You are on page 1of 35

i

KULTURANG PILIPINO: NOON AT NGAYON

Isang papel ng Pananaliksik na Iniharap sa

Mataas na Paaralan ng Liangan

Bilang bahaging kailangan sa pagtupad ng mga

Pangagailangan sa Pagtatapos sa unang semestre

Ng Asignaturang Filipino 1 Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino

Princess Grace M. Mangao


Kristine J. Gere
Shazzny Yvonne Y. Ozaraga
Amelyn H. Taray
Daisy Mae A. Meniao
Ma. Myka Aila C. Cabatingan
Mara Antoniya M. Danghil
Princess M. Navarro
December 2021

ii
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa nais ng mga mananaliksik na malaman ang

kaibahan ng kulturang pilipino noon at sa kasalukuyan. Nakasaad din sa pananaliksik na ito

ang ilan sa mga kadahilanan ng malaking pagbabago ng ating kultura. Habang natalakay din

sa pananaliksik na ito ang mga epekto ng mga suliranin sa pag-aaral na ito.

Ang pananliksik na ito ay ginawa sa loob ng lungsod ng Bacolod, Lanao del Norte.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng survey na may respondenteng (20) dalawampung

kabataan habang (10) sampung mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay pinatunayan sa

pagsagawa ng survey gamit ang mga survey form na ginawa ng mga mananaliksik at

pinasagutan sa mga piling mga respondente.

iii
DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay inihandog ng mga mananaliksik sa mga butihing magulang,

kapatid, guro, kaibigan at kakalase. Na naging hugotan ng lakas ng loob at inspirasyon ng

mga mananaliksik sa paggawa sa pananaliksik na ito.

Dagdag pang pasasalamat sa malaking tulong na kanilang naibigay, sa kanilang mga

suporta na ibinigay mapa pinansyal o emosyonal at sa patuloy na pag gabay sa mga

mananaliksik upang itong pag-aaral na ito ay matapos ng maayos at mabigyang solusyon

ang mga suliranin sa pananaliksik na ito.

At malaking pasasalamat din lalong-lalo na sa ating Panginoong Dios na nagbigay

buhay, gabay, kaalaman at pagpapanatili sa mga mananaliksik na ligtas lalo na sa ating

sitwasyon ngayon.

iv
PAGKILALA at PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na tumalakay sa Kulturang Pilipino: Noon at

Ngayon ay kumikilala ng mga tulong natanggap at lubos na nag pasasalamat sa mga

sumusunod:

Sa aming butihing guro sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino. Malaki ang aming pasasalamat bilang mga mananaliksik saaming guro

dahil sa malaking naitulong nito upang maisagawa ng matiwasay ang pananaliksik na ito. Sa

patuloy na paggabay at pagsagot sa aming mga katanungan hinggil sa paraan ng paggawa

ng pananaliksik.

Sa kay Rosalie A. Padron na naging isa sa aming takbohan kapag kami ay may

problema sa aming pananaliksik dahil siya din ay isang graduate sa kursong edukasyon at sa

kusa niyang pagtulong sa amin ay malaki ang aming pasasalamat.

Sa kay Miritoni Feb M. Danghil na siyang nagpahiram ng kaniyang sariling laptop upang

aming magamit sa paggawa ng aming pananaliksik at sa pamilya Ozaraga sa libreng

pagpapagamit nila sa kanilang internet upang mapadali ang aming paggawa sa aming

pananaliksik. Sa kanila kami ay taos-pusong nagpapasalamat dahil malaki ang kanilang

naitulong upang mapadali ang aming paggawa sa aming pananaliksik.

Kami ay nagpapasalamat din sa mga respondenteng naging bahagi ng aming

pananaliksik, dahil sa kanila ay mas naging makatotohanan ang aming pananaliksik at

nabigyan ng sagot ang mga suliranin na naging dahilan sa paggawa namin ng pananaliksik

na ito.

Sa mga magulang din namin mananaliksik na nagbigay ng malaking tulong at pag

unawa sa aming ginagawa kami ay taos pusong nagpapasalamat. Lalo na sa tulong na


V
pinansiyal na kanilang ibinigay gayundin sa pagmamahal at suporta na kanilang ibinigay sa

aming lahat at pagpapadama na kaya naming matapos ang pananaliksik na maayos.

At ang nagbigay ng buhay at kaalman sa ating lahat, sa ating Panginoong Dios kami

ay nagpapasalamat sa walang sawa na pag gabay sa amin lalo na sa mga araw na kami ay

nagsama-sama. Sa kaniyang kaalaman na ibinigay na naging dahilan upang maging posible

ang paggwa nitong pananaliksik.

