You are on page 1of 4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5

Kwarter 3
Long Test

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong, Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang sariling kasuotan. Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang sa wastong pag-aalaga ng sariling kasuotan?
A. Iwasang umupo sa mga maruruming lugar
B. Huwag gamiting pamunas ang damit
C. Isuot ng buong ingat ang damit upang hindi mapunit
D. Ihalo ang puti at de-kulay kapag naglalaba

2. Nadumihan ang puwit ni Carlo dahil sa paglalaro kasama ang mga kaibigan. Paano niya ito maiiwasan?
A. Iwasang umupo sa mga maruruming lugar
B. Huwag gamiting pamunas ang damit
C. Isuot ng buong ingat ang damit upang hindi mapunit
D. Wag ihalo ang puti at de-kulay kapag naglalaba

3. Bilang isang anak, paano mo mapapangalagaan ang iyong mga damit?


A. Gamitin ang uniporme sa kahit anong okasyon
B. Magpalit agad ng damit kung galling sa lakad o laro
C. Ang puti at de-kolor na dapit ay isabay sa paglalaba
D. Ang ginamit na damit sa umaga ay ito rin ang gamitin sa pagtulog

4. Meron kang iniingatang damit subalit hindi mo na ito kasya, ano ang gagawin dito?
A. Gawing souvenir B. Gawing basahan
C. Ipahiram sa kapitbahay D. Ibigay sa mas nangangailangan

5. Nakita mo ang iyong kaibigan na umupo sa maruming upuan,napansin mong nakasanayan na niyang umupo
kung saan saan. Bilang kaibigan, anu ang iyong gagawin?
A. Pupuntahan siya at sabihing wag umupo kahit saan-saan
B. Pupuntahan saiya at pagalitan
C.Pupuntahan siya at ipahiya sa iba
D. Hayaan na lang siya

6. Naglalaro ng basketbol ang magkaibigang Carl, John at Ryan. Basang-basa na sila ng pawis. Nakita mong
damit nila ang ginagamit pamunas ng pawis. Tama ba ang kanilang ginagawa? Bakit?
A. Tama, dahil pinunasan nila ang kanilang pawis
B. Mali, dahil hindi angkop ang ginamit nila na pamunas
C. Tama, dahil hindi sila nagpatuyo ng pawis sa katawan
D. Wala sa nabanggit
7. Papasok si Rey sa paaralan. Nakita niyang lukot-lukot ang kanyang umipormeng susuotin. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Susuotin nalang ang uniporme baka mahuli sa klase
B. Hindi nalang papasok sa paaralan dahil lukot-lukot ang uniporme
C. Hihingi ng tulong sa mga nakakatanda upang plantsahin ang uniporme
D. Hindi nalang magsusuot ng uniporme
8. Buong araw naglalaro ang iyong kapatid. Dahil sa matinding pagod ay nakatulog ito ng hindi nakapagpalit ng
damit pantulog. Bilang nakakatandang kapatid, ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan nalang ito dahil pagod sa kakalaro
b. Gigisingin ito at pagbihisin ng damit pantulog
c. Isumbong ito kay inay
d. Lahat ng nabanggit
9. Nang sumakay ka sa dyip, hindi mo namalayan na nakaupo ka ng chewing gum,ano ang gagawin mo upang
matangga ito sa damit mo?

A. Labhan kaagad.
B. Lagyan ng mainit na tubig at kuskusin ito.
C.Lagyan ng mantika upang lumambot at matanggal ito.
D.Lagyan ng yelo ang damit upang tumigas at kuskusin ito ng kamay.

10.Naglalaba ang kapatid mo at napansin mong hindi niya sinunod ang wastong paraan ng paglalaba, ano ang
gagawin mo?

A. Pagagalitan ko siya.
B. Ako na lang ang maglalaba
C. Hayaan siyang gawin ang gusto niya.
B. Papayuhan at tuturuan ko siya kung paano maglaba.

