You are on page 1of 4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4

Kwarter 3
Long Test

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong, Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Maghapong nagbabantay si Roshan Gia sa kanilang paninda pero magiliw pa rin siya sa kanyang mga
mamimili. Tama ba ang kanyang ginawa?
A. oo C. siguro
B. hindi D. wala sa nabanggit
2. Ang sumusunod ay mga magagandang katangian ng isang entrepreneur, maliban sa isa. Alin dito?
A. masipag C. mandaraya
B. matulungin D. may tiwala sa sarili
3. Anong uring negosyo ang nag-aalok ng pagkain, gamot, damit, kasangkapan at kagamitan?
A. serbisyo C. wala sa nabanggit
B. produkto D. lahat ng nabanggit
4. Nagkakaloob ito ng talento, husay o skills, lakas at kaalaman kapalit ng kabayaran. Anong uri ng
negosyo ito?
A. produkto C. wala sa nabanggit
B. serbisyo D. lahat ng nabanggit
5. Bakit mahalagang taglayin ng isang entrepreneur ang mga magagandang katangian sa pagnenegosyo?
A. upang purihin siya ng mga tao
B. upang sumikat ang kanyang negosyo
C. upang kasiyahan siya ng kanyang mga kalaban sa negosyo
D. upang maging kasangkapan niya sa ikatatagumpay ng
kanyang negosyo
6. Si Marco ay may lumalagong negosyo sa palengke. Minsan di niya agad maihatid ang mga orders sa
kanyang customer dahil walang gagawa nito, kung ikaw si Marco ano and dapat mong gawin?
A. Bayaan na lang na hindi mabigyan ng orders ang kustumer.
B. Kukuha ng karagdagan tao na siyang gagawa ng trabaho.
C. Ihatid ang mga orders kung may oras na.
D. Kalimutan na lang ang mga orders.
7. Mayroon kayong sari-sari store. Bilang isang bata, paano mo mapapahalagahan ito upang lumago ang
negosyo ninyo?
A. Tutulong ako sa pagtitinda matapos kong gawin ang mga gawain
sa bahay
B. Tutulong ako sa nanay sa tindahan kung may kapalit na suhol.
C. Hayaang si tatay at nanay ang mag-asikaso sa tindahan.
D. Tutulong ako kung tapos na ako maglaro.

8. Si Aling Mina ay isang may ari ng kainan kung saan marami ang kumakain dito. Anong uri ng nigosyo
ang kanyang ibinibigay?
a. Serbisyo b. nigosyo c. Produkto D. Pautang
9 . Ang paggamit ng computer ay nakakatulong sa mga mag-aaral sa pagsasaliksik ng mga aralin.Alin sa
mga sumusunod ang dapat gawin pag ikaw ay aasa computer laboratory?
A. Deretsong gagamit ng computer.
B. Kumain habang gumagamit ng computer.
C. Sumunod sa mga alituntuning itinalaga ng paaralan.
D. Magkaroon ng password na madaling mahulaan ng iba.
10. Si Aljun ay nakapasok sa hindi rehistradong site kung saan may mga lathalain na ipinagbabawal.
Paano niya ito mabibigyan ng solusyon mula sa nakitang impormasyon o lathalain sa computer na hindi
angkop sa sarili at edad.
A. I shutdown agad ang computer.
B. Ibahagi ang nakitang lathala sa iba
C. Umalis sa site at mag-access sa iba.
D. Panoorin nang mabuti ang nakalathala
11. Anong uri ng software naidinisenyo upang manira ng sistema ng kompyuter?
A. adwares B. malware C. virus
12. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng virus at malware sa kompyuter?
A. paglagay ng anti-virus
B. pagiiscan ng mga dokumento
C. pagbisita sa mga site na may mga kompromisong laman.
13. Paano matutukoy kung may virus ang kompyuter?
A. biglaang pag restart ng kompyuter.
B. hindi pagbabago ng anyo ng kompyuter.
C. paggana ng anti-virus software ng kompyuter
14. Paano natin pangangalagaan ang ating kompyuter upang maiwasan ang virus?
A.hindi paglagay ng antivirus
B. regular napag-iiscan ng mga dokumento.
C. pagbukas ng website na hindi kapakinabangan.
15. Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa malware at virus sa computer?
A. upang maiwasan ang pagkalat nito sa kompyuter at
malaman natin ang dapat gawin.
B. upang madaling masira ang kompyuter.
C. para laging bago tingnan ang kompyuter.
16. Si Rabiya ay magpapadala ng email sa kanyang ina upang
ibahagi ang kanyang mga markang natamo sa unang semester
ng taon. Alin sa sumusunod ang dapat niyang gawin?
A. Gagamit ng email ng kanyang kaibigan.
B. Ipadala ito gamit ang sariling email.
C. Ipapagawa ito sa iba.
D. Isangguni ito sa guro.

