Professional Documents
Culture Documents
“What accounts for success? There is no magic, no mystery, no secret recipe. Success springs
from values as basic and old-fashioned as being honest and truthful, working hard, playing fair,
setting goals, discipline, and determination to pursue them.
Most of all, success is about passion. Passion to succeed. Passion to compete. Passion for
excellence. Commitment to succeed can overcome poverty. A spirit of purpose can give impetus
to human energy, ambition can set heroic goals and achieve them.
But let me add this - you can't succeed if you're afraid to fail. I've known how to lose - not just
once, but many times. Boldness to take risks, guts to decide and act - these are strengths. Paano
ka makaka-score, if you don't shoot that ball?
Remember that you can afford to fail because you're young. Successes tell you that you can
attain more successes in the future. But failures tell you that you can survive and move on.
Sabi nga ni JK Rowling: "It's impossible to live without failing at something, unless you've lived
so cautiously that you might as well not have lived at all."
Nung nareceive ko ‘yung invitation para maging guest speaker ngayong araw na ‘to, inisip ko agad
kung anong sasabihin ko sa inyo. Pwede ko kasing i-kwento nalang ‘yung buhay ko para di na ko
mahirapan. Kaya lang, bukod sa hindi naman ako sikat na artista o milyonaryo para ma-inspire kayo
ng sobra sa kung anong nagawa ko na sa buhay ko, eh medyo gasgas na ‘yung ganung style.
Kaya naisip ko na i-share nalang sa inyo ‘yung alam kong mas magkakaroon ng silbi sa buhay ‘nyo. Dahil ako
mismo, ito ‘yung ginagawa ko. Kaya graduates, hihiramin ko ang ilang minuto ‘nyo para makinig ng mabuti.
At dahil nasa edad na kayo na nagsisimula na kayong mangarap, ano pa nga bang mas magandang message
ang pwede kong ibigay sa inyo kung hindi tungkol sa pagtupad sa mga pangarap?
Walang masama sa nangangarap. Kaya nga patuloy tayong nabubuhay ay para tuparin ‘yung mga pangarap
natin, di ba? Basta hindi dapat panay “nganga”, para hindi “ngawa” ang resulta. Mas maganda
kung “gagawa” ka, para ang resulta, “magara”.
Meron daw limang bagay na importante para matupad ang pangarap, iisa-isahin ko:
Number 1: Be specific
Kung mangagarap kayo, gawin ninyong detalyado ang pangarap ‘nyo. Hindi ‘yung parang nag-drawing kayo
sa tubig. Walang nabubuo. Ibig sabihin, kung gusto mong maging doktor, linawin mo: doktor ba ng tao o
doctor ng hayop? Kung gusto mong magka-kotse, anong klaseng kotse? Anong kulay? Anong brand?
Kung sariling negosyo naman, siguraduhin mong legal ‘yan.
Number 2: Dapat may target
“Ang pangarap, libre lang. Pero ang pangarap, dapat may deadline.”^ Huwag nyong sundin ‘yung nakasanayan
na ng Pilipino na paraan ng pangangarap.
Sasabihin, “paglaki ko, gusto ko maging mayaman!” Ang problema sa ganitong pangarap, ang labo! Sasabihin
mo pag laki mo. Eh kelan naman ‘yun? Eh paano kung hindi ka lumaki? Dapat may timeline, dapat may
schedule. Halimbawa, kung gusto mong magkaroon ng mataas na grade, sabihin mo, “exam na namin sa
Lunes, dapat sa Byernes nakapagreview na ko.” O Kaya naman, “gusto ko pag 25 years old na ko, may sarili
na kong negosyo.” Pero wag naman sana ‘yung ganitong pangarap: “dapat pag 18 na ko, may asawa na ko!”
Number 3: Ang pangarap, hindi tinititigan, inaaksyunan!
