You are on page 1of 8

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Division of Capiz
District of Cuartero
AGCABUGAO ELEMENTARY SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit Sa Filipino- V

Pangalan: _______________________________________Baitang: _______ Petsa:

A. PAKIKINIG: Pakinggang mabuti ang kwento na babasahin ng guro at sagutin ang


sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang magkapatid sa kuwento?


a. Aaron at Sharlin b. Ana at Maria
c. Ara at Shara d. Ava at Shania

2. Saan naganap ang kuwento?


a. sa bahay ng mag-anak b. sa simbahan
c. sa palengke d. sa paaralan

3. Bakit hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang?


a. dahil malakas siya b. dahil tinatamad siya
c. dahil nanghihina siya d. dahil may pupuntahan

4. Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid?


a. sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang nanay
b. sa pamamagitan ng pagmamalupit ng kanilang magulang
c. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ng kanilang magulang
d. sa pamamagitan ng pangyayari sa kanilang nanay nang minsan itong magkasakit

5. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ibaba


a. Nagkasakit si Aling Tasiang.
b. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid.
c. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak.
d. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay.

a. b-d-a-c b. c-a-d-b c. c-d-a-b d. b-a-d-c

Panuto: Pag-aralan ang mga graph na makikita sa ibaba para sa tanong (6-10)

6. Ano ang tawag sa grap na ipinapakita sa itaas?


A. bar grap B. larawang grap C. linyang grap D. pie grap

7. Batay sa grap, alin sa mga asignatura ang may pinakamataas na


resulta sa NAT?
A. English B. EPP C. Filipino D. Math

8. Alina ng may pinakambabang resulta na asignatura?


A. English B. Science C. Filipino D. Math

9. Ano ang tawag sa grap na ipinapakita sa itaas?


A. bar grap B. larawang grap C. linyang grap D. pie grap
10. Ano ang may pinakamataas na bahagdan sa kanilang family budget?
A. pagkain B. damit c. renta d. edukasyon

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


bawat bilang sa tulong ng paglalarawan. Hanapin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______1. Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila kung mamili.
_______2. Bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng ligtas na kapaligiran kung
kaya’t tumutulong sila sa pagbabantay ng paligid.
_______3. Iba’t ibang sakit ang dulot ng polusyon tulad ng hika at sakit sa baga.
_______4. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa recycling kaya’t pamilyar na siya sa
paraan ng pagsasagawa nito.
_______5. Sa tulong ng mga humihikayat ay nagawa naming maisama siya sa
mga gawaing pangkalikasan.

A. bunga B. humihimok C. maramihan


D. gusto E. alam na alam

Panuto:suriin angmga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung ang


pangngalang may salungguhit ay pambalana, pantangi,
tahas, basal o lansakan.
__________1. Umaapaw sa kaligayahan ang aking puso sa iyong ibinalita.
__________2. Si Ginoong Reyes ay mabait at mapagbigay sa mga
nangangailangan.
__________3. Binigyan ako ng aking anak ng isang dosenang rosas.
__________4. Ang aking mga kaibigan ay masayang naglalaro sa bakuran.
__________5. Bumili ako ng isang kahong tubig.
Panuto : Isulat sa patlang kung ang mga panghalip na may salungguhit ay panao, pananong,
pamatlig o panaklaw.
__________1. Lahat ng kaklase ko ay pupunta sa aking kaarawan.
__________2. Ilang piraso ang bibilhin mo?
__________3. Maganda ang bulaklak na ito.
__________4. Sinamahan namin siya sa bahay ng kanyang lola.
__________5. Sino-sino ang mga kasali sa palabas?

