Professional Documents
Culture Documents
2s-Fil10-Astillo-Midterm Exam
2s-Fil10-Astillo-Midterm Exam
MIDTERM EXAM
Tukuyin:
2. Ilarawan si Donya Maria Blanca. Bakit ganoon na lang ang pagtulong niya kay Don Juan?
Sagot: Si Maria ay kilala sa kanyang labis na kagandahan at talino. Siya ay may mala-venus
na kagahandahan, mahaba at nakalugay ang kanyang mga buhok at kanyang mga mata
mahinhin at siya ay talagang nakakabighani. Ganoon na alng pagtulong ni Maria Blanca kay
Don Juan sapagkat labis ang niyang minahal ang kakisigan at abilidad na mayroon ang
binata.
Siyang pamimitak at kusang nagsabog ng ningning ang talang kaagaw ni Venus anaki
ay bagong umahon sa bubog, buhok na naglugay sa perlas na batok. Tuwang
pangalawa kung hind man langit ang itinatapon ng mahinhing titig; O, ang luwalhating
bukó ng ninibig, pain ni Kupidong walang makarakip. Liwanag ng mukha’y walang
pinag-ibhan kay Pebo, kung anyong bagong sumisilang; katawang butihin ay timbang
na timbang at mistulang ayon sa hinhin ng asal. Sa kaligayaha’y ang nakakaayos―
bulaklak na bagong winahi ng hamog; anupa’t sinumang palaring manood, patay o
himala kung hindi umirog. (Saknong 275-78)
V. Paglikha:
Gawin mo.
Don Fernando- Ang hari ng Berbanya at ama ng tatlong prinsipe. Kinilala bilang isang haring
makatuwiran at magiting. Makatarungan ang kanyang pamumuno dahilan upang higit na
umunlad ang kaharian. Nagkaroon ng isang malubhang sakit dulot ng isang masamang
panaginip.
Donya Valeriana- Ang reyna ng Berbanya at asawa ni Don Fernando. Ang taglay niyang
kabuhitan sa puso ang nagtulak kay Haring Fernando upang higit na maging makatarungan sa
paghahari. Siya ang isang mapagmahal na ina at asawa.
Don Pedro- Ang panganay na anak ng hari at reyna ng Berbanya. Isang magiting na
mandirigma, may aking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona
ngunit namamayani ang kabuktutan ng puso.
Don Diego- Ang pangalawang anak ng hari at reyna ng Berbanya. Siya ay sunud-sunuran sa
panganay na kapatid dahilan kaya nalilihis ng landas, mahina ang kanyang loob at natatalo ng
kabuktutan ni Don Pedro.
Don Juan- Ang bunsong anak ng hari at reyna ng Berbanya. Siya ang pinakatatangi sa lahat
dahil minana niya ang pagiging makatarungan at makatuwiran ng ama. Siya ay mabuting
kalooban na kahit sa kataksilang ginawa ng kanyang dalawang kapatid ito pa rin ay pinatawad
at binigyang ng pagkakataong magbago.
Ibong Adarna- Ang ibong ay ang napakagandang ibon na may makulay at mahabang balahibo.
Ito ay matatagpuang nakadapo sa puno ng Piedras Platas na nasa bundok ng Tabor. Pitong ulit
nagpapalit ng kulay ng balhibo sa tuwing ito ay umaawit at kanyang dumi ay may
kapangyarihang gawing bato ang sino mang madapuan nito. Ang malamyos nitong tinig ay
nagdudulot ng panibagong buhay.
Prinsesa Leonora - ang babaeng inibig ni Don Juan sa pangalawang pagkakataon. Tapat
ang puso sa pag-ibig kay Don Juan. Sa huli ay ikinasal siya kay Don Pedro at naging reyna
ng Berbandya.
Haring Salermo - tusong hari ng Reyno de los Cristales. Ang kinahinatnan niya ay namatay
dahil sa sama ng loob sa pagtakas ni Maria Blanca.
Sanhi:
Sa akdang Florante at Laura ni Balagtas, dito ay makikitaan natin si Adolfo bilang isang taong
may pagkainggitin sa kanyang kaklaseng si Florante dahil sa atensyon ng guro at si Florante
rin ang inibig ni Laura, hindi siya. May kagustuhan din siya pagharian ang bayang Albanya at
mapasakamay ang kayamanan ng Duke Briseo.
Bunga:
Dulot ng kanyang inggit ay nagbunga ito suliranin sa mga tauhan sa kwento. Dahilan rin
upang siya ay makagawa siya masamang bagay kay Florante at sa iba. Ang kanyang
kasamaan ay nagbunga rin sa kanya ng pagkabigo at kamatayan.
VI. Ipaliwanag:
1. Ilarawan ang naranasang kalagayang pag-ibig ni Florante, kung kayo ang nasa kalagayan
niya, paano mo haharapin ang ganoong sitwasyon?
3. Ano-anong mga pangyayari sa nobelang "Ibong Adarna" ang sa tingin ninyo nangyayari pa
sa kasalukuyan? Ilahad at patunayan. *5 points
Sagot: Sa nobelang “Ibong Adarna” ay tumatak talaga sa akin ang pagtataksil sapagkat sa
totoong buhay naranasan din naming mapagtaksilan ng aming mga kamag-anak dahil isang
taon kaming lumisan at tunguhin ang isang lugar at doon muna malalagi pamansamantala at
hanggang ngayon ay talagang patuloy nilang ginagawa iyon dahil isang lamang sa isang
lupaing hindi nila pagmamay-aari at gusto nilang angkinin. Dumanas kami ng isang paghihirap
na walang makain sa isang araw at pagdulot rin iyon sa amin ang mga pangamba at takot
dahil sa mga pagbabanta.