You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasasagot mo ang mga tanong sa binasang kuwento/napakinggang
kuwento at tekstong pang-impormasyon;
b. naisusulat mo sa pangungusap ang tamang sagot sa tanong batay sa binasa
nang may wastong mekaniks sa pagsulat; at
c. napahahalagahan mo ang kasanayan sa pakikinig at pagbabasa nang may pag-
unawa sa pagsagot ng mga tanong.

II. Paksa
Pagsagot sa mga Tanong sa Binasa o Napakinggang Kuwento at Tekstong
Pang-impormasyon

Sanggunian: MELC, DBOW, Filipino Modyul 3


Kagamitan: power point, tv, laptop, video

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
1. Pagdarasal
2. Pagtsek ng attendance
3. Balik-aral

Punan ng ako, ikaw, o siya ang patlang


1. Si Myrna ang kaibigan ko. ___________ay mabuting kaibigan.
2. Binuksan ko ang telebisyon. ____________Manonood ng cartoons.
3. Bebot, tinatawag ka ni Nanay. _________ang uutusan niya na pumunta sa
tindahan.
4. Alicia, nariyan na ang sundo mo. Naghihintay ___________sa labas ng silid-
aralan natin.
5. Victor, tulungan mo akong maglinis. Ako ang magwawalis at _________naman
ang magbubura ng pisara.

4. Pagganyak
Narinig niyo na ba ang kasabihang, “Kung ayaw mong gawin s aiyo ,
huwag gawin sa iba”?

B. Pagtalakay
Talasalitaan:
 Komedyante-mga artistang nagpapatawa
 Bruha/bruha-mangkukulam
 Dumagundong-malakas na tunog gaya ng kulog

Pamantayan sa pakikinig:
1. Maupo nang maayos.
2. Makinig sa nagsasalita.
3. Unawain ang kwentong pinakikinggan.

Panoorin ang video: “Bruhahahaha, bruhihihihi”

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 5

2. Sino-sino ang tauhan sa kwento?


3. Saan nanood ng komedya si Mrs. Magalit?
4. Ilarawan ang pisikal na katangian ng matandang babae.
5. Ilarawan ang pisikal na anyo ng batang babae.
6. Bakit kinatatakutan si Mrs. Magalit?
7. Paano napatunayan ng bata ang maling hinala sa matandang babae?
8. Ano ang aral na natutuhan sa kwento?

V. Takda
Maghanda sa pagsusulit

You might also like