You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas

Taysan High School


and Child Development Center
Taysan, Batangas

UNANG MARKAHAN
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA E.P.P. IV

Pangalan______________________________PANGKAT___________ Iskor:_______

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng tela na may kamahalan bilhin sapagkat ito ay mula pa sa bahay uod ang
mga hibla.
a. Koton c. Sintetiko
b. Seda d. Linen
2. Ito ay isang paraan ng pagtitinggal ng pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng preserbatiba
tulad ng asin, asukal at iba pa upang hindi masira ang mga ito ng organism at baktirya naninira
sa mga pagkaing hilaw at iba pang uri ng pagkain.
a. Pag-aasin c. Pag-iimbak
b. Pagpapatuyo d. Pagmamatamis
3. Pagkaing niluluto sa kaunting mantika o langis. Karaniwang nilalagyan ito ng bawang, sibuyas
at kamatis upang lalong sumarap ang anumang lulutuin.
a. Pagmamantika c. Paggigisa
b. Pagpapasingaw d. Pag-iihaw
4. Ang mga pagkaing nagbibigay________ ay sagana sa carbohydrates, langis at taba.
a. Lakas o Go Foods c. Pagkaing nagpapasigla o Glow Foods
b. Pagkaing nag papalaki o Grow Foods d. Wala sa nabanggit
5. Inutusan ni Aling Vane si Maddie na paliguan ang bunso nilang si Kimberly . Alin-alin ang
dapat niyang ihanda?
a. batya,sabon, at tubig
b. batysa, siyampu, at bimpo
c. batya, tubig, bimpo, at sabon
d. batya, sabon, tubig, bimpo,siyampo at tuwalya
6. Ang ____ ang siyang pangunahing naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya.
a.Kapatid c. Ina
b. Ama d. Lola
7. Ito ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao,
a. Pagkain c. Cellphone
b. Laruan d. Papel

8. Ang mga pagkaing galing sa hayop ay ang karne ng baboy, baka at manok ay nabibilang
sa_______.
a.Lakas o Go Foods c. Pagkaing nagpapasigla o Glow Foods
b. Pagkaing nag papalaki o Grow Foods d. Wala sa nabanggit
9. Ito ay paraan ng pagluluto ng pagkain sa pamamagitan ng singaw na galing sa kumukulong
tubig.
a. Pagpipirito c. Pagmamantika
b. Pagpapasingaw d. Paggigisa
10. Ito ay telang likha ng tao, hindi tulad ng ibang tela, ang mga hibla nito ay galing sa iba’t
ibang kemikal na dumaan sa makina.
a. Seda c. Sintetiko
b. Koton d. Linen.
B. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang salitang
TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang pangungusap ay mali.

_________11. Kagatin o basain ang ng laway ng laway ang dulo ng sinulid kapag isusuot ang
karayom
_________12. Ang pananahi sa kamay ay isang kapaki-pakinabang at kawili-wiling gawain.
_________13. Ang pag- iimbak ng pagkain ay isang makabuluhang gawain na makatutulong sa
kabuhayan at kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak
________ 14. “Ang Kalusugan ay Mayaman” panatilihin natin ang kalinisan
ng ating katawan upang tayo ay makaiwas tayo sa sakit.
________15. Walang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapat sundin upang
maiwasan ang anumang sakuna
________16. Iligpit kaagad ang mga kagamitan pagkatapos gamitin
________17. Mahalaga matutunan ng isang mag-aaral ang kaalaman at kasanayan sa pananahi sa
kamay.
________18. Maaring magamit nang matagal ang mga damit kung ito ay iingatang Mabuti
_______ 19. Ang ama ang ilaw ng tahanan
C. Isulat ang titik ng tamang sagot na tumutugon sa isinasaad na sitwasyon.