VI
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

 FLY LEAF………………………………………………………………………… i

 PAMAGAT………………………………………………………………………… ii

 ABSTRAK………………………………………………………………………… iii

 DEDIKASYON……………………………………………………………………… iv

 PAGKILALA AT PASASALAM....…………………………………………...…….. v

 TALAAN NG NILALAMAN……………………………………………………… ..vii

KABANATA 1:

 INTODUKSIYON ……………………………………………………………………1

 SULIRANIN NG PAG-AARAL…………………………………………………….. 3

 LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK…………………………… 4

 SAKOP AT LIMITASYON NG PANANALIKSIK…………………………………. 5

 TEORYA NG PANANALIKSIK……………………………………………………. 7

 KONSEPTUWAL NA BALANGAS…….………………………………….……… 8

 DEPINISYON NG MGA TERMINO…………..…………………….……………. 9

KABANATA 2…………………………………………………………………………… 10

VII
KABANATA 3:

 DISENYO NG PANANALIKSIK………………………………………………....15

 PAMAMARAAN NG PAGKUHA NG RESPONDENTE…………………........16

 INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK …………………………………………17

 PARAAN NG PAGSUSURI NG DATOS………………………………………..18

KABANATA 4:

 PAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATOS………………………..19

KABANATA 5:

 LAGOM……………………………………………………………………………. 22

 KONKLUSYON…………………………………………………………………….23

 REKOMENDASYON………………………………………………………………24

 SURVEY FORMS………………………………………………………………….25

VIII
IX
KABANATA 1

INTRODUKSIYON

Sa paglipas ng panahon mapapansin ang malaking pag babago ng ating mga

kultura bilang mga Pilipino, nag-iba na mula sa kasuotan, kaugalian, pagkain,

pananalita, laro, at marami pa. Kaya aming ginawa ang pananaliksik na ito upang

malaman ang kadahilanan ng malakihang pagbabago na ito gayundin upang malaman

kung ano nga ba ang ang mga kulturang nakagawian noon na nabago ng ating

panahon upang makita ang kaibahan.

Ang salitang kultura ay nagmula sa wikang Latin na “cultura” na ang ibig

sabihin ay “kultibasyon” o “paglilinang”. Ang salitang kultura o kalinangan ay ang

paraan kung paano mamuhay sa araw araw ang mga mamamayan sa isang lipunan.

Makikita ang kultura ng isang lipunan sa kanilang mga salita, aklat, relihiyon, musika,

pananamit, pagluluto, at iba pa. Ayon naman kay Panopio (2007) “ito ang kabuuang

konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang

kabuuang gawain ng tao”.1

Ayon kay Anderson at Taylor (2007), ang kultura ay isang komplikadong

sisteme ng ugnayan na nagbibigay - kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang

gropong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. 2

Ayon kay Tria Talosig, “Napaka importante na malaman at tumatak sa isang

tao ang sariling kultura upang kahit saan siya dalhin maipagmamalaki pa din niya ang

kinalakihan

1
Panopio (2007) - https://baik.tips/ano-ang-kultura-ayon-kay-andersen-at-taylor-panopio-at-
mooney0e18d1d206c39bc265d398bd9e537f07-18412.html?
fbclid=IwAR2NOn_h3I51lISf6awQcI_bDxR4VvhuPVw0piU7J7V9JiUHTQsc8emA55k
2
2
Anderson at Taylor (2007) - https://www.slide0share.net/jaredram55/kultura-77782879
1
niyang bansa. Ngunit ang mga Pilipino kasi ngayon ay kinakahiya nila ang kultura nila pag

sila ay wala sa bansa dahil sa tingin nila na mas maganda ang kultura ng ibang lahi. Ngunit

kahit gusto mo mang sukoan ang kultura mo, kultura mo parin ito ang nagpapakilala kung
3
sino kaman ngayon, ito ang nagbubuo mg kataohan mo.”

Tayo mga Pilipino ay nasa panahon ngayon kung saan at kailan mas maunlad

at laganap na ang teknolohiya ibang-iba sa nakaraan. Ito ay nagpapatunay na marami

na nga ang nagbago sa ating bansang Pilipinas sa mga nakalipas na panahon at

nagpapatunay din na wala ngang permanente sa mundo, kundi ang pagbabago. At sa

pa-aaral na isasagawa ng mga mananaliksik ay bibigyan ng liwanag ang mga

kabataan sa kaganadahang kultura na mayroon ang ating bansang sinilangan.

33
TriaTalosig(2017)https://www.facebook.com/permalink.php?

story_fbid=124442188319356&id=108955476534694

2
SULIRANIN NG PAG- AARAL

Sa aming ginawang pananaliksik na pinamagatang “Kulturang Pilipino noon at ngayon”

aming natalakay ang mga suliranin nito na naging basehan ng aming pangkat na ipagpatuloy

ang aming pananaliksik. Ang mga suliranin ng aming pananaliksik ay ang mga sumusunod:

Pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay - Mabigyang liwanag ang mga kabataan

Pilipino sa ating kultura at maipakita ang malaking pagbabago nito sa paglipas ng panahon at

pag - unlad ng lipunan.

Habang ang mga sumusunod naman ay ang mga Espesipikong suliranin:

1. Ano ang mga kulturang Pilipino noon at ngayon?

2. Ano-anu mangyayari kung tuluyan ng makakalimutan natin ang kulturang

Pilipino at ano nga ba ang maaaring maging epekto nito sa atin.

3. Ano ang dahilan kung bakit unti-unti ng nakalimutan ng ating henerasyon ang

kulturang nakasanayan ng ating mga nakakatanda?

4. Ano ang mangyayari kung tuluyan ng makalimutan natin ang kulturang pilipino

at ano nga ba ang maaaring maging epekto nito sa atin.

3
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na isinigawa naming mananaliksik ay may kahalagahan na kaakibat.

