You are on page 1of 17

Y.

U The Series
Episode 4

INT. Apartment - NIGHT

Aalalayan ni Harvey papasok ng kwarto ang lasing na si Tristan.

Harvey
Saan ka ba galing.. naparami ata inom mo?

Mapapansin nito ang pasa at dugo sa parteng labi ni Tristan.

Harvey
Hoy ano nangyari sayo 'bat may mga pasa ka?

Inaakay nya ito hanggang makarating sa kama at doon ay ihihiga niya si Tristan.

Harvey
Ano ba pinag gagawa mo ha tristan? Sino may gawa sayo nyan?

Tristan
Eh... sira-ulo yung mga naka salubong ko eh... ang sasama makatingin... kaya pinag sasapak ko...
eh lumaban kaya napa riot ako na wala sa oras...

Harvey
Tristan, napaka delikado nung ginawa mo!! Paano kong pinuruhan ko ng mga yun?

Tristan
Sus walang binatbat...

Kukuha si Harvey ng maliit na planggana na may maligamgam na tubig at ipupunas sa lasing na


lasing si Tristan. Pilit na iiwasan ang pasa sa mukha.

Harvey
Buong araw kaming nag alala sayo.. hindi kanamin ma contact.. yun pala nag lalasing kalang!

Pag katapos punasan ay isa-isang huhubarin ni Harvey ang suot ni Tristan. Mag sisimula sa pang
itaas na T-shirt.

Tristan
Anong ginagawa mo....?

Harvey
Binibihisan ka.. ang baho ng suot mo pinag halong amoy alak at pawis!

Pag kaalis ng t-shirt ay pupunasan ng bimpo ni Harvey ang dibdib ni Tristan, pag mamasdan nya
ito at mapapalunok. Pa unti-unting baba ang bimpo sa mga abs. Bahagyang babangon si Tristan.

Tristan
Mabaho na ba ako? (Titig kay Harvey)

Harvey
Ha... ahh oo.. nakakahilo na yung amoy mo..

Tristan
Sige... ikaw na bahala sa akin.... (muling hihiga at pipikit)

Muling itutuloy ni Harvey ang pag pupunas ng bimpo sa katawan ni Tristan. Dahan dahang
kakalasin nito ang sinturon, bubuksan ang butones ng pantalon at zipper.. hihilain nito pababa
ang pantalon. Isasabay nadin ang pag tanggal ng mga sapatos at medyas hanggang sa boxer
shorts nalang ang matirang suot ni Tristan. Pag katapos punasan ang halos buong katawan nito ay
kanya na nya itong kukumutan. Uupo ito sa gilid ng kama at pag mamasdan ang tulog na si
Tristan.

Harvey
Hindi mo naman kailangan lumayo at mag lasing pa eh.. kung kailangan mo ng kausap nandito
naman ako... (hahaplusin ang mga pisngi ni tristan)

Mapapatitig si Harvey sa mga labi ni Tristan.. mapapalunok ito ng ilang ulit. Unti-unting ilalapit
ang mukha nito kay tristan. Akmang hahalikan nya ang tulog paring si Tristan. nang halos mag
kadikit na ang mga labi ay agad na ilalayo ni harvey ang mukha nito.

Harvey
Shit.. ano ba 'tong pinag gagawa ko...

Mag mamadaling tatayo si Harvey ng biglang hawakan ni Tristan ang braso nito na ikakagulat nya.

Harvey
Tristan?

Tristan
'Wag kang aalis... dito kalang sa tabi ko.

Harvey
Ha.. ahh sige.. hindi ako aalis..

Muli itong babalik sa pag kakaupo sa tabi ni Tristan.


Tristan
Salamat..

INT. Apartment - Day

Magigising si Harvey sa ingay ng mga kalampagan ng mga kutsara at pinggan. Makikita nito si
Tristan na nag hahanda sa mesa.

Harvey
Ang aga naman mag-ingay..

Tristan
Oh gising kana pala! Tara bangon na sabay na tayong mag breakfast.

Babangon si Harvey at mauupo sa harap ng mesa.

Tristan cont.
gumising ako ng maaga para 'dyan pinag hirapan ko yan sana magustuhan mo..

Harvey
Para saan 'to? I mean 'bat ka napabangon ng maaga para dito?

Tristan
Ahh.. wala naman... trip ko lang.. bakit bawal ba?

