You are on page 1of 3

PARANG HIGH SCHOOL

Division of Marikina City


TandangSora St. Brgy. Parang, Marikina City
BanghayAralinsa Filipino 10

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay makakukuha ng 80%
pagkatuto mula sa:

A. Natutukoy ang mga pangalan at gampanin ng mga tauhan sa El Filibusterismo.


B. Naipahahayag ang sariling damdamin base sa mga gampanin ng tauhan sa El
Filibusterismo.
C. Naisasagawa ang angkop na pagsasatao ng mga tauhan ng nobela. F10-IV-i-j-89

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Tauhan ng El Filibusterismo
b. KagamitangPampagtuturo: Laptop, Speaker at Projector

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsasaayos ng upuan at pagpupulot ng kalat
2. Panalangin
3. Pagbati
4. Pagtala ng liban

B. Balik-Aral
Sino ang pinakatumatatak sa isipan niyo na tauhan sa Noli Me Tangere?
Ilarawan.

C. Pagganyak

D. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagpapanood ng Video Clips
2. Pagtalakay sa bawat tauhan

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Igrupo sa apat na pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay bubuo ng maskara. Pipili ng
tigdadalawang pangunahing tauhan sa El Filibusterismo at ibibigay ang katangian ng bawat isa
at isasatao. Ibabahagi ito sa klase.

F. Pagpapahalaga
1. Anu-ano ba ang mga mahahalagang kaisipan ang natutuhan ninyo sa aralin?
Bakit mahalagang makilala muna natin ang mga tauhan sa nobela bago natin ito
basahin?

G. Paglalahat

H. Pagtataya
Maikling Pagsusulit
PANUTO: Isulat sa patlang kung sino ang nilalarawan na tauhan.
_______ 1. Ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na
umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral.
_______ 2. Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
_______ 3. Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan.
_______ 4. Ang mag-aaral ng medesina at kasintahan ni Juli.
_______ 5. Ang mukhang artilyerong pari.

I.Takdang Aralin

Inihanda ni:

________________
Bb. Sarlyn Aquino

Iniwasto ni:

________________
Gng. Deborah C. Joseph
Kritik titser

You might also like