You are on page 1of 3

College Department

Christ the King College


9014 Gingoog City

Filipino 115: Kulturang Popular


G. Paul Rem Jee Diaz

Malayang Gawain

Buong Pangalan: Mhea Kiesherie Alexis L. Banuag

Kurso at Taon: BSED-III Gawain: 1

I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag ang iyong mga


sagot gamit ang limang pangungusap. (30 puntos)

1. Para sa’yo, ano ang kulturang popular? (10 puntos)

Ang kulturang popular ay nagmula lamang noon sa mga radyo, dyaryo, telebisyon o
magasin. Ngunit ngayon ay marami na ang mga pinagmulan o pinanggagalingan nito
hindi lamang sa ating mga napapanood mula sa mga artista kundi mula rin sa mga
tao sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Dahil sa pagiging malikhain ng isip nating mga tao
ay marami tayong nagagawa. Nagagawa nating bagong muli ang ngayo’y luma na o
di kayay nagagaya natin ang mga bagay-bagay, salita o gawa lalo nap ag tayo’y may
mga hinahangaang personalidad. Lahat lamang ng mga ito ay nagmula di lang sa
pagiging malikhain ng tao kundi nagmula rin sa pamamagitan ng usbong ng ating
teknolohiya kung saan ay mas marami tayong nagagawang iba’t-ibang bagay at mas
lalo nitong napapadali lahat ng ating mga gusto upang maging popular o sabay sa
uso.

G. Paul Rem Jee Diaz


2. Ano-ano ang mga nakaka-impluwensiya sa iyo na mga Kultura na naging
sikat o popular sa iyong paligid? (10 puntos)

Isa sa mga nakaimpluwensiya saking kultura na naging sikat o popular sa aking


paligid ay ang pagiging Kpop fan o Korean Fan. Mula sa panonood ng kanilang mga
telenobila o Korean Drama hanggang sa pag idolo ng iba’t-ibang Kpop group gaya
ng BTS, EXO at BLACKPINK at kung sa mga Korean Actors/Actress naman ang
aking mga idolo ay sina Lee Jong Suk at Kim Ji Won. Alam kong marami ang mga
nahuhumaling sa kanilang lahat ngayon lalo na tayong mga Pilipino ang iba sa atin
ay ginagaya na ang kanilang pananalita,buhok,inumin,pananamit at kinakain. At di ko
maipagkakailang isa na ako rito kung noon ay hilig ko na talagang kumain ng mga
maanghang na pagkain ay mas nahiligan ko pa ito nong nalaman kong hilig ng mga
Korean ang kumain ng maanghang kung kaya’t nahumaling narin akong bumili ng
ramen noodles. Sadya ngang masyado akong na impluwensiyahan ng aking mga
iniidolong koryano/koryana pero ganun pa man ay likas parin sakin ang mga gawing
Pilipino lalong-lalo na ang ating mga sariling putahe na talagang napakasarap dahil
hindi ito instant kagaya ng sa kanila.

G. Paul Rem Jee Diaz


3. Gamit ang iyong sariling salita, bakit ideyolohikal ang konsepto ng kultural
at popular? (10 puntos)

G. Paul Rem Jee Diaz

You might also like