You are on page 1of 1

Ika-2 ng Hunyo 2021

G. Jesus Reyes
Lot 16 Block 114, Old Sta. Mesa ZIP Project
482 Ipil-ipil Street
Old Sta. Mesa, Manila

G. Reyes,

Ito ay bilang tugon sa inyong ipinadalang liham sa tanggapan ng aming


General Manager noong ika-25 ng Mayo 2021patungkol sa inyong
kahilingang makakuha ng kopya ng Subdivision Plan partikular sa inyong
lote.

Bilang pag-alala, kayo po ay sumagguni na sa aming tanggapan ng


San Juan-Mandaluyong District Office noong ika-21 ng Mayo 2021 upang
idulog ang nasabing kahilingan. Kayo po ay nakausap ng kinatawan ng aming
Technical Unit at pinayuhan na kumunsulta sa serbisyo ng pribadong
Geodetic Engineer. Nais po naming ipabatid muli na ang lahat po ng
benepisyaryong may ganitong kahilingan ay aming pinapayuhan na
sumangguni sa nasabing pribadong Geodetic Engineer na siyang
kwalipikadong makapagasagawa ng tamang pagsusukat upang
makapagbigay ng Subdivision Plan na siya naman pong ipapaapruba sa
tanggapan ng Department of Natural Resources – Land Managament
Bureau (DENR-LMB).

Mangyari po lamang na makipag-ugnayan ang inyong makukuhang


pribadong Geodetic Engineer sa aming tanggapan para sa kanyang
kakailanganing mga dokumento hinggil sa pagsusukat.

Para sa inyong kabatiran at lubos na pang-unawa. Maraming salamat.

Lubos na gumagalang,

DANIEL R. COCJIN
OIC – Manila District Office
West Sector, NCR

Binigyang sipi: OGM-PUBLIC ASSISTANCE DESK


National Housing Authority Main Office

You might also like