Sabi ng isang businessman, “Dream Big. Start Small.”# Ibig sabihin, lakihan nyo ang mga pangarap nyo. Pero
simulan nyong buoin ‘yon ng paunti-unti. Dahil walang magic sa pagyaman o pagiging matagumpay ng isang
tao. Pero syempre, hindi nagtatapos ang pangarap sa pag-iimagine lang. Dapat, sasamahan mo ng aksyon.
“Hindi mo na lang sana pinagod ang sarili mo sa pagbuo ng mga pangarap kung hindi ka rin lang
naman pala gagalaw.” Dahil kung ganun rin lang, hiyang hiya naman ang utak mo sa sa katawan
mo!
Tulad ngayon, isang step ang nakumpleto nyo -- ang makapagtapos ng elementarya. Marami
pang susunod na hakbang pagkatapos nito, pero sana, wag kayong tatamarin. Kasi kahit
anong tumbling at flip-top battle ang gawin natin, sa huli, ang pag-aaral pa rin talaga ang susi
para matupad ninyo ang inyong mga pangarap.
Huwag sana ninyong tularan ‘yung isang mama sa nabasa kong libro, na kung kelan sya tumanda at saka sya
nagsisisi. Nagrereklamo kasi sya dahil bukod sa mainit na, ang bigat pa ng pasan nyang papag. Yun kasi ang
trabaho nya, ang maglako ng mga papag.
Sabi nya, “kung alam ko lang na pwersado rin akong magtratrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa
eskwelahan nung bata ako. Parehas lang naman palang nakakapagod. At least, pag nag aral ka, may pag asa
pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”*
Sabi rin ng author ng librong yon na si Bob Ong: “Humigit-kumulang sampung taon nalang kayo mag-aaral.
Kung hindi kayo magsisikap, mahigit 30 years ng kahirapan ang magiging kapalit. Sobrang lugi, di ba? Pero
ngayong alam nyo na yan, sana naman eh wala na sa inyo ang gugustuhing umiwas pa sa eskwela.” *
Sa mga palakol naman ‘yung grades, wag kayong mag-alala. Dahil hindi lang naman sa grades nasusukat ang
pagkatao. Dahil kung grades lang ang batayan, edi sana lahat ng honor students na ang pinakamayayaman at
matagumpay sa Pilipinas ngayon.
Kaso hindi.
Ang hirap po kasi sa educational system natin ngayon, binabansagan natin ‘yung mga bata base sa kung anong
kakayahan nila sa academics. Kaya nga merong SPED, section 1, row 1, row 2 at syempre row 3.
Ang problema tuloy, kung mahina ‘yung bata, lalong tinatamad. Kasi nga, nakatatak sa isip nya na “Mahina
naman ako, kaya nga ako nasa row 3 eh. Ganun din naman kahit mag-aral pa kong mabuti. Kaya maglalaro
nalang ako hangang gusto ko tapos mangongopya nalang ako!” Kaya minsan, hangang sa paglaki, ganun ‘yung
pagkatao nya, kasi bata pa lang sya, pinaniwala na sya na hangang dun lang sya.
Kaya para sa mga row 3 students, gagawin ko kayong bida kahit ngayon lang, kahit 5 minutes lang.
Lilinawin ko lang: walang masama sa pagiging honor student. Ipagpatuloy nyo yan. At tiyak na malayo ang
mararating ninyo. Para naman sa mga hindi katalinuhan, saludo pa rin ako sa inyo. Kaya sana, huwag kayong
papaapekto sa kung anu mang bansag sa inyo na mahina kayo.
Malamang, after 20 years, karamihan sa mga nasa row 1 ay magkakaroon ng magagandang trabaho, sa
Pilipinas man o sa ibang bansa. De-kotse. Malaking sahod. ‘yung mga nasa row 2 naman, magta-trabaho
siguro sa gobyerno. Eh anu kayang balita sa mga nasa row 3?
Maniniwala ba kayo na sa isang research na ginawa, ‘yung mga nasa row 3 na yan, eh sila ang magmamay-ari
ng mga kumpanya kung saan nagta-trabaho ‘yung mga nasa row 1?
