You are on page 1of 4

Carl Vincent Tamayo susi ng Peyups kay

LeBron Lopez
Abante News January 22, 2023
ADVERTISEMENT

LUMIPAT na si dating Gilas Pilipinas member Francis ‘LeBron’ Lopez sa University of the
Philippines Fighting Maroons para sa pagsabak sa University Athletics Association of the
Philippines (UAAP) men’s basketball tournament.
Inanunsyo nitong Sabado ng Diliman-bassed squad ang pagbingwit sa 19-anyos, 6-foot-
7 wingman pagkaraang maglaro ng dalawang taon sa Ateneo de Manila University Blue
Eagles sa high school.

Nakita pa ang manlalaro sa selebrasyon sa kampeonato ng Eagles sa 85th UAAP 2022


men’s hoops nang maungusan ang Fighting Maroons nung Disyembre.

Maraming nag-aakalang aakyat si Lopez sa ADMU college squad kasunod ng


pagkakakuha kay Fil-Australian Mason Amos, pero naging malaking impluwensya para
sa pagbabago ng isip niya ang panghihikayat ni dating UP forward at Korean Basketball
League-bound Carl Vincent Tamayo na lumipat siya.

Sa post ng Nowhere to Go but UP, ipinakita ang video na magkasama sina Tamayo at
Lopez sa Gilas Pilipinas squad, ang naging hudyat ng pagkumpirma ng desisyon na
kinumpirma na rin ng player.
ADVERTISEMENT

Nagpahayag din si Lopez kay UP team manager Agaton Uvero na lubusang


naapektuhan ang karera niya sa basketball dulot ng pandemya.

“My basketball path has been unpredictable the past 2 years as I finish my high school
education. Life has thrown curveballs and a few distractions that has made me a
stronger & better person,” aniya, na pinasalamatan naman si Tamayo sa desisyong
paglipat niya sa UP. (Gerard Arce)

You might also like