You are on page 1of 6

Pagdadalumat sa kantang Pitong Gatang ni Fred Panopio

Fred Panopio

Si Alfredo Panopio o mas kilala bilang Fred Panopio ay isang Pilipinong

mang-aawit at aktor na sumikat noong 1960s at 1970s. Kilala siya sa

pagpapasikat ng yodeling style ng musika sa Pilipinas. Ang partikular na uri ng

musikang ito ay makikita sa marami sa kanyang mga sumikat na kanta, tulad ng

"Pitong Gatang," "Markado," at "Tatlong Baraha". Siya rin ay isang artista, at

lumabas sa ilang mga pelikula kasama sina Jess Lapid at Fernando Poe, Jr.

Kilala rin siya na kumanta ng mga theme song ng pelikula ni Fernando Poe Jr.

Noong 1999, si Fred Panopio at Victor Wood ay nag labas ng album at naging

bahigi ng mga OPM legends na kilala sa bansa.

Ang awiting Pitong Gatang ni Fred Panopio ay sumasalamin sa praktikal

na buhay ng isang simple Pilipino, gaya ng maraming mga lumang tugtugin na

sumikat at inilabas noon. Ang kantang ito ay naglalarawan sa mga taong

nakatira o madalas tumambay sa kalye ng Pitong Gatang. Ito rin ang kantang

siyang naging theme song sa isa sa pinagbidahang pelikula ni FPJ na may

pamagat ring Pitong Gatang.

Ang mensahe ng kantang Pitong Gatang ay pinapakita ang simpleng

pamumuhay ng isang mamamayan na Pilipino. Na sa araw araw ay hindi

mauubos ang kwentuhan ng bawat isa at hindi mauubos ang kuro-kuro at sabi-

sabi sa kapaligiran. Huwag siraan ang isa't isa. Ito rin ay nakapaloob sa isang
lugar kung saan hindi tahimik at maraming nangyayaring hindi maganda. Ang

lugar kung saan walang katahimikan at puro istambay na nag-uumpukan. Ang

lahat ng ito ay nakikita natin sa ating lugar sa kasalukuyan. Mga istambay, nag

kwentuhan o tsismisan, at kaguluhan ay mga halimbawa ng mga pangyayari

sa kanta na nasa kasalukuyang panahon. Ngunit, hindi naman hadlang ang

mga ito para ang lahat ay magkakaintindihan. May mga magandang bagay

na pwedeng mangyari sa ating mga buhay sa pamamagitan ng

pagtutulungan sa isa't isa.

Si Pitongatang ay isang dugong bughaw na Maharlika, mayaman at

mandirigma. Pinamunuan ni Pitongatang ang pag aaklas laban sa Kastila

noong 1587 sa Tondo.

Naitaboy ni Pitongatang ang mga Kastila palabas ng Tondo papuntang

Intramuros. Ngunit noong 1588 ay nadakip ng mga Kastila si Pitongatang, hindi

siya pinatay ng mga

Kastila ngunit dinala siya sa Mexico, at doon na siya namatay.

Paglipas ng panahon ay ipinangalan kay Pitongatang ang Calle Pitong

Gatang. Ang pangalan ni Pitongatang ay pinaghiwalay at ginawang Pitong

Gatang. Noong 1958 ay sumulat si Levi Celerio ng awit na Pitong Gatang

kinanta ni Fred Panopio na sa awit ay sinasabing ang Pitong Gatang ay

makasaysayan.
Ang Kalye Pitong Gatang ay tunay na makasaysayan dahil kay Pitongatan na

alamat ng Tondo.

Ano ang Pitong Gatang?

Ang awit na Pitong Gatang ay nagpapakita ng ugali ng mga tao sa

kilalang kalsada na ang pangalan ay Pitong Gatang. Halina at ating himayin

ang mga liriko ng kanta.

Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng ungguyan

May mga kasaysayan akong nalalaman

Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang

Yodolehiyo, walang labis, walang kulang

May isang munting tindahan sa bukana ng ungguyan

At sa kanto ng kalye Pitong Gatang

Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay

Na walang hanapbuhay kundi ganyan

Isinasalaysay ng mang-aawit ang Pitong Gatang at sino-sino ang mga

naroroon. Ayon sa kanyang awit madalas ang tao sa kalsadang ito.