Harvey
Hmmm...
tatanggalin ni Harvey ang takip sa mga pag kaing inihain ni Tristan. Matatawa siya ng makita ang
mga naka hain.

Harvey
Hmm (natatawa) parang kilala ko yang mga hotdogs na yan... pati rin 'tong tocino...

Tristan
Ahh.. oo na sige na binili ko mga yan sa canteen sa baba! Nakakatamad kayang bumaba sa
umaga! Kaya pinag hirapan ko din yan no!

Harvey
Oo na sige na.. wala namn akong sinabing iba ah?

Tristan
Parang ayaw mo naman eh...
Harvey
Parang wala akong naalalang may sinabi akong ayaw ko..mabuti pa kumain nalang tayo at
nagutom na ako.

Sabay na kakain ang dalawa.

Tristan
Ahh.. Harvey...

Harvey
Yes?

Tristan
Ahhh... yung tungkol nga pala kagabe....

Pasimpleng kakabahan si Harvey sa narinig. Mag pa-flashback ang mga nangyari kagabe.

Harvey
Ahhh.... ano tungkol sa kagabe?

Tristan
Naalala ko kasi yung mga ginawa mo...

Matataranta si Harvey

Harvey
Huh? Ahhh ano... ahhh ang sarap nitong hotdog no? Parang iba ata ang pag kakaluto nila ngayon
no?

Tristan
Ang layo naman ata ng Hotdog tungkol sa nangyari kagabe?

Harvey
Nangyari kagabe? Ahhh... ano bang naalala mong nangyari kagabe?

Tristan
Ang naalala ko lang is lasing na lasing na ako tapos masakit pa katawan ko dahil sa pambubugbog
nung mga nakaangasan ko.. pag dating ko inalalayan at inasikaso mo ako..

Harvey
Ha.. ahh oo.. gulat nga ako kasi may mga pasa ka..

Tristan
Gusto ko lang sana mag pasalamat.. sa pag aasikaso mo saken kagabe.. pati nadin sa pag gamot
mo ng mga sugat ko..

Harvey
Ahh yun ba? Sus wala yun..

Tristan
Salamat..

Harvey
Ok ngalang yun (ngingiti) tama na nga yang drama mo mabuti pa kumain kana mauubos ko na oh!

Tristan
Woy hati tayo dyan!

Magpapatuloy sa pag kain habanv nag bibiruan.

Tristan
Ahh.. maaga ba uwi mo ngayon?

Harvey
Hmmm dalawa lang naman subjects ko today.. kaya baka after lunch nandito na ako.. bakit?

Tristan
Ahh.. labas tayo mamaya? Samahan mo ako manood ng sine?

Harvey
(Mangingiti) Oo ba hindi ko yan tatanggihan basta libre mo!

Tristan
Oo na ako nag aya eh!

Harvey
O sige uuwi ako ng maaga.

EXT SCHOOL Grounds DAY

Claire
Hay nako seb ha nawiwili ka sa kopya!

Seb
Sige na claire ngayon lang naman ulit.

Claire
Ano ba kasi ginawa mo kagabe at hindi mo nagawa assignments natin?
Seb
Hmm medyo busy lang at napuyat..

Claire
Sa ano? Kaka ML? Pag pinakopya kita ngayon parang kinunsinte ko nadin yang ugali mong yan!

Seb
Hala grabe sya ang lala na ng sinasabi mo (matatawa)

Dadating si Harvey.
Harvey
Ano yang pinag uusapan nyo ha? Parang ang seseryoso nyo?

Seb
Hay nak buti naman at dumating kana Harvey! Itong si Claire napaka damot ayaw ako pa
kopyahin ng assignment natin.

Harvey
Kopya nanaman? Hindi mo ba nagawa kagabe?

Claire?
See? Paano nya magagawa mas inuna nanaman pag e- ML nya!

Seb
Sorry na nga please... matitiis nyo ba ako?

Harvey
Kaw talaga.. o sige na kopyahin mo na 'tong saken.. pero sa susunod hindi na pwede yung ganyan
ha?

Seb
Yown! Napaka bait mo talaga! Hulog ka ng langit! Hindi tulad ng isa dyan!

Claire
Hay nako ewan ko sayo!

Harvey
Tama na yan baka mag kapikunan pa kayo. Seb bilisan mo yan maya maya start na klase natin.

Claire
Nako, kanina pa ako pikon dyan!

Harvey
(Natatawa) yaan mo na..

