You are on page 1of 15

Y.U? Why you?

The series

EPISODE 1

"Hello Roommate"
EXT. PARK - DAY - RUNNING

Pawisang nag jo-jogging si TRISTAN 23, Moreno may magandang pangangatawan. Kahit na
pawisan na sa pag takbo ay lutang na lutang parin ang kagwapuhan nito. sa likuran naman ay
kasunod niya ang matagal ng kaibigan at partner sa Photography business na si RICO 27, Hingal
na humahabol ito kay Tristan. Mapapahinto ang dalawa upang saglit na uminom ng baong tubig.

TRISTAN
(Mang aasar)
Ano na? Wala kanaman eh, ang bilis mong mapagod!

RICO
Oh eh di ikaw na, ikaw na matibay! Alam mo naman na hindi ko 'to hilig sumama lang ako kasi
nag pasama ka.

TRISTAN
Aba so nangongonsensya ka? Haha sabihin mo tumatanda kana talaga! Kaya ang bilis mo ng
mapagod!

RICO
Wow ha! Hahaha

TRISTAN
Haha sus tama na pahinga takbo ulit!

Aktong muli ng mag sisimula si Tristan sa pag takbo ng may biglang bumunggo sa kanya sa
harapan. Mararamdaman nito ang malamig na likido mula sa bitbit ng nakabunggo sa kanya na
aagos sa parteng dibdib nito.

TRISTAN
Oh shit! Hoy ano ba?! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?

Matataranta si Harvey 21, ng makita nitong natapunan niya ng iced coffee ang nabunggo nitong si
Tristan.

HARVEY
Nako pasensya na hindi ko sinasadya.... sorry.. sorry...

Wala itong ibang naisip gawin kundi punasan ang parteng dibdib ni tristan gamit ang panyo
nitong mula sa bulsa.

TRISTAN
Oh ano ginagawa mo! tigilan mo ngayan, lalo mo lang kinakalat eh! (Tatapikin ang kamay ni
Harvey)

RICO
Ahh Tristan.. ok na.. tama na relax lang..

TRISTAN
Relax? Paano ako mag rerelax tinapunan ako ng kape oh?!

RICO
calm down, pwede ka namang mag palit! (Sisingit si Harvey)

HARVEY
(Ibaba ang bitbit na bag)
Sorry talaga hindi ko sinasadya hindi kita napansin agad may kausap kasi ako sa cellphone,
pasensya na talaga...

TRISTAN
Sa susunod," wag tatanga tanga sa pag lalakad!

HARVEY
(Maiinis sa narinig)
Sumosobra kanaman na ata?

TRISTAN
Oh bakit totoo naman ah? Kung dika tatanga tanga hindi mo ako mabubunggo!

HARVEY
Oo kasalanan ko pero wag mo ako tatawaging tanga!

TRISTAN
Wow, so ikaw pa ngayun ang galit?

HARVEY
Eh, sumusobra kana eh!

Gigitna si Rico sa dalawang nag uumpisa ng mag kainitan.

RICO
Oh, oh guys kalma lang! Ang iinit agad ng ulo nyo!
TRISTAN
Eh mas galit pa sya saken eh!

HARVEY
Eh hindi naman ako papayag na tawaging tanga!

RICO
Pwede ba mag si tigil na kayo?! Baka masita na tayo dito oh, ang lalakas ng boses nyo!
(Haharap kay Harvey)
Pasensya kana sa nasabi ng kasama ko nabigla lang 'to kaya nya nasabi yun.

HARVEY
Grabe naman kasi yang kasama mo mag salita, hindi naman tama na pag salitaan nya ako ng
ganun.

TRISTAN
So ano paawa effect?

RICO
Tristan pls lang!

HARVEY
(pilit na kakalma)
Ok. Ok para lang matapos na, sige na kasalanan ko, pasenya na nabunggo kita at natapunan pa ng
kape, kasi HINDI AKO NAKATINGIN SA DINADAANAN KO! Ano masaya kana?
(Dadamputin ang bag at aalis)

TRISTAN
Tumingin ka sa dinadaanan mo ng hindi ka makapurwisyo (pasigaw)

Hindi na papansinin ni Harvey ang pahabol na sigaw ni Tristan at tuloy-tuloy na itong lalayo.