Panuto:Ibigay ang katumbas na baybay-Filipino ng mga sumusunod


na hiram na salita.
Hiram na salita Baybay-Filipino
taxi
basketball
cake
ballpen
driver

Panuto: Aling sanggunian ang gagamitin kung nais mong malaman ang sumusunod na
mga impormasyon? Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Diksiyonaryo ensayklopidya, atlas, tesawro,

almanake/almanac peryodiko

1. kahulugan ng isang salita ________________________________


2. natatanging tradisyon ng isang bansa ________________________________
3. kasingkahulugan ng isang salita ________________________________
4. mapa ng buong Asya ________________________________
5. balitang isports ________________________________

Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang paksa nito.


1. Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing
dadalaw kami sa kanila. Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis at kalabasa sa
kanilang likod-bahay. Iginigisa niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet
kapag hinahaluan ng kaunting bagoong. Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang
gustong-gusto namin ang ulam na ito.
Paksa: ____________________________________________

2. Anong kulay ang madaling makita? Maraming tao ang nag-aakalang pula. Ngunit dilaw
ang kulay na pinakamadaling makita maging sa malayo. Madaling kayong makikita ng
sinuman kapag kayo ay nakadilaw. Magsuot ng dilaw kapag naglalakbay. Isuot ang kulay na
ito bilang pag-iingat.

Paksa: _________________________________________
Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat sa bawat teksto.
1. Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang klase. Matataas ang kaniyang marka. Mahusay siya sa
lahat asignatura. Kapag recess naman, hindi siya nakikipagkuwentuhan habang kumakain, sa halip,
nagbabasa at pinag - aaralan ang kanyang mga leksiyon.

Pamagat: ____________________________________________

2. Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Halos kalahati ng ating
populasyon ang nagsasabi na nabibilang sila sa isang maralitang pamilya. Dahil dito, kinalap namin at
pinagsama-sama ang ilang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa kahirapan. Mayroong mga
halimbawa rito ng pormal at di-pormal na uri ng sanaysay. Nawa ay makatulong sa inyo ang
koleksyong ito at mangarap ng mas mataas para umasenso sa buhay.

Pamagat: ____________________________________________________
Panuto: Ayusin ang mga pangungusap upang mabuo ang pabulang ―Ang Lobo
at ang Ubas, Isulat ang mga pangungusap sa kahon.

Tiyak na maasim naman ang ubas na iyon,‖ sabi ng lobo


sa sarili.
Inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo.
Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na
bunga. Napagod ang lobo at sumuko na rin sa wakas.
Lumundag nang paulit-ulit ang lobo upang sakmalin ang
ubas.
Malungkot na umalis palayo sa puno ang lobo.

Ang Lobo at ang Ubas

1..
2..
3..
4..
5..
Panuto: Ibigay ang datos na hinihingi sa ibaba.
IMPORMASYONG PAMPAARALAN

Paaralan: -_______________________________________________

Taong Panuruan: ________________________________________

Pangalan: ____________________________________________

Edad: ___________________ Baitang: ___________

Kapanganakan: Petsa:________________________

Lugar: ___________________________________________________

Pangalan ng mga Magulang:

Ama: _______________________________________________________

Ina: _____________________________________

Lagda ng Mag-aaral

_-------------------------------------

Prepared by:

VICKY S. ROBLES
T-III

ANG MAGKAPATID
Ni Sharon H. Manuel

Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina
Aron at Sharlin.
Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang
pamilya. Lahat ng pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-
asawa. Pinalaki nila nang puno ng pagmamahal ang magkapatid.
Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking
parang aso’t pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming
bagay laro na sa mga laruan at sa gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang
magalit. Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.
“Aaron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang
nag-aaway. Dapat kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano
na lamang kung wala na kami ng tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong
dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling Tasiang.

Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama
upang maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling
Tasiang dahil nanghihina siya.
Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na
muna ng itlog upang sila’y makakain habang wala pa ang kanilang ama.
“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aaron kay Sharlin.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang
gumawa,” patuloy na sumbat ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aaron.
Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa
kanyang higaan upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at
walang anu-ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang
makabangon. Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-
magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang
mga magulang.

__________

__________________________

_________

__________________________

___________

__________________________

You might also like