Kasi hindi na sila takot mabigo! Eh sa dami ba naman ng exam na binagsak nila eh, halos manhid na sila sa
pagbagsak. At dahil nga sa hindi sila ganun ka-galing, sa ibang bagay nila sinusubukang maging matagumpay!
Kaya sa mga magulang na naririto, huwag po kayong masyadong maging grade conscious sa mga anak ninyo.
Kung may palakol man sa card, imbes na sermunan at pagalitan, dapat mas suportahan n'yo sila.
Higit sa talas ng memory na mangabisa, at bilis ng pagsagot sa flash cards, mas importante pa rin po ang
determinasyon at pagkukusa. “Dahil ang talino, bagamat mahalaga, ay hindi ang tanging panukat sa
tagumpay.”#
Ang kabalikat ng talino ay pagkatao. “‘yung katalinuhan, ituturo lang nyan sa atin kung ano ang dapat gawin,
pero ang pagkatao ang makakapagpagalaw sa atin.”+
Kaya nga di ba, madalas, pag nag-kakamali tayo, anong sinasabi ng matatanda? “Papunta ka palang, pabalik na
ko!” Tapos mamimilosopo si anak, “Eh bakit hindi tayo nagkasalubong?” sabay alis kasi baka
mabatukan. Kaya tuloy, hindi natin naririning na may sagot pala sila sa sinabi natin. Anong sinasabi
nila?
Kaya sa araw-araw na kasama ninyo ang inyong mga magulang, matuto kayong pahalagahan sila.
Aanhin mo ang katuparang ng pangarap mo kung wala ka namang kasamang mag-eenjoy sa lahat ng
pinaghirapan mo? Hindi sapat na naging honor student ka ngayon tapos sasabihin mo “para to kay
Mama at Papa” tapos kinabukasan mag-aasawa. Hindi dapat matapos dun ang pasasalamat sa kanila.
Ang trending kasi ngayon, pag naka-graduate na, o mas malala minsan, nag-aaral pa, nag-aasawa na. Kaso
kadalasan, sa hiwalayan din naman napupunta kasi ang babata pa para sa responsibilidad na mag-kapamilya.
Kaya ang nangyayari, hindi ka na nga nakatulong sa pamilya mo, naging pabigat ka pa.
“Huwag mag madali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang
pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si
Justin Bieber o kasing galing nyang mag-flip-top si Abra at si Righteous One. Totoong mas
importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng
bayan sa eskwelahan ay magmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”*
Patuloy kayong mangarap, at siguraduhin na kasama ang buong pamilya, at ang kagustuhan na makatulong sa
iba - sa binubuo ninyong mga pangarap.
Pero bakit nga ba kailangan pang kasama ang mga magulang nyo sa pangarap ninyo?
Eh madalas naman pinapagalitan lang nila kayo. Malamang nga, may ilan sa inyo ngayon ang hindi maipinta
ang mukha kasi hindi bago ‘yung uniform kasi walang pambili si Nanay o si Tatay kaya nagdadabog. Yan ang
hirap sa maraming anak. ‘yung sigaw lang at sermon ng Nanay nyo ‘yung naririnig nyo, ‘yung pagiging
kuripot lang ng Tatay nyo ‘yung naaalala, ‘yung palo lang nila ‘yung nararamdaman. Pero hindi ninyo nakikita
‘yung sakripisyo at paghihirap ng mga magulang nyo may makain lang kayo, may maibaon, at mapagtapos
kayo ngayon ng elementarya.
Isang araw, habang nagmamaneho sya ng kotse pauwi, bigla niyang naramdaman na parang
manganganak na sya.
So ang nangyari, inihinto ng babae ‘yung kotse, tapos doon na niya ipinanganak ‘yung baby na
pinagbubuntis nya. Pagkatapos nyang mailabas ‘yung baby, hinang-hina sya.
Pero walang tao sa paligid o sasakyan na dumadaan, wala din syang makitang kahit anong tela sa
loob ng sasakyan para mabalutan ang anak nya. Kaya ang ginawa niya, hinubad nya ‘yung lahat ng
suot-suot niya, saka niya ibinalot sa baby nya.
