You are on page 1of 6

FPL REVIEWER

Limang Makrong Kasanayan


1. Pagsulat
2. Pagsasalita
3. Pagbabasa
4. Pakikinig
5. Panonood
Pagsulat – ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.

Iba’t ibang dahilan ng tao sa pagsusulat


1. Para sa iba – nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang
kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.
2. Para sa mga mag-aaral – kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan
sap ag-aaral bilang bahagi sa pagtatamo ng kasanayan.
3. Para sa mga propesyonal – kanilang gibagawa bilang bahagi ng pagtuon sa bokasyon o trabahong
kanilang ginagampanan sa lipunan.

Dahilan ng pagsusulat:
- Nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga taong nakakabasa nito, at maging sa lipunan.
- Sapagkat ang kanilang isinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na
magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.
- Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat
panahon.

Akademik
- Ang akademiko o academic ay mula sa wikang Europeo (Prances:Academique; Medieval Latin:
Academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo edukasyon sa kolehiyo
- Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbasa,pagsulat, at pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain. Halos
nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa kolehiyo.

Akademikong Pagsulat
- Isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinion batay
sa manunulat.
- Nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
- Tinatawag na intelektwal na pagsusulat dahil layunin nito na pataasin ang antas at kalidad ng mga
nalalaman ng mga mag-aaral sa paaralan.
- Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
- Napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin kailangan ang katangiang
mapanghikayat upang mapaniwal o makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
Mahalagang konsepto ng Akademikong Pagsulat (Karen Gocsik, 2004)
1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar para sa mga iskolar.
2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga taong kinagigiliwan ng akademikong
komunidad.
3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento
- Kinakailangang maging lohikal upang makabuo ng malinaw at mabisang pangangatuwiran at
nasusuri ang mga impormasyong dpat isama sa akdang isusulat.

Iba’t Ibang akademikong sulatin


1. Abstrak
- Maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon. Tinatawag na
siksik na bersyon ng mismong papel.
- Ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis o papel pananaliksik, papel siyentipiko at
teknikal, lektyur at mga report.
- Layusning mapaikli o magbigay ng buod ang mga akademikong papel.
- Hindi gaanong mahaba, organisado ang pagkakasunod-sunod ng nilalaman at binubuo ng 200-250 na
salita.
2. Sintesis
- Pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng sulating maayos at malinaw na
nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng
sumulat.
- Kalimitang ginagamit ang sulating ito sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel.
Katangian ng sintesis
1. Kalimitang ginagamit ang sulating ito sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel.
2. Kinakailangang organisado ayon sa sunod-sunod na pangyayari sa kwento.
2 anyo ng sintesis
1. Explanatory synthesis o anyong nagpapaliwanag
2. Argumentative synthesis o anyong argumentatibo
3. Bionot
- Isnag sulatin na nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa
mga tagapakinig o mambabasa.
- Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.
4. Memorandum
- Nakatutulong upang maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o
pagtitipon.
Dalawang anyo ng memorandum
1. Internal o panloob
2. Inter branch o panlabas

5. Agenda
- Dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag0uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong.
- Layunin nitong maipakait o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa
kaayusan at organisadong pagpupulong.
- Katangian nito ay pagiging organisado at pormal
6. Panukalang proyekto
- Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak
na problema.
- Naglalatag ng proposal sa proyektong
- Pormal sapagkat nakabatay ito sa uri ng mga tagapakinig at malinaw ang ayos ng mga ideya.
7. Talumpati
- Pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience.
- Nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat , tumugon, mangatuwiran, at magbigay
ng kabatiran o kaalaman.
- Isang pormal dahil nakabaty ito sa uri ng mga tagapakinig at malinaw ang ayos ng mga ideya.
8. Katitikan ng pulong o “Minutes of meeting”
- Opisyal na record ng pulong ng isang organisasyon,korporasyon o asosasyon.
- Tala ng mga napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong.
- Dapat na organisado ayon sa pagkasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohan.
9. Posisyong papel
- Detalyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamakatuwid o nagmumungkahi
ng isang partikular ng kurso ng pagkilos.
- Layuning maipaglaban kung ano ang alam mong tama.
- Nagtatakwil ng kamalian
- Pormal at organisado
10. Replektibong sanaysay
- Pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa.
- Nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek.
- Nangangailanagn uto ng reaksyon at opinion ng manunulat.
- Replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood
11. Pictorial essay
- Paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maikling kapsyon
- Mas maraming larawan kaysa sa mga salita
- 3-5 na pangungusap
12. Lakbay sanaysay
- Magkakapagbalik-tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat.
- Layunin nitong makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang
destinasyon.
- Mas madaming teksto kaysa sa mga larawan

Kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat


- Isang pangmalawakang depinisyon sa akademikong pagsulat ay anumang pagsulat na isinasagawa
upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng
itinatakdang gawaing pasulat sa isang setting na akademiko.
- Ginagamit din ang akademikong pagsulat sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at
mananaliksik o inilalahad sa mga komperensya.

Mabibigyang-kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang


- Anumang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga
mag-aaral, guro sa mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
- Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumapk, pormal,impersonal at obhetibo.
Kalikasan ng akademikong pagsulat ayon kay Fulwiler at Hayakawa (2003)
1. Katotohanan
- ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
2. Ebidensiya
- Gumagamit ng mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang
inilalahad.
3. Balanse
- Sinasaalang-alang ang paggamit ng wika
- Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay
kailangagng gumamit ng wikang walang pagkiling.

