You are on page 1of 7

Bionote

Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao Sr. o Pacman, (isinilang


noong 17 Disyembre 1978), ay isang Pilipinong propesyunal na boksingero
at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon,[1] nanalo
ng sampung titulo at unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship
sa limang magkakaibang dibisyon[2].
Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng
Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council
(WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses
naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring
at BWAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.[3]
Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight,
Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior
Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon
ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior
Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang
WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super
Champion.
Pinatumba at tinalo na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai
Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel
Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La
Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at
Shane Mosley.
Kasalukuyang nanunungkulan si Pacquiao bilang senador sa
bansang Pilipinas.
LAKBAY SANAYSAY

Dalampasigang Pambansa: Boracay

Dahil sa mga pagpapahayag ng Boracay na ipinakikita ang pangunahing kagandahan nito


na White Sand, karamihan ay naniniwala na ang Boracay ay iisa lamang ang dalampisagan
nito. Ngunit ang White Sand ang sumasakop sa karamihan ng isla, marami din namang
pumapaligid dito tulad lamang ng Diniwid. Halos dalawampung dalampasigan ang makikita
sa Boracay. Pag hahanap ka ng lugar na pananatilian, mahalagang isipin kung saang
barangay at kung saang dalampasigan ka mananatili. Ang White Beach ang pinakapupunta
ng tao, pinakamaraming pagtatatag at pinakamaganda. Nandirito ang karamihan ng
mapagpipilian na pananatilian. Ang White Beach din ang pinakamahabang dalampasigan
na may tatlong istasyon! Ang una’t pangalawang istasyon ay nasa Barangay Balabag at
ang ikatlong istasyon nama’y nasa Manoc-Manoc. Mayroon ding karaniwang
mapupuntahan sa isla ng Boracay, kasama dito ang D’Mall, ang gruta at ibang mga kainan
na masasarap. Sa unang istasyon makikita ang pinakahilagang bahagi ng isla kaya ito
nagiging tahimik kumpara sa ibang bahagi ng isla. Karamihan ng mga tindahan sa isla ay
nakakalat sa ikalawa at ikatlong istasyon. Sa White Beach madaling nakikita ang
napakagandang takipsilim ng isla. Ang Diniwid ay isang maliit na sandbar sa hilaga
ng White Beach. Habang mukhang magkahiwalay ang Diniwid at White Beach, ito’y
magkakonekta gamit ang sementadong daan sa dalimpasagan.
Talumpati Ukol Sa Diskriminasyon

Kung tatanungin ko kayo ngayon, naranasan nyo na bang hamak


hamakin, maliitin, apihin at maging biktima ng diskriminasyon?
Malamang na dahil ito sa kulay ng inyong balat, relihiyon, kalagayan sa
buhay, kasarian, kapansanan, o maging dahil sa edad. Kaya nandito ako
sa sa inyong harapan upang magpahayag tungkol sa mga kalagayan ng
mga nabibiktima ng diskriminasyon, ang mga biktima ng
diskriminasyon ay kadalasan ng takot na makaranas ng mas matindi
pang pang aapi galing sa mga taong walang konsensya at puro
panghusga lamang ang kayang gawin.
Kapag pinahihintulutan ng gobyerno ang diskriminasyon, maari itong
mauwi sa napakalupit na mga gawa gaya ng paglipon sa isang grupong
mga tao at mga di kalahi. Kahit may mga batas ang gobyerno laban sa
diskriminasyon laganap pa rin ito sa ngayon, Kaya nga sa pandaigdig na
deklarasyon ng mga karapatang pantao. Lahat ng tao ay ipinanganak na
Malaya at may pare parehong dangal at karapatan. Silang binigyan ng
budhi at ng kakayahang mag – isip at dapat makitungo sa isa’t isa sa
ispiritu ng pakikipagkapatiran.
Kaya nga sa kabila ng napaka gandang simulating iyan, laganap pa rin
ang diskriminasyon sa buong daigdig. Kaya, totoong hindi natin maalis
ang diskriminasyon sa palibot natin. Pero pwede nating alisin ang
diskriminasyon na posibleng nasa puso natin, Ang pinaka mabisang
paraan para labanan ang diskriminasyon ay ang Edukasyon. Halimbawa,
isinusulat ng tamang edukasyon ang puno’t dulo ng diskriminasyon.
Tutulungan din tayo nito na suriin ang ating saloobin nang mas timbang
at harapin ang diskriminiasyon sa wastong paraan kapag nagging
biktima tayo nito.
Ang Pagong At Ang Matsing (Buod)

Isang araw, may magkaibigang Matsing at Pagong.

Alam ni Pagong na tuso ang kaibigan katulad na lamang noong nakakita siya ng isang
puno ng saging.

Ito'y hitik na hitik sa bunga at masayang masaya si Pagong.

Ngunit namataan din agad ito ni Matsing at agad nitong inunahan si Pagong at inangkin
ang puno.

Hindi pumayag si Pagong sapagkat siya ang unang nakakita sa puno. Dahil tuso,
nakaisip si Matsing ng isang ideya.

"Hatiin natin ang puno Pagong, sa akin ang itaas na bahagi at sayo ang ibabang
bahagi" saad ni Matsing

Pumayag naman si Pagong at nakangising umalis si Matsing dala dala ang puno na
may bunga.

Buong pag aakala ni Matsing ay maiisahan nya si Pagong.

Lumipas ang mga araw ay naubos na ni Matsing ang bunga at namatay ang puno ng
saging.

