You are on page 1of 2

Trisha B.

Teoc

G-10 THUCYDIDES

PANGARAP NA BISIKLETA
‘’Sa bawat pagpadyak ko saaking bisikleta, tunay na saya ang aking nadarama’’ Isang
sorpresa ang bumungad kay Tony noong ika-pito niyang kaarawan, hindi makapaniwala si Tony
sa sorpresang inihanda ng kanyang mga magulang. Tila ba ay naparalisado ang kaniyang
katawan at hindi makagalaw sa kinatatayuan nung makita niya ang isang bisikleta, ito ay asul at
may napakaangas na disenyo. Sa unang salang ni Tony sa bisikleta ay natumba ito at napaiyak
dahil nasaktan, hindi niya inaashan na ganon pala kahirap magaral mag-bisikleta . Halos sumuko
na si Tony dahil nahihirapan siya magbalanse sa bisikleta. Umulit siya ng umulit ngunit hindi
niya talaga kaya, sa kadahilanan na nahihirapan siya magbalanse. Buti na lang ay tumatak ang
sinabi ng kanyang tiyohinna isa rin na napakagaling na siklista, na hinahangaan niyang tunay
‘’Ang buhay ay parang pagbibisikleta, kailangan mong magpatuloy para hindi matumba at
bumagsak, at kung babagsak ‘man ay ay tumayo at magpatuloy muli sa buhay’’ wika nito sa
kanya. Ito ang nagsilbing inispirasyon kay Tony na magpatuloy sa pagaaral ng pagbibisikleta. Sa
awa naman ng Diyos ay natuto siyang magbisikleta, tuwang tuwa si Tony sa kanyang sarili dahil
hindi niya inaasahan na makakaya niya ito.

Dumating ang mga araw na nagsimula na siyang sumali sa mga paligsahan. Hindi siya
palagiang natatalo, hindi rin palagiang nananalo ngunit hindi ito naging sagabal sa kanyang
pagiging siklista. Tumungtong na siya sa edad na disiotso (18) patuloy pa rin siya sa
pagbibisikleta. May magaganap na isang kompetisyon sa kanilang barangay na may tema na
‘’bayk tayo pre’’ na kung saaan ay magkakarera sila ng kapwa nila siklista na ang mananalo ay
makakatanggap ng 5,000 piso. Si Tony ay matagal na nag ensayo para rito, at ito na nga ang
pagkakataon para ipakita nag kanyang galing sa pagbibisikleta. Nagsimula na ang kompetisyon
dahil nga sa kagalakan, si Tony ay nahuli ng kaunting segundo sa pagpadyak, kaya naman nahuli
siya at napunta sa laylayan ng karera. Ngunit sa kalagitnaan naman ay nakaabante siya at
nalampasan ang ibang kalaban, nasa pangalawang posisyon na siya at ang nasa unahan naman
niya ay ang kanyang pinsan, ito ay magaling din sa pagbibisikleta at palaban din, ang pangalan
niya ay si Wacky. Napakainit ng gitgitan sa pagitan ni Wacky at Tony at dahil nga sa katatagan
at pagpupursigi ni Tony. Naunahan niya si Wacky at itinanghal siyang panalo.

Nasa entablado na siya para parangalan, ibibigay na ang tropeyo sakanya nang,
biglang may liwanag na tumama sa kanyang mga mata at ang mga tinig na tila ba ay gumigising
sa kanya ‘’Anak gising na, umaga na’’ sabay bigay sa kanya ng saklay. At dito niya napagtanto na
panaginip lang pala ang lahat. Ang asul na bisikleta, ang tropeyo at ang mga padyak niya. Hindi
napigilang umiyak ni Tony at mapaisip na tanging pangarap lamang pala sa katulad niya ang
pagbibisikleta.

You might also like