Mula sa pamagat palang na “Kulturang Pilipino: noon at ngayon” nakasaad na aming nais na

pag-aralan ang ating kultura at maipakita ang kaibahan nito sa noon at sa kasalukuyan. Ang

mga sumusunod ay ang ilan sa kahalagahan ng pananaliksik na aming isinagawa:

Sa mga mananaliksik upang magbigay ng kadadagang impormasyon at maipaliwanag

nang husto ang pagkakaiba ng ating kulturang mayroon noon at ngayon. Nagdudulot din ang

pananaliksik na ito ng realisasyon sa mga mananaliksik na ang kahalagahan ng ating mga

sinaunang kulturang nakasanayan ay nagbago dahil sa paglipas ng panahon at kabihasnan

na ating naranasan.

Sa mga kabataan o mga mag-aaral nakakatulong sa kanila ang pag-aaral na ito

upang maliwanagan sa kulturang Pilipino na mayroon tayo. Maipakita at maipaintindi ang

kahalagahan ng kulturang Pilipino para sa ating lahat lalo na sa mga kabataan. At malaman

ang naging epekto ng ating henerasyon sa ating kultura. At maipatindi din na dapat

pahalagahan at huwag limutin dahil sa sumisimbolo ito sa ating pagka Pilipino at lalo pang

palaganapin hanggang sa susunod na mga henerasyon.

Sa mga magulang o mga nakakatanda mahalagang mabigyang pansin nila ang

pananaliksik na ito upang magabayan nila ang kanilang mga anak o mga kabataan lalo na sa

pag papaalala ng pagmamahal ng ating sariling kultura at paggamit ng wasto ng ating

makabagong teknolohiya. At upang malaman nila ang mga naging epekto ng ating

makabagong teknolohiya sa kulturang tiyak na kanilang na kinagisnan.

4
SAKOP AT LIMITASYON NG PAGSASALIKSIK

Ang pananaliksik na ito na tungkol sa mga Kulturang Pilipino noon at sa kasalukuyan,

kung ano ang kaibahan ng ating mga kultura noon sa ngayon, ano ang naging epekto ng

kabihasnan sa ating kultura bilang mga pilipino .At ano ang mangyayari kung tuluyan ng

makalimutan natin ang kulturang pilipino at ano nga ba ang maaaring maging epekto nito sa

atin ay may mga sakop at limitasyon.

Sakop ng pananaliksik na ito ay ang mga kabataan o mag-aaral sapagkat sila ang

aming nais na unang makapansin ng aming pananaliksik na ito upang maliwanagan na tunay

ngang nag-bago ang ating kultura bilang mga Pilipino. Mga magulang dahil sa nais namin

mga mananaliksik na mabigyang pansin din ng mga magulang o mga nakakatanda ang

aming pananaliksik at makuhanan ng aral at magamit nila sa pagpapaalala sa kanilang mga

anak o sa mga kabataan na dapat ang mga kabataan ay hindi kinakalimutan ang kulturang

pinagmulan.

Limitado din ang pananaliksik na ito sa pagkakalap ng mga respondenteng naging

bahagi ng aming mga pananaliksik. Dahil sa aming ginawang pananaliksik ang mga kabataan

na aming pinasagot sa aming survey form ang may edad na hindi bababa labing-tatlong

taong gulang (13 taon gulang) at hindi lalagpas sa dalawampu’t - dalawang taong gulang (22

taon gulang). Habang sa mga magulang o mga nakakatanda naman limitado lamang ang

aming piniling mag sasagot ng aming survey form, nasa edad na hindi bababa sa apatnapu

at hindi lalagpas sa animnapu’t taong gulang. At may limitasyon lang din ang mga

mananaliksik sa pag-aaral na ito sa lugar na pwedeng mag gawa ng surve

5
Sa ginawa namin mga mananaliksik na pag limita sa mga respondente na magiging

bahagi ng aming pananaliksik ay mas napadali ang aming pagsasagawa ng aming survey. At

naging basehan ng aming paglilimita ay ang mas nakikita naming dapat makapansin ng

aming pananaliksik upang sila ay mas makaintindi sa kahalaghan ng ating kultura bilang mga

Pilipino.

6
TEORYA NG PANANALIKSIK

Sa bahaging ito ng aming pananaliksik aming na tungkol sa pagbabago na nangyayari

ng kultura sa paglipas ng panahon may mga teorya kami mga mananaliksik na nahagilap na

mauugnay sa aming pananaliksik.

INTERCULTURAL TRANSFORMATION. Ang isang dinamikong proseso ng stress-

adaptation-growth, na pinangalanang Intercultural Transformation Theory (ITT) (Kim at