Pagkatapos ng ilang oras, may dumaan na sasakyan na may sakay na mga madre.
Napahinto sila kasi may nakaharang na sasakyan sa daraanan nila. Nang lapitan nila,nakita nila ung
baby -- balot na balot. Tapos ung nanay...walang saplot sa katawan...patay na -- namatay dahil sa
lamig at panghihina.
Kinuha ng mga madre ang sangol at dinala sa kumbento kung saan dito na lumaki ang bata.
Pagkatapos ng sampung taon, sa saktong birthday ng bata, pinagtapat ng madre sa kanya ang
nagyari sa kanyang ina nung araw na makita nila ito. Bilang birthday wish, hiniling nung bata na
puntahan nila ‘yung lugar kung saan sya nakita ng mga madre.
Winter din nun, kaya umuulan ulit ng snow sa paligid, at malamig na malamig.
Nang makarating na sila sa lugar, itinuro ng madre sa bata ung pwesto ng sasakyan kung san sya at
ang kanyang ina ay nakita.
Biglang bumaba ‘yung bata ng sasakyan. Tapos tumakbo sya ng mabilis papunta sa tinurong tulay ng
madre.. Umiiyak sya habang tumatakbo..
Sabi nya...
Kaya mga graduates, gusto ko kayong bigyan ng pagkakataon ngayon na mapasalamatan ang inyong mga
magulang. Pwede bang palakpakan natin sila bilang tanda ng ating pasasalamat? Palapakan po natin ang ating
mga magulang.
Uulitin ko, ang pangarap dapat specific, may target, inaaksyunan, hindi shino-shortcut, at hindi pansarili lang!
Mali po na ipadala sa napakamahal na private school ang inyong mga anak para sa High School, lalo na kung
ang dahilan nyo lang ay para isipin ng tao na sosyal ang anak ninyo. Tandaan po natin na ang college school
po ang tinatanong sa trabaho, hindi kung saan ka gumraduate noong high school. Ang masakit kasi, ang ganda
ng school nung highschool, tapos titigil sa pag-aaral ng college, 'eh un ang mas importante. Kasi naubos na
‘yung pera sa high school pa lang.
Maraming tao ang hindi masaya kasi mas iniisip pa nila ‘yung sasabihin ng iba.
I remember nung 1st year high school ako, after the first grading, ako ‘yung naging first honor. Tapos tinanong
ako ng isa sa mga teacher ko, sabi niya, “Ang galing mo naman, ikaw ung nag-first, siguro sa Central ka
gumraduate noh?”
Siguro, kung uso na si Vice Ganda noon, malamang ganto naging sagot ko kay Teacher:
“Pag po ba matalino sa Central agad galing? Di ba pwedeng sa Old san Jose Elementary School?”
Tandaan po ninyo, wala sa eskwelahan yan, nasa kagustuhan na matuto at magsikap yan! “Dahil ang ating
mga desisyon, at hindi ang ating kondisyon, ang magpapasya ng ating kapalaran.”
Graduates, huwag ninyong alisan ng karapatan ang sarili ninyong mangarap! You become what you think.
Ngayon, kung ikaw mismo hindi mo kayang paniwalaan ang pangarap mo, wala talagang mangyayari, dahil
ikaw na mismo ang nag-alis ng pag-asa sa sarili mo. Kung ikaw mismo hindi naniniwala sa sarili mo, bakit
naman maniniwala sayo ang ibang tao?”
Wag nyong susukuan ang pangarap ninyo, Tandaan nyo na ang “pagsuko ay ang permanenteng solusyon
sa pansamantalang problema. Kaya tuparin nyo ang inyong mga pangarap. obligasyon nyo yan sa
sarili nyo!”*
At dahil sa nasimulan ko na rin lang sa pick-up line ang message ko sa inyo, hayaan nyong tapusin ko ito sa isa
pang pick-up line.