11. Ang sumusunod ay mga salik sa paghahanda ng pagkain


maliban sa:
A. pagsunod sa resipe
B. dalawang beses ang paghanda ng pagkain
C. gumawa ng Talaan ng Putahe (Menu Pattern)
D. isaalang-alang ang Tatlong Pangkat ng Pagkain
12. Isa sa mga salik sa pagpaplano ng masustansiyang pagkain para sa pamilya ay ang pagsaalang-alang sa
tatlong pangkat ng pagkain. Sa anong pangkat nabibilang ang mga gulay at prutas?
A. fats C. go
B. glow D. grow
1 3.Alin sa sumusunod ang isa sa mga alituntunin sa paggawa ng menu?
a. Magplano ng menu para sa ilang araw o isang linggo.
b. Ihanda ang talaan o listahan ng mga bibilhin.
c. Isaayos ang lahat ng mga kasangkapan na gagamitin sa pagluto.
d. Gawing kaakit-akit at masarap ang pagkaing iluluto.
14.Sa paggawa ng talaan ng putahe o meal pattern, ano ang unang isinukat para sa agahan?
A. Inumin C. Pagkaing mayaman sa protina
B. kanin D. Prutas
15. Binigyan ka ng nanay mo ng pera pambili ng mga sangkap sa isang putahe na lulutuin para sa kaarawan
niya. Ano ang gagawin mo?
A. Bumili kaagad ng mga sangkap.
B. Magpatulong sa kaibigan sa pamimili.
C. Ibigay ang pera sa kapatid na marunong magluto.
D. Planuhin muna kung ano ang lulutuin na naaayon sa badyet na
binigay ng iyong nanay.

16. Ang _________ ay isang paraan gamit ang kamay sa


pag-aalis ng balat.
a. Pagbabalat
b. Pagkikiskis
c. Paghihiwa
d. Paghahalo.

17. Ang paglilitson ay paraan ng pagluluto sa______.


a. Mantika
b. Hurno o ibabaw ng nagbabagang uling
c. Pagsisingaw
d. Pagigisa

18. Ang ______ay paraan ng pagdududurog ng mga pagkain


ng mga paminta, mani, balat ng hipon na ginagamitan ng
almaris upang ito ay maisagawa.
a. pagdidikdik
b. Pagbabati
c. Paghahalo
d. Pagsasala

19. Ano ang dapat at unang gawain bago maghanda at mag-


ayos ng hapag kainan.
a. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemats
sa lugar ng bawat taong kakain.
b. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos maghanda at
mag ayos ng hapag kainan.
c. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag kainan.
d. Punuin ang pagkain ang pinggan.

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin habang


nasa hapag kainan?
a. Magpakita ng kagandahang asal habang nasa hapag
nasa hapag kainan
b. Magsunod sa tamang panuntunan sa pagkain angkop sa
kung ano may kultura mayroon ka.
c. Magkwento ng malulungkot na mga pangyayari habang
nasa hapag kainan.
d. Magpakita nang wastong paraan sa paggamit ng kub- yertos.
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP 4)
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Unang Linggo – Ikatlong Linggo


Bilang ng
Layunin Kinalalagyan %
Aytem

1. Naiisa – isa ang mga paraan ng pangangalaga sa sariling


2 1-2 10
kasuotan.
2. Napapahalagahan ang sariling kasuotan 2 3-4 10
3. Natutukoy ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang
4 5-8 20
kasuotan
4. Nakapagpapakita ng wastong paraan ng pag alis ng mga
1 9 5
mantsa
5. Natutukoy ang wastong paraan ng paglalaba; 1 10 5
6. Nakahahanda ng isang meal plan o meal pattern ayon sa badyet
5 11-15 25
ng pamilya;
7. Naisasagawa o naisasaalang-alang ang wastong paghahanda ng
mga sangkap,pag-aayos ng hapagkainan at alintuntunin 5 16-20 25
pangkalusugan at pangkaligtasan
Total 20 100%

ANSWERS KEY

1. D 6. B
2. A 7. C
3. B 8. B
4. D 9. B
5. A 10. B

You might also like