RICO
Grabe ka, maling mali ka dun

TRISTAN
Ako na nga na purwisyo ako pa mali?

RICO
Ibig ko sabihin, mali na pag sabihan mo sya ng ganun

TRISTAN
Teka nga, ako ang kaibigan mo kaya dapat ako ang kampihan mo!
RICO
Exactly kaibigan kita kaya pinag sasabihan kita na mali ginawa mo, Hay nako tama na nga 'to baka
ako pa awayin mo.

TRISTAN
Mabuti pa nga! Umuwi na tayo nawalan na ako ng gana.

INT. ROOM - DAY

Patuloy parin ang pag rereklamo ni Tristan patungkol sa nangyari hanggang pag pasok nito sa
kwarto kasama ni Rico.

TRISTAN
Bwisit talaga! Ka badtrip!

RICO
Oh hindi ka parin tapos?

TRISTAN
Bwisit talaga kasi! Sinira nya araw ko! Imbes na nasa labas tayo ngayon at nag papapawis heto
tayo ngayon nandito sa bahay.

RICO
Well, pabor din naman yun para sakin, mas gusto ko 'to na nandito at nag papalamig.

TRISTAN
Ewan ko sayo!

RICO
Haha so pati ako aawayin mo na? Mabuti pa maligo kana ng lumamig na yang ulo mo.

TRISTAN
Hays sana talaga yun na huling beses na mag kukrus landas namin!

RICO
Malay natin hindi... baka yun pa pala ang simula?

TRISTAN
Pinag sasabi mo dyan!

RICO
Wala! Sige na maligo kana maya maya aalis nadin ako.
Papasok si Tristan sa kwarto para kumuha ng mga gagamitin nito sa pagligo samantalang si Rico
ay igagala ang paningin sa apartment at may mapapansin.

RICO
Alam mo nakailang balik na ako dito pero pansin ko lang wala ka ni isang picture mo na naka
display?

TRISTAN
Para saan? Hindi naman kailangan ng picture ko as validation na ako ang nakatira dito.

RICO
Sa bagay, pwede din pala yun no? Ang isang taong mahalig sa Photography eh wala sariling
picture sa bahay.

TRISTAN
Sus, dami mo sinasabi, sige na maliligo na ako. (Papasok sa bathroom)

RICO
Oh sige aalis nadin ako, Kailangan ko pang i edit yung mga raw pictures natin kahapon, malapit na
deadline nun.

TRISTAN
Ok, sige email mo nalang sakin after.

Pag kaalis ng kaibigan ay agad ng papasok sa bathroom, mukhang ang malamig na tubig ang nag
paalis ng bad mood ni Tristan, ini-enjoy ang pag agos ng tubig sa toned body nito. Maging ang
pag sasabon ay kanya naring ini-enjoy. Mag-iisang oras din siyang nanatili sa loob ng bathroom.

INT. ROOM - NIGHT

Abalang nakatutok sa laptop at inaasikaso ni Tristan ang mga edited photos na sinend sa kanya ni
Rico. Maya-maya ay mag riring ang cellphone, saglit nya itong titingnan at ng makitang ang
landlady ng inuupahang apartment ang tumatawag ay agad nyang sasagutin.

TRISTAN
Hello? Good evening,

Landlady:
Hello Tristan, sensya na at napatawag ako ng ganitong oras,

TRISTAN
Wala po yung kaso, napatawag po kayo? (Magbibiro) sisingilin mo na ba ako sa renta? Hehe
Landlady
Hindi panaman saka alam ko namang hindi kana kailangang singilin dahil good payer ka, anyway
na patawag ako to inform you na meron ka ng makakasama sa room mo, as you requested.

TRISTAN
Oh, talaga po? Kelan po lipat nya?