Ruben, 1988), ay nagsasaad na ang mga estudyante ay lumalaki sa panahon ng intercultural

encounters. Ang proseso ng adaptasyon ay nagpapabuti ng mga kasanayan sa paglutas ng

problema, na humahantong sa paglago. Ang pagpapalitan ng akademiko sa ibang bansa ay

isang karanasan na naglalantad sa mga mag-aaral sa iba't ibang kultura upang maging

karampatang harapin ang globalisasyon. Ang mga pag-aaral tungkol sa pagpapalitan ng

akademiko sa ibang bansa (kilalang nagpapahusay sa intercultural na kakayahan) ay

karaniwan, ngunit walang pag-aaral na umiiral sa larangan ng pagkamalikhain tungkol sa

pagtulong sa mga mag-aaral na tumuklas at makabago sa panahon ng pagpapalitan ng

akademiko sa ibang bansa.(Kim at Ruben, 1988) 4

CULTURAL EVOULTION THEORY. Ang ebolusyong pangkultura” ay ang ideya

na ang pagbabago sa kultura ng tao––iyon ay, mga pagbabago sa mga paniniwala,

kaalaman, kaugalian, kasanayan, ugali, wika, at iba pa––ay maaaring ilarawan bilang isang

proseso ng ebolusyonaryong Darwinian na magkatulad sa mga pangunahing aspeto. (ngunit

hind

https://www.oxfordbibliographies.com/view/document/obo-9780199766567/obo-
44

9780199766567-0038.xml
https://www.google.com/search?
q=google+translate&oq=goog&aqs=chrome.0.69i59j69i57j35i39j46i67i131i199i433i465j0i131i
433i512j69i60l3.1336j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8
7
magkapareho) sa biological/genetic evolution.-(Charles Darwin, anthropologist, 19th century)
5

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

KULTURANG PILIPINO:

NOON AT NGAYON

CULTURAL EVOLUTION. INTERCULTURAL THEORY.

- Ito ay teoryang nagsasaad na ang - ito ay ang teoryang na nagsasabi ng

pag-babago ng kultura ng tao ito ay mga ang mga tao ay siyang nag-aadjust sa

pag-babago sa mga paniniwala, pagbabago ng lipunan kaya naapektuhan

kaalaman, kaugalian, kasanayan, ugali, din ang ang kultura na meron tayo.

wika, at iba pa

55
https://scholars.cityu.edu.hk/en/theses/theses(9bd620d6-eac9-4d5c-b47c-
1f722ecae1bb).html
8
DEPINISYON NG MGA TERMINO:

 Survey Form - Ang survey ay isang form na may mga tanong na partikular na

idinisenyo upang mangalap ng impormasyon tungkol sa mga karanasan, kagustuhan,

kagustuhan, at pangangailangan ng mga tao.

9
KABANATA 2

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa panitikan at mga pag -aaral na may kaugnayan

sa pananaliksik. Kinabibilangan ito ng isang malawak na listahan ng mga katuturang ideya sa

mga pag -aaral na konektado sa pananaliksik na ginawa upang tulungan ang mga

mananaliksik sa kanilang pag -aaral.

Ayon kay Shiela Mae Zonio ,mahalagang pag-aralan ang kulturang pilipino ay upang

malaman ang mga bagay na ginagawa noon ng mga ninuno at upang maunawaan ang mga

nangyari sa nakaraan .Pagpapahalaga sa kasaysayan nang sa gayon ay lumawak ang

kaalaman tungkol sa nakaraan .Lumawak din ang ang pang-unawa upang maliwanagan at

maharap ng mga pilipino ang hinaharap o ang kasalukuyan ng tama at walang pinag -

alinlangan .6

Dagdag pa ni Lawrence De Chavez (2019) ,ang kultura ay napakahalagang bahagi

ng bansang pilipinas .Ang kultura ang siyang nagbubuklod at gumagabay sa mga pilipino .Ito

ay nagpapakita na mayroong pinagmulan sa mga bagay at gawaing nakasanayan natin.. 7

Ang tanong batay kay Allyson Gale Francisco , binibigyang pansin pa ba ang ng mga

pilipino o mga pinoy ang kinagisnang tradisyon at kultura ? 8

Ani pa ni Adonis Bahia , nasaan na nga ang lumang kulturang pilipino ?.nasusunod

pa nga ba ng mga pilipino ang kinagisnang kultura at tradisyon ? 9

66
https://tl.answers.com/Q/Bakit_mahalagang_pag_aralan_ang_kultura?fbclid=IwAR2IPjI_9Jl_qL-
ukih4s9_NwU-c5Z2NlTOm5mz4_qk1-BcKxSJIADduivQ
77
https://www.scribd.com/document/427378372/Kahalagahan-ng-Kultura
88
https://bloggyblogbloggers.wordpress.com/2014/07/17/kultura-binibigyang-pansin-pa-nga-ba/amp/
99
https://bloggyblogbloggers.wordpress.com/2014/07/16/kultura-nasaan-ka-na/amp/
10
Ika nga ni Jose Rizal ,’’Ang kabataan ang pag -asa ng bayan’’.Ayon kay Jan Faustine

L . Soriano “Oo ,ang kabataan nga pag-asa ng bayan ,totoo ito dahil sila ang tutulong sa pag-

angat sa mga suliranin ng bayan at haharap sa panibagong bukas ng masagana dahil

matalas ang mga pag-iisip nila at nakikita na nila ang mga mali at pagkukulang ng mas

matatanda na kanilang itatama sa takdang panahon ,ngunit ganyan parin ba sa ngayong

henerasyon ? Ganyan parin ba ang pag-iisip ng mga kabataan para sa kanilang sarili at sa

kanilang bayan ?Ngunit ano na nga ba talaga ang nangyayari sa mga kabataan ngayon ?Sila

pa nga ba ang pag-asa ng bayan ?.Ilan lang iyan sa mga tanong na karaniwang di masagot-

sagot . Ang mundo ay nagbabago sa paglipas ng oras kaya ang kultura at tradisyon sa

lipunan ay nagbabago rin . Sa ganitong aspeto ,ang kabataan ay apektado at

naimpluwensyahan sa mga pagbabagong ito partikular sa edukasyon ,pananamit,teknolohiya

at moral paghahalaga. Malaki ang ipinagbago ng mga kabataan sa noon at ngayon” . 1010

