You are on page 1of 2

SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD

LAKAN DULA ELEMENTARY SCHOOL


MAYNILA

LAGUMANG PAGSUSULIT
SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (HOME ECONOMICS)
IKALIMANG BAITANG

MGA TUNGKULIN SA SARILI

I. Isulat sa puwang ang titik ng wastong sagot.

_____ 1. Ang may sira o punit na damit ay kailangang sulsihan o tahiin _____ labhan.
a. bago c. habang
b. matapos d. sa katawan
_____ 2. Ang koton, walang kuwelyo, at manggas na damit ay angkop sa panahon ng _____.
a. tag-lamig c. tag-init
b. tag-ulan d. pantulog
_____ 3. Ang uniporme ay kailangang _____.
a. matibay c. di-kumukupas
b. madaling plantsahin d. lahat ng nabanggit
_____ 4. Ang panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay likas na nagaganap kaya kailangang tanggapin
ng _____ sa kalooban.
a. maluwag c. may poot
b. mabigat d. may suklam
_____ 5. Ang pagdating ng buwanang dugo o regla ay nadarama ng isang
a. nag-aaral c. nag-aasawa
b. nagbibinata d. nagdadalaga
_____ 6. Ang bagong tuli ay dapat na iwasan ang sobrang paglalakad, paglalaro o kaya ay
a. pagtulog c. paglilikot
b. pagsasayaw d. pamamahinga
_____ 7. Upang gumaling agad ang sugat ng bagong tuli, langgasin ng kumukulong _____.
a. dahon ng bayabas c. dahon ng pandan
b. dahon ng saging d. dahon ng kalamansi
_____ 8. Ang angkop na damit pamasok ay _____.
a. uniporme c. bestida
b. jogging pants d. walking shorts
_____ 9. Ang tastas ay nilililipan, ang butas ay tinatagpian, ano ang ginagawa sa punit?
a. sinusulsihan c. tinatagpian
b. tinatapon d. nilililipan
_____ 10. Ang haba ng sinulid kung nananahi sa kamay ay abot _____.
a. tuhod c. talampakan
b. siko d. baywang
Test II. Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong ugali; Mali kung di wasto.
_____ 11. Sa panahon ng pagreregla gumamit ng tissue paper upang di matagusan ang panty.
_____ 12 Ibalot nang maayos sa isang papel ang ginamit na pasador at itapon sa basurahan nang
maayos.
_____ 13. Magpalda kung bagong tuli kahit may maluwag na shorts.
_____ 14. Hugasan ng dahoon ng kamias at sampalok ang sugat sa pagtuli.
_____ 15. Mag-ehersisyo at maglibang sa mga ka-edad na bata.
_____ 16. Magtala sa kalendarong pansarili ng unang araw ng pagdaloy ng regla at huling araw nito.
_____ 17. Sa mga babae, dapat iwasan ang madalas na pakikisalamuha sa mga lalaki ng walang
mabuting dahilan.
_____ 18. Ikunsulta sa doktor ang mga di-karaniwang karamdaman sa panahon ng pagreregla.
_____ 19. Ang mga pagbabago sa katawan ng nagbibinata at nagdadalaga ay normal na dapat
pangalagaan at di dapat ikahiya.
_____ 20. An tungkulin ay dapat gampanan, ang karapatan ay dapat ipagwalang bahala

Test III. Ibigay ang paraan ng pagkukumpuni sa mga sumusunod na sira ng kasuotan. Pumili ng sagot sa
mga sumusunod: Pagsusulsi, Pagtatagpi, Pagpapalit, Paglililip

21. tastas
22. punit
23. sirang pansara
24. butas
25. nawawalang pansara
Test IV. Ibigay ang wastong sagot ng mga hinihingi ng tanong

26-28. Uri ng Sira sa Kasuotan


26.
27.
28.

29-32. Uri ng Pansara


29.
30.
31.
32.

33-35. Kagamitan sa Pananahi


33.
34.
35.

GOODLUCK! 
m/e/p/b
01.16.17

You might also like