Claire
Nako maiba tayo. So ano kamusta si Tristan? Na banggit ba nya sayo kung saan nya nakuha yung
mga sugat at pasa nya na kinwento mo saken kagabe?

Harvey
Ok naman na sya. Nakakabigla nga din eh kagabe lasing na lasing sya at bagsak na bagsak..
naramdaman ko natalagang apektado sya sa pag babalik nung Zoe, pero kaninang umaga ibang -
iba naman sya. Parang ang saya na nya.

Claire
Paanong masaya?

Harvey
Gumising ng umaga at nag efort sa pag hahanda ng breakfast naming dalawa!

Claire
Luh... seryoso? Pinag handaan ka ni Tristan ng breakfast?

Harvey
Oo! Tapos nag aya pa manood ng sine mamaya.

Claire
OMG! Ano nangyari dun? Bakit may biglang paganun? Ano date?

Harvey
Date ka dyan! Walang ganun.. hangout lang..

INT Apartment DAY


Katatapos lang ag bihis ni Tristan ng syang pag dating ni Harvey galing school.

Tristan
Oh, ang aga mo ah?

Harvey
Maaga natapos yung last subject namin

Tristan
Hmm excited ka lang eh

Harvey
Isa nadin yun! Hahaha ah wait bago tayo umalis kainin muna natin to!
Ipapakita ang bitbit nitong plastic na may lamang street foods.

Tristan
Ano yan?

Lalapit sa mesa si Harvey at i hahain ang dala.

Harvey
Street foods! Masarap 'to!

Tristan
Ha? Ahhhhh sure ka?

Harvey
Sure akong masarap? Oo naman lagi akong kumakain nito at hindi ako nag sasawa. Bakit ayaw mo
ba?

Tristan
Ahh hindi naman sa ayaw pero hindi kasi ako masyado sa street foods..

Harvey
Ah ganun ba? Oh 'di sige ako nalang kakain.

May kakatok

Tristan
Oh sino yun? May inaasahan kabang bisita?

Harvey
Huh? Wala, alam naman nila Claire at seb na aalis tayo kaya hindi yun pupunta.. wait tingnan ko
kung sino..

Tristan
Hindi na, ituloy mo na yung pag kain mo ako na mag bubukas.

Pag bukas ng pinto ay agad na bubungad si Zoe.

Zoe
Hi.. Love?

Tristan
Zoe? Ano ginagawa mo dito?

Zoe
Hindi mo manlang ba ako muna papapasukin?

Tristan
Ahh sorry...come in...

Zoe
Thank you.

Pag kapasok ni Zoe ay agad nitong mapapansin si Harvey

Zoe
Oww may bisita ka pala Love?

Tristan
Hindi ko sya bisita. He is my room mate.

Titigil sa pag kain si Harvey at mag papakilala

Harvey
Ahh hi.. ako pala si Harvey..

Zoe
Hello nice meeting you..buti natatagalan mo ugali nitong boyfriend ko! Eh napaka sungit at
mainitin ang ulo nito eh hehe

Tristan
Zoe!

Harvey
Ahh noong una lang naman pero ok naman sya kasama sa kwarto..

Zoe
Nice to hear that! Oh by the way i have something for you love! (Ipapakita ang dala nitong pag
kain)

Zoe
Tadaaa! Pizza! Our favorite! Hawaiian flavor syempre!

Tristan
Zoe.. hindi mo naman na kailangan pa..

Zoe
(Sisingit sa pag sasalita ni Tristan)
Ahh wait i prepare ko lang..
Lalapit sa mesa at mapapansin ang mga street foods na nasa mesa.

Zoe
What's that?

Harvey
Ahh mga street foods.. gusto mo? Marami-rami 'to ayaw ni Tristan eh.

Zoe
Ahh no thanks! I don't eat street foods.. ohh wait don't get me wrong ha?

Harvey
Ah, okay..
O sige guys iwan ko na muna kayo ha?

Tristan
Oh bakit? Saan ka pupunta? Kumakain ka pa diba?

Harvey
Ahh later nalang ulet.. para makapag usap kayo ng may privacy.

Tristan
No! Dito kalang.. tara kakain tayo..
(Hahawakan nito sa braso si Harvey at hihilain pabalik sa mesa)

Zoe
Ahh yes you don't need to go naman..

Matapos ma buksan ang kahin ng pizza ay nakaupo na ang tatlo at mag sisimulang kumain. Ilalayo
ni Zoe ang mga street foods.