Ayon kay Cyril Cabahug (2018) ,na ang kabataan noon at ngayon ay may malaking

pagbabago at pagkakalayo sa kilos ,gawi,ugali,pananamit,damdamin,at iba pang

bagay.Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang at masunurin dahil sa isang

tingin lang ng magulang sa kanilang mga anak ay tumatahimik na o kaya’y sumusunod na

agad .Ang mga kabataan noon ay lubhang taimtim sa puso’t nila ang kanilang ginagawa ,,ay

respeto sa kapwa , mga walang bisyo ,at maka-diyos; Sa kabilang dako ,ang kabataa ngayon

ay di na gaanong nagbibigay galang at pinipilit ang sarili na maki-uso at magbago .pagdating

sa pananamit ,lalo ng masinop sa pag-aayos ng katawan at lubhang matapat sa pagsunod sa

batas ang mga kabataan noon ,kaya wika nga ,ang kabataan noon ay may disiplina sa sarili

1010 https://abm24blog.wordpress.com/2017/05/27/kabataan-noon-at-ngayon/

11
habang ngayon ay di na gaanong napapansin o sinusunod ang mga magagandang bagay at

asal .1111

Ayon pa kay Marie Antonette D. Bernardo “Ang kabataan ngayon ,lalo na sa

kababaihan ay hindi na maayos ang pananamit .Nauso na kasi ang mga ibat-ibang istilo ng

damit na kita na ang iba’t ibang parte ng katawan.At pagdating sa panliligaw ,karamihan sa

mga kababaihan ngayon ay sinasagot agad ang kanilang manliligaw. Kadalasan pa nga ay

patago silang nagmamahalan. Hindi nila sinasabi sa kanila magulang lalo na ang mga babae

na sila ay may kasintahan na. Ngayon, hindi na gaano nakakapaglaro ang mga kabataan ng

mga larong panglansangan. Dahil, karamihan sa mga ito ay mayroon ng mga sari-sariling

gadyet na pwedeng paglaruan ng mga kabataan 1212

Dagdag pa ni Yzza Veah ESquirel (January 27, 2009) ,Dati ang kabataan ay kusang

nagmamano sa mga matatanda, magalang sa kapwa maging sa tahanan ay may kusang

pagkilos maging babae man ito o lalaki. Pagdating naman sa pag-ibig mas mahirap

magpaligaw ang isang babae noon, kaysa sa ngayon na halos hindi maaabot ng isang buwan

ng mga panliligaw.Bakit din ang mga kabataan ngayon ay nagiging bayolente?Mayroon na

ding lumalaban sa kani-kanilang mga magulang ?At nahihilig sila sa mga away at rambol ? 13

13

Ayon kay Lawrence De Chavez (Sep. 25,2019),Dahil sa pagtagal ng panahon ,ang

mga katutubong kultura ng mga pilipino ay unti-unting naglalaho at napapalitan dahilan ng

pag-usbong ng mga makabagong kaisipan o pagbabago tulad ng

modernisasyon ,teknolohiya ,at paniniwala ng mga tao .Ang ilan sa mga dahilan ng

https://pahinanimatahum.blogspot.com/2018/12/ang-pagbabago-ng-kabataan-noon-at-ngayon.html
1111

https://m.facebook.com/nt/screen/?params=%7B%22note_id
1212

%22%3A658608281722369%7D&path=%2Fnotes%2Fnote%2F&refsrc=deprecated&_rdr
1313
https://www.scribd.com/doc/11422704/Lumilipas-Ang-Panahon-Kabataan-Noon-at-Ngayon
12
pagbabago at tuluyang paglalaho ng mga nakasanayang gawain,pagkamulat ng mga tao sa

makabagong teknolohiya at ang pagiging moderno sa panahon ngayon 1414

Sa ideolohiyang cosmist na pananaw ni de Garis ,sinabi na isang mabuting moral ang

paguslong sa teknolohiya .Nakikita sa ideolohiyang ito ang pagiging sintomas nito ng

siyentismo at mathematical fetishism ng mga tao kaya kung tutuusin ay marami talagang

magandang maidudulot ang teknolohiya para sa ikauunlad ng isang indibidwal o mga grupo

ng tao .Ngunit ayon sa pananaliksik ni Tiffany Faith ,mayroon ring hindi magandang epekto

ang teknolohiya katulad na lamang ng pagiging tamad ng isang tao ,posibilidad na magamit

ito sa paggawa ng krimen ,maaaring pagkasira ng kalikasan at iba pa kaya nararapat din

lamang na maging sensitibo sa paggamit nito.Kahit ang mga kabataan ngayon ay

pinanganak sa makabagong henerasyon.Dapat tandaan “Ang hindi marunong lumingon sa

pinanggalingan ,hindi makakarating sa pinaroroonan ”,ani Jose Rizal. 1515

Ayon kay Jan Faustine L. Soriano (May 27,2017), Marami parin naman ang mga

natitirang kabataan ngayong henerasyon na may tinatahak sa buhay .Naway sana sila ang