Ngunit bakit mayroong tao na katulad kong usyoso

At sa buhay ng kapwa'y usisero

Kung pikon ang iyong ugali at hindi ka pasensiyoso

Malamang oras-oras basag-ulo


Itinatanong naman nya dito ang ugali ng mga taong mahilig halungkatin ang

buhay ng may buhay. Ipinakita nya sa kanta ang natural na ugali ng mga tao

na nakatambay sa kalsadang iyon. Ayon sa kanya, kapag pinatulan mo pa

yung mga nakikiusyoso ay maaari mo pa itong ikapahamak.

Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret

Sa Pitong Gatang lahat naririnig

Kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik

Mag-patay-patayan ka bawat saglit

Ayon sa kanta, walang lihim na hindi nabubunyag sa kalsada ng Pitong

Gatang. Kung gusto mo naman ng buhay tahimik ay naisin mo na lang na wag

makialam.

Itong aking inaawit, ang tamaa'y huwag magalit

Yan nama'y bunga ng yaring isip

Ang Pitong Gatang kailanmay gunitang di mawawaglit

Tagarito ang aking iniibig

Sa talatang ito ng kanta ipinapakita ang pagmamahal ng isang Pilipino sa

kinamulatan nyang lugar kahit pa napakaraming negatibo sa paligid nito. Pero

meron syang abiso na sadyang hindi nya makontrol ang ugali ng iba kaya

idinaan na lang nya ang kanyang hinaing sa kanyang kanta.


Kung kukunin natin ang mensahe ng pitong gatang, ang nasabing kanta ay

para sa mga tsismoso at usisero sa isang lugar at bilang parte ng pamayanan

dapat silang iwasan.

Mga Salita sa Liriko

● Tsimis – batay sa awitin ni Fred Panopio may nalaman siyang kasaysayan

na napag-usapan lang at ang tsismis ay isang gawing

pangkomunikasyon na kadalasang ginagawa ng mga Pilipino upang

makalap ng mga bali- balita o pag-usapan ang buhay ng may iba.

● Umpukan –ay gawing pangkumunikasyon ng mga Pilipino ito ay ang

pagtitipon ng mga tao sa isang lugar kapag ito ay may okasyon o

pangyayari sa ano mang kadahilanan.

● Basag-ulo – Ang salitang “basag-ulo” ay isa sa pinaka popular na

talinhaga sa bansa. Ito ay tumutukoy sa taong mahilig makipag-away o

laging nasasangkot sa gulo. Pwede rin itong gamitin na pantukoy sa

problema o kaguluhan. Literal kasing maaring mapinsala o mabasag ang

ulo kapag nakikipag away. Ang salitang ito ay naging kataga dahil

madali na itong maunawaan ng mga makababasa o makaririnig. Ito ay

termino ng mga matatanda sa mga kaguluhan.

● Pilyo – Ang pilyo ay mula sa Spanish word na pillo. Sa Ingles ito ay

naughty. Ang salitang pilyo ay tumutukoy_sa hindi mabuting ugali ng


isang bata. Ang kahulugan nito ay: suwail, matigas ang ulo, makulit,

pasaway at hindi sumusunod. Ang salitang pilyo ay hindi mabuting ugali

ng isang bata. Ang bata ay masasabing pilyo kung hindi ito sumusunod

sa mga utos ng_magulang at mahirap pagsabihan. Matigas ang ulo kung

saan ginagawa nila ang gusto nila kahit hindi naman payag ang mga

magulang o nakakatanda sa kanila.

● Usyoso – ay mula sa Spanish na salita na ocioso na ang kahulugan ay

mahilig manood at mag-usisa sa anumang nagaganap.

● Gunita – ay ang pag-alala, pagbabalik tanaw, pagbabalik isip ng mga

bagay, pangyayari na nangyari na sa nakaraan.

You might also like