Kahulugan ng Pananaliksik
- Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao,isyu at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan o pasubalian. Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag, at katwiran
ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng mga konklusyon.
- Nagbibigay-linaw ito sa mga ideya na maaari nang alam ng marami pero nangangailangan ng dagdag
na impormasyon at paliwanag.
- Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at paniniwala. Nagpapasubali ito sa mga dati
na ng pinaniwalaan pero inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat paniwalaan.

Katangian ng pananaliksik
1. Obhetibo
- Walang kinikilingan
- Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis. Ang mga
interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito.

Layunin ng pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
3. Paglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging maka-tuwiran o makatotohnang ideya
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang iang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay o
pahayag.
6. Magbigay ng historical na perspektiba para sa isang senaryo

Pagsulat ng maayos sa akademikong sulatin


Mga dapat iwasan:
1. Iwasan ang pagiging maligoy o paglalahad ng mga ideya.
2. Iwasan ang mga malalalim na salita, isaalang-alang ang iyong mambabasa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang madali nilang maunawaan.
3. Iwasan ang gumamit ng jargon o mga espesyalisadong salita.
4. Iwasan din ang cliches o mga salitang gasgas.
5. Iwasan din ang pagkakaroon ng maling gramatika.

Mga dapat isaalang-alang sa maayos at mabisang akademikong sulatin:


1. Makabubuti kung laging bago o napapanahon ang ideyang isusulat.
2. Bumuo o umisip ng sariling estilo sa pagsulat
3. Tiyaking organisado ang ideyang ilalahad.
4. Alamin ang layunin ng iyong isusulat
5. Gumamit ng mga payak na salita
6. Kung iniisa-isa naman ang mga ideya, maaaring gumamit ng bullet o anumang grapikal na
presentasyon.

Replektibong Sanaysay
- Repleksyong papel
- Isang pasulat na representasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang paksa
- Layunin nitong magbalik-tanaw sa isang pangyayaring naganap at kumuha ng mga aral o
realisasyon.
- Naglalayon ding magapabatid ng impormasyong nakalap at mailahad ang mga pilosopiya at
karanasan ukol dito.

Pormal-ito ay nagbibigay ng isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang ng
mga pangyayari at kaisipan.
Impormal-tinatawag din itong pamilyar o personal at nagbibigay diin sa isang estilong nagpapamalas ng
katauhan ng may-akda.

Bahagi ng replektibong sanaysay


Panimula – dapat makapukaw ng atensyon ng mga mababasa. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag ng
isang tao o quotation, tanong, anekdota at iba pa.
Katawan – inilalahad ang mga pantulong o kaugnayan na kaisipan tungkol sa paksa na inilahad sa
panimula.
Konklusyon/wakas – muling banggitin ang tesis o pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa
pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
Buod ng sanaysay.

Sa pagsulat ng replektibong sanaysay mayroon tayong mga bagay na dapat tandan upang maging epektibo at
komprehensibo ang pagsulat nito.
- Una, ay kailangang magkaroon ng tiyak na paksa na iikutin ng nilalaman ng sanaysay.
- Pangalawa, isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip tulad ng ko, ako, at akin sapagkat ito
ay nakabatay sa karanasan.
- Kailangang isaalang-alang ang paggamit ng mga pormal na salita at tamang estruktura sa pagsulat
nito.
Talumpati
- Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa
isang partikular na paksa.
- Karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap at hindi ito magiging ganap na talumpati kung ito ay
ay mabibigkas sa harap ng madla.
- May layuning humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at
maglahad ng isang paniniwala.
- Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwang sa isang paksa na binibigkas sa harap ng
mga tagapakinig.

Iba’t ibang uri ng talumpati


1. Biglaan (impromptu)
- Walang paghahanda
- Ibinibigay ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita
Hal: Q and A sa pageants, pagbibigay ng mensahe ng isang bisita sa isang okasyon o programa
2. Maluwag (extemporaneous)

- Ang paghahanda ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong pagsasalita.


Hal: talumpati bilang paghahanda ng patimpalak na binuo ng kagawaran ng edukasyon.
3. Isinaulong talumpati (memorized speech)
- Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati
- Kailangang memoryado o nasaulo ang pyesa bago bigkasin
Hal: Valedictory Address ng klaseng magsisipagtapos sa isang paaralan
4. Manuskrito (pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya)
- Ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aralan itong
mabuti at dapat nakasulat.
- Kailangan ng matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay
tinatala.
- Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang
pag-oorganisa ng mga ideya at pagsulat ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
Hal: talumpati ng isang ispiker sa isang seminar

Mga bahagi ng talumpati


1. Panimula
- Inilalahad ang layunin at dahilan ng talumpati
- Kaagapay ang estratehiya upang makuha ang atensyon ng madla
2. Katawan
- Nakasaad dito ang pagpapaliwanag ng paksang tatalakayin ng mananalumpati
3. Katapusan
- Pinakasukdol ng buod ng isang talumpati
- Nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos
sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

MAKAPASA SA MGA EXAM CUTIIEEEEE

You might also like