan ng mga ekonomista, masasabi na hindi madaling bigyan ng kahulugan
ang ekonomiks.
1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na may layuning pag-aralan ang mga pagkilos,
pagsisikap ng mga tao, at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman
upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.
2. Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano nagpapasya ang lipunan kaugnay ng pagbabaha-bahagi
sa mga kapos na pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang alternatibong gamit nito
3. Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na ibig sabihin ay
“pamamahala ng sambahayan” (household management)
4. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at asal ng isang indibidwal,
kung paano nito sinosolusyunan na matugunan ng limitadong resorses ang walang katapusang
pangangailangan ng tao.

Narito ang pagpapaliwanag sa bawat konseptong bahagi ng depinisyon ng ekonomiks.


1. Agham Panlipunan – ang ekonomiks ay agham sapagkat tulad ng ibang siyentista, ito ay gumagamit
ng siyentipikong pamamaraan sa pagsagot sa mga pangyayari sa paligid
2. Limitadong Resorses – hindi mapagkakaila na ang pinagkukunang-yaman ay limitado at hindi sapat
upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao
3. Walang Katapusang Pangangailangan – bawat tao ay may kani-kaniyang gusto at kailangang
makamit upang mabigyan ng kasiyahan ang sarili
4. Kilos at Asal – ito ay tumutukoy kung paano tumutugon at kumikilos ang tao upang mabuhay
5. Sistemang Pang-ekonomiya – ito ang pamamaraan kung paano pinipili ng mga indibidwal, pangkat at
pamahalaan ang sistemang lulutas sa mga suliraning pang-ekonomiya
Economic goods – ang lahat ng bagay ay halaga o presyo tulad ng pagkain, damit at bahay
Free goods – mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad tulad ng init ng araw at hangin
Mga Konsepto na Naglalarawan ng Kahulugan ng Ekonomiks

Pagpili Pagdedesisyon

EKONOMIKS
Walang katapusang Limitadong yaman ng
pangangailangan bansa

Isang batayang konsepto sa ekonomiks ang pagiging kapos ng mga pinagkukunang-yaman at


pagiging walang hanggan ng mga kagustuhan ng tao. Ito ang tinatawag na economic problem. Dahil sa
economic problem ay kailangan ng bawat lipunan na magpasiya tungkol sa produksiyon ng mga produkto
at serbisyo.
Saklaw ng Ekonomiks
1. Maykroekonomiks – paggalaw ng mga indibidwal na pamilihan, sinusuri dito ang mga pasiya ng
indibidwal na sambahayan at bahay-kalakal at kung ano ang epekto sa pamilihan ng gayong mga
pasiya

Page 5
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

2. Makroekonomiks – kabuuan ng ekonomiya, sinusuri dito ang pangkalahatang presyo, produksiyon


at kita

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagsimula ang pag-aaral ng Ekonomiks?
2. Bilang isang mag-aaral, makatutulong kaya ang iyong kaalaman sa Ekonomikd sa pang-araw-araw
na pamumuhay?

Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga pilosopo.
Iba’t ibang kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay sa politika at ekonomiks. Ang
pagkakaroon ng magkakasalungat na ideya at prisipyo ng mga naunang pilosopo at ng mga ekonomista
ang nagbigay-daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa ekonomiks.
Ang ekonomista (economist) ay isang tao na nag-aaral ukol sa galaw ng ekonomiya, ginagawang
pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya.

Ang ekonomiks ay higit na nakilala bunga ng kaisipan ng sumusunod na ekonomista at pilosopo.

1. Adam Smith – Siya ang kinikilalang Ama ng Makabagong Ekonomiks


– Ang kanyang doktrinang laissez-faire o Let Alone Policy – nagpaliwanag na hindi
dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng pribadong
sektor
2. Thomas Robert Malthus – Ang kaniyang Malthusian Theory ay nagsasabing ang populasyon ay
mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na
kagutuman sa bansa
3. David Ricardo – Nakilala siya sa kaniyang dalawang ideya:
a. Law of Diminishing Marginal Returns – Ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman ay
nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito.
b. Law of Comparative Advantage – Isang prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga
bansa na nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga (production cost) kompara sa
ibang bansa.
4. John Maynard Keynes -Father of Modern Theory of Employment, sinasabi niya ang pamahalaan ay
may mas malaking gampanin sa pagpapanatili ng katatagan at balance sa ekonomiya sa
pamamagitan ng paggastos nito.
5. Karl Marx – Ama ng Komunismo, sinulat niya ang aklat na Das Kapital na naglalaman ng mga aral
ng komunismo at sinulat din niya ang Communist Manifesto

