You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Dibisyon ng Silangang Samar
Distrito ng Dolores I
MABABANG PAARALANG SENTRAL NG DOLORES
Dolores Eastern Samar

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa
iba’t ibang sitwasyon tungkol sa bayan ng Oras E. Samar
DLHTM IX – 1.2 Topography, Flora and Fauna
DLHTM V – 1.1 Role Models
DM X – 1.1 Tourism and Industry
DCLM IV- 1.1 INDIGENOUS PEOPLE AND MATERIALS

Pagpapahalaga: Pangangalaga sa likas na yaman at mga pambansang sagisag

II. Nilalaman
A. Paksa: Pangngalan at Panghalip (F6WG-Ia-d-2)

III. Kagamitan
A. Sanggunian:
 K to 12 Gabay PangCurriculum sa Filipino 6
 Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig 6, pahina 9-10
 Landas sa Wika 6, pahina 51-58
 Pluma 6, pahina 159-162

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


 Plaskard, tsart, larawan
 Laptop, projector, slides (power point presentation)
 https://school.quipper.com/.../gamit-ng-pangngalan-at-panghalip-sa
pakikipg-usap sa iba’t ibang sitwasyon
C. Integrasyon: Araling Panlipunan, Musika, English

IV. Pamamaraan
A. Pagsasanay
Ipakita ang mga larawan at gawan ito ng maikling kuwento o pangungusap.
B. Balik-aral
Sabihin kung ang salita ay tumutukoy sa tao, hayop, bagay, pook, gawa o
pangyayari:

probinsya ilog pagdalaw


kalabaw dalaga bukid
karagatan simbahan paaralan
mangga Roberto Gng. Myrna Solis
silya kaarawan kasalan

 Naaalala nyo pa ba kung ano ang mga tawag sa mga salitang ito?
(Maaaring sagot ay pangngalan)

C. Paghahanda
Ipabasa ang tula nang sabay-sabay.

Ang Batang Malusog


Ang batang malusog ay batang masaya
Katawan ay malakas at laging masigla
Malinis lagi ang buong katawan niya
Malayo sa mikrobyo, malusog kailanman

Masustansyang pagkain ang baon sa eskwela


Pagkaing pampalakas kahit murang-mura
Ang batang malusog ay yaman ng bayan
Ipagpatuloy mo ang magandang nasimulan
D. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
(Magpakita ng larawan)

(Ang anahaw ay ang


pambansang dahon sa
Pilipinas. Ito ay
ginagamit sa
paggawa ng bahay-
kubo.)

(Mataas lumipad ang agila. Ito ang ating pambansang ibon.)

(Ang mga magsasaka ay


nagtatanim ng palay.)

Ang sampaguita ay
napakabangong bulaklak. Ito
ang pambansang bulaklak ng
Pilipinas..
Masarap ang lechon. Ito ay paborito ng mga Pilipino tuwing may handaan.

2. Paglalahad
Ipabasa ang dayalogo.
Inay
tingnan ninyo ang mga litrato ko noong ako’y maliit pa. Ako ba ito? Sino
itong
batang
nasa tabi ko? Si ate ba ito?

Oo, ikaw nga iyan at ang ate mo. Ang iba naman ay ang mga p
mo. insan

Itanong:
Ano ang tawag sa mga salitang may bilog? Ano naman ang tawag sa mga salitang
may salungguhit?

3. Pagtatalakay:
Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na PANGHALIP, ito ang
pamalit o panghalili sa mga pangngalan ng tao, bagay, hayop, pook, gawa o
pangyayari samantala ang mga salitang binilugan ay tinatawag na PANGNGALAN
ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, gawa o pangyayari.

Gawin Natin:

A. Piliin sa loob ng panaklong ang tamang panghalip upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. “Nanay, nanalo po (ko, ako) sa pagtula,” malayo pa’y sigaw na niya. “(Heto, Hayun) po,
tingnan (nila, ninyo.)”
2. Ang poster (atin, natin) ay isinabit sa may pinto.
3. Si Rico at (ako, ka) ang mangunguna sa paglilinis ng mga kanal.
4. “Huwag kang mag-alala, Maria,” ang banayad na wika ni Jose. “Hindi (tayo, sila)
pababayaan ng Diyos.
5. Ako muna ang maglilinis ng (ninyo,ating) bakuran.

B. Iwasto ang mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng panghalip.

1.Si Paquita Tomenio Tagab (DCLM V-1) ang sumulat ng liriko ng Oras East Elementary
School Hymn noong taong 2000.

