You are on page 1of 2

1. Develop your own list of historical figures that you consider to be national heroes.

Justify
your chosen list and recommend which historical figures may or may not fall within the criteria
set by the National Heroes Commission.
Pagmamahal sa bayan ang isa sa pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang
indibidwal upang maituring na bayani, ang pagbubuwis ng buhay para sa bayan at ang mga
natatanging kontribusyon nito sa kaunlaran ng bansa. Ang pagiging mabuti, matalino,
mapagmahal, matapang at magiting ay kung paano natin binibigyang kahulugan ang isang tunay
na bayani. Kagaya na lamang ng ipinakita nila Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini
at marami pang iba. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga matutunog na pangalang ating
naiisip kapag nabigkas ang salitang "bayani". Wala namang naipatupad na batas na
nagpoproklamang maging bayani ang isang tao kung ito man ay may mahalagang naiambag sa
ating kasaysayan kung kaya't mayroon namang ilang mga kwalipikasyon pa rin na tinitignan
upang maturing na isa sa kanila. Ang ilan nga rito, ayon sa National Heroes Commision, na dapat
ang ang isa ay nakatulong sa pagkamit ng kalayaan ng bansa, nagpakita ng katapangan para sa
ikauunlad ng bansa at nagsisimbolo ng pagmamahal at kabutihan sa bayan.

Kung ako nga ay papipiliin kung sino sa aking palagay ay karapat dapat na mabilang sa
hanay ng mga bayani ay unang-una sa listahan ang yumaong si Dr. Miriam Defensor Santiago.
Ang nagiisang "Iron Lady of Asia", hindi na bago sa atin ang bansag na ito sa kanya sapagkat
alam nating matapang at puno ng prinsipyo siyang klase ng tao na tunay na nakakahanga. Sa
kaniyang taglay na katalinuhan, katapatan at kabutihan sa kanyang larangan bilang taga
pagpatupad ng batas ay akma sa mga kwalipikasyon ng isang magiting na bayani. Dagdag pa ang
hindi mabilang na kontribusyon niya sa pagpapalakad ng malinis na sistema ng batas sa bansang
Pilipinas, bagaman siya'y babae ay walang takot niyang pinatunayan ang kaniyang sarili sa
pagsugpo sa korupsyong nangyayari sa loob ng gobyerno. Bukod sa kaniya, ay dapat ding
maging bayani ang dating DILG Secretary na si Jesse Robredo na sa mahabang panahong
pagsisilbi niya sa kaniyang sariling bayan bilang Mayor at makalaon ay sa pagiging parte ng
gabinete ng Pangulong Aquino III. Kadikit na ng kaniyang pangalan ang "tsinelas leadership"
dahil sa pamumuno niya ng may buong pagpapakumbaba at pagtulong sa tao ng kusa at bukal
sa kaniyang loob gayundin ang pagiging simple nito na nagpapakitang pantay ang lahat ng tao
maski ano pa man ang estado nito sa lipunan. Tunay nga siyang inspirasyon kagaya rin ni
Ms.Gina Lopez na marahil kilala natin bilang tagapamuno sa pagpapaganda ng ating kalikasan at
siya rin ang unang tutol sa pagmimina sa ating bansa ngunit bukod rito ay higit pa siya doon.
Bilang isang babaeng puno rin ng prinsipyo at mabuting puso, bumuo siya ng programang
naghahayag ng karapatan ng bawat batang nakakaranas ng pang-aabuso. Hindi lamang buhay
ng ating kapaligiran ang kaniyang naisalba ganon din naman ang buhay ng mga batang iyon at sa
ganitong paraan masasabi kong karapat dapat siya sa hanay ng mga bayani.

This study source was downloaded by 100000822095003 from CourseHero.com on 11-26-2022 04:25:26 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/153475393/UNIT-2docx-1pdf/
Ang mga personalidad na katulad nila Dr. Miriam Defensor, Jesse Robredo at Ms. Gina
Lopez ay ilan lamang sa mga halimbawa ng dapat na mga maturing na bayani ng ating bansa. Sa
mga proyektong kanilang sinimulan noong sila ay mga nabubuhay pa ay nagpapatuloy magpasa
hanggang ngayon at magsisilbi bilang kanilang legasiya sa kasaysayan at pagkaunlad ng Pilipinas.
Ang mga aral na kanilang iniwan ay malaking tulong sa nakakarami lalong lalo sa mga taong
nagnanais na mga maging lider sa hinaharap, nanatili silang nagbigay inspirasyon hanggang sa
pumantay ang kanilang mga paa. Hindi man nga kagaya ng tipikal na mga bayani na ating
nakamulatan kagaya nina Dr. Jose Rizal, Apolinario Mabini, at marami pang iba na namatay o
nasakdal dahil sa pagtatanggol sa bansang Pilipinas ay hindi rin naman nalalayo na ang mga
taong kagaya naman nila ay yumaong nanatiling naglingkod sa bayan na may buong katapatan,
katapangan at pagmamahal sa kanilang mga puso na siyang tunay na simbolo ng kabayanihan.

This study source was downloaded by 100000822095003 from CourseHero.com on 11-26-2022 04:25:26 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/153475393/UNIT-2docx-1pdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like