You are on page 1of 2

A. Kristiyanisasyon 4.

Ang paninirahan sa pueblo ay batay sa pilosopiyang “bajo el son de la campana” o


1. Ito ang pagmimisyon ng mga prayle na ipalaganap at himukin ang mga katutubong sa ilalim ng tunog ng kampana. Ang tawag sa mg tirahan dito ay “cabecera”. Ang
Filipino na tanggapin ang relihiyon Kristiyanismo. mga nayon o baryo na nakapaligid sa cabecera at tinawag na “visita”
2. Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo bilang mapayapang paraan ng 5. Ang mga katutubong ayaw manirahan sa pueblo ay nanirahan sa kabundukan
pananakop sa Pilipinas. upang mamuhay ng malaya ngunit tinawag silang “tulisanes”
3. Hinikayat ang mga katutubo na magpabinyag. Una nilang hinikayat ay ang mga 6. Dahilan ng pagpapatupad ng patakarang Reduccion
pinuno ng barangay kaya’t maraming katutubo ang nagpabinyag. a) Pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo
4. Ang bawat katutubong binibinyagan ay binibigyan ng Kristiyanong pangalan na b) Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
karaniwaang hango sa pangalan ng santo o santa. Sa paraang ito ay napabilis sa c) Pangongolekta ng buwis
pagtatala ng popoulasyon ng komunidad at nagpabilis din sa pangongolekta ng d) Pagbabantay at paghuli sa mga lumalabag sa batas
buwis. 7. Negatibong Epekto ng Reduccion
5. Nagsagawa sila ng masasaya at makukulay na gawaing-simbahan tulad ng piyesta, a) Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay sa kamag-
magagarbong prusisyon. anakan
6. Nagpadala ang Spain ng mga misyonerong prayle mula sa iba’t-ibang samahang b) Napilitang magbayad ng buwis
relihiyoso: c) Sumunod sa patakarang Espanyol dahil ang paninirahan sa pueblo ay kaakibat
a) Augustian -1565 c) Jesuit – 1581 e) Recollect - ng pagtanggap sa pamamahala ng mga Espanyol.
1606
b) Franciscan – 1577 d) Dominican - 1587

c) Nagtayo sila ng mga parokya at diocese (pinagsama-samang parokya) sa iba’t-


ibang lugar.
d) Andres de Urdaneta – unang prayleng Agustinian dumating sa bansa.
e) Domingo de Salazar – unang Obispo ng Maynila
7. Mga pagbabago at pagpapatuloy sa paniniwalang Pangrelihiyon C. Tributo
a) Dati ang mga katutubong Filipino ay sumasamba sa mga espiritu; sa 1. Ang patakarang pang-ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol extractive kaysa
Kristiyanismo ay isa na lamang ang diyos na dapat sambahin. developmental.
b) Ang mga kalalakihan lang ang maaaring manuno sa mga pangrelihiyon gawain 2. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng Hari ng
di tulad nang dati na ang mga kababaihan (Babaylan/katalonan) ang Spain.
namumuno. 3. Real situado (royal subsidy) o tulong na salapi mula sa Mexico upang matugunan
c) May mga simbahan na ipinatayo upang duongawin ang pagsaba ng mga ang pangangailangan ng kolonya.
kristiyano. 4. Naningil ng Tributo o buwis upang makalikom ng pondo at matustusan ang
d) Ginamit ng mga prayle ang mga paniniwala ng mga katutubo upang maging pangangailangan ng kolonya. Sinimulan ang pagkolekta ng trbuto noong 1571 ( 8
katanggap-tanggap ang relihiyong kristiyaniso. reales); 1589 (10 reales); 1851 (12 reales)
e) Pinalitan ang mga ritwal na pagsamba sakalikasan ng mga piyesta kung saan 5. Naging pahirap para sa mga katutubo ng paniningil ng trbuto.
itinatanghal ang mga santo. D. Cedula Personal
B. Reduccion 1. Nagpapatunay ito ng pagkakakilanlan at ng lugarng panirahan ng isang katutubo.
1. Ito ang sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa kanilang dating tirahan 2. Kailangan dala palagi ang cedula personal, dahil kung ito ay di dala o wala ka nito
tulad sa tabing dagat at kabundukan. ay maaari kang hulihin at pagmultahin o ikulong. Maaari rin mapagbintangan na
2. Ito ay upang mapadali ang pamamahala sa kanila ng mga Espanyol isang tulisanes.
3. Itinatag ng mga Espanyol ang mga pueblo upang maging maayos ang sibilisasyon E. Iba pang buwis na ipinataw
ng isang lugar. Ang sentro ng pueblo ay ang simbahan at kumbento. Kalapit din dito 1. Donativo de zamboanga, falua, at vinta – mga buwis na pangsuporta sa hukbong
ang pamahalaan, paaralan, plaza at palengke. militar sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang Muslim na nambibihag ng mga
katutubo upang ibenta bilang alipin.
2. Bandala – taunang quota ng produkto sa mga lalawigan nakailangan nilang ibenta 7. Naging mabisang pamamaraan ang Kristiyanisasyon, reduccion, encomienda at
sa pamahalaan. sapilitang paggawa sa pagpapalaganap ng kolonyanismo.
3. Quota – limitadong dami ng partikular na produkto na kailangang maaabot sa 8. Bagamat nagkaroon ng bagong relihiyon, hindi rin tuluyang nawala ang katutubong
pagbebenta sa pamahalaan paniniwala.
4. Ang bandala ay nagsimula noong 17-siglo sa panahon ni Gob. Hen. Sebastian 9. Folk Catholicism – katolisismong nakabatay sa pag-aangkop ng kaatolisismo sa
Hurtado de Corcuera. katutubong paniniwalang pangrelihiyon.