2. Sinabi ni Dr. B. C. Woverton na ang Areca Palm (Bunga) (DCLM IX) ay sinasala (filters)
ang xylene at toluene mula sa hangin kaya ito’y epektibong nagpapalamig at naglilinis ng
hanging ating nilalanghap.
3. Sina Mariz, Loida at Nita ay nagbaon ng masarap na Alisuso (DCLM VIII) sa kanilang
piknik.
4. Si Gng. Aida Sugalan Isaig (DCLM V-1) ay ang naging Tagamasid Pampurok sa
Mababang Paaralan ng Jipapad at San Policarpo E. Samar at siya ay nabigyan ng
parangal bilang Highest NAT Achiever sa Oras West Central Elementary School noong
siya’y malipat dito.

5.Masarap magtampisaw sa malamig at malinis na tubig ng Kiirum-kirum/Talipu-pu beach


resort (DCLM X) sa Brgy. Tawagan, Oras E. Samar na pag-aari ni Ginoong Teodolo M.
Coquilla.

6.Aleng Nita: “Raiza ano ba iyang hawak mo?


Raiza: SAN FRANCISCO (KALIPAYAN) (DCLM IX) po.
Aleng Nita: Ano ba ang gagawin mo dyan?
Raiza: Itatanim ko po ang SAN FRANCISCO.

Gawin Ninyo:
Ipagawa sa mga bata ang mga sumusunod na pangkatang gawain. Pangkatin ang
klase sa apat.

(Bago simulant ang gawain ipaalala sa mga bata ang panuto sa pangkatang gawain.)
MGA PANUTO SA PANGKATANG GAWAIN:
1.Sumunod sa panuto na iniatas sa bawat pangkat.
2. Makipagtulungan sa bawat miyembro ng pangkat.
3. Igalang ang ideya ng bawat miyembro ng pangkat.
4. Makinig at igalang ang bawat pangkat na magpapakita ng kanilang natapos na gawain.
5. Itabi ang mga materyales sa tamang lugar matapos gamitin.

Unang Pangkat:

Gamitin sa pangungusap ang bawat pares ng pangngalan at panghalip.


1. Kabataan - kami
2. Doon - kuweba
3. Mamamasyal - saan
4. Dr. Jose Rizal - siya
5. Angel, Anne at Nadine - sila

Ikalawang Pangkat:
Sumulat ng isang maikling tula at gamitin ang mga panghalip na napag-
aralan at pagkatapos bigkasin ito sa harap ng klase.

Ikatlong Pangkat:
Sumulat ng isang awit na may panghalip at pangngalan.

Ikaapat na pangkat
Bumuo ng mga pangungusap tungkol sa mga nakalarawan (larawan ng bilao, pugon,
dahon ng ikmo, pudpod (fish cake).

E. Paglalapat
Buuin ang diwa ng magkakaugnay na pangungusap. Bilugan ang tamang panghalip
sa loob ng panaklong.
1.Si Lina Globio Fabian (DCLM V-1) ay pangalawang anak nina Mamerto Aberia Globio,
isang mangingisda at Patrocenia Jaromay Globio, ulirang maybahay. ( Tayo, Siya, Kami) ay
naging Director ng Integrated Laboratory School (ILS) at LNU.
2. Ang KIRUM-KIRUM/TALIPU-PU beach resort (DCLM X) ay tanyag sa bayan ng Oras
E. Samar. (Ito, Heto, Dito) ay matatagpuan sa national highway ng Oras.
3. Si Gng. Virginia Mutia Raagas (DCLM 1) ay isang deboto ng simbahang Katoliko.
Katunayan (ako, ikaw, siya) ay isang aktibong miyembro ng Parish Pastoral Council of Oras
at kasalukuyang nagsisilbi bilang vice-president.
F. Paglalahat
Ano ang tawag sa salitang ginagamit natin na pamalit o panghalili sa
pangngalan? Ano naman ang pangngalan?
V. Pagtataya
Punan ng angkop na pangngalan at panghalip ang bawat patlang.
1. Mahal ________ ng Diyos kaya patuloy Siyang gumagabay sa atin.
2. Tama lang na pahalagahan ________ ang iba dahil iginagalang ka rin nila.
3. May kilala _______ bang Pilipinong natatangi?
4. Si _________ ay tinaguriang “Ina ng Katipunan”, siya ay naging huwaran ng
kababaihan noong panahon ng Espanyol.
5. Ang mag-alay ng buhay kahit matanda na para sa _________ ay kahanga-
hanga.

VI. Takdang-aralin
Gumawa ng isang sanaysay o dayalogo gamit ang pangngalan at panghalip.
Salungguhitan ang pangngalan at ang panghalip na ginamit.

Inihanda ni:

GNG. MARILYN R. CONOPIO


Teacher-III

Iwinasto ni:

G. ARSENIO C. CASPE
Master Teacher-I

You might also like