magbigay daan sa ibang kabataan na maging katulad nila at hindi maging pabaya sa mga

bagay-bagay .Upang itoy magiging paraan para maging mabuti ,maka-bayan,mapagmahal, at

matulungin sa lipunan .At itong mga maling hinaharap ng mga kabataan ngayon ay maging

tulong para sa kanila upang matuto at magbago .At ituwid ang kanilang kinagisnan at sarili

para sa bayan .1616

1414
https://www.scribd.com/document/427378372/Kahalagahan-ng-Kultura

1515
https://sg.docs.wps.com/l/sINm-pKyPAfbFhI8G
1616 https://abm24blog.wordpress.com/2017/05/27/kabataan-noon-at-ngayon/
13
Bilang isang mag-aaral ,isang pilipino at anak ng bansang pilipinas ito ,ay nais na

ipaalam sa inyo na dapat ibalik ang kulturang pilipino noon na nawawala sa panahon ng

modernong pag-unlad .Tutukan dapat ang pagyayaman ng namamatay na mga kultura ,para

sa kapakanan ng susunod na henerasyon na magmamana ng pinahalagahang kulturang

pilipino at hayaan din silang maranasan ang nakaraan .Bilang bahagi ng paghubog sa

kanilang upang maging mabuting miyembro ng bansang pilipinas .Itigil ang pag-ampon at

paggaya sa mga kultura at tradisyon ng iba ,sa halip au humanap ng mga paraan upang

makatulong sa muling pagsilang ng sariling kulturang pilipino sa isip,puso,at kaluluwa ng

bawat pilipino sa buong mundo.

14
KABANATA 3

DISENYO NG PANANALIKSIK

Sa pananaliksik na ito ang ginamit naming disenyo at pamaraan ay ang

deskriptibo.Dahil ang deskriptibo na pamamaraan ay tumutugon sa mga katanungang sino,

ano, kailan, saan at paano nagawa itong pananaliksik at ang pamamaraan din na ito ay

kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na nagpapakahalaga sa kasulukoyang katotohanan

na may kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng anumang paksa.Sa pamamaraan na ito ay

ginagamit ng obserbasyon ang mga mananaliksik sa kapaligiran,pag-interview\

pakikipanayam at ang pasasagawa ng surbey upang makakalap ng sapat na datos na

gagamitin ng mananaliksik.Sa kabilang banda,diskriptibo na pamamaraan ang napili naming

gamitin sa pananaliksik na ito dahil ito ay tumatalakay sa pagtukoy kung ano-ano ang mga

kinagigisnang kultura noon at ngayon. Ano-ano ang naging pagbabago ng nakaraan dito sa

ating kasalukuyan? Naging deskriptibo ang aming ginamit para sa pananaliksik lalo na at ang

antas ng pananaiksik ay ang pagtuklas kung ano ang kaibahan ng kulturang pilipino noon at

ngayon.

15
PAMAMARAAN NG PAGKUHA NG RESPONDENTE

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang

“Kulturang Pilipino:Noon at Ngayon”ginamit ang simple random sampling kung saan

ang pagpili ng respondante ay malaya mula sa kinabibilangan nitong groupo. Ang napiling

respondante sa pagsusuring ito ay ang mga piling kabataang Pilipino at ang mga magulang.

Malaya kaming pumili bilang mananaliksik ng mga respondente na aming nais at ang napili

namin ay dalawampung(20) kabataan at sampung(10) magulang na maaring kumatawan sa

kabuuan ng aming pag-aaral. Ayon sa kasariaan ng mga kabataang tagasagot, kalahati o

sampung mga sumagot ay kalalakihan at sampu naman sa kababaihan. Ang mananliksik ay

nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga kabataan at magulang upang masiguro na

nauunawaan ng mga sasagot sa mga

talatanungan.

16
TEKNIK SA PAGPILI NG KALAHOK

Upang makakuha ng mga impormasyon na maikakalap sa pananliksik gagamitin ang

“Simple random sampling’’ kung saan ay malayang makakapili ang mga mananaliksik ng

dalwampung (20) kabataan at sampung (10) magulang.Ang mga sagot na galing sa mga

respondente ay ang magiging sagot din sa pag-aaral na ito. Walang partikular na

nasyonalidad ang sumagot sa talatanungang ibibigay.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang napiling kasangkapan o instrumento ng mananaliksik sa paglikom ng datos na

kailangan upang magiging matagumpay ang pananaliksik ay ang talatanungan o

kwestyoner kung saan ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan na angkop upang

makakakuha ng mga angkop na sagot sa mga sulinaring inilahad sa bahagi ng pananaliksik

na ito ang paglalahad ng suliranin. Ang surbey nagamit sa pag-aaral na ito ay naglalaman ng

10 katanungan. Ang kwestyoner na na aming ginawa ay nakahati sa dalawang bahagi ang

unang bahagi ay naglalaman ng mga tanong na sinasagot ng Oo at Hindi at yung

panagawang bahagi ng katanungan naman ay mayroon lang pagpipilian. Higit sa lahat ang

talatanungan na mabuo ng mananaliksik ay pinasagutan sa mga respondante ng

pananaliksik sa oras kung kailan walang ibang maaapiktuhan at bago sasagot ang mga

respondante ay naipaalam ng mga mananaliksik ang layunin ng pananaliksik at naipahayag

din ang kasiguraduhan ng pagkakakilanlan ng kahit na sinong naging bahagi ng pananaliksik.