17. Ang pagsunod sa wastong pamamaraan sa ligtas at responsabling paggamit ng ICT sa pagkuha ng
mga impormasyon
ay ang sumusunod maliban sa:
A. makaligtas sa viruses, adware at spyware
B. maproteksyonan laban sa Theft Identity
C. madaling makapasok sa iba’t ibang site
D. makaiwas sa Cyber Bullying

18. Ang sumusunod ay maaring idulot kung ang personal na


impormasyon habang gumagamit ng internet ay ibabahagi sa
iba , maliban sa:
A. Maaaring gamitin ng ibang tao sa paggawa ng kremin.
B. Malalagay sa panganib ang buhay ng isang tao.
C. Magdudulot ng problema sa hinaharap.
D. Magiging ligtas ang isang tao.

19. Magiging kapakipakinabang, kasiya-siya at makabuluhan ang paggamit ng kagamitan at pasilidad ng


Information Communication Technology (ICT) katulad ng computer, internet at email kung:
A. may kaakibat na responsibilidad at pag-iingat sa
paggamit
B. ginagawa ito ng mabilisan at walang pakialam
C. pagiging pabaya sa personal na impormasyon
D. ginamit sa paghayag ng hinaing sa buhay

20. May nais isaliksik ang iyong kapatid. Gusto niyang makakuha ng
sapat na kaalaman sa minerals na bumubuo sa lupa. Alin kaya sa
sumusunod ang sabihin mong dapat niyang iwasan?
A. Gumamit ng sariling account.
B. Humanap ng ligtas na website.
C. Ibigay ang personal na impormasyon kung may hihingi.
D. Magtakda ng tiyak na oras pag gumamit ng internet.

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP 4)


TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Unang Linggo – Ikatlong Linggo

Layunin Bilang ng Kinalalagyan %


Aytem
1. Naipapakita ang magandang katangian ng isang entrepreneur sa
2 1-2 10
pagninigosyo
2. Nakikilala ang mga katangian at ang ibat ibang uri ng nigosyo 2 3-4 10
3. Naipapaliwanag ang magagandang katangian ng isang entrepreneur
1 5 5
sa ibat ibang uri ng nigosyo.
4. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng entrepreneurship 2 6 -7 10
5. Nalalaman ang ibat ibang uri ng pagninigosyo
1 8
6. Nakatutukoy sa mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet
1 9 5
at email
7. Naibabahagi ang kaalaman at kahalagahan ng wastong paggamit ng
1 10 5
computer, internet at email.
8. Nakikilala ang mga malware o virus sa computer 1 11 5
9. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
2 12 - 13 10
computer virus.
10. Napapahalagahan ang mga paraan kung paano maiwasan ang mga
2 14 -15 10
malware at computer virus.
Nakapagtatamo ng kaalaman sa ligtas at responsableng
pamamaraan sa paggamit ng computer, internet at email bilang 2 16-17 10
pinagkukunan ng iba’t-ibang uri ng impormasyon.
Naibabahagi ang kaalaman sa ligtas at responsableng
pamamaraan sa paggamit ng computer, internet at email 3 18-20 20
bilang pinagkukunan ng iba’t-ibang uri ng impormasyon.
Total 20 100%

ANSWERS KEY

1. A 6. B
2. C 7. A
3. B 8. A
4. B 9. C
5. D 10. C

You might also like