You are on page 1of 1

Marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang grammar mo sa

paghahayag ng iyong gustong sabihin, basta raw ba naiintindihan ang gustong


mong sabihin. Ang problema na nga lang, kung mali-mali ang gamit mo ng wika
ay hindi mo maihahayag nang maayos at nang eksakto ang gusto mong
sabihin. At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag.

Karamihan nang hindi pagkakaintindihan ng mga tao ay bunga lang ng hindi


maayos na paggamit ng salita. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging
gamit ay pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang umaasa ang
mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil dito, mapagtatanto
talaga kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng mga salita lalong-lalo
na sa wikang Filipino.

Lahat ng mga salita na ating ginagamit sa pang araw-araw ay may tiyak na ibig
sabihin o kahulugan. Madalas na nagbabago ang nais ipahiwatig ng isang
pahayag kapag hindi wasto ang mga salitang ginamit. Karamihan sa ating mga
salita ay nagkakapalit-palit ng gamit sa isang pangungusap. Bunga ito ng
pagkukulang ng mga tao sa pag-intindi sa kahulugan ng mga salita at gamit
nito sa pangungusap. Hindi maitatangging nagdudulot ito ng pagkakamali sa
pagbibigay ng tunay na ibig-sabihin ng isang tao sa kaniyang nais
ipahiwatig. Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito ay
ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita at kataga. Sa pakikipag-talastasan,
hindi maitatanggi na madalas magkamali ang mga tao sa paggamit ng mga salita.

Sa panahong ito kung saan laganap na ang paggamit ng social media, sino pa kaya
bukod sa mga nag-aaral ng lingguwistika ang may oras upang alamin at
aralin nang matiwasay ang wikang Filipino?

You might also like