Kaisipang Pang-ekonomiya

Ang gawain at kaisipan ng tao ay nababatay sa iba’t ibang prinsipyo na nagpapaliwanag ng kaniyang
pagpili.
 Ang lahat ng bagay na ating nakamit ay may halaga.
 Ang ginagawang pagpili ng tao sa ngayon ay nakaaapekto sa kaniyang kinabukasan.
 May magandang dahilan ang bawat tao sa ginagawang pagpili.
 Ang pagpili ng tao sa isang bagay ay naaayon sa halaga ng produkto at serbisyo.
 Ang pagkakamit ng benepisyo o insentibo ay nakaiimpluwensiya sa pagpili ng tao.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit patuloy na may lumilitaw na kaisipan ukol sa ekonomiks?


2. Dapat bang ibatay ng tao ang kaniyang pagpili sa mga kaisipang pang-ekonomiya? Bakit?
3. Kung ikaw ay magiging ekonomista, paano mo bibigyang kahulugan ang ekonomiks?

Gawain 2 - Tiyakin

Page 6
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

A. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat sa isang buong papel ang tamang sagot.
1. Ito ang agham panlipunan na may kinalaman sa gawi at kilos ng tao upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
2. Ito ang aklat na naglalaman ng mga aral ng komunismo.
3. Ito ang teorya ukol sa populasyon na nagsasaad na mas mabilis lumaki ang populasyon kaysa sa supply
ng pagkain.
4. Ito ang tawag sa mga produkto o bagay na mayroong halaga o presyo.
5. Ito ang paghahati-hati ng mga gawain ayon sa kakayahan at kasanayan sa paggawa ng tao.

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano mo bibigyang-kahulugan ang ekonomiks base sa iyong natutuhan?


_________________________________________________________________________________
2. Paano lumawak ang kaisipan ng ekonomiks?
_________________________________________________________________________________
3. Paano naapektuhan ng agham ng ekonomiks ang pang-araw-araw mong buhay?
_________________________________________________________________________________

Gawain 3 - Tuklasin

Tukuyin kung ito ay bahagi ng makroekonomiks o maykroekonomiks.

1. mamimili 6. utang panlabas


2. kitang Pambansa 7. uri ng prodyuser
3. reyt ng implasyon 8. kabuuang produksiyon
4. indibidwal na kompanya 9. suplay at demand
5. palitan ngpiso 10. uri ng kompanya

Gawain 4 - Paglalapat ng Kaalaman

Gumupit ng mga artikulong may kinalaman sa ekonomiks.Gamit ang Petal Map, sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.
1. Tungkol saan ang balitang iniulat?
2. Ano ang kaugnayan nito sa ekonomiks?
3. Sang-ayon ka ba o di sang-ayon sa balitang iniulat? Bakit?
4. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks?
5. Paano mo maiiugnay ang ekonomiks sa mga balitang naririnig/nababasa sa araw-araw?

Ilagay sa bawat petal ang sagot sa bawat katanungan.

1.

2.
5.

4. 3.

Page 7
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

RUBRICS SA PAGBIBIGAY NG MARKA

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Puntos
Nilalaman Wasto ang impormasyon. Mahusay ang 10
ginawang pagsusri at pagpapaliwanag
Organisasyon Nasagot ng wasto ang mga gabay na 6
tanong
Presentasyon Madaling unawain ang datos 4
KABUOAN 20

MGA SANGGUNIAN

 RBS Serye sa Araling Panlipunan, Kayamanan:Ekonomiks, Cosuelo M. Imperial, Arthur S. Abulencia,PhD,


Eleonor D. Antonio, Roel G. Lodronio, Celia D. Soriano
 Ekonomiks sa Makabagong Panahon; Charo B. Bon at Rosa Belle R. Bon
 Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad; Bernard R. Balitao, Godfrey T. Dancel, Joel B. Mangulabhan, Romina
Lou B. Martin, Mariam Soraya P. Tuvera at Jackson L. Ubias
 PIVOT 4A Budget of Work (BOW), 2020
 www.google.com

Page 8

You might also like