You are on page 1of 2

1.

Explain the relationship between Rizal’s writings, Noli me Tangere, El Filibusterismo,


annotation of Sucesos delas Islas Filipinas and Filipinas Dentro de Cinaños.
Sa mga gawa niyang ito gaya ng Noli me tangere, El Filibusterismo, Sucesos de
las Islas Filipinas at Filipinas Dentro de Cinaños ay pare parehong nagpapakita ng
kaniyang mga opinyon, pananaw, at oposisyon sa mga kaganapan sa panahon ng
mananakop. Ito ay nagpapatunay na kung gaano niyang tinutulan ang pananakop ng
mga Espanyol. Ipinaglaban sa pamamagitan ng kanyang kakayahan at talento. Sa
pagsulat ng mga obrang nabanggit dito niya ipinakita na siya man ay di lumalaban ng
pisikal may malaki pa ding epekto ang kanyang mga likha para ipakita ang kanyang
pagmamahal sa bayan.
Pinakita niya na kung paanong tutol siya sa masamang pamamahala ng
gobyerno noon sa ilalim ng Espanyol na pananakop. Inisinalaysay niya sa kanyang mga
akdang ito ang hirap na dinanas ng bansang Pilipinas gayundin ang mga Pilipino. Muli,
sa mga sulat niyang ito naipahayag ang walang pantay niyang pagmamahal sa bansa.
Ang pag-aalay nya ng kanyang buhay para sa bayan ay sumasalamin lamang sa
kanyang pagiging Makabayan at tunay na modelo ng bawat mamamayang Pilipino.
Ang mga akdang ito ay ang paraan niya upang maipahiwatig sa mundo ang
abusong naranasan ng bansa sa kamay ng pamumuno ng espansya. Ang Noli Me
tangere at El Fili ay halimbawa ng mensahe ng pag-asa at pagmamahal sa bayan. Sa
kabilang banda, ang Sucesos de las Islas Filipinas at ang Filipinas Dentro de Cinaños
ay upang maipakita sa mga Pilipino ang ganda ng ating tunay at sariling kultura at
pagkakakilanlan. Ang lahat ng kanyang mga isinulat ay para sa mga kapwa nya Pilipino
na may mensaheng mahalin, pagyabungin at alagaan ang sariling atin.

2.What are the major differences between Noli Me Tangere as compared to El


Filibusterismo? Elaborate your answer. How did the two novels affect the Filipino quests
for freedom?
Ang Noli Me tangere at El Filibusterismo ay dalawang nobela na isinulat ni Rizal.
Bukod sa mababaw at karaniwang na pagkakaiba nila, gaya ng kung saan inilimbag o
kailan niya ito isinulat, mayroon pang ibang mahalagang pinagkaiba ang dalawang
akda. Noon pa man, ang dalawang nobelang nabanggit ay pamilyar na sa mga
mag-aaral sa hayskul sapagkat ito ay sadyang parte na ng asignaturang Pilipino. Ang
mga nobelang ito ay may malalim na mensahe sa mga mag-aaral na maging mulat at
bukas ang kaisipan sa mga nangyayari sa paligid sa lahat ng aspeto.
Likas na ang parehong nobela ay naglalayong iparating sa bawat lipunan ang
katayuan nito sa kamay ng mga mananakop. Gayunpaman, mas nakakaangat ang Noli

This study source was downloaded by 100000822095003 from CourseHero.com on 11-26-2022 04:25:04 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/153475392/FINAL-ASSESSMENTdocxpdf/
Me Tangere dahil mas naipakita dito ang damdamin ni Rizal, ang kagandahan, ang awa
at pagmamahal. Hindi lamang ito tumutok o nagpokus sa labanan ng mga Pilipino at
Espanyol kundi ipinakita din nito na si Dr. Jose Rizal noon ay normal na tao din.
Nagdesisyon, nagkamali, umibig at higit sa lahat ang ilan sa mga karakter ay patunay
na ang mga pangyayari sa nobela ay totoong nangyayare noon at hanggang ngayon.
Sa kabilang banda naman, ang El Filibusterismo ay nagpapahiwatig ng paghihimagsik
laban sa mananakop. Ang layunin ng nobelang ito ay mamulat ang mga Pilipino sa
kanilang kalagayan at tunay na nangyayari sa kapaligiran. Gayunpaman, ang dalawang
nobelang nabanggit ay nagkaroon ng malaking parte sa ating Kalayaan mula sa
pananakop ng mga Espanyol. Isa ito sa naging daan upang ang mga Espanyol ay
magising sa kanilang mga gawain at manaig sa puso ng bawat Pilipino ang pagiging
Makabayan.

This study source was downloaded by 100000822095003 from CourseHero.com on 11-26-2022 04:25:04 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/153475392/FINAL-ASSESSMENTdocxpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like