Biogesic ka ba?
(Baket?)
To the teacher in charge and members of the faculty, proud parents, and most
of all, the graduates. My congratulations.
Kumusta mga parents? I’m sure you are likewise happy on your children’s
10 milyong piso
10 hektaryang lupain
o ang mapangasawa ang nag iisa nyang anak.
But there’s a catch. Ang swimming pool ay puno ng mga buwaya, piranha at
ahas.
Isa isa, biglang nag atrasan ang mga kalalakihan. Ok sana ang premyo pero
mamamatay ka naman.
Sa gitna ng kaguluhan, biglang may isang tumalon. Dali daling naglapitan ang
buwaya at piranha kaya’t mabilis na naglangoy ang lalaki.
To make the story short, nakatawid ang lalaki. Tuwang tuwa ang matanda at
mabilis na nilapitan ang lalaki.
“Pambihirang galing ang iyong ipinamalas. At dahil dyan, maaari kang mamili
kung ano ang gusto mong premyo? ” Halos di makasagot ang lalaki dahil sa
hingal.
“Gusto mo ba ng 10 milyon?”
“Hindi po”.
Nakakatuwa but then again, there’s a lesson in that story and it’s related why
you’re here right now? Balikan natin mamya kung bakit.
Ang alam ko, ang mga naiimbita lang na guest speaker sa mga graduation
are those who are already successful in life.
Naisip ko, siguro naisip nila successful na ako. But then again, what’s the
definition of being successful?
Maybe in a way, I am. Not in being wealthy or having high position, but
because I have found my passion, my mission, my calling – and that is to help
other people in managing their finances.
But before I start with the details, maaari nyo bang itaas ang inyong kanang
kamay? Pagkatapos ay tapikin ang katabi nyo sa kanan at sabihing –
“makinig ka, para maging successful ka din”.
Itaas ang kaliwang kamay, tap the person beside you and say – “oo nga, at
ng maging speaker ka din balang araw”.
Around 22 years ago, kagaya nyo din ako na excited gumising, naligo, nagpa
pogi, pumunta dito kasama ng aking mga magulang dahil sa wakas ay
gagraduate na ako.
Kagaya nyo, anim na taon din akong naglalakad papasok sa school, umulan
man o umaraw. Minsan pa nga, kahit baha.
And in the same survey, it says that only 1% or 1 out of 100 will be wealthy
when they reach the age of 60. Nakakalungkot isipin di po ba?
But here’s the good news, you don’t have to be a college graduate to be
successful. But don’t get me wrong, being educated is very important. It’s just
that, education doesn’t always have to come in school.
The founder of Mang Inasal didn’t even finish college, but he’s a billionaire.
Raise your right hand and tap the person next to you. “May pag asa ka”.
Raise your left hand and tap the person on your left. “Tama kaya dapat
tayong magsumikap”.
Let me share you 5 simple tips – 5 secrets on how you can be successful.
How do you start? For example, you like writing. Try to write a diary. Write
everything that happens to you daily. Write a blog. If you’re good in singing,
join a choir. Sing in the church.
5. And lastly, look for a good pusher. Remember our story in the beginning?
Why do you think that man wants to know who pushed him in the swimming
pool? Kasi kung hindi dahil sa kanya, di nya malalaman na kaya nya
palang lumangoy ng sobrang bilis. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siya
magtatagumpay.
You’re here right now, about to graduate, dahil may tumulak sa inyo?
In life, you will encounter a lot of these pushers. Some will push you to do
good. Others will push you to do bad. So you have to be careful. Look for
pushers who will lead you to the right path.
So let me end my long speech with my wish for all of you. May you have
people who will listen and spend time with you, encourage you, believe in you
and Push You in greatness. May you embrace learning, always taking
action, develop your strengths and may God watch over you.
