You are on page 1of 2

Aldrin Noel O.

Hernandez

IV-Len

Mga Bugtong

1. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

-Zipper

2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

-Anino

3. Kung kailan ko pa pinatay ay saka pa humaba ang buhay.

-Kandila

4. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.

-Unan

5. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.

-Ilaw

6. Nang sumipot sa malinawanag, kulubot na ang balat.

-Ampalaya

7. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

-Gamu-gamo

8. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

-Gumamela

9. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

-Banig

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

-Kubyertos
11. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

-Langka

12. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.

-Payong

13. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

-Kasoy

14. Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona.

-Bayabas

15. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

-Kamiseta

16. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

-Gunting

17. Buto't balat lumilipad.

-Saranggola

18. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

-Posporo

19. Nagbibigay na, sinasakal pa.

-Bote

20. Heto na si Bayaw, dala-dala'y ilaw.

-Alitaptap

You might also like