You are on page 1of 3

I.

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nalalaman mo ang mga elemento ng tula
2. nakasusulat ka ng maikling tula at
3. napapahalagahan ang pagsulat ng maikling tula

II. Paksa
Pagsulat ng Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay

Sanggunian: MELC, DBOW, Filipino Modyul 4


Kagamitan: power point, tv, laptop

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
1. Pagdarasal
2. Pagtsek ng attendance
3. Balik-aral

Tukuyin ang panghalip panaklaw na ginamit sa pangungusap.


1. Hanggang ngayon, marami ang naapektuhan sa pandemya noong nagsimula ito.
2. Inaasahan ng pamahalaan ang pakiisa ng lahat upang maiwasan ang pagdami ng
kaso ng covid-19.
3. Sinoman sa atin ay maaaring dapuan ng sakit kaya pinag-iingat ang tayong
mabuti.
4. Iwasan natin ang anomang kalat sa loob ng silid-aralan maging sa mga pasilyo ng
paaralan.
5. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas kailanman.

4. Pagganyak
Maghanap ng salita mula sa word puzzle na ito.

Ano-ano ang mga nahanap mong salita?

B. Pagtalakay
Ang mga salita mula sa kahon ay maaaring gamiting paksa sa paggawa ng isang tula.

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t-ibang anyo at istilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang
panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong maybatayan
o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Ang tula ay nagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga
taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ito ay nagpapahayag ng
damdamin at kaisipan gamit ang maririkit na salita.

Mga Anyo ng Tula


Ang mga anyo ng tula ay maaaring uriin sa apat na anyo – malayang taludturan, tradisyunal, may
sukat na walang tugma, at walang sukat na may tugma.

1. Malayang taludturan - tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o sintunog,
free verse poetry ang tawag nito sa Ingles.
Halimbawa:
“Pandesal sa Umaga”
Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,
Isang araw, mabibili din kita,” sambit niya.

2. Tradisyunal – nagtataglay ng magkakatugmang salita sa hulihan o dulo ng bawat taludtod o linya sa


bawat saknong.
Halimbawa:
Aling pag-ibig pa/ ang hihigit kaya Sa pagkadalisay/ at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig/ sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa/ wala na nga, wala.

May mga tulang may sukat na walang tugma kung pareho ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod ngunit hindi magkakasintunog ang bawat dulo o walang tugma
Halimbawa:
O, Laura kong maganda! Lagi kang nasa isip
Di man lamang nawaglit, Dahil ika’y inibig!
- Jenita Guinoo

3. Walang sukat na may tugma – iba-iba ang bilang ng pantig sa bawat taludtod subalit
magkakasintunog ang huling bahagi ng bawat taludtod.
Halimbawa:
Kay gandang pagmasdan,
Bughaw na kalangitan,
Paligid ay luntian,
Sadyang kaaya-ayang tingnan!
- Jenita Guinoo
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat – tumutukoy sa bilang pantig sa bawat taludtod
2. Tugma – pagkakapareho ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod
3. Kariktan – maririkit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mga mambabasa na kalimitang
nagtataglay nang malalim o matalinghagang kahulugan
4. Talinghaga – mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula
Mga Bahagi ng isang Tula
1. Tema – ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo,
kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan at marami pang
iba.
2. Tugma – ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita
sa bawat saknong.
3. Sukat – ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Uri ng Sukat
a. Wawaluhing pantig
b. Lalabindalawahing pantig
c. Lalabing-animang pantig
d. Lalalabingwaluhing pantig

Sa pagsusuri ng tula, mahalagang sangkap ang mga sumusunod:


a. Imahe o larawang-diwa o imagery sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa
tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
b. Persona – tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
c. Tono – ito naman ay ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya,
nagagalit, nagdaramdam, nagdadalamhati, naglalahad at natutuwa.
d. Simbolismo – ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga
mambabasa. Mga ginagamit na bagay na may isinasaad na kahulugan.
Halimbawa: puting tela – kalinisan, kalapati – kalayaan

IV. Pagtataya
Ibigay ang tamang sagot.
1. (tema) Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo,
kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan at marami pang
iba.
2. (persona) tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
3. (talinghaga) mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula
4. (tradisyunal na tula ) nagtataglay ng magkakatugmang salita sa hulihan o dulo ng bawat
taludtod o linya sa bawat saknong.
5. (simbolismo) ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga
mambabasa. Mga ginagamit na bagay na may isinasaad na kahulugan.

IV. Takda
Basahin sa goole classroom ang tulang “Sa Aking mga Kabata”.

You might also like