Dali dali syang naghanap muli ng makakain.

Samantala, ang ibabang bahagi ng puno ay itinanim ni Pagong at lumipas ang mga
araw ay agad din itong namunga.

Nalaman ito ni Matsing na dismayado at gutom na gutom na umalis.

Totoo nga ang kasabihan na "Tuso man ang Matsing, napaglalamangan din"
PICTORIAL ESSAY

Ang aso (Ingles: Dog ; Canis lupus familiaris) ay isang uri ng wangis-aso (canine),


isang uri ng mamalya sa orden ng Carnivora. Ang salitang ito ay nabibilangan ng
parehong mga lagalag (feral) at mga domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi
sinasama ang canids tulad ng mga lobo. Ang mga demostikong aso ay isa sa mga
pinakamaraming hayop na inaalagaan sa kasaysayan ng tao. Naging
kontrobersiyal ang mga aso dahil ito ay isa ring pinagkukunan ng pagkain ng
ilang kultura na kinokontra ng mga aktibistang pang-hayop.
Maraming naitutulong ang mga aso sa mga tao. Ginagamit ng mga pulis at ng
mga gwardya ang aso dahil matalas ang pang-amoy nito at pwede itong
makaamoy ng mga bomba, mga pinagbabawal na droga at iba pa. Ginagamit din
ang mga aso sa pangangaso at sa pagbabantay.
Ang aso ay isa ring popular at sikat na alaga at pwede rin itong gamitin para
magpasaya ng mga tao sa telebisyon at sa mga palabas, sa perya at sa mga sirkus
at sa iba pa. Tinutulungan din ng mga aso ang mga taong may kapansanan lalo na
ang mga bulag. Ang asong Dalmatian ay sikat na sikat dahil nakakatulong ito sa
mga bumbero at marami ding mga lahi ng aso ang sikat katulad ng Golden
Retriever, German Shepherd, Belgian Malinois, Doberman
Pinscher, Chihuahua at Labrador Retriever. Mayroong tinatayang mga 400 na
milyong mga aso sa mundo.

Replektibong Sanaysay
               Para sa isang estudyante napakahirap na mag-aral ng iba’t ibang
paksa sa isang semestre ngunit kahit na ganoon alam ko na pursigido ang
bawat estudyante na matutunan ang itinuturo sa kanila ng kanilang mga
guro dahil alam nila na makakatulong  ito para sa kanilang kinabukasan.

             Ang Pagsulat ay  isang uri ng sining, dito natin makikita kung ano


nga ba ang nais ipahatid at ipasabi ng isang may-akda sa ibang  tao.
Napakalaking tulong ng pagsulat lalo na sa pang-akademiko dahil ito ang
magiging tulay mo para mapatunayan na tama ang iyong sinasabi at
mapanindigan mo ang iyong sinusulat.

           Katulad na lang halimbawa ng Bionote, isa itong uri ng akademikong


sulatin na kung saan makikita natin ang mga karangalan na natanggap ng
isang tao sa buong buhay niya. At pati na rin ang Memorandum, dito sa
sulatin na toh natutunan ko na ginagamit ito upang malaman ng isang tao
kung ano nga ba ang pwedeng talakayin at mangyari sa isang pagpupulong
na magaganap. Ang akademikong sulatin ay may iba’t ibang katangian
batay na rin sa uri ng sulatin na iyong ginagawa at ang madalas na
nagagamit sa akademikong sulatin ay ang Obhetibo, Pormal,
Maliwanag at Orginasado, May paninindigan at Pananagutan . 

      Isa sa mga nagustuhan ko sa akademikong sulatin ay ang Posisyong


Papel , dahil dito makikita natin na kailangan ay puro tama ang iyong
sinasabi na kailangang tanggapin ng nakararami at higit sa lahat ay
mabigyang katarungan ang mga opinyon mo sa ibang
tao.Ang Akademikong Sulatin  ay isang uri ng sulatin na kung saan
naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon mapa-personal man o
pang-akademiko ito.

Abstrak
Tinututukan ng pag-aaral ang mga epekto ng Standardized Testing sa mga
mag-aaral ng Humanities and Social Sciences 11 ng Unibersidad ng San
Carlos- South Campus. Nakasaad din dito ang uri ng pagpapatupad ng
Standardized Testing, posibilidad na alternatibo nito at ang mga layunin
nito.

Tinitipon ang mga datos sa pag-aaral sa pamamagitan ng Interval Scale


Sarbey, na may katanungang masasagot sa pamamagitan ng Frequency
Scaling. Nakuha ang average ng bawat salik ng pangunahing epekto sa
pamamagitan ng Average Scaling. Sinusuportahan ng pag-aaral na ito ang
Multiple Intelligence Theory at Multliteracies Theory.

Natuklasan na nagdudulot ng stress at anxiety ang Standardized Test ayon


sa nalakap na datos sa HUMSS 11-D. Sa kabilang banda, nagpapatibay din
ito ng Critical Thinking. Pabor ang mga respondents na hindi epektibo ang
Standardized Testing at nangangailangan ito ng alternatibong panukat ng
kaalaman para sa mga mag-aaral.
Iminumungkahi ng pag-aaral na ito ang pagsasagawa ng pagtataya ng
opinyon ng mga estudyante sa iba pang mga paaralan tungkol sa mga
epekto ng standardized tests, bumuo ng mas matibay na kaligirang
teoretikal at pagbuo ng mga epektibong timeframe.

You might also like