17
PARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS

Para masuri ang mga datos na nalikom ng mananaliksik sa pamamagitan ng pamamahagi ng

mga talatanungan ang mananaliksik sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga katanungan

ay tinutukoy ang ugnayan pati na ang mga pagkakaiba ng mga baryabol sa nakalap na mga

datos,pinagkumpara ang mga baryabol at inilarawan at binoud ang mga datos. At higit sa

lahat sa tulong ng mga nakalap sa impormasyon ang mga mananaliksik ay nakapagtala ng

posibling kalalabasan o resulta ng pananaliksik. Ang mga sagot sa bawat katanungan sa

talatanongan na ipinamahagi sa mga respondante ay inilista at binilang ng mananaliksik.

Pagkatapos ang mananaliksik ay gumawa ng tsrat\talahanayan upang maikumpara at

mahanapan ng pagkakapareho ang mga nakalap na datos at sa pamamagitan ng pagsulat

ng talata, ang mga datos ay naipaliwanag basi sa pagkakaanalisa ng mananaliksik. Sa

pamamagitan ng pagsusuri ng maayos ng mga datos na nakalap sa pamagitan ng

pamamahagi ng talatanungan ang mga suliranin ng mananaliksik ay nakahanapan ng

kasagutan at kabilang na sa mga ito ang kung ano nga ba talaga ang kaibahan ng kulturang

pilipino noon at ngayon.

18
KABANATA 4

PAMAMARAAN SA PRESENTASYON NG MGA DATO

Sa bahagi na ito ng aming pananaliksik o pag-aaral nakasaad ang mga presentasyon,

analysis at interpretasyon ng mga survey ng aming ginawa.

Test I.

55%

45%

Totoong may nagbago sa kulturang pilipino lalo na sa kaugalian ng mga kabataan

ngayon at sa naging survey na aming ginawa, ginawan namin ito ng interpretasyon.

Ang pie chart na makikita natin sa itaas ito’y nagsasabing mas maraming mga

kabataan ngayon ang sinusunod ang kaugalian noon (55%) o labing-isa(11) mula sa

dalawampung (20) mga respondenteng aming pinasagot ay ang pabor sa kaugalian noon ibig

sabihin ginagawa pa rin nila ang mga kaugalian nating mga pilipino noon .Habang sa

kaugalian ngayon (45%) o siyam (9) mula sa dalawanpung (20) respondente ang hindi na

ginagawa ang kulturang pilipino .Sa pangkalahatan maganda ang naging resulta dahil

makikita na marami pang mga

19
kabataan ngayon ang pinapahalagahan ang kaugalian o mga tradisyon na mga ginagawa ng

ating mga nakakatanda. Habang sa kabilang banda hindi maitatanggi na malaki na din ang

porsiyento ng kabataang hindi na sinusunod ang kaugalian o kulturang pilipino.

(TEST II)

Sa Bar Graph na ito makikita ang kaibahan ng kagawiang ginagawa ng mga kabataan.

Mula sa dalawampung (20) respondente labing-apat (14) ang mga kabataang gumagawa ng

kagawian na mas pabor sa panahon natin o gumagawa ng mga kagawian masasabing

nabago ng panahon o kabihasnan. Sa kabaling banda makikita ang porsiyento mula (20)

respondente na 30% o anim (6) na kabataan ang mas pabor sa kagawian o kulturang pilipino

noon.

20
30%

70%

Sa aming pananaliksik o pag-aaral na ginawa para sa mga magulang na

respondente ang nasa itaas na pie chart ang naging kalabasan ng aming ginawang

survey para sa mga nakakatanda .Ating makikita na 70% ang ngayon ibig sabihin sa

palagay ng mga magulang o nakakatanda ang kanilang mga anak o mga kabataan ay

hindi na kagaya ang kagawian ng mga pilipinong kabataan sa kanilang

panahon. ,halimbawa ang mga kabataan noon ay nagmamano pa sa kanila pero

ngayon hindi masyadong nagmamano ang mga kabataan o kanilang mga anak. At isa

pang halimbawa ng kagawian na nag bago ay pagsasabay sa pagkain ng pamilya, sa

panahon ngayon hindi din masyadong nagsasabay ng kain ang pamilya at nung

tinanong namin ang mga magulang ang kanilang mga sagot ay dahilan nito ay mga

gadget na meron ang kanilang mga anak.

21
KABANATA 5

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa kulturang Pilipinas at pinamagatang

Kulturang Pilipino: Noon at Ngayon. Sa paggawa ng pananaliksik na ito naging

malaking tulong ang internet sa kadihilanang madali kaming makakuha ng mga

impomasyon na konektado sa pag-aaral na ito. At ang pananaliksik na ito ay may mga

metodo na ginamit upang mas maunawaan o mapadali ang paggawa nito at

pangangalap ng datos.