I remember the saying “We cannot direct the winds but we can adjust the sails”. I experienced this last year
when Nathan Alarcon and I participated in the JAPI FedEx competition. We had 15 days till the dead line. We
had a load of work to do in school and we had the option to just give up. We did not as we were taught not to
easily give up. We collaborated and in exactly 15 days, we were able to create a business plan that was able
to make it to the finals. My fellow graduates, this proves that what we will be in the future will depend on
what we do with our lives today. We may depend on many other people like our parents and teachers but
at the end of the day, the one who would “adjust the sails” would be us. Doing bad things may hurt your
loved ones but they would haunt you even more. Likewise, doing great things and knowing that you worked
very hard for them makes an achievement even sweeter because you know those are the fruits of your labor.
I feel very fulfilled because I know I worked hard for this and I always aimed for excellence. Getting here was
a bumpy ride but thanks to all the lessons, the guidance, the knowledge and the joy that everyone shared
with me combined with the values I have learned to develop, I was able to reach where I am now.
To my mentors, my sincerest gratitude for helping me become the person I never thought I could be. We just
don’t become competent individuals without a lot of different investments from a lot of people in the school
community. The great teachers of this school have taught us how to be self-motivated active learners and
productive analytical thinkers. I would like to mention all my past teachers but I know everyone wants me to
finish my speech as quickly as possible. Nevertheless, indulge me as I mention a few: Ms. Rea, Coach Jeff,
Coach Dino, Coach Jenkins, and Coach Jerome, thank you for believing in my skills and talent and for giving
me that little push everytime I seemed to give up; Sir AC, for those times he went with us on our out of town
tournaments and for washing our jerseys at the end of the day so we could wear it the next day; Ms. Avic
and Ms. Palo, thank you for the encouragement and the support (seeing Ms. Avic cheering for us wildly
during one of our games was simply surreal); Sir Mar, Sir Humps, Sir Tapuro, Sir Mel, Ms. Aumentado, Ms.
Alducente, thank you for all those training sessions for our Math and Science competitions; Ms. Ababa, thank
you for your patience in helping me finish my PASS (it was a challenge for both of us to finish my paper on
time as I would always be away from school); Ms. Dawn and Sir Jeje, for making me realize that I am one
special person. Forgive me if I fail to mention some of you, but rest assured that each and everyone of you
occupy a special place in my heart.
To my tormentors, thank you for inspiring me to work harder. Let me share a secret with you… competition
is such a great motivator. Kidding aside, I salute you all for your achievements. It was a pleasure to be in the
company of the creme de la creme. If I could only call up onstage Claire, Scarlett, Abbey, Red, Armina to
share this moment with me, I would gladly do so. I feel that I have no greater knowledge than what you
have, but what I may have over you today perhaps is bragging rights which may last one or two hours, a little
longer for my Tita, Grandparents and other relatives, and a lifetime for my dad and mom. All awardees
deserved to be here with me, and yes, like me, you deserve an increase in your allowance, too. To my closest
friends who have regarded me as a mild case of autism and a serious case of ADHD, Danica, Denise, Jia,
Coleen, Leane, Claire, Scarlett, thank you for the memories. You made high school life a lot more bearable.
For those who will graduate without the benefit of one of the many awards given out today, be assured that
the absence of these graduation ornaments will not disqualify you from the real race of life. Success is not
measured in awards… it is in knowing that you have gone out of your comfort zone, took the risks, and
conquered and opened new paths. Everytime you know you have defied the odds, you know you have been
immensely rewarded. And for this, you all deserve an increase in allowance, too. I hope our parents have not
fallen asleep and heard me. To my varsity teammates, thank you for the times you endured my bossiness and
my futile attempts at leadership. I hope you enjoyed our trainings and games as much as I did.
Lastly, I would like to give glory to my Almighty Creator for without His blessings and guidance, everything
would not be possible. I will not miss the opportunities He has presented me. I pray that He would allow me
to continue my journey and let me see the purpose of all these accolades and be able to magnify Him.
May I leave you all with a quote:
Carry yourself in such a way that when people are sitting, you would be standing.
And when they are standing, you will stand out.
And when they stand out, you will be outstanding,
And when they dare to be outstanding, you will be their standard.