Zoe
Alam nyo mabuti pa wag nyo na kainin yan. Naka expose yan sa kalye eh, for sure marami ng
bacteria ang nakakapit dyan.

Ilalapit ni Zoe ang pizza kay Tristan

Zoe cont.
Ito ang kainin mo love favorite natin to diba?

Tristan
Oo, pero nag bago na ako ng paborite eh.. (aabutin ang street foods) ito na ang gusto ko ngayon..
Harvey
Ha? Eh diba sabi mo..

Tristan
Alam mo kumain kana..

Zoe
Pero love.. diba itong pizza ang madalas nating kainin before? Everytime na mag kasama tayo
hindi pwedeng walang pizza..

Tristan
But that was before... nag babago ang lahat.

Harvey
Ahh Zoe try mo malinis naman 'to eh..matagal na akong kumain nito so far ok naman ako hehe

Zoe
Ah no thanks!

Harvey
Ahh sige..

Kukuha ng isaw at ipapatikim kay Tristan.

Harvey
Lam mo, tristan try mo 'to.. sobrang sarap!

Tristan
Ahhh ganun ba Harvey.. (pandidilatan si Harvey..gustong iparating na ayaw nya)

Harvey
Oo tristan tikman mo dali.. (susubuan)

Tristan
Hehe ang sarap hmm favorite ko 'to eh (pilit na nginunguya ang isaw)

Harvey
Tapos ito pa kwek kwek! (Susubuan ulit)

Naiinis na pinanood lang ni Zoe ang dalawa.

INT kusina Day

Kausap ni Harvey si Claire sa cellphone.


Claire
Aba ha! Napaka wrong timing naman nyan! Kung kelan lalabas kayo saka naman dumating?

Harvey
Nagulat nga din kami eh..

Claire
Nako ha! Nakakairita! Napaka epal! Eh nasaan sila ngayon?

Harvey
Nandun sa labas nag uusap..

EXT Hallway Day

Zoe
I had so much fun! Infairness sa roommate mo nakakatuwa sya napaka maasikaso sayo.. kulang
nalang subuan kana!

Tristan
Zoe please next time..text me first bago ka pumunta? Kasi tulad ngayon may lakad dapat kami
eh..

Zoe
Ah sorry love.. sige next time ill call you first.

Tristan
And please.. 'wag mo na sana akong tatawaging love.. lalo na sa harap ng ibang tao..

Zoe
Pero love..

Tristan
Please? and zoe ano ibig sabihin nito? I mean,, yung pag punta mo? Bakit?

Zoe
Love.. Tristan... alam ko naman na you knew why em i here! I wanna fix things up..

Tristan
Wala namang dapat ayusin..

Zoe
Tristan im serious.. i want you back!
Tristan
I'm sorry but don't waste your time.. listen to me.. after you left me.. dun nadin natapos ang lahat
sa 'tin Zoe.. Okay na ako eh.. naka moved on na'ko and im happy now.

Zoe
Don't say that Tristan.. please...

Tristan
I'm sorry Zoe..

Zoe
Ahhh.. Paki sabi nalang kay Harvey na i have to go. So see you again love ha?

Tristan
Zoe?

Zoe
Sige bye.

Pag mamasdan ni Tristan si Zoe papalayo.

INT. Apartment Day


Katatapos lang ni Harvey mag linis ng pinag kainan at nakaupo ito sa kama. Maya-maya ay
dadating si Tristan

Harvey
Oh asan na si Zoe?

Tristan
Wala na umalis na. So ano tara?

Harvey
Ahh tristan medyo hapon na kasi eh.. may mga assignments pa kasi akong gagawin..

Tristan
Ganun ba? Hays nakakainis naman! Bakit kasi dumating pa si Zoe!

Harvey
Hayaan mo na.. marami pa namang next time.

Tristan
Oh sige..

INT. APARTMENT NIGHT


Katatapos lang ni Harvey sa mga assignments at isa-isa ng inililigpit ang mga gamit nito. Maya-
maya ay dadating si Tristan.

Tristan
Oh tamang tama ata dating ko ah?

Harvey
Katatapos ko lang

Tristan
Yown! So pwede na nating enjoyin 'to?
(Ipapakita ang bitbit)

Harvey
Ano yan?

Tristan
Eh di yung paborito mong crinckles..

