You are on page 1of 3

Anchor: Lea

*** = sound insert


(effects) = sound insert pero iba

Ito ang numero unong radyo ng pangmasang pilipino ***

hatid ang balitang serbisyo para sa pagbabago*** 107.5 sa inyong mga radyo,***

ito ang Radyo Ng Sambayanan (effects) Magandang araw pilipinas,

magandang araw bayan ng Mabini.

Ako ang inyong lingkod bayan (John Nicholas Roe)***

at ako naman ang inyong kabalitaan (Jeanrose Soriano),

ito ang Radyo ng Sambayanan (effects). Sa ulo ng mga nagbabagang balita *** pekeng pera
kakalat ngayong pasko***

Maling ‘middle name’ ni Bantag sa subpoena, krusyal sa kaso? ***

Pulis – Caloocan ,sinentensiyahan sa pagtorture at pagtatanim ng ebidensya (effects)

Una sa balita Philippine National Police o PNP pinag iingat ang publiko laban sa pagkalat ng
pekeng pera ngayon kapaskuhan, para sa mga detalye narito si (Lea Camille Villanueva) ***

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel. Jean Fajardo, kailangan na maging maingat ang
lahat partikular ang mga mamimili at pakikipag-transaksiyon sa palengke at mga shopping malls.
“Nagpapaalala ang PNP na mag-ingat po tayo sa ating mga transaksyon kapag tayo ay namimili
sa mga palengke, mall, lalung-lalo na sa ganitong pagkakataon na marami tayong mga balikbayan
na uuwi at may bitbit na mga remittance,” ani ni Fajardo. Inaasahang maraming magbabalik bayan
ngayong Pasko, paalala ni Fajardo na magpapalit lang ng kanilang pera sa mga authorized money
changer upang hindi sila mabiktima ng panloloko.Pinayuhan din ng opisyal ang publiko na bumili
na ng mga regalo nang mas maaga upang hindi makipagsiksikan o sumabay sa holiday shopping
rush. Nauna nang pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang publiko na sipatin nang
mabuti ang pera upang malaman kung ito ay peke o hindi.( Lea Camille
Villanueva)nagbabalita(effects).

Sa ibang balita, Krusyal umano sa kinakaharap na mga kasong murder ang pagkakamali ng
Department of Justice o DOJ sa paglalagay ng ibang “middle name” sa inisyu na subpoena para
kay suspended Bureau of Corrections Director Gerald Bantag. Para sa mga detalye narito si
(Anna Mitzi Diez)***,

Sa preliminary investigation kahapon, itinuro ni Attorney Rocky Balisong, abogado ni Bantag, ang
pagkakamali sa subpoena nang sa halip na Gerald “Quitaleg” Bantag, ang nakalagay dito ay
Gerald “Soriano” Bantag.”It is fatal because it refers to 2 different individuals. Definitely Gerald
Bantag y Soriano is not our client. It is Gerald Bantag y Quitaleg,” ayon kay Balisong sa panayam
ng mga mamahayag.Pati umano ang subpoena na sinerve sa Caloocan ay ganun din ang
nakalagay.Pero pinasubalian naman ni Senior assistant state prosecutor Charlie Guhit ang
pananaw ni Balisong. Iginiit niya na hindi “fatal” o krusyal ang pagkakamali na naitama naman
umano kaagad kahapon.Sinabi rin ni Roy Mabasa, kapatid ng biktimang si Percival Mabasa, na
nakita na niya ang pagkakamali sa subpoena ilang araw na ang nakalipas nang isang listener ng
kaniyang kuya ang magturo sa kaniya nito. Sa kabila nito, naniniwala pa rin umano siya na
ginagawa ng mga prosecutor ang tama(Anna Mitzi Diez) nagbabalita (effects).

Salamat (Anna Mitzi Diez) nagbabaga parin ang mga balita sa pagbabalik ng radyo ng
sambayanan.
(Before commercial)

Kapag gusto mo ng tamang simula dapat mag great taste white kana with coffee at sweet cream
na tamang timpla sa smooth and creamy siguradong Ganado ka, smooth and creamy great taste
white. Ganado ka to face the day with smooth and creamy great taste white.

At Nagbabalik po ang Radyo ng Sambayanan***

Sa ibang balita, Makalipas ang may limang taon, hinatulang guilty ng Caloocan City Regional
Trial Court o RTC, ang isang pulis kaugnay sa pag-torture at pagtatanim ng ebidensya sa
dalawang nasawing teenagers na naganap sa umano’y madugong drug war ng nagdaang
administrasyon, para sa mga detalye narito si (Adrian Baculo Bacay)***

Sa desisyon na inilabas ng Public Attorney’s Office nitong Miyerkules, napatunayan ng Caloocan


City RTC Branch 122, na guilty si Patrolman Jeffrey Perez sa mga kasong isinampa rito na
nagsanhi sa kamatayan ng mga biktimang sina Carl Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman, may
limang taon na ang nakakalipas. Hinatulan siya ng korte sa paglabag sa Section 4 at 14 ng
Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009 laban kina Arnaiz at De Guzman. Napatunayan
din ang ginawa niyang pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition
Regulation Act sa kaso ni Arnaiz. Sinentensiyahan siya ni Presiding Judge Rodrigo Pascua Jr. ng
reclusion perpetua o hanggang apat napung-taon na pagkabilanggo sa pag-torture kay De
Guzman at pagtatanim ng ebidensya sa kaso ni Arnaiz.Iniutos din ng korte kay Perez na bayaran
nito ang mga naulila nina Arnaiz at De Guzman ng isang milyong piso bilang moral damages at
exemplery damages na isang milyong piso o kabuuang dalawang milyong piso sa bawat pamilya
ng bawat isang biktima. Magugunitang si Perez kasama ang kanyang kabaro na si Patrolman
Ricky Arquilita kaugnay sa kasong pag-torture at pagtatanim ng ebidensiya sa dalawang nasawing
biktima. Si Arquilita ay nasawi sa bilangguan sa hinihinalang hepatitis B noong Abril 2019. Naging
kontrobersiyal ang kaso kung saan nagkaroon pa ito ng pagdinig sa Senado.( Adrian Baculo
Bacay) nagbabalita.
At yan po ang mga nakalap na balita sa araw na ito muli ito po ang inyong lingkod
(Jeanrose Soriano) at ako naman po si (John Nicholas Roe). Lahat po ay panatilihan ang
kaligtasan sa papalapit na kapaskuhan (xmas effect) ito po ang Radyo ng Sambayanan, 107.5
(effects).

You might also like