You are on page 1of 1

REFELECT:

1. Habang inoobserbahan ko ang mga estudyante ay madami akong naalala noong ako’y nasa
ganoong edad pa lamang nila. Gaya nalang ng gusto ko lamang ay lagging maglaro, makuha lagi
ang atensyon ng aming guro at mga kaklase at laging kumakain ng kanyang baon kahit hindi o
tapos na ang recess. Pero meron kaming mga pagkakaiba ng ugali sa paraang kapag ako ay
pinagsasabihan noon ng aking guro na tumigil na sa kakaingay o kakalaro ay titigil naman kaagad
ako dahil takot akong isumbong at mapagalitan ng lola kong nagpalaki sakin.
2. Ang guro na di ko malilimutan sa mabuting paraan ay ang aming guro noon sa Grade 2 sapagkat
lagi niya akong pinupuri dahil ang bait at ang sipag ko daw mag-aral at dahil doon ay mas
pinagbutihan ko pa ang aking pag-aaral. At ang guro naman na di ko malilimutan sa hindi
magandang paraan ay ang guro naming sa matematika sapagkat mahina ako sa asignaturang
iyon at mas lalo kong hindi naiintindihan ang kanyang klase sapagkat mahigpit siya kung
magturo kung kaya’t nahihiya akong magtanong kung wala akong maintindihan at kapag mali
naman yong sagot naming ay pinapahiya niya kami sa klase.At dahil sa pangyayaring iyon ay
naging trauma ito sa akin na kahit magpahanggang ngayon ay natatakot parin ako sa
asignaturang matematika dahil ang nasa isip ko ay bobo talaga ako sa asignaturang ito.
3. Bilang isang guro kailangan nating intindihin na hindi lahat ng bata ay kaagad na nakakaintindi
saiyong mga itinuturo. Dahil ang bawat bata ay may iba’t-ibang kakayahan o katangian
maaariing yong iba ay madaling makaintindi at yong iba naman ay mabagal makaintindi.
Kailangan lang talaga natin ng pagtitiyaga at mahabang pasensya sa kanila.At para mas maging
epektibo pa ang pagkatuto ng iyong mga mag-aaral ay mas mainam na mag isip ka ng mga
bagong estratehiya kung saan ay mas maiingganyo silang matuto.

You might also like