Idadag pa natin na sa pananaliksik na ito sa kabutihang palad ay na solusyonan

ang mga suliranin na naging ugat ng aming paggawa ng pananaliksik. Ang mga

ginawang survey sa mga piling respondente ay naging malaking basehan upang

maunawaan ang kung ano naging kaibahan ng mga kultura noon at ngayon at naging

dahilan ng pagsagot sa aming mga nagiing suliranin.

Sa aming panahon iginugol sa pag gawa ng pananaliksik na ito ay masasabi

namin na sa pamamagitan aming pananaliksik makakatulong ito sa pag reserba ng

ating kultura bilang mga Pilipino. Dahil itong pagreserba sa ating kultura ang siyang

unang ipanaglaban ng pananaliksik na ito. Mahikayat ang mga kabataan sa pag

reserba ng ating kultura.

KONKLUSYON

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahalugan ng mga mamanaliksik, sa mga

pangagalap na ginawa namin mananaliksik sa internet at sa mga survey na aming

22
ginawa nakita na malaki na nga ang pinagbago ng kulturang Pilipino mula sa noon at

ngayon, at ilan sa mga dahilan ng pagbabago ay ang mga sumusunod:

1. Ang pag-usbong ng makabagong panahon.

2. Umaasa na lamang ang karamihan sa mga tao ngayon sa mga makinarya.

3. Nakiki-ayon ang mga tao sa kung ano ang uso sa panahon ngayon/ipunan dahilan

ng unti-unting pagbabago ng kultura na meron tayo.

4. Mas pinagtutu-unan ng pansin ng nakakarami lalo na ng mga kabataan ang kultura

ng iba keysa sa sariling atin. Halimbawa nito ay ang bansang Korea.

Naging malinaw sa pamamagitan ng pananaliksik na ito na hindi maitatanggi ang

pagbabago na nangyari sa ating kultura at sa kabutihang banda makikita na hindi pa

nga itong tuluyang nawawala bagaman ito’y nag unti-unti nang nawawala dahil sa mga

pagbabago.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ay ang aming rekomendasyon ay ang

aming mga nakikitang mga solusyon sa aming mga suliranin sa pananaliksik na ito:

23
1. Hindi masamang mag-aral ng kulturang hindi atin bagaman bigyang halaga parin

natin ang kulturang sariling atin.

2. Gawin parin natin ang paggalang para sa mga mas nakakatanda sa atin.

3. Hindi nakakawala ng dignidad bilang kabataan ang pagpatuloy sa pagreserba ng

ating kultura bagkus itoý nakakadagdag ng ating dignidad bilang mga kabataang

piipino. Halimbawa nito ay pagpapanatili ng paggalang ng mga kabataan sa mga

nakakatanda, simpleng pagmamano sa nakakatanda ay malaking bagay na.

4. Ang teknolohiya ay parehong may mabuti at masamang naidudulot kaya disiplina sa

pag gamit nito ang kailangan upang hindi mauwi sa masamang resulta.

5. Pagtuonan ng pansin ang ating kultura magbasa ng mga makabulohang basahin ukol

sa ating bansang sinilangan.

6. Pagpapahalaga na maipanatili ang okasyong buwan ng wika upang mag silbing

pagpapaalala sa ating baying sinilangan at pahihikayat na ireserba ang sariling kultura

bilang mga Pilipino.

SURVEY FORM PARA SA PANANALIKSIK

KULTURANG PILIPINO: NOON AT NGAYON

Pangalan:_________________________ Edad:________
24
I. OO o HINDI

1. Naging mabuti bang halimbawa ang mga gawain noon at nagbigay sa inspirasyon sa

mga tao ngayon?

Oo Hindi

2. Nagmamano ka pa ba sa nakakatanda sa iyo?

Oo Hindi

3. Naniniwala ka pa bas a pamahiin?

Oo Hindi

4. Nagdadarasal ka paba bago kumain at matulog?

Oo Hindi

5. May alam ka bang kulturang Pilipino?

Oo Hindi

II. Bilogan ang iyong sagot.

1. Baro’t saya o croptop

2. Mobile Legends o luksong baka

3. Wikang Pilipino o wikang banyaga

4. K-drama o Pelikulang Pilipino

5. Liham o Messenger (social media)

SURVEY FORM PARA SA PANANALIKSIK


KULTURANG PILIPINO: NOON AT NGAYON
Pangalan:_________________________ Edad:________

25
Panuto: I-tsek lamang ang iyong sagot. Pumili mula sa OO o HINDI

KATANUNGAN OO HINDI

1.) Nagbibigay po ba kayo ng mabuting halimbawa sa mga Gawain

bilang inspirasyon sa mga kabataan ngayon?

2.) Naniniwala parin po ba kayo sa pamahiin?

3) Nagmamano parin po ba sa inyo ang mga kabataan ngayon?

4.) Ginagawa niyo parin po ba ‘yong mga tradisyon?

5.) Kumakain papo ba kayo ng sabay ng pamilya niyo?

6.) Nagbigay galang parin po bas a inyo ang mga anak at apo

ninyo?

7.) Sang-ayon ka ba sa kultura ngayon?

8.) Sa tingin nyo marami pa ba ang mga pilipinong ginagawa ang

tradisyon o kultura natin?

9.) Sa tingin niyo may mga lalaki pa ba ang naghaharana ngayon?

10.) Pinapahalagahan mo pa ba ang Kulturang Pilipino?

26

You might also like