Landlady
Bukas na ang dating nya, mabait naman kaya siguradong mag kakasundo kayo

TRISTAN
Ayos po yan,

Landlady
Oo kaya sinabihan lang kita para aware ka na dadating na sya bukas

TRISTA
O sige salamat po,

Landlady
Alright, yun lang naman.. o sya sige be ready nalang,

TRISTAN
Sige Salamat.

INT. DAY
Bitbit ni Harvey ang ilang bag at mga kahon na nag lalaman ng mga gamit nito. Ngayon ang araw
ng paglipat niya sa bagong apartment. Nakatayo sa harap ng pinto at ilalapag sandali ang mga
bitbit na kahon. Aware naman siya na wala ang magiging roommate at meron itong sariling susi
kaya dirediretsyo na itong bumukas ng pinto at pumasok. Pag ka pasok ay agad mapapansin na
malinis ang paligid.

HARVEY
Nice mukhang makakasundo ko sya, malinis sa kwarto.

Ilalapag ang mga bitbit na gamit at ilalapag ang ilang kahon sa mesa. Pag mamasdan nito ang
buong kwarto at titingnan ang ilang gamit na nasa mesa.

HARVEY
Ano kaya pangalan niya? Wala manlang mga pictures..

Muli nitong lalapitan ang mga bag at mag uumpisa ng ayusin ang kanyang mga gamit. Isa-isang
inilalabas ang mga gamit mula sa mga bag at kahon at ilalagay sa bakanteng closet. Mauupo ito
saglit at hahanapin ang cellphone sa bag, nang makita ay tatawagan ang mama nitong nasa
probinsya.

Harvey
Hello ma?

Mama
Oh anak ano balita?

Harvey
Nandito na po ako sa bago kong apartment, mag isa lang ako ngayon kasi wala pa po yung ka
room mate ko,

Mama
Mabuti kung ganun.. wag mong kakalimutan ang bilin ko ha?

Harvey
Opo ma, don't worry hindi ko po nakakalimutan lahat ng mga bilin mo sa akin.

Mama
Kaya naman proud na proud ako sayo eh, kasi napaka bait mong bata.

Harvey
Nambola pa oh. O sige ma, itutuloy ko lang po pag aayos ko ng mga gamit ko, update po kita after

Mama
O sige anak, mag iingat palage ha?

Harvey
Opo, Ma... mag iingat ka po palage dyan ha? Wag mong papabayaan sarili mo...

Mama
Wag mo akong alalahanin anak, ang intindihin mo yung sarili mo, ikaw lang ang mag aalaga sa
sarili mo dyan..

Harvey
Basta ma tiis lang po muna tayo.. pangako ko po sayo mag aaral ako mabuti dito! Hindi ko po
sasayangin yung panahon ko dito. Para sa ating dalawa ma.

Mama
Maraming salamat anak,
Harvey
O sige na ma baka mag kaiyakan pa tayo eh, hehe ingat po palage. I love you!

Mama
I love you too anak.

Muling itinuloy ni Harvey ang pag aayos ng mga gamit ng matapos ang kanilang pag uusap.
Aabutin din ng ilang oras ang pag aayos nito ng muling mag ring ang cellphone at sa pag
kakataong ito ay ang bestfriend na si CLAIRE, edad 20 ang tumatawag na agad niyang sasagutin.

Claire
Hooyy bes ano na?!

Harvey
Ito buhay panaman.
Claire
Nasaan kana?

Harvey
Nandito na ako sa bagong apartment

Claire
Really? Oh ano balita? Sa roommate mo? Pogi ba? Yummy ba?

Harvey
Hoy! Ano ba pinag sasabi mo dyan?

Claire
Echosera!! Hay nako since mag kakalapit na tayo ngayun ng apartment, mag kita tayo today!

