You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

2P-FIL04:

PAGHAHANDA AT
EBALWASYON NG MGA
KAGAMITANG PANTURO
GAMIT ANG MAKABAGONG
TEKNOLOHIYA

Ipinasa kay:

FE S. BERMISO
Propesor

Ipinasa ni:

TWIGGY FRITZ M. ASTILLO


BFE-III
Gawain 1

Panuto: Sagutan ang mga katanungan nakalahad sa ibaba.

1. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagpili ng multikultural na materyal ?

Sa pagsulong ng multikultural na edukasyon nararapat lamang na isaalang-alang ang materyal na


gagamitin sa pagtuturo sapagkat ang mga materyal na ito lalo na ang mga aklat at teksto ay nagsisilbing
pagkukunan ng mga impormasyong gagabay at magpapaunlad sa mga kaisipan ng mga mag-aaral.

Ang paaralan ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang pangkat etniko na may iba-ibang
kultura, tradisyon at paniniwala sa buhay. Dahit dito, nararapat lamang at mahalagang isaalang-alang ang ang
pagpili ng multikultural na materyal sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan. Ang kagamitan ay isa mga
mahalagang salik para magkaroon ng mabisang pagtuturo at makabuluhang pagkatuto sapagkat ang kagamitan
ay ang gumigising sa kawilihan ng mga mag-aaral at humihikayat sa interaksyon, humikayat sa mga mag-aaral
sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto kung paano matuto at humihikayat sa mag-aaral na magamit ang
kanilang kasanayan sa sarili at maging sa mundong ginagalawan. Sa pamamagitan rin ng materyal na
kagamitan nabibigyang buhay ng mga guro ang aralin sa malikhaing at mahusay na paraan. Kaya naman,
maraming bagay ang dapat isaalang-alang ng guro sa pagpili ng materyal dahil maliban sa kinakailangang
matugunan nito ang pangangailangan ng mag-aaral, dapat rin niyang isaisip ang malaking epekto nito sa
kaniyang pagtuturo.

Sa pag sasaalang-alang ng materyal ay napapahayag ng guro sa kanyang mga estudyante na sila ay


imbitado sa paaralan sa kung ano man ang kanilang etnikong kinabibilang na gumigising sa kanilang diwa na
mas pahalagan ang kanilang kultura't paniniwala. Dahil ang bawat mag-aaral ay may iba't ibang etnikong
kinabibilangan naipapakita nito ang pagiging bukas ng isipan ng guro at ang kahalagahan ng pangkalahatan sa
pagkakapareho at pagkakapantay-pantay na magkaroon ang lahat ng pagkakataon sa edukasyon. Kaya naman,
napakahalahaga na isaalang-alang ang pagpili ng mutikultural na materyal lalo na sa pagtuturo sapagkat ito ay
sumasalamin sa sa karanasan ng bawat mag-aaral at ang kahalagahan ng multikultural na edukasyon para sa
lahat.

2. Paano mo malalaman na angkop at tama ang napili mong materyal?

Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa mga multikultural na materyal ay mababatid natin kung ito ay
angkop at tama na magiging basehan kung ito ba ay kaaya-aya at dapat na gawing materyal lalo na sa pagtuturo.
May mga basehan upang matukoy ang angkop at tamang multikultural na materyal base sa anyo na guhit, nilalaman
gaya ng mga pangyayari at karakter, na tumugma at sumasalamin sa mga pananaw at damdamin. Ang mga guhit sa
mga pangyayari at mga karakter ay kinakailangan na tumpok at naaayon sa totoong pangyayari sa mga etnikong
grupo o kaya ay kinakailangan na ito maging makatotohanan upang maiwasan ang pagkakaroon kalituhan o maling
interpretasyon sa nilalaman ng materyal. Kinakailangan din na nakahanay ang bawat mga guhit na nagpapakita ng
totoong kultura’t tradisyon ng mga pangkat etniko. Nararapat lamang na maging masusi at mabusisi sa bawat malilit
na detalye sapagkat ang mga detalyeng ito ang nagbibigay ng buhay sa pangkalahatang damdamin na nais ipabatid
ng bawat akda. Mahalaga din na ito ay naglalaman ng mga karakter na may etnikong kapangyarihan na nagpapakita
ng kabayanihan o kalakasan na nagtatanim ng kabutihang aral sa mga mag-aaral. Ang mga pangyayari ay dapat na
kawili-wili mga na syang nagpupukaw sa atenyson ng mga estudyante. Iniiwasan ng napiling materyal ang anumang
pagpapalagay na may sanhi o simpleng sagot sa mga problemang sosyo-historikal ng kulturang kinakatawan.
Halimbawa, kapag ang mga karapatang pantao at pang-aapi ang nasa puso ng kuwento, tinutugunan ng aklat ang
mga isyung ito sa paraang nagbibigay-diin sa dignidad at katatagan ng mga taong nabubuhay sa kagipitan. Dapat
isaalang-alang ng mga mag-aaral ang mga karakter na kayang lutasin ang mga problema at positibong tumugon sa
mga hamon na kanilang kinakaharap.

Ang materyal sa multikultural ay tumpak kung ito ay susuriin at pag-aaralan na naglalaman ng angkop na
impormasyon na akma sa kurikulum at may mga ekspresyong nababagay sa napiling etnikong grupo. Ang napiling
materyal ay kinakilangan na napapakita ng ekspresyon, damdamin, pagpapahalaga ng pangkultura, prinsipyo o
paniniwala na itinuturing na mahalaga para sa pangkat. Halimbawa na lamang ay ang akda na ukol sa paniniwala,
kahalagahan at kagawian ng mga Pilipino. Sa akdang ito, kinakailangan na hindi ito maglalaman sa pagkakaiba ng
kultura, negatibong mga ekspresyon o stereotype at ang pagpapahayag ng negatibong ekspresyon. Sa pangkalahatan,
kapag pumipili ng materyal na multikultural, mahalagang isaalang-alang ang kaugnayan, pagpapahalaga, nilalaman,
mga salitang ginamit, pagninilay sa kultura, at iba pang mga salik na dapat isaalang-alang upang matukoy kung ito
ay angkop at tama.

You might also like