A. Pangangailangan
B. Materyales at Kagamitan
C. Kakayahan at Kasanayan sa Paggawa
D. Hilig o Interes

_____20. Dapat marunong ka na makabuo ng isang proyekto sa takdang- oras at panahon na


iyong ibibigay.
_____21. Isaalang-alang ang halaga, ng uri at kung ito ay makikita sa inyong pamayanan. Ito ay
mura subalit matibay at maganda ang uri.
_____22 Dapat ay gusto mo at masaya ka sa iyong ginagawa.
_____23. Dapat isaisip ang kapakinabangan ng tatahiin o proyektong gagawin kung ito ang
makakatulong sa pansariling pangangailangan o sa pampamilyang pangangailangan.

D.Lagyan ng titik A- G ang hakbang ayon sa wasto nitong pagkakasunod- sunod.


Paghahanda ng Sinulid sa Karayom
_______24. Bilutin ang isang dulo ng sinulid sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ng kanang
kamay hanggang sa ang dulo ay tumulis.
_____25. Ihanda ang karayom na may wastong haba at laki. Ihanda rin ang sinulid na angkop
ang kulay sa telang tatahiin.
_____26. Hawakan ng kaliwang kamay ang karayom at ng kanang kamay ang sinulid. Isuot sa
butas ng karayom ang Matulis na dulo ng sinulid.
_____27. Putulin ang sinulid sa habang 18 hanggang 25 pulgada. Ang tama haba nito ay
hanggang siko.
_____28. Palabasin ang buhol sa tulong ng hinlalaki at ng pagitnang daliri
_____29. Paikutin ang simulid nang marahan subalit mahigpit sa may harapan ng dulo ng daliri
Ipagpatuloy ang pag-ikot hanggang sa makabuo ng silo.
_____30. Hayaang mahaba ang isang dulo ng Panahi kung isang hibla lamang ng sinulid ang
nais gamitin, Pagpantayoin ang dalawang dulo kung dalawang hibla ng sinulid ang nais gamitin.
E.Panuto: Hanapin sa loob ng kahon kung anong iba’t ibang gawaing kamay sa
paghahanda ng pagkain ang sinasaad ng bawat pangungusap.

Pagdidikdik Paghihiwa
Pagdadays Paghihimay
Pagtatalop Pagkakabyaw
______31. Paghihiwalay sa maliit na piraso ng manok, langka, isda o karne gamit ang kamay.
______32. Pagdudurog ng pagkain tulad ng paminta, ,mani at balat ng hipon sa pamamagitan ng
almires
______33. Pag-aalis ng balat sa pamamagitan ng kutsilyo
______34. Paghihiwa ng pakuwadrado
______35. Pagpuputol-putol nang manipis na may pare-parehonglaki sa pamamagitan ng
kutsilyo.
F. Iguhit sa loob ng kahon ang inilalarawang gamit sa pananahi
36-37 Ang kuko ay di dapat pantulak sa pananahi lalo na kung ang gamit ay panggitnang daliri.
Maliligtas sa sakuna kapag ito ang ginamit,

38-39. Ginagamit ng sastre na pansukat sa lalake, Gayundin ang modista na pansukat sa babae,
Laging kaingatan sa paggamit tuwina, Upang ang pagsukat, tiyaking walang sala.

40-41. Likas sa mga bata ang malikot sa kasangkapan, Basta na lamang kukunin o kaya’y
hahawakan, Kung kahong panahiam, mayroong kang tabihan sa oras ng papananahi’y
Madali mong pakikinabangan.

42-43 Likas na metal kapag nahawakan, Madaling kalawangin kapag pinawisan, ito ang gamitin
upang malunasan, Aspili’t karayom na kinakalawang.

44-45. Gamit sa pananahi, pangkamay o makina, Gumawa ng butas


upang magdikit ang tela, kahit baguhang mananahi’y magiging mahusay ka, kapag ang
ginamit mo’y Matulis at may tasa.
46-50. Bakit mahalaga ang pananahi?

Inihanda ni:
VANESSA G. RAMOS
Guro
Inihanda para kay;
RHANDELL M. GUIRRE LPT, PhD.
School Principal

You might also like