Harvey
Ha? Eh di pa ako tapos mag ligpit eh

Claire
Hay nako! Makakapag hintay yan besh! Lika na wait ka namin ni GIO! Kita-kits ha? Bye!! (Ibaba
ang tawag)

Harvey
Uy wait lang.... hay nako

Mapipilitang ihinto ni Harvey ang ginagawa para mag bihis ng mapansin ang dalawang maliit na
tupper ware sa loob ng bag, mangingiti ito ng makitang ang paborito Biko ang laman at alam
niyang mama nito ang nag luto at palihim na inilagay sa bag. Maiisip niyang ibigay bilang
pasalubong sa hindi pa nakikilang room mate ang isa. Kukuhain nito ang STICKY NOTE sa bag at
mag susulat

"Hello roommate Harvey here! Sayang hindi pa tayo nag papang abot, anyway ito nga pala Biko
pasalubong galing probinsya! Luto ng Mama ko kaya sana magustuhan mo see you later"

Ididikit sa takip ng tupperware at ipapatong sa mesa.

EXT KALSADA - DAY

Nag lalakad si Tristan habang kausap sa cellphone si Rico, nakasukbit sa leeg nito DSLR at bitbit sa
balikat ang isang bag. Pinag uusapan ng dalawa ang mga pictures sa pinang galingang event.

TRISTAN
O sige bro basta email mo nalang saken after mo ma edit, by Wednesday ang deadline natin
dyan.

RICO (Nasa kabilang linya)

Copy!

Tuloy-tuloy si Tristan ng hindi nakatingin sa dinadaanan ng bigla itong mabunggo sa taong nasa
harapan nito.

Tristan
Ouch! Ahh sorry bro.. hindi ko.... (manlalaki mata ng makita ang nabungo)
Teka..... ikaw nanaman??

Muling magagalit si Tristan ng makitang si Harvey ulit ang naka bunggo nito.

HARVEY
So ano, ako nanaman may kasalanan?

TRISTAN
Sa dinami dami ng pwede kong makasalubong ikaw talaga?

HARVEY
Wow nakaka hiya naman sayo diba?

TRISTAN
Dapat lang na mahiya ka! Dahil binunggo mo nanaman ako!

HARVEY
Remind ko lang sayo ha? Ikaw itong hindi nakatingin sa dinadaanan at ikaw ang bumunggo
sa'ken!

TRISTAN
Ah ewan humanap ka ng ibang kausap! (Mag lalakad palayo)

HARVEY
Tsk tsk Kakaiba talaga ugali! (Pag mamasdan lang si Tristan na palayo)

Hindi pa nakakalayo si Tristan ng dumating sina Claire at GIO, 21 cute na nerd,

Claire
Hello beshy!! Finally nag kita ulet tayo!! (Yayakap at bebeso kay Harvey)
(Mapapatingin sa palayong si Tristan)
Sino yung kausap mo besh? Infairness ha kahit nasa malayo ang gwapo! Boylet mo?

GIO
Grabe talaga yang bibig mo claire hindi mo mapigilan no?

Claire
Bakit masama bang mag tanong?

HARVEY
Yun? Gwapo? Nako kung alam nyo lang, napaka bastos ng ugali!

GIO
Bakit ano ginawa sayo?

CLAIRE
Ay beast mode Gio?

HARVEY
Wag na nga natin pag usapan yun nasisira lang araw ko.

CLAIRE
Ay ok go!!

Mauupo ang tatlo sa isang simentadong silya na marami sa paligid ng mini park na kinaroroonan
nila.

CLAIRE
So ano na besh?? Ano balita sa room mate mo? Pogi ba? Jowable?

GIO
Relax Claire haha

HARVEY
Ewan ko nga dito kanina pa excited eh

GIO
Sabik na sabik sa tsismis haha

CLAIRE
So ano 'to pinag tutulungan ninyo ako? Ganon?

GIO
Eh bakit ba kasi interesado ka sa room mate ng tropa naten (aakbay kay Harvey)

CLAIRE
Eh bakit ba? Syempre kailangan natin kilalanin makakasama ng kaibigan naten!

GIO
Talaga ba?

HARVEY
Nako ewan ko sa inyong dalawa hehe,

CLAIRE
So ano nga?

HARVEY
Wala

CLARE
Huh? Anong wala? Eh akala ko ba may room mate ka?

HARVEY
Ang ibig kong sabihin... wala.. wala akong masasagot sa tanong mo..

