You are on page 1of 1

Ginintuang Pagdiriwang

Refrain
Ginintuang Pagdiriwang
Hubileyong pinagyaman
Yabang/ Yaman/ Yabong/ Yakag
Sama-samang paglalakbay

Taas noo batanguenyo, isulit ang iyong buhay


Sa pagpapala ng Diyos bukod tangi syang gabay
Sa paglilingkod sa kapwa at pagbuo ng simbahan
Bukas-palad, tibay loob, mukha ng Diyos pinamalas
Refrain

Sa simula pa biyaya N’ya tinanggap mo’t pinagyabong


Ibinahagi sa iba higit mo pang pinagyaman
Pinag-ugnay niyakap mo hanggang lahat ay mayakag
Sa piling ng ating Diyos at sa Birhen ng Caysasay
Refrain

Halina batanguenyo sama-samang ipagdiwang


Gininutang Hubileyo, papuri’t pasasalamat
Walang sawang isiwalat ang lahat ay nagaganap
Pagkat Diyos ay dakila nagmamahal sa’ting lahat
Refrain

Aleluy, DIyos ay dakila


Kapit-bisig Batanguenyo, aleluya
Aleluya, Diyos ay dakila
GIninutang Hubileyo isiwalat sa buong mundo

You might also like