You are on page 1of 2

Department of Education

Region – VI Western Visayas


Division of Capiz
District of Cuartero
AGCABUGAO ELEMENTARY SCHOOL
Agcabugao, Cuartero, Capiz
Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)– 6

Pangalan: ________________________________________________Petsa: ___________ Score: ___________

I. Tama o Mali. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
________ 1. Matulog nang tama sa oras upang maging masigla ang katawan kinabukasan.
________ 2. Ang paggamit ng brush sa buhok ay nakapagpapakintab nito.
________ 3. Sikaping magbawas ng dumi nang makalawahan.
________ 4. Nakakatangal ng amoy sa paa ang pagbababad sa maligamgam na tubig na may asin.
________ 5. Dumadalaw lamang sa dentist kapag namamaga ang ngipin.
________ 6. Maghanda ng bilog at matabang na karayom kung magsusulsi ng damit
________ 7. Maglaan ng oras minsan sa isang taon upang ayusin ang lagayan ng sapatos.
________ 8. Inaayos ang mga damit ayon sa kanilang uri at hindi ayon sa kulay ng mga ito.
________ 9. Mas mahirap tanggalin ang mantsa kapag pinatagal bago ito bago labhan.
________ 10. Magpalit ng damit panloob isang beses sa tatlong araw.
________ 11. Mas magtatagal ang mga damit kung pagalian itong paplantsahin.
________12. Huwag gamiting pamunasan ng pawis o sipon ang suot na damit.
________13. Isabit sa pako ang damit na gagamitin pa.
________14. Tiyaking tama ang luwag at haba ng damit upang maiwasan ang pagkapunit nito habang
gumagalaw.
________15. Ilagay ang hinubad na damit sa cabinet upang di mangamoy sa loob ng kuwarto, ilabas lamang
kapag lalabhan na.

II. Gamitin ang mga simbolo upang sagutan ang mga nakalahad.
A. A - kung gawain ng isang ama B - kung gawain ng bunso
I - kung gawain ng isang ina L - kung gawain ng lahat ng kasapi sa pamilya
P - kung gawain ng panganay
________16. Siya ang tagapamahala at pangunahing nangangasiwa sa tahanan.
________ 17. Siya ang pangunahing tagadisiplina sa mga anak.
________ 18. Sa kanya ibinibigay ang pinakamagagaan na gawaing bahay.
________ 19. Siya ang sumusubaybay sa mas nakababatang kapatid.
________ 20. Siya ang tumutugon sa tungkulin at pananagutang nakaatang sa kanya.

B. LIGTAS - kung ang pahayag ay panuntunang pangkaligtasan at


LUSOG - kung ang pahayag ay panuntunang pangkalusugan
________21. Maglaan ng lalagyan para sa mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.
________22. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
________23. Bunutin ang plug ng mga appliances sa bahay kung hindi ginagamit.
________24. Isara ang regulator ng kalang de-gas.
________25. Bumisita sa doctor sa pangkalahatang check-up minsan isang taon.

C. UHA - kapag di tama ang pamantayan sa pag-aalaga ng sanggol at


HAHA - kapag tama ang pamantayan nakasaad
________26. Hugasan ang mga bote at tsupon gamit ang chlorox upang malinis ang mga ito.
________27. Gatas ng ina pa rin ang pinakamainam na pagkain ng mga sanggol.
________28. Ihanda ang lahat ng kailangan ng sanggol bago ito paliguan.
________29. Piliting ipaubos ang gatas sa sanggol kahit ayaw na nito upang hindi masayang.
________30. Palitan kaagad ang lampin ng bata kapag ito ay nabasa.
________31. Piliting gisingin ang natutulog na sanggol kung oras ng paligo nito.
________32. Hayaan ang sanggol sa posisyon kahit gaano pa ito katagal kapag natutulog.
________33. Gamitan ng matitingkad na kulay na damit ang sanggol upang maging kapansin-pansin.
________34. Karaniwang dalawang oras ang pagitan ng pagpapasuso sa bagong silang na sanggol.
________35. Alamin kung katamtaman na ang init ng tiplang gatas ng sanggol sa pamamagitan ng pagtikim
nito.

III. Panuto: Lagyan ng (√) ang patlang kung ang sumusunod ay tama at ekis (X) naman kung mali.
______1. Gamitin nang buong ingat ang mga kagamitan at kasangkapang may talim.
______2. Hugasan mabuti ang kamay pagkatapos gumawa sa halaman.
______3. Hayaan nakakalat ang mga kasangkapan sa paghahalaman.
______4. Lagyan ng takip ang ilong at bibig habang nagbobomba ng mga pamatay kulisap o peste.
______5. Linisin at itago sa isang lugar ang mga kagamitan at kasangkapan

IV. Pagtatapat - tapat:


Panuto: Pagtapatin ang Hanay A sa mga Hanay B. Isulat lamang ang titik.
HANAY A HANAY B
______1. Abonong gawa mula sa mga organikong bagay tulad ng damo, a. regadera
tuyong dahon at dumi ng hayop.
______2. Parihabang sukat ng lupang taniman. b. tulos at pisi
______3. Ginagamit na pandilig ng mga halaman. c. Humus
______4. Mga halamang gumagapang d. dulos
______5. Ginagamit sa paghahakot at paglilipat ng lupa sa ibang lugar. e. piko
______6. Ginagamit na panggabay at paglilipat ng lupa sa ibang lugar. f. kamang taniman o
vegetable plot
______7. Ginagamit na pampatag ng lupa at pag-alis ng mga malalaki at g. talong, petsay at labanos
matitigas na tipakng lupa. h. kalaykay
______8. Ginagamit sa paghahalo ng lupa, dumi ng hayop at patabang
organiko.
______9. Ginagamit sa pagbungkal ng lupa sa paligid ng halaman g. kartilya
______10. Ginagamit sa pagdurog ng matitigas na lupa at paghuhukay j. pala
ng mga ugat at batong malaki. k. ampalaya, ube at sitaw

You might also like