CLAIRE
Ang gulo mo besh

HARVEY
Wala ako masasabi kasi hindi ko pa sya na mi-meet! Nung pag dating ko wala sya, then bago ako
umalis papunta dito wala parin sya.

CLAIRE
Ay ganun? So pa mysterious?
HARVEY
Hindi naman, talagang hindi pa kami nag kikita, yun lang

GIO
So ano clear naba Claire? Mabuti pa mag meryenda na lang tayo, try natin yung bagong bukas na
Milktea shop malapit sa apertment ko, tara? My treat!

CLAIRE
Ahhh kung treat mo wala ng tanong tanong lets gow!!

INT. Apartment Day

Pag kapasok ni Tristan sa apartment ay ilalapag lang nito ang mga bitbit at diretsyong mahihiga sa
sofa sa pagod nito mula sa isang event na kung saan sila ang nag photo coverage. Mula sa
kinahihigaan ay mapapansin niya ang mga gamit ng bagong room mate. At isa na nga rito ay ang
tupper ware na nakalagay sa mesa na may nakadikit na sticky note, babangon sa pag kalahiga at
lalapitan ang nakita sa mesa.

TRISTAN
Ano 'to? (Babasahin ang nakasulat sa sticky note)
Naks may pasalubong! Ano kaya to?

(Bubukasan ang tupperware, mangingiti ng makitang ang paboritong biko ang laman)

Wow biko! Ang tagal ko ng hindi nakaka kain nito!

Agad na titikman ni tristan ang bikong pasalubong ng bagong room mate. Habang sarap na sarap
ito sa pag kain ay maiisipan din nitong mag sulat sa stickynote na nakita nito sa higaan ng room
mate.

"Hey room mate! Salamat sa pasalubong! Sakto pang paborito ko ang biko! Tristan here"

Ididikit sa tupperware.

INT. Apartmentt- Night

Papasok si Harvey sa apartment na pagod, didiretsyo sa kusina at kukuha ng maiinom. Mangingiti


ito ng makita ang tupperware na i iwan niya sa mesa bago umalis kanina. Lalapitan at babasahin
ang sticky note na iniwan ng room mate.
HARVEY
Mabuti naman at nagustuhan (nakangiti habang binabasa ang sticky note)

Igagala ni Harvey ang paningin sa buong silid, makikita nito ang bag sa gilid ng higaan at sapatos
na nakatabi sa gilid, maririnig din nito na bukas ang shower sa loob ng bathroom, pala tandaan na
nandoon ang roomate nito.

INT BATHROOM - NIGHT


Tristan's POV

Pag katapos ni Tristan mag shower ay lalabas ito ng bathroom ng naka boxer shorts lang at
walang suot pang itaas. Dahan dahan nitong bubuksan ang pinto habang pinupunasan ng towel
ang basang buhok. Magugulat ito ng makita kung sino ang kasama nito sa loob ng apartment.

TRISTAN
Ha? Ikaw? Anong ginagawa mo dito??!!

Mabibigla si Harvey ng makita si Tristan sa harap nito na naka boxer lang, agad itong
mapapatingin sa mga abs at paakyat sa chest ng kaharap, na agad ding mamapapansin ni Tristan,
mag papanic ito ng maalalang boxer shorts lang ang suot nya. Agad nyang itatapis ang tuwalyang
kanina'y ginagamit nito pamunas sa basang buhok.

TRISTAN
Hoy! Tinatanong kita! Ano ginagawa mo dito!

Biglang mahihimasmasan si Harvey at babawiin ang malagkit na tingin nito sa katawan ni Tristan.

HARVEY
Ha? Ahh ano... wait, ako ang dapat na mag tanong sayo nyan? Ano ginagawa mo dito sa
apartment ko??

TRISTAN
Apartment mo? Ano pinag sasabi mong apartment mo eh dito ako nakatira?! ..... oh shit!! Don't
tell me......

HARVEY
Ha... ahhh .... (muling titingnan ang mga gamit ni tristan sa paligid)
Ikaw si Tristan???

TRISTAN
Ikaw si Harvey.....??!!!
HARVEY
So it means....

Harvey & Tristan


Ikaw ang roommate ko??!!!

You might also like