Harvey
Wow seryoso? Sakto kanina pa ako nag ke-crave sa crinkles! Mas masarap yan kung sasabayan
natin ng gatas!

Mauupo si tristan habang kumukuha ng gatas si Harvey. Pag kaupo ay sabay na kakain.

Tristan
Hindi kasi tayo natuloy mag sine kanina kaya yan nalang muna libre ko sayo.

Harvey
Hindi mo naman ako kailangan pang ilibre. Kung iniisip mo yung kagabe, ok lang naman yun eh..

Tristan
Salamat.

Harvey
So.. kamusta kanaman na? Ok na kayo ni Zoe?

Tristan
Ok lang ako.. well im trying to be ok..

Harvey
Bakit?
Tristan
Hay.. sa totoo lang magulo isip ko ngayon.. hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayong
nakikita ko na sya ulit.

Tahimik na nakikinig si Harvey

Tristan cont.
Ok na ako eh.. nasasanay na akong wala sya.. pero akala ko lang pala yun. Nung nakita ko sya ulit
bumalik yung sakit na naramdaman ko nung unang araw na iniwan nya ako..

Harvey
Kung sa bagay.. mahirap nga 'yang sitwasyon mo ngayon.. pero 'wag ka mag alala magiging ok din
ang lahat.

Tristan
Sana nga..kasi ayoko ng mag tagal yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Aabutan ni Harvey ng crinckles si Tristan.

Harvey
Oh.. alam mo pag nalulungkot ako.. isa 'tong crinkles sa mga nag papasaya sakin.. parang may
magic eh..

Tristan
Sana ganun lang kadali no? Yung kakain lang ako nito tapos ok na ang lahat..

Harvey
Bakit di mo subukan?

Kukuhain ni tristan ang inaabot ni harvey na crinkles at kakainin, mag kakangitian ang dalawa.

Harvey
So ano?

Tristan
Hay nako oo nalang! Buti nalang masarap kaya iisipin ko nalang na maniwala sa sinasabi mo.

Harvey
(Natatawa) Eh bakit sa akin tumatalab naman?

Tristan
(Titig kay Harvey at ngingiti)
Ang cute mo rin eh no? Para kang bata.
Bahagyang mag papacute si Harvey

Harvey
Bakit mukha naman talaga akong bata ah?

Tristan
Wag mo ng uulitin yan ha? Nakakasuya!

Mag tatawanan ang dalawa.

EXT Hallway Day

Naglalakad sila Tristan at Rico bitbit ang mga gamit sa photography galing sa isang event.

Tristan
Ang saya ng event no? Isa yata yun sa pinaka magaan na event na na i photo coverage natin.

Rico
Oo nga eh, taas nga ng energy mo kanina.. medyo nanibago ako sayo.

Tristan
Ha? Anong ibig mong sabihin?

Rico
Akala ko kasi.. wala kananaman sa mood today.. kasi nga dahil sa pag dating ni zoe.. pero iba ha
sobrang taas ng energy mo at parang ang saya mo pa.

Tristan
Oh bakit ayaw mo ba ng ganoon? Atleast magaan yung vibe kanina diba?
Saka yung tungkol kay Zoe.. Oo nung una naapektuhan talaga ako..pero wala eh iba ata talaga
epekto pag may nakakausap ka sa bahay..

Rico
So ibig mong sabihin natutulungan ka ni Harvey?

Tristan
Surprisingly! Ewan pero lately na a-appreciate ko yung kabaitan nya. Ang gaan nya lang kasama at
kausap.

Rico
Dati ko panaman sinasabi yan sayo eh.. ewan ko ba at ang init ng dugo mo sa kanya dati.

Tristan
Well dati yun.
Makikita ni Harvey ang parating na si Claire.

Tristan
Si Claire yun diba? Ano ginagawa nya dito?

Rico
Ahhh nandyan na pala sya. Tristan ok lang ba itsura ko?

Harvey
(Mangingiti)
Hmmmm may something ba kayong dalawa?

Claire
Hi Tristan hi Rico!

Tristan
Hello Claire, oh bakit nandito ka? May pinuntahan kabang malapit dito?

Claire
Ahh wala naman.. hindi ba nabanggit sayo ni Rico?

Tristan
Na? Hmmmm ano to may date kayo?

Rico
Ahhh Harvey... mauna na kami ha? May pupuntahan lang kami ni Claire...

Tristan
Ahhhhh (matatawa) oh sige ingat nalang kayo.. Enjoy!

You might also like