r.a.asistio 2022 r.a.asistio 2022


F. Encomienda
1. Ang Sistemang Encomienda ang unang patakarang ipinatupad sa kolonya.
2. Conquistador – sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapatupad at
pagpapalaganap ng kolonyanismo.
3. Encomienda – teritoryong ipinagkatiwala ng Hari ng Spain sa mga Conquistador
bilang pabuya o gantimpala sa pagtulong sa pagpapalaganap ng kolonyanismo
4. Encomendero –Namumuno ng pamamahala sa isang encomienda;
- binigyan ng karapatang maningil ng buwis sa mga mamamayang
sakop ng encomienda.
- Tugkulin na protektahan ang mga sakop niya laban sa mga
nagtatangkang guluhin ang kaayusan nito
- Tungkulin na suportahan ang pagmimisyon ng mga prayle at
makasigurong maging kristiyano ang lahat ng tao sa kaniyang
nasasakupan.
- Inabuso ng mga encomendero ang pagsingil ng buwis.
G. Sapilitang Paggawa o Polo y Servicio
1. Mga kalalakihan na may gulang na 16-60 ang kailangan magtrabaho sa loob ng 40
araw sa loob ng isang taon sa pamahalaan ng walang bayad upang maisaayos ang
mga kalsada, magtayo ng mga gusali, simbahan, at galyon.
2. Law of Indies – katipunan ng mga batas na mula sa mga mananakop na mga
Espanyol at ipinaiiral sa mga kolonya.
3. Polista – mga manggagawa sa polo y servicio
4. Falla – buwis na binabayaran upang maligtas mula sa sapilitang paggawa.
H. Reaksyon ng mga Katutubo sa kristiyanismo at iba pang pamamaraan ng
pagsasailalim
1. Tinaggap ng karamihan ang kristiyanismo dahil gumawa ng paraan ang mga prayle
upang maging katanggap-tangap sa mga katutubo ang kristiyanismo.
2. May mga katutubo rin ang nagnais bumalik sa dating relihiyon. Sila ang ga namuno
sa pag-aalsang relihiyoso.
3. Bumaba ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan dahil ipingbawal sa kanila
ang humawak ng pinakamataas na posisyon sa relihiyon bilang babaylan. Naging
tagapaglinis at taga-ayos ng simbahan.
4. Marami sa mga katutubo ang napilitan na manirahan sa pueblo o reduccion
5. Maaraming katutubo ng naghirap dahil sa mga buwis na siningil sa kanila.
6. Nagkahiwalay-walay ang mga pamilya